Followers

Friday, November 29, 2013

DATI 18 (Pre-Finale)


by aparadorprince



Author's Note:

Hello dear readers, eto na ang pre-finale chapter ng Dati. Sana nag-enjoy kayo sa series ko. Salamat sa pagsuporta! Weee :) Nag-enjoy ako sa pagsusulat nito, sobra. Thank you all for making my first series an AWESOME success! APIR APIR APIR APIR :)

At abangan ang finale nito sa December 3, 12:00 AM. Yun lang.

**aparadorprince


DATI 18 (Pre-finale)

                Sampung minuto matapos ang pag-uusap nila Uno at Biboy ay nakarating na ang huli sa harap ng apartment ni Robert. Nakabukas man ang ilaw sa loob ng apartment ay nanatili muna sa loob ng kotse si Biboy at nagsimulang magmuni-muni. Alam niyang nasaktan din siya sa ginawang panloloko ni Robert, but suddenly asked himself if getting revenge is really a good idea.

                Nagbuntong-hininga si Biboy, a weird feeling lingered inside him. Ayaw na din niya ng gulo, napapagod na siya. Ilang beses din siyang nag-isip kung dapat na ba siyang bumaba sa kotse niya ngunit bago pa man siya makapagdesisyon ay namatay na ang ilaw sa loob ng bahay, at nagbukas naman ang ilaw ng garahe. Napatingin naman si Biboy sa labas ng apartment at ilang minuto ay lumabas si Robert na halos hindi na niya makilala. Halatang hindi na ito nagshave at tila hindi na rin niya inaalagaan ang sarili. Malalim ang eyebags nito at makikita ang kalungkutang dinadala.

                Napalunok naman si Biboy sa nakitang malaking pagbabago kay Robert. He suddenly realized what his weird feeling earlier was – he’s feeling guilty. Although he knew he was the aggrieved party between them, he can’t help but to wonder how much that situation really affected Robert. “Shit.” Naibulalas lang ni Biboy nang makitang nalaglag pa ni Robert ang susi at napunta sa ilalim ng kotse.

                He decided to make abrupt changes with his plan.

                Kaagad na lumabas si Biboy sa kanyang kotse at lumapit kay Robert na nakadapa na ngayon at pilit na inaabot ang susi sa ilalim ng kotse. Mukhang walang pakialam si Robert kahit madumihan pa ang kanyang damit, at lalo lang na-guilty si Biboy. Robert suddenly looked like a person who just lost direction in his life. Someone who lost a reason to live.

                This observation made Biboy sigh loudly. Maybe it’s because of Ran-ran – Robert needs him so much that he would break down if he loses him. Tila napansin naman ni Robert na may ibang tao sa paligid. Agad itong lumabas mula sa pagkakadapa at tumayo. Tama nga ang hinala ni Biboy, puro dumi nga ang damit ng kaharap. May ilang alikabok din ito sa mukha. “Hey.” Tanging nasambit ni Robert nang makita si Biboy.

                “Uhm.. Hi. Well I…” Biboy stammered, shifting his gaze from Robert to his shoes. Now that he’s in front of this guy, he doesn’t know what to say.

                “Are you here to… blame me for what I did?” tila wala sa sariling tanong ni Robert sa kaharap. He initially looked at where Biboy was looking at, but then remembered he still wasn’t able to get his key. “Can you do that after I get my keys?” dugtong pa nito bago bumalik sa posisyon kanina. Agad itong dumapa sa sahig at muling pilit na inaabot ang susi.

                “Actually, that was my initial plan.” Biboy answered. Naglakad siya patungo sa kabilang bahagi ng kotse at tiningnan kung nasaan ang susi. “But I don’t think I need that now.” Sagot pa niya. Nang makita kung nasaan ang susi ay agad siyang naghanap ng walis o kahit na anong mahabang bagay na pwedeng ipanungkit ng susi sa ilalim. Nakakita nga siya ng isang walis tingting at kinuha ito, bago pilit na inabot din ang susi. Agad naman niyang nakuha ito at iniabot kay Robert nang makitang tumayo na ito sa pagkakadapa.

                “Thanks.” Sagot ni Robert nang maiabot sa kanya ang susi. Ngumiti lamang si Biboy at tumango. “You really felt bad, didn’t you?” he asked. Tumungo lamang ang kanyang kaharap. “I feel worthless, to be honest. I really shouldn’t have done that to you and to Arran. I’m sorry.” Mahinang tugon ni Robert.

                Biboy gave him an assuring tap on the shoulder. “I was mad at you too. But then I realized…” napatigil siya. Narealize niyang maaaring wala nga siyang pag-asa sa kababata. Ran-ran wouldn’t love him just as long as he loves Robert.

                May mga bagay sa bagay na hindi kailanman matutupad sa mundo, katulad ng pagiging isang miyembro ng Bioman ni Biboy, o maging ang pagiging isang Jetman ni Ran-ran. Ngunit naisip ni Biboy, hindi dahil maaaring matupad ang isang pangarap ay kinakailangan na matupad ito. Na may mga pagkakataon na kailangan nating bumitaw sa mga bagay na kahit na ninanais natin na mapasa-atin, hindi dahil sa imposible ito ngunit dahil ito ang tamang gawin. Dahil hindi para sa atin ang bagay na hinahangad.

                Dahil maaaring ang katotohanan ay hindi para sa kanya ang kababata.

                Hindi na lamang itinuloy ni Biboy ang naisip, at iniba ang usapan. “Nakapag-usap na ba kayo ni Ran-ran?” tanong nito. Umiling lamang ang kaharap. “He’s still mad at me. Iniiwasan niya ako. Kayo ba, siguro nagkakamabutihan na kayo ni Arran.” Ang malungkot na sagot ni Robert.

                “I haven’t seen him for days, I’ve been busy with work.” Agad niyang pagtanggi sa isinagot ni Robert. Naging busy nga siya ngayong natanggap ang proposal niya sa clothing company, not to mention he’s about to become a model of that said company. Tanging si Uno lamang ang nakakasama niya sa mga nakaraang araw. Si Uno

                “You know, you should probably talk to him.” Biboy suggested. He still felt a little bad for saying it, but Robert really lost control of his life when he lost Ran-ran. He needs his childhood friend to, but then he went back to the realization that maybe, just maybe, they’re better off as friends. And about Uno

                “I know, but I still have to do other things first.” Tanging naisagot ni Robert. Binuksan niya ang pinto ng kotse. “I’m really sorry about what I did, Biboy. I was just threatened that… I might lose Arran. It turns out I’d lose him after all.” Nahihiyang banggit nito habang nakahawak pa sa pinto ng kotse niya.

                “Forget it.” Biboy finally managed to smile at Robert. “I guess I’m not mad at you anymore.” Tila nabuhayan naman ng loob si Robert sa narinig, at ngumiti na rin. “Salamat, Biboy. So paano, kailangan ko na din umalis.” Sagot naman ng kaharap.

                Tumango lang si Biboy. “Sige, ingat. And you really look like shit. You should probably shave.” Suhestiyon nito. Narinig niyang tumawa ng mahina si Robert habang sumasakay sa kotse. “I will.” Sagot nito bago tuluyang isinara ang pintuan ng kotse. Ilang saglit pa ay umalis na ito at naiwanan si Biboy sa labas ng apartment ni Robert.

                Naisipan niyang umupo muna sa gilid ng kalsada, and let out a sigh. “So… napatawad ko na yata si Robert doon.” Wala sa sariling komento niya bago muling nagbuntong hininga. Biboy didn’t feel guilty anymore. However, he suddenly felt… empty. He really doesn’t know what to do next.

                He thought about all the times he planned for getting back at Robert with what he did, but didn’t realize that he would end up forgiving the guy. He felt like he had nothing left to do now. Nothing left to do but to move on from this situation.

                Ilang minuto pa siyang nanatili sa labas ng bahay ni Robert nang may humintong sasakyan sa di-kalayuan – ang sasakyan ni Ran-ran. Agad na tumayo si Biboy nang makita ang kotse at nang makalabas si Arran ay tila nagulat din siya na naroon ang kanyang kababata.

                “Biboy! Why are you here?” gulat na tanong ni Arran. Ngumiti lamang si Biboy sa narinig. “I just…” he started constructing his answer but then when he looked at his childhood friend, Ran-ran was looking at Robert’s apartment. Ran-ran was obviously looking for Robert.

                “Robert just left minutes ago.” Biboy simply said. Napatingin naman si Arran sa kababata. “Saan kaya siya nagpunta?” tanong niya. Biboy just shrugged, “I didn’t ask him.”

                Tila may naalala naman si Arran pagkatapos noon. “Biboy, sorry talaga if you went to Sta. Rosa alone, and I didn’t show up…” agad na humingi ito ng paumanhin. “Hey, that’s fine. Hindi naman ikaw ang nagtext ‘nun diba?” nakangiting sagot niya. Dammit, why do I always feel guilty? Tanong niya sa sarili.

                Umiling si Arran. “But there might be something I could do, para quits na tayo?”  tanong niya. Nag-isip naman si Biboy. “Well, you still owe me one date.” He said, chuckling.

                “Oh, okay. Kailan naman?” tanong ni Arran.

                Hindi agad sumagot si Biboy. Maybe this is the perfect diversion he was waiting for. “Pwede naman siguro ngayon?” he said. “Look, let’s just have dinner. Ayos na ako ‘dun.” He smiled.

                Arran felt relieved. He wanted to find Robert but maybe it’s about time to return the favor to Biboy. There are things that he wanted to say to his childhood friend too. “Tara, I know a good restaurant.” Yakag nito. Agad na pumasok si Arran sa loob ng kotse na si Brownie, at sumunod naman si Biboy sa kotse nito. Kahit na nais sana ni Biboy na magkasama sila ni Arran sa loob ng kotse ay pinili na lamang niyang dalhin na rin ang sariling kotse. Even Biboy has a clue about how this unplanned date would end.

                Dinala ni Arran si Biboy sa isang maliit na restaurant sa Makati. Hindi pa ito commercialized, ngunit may ilan din namang kumakain dito. Umupo sila sa isang table sa dulo ng restaurant. “This restaurant is cozy.” Di mapigilan ni Biboy na humanga rito. Mukha kasing isang ancestral house ito converted into a restaurant. May isang malaking crystal chandelier din na nakasabit sa kisame nito, na napaliligiran ng bumbilya. Naroon din ang ilang mga muwebles na mahahalatang namana ng may-ari mula sa kanyang pamilya.

                Ngumiti lamang si Arran sa narinig. “Yeah, and they serve delicious fried chicken here.” Tugon nito. Mahilig si Arran sa fried chicken at ito ang isa sa mga restaurant na aksidente lamang niyang natagpuan, at natuwa sa lasa ng isinerve na pagkain. Iba kasi ang lasa nito sa mga natikman niyang luto. Malalasahan sa manok ang ginisang bawang na tila inihalo bago ito i-deep fry. Paborito rin niya ang porkchop na inihahanda sa restaurant na ito.

                Nagsimulang kumain ang dalawa nang maihain sa kanila ang mga order. Naikwento na rin ni Biboy ang modeling stint niya at nagulat si Arran na magkasama sila ni Uno. Ikinuwento na rin ni Biboy kung paano sila nagkakilala ni Uno at ang nangyari sa proposal niya, maging ang muntik na pagkakatanggal ni Uno na maging model ng nasabing kumpanya. Nakikinig lang si Arran sa ikinukuwento ng kababata at tila masaya siya nang mapansing nag-eenjoy si Biboy sa pagkukuwento. Hindi niya tuloy lubos maisip na mayroon siyang kailangang sabihin dito. He just couldn’t take it that he would have to hamper Biboy’s happiness based from the stories he’s telling.

                Tila napansin naman ni Biboy ang biglang pagtahimik ng kababata. “Ran-ran, what’s wrong?” di mapigilang tanong nito. Nanatiling tahimik si Arran. “Biboy, I…” pagsisimula nito. Hindi niya kayang sabihin ito kay Biboy. Hindi niya kayang sabihin sa kababata ito…

                “I’ve been thinking… Do you think if we’re better off as…” hindi magawang tapusin ni Arran ang sasabihin. Ngumiti lang si Biboy sa narinig at siya na ang nagtapos ng pangungusap na naiwan sa ere. “As friends?” tugon niya. Tumango lamang ang kababata niya, at napalunok naman si Biboy sa narinig.

                Naisip na ito ni Biboy kanina, ngunit iba pa rin pala ang pakiramdam kapag narinig na niya ito mula sa kanyang kababata. Hindi niya alam ang sasabihin kay Ran-ran, ngunit pinili niyang ngumiti na lamang sa narinig. “It’s fine, Ran-ran. I know I can’t have you by myself, especially if you already chose Robert.” Mahinahon niyang sinabi. Nag-angat naman ng tingin si Arran, hindi makapaniwala sa narinig mula sa kababata.

                “I always want you to be happy. Alam mo yan, kahit noong bata pa tayo. Diba ako nga ang hero mo? That’s why if you decided that you’ll be happy with Robert, then there’s nothing that I could do but to be happy as well.” Tuloy niya. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay unti-unti niyang natatanggap ang sitwasyon – ang katotohanang hindi magiging sila ni Ran-ran sa bandang huli.

                Arran let out a sigh, feeling relieved. “To be honest, there was a time I felt like I love you, Biboy. But then Robert arrived, and I was able to finally sort out my feelings after some time. Salamat Biboy, salamat talaga sa pag-unawa.” Saad nito. Tumango lamang si Biboy at ngumiti. “No worries, Ran-ran. So, friends?” he said while he offered a handshake, a bitter feeling forming inside him. That’s right, this is how we’re going to end up. We’ll end up as friends, Ran-ran.

                Tumango naman si Arran at nakipagkamay sa kababata. “Correction, best friends.” He’s glad the issue with Biboy is over. Now he only has one person left to face – Robert.

                Matapos nilang kumain ng hapunan ay tumayo na sila at lumabas ng restaurant. Arran gave Biboy a tight hug, which Biboy returned. “Ran-ran, why don’t you go and fix your issues with Robert. I never realized that your Prince Charming could look dirty.” He commented, chuckling. Tumango naman si Arran. “I will, Biboy. So paano, ingat ka ha? I had fun with this date.”

I had fun with our first - and last- date too, Ran-ran. I had fun with this date: the fried chicken, and the realization that you’re not meant for me.

Biboy ignored his thoughts. “Hey, I had fun too. Sa uulitin.” Nakangiting sagot niya. Nagpaalam na si Arran at sumakay sa kotse niya. “See you soon, Biboy.” Paalam ni Arran sa kababata.

Kumaway lang si Biboy. “Yeah, see you soon Ran-ran.” Sagot niya. Ilang saglit pa ay umandar na palayo ang kotse ni Arran. Ang taong ninais ni Biboy, ang isang taong hindi pa niya makukuha.

Pumasok si Biboy sa loob ng kotse at pinaandar ang makina. It’s almost eleven o’clock, and there was nowhere to go. He sighed as a plan formed in his head. What could be a better way to celebrate his defeat than to drown it with alcohol. Nagsimula na siyang magmaneho patungo sa isang bar sa Timog.

Malapit nang mag-alas dose nang dumating si Biboy sa bar. Agad siyang umorder ng isang bote ng Bailey’s at umupo sa isang stool sa bar. Nagsimula na siyang uminom, and although the bar’s speakers are bursting with loud house music, his heart deafened the surroundings. He felt numb, not because of the liquor he’s drinking, but to the sinking realization that Ran-ran thinks they should be friends. And maybe that’s the best thing to do. Nagbuntong-hininga si Biboy sa naisip. “Ako ang hero niya, diba? Kaya dapat handa akong magsakripisyo.” Sinabi niya sa sarili bago lumagok ng isang baso ng Bailey’s. Wala pang tatlumpung minuto ay naubos na niya ang laman ng bote, at umorder pa ng isa.

Hindi naman mapakali si Uno sa kanyang unit. Ilang beses na siyang bumaba sa 8th floor upang icheck kung naroon na si Biboy ngunit hindi pa ito umuuwi. Sinubukan na rin niyang tawagan ang kanyang cellphone ngunit hindi niya ito sinasagot. Ala-una na ng madaling araw. Hindi tuloy maisip ni Uno kung nasaan na ang binata – baka nabugbog na ito ni Robert. Pero sinabi ni Biboy na may black belt ito sa karate, at mukhang totoo naman ito. “Nasaan ka na ba, Biboy?” sigaw ni Uno sa telepono nang hindi na naman sinagot ng binata ang tawag niya.

Ilang beses pa niyang sinubukang tumawag at maya-maya ay sinagot na ni Biboy ang tawag ni Uno. “Hey, where the hell are you?!” sigaw agad ni Uno dahil nakarinig siya ng malakas na tugtog sa kabiang linya, nasa isang bar si Biboy. “Synthetic Bar. C’mere Uno, let’s drown our sorrows tonight.” Biboy answered, slurring his words on the other line. “I’m going there. Don’t do anything stupid, dammit!” tugon ni Uno, while grabbing his jeans and a jacket. Hindi na niya marinig si Biboy sa kabilang linya kaya ibinaba na ni Uno ang tawag, nagmadaling nagbihis at pumara ng taxi sa labas ng condo.

Samantala, halos kalahati na ng pangalawang bote ng Bailey’s ang nauubos ni Biboy, and he sure felt light-headed and dizzy. “So this is what being really drunk feels like…” sigaw niya sa bartender. Nag-abot siya ng shot rito at nag-toast ang dalawa bago ininom ang alak. Isang lalaki naman ang nakamasid lang kay Biboy at sa pag-inom nito. Lumapit ito at inilapit ang bibig sa tainga ni Biboy. “Hey, I think you’ve had enough to drink tonight.” Agad na saad nito kay Biboy. Tumawa lang ang huli at lumapit din sa kausap. “I’m fine.”

“Are you sure? Mukhang lasing ka na.” tanong ng kausap. Tumango lamang si Biboy bago nagsalita. “Siguro para sa’yo lasing na ako, but for me, this is called freedom!” sagot niya bago muling tumawa.

“I’m Jason.” Pagpapakilala nito, habang iniabot ang palad. “I’m… Bobby.” Tugon naman ni Biboy. He thought that the name Biboy is reserved for people close to his heart. Kinamayan niya ang nakilala sa bar ngunit nagulat siya nang bigla siyang hilahin nito. Dahil nahihilo na rin naman si Biboy ay nawalan siya ng balance at napasandal sa katawan ng nakilala.

Pinisil ni Jason ang braso ni Biboy at ngumiti. “Do you wanna go somewhere?” Unti-unting dumampi ang labi nito sa leeg ni Biboy. Nanatili naman si Biboy sa kanyang puwesto, at tumayo ng maayos matapos ang ilang saglit.

“Well, I’ve always wanted to go to Puerto Galera.”

He heard the man chuckle. “How about we go to my place tonight?” sagot nito. Biboy feels dizzy, and disoriented. He never thought that although Bailey’s tastes like chocolate, it still is an alcoholic drink – and now he’s drunk. Ngumiti na rin siya sa kausap bago nagsalita. “That will do for now.”

Nagulat si Biboy nang biglang may humila sa kabila niyang kamay. “No you’re not.” Mariing pagtutol ni Uno. Nagulat naman si Biboy at napakapit sa balikat ni Uno. Lalo lang siyang nahihilo sa ginagawang paghila ng mga tao sa kanya.

“Who the hell are you? His boyfriend?” angil ng nakilala ni Biboy sa bar. Akmang susuntukin niya si Uno nang biglang hinawakan ng huli ang kuwelyo ng polo shirt ni Jason at itinaas.

“Oo, may problema?” sagot naman niya. Binitiwan niya ang kwelyo ng lalaki at itinulak. “Fuck off.” Agad niyang inalalayan si Biboy palabas ng bar matapos bayaran ang bill nito. Narinig pa niyang sumigaw ang lalaki bago sila tuluyang makalabas.

“Rendahan mo yang boyfriend mo para hindi maglandi!”

Hindi na binalikan ni Uno ang lalaki kahit na napipikon na siya. Biboy’s safety is his priority now. This drunk idiot he’s accompanying.

“Gago!” sigaw niya bago makalabas ng bar.

Pilit naman na kumakawala si Biboy sa hawak ni Uno, ngunit mahigpit ang kapit ng huli sa tagiliran ng lasing na binata. “Uno, let me go. I want t-to drink!” angil nito.

Tiningnan lang siya ni Uno. “No, we’re going home.” Mahinahong sagot niya.

“We should be inside that club, with hot men!” sigaw ni Biboy sa tainga ni Uno. Iniwas naman ng huli ang kanyang ulo dahil narindi siya sa pagsigaw ni Biboy.

Binuksan ni Uno ang pintuan ng kotse ni Biboy at isinakay ang huli. “Well mister, you’re about to go home with a hot guy with you.” Sagot nito habang inilalagay ang seatbelt sa lasing na binata.

Tiningnan lamang siya ng mabuti ni Biboy, naniningkit ang mga mata sa kalasingan. “Well played.” Sumakay na si Uno sa kotse at pinaandar ang makina ngunit pilit na inaalis ni Biboy ang seatbelt kahit na hindi na siya makagulapay sa sobrang kalasingan. Lalo namang hinigpitan ni Uno ang seatbelt ng kasama, dahilan upang lalong magpumiglas si Biboy. “Dammit Uno! The party isn’t even over yet!”

Nagsimulang magmaneho si Uno pauwi sa condo nila sa Ortigas.

“The party isn’t over until you go home with me.”

26 comments:

  1. ang sakit naman mareject ng besfriend. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. nafriendzone dre. haha :) pero ayos lang yan, may sasalo naman ata kay biboy.

      salamat pala sa comment.

      Delete
  2. Art of letting go and drawing the limits. </3
    -dilos

    ReplyDelete
    Replies
    1. masaklap ba dilos? haay. ganun siguro talaga, may masasaktan. hehe

      Delete
  3. ahhhh! malapit na matapos! huhu

    basa mode! :'(

    tonix

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah matatapos na tong unang series na sinulat ko. will take a break, then write another one. hehe

      Delete
  4. I love you Uno!

    tonix

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uno fanclub president ka na Tonix! Hahaha. Salamat sa pagcomment :)

      Delete
  5. Ano ba yan? Matatapos na sya? May bago kang series author?

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes hardname, finale na yung update sa dec 3. hindi pa ako nagsusulat ng bago, pero promise di to ang last na series ko sa msob ;)

      Delete
  6. hhaayyyyy.. gusto ko ran-ran at biboy parin... i can't see myself enjoying this story until the end without the two ending up as one...

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala arejay. medyo given na kung anong ending nito. hehe :)

      Delete
  7. Mas kinilig pa ko sa loveteam ni uno at biboy ^____^

    Malapit na pala tong matapos...how sad
    Bale sa last chapter mag cocoment ako ng bongang bonga...see ya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha salamat raffy, asahan ko comment mo. Hala kinilig sa Uno-Biboy loveteam? Whew

      Delete
  8. nagpapaawa epek pa si rob, pinabayaan na talaga sarili. siguro muka na syang ermitanyo haha! naawa tuloy si biboy sa kanya at kay arran awa na may pagmamahal.
    Masakit din kay biboy na mareject, ganun talaga life, dumarating talaga yan sa buhay ng tao. sana ganyan lahat, kaso meron talaga na ayaw matanggap ang pagkatalo. Dinaan nlang ni biboy sa paginom. Gud luck arran & rob. ganun din kay uno at biboy.

    0309

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro dinamdam talaga ni robert na nagalit sa kanya si arran. haha :)

      syempre mahirap kaya talaga tanggapin yun, lalo kapag pakiramdam mo dapat meant to be kayo nung isang tao. Haaaay :) salamat sa pagbasa 0309. Appreciated ko, sobra ;)

      Delete
  9. NAX! Mukhang si Biboy at Uno pa ang magkakatuluyan. HAHA.
    Nice one. ;)

    Go kuya Arran, seek the one you love >> kuya Robert. :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Coffee Prince, sige cheer natin si Arran! Weee :)

      Kinikilig nga ako kay Biboy at Uno. Woooh

      Delete
  10. We're entitled to our own opinion even though the author didn't ask me but anyway...

    The title, DATI, tho. I can't make myself convince na si Robert ay for Arran. I'm disappointed with the story. Though the writing is good pramis. Magaling magsulat si author. Yun nga lang hindi nagkatuluyan si Biboy at Arran.

    Kase DATI eh. Or pwede din nmn yung song ni Sam Concepcion with the line "Aking pagtingin, bulong na lang sa hangin, pangrap na lang din na gaya pa rin ng dati." Na talagang sinasabing hindi tlga sila magkakatuluyan. Haaay

    Pero KUDOS author. Tho I really want an alternative ending, hahaha.

    - BioXJet

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello BioXJet, yung kanta ni Sam Concepcion na DATI yung inspiration ko for this series, so you'll understand the story through the song's lyrics ;)

      Ayaw mo pa rin kay Uno? Hehe

      Delete
  11. Tagal ko rin atang di nagcomment dito? Haaaay mamimiss ko to! Seriously. Medyo maikli but a really nice work. Aabangan ko ang susunod mong series!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Ken, hala total of 19 chapters tapos maikli pa rin? Ayoko kasing maging masyadong mahaba, baka maging dragging yung kwento. Hehe.

      Promise hindi to ang last series ko. :)

      Delete
  12. Kainis talaga!!!

    naa alala ko ung ung na DATI. . .

    Perfect translation ng story. Hehe

    Thanks author!!

    -ChuChi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Chuchi, salamat sa comment, inspirasyon ko ung song in writing this series. Abangan ang finale, mamaya na ipopost!

      Aparador Prince

      Delete
  13. I love the story...i really feel sad for Biboy though... sana siya yung nakatuluyan ni Arran...parang nasayang yung nakaraan nila...and i dont like Robert, the fact na madame na syang naging kapartner before, girl and guy, only means na may big possibility dn na iwan dn sya ni Robert... samantalang si Biboy, hinintay sya ng matagal...hndi cinonsider ni Arran yon... really feel sad for Biboy..kc bata pa lang, nandon na yung affection nya for ranran.. anyway, still a nice story...

    Anyway, wala pa po ung last part? Hehe.. :) nice story..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hello, may finale na po :) hanapin nyo nalang po sa table of contents :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails