Followers

Thursday, January 2, 2014

ROOFTOP 1: Rooftop For Rent



CHAPTER ONE: ROOFTOP FOR RENT
BY: TIN FABIAN

Eric

Alam mo thoughtful si God, hindi man lahat ng gusto ko ay pinagbibigyan nya, hindi naman siya nakakalimot na bigyan ako ng mga right set of people na aalalay sa buhay ko sa mga oras na kaylanganin ko sila. Pero ang hinding hindi ko makakalimutan at lubos na ipinagpapasalamat sa kanya ay yung time na nakilala kita at pagkakataon na maging parte ka ng buhay ko.
Eric, natatandaan mo pa ba noong una tayong magkita? Nakaupo ka non at binabasa mo ang favorite mong libro, ngayong naalala ko, hindi ko parin pala alam kung ano ang title ng librong yon.
Naniniwala ako sa tadhana Eric, naniniwala ako na hindi basta bata nag-krus ang ating mga landas.
Eric kung nasan ka man ngayon... gusto kong malaman mo na naghihitay parin ako... sa rooftop... kung saan sinumulan nating mangarap para sa isa’t isa.

Art

Art Dizon

Eric, natatandaan ko pa ang unang araw na nagkita tayo. Kahit na labing pitong taon na ang nakalilipas, nakakatuwang isipin na parang kaylan lang nangyari ang lahat.
August 4, 1996 habang ang buong pilipinas ay naghahanda at nagaabang na masungkit ng boksingerong si Mansueto “Onyok” Velasco ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics, laban sa bulgariang boksingero na si Danel Petrov, ako naman ay daig pa ang nanalo sa lotto, hindi kay Onyok, pero dahil sa wakas, pagkatapos ng 3 buwan na pakikipagkulitan at pagmamakaawa, napapayag ko narin ang aking mga magulang na sa Maynila na humanap ng mapapasukang trabaho.
Katatapos ko palang noon ng kursong Fine Arts major in Advertising sa isang state college malapit sa aming lugar. Hilig ko talaga ang designing lalo na ang advertising, wala naman sa pamilya namin ang magaling magdrawing o kaya naman nasa idustriya ng advertising, pero siguro kakambal lang talaga ng pangalan kong “Art” ang pagkahilig ko dito, simula pagkabata kasi kinakitaan na ako ng mga magulang ko ng interest dito, nakakatawa nga eh.., minsan kinukwento nila sakin na mas pinapanood ko pa daw ang mga commercials kesa sa totoong palabas sa TV at madalas pag nagpupunta kami ng palengke o kaya naman ng mall sa bayan, mahilig akong mangolekta ng mga brochures o pamplets. Di rin nakakaligtas sakin ang mga clippings sa dyaryo lalo na pag nagandahan ako sa concept o kaya naman sa design.
Naging supportive naman ang mga magulang at mga kapatid ko sa ginusto kong kurso, kaya kahit kapos kami sa pera, pinag-aral parin nila ako sa kabila ng pagiging magastos na kurso ng Fine Arts.
Hindi naman ako nagpabaya sa pagaaral at dahil narin gustong gusto ko ang pinagaaralan, naging suma cummlaude ako ng aming batch. Pero kasabay ng pag-graduate ay ang katotohanan na hindi ko makakamit ang mga pangarap ko kung magpapatuloy akong mag stay sa probinsya. Walang opurtunidad para sakin dito, Oo meron mga small time design firm sa aming lugar at marami ding mga naghahanap ng graphic artist na kadalasan gumagawa ng mga invitation o kaya naman streamers. Pero mataas ang pangarap ko, gusto kong magtrabaho sa isang sikat na Advertising Agency at makagawa ng mga magagandang ads ng mga sikat na brands.
Alam kong kung pakikingan mo ito tiyak na matatawa ka sakin Eric, pero anong magagawa ko, eto ang pangarap ko, at kung hindi dahil dito, hindi tayo pagtatagpuin ng tadhana.
Kaya naman nabuo ang desisyon ko na makipagsapalaran sa Maynila. Pakiramdam ko kasi mas malalapit ako sa mga pangarap ko kapag nakarating na ako doon, katulad ni Mark Lenin, ang nagiisa kong best friend sa probinsia.
1st Year college palang kami noon ng magdesisyon ang kanyang mga magulang na lumipat ng maynila, syempre nakakalungkot, kaso ganon talaga eh. Pero hindi naman natapos doon ang aming pagkakaybigan, madalas ay nagsusulatan kami sa isa’t isa, pag bakasyon o merong special na araw tulad ng birthdays, fiesta o kaya naman pag trip nya lang, umuuwi sya sa probinsya.  hindi sya nakalimot Eric.
Pero ang labis na pinagsisisihan ko ay hindi ko nagawang mapagtapat ang nararamdamang pagibig para sa kanya bago siya umalis ng aming bayan. Noong time kasi na’yon, sariwa pa sakin ang mga ala-ala ni Jason, ang lalaking lubos na nagpatibok ng puso at minahal ko ng sobra-sobra.
Eric, alam mo naman ang lahat lahat sakin diba? Kahit na ang aking totoong pagkatao. Oo, nerd ako kung titignan, malapad at malaking eyeglasses, naka pumadang buhok, daig ko pa nga si Jose Rizal sa ayos ng buhok eh,  sa unang tingin hindi mo aakalain, pero ang totoo, ibang ang preference ko pagdating sa pagibig, sabihin na nating hindi siya common, na kokonti lang ang nakakaintindi.
Anyway pumayag sya na sunduin ako sa bus station sa Manila at ihatid sa bahay ng Tita ko na pansamantala kong tutuluyan habang naghahanap ng murang apartment na malilipatan, nag alok din si Mark Lenin na sa kanila nalang ako pansamantalang tumuloy dahil mag-isa lang naman siya sa tinutuluyang condo, pero hindi na ako pumayag dahil narin siguro sa hiya at isa pa, bilin ni Tatay na doon ako kina Tita manuluyan muna para narin sa ikakapanatag ng loob nya.
Kung dati lagi kong pinipilit ang sariling bumangon pagkatapos ng mahabang tulog, noong araw na’yon kusang bumangon ang excited kong katawan, dali dali kong inayos ang pinagtulugan, naghilamos, at nagsipilyo. Napalingon ako sa aninag ng araw na pilit pumapasok sa bintana, medyo madilim sa loob ng aking kwarto kaya dali dali kong binuksan ang mga ito, nagliwanag ang buong kwarto, napatigil panandalian, nakita ko kasi ang mga naka empake kong mga gamit, ngayon lang nagiging totoo sakin ang lahat, ang totoo medyo nalulungkot din ako sa pagalis ko, ma mimiss ko ng sobra sobra etong kwarto ko at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa lugar na’to. 
Magdadrama pa sana ako ng biglang may kumatok sa pinto.
“Art! Art! Gising ka na ba?” si Ate Apple ang panganay saming magkakapatid. “Meron kang tawag, long distance, si Mark Lenin.” Duktong nya.
Dali dali kong pinagbuksan si Ate Apple...
“Talaga ate?” Excited kong salubong.
“Oo!” sagot naman ni Ate Apple sabay bigay ng wireless phone sakin.
“Hello Best!” excited kong bungad.
“Best! Happy Morning!” sagot naman sa kabilang linya.
“Happy Morning Best! Napatawag ka?”
“Confirm ko lang kung tuloy ka ngayon.”
“Oo naman Best! Tuloy na tuloy!”
“Hehehe Halata nga, sige hintayin nalang kita sa Isarog bus station ng 8pm, papasok na kasi akong work ngayon, see you tonight!”
“Wow best workaholic ka talaga 6 palang ng umaga!”
“Loko! traffic kasi kaya kailangan maaga akong pumapasok, basta hihintayin nalang kita sa bus station kung magkaproblema pwede mo akong tawagan sa opisina, alam mo naman number sa office right?”
“Opo kaso nakakahiya, bakit kasi hindi ka pa bumili ng pager para dun nalang ako mag-memessage sayo!”
“Best, alam mo namang kasisimula ko pala sa work di ko pa kayang bumili ng ganyang mga bagay”
Kilalang kilala ko itong si Bestfriend Mark Lenin, ang totoo hindi lang talaga mahilig si Best sa mga ganong klaseng mga gadgets, kung tutuusin sa yaman ng kanyang mga magulang easy lang na makukuha nya ito pareho kasing nagtatrabaho bilang doctor sa isang sikat na hospital sa Maynila ang mga magulang ni bestfriend.
“O sya sige Best, baka ma late ka pa mamayang gabi nalang ah!” paalam ko sa kanya.
“Oo naman Best, dinner muna tayo then hatid kita sa bahay ng Tita mo”
“Sige, ingat Best!”
“Ikaw din Best, ingat!”
Nang naputol ang linya mas dumaloy ang excitement sa dugo ko, di ko maiwasang ngumiti na parang baliw, doon ko naman napansin na katabi ko pa pala si Ate Apple.
“ARU! Ano kaya ang pinagusapan nila bunso at besfriend nya at abot hanggang tengga ang ngiti ngayon!” panunukso nito habang kinukurot ang pisngi ko.
“ATE! MASAKIT!” saway ko “Syempre! Susunduin nya ako dun sa bus station sa Manila, malamang excited ako!” sarkastiko kong sagot kay Ate.
“O sya sige, nakahanda na ang almusal, tatawagin ko nalang sina Ate Bon at Ate Potchie mo, mauna ka na, nandoon na sina Mama at Papa.”
“Sige po Ate” akmang aalis na sana ako ng biglang...
“Art sandali..” dali daling naglabas ng pera si Ate Apple mula sa kanyang wallet at dahan dahang nilagay sa bulsa ng aking panjama.
“O eto bunso, pandagdag, pagpasensyahan mo na medyo matumal kasi sa pagtitinda ng mga gulay, hayaan mo papadalhan pa kita pag nakalwag luwag”
“Naku Ate! Hindi ka na dapat nagabala, binigyan narin ako kagabi nila Mama at Papa saka sobra sobra na ang nagastos nyo maituloy ko lang ang plano kong ito, nahihiya narin ako pati si Diana pinagbili nyo”

Eric, kung ang ibang bata merong mga alagang aso o pusang kinalakihan, sakin naman isang kalabaw... si Diana.
“O magdadrama ka na naman, naaalala mo na naman si Diana, hayaan mo na, si Mang Eddie lang naman ang bumili para sa sakahan nya, isa pa sabi naman ni Mang Eddie pwede mo doon dalawin si Diana.”
“Nakakamiss lang kasi Ate”
“Aruuu! E iiwan mo nga kami dito eh! Masanay ka na!” “Sige magalmusal ka na.”
 Sabay sabay kaming nag almusal noong araw nayon, si Papa walang bukang bibig kung di ang pangalan ni Onyok at kung gano ka liyamado ito sa laban, si Mama naman walang tigil sa kabibilin tungkol sa mga dapat kong gawin pag nasa Manila na, si Ate Apple naman mga tips kung pano kumuha ng trabaho, at ang dalawa ko pang kapatid na sina Ate Bon at Ate Potchie, walang tigil sa pangiinis sakin at pagsabing wala na silang kukulitin pag nawala ako.
Matapos mag-agahan, dahil naka impake narin naman ako, inihatid na ako ng aking pamilya sa Bus Station.
“Ang daming tao!” sabi ni Ate Bon pagkababa sa sasakyan.
“O, anak basta pag dating mo doon trabaho muna, wala munang girlfriend girlfriend!” si Mama
“Aba! Eh pagbabawalan mo ang anak nating mag girlfriend eh ka gwapo nitong anak natin!” si Papa
“Oo! Kaso kung papalitan nya lang salamin nyang napakakapal at aalisin tong sobrang outdated na buhok na laging naka pumada!” biro ni Ate Potchie habang ginugulo ang buhok ko.
“Basta anak kahit ilang girlfriend pa yan, kahit nga bigyan mo na ako ng apo pagbalik mo mas maganda!” dagdag na biro ni Papa sakin.
“Pete! Tumigil ka! Bata pa iyang si Art!” saway ni Mama kay Papa.
“Wag kang magalala Mama, good boy yang si Art, diba Art!” si Ate Apple sabay kindat sakin.
Ang totoo Eric noong time na iyon, hindi pa alam ng pamilya ko ang tunay kong kasarian o preference pagdating sa pakikipag relasyon, siguro kung me nakakahalata man o alam na talaga kung sino ako, si Ate Apple yon, pero hindi nya ako tinanong, lagi nyang sinasabi na kung ano man ang gusto kong sabihin sa kanya, maiintindihan nya. Pero ako ang hindi pa handa, siguro hiya narin kaya mas pinili kong manahimik, kahit sa loob loob ko gusto kong pagsigawan ng bading ako, na lalaki ang gusto ko.
“O pano anak, aalis na kami, kaylangan naming habulin ng mga kapatid mo yung paninda natin para bukas, kung mamaya pa namin pupuntahan baka hindi na kami pansinin dahil nanonood na ng laban ni Onyok!” biro ni Mama, pero bakas na mukha nya ang pagkalungkot pero pinipilit nitong mag-biro.
Isa-isang yumakap at nagpaalam ang aking mga kapatid at magulang, nagulat nalang ako na ako nalang magisa kasama ang mga bagahe ko. Nakaalis na sila Mama. Eric doon ko naramdaman ang matinding lungkot at takot, kung kanina sobrang excited ko, noong mga panahong iyon, kabaligtaran ang naramdaman ko.
Tumawag ako ng isang kargador para tulungan akong ipasok sa waiting area ang mga bagahe ko. Dahil punong puno ang bus station, napunta ako sa dulong upuan sa waiting area.
Mainit at siksikan sa waiting area lahat nagkakagulo, me mga taong nagkukwentuhan at mga guard na pilit sinasaway ang mga pasaway na pasahero.
Matapos kong ayusin ang mga gamit at naging komportable sa kinauupuan, doon ko na naramdaman agad ang pagka-homesick. Di paman nakakalipas ang isang oras namimiss ko na ang mga magulang at kapatid ko.  Finally, parang sampal na bumalik sakin ang lahat, nagsimula ng magbago ang buhay ko, mula sa pagiging dependent, isa na ako ngayong independent....
Pilit kong pinakalma ang sarili ko, kahit nangingilid na ang mga luha ko pilit kong inaliw ang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid sa paligid. Pilit tinatanong ang sarili na ang mga tao sa loob ng bus station nayon, katulad ko ay may mga kanya kanyang dahilan kung bakit pinili nilang umalis saming probisya.
Magmo-moment pa sana ako ng me isang lalaking dumaan sa harap ko. Dahil sa liit ng pagitan ng mga bangko sa waiting area pilit niyang siniksik ang sarili para makarating sa bakanteng upuan na nasa tabi ko lang.
Di ko na sana siya titignan at papadaanin nalang sana ng biglang nagsalita ito.
“Excuse me...”  suyo ng lalaki.
Di ko alam pero merong kakaiba sa boses nito na nakaagaw ng atension ko at napatingin ako.
Isang matangangkad na lalaki na naka black na leather jacket at gitarang sakbit sakbit sa kanyang likuran, kikilatisin ko pa sana ito ng bigla itong pumihit patalikod sa akin at hindi sinasadyang tumama ang gilid ng kanyang gitara sa mukha ko.
Dahil sa lakas ng impact ng gitara niya sa mukha ko, panandalian akong natulala nang...
“Shit!” sigaw ko ng mapasing dumudugo ang aking labi, dahil katabi lang ng kinauupuan ko ang restroom, dali dali akong pumunta dito sapo sapo ang dugong tumatagas sa labi ko.
Kahit mahapdi dali dali kong tinapat ang labi ko sa tubig na lumalabas sa gripo, takot ako sa dugo Eric, kaya naman nung mga oras na iyon parang hihimatayin na ako.
Matapos ang walang katapusang  ilang minuto, tumigil na sa pagdurugo ang labi ko, dali dali akong kumuha ng tissue at dinampi ito sa sugat. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin, namamaga ang labi ko, mukha nakong wasted. Dun na kumulo ang dugo ko, kaya naman dali dali akong lumabas sa restroom at tinumbok ang dati kong upuan kung saan katabi ang lalaking nakabunggo saking labi.
Pero laking gulat ko ng nakita ko ang lalaki ng komportable sa pagkakaupo nya habang nagbabasa ng libro, hindi man lang nag effort na sundan ako para humingi man lang ng sorry.
Pero ang pagkainis ay napalitan agad ng pagkamangha, doon ko napansin ang buong itchura at kakaiba nitong porma.
Astig, mala Bon Jovi ang buhok nito sa haba, maputi at masasabi mong matangkad kahit na nakaupo ito, di ko din maiwasang isipin na isa siyang musikero dahil sa dala dala nitong gitara (na tumama sakin) na nakalagay sa isang black sleeve na punong puno ng sticker sign na peace.
All black ang porma nito, black leather jacket matching with black shirt na may nakasulat na “Talk to the Hand”, skinny jeans, studded bracelet, merong tunnel earing at black eyeliner. Kung iisipin mo hindi siya yung usual na lagi mong nakikita, siguro sa TV pwede pa, para kasi siyang member ng isang heavy metal band at puting face paint nalang ang idagdag mo... isa na siya sa international band na KISS.
Pero sa kabila ng lahat, kitang kita parin dito ang pagka magandang lalaki nito, parang kahit anong gawin niyang ayos eh gwapo parin. Yung tipong maiintimidate ka kapag sinubukan mong lapitan at kausapin ito, na ikaw ang magmumukhang pulubi pag pinagtapat kayo.
Eric... iyon ang una kong impression sayo... antipatikong rakista.
Dali dali mong sinarado ang librong binabasa ng mapansin mong nasa gilid lang ako. Bigla kang napatayo sa iyong kinauupuan, gusto ko nong tumawa Eric, para ka kasing nakakita ka ng multo, taranta at di alam ang gagawin.
“Pre, kamusta na, sorry kanina...” lalapit ka pa sana sakin ng bigla ako gumalaw sa aking kinakatayuan patungo sa upuuan ko.
Imbes na sumagot ay sumimangot ako at inirapan ka, ang totoo kasi Eric kumukulo parin ang dugo ko sayo sa oras na iyon dahil sa nangyari.
“Malamang hindi” bulong ko sa aking sarili ng makaupo.
“Pre, pasensya na talaga, hindi ko naman sinasadya.”
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko sa mga oras nayon at hindi ako makasagot sa pag so-sorry mo Eric, siguro me halo din kasing hiya, inumpisahan ko kasi sa pagtataray at ikaw naman parang boyfriend na nagmamakaawang patawarin.
Akalain mo yon Eric, umpisa palang ng pagkikita natin gumagana na ang pagiging creative ko, at inisip ko pang mag boyfriend tayo.
Wag kang tumawa, alam kong ngumingisi ka na ngayon habang binabasa to, alam ko hindi tayo talo kaso iyon talaga ang iniisip ko noong mga panahong yon.
Siguro me isang oras din tayong akward sa isa’t isa ng biglang me nag-annouce na mededelay ang bus na sasakyan ko papuntang Manila.
Nanlumo ako sa naging annoucement dahil sa kailangan ko pang magtiis ng tatlong oras sa loob ng bus station na punong puno ng mga tao, masikip, amoy araw at napakaingay. Syempre mas tatagal pa ang akward moment ko sayo.
“Pre, sa Manila ka din ba papunta? Mukhang matatagalan pa yung bus natin.”
Di ko alam kung pano mag rereact sa narinig, ang buong akala ko kasi sa ibang lugar ka patungo Eric yun pala sa Manila din at magka-bus pa tayo.
Sumimangot nalang ulit ako sa tanong mo.
“Hanggang ngayon ba galit ka sakin?” medyo tumaas ang boses mo.
Alam kong napipikon ka na sakin non Eric kaya imbis na sagutin ka mas pinili ko nalang igala yung paningin ko sa buong station, baka kasi hindi ko din mapigilan sarili ko, makipagsagutan ako sayo.
Habang ginagala ko paningin ko na focus attention ko sa aleng inaaway ang guard sa may entrance ng waiting area, kahit na hindi ko maintindihan kung anong pinaguusapan nila, dinig na dinig mo ang alingawngaw ng bibig nito. Kawawang guard dahil ginagawa niya lang ang kanyang trabaho.
“O! Tignan mo iyon!” bigla mo na namang singit. “Pareho na kayo ni Ate, busangot queen, akala ata nya me masosolve ang pagtataray, ang hindi niya alam pinapahiya nya lang ang sarili sa ginagawa.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi mo Eric kasi tagos sa puso ang mga sinabi mo, kaya naman lalo pang akong nairita sayo.
“O! Parang lalo ka atang nainis sakin, totoo ba? Diba dapat kung totoo hindi ka magagalit kasi totoo naman, at kung hindi man totoo hindi ka parin dapat magalit kasi hindi naman totoo.”
At tinamaan na naman ako sa sinabi mo Eric, ang totoo dito ka magaling, sa pagpapa-realize ng mga bagay na nakaka-guilty.
Dahil sa mga sinabi mo naging sobrang akward na ng situasion, ngayon lang kasi ako nakakita ng taong sobra kung makakonsyensya. Sa totoo lang kahit si Bestfriend Lenin hindi ako makuhang konsyensyahin kahit ako naman talaga ang merong kasalanan, kahit sa bahay ako ang inaamo.
Sa mga gantong panahon di ko maiwasang maipakita ang pagkainis at pagkapahiya ko, namumula ang buong mukha ko.
Akala ko bu-bwelo ka pa ng biglang kinuha mo ang iyong gitara at inalis ito sa sleeve.
“Nakakainip, okey lang ba?” tanong mo sakin habang pumoporma na tipong tutugtug.
Di na ako nagsalita, di narin ako sumimangot, parang ibig ko nalang sabihin ay “Bahala ka” tutal napahiya na naman ako.
“Sige dahil mukhang malaki atraso ko sayo, I dedicate this first song sayo, tama na simangot ah, di mo bagay” malumanay mong sinabi, siguro napansin mo narin na napagod nako sa pagtataray.
At sinimulan mong i-strumm ang iyong gitara para sa intro ng iyong kanta, sa isip ko dahil wala naman akong choice kung hindi pakinggan ang iyong pagtugtug, mukhang pamilyar ang kanya, hanggang sa nagsimula ka ng kumanta at sa wakas nahulaan ko kung ano ito.
Smile – Charlie Chaplin
Smile though your heart is aching
Smile even though it's breaking.
When there are clouds in the sky
you'll get by.
Napatingin ako sayo sa mga sandaling iyon, doon ko narealize kung gano ka special at hindi basta bastang aspiring rockstar o feeling rockstar. Eric siguro sa mga sandaling iyon, hindi ko man maamin dati, pero ako siguro ang naging kauna unahan mong die hard fan.
Para akong nakikinig ng isang actual recording ng isang kanta ng isang sikat na singer. Pero ang mas kinamanha ko ay ang kakaibang rendition mo dito Eric. Halatang me influence ka ng rock pero at the same time faithful sa original version.
Napakarami ko na sigurong napakinggang cover ng kantang ito upto this point pero yung kinanta mong version noong araw na iyon Eric, ang tumatak sa puso’t isipan ko.
If you smile through your pain and sorrow
Smile and maybe tomorrow
You'll see the sun come shining through
For you.
Napansin ko na biglang tumahimik ang buong waiting area, nagulat nalang ako ng mapagmasdan ang mga tao sa loob nito ay nakikinig na pala sa kinakanta mo. Kahit ang sanggol na kanina pa iyak ng iyak napatahan mo.
Light up your face with gladness,
Hide every trace of sadness.
Although a tear may be ever so near
That's the time you must keep on trying
Smile, what's the use of crying.
You'll find that life is still worthwhile-
If you just smile.
Eric matapos mong sabihin ang huling word ng kanta nangilabot ako, speachless, pero naputol ito ng biglang umalingawngaw ulit ang ingay sa buong waiting area, pero this time sa palakpak at paghanga sayo ng mga tao doon.
Nagulat nalang ako ng marealize ko na me kumpulan na ng mga tao sa kinauupuan natin, excited kang binabati.
Kahit pinagkakaguluhan ka na at kahit mukha nalang ang nakikita ko sayo dahil pinagitnaan na tayo ng mga tao humarap ka pa sakin noon at kinindatan ako.
Sorry sa pagiging nega pero hindi ko alam kung bakit mo ginawa iyon, parang more on sign ng pagaangas ang ginawa mo sakin na parang “Galing ko no!”
Doon ako nakakuha ng pagkakataon para mapunta sa harapan ng waiting room, harapan means panguna ka rin na sasakay sa bus, tutal pinagkakaguluhan ka naman nila Eric kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makalipat ng mauupuan.
Isa, dalawang oras ang nakalipas at tuloy ka paring kumakanta Eric, siguro dahil narin sa dami ng mga request ng tao sayo, kahit yung Ale kanina na nagtataray maaliwalas na ang mukha at parang besfriend na sila ng Guard na kaa-kaaway niya kanina.
Naririnig ko parin man ang boses mo kahit malayo, siguro Eric mas lalo pa akong humanga sa iyo non dahil, akalain mo napapalibutan ka na ng mga tao, mainit at amoy araw pero patuloy mo paring pinagbibigyan ang mga request sayo.
Maya maya pa dumating na ang bus, dali dali akong tumawag ng kargador para sa mga malalaki kong gamit, ng masecure namin ang mga gamit ko sa compartment ng bus dali dali na akong pumasok pero laking gulat ko ng kumpulan na ang mga pumapasok na tao. Pilit kong siniksik ang sarili papasok ng bus, nakapasok ako pero laking gulat ko ng nakita na puno na ang bus sa loob, meron akong nakitang bakante sa likuran kaso mahihiluhin ako, pero wala na akong choice kaya doon na ako umupo.
Pero hindi ko paman naaayos ang sarili sa pagkakaupo nakita kita Eric na pumasok ng bus, kinakawayan ng mga tao at kinakamayan habang sinasabing “Idol”. Bigla kang napatingin sa direksiyon kung saan ako nakaupo at kinawayan ako. Napabalikwas naman ako sa kinauupuan ng mag pangabot ang mga mata natin.
Ang totoo umaasa ako na tatabihan mo ako noon kaya lang nasa kalagitnaan ka ng bus habang nakatingin sa kinauupuan ko ng merong isang babae na hinarangan at kinausap ka. Eric hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan ninyo pero kita ko na interesado sayo ang babae. Nagpangabot ulit ang ating mga mata noon pero umiwas nalang ako kaagad, pagbalik na mata ko sa pwesto mo nakita kong nakaupo ka na sa tabi ng babae.
“Chickboy!” bulong ko sa sarili ko.
Hindi aircon ang bus, pinili ko ito kasi mas mahihilo ako kung malamig, hindi ko din alam kung bakit pero mas kumprotable ako sa walang aircon. In the end, nakatabi ko si Manong na merong dala dalang bigkis ng mga manok, isa nakalagay sa karton, siguro panabong na manok at dalawa naman na nakatali at hawak hawak nya.
Hindi naging kumportable ang unang dalawang oras ng byahe dahil sa mga manok na mayat maya pumipiglas at tinatamaan ako ng mga pakpak nito mabuti nalang agad na bumaba si Manong sa unang bus stop.
Ang buong akala ko magiging kumportable na ang nalalabing oras ng byahe ng pumalit naman ang isang babae na sobrang lusog, para kaming pinitpit sa dulo, lalo na ako na katabi nya, damang dama ko ang mga naglalakihan bilbil nya, halo hindi na ako makahinga. Di ko maalala pero parang nakita kong lummingon ka Eric sa pwesto ko ng mga oras na iyon, nakita pa kitang ngumingisi at umiiling kahit na gilid lang ng mukha mo ang nakikita ko dahil sa nakaharang na mga bangko.
Inisip ko na baka sa susunod na busk stop kung hindi man bababa ang babae me ilang mga aalis na sa likod ng bus kung saan ako nakaupo para naman makaluwag luwag kami, pero laking dissapointment ko ng walang bumaba sa sumunod na bus stop. Dahil narin sa pagod nakatulog ako at hindi ko na namalayan na nasa pangatlo na kaming bus stop.
Naalimpungatan ako na parang hindi na katulad ng dati ang pakiramdam ko, hindi na masikip at parang naka patong ang ulo ko sa balikat ng kung sinong tao. Huli na ang lahat ng malaman kong matagal na akong nakatulog at nakaidlip sa balikat ng katabi ko.
Laking gulat ko Eric ng makitang ikaw na ang katabi ko.
Agad kong inayos ang sarili at kahit na pupungas pungas humingi ako sa iyo ng paumanhin.
“Sorry...”
Ngumiti ka at sinabing “Okay lang... kahit na nilawayan mo na jacket ko” pabiro mong dagdag.
Sa totoo lang Eric me something sayo na palagay ang loob ko kaya naman imbes na magalit pa sa sinabi mo, natawa ako.
“Ayun! Sa wakas napatawa din kita, mas bagay mo pag ganyan”
“Pero panong...’ habol kong tanong na biglang naputol kasi sinagot mo narin.
“Nakita ko kasing nahihirapan ka kaya nakipag trade ako ng upuaan’ at tumingin ka sa dati mong kinauupuan, doon ko nakita na nandoon na pala ang malusog na si Ate, sakto namang nakatingin ito sa pwesto namin kaya nakita kong kinindatan mo ito, at si Ate parang fan girl na nalusaw sa ginawa mo.
Natawa ako lalo dahil dito. “Ayos ka rin no, alam mo kung pano gamitin ang asset mo” biro ko.
“Alin, ang ka gwapuhan ko?” tumatawa niyang biro.
“Wow kapal!”
“O galit ka na naman ata!”
“Hindi no, humanga lang ako sa kaangasan mo hahaha”
“Pre pero no joke, sorry talaga kanina ah”
“Wala na sakin yon, kalimutan na natin yon”
Bigla kang natahimik pagkatapos non, para bang meron kang gustong itanong, babasagin ko sana ang katahimikan ng biglang...
“Bakla ka ba?” seryoso mong tanong.
Eric dahil hindi pa kita kilala ng mga panahong iyon, para akong binuhusan ng malamig na tubig sabay pukpok sa ulo ko.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin una natatakot ako kasi hindi tanggap ang mga katulad ko noong mga panahong iyon, pangalawa baka suntukin mo nalang ako bigla pag nalaman mong bakla ako, naging akward ulit ang usapan natin, not until tumingin ako sa mga mata mo na nangungusap na para bang sinasabi na, wag kang magalala, hindi kita i-ju-judge.
“Oo....” payuko kong sinabi sayo dahil sa hiya.
“O, why the sad face? Ano namang masama kung bading ka” pabawi mong joke sakin.
“Bakit kasi gusto mo pang malaman?”
“Masama ba? Gusto ko lang malaman, your an interesting and funny guy alam mo yon?”
“Ikaw din” biro ko.
At dahil doon buong byahe ay nagusap tayo, hindi ko namalayan na nasa Manila na tayo.
Ngayon naalala ko, Eric, buong time pala ng paguusap natin ay tungkol lang sa akin, hindi ako nagkaroon ng chance na makilala ka noong time nayon, sa tuwing magtatanong ako ng patungkol sayo iniiba mo ang topic at ibinabalik sakin ang tanong.
Eric naaalala ko pa noon na sabay tayong bumaba ng bus station at tinulungan mo pa ako sa mga gamit ko na nasa compartment ng bus, naaalala kong sinabi mo na,
“Tulungan na kita para hindi ka na umupa ng magbubuhat’
“Salamat, nakakahiya naman sayo...’ habang tinutulungan ka sa mga gamit ko sa pagbababa.
Matapos nating ibaba lahat ng mga gamit ko meron biglang tumawag sa pangalan ko,
‘Best Art! Best Art!” tawag ni Lenin na papunta sa kinatatayuan natin.
“Best Lenin” bati ko naman
“Grabe Best, nagalala ako sayo hindi mo man lang ako tinawagan na madedelay pala ang bus mo, hindi naman ako makkapagtanong kanina kasi napakaraming tao sa ticket booth” pagaalala nito habang isa isang kinukuha ang nakasakbit na mga gamit sa katawan ko.
‘Sorry best, di ko na nagawang tawagan ka noon nasa bus station pa ako sa probinsya, malayo kasi yung phone tapos napakarami ko pang gamit.’
“Ganon ba Bes, sige, tara na gabing gabi na, ilagay na natin mga gamit mo sa inarkila kong taxi,mag take out nalang tayo kung nagugutom ka, balak ko sanang mag dinner pa tayo kaso gabi na, saka inaasahan ka ata ni Tita mo kaya ihahatid nalang kita.”
“Ah ganon ba best....” Magsasalita pa sana ako ng bigla kitang maalala Eric. “Best me gusto pala akong pakilala sa iyo...”
‘Sino?” nagtatakang tanong nito.
Ipapakilala sana kita non Eric kaso pagharap ko kung saan ka nakatayo kani kanina lang ay wala ka na...
“Best, nandito lang siya kanina...”
“Best baka naman salisi gang yan ah, check mo gamit mo kung kumpleto” dali daling pinuntahan ni Best yung mga gamit na binaba natin para i check yung mga gamit.
Pero Eric hindi ko na nagawang i check ang mga gamit dahil sinubukan kong hanapin ka sa pamamagitan ng pagmamasid sa paligid, pero hindi kita makita.
“Best, kilala mo ba siya?”
“Kakikilala ko lang sa bus....” naghahanap ko paring sagot.
“Anong pangalan?”
Doon ko na realize na sa tagal nating magkausap, hindi ko nagawang itanong ang pangalan mo Eric, kahit ang contact number mo hindi ko rin nakuha.
Noong gabing iyon, nahihinayang akong hinatid ni Bestfriend sa bahay ni Tita, kasi alam ko Eric, sa mga oras na iyon, hindi na tayo magkikitang muli.
Pero mali ako...
1 Month after, nakatayo ako sa harapan ng isang building, sa harapan nito may nakalagay na...
Apartment 1018, Studio Type Apartment For Rent
“Best, eto yung sinabi sakin ng office mate ko na murang apartment, tara magtaong tayo” pag kumpirma ni Best Lenin habang papasok kami ng ground floor ng building.
Malaki ito at malinis, maganda ang place, makita mo ang taste ng may ari na nagpatayo sa mga antique at old style ang bawat sulok ng building. Sinalubong kami ng katiwala at sinabing nasa rooftop ito kasama ang isa pang nagtatanong ng apartment. Medyo kinabahan ako kasi meron ng nauna sa akin, nahihiya narin kasi ako kay Tita dahil one month na hindi pa ako nakakakuha ng trabaho. Tutal meron naman akong ipon at matutulungan daw ako ni Best ng pansamantalang trabaho sa isang fast food chain, nag decide ako na bumukod na. Sakto naman na isang kanto lang ang pagitan kila Tita kaya binigyan ako ng kondisyon ng mga magulan ko at ni Tita, papayag sila kung eto ang makukuha kong apartment.
Pang anim na palapag ang rooftop kaya medyo pagod pagod na kaming nakarating ni Best Friend, noong nasa taas na kami nagulat ako sa nakita bago mag entrance, sa rooftop ay mayrong parang isang bahay na nasa gitna nito, bunggalo style.
Dahil sa mangha hindi ko napansin ang dumaan na lalaki sa gilid ko galing sa rooftop, nag excuse eto pero hindi ko na pinansin.
Mula sa bahay sa gitna ng rooftop isang babae ang lumabas, sinalubong namin ito.
“Magandang umaga po, magtatanong po sana kami about sa studio type for rent” tanong ni bestfriend sa babae.
“Ay sorry, pero puno na ang apartment eto nalang ang  natitira, ang rooftop, kaso 2 bedroom eto at me kamahalan”
Sa totoo lang maganda talaga ang bahay sa rooftop, kaso nakakalungkot dahil sa me kamahalan eto, kung tutuusin mahal talaga ang mga apartment sa manila, pero dagdagan mo pa ng ganda ng rooftop walang duda na mahal ito. 
“Hindi naman dapat talaga pinaparent etong rooftop pero since nasa ibang bansa na ang mga may-ari nag decide sila na i-pa rent narin, oo me kamahalan, pero kung i cocompare mo sa mga apartment dyan sobrang mura nito, ibinilin kasi ng mga may ari sakin na as much as possible mura lang i pa rent kasi gusto nila makatulong sa mga studyante at mga independent na mga nag tatrabaho.” Kwento ng babaeng katiwala ng apartment “Dalawa naman kayo eh di maghati kayo sa rent na 3,500 per month, libre na ang tubig at meron kayong sariling kuntador para sa kuryente” turo sakin at kay bestfriend Lenin.
“Ah hindi po si Best Art lang po” si Best Lenin
“Ganon ba, sayang, kanina me nagtanong nito, gustong gusto niyang kuhanin kaso magisa lang siya, sinabi niyang kung mekahati lang sana siya, kaaalis alis lang, nakasalubong nyo siguro, Mukha namang mabait ang bata kahit na parang me sariling kulto ang lalaki, mukhang musikero, pero magandan lalaki” kinikilig na kwento ng katiwala.
Doon biglang tumayo ang mga balahibo sa katawan ko, biglang dumaloy ang excitement sakin, kasi parang kilala ko ang tinutukoy niya. Eric for a moment umasa ako na ikaw yon... kaya dali dali akong bumaba ng building para habulin ang lalaking inaakala kong ikaw...
Hingal kong narating ang ground floor ng building, tumingin ako sa labas para hanapin ang lalaki pero hindi ko na nakita ito. Babalik na sana ako sa taas ng apartment ng makita kong me lalaki sa gilid ng entrance, hindi ko siguro napansin kanina dahil sa nakaharang na pillar tanging pag papasok mo lang makikita ang isang side.
Nandoon siya sa gilid, nakasandal sa pillar, napansin ko rin ang gitara nito na naka baba at nakasandal din habang naninigarilyo ito.
Eric, tumalon ang puso ko sa pangalawang pagkakataon na nagkita tayo.

--- To be continued ---

Next on Rooftop: Ang nakaraan ni Art Part 1
January 15, 2014

13 comments:

  1. Excited for the next chapter!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming Salamat! Available na ang Chapter 2 ^_^

      Delete
  2. Wow! Nice one! After nung story nuba kyle, ak at renz, mukhang ito nmn aabangan ko. Sana tapusin oo yung story. Looking forward and Godspeed.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pagbasa ng story, promise tatapusin ko ito. ^_^

      Delete
  3. wow! sa umpisa pa lang ang ganda na! can't wait to see the next chapter!

    Ben

    ReplyDelete
  4. Exciting ang story. Maganda ang pagkakasulat. Keep it up author!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat, nakakatuwa at nakakamotivate pag me nakaka-apreciate ng story. Salamat ulit! ^_^

      Delete
  5. Tagal pa ng kasunod... :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry po medyo natagalan pero available na ang chapter 2 ^_^

      Delete
  6. bagong aabangan :)

    -dephilia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Dephilia! Sana po ay patuloy lang sa pagsubaybay ^_^

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails