Buhay
na buhay at hindi maipinta ang isang napakalaking Smile sa mukha ng 23 years
old na si Rusty habang papaLanding sa Basco Airport ang kaniyang sinasakyang
eroplano ng PAL. Kahit na maagang gumising ang binata dahil 6:00 am kaniyang flight
ay full of energy siya ng mga oras na iyon dahil natupad na din sa wakas ang
kaniyang matagal ng pinapangarap.
Nais
talagang makalayo ni Rusty sa kaniyang mga Parents upang maranasan naman niyang
mamuhay independently at kahit na tutol ang kaniyang Mom and Dad sa ginawang
pagpapa-Relocate sa trabaho ng binata'y wala silang nagawa dahil just a couple
of days ago lamang na nagsabi itong si Rusty na made-Destino siya sa DOST PAG-ASA
Headquarters located at Basco Batanes.
Hindi
kasi makaporma ang Pamintang si Rusty dahil medyo mahigpit ang kaniyang mga
Parents at medyo alanganin din siyang ipaalam ang tunay niyang sexuality sa
kaniyang family. Bukod dito'y sarado Katoliko din ang buo nilang Pamilya.
Bunso
si Rusty sa tatlong magkakapatid na puro lalaki. Ang kaniyang mga Kuya'y may mga
family na at ang mga ito ang tumutulong sa Furniture Making Business ng
kanilang Family at tanging si Rusty lamang ang nagDecide na maiba sa kaniyang
mga kapataid kaya siya kumuha ng Natural Science. Tutol din ang mga magulang ni
Rusty sa kaniyang kinuhang Kurso ngunit wala din naman silang nagawa nang
makapasa sa UP ang kanilang anak kaya nama'y hinayaan na lamang nila ito.
PagkaGraduate
ni Rusty ay kaagad siyang kinuha ng DOST at almost Two years siyang nagtrabaho bilang researcher sa dito at habang
nagwoWork siya'y kumukuha siya ng mga units sa Meteorological Science sa UP. Nang
makuha na niya ang kinakailangang mga units ay kaagad namang inAbsorb siya sa
PAG-ASA Department at One year din siyang nagtrabaho dito bilang Forecaster.
Sa
loob ng buong taon ng kaniyang pagwo-work sa DOST PAG-ASA ay tanging sa Main
Office lang siya naAssign kaya nama'y nagpumilit siyang makapagTransfer sa
field para maiba naman ang kaniyang environment at magkaroon siya ng Total
Freedom. Ilang beses na din naman kasing nagpaalam na mag move out ang binata
sa kanilang bahay ay hindi siya pinapayagan ngkaniyang mga magulang at talaga
namang kasing pinahahalagahan ng mga ito ang Strong Filipino Family Bond.
Kaya
nama'y laking tuwa talaga ng binata nang iparating sa kaniya ang balitang
approved na ang kaniyang request for transfer dahil almost a year din siyang
naghintay at nagpa-Follow up dito.
Sukbit
sa kaniyang likuran ang kaniyang backpack at hawak sa isang kamay ang kaniyang
Adidas Sports Bag ay lumabas na sa Basco Airport ang goodmood na goodmood na si
Rusty. Tulad ng bilin sa kaniya sa kaniyang Briefing bago siya lumipad
papuntang Batanes ay hinanap kaagad niya ang taong susundo sa kaniya.
Mabuti
na lamang ay Sunday at maagang napatapat ang Flight ng binata kaya nama'y hindi
gaanong madaming tao sa Airport kaya nama'y nakita niya kaagad ang isang
matandang lalaki na may hawak na malaking papel na nakasulat doon ang kaniyang
pangalan. Kaagad niyang pinuntahan ang matandang lalaking at nagpakilala dito.
"Manong,
Ako po yan. Kumusta po." Ang masayang bati ng binata sa matandang lalaki.
"Ikaw
pala si Restituto Rosete Jr!" Ang masayang sambit ng matanda habang
kinakamayan niya ang binata.
"Rusty
nalang po." Ang nahihiyang sambit ng binata dahil talaga namang nababahuan
siya sa ibinigay sa kaniyang pangalan. Hindi talaga maisip ni Rusty kung bakit
ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang ang name ng kaniyang Lolo.
"Tara
na't naghihintay na sa'yo ang asawa ko!"
"Ako
na lang po!" Ang tanggi ni Rusty nang biglang kinuha sa kaniya ng
matandang lalaki ang hawak niyang Adidas Sports Bag.
"Ayos
lang yan Anak. Kayang-kaya ko yan." Ang nakangiting sambit ng matandang
lalaki at pagkatapos ay walang pasabing hinaltak din nito sa likuran ng binata
ang backpack nito.
Halos
malinsad ang mga buto ng binata sa kaniyang balikat dahil sa napakalas na
puwersa ng matanda. Bilib na bilib itong si Rusty dahil talaga namang malakas
pa nga ang matandang lalaki at walang kahirap-hirap nitong naisakay sa loob ng
tricycle ang kaniyang mga bag at pagkatapos ay masigla na itong sumakay sa motor
ng tricycle upang i-iStart ito.
"Sakay
na nak!" Ang yaya ng matandang lalaki sa nakatayong si Rusty.
"Ako
nga pala si Ka Melchor mo. Doon ka sa bahay namin titira habang nandirito
ka." Ang masayang kuwento naman ng matanda kay Rusty.
Napangiti
na lamang itong si Rusty habang nakikinig siya sa masayang pagkukuwento sa
kaniya ni Ka Melchor habang nasa sa
biyahe sila. Bawat madaanang lugar ng kanilang tricycle ay ipinaalam ni Ka
Melchor sa binata ang mga pangalan nito.
"Eto
ang Munisipyo natin. Dyan ang opisina ninyo pero may opisina din kayo sa
Baranggay San Antonio. Sa Baranggay Joaquin naman ang bahay namin." Ang
masayang kuwento ni Ka Melchor.
Hindi
na naorasan pa ni Rusty ang byinahe nila mula sa airport pauwi sa bahay nina Ka
Melchor sa Brgy San Joaquin dahil naaliw siya sa malaTourist Guide na pagkukuwento
nito habang bumibiyahe sila.
"Leonor!
Leonor! Eto na yung bagong ipinadala ng PAG-ASA!" Ang malakas na pagtawag
ni Ka Melchor nang maiPark na nito ang kaniyang tricycle sa harapan ng isang up
and down na lumang bahay.
"Aba'y
napakabata mo pala. Ako nga pala ang Ka Leonor mo. Asawa ni Melchor." Ang
heartwarming na pagWelcome ng isang babaeng kaedaran lamang ni Ka Melchor.
"Ako
po pala si Rusty." Ang pagpapakilala ng binata.
"Rusty?
Kakaiba ang pangalan mo anak." Ang natatawang sambit ni Ka Leonor sa
binata.
"Ako
na po!" Ang muling smabit ni Rusty nang makita niyang binitbit nang
papasok sa bahay ni Ka Melchor ang kaniyang dalawang.
"Kayang
kaya nya yan. Halika na't pumasok para makapag agahan ka na. Mukha kang pagod
na pagod sa biyahe." Ang masayang pag anyaya ni Ka Leonor sa binata.
Nabusog
naman sa dami ng kaniyang kinain itong si Rusty dahil naging ganado siya sa kaniyang pagbre-Breakfast dahil sa mga kung
anu-anong ikinukuwento sa kaniya ng mag-asawa.
Napag-alamanan
ni Rusty na sa bahay din pala ng mag-asawa nanirahan ang pinalitan niyang PAG-ASA
Technician/Forecaster at ang Munisipyo mismo ng Basco ang nagbibigay ng bayad
sa mag-asawa sa pagtira nila dito kaya wala silang gagastusin habang
nakadestino sila sa Batanes. Ito din ang dahilan kung bakit pamilyar na
pamliyar ang mag-asawa sa kanilang trabaho.
"Ano
anak, gusto mo bang magpahinga muna bago kita ilibot dito. Mas magandang makita
mo na ngayon ang isa nyo pang opisina dahil hindi ka na makakapamasyal pa kapag
may pasok ka na." Ang masayang sambit ni Ka Melchor sa binata.
"Sige
po. Ngayon na lang po." Ang masayang Reply naman ni Rusty.
"Kumain
ka pa." Ang alok naman ni Ka Leonor na tinangihan naman ng binata.
Parang
tourist itong si Rusty na inililibot ni Ka Melchor sa kaniyang Tricycle at
talaga namang namangha itong si Rusty nang makarating na sila sa isa pang
location ng opisina ng PAG-ASA sa Brgy San Antonio. Ngayon lang nakapunta ng
Batanes itong si Rusty kaya nama'y manghang-mangha niyang pinagmamasdan ang Basco
Lighthouse mula sa harapan ng PAG-ASA OFFICE.
"Gusto
mo bang pumunta doon?" Ang masayang tanong ni Ka Melchor kay Rusty.
"Saka
na lang po. Tignan ko po muna ang loob ng Reading Center dito." Ang excuse
ni Rusty habang iniaabot sa kaniya ni Ka Melchor ang susi ng maliit na gusali
ng PAG-ASA. Sa mag-asawa din kasi inihahabilin ng Munisipyo ang susi ngnaturang
gusali.
Ilang
minuto ding nag-Inspection itong si Rusty ng mga Weather Reading and
Forecasting Machine ng kanilang Center at nang makatiyak siyang ayos naman ang
lahat-lahat ay muli niyang pinagmasdan ang loob ng gusali. Air Conditioned naman ang kuwarto kung nasa
saan nakalagay ang mga machine at doon na din mismo ang magiging opisina niya. Maliit
lamang ang naturang gusali at para itong isang studio type apartment dahil one
Man operation lang naman kasi ang PAG-ASA Batanes HeadQuarters kaya ang tanging
magiging laman lamang gusali ay itong si Rusty.
"Thank
You Lord Talaga!" Ang masayang usal ng binata at talaga namang hindi siya
makapaniwalang nakalaya na siya sa kaniyang family at makapamumuhay na siya
Independently.
"Tay?!"
Ang malakas na pagtawag ng isang lalaki mula sa labas ng Reading Center.
"Teka
lang ha. Nasa labas ang anak ko." Ang paalam ni Ka Melchor kay Rusty bago
ito lumabas ng Reading Center.
Kaagad
na tumigil si Rusty sa kaniyang pag-i-inspection sa loob ng Reading/Forecasting
Center dahil kaagad na naalarma ng bedroom voice ng anak ni Ka Melchor ang
kaniyang attention. Tahimik na pasimpleng sumilip sa bintana itong si Rusty at
talaga namang napanganga siya nang makita niya ang hitsura ng anak ni Ka
Mechor.
"POTAH!"
Ang naiMouthed na lamang ni Rusty dahil hindi talaga niya ini-iExpect na may
makikita siyang ganoong guy sa Batanes.
Hula-hula
ng binata'y nasa mga early 30s na ito...
Napakatangkad
nito at matikas ang tindig...
Hula
din ni Rusty na baka nagwo-Work out ito dahil nakasando lamang ito kaya nama'y
exposed na exposed ang mga nagmumura nitong mga muscles sa Chest, Shoulders and
Biceps...
Hindi
na nagtaka pa itong si Rusty kung may pagka Mestizo ang lalaki dahil nagmana
ito kina Ka Melchor at Ka Leonor...
Napakagat
ng kaniyang lower lips ang binata nang mapansin niyang makinis at pantay ang
pagkamestizo mula ulo hanggang paa nito at kapansin-pansin ang pagka-Pinkish ng
mga paa nito dahil naka Flip flops lamang ito...
"NICE..."
Ang naibulong ni Rusty sa kaniyang sarili nang mapansin niya ang maumbok na
puwitan ng lalaki sa suot nitong Jersey Shorts at mas lalo pang napanganga ang
binata nang medyo maaninag niya ang bukol nito sa harapan.
"SYET!"
Ang nagpa-Panic na usal ni Rusty nang makita niyang kumilos na ang mag-ama't
papasok na sa Reading center.
"Fuck!
Fuck! Fuck!" Ang mahinang usal ng binata habang nagkukunyari siyang pumuwesto
sa harapan ng isang forecasting machine at nagmamadali siyang nagkunwaring busy
sa pag-i-inspection.
"Rusty."
Ang pagpukaw ni Ka Melchor sa attention ng binata.
"Ano
po yun." Ang formal formalang tugon naman ni Rusty nang humarap na siya
kay Ka Melchor at sinigurado niyang huwag tignan ng direcho sa mata ang anak
nito.
"Sumunod
pala dito ang anak ko. Eto nga pala si Alexander, Siya Si Rusty." Ang
pagpapakilala ni Ka Melchor sa dalawa.
"Rex
na lang." Ang nakaSmile na sambit naman ng lalaki sabay abot niya ng
kaniyang kamay at pakikipag-shake hands sa na StarStrucked na si Rusty.
Napansin kaagad kasi ni Rusty ang napakaLight brown na kulay ng iris ng mga
mata nito.
"Kabataan
nga naman ngayon. Hindi na nakuntento sa pangalan nila." Ang napapailing
na sambit naman ni Ka Melchor.
"Naman..."
Ang usal usal ni Rusty nang mapansin niya ang mabalbon na braso nitong si Rex.
"Ayos
ka lang ba?" Ani ng lalaki sa biglang nagulat na Binata.
"Ha?
O-okay lang ako. Ako pala si Rusty." Ang kinakabahang pag introduced niya
sa kaniyang sarili sa anak ni Ka Melchor. Ramdam ng binata na medyo nagsisimula
nang mag-init ang dalawa niyang pisngi. Mabilis lang kasing mag-Blush itong si
Rusty kapag nalalagay sa isang situation na may kasamang gwapong lalaki.
"Medyo
maiinit init ang kamay mo." Ang usal ni Rex. Lalo pang nag-init ang mukha
ni Rusty nang hindi binitawan nito ang kaniyang kamay.
"Namumula
ka." Ang Concern na sambit naman ni Ka Melchor sabay lapat nito ng palad
sa noo ng binata.
"Medyo
mainit-init ka." Ang muling usal ni Ka Melchor.
"Rex,
Ihatid mo muna sa bahay itong si Rusty at maiwan muna ako dito para
magtarangka." Ang utos ni Ka Melchor sa kaniyang anak.
"Okay
lang po ako." Ang biglang pagkontra naman ni Rusty at talaga namang parang
bumaligtad ang kaniyang sikmura dahil sa sinabi ng matanda.
"May
dala akong sasakyan. Iuuwi na kita para makainom ka kaagad ng gamot para
makapasok ka bukas." Ang paalala naman nitong si Rex habang hinahawakan
niya sa balikat itong si Rusty at inaakay papalabas sa reading/Forecasting
Center.
"Ako
na ang bahala dito. Sige na at mauna na kayo ng anak ko." Ang pag-aAssure
naman ni Ka Melchor sa nagpaPanic na si Rusty.
Wala
nang nagawa pa ang binata kundi iPush na lamang ang ina-Assume ng mag-ama kaya
nama'y pumikit na lamang siya at nanahimik sa loob ng kotse nitong si Rex
habang byumabyahe sila papauwi.
"Ayos
ka lang ba?" Ang tanong muli ni Rex at walang pasabing sinapo nito ng
kaniyang palad ang noo ni Rusty.
"Okay
lang ako. Salamat." Ang nahihiyang usal naman ni Rusty at talaga namang
nagle-Level up na ang kaniyang pagkaConscious ng mga sandaling iyon.
"Baka
nanibago ka lang sa panahon." Ang sambit naman ni Rex. That time ay saka na
lamang naRealized ni Rusty na maaliwalas at medyo malamig-lamig ang klima sa
Batanes kaysa sa Manila.
"Siguro
nga."
"Huwag
kang mag-alala at magaling mag-alaga si Nanay. Gagaling ka kaagad at
makakapasok ka bukas." Ang nakaSmile na reply naman ni Rex.
"Wala
ito atsaka wala din akong balak mag-absent bukas."
"That's
good. Kailangan kasi talaga kita bukas."
"Ansabe
mo?" Ang gulat na tanong ni Rusty na ikinatawa naman ng nagdri-drive na si
Rex.
"May
Flag Ceremony tayo sa Munisipyo at kailangan mong magReport sa Office ko."
Ang reply ni Rex na ikinakunot ng noo naman ni Rusty. Napangiti muli itong si
Rex nang makita niya ang isang napakalaking question mark sa pagmumukha ni
Rusty.
"Under
ang DOST PAG-ASA sa Office Of The Councilor ng Basco Municipality." Ang
explain lang ni Rex.
"KONSEHAL
KA???!!!" Ang gulat na naitanong bigla ni Rusty.
"Hindi
ba halata? Ha ha ha!" Ang natatawang usal naman ni Rex.
"Ako
ang magiging Boss mo." Ang dagdag pa nito. Hindi na nakapagsalita pa itong
si Rusty dahil sa kaniyang situation. Hindi talaga niya expected na mangyayari
ito sa kaniya.
"Fuck!"
Ang naiusal na lamang ni Rusty sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan niya ang
pleasant at gwapong mukha ni Rex. Hindi talaga makapaniwala ang binata na ang
gwapo't hunky na anak nina Ka Melchor at Ka Leonor ang magiging boss niya.
Napalunok
ng kaniyang laway itong si Rusty habang hindi niya maintindihan sa kaniyang
sarili kung bakit para ba siyang pinanghinaan ng loob.
"Rusty!
Rusty! HOY RUSTY!!!" Ang tanging narinig na lamang ni Rusty mula kay Rex
bago tuluyang tumindi ang pag-ikot ng kaniyang paningin hanggang sa tuluyan na
siyang magBlackOut.
To
Be Continued
Embedded Music comes from Kevin Letau's SUNLIGHT
ReplyDeleteBUHAY NA NAMAN ANG ADIK!!! :))
Updated ko na din ang The Adventures Of Bambino
Please click the title below to read the story
BAMBINO 8: Hating Magkapatid
junior? dba dpat the second xa?
ReplyDeleteanyways, grabe nman umpisa plang my himatayan nang ngaganap hahaha
Hindi naman kasi ka name ng tatay niya ang lolo niya kaya siya ang naging jr :)) ih!
DeleteWaaahhh .... Post agad ang chapter 2 neng... 😃😃😃
ReplyDeleteASAP Ate Joy :)) Excited din kasi ako dito ih :))
DeleteNaaaliw ako sa pagbasa sa storyang ito. Chapter 2 na agad..
ReplyDeleteJan Santos
Nice to meet you Kuya Jan :))
DeleteAs soon as possible po (After 3 days siguro po) ang next chapter :))
TC And God Bless!!!
Hrhehhehe nice kuya.. Aabangan namin!!
ReplyDeleteSee you sa part 2 Kuya Russ :))
DeleteUnang bugso palang may kilig factor na hehehehe.... Hay Batanes sana mapuntahan na kita ngayong taon na ito
ReplyDeleteSama mo si Ponse Kuya PJ! :))
DeleteTara KKB lang hahahaha
Deletehahaha ang galing.... nabuhay ako ulit ^__^
ReplyDeletesalamat sa pagbasa't pag iwan ng Comment Kuya Richie! :))
DeleteHanggang sa susunod ulet! KAKAYANIN NATIN ITO!
Umpisa pa lang ang ganda na! Can't wait for the next chapter!
ReplyDeleteCongrats dear author, looking forward to read a very good story!
Ben of australia
Nice to meet you Kuya Ben!!! Tenchu sa pagbasa't pagComment!
DeleteGod Bless and TC Palage! :))
Ang gondoh! Excited na ako sa susunod na chapter! Ang galing mo talaga kuya ponse!
ReplyDelete-hardname-
Hindi po magaling si Ponse Kuya Hardname... ADIK po si Ponse :))
DeletePonse nabuhay uli ako, subaybayan ko to, hala buntis si rusty??? Hahaha...
ReplyDelete-jrmdc
Wala din akong idea kung ano ang anyare Kuya Jr :))
DeleteKakaaliw umpisa pa lang. Tnx ponse another story na kaaadikan.
ReplyDeleteRandzmesia
KAKAYANIN NATIN ITO hanggang sa huli Kuya Randz! :))
DeleteTC AND GOD BLESS!!!
Hindi pa man hinimatay na si Restituto haha!
ReplyDeleteAyus Kuya Ponse bet ko yung larangan na kanilang work ahhihi
Sunlight oh Sunlight show me the way :))
Thanks Kuya Ponse!
Good Vibes para sa 2014 Kuya Riley :))
DeleteKAKAYANIN NATIN ITO!!!
NICE ONE FOR 2014!!! ganitong story ang dapat inaabangan.. sa una palang may kilig na.. hindi man ganon kahaba, maganda at kaabang-abang.. akala ko wala nang mababasa na mejo interesting... thanks PONSE!
ReplyDelete-arejay kerisawa
Oo nga Kuya Arejay ih :)) Hindi ko siya masyadong hahabaan :)) kaulad lang sya ng 'Ang iPhone' :))
Deleteok na un.. mga 10-12 chapters.. mas masaya nga eh.. para kahit ulit-ulitin, hindi nakakasawa..
Delete-arejay kerisawa
Any cute nito! Push lang!
ReplyDeleteAnother ka adikan na story ni kuya ponse na kaka adikan nnman hahahaha thanks kuya ponse...
ReplyDeleteAnother ka adikan na story ni kuya ponse na kaka adikan nnman hahahaha thanks kuya ponse...
ReplyDeleteAnother ka adikan na story ni kuya ponse na kaka adikan nnman hahahaha thanks kuya ponse...
ReplyDeletemagandang simula...
ReplyDelete