Followers

Monday, January 6, 2014

Nightmare Love 5



Authors Note:

Guys sorry kung natagalan po ang update pero ito na po ang chapter 5 ng aking story hope you wil like it

Salamat po pala kay sir mike at kay ponse for letting me post in their blog lalo na kay ponse na nagsusuport sa akin

Anyways eto nap o yung chapter 5.. nandito na po pala ang ibang kasagutan sa mga previous chapters TY






Nightmare Love: Kirby's secret

Chapter 5

Jm's POV

     Nasa klase ako at hindi ko pa rin maiwasan ang alok sa akin ni Kirby.. sasama ba ako o hindi? kung sasama ako, kasi may nararamdaman akong hindi maganda pero kung hindi naman ako sasama baka magalit pa ng husto si Kirby pero teka, ano bang ikinagagalit ni Kirby sa mga bakla? hindi naman siya bakla pero nagagalit siya sa bakla, baka naman naiilang lang.


     "Jm.. huy", ang rinig kong sabi ng babae sabay kalabit sa akin


     "Oh ikaw pala", ang sagot ko naman sa babae, si Eunice


     "Ang galing magbasketball ah", matawa-tawang sabi niya


     "Oi hindi ah, tsambahan lang yun", ang nahihiyang sabi ko


     "Sus, ang galing nga eh, nakita ko kung paano ka maglaro kahapon, takte para kang boyfriend ko ah", ang nasabi niya


     "Talaga may boyfriend ka?", ang natatawang sabi ko na tipong inaasar ko siya


     "Ang hard ha! Oo meron talaga", ang sabi niya


     "Joke lang.. ang swerte mo naman, gaano naman kayo katagal nung guy?", sabi ko sa kanya


     "3 years na kami noh!", pagmamalaki niya


     "Wow going strong ah, pakilala mo naman ako dun sa boyfriend mo", sabi ko


     "Sus, baka agawin mo lang noh!"


     "Ang kapal ah, hindi ako kumikilatis kung gwapo yung guy noh at tsaka yung mahal ko nasa states..", ang nasabi ko, naalala ko na naman si Rain hayss..


     "Oh? what a coincidence, nasa states ang boyfriend ko eh, pero pauwi na rin siya siguro mga 5 months ata", ang sabi niya


     "Wow naman", ang nasabi ko sa kanya na may halong inggit kasi 5 months na lang at makikita niya yung mahal niya samantalang ako hindi ko alam kung kelan


     "Sus, wag nang mainggit ahaha, meron ka na eh", ang sabi niya


     Nagpatuloy lang kami sa pagchichikahan hanggang sa mag-time na lang ng subject namin. Totoo nga yung sabi ni Richard kasi hindi na nagiging isyu ang aking pagkatao kung baga tanggap na nila pero sa kaso ni Kirby, mukhang matatagalan ata ako.









Mike's POV

     "Ano ba naman yan? hindi ko pa rin siya mahanap", ang inis kong sabi sarili


     For all this time ay si Jm lang ang hinahanap ko para lang ma-congrats siya ng personal hindi ko alam kung bakit siya ang laging hinahanap ko pero ang tanging naiisip ko ay mapasalamatan siya ng personal.


     "Bingo!", ang nasabi ko nang makita ko si Jm na nagrereview sa park


     Hindi naman niya alam na malapit na ako sa kanya kaya nag-isip ako na pwedeng maasar siya pero naisip ko na baka sumosobra na ako kaya ang ginawa ko ay..


     "May nakaupo po ba dito?", ang magalang kong tanong kay Jm


     "May nakikita ka di ba?", masungit niyang sagot


     Aba loko 'to ah! Naging maayos naman ang ginawa ko sa kanya nang hindi siya inaasar man lang pero bakit nagsusungit naman siya sa akin? Hindi man lang siya ngumiti. Takte naman? bakit kelangan ko ba siyang pangitiin palagi? anu ako? jowa nito? ayos ah.


     "Sorry hindi ko sinasadya", ang nasabi ko na lang kahit ang layo sa sinabi ko


     "Ha? anong nangyayari sa'yo? mukhang natalo ka sa lotto ah", pang-aasar niya


     "Masaya ka na niyan? nakapanlait ka na!", medyo asar kong sabi, natawa naman siya


     "Haha! Joke lang eto naman.. mukha ka kasing nalugi sa negosyo eh...", natatawang sabi niya


     "At talagang pinagpatuloy mo pa ang pang-aasar ah", ang naasar kong sabi pero sinasadya ko na ito. Hindi ko alam pero ang sarap pagmasdan ng itsura ni Jm habang tumatawa


     "Haha.. ang adik mo rin eh.. mukha ka kasing naasar eh.. ang sarap mo palang maasar haha!", natatawa niyang sabi


     "Alam ko naman na masarap ako eh", pagmamayabang ko


     "Hala ka? masarap ka? mukha ka nang panis eh", pang-aasar niya ulit


     "Ah ganun.. ha!", asar kong sabi at lumapit sa kanya


     Ang matagal ko nang pinanggigigilan ng pisngi ni Jm ay ngayon hawak ko na, ang lambot grabe, pano na kaya yung labi niya ang nadampian ko? Takte talaga.. ano ba 'tong pinag-iisip ko


     "Bitiwan mo na...! aw..", ang asar na utos ni Jm sa akin


     Dahil sa alam kong asar na siya ay agad ko namang binitawan ang pisngi niya, ano ba yan! mabilis maasar naman 'tong isa na 'to


     "Sorry", mahina kong usal


     "Ano ka ba naman.. ok lang marami nang nanggigil sa pisngi ko noh! Isa ka na dun", ang natatawa niyang sabi


     "Hindi ka galit?", nagtatakang sabi ko sa kanya


     "Ba't naman ako magagalit? sanay na kaya ako sa mga pumipisil sa pisngi ko noh! At tsaka wala sa bokabularyo ko ang salitang magalit kasi magagalit ang magulang ko", ang masayang sabi niya, napangiti naman ako


     "Oh anu na naman yang ngiti na yan?", ang tanong sa akin ni Jm


     "Bakit? nagkakagusto ka na ba sa akin?", ang natatawang sabi ko


     "Haha! Ang yabang din noh! Kaya ka hiniwalayan ng girlfriend mo eh, mayabang haha!", pang-aasar niya, natahimik naman ako


     Mayabang ba talaga ako kaya ako hiniwalayan ng girlfriend ko? Ganun na ba ako kahangin?


     "Oi joke lang yun, hindi naman totoo na hindi kayo hiwalay ng girlfriend mo di ba?", ang tanong niya sa akin


     What? Hindi niya alam ang tungkol sa akin? alam naman niya kung gaano ako kasikat di ba? baka nga wala siyang pakialam sa akin. Ano ba niya ako? nakaramdam naman ako ng kaunting sakit sa aking dibdib,


     "Totoo eh..", malungkot kong sabi ko. Kita ko naman na nag-iba ang itsura niya at napalitan ng pag-aalala


     "So-sorry, hi-hindi ko alam eh..", nahihiya niyang sabi sa akin


     "O-ok lang", malungkot kong sabi


     "Ah.. eh.. sorry ulit", sabi niya ulit sa akin pero halata pa rin dito ang pagkakahiya


     "Paulit-ulit? ok nga lang at tsaka, ok na naman ako", sagot ko na lang


     "Ganun? kung naka-move ka ngang talaga, smile ka muna?", sabi niya napangiti naman ako


     "Ganito?", at nag-smile ako


     "Konti lang", nakangiting sabi niya at nagtawanan kami..


     "Ganito?", at nag-smile ulit ako ng pa-cute


     "Maka-pa cute ka naman.. ang pangit mo uy", pang-aasar niya, natawa naman ako


     Bakit kaya gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko si na nakangiti? Hindi ko maintindihan ko ngayon.. nararamdaman ko kay Jm ang nararamdaman ko kay Ruby? Hindi! Mas malakas pa ata ngayon ang tama ko sa kay Jm


     "Ah..eh.. sorry nga pala sa inasta ko nung isang araw ah, nung sinagot-sagot kita", sabi niya


     "Sus.. alam mo na kung saan an lugar mo", angas-angasan kong sagot, tumango naman siya


     "Ah..eh.. ano kasi eh.. Hindi naman bastusan 'tong gagawin ko pero medyo late na rin ako sa sususnod kong klase", sabi niya at niligpit ang kaniyang gamit at dali-dali siyang umalis sa aking kinauupuan


     "Bakit kaya iba ang nararamdaman ko sa'yo?", ang sabi ko sa sarili habang tinitignan ang papalayong si Jm









Jm's POV

     Takte, ano ba yung naramdaman ko kanina? Parehang-pareha kay Rain yung nararamdaman ko kay Mike. Hindi pwede ito! Pano kung malaman ni Rain na may nararamdaman ako sa iba. Hindi talaga pwede ito. Kelangan ko nang iwasan si Mike para hindi lumala ang nararamdaman kong ito.


     "Saan ka pupunta?", ang rinig kong maangas na sabi ng isang lalake.. paglingon ko si Kirby


     "Ki-Kirby..", utal-utal kong sabi


     "Ako nga bakit?!", maangas niyang sabi


     "An-anong kelangan mo sa akin?", ang kaba-kaba kong sagot


     "Di ba sasama ka sa akin para mapatawad na kita?! Sa ayaw at sa gusto mo kelangan mong sumama sa akin", pananakot niyang sabi sa akin


     "Ba-bakit anong gagawin mo?", ang kinakabahan kong pahayag


     "Basta sumama ka na!", ang bulyaw niya sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya


     Nasa loob na ako ng kotse ni Kirby nang walang nag-iimikan sa amin. Hindi naman ako makapagsalita kahit na hindi ko alam ang daan na patungo namin. Dahil hindi pa kami tumitigil sa pagbibyahe, ay hindi ko napansing nakatulog na pala ako.


     "PAAKKK...!", ang malakas na sampal sa akin na siyang nakapag gising sa akin, sinampal ako ni Kirby


     "A-asan ta-tayo?", ang kinakabahan kong sabi sa kanya habang hawak ang pisngi ko


     "Welcome to hell!", ang nakakatakot niyang pahayag









Kenji's POV

     Ako si Kenji. Ang taong walang identity. Hindi ko alam ang historya ko pero ang sabi ng stepmom ko ay namatay ang pamilya ko. Ang Mommy ko ay namatay sa Leukemia at ang Daddy at kapatid ko daw ay namatay sa airplane crash.


     Dumating ang araw nang nakita ko si Jm sa library.. Nagulat pa nga ako sa itsura niya eh.. He reminds me of someone pero hindi ko maalala lalo na yung boses niya. Agad naman akong lumabas ng library dahilan nang sumakit ang ulo nang makita si Jm.


     Pangalawa pa rin ay nakita ko si Jm sa Bar. Nagulat nga ako eh kasi nananadya lang ang tadhana kung bakit ko siya nakita pero nginitian ko naman siya. Pinalapit ko pa nga siya sa akin eh, basta ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.


     "Ayun si Jm oh, kausap si babe", ang sabi ni Krisha sa akin


     "Oo nga eh parang seryoso ang pinaguusapan nila kasi..", ang hindi ko natuloy na pahayag dahilan nang sinigawan ni Kirby si Jm


     "Kenji tara na baka mapano si Jm..", ang paghihisterikal ni Krisha sa akin


     Agad naman kaming tumakbo papunta sa kotse ni Kirby ngunit bigo kami, nakita na lang namin na nakasakay na siya at humarurot ang kotse ni Kirby palabas ng campus.


     Agad naman namin siya sinundan at gamit ang kotse ko.


     "Kenji dalian mo.. baka mapano si Jm", ang tarantang sabi ni Krisha sa akin, nataranta naman ako


     Hindi ko alam pero natataranta na rin ako kasi nga mahalaga na rin si Jm sa akin. Pinakalma ko naman ang aking sarili para hindi kami madisgrasya pero sa kasamaang palad ay hindi na namin nakita ang kotse ni Kirby pero nahagilap ko naman ang kotse ni Mike, ano kaya ang ginagawa niya dito?


     "Alam mo ba kung saan dadalhin ni Kirby si Jm?", ang kalmadong tanong ko kay Krisha


     "Te-teka.. alam kong alam na niyang bakla si Jm kaya alam ko kung saan siya pupunta", ang sagot ni Krisha sa akin


     Kahit hindi ko alam ang daan kung saan yun, ay tinulungan naman kami ni Krisha patungo dun. Sana maabutan namin sila doon.









Mike's POV

     Dahil nga sa kakaibang nararamdaman ko kay Jm, ay sinundan ko siya, ako na ang dakilang stalker! Ewan ko kung bakit ko yun nagawa. Nakita ko si Jm na may kausap sa kotse.. teka kotse ni Kirby yun ah.. di ba galit sa bakla si Kirby ah.. bakit kaya sila nag-uusap?


     Nagulat na lang ako nang bulyawan ni Kirby si Jm.. nakaramdam naman ako ng kaunting inis sa ginawa ni Kirby. Wala akong paki kung tropa ko siya pero nakikita ko kasi si Jm na natataranta eh. Kinabahan naman ako sa aking nakikita parang may masamang mangyayari.


     Humarurot naman ang kotse ni Kirby matapos sumakay ni Jm sa loob, agad naman akong nagmadali at sinundan ang kotse niya gamit ang aking kotse. Masyadong mabilis ang kotse ni Kirby kaya hindi ko na naabutan. Nahagip naman ng aking mata ang kotse ni Kenji kaya umiba ako ng daan at binalak na sundan sila.


     Sa pagsunod ko sa kanila ay hindi ako makaramdam ng pagod. Ewan ko kung anong gayuma ang binigay sa akin ni Jm at parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Hindi naman ako bakla para umibig sa kanya pero.... umiibig na ba talaga ako sa kanya?









Jm's POV

     "AAARRRRAAAY...!!!", ang sigaw habang nakabitin ako sa bodega na pinuntahan namin ni Kirby habang may kung anong nakakakuryenteng bagay ang idinidikit niya sa akin dahilan ng mapasigaw ako sa sobrang sakit.


     "Ano? di ba gagawin mo ang lahat para mapatawad kita?", ang nasisira na ulo na sabi ni Kirby sa akin, kinabahan naman akong lalo kasabay ang takot na nadarama.


     "Ba-bakit?.. bakit mo ginagawa sa akin 'to? bakit ka ba nagagalit sa mga bakla? anong kasalanan namin sa'yo at ginagawa mo 'to?", naiiyak kong pagtatanong sa kanya


     "Kasalanan? Marami kayong kasalanan.. unang-una sa lahat ay yung pangbababoy mo sa akin.!.", ang bulyaw niya sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya.. ibig sabihing...


     "Oo! Biktima ako ng rape at kayong mga bakla kayo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!", ang bulyaw niya sabay dikit na naman ng kung anong nakakakuryenteng bagay


     "AAhhhhh... please.. wag.. hindi kita nilapastangan.. parang awa mo na.. itigil mo na 'to please", mahina kong usal dahil nawawalan na ako ng lakas


     "Hindi! Dapat lang sa'yo yan!", ang bulyaw niya kasama pa ng dikit ng kung anung bagay na naman sa akin


     "AAAAhhhhh...!!!!", ang sigaw ko


     Kakaibang takot na ang aking nadarama sa twing nakikita ko ang isang Kirby na nababaliw habang unti-unti na akong pinapatay.. natatakot ako, kinakabahan... naduduwag.. matinding panginginig ang aking nararamdaman dahil sa takot. Ayaw ko na... please...


     "Shit! D'yan ka lang!", ang sabi ni Kirby dahilan ng may nakita siyang tao sa labas


     Pinilit ko namang lumingon patungo sa bintana kung sino yung tao pero naaninag ko ang isang Krisha at Kenji na naghahanap sa aking pangalan... Kahit alam kong may pag-asang may tutulong sa akin ay matindi pa rin ang takot ko sa twing nakikita ko si Kirby.









Kirby's POV

     I'm a rape victim. Oo, ni-rape ako. Eto ang tinatago kong sikreto. Kaming na naturing na sikat ay may sikreto hindi pa alam ng lahat. At ako, eto ang sikreto ko kung bakit nagagalit ako sa bakla. Hindi ko alam pero sa twing nakakakita ako ng bakla ay parang ang sarap pahirapin.. dapat magdusa sila dahil lang sa katarantaduahng ginagawa nila.


     Ako, alam kong hindi naman kasalanan ng ibang bakla ang nangyari sa akin at heto ako, pinipilit ko pa rin "kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat" ang pinaninindigan ko


     Heto ako ngayon kasama ang isang bakla na pinapahirapan ako. Tulad ng ibang bakla.. nagdidilim ang paningin ko. Kahit na bestfriend ng mahal ko ang sinasaktan ko ay wala akong paki basta kung bakla siya, dapat lang niya magdusa.


     Natanaw ko sila Krisha na papunta dito. Kasama niya si Kenji. Tanaw ko rin na humahabol si Mike. At anong ginagawa nila dito?


     "Shit! d'yan ka lang!", ang galit kong sabi kay Jm habang nakabitin sa kisame


     Pagkalabas ko naman ay sa ibang daanan ako dumaan para hindi nila mahanap si Jm. Oo na! Masama kung masama, pero na-trauma ako eh.


     "Babe! Anong ginagawa niyo dito?", ang panggugulat ko sa kanila. Kita ko naman na sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng boses.


     Agad namang lumapit si Krisha sa akin, sasalubungin ko sana siya ng halik ngunit...


     "PPAAAKKKK..!!", malutong na sampal ang natanggap ko mula kay Krisha


     "How dare you! Akala ko ba nagkakamabutihan na tayo? bakit mo dinala si Jm dito!", inis niyang sabi sa akin


     "Wala dito si Jm", ang sabi ko


     "Nakita namin na sumakay siya sa kotse mo! Ilabas mo siya", pansin ko naman ng masama na ang tingin sa akin ni Kenji na tipo bang papatayin ako


     "Babe?! Anong meron bang sa baklang yun at pinahahalagahan niyo siya? Naiinis ako eh", ang sabi ko sa kanila


     Muli, isang sampal ang natanggap ko mula kay Krisha.. Naiyak na naman muli ako


     "Babe?", ang naiiyak kong sabi sa kanya


     "Babe! Ilang beses ba akong magmamakaawa sa'yo ha?! Ilang beses ba akong makikiusap sa'yo ha?! Bakit ba kasi ang kitid ng utak mo? Ano pa bang gagawin ko sa'yo lumuhod ba ako para lang matanggap mo ang katotohanan?", ang naiiyak niyang sabi at lumuhod. Nakita ko naman si Kenji na nagulat sa kanyang narinig


     "Babe.. tuma..", ang hindi ko natuloy na sasabihin dahil nagsalita ulit siya


     "Babe! Hindi eh.. hindi ka patas.. sabi mo tatanggapin mo na yun! Bakit nangyayari 'to at sa bestfriend ko pa?! Hindi tayo mag-uusap hangga't hindi mo natatanggap ang katotohanan! Dapat na siguro yun dahil para matauhan ka na hindi lahat ng bakla ay parehas ng iniisip mo! Tao rin sila! Nakakaramdam ng sakit at kirot. May damdamin na naiiba sa lahat. Bakit? kapag ba nakipagkaibigan ka sa bakla, marerape ka na?! Think of it Kirby! Hindi gagawin ni Jm sa'yo alam ko ang ugali ni Jm at malayong-malayo yun sa'yo!!", ang sabi ni Krisha at hindi na napagilan na humagulgol sa harapan ko.


     Tumayo mula sa pagkakatayo si Krisha at nagwalk-out, Ang huling kataga na sinabi ni Krisha ay siyang nakapagpagising sa akin sa katotohanan. Kelangan kong balikan si Jm, marami na akong masama na nagawang atraso, hindi lang kay Jm, kundi sa mga baklang nagulpi ko. Tatakbo na sana ako nang..


     "Krisha...!!", ang rinig kong sigaw ni Kenji at ni Mike na halos sabay. Lumingon ako sa pinanggalingan ni Krisha nang..


     "Beeeeepp..! Beeeppp..!", ang kotse dadaan sa dadaanan ni Krisha at ang resulta...


     Hindi ko makagalaw sa aking kinatatayuan.. eto na ba ang karma ko? wag naman.. ang mahal ko! Ako na lang wag si Krisha! Mahalaga siya sa akin... Ayaw kong mawala siya sa piling ko.. matagal na kaming nagmamahalan.. please wag siya.. Nakita ko naman na bulagta siya sa sahig. Rinig ko na lang na tumatawag ng ambulansya sila Kenji at Mike. Pilit naman nila akong kinakausap pero walang salita ang nanggagaling sa akin.


     Pagkadating naman agad na ambulansya, ay agad naglabas ng stretcher ang isa sa mga tao dun at dahang-dahan na isinakay si Krisha sa loob ng ambulansya at humarurot ang ambulansya patungong hospital.


     Dun ko lang napagtanto na naiwan pa pala si Jm. Wala ring saysay kung mabubuhay si Krisha ng wala si Jm.. magiging malungkot ang mahal ko.. naalala ko pala na may timer akong nailagay na kung saan ay bigla na lang itong mag-aapoy.. I'm a criminal. Hindi na ako ang Kirby na masaya at all times. Kelangan kong balikan si Jm sa abot ng aking makakaya.









Mike's POV

     Nang madala si Krisha sa loob ng ambulansya ay sumunod si Kenji sa ambulansya mukhang nakalimutan nila si Jm. Agad ko naman pinasok ang bodega ngunit bigla na lang itong nagliyab.. nasusunog ang bodega. Kaya dali-dali naman akong pumasok sa loob ng bodega.. Ewan ko hindi naman kami magkaibigan ni Jm pero parang ang importante niya sa akin. Hinanap ko ang bawat kwarto nang room pero sadly walang Jm akong makita.


     Nagulat ako nang makarinig ako na may sumisigaw ng tulong... agad ko namang tinungo iyon at pinasok at nakita ko ang taong hinahanap ko na tila nanghihina dahil makapal na ang usok sa paligid


     "JM...!", ang sigaw ko sa kanya


     "Tu-tulong.. tulungan mo a-ako", nanghihina niyang sabi sa akin, naawa naman ako


     "Wag ka na munang magsalita.. sshh nandito na ako..", ang sagot ko at agad-agad na binuhat si Jm


     Wala akong paki kung mabigat siya basta ang nasa isip ko lang ay mailigtas siya... Masyado nang makapal ang usok at wala na akong makita.. ngunit pinilit ko pa rin na hanapin ang daanan palabas nitong bodegang ito.


     Matapos ang higit kalahating oras ay nakalabas kami ng bodega na iyon. Wala bumberong dumadating sapagkat ito ay tago lamang na bodega. Walang sinuman ang nakakakita nito. Mabuti naman lamang iyon at wala na rin itong madamay na ibang gusali.


     Naging abo na ang bodega ngunit walang malay pa rin si Jm. Hindi ko na pala namalayan na naiiyak na pala ako.. Ewan ko kung bakit ako umiiyak dahil ba 'to sa aking nakikita nasasaktan ako o naawa lang? basta hindi ko na inalam kung ano nga ba 'tong nararamdaman ko kay Jm.


     "Jm.. kayanin mo ah.. hindi ka mawawala", ang sabi ko habng tumutulo ang luha ko sa walang malay na si Jm


     Sa kabila ng walang kamalayan niya ay muli, pinagmasdan ko na naman ang kanyang itsura. Talagang kaaya-aya siyang tignan.. walang kasawa-kasawa.. hayss.


    Dumako naman ang aking mata sa kanyang labi.. ayaw ko naman abusuhin pero ang labi niya ay nang-aakit na halikan ito.. Alam kong mali pero....


     Wala na akong ginawa kundi ang halikan siya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at idinampi ko ang aking labi sa kanyang labi.. Binigyan ko siya ng isang halik.. at pagkatapos nun ay agad ko na siyang dinala sa hospital para maipagamot.









Jm's POV

     Nagising ako nang maputi ang paligid. Nasa langit na ba ako?.. hindi pwede, kelangan ko muna makapagtapos sa pag-aaral at maiahon ko sa hirap ang aking magulang bago ako mamatay.


     Masakit ang aking katawan. Ramdam ko ito. Naalala ko na ang lahat.. ang pagdala ni Kirby sa akin sa bodega.. ang pagpapahirap niya sa akin at biglaang pag-alis niya dahilan nang nakita niya sila Krisha at Kenji... tapos ang biglaang pagsunog nang bodega.. te-teka.. sino ang nagdala sa akin sa hospital.


     Gusto ko mahanap ang kasagutan sa aking katanungan... dahan-dahan kong idinilat ang aking mata.. Tama nga, nasa hospital nga ako. Inilibot ko ang aking mata sa paligid at nakita ang isang Mike na natutulog sa aking tabi.. HA! Si Mike?!


     "uhh..", ang pag-ungol ko para magising siya, at nagising nga siya


     Pagkagising ko naman ay nanlaki ang mata niya.. ewan ko kung bakit nanlaki yun.. pero mas nagulat ako nang may tumulong luha sa kanyang mata.. hala? bakit?


     "Jm....", ang bigkas niya sa aking pangalan


     "Oh? ikaw ba ang nagdala sa akin dito?", ang tanong ko sa kanya na medyo nanghihina pa


     "Mahabang kwento Jm.. pero oo ako nga ang nagdala sa'yo dito sa hospital..", ang nasabi niya


     "Sa-salamat.. pero nasaan na sila Kirby? di ba nakita niya sila Krisha at Kenji?", ang biglaang tanong ko


     "Nandito rin sila sa hospital", ang sagot naman niya.. nagulat naman ako


     "HA..? na-nandito si Kirby?", ang kinakabahan kong sabi


     "Shhh.. wag kang kabahan.. hindi ka pupuntahan dito at walang nakakaalam na nandito ka", ang sagot naman niya


     "HA? ba-bakit sila nandito?", ang sunod kong katanungan


     "Daming tanong ah?", ang pagbibiro niya, pero nanatili lang akong seryoso


     "Eto naman.. ang seryoso mo masyado.. Nandito kasi sila kasi dinala nila dito si Krisha. kasi naaksidente siya", ang sagot niya.. nanlaki naman ang aking mata


     "HA? si bessy naaksidente?! kelangan natin siya puntahan", bigla kong paghihisterikal


     "Nandun si Kirby di ba? pero pumunta na ako dun para maki-tsismis", ang pagpapaalala niya sa akin


     "Anong balita sa kanya?", ang sabi ko


     "Masama daw ang kalagyan ni Krisha.. di naman ganoon kalakas ang pagkakatama sa kanya pero..", ang sabi niya


     "Pero ano?..", ang kinakabahan kong sabi


     "Pero kelangan niya ng blood donor.. dahil marami nang dugo ang nawala sa kanya.. hindi naman pwede na tawagin ang magulang niya tiyak paghihigpitan na nila si Krisha..", ang sabi niya


     "Pero makakabuti na rin yun", ang sabi ko naman


     "Ayun nga yun eh.. kapag nalaman nila na naaksidente si Krisha ay paghihiwalayin na sila ni Kirby.. at alam namin kung gaano kahigpit ang magulang ni Krisha..", ang malungkot na sabi ni Mike sa akin


     "Anong plano nila?", ang sabi ko naman sa kanya


     "Ewan ko.. mukhang nawawalan na sila ng pag-asa..", malungkot na niya ring sabi sa akin


     Katahimikan... walang umiimik sa aming dalawa.. walang nagsasalita pagkatapos ng aming konbersasyon. Alam ko, nag-iisip din si Mike pero hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero ako... iniisip ko kung anong mangyayari kay Krisha kung sasabihin nila sa magulang niya ang mangyayari ay baka paghiwalayin sila ni Kirby at baka mas lalo magwala si Kirby sa akin.


     Sandali naman akong nag-isip......,


     Nag-isip.


     Nag-isip nang nag-isip...


     Hanggang sa..


     "Mike..", tawag ko sa kanya


     "Bakit?", ang sagot niya


     "Alam ko na kung paano tutulungan si Krisha..", ang masayang sabi ko


     "Paano?"



     Sinabi ko sa kanya ang planong sinabi ko pero mukhang nag-aalinlangan pa siya.. pero ako kelangan gawin ko ang plano ko

14 comments:

  1. update pa po ulit hihi nakala excite grabe please update!!

    ReplyDelete
  2. paganda na ng paganda sana mas mabilis ang update author!

    -marC-

    ReplyDelete
  3. hayysss.. ka-bait naman masyado ng character.. pwedeng magkaroon gn turns of event yung magagalit yung bida naman!

    ReplyDelete
  4. Para lang minadali ang chapter na ito... Kulang sa development at emosyon ang story... Mas maganda sana kung nabigyan ng emphasis bawat flow ng story..

    ** FIRST here **

    ReplyDelete
  5. Thanks for the update,tagal kong hinintay ng update nito :))

    ReplyDelete
  6. isa ulit n aabangan kong istorya n ponse... galing talaga. idol

    -madztorm

    ReplyDelete
  7. Ganda ng storya! Excited na ako sa next chapter :D

    Sana maupdate na to.tnx mr. Author :))

    ReplyDelete
  8. Update din...mag post ng story pero di namn naguupdate...kaloka ka auyhor

    ReplyDelete
  9. Update din...mag post ng story pero di namn naguupdate...kaloka ka auyhor

    ReplyDelete
  10. Pa update naman po nung story , antagal na pong walang update.ee , salamat. -christian

    ReplyDelete
  11. pasensya na po mga sir.. malapet na po akong mag-update konting tiis po muna sorry po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir tatapusin p po b itong story n ito.? Ang tagal n po kasi masyado. Haha, sana po mapagpatuloy

      Delete
  12. Pag itong author na to? Bihira lang matapos ang mga eatory nya. Konting chaptets na, hindi pa matapostapos.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails