Followers

Wednesday, October 23, 2013

'Untouchable' Chapter 5

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta! Comment on what you think. I need your insights. :)

Happy Reading!

--


Chapter 5: Turning point

Pagpasok ko sa kwarto niya ay hindi ko inaasahang gising pa si Caleb. Nang sipatin ko ang relo sa dingiding ng kwarto niya ay nakita kong lagpas na ng ala-una ng madaling araw. Mukhang napasarap pala ang kwentuhan namin ni Selah. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakikinig lamang siya ng music mula sa kanyang iPod at nakatingala sa kisame. Hindi man lang niya binigyang-pansin ang pagpasok ko sa kwarto niya, na parang hindi ba ako nage-exist. Kung kanina ito nangyari ay lubusan akong maiinis sa kanya, ngunit ngayong alam ko na ang rason kung bakit siya nagkaka-ganito ay sinabi ko sa sarili kong intindihin na lamang ang step brother ko.

Nang matapos akong maghilamos at magsipilyo ay dumiretso na ako sa aking comforter at humiga. Napansin kong bukas pa ang ilaw, at dahil hindi ako ang tipo ng taong nakakatulog kapag bukas ang ilaw, ay nagpunta ako sa may switch. “Caleb, papatayin ko na, ha.” pagpapaalam ko. Ngunit wala siyang naging sagot. I’m pretty sure na napansin niyang nagtanong ako, kaya in-assume ko na okay lamang sa kanya at pinatay ito.

“Ano ba! Bakit mo pinatay?!” iritang basag ni Caleb sa katahimikan. Nagitla naman ako sa naging reaksyon niya, at hindi nakasagot ng maayos. Dali-dali kong binuksan muli ang ilaw. “Uhm, ano kasi... matutulog na ako, and hindi ka naman nagbabasa—“ pagra-rason ko, ngunit pinutol niya ako. “Whatever, next time huwag kang makikialam. This room is not yours!.” galit niyang baling sa akin bago magtalukbong ng kumot.

Napabuntong-hininga ako at pinatay muli ang ilaw bago ako humiga sa comforter ko. Oo, aaminin kong nasasaktan ako sa pakikitungo niya ngayon sa akin. Nang makita ko ang maamo niyang mukha na galit na galit sa akin ay parang dinurog nito ang puso ko. Wala naman akong ginagawa sa kanya para magalit siya ng ganito. Hindi ko naman ginusto na maging anak sa labas ni papa. Mabuti pa ang kapatid niya ay sinusubukang intindihin ang sitwasyon ko.

Buksan mo ang puso mo, Gab. Intindihin mo na lang, sabi ko sa sarili ko, inaalala ang sinabi ni Josh.

“Good night, Caleb.” pahayag ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

Natigilan ako ng ilang segundo, hinihintay at umaasa na makakakuha man lang ng reaksyon sa kanya. Ngunit gaya ng inaasahan, wala ni isang senyales na tinugon niya ang pahayag ako. Ito ang inaalala ko hanggang sa lamunin ako ng antok. Isa lamang ang bagay na sigurado ako—alam kong narinig niya iyon.

--
Lumipas pa ang isang linggo. Maraming nagbago, since nagsimula na ang pasukan namin noong isang araw para sa second semester, ay hindi na ako gaanong nakakalagi sa bahay. Malaking pagbabago rin ito para sa akin. Nagulat na lamang ako nang biglang sinabihan ako ni Selah na may maghahatid sa aking driver papuntang school at sabihan ko na lamang daw dito kung anong oras ko gustong magpasundo. Sanay kasi akong magcommute, given na ginusto kong maging independent kahit pa pinapagamit sa akin ni mama ang kotse namin. At ang isa pang ikinagulat ko ay ang malaking allowance na binigay sa akin ni daddy, at ang una kong naisip ay kung saan ko gagastusin ang ganitong kalaking halaga para sa isang araw, dahil hindi naman ganito kalaki ang baon ko dati at nasanay akong magtabi lagi ng pera. Ngunit naisip ko na rin na magandang paraan ito para makaipon ako.

Tinext ako ni Trisha na magkita kami sa coffee shop sa may Katipunan, dahil hindi pa daw ito kumakain. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 8:00 pa lamang ng umaga kaya naman pumayag ako dahil matagal pa bago ang una naming klase ni Trisha. Sinabihan ko si Manong Elmer, ang driver ni daddy, na ibaba na lamang ako doon. Nagpasalamat naman ako bago ako bumaba nang makarating kami sa destinasyon ko.

Pagpasok ko ay agad akong nakaramdam ng gutom dahil sa naamoy kong pinaghalong aroma ng kape at tinapay. Nasipat ko si Trisha na kasalukuyang umiinom ng kape. Sinenyasan ko na lamang siya na oorder muna ako bago siya puntahan.

“How was your first week? Hindi mo man lang ako binalitaan.” nagtatampong bungad niya sa akin. “Sorry, busy lang. Masyado silang maasikaso lalo na si Selah, ‘yung step sister ko. She took me out all week last week kaya hindi na ako nakapagtext. Isa pa, hindi ka rin naman nagte-text, no.” balik ko sa kanya na siyang ikinatawa niya. “May boyfriend ka, no?” tukso ko sa kanya. Ganito kasi siya tuwing hindi ko mahagilap. Usually kasi ay siya ang unang magte-text sa akin sa mga ganitong pagkakataon. Napansin ko namang namula ang kanyang mga pisngi at doon ay alam ko ng tama ang hinala ko.

“Che! Don’t make this about me. Seriously, how’s the new house?” tanong niya. “More than okay. Better, actually. They’re very nice, well almost all of them.” makahulugan kong pahayag. “Oh my God. Sino sa kanila? Wife ng dad mo?” interesado niyang pahayag. “No. Step brother ko. He’s been treating me like I don’t exist. I mean, c’mon, I’m making an effort, pero tuwing kakausapin ko siya para siyang ulol na aso. I don’t know.” pag-amin ko sa kanya. “Ano ulit pangalan niya?” tanong ni Trisha. “Caleb.” sagot ko bago uminom ng kape at kumagat mula sa tinapay na inorder ko. “Caleb Tan?” pagsisiguro niya. “Caleb Augustus Tan” pagbubuo ko.

Nilabas naman niya mula sa bag niya ang tablet niya at nagsimulang laruin ito. Nagulat na lamang ako dahil bigla siyang nagreact. “Oh my God. Gab, bakit hindi mo sinabing may hot ka palang step brother?!” reaksyon niya. Inismiran ko na lamang siya dahil heto na naman siya tuwing nakakakita ng gwapong lalaki. “Oh shit kamukha niya ‘yung anak na lalaki ni Ser Chief sa Be Careful with my heart! Crush ko ‘yun!” dagdag niya na siyang ikinatawa ko. May pagkasosyal man siya, may jologs side din naman siya at hindi siya nahihiyang magpakatotoo kaya siguro nagustuhan ko siya bilang kaibigan. Nalaman kong sinearch pala ng babaeng ito ang pangalan ni Caleb sa facebook kaya niya nakita ang itsura nito.

“So anong nangyayari? What’s he doing to you?” curious na tanong niya. Kaya naman kinwento ko na sa kanya ang mga nangyari mula sa una naming pagkikita, hanggang sa pag-iignore niya sa akin hanggang ngayon. At sa bawat pangyayaring kinukwento ko kay Trisha ay natatawa ako sa mga nagiging reaksyon nito, mula sa kanya mga pagsinghap hanggang sa kanyang mga witty remarks, na siyang nakapagpabawas ng pagkainis ko sa sitwasyon ko ngayon.

“Kill him with kindness, dear. Because of his nature, I guess what you need to do is to attack his conscience. Show him na hindi mo deserve ‘yung ginagawa niyang treatment sa’yo. Maging mabait ka sa kanya.” suhestyon niya. “Eh ano ba ‘tong ginagawa ko, Trish? Isn’t that what I’m doing?” balik ko sa kanya, because nagiging mabait at pasensyoso naman ako kay Caleb nitong mga nakaraang araw, and yet parang wala lamang iyong epekto sa kanya.

“Dear, what I’m saying is that you need to boost it up. Hmmm, call your step siter.” utos niya sa akin. Magtatanong na sana ako kung bakit nang pandilatan niya ako kaya sumunod na ako agad sa pinapagawa niya. Inilabas ko ang aking cellphone at hinanap ang number ni Selah sa contacts ko. Nang makita ko ito, ay agad kong denial ang number niya. Naka-tatlong ring ito bago niya sinagot ang phone.

“Kuya, what’s up?” pagpick-up ni Selah sa tawag ko. Tiningnan ko si Trisha para malaman kung ano ang gagawin ko. “Ask her kung ano favourite food ni Caleb.” sabi niya. “What for?” bulong ko. “Just do it!” pagpilit niya. “Uhm... hi, Selah. By chance, alam mo ba favourite food ni Caleb?” tanong ko. “Hmmm, why kuya?” curious niyang tanong. “Bakit daw?” balik kong bulong kay Trisha, ngunit nakita ko na lamang siyang umalis ng table para magbanyo. “Ahh... eh, bibilhan ko siya.” and I muttered the first thing that came into my mind, kahit pa ayaw ko ang naging sagot ko sa kanya.

“Uyyy, he wants to tame the lion!” pang-aasar niya. Napailing na lamang ako sa narinig ko mula sa kapatid ko. “Okay, uhm... he really likes spaghetti and meatballs. Iyon, he goes crazy whenever mom makes some.” magiliw niyang pahayag. “Okay, thanks.” pagpapasalamat ko. “Good luck. Hope your effort pays off. Sorry, kuya I have to go to class. Bye! Love you!” si Selah. “Ingat ka, Selah. See you later. Love you too.” sabi ko bago ko ibaba ang telepono.

“So ano favourite niya?” tanong ni Trisha pagkagaling niya ng banyo. “Spag with meatballs daw.” sagot ko. “Ok, bilhan mo siya mamaya. Sabi nga nila, the best way to a man’s heart is through his stomach.” proud niyang sabi. Napailing na lang ako bilang reaksyon.

--

Napabuntong-hininga ako, hawak-hawak ang plato ng spaghetti with meatballs na binili ko sa Yellow Cab matapos ang klase. Katabi ko ngayon si Selah, hinihintay ang pagbaba ni Caleb mula sa kwarto namin. “7:00 pm na, hindi pa siya bumababa. Gusto ko ng matapos ‘to.” sabi ko sa sarili ko. “Kainin na lang natin ‘to.” suhestyon ko kay Selah. Umiling naman siya. “Don’t be silly. I’m going to call him na lang.” at akmang ilalabas na niya ang cellphone niya. Sinubukan ko siyang pigilan, ngunit sadyang mabilis niyang naiwas ang sarili niya at naikulong sa banyo. Nanlumo akong naiwan sa labas habang hinihintay siyang lumabas.

And as if on cue, narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan mula sa taas. Alam kong pinto ng kwarto niya iyon dahil nanggagaling ang tunog mula sa kaliwang hallway. At doon ay nakita ko siyang bumababa ng hagdanan. Lumabas naman si Selah mula sa banyo at magiliw na nilapitan ang kuya niya. “Kuya! Gab bought you your favourite, oh.” excited na sabi niya kay Caleb. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Caleb at ibinaling ang atensyon niya sa akin. Nanatili akong tuod ng ilang segundo bago tuluyang nakapagsalita. “Ah... eh, favourite mo daw ‘yan. Heto oh spag and meatballs.” nahihiya kong pag-abot sa kanya. Ngunit sa kamalas-malasan ko ba naman ay parang napalakas ang pag-abot ko sa kanya ng lalagyan para mabitawan ko ito at mamantsahan ang t-shirt niya.

Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan ko. It only took one second para sumabog siya.

“Sorr—“ pagsisimula ko. “Fuck you! Look at what you’ve done! Wala ka ng ginawang mabuti!” nanggagalaiti niyang sabi sa akin. Naramdaman ko na tila lumulubog ako sa kinatatayuan ko, dahil sa pagkapahiya. “Hindi ko naman sinasad—“ babawi sana ako, ngunit gaya ng inaasahan ay pinutol niyang muli ang sasabihin ko. “Alam mo ba, matagal na akong nagtitimpi sa’yo, eh! Eversince dumating ka dito, ginulo mo na ang tahimik na buhay ng family namin. And I admire your courage to still stick your ass here in this house when you’re clearly not needed.” pagsisimula niya habang dinuduro-duro ako.

Naramdaman ko ang sakit mula sa sinabi niya. Dahil doon ay lalo kong naramdaman ang realidad—ang pagiging anak sa labas ko ni papa.

“Kuya! Stop it!” hindi makapaniwalang bulalas ni Selah. At doon ay napansin kong nagsimula na kaming paligiran ng mga kasambahay namin, nagiging interesado sa pangyayaring nagaganap. Mabuti na lamang at wala si daddy at si tita Audrey ngayon. “No, Selah! Isa ka pa, eh! I can’t believe na natitiis mong samahan ‘yang... anak sa labas ni daddy! He’s the evidence of dad’s betrayal to our mom!” baling niya sa kapatid niya na takot na takot na ngayon sa inaasal ni Caleb. Muli siyang humarap sa akin. “YOU should know your place in this house. I can’t believe that dad accepted you to be a part of this family. More importantly, why my MOM even allowed this! WE DON’T NEED YOU HERE, GABRIEL. That’s the a fact, and it seems like you’re too dumb to realize that! At isa pa, I hate people like you! Tóngxìngliàn zhě!!” galit na galit na sabi sa akin.

At doon ay nasimulan ko ng maramdaman ang galit, ang pagkawala ng pasensya sa sistema ko. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbabalik ng dati kong sarili, ng matapang kong pagkatao. It’s too much na ibaba niya ang pagkatao ko, dahil anak ako sa labas ni daddy, ngunit ang gamitin niya ang pagkatao ko para kutyain ako... parang wala na siyang pinagkaiba kay mommy. At dahil doon ay naisipan ko ng lumaban. Bakit ko nga ba titiisin ang ganitong sitwasyon?

Zhùkǒu! For your information, I understand Chinese! I’m not a fool!” pagsabog ko. Ang buong akala ko ay magugulat siya, ngunit nang mamasdan ko ang mukha niya ay walang kahit isang bakas ng pagkagulat mula sa kanya, parang natuwa pa siya sa aking natuklasan. “Of course, Gabriel! Alam ko iyon, hindi ako tanga tulad mo. Finally, you got one thing right!” patuloy niyang pangungutya sa akin.

“So tell me, Gabriel. Ano ba talagang pakay mo dito? Oh, I have a guess! Tell me. Is this one of your ploys para mahuthutan ng pera si daddy? Hindi pa ba sapat ang sustentong binibigay niya sa inyo? Since your mom is a whore and a gold digger it’s—“ naputol ang kanyang sinasabi dahil sa kamao kong tumama sa mukha niya. Narinig ko ang pagsinghap ng lahat ng mga taong nakapaligid sa amin, clearly amused sa aming munting palabas. Something inside me snapped.

That’s it!

“You do not drag my mother into this. I don’t know with you kung bakit ganito ka sa akin kasi wala naman akong ginagawa sa iyo. But to be fair and honest with you, matagal na rin akong nagtitimpi sa’yong tangina ka. No wonder your father wants to find me kasi sa tingin ko, hindi siya masaya sa anak niya. No wonder you’re miserable. At sa tingin mo, sino ang mas kawawa sa atin, huh Caleb? Ako na anak sa labas, o ikaw na tunay na anak pero galit sa mundo? Sa ugali mong iyan, walang magmamahal sa iyo, Caleb. Tandaan mo ‘yan.” mariin kong sabi sa kanya. Maging ako ay nagulat sa anghang ng mga salitang binitawan ko sa kanya.

Napansin kong nawala siya sa huwisyo ng panandalian at natigilan. Namasdan ko ang kalungkutan sa mga mata niya at doon ay narealize kong masyadong mabigat ang mga nasabi ko sa kanya. “Caleb, I’m sorr—“ paghingi ko ng tawad, ngunit pinutol niya iyon.  “Get out!” sigaw niyang pagpapalayas sa akin sa bahay nila.
--

Naglalakad ako sa labas ng subdivision namin, walang direksyon na balak patunguhan. Iniisip ko pa rin ang mga nagtulak sa akin para masabi ko ang mga bagay na iyon sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang pumasok sa katauhan ko ng mga oras na iyon. Nahihirapan akong husgahan ang sitwasyon ko kung dapat ba akong magsorry, o hayaan siya ang mauna, dahil hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung sa simula pa lamang ay tinrato na niya ako ng maayos.

Habang naglalakad ay napansin ko na malapit na pala ako sa clubhouse ng village namin. Nakita kong bukas ang ilang ilaw doon at walang mga tao kaya naman nagdesisyon akong puntahan iyon. Nang marating ko ang loob ng clubhouse ay naupo ako sa isa sa mga upuan doon. Tiningnan ko ang paligid ko. Tahimik. Ang ilaw na nanggagaling mula sa clubhouse ay iniilawan ang swimming pool, na siyang parang mga diyamanteng nagkikislapan sa dilim.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang magring ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin.

“Kamusta ka na, bes? Is this a bad time to call?” masuyong bungad sa akin ni Josh. “No. I really need someone to talk to. I don’t know, Josh. Everything’s fucked up.” nanghihina kong pagtatapat sa kanya. “Ano bang nangyari? Hindi ka ba nila tinatrato ng mabuti diyan?” nag-aalala niyang tanong. Napabuntong-hininga ako. “They’re great people, Josh. Si dad, nalaman ko na ang lahat, nalaman ko na kung gaano siyang kabait. Si Tita Audrey, kahit hindi niya ako tunay na anak, hindi ko nararamdaman iyon sa kanya, kasi tinatrato niya ako equally as if I’m her own. Si Selah, my stepsister, has been more than great. Siya ang umaalalay sa akin mag-adjust.” sagot ko. “Oh iyon naman pala, eh. What seems to be the problem?” si Josh. “My stepbrother...” ako.

“He treats me like shit. And then kanina nagkaroon kami ng confrontation. Sabi niya anak lang daw ako sa labas ni daddy, na hindi ako kailangan sa pamilya nila, na panira lang ako ng ‘perfect’ family nila. At saka he used my sexuality against me. Josh, hindi ko na kaya. Every time ginaganoon niya ako lalong bumababa tingin ko sa sarili ko.” paglalabas ko ng sama ng loob. Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. “Anong ginawa mo?” tanong niya, bakas pa rin ang pag-aalala sa tono ng boses niya.

“When he said that pakana namin ito ni mommy para huthutan lang ng pera si daddy, at saka nang sabihin niyang whore ang nanay ko... sinapak ko siya, and I said mean, nasty things that I didn’t know I’m capable of. Bes, now I feel guilty. I feel like I’m the bad guy. I saw kung paano siya nabigla, nakita ko ‘yung lungkot sa mga mata niya after kong magsalita... I guess mali itong desisyon kong sumama kay daddy.” at sa puntong iyon ay hindi ko na kinaya at bumigay na ako.

Katahimikan.

“You know I really want to be there, to comfort you... sorry wala ako diyan ngayon.” malungkot niyang sabi sa akin. “No, Josh. Really, thank you... for everything. I may have lost my mind kung hindi ka dumating sa buhay ko. Tama ngang minahal kita—“ at natigilan ako sa mga sinasabi ko nang mapagtanto ko kung ano ang mga iyon. “Gab...” pagsisimula niya. “I know! Sorry I brought that up again. It’s just that... I really need a friend right now. I feel so alone. Alam mo namang ikaw lang ang maaasahan ko sa mga ganito.” pahayag ko.

“You know what? Naniniwala ako sa mantra na when you want something, and you wish enough for it, makukuha mo iyon. Just stay strong, bes. You know I’m always here for you. Kahit physically wala ako, just know that inaalala kita palagi, ha? Alagaan mo ang sarili mo. Huwag kang susuko agad.” paalala niya sa akin. Napangiti ako sa loob-loob ko, dahil alam talaga niya kung paano pagagaanin ang loob ko kahit hindi ko siya kasama ngayon.

“Yes, boss!” tugon ko. “Good. Sige, kailangan ko ng matulog. Good night, bes.” pamamaalam niya. “Say hi to Matt for me. Good night!” balik ko sa kanya bago ko tuluyang ibaba ang telepono.

Lumakad ako papunta sa pool area. Umupo sa sahig, at inilubog ang mga paa ko sa tubig. Tumingala ako at nakita ko ang gabing punung-puno ng mga bituin. Maliwanag ang buwan, at mukhang payapang-payapa ang langit. Sa ganitong katahimikan ako nakapag-iisip ng mabuti, dahil nakakatagpo ako dito ng kapayapaan. Sa mga gulong pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw ay para na rin itong respite na nagbibigay sa akin ng break, ng panandaliang katahimikan, mula sa mapait na realidad ng buhay.

“Mukhang malalim ang iniisip mo, ah.” sabi ng isang malalim na boses galing sa likod ko. Agad naman akong napabalikwas mula sa kinauupan ko. Nasilayan ko ang isang binatang matangkad, masuyo akong tinitingnan. Kung tatantsahin ay ka-edad ko ito. Nakasuot ito ng sando at shorts, at mukhang galing mula sa paglalaro ng basketball dahil sa pawisang ayos nito. May makakapal siyang kilay, matangos na ilong, morenong kutis, at mapupungay na mga mata. Nagulat na lamang ako nang bigla itong tumabi sa akin.

“Hi. Ikaw ba ‘yung bagong nakatira sa bahay nila Mr. Tan?” nakangiting bati niya sa akin. Natigilan naman ako, dahil hindi ko maiwasang mamangha sa itsura ng taong nasa harapan ko. Lihim kong tinampal ang sarili ko, dahil sa mga naiisip ko. “Oo. Ako nga.” simpleng sagot ko. Napatango naman ito, tila naiintindihan ang sinabi ko. “Kaanu-ano ka nga pala niya?” tanong niya. “Anak niya.” diretsong sagot ko.

Tila lumiwanag naman ang mukha ng lalaki. “Hindi ko alam na may iba pa palang anak sila ni Tita Audrey.” hindi niya makapaniwalang tugon. “Ha-ha. Malamang hindi si Tita Audrey ang nanay ko.” sarkastiko kong tugon sa kanya. Sandali siyang natigilan, parang ina-absorb ang sinabi ko. Agad naman niyang pinabulaanan ang sinabi niya. “Uy, sorry. No offense. Uhm, Justin nga pala. Kapitbahay niyo ako.” pagpapakilala niya habang may nakaplaster na matamis na ngiti sa labi niya. Tila naibsan naman noon ang inis na nararamdaman ko sa ‘di maipaliwanag na dahilan.

Charming, agad-agad pumasok sa isip ko. Napailing naman ako, pilit iwinawaksi ang mga bagay na naiisip ko.

“Gab. Nice to meet you.” sagot ko sa kanya. “Saan ka nag-aaral?” tanong niya. “Ah, sa UP Diliman.” sagot ko. “No way! Bakit hindi pa kita nakikita? UPD din ako!” masaya niyang pahayag. “Weh? Di nga?” pabalik ko sa kanya. Sa di maipaliwanag na dahilan, ang pakikipag-usap sa akin ni Josh kanina, at ang pakikipag-usap ko ngayon kay Justin ay parang nakapagpagaan ng pakiramdam ko. “Oo! Ano ba course mo? Anong year ka na?” aligaga pa rin niyang tanong.

“Polsci ako. 2nd year. Ikaw?”

“IE, 2nd year din.” sagot niya.

“Ahhh.” ang nasambit ko na lamang.

“It makes sense naman. Malaki naman kasi ang campus natin, pero I’m sure I might’ve bumped into you one time.” sabi niya.

At nagpatuloy pa ang usapan namin ng matagal. Natutuwa ako, dahil nakatagpo ako ng isang bagong kaibigan sa oras ng aking kalungkutan. Natutunan kong palabiro pala si Justin, at tila permanenteng nakaplaster na sa labi niya ang kanyang ngiti. Punung-puno ito ng magagandang pananaw sa buhay, at maraming kwento. Hindi ko ikakailang pinasaya niya ang aking gabi.

Naglakad kami pabalik sa bahay namin, nagtatawanan at nag-aasaran. Panandalian kong nakalimutan ang mga problema ko dahil sa kanya. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin tinanong niya ako, “Anong oras ba first class mo bukas?” “8:30.” sagot ko. “Nice! Gusto mo isabay na kita? May dala naman akong kotse, eh.” suhestyon niya. Lihim akong napangiti, ngunit naisip kong ayoko na siyang abalahin pa. “Hindi na. May naghahatid naman sa akin.” sagot ko. Nakita ko namang lumungkot ang mukha niya—hindi ko alam kung totoong malungkot siya o nang-aasar lamang ito.

“Sige na. Please, please, please. Ang lungkot kasi ng walang kasama sa biyahe.” pagpupumilit niya habang magkapatong ang kamay niya na tila nagdarasal na siyang ikinatawa ko. “Mukha kang timang. Sige na. Hintayin na lang kita dito bukas.” napapailing kong sagot sa kanya. “Yes! Sige I’ll see you tomorrow. Ingat ka palagi.” masayang tugon niya bago kami pumasok sa kanya-kanya naming mga bahay.


--

12 comments:

  1. Kilig! Update pa po pls! :))))

    ReplyDelete
  2. Thanks kuya author. Curious lang ako kung talagang half bro. itong si Gab at Caleb?hehe. Keep it up!

    --->Just

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup! Kaya alisin niyo na sa isip niyo yung thought na baka magkaroon ng big revelation na di pala sila magkapatid. :))

      Delete
  3. aba, may ibinunga naman pala yung away nilang magkapatid. kung dipa sya inaway, di sya lalabas ng bahay. ayun nagkatagpo ang kanilang puso haha. kung may lungkot, may kapalit din nmn palang saya at higit pa. hehe.

    thanks sa update.

    0309

    ReplyDelete
  4. Ayyy omg eto naaaaaa!

    ReplyDelete
  5. Pero parang gusto ko ng kaunting CalebGab fan service! Pleaseeeeeeeeeee kahit hindi sila yung magkatuluyan

    ReplyDelete
  6. Di ba magkapatid sa ama si caleb at gab so hindi cla mag step brother kundi mag half brother

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup, pero step brother pa rin siya, kasi magkaiba sila ng mommy. Si Caleb stepbrother niya si Gab kasi anak siya sa ibang babae tapos nakikitira na siya sa same house. :) Mas maganda rin kasi yung stepbrother pakinggan kaysa sa half brother haha.

      Delete
  7. Kailan po ulit update? great work!

    ReplyDelete
  8. This is really unpredictable...promise! Pero ang ganda. Talagang inaabangan ko siya every week...I will continue to read this till the end...sana di ka magsasawang mag update...thank you

    ReplyDelete
  9. Sabi na ngaba! Either ateneo or up ka lang hahahaha. Go IE Club hehe

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails