by aparadorprince
Author's Note:
Hello dear readers, eto na ang pre-finale chapter ng Dati. Sana nag-enjoy kayo sa series ko. Salamat sa pagsuporta! Weee :) Nag-enjoy ako sa pagsusulat nito, sobra. Thank you all for making my first series an AWESOME success! APIR APIR APIR APIR :)
At abangan ang finale nito sa December 3, 12:00 AM. Yun lang.
**aparadorprince
DATI
18 (Pre-finale)
Sampung
minuto matapos ang pag-uusap nila Uno at Biboy ay nakarating na ang huli sa
harap ng apartment ni Robert. Nakabukas man ang ilaw sa loob ng apartment ay
nanatili muna sa loob ng kotse si Biboy at nagsimulang magmuni-muni. Alam
niyang nasaktan din siya sa ginawang panloloko ni Robert, but suddenly asked
himself if getting revenge is really a good idea.
Nagbuntong-hininga
si Biboy, a weird feeling lingered inside him. Ayaw na din niya ng gulo,
napapagod na siya. Ilang beses din siyang nag-isip kung dapat na ba siyang
bumaba sa kotse niya ngunit bago pa man siya makapagdesisyon ay namatay na ang
ilaw sa loob ng bahay, at nagbukas naman ang ilaw ng garahe. Napatingin naman
si Biboy sa labas ng apartment at ilang minuto ay lumabas si Robert na halos
hindi na niya makilala. Halatang hindi na ito nagshave at tila hindi na rin
niya inaalagaan ang sarili. Malalim ang eyebags nito at makikita ang
kalungkutang dinadala.
Napalunok
naman si Biboy sa nakitang malaking pagbabago kay Robert. He suddenly realized
what his weird feeling earlier was – he’s feeling guilty. Although he knew he
was the aggrieved party between them, he can’t help but to wonder how much that
situation really affected Robert. “Shit.” Naibulalas lang ni Biboy nang
makitang nalaglag pa ni Robert ang susi at napunta sa ilalim ng kotse.
He
decided to make abrupt changes with his plan.
Kaagad
na lumabas si Biboy sa kanyang kotse at lumapit kay Robert na nakadapa na
ngayon at pilit na inaabot ang susi sa ilalim ng kotse. Mukhang walang pakialam
si Robert kahit madumihan pa ang kanyang damit, at lalo lang na-guilty si
Biboy. Robert suddenly looked like a person who just lost direction in his
life. Someone who lost a reason to live.
This
observation made Biboy sigh loudly. Maybe it’s because of Ran-ran – Robert
needs him so much that he would break down if he loses him. Tila napansin naman
ni Robert na may ibang tao sa paligid. Agad itong lumabas mula sa pagkakadapa
at tumayo. Tama nga ang hinala ni Biboy, puro dumi nga ang damit ng kaharap.
May ilang alikabok din ito sa mukha. “Hey.” Tanging nasambit ni Robert nang
makita si Biboy.
“Uhm..
Hi. Well I…” Biboy stammered, shifting his gaze from Robert to his shoes. Now
that he’s in front of this guy, he doesn’t know what to say.
“Are
you here to… blame me for what I did?” tila wala sa sariling tanong ni Robert
sa kaharap. He initially looked at where Biboy was looking at, but then
remembered he still wasn’t able to get his key. “Can you do that after I get my
keys?” dugtong pa nito bago bumalik sa posisyon kanina. Agad itong dumapa sa
sahig at muling pilit na inaabot ang susi.
“Actually,
that was my initial plan.” Biboy answered. Naglakad siya patungo sa kabilang
bahagi ng kotse at tiningnan kung nasaan ang susi. “But I don’t think I need
that now.” Sagot pa niya. Nang makita kung nasaan ang susi ay agad siyang
naghanap ng walis o kahit na anong mahabang bagay na pwedeng ipanungkit ng susi
sa ilalim. Nakakita nga siya ng isang walis tingting at kinuha ito, bago pilit
na inabot din ang susi. Agad naman niyang nakuha ito at iniabot kay Robert nang
makitang tumayo na ito sa pagkakadapa.
“Thanks.”
Sagot ni Robert nang maiabot sa kanya ang susi. Ngumiti lamang si Biboy at
tumango. “You really felt bad, didn’t you?” he asked. Tumungo lamang ang
kanyang kaharap. “I feel worthless, to be honest. I really shouldn’t have done
that to you and to Arran. I’m sorry.” Mahinang tugon ni Robert.
Biboy
gave him an assuring tap on the shoulder. “I was mad at you too. But then I
realized…” napatigil siya. Narealize niyang maaaring wala nga siyang pag-asa sa
kababata. Ran-ran wouldn’t love him just as long as he loves Robert.
May
mga bagay sa bagay na hindi kailanman matutupad sa mundo, katulad ng pagiging
isang miyembro ng Bioman ni Biboy, o
maging ang pagiging isang Jetman ni
Ran-ran. Ngunit naisip ni Biboy, hindi dahil maaaring matupad ang isang
pangarap ay kinakailangan na matupad ito. Na may mga pagkakataon na kailangan
nating bumitaw sa mga bagay na kahit na ninanais natin na mapasa-atin, hindi
dahil sa imposible ito ngunit dahil ito ang tamang gawin. Dahil hindi para sa
atin ang bagay na hinahangad.
Dahil
maaaring ang katotohanan ay hindi para sa kanya ang kababata.
Hindi
na lamang itinuloy ni Biboy ang naisip, at iniba ang usapan. “Nakapag-usap na
ba kayo ni Ran-ran?” tanong nito. Umiling lamang ang kaharap. “He’s still mad
at me. Iniiwasan niya ako. Kayo ba, siguro nagkakamabutihan na kayo ni Arran.”
Ang malungkot na sagot ni Robert.
“I
haven’t seen him for days, I’ve been busy with work.” Agad niyang pagtanggi sa
isinagot ni Robert. Naging busy nga siya ngayong natanggap ang proposal niya sa
clothing company, not to mention he’s about to become a model of that said
company. Tanging si Uno lamang ang nakakasama niya sa mga nakaraang araw. Si Uno…
“You
know, you should probably talk to him.” Biboy suggested. He still felt a little
bad for saying it, but Robert really lost control of his life when he lost
Ran-ran. He needs his childhood friend to, but then he went back to the realization
that maybe, just maybe, they’re better off as friends. And about Uno…
“I
know, but I still have to do other things first.” Tanging naisagot ni Robert.
Binuksan niya ang pinto ng kotse. “I’m really sorry about what I did, Biboy. I
was just threatened that… I might lose Arran. It turns out I’d lose him after
all.” Nahihiyang banggit nito habang nakahawak pa sa pinto ng kotse niya.
“Forget
it.” Biboy finally managed to smile at Robert. “I guess I’m not mad at you
anymore.” Tila nabuhayan naman ng loob si Robert sa narinig, at ngumiti na rin.
“Salamat, Biboy. So paano, kailangan ko na din umalis.” Sagot naman ng kaharap.
Tumango
lang si Biboy. “Sige, ingat. And you really look like shit. You should probably
shave.” Suhestiyon nito. Narinig niyang tumawa ng mahina si Robert habang
sumasakay sa kotse. “I will.” Sagot nito bago tuluyang isinara ang pintuan ng
kotse. Ilang saglit pa ay umalis na ito at naiwanan si Biboy sa labas ng
apartment ni Robert.
Naisipan
niyang umupo muna sa gilid ng kalsada, and let out a sigh. “So… napatawad ko na
yata si Robert doon.” Wala sa sariling komento niya bago muling nagbuntong
hininga. Biboy didn’t feel guilty anymore. However, he suddenly felt… empty. He
really doesn’t know what to do next.
He
thought about all the times he planned for getting back at Robert with what he
did, but didn’t realize that he would end up forgiving the guy. He felt like he
had nothing left to do now. Nothing left to do but to move on from this
situation.
Ilang
minuto pa siyang nanatili sa labas ng bahay ni Robert nang may humintong
sasakyan sa di-kalayuan – ang sasakyan ni Ran-ran. Agad na tumayo si Biboy nang
makita ang kotse at nang makalabas si Arran ay tila nagulat din siya na naroon
ang kanyang kababata.
“Biboy!
Why are you here?” gulat na tanong ni Arran. Ngumiti lamang si Biboy sa
narinig. “I just…” he started constructing his answer but then when he looked
at his childhood friend, Ran-ran was looking at Robert’s apartment. Ran-ran was
obviously looking for Robert.
“Robert
just left minutes ago.” Biboy simply said. Napatingin naman si Arran sa
kababata. “Saan kaya siya nagpunta?” tanong niya. Biboy just shrugged, “I
didn’t ask him.”
Tila
may naalala naman si Arran pagkatapos noon. “Biboy, sorry talaga if you went to
Sta. Rosa alone, and I didn’t show up…” agad na humingi ito ng paumanhin. “Hey,
that’s fine. Hindi naman ikaw ang nagtext ‘nun diba?” nakangiting sagot niya. Dammit, why do I always feel guilty?
Tanong niya sa sarili.
Umiling
si Arran. “But there might be something I could do, para quits na tayo?” tanong niya. Nag-isip naman si Biboy. “Well,
you still owe me one date.” He said, chuckling.
“Oh,
okay. Kailan naman?” tanong ni Arran.
Hindi
agad sumagot si Biboy. Maybe this is the perfect diversion he was waiting for.
“Pwede naman siguro ngayon?” he said. “Look, let’s just have dinner. Ayos na
ako ‘dun.” He smiled.
Arran
felt relieved. He wanted to find Robert but maybe it’s about time to return the
favor to Biboy. There are things that he wanted to say to his childhood friend
too. “Tara, I know a good restaurant.” Yakag nito. Agad na pumasok si Arran sa
loob ng kotse na si Brownie, at
sumunod naman si Biboy sa kotse nito. Kahit na nais sana ni Biboy na magkasama
sila ni Arran sa loob ng kotse ay pinili na lamang niyang dalhin na rin ang
sariling kotse. Even Biboy has a clue about how this unplanned date would end.
Dinala
ni Arran si Biboy sa isang maliit na restaurant sa Makati. Hindi pa ito
commercialized, ngunit may ilan din namang kumakain dito. Umupo sila sa isang
table sa dulo ng restaurant. “This restaurant is cozy.” Di mapigilan ni Biboy
na humanga rito. Mukha kasing isang ancestral house ito converted into a
restaurant. May isang malaking crystal chandelier din na nakasabit sa kisame
nito, na napaliligiran ng bumbilya. Naroon din ang ilang mga muwebles na
mahahalatang namana ng may-ari mula sa kanyang pamilya.
Ngumiti
lamang si Arran sa narinig. “Yeah, and they serve delicious fried chicken
here.” Tugon nito. Mahilig si Arran sa fried chicken at ito ang isa sa mga
restaurant na aksidente lamang niyang natagpuan, at natuwa sa lasa ng isinerve
na pagkain. Iba kasi ang lasa nito sa mga natikman niyang luto. Malalasahan sa
manok ang ginisang bawang na tila inihalo bago ito i-deep fry. Paborito rin
niya ang porkchop na inihahanda sa restaurant na ito.
Nagsimulang
kumain ang dalawa nang maihain sa kanila ang mga order. Naikwento na rin ni
Biboy ang modeling stint niya at nagulat si Arran na magkasama sila ni Uno.
Ikinuwento na rin ni Biboy kung paano sila nagkakilala ni Uno at ang nangyari
sa proposal niya, maging ang muntik na pagkakatanggal ni Uno na maging model ng
nasabing kumpanya. Nakikinig lang si Arran sa ikinukuwento ng kababata at tila
masaya siya nang mapansing nag-eenjoy si Biboy sa pagkukuwento. Hindi niya
tuloy lubos maisip na mayroon siyang kailangang sabihin dito. He just couldn’t
take it that he would have to hamper Biboy’s happiness based from the stories
he’s telling.
Tila
napansin naman ni Biboy ang biglang pagtahimik ng kababata. “Ran-ran, what’s
wrong?” di mapigilang tanong nito. Nanatiling tahimik si Arran. “Biboy, I…”
pagsisimula nito. Hindi niya kayang sabihin ito kay Biboy. Hindi niya kayang
sabihin sa kababata ito…
“I’ve
been thinking… Do you think if we’re better off as…” hindi magawang tapusin ni
Arran ang sasabihin. Ngumiti lang si Biboy sa narinig at siya na ang nagtapos
ng pangungusap na naiwan sa ere. “As friends?” tugon niya. Tumango lamang ang
kababata niya, at napalunok naman si Biboy sa narinig.
Naisip
na ito ni Biboy kanina, ngunit iba pa rin pala ang pakiramdam kapag narinig na
niya ito mula sa kanyang kababata. Hindi niya alam ang sasabihin kay Ran-ran,
ngunit pinili niyang ngumiti na lamang sa narinig. “It’s fine, Ran-ran. I know
I can’t have you by myself, especially if you already chose Robert.” Mahinahon
niyang sinabi. Nag-angat naman ng tingin si Arran, hindi makapaniwala sa
narinig mula sa kababata.
“I
always want you to be happy. Alam mo yan, kahit noong bata pa tayo. Diba ako
nga ang hero mo? That’s why if you decided that you’ll be happy with Robert,
then there’s nothing that I could do but to be happy as well.” Tuloy niya.
Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay unti-unti niyang natatanggap ang
sitwasyon – ang katotohanang hindi magiging sila ni Ran-ran sa bandang huli.
Arran
let out a sigh, feeling relieved. “To be honest, there was a time I felt like I
love you, Biboy. But then Robert arrived, and I was able to finally sort out my
feelings after some time. Salamat Biboy, salamat talaga sa pag-unawa.” Saad
nito. Tumango lamang si Biboy at ngumiti. “No worries, Ran-ran. So, friends?”
he said while he offered a handshake, a bitter feeling forming inside him. That’s right, this is how we’re going to end
up. We’ll end up as friends, Ran-ran.
Tumango
naman si Arran at nakipagkamay sa kababata. “Correction, best friends.” He’s
glad the issue with Biboy is over. Now he only has one person left to face –
Robert.
Matapos
nilang kumain ng hapunan ay tumayo na sila at lumabas ng restaurant. Arran gave
Biboy a tight hug, which Biboy returned. “Ran-ran, why don’t you go and fix
your issues with Robert. I never realized that your Prince Charming could look
dirty.” He commented, chuckling. Tumango naman si Arran. “I will, Biboy. So
paano, ingat ka ha? I had fun with this date.”
I
had fun with our first - and last- date too, Ran-ran. I had fun with this date:
the fried chicken, and the realization that you’re not meant for me.
Biboy ignored his thoughts. “Hey, I
had fun too. Sa uulitin.” Nakangiting sagot niya. Nagpaalam na si Arran at
sumakay sa kotse niya. “See you soon, Biboy.” Paalam ni Arran sa kababata.
Kumaway lang si Biboy. “Yeah, see
you soon Ran-ran.” Sagot niya. Ilang saglit pa ay umandar na palayo ang kotse
ni Arran. Ang taong ninais ni Biboy, ang isang taong hindi pa niya makukuha.
Pumasok si Biboy sa loob ng kotse at
pinaandar ang makina. It’s almost eleven o’clock, and there was nowhere to go.
He sighed as a plan formed in his head. What could be a better way to celebrate
his defeat than to drown it with alcohol. Nagsimula na siyang magmaneho patungo
sa isang bar sa Timog.
Malapit nang mag-alas dose nang
dumating si Biboy sa bar. Agad siyang umorder ng isang bote ng Bailey’s at umupo sa isang stool sa bar.
Nagsimula na siyang uminom, and although the bar’s speakers are bursting with
loud house music, his heart deafened the surroundings. He felt numb, not
because of the liquor he’s drinking, but to the sinking realization that
Ran-ran thinks they should be friends. And maybe that’s the best thing to do.
Nagbuntong-hininga si Biboy sa naisip. “Ako ang hero niya, diba? Kaya dapat
handa akong magsakripisyo.” Sinabi niya sa sarili bago lumagok ng isang baso ng
Bailey’s. Wala pang tatlumpung minuto
ay naubos na niya ang laman ng bote, at umorder pa ng isa.
Hindi naman mapakali si Uno sa
kanyang unit. Ilang beses na siyang bumaba sa 8th floor upang icheck
kung naroon na si Biboy ngunit hindi pa ito umuuwi. Sinubukan na rin niyang tawagan
ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ito sinasagot. Ala-una na ng madaling
araw. Hindi tuloy maisip ni Uno kung nasaan na ang binata – baka nabugbog na
ito ni Robert. Pero sinabi ni Biboy na may black belt ito sa karate, at mukhang
totoo naman ito. “Nasaan ka na ba, Biboy?” sigaw ni Uno sa telepono nang hindi
na naman sinagot ng binata ang tawag niya.
Ilang beses pa niyang sinubukang
tumawag at maya-maya ay sinagot na ni Biboy ang tawag ni Uno. “Hey, where the
hell are you?!” sigaw agad ni Uno dahil nakarinig siya ng malakas na tugtog sa
kabiang linya, nasa isang bar si Biboy. “Synthetic Bar. C’mere Uno, let’s drown
our sorrows tonight.” Biboy answered, slurring his words on the other line.
“I’m going there. Don’t do anything stupid, dammit!” tugon ni Uno, while
grabbing his jeans and a jacket. Hindi na niya marinig si Biboy sa kabilang
linya kaya ibinaba na ni Uno ang tawag, nagmadaling nagbihis at pumara ng taxi
sa labas ng condo.
Samantala, halos kalahati na ng
pangalawang bote ng Bailey’s ang nauubos ni Biboy, and he sure felt
light-headed and dizzy. “So this is what being really drunk feels like…” sigaw
niya sa bartender. Nag-abot siya ng shot rito at nag-toast ang dalawa bago
ininom ang alak. Isang lalaki naman ang nakamasid lang kay Biboy at sa pag-inom
nito. Lumapit ito at inilapit ang bibig sa tainga ni Biboy. “Hey, I think
you’ve had enough to drink tonight.” Agad na saad nito kay Biboy. Tumawa lang
ang huli at lumapit din sa kausap. “I’m fine.”
“Are you sure? Mukhang lasing ka
na.” tanong ng kausap. Tumango lamang si Biboy bago nagsalita. “Siguro para
sa’yo lasing na ako, but for me, this is called freedom!” sagot niya bago
muling tumawa.
“I’m Jason.” Pagpapakilala nito,
habang iniabot ang palad. “I’m… Bobby.” Tugon naman ni Biboy. He thought that
the name Biboy is reserved for people close to his heart. Kinamayan niya ang
nakilala sa bar ngunit nagulat siya nang bigla siyang hilahin nito. Dahil
nahihilo na rin naman si Biboy ay nawalan siya ng balance at napasandal sa
katawan ng nakilala.
Pinisil ni Jason ang braso ni Biboy
at ngumiti. “Do you wanna go somewhere?” Unti-unting dumampi ang labi nito sa
leeg ni Biboy. Nanatili naman si Biboy sa kanyang puwesto, at tumayo ng maayos
matapos ang ilang saglit.
“Well, I’ve always wanted to go to Puerto
Galera.”
He heard the man chuckle. “How about
we go to my place tonight?” sagot nito. Biboy feels dizzy, and disoriented. He
never thought that although Bailey’s
tastes like chocolate, it still is an alcoholic drink – and now he’s drunk.
Ngumiti na rin siya sa kausap bago nagsalita. “That will do for now.”
Nagulat si Biboy nang biglang may
humila sa kabila niyang kamay. “No you’re not.” Mariing pagtutol ni Uno. Nagulat
naman si Biboy at napakapit sa balikat ni Uno. Lalo lang siyang nahihilo sa
ginagawang paghila ng mga tao sa kanya.
“Who the hell are you? His
boyfriend?” angil ng nakilala ni Biboy sa bar. Akmang susuntukin niya si Uno
nang biglang hinawakan ng huli ang kuwelyo ng polo shirt ni Jason at itinaas.
“Oo, may problema?” sagot naman
niya. Binitiwan niya ang kwelyo ng lalaki at itinulak. “Fuck off.” Agad niyang
inalalayan si Biboy palabas ng bar matapos bayaran ang bill nito. Narinig pa
niyang sumigaw ang lalaki bago sila tuluyang makalabas.
“Rendahan mo yang boyfriend mo para
hindi maglandi!”
Hindi na binalikan ni Uno ang lalaki
kahit na napipikon na siya. Biboy’s safety is his priority now. This drunk
idiot he’s accompanying.
“Gago!” sigaw niya bago makalabas ng
bar.
Pilit naman na kumakawala si Biboy
sa hawak ni Uno, ngunit mahigpit ang kapit ng huli sa tagiliran ng lasing na
binata. “Uno, let me go. I want t-to drink!” angil nito.
Tiningnan lang siya ni Uno. “No,
we’re going home.” Mahinahong sagot niya.
“We should be inside that club, with
hot men!” sigaw ni Biboy sa tainga ni Uno. Iniwas naman ng huli ang kanyang ulo
dahil narindi siya sa pagsigaw ni Biboy.
Binuksan ni Uno ang pintuan ng kotse
ni Biboy at isinakay ang huli. “Well mister, you’re about to go home with a hot
guy with you.” Sagot nito habang inilalagay ang seatbelt sa lasing na binata.
Tiningnan lamang siya ng mabuti ni
Biboy, naniningkit ang mga mata sa kalasingan. “Well played.” Sumakay na si Uno
sa kotse at pinaandar ang makina ngunit pilit na inaalis ni Biboy ang seatbelt
kahit na hindi na siya makagulapay sa sobrang kalasingan. Lalo namang
hinigpitan ni Uno ang seatbelt ng kasama, dahilan upang lalong magpumiglas si
Biboy. “Dammit Uno! The party isn’t even over yet!”
Nagsimulang magmaneho si Uno pauwi
sa condo nila sa Ortigas.
“The party isn’t over until you go
home with me.”
ang sakit naman mareject ng besfriend. hehe
ReplyDeletenafriendzone dre. haha :) pero ayos lang yan, may sasalo naman ata kay biboy.
Deletesalamat pala sa comment.
Art of letting go and drawing the limits. </3
ReplyDelete-dilos
masaklap ba dilos? haay. ganun siguro talaga, may masasaktan. hehe
Deleteahhhh! malapit na matapos! huhu
ReplyDeletebasa mode! :'(
tonix
yeah matatapos na tong unang series na sinulat ko. will take a break, then write another one. hehe
DeleteI love you Uno!
ReplyDeletetonix
Uno fanclub president ka na Tonix! Hahaha. Salamat sa pagcomment :)
DeleteAno ba yan? Matatapos na sya? May bago kang series author?
ReplyDelete-hardname-
yes hardname, finale na yung update sa dec 3. hindi pa ako nagsusulat ng bago, pero promise di to ang last na series ko sa msob ;)
Deletehhaayyyyy.. gusto ko ran-ran at biboy parin... i can't see myself enjoying this story until the end without the two ending up as one...
ReplyDelete-arejay kerisawa
hala arejay. medyo given na kung anong ending nito. hehe :)
DeleteMas kinilig pa ko sa loveteam ni uno at biboy ^____^
ReplyDeleteMalapit na pala tong matapos...how sad
Bale sa last chapter mag cocoment ako ng bongang bonga...see ya
Haha salamat raffy, asahan ko comment mo. Hala kinilig sa Uno-Biboy loveteam? Whew
Deletenagpapaawa epek pa si rob, pinabayaan na talaga sarili. siguro muka na syang ermitanyo haha! naawa tuloy si biboy sa kanya at kay arran awa na may pagmamahal.
ReplyDeleteMasakit din kay biboy na mareject, ganun talaga life, dumarating talaga yan sa buhay ng tao. sana ganyan lahat, kaso meron talaga na ayaw matanggap ang pagkatalo. Dinaan nlang ni biboy sa paginom. Gud luck arran & rob. ganun din kay uno at biboy.
0309
siguro dinamdam talaga ni robert na nagalit sa kanya si arran. haha :)
Deletesyempre mahirap kaya talaga tanggapin yun, lalo kapag pakiramdam mo dapat meant to be kayo nung isang tao. Haaaay :) salamat sa pagbasa 0309. Appreciated ko, sobra ;)
NAX! Mukhang si Biboy at Uno pa ang magkakatuluyan. HAHA.
ReplyDeleteNice one. ;)
Go kuya Arran, seek the one you love >> kuya Robert. :3
Hi Coffee Prince, sige cheer natin si Arran! Weee :)
DeleteKinikilig nga ako kay Biboy at Uno. Woooh
We're entitled to our own opinion even though the author didn't ask me but anyway...
ReplyDeleteThe title, DATI, tho. I can't make myself convince na si Robert ay for Arran. I'm disappointed with the story. Though the writing is good pramis. Magaling magsulat si author. Yun nga lang hindi nagkatuluyan si Biboy at Arran.
Kase DATI eh. Or pwede din nmn yung song ni Sam Concepcion with the line "Aking pagtingin, bulong na lang sa hangin, pangrap na lang din na gaya pa rin ng dati." Na talagang sinasabing hindi tlga sila magkakatuluyan. Haaay
Pero KUDOS author. Tho I really want an alternative ending, hahaha.
- BioXJet
Hello BioXJet, yung kanta ni Sam Concepcion na DATI yung inspiration ko for this series, so you'll understand the story through the song's lyrics ;)
DeleteAyaw mo pa rin kay Uno? Hehe
Tagal ko rin atang di nagcomment dito? Haaaay mamimiss ko to! Seriously. Medyo maikli but a really nice work. Aabangan ko ang susunod mong series!
ReplyDeleteHi Ken, hala total of 19 chapters tapos maikli pa rin? Ayoko kasing maging masyadong mahaba, baka maging dragging yung kwento. Hehe.
DeletePromise hindi to ang last series ko. :)
Kainis talaga!!!
ReplyDeletenaa alala ko ung ung na DATI. . .
Perfect translation ng story. Hehe
Thanks author!!
-ChuChi :)
Hi Chuchi, salamat sa comment, inspirasyon ko ung song in writing this series. Abangan ang finale, mamaya na ipopost!
DeleteAparador Prince
I love the story...i really feel sad for Biboy though... sana siya yung nakatuluyan ni Arran...parang nasayang yung nakaraan nila...and i dont like Robert, the fact na madame na syang naging kapartner before, girl and guy, only means na may big possibility dn na iwan dn sya ni Robert... samantalang si Biboy, hinintay sya ng matagal...hndi cinonsider ni Arran yon... really feel sad for Biboy..kc bata pa lang, nandon na yung affection nya for ranran.. anyway, still a nice story...
ReplyDeleteAnyway, wala pa po ung last part? Hehe.. :) nice story..
hello, may finale na po :) hanapin nyo nalang po sa table of contents :)
Delete