Followers

Thursday, January 9, 2014

BATANES: Kakayanin Natin Ito! 1


Buhay na buhay at hindi maipinta ang isang napakalaking Smile sa mukha ng 23 years old na si Rusty habang papaLanding sa Basco Airport ang kaniyang sinasakyang eroplano ng PAL. Kahit na maagang gumising ang binata dahil 6:00 am kaniyang flight ay full of energy siya ng mga oras na iyon dahil natupad na din sa wakas ang kaniyang matagal ng pinapangarap.
Nais talagang makalayo ni Rusty sa kaniyang mga Parents upang maranasan naman niyang mamuhay independently at kahit na tutol ang kaniyang Mom and Dad sa ginawang pagpapa-Relocate sa trabaho ng binata'y wala silang nagawa dahil just a couple of days ago lamang na nagsabi itong si Rusty na made-Destino siya sa DOST PAG-ASA Headquarters located at Basco Batanes.
Hindi kasi makaporma ang Pamintang si Rusty dahil medyo mahigpit ang kaniyang mga Parents at medyo alanganin din siyang ipaalam ang tunay niyang sexuality sa kaniyang family. Bukod dito'y sarado Katoliko din ang buo nilang Pamilya.
Bunso si Rusty sa tatlong magkakapatid na puro lalaki. Ang kaniyang mga Kuya'y may mga family na at ang mga ito ang tumutulong sa Furniture Making Business ng kanilang Family at tanging si Rusty lamang ang nagDecide na maiba sa kaniyang mga kapataid kaya siya kumuha ng Natural Science. Tutol din ang mga magulang ni Rusty sa kaniyang kinuhang Kurso ngunit wala din naman silang nagawa nang makapasa sa UP ang kanilang anak kaya nama'y hinayaan na lamang nila ito.
PagkaGraduate ni Rusty ay kaagad siyang kinuha ng DOST at almost Two years siyang  nagtrabaho bilang researcher sa dito at habang nagwoWork siya'y kumukuha siya ng mga units sa Meteorological Science sa UP. Nang makuha na niya ang kinakailangang mga units ay kaagad namang inAbsorb siya sa PAG-ASA Department at One year din siyang nagtrabaho dito bilang Forecaster.
Sa loob ng buong taon ng kaniyang pagwo-work sa DOST PAG-ASA ay tanging sa Main Office lang siya naAssign kaya nama'y nagpumilit siyang makapagTransfer sa field para maiba naman ang kaniyang environment at magkaroon siya ng Total Freedom. Ilang beses na din naman kasing nagpaalam na mag move out ang binata sa kanilang bahay ay hindi siya pinapayagan ngkaniyang mga magulang at talaga namang kasing pinahahalagahan ng mga ito ang Strong Filipino Family Bond.
Kaya nama'y laking tuwa talaga ng binata nang iparating sa kaniya ang balitang approved na ang kaniyang request for transfer dahil almost a year din siyang naghintay at nagpa-Follow up dito.
Sukbit sa kaniyang likuran ang kaniyang backpack at hawak sa isang kamay ang kaniyang Adidas Sports Bag ay lumabas na sa Basco Airport ang goodmood na goodmood na si Rusty. Tulad ng bilin sa kaniya sa kaniyang Briefing bago siya lumipad papuntang Batanes ay hinanap kaagad niya ang taong susundo sa kaniya.
Mabuti na lamang ay Sunday at maagang napatapat ang Flight ng binata kaya nama'y hindi gaanong madaming tao sa Airport kaya nama'y nakita niya kaagad ang isang matandang lalaki na may hawak na malaking papel na nakasulat doon ang kaniyang pangalan. Kaagad niyang pinuntahan ang matandang lalaking at nagpakilala dito.
"Manong, Ako po yan. Kumusta po." Ang masayang bati ng binata sa matandang lalaki.
"Ikaw pala si Restituto Rosete Jr!" Ang masayang sambit ng matanda habang kinakamayan niya ang binata.
"Rusty nalang po." Ang nahihiyang sambit ng binata dahil talaga namang nababahuan siya sa ibinigay sa kaniyang pangalan. Hindi talaga maisip ni Rusty kung bakit ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga magulang ang name ng kaniyang Lolo.
"Tara na't naghihintay na sa'yo ang asawa ko!"
"Ako na lang po!" Ang tanggi ni Rusty nang biglang kinuha sa kaniya ng matandang lalaki ang hawak niyang Adidas Sports Bag.
"Ayos lang yan Anak. Kayang-kaya ko yan." Ang nakangiting sambit ng matandang lalaki at pagkatapos ay walang pasabing hinaltak din nito sa likuran ng binata ang backpack nito.
Halos malinsad ang mga buto ng binata sa kaniyang balikat dahil sa napakalas na puwersa ng matanda. Bilib na bilib itong si Rusty dahil talaga namang malakas pa nga ang matandang lalaki at walang kahirap-hirap nitong naisakay sa loob ng tricycle ang kaniyang mga bag at pagkatapos ay masigla na itong sumakay sa motor ng tricycle upang i-iStart ito.
"Sakay na nak!" Ang yaya ng matandang lalaki sa nakatayong si Rusty.
"Ako nga pala si Ka Melchor mo. Doon ka sa bahay namin titira habang nandirito ka." Ang masayang kuwento naman ng matanda kay Rusty.
Napangiti na lamang itong si Rusty habang nakikinig siya sa masayang pagkukuwento sa kaniya  ni Ka Melchor habang nasa sa biyahe sila. Bawat madaanang lugar ng kanilang tricycle ay ipinaalam ni Ka Melchor sa binata ang mga pangalan nito.
"Eto ang Munisipyo natin. Dyan ang opisina ninyo pero may opisina din kayo sa Baranggay San Antonio. Sa Baranggay Joaquin naman ang bahay namin." Ang masayang kuwento ni Ka Melchor.
Hindi na naorasan pa ni Rusty ang byinahe nila mula sa airport pauwi sa bahay nina Ka Melchor sa Brgy San Joaquin dahil naaliw siya sa malaTourist Guide na pagkukuwento nito habang bumibiyahe sila.
"Leonor! Leonor! Eto na yung bagong ipinadala ng PAG-ASA!" Ang malakas na pagtawag ni Ka Melchor nang maiPark na nito ang kaniyang tricycle sa harapan ng isang up and down na lumang bahay.
"Aba'y napakabata mo pala. Ako nga pala ang Ka Leonor mo. Asawa ni Melchor." Ang heartwarming na pagWelcome ng isang babaeng kaedaran lamang ni Ka Melchor.
"Ako po pala si Rusty." Ang pagpapakilala ng binata.
"Rusty? Kakaiba ang pangalan mo anak." Ang natatawang sambit ni Ka Leonor sa binata.
"Ako na po!" Ang muling smabit ni Rusty nang makita niyang binitbit nang papasok sa bahay ni Ka Melchor ang kaniyang dalawang.
"Kayang kaya nya yan. Halika na't pumasok para makapag agahan ka na. Mukha kang pagod na pagod sa biyahe." Ang masayang pag anyaya ni Ka Leonor sa binata.
Nabusog naman sa dami ng kaniyang kinain itong si Rusty dahil naging ganado siya sa  kaniyang pagbre-Breakfast dahil sa mga kung anu-anong ikinukuwento sa kaniya ng mag-asawa.
Napag-alamanan ni Rusty na sa bahay din pala ng mag-asawa nanirahan ang pinalitan niyang PAG-ASA Technician/Forecaster at ang Munisipyo mismo ng Basco ang nagbibigay ng bayad sa mag-asawa sa pagtira nila dito kaya wala silang gagastusin habang nakadestino sila sa Batanes. Ito din ang dahilan kung bakit pamilyar na pamliyar ang mag-asawa sa kanilang trabaho.
"Ano anak, gusto mo bang magpahinga muna bago kita ilibot dito. Mas magandang makita mo na ngayon ang isa nyo pang opisina dahil hindi ka na makakapamasyal pa kapag may pasok ka na." Ang masayang sambit ni Ka Melchor sa binata.
"Sige po. Ngayon na lang po." Ang masayang Reply naman ni Rusty.
"Kumain ka pa." Ang alok naman ni Ka Leonor na tinangihan naman ng binata.
Parang tourist itong si Rusty na inililibot ni Ka Melchor sa kaniyang Tricycle at talaga namang namangha itong si Rusty nang makarating na sila sa isa pang location ng opisina ng PAG-ASA sa Brgy San Antonio. Ngayon lang nakapunta ng Batanes itong si Rusty kaya nama'y manghang-mangha niyang pinagmamasdan ang Basco Lighthouse mula sa harapan ng PAG-ASA OFFICE.
"Gusto mo bang pumunta doon?" Ang masayang tanong ni Ka Melchor kay Rusty.
"Saka na lang po. Tignan ko po muna ang loob ng Reading Center dito." Ang excuse ni Rusty habang iniaabot sa kaniya ni Ka Melchor ang susi ng maliit na gusali ng PAG-ASA. Sa mag-asawa din kasi inihahabilin ng Munisipyo ang susi ngnaturang gusali.
Ilang minuto ding nag-Inspection itong si Rusty ng mga Weather Reading and Forecasting Machine ng kanilang Center at nang makatiyak siyang ayos naman ang lahat-lahat ay muli niyang pinagmasdan ang loob ng gusali.  Air Conditioned naman ang kuwarto kung nasa saan nakalagay ang mga machine at doon na din mismo ang magiging opisina niya. Maliit lamang ang naturang gusali at para itong isang studio type apartment dahil one Man operation lang naman kasi ang PAG-ASA Batanes HeadQuarters kaya ang tanging magiging laman lamang gusali ay itong si Rusty.
"Thank You Lord Talaga!" Ang masayang usal ng binata at talaga namang hindi siya makapaniwalang nakalaya na siya sa kaniyang family at makapamumuhay na siya Independently.
"Tay?!" Ang malakas na pagtawag ng isang lalaki mula sa labas ng Reading Center.
"Teka lang ha. Nasa labas ang anak ko." Ang paalam ni Ka Melchor kay Rusty bago ito lumabas ng Reading Center.
Kaagad na tumigil si Rusty sa kaniyang pag-i-inspection sa loob ng Reading/Forecasting Center dahil kaagad na naalarma ng bedroom voice ng anak ni Ka Melchor ang kaniyang attention. Tahimik na pasimpleng sumilip sa bintana itong si Rusty at talaga namang napanganga siya nang makita niya ang hitsura ng anak ni Ka Mechor.
"POTAH!" Ang naiMouthed na lamang ni Rusty dahil hindi talaga niya ini-iExpect na may makikita siyang ganoong guy sa Batanes.
Hula-hula ng binata'y nasa mga early 30s na ito...
Napakatangkad nito at matikas ang tindig...
Hula din ni Rusty na baka nagwo-Work out ito dahil nakasando lamang ito kaya nama'y exposed na exposed ang mga nagmumura nitong mga muscles sa Chest, Shoulders and Biceps...
Hindi na nagtaka pa itong si Rusty kung may pagka Mestizo ang lalaki dahil nagmana ito kina Ka Melchor at Ka Leonor...
Napakagat ng kaniyang lower lips ang binata nang mapansin niyang makinis at pantay ang pagkamestizo mula ulo hanggang paa nito at kapansin-pansin ang pagka-Pinkish ng mga paa nito dahil naka Flip flops lamang ito...
"NICE..." Ang naibulong ni Rusty sa kaniyang sarili nang mapansin niya ang maumbok na puwitan ng lalaki sa suot nitong Jersey Shorts at mas lalo pang napanganga ang binata nang medyo maaninag niya ang bukol nito sa harapan.
"SYET!" Ang nagpa-Panic na usal ni Rusty nang makita niyang kumilos na ang mag-ama't papasok na sa Reading center.
"Fuck! Fuck! Fuck!" Ang mahinang usal ng binata habang nagkukunyari siyang pumuwesto sa harapan ng isang forecasting machine at nagmamadali siyang nagkunwaring busy sa pag-i-inspection.
"Rusty." Ang pagpukaw ni Ka Melchor sa attention ng binata.
"Ano po yun." Ang formal formalang tugon naman ni Rusty nang humarap na siya kay Ka Melchor at sinigurado niyang huwag tignan ng direcho sa mata ang anak nito.
"Sumunod pala dito ang anak ko. Eto nga pala si Alexander, Siya Si Rusty." Ang pagpapakilala ni Ka Melchor sa dalawa.
"Rex na lang." Ang nakaSmile na sambit naman ng lalaki sabay abot niya ng kaniyang kamay at pakikipag-shake hands sa na StarStrucked na si Rusty. Napansin kaagad kasi ni Rusty ang napakaLight brown na kulay ng iris ng mga mata nito.
"Kabataan nga naman ngayon. Hindi na nakuntento sa pangalan nila." Ang napapailing na sambit naman ni Ka Melchor.
"Naman..." Ang usal usal ni Rusty nang mapansin niya ang mabalbon na braso nitong si Rex.
"Ayos ka lang ba?" Ani ng lalaki sa biglang nagulat na Binata.
"Ha? O-okay lang ako. Ako pala si Rusty." Ang kinakabahang pag introduced niya sa kaniyang sarili sa anak ni Ka Melchor. Ramdam ng binata na medyo nagsisimula nang mag-init ang dalawa niyang pisngi. Mabilis lang kasing mag-Blush itong si Rusty kapag nalalagay sa isang situation na may kasamang gwapong lalaki.
"Medyo maiinit init ang kamay mo." Ang usal ni Rex. Lalo pang nag-init ang mukha ni Rusty nang hindi binitawan nito ang kaniyang kamay.
"Namumula ka." Ang Concern na sambit naman ni Ka Melchor sabay lapat nito ng palad sa noo ng binata.
"Medyo mainit-init ka." Ang muling usal ni Ka Melchor.
"Rex, Ihatid mo muna sa bahay itong si Rusty at maiwan muna ako dito para magtarangka." Ang utos ni Ka Melchor sa kaniyang anak.
"Okay lang po ako." Ang biglang pagkontra naman ni Rusty at talaga namang parang bumaligtad ang kaniyang sikmura dahil sa sinabi ng matanda.
"May dala akong sasakyan. Iuuwi na kita para makainom ka kaagad ng gamot para makapasok ka bukas." Ang paalala naman nitong si Rex habang hinahawakan niya sa balikat itong si Rusty at inaakay papalabas sa reading/Forecasting Center.
"Ako na ang bahala dito. Sige na at mauna na kayo ng anak ko." Ang pag-aAssure naman ni Ka Melchor sa nagpaPanic na si Rusty.
Wala nang nagawa pa ang binata kundi iPush na lamang ang ina-Assume ng mag-ama kaya nama'y pumikit na lamang siya at nanahimik sa loob ng kotse nitong si Rex habang byumabyahe sila papauwi.
"Ayos ka lang ba?" Ang tanong muli ni Rex at walang pasabing sinapo nito ng kaniyang palad ang noo ni Rusty.
"Okay lang ako. Salamat." Ang nahihiyang usal naman ni Rusty at talaga namang nagle-Level up na ang kaniyang pagkaConscious ng mga sandaling iyon.
"Baka nanibago ka lang sa panahon." Ang sambit naman ni Rex. That time ay saka na lamang naRealized ni Rusty na maaliwalas at medyo malamig-lamig ang klima sa Batanes kaysa sa Manila.
"Siguro nga."
"Huwag kang mag-alala at magaling mag-alaga si Nanay. Gagaling ka kaagad at makakapasok ka bukas." Ang nakaSmile na reply naman ni Rex.
"Wala ito atsaka wala din akong balak mag-absent bukas."
"That's good. Kailangan kasi talaga kita bukas."
"Ansabe mo?" Ang gulat na tanong ni Rusty na ikinatawa naman ng nagdri-drive na si Rex.
"May Flag Ceremony tayo sa Munisipyo at kailangan mong magReport sa Office ko." Ang reply ni Rex na ikinakunot ng noo naman ni Rusty. Napangiti muli itong si Rex nang makita niya ang isang napakalaking question mark sa pagmumukha ni Rusty.
"Under ang DOST PAG-ASA sa Office Of The Councilor ng Basco Municipality." Ang explain lang ni Rex.
"KONSEHAL KA???!!!" Ang gulat na naitanong bigla ni Rusty.
"Hindi ba halata? Ha ha ha!" Ang natatawang usal naman ni Rex.
"Ako ang magiging Boss mo." Ang dagdag pa nito. Hindi na nakapagsalita pa itong si Rusty dahil sa kaniyang situation. Hindi talaga niya expected na mangyayari ito sa kaniya.
"Fuck!" Ang naiusal na lamang ni Rusty sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan niya ang pleasant at gwapong mukha ni Rex. Hindi talaga makapaniwala ang binata na ang gwapo't hunky na anak nina Ka Melchor at Ka Leonor ang magiging boss niya.
Napalunok ng kaniyang laway itong si Rusty habang hindi niya maintindihan sa kaniyang sarili kung bakit para ba siyang pinanghinaan ng loob.
"Rusty! Rusty! HOY RUSTY!!!" Ang tanging narinig na lamang ni Rusty mula kay Rex bago tuluyang tumindi ang pag-ikot ng kaniyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang magBlackOut.


To Be Continued

32 comments:

  1. Embedded Music comes from Kevin Letau's SUNLIGHT

    BUHAY NA NAMAN ANG ADIK!!! :))

    Updated ko na din ang The Adventures Of Bambino
    Please click the title below to read the story

    BAMBINO 8: Hating Magkapatid

    ReplyDelete
  2. junior? dba dpat the second xa?

    anyways, grabe nman umpisa plang my himatayan nang ngaganap hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman kasi ka name ng tatay niya ang lolo niya kaya siya ang naging jr :)) ih!

      Delete
  3. Waaahhh .... Post agad ang chapter 2 neng... 😃😃😃

    ReplyDelete
    Replies
    1. ASAP Ate Joy :)) Excited din kasi ako dito ih :))

      Delete
  4. Naaaliw ako sa pagbasa sa storyang ito. Chapter 2 na agad..

    Jan Santos

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice to meet you Kuya Jan :))

      As soon as possible po (After 3 days siguro po) ang next chapter :))

      TC And God Bless!!!

      Delete
  5. Hrhehhehe nice kuya.. Aabangan namin!!

    ReplyDelete
  6. Unang bugso palang may kilig factor na hehehehe.... Hay Batanes sana mapuntahan na kita ngayong taon na ito

    ReplyDelete
  7. hahaha ang galing.... nabuhay ako ulit ^__^

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pagbasa't pag iwan ng Comment Kuya Richie! :))

      Hanggang sa susunod ulet! KAKAYANIN NATIN ITO!

      Delete
  8. Umpisa pa lang ang ganda na! Can't wait for the next chapter!
    Congrats dear author, looking forward to read a very good story!

    Ben of australia

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice to meet you Kuya Ben!!! Tenchu sa pagbasa't pagComment!

      God Bless and TC Palage! :))

      Delete
  9. Ang gondoh! Excited na ako sa susunod na chapter! Ang galing mo talaga kuya ponse!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po magaling si Ponse Kuya Hardname... ADIK po si Ponse :))

      Delete
  10. Ponse nabuhay uli ako, subaybayan ko to, hala buntis si rusty??? Hahaha...

    -jrmdc

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala din akong idea kung ano ang anyare Kuya Jr :))

      Delete
  11. Kakaaliw umpisa pa lang. Tnx ponse another story na kaaadikan.

    Randzmesia

    ReplyDelete
    Replies
    1. KAKAYANIN NATIN ITO hanggang sa huli Kuya Randz! :))

      TC AND GOD BLESS!!!

      Delete
  12. Hindi pa man hinimatay na si Restituto haha!

    Ayus Kuya Ponse bet ko yung larangan na kanilang work ahhihi

    Sunlight oh Sunlight show me the way :))

    Thanks Kuya Ponse!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good Vibes para sa 2014 Kuya Riley :))

      KAKAYANIN NATIN ITO!!!

      Delete
  13. NICE ONE FOR 2014!!! ganitong story ang dapat inaabangan.. sa una palang may kilig na.. hindi man ganon kahaba, maganda at kaabang-abang.. akala ko wala nang mababasa na mejo interesting... thanks PONSE!

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga Kuya Arejay ih :)) Hindi ko siya masyadong hahabaan :)) kaulad lang sya ng 'Ang iPhone' :))

      Delete
    2. ok na un.. mga 10-12 chapters.. mas masaya nga eh.. para kahit ulit-ulitin, hindi nakakasawa..

      -arejay kerisawa

      Delete
  14. Any cute nito! Push lang!

    ReplyDelete
  15. Another ka adikan na story ni kuya ponse na kaka adikan nnman hahahaha thanks kuya ponse...

    ReplyDelete
  16. Another ka adikan na story ni kuya ponse na kaka adikan nnman hahahaha thanks kuya ponse...

    ReplyDelete
  17. Another ka adikan na story ni kuya ponse na kaka adikan nnman hahahaha thanks kuya ponse...

    ReplyDelete
  18. magandang simula...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails