Authors Note:
Guys sorry kung
natagalan po ang update pero ito na po ang chapter 5 ng aking story hope you
wil like it
Salamat po pala kay
sir mike at kay ponse for letting me post in their blog lalo na kay ponse na
nagsusuport sa akin
Anyways eto nap o
yung chapter 5.. nandito na po pala ang ibang kasagutan sa mga previous
chapters TY
Nightmare Love:
Kirby's secret
Chapter 5
Jm's POV
Nasa klase ako at hindi ko pa rin maiwasan
ang alok sa akin ni Kirby.. sasama ba ako o hindi? kung sasama ako, kasi may
nararamdaman akong hindi maganda pero kung hindi naman ako sasama baka magalit
pa ng husto si Kirby pero teka, ano bang ikinagagalit ni Kirby sa mga bakla?
hindi naman siya bakla pero nagagalit siya sa bakla, baka naman naiilang lang.
"Jm.. huy", ang rinig kong sabi
ng babae sabay kalabit sa akin
"Oh ikaw pala", ang sagot ko
naman sa babae, si Eunice
"Ang galing magbasketball ah",
matawa-tawang sabi niya
"Oi hindi ah, tsambahan lang
yun", ang nahihiyang sabi ko
"Sus, ang galing nga eh, nakita ko
kung paano ka maglaro kahapon, takte para kang boyfriend ko ah", ang
nasabi niya
"Talaga may boyfriend ka?", ang
natatawang sabi ko na tipong inaasar ko siya
"Ang hard ha! Oo meron talaga",
ang sabi niya
"Joke lang.. ang swerte mo naman,
gaano naman kayo katagal nung guy?", sabi ko sa kanya
"3 years na kami noh!",
pagmamalaki niya
"Wow going strong ah, pakilala mo
naman ako dun sa boyfriend mo", sabi ko
"Sus, baka agawin mo lang noh!"
"Ang kapal ah, hindi ako kumikilatis
kung gwapo yung guy noh at tsaka yung mahal ko nasa states..", ang nasabi
ko, naalala ko na naman si Rain hayss..
"Oh? what a coincidence, nasa states
ang boyfriend ko eh, pero pauwi na rin siya siguro mga 5 months ata", ang
sabi niya
"Wow naman", ang nasabi ko sa
kanya na may halong inggit kasi 5 months na lang at makikita niya yung mahal
niya samantalang ako hindi ko alam kung kelan
"Sus, wag nang mainggit ahaha, meron
ka na eh", ang sabi niya
Nagpatuloy lang kami sa pagchichikahan
hanggang sa mag-time na lang ng subject namin. Totoo nga yung sabi ni Richard
kasi hindi na nagiging isyu ang aking pagkatao kung baga tanggap na nila pero
sa kaso ni Kirby, mukhang matatagalan ata ako.
Mike's POV
"Ano ba naman yan? hindi ko pa rin
siya mahanap", ang inis kong sabi sarili
For all this time ay si Jm lang ang
hinahanap ko para lang ma-congrats siya ng personal hindi ko alam kung bakit
siya ang laging hinahanap ko pero ang tanging naiisip ko ay mapasalamatan siya
ng personal.
"Bingo!", ang nasabi ko nang
makita ko si Jm na nagrereview sa park
Hindi naman niya alam na malapit na ako sa
kanya kaya nag-isip ako na pwedeng maasar siya pero naisip ko na baka sumosobra
na ako kaya ang ginawa ko ay..
"May nakaupo po ba dito?", ang
magalang kong tanong kay Jm
"May nakikita ka di ba?",
masungit niyang sagot
Aba loko 'to ah! Naging maayos naman ang
ginawa ko sa kanya nang hindi siya inaasar man lang pero bakit nagsusungit
naman siya sa akin? Hindi man lang siya ngumiti. Takte naman? bakit kelangan ko
ba siyang pangitiin palagi? anu ako? jowa nito? ayos ah.
"Sorry hindi ko sinasadya", ang
nasabi ko na lang kahit ang layo sa sinabi ko
"Ha? anong nangyayari sa'yo? mukhang
natalo ka sa lotto ah", pang-aasar niya
"Masaya ka na niyan? nakapanlait ka
na!", medyo asar kong sabi, natawa naman siya
"Haha! Joke lang eto naman.. mukha ka
kasing nalugi sa negosyo eh...", natatawang sabi niya
"At talagang pinagpatuloy mo pa ang
pang-aasar ah", ang naasar kong sabi pero sinasadya ko na ito. Hindi ko
alam pero ang sarap pagmasdan ng itsura ni Jm habang tumatawa
"Haha.. ang adik mo rin eh.. mukha ka
kasing naasar eh.. ang sarap mo palang maasar haha!", natatawa niyang sabi
"Alam ko naman na masarap ako
eh", pagmamayabang ko
"Hala ka? masarap ka? mukha ka nang
panis eh", pang-aasar niya ulit
"Ah ganun.. ha!", asar kong sabi
at lumapit sa kanya
Ang matagal ko nang pinanggigigilan ng
pisngi ni Jm ay ngayon hawak ko na, ang lambot grabe, pano na kaya yung labi
niya ang nadampian ko? Takte talaga.. ano ba 'tong pinag-iisip ko
"Bitiwan mo na...! aw..", ang
asar na utos ni Jm sa akin
Dahil sa alam kong asar na siya ay agad ko
namang binitawan ang pisngi niya, ano ba yan! mabilis maasar naman 'tong isa na
'to
"Sorry", mahina kong usal
"Ano ka ba naman.. ok lang marami
nang nanggigil sa pisngi ko noh! Isa ka na dun", ang natatawa niyang sabi
"Hindi ka galit?", nagtatakang
sabi ko sa kanya
"Ba't naman ako magagalit? sanay na
kaya ako sa mga pumipisil sa pisngi ko noh! At tsaka wala sa bokabularyo ko ang
salitang magalit kasi magagalit ang magulang ko", ang masayang sabi niya,
napangiti naman ako
"Oh anu na naman yang ngiti na
yan?", ang tanong sa akin ni Jm
"Bakit? nagkakagusto ka na ba sa
akin?", ang natatawang sabi ko
"Haha! Ang yabang din noh! Kaya ka
hiniwalayan ng girlfriend mo eh, mayabang haha!", pang-aasar niya,
natahimik naman ako
Mayabang ba talaga ako kaya ako
hiniwalayan ng girlfriend ko? Ganun na ba ako kahangin?
"Oi joke lang yun, hindi naman totoo
na hindi kayo hiwalay ng girlfriend mo di ba?", ang tanong niya sa akin
What? Hindi niya alam ang tungkol sa akin?
alam naman niya kung gaano ako kasikat di ba? baka nga wala siyang pakialam sa
akin. Ano ba niya ako? nakaramdam naman ako ng kaunting sakit sa aking dibdib,
"Totoo eh..", malungkot kong
sabi ko. Kita ko naman na nag-iba ang itsura niya at napalitan ng pag-aalala
"So-sorry, hi-hindi ko alam
eh..", nahihiya niyang sabi sa akin
"O-ok lang", malungkot kong sabi
"Ah.. eh.. sorry ulit", sabi
niya ulit sa akin pero halata pa rin dito ang pagkakahiya
"Paulit-ulit? ok nga lang at tsaka,
ok na naman ako", sagot ko na lang
"Ganun? kung naka-move ka ngang
talaga, smile ka muna?", sabi niya napangiti naman ako
"Ganito?", at nag-smile ako
"Konti lang", nakangiting sabi
niya at nagtawanan kami..
"Ganito?", at nag-smile ulit ako
ng pa-cute
"Maka-pa cute ka naman.. ang pangit
mo uy", pang-aasar niya, natawa naman ako
Bakit kaya gumagaan ang pakiramdam ko
kapag nakikita ko si na nakangiti? Hindi ko maintindihan ko ngayon..
nararamdaman ko kay Jm ang nararamdaman ko kay Ruby? Hindi! Mas malakas pa ata
ngayon ang tama ko sa kay Jm
"Ah..eh.. sorry nga pala sa inasta ko
nung isang araw ah, nung sinagot-sagot kita", sabi niya
"Sus.. alam mo na kung saan an lugar
mo", angas-angasan kong sagot, tumango naman siya
"Ah..eh.. ano kasi eh.. Hindi naman
bastusan 'tong gagawin ko pero medyo late na rin ako sa sususnod kong
klase", sabi niya at niligpit ang kaniyang gamit at dali-dali siyang
umalis sa aking kinauupuan
"Bakit kaya iba ang nararamdaman ko
sa'yo?", ang sabi ko sa sarili habang tinitignan ang papalayong si Jm
Jm's POV
Takte, ano ba yung naramdaman ko kanina?
Parehang-pareha kay Rain yung nararamdaman ko kay Mike. Hindi pwede ito! Pano
kung malaman ni Rain na may nararamdaman ako sa iba. Hindi talaga pwede ito.
Kelangan ko nang iwasan si Mike para hindi lumala ang nararamdaman kong ito.
"Saan ka pupunta?", ang rinig
kong maangas na sabi ng isang lalake.. paglingon ko si Kirby
"Ki-Kirby..", utal-utal kong
sabi
"Ako nga bakit?!", maangas
niyang sabi
"An-anong kelangan mo sa akin?",
ang kaba-kaba kong sagot
"Di ba sasama ka sa akin para
mapatawad na kita?! Sa ayaw at sa gusto mo kelangan mong sumama sa akin",
pananakot niyang sabi sa akin
"Ba-bakit anong gagawin mo?",
ang kinakabahan kong pahayag
"Basta sumama ka na!", ang
bulyaw niya sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya
Nasa loob na ako ng kotse ni Kirby nang
walang nag-iimikan sa amin. Hindi naman ako makapagsalita kahit na hindi ko
alam ang daan na patungo namin. Dahil hindi pa kami tumitigil sa pagbibyahe, ay
hindi ko napansing nakatulog na pala ako.
"PAAKKK...!", ang malakas na
sampal sa akin na siyang nakapag gising sa akin, sinampal ako ni Kirby
"A-asan ta-tayo?", ang
kinakabahan kong sabi sa kanya habang hawak ang pisngi ko
"Welcome to hell!", ang
nakakatakot niyang pahayag
Kenji's POV
Ako si Kenji. Ang taong walang identity.
Hindi ko alam ang historya ko pero ang sabi ng stepmom ko ay namatay ang
pamilya ko. Ang Mommy ko ay namatay sa Leukemia at ang Daddy at kapatid ko daw
ay namatay sa airplane crash.
Dumating ang araw nang nakita ko si Jm sa
library.. Nagulat pa nga ako sa itsura niya eh.. He reminds me of someone pero
hindi ko maalala lalo na yung boses niya. Agad naman akong lumabas ng library
dahilan nang sumakit ang ulo nang makita si Jm.
Pangalawa pa rin ay nakita ko si Jm sa
Bar. Nagulat nga ako eh kasi nananadya lang ang tadhana kung bakit ko siya
nakita pero nginitian ko naman siya. Pinalapit ko pa nga siya sa akin eh, basta
ang gaan gaan ng loob ko sa kanya.
"Ayun si Jm oh, kausap si babe",
ang sabi ni Krisha sa akin
"Oo nga eh parang seryoso ang pinaguusapan
nila kasi..", ang hindi ko natuloy na pahayag dahilan nang sinigawan ni
Kirby si Jm
"Kenji tara na baka mapano si
Jm..", ang paghihisterikal ni Krisha sa akin
Agad naman kaming tumakbo papunta sa kotse
ni Kirby ngunit bigo kami, nakita na lang namin na nakasakay na siya at
humarurot ang kotse ni Kirby palabas ng campus.
Agad naman namin siya sinundan at gamit
ang kotse ko.
"Kenji dalian mo.. baka mapano si
Jm", ang tarantang sabi ni Krisha sa akin, nataranta naman ako
Hindi ko alam pero natataranta na rin ako
kasi nga mahalaga na rin si Jm sa akin. Pinakalma ko naman ang aking sarili
para hindi kami madisgrasya pero sa kasamaang palad ay hindi na namin nakita
ang kotse ni Kirby pero nahagilap ko naman ang kotse ni Mike, ano kaya ang
ginagawa niya dito?
"Alam mo ba kung saan dadalhin ni
Kirby si Jm?", ang kalmadong tanong ko kay Krisha
"Te-teka.. alam kong alam na niyang
bakla si Jm kaya alam ko kung saan siya pupunta", ang sagot ni Krisha sa
akin
Kahit hindi ko alam ang daan kung saan
yun, ay tinulungan naman kami ni Krisha patungo dun. Sana maabutan namin sila
doon.
Mike's POV
Dahil nga sa kakaibang nararamdaman ko kay
Jm, ay sinundan ko siya, ako na ang dakilang stalker! Ewan ko kung bakit ko yun
nagawa. Nakita ko si Jm na may kausap sa kotse.. teka kotse ni Kirby yun ah..
di ba galit sa bakla si Kirby ah.. bakit kaya sila nag-uusap?
Nagulat na lang ako nang bulyawan ni Kirby
si Jm.. nakaramdam naman ako ng kaunting inis sa ginawa ni Kirby. Wala akong
paki kung tropa ko siya pero nakikita ko kasi si Jm na natataranta eh.
Kinabahan naman ako sa aking nakikita parang may masamang mangyayari.
Humarurot naman ang kotse ni Kirby matapos
sumakay ni Jm sa loob, agad naman akong nagmadali at sinundan ang kotse niya
gamit ang aking kotse. Masyadong mabilis ang kotse ni Kirby kaya hindi ko na
naabutan. Nahagip naman ng aking mata ang kotse ni Kenji kaya umiba ako ng daan
at binalak na sundan sila.
Sa pagsunod ko sa kanila ay hindi ako
makaramdam ng pagod. Ewan ko kung anong gayuma ang binigay sa akin ni Jm at
parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Hindi naman ako bakla para
umibig sa kanya pero.... umiibig na ba talaga ako sa kanya?
Jm's POV
"AAARRRRAAAY...!!!", ang sigaw
habang nakabitin ako sa bodega na pinuntahan namin ni Kirby habang may kung
anong nakakakuryenteng bagay ang idinidikit niya sa akin dahilan ng mapasigaw
ako sa sobrang sakit.
"Ano? di ba gagawin mo ang lahat para
mapatawad kita?", ang nasisira na ulo na sabi ni Kirby sa akin, kinabahan
naman akong lalo kasabay ang takot na nadarama.
"Ba-bakit?.. bakit mo ginagawa sa
akin 'to? bakit ka ba nagagalit sa mga bakla? anong kasalanan namin sa'yo at
ginagawa mo 'to?", naiiyak kong pagtatanong sa kanya
"Kasalanan? Marami kayong kasalanan..
unang-una sa lahat ay yung pangbababoy mo sa akin.!.", ang bulyaw niya sa
akin, nagulat naman ako sa sinabi niya.. ibig sabihing...
"Oo! Biktima ako ng rape at kayong
mga bakla kayo ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!", ang bulyaw niya
sabay dikit na naman ng kung anong nakakakuryenteng bagay
"AAhhhhh... please.. wag.. hindi kita
nilapastangan.. parang awa mo na.. itigil mo na 'to please", mahina kong
usal dahil nawawalan na ako ng lakas
"Hindi! Dapat lang sa'yo yan!",
ang bulyaw niya kasama pa ng dikit ng kung anung bagay na naman sa akin
"AAAAhhhhh...!!!!", ang sigaw ko
Kakaibang takot na ang aking nadarama sa
twing nakikita ko ang isang Kirby na nababaliw habang unti-unti na akong
pinapatay.. natatakot ako, kinakabahan... naduduwag.. matinding panginginig ang
aking nararamdaman dahil sa takot. Ayaw ko na... please...
"Shit! D'yan ka lang!", ang sabi
ni Kirby dahilan ng may nakita siyang tao sa labas
Pinilit ko namang lumingon patungo sa bintana
kung sino yung tao pero naaninag ko ang isang Krisha at Kenji na naghahanap sa
aking pangalan... Kahit alam kong may pag-asang may tutulong sa akin ay matindi
pa rin ang takot ko sa twing nakikita ko si Kirby.
Kirby's POV
I'm a rape victim. Oo, ni-rape ako. Eto
ang tinatago kong sikreto. Kaming na naturing na sikat ay may sikreto hindi pa
alam ng lahat. At ako, eto ang sikreto ko kung bakit nagagalit ako sa bakla.
Hindi ko alam pero sa twing nakakakita ako ng bakla ay parang ang sarap pahirapin..
dapat magdusa sila dahil lang sa katarantaduahng ginagawa nila.
Ako, alam kong hindi naman kasalanan ng
ibang bakla ang nangyari sa akin at heto ako, pinipilit ko pa rin
"kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat" ang pinaninindigan ko
Heto ako ngayon kasama ang isang bakla na
pinapahirapan ako. Tulad ng ibang bakla.. nagdidilim ang paningin ko. Kahit na
bestfriend ng mahal ko ang sinasaktan ko ay wala akong paki basta kung bakla
siya, dapat lang niya magdusa.
Natanaw ko sila Krisha na papunta dito.
Kasama niya si Kenji. Tanaw ko rin na humahabol si Mike. At anong ginagawa nila
dito?
"Shit! d'yan ka lang!", ang
galit kong sabi kay Jm habang nakabitin sa kisame
Pagkalabas ko naman ay sa ibang daanan ako
dumaan para hindi nila mahanap si Jm. Oo na! Masama kung masama, pero na-trauma
ako eh.
"Babe! Anong ginagawa niyo
dito?", ang panggugulat ko sa kanila. Kita ko naman na sabay silang
lumingon sa pinanggalingan ng boses.
Agad namang lumapit si Krisha sa akin,
sasalubungin ko sana siya ng halik ngunit...
"PPAAAKKKK..!!", malutong na
sampal ang natanggap ko mula kay Krisha
"How dare you! Akala ko ba
nagkakamabutihan na tayo? bakit mo dinala si Jm dito!", inis niyang sabi
sa akin
"Wala dito si Jm", ang sabi ko
"Nakita namin na sumakay siya sa
kotse mo! Ilabas mo siya", pansin ko naman ng masama na ang tingin sa akin
ni Kenji na tipo bang papatayin ako
"Babe?! Anong meron bang sa baklang
yun at pinahahalagahan niyo siya? Naiinis ako eh", ang sabi ko sa kanila
Muli, isang sampal ang natanggap ko mula
kay Krisha.. Naiyak na naman muli ako
"Babe?", ang naiiyak kong sabi
sa kanya
"Babe! Ilang beses ba akong
magmamakaawa sa'yo ha?! Ilang beses ba akong makikiusap sa'yo ha?! Bakit ba
kasi ang kitid ng utak mo? Ano pa bang gagawin ko sa'yo lumuhod ba ako para
lang matanggap mo ang katotohanan?", ang naiiyak niyang sabi at lumuhod.
Nakita ko naman si Kenji na nagulat sa kanyang narinig
"Babe.. tuma..", ang hindi ko
natuloy na sasabihin dahil nagsalita ulit siya
"Babe! Hindi eh.. hindi ka patas..
sabi mo tatanggapin mo na yun! Bakit nangyayari 'to at sa bestfriend ko pa?!
Hindi tayo mag-uusap hangga't hindi mo natatanggap ang katotohanan! Dapat na
siguro yun dahil para matauhan ka na hindi lahat ng bakla ay parehas ng iniisip
mo! Tao rin sila! Nakakaramdam ng sakit at kirot. May damdamin na naiiba sa
lahat. Bakit? kapag ba nakipagkaibigan ka sa bakla, marerape ka na?! Think of
it Kirby! Hindi gagawin ni Jm sa'yo alam ko ang ugali ni Jm at malayong-malayo
yun sa'yo!!", ang sabi ni Krisha at hindi na napagilan na humagulgol sa
harapan ko.
Tumayo mula sa pagkakatayo si Krisha at
nagwalk-out, Ang huling kataga na sinabi ni Krisha ay siyang nakapagpagising sa
akin sa katotohanan. Kelangan kong balikan si Jm, marami na akong masama na
nagawang atraso, hindi lang kay Jm, kundi sa mga baklang nagulpi ko. Tatakbo na
sana ako nang..
"Krisha...!!", ang rinig kong
sigaw ni Kenji at ni Mike na halos sabay. Lumingon ako sa pinanggalingan ni
Krisha nang..
"Beeeeepp..! Beeeppp..!", ang
kotse dadaan sa dadaanan ni Krisha at ang resulta...
Hindi ko makagalaw sa aking kinatatayuan..
eto na ba ang karma ko? wag naman.. ang mahal ko! Ako na lang wag si Krisha!
Mahalaga siya sa akin... Ayaw kong mawala siya sa piling ko.. matagal na kaming
nagmamahalan.. please wag siya.. Nakita ko naman na bulagta siya sa sahig.
Rinig ko na lang na tumatawag ng ambulansya sila Kenji at Mike. Pilit naman nila
akong kinakausap pero walang salita ang nanggagaling sa akin.
Pagkadating naman agad na ambulansya, ay
agad naglabas ng stretcher ang isa sa mga tao dun at dahang-dahan na isinakay
si Krisha sa loob ng ambulansya at humarurot ang ambulansya patungong hospital.
Dun ko lang napagtanto na naiwan pa pala
si Jm. Wala ring saysay kung mabubuhay si Krisha ng wala si Jm.. magiging
malungkot ang mahal ko.. naalala ko pala na may timer akong nailagay na kung
saan ay bigla na lang itong mag-aapoy.. I'm a criminal. Hindi na ako ang Kirby
na masaya at all times. Kelangan kong balikan si Jm sa abot ng aking makakaya.
Mike's POV
Nang madala si Krisha sa loob ng
ambulansya ay sumunod si Kenji sa ambulansya mukhang nakalimutan nila si Jm.
Agad ko naman pinasok ang bodega ngunit bigla na lang itong nagliyab..
nasusunog ang bodega. Kaya dali-dali naman akong pumasok sa loob ng bodega..
Ewan ko hindi naman kami magkaibigan ni Jm pero parang ang importante niya sa
akin. Hinanap ko ang bawat kwarto nang room pero sadly walang Jm akong makita.
Nagulat ako nang makarinig ako na may
sumisigaw ng tulong... agad ko namang tinungo iyon at pinasok at nakita ko ang
taong hinahanap ko na tila nanghihina dahil makapal na ang usok sa paligid
"JM...!", ang sigaw ko sa kanya
"Tu-tulong.. tulungan mo a-ako",
nanghihina niyang sabi sa akin, naawa naman ako
"Wag ka na munang magsalita.. sshh
nandito na ako..", ang sagot ko at agad-agad na binuhat si Jm
Wala akong paki kung mabigat siya basta
ang nasa isip ko lang ay mailigtas siya... Masyado nang makapal ang usok at
wala na akong makita.. ngunit pinilit ko pa rin na hanapin ang daanan palabas
nitong bodegang ito.
Matapos ang higit kalahating oras ay
nakalabas kami ng bodega na iyon. Wala bumberong dumadating sapagkat ito ay
tago lamang na bodega. Walang sinuman ang nakakakita nito. Mabuti naman lamang
iyon at wala na rin itong madamay na ibang gusali.
Naging abo na ang bodega ngunit walang
malay pa rin si Jm. Hindi ko na pala namalayan na naiiyak na pala ako.. Ewan ko
kung bakit ako umiiyak dahil ba 'to sa aking nakikita nasasaktan ako o naawa
lang? basta hindi ko na inalam kung ano nga ba 'tong nararamdaman ko kay Jm.
"Jm.. kayanin mo ah.. hindi ka mawawala",
ang sabi ko habng tumutulo ang luha ko sa walang malay na si Jm
Sa kabila ng walang kamalayan niya ay
muli, pinagmasdan ko na naman ang kanyang itsura. Talagang kaaya-aya siyang
tignan.. walang kasawa-kasawa.. hayss.
Dumako naman ang aking mata sa kanyang
labi.. ayaw ko naman abusuhin pero ang labi niya ay nang-aakit na halikan ito..
Alam kong mali pero....
Wala na akong ginawa kundi ang halikan
siya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at idinampi ko ang aking labi sa
kanyang labi.. Binigyan ko siya ng isang halik.. at pagkatapos nun ay agad ko
na siyang dinala sa hospital para maipagamot.
Jm's POV
Nagising ako nang maputi ang paligid. Nasa
langit na ba ako?.. hindi pwede, kelangan ko muna makapagtapos sa pag-aaral at
maiahon ko sa hirap ang aking magulang bago ako mamatay.
Masakit ang aking katawan. Ramdam ko ito.
Naalala ko na ang lahat.. ang pagdala ni Kirby sa akin sa bodega.. ang
pagpapahirap niya sa akin at biglaang pag-alis niya dahilan nang nakita niya
sila Krisha at Kenji... tapos ang biglaang pagsunog nang bodega.. te-teka..
sino ang nagdala sa akin sa hospital.
Gusto ko mahanap ang kasagutan sa aking
katanungan... dahan-dahan kong idinilat ang aking mata.. Tama nga, nasa
hospital nga ako. Inilibot ko ang aking mata sa paligid at nakita ang isang
Mike na natutulog sa aking tabi.. HA! Si Mike?!
"uhh..", ang pag-ungol ko para
magising siya, at nagising nga siya
Pagkagising ko naman ay nanlaki ang mata
niya.. ewan ko kung bakit nanlaki yun.. pero mas nagulat ako nang may tumulong
luha sa kanyang mata.. hala? bakit?
"Jm....", ang bigkas niya sa
aking pangalan
"Oh? ikaw ba ang nagdala sa akin
dito?", ang tanong ko sa kanya na medyo nanghihina pa
"Mahabang kwento Jm.. pero oo ako nga
ang nagdala sa'yo dito sa hospital..", ang nasabi niya
"Sa-salamat.. pero nasaan na sila
Kirby? di ba nakita niya sila Krisha at Kenji?", ang biglaang tanong ko
"Nandito rin sila sa hospital",
ang sagot naman niya.. nagulat naman ako
"HA..? na-nandito si Kirby?",
ang kinakabahan kong sabi
"Shhh.. wag kang kabahan.. hindi ka
pupuntahan dito at walang nakakaalam na nandito ka", ang sagot naman niya
"HA? ba-bakit sila nandito?",
ang sunod kong katanungan
"Daming tanong ah?", ang
pagbibiro niya, pero nanatili lang akong seryoso
"Eto naman.. ang seryoso mo masyado..
Nandito kasi sila kasi dinala nila dito si Krisha. kasi naaksidente siya",
ang sagot niya.. nanlaki naman ang aking mata
"HA? si bessy naaksidente?! kelangan
natin siya puntahan", bigla kong paghihisterikal
"Nandun si Kirby di ba? pero pumunta
na ako dun para maki-tsismis", ang pagpapaalala niya sa akin
"Anong balita sa kanya?", ang
sabi ko
"Masama daw ang kalagyan ni Krisha..
di naman ganoon kalakas ang pagkakatama sa kanya pero..", ang sabi niya
"Pero ano?..", ang kinakabahan
kong sabi
"Pero kelangan niya ng blood donor..
dahil marami nang dugo ang nawala sa kanya.. hindi naman pwede na tawagin ang
magulang niya tiyak paghihigpitan na nila si Krisha..", ang sabi niya
"Pero makakabuti na rin yun",
ang sabi ko naman
"Ayun nga yun eh.. kapag nalaman nila
na naaksidente si Krisha ay paghihiwalayin na sila ni Kirby.. at alam namin
kung gaano kahigpit ang magulang ni Krisha..", ang malungkot na sabi ni
Mike sa akin
"Anong plano nila?", ang sabi ko
naman sa kanya
"Ewan ko.. mukhang nawawalan na sila
ng pag-asa..", malungkot na niya ring sabi sa akin
Katahimikan... walang umiimik sa aming
dalawa.. walang nagsasalita pagkatapos ng aming konbersasyon. Alam ko,
nag-iisip din si Mike pero hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero ako...
iniisip ko kung anong mangyayari kay Krisha kung sasabihin nila sa magulang
niya ang mangyayari ay baka paghiwalayin sila ni Kirby at baka mas lalo magwala
si Kirby sa akin.
Sandali naman akong nag-isip......,
Nag-isip.
Nag-isip nang nag-isip...
Hanggang sa..
"Mike..", tawag ko sa kanya
"Bakit?", ang sagot niya
"Alam ko na kung paano tutulungan si
Krisha..", ang masayang sabi ko
"Paano?"
Sinabi ko sa kanya ang planong sinabi ko
pero mukhang nag-aalinlangan pa siya.. pero ako kelangan gawin ko ang plano ko
update pa po ulit hihi nakala excite grabe please update!!
ReplyDeletepaganda na ng paganda sana mas mabilis ang update author!
ReplyDelete-marC-
hayysss.. ka-bait naman masyado ng character.. pwedeng magkaroon gn turns of event yung magagalit yung bida naman!
ReplyDeletePara lang minadali ang chapter na ito... Kulang sa development at emosyon ang story... Mas maganda sana kung nabigyan ng emphasis bawat flow ng story..
ReplyDelete** FIRST here **
Thanks for the update,tagal kong hinintay ng update nito :))
ReplyDeleteisa ulit n aabangan kong istorya n ponse... galing talaga. idol
ReplyDelete-madztorm
Ganda ng storya! Excited na ako sa next chapter :D
ReplyDeleteSana maupdate na to.tnx mr. Author :))
Update din...mag post ng story pero di namn naguupdate...kaloka ka auyhor
ReplyDeleteUpdate din...mag post ng story pero di namn naguupdate...kaloka ka auyhor
ReplyDelete100 yrs bago mag update...
ReplyDeletePa update naman po nung story , antagal na pong walang update.ee , salamat. -christian
ReplyDeletepasensya na po mga sir.. malapet na po akong mag-update konting tiis po muna sorry po
ReplyDeleteSir tatapusin p po b itong story n ito.? Ang tagal n po kasi masyado. Haha, sana po mapagpatuloy
DeletePag itong author na to? Bihira lang matapos ang mga eatory nya. Konting chaptets na, hindi pa matapostapos.
ReplyDelete