Followers

Saturday, September 28, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 11]

 
 
 
 
Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 11]





By: Crayon





****Aki****






6:02 am, Friday
June 02





Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga iniisip ko. Hindi rin nakatulong ang iniinom kong alak para kalmahin ang aking sarili. Dahil doon ay ipinasya kong pumasok na lang ng mas maaga sa opisina.



Alas-sais pa lamang sa aking relo ngunit paakyat na ako sa aking opisina. Hindi ko alam kung daratnan ko pa doon si Kyle o baka nagpasya na siyang umuwi na. Parang hinihila ko naman ang elevator paakyat dahil may isang parte ng puso ko ang nasasabik na makita ang kanyang lagay.



Nang makarating ako sa aking opisina ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto para tingnan kung may tao sa loob.  Hindi nga nagkamali ang aking kutob at dinatnan ko si Kyle na natutulog sa kanyang lamesa. Nakapatong ang kanyang magkasalikop na braso sa mesa habang nakayukyok ang ulo sa ibabaw nito.



Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Nakaramdam ako ng pagkahabag habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog. Kita mo ang maitim na bahagi sa ilalim ng kanyang mata, tanda ng kakulangan sa tulog. Higit na maamo ang kanyang mukha kapag natutulog. Namiss ko tuloy ang Kyle na dati kong pinagmamasdang tulog habang nakaunan sa aking braso.



Napansin ko naman ang isang folder sa gilid ng kanyang lamesa, kinuha ko ito at tiningnan ang laman. Mukhang ito yung report na pinagsumikapan niyang ayusin sa magdamag. Kapansin-pansin ang mga pagbabagong ginawa niya rito at talagang pinakinggan niya ang mga bilin ko na nais kong baguhin niya.



Hindi ko mapigilang mapangiti sa galing at dedikasyon na ipinamalas niya. Mukhang nag-mature na siya ngayon kumpara sa dating Kyle na kilala ko noon. Naalala ko pa ang mga eksena noon sa kanilang bahay nang minsan akong makitulog, halatang-halata ang kanyang pagkaisip bata nang mapikon sa biro ng kanyang ama.



Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko ang aking sarili na sariwain ang mga alaalang buwan kong pinaghirapang kalimutan. Basta malinaw na nakararamdam pa rin ako nang saya sa tuwing naaalala ang mga sandali namin ni Kyle. Another reason why i should keep my distance. Vulnerable pa rin ako sa kanya. Oras na bumigay ang depensa ko ay alam kong maaari akong mapamahal sa kanya at sa pagtagal ay masaktang muli.



Liningon ko muli ang mahimbing na natutulog na si Kyle. Kahit anong pigil ko ay kumawala ang isang ngiti sa aking labi dahil sa simpleng pagmamasid sa taong kay tagal ko ng minamahal.



Hindi ko napigilang kuhanin ang aking cellphone at kuhanan siya ng litrato. Alam kong buburahin ko agad iyon pero ginawa ko pa ring picturan siya ng tulog.



Pinasya kong lumabas ng opisina at tumungo sa isang malapit na pancake house. Umorder ako ng pancakes roon at dinala pabalik sa opisina.



Inilapag ko ito sa lamesa ni Kyle at kumuha ng isang sticky note mula sa ibabaw ng lamesa ni Sam. Idinikit ko ang note sa plastic ng pancake at naglakad na ako pabalik sa aking opisina.







****Kyle****







6:45 am, Friday
June 02






Nagising ako sa tunog ng sumasarang pinto, kahit na medyo malabo at lutang pa ang aking isip ay nakita ko ang papasarang pinto ng opisina ni Aki. Agad akong umayos ng pagkakaupo.



Tiningnan ko ang oras sa suot kong wristwatch. Magaalas-syete pa lang ng umaga. Kulang-kulang dalawang oras lang ang aking tulog. Ramdam ko ang pagmamakaawa ng aking utak at katawan na matulog pa pero sinikap ko na gisingin ang aking sarili. Malapit nang mag-alas otso, dapat ay nakapag-almusal na ako at nakaligo bago ang oras na iyon.



Nakakahiyang nahuli pa ako ni Aki na natutulog sa aking desk, ayaw ko na may masabi pa siyang hindi maganda sa akin dahil pakiramdam ko ay sawa na akong marinig ng mga sermon niya matapos ang eksena kahapon sa opisina niya. 



Nang luminaw ang aking pag-iisip ay doon lamang kumalma ang aking kalooban. Sa tingin ko naman ay hindi niya ako papagalitan dahil lamang sa nakita niya akong tulog sa aking lamesa. Una, wala pa naman ang aking takdang oras ng pagtatrabaho so maari pa akong matulog kung gustuhin ko man. Pangalawa, natapos ko naman ang report na pinagagawa niya at sinigurado kong nasunod ko lahat ng mga gusto niyang ipabago sa naunang report na ipinasa ko sa kanya. Masyado lang ata akong paranoid. Napahikab maman ako ng malakas matapos ang isiping iyon.



Noon ko lang nakita ang isang puting plastik sa harap ng aking lamesa. Hindi ko ito natatandaang naroon bago ako matulog kanina. Kinuha ko ang plastic na may tatak ng isang pancake house malapit sa aming opisina. Doon ko napansin ang isang sticky note na nakadikit sa plastic.



"Take your breakfast and then you may go home. I'll see you next week.", iyon ang nakasulat sa note na nasa labas ng plastic.



Napalingon ako sa nakasarang pinto ng opisina ni Aki. Hindi ako makapaniwala na sa kanya galing ang pagkaing nasa harap ko. Wala naman kasing ibang tao akong nakitang pumasok dito sa aming opisina maliban sa kanya at isa pa ay siya lang naman ang maaaring magsabi kung pwede na akong umuwi o hindi.



Kahit na naguguluhan ay sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Parang nabuhayan ako ng loob sa ginawa niyang ito. Mukhang may pakialam pa naman siya sa akin kahit papaano. Masaya kong kinain ang pancake na laman ng plastic na iyon. Binilisan ko na rin ang pagkain dahil gusto ko na din kasi umuwi at humiga sa aking kama. 



Matapos kumain ay itinapon ko ang plastic na pinaglagyan ng pancake pero inipit ko yung note na iniwan ni Aki sa aking planner. Pinasya kong dumaan sa opisina ni Aki para makapagpaalam bago umuwi sa bahay.



Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses bago ko ito binuksan. Nadatnan ko ang maamong mukha ng aking kaibigan na nakatingin sa kanyang laptop. Kita ko ang folder ng aking report sa gilid ng kanyang lamesa. Hindi ko sigurado kung narinig niya ang pagdating ko o sadyang ayaw niya lang ako pansinin ng mga sandaling iyon dahil hindi nawawala ang kanyang tingin sa laptop na kaharap niya. 



"Ahmmm, sir uuwi na po ako.", nahihiya kong sabi. Hinihintay ko na may sabihin siya pero hindi bumukas ang kanyang bibig. Hindi ko tuloy alam kung uuwi ba ako o mananatili dahil hindi naman nagsasalita si Aki. Ang tanging pinanghahawakan ko lamang ay yung note na nakita ko kanina.



"Tska salamat po pala doon sa pancake na bigay ninyo.", wika kong muli, baka sakaling makuha ko na ang atensyon niya this time. Pero bigo ako, lalo lamang kumunot ang noo nito pero walang salita o kahit na tingin siyang ibinigay sa akin.



Lumabas na ako ng kwartong iyon. Inayos ko na ang aking gamit at naghandang umuwi. Kahit na hindi ako sigurado na nais ni Aki na umuwi na ako ay naghanda pa rin ako sa pag-uwi. Pagod na kasi ang katawang lupa ko kaya kinumbinsi ko na lang ang aking sarili na gusto nga ni Aki na umuwi na ako. 



Hindi ko na namalayan ang pagbiyahe ko pauwe nang bahay. Para akong zombie na walang malay sa mga nangyayari sa aking paligid. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aking likod sa malambot na kama. Matapos noon ay agad akong nakatulog.









****Renz****






10:37 am, Friday
June 02





Medyo tanghali na ako nagising kanina dahil sa pagpupuyat kong makipagkwentuhan kay Kyle sa text. Nakaramdam ako ng awa ng sabihin niya na sa opisina siya matutulog dahil sa ginagawa niyang report. Napakalupit naman ng kanyang employer para pagtrabahuhin siya ng ganoon.



Nagising ako pasado alas-dose na ng tanghali. Nang maisip kung anong araw ngayon ay hindi ko mapigilan ang mapangiti agad. Para akong isang batang excited dahil ngayon ang kanilang field trip sa eskwela. Ngayon kasi nakatakda na magkita muli kami ni Kyle. Pagkagising palang ay plinaplano ko na kung saan ko siya dadalhin mamaya. Parang first time naming magda-date dahil pati ang susuotin ko ay nahihirapan akong pag-desisyunan. 



Habang nakahiga ako at nagda-day dreaming sa aking kama ay saka ko lang naisip ang lagay ni Kyle. Magdadalawang araw na nga pala siyang walang maayos na tulog. Malamang sa pagod na pagod na ito at hindi na magawa pang umalis mamaya. Gustuhin ko man siyang kulitin na sumama ay hindi ko magawa dahil alam kong kailangan niya ng pahinga. 



Medyo nalungkot ako dahil hindi kami matutuloy ng alis ngayon. Pinasya ko na lamang na i-text siya para mabawasan ang lungkot ko.




Renz: gooooooood morning jellyfish! Office ka pa?



Ipinatong ko ang cellphone ko sa aking dibdib habang hinihintay ang text ni Kyle. Lumipas ang mahigit labinlimang minuto at hindi siya nagreply kaya naisipan kong itext muli siya.



Renz: Jellyfish, alam kong busy ka ngayon sa work at tyak pagod ka na pero sana wag mo pabayaan sarili mo. Kumain ka ng mabuti ok? Tsaka wag mo na isipin yung lakad natin mamaya. I-reschedule na lang natin. Ok? Ingat ka po jan sa office... miss na kita... :))



Matapos mai-send ang message na yon ay tumungo na ako sa banyo para maligo. Since hindi naman matutuloy ang lakad namin ni Kyle ay pinasya ko na lang na pumasok ng shop dahil wala naman akong gagawin sa bahay.





-----------------------------------------------------





Medyo madami akong ginagawa sa shop kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng maghapon. Maya't-maya ko ring itinitext si Kyle dahil nag-aalala ako sa lagay niya lalo na at hindi siya nagrereply sa akin.



Pasado alas-diyes na ng mag-sara kami ng shop. Hinihintay na lamang namin ang mga kumakain sa loob na matapos at mag-uuwian na din kami. Nasa counter ako ng mga sandaling iyon ng marinig ko ang guard ng aming shop na may kausap na makulit na customer.



"Pasensya na po talaga sir, sarado na po kasi talaga kami.", wika ng gwardya.



"Manong 10:05 pa lang naman eh, baka pwede pa kayong tumanggap ng customer. Madami pa namang tao sa loob eh.", sagot ng makulit na customer. Napangiti naman ako kasi parang pinaglalaruan ako ng aking isip dahil pamilyar ang boses ng kausap ng aming gwardya.



"Sorry talaga sir, nagbilin na po kasi yung may-ari na wag na magpapasok kasi wala na din po halos available na pastries eh."



"Ganun ba? Baka pwede pumasok saglit, may hinahanap lang kasi ako na nasa loob eh.", pangungulit nung custosmer.



"Sige ho, pero saglit lang po kayo ha. Baka po kasi mapagalitan ako eh.", paniniguro ng aming guard.



"Oo manong saglit lang talaga."



Nanatili lamang ako sa counter at nakayuko. Hinihintay ko kung oorder yung makulit na customer o talagang may hahanapin lang siya.



"Excuse me.", nagulat naman ako nang marinig ko ang boses nung customer na nasa harap na pala ng counter. Nang magtaas ako ng tingin ay muli itong nagsalita.



"Pwede ka bang i-take out?", nakangisi nitong sabi sa akin. Higit namang malapad ang aking naging ngiti ng makilala ang lalaki sa aking harapan.



"Hahaha Sure! Just say you love me and i'm all yours.", pagsakay ko sa kanyang biro.



"Hahaha siraulo ka talaga, ang hirap makalusot sa guard nyo ha!?", natatawang sabi ni Kyle.



"Oo nga naririnig ko nga yung pangungulit mo eh."



"Pambihira ka! Naririnig mo na pala ako bakit hindi mo man lang ako tinulungan?", reklamo pa niya.



"Hindi ako siguradong ikaw iyon eh, anyway what brings you here?", tanong ko.



"Di ba may lakad tayo ngayon? Unless you want me to go out alone."



"Ayaw mo bang magpahinga? Dalawang gabi ka ng halos walang tulog, baka magkasakit ka sa ginagawa mo. Okay lang naman sa akin kung next time na lang tayo aalis."



"Hindi na, andito na ako eh. Nakapagpahinga naman na ako kahit papaano. Tsaka hindi ako sipunin no!", mayabang na sagot ni Kyle sabay flex ng kanyang braso. 



Hindi ko mapigilang masdan ang kanyang ayos. Lalo akong na-iinlove sa kanya. Nakasuot siya ng simpleng v-neck na shirt na hapit sa kanyang maskuladong katawan. Nakangiti siyang nakatitig sa akin habang ipinagmamayabang ang namumukol na muscle sa kanyang braso.



"Yabang mo, sige wait lang ayusin ko lang yung mga gamit ko.", wika ko sabay talikod sa kanya para pumunta sa aking maliit na opisina.



"Renz!", muling tawag ni Kyle na ikinalingon ko naman.



"Yeah?", taka kong tanong.



"Gusto ko ng cheese cake.", nahihiya niyang sabi sa akin habang parang bata na nakangiti sa harap ko. "Please....? Gawa mo ko...", dagdag pa niya.



Hindi ko na mapigilang matawa sa kanyang ayos. Tumango na lamang ako bilang sagot at dumiretso na sa aking opisina. Nagbilin rin ako sa isang waiter na dalhan si Kyle ng isang slice ng blueberry cheese cake. Makalipas ang halos tatlumpong minuto ay lumabas na ako sa aking opisina at dinatnan ko pa si Kyle na sinusubo ang huling piraso ng kanyang cheesecake.



"Sorry kung matagal, san ba tayo pupunta? Nakakahiya ang itsura ko.", sabi ko kay Kyle, na-concious kasi ako dahil maghapon ko ng suot ang poloshirt ko.




"Hindi ok lang yan, pogi ka pa din naman eh. Tara na.", nakangiting sabi ng taong mahal ko.









****Aki****







11:23 pm, Friday
June 02





Maghapon na wala sa opisina si Kyle dahil maaga ko siya pinauwe kanina. Aaminin ko na may parte ng aking sarili na hinahanap-hanap siya sa buong araw. Kahit kasi sabihin na hindi ko siya kinakausap ay gusto ko pa rin na nakikita siyang nasa paligid ko lamang.



Minsan hindi ko na rin talaga maintindihan ang takbo ng aking isip. Hinihintay kong makabalik sa aming lamesa si Lyka para makauwi na kame. Niyaya ako nito kumain ng dinner sa Banchetto's, at nagpaalam ito kanina lang na magta-take out ng pagkain bago kami umuwi.



Si Lyka ang kausap ko sa buong maghapon dahil ayaw akong pansinin ni Sam sa tuwing sinusubukan kong makipagkwentuhan sa kanya. Marahil masama pa din ang loob niya sa ginawa ko kay Kyle. 



Hindi ko naman talaga gusto si Lyka. I know she is a flirt kaya ayaw ko sa kanya. But i feel something strange about her. The more i hang out with her the more i feel suspiscious about her. Dahil sa pakiramdam na iyon ay hindi ko magawang hindi na lang siya pansinin. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero my instincts are telling me that i should let her stick around hanggang sa matuklasan ko ang dapat kong malaman.



Mahigit tatlumpong minuto ko na inaantay si Lyka at naiinip na ako. Paalis na sana ako para hanapin siya nang may matanaw ako sa di kalayuan.



Habang papalapit sila ay saka ko nakumpirma na hindi ako nililinlang ng aking mata. Nakaakbay si Renz kay Kyle habang naglalakad palayo sa nakaparada nilang kotse. Masayang nag-uusap ang dalawa habang naglalakad. Gusto ko sana magtago pero naisip ko na mukha akong tanga kung gagawin iyon. Hindi naman nila ako napapansin mula sa kinauupuan ko at sa halip ay naglakad na patungo sa kumpol ng mga stall na nagtitinda ng pagkain. 



Agad na nasira ang gabi ko. Nagpupuyos ang aking damdamin sa nakita. Tumayo ako agad para hanapin si Lyka. Gusto ko ng makaalis sa lugar na iyon. Naglalakad-lakad na ako nang makita ko si Lyka na bumaba mula sa isang sasakyan sa parking. Nang makita ko siyang maglakad papunta sa aking direksyon ay ibinaling ko sa iba ang aking tingin at nagpanggap na nagtetext sa aking cellphone.



"Huy, anung ginagawa mo dito?", tawag sa akin ni Lyka.



"I was looking for you. Can we go now?", walang emosyon kong sagot. Wala ring bitbit na pagkain si Lyka, mukhang hindi naman siya nakahanap ng iuuwi na pasalubong sa dami ng pagkaing itinitinda sa lugar na iyon.



Tahimik ko siyang inihatid sa binababaan niyang lugar kung saan sasakay pa siyang muli ng jeep. Nag-prisenta akong ihatid siya hanggang sa bahay nila pero tumanggi na siya at hindi na ako nangulit pa. 








****Renz****






12:45 am, Saturday
June 03




Halos maga-ala una na kami natapos na kumain ni Kyle. Marami kaming napagusapan habang kumakain at sobra-sobra ang sayang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Ayaw ko pa ngang matapos ang gabi dahil gusto ko siyang makasama ng mas matagal pa.



"Uuwi ka na ba after nating kumain?", hindi ko maipigilang itanong kay Kyle.



"Pinapauwe mo na ba ako?", nakangiti niyang tanong sa akin.



"Kung pwede nga lang eh hindi na kita papauwiin para lagi na lang tayo magkasama.", banat ko naman sa kanya.



"Hahahaha, lakas mo pa ring bumanat ha, walang kupas. I can't help to wonder kung bakit single ka pa din."



"Kasi nga may hinihintay ako. Hinihintay kaya kita.", seryoso kong sagot habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nakita kong natigilan siya sa aking sinabi pero agad din bumalik ang tuwa sa kanyang mga mata.



"Kulit mo talagang starfish ka."



"Bakit ba parang ayaw mo kong seryosohin?", tanong ko sa kanya. 



"Nag-iingat lang.", alam kong binibiro niya lang ako pero hindi ko mapigilang masaktan sa sinabi niya dahil alam kong may hindi siya magandang karanasan sa akin noon kaya siya nag-iingat ngayon. Hindi ko naman siya masisisi kung ganito ang kanyang nararamdaman dahil kasalanan ko din naman.



"Haaayyy nako... gusto mo sa bahay ka na lang matulog? Late na kasi kung uuwe ka pa.", tanong ko na lang sa kanya para maiba ang aming usapan.



Tinitigan lamang ako ni Kyle. Para bang natatakot siya sa akin dahil sa sinabi ko. Alam kong nagloloko lamang siya.



"Huwag ka mag-alala hindi kita pagsasamantalahan.", dagdag kong sabi na ikinatawa ni Kyle.




Matapos kumain ay tumungo nga kami sa bahay para dun na magpahinga si Kyle. Tulog na ang mga tao sa bahay ng dumating kami kaya dumiretso na kami sa aking kwarto. Para naman akong na-deja vu sa ginagawa namin ngayon. Ganito din kasi ang nangyari dati, kumain kami sa banchettos pagkatapos ay natulog kami sa bahay saka kami nag-away at nagkalayo. Agad ko namang iwinaksi sa aking isipan ang mga nangyari noon.



"Maligo ka muna kung gusto mo, eto ang tuwalya. Isusunod ko na lang yung damit mo.", suhestyon ko kay Kyle ng makarating kami sa kanyang kwarto.



"Ayos ah, hindi ka na magulo sa mga gamit mo ha.", pambibiro niya sa akin ng madatnang malinis ang aking kwarto.



"Syempre! Para kapag mag-asawa na tayo, hindi mo ko bubungangaan dahil sa magulo ang bahay.", natatawa kong sagot. Inismiran lang ako ni Kyle at kinuha ang twalyang inaabot ko sabay pasok sa banyo sa aking kwarto.



Ginamit ko na rin ang isa pang banyo sa may second floor namin dahil naiinitan na din ako sa aking suot. Matapos makapag-shower ay bumalik ako sa aking kwarto nadatnan kong kalalabas lang ng banyo ni Kyle. Nakatapis lang ito ng twalya habang tumutulo ang butil-butil ng tubig sa maganda nitong katawan. Napalunok naman ako ng laway sa aking nakita. 



"Huy, bakit nakatunganga ka lang dyan? Anyare sayo? Maginaw kaya, nasan yung hihiramin kong damit?", natatawa niyang sabi sa akin habang nakatitig ako sa kanyang katawan. Hindi ko mapigilan ang laman sa pagitan ng aking mga hita na tumigas dahil sa nakita ko. 



Tumalikod ako kay Kyle bago pa niya makita ang pagtigas ng aking alaga. Tinungo ko ang aking cabinet at ipinili siya ng damit na maaari niyang isuot. Nang makapagbihis kaming pareho ay nahiga kami sa kama. Nakasuot si Kyle ng tshirt at shorts habang naka-boxer shorts lamang ako at walang pangitaas.



May kung anong kinakatikot si Kyle sa kanyang cellphone habang ako ay tuwid na tuwid na nakahiga sa kama. Para akong tang sa aking ayos. Hindi ko kasi alam kung paano ipo-posisyon ang aking sarili, dapat ko ba siyang yakapin? Dapat ba nakatalikod ako sa kanya? O baka dapat nakadapa ako.



Nang lingunin ako ni Kyle ay narinig ko siyang humagikgik.



"Ataol na lang ang kulang Renz.", natatawa niyang sabi. Binigyan ko lamang siya ng isang masamang tingin na lalo niyang ikinatawa.



"Ewan ko sayo.", sagot ko na lang sa kanya at tumalikod na ako ng higa. Hindi naman na ako kinulit pa ni Kyle. Tumahimik na lang ako at pinilit ang sarili na makatulog. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay nilingon ko si Kyle. Nakatalikod din ito sa akin at mukhang mahimbing na ang tulog. Hinarap ko siya at pinagmasdan ang kanyang likod habang natutulog. Ilang minuto ko rin siyang minasdan ng magsalita siya.



"Sige na yumakap ka na, nahiya ka pa.", napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Hindi na ako nag-atubili pa at niyakap ko na din siya. 



Iniangat ko ang kanyang ulo mula sa unan at inihiga sa aking braso. Ipinulupot ko ang isa kong kamay sa kanyang katawan. Naramdaman ko naman siyang sumiksik ng lalo sa akin. 



Hindi matatawaran ang sarap sa pakiramdam na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. 



"I love you Kyle...", bulong ko sa kanyang tenga bago ko ipinikit ang aking mga mata.







....to be cont'd....

6 comments:

  1. more pa please... salamat din po at nasundan na

    -kylie

    ReplyDelete
  2. Di ko alam kung natatanga lng si Aki o hindi.... Hahaha

    ReplyDelete
  3. hayyyyyy.. salamat sa update.. buti maganda na weekends ko... may mababasa na ako.. salamat.. more pa!!!

    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
  4. Sobrang kilig aq dun., hahaha

    nice one

    -Hyacin

    ReplyDelete
  5. I yabyu crayon! Ikaw na idol ko! I hope you could update LSI thrice a week?? O sige na nga twice a week na lang! Sige na puhleasssss????

    #Chubbz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails