Followers

Thursday, October 31, 2013

'Untouchable' Chapter 7

Maraming salamat for your continuous support. I really appreciate it. Paki-comment na lang ang mga reactions niyo sa chapter na ito. Salamat!

Happy Reading! :)

--

Chapter 7: Changes?

Habang nasa daan ay palagi kong chine-check ang kondisyon niya mula sa rear view mirror. Nakasandal siya sa bintana, nakasuot ang jacket na nakatago sa bag ko. Napapansin kong giniginaw pa rin ito, kaya naman tuluyan ko ng pinatay ang aircon at hinayaan ang sarili kong tiisin ang init sa loob ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng bahay.

Dali-dali ko siyang ipinasok sa loob, at inalalayan paakyat ng hagdan. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang init ng katawan niya, ng balat niya, ng pagkakadikit nito sa sakin. Ito na ang pinakamalapit kong interaction sa kanya physically, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagugugustuhan ko iyon. Napailing na lamang ako sa loob-loob ko sa mga bagay-bagay na naiisip ko lately. This is getting out of hand.

Pumasok kami sa kwarto niya at pinahiga ko siya sa kama niya. Sinimulan ko ng tanggalin ang sapatos niya, ang medyas niya, sinimulan ko na rin na tanggalin sa pagkaka-butones ang polo niya nang bigla siyang bumalikwas. “A—anong ginagawa mo?” nanghihina niyang tanong. “What? Pupunasan kita. Ang taas ng lagnat mo.” diretsong sagot ko. “N-no...” pagtutol niya. “Huh? Kailangan mong mapunasan. Mainit ka.” pagpilit ko, habang sinusubukang tanggalin ang pang-itaas niya nang makasingaw ang katawan niya, ngunit mapilit siya. “Huwag ikaw... iba na lang.” pagpapatuloy niya.

“Ano ba, Caleb? Bakit ba ayaw mo, ha?” naiinip kong tanong sa kanya. “Ang arte mo, eh.” dugtong ko. “Just... don’t please.” nanghihinang sabi niya. Napaisip naman ako sa naging behavior niya. Sinubukan kong umisip ng dahilan kung bakit ganito siya kahit hirap na hirap na siya... at isa lang ang naisip ko. Napabuntong-hininga ako, at pilit hinabaan ang pasensya ko. “Look, ‘di kita pagsasamantalahan. Hindi ako ganoon.” mariing tugon ko. “Hindi ako katulad nila. Sana alam mo iyon.” buntong-hininga ko bago ko siya iwan para kumuha ng mga kakailanganin niya.

--
Sa huli ay napapayag ko rin siyang punasan ko ang katawan niya. Hindi ko na pinansin ang inakto niya kanina, at imbes ay umarte na lamang ako na parang walang nangyari. Mas importante ang mapunasan siya ngayon. Aaminin kong nasaktan ako sa naging reaksyon niya, pero gaya nga ng sabi ko, I chose to ignore it. Matapos siyang punasan at palitan ng damit ay kinuha ko ang pagkaing hinanda ko at inilapag ang tray sa tabi ng kama niya.

“Caleb, oh. Kainin mo muna ‘tong noodles.” pagtawag ko ng pansin sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at mataman akong tiningnan. Umiling ito. “Kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Sabi ng nurse hindi ka daw kumain buong araw.” saad ko sa kanya. “Wala akong gana.” pagtataboy nito sa akin.

Sana pala ganito ka na lang, para wala kang laban, natatawa kong sabi sa sarili ko.

“W-wwhy are you smiling?” nakakunot, ngunit nanghihina pa rin na tanong nito. “Nothing. Kumain ka na kasi para pwede ka ng matulog.” pagpipilit ko, ngunit gaya ng inaasahan ay tumanggi pa rin ito. Unti-unti na akong nawawalan ng pasensya. “Caleb, ano ba! Nahirapan na nga ako sa pagpunas at sa pagbibihis sa iyo, tapos pati ba naman pagpapakain sa’yo gaganituhin mo pa rin ako?! Sa ganyang ugali mo, walang gugustuhing alagaan ka! Kaya magpasalamat ka at sumunod na lang!” hindi ko napigilang ilabas ang sama ng loob ko. Napansin ko namang natigilan siya ng panandalian, ngunit wala pa rin siyang sinabi. Bumuntong-hininga ako.

“Caleb, alam kong hindi mo ako gusto sa tabi mo. I don’t know why kung bakit ngayon ganyan ka pa rin sa akin. Kumain ka na nang makainom ka na ng gamot para makaalis na ako, dahil iyon lang naman ang gusto mo, ‘di ba? Kaya kumain ka na please.” pahayag ko sa kanya.
Katahimikan.

“K—kakain na ako.” sabi niya.

Masakit.

Oo, masakit kasi nang sabihin ko sa kanya na ang tanging pagsunod lamang niya sa mga ipapagawa ko ay ang paraan upang mawala ako sa paningin niya ay tumalima siya. Ibig sabihin, ayaw niya talaga akong makita. Ganoon na lang ba talaga ang tindi ng galit niya sa akin, na kahit hanggang ngayon, na kahit sobrang pagsisikap na ang binibigay ko para maging okay kami, at kahit pa ako ang kasalukuyang nag-aalaga sa kanya, eh hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para maging okay siya sa akin?

Ngunit hindi ko iyon pinahalata, at imbes ay walang sabi-sabi ko siyang sinubuan ng noodles na ginawa ko. Tahimik kaming dalawa habang siya at kumakain at ako ay nagsusubo sa kanya ng kinakain niya. Tinitingnan ko siya at napapansin ko ang pamumula ng mukha niya, ang pagkalamlam ng mapupungay na mga mata niya, at ang pagiging maamo pa rin ng kanyang mukha.

“G-gab?” nauutal niyang pagtawag ng pansin ko. “Hmmm?” tanong ko. Tinitigan lamang niya ako ng matagal. Sa bawat segundong lumilipas ay tila nararamdaman ko na parang hinihila ako ng mga mata niya papalapit sa kanya. Napakalakas ng atraksyon ang nararamdaman ko ngayon, na parang nararamdaman kong unti-unti akong nilulunod ng kanyang mga mata, ng kanyang tingin.

Tahimik.

“N-nothing.” sabi niya at humiga na siya ng patalikod sa akin.

Anong meron doon?

Nevertheless, I just shrugged it off. “Caleb, inom ka muna ng gamot mo bago ka matulog.” utos ko sa kanya na siyang agad niyang sinunod. Matapos noon ay chineck ko ang kanyang temperature at nakitang bumaba na ito ng kaunti kahit papaano. “Maiwan na muna kita. Ayan ang cellphone mo. Tumawag ka lang kapag may kailangan ka. Nilagay ko number ko diyan.” bilin ko sa kanya bago tumayo at maglakad papalabas ng kwarto niya.

“Gab, sandali.” pagpigil niya sa akin. Nilingon ko siya at hinintay ang kanyang sasabihin.

“Dito ka lang... please.”

--

“Gab!” pagtawag pansin sa akin ng kaibigan kong si Juno na siyang nagpabalik sa akin ng aking ulirat. “Sorry, I spaced out.” sabi ko. “Ano bang meron sa’yo, ha? Lately wala ka na sa sarili mo. Nag-aalala na kami, bro.” sabi niya sa akin. “Ah... basta.” sagot ko na lang. Hindi ko pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari sa akin kagabi, sa biglaang pagluwag ng loob ni Caleb sa akin. Hanggang ngayon ay lutang at tuliro pa rin ako... sadyang hindi makapaniwala sa sobrang laki ng pinagbago niya kahit ilang segundo lamang ang itinagal noon.

“Gabby, magkwento ka naman.” pagpilit ni Trisha habang pinaglalaruan ang natira niyang pagkain. 

“Nagtatampo ako.” pabalang na pahayag ni Juno na siyang dahilan kung bakit bigla kong binaling ang atensyon ko sa kanya. “Bakit naman? Meron ka, bro?” tanong ni Trisha. “I feel left out. Gab, alam kong may pinagdadaanan ka. Kaibigan mo ako, kaya nagtatampo ako kung bakit hindi mo ako sinasabihan... as cheesy at it sounds.” pagpapaliwanag niya.

“Loko ka talaga. Wala, ito lang yung kay daddy, pero okay lang ako.” pagdismiss ko sa kanya, at doon ay nilubayan na niya ako sa mga tanong. Habang nagkkwentuhan ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. Nakita ko ang isang text mula kay Justin.

“Nasaan ka? Naglunch ka na ba? :D”, ang sabi ng text niya.

”CAL atrium. Nakatambay. Nope, not yet. Why?” reply ko.

“Hoy, Gab! Sino ba yang katext mo, ha?” tanong ni Trisha, na malamang napansin na wala ang loob ko sa conversation. “Ahh, si Justin.” simpleng sagot ko. “Uy, ha! Pansin ko nagiging close na kayo. Yieeee.” pang-aasar ni Trisha sa akin. Naramdaman ko naman na umakyat ang dugo sa mga pisngi ko. “Namumula ka.” komento ni Juno na siyang ikinailing ko sa dalawa. Kapag ang dalawang ito ang nagsama ay alam kong wala akong laban. Hindi na ako nagsalita dahil malaki ang posibilidad na magamit ng dalawa ang kung anumang sasabihin ko laban sa akin.

“Sinong Justin, Trish?” tanong ni Juno kay Trish. “Taga IE. Kapitbahay niya. Hot, grabe.” sagot niya. “Ooooh.” napatango na lamang si Juno. “You like this Justin guy?” baling niya sa akin. Kahit kailan talaga sa aming tatlo ay napaka-straightforward nitong si Juno, which is both a good thing and a bad thing. “The hell? Bakit mo naman nasabi yan?” napapailing kong balik sa kanya. “Just saying. Huwag defensive.” natatawang pahayag niya.

Sa aming tatlo ay pinakahuling naging parte ng grupo si Juno. Isa siyang shiftee from Philosophy na napunta sa PolSci. Noong una ay akala ko ay napaka-angas nito, dahil sa pagdadala niya sa sarili niya, ngunit nang makilala ko siya ay nalaman kong napaka down-to-earth pala nito. Sabi niya ay palagi daw mali ang first impression sa kanya ng mga tao. Kapag may mga kailangan kaming advice ni Trisha ay sa kanya kaming dalawa pumupunta dahil siya ang listener sa grupo namin. Magkasing-tangkad kaming dalawa, naka-braces din ito at napakahilig sa kulay green. Kung singkit lamang ito ay mapagkakamalan kaming magkapatid. At oo, alam niya ang tunay kong pagkatao, at masaya ako na walang kaso sa kanya iyon.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Nang sipatin ko ang screen ay nakita kong unknown number ang tumatawag. Ni-reject ko ang call, dahil natatakot ako sa ganitong mga tawag. Ngunit wala pang limang segundo ay tumawag na naman ang unknown number na siyang ikinataka ko ng lubusan.

“Sagutin mo na.” utos ni Juno. Tiningnan ko lamang siya bago ko tuluyang sagutin ang telepono niya.

“Hello?” tanong ko.

Walang nagsasalita sa kabilang linya, ngunit naririnig ko ang mahinang tunog sa paligid.

“Hello?” pag-uulit ko.

“Tss. sabihin mo na!” rinig ko ang inis na boses ng isang babae mula sa background. Mahina ito kaya hindi ko maisip kung sino iyon.

Akmang ibababa ko na ang cellphone ko nang biglang magsalita ang tao sa kabilang linya.

“G—gab” medyo kinakabahang bungad niya sa akin. Nang marinig ko ang boses sa kabilang linya ay tila tumigil ang pagtibok ng puso ko. Totoo ba ‘to?, tanong ko sa sarili ko. Sadyang natigilan ako. “S-sino ‘to?” natatamemeng paninigurado ko. “Si Caleb.” sagot niya.

“A-ah, anong atin O-okay na ba 'yung lagnat mo?” hindi ko pa rin mapakaling tanong. Ano kayang mayroon sa kanya at bigla-bigla siyang tatawag at kakausapin ako? Hindi ba’t ayaw niya sa akin? Ngunit... hindi ko ikakailang natutuwa ako sa nangyayari ngayon. Idagdag mo pa ang nangyari kagabi kung saan inalagaan at binantayan ko siya. Lalong-lalo na nang pigilan niya ang pag-alis ko.

I better stop.

“Ah eh... gusto mo bang sunduin kita after class mo?” alok niya.

“What? Nilalagnat ka.” hindi ko makapaniwalang saad, na siyang naging dahilan upang mapabaling si Trisha at Juno sa akin. Tiningnan ko silang dalawa at nakita kong tila nagtatanong ang mga mata nila sa kung ano ang nangyayari sa usapan namin.

Napabuntong-hininga si Caleb.

“Magaling na ako. Anong oras end ng last period mo?” tanong niya.

“Uhmm... 4:00.” sagot ko.

“See you. Intayin mo ako sa labas ng college mo.” sabi niya bago ibaba ang cellphone niya.

Nanatili akong tulala, nakatapat pa rin sa tenga ko ang speaker ng cellphone ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Unang-una kong naramdaman ang pagkagulat, sumunod ay ang pagtataka, at nang maglaon ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa loob-loob ko.

“GABBY!!!” sabay sigaw ni Trisha at Juno na siyang nakapagpabalikwas sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sadyang pagkagulat. “Bibigyan niyo ba ako ng atake sa puso?!” pabalang kong reklamo sa kanila. “Hoy, Mr. Tan! For your information, ikaw kaya ang kanina pang wala sa mundo dito? Kanina ka pa tulala. Nag-aalala na talaga ako sa’yo.” sagot sa akin ni Trisha. “Did I really zone out?” tanong ko. Binigyan lamang niya ako ng isang matalim na tingin na nagpapahiwatig na dapat maniwala ako sa kanya.

“Sino ba yung tumawag at parang nakakita ka ng multo?” kalmadong tanong ni Juno. “S-si Ca—“

“Hey, guys!” rinig kong tawag ng isang boses mula sa kaliwa ko na siyang dahilan upang ibaling ko ang aking paningin at atensyon palayo sa dalawa kong kaibigan. Hindi ko inaasahang makita si Justin na papalapit sa amin. Nakangiti ito at may dala-dalang paper bags. “Hey.” casual kong bati sa kanya, dahil to be honest hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito. Tumabi siya sa akin at umupo sa sahig gaya namin.

“Uhhh, what’s up?” ingat kong tanong. I don’t want to sound rude, kaya naman instead of asking what the hell he’s doing here, eh kinamusta ko na lamang siya. “Got your text. I bought lunch. Wala akong kasabay, eh.” medyo nahihiyang pahayag niya, at doon ko napansin ang biloy sa kaliwang pisngi niya na siyang lalong nakapagpagwapo sa kanya. Napailing na lamang ako sa loob-loob ko dahil sa mga naiiisip ko.

“You’re so sweet naman, Justin.” komento ni Trisha na may nakaplaster na ngiti sa labi niya. “Eh hindi pa daw siya naglu-lunch, eh. Here, buti na lang dinamihan ko ‘yung bili ko. We can share it among ourselves.” sabi niya habang inilalabas ang mga container ng pagkain mula sa mga paper bag. “Thanks.” pagpapasalamat ko sa kanya nang iabot niya sa akin ang isang container. Tumango lamang ito at nginitian ako.

“Juno nga pala, pare.” pagpapakilala ni Juno kay Justin. Agad naman siyang kinamayan ng binata at nagkatanguan.

“Uhm... Gab.” medyo nahihiya niyang baling sa akin. Tiningnan ko na lamang siya bilang tugon. “Ahm... pwede ka bang...” nahihiya pa rin niyang pagpapatuloy na parang hindi mapakali. Kinunot ko ang nook o. “Ano kasi... may trip yung barkada ko s-sa resort ng isa kong kaibigan. G-gusto ko sana itanong kung pwede ka.” medyo nauutal niyang pahayag. Napansin kong parang namumula ang mga pisngi niya na siyang ikinatuwa ko sa kanya. Iyon lang pala, eh. Bakit siya mahihiya?

“Uhm... sige, I’ll check with my dad if papayagan niya ako. Kailan ba?” tugon ko sa kanya. “Next weekend.” nakangiting pahayag niya. Tumango ako, tila sinasabing titingnan ko kung makakasama ako. “Thanks.” sabi niya.


Nagpatuloy ang lunch break naming apat, ngunit kahit pa masaya ang atmosphere, ay tila detached naman ako sa grupo. Lumilipad ang utak ko sa ibang lugar, dahil sa nangyari kanina. Hindi ko maiwasang kabahan, ngunit nae-excite rin ako sa maaaring mangyari mamaya sa pagsundo sa akin ng kapatid ko.

--

Itutuloy...

15 comments:

  1. uhm, hi mister author. sorry po ah first time ko po magcocomment . hanga po ako sa inyo kase ang galing nio magsulat. hndi ko niregret na sundin ung female friend ko from UPManila na nagrefer po sakin nito. u r great author. pero bukod po sa Boys Love, meron din po ba kau Male-Female love stories o kya Girls Love ?? hehe kudos author. senxa na po ha. >_< . ur so great.

    ~~Hao

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat. Yup, I write male-female kaso I'm not confident with the stuff I've written in the past kaya hindi ko pinu-publish. :) For the meantime, read my first series. "Unexpected" ang title niya. :D

      Delete
  2. Ohh so di magkapatid si Caleb and Gab? Hhhmmm nice story! Keep it up Mr.Author! ! :-)

    ReplyDelete
  3. Ayun thanks sa update. Uhm atleast bumabait na si caleb hirap kaya mag effort ng ganun nuh. :-) :-)bti nalang mabait talaga sia at si justin ayiiee gumagawa na sia ng the moves aa haha great great can't waot sa susunod na chapter. Yung bang role ni josh hanggang tawag nalang? Puede nman yung mag catch up sila paminsan minsan db. :-) :-) :-) hehe thanks again. Hapy halloween

    ReplyDelete
    Replies
    1. May special role si Josh and Matt. Abang-abang na lang rin. Medyo matagal pa 'yon haha. Thanks for reading! :-)

      Delete
  4. ok narin kahit nabitin ako. magkakaayos na yata yung magkapatid ah. tas baka pigiln pa ni caleb pag nalamang sasama ito sa kay justin. haha. magselos kaya? thanks sa update.

    bharu

    ReplyDelete
  5. hi mr. author i love the story bitin grabeh pero ok na ok pa rin... i just hope the hindemagkapatid si gab at caleb i dont know pero theres something about them na romantic kahit hinde halata...about justin na man i dont know mas gusto q si caleb and gab... kudos mr. author update agad.. heheheh


    J❤

    ReplyDelete
  6. ano ka ba naman caleb? sala sa init sala sa lamig! aayaw -ayaw pa kunware. pero pag iniwan hahabol-habol nmn pala. sana naman magkaayos na kayong magkapatid. sobrang taray mo kay Gab eh. Makalimutan sana ni Gab na susunduin mo sya, haha. Nakakainlove pa nmn si justine. haha.

    0309

    ReplyDelete
  7. mr. author, yep nabasa ko na din po ung Unexpected. and its quite good. ^_^ .ang galing nio po tlga. can I hav more. ? haha sa unexpected, Team JoshMatt na po ako. dto sa new series nio, i dunno if i'll go Team GaLeB or GaBiN .. will you post soon? nainspire nio po ako magbalik sa story making. thank u mr author for being an inspiration ^_^

    ~~Hao

    ReplyDelete
  8. Magkagustuhan ba magkapatid wag nman...thanks sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  9. Excited na ako para kay Gab...sa unexpected kasi lagi syang nawawalan ng love life...excited na rin sa paglabas nina josh and matt...I miss the two...thanks for the update

    ReplyDelete
  10. Nice. Ang galing. Sarap basahin. Keep it up mr. Author. Thanks sa update.

    ReplyDelete
  11. Sa wakas, makakapag-comment na rin ako, matapos kong basahin ng paulit-ulit tong chpater na to. Medyo weird, pero nakakaramdam ako ng kilig sa magkapatid. I ship them so much LOL! Team CalebGab, GaLeb, whatever! :D

    Sana kahit hindi sila magkatuluyan romantically, sana may bromance pa rin sila. >:D And excited na ako sa special appearance ni Matt and Josh. I miss them so much. I hope they wil also play a major role in the story despite their short appearance.

    I'm always watching out for your posts, stay awesome, mister Author!

    ReplyDelete
  12. Mas may chemistry si Caleb at Gab...hehe...sana may twist na mangyari.

    --->Just

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails