Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 11]
By: Crayon
****Aki****
6:02 am, Friday
June 02
Hindi
ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga iniisip ko. Hindi rin
nakatulong ang iniinom kong alak para kalmahin ang aking sarili. Dahil
doon ay ipinasya kong pumasok na lang ng mas maaga sa opisina.
Alas-sais
pa lamang sa aking relo ngunit paakyat na ako sa aking opisina. Hindi
ko alam kung daratnan ko pa doon si Kyle o baka nagpasya na siyang umuwi
na. Parang hinihila ko naman ang elevator paakyat dahil may isang parte
ng puso ko ang nasasabik na makita ang kanyang lagay.
Nang
makarating ako sa aking opisina ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto
para tingnan kung may tao sa loob. Hindi nga nagkamali ang aking kutob
at dinatnan ko si Kyle na natutulog sa kanyang lamesa. Nakapatong ang
kanyang magkasalikop na braso sa mesa habang nakayukyok ang ulo sa
ibabaw nito.
Dahan-dahan naman
akong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Nakaramdam ako ng pagkahabag
habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog. Kita mo ang maitim
na bahagi sa ilalim ng kanyang mata, tanda ng kakulangan sa tulog. Higit
na maamo ang kanyang mukha kapag natutulog. Namiss ko tuloy ang Kyle na
dati kong pinagmamasdang tulog habang nakaunan sa aking braso.
Napansin
ko naman ang isang folder sa gilid ng kanyang lamesa, kinuha ko ito at
tiningnan ang laman. Mukhang ito yung report na pinagsumikapan niyang
ayusin sa magdamag. Kapansin-pansin ang mga pagbabagong ginawa niya rito
at talagang pinakinggan niya ang mga bilin ko na nais kong baguhin
niya.
Hindi ko mapigilang
mapangiti sa galing at dedikasyon na ipinamalas niya. Mukhang nag-mature
na siya ngayon kumpara sa dating Kyle na kilala ko noon. Naalala ko pa
ang mga eksena noon sa kanilang bahay nang minsan akong makitulog,
halatang-halata ang kanyang pagkaisip bata nang mapikon sa biro ng
kanyang ama.
Hindi ko alam kung
bakit hinahayaan ko ang aking sarili na sariwain ang mga alaalang buwan
kong pinaghirapang kalimutan. Basta malinaw na nakararamdam pa rin ako
nang saya sa tuwing naaalala ang mga sandali namin ni Kyle. Another
reason why i should keep my distance. Vulnerable pa rin ako sa kanya.
Oras na bumigay ang depensa ko ay alam kong maaari akong mapamahal sa
kanya at sa pagtagal ay masaktang muli.
Liningon
ko muli ang mahimbing na natutulog na si Kyle. Kahit anong pigil ko ay
kumawala ang isang ngiti sa aking labi dahil sa simpleng pagmamasid sa
taong kay tagal ko ng minamahal.
Hindi
ko napigilang kuhanin ang aking cellphone at kuhanan siya ng litrato.
Alam kong buburahin ko agad iyon pero ginawa ko pa ring picturan siya ng
tulog.
Pinasya kong lumabas ng
opisina at tumungo sa isang malapit na pancake house. Umorder ako ng
pancakes roon at dinala pabalik sa opisina.
Inilapag
ko ito sa lamesa ni Kyle at kumuha ng isang sticky note mula sa ibabaw
ng lamesa ni Sam. Idinikit ko ang note sa plastic ng pancake at naglakad
na ako pabalik sa aking opisina.
****Kyle****
6:45 am, Friday
June 02
Nagising
ako sa tunog ng sumasarang pinto, kahit na medyo malabo at lutang pa
ang aking isip ay nakita ko ang papasarang pinto ng opisina ni Aki. Agad
akong umayos ng pagkakaupo.
Tiningnan
ko ang oras sa suot kong wristwatch. Magaalas-syete pa lang ng umaga.
Kulang-kulang dalawang oras lang ang aking tulog. Ramdam ko ang
pagmamakaawa ng aking utak at katawan na matulog pa pero sinikap ko na
gisingin ang aking sarili. Malapit nang mag-alas otso, dapat ay
nakapag-almusal na ako at nakaligo bago ang oras na iyon.
Nakakahiyang
nahuli pa ako ni Aki na natutulog sa aking desk, ayaw ko na may masabi
pa siyang hindi maganda sa akin dahil pakiramdam ko ay sawa na akong
marinig ng mga sermon niya matapos ang eksena kahapon sa opisina niya.
Nang
luminaw ang aking pag-iisip ay doon lamang kumalma ang aking kalooban.
Sa tingin ko naman ay hindi niya ako papagalitan dahil lamang sa nakita
niya akong tulog sa aking lamesa. Una, wala pa naman ang aking takdang
oras ng pagtatrabaho so maari pa akong matulog kung gustuhin ko man.
Pangalawa, natapos ko naman ang report na pinagagawa niya at sinigurado
kong nasunod ko lahat ng mga gusto niyang ipabago sa naunang report na
ipinasa ko sa kanya. Masyado lang ata akong paranoid. Napahikab maman
ako ng malakas matapos ang isiping iyon.
Noon
ko lang nakita ang isang puting plastik sa harap ng aking lamesa. Hindi
ko ito natatandaang naroon bago ako matulog kanina. Kinuha ko ang
plastic na may tatak ng isang pancake house malapit sa aming opisina.
Doon ko napansin ang isang sticky note na nakadikit sa plastic.
"Take your breakfast and then you may go home. I'll see you next week.", iyon ang nakasulat sa note na nasa labas ng plastic.
Napalingon
ako sa nakasarang pinto ng opisina ni Aki. Hindi ako makapaniwala na sa
kanya galing ang pagkaing nasa harap ko. Wala naman kasing ibang tao
akong nakitang pumasok dito sa aming opisina maliban sa kanya at isa pa
ay siya lang naman ang maaaring magsabi kung pwede na akong umuwi o
hindi.
Kahit na naguguluhan ay
sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Parang nabuhayan ako ng loob sa
ginawa niyang ito. Mukhang may pakialam pa naman siya sa akin kahit
papaano. Masaya kong kinain ang pancake na laman ng plastic na iyon.
Binilisan ko na rin ang pagkain dahil gusto ko na din kasi umuwi at
humiga sa aking kama.
Matapos
kumain ay itinapon ko ang plastic na pinaglagyan ng pancake pero inipit
ko yung note na iniwan ni Aki sa aking planner. Pinasya kong dumaan sa
opisina ni Aki para makapagpaalam bago umuwi sa bahay.
Kumatok
ako sa pinto ng tatlong beses bago ko ito binuksan. Nadatnan ko ang
maamong mukha ng aking kaibigan na nakatingin sa kanyang laptop. Kita ko
ang folder ng aking report sa gilid ng kanyang lamesa. Hindi ko
sigurado kung narinig niya ang pagdating ko o sadyang ayaw niya lang ako
pansinin ng mga sandaling iyon dahil hindi nawawala ang kanyang tingin
sa laptop na kaharap niya.
"Ahmmm,
sir uuwi na po ako.", nahihiya kong sabi. Hinihintay ko na may sabihin
siya pero hindi bumukas ang kanyang bibig. Hindi ko tuloy alam kung uuwi
ba ako o mananatili dahil hindi naman nagsasalita si Aki. Ang tanging
pinanghahawakan ko lamang ay yung note na nakita ko kanina.
"Tska
salamat po pala doon sa pancake na bigay ninyo.", wika kong muli, baka
sakaling makuha ko na ang atensyon niya this time. Pero bigo ako, lalo
lamang kumunot ang noo nito pero walang salita o kahit na tingin siyang
ibinigay sa akin.
Lumabas na ako
ng kwartong iyon. Inayos ko na ang aking gamit at naghandang umuwi.
Kahit na hindi ako sigurado na nais ni Aki na umuwi na ako ay naghanda
pa rin ako sa pag-uwi. Pagod na kasi ang katawang lupa ko kaya
kinumbinsi ko na lang ang aking sarili na gusto nga ni Aki na umuwi na
ako.
Hindi ko na namalayan ang
pagbiyahe ko pauwe nang bahay. Para akong zombie na walang malay sa mga
nangyayari sa aking paligid. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng aking
likod sa malambot na kama. Matapos noon ay agad akong nakatulog.
****Renz****
10:37 am, Friday
June 02
Medyo
tanghali na ako nagising kanina dahil sa pagpupuyat kong
makipagkwentuhan kay Kyle sa text. Nakaramdam ako ng awa ng sabihin niya
na sa opisina siya matutulog dahil sa ginagawa niyang report.
Napakalupit naman ng kanyang employer para pagtrabahuhin siya ng ganoon.
Nagising
ako pasado alas-dose na ng tanghali. Nang maisip kung anong araw ngayon
ay hindi ko mapigilan ang mapangiti agad. Para akong isang batang
excited dahil ngayon ang kanilang field trip sa eskwela. Ngayon kasi
nakatakda na magkita muli kami ni Kyle. Pagkagising palang ay plinaplano
ko na kung saan ko siya dadalhin mamaya. Parang first time naming
magda-date dahil pati ang susuotin ko ay nahihirapan akong
pag-desisyunan.
Habang nakahiga
ako at nagda-day dreaming sa aking kama ay saka ko lang naisip ang
lagay ni Kyle. Magdadalawang araw na nga pala siyang walang maayos na
tulog. Malamang sa pagod na pagod na ito at hindi na magawa pang umalis
mamaya. Gustuhin ko man siyang kulitin na sumama ay hindi ko magawa
dahil alam kong kailangan niya ng pahinga.
Medyo
nalungkot ako dahil hindi kami matutuloy ng alis ngayon. Pinasya ko na
lamang na i-text siya para mabawasan ang lungkot ko.
Renz: gooooooood morning jellyfish! Office ka pa?
Ipinatong
ko ang cellphone ko sa aking dibdib habang hinihintay ang text ni Kyle.
Lumipas ang mahigit labinlimang minuto at hindi siya nagreply kaya
naisipan kong itext muli siya.
Renz:
Jellyfish, alam kong busy ka ngayon sa work at tyak pagod ka na pero
sana wag mo pabayaan sarili mo. Kumain ka ng mabuti ok? Tsaka wag mo na
isipin yung lakad natin mamaya. I-reschedule na lang natin. Ok? Ingat ka
po jan sa office... miss na kita... :))
Matapos
mai-send ang message na yon ay tumungo na ako sa banyo para maligo.
Since hindi naman matutuloy ang lakad namin ni Kyle ay pinasya ko na
lang na pumasok ng shop dahil wala naman akong gagawin sa bahay.
-----------------------------------------------------
Medyo
madami akong ginagawa sa shop kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng
maghapon. Maya't-maya ko ring itinitext si Kyle dahil nag-aalala ako sa
lagay niya lalo na at hindi siya nagrereply sa akin.
Pasado
alas-diyes na ng mag-sara kami ng shop. Hinihintay na lamang namin ang
mga kumakain sa loob na matapos at mag-uuwian na din kami. Nasa counter
ako ng mga sandaling iyon ng marinig ko ang guard ng aming shop na may
kausap na makulit na customer.
"Pasensya na po talaga sir, sarado na po kasi talaga kami.", wika ng gwardya.
"Manong
10:05 pa lang naman eh, baka pwede pa kayong tumanggap ng customer.
Madami pa namang tao sa loob eh.", sagot ng makulit na customer.
Napangiti naman ako kasi parang pinaglalaruan ako ng aking isip dahil
pamilyar ang boses ng kausap ng aming gwardya.
"Sorry talaga sir, nagbilin na po kasi yung may-ari na wag na magpapasok kasi wala na din po halos available na pastries eh."
"Ganun ba? Baka pwede pumasok saglit, may hinahanap lang kasi ako na nasa loob eh.", pangungulit nung custosmer.
"Sige ho, pero saglit lang po kayo ha. Baka po kasi mapagalitan ako eh.", paniniguro ng aming guard.
"Oo manong saglit lang talaga."
Nanatili
lamang ako sa counter at nakayuko. Hinihintay ko kung oorder yung
makulit na customer o talagang may hahanapin lang siya.
"Excuse
me.", nagulat naman ako nang marinig ko ang boses nung customer na nasa
harap na pala ng counter. Nang magtaas ako ng tingin ay muli itong
nagsalita.
"Pwede ka bang i-take
out?", nakangisi nitong sabi sa akin. Higit namang malapad ang aking
naging ngiti ng makilala ang lalaki sa aking harapan.
"Hahaha Sure! Just say you love me and i'm all yours.", pagsakay ko sa kanyang biro.
"Hahaha siraulo ka talaga, ang hirap makalusot sa guard nyo ha!?", natatawang sabi ni Kyle.
"Oo nga naririnig ko nga yung pangungulit mo eh."
"Pambihira ka! Naririnig mo na pala ako bakit hindi mo man lang ako tinulungan?", reklamo pa niya.
"Hindi ako siguradong ikaw iyon eh, anyway what brings you here?", tanong ko.
"Di ba may lakad tayo ngayon? Unless you want me to go out alone."
"Ayaw
mo bang magpahinga? Dalawang gabi ka ng halos walang tulog, baka
magkasakit ka sa ginagawa mo. Okay lang naman sa akin kung next time na
lang tayo aalis."
"Hindi na,
andito na ako eh. Nakapagpahinga naman na ako kahit papaano. Tsaka hindi
ako sipunin no!", mayabang na sagot ni Kyle sabay flex ng kanyang
braso.
Hindi ko mapigilang
masdan ang kanyang ayos. Lalo akong na-iinlove sa kanya. Nakasuot siya
ng simpleng v-neck na shirt na hapit sa kanyang maskuladong katawan.
Nakangiti siyang nakatitig sa akin habang ipinagmamayabang ang namumukol
na muscle sa kanyang braso.
"Yabang
mo, sige wait lang ayusin ko lang yung mga gamit ko.", wika ko sabay
talikod sa kanya para pumunta sa aking maliit na opisina.
"Renz!", muling tawag ni Kyle na ikinalingon ko naman.
"Yeah?", taka kong tanong.
"Gusto
ko ng cheese cake.", nahihiya niyang sabi sa akin habang parang bata na
nakangiti sa harap ko. "Please....? Gawa mo ko...", dagdag pa niya.
Hindi
ko na mapigilang matawa sa kanyang ayos. Tumango na lamang ako bilang
sagot at dumiretso na sa aking opisina. Nagbilin rin ako sa isang waiter
na dalhan si Kyle ng isang slice ng blueberry cheese cake. Makalipas
ang halos tatlumpong minuto ay lumabas na ako sa aking opisina at
dinatnan ko pa si Kyle na sinusubo ang huling piraso ng kanyang
cheesecake.
"Sorry kung matagal,
san ba tayo pupunta? Nakakahiya ang itsura ko.", sabi ko kay Kyle,
na-concious kasi ako dahil maghapon ko ng suot ang poloshirt ko.
"Hindi ok lang yan, pogi ka pa din naman eh. Tara na.", nakangiting sabi ng taong mahal ko.
****Aki****
11:23 pm, Friday
June 02
Maghapon
na wala sa opisina si Kyle dahil maaga ko siya pinauwe kanina. Aaminin
ko na may parte ng aking sarili na hinahanap-hanap siya sa buong araw.
Kahit kasi sabihin na hindi ko siya kinakausap ay gusto ko pa rin na
nakikita siyang nasa paligid ko lamang.
Minsan
hindi ko na rin talaga maintindihan ang takbo ng aking isip. Hinihintay
kong makabalik sa aming lamesa si Lyka para makauwi na kame. Niyaya ako
nito kumain ng dinner sa Banchetto's, at nagpaalam ito kanina lang na
magta-take out ng pagkain bago kami umuwi.
Si
Lyka ang kausap ko sa buong maghapon dahil ayaw akong pansinin ni Sam
sa tuwing sinusubukan kong makipagkwentuhan sa kanya. Marahil masama pa
din ang loob niya sa ginawa ko kay Kyle.
Hindi
ko naman talaga gusto si Lyka. I know she is a flirt kaya ayaw ko sa
kanya. But i feel something strange about her. The more i hang out with
her the more i feel suspiscious about her. Dahil sa pakiramdam na iyon
ay hindi ko magawang hindi na lang siya pansinin. Hindi ko alam kung
tama ang ginagawa ko pero my instincts are telling me that i should let
her stick around hanggang sa matuklasan ko ang dapat kong malaman.
Mahigit
tatlumpong minuto ko na inaantay si Lyka at naiinip na ako. Paalis na
sana ako para hanapin siya nang may matanaw ako sa di kalayuan.
Habang
papalapit sila ay saka ko nakumpirma na hindi ako nililinlang ng aking
mata. Nakaakbay si Renz kay Kyle habang naglalakad palayo sa nakaparada
nilang kotse. Masayang nag-uusap ang dalawa habang naglalakad. Gusto ko
sana magtago pero naisip ko na mukha akong tanga kung gagawin iyon.
Hindi naman nila ako napapansin mula sa kinauupuan ko at sa halip ay
naglakad na patungo sa kumpol ng mga stall na nagtitinda ng pagkain.
Agad
na nasira ang gabi ko. Nagpupuyos ang aking damdamin sa nakita. Tumayo
ako agad para hanapin si Lyka. Gusto ko ng makaalis sa lugar na iyon.
Naglalakad-lakad na ako nang makita ko si Lyka na bumaba mula sa isang
sasakyan sa parking. Nang makita ko siyang maglakad papunta sa aking
direksyon ay ibinaling ko sa iba ang aking tingin at nagpanggap na
nagtetext sa aking cellphone.
"Huy, anung ginagawa mo dito?", tawag sa akin ni Lyka.
"I
was looking for you. Can we go now?", walang emosyon kong sagot. Wala
ring bitbit na pagkain si Lyka, mukhang hindi naman siya nakahanap ng
iuuwi na pasalubong sa dami ng pagkaing itinitinda sa lugar na iyon.
Tahimik
ko siyang inihatid sa binababaan niyang lugar kung saan sasakay pa
siyang muli ng jeep. Nag-prisenta akong ihatid siya hanggang sa bahay
nila pero tumanggi na siya at hindi na ako nangulit pa.
****Renz****
12:45 am, Saturday
June 03
Halos
maga-ala una na kami natapos na kumain ni Kyle. Marami kaming
napagusapan habang kumakain at sobra-sobra ang sayang nararamdaman ko ng
mga oras na iyon. Ayaw ko pa ngang matapos ang gabi dahil gusto ko
siyang makasama ng mas matagal pa.
"Uuwi ka na ba after nating kumain?", hindi ko maipigilang itanong kay Kyle.
"Pinapauwe mo na ba ako?", nakangiti niyang tanong sa akin.
"Kung pwede nga lang eh hindi na kita papauwiin para lagi na lang tayo magkasama.", banat ko naman sa kanya.
"Hahahaha, lakas mo pa ring bumanat ha, walang kupas. I can't help to wonder kung bakit single ka pa din."
"Kasi
nga may hinihintay ako. Hinihintay kaya kita.", seryoso kong sagot
habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nakita kong natigilan siya sa
aking sinabi pero agad din bumalik ang tuwa sa kanyang mga mata.
"Kulit mo talagang starfish ka."
"Bakit ba parang ayaw mo kong seryosohin?", tanong ko sa kanya.
"Nag-iingat
lang.", alam kong binibiro niya lang ako pero hindi ko mapigilang
masaktan sa sinabi niya dahil alam kong may hindi siya magandang
karanasan sa akin noon kaya siya nag-iingat ngayon. Hindi ko naman siya
masisisi kung ganito ang kanyang nararamdaman dahil kasalanan ko din
naman.
"Haaayyy nako... gusto mo
sa bahay ka na lang matulog? Late na kasi kung uuwe ka pa.", tanong ko
na lang sa kanya para maiba ang aming usapan.
Tinitigan lamang ako ni Kyle. Para bang natatakot siya sa akin dahil sa sinabi ko. Alam kong nagloloko lamang siya.
"Huwag ka mag-alala hindi kita pagsasamantalahan.", dagdag kong sabi na ikinatawa ni Kyle.
Matapos
kumain ay tumungo nga kami sa bahay para dun na magpahinga si Kyle.
Tulog na ang mga tao sa bahay ng dumating kami kaya dumiretso na kami sa
aking kwarto. Para naman akong na-deja vu sa ginagawa namin ngayon.
Ganito din kasi ang nangyari dati, kumain kami sa banchettos pagkatapos
ay natulog kami sa bahay saka kami nag-away at nagkalayo. Agad ko namang
iwinaksi sa aking isipan ang mga nangyari noon.
"Maligo
ka muna kung gusto mo, eto ang tuwalya. Isusunod ko na lang yung damit
mo.", suhestyon ko kay Kyle ng makarating kami sa kanyang kwarto.
"Ayos ah, hindi ka na magulo sa mga gamit mo ha.", pambibiro niya sa akin ng madatnang malinis ang aking kwarto.
"Syempre!
Para kapag mag-asawa na tayo, hindi mo ko bubungangaan dahil sa magulo
ang bahay.", natatawa kong sagot. Inismiran lang ako ni Kyle at kinuha
ang twalyang inaabot ko sabay pasok sa banyo sa aking kwarto.
Ginamit
ko na rin ang isa pang banyo sa may second floor namin dahil naiinitan
na din ako sa aking suot. Matapos makapag-shower ay bumalik ako sa aking
kwarto nadatnan kong kalalabas lang ng banyo ni Kyle. Nakatapis lang
ito ng twalya habang tumutulo ang butil-butil ng tubig sa maganda nitong
katawan. Napalunok naman ako ng laway sa aking nakita.
"Huy,
bakit nakatunganga ka lang dyan? Anyare sayo? Maginaw kaya, nasan yung
hihiramin kong damit?", natatawa niyang sabi sa akin habang nakatitig
ako sa kanyang katawan. Hindi ko mapigilan ang laman sa pagitan ng aking
mga hita na tumigas dahil sa nakita ko.
Tumalikod
ako kay Kyle bago pa niya makita ang pagtigas ng aking alaga. Tinungo
ko ang aking cabinet at ipinili siya ng damit na maaari niyang isuot.
Nang makapagbihis kaming pareho ay nahiga kami sa kama. Nakasuot si Kyle
ng tshirt at shorts habang naka-boxer shorts lamang ako at walang
pangitaas.
May kung anong
kinakatikot si Kyle sa kanyang cellphone habang ako ay tuwid na tuwid na
nakahiga sa kama. Para akong tang sa aking ayos. Hindi ko kasi alam
kung paano ipo-posisyon ang aking sarili, dapat ko ba siyang yakapin?
Dapat ba nakatalikod ako sa kanya? O baka dapat nakadapa ako.
Nang lingunin ako ni Kyle ay narinig ko siyang humagikgik.
"Ataol
na lang ang kulang Renz.", natatawa niyang sabi. Binigyan ko lamang
siya ng isang masamang tingin na lalo niyang ikinatawa.
"Ewan
ko sayo.", sagot ko na lang sa kanya at tumalikod na ako ng higa. Hindi
naman na ako kinulit pa ni Kyle. Tumahimik na lang ako at pinilit ang
sarili na makatulog. Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay nilingon
ko si Kyle. Nakatalikod din ito sa akin at mukhang mahimbing na ang
tulog. Hinarap ko siya at pinagmasdan ang kanyang likod habang
natutulog. Ilang minuto ko rin siyang minasdan ng magsalita siya.
"Sige
na yumakap ka na, nahiya ka pa.", napangiti naman ako sa kanyang
sinabi. Hindi na ako nag-atubili pa at niyakap ko na din siya.
Iniangat
ko ang kanyang ulo mula sa unan at inihiga sa aking braso. Ipinulupot
ko ang isa kong kamay sa kanyang katawan. Naramdaman ko naman siyang
sumiksik ng lalo sa akin.
Hindi matatawaran ang sarap sa pakiramdam na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
"I love you Kyle...", bulong ko sa kanyang tenga bago ko ipinikit ang aking mga mata.
....to be cont'd....
more pa please... salamat din po at nasundan na
ReplyDelete-kylie
Di ko alam kung natatanga lng si Aki o hindi.... Hahaha
ReplyDeletehayyyyyy.. salamat sa update.. buti maganda na weekends ko... may mababasa na ako.. salamat.. more pa!!!
ReplyDelete-arejay kerisawa
Sobrang kilig aq dun., hahaha
ReplyDeletenice one
-Hyacin
I yabyu crayon! Ikaw na idol ko! I hope you could update LSI thrice a week?? O sige na nga twice a week na lang! Sige na puhleasssss????
ReplyDelete#Chubbz
Ang tagal kong ininta to ah!
ReplyDelete