Maraming salamat for your continuous support. I really appreciate it. Paki-comment na lang ang mga reactions niyo sa chapter na ito. Salamat!
Happy Reading! :)
--
Chapter 7: Changes?
Habang nasa daan ay palagi kong
chine-check ang kondisyon niya mula sa rear view mirror. Nakasandal siya sa
bintana, nakasuot ang jacket na nakatago sa bag ko. Napapansin kong giniginaw
pa rin ito, kaya naman tuluyan ko ng pinatay ang aircon at hinayaan ang sarili
kong tiisin ang init sa loob ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nakarating na
pala kami ng bahay.
Dali-dali ko siyang ipinasok sa
loob, at inalalayan paakyat ng hagdan. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko
maiwasang hindi maramdaman ang init ng katawan niya, ng balat niya, ng
pagkakadikit nito sa sakin. Ito na ang pinakamalapit kong interaction sa kanya
physically, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagugugustuhan ko iyon.
Napailing na lamang ako sa loob-loob ko sa mga bagay-bagay na naiisip ko
lately. This is getting out of hand.
Pumasok kami sa kwarto niya at
pinahiga ko siya sa kama niya. Sinimulan ko ng tanggalin ang sapatos niya, ang
medyas niya, sinimulan ko na rin na tanggalin sa pagkaka-butones ang polo niya
nang bigla siyang bumalikwas. “A—anong ginagawa mo?” nanghihina niyang tanong.
“What? Pupunasan kita. Ang taas ng lagnat mo.” diretsong sagot ko. “N-no...”
pagtutol niya. “Huh? Kailangan mong mapunasan. Mainit ka.” pagpilit ko, habang
sinusubukang tanggalin ang pang-itaas niya nang makasingaw ang katawan niya,
ngunit mapilit siya. “Huwag ikaw... iba na lang.” pagpapatuloy niya.
“Ano ba, Caleb? Bakit ba ayaw mo,
ha?” naiinip kong tanong sa kanya. “Ang arte mo, eh.” dugtong ko. “Just...
don’t please.” nanghihinang sabi niya. Napaisip naman ako sa naging behavior
niya. Sinubukan kong umisip ng dahilan kung bakit ganito siya kahit hirap na
hirap na siya... at isa lang ang naisip ko. Napabuntong-hininga ako, at pilit
hinabaan ang pasensya ko. “Look, ‘di kita pagsasamantalahan. Hindi ako ganoon.”
mariing tugon ko. “Hindi ako katulad nila. Sana alam mo iyon.” buntong-hininga
ko bago ko siya iwan para kumuha ng mga kakailanganin niya.
--
Sa huli ay napapayag ko rin
siyang punasan ko ang katawan niya. Hindi ko na pinansin ang inakto niya
kanina, at imbes ay umarte na lamang ako na parang walang nangyari. Mas
importante ang mapunasan siya ngayon. Aaminin kong nasaktan ako sa naging
reaksyon niya, pero gaya nga ng sabi ko, I chose to ignore it. Matapos siyang
punasan at palitan ng damit ay kinuha ko ang pagkaing hinanda ko at inilapag
ang tray sa tabi ng kama niya.
“Caleb, oh. Kainin mo muna ‘tong
noodles.” pagtawag ko ng pansin sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at
mataman akong tiningnan. Umiling ito. “Kumain ka na para makainom ka na ng
gamot. Sabi ng nurse hindi ka daw kumain buong araw.” saad ko sa kanya. “Wala
akong gana.” pagtataboy nito sa akin.
Sana pala ganito ka na lang, para wala kang laban, natatawa kong
sabi sa sarili ko.
“W-wwhy are you smiling?” nakakunot, ngunit nanghihina pa rin na
tanong nito. “Nothing. Kumain ka na kasi para pwede ka ng matulog.” pagpipilit
ko, ngunit gaya ng inaasahan ay tumanggi pa rin ito. Unti-unti na akong
nawawalan ng pasensya. “Caleb, ano ba! Nahirapan na nga ako sa pagpunas at sa
pagbibihis sa iyo, tapos pati ba naman pagpapakain sa’yo gaganituhin mo pa rin
ako?! Sa ganyang
ugali mo, walang gugustuhing alagaan ka! Kaya magpasalamat ka at sumunod na
lang!” hindi ko napigilang ilabas ang sama ng loob ko. Napansin ko
namang natigilan siya ng panandalian, ngunit wala pa rin siyang sinabi.
Bumuntong-hininga ako.
“Caleb, alam kong hindi mo ako
gusto sa tabi mo. I don’t know why kung bakit ngayon ganyan ka pa rin sa akin.
Kumain ka na nang makainom ka na ng gamot para makaalis na ako, dahil iyon lang
naman ang gusto mo, ‘di ba? Kaya kumain ka na please.” pahayag ko sa kanya.
Katahimikan.
“K—kakain na ako.” sabi niya.
Masakit.
Oo, masakit kasi nang sabihin ko
sa kanya na ang tanging pagsunod lamang niya sa mga ipapagawa ko ay ang paraan
upang mawala ako sa paningin niya ay tumalima siya. Ibig sabihin, ayaw niya
talaga akong makita. Ganoon na lang ba talaga ang tindi ng galit niya sa akin,
na kahit hanggang ngayon, na kahit sobrang pagsisikap na ang binibigay ko para
maging okay kami, at kahit pa ako ang kasalukuyang nag-aalaga sa kanya, eh
hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon para maging okay siya sa akin?
Ngunit hindi ko iyon pinahalata,
at imbes ay walang sabi-sabi ko siyang sinubuan ng noodles na ginawa ko.
Tahimik kaming dalawa habang siya at kumakain at ako ay nagsusubo sa kanya ng
kinakain niya. Tinitingnan ko siya at napapansin ko ang pamumula ng mukha niya,
ang pagkalamlam ng mapupungay na mga mata niya, at ang pagiging maamo pa rin ng
kanyang mukha.
“G-gab?” nauutal niyang pagtawag
ng pansin ko. “Hmmm?” tanong ko. Tinitigan lamang niya ako ng matagal. Sa bawat
segundong lumilipas ay tila nararamdaman ko na parang hinihila ako ng mga mata
niya papalapit sa kanya. Napakalakas ng atraksyon ang nararamdaman ko ngayon,
na parang nararamdaman kong unti-unti akong nilulunod ng kanyang mga mata, ng
kanyang tingin.
Tahimik.
“N-nothing.” sabi niya at humiga
na siya ng patalikod sa akin.
Anong meron doon?
Nevertheless, I just shrugged it
off. “Caleb, inom ka muna ng gamot mo bago ka matulog.” utos ko sa kanya na
siyang agad niyang sinunod. Matapos noon ay chineck ko ang kanyang temperature
at nakitang bumaba na ito ng kaunti kahit papaano. “Maiwan na muna kita. Ayan
ang cellphone mo. Tumawag ka lang kapag may kailangan ka. Nilagay ko number ko
diyan.” bilin ko sa kanya bago tumayo at maglakad papalabas ng kwarto niya.
“Gab, sandali.” pagpigil niya sa
akin. Nilingon ko siya at hinintay ang kanyang sasabihin.
“Dito ka lang... please.”
--
“Gab!” pagtawag pansin sa akin ng
kaibigan kong si Juno na siyang nagpabalik sa akin ng aking ulirat. “Sorry, I
spaced out.” sabi ko. “Ano bang meron sa’yo, ha? Lately wala ka na sa sarili
mo. Nag-aalala na kami, bro.” sabi niya sa akin. “Ah... basta.” sagot ko na
lang. Hindi ko pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari sa akin kagabi, sa
biglaang pagluwag ng loob ni Caleb sa akin. Hanggang ngayon ay lutang at tuliro
pa rin ako... sadyang hindi makapaniwala sa sobrang laki ng pinagbago niya
kahit ilang segundo lamang ang itinagal noon.
“Gabby, magkwento ka naman.”
pagpilit ni Trisha habang pinaglalaruan ang natira niyang pagkain.
“Nagtatampo ako.” pabalang na
pahayag ni Juno na siyang dahilan kung bakit bigla kong binaling ang atensyon
ko sa kanya. “Bakit naman? Meron ka, bro?” tanong ni Trisha. “I feel left out.
Gab, alam kong may pinagdadaanan ka. Kaibigan mo ako, kaya nagtatampo ako kung
bakit hindi mo ako sinasabihan... as cheesy at it sounds.” pagpapaliwanag niya.
“Loko ka talaga. Wala, ito lang
yung kay daddy, pero okay lang ako.” pagdismiss ko sa kanya, at doon ay
nilubayan na niya ako sa mga tanong. Habang nagkkwentuhan ay biglang nagvibrate
ang cellphone ko. Nakita ko ang isang text mula kay Justin.
“Nasaan ka? Naglunch ka na ba? :D”, ang sabi ng text niya.
”CAL atrium. Nakatambay. Nope, not yet. Why?” reply ko.
“Hoy, Gab! Sino ba yang katext
mo, ha?” tanong ni Trisha, na malamang napansin na wala ang loob ko sa
conversation. “Ahh, si Justin.” simpleng sagot ko. “Uy, ha! Pansin ko nagiging
close na kayo. Yieeee.” pang-aasar ni Trisha sa akin. Naramdaman ko naman na
umakyat ang dugo sa mga pisngi ko. “Namumula ka.” komento ni Juno na siyang
ikinailing ko sa dalawa. Kapag ang dalawang ito ang nagsama ay alam kong wala
akong laban. Hindi na ako nagsalita dahil malaki ang posibilidad na magamit ng
dalawa ang kung anumang sasabihin ko laban sa akin.
“Sinong Justin, Trish?” tanong ni
Juno kay Trish. “Taga IE. Kapitbahay niya. Hot, grabe.” sagot niya. “Ooooh.”
napatango na lamang si Juno. “You like this Justin guy?” baling niya sa akin.
Kahit kailan talaga sa aming tatlo ay napaka-straightforward nitong si Juno,
which is both a good thing and a bad thing. “The hell? Bakit mo naman nasabi
yan?” napapailing kong balik sa kanya. “Just saying. Huwag defensive.”
natatawang pahayag niya.
Sa aming tatlo ay pinakahuling
naging parte ng grupo si Juno. Isa siyang shiftee from Philosophy na napunta sa
PolSci. Noong una ay akala ko ay napaka-angas nito, dahil sa pagdadala niya sa
sarili niya, ngunit nang makilala ko siya ay nalaman kong napaka down-to-earth
pala nito. Sabi niya ay palagi daw mali ang first impression sa kanya ng mga
tao. Kapag may mga kailangan kaming advice ni Trisha ay sa kanya kaming dalawa
pumupunta dahil siya ang listener sa grupo namin. Magkasing-tangkad kaming
dalawa, naka-braces din ito at napakahilig sa kulay green. Kung singkit lamang
ito ay mapagkakamalan kaming magkapatid. At oo, alam niya ang tunay kong
pagkatao, at masaya ako na walang kaso sa kanya iyon.
Bigla namang tumunog ang
cellphone ko. Nang sipatin ko ang screen ay nakita kong unknown number ang
tumatawag. Ni-reject ko ang call, dahil natatakot ako sa ganitong mga tawag.
Ngunit wala pang limang segundo ay tumawag na naman ang unknown number na siyang
ikinataka ko ng lubusan.
“Sagutin mo na.” utos ni Juno.
Tiningnan ko lamang siya bago ko tuluyang sagutin ang telepono niya.
“Hello?” tanong ko.
Walang nagsasalita sa kabilang
linya, ngunit naririnig ko ang mahinang tunog sa paligid.
“Hello?” pag-uulit ko.
“Tss. sabihin mo na!” rinig ko
ang inis na boses ng isang babae mula sa background. Mahina ito kaya hindi ko
maisip kung sino iyon.
Akmang ibababa ko na ang
cellphone ko nang biglang magsalita ang tao sa kabilang linya.
“G—gab” medyo kinakabahang bungad
niya sa akin. Nang marinig ko ang boses sa kabilang linya ay tila tumigil ang
pagtibok ng puso ko. Totoo ba ‘to?,
tanong ko sa sarili ko. Sadyang natigilan ako. “S-sino ‘to?” natatamemeng
paninigurado ko. “Si Caleb.” sagot niya.
“A-ah, anong atin O-okay na ba 'yung lagnat mo?” hindi ko pa
rin mapakaling tanong. Ano kayang mayroon sa kanya at bigla-bigla siyang
tatawag at kakausapin ako? Hindi ba’t ayaw niya sa akin? Ngunit... hindi ko
ikakailang natutuwa ako sa nangyayari ngayon. Idagdag mo pa ang nangyari kagabi
kung saan inalagaan at binantayan ko siya. Lalong-lalo na nang pigilan niya ang
pag-alis ko.
I better stop.
“Ah eh... gusto mo bang sunduin
kita after class mo?” alok niya.
“What? Nilalagnat ka.” hindi ko makapaniwalang saad, na siyang naging dahilan upang mapabaling si Trisha at Juno sa akin.
Tiningnan ko silang dalawa at nakita kong tila nagtatanong ang mga mata nila sa
kung ano ang nangyayari sa usapan namin.
Napabuntong-hininga si Caleb.
“Magaling na ako. Anong oras end ng last period
mo?” tanong niya.
“Uhmm... 4:00.” sagot ko.
“See you. Intayin mo ako sa labas
ng college mo.” sabi niya bago ibaba ang cellphone niya.
Nanatili akong tulala, nakatapat
pa rin sa tenga ko ang speaker ng cellphone ko. Hindi ako makapaniwala sa mga
nangyayari. Unang-una kong naramdaman ang pagkagulat, sumunod ay ang pagtataka,
at nang maglaon ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa
loob-loob ko.
“GABBY!!!” sabay sigaw ni Trisha
at Juno na siyang nakapagpabalikwas sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil
sa sadyang pagkagulat. “Bibigyan niyo ba ako ng atake sa puso?!” pabalang kong
reklamo sa kanila. “Hoy, Mr. Tan! For your information, ikaw kaya ang kanina
pang wala sa mundo dito? Kanina ka pa tulala. Nag-aalala na talaga ako sa’yo.”
sagot sa akin ni Trisha. “Did I really zone out?” tanong ko. Binigyan lamang
niya ako ng isang matalim na tingin na nagpapahiwatig na dapat maniwala ako sa
kanya.
“Sino ba yung tumawag at parang
nakakita ka ng multo?” kalmadong tanong ni Juno. “S-si Ca—“
“Hey, guys!” rinig kong tawag ng
isang boses mula sa kaliwa ko na siyang dahilan upang ibaling ko ang aking
paningin at atensyon palayo sa dalawa kong kaibigan. Hindi ko inaasahang makita
si Justin na papalapit sa amin. Nakangiti ito at may dala-dalang paper bags.
“Hey.” casual kong bati sa kanya, dahil to be honest hindi ko alam kung ano ang
ginagawa niya dito. Tumabi siya sa akin at umupo sa sahig gaya namin.
“Uhhh, what’s up?” ingat kong
tanong. I don’t want to sound rude, kaya naman instead of asking what the hell
he’s doing here, eh kinamusta ko na lamang siya. “Got your text. I bought
lunch. Wala akong kasabay, eh.” medyo nahihiyang pahayag niya, at doon ko
napansin ang biloy sa kaliwang pisngi niya na siyang lalong nakapagpagwapo sa
kanya. Napailing na lamang ako sa loob-loob ko dahil sa mga naiiisip ko.
“You’re so sweet naman, Justin.”
komento ni Trisha na may nakaplaster na ngiti sa labi niya. “Eh hindi pa daw
siya naglu-lunch, eh. Here, buti na lang dinamihan ko ‘yung bili ko. We can
share it among ourselves.” sabi niya habang inilalabas ang mga container ng
pagkain mula sa mga paper bag. “Thanks.” pagpapasalamat ko sa kanya nang iabot
niya sa akin ang isang container. Tumango lamang ito at nginitian ako.
“Juno nga pala, pare.”
pagpapakilala ni Juno kay Justin. Agad naman siyang kinamayan ng binata at
nagkatanguan.
“Uhm... Gab.” medyo nahihiya
niyang baling sa akin. Tiningnan ko na lamang siya bilang tugon. “Ahm... pwede
ka bang...” nahihiya pa rin niyang pagpapatuloy na parang hindi mapakali.
Kinunot ko ang nook o. “Ano kasi... may trip yung barkada ko s-sa resort ng isa
kong kaibigan. G-gusto ko sana itanong kung pwede ka.” medyo nauutal niyang
pahayag. Napansin kong parang namumula ang mga pisngi niya na siyang ikinatuwa
ko sa kanya. Iyon lang pala, eh. Bakit siya mahihiya?
“Uhm... sige, I’ll check with my
dad if papayagan niya ako. Kailan ba?” tugon ko sa kanya. “Next weekend.”
nakangiting pahayag niya. Tumango ako, tila sinasabing titingnan ko kung
makakasama ako. “Thanks.” sabi niya.
Nagpatuloy ang lunch break naming
apat, ngunit kahit pa masaya ang atmosphere, ay tila detached naman ako sa
grupo. Lumilipad ang utak ko sa ibang lugar, dahil sa nangyari kanina. Hindi ko
maiwasang kabahan, ngunit nae-excite rin ako sa maaaring mangyari mamaya sa
pagsundo sa akin ng kapatid ko.
--
Itutuloy...
uhm, hi mister author. sorry po ah first time ko po magcocomment . hanga po ako sa inyo kase ang galing nio magsulat. hndi ko niregret na sundin ung female friend ko from UPManila na nagrefer po sakin nito. u r great author. pero bukod po sa Boys Love, meron din po ba kau Male-Female love stories o kya Girls Love ?? hehe kudos author. senxa na po ha. >_< . ur so great.
ReplyDelete~~Hao
Maraming salamat. Yup, I write male-female kaso I'm not confident with the stuff I've written in the past kaya hindi ko pinu-publish. :) For the meantime, read my first series. "Unexpected" ang title niya. :D
DeleteOhh so di magkapatid si Caleb and Gab? Hhhmmm nice story! Keep it up Mr.Author! ! :-)
ReplyDeleteUhh, magkapatid sila sa ama. :)
DeleteAyun thanks sa update. Uhm atleast bumabait na si caleb hirap kaya mag effort ng ganun nuh. :-) :-)bti nalang mabait talaga sia at si justin ayiiee gumagawa na sia ng the moves aa haha great great can't waot sa susunod na chapter. Yung bang role ni josh hanggang tawag nalang? Puede nman yung mag catch up sila paminsan minsan db. :-) :-) :-) hehe thanks again. Hapy halloween
ReplyDeleteMay special role si Josh and Matt. Abang-abang na lang rin. Medyo matagal pa 'yon haha. Thanks for reading! :-)
Deleteok narin kahit nabitin ako. magkakaayos na yata yung magkapatid ah. tas baka pigiln pa ni caleb pag nalamang sasama ito sa kay justin. haha. magselos kaya? thanks sa update.
ReplyDeletebharu
hi mr. author i love the story bitin grabeh pero ok na ok pa rin... i just hope the hindemagkapatid si gab at caleb i dont know pero theres something about them na romantic kahit hinde halata...about justin na man i dont know mas gusto q si caleb and gab... kudos mr. author update agad.. heheheh
ReplyDeleteJ❤
ano ka ba naman caleb? sala sa init sala sa lamig! aayaw -ayaw pa kunware. pero pag iniwan hahabol-habol nmn pala. sana naman magkaayos na kayong magkapatid. sobrang taray mo kay Gab eh. Makalimutan sana ni Gab na susunduin mo sya, haha. Nakakainlove pa nmn si justine. haha.
ReplyDelete0309
mr. author, yep nabasa ko na din po ung Unexpected. and its quite good. ^_^ .ang galing nio po tlga. can I hav more. ? haha sa unexpected, Team JoshMatt na po ako. dto sa new series nio, i dunno if i'll go Team GaLeB or GaBiN .. will you post soon? nainspire nio po ako magbalik sa story making. thank u mr author for being an inspiration ^_^
ReplyDelete~~Hao
Magkagustuhan ba magkapatid wag nman...thanks sa update
ReplyDeleteRandzmesia
Excited na ako para kay Gab...sa unexpected kasi lagi syang nawawalan ng love life...excited na rin sa paglabas nina josh and matt...I miss the two...thanks for the update
ReplyDeleteNice. Ang galing. Sarap basahin. Keep it up mr. Author. Thanks sa update.
ReplyDeleteSa wakas, makakapag-comment na rin ako, matapos kong basahin ng paulit-ulit tong chpater na to. Medyo weird, pero nakakaramdam ako ng kilig sa magkapatid. I ship them so much LOL! Team CalebGab, GaLeb, whatever! :D
ReplyDeleteSana kahit hindi sila magkatuluyan romantically, sana may bromance pa rin sila. >:D And excited na ako sa special appearance ni Matt and Josh. I miss them so much. I hope they wil also play a major role in the story despite their short appearance.
I'm always watching out for your posts, stay awesome, mister Author!
Mas may chemistry si Caleb at Gab...hehe...sana may twist na mangyari.
ReplyDelete--->Just