Followers

Wednesday, August 28, 2013

TRUE LOVE 9

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Nais ko pong ipaalam sa mga patuloy na nagbabasa ng aking akda na bukas na po sa lahat ang aking blog.  Maaari niyo pong mabasa ang iba pang mga kwento na ginawa ko. At abangan niyo po ang isang film na ipopost ko by first week ng september.

Tungkol po sa story, good vibes lang po muna ang part na ito kasabay ng ilang pagbabalik tanaw mula sa Book 1 na Campus Trio.

Criticisms are welcome. If you find na nagiging boring na ang takbo ng story ay sabihin lang po agad para tapusin ko na ito. Ayaw ko naman po na darating ang panahon na wala nang magbibigay ng comments sa mga susunod kong updates.

Happy Reading!




Hindi nakaligtas kay Dr. Luis ang kakaibang sigla ng anak niyang si Bryan habang naglalakad sa hallway palabas ng ospital kasama sina Andrew at ang kakadischarge nitong ina. Sa sobrang kasiyahan nito ay siya na ang nagprisintang magbuhat ng lahat ng gamit ng mag-ina.

Pero sa kabilang banda ay nag-aalala siya sa mga susunod na mangyayari. Alam niyang mahal na mahal ni Bryan si Andrew subalit iniisip niya ang kahihinatnan kapag nalaman ni Sarah ang mga ginagawang ito ng kanyang anak. Tiyak na magiging kumplikado ang sitwasyon lalo na't may sariling anak na si Bryan sa kanya. Nagbalik sa kanyang isipan ang unang pag-uusap nilang mag-ama tungkol sa gagawing tulong kay Andrew.
"I need help Dad?" ang agarang bungad ni Bryan sa kanya pagpasok sa loob ng clinic. Halatang nagmamadali talaga ito dahil nakapangtrabaho pa ang suot nito.
"Oh anak, biglaan naman yata yan, ano ba yun?"
"Remember what I told you last time, yung tungkol kay Andrew, alam ko na kung saan siya makikita Dad."
"Thats good news."
"Pero yung mother niya kasi inatake sa puso, pakiusap ko lang sana kung pwede ikaw na ang magsagawa ng operation sa kanya. I know you can do it Dad."
"Yun lang pala. Sige anak." ang agad niyang pagsang-ayon. 
"Thanks Dad." ang natutuwa nitong sagot sabay yakap sa ama. 
Sa puntong iyon ay napangiti na rin siya. Para sa kanya, masarap sa pakiramdam na nakapagbigay siya ng kaligayahan sa anak.

Nakarating na silang apat sa parking lot kung saan naroon ang kotse ni Bryan na sasakyan nila papunta sa bahay nito.
"Tulungan na kita." ang pag-alok ni Andrew sa kanya matapos buksan ang compartment para ipasok ang mga bagahe.
"Huwag na kaya ko na to. Wala ka bang bilib sa mga muscles ko?" ang nakangiti nitong sagot

Natawa silang tatlo sagot na iyon.
"So, mag-iingat kayo. Dont forget na balitaan ako son."
"Yes Dad."
"And sayo Andrew, pakiusap ko lang na sana ay alagaan mo rin ang anak ko. I know na hindi ka naman mahihirapan na pakisamahan siya dahil matagal na kayong magkakilala."
"Sige po Dok."
"Ikaw naman, huwag masyadong magpapagod. Bawal ang stress. Yung mga bilin ko sayo tungkol sa pagkain, huwag kakalimutan." ang baling naman nito sa ina ni Andrew.
"Opo Doc. Salamat ulit.
"Good. At sa iyo son, be responsible to your actions. Pero alam ko naman na kaya mong pangatawanan ang mga ginagawa mo. May tiwala ako sayo." ang makahulugang bilin naman ng doctor sa anak.
"I know Dad."
___________
Sa harap ng kotse umupo si Andrew base na rin sa kagustuhan ni Bryan at sa likod naman ang kanyang ina. Kaya naman ay madaling napansin ni Andrew ang panay na pagngiti nito.
"Kanina ko pa napapansin ah. Hindi ka ba nangangawit diyan sa ginagawa mong pagngiti?" ang tanong ni Andrew sa kanya.

Sumulyap saglit si Bryan sa kanya bago sumagot.
"Ewan ko ba, hindi ko talaga maiwasan eh. Napakasaya ko kasi!"
"Halata naman. Napakabigdeal pala talaga sayo ang pagpayag ko sa alok mo ano?"
"Siyempre naman! Matagal kong hinintay ang araw na ito, ang makasama ulit ang napakahalagang tao sa aking buhay. At sa tingin ko ay natupad ko na ang aking pinangako sayo noon na kapag nakatapos na ako at nakapagtrabaho ay tutulungan kita, kayo ni nanay."

Sa isip-isip ni Andrew ay hindi pa talaga kinakalimutan ni Bryan ang tungkol doon.Tinuloy pa rin niya iyon kahit pa na wala na silang relasyon. Masarap pakinggan ang mga sinabi nito ngunit hindi niya makuhang maging masaya o makaramdam ng kilig dahil sa ilang mga bagay na gumugulo sa kanyang isip.

Makalipas ang mahigit isang oras ay narating na nila ang tinutuluyan nito. Paghinto ng sasakyan ay bumungad sa mag-ina ang isang bahay na may dalawang palapag. Binuksan ni Bryan ang malaking gate para ipasok sa garahe ang kotse nito.

"Welcome to your new home." ang masayang pahayag ni Bryan matapos buksan ang pinto ng bahay.

Pagpasok sa loob ay agad na nilibot ng mag-ina ang kanilang mga mata para magmasid. Sa tingin ni Andrew ay may kalakihan ito kung siya lang ang nakatira kaya agad niyang inisip na kasama nga niya si Sarah at ang anak nito dito.
"Bago ko ipasok ang mga bagahe niyo ay itotour ko muna kayo sa buong bahay." ang pagpapatuloy ni Bryan. "Itong kinatatayuan natin ay ang sala. And nay, doon naman ang dining room at kitchen."

Sinamahan ni Bryan ang ina ni Andrew sa sinasabi nitong kusina at kainan. Sa kabilang banda naman ay iniisip ni Andrew na talagang malayo na ang narating nitong si Bryan. Ang lahat ng nakikita niyang ito kay Bryan ang mas lalong nagpatindi ng kanyang determinasyon na makatapos din at makahanap ng trabaho. Noon pa man ay pangarap na niya ang ganito ring buhay para sa kanilang mag-ina.

Nagpasiya pa siyang maglibot sa paligid. Sa kanyang paglalakad ay nasilip niya ang isang kwarto na sa tingin niya ang isang maliit na gym dahil sa iilang mga equipments at machines na nakita niya.
"Because of my job, nawawala na ako ng time na magpunta sa gym. So I decided na magtayo ng isang mini gym dito." ang sabi ni Bryan na nasa likuran na pala ni Andrew.
"Alam mo naman, health and body conscious ako. I want to maintain my good looks and to keep fit sa kabila ng dami ng trabaho." ang kanyang pagpapatuloy sabay lapit ng kanyang tenga kay Andrew.
"Gusto kong maging hot pa rin sa paningin mo Andrew."

Napatingin si Andrew sa kanya. Matatandaan na bago maging sila ay talagang may pagnanasa siya dito dahil sa angkin nitong kakisigan. May mga pagkakataon pa na nagpapakita ito ng mga mapanuksong galaw. Ewan lang ngayon, hindi pa naman niya gaanong nararamdaman pero kung mangyari na maghubad ito sa harap niya ay baka magbalik ito. Posibleng mangyari talaga iyon dahil sa iisang bahay sila tumuloy. Pero gaya nga ng binuo niyang prinsipyo ay hindi niya hahayaan na umabot pa sa ganoon.

"Since na dito kayo nakatira, you can use my facilities here. Youre in good-shape at mas madedefine pa ang muscles mo pag sinabayan ng work-out. After several months talagang gaganda na rin ang katawan mo. At kapag nangyari iyon... mas magiging bagay na tayong dalawa. I will be your personal trainer." ang pahayag pa rin ni Bryan sabay ngiti.
"Talagang umaasa ka pa ha?" ang sagot ni Andrew sa lahat ng sinabi ni Bryan.
"No, because this is our destiny. Ikaw para sa akin, at ako ay para sayo."

Kung wala sanang taong masasangkot ay paniniwalaan ito ni Andrew. Baka naglupasay pa siya sa sobrang tuwa at kilig. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Kaya binalewala na lang niya ito kumbaga pasok sa isang tenga, labas sa kabila.
"Saan pala ang magiging kwarto namin?" ang pag-iiba niya ng usapan.
"Sa taas, naroon na rin si nanay, nag-aayos ng mga gamit niyo.

Sabay silang umakyat para puntahan ang sinasabing magiging kwarto nilang mag-ina.
"I will show you my room first." Pagkasabi nito ni Bryan ay binuksan niya ang pinto na nasa bandang kanan.

Tumambad kay Andrew ang isang kwarto na di gaano kalakihan. Sa itsura at ayos pa lang nito ay masasabing isang lalaki ang nagmamay-ari nito. May maliit na lamesa kung saan nakapatong ang isang laptop. Isang maliit na TV at home theater. Ang shelf naman ay may mga larawan gaya ng kanilang family picture na minsang nakita na rin niya noon, mga bonding moments kasama sina Troy at Michael. pero ang nakakuha ng kanyang pansin ay yung nasa gitna na kung saan ay siya ang tampok. Matagal na ito, kung di siya nagkakamali ay nakunan pa ito nung panahon ng unang taon niya sa unibersidad na pinag-aralan nilang dalawa.
"Youre very cute on that pic." ang sabi ni Bryan nang makita niyang nakatingin si Andrew sa larawan."Pinakunan kita ng mga stolen shots noon, ang this is my favorite because of your smile."

Tumango lang si Andrew na parang wala lang sa kanya ang kanyang mga narinig.  Umupo siya sa isang napakalambot na kama.

"This is my bed. As you can see na dalawa ang taong pwedeng humiga dito. I wish na sana magkatabi ulit tayong dalawa sa pagtulog."
"Malabo yang gusto mong mangyari." ang tugon ni Andrew.
"Kaya nga wish lang di ba. Pero kung mangyayari iyon, ay mas magiging masaya ako." si Bryan uli sabay higa sa kanyang kama. "At parati kong gagawing special ang bawat gabing magkatabi tayo." ang dugtong niya sabay ngiti.

Alam ni Andrew ang tinutukoy nito Hindi niya tuloy maiwasan na maalala ang isang eksena na kung saan ay magkasama sila sa kwarto sa dati nilang tinitirahan isang gabi.
"Wala ka na bang boxer shorts?" ang tanong niya dito.
"Ayaw ko magsuot mainit eh." ang sagot nito sabay higa sa tabi ni |Andrew. Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sumunod na ginawa nito.

Pinasok nito ang isa niyang kamay sa loob ng kanyang suot na brief.

"Ito na naman siya." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sa ginagawang panunukso ni Bryan. Napansin niya ang unti-unting paglaki ng bukol sa suot nito. Muli ay nakaramdam siya ng kung anong init sa katawan. Para hindi mahalata ay tumagilid na lang siya ng higa patalikod sa kanya. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili.

"Matutulog ka na agad. Ano ba naman yan?" ang pahayag nito na may tonong pagkadismaya.

Nahalata na ni Andrew ang ibig nitong ipahiwatig ngunit hindi pa siya handang gawin ang bagay na iyon.
  
Isang oras nang nakapikit si Andrew ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang sarili. May kung anong pwersang nag-uudyok sa kanya na sumulyap sa katabi para alamin kung ano na ang ginagawa nito. At ang dahilan ay ang panunukso nito sa kanya na lubusang nakaapekto sa kanyang isip.

Pinakiramdaman muna niya ito ng ilang minuto. 
Wala nang suot na brief si Bryan at tumambad sa kanya ang isang bagay na lalong nagbigay ng init sa kanyang sarili. Sa pamamagitan ng kakarampot na liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ay kitang-kita ang paghimas ng mga kamay nito sa mahaba at may katabaang alaga.

"Ang bastos mo Bryan." ang sambit ni Andrew.
"Sinabi ko bang tumingin ka?" ang sagot nito. Patuloy pa rin siya sa paghimas. "Pero ok lang naman iyon sa akin, sige na gawin mo na ang gusto mo oh." ang may panunukso nitong dagdag.

Sa mga pang-aakit na ginagawa ni Bryan sa kanya noon ay masasabi na niyang may pagkamalibog ito kaya nasanay na siya ngunit sa mga oras na iyon ay parang hindi na niya kayang magpigil. Gusto na niyang patulan ang sinabi nito dahil tumitindi na rin ang nararamdaman niya na kung tawagin ay "libog". Nagsisimula na ring tumigas ang kanyang sariling alaga.  Pero pinilit pa rin niyang magpigil. Agad siyang bumalik sa dating posisyon patalikod sa katabi.

Pero hindi pa rin tumigil si Bryan. Yumakap ito sa kanya at nararamdaman niya ang pagtusok ng alaga nito sa kanyang pwetan. Gayumpaman ay hindi pa rin siya nagpatinag.

At sa mga sumunod na nangyari ay wala nang nagawa si Andrew. Kinuha ni Bryan ang kamay nito at pinahimas sa kanyang alagang matigas pa rin. Taas-baba lang ang ginawa niya rito habang nakatalikod pa rin hanggang sa makaramdam siya ng likidong lumabas mula dito.

"Success!" ang sambit ni Bryan na mistulang nakaraos mula sa mahabang pagkatigang. 

Napatayo si Andrew at lumabas ng kwarto upang maghugas ng kamay. Naririnig pa niya ang mahinang pagtawa nito.
Para kay Andrew na posibleng mangyari pa ulit ang kahiya-hiyang bagay na iyon.

"I know what youre thinking Andrew at gusto kong sabihin na Im always welcome na gawin ulit iyon, pero siyempre dapat mas humigit na doon."

Nagulat naman si Andrew sa pagkabasa ni Bryan sa kanyang iniisip.
"Tumigil ka nga diyan. Ikaw talaga ang libog mo pa rin." ang nasabi lang niya sabay tayo sa kama. Dumako siya sa bintana at doon niiya napansin ang isang maliit na swimming pool.

"Every night at minsan sa umaga ay lumalangoy ako as part of my exercise. Para na rin makapagrelax at pangtanggal stress sa trabaho." ang pahayag ni Bryan nang makita niya kung saan nakatingin si Andrew. Tumayo siya sa kama at nilapitan ito. "Alam kong naalala mo pa rin ang nangyari sating dalawa sa pool nung nasa Baguio tayo."

Tandang-tanda pa ni Andrew ang tinutukoy ni Bryan. Ito yung araw na biglaan siyang dinala nito sa resthouse nila sa Baguio. Katatapos lang nilang kumain noon at nainis siya dahil sa ginawa nitong pagdala sa kanya doon lalo nat hindi pa siya inuuwi nito sa Manila.
"Ikaw ha sumosobra ka na. Gumagawa ka ng sarili mong desisyon ni hindi mo muna ako konsultahin kung papayag ako!"

Tumayo rin si Bryan bago sumagot. "Nagagalit ka ba sa akin? Dapat magpasalamat ka pa sa mga kabaitang pinapakita ko sa iyo."
"At bakit ko naman gagawin iyon. Hindi ko naman hinihingi na maging mabait ka sa akin, na tratuhin mo ako ng ganito."

Hindi na sinundan pa ni Bryan ang pahayag na iyon ni Andrew sa halip ay iniba na niya ang usapan. Ang sumunod na ginawa ni Bryan ay mistulang nagpawala ng inis ni Andrew sa kanya.

Hinubad ni Bryan ang suot nitong shorts.Halos manlaki ang mga mata niya sa nasilayan niyang umbok ng pagkalalaki nito pati na rin ang maumbok na pwet nito at malalaking mga hita. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang nakaawang na balahibo sa bandang itaas ng suot nitong puting brief.

Sa isip-isip ni Andrew, "Teka bakit niya ginawa ito sa harap ko. Parang wala siyang kahihiyan."
"Ano ba tong nararamdaman ko. Hindi pwede ito. Wala akong pagnanasa sa kanya. Tinutukso lang ako ng taong ito." ang pangungumbinse niya sa kanyang sarili.

"Tigilan na natin ang walang kwentang usapang ito. Ligo lang ang katapat ng init ng ulo mo tol." ang sabi ni Bryan na nagpabalik sa katinuan ni Andrew. "Tara swimming tayo."
"Swimming? Ayaw ko nga. Sa banyo na lang ako maliligo." ang pagtanggi ni Andrew.
"Bakit? Ayaw mo bang sumabay sa akin o nahihiya ka lang."

"Parang ganun na nga." ang sagot ni Andrew sa kanyang sarili. Nakakahiya namang maghubad din siya, alam naman niya na walang ibubuga ang katawan niya kung ikukumpara sa kanya. At isa pa ay hindi siya marunong lumangoy mahirap na baka gumawa ito ng kalokohan na lunurin siya.
"Hindi lang ako sanay." ang nasabi na lang niya sa kausap.
 "Eh di sasanayin na kita."

Wala nang nagawa si Andrew kundi ang maging sunud-sunuran kay Bryan. Hinila nito ang kanyang braso papunta sa dako ng bahay kung saan naroon ang pool. Nabigla na lang siya nang itulak siya nito.

"Bryan!!!" ang napasigaw na si Andrew.
"Huwag kang mag-alala, mababaw lang sa parte na iyan kaya hindi ka malulunod." ang sabi ni Bryan at lumusong na rin ito sa pool.

Akmang aahon si Andrew dahil sa naramdaman niyang ginaw nang pigilan siya ni Bryan sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya. Hindi na nagawang magpumiglas ni Andrew dahil sa naramdaman niyang laman na nakadikit sa kanyang likuran na sa tantya niya ay may kahabaan ito. Mistulang kinuryente ang buo niyang pagkatao.

Maya-maya lang ay kumalas na ito sa pagkakayakap at sinabuyan siya ng tubig sa mukha.
"Pwe!" ang reaksyon ni Andrew gawa ng nakainom siya ng tubig. "Ikaw talaga Bryan!"

Balak gumanti ni Andrew sa kanya ngunit hindi niya ito magawa dahil sa paglangoy ni Bryan. Nakita pa niya na tatawa-tawa ito.

"Ikaw talaga Bryaaaannnnn!!!!" ang pagsigaw na ni Andrew. 

 "Hmmm...." ang tanging reaksyon ni Andrew matapos sariwain ang alaalang iyon.
 "Gusto kong ibalik ang dating closeness natin para mas dumami pa ang masasaya nating moments gaya niyan." ang sabi naman ni Bryan na nakatingin pa rin kay Andrew.

Sa pamamagitan ng tingin niyang iyon ay inaalam ni Bryan kung ano na ang iniisip ni Andrew sa lahat ng mga pagpapahiwatig niya. At nakaramdam siya ng pagkadismaya ng makita na parang wala lang dito ang lahat ng sinabi niya. Gayumpaman ay hindi pa rin siya susuko, umaasang sa huli ay papabor sa kanya ang lahat.

"Puntahan ko na si nanay sa kabila para matulungan ko siya sa pag-aayos ng aming mga gamit." ang pahayag ni Andrew na nagpahinto sa pag-iisip ni Bryan.
"Ah... oo sige." ang simpleng sagot nito.
__________
Lumipas ang halos isang oras nang matapos ng mag-ina na ayusin ang kanilang mga gamit.
"Andrew anak, naisip kong ipagluto si Bryan mamayang gabi." ang sabi ng kanyang ina. "Di ba paborito niya ang sinigang tulad ni Troy?"

Akmang sasagot si Andrew nang biglang sumingit si Bryan na nakatayo sa pinto ng kanilang kwarto.
"Opo nay. Namimiss ko na nga po talaga ang mga luto niyo, lalo na po yung...." saglit na nag-isip si Bryan. "yung.... sardinas saka yung dahon na adobong kangkong."

Natawa naman ang ina ni Andrew sa narinig. "Wow naalala mo pa talaga iyon ha."
"Siyempre naman, at gusto kong kumain ulit nito."

Sa puntong iyon ay napangiti na si Andrew lalo na ng maalala niya ulit ang isa pang eksena na kung saan ay biglaang dumalaw si Bryan sa dati nilang tirahan. Ito ang isang bagay na nagpabilib sa kanya.
"Ano po ito nay?" ang tanong niya sa ina ni Andrew.
"Adobong kangkong iho."
"Ah ito po"
"Sardinas na ginisa."
"Ganoon po ba"
Agad namang sumabat si Andrew. "Tignan niyo nay hindi niya talaga gusto yan, kaya hanggang tanong na lang siya."
"Anong hindi ko gusto? Masarap kaya ito."
"Talaga lang ha."
"Oo naman Andrew. Kahit ano kinakain ko."
At nagulat na lang si Andrew sa sunod na ginawa nito. Nagsandok na ito ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.
Pinagmamasdan naman siya ni Andrew habang kumakain. Hindi niya inaasahan na gaganahan ito sa ganoong klaseng mga pagkain.
"Mabuti naman at nagustuhan mo iho kahit alam kong malayo ito sa mga kinakain ng mga tulad niyong mayayaman."
"Opo nay masarap pala."
"Salamat iho."

Ang ngiting iyon ni Andrew ay agad na napansin ni Bryan. Nakaramdam naman siya ng tuwa dahil pakiramdam niya na nakapuntos siya kay Andrew. 
  
Magdidilim na ng araw na iyon nang umalis sina Andrew upang mamili para sa kanilang hapunan. Gamit ang kotse ay sinamahan na sila ni Bryan dahil hindi pa nila alam kung saan ang pinakamalapit na palengke.
___________
Habang naghihintay na maluto ang kanilang hapunan ay nanood si Bryan ng basketball sa TV sa sala habang si Andrew naman ay tumutulong sa kanyang ina sa pagluluto. At makalipas ng kalahating oras ay naluto na ang ulam na nirequest ni Bryan. 

"Hmmm.... amoy pa lang masarap na... First time ko talagang kakain ng hapunan dito sa bahay kasama kayo." ang masiglang sambit ni Bryan na nakahawak sa tiyan habang papalapit sa mesa.
"Sinarapan ko talaga yan para sayo." ang tugon naman ng ina ni Andrew habang naghahain.
"Mukhang masisisira na ang diet ko nito. Kailangang magconcetrate na talaga sa paggym."
"Dapat lang, dahil tataba ka talaga sa masasarap na lulutin ni nanay. Mawawala na yang abs mo at lalaki pa ang tyan mo" ang singit naman na kantsaw ni Andrew.
"No way. Baka hindi mo na ako magustuhan ulit niyan." ang pagsakay ni Bryan. "

Napapailing na lang si Andrew habang ang ina naman niya ay natatawa.

Itutuloy....


29 comments:

  1. Tagal ko pong hinintay to! Sa wakas, may update na!

    ReplyDelete
  2. Love ds story since C.T. lage ko inaabangan
    Pls idol author just keep on posting ;)
    maraming salamat po ;)

    AtSea

    ReplyDelete
  3. Nice. Ang kulit na ni bryan hehe. Sana may kilig moments na sila. Hehe. Thanks mr. Author.

    ReplyDelete
  4. haha eto yung magandang moments nila sana naman lumambot na yung puso ni andrew mahal naman nia si brayan ee haist at good thing di sumusuko si brayan s apagmamahal nia at yung mga friends nila sana suportahan pa din nila sila. hihi again thank you sa update. :)) Godblessed!

    ReplyDelete
  5. Kahit hindi ko basahin ang chapter na to, wala akong namiss, i think pinapahaba na masyado.

    ReplyDelete
  6. if magagawan ito jg MMK, the title would be either SARDINAS or KANGKONG hahaha... goid chapter!

    ReplyDelete
  7. Nice job mister author.may flashback memories pa si bryan at andrew. Mukhang magiging interesting ang mga susunod na chapter.keep up the good work.

    ReplyDelete
  8. tindi mo talaga kuya daredevil!....thanks sa update... update na uli...hehe

    Just

    ReplyDelete
  9. push lang po kuya author :)) this story is great :)))) More power ppoo ! GodBlesssss :))

    ReplyDelete
  10. siguro nawawalan lang ng gana ung ibang reader kasi po ANG TAGAL NG UPDATE NYO.. Gawin nyo nalang po hangang CHAPTER 15 ung FINALE..tapos next story na po, para hindi matulad sa Campus TRIO na sa sobrang tagal ng update eh kailangan pa ulit basahin mula chapter 1 para maalaala ung flow ng story...Anyways GOOD LUCK AND KEEP IT UP

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for your comment. Siguro nga dapat ko nang tapusin ito sa part 15. I will think about it.

      Delete
  11. wag mong tapusin agad author.. maawa ka nman smin :D// hinihintay ko ang pag pasok ng mga kontrabida, masaya ito

    ReplyDelete
  12. hey, thanks sa update... inaabangan ko to...

    ReplyDelete
  13. tnx sa update again, and yup open na nga ule blog mo, daredevil. natry ko na at meron na nga ule. tnx and lage me bibisitahin un. he he he

    ReplyDelete
  14. thanks sa update, sana habaan pa kasi bbitin...

    ReplyDelete
  15. ganda. thanks sa update. lagi ko to inaabangan.

    ReplyDelete
  16. typical m2m lovestory but somehow may hatak pa rin sa mga readers, pero tama ung isang coment..tapusin nyo nalang po sa chap15..nwawala n po kasi ung "SPARK" ng story dahil cmula sa Campus TRIO ung mga chars parang bitin sa mga scene, ESP ung bigla nalang nawala sa eksena cla Troy and Michael..looking forward po for ur next story..SANA MAS OK UNG FLOW, ENOUGH OF DRAMA THING ung very very light lang po hehe..I HOPE MORE KILIG MOMENTS hahaha..THANKS & MORE POWER Mr.Author ^_^

    ReplyDelete
  17. yes may update na. ang saya naman ng nakaraan. pati rin sana yong sinagot siya doon sa food court hihi. next na pls.

    Larry, sg

    ReplyDelete
  18. ntapos ko n agad,,,, kelan ko kya mba2sa ang krugtong?

    ReplyDelete
  19. Ang ganda ng flow sa kwento..sana magkatUloyan cla..
    Two thumbs up!!

    ReplyDelete
  20. wla p rn po bng update e2?

    ReplyDelete
  21. wala pa rin po ba kasunod ba chapter? pasensya na Mr. Author pero wag ka naman po sana mambitin ulit :)

    ReplyDelete
  22. Wow nacontinue na pala to hihi :) sana mag update na lagi si author.. Ehem chapter 10, 11 ehem ehem :)

    ReplyDelete
  23. saan na po chapter 10 hehe excited na ako ee

    ReplyDelete
  24. excited na po sa 10 chapter tagal na po walang update and sana po ma ipost din to sa watpad para ma ishare :)

    ReplyDelete
  25. hayz wla padin update..... sana magkaroon na.. tagal nadin nasundan... T_T

    ReplyDelete
  26. oo nga... bakit wala pa din update to??/ excited na ako... sa tagal ng update parang nangulubot na yata ang mata ko sa kakahintay...

    ReplyDelete
  27. Update nmn po dyan.. Tgala na kaming waiting...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails