CHAPTER ONE: ROOFTOP FOR RENT
BY: TIN FABIAN
Facebook (add me!): https://www.facebook.com/tin.fabian.1
Eric
Alam mo thoughtful si God, hindi man lahat
ng gusto ko ay pinagbibigyan nya, hindi naman siya nakakalimot na bigyan ako ng
mga right set of people na aalalay sa buhay ko sa mga oras na kaylanganin ko
sila. Pero ang hinding hindi ko makakalimutan at lubos na ipinagpapasalamat sa
kanya ay yung time na nakilala kita at pagkakataon na maging parte ka ng buhay
ko.
Eric, natatandaan mo pa ba noong una tayong
magkita? Nakaupo ka non at binabasa mo ang favorite mong libro, ngayong naalala
ko, hindi ko parin pala alam kung ano ang title ng librong yon.
Naniniwala ako sa tadhana Eric, naniniwala
ako na hindi basta bata nag-krus ang ating mga landas.
Eric kung nasan ka man ngayon... gusto kong
malaman mo na naghihitay parin ako... sa rooftop... kung saan sinumulan nating
mangarap para sa isa’t isa.
Art
Art Dizon
Eric,
natatandaan ko pa ang unang araw na nagkita tayo. Kahit na labing pitong taon
na ang nakalilipas, nakakatuwang isipin na parang kaylan lang nangyari ang
lahat.
August 4, 1996
habang ang buong pilipinas ay naghahanda at nagaabang na masungkit ng boksingerong
si Mansueto “Onyok” Velasco ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa
Olympics, laban sa bulgariang boksingero na si Danel Petrov, ako naman ay daig
pa ang nanalo sa lotto, hindi kay Onyok, pero dahil sa wakas, pagkatapos ng 3
buwan na pakikipagkulitan at pagmamakaawa, napapayag ko narin ang aking mga
magulang na sa Maynila na humanap ng mapapasukang trabaho.
Katatapos ko
palang noon ng kursong Fine Arts major in Advertising sa isang state college
malapit sa aming lugar. Hilig ko talaga ang designing lalo na ang advertising, wala
naman sa pamilya namin ang magaling magdrawing o kaya naman nasa idustriya ng
advertising, pero siguro kakambal lang talaga ng pangalan kong “Art” ang
pagkahilig ko dito, simula pagkabata kasi kinakitaan na ako ng mga magulang ko
ng interest dito, nakakatawa nga eh.., minsan kinukwento nila sakin na mas
pinapanood ko pa daw ang mga commercials kesa sa totoong palabas sa TV at
madalas pag nagpupunta kami ng palengke o kaya naman ng mall sa bayan, mahilig
akong mangolekta ng mga brochures o pamplets. Di rin nakakaligtas sakin ang mga
clippings sa dyaryo lalo na pag nagandahan ako sa concept o kaya naman sa
design.
Naging
supportive naman ang mga magulang at mga kapatid ko sa ginusto kong kurso, kaya
kahit kapos kami sa pera, pinag-aral parin nila ako sa kabila ng pagiging magastos
na kurso ng Fine Arts.
Hindi naman ako
nagpabaya sa pagaaral at dahil narin gustong gusto ko ang pinagaaralan, naging
suma cummlaude ako ng aming batch. Pero kasabay ng pag-graduate ay ang
katotohanan na hindi ko makakamit ang mga pangarap ko kung magpapatuloy akong
mag stay sa probinsya. Walang opurtunidad para sakin dito, Oo meron mga small
time design firm sa aming lugar at marami ding mga naghahanap ng graphic artist
na kadalasan gumagawa ng mga invitation o kaya naman streamers. Pero mataas ang
pangarap ko, gusto kong magtrabaho sa isang sikat na Advertising Agency at
makagawa ng mga magagandang ads ng mga sikat na brands.
Alam kong kung
pakikingan mo ito tiyak na matatawa ka sakin Eric, pero anong magagawa ko, eto
ang pangarap ko, at kung hindi dahil dito, hindi tayo pagtatagpuin ng tadhana.
Kaya naman nabuo
ang desisyon ko na makipagsapalaran sa Maynila. Pakiramdam ko kasi mas
malalapit ako sa mga pangarap ko kapag nakarating na ako doon, katulad ni Mark
Lenin, ang nagiisa kong best friend sa probinsia.
1st Year college
palang kami noon ng magdesisyon ang kanyang mga magulang na lumipat ng maynila,
syempre nakakalungkot, kaso ganon talaga eh. Pero hindi naman natapos doon ang aming
pagkakaybigan, madalas ay nagsusulatan kami sa isa’t isa, pag bakasyon o merong
special na araw tulad ng birthdays, fiesta o kaya naman pag trip nya lang,
umuuwi sya sa probinsya. hindi sya
nakalimot Eric.
Pero ang labis
na pinagsisisihan ko ay hindi ko nagawang mapagtapat ang nararamdamang pagibig
para sa kanya bago siya umalis ng aming bayan. Noong time kasi na’yon, sariwa
pa sakin ang mga ala-ala ni Jason, ang lalaking lubos na nagpatibok ng puso at
minahal ko ng sobra-sobra.
Eric, alam mo
naman ang lahat lahat sakin diba? Kahit na ang aking totoong pagkatao. Oo, nerd
ako kung titignan, malapad at malaking eyeglasses, naka pumadang buhok, daig ko
pa nga si Jose Rizal sa ayos ng buhok eh, sa unang tingin hindi mo aakalain, pero ang
totoo, ibang ang preference ko pagdating sa pagibig, sabihin na nating hindi
siya common, na kokonti lang ang nakakaintindi.
Anyway pumayag
sya na sunduin ako sa bus station sa Manila at ihatid sa bahay ng Tita ko na
pansamantala kong tutuluyan habang naghahanap ng murang apartment na
malilipatan, nag alok din si Mark Lenin na sa kanila nalang ako pansamantalang
tumuloy dahil mag-isa lang naman siya sa tinutuluyang condo, pero hindi na ako
pumayag dahil narin siguro sa hiya at isa pa, bilin ni Tatay na doon ako kina
Tita manuluyan muna para narin sa ikakapanatag ng loob nya.
Kung dati lagi
kong pinipilit ang sariling bumangon pagkatapos ng mahabang tulog, noong araw
na’yon kusang bumangon ang excited kong katawan, dali dali kong inayos ang
pinagtulugan, naghilamos, at nagsipilyo. Napalingon ako sa aninag ng araw na
pilit pumapasok sa bintana, medyo madilim sa loob ng aking kwarto kaya dali
dali kong binuksan ang mga ito, nagliwanag ang buong kwarto, napatigil panandalian,
nakita ko kasi ang mga naka empake kong mga gamit, ngayon lang nagiging totoo
sakin ang lahat, ang totoo medyo nalulungkot din ako sa pagalis ko, ma mimiss
ko ng sobra sobra etong kwarto ko at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik
sa lugar na’to.
Magdadrama pa
sana ako ng biglang may kumatok sa pinto.
“Art! Art!
Gising ka na ba?” si Ate Apple ang panganay saming magkakapatid. “Meron kang
tawag, long distance, si Mark Lenin.” Duktong nya.
Dali dali kong pinagbuksan
si Ate Apple...
“Talaga ate?”
Excited kong salubong.
“Oo!” sagot
naman ni Ate Apple sabay bigay ng wireless phone sakin.
“Hello Best!” excited
kong bungad.
“Best! Happy
Morning!” sagot naman sa kabilang linya.
“Happy Morning
Best! Napatawag ka?”
“Confirm ko lang
kung tuloy ka ngayon.”
“Oo naman Best!
Tuloy na tuloy!”
“Hehehe Halata
nga, sige hintayin nalang kita sa Isarog bus station ng 8pm, papasok na kasi
akong work ngayon, see you tonight!”
“Wow best
workaholic ka talaga 6 palang ng umaga!”
“Loko! traffic
kasi kaya kailangan maaga akong pumapasok, basta hihintayin nalang kita sa bus
station kung magkaproblema pwede mo akong tawagan sa opisina, alam mo naman
number sa office right?”
“Opo kaso
nakakahiya, bakit kasi hindi ka pa bumili ng pager para dun nalang ako
mag-memessage sayo!”
“Best, alam mo
namang kasisimula ko pala sa work di ko pa kayang bumili ng ganyang mga bagay”
Kilalang kilala
ko itong si Bestfriend Mark Lenin, ang totoo hindi lang talaga mahilig si Best
sa mga ganong klaseng mga gadgets, kung tutuusin sa yaman ng kanyang mga
magulang easy lang na makukuha nya ito pareho kasing nagtatrabaho bilang doctor
sa isang sikat na hospital sa Maynila ang mga magulang ni bestfriend.
“O sya sige
Best, baka ma late ka pa mamayang gabi nalang ah!” paalam ko sa kanya.
“Oo naman Best,
dinner muna tayo then hatid kita sa bahay ng Tita mo”
“Sige, ingat
Best!”
“Ikaw din Best,
ingat!”
Nang naputol ang
linya mas dumaloy ang excitement sa dugo ko, di ko maiwasang ngumiti na parang
baliw, doon ko naman napansin na katabi ko pa pala si Ate Apple.
“ARU! Ano kaya
ang pinagusapan nila bunso at besfriend nya at abot hanggang tengga ang ngiti ngayon!”
panunukso nito habang kinukurot ang pisngi ko.
“ATE! MASAKIT!”
saway ko “Syempre! Susunduin nya ako dun sa bus station sa Manila, malamang
excited ako!” sarkastiko kong sagot kay Ate.
“O sya sige,
nakahanda na ang almusal, tatawagin ko nalang sina Ate Bon at Ate Potchie mo,
mauna ka na, nandoon na sina Mama at Papa.”
“Sige po Ate”
akmang aalis na sana ako ng biglang...
“Art sandali..”
dali daling naglabas ng pera si Ate Apple mula sa kanyang wallet at dahan
dahang nilagay sa bulsa ng aking panjama.
“O eto bunso,
pandagdag, pagpasensyahan mo na medyo matumal kasi sa pagtitinda ng mga gulay,
hayaan mo papadalhan pa kita pag nakalwag luwag”
“Naku Ate! Hindi
ka na dapat nagabala, binigyan narin ako kagabi nila Mama at Papa saka sobra
sobra na ang nagastos nyo maituloy ko lang ang plano kong ito, nahihiya narin
ako pati si Diana pinagbili nyo”
Eric, kung ang
ibang bata merong mga alagang aso o pusang kinalakihan, sakin naman isang
kalabaw... si Diana.
“O magdadrama ka
na naman, naaalala mo na naman si Diana, hayaan mo na, si Mang Eddie lang naman
ang bumili para sa sakahan nya, isa pa sabi naman ni Mang Eddie pwede mo doon
dalawin si Diana.”
“Nakakamiss lang
kasi Ate”
“Aruuu! E iiwan
mo nga kami dito eh! Masanay ka na!” “Sige magalmusal ka na.”
Sabay sabay kaming nag almusal noong araw
nayon, si Papa walang bukang bibig kung di ang pangalan ni Onyok at kung gano ka
liyamado ito sa laban, si Mama naman walang tigil sa kabibilin tungkol sa mga
dapat kong gawin pag nasa Manila na, si Ate Apple naman mga tips kung pano
kumuha ng trabaho, at ang dalawa ko pang kapatid na sina Ate Bon at Ate
Potchie, walang tigil sa pangiinis sakin at pagsabing wala na silang kukulitin
pag nawala ako.
Matapos
mag-agahan, dahil naka impake narin naman ako, inihatid na ako ng aking pamilya
sa Bus Station.
“Ang daming
tao!” sabi ni Ate Bon pagkababa sa sasakyan.
“O, anak basta
pag dating mo doon trabaho muna, wala munang girlfriend girlfriend!” si Mama
“Aba! Eh
pagbabawalan mo ang anak nating mag girlfriend eh ka gwapo nitong anak natin!”
si Papa
“Oo! Kaso kung
papalitan nya lang salamin nyang napakakapal at aalisin tong sobrang outdated
na buhok na laging naka pumada!” biro ni Ate Potchie habang ginugulo ang buhok
ko.
“Basta anak
kahit ilang girlfriend pa yan, kahit nga bigyan mo na ako ng apo pagbalik mo
mas maganda!” dagdag na biro ni Papa sakin.
“Pete! Tumigil
ka! Bata pa iyang si Art!” saway ni Mama kay Papa.
“Wag kang
magalala Mama, good boy yang si Art, diba Art!” si Ate Apple sabay kindat
sakin.
Ang totoo Eric
noong time na iyon, hindi pa alam ng pamilya ko ang tunay kong kasarian o
preference pagdating sa pakikipag relasyon, siguro kung me nakakahalata man o
alam na talaga kung sino ako, si Ate Apple yon, pero hindi nya ako tinanong,
lagi nyang sinasabi na kung ano man ang gusto kong sabihin sa kanya,
maiintindihan nya. Pero ako ang hindi pa handa, siguro hiya narin kaya mas
pinili kong manahimik, kahit sa loob loob ko gusto kong pagsigawan ng bading
ako, na lalaki ang gusto ko.
“O pano anak,
aalis na kami, kaylangan naming habulin ng mga kapatid mo yung paninda natin
para bukas, kung mamaya pa namin pupuntahan baka hindi na kami pansinin dahil
nanonood na ng laban ni Onyok!” biro ni Mama, pero bakas na mukha nya ang
pagkalungkot pero pinipilit nitong mag-biro.
Isa-isang
yumakap at nagpaalam ang aking mga kapatid at magulang, nagulat nalang ako na
ako nalang magisa kasama ang mga bagahe ko. Nakaalis na sila Mama. Eric doon ko
naramdaman ang matinding lungkot at takot, kung kanina sobrang excited ko,
noong mga panahong iyon, kabaligtaran ang naramdaman ko.
Tumawag ako ng
isang kargador para tulungan akong ipasok sa waiting area ang mga bagahe ko.
Dahil punong puno ang bus station, napunta ako sa dulong upuan sa waiting area.
Mainit at
siksikan sa waiting area lahat nagkakagulo, me mga taong nagkukwentuhan at mga
guard na pilit sinasaway ang mga pasaway na pasahero.
Matapos kong
ayusin ang mga gamit at naging komportable sa kinauupuan, doon ko na naramdaman
agad ang pagka-homesick. Di paman nakakalipas ang isang oras namimiss ko na ang
mga magulang at kapatid ko. Finally,
parang sampal na bumalik sakin ang lahat, nagsimula ng magbago ang buhay ko,
mula sa pagiging dependent, isa na ako ngayong independent....
Pilit kong
pinakalma ang sarili ko, kahit nangingilid na ang mga luha ko pilit kong inaliw
ang sarili sa pamamagitan ng pagmamasid sa paligid. Pilit tinatanong ang sarili
na ang mga tao sa loob ng bus station nayon, katulad ko ay may mga kanya
kanyang dahilan kung bakit pinili nilang umalis saming probisya.
Magmo-moment pa
sana ako ng me isang lalaking dumaan sa harap ko. Dahil sa liit ng pagitan ng
mga bangko sa waiting area pilit niyang siniksik ang sarili para makarating sa
bakanteng upuan na nasa tabi ko lang.
Di ko na sana
siya titignan at papadaanin nalang sana ng biglang nagsalita ito.
“Excuse
me...” suyo ng lalaki.
Di ko alam pero
merong kakaiba sa boses nito na nakaagaw ng atension ko at napatingin ako.
Isang
matangangkad na lalaki na naka black na leather jacket at gitarang sakbit
sakbit sa kanyang likuran, kikilatisin ko pa sana ito ng bigla itong pumihit
patalikod sa akin at hindi sinasadyang tumama ang gilid ng kanyang gitara sa mukha
ko.
Dahil sa lakas
ng impact ng gitara niya sa mukha ko, panandalian akong natulala nang...
“Shit!” sigaw ko
ng mapasing dumudugo ang aking labi, dahil katabi lang ng kinauupuan ko ang
restroom, dali dali akong pumunta dito sapo sapo ang dugong tumatagas sa labi
ko.
Kahit mahapdi
dali dali kong tinapat ang labi ko sa tubig na lumalabas sa gripo, takot ako sa
dugo Eric, kaya naman nung mga oras na iyon parang hihimatayin na ako.
Matapos ang
walang katapusang ilang minuto, tumigil
na sa pagdurugo ang labi ko, dali dali akong kumuha ng tissue at dinampi ito sa
sugat. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin, namamaga ang labi ko, mukha
nakong wasted. Dun na kumulo ang dugo ko, kaya naman dali dali akong lumabas sa
restroom at tinumbok ang dati kong upuan kung saan katabi ang lalaking
nakabunggo saking labi.
Pero laking
gulat ko ng nakita ko ang lalaki ng komportable sa pagkakaupo nya habang
nagbabasa ng libro, hindi man lang nag effort na sundan ako para humingi man
lang ng sorry.
Pero ang
pagkainis ay napalitan agad ng pagkamangha, doon ko napansin ang buong itchura
at kakaiba nitong porma.
Astig, mala Bon
Jovi ang buhok nito sa haba, maputi at masasabi mong matangkad kahit na nakaupo
ito, di ko din maiwasang isipin na isa siyang musikero dahil sa dala dala
nitong gitara (na tumama sakin) na nakalagay sa isang black sleeve na punong
puno ng sticker sign na peace.
All black ang
porma nito, black leather jacket matching with black shirt na may nakasulat na “Talk
to the Hand”, skinny jeans, studded bracelet, merong tunnel earing at black
eyeliner. Kung iisipin mo hindi siya yung usual na lagi mong nakikita, siguro
sa TV pwede pa, para kasi siyang member ng isang heavy metal band at puting
face paint nalang ang idagdag mo... isa na siya sa international band na KISS.
Pero sa kabila
ng lahat, kitang kita parin dito ang pagka magandang lalaki nito, parang kahit
anong gawin niyang ayos eh gwapo parin. Yung tipong maiintimidate ka kapag
sinubukan mong lapitan at kausapin ito, na ikaw ang magmumukhang pulubi pag
pinagtapat kayo.
Eric... iyon ang
una kong impression sayo... antipatikong rakista.
Dali dali mong sinarado
ang librong binabasa ng mapansin mong nasa gilid lang ako. Bigla kang napatayo
sa iyong kinauupuan, gusto ko nong tumawa Eric, para ka kasing nakakita ka ng
multo, taranta at di alam ang gagawin.
“Pre, kamusta
na, sorry kanina...” lalapit ka pa sana sakin ng bigla ako gumalaw sa aking
kinakatayuan patungo sa upuuan ko.
Imbes na sumagot
ay sumimangot ako at inirapan ka, ang totoo kasi Eric kumukulo parin ang dugo
ko sayo sa oras na iyon dahil sa nangyari.
“Malamang hindi”
bulong ko sa aking sarili ng makaupo.
“Pre, pasensya
na talaga, hindi ko naman sinasadya.”
Hindi ko alam
kung anong pumasok sa kukote ko sa mga oras nayon at hindi ako makasagot sa pag
so-sorry mo Eric, siguro me halo din kasing hiya, inumpisahan ko kasi sa
pagtataray at ikaw naman parang boyfriend na nagmamakaawang patawarin.
Akalain mo yon
Eric, umpisa palang ng pagkikita natin gumagana na ang pagiging creative ko, at
inisip ko pang mag boyfriend tayo.
Wag kang tumawa,
alam kong ngumingisi ka na ngayon habang binabasa to, alam ko hindi tayo talo
kaso iyon talaga ang iniisip ko noong mga panahong yon.
Siguro me isang
oras din tayong akward sa isa’t isa ng biglang me nag-annouce na mededelay ang
bus na sasakyan ko papuntang Manila.
Nanlumo ako sa
naging annoucement dahil sa kailangan ko pang magtiis ng tatlong oras sa loob
ng bus station na punong puno ng mga tao, masikip, amoy araw at napakaingay.
Syempre mas tatagal pa ang akward moment ko sayo.
“Pre, sa Manila
ka din ba papunta? Mukhang matatagalan pa yung bus natin.”
Di ko alam kung
pano mag rereact sa narinig, ang buong akala ko kasi sa ibang lugar ka patungo
Eric yun pala sa Manila din at magka-bus pa tayo.
Sumimangot
nalang ulit ako sa tanong mo.
“Hanggang ngayon
ba galit ka sakin?” medyo tumaas ang boses mo.
Alam kong
napipikon ka na sakin non Eric kaya imbis na sagutin ka mas pinili ko nalang
igala yung paningin ko sa buong station, baka kasi hindi ko din mapigilan
sarili ko, makipagsagutan ako sayo.
Habang ginagala
ko paningin ko na focus attention ko sa aleng inaaway ang guard sa may entrance
ng waiting area, kahit na hindi ko maintindihan kung anong pinaguusapan nila,
dinig na dinig mo ang alingawngaw ng bibig nito. Kawawang guard dahil ginagawa
niya lang ang kanyang trabaho.
“O! Tignan mo
iyon!” bigla mo na namang singit. “Pareho na kayo ni Ate, busangot queen, akala
ata nya me masosolve ang pagtataray, ang hindi niya alam pinapahiya nya lang
ang sarili sa ginagawa.”
Para akong
binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi mo Eric kasi tagos sa puso ang mga
sinabi mo, kaya naman lalo pang akong nairita sayo.
“O! Parang lalo ka
atang nainis sakin, totoo ba? Diba dapat kung totoo hindi ka magagalit kasi
totoo naman, at kung hindi man totoo hindi ka parin dapat magalit kasi hindi
naman totoo.”
At tinamaan na
naman ako sa sinabi mo Eric, ang totoo dito ka magaling, sa pagpapa-realize ng
mga bagay na nakaka-guilty.
Dahil sa mga
sinabi mo naging sobrang akward na ng situasion, ngayon lang kasi ako nakakita
ng taong sobra kung makakonsyensya. Sa totoo lang kahit si Bestfriend Lenin
hindi ako makuhang konsyensyahin kahit ako naman talaga ang merong kasalanan,
kahit sa bahay ako ang inaamo.
Sa mga gantong
panahon di ko maiwasang maipakita ang pagkainis at pagkapahiya ko, namumula ang
buong mukha ko.
Akala ko
bu-bwelo ka pa ng biglang kinuha mo ang iyong gitara at inalis ito sa sleeve.
“Nakakainip,
okey lang ba?” tanong mo sakin habang pumoporma na tipong tutugtug.
Di na ako
nagsalita, di narin ako sumimangot, parang ibig ko nalang sabihin ay “Bahala
ka” tutal napahiya na naman ako.
“Sige dahil
mukhang malaki atraso ko sayo, I dedicate this first song sayo, tama na
simangot ah, di mo bagay” malumanay mong sinabi, siguro napansin mo narin na
napagod nako sa pagtataray.
At sinimulan
mong i-strumm ang iyong gitara para sa intro ng iyong kanta, sa isip ko dahil
wala naman akong choice kung hindi pakinggan ang iyong pagtugtug, mukhang
pamilyar ang kanya, hanggang sa nagsimula ka ng kumanta at sa wakas nahulaan ko
kung ano ito.
Smile – Charlie
Chaplin
Smile though your heart is aching
Smile even though it's breaking.
When there are clouds in the sky
you'll get by.
Napatingin ako
sayo sa mga sandaling iyon, doon ko narealize kung gano ka special at hindi
basta bastang aspiring rockstar o feeling rockstar. Eric siguro sa mga
sandaling iyon, hindi ko man maamin dati, pero ako siguro ang naging kauna
unahan mong die hard fan.
Para akong
nakikinig ng isang actual recording ng isang kanta ng isang sikat na singer.
Pero ang mas kinamanha ko ay ang kakaibang rendition mo dito Eric. Halatang me
influence ka ng rock pero at the same time faithful sa original version.
Napakarami ko na
sigurong napakinggang cover ng kantang ito upto this point pero yung kinanta
mong version noong araw na iyon Eric, ang tumatak sa puso’t isipan ko.
If you smile through your pain and sorrow
Smile and maybe tomorrow
You'll see the sun come shining through
For you.
Napansin ko na
biglang tumahimik ang buong waiting area, nagulat nalang ako ng mapagmasdan ang
mga tao sa loob nito ay nakikinig na pala sa kinakanta mo. Kahit ang sanggol na
kanina pa iyak ng iyak napatahan mo.
Light up your face with gladness,
Hide every trace of sadness.
Although a tear may be ever so near
That's the time you must keep on trying
Smile, what's the use of crying.
You'll find that life is still worthwhile-
If you just smile.
Eric matapos
mong sabihin ang huling word ng kanta nangilabot ako, speachless, pero naputol
ito ng biglang umalingawngaw ulit ang ingay sa buong waiting area, pero this
time sa palakpak at paghanga sayo ng mga tao doon.
Nagulat nalang
ako ng marealize ko na me kumpulan na ng mga tao sa kinauupuan natin, excited
kang binabati.
Kahit
pinagkakaguluhan ka na at kahit mukha nalang ang nakikita ko sayo dahil
pinagitnaan na tayo ng mga tao humarap ka pa sakin noon at kinindatan ako.
Sorry sa
pagiging nega pero hindi ko alam kung bakit mo ginawa iyon, parang more on sign
ng pagaangas ang ginawa mo sakin na parang “Galing ko no!”
Doon ako
nakakuha ng pagkakataon para mapunta sa harapan ng waiting room, harapan means
panguna ka rin na sasakay sa bus, tutal pinagkakaguluhan ka naman nila Eric
kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para makalipat ng mauupuan.
Isa, dalawang
oras ang nakalipas at tuloy ka paring kumakanta Eric, siguro dahil narin sa
dami ng mga request ng tao sayo, kahit yung Ale kanina na nagtataray maaliwalas
na ang mukha at parang besfriend na sila ng Guard na kaa-kaaway niya kanina.
Naririnig ko
parin man ang boses mo kahit malayo, siguro Eric mas lalo pa akong humanga sa
iyo non dahil, akalain mo napapalibutan ka na ng mga tao, mainit at amoy araw
pero patuloy mo paring pinagbibigyan ang mga request sayo.
Maya maya pa
dumating na ang bus, dali dali akong tumawag ng kargador para sa mga malalaki
kong gamit, ng masecure namin ang mga gamit ko sa compartment ng bus dali dali
na akong pumasok pero laking gulat ko ng kumpulan na ang mga pumapasok na tao.
Pilit kong siniksik ang sarili papasok ng bus, nakapasok ako pero laking gulat
ko ng nakita na puno na ang bus sa loob, meron akong nakitang bakante sa
likuran kaso mahihiluhin ako, pero wala na akong choice kaya doon na ako umupo.
Pero hindi ko
paman naaayos ang sarili sa pagkakaupo nakita kita Eric na pumasok ng bus,
kinakawayan ng mga tao at kinakamayan habang sinasabing “Idol”. Bigla kang
napatingin sa direksiyon kung saan ako nakaupo at kinawayan ako. Napabalikwas
naman ako sa kinauupuan ng mag pangabot ang mga mata natin.
Ang totoo umaasa
ako na tatabihan mo ako noon kaya lang nasa kalagitnaan ka ng bus habang
nakatingin sa kinauupuan ko ng merong isang babae na hinarangan at kinausap ka.
Eric hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan ninyo pero kita ko na interesado
sayo ang babae. Nagpangabot ulit ang ating mga mata noon pero umiwas nalang ako
kaagad, pagbalik na mata ko sa pwesto mo nakita kong nakaupo ka na sa tabi ng
babae.
“Chickboy!”
bulong ko sa sarili ko.
Hindi aircon ang
bus, pinili ko ito kasi mas mahihilo ako kung malamig, hindi ko din alam kung
bakit pero mas kumprotable ako sa walang aircon. In the end, nakatabi ko si
Manong na merong dala dalang bigkis ng mga manok, isa nakalagay sa karton,
siguro panabong na manok at dalawa naman na nakatali at hawak hawak nya.
Hindi naging
kumportable ang unang dalawang oras ng byahe dahil sa mga manok na mayat maya
pumipiglas at tinatamaan ako ng mga pakpak nito mabuti nalang agad na bumaba si
Manong sa unang bus stop.
Ang buong akala
ko magiging kumportable na ang nalalabing oras ng byahe ng pumalit naman ang
isang babae na sobrang lusog, para kaming pinitpit sa dulo, lalo na ako na
katabi nya, damang dama ko ang mga naglalakihan bilbil nya, halo hindi na ako
makahinga. Di ko maalala pero parang nakita kong lummingon ka Eric sa pwesto ko
ng mga oras na iyon, nakita pa kitang ngumingisi at umiiling kahit na gilid
lang ng mukha mo ang nakikita ko dahil sa nakaharang na mga bangko.
Inisip ko na
baka sa susunod na busk stop kung hindi man bababa ang babae me ilang mga aalis
na sa likod ng bus kung saan ako nakaupo para naman makaluwag luwag kami, pero
laking dissapointment ko ng walang bumaba sa sumunod na bus stop. Dahil narin
sa pagod nakatulog ako at hindi ko na namalayan na nasa pangatlo na kaming bus
stop.
Naalimpungatan
ako na parang hindi na katulad ng dati ang pakiramdam ko, hindi na masikip at
parang naka patong ang ulo ko sa balikat ng kung sinong tao. Huli na ang lahat
ng malaman kong matagal na akong nakatulog at nakaidlip sa balikat ng katabi
ko.
Laking gulat ko
Eric ng makitang ikaw na ang katabi ko.
Agad kong inayos
ang sarili at kahit na pupungas pungas humingi ako sa iyo ng paumanhin.
“Sorry...”
Ngumiti ka at
sinabing “Okay lang... kahit na nilawayan mo na jacket ko” pabiro mong dagdag.
Sa totoo lang
Eric me something sayo na palagay ang loob ko kaya naman imbes na magalit pa sa
sinabi mo, natawa ako.
“Ayun! Sa wakas
napatawa din kita, mas bagay mo pag ganyan”
“Pero panong...’
habol kong tanong na biglang naputol kasi sinagot mo narin.
“Nakita ko
kasing nahihirapan ka kaya nakipag trade ako ng upuaan’ at tumingin ka sa dati
mong kinauupuan, doon ko nakita na nandoon na pala ang malusog na si Ate, sakto
namang nakatingin ito sa pwesto namin kaya nakita kong kinindatan mo ito, at si
Ate parang fan girl na nalusaw sa ginawa mo.
Natawa ako lalo
dahil dito. “Ayos ka rin no, alam mo kung pano gamitin ang asset mo” biro ko.
“Alin, ang ka
gwapuhan ko?” tumatawa niyang biro.
“Wow kapal!”
“O galit ka na
naman ata!”
“Hindi no,
humanga lang ako sa kaangasan mo hahaha”
“Pre pero no
joke, sorry talaga kanina ah”
“Wala na sakin
yon, kalimutan na natin yon”
Bigla kang
natahimik pagkatapos non, para bang meron kang gustong itanong, babasagin ko
sana ang katahimikan ng biglang...
“Bakla ka ba?”
seryoso mong tanong.
Eric dahil hindi
pa kita kilala ng mga panahong iyon, para akong binuhusan ng malamig na tubig
sabay pukpok sa ulo ko.
Hindi ko alam
kung ano ang sasabihin una natatakot ako kasi hindi tanggap ang mga katulad ko
noong mga panahong iyon, pangalawa baka suntukin mo nalang ako bigla pag
nalaman mong bakla ako, naging akward ulit ang usapan natin, not until tumingin
ako sa mga mata mo na nangungusap na para bang sinasabi na, wag kang magalala,
hindi kita i-ju-judge.
“Oo....” payuko
kong sinabi sayo dahil sa hiya.
“O, why the sad
face? Ano namang masama kung bading ka” pabawi mong joke sakin.
“Bakit kasi
gusto mo pang malaman?”
“Masama ba?
Gusto ko lang malaman, your an interesting and funny guy alam mo yon?”
“Ikaw din” biro
ko.
At dahil doon
buong byahe ay nagusap tayo, hindi ko namalayan na nasa Manila na tayo.
Ngayon naalala
ko, Eric, buong time pala ng paguusap natin ay tungkol lang sa akin, hindi ako
nagkaroon ng chance na makilala ka noong time nayon, sa tuwing magtatanong ako
ng patungkol sayo iniiba mo ang topic at ibinabalik sakin ang tanong.
Eric naaalala ko
pa noon na sabay tayong bumaba ng bus station at tinulungan mo pa ako sa mga
gamit ko na nasa compartment ng bus, naaalala kong sinabi mo na,
“Tulungan na
kita para hindi ka na umupa ng magbubuhat’
“Salamat,
nakakahiya naman sayo...’ habang tinutulungan ka sa mga gamit ko sa pagbababa.
Matapos nating
ibaba lahat ng mga gamit ko meron biglang tumawag sa pangalan ko,
‘Best Art! Best
Art!” tawag ni Lenin na papunta sa kinatatayuan natin.
“Best Lenin”
bati ko naman
“Grabe Best,
nagalala ako sayo hindi mo man lang ako tinawagan na madedelay pala ang bus mo,
hindi naman ako makkapagtanong kanina kasi napakaraming tao sa ticket booth”
pagaalala nito habang isa isang kinukuha ang nakasakbit na mga gamit sa katawan
ko.
‘Sorry best, di
ko na nagawang tawagan ka noon nasa bus station pa ako sa probinsya, malayo
kasi yung phone tapos napakarami ko pang gamit.’
“Ganon ba Bes,
sige, tara na gabing gabi na, ilagay na natin mga gamit mo sa inarkila kong
taxi,mag take out nalang tayo kung nagugutom ka, balak ko sanang mag dinner pa
tayo kaso gabi na, saka inaasahan ka ata ni Tita mo kaya ihahatid nalang kita.”
“Ah ganon ba
best....” Magsasalita pa sana ako ng bigla kitang maalala Eric. “Best me gusto
pala akong pakilala sa iyo...”
‘Sino?”
nagtatakang tanong nito.
Ipapakilala sana
kita non Eric kaso pagharap ko kung saan ka nakatayo kani kanina lang ay wala
ka na...
“Best, nandito
lang siya kanina...”
“Best baka naman
salisi gang yan ah, check mo gamit mo kung kumpleto” dali daling pinuntahan ni
Best yung mga gamit na binaba natin para i check yung mga gamit.
Pero Eric hindi
ko na nagawang i check ang mga gamit dahil sinubukan kong hanapin ka sa pamamagitan
ng pagmamasid sa paligid, pero hindi kita makita.
“Best, kilala mo
ba siya?”
“Kakikilala ko
lang sa bus....” naghahanap ko paring sagot.
“Anong
pangalan?”
Doon ko na
realize na sa tagal nating magkausap, hindi ko nagawang itanong ang pangalan mo
Eric, kahit ang contact number mo hindi ko rin nakuha.
Noong gabing
iyon, nahihinayang akong hinatid ni Bestfriend sa bahay ni Tita, kasi alam ko
Eric, sa mga oras na iyon, hindi na tayo magkikitang muli.
Pero mali ako...
1 Month after,
nakatayo ako sa harapan ng isang building, sa harapan nito may nakalagay na...
Apartment 1018,
Studio Type Apartment For Rent
“Best, eto yung
sinabi sakin ng office mate ko na murang apartment, tara magtaong tayo” pag
kumpirma ni Best Lenin habang papasok kami ng ground floor ng building.
Malaki ito at
malinis, maganda ang place, makita mo ang taste ng may ari na nagpatayo sa mga
antique at old style ang bawat sulok ng building. Sinalubong kami ng katiwala
at sinabing nasa rooftop ito kasama ang isa pang nagtatanong ng apartment.
Medyo kinabahan ako kasi meron ng nauna sa akin, nahihiya narin kasi ako kay
Tita dahil one month na hindi pa ako nakakakuha ng trabaho. Tutal meron naman
akong ipon at matutulungan daw ako ni Best ng pansamantalang trabaho sa isang
fast food chain, nag decide ako na bumukod na. Sakto naman na isang kanto lang
ang pagitan kila Tita kaya binigyan ako ng kondisyon ng mga magulan ko at ni
Tita, papayag sila kung eto ang makukuha kong apartment.
Pang anim na
palapag ang rooftop kaya medyo pagod pagod na kaming nakarating ni Best Friend,
noong nasa taas na kami nagulat ako sa nakita bago mag entrance, sa rooftop ay
mayrong parang isang bahay na nasa gitna nito, bunggalo style.
Dahil sa mangha
hindi ko napansin ang dumaan na lalaki sa gilid ko galing sa rooftop, nag
excuse eto pero hindi ko na pinansin.
Mula sa bahay sa
gitna ng rooftop isang babae ang lumabas, sinalubong namin ito.
“Magandang umaga
po, magtatanong po sana kami about sa studio type for rent” tanong ni
bestfriend sa babae.
“Ay sorry, pero
puno na ang apartment eto nalang ang
natitira, ang rooftop, kaso 2 bedroom eto at me kamahalan”
Sa totoo lang
maganda talaga ang bahay sa rooftop, kaso nakakalungkot dahil sa me kamahalan
eto, kung tutuusin mahal talaga ang mga apartment sa manila, pero dagdagan mo
pa ng ganda ng rooftop walang duda na mahal ito.
“Hindi naman
dapat talaga pinaparent etong rooftop pero since nasa ibang bansa na ang mga
may-ari nag decide sila na i-pa rent narin, oo me kamahalan, pero kung i
cocompare mo sa mga apartment dyan sobrang mura nito, ibinilin kasi ng mga may
ari sakin na as much as possible mura lang i pa rent kasi gusto nila makatulong
sa mga studyante at mga independent na mga nag tatrabaho.” Kwento ng babaeng
katiwala ng apartment “Dalawa naman kayo eh di maghati kayo sa rent na 3,500
per month, libre na ang tubig at meron kayong sariling kuntador para sa
kuryente” turo sakin at kay bestfriend Lenin.
“Ah hindi po si
Best Art lang po” si Best Lenin
“Ganon ba,
sayang, kanina me nagtanong nito, gustong gusto niyang kuhanin kaso magisa lang
siya, sinabi niyang kung mekahati lang sana siya, kaaalis alis lang,
nakasalubong nyo siguro, Mukha namang mabait ang bata kahit na parang me
sariling kulto ang lalaki, mukhang musikero, pero magandan lalaki” kinikilig na
kwento ng katiwala.
Doon biglang
tumayo ang mga balahibo sa katawan ko, biglang dumaloy ang excitement sakin,
kasi parang kilala ko ang tinutukoy niya. Eric for a moment umasa ako na ikaw
yon... kaya dali dali akong bumaba ng building para habulin ang lalaking
inaakala kong ikaw...
Hingal kong
narating ang ground floor ng building, tumingin ako sa labas para hanapin ang
lalaki pero hindi ko na nakita ito. Babalik na sana ako sa taas ng apartment ng
makita kong me lalaki sa gilid ng entrance, hindi ko siguro napansin kanina
dahil sa nakaharang na pillar tanging pag papasok mo lang makikita ang isang
side.
Nandoon siya sa
gilid, nakasandal sa pillar, napansin ko rin ang gitara nito na naka baba at
nakasandal din habang naninigarilyo ito.
Eric, tumalon
ang puso ko sa pangalawang pagkakataon na nagkita tayo.
--- To be continued ---
Next on Rooftop: Ang nakaraan ni Art Part 1
January 15, 2014
Excited for the next chapter!
ReplyDelete-hardname-
Maraming Salamat! Available na ang Chapter 2 ^_^
DeleteWow! Nice one! After nung story nuba kyle, ak at renz, mukhang ito nmn aabangan ko. Sana tapusin oo yung story. Looking forward and Godspeed.
ReplyDeleteSalamat sa pagbasa ng story, promise tatapusin ko ito. ^_^
Deleteheheh nahan ko ani
ReplyDeletewow! sa umpisa pa lang ang ganda na! can't wait to see the next chapter!
ReplyDeleteBen
Maraming salamat Ben! ^_^
DeleteExciting ang story. Maganda ang pagkakasulat. Keep it up author!
ReplyDeleteMaraming salamat, nakakatuwa at nakakamotivate pag me nakaka-apreciate ng story. Salamat ulit! ^_^
DeleteTagal pa ng kasunod... :(
ReplyDeleteSorry po medyo natagalan pero available na ang chapter 2 ^_^
Deletebagong aabangan :)
ReplyDelete-dephilia
Maraming salamat Dephilia! Sana po ay patuloy lang sa pagsubaybay ^_^
Delete