Followers

Thursday, August 15, 2013

TRUE LOVE 6

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Bago ang lahat, nais kong muli magpasalamat sa mga taong nagbigay ng mga comments sa last post ko kahit pa na natambakan agad ito ng mga updates ng ibang mga authors. Naisip ko tuloy na parang mas masipag sila sa akin. At least pabor naman ito sa mga readers dahil nagkakaroon pa sila ng ibang options na basahin.

Nagpapasalamat din po ako kay Sir Mikejuha sa pagbibigay ng opportunity sa akin na makapagbahagi ng kwento dito sa kanyang blog.

Tungkol naman po sa story, ang point of view ni Bryan ay mababasa niyo po sa part 7 na ipopost ko sa mga susunod na araw. Kaya I will expect na kaunti lang ang magbibigay ng comment dito.

Sa part na ito magsisimula ang story. Abangan din po ang nalalapit na paglabas ng iba pang mga tauhan.

Kung anuman po ang makita niyong flaws or mali ay agad npong sabihin para masagot ko at maayos. Welcome din ako for criticisms.

Happy Reading...




(Andrew POV)

Bigla naman akong natauhan sa aking nagawa sa kanya kaya agad akong kumalas.

"Pasensya na Bryan, nadala lang ako." ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Naisip ko kasi na hindi tama ang ginawa ko sa kanya lalot na at kasama rin namin ang kanyang ama.

Sa sinabi kong iyon ay napansin ko na parang nag-iba ang kanyang reaksyon ngunit hindi ko na lang binigyan pa ng kahulugan iyon.

"By the way Andrew, kanina lang bago ka dumating ay napag-usapan ka namin. Were just wondering kung bakit hindi ka pa nagkaroon ng hint sa taong tumulong talaga sa inyo." ang pagsingit naman ng kanyang ama.
"Actually Doc, naisip ko na pamilyar po ang mukha niyo sa akin nung una ko pa lang kayo nakita. Pero hindi ko po talaga natandaan. Siguro dahil nakapokus lang ang isip ko kay nanay."
"Pero nung malaman mo ang buo kong pangalan wala ka bang naisip man lang?" ang pagtatanong ulit ng doktor.
"Ewan ko po ba." ang natatawa kong sagot. Naiisip ko kasi ang aking katangahan. "Marami naman taong parehas ang pangalan at apleyido di po ba?" ang dagdag kong biro.
"You have a point there." ang nangiti rin niyang pahayag. "So maiwan ko muna kayo diyan at may appointment akong pupuntahan. Ikaw na ang bahala sa kanya son."
"Sure Dad. I will take care of him." ang naging sagot nito. 

Simula nang umalis si Dr. Luis ay wala kaming naging imikan ni Bryan. Wala akong masabi dahil sa hindi naman siya nagtatanong. Tumagal iyon ng halos tatlong munuto hanggang sa tignan ko siya ulit.

Doon ko napansin na nakatingin lang pala siya sa akin habang nakangiti.
"Bakit ka nakangiti diyan?" ang tanong ko sa kanya ng may pagtataka. Nakaramdam ako bigla ng pagkailang sa mga oras na iyon.
"Nakakatuwa ka kasing pagmasdan....Hanggang ngayon kasi Andrew ang cute mo pa rin" ang tuwiran niyang isinagot ka ikinabigla ko.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" ang naitanong ko sa kanya. Mas lalo na akong nailang sa kanya.

Bigla naman niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Youre blushing!" ang naisambit niya.
 Sa pagkakataong iyon ay nablangko ang aking utak at walang nasabi.

Bumalik na siya sa kanyang kinauupuan.
"Nakakapanibago ka ha. Ngayon ka pa nahihiya sa akin. Matagal naman na tayo magkakilala."

Sa isip-isip ko, na nahiya talaga ako sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na siya pa talaga ang makakagawa ng ganoon kalaking tulong sa amin.
"Pasensya na Bryan. Hindi na kasi ako sanay, na tinitignan ng ganyan ng ibang tao.  "
"Ganoon ba pero hindi ko lang kasi maiwasan Andrew. Marami na kasing nagbago sayo. Look halos maaabutan mo na ako sa tangkad tapos lumaki na rin ng kaunti ang muscle mo. Pero ang dahilan talaga ng pagngiti ko ay ang iyong mukha na hanggang ngayon ay cute pa rin para sa akin tulad nang nasabi ko kanina."
"Tama na nga yang pambobola mo." ang nasabi ko na lang. "Ang mabuti pa ay balikan ko na si nanay. Pwede ka nang sumama para makausap ka rin niya.
_______________
Kasama ko si Bryan sa aking pagbalik sa kwarto ni nanay.

"Good Afternoon po, Kamusta na po kayo Tita?." ang magalang na pagbati ni Bryan na sinabayan ng pagmano.
"Mabuti na ako iho. Sabi ni Dante na ikaw ang tumulong sa amin. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa iyo, sa inyo ng iyong ama."
"Wala pong anuman iyon Tita. Masaya po ako at magaling na kayo. Sabi pala ni Dad na pwede na kayong ilabas sa susunod na linggo."
"Oo nga iho."
"Ah Andrew, ano naman ang magiging plano mo kapag lumabas na si Tita?" ang baling niya sa akin.

Sa totoo lang ay hindi ko pa talaga alam ang aking gagawin sa pagsapit ng araw na iyon. Biglaan kasi ang pagluwas namin dito dahil sa naging karamdaman ni nanay kaya hindi kami naging handa.

"Anak nasabi pala sa akin nitong si Dante kanina na may tinutuluyan ka ngayon."
"Opo nay pero pansamantala lang iyon hanggat narito pa kayo sa ospital. At ngayong malapit na kayo ma discharge ay magsisimula na akong maghanap ng matitirahan natin."
"Ganoon ba anak. Pero, paano naman ang pag-aaral mo, isang linggo na lang at magpapasukan na."

"Dont worry about that Tita. Inayos ko na ang lahat tungkol diyan. Matutuloy pa rin si Andrew sa pasukan at doon ulit siya mag-aaral sa unibersidad na pinasukan namin noon. Tungkol naman sa mga bayarin, ako na ang bahala." ang pagsingit naman ni Bryan.
"Narinig mo yun anak, makakapag-aral ka pa ulit." ang masayang sambit ni nanay.
"Hay... friend. Ang bait pa rin sayo ni Papa Bryan... Youre very lucky na may prince charming ka na katulad niya," ang kinikilig na bulalas naman ni Dina.

Tinignan ko si Bryan at nakita ko na nakangiti siya sa akin at sinabayan muli ng pagkindat. Parang lumaki yata ang ulo niya sa sinabi ni Dina.
"Magtigil ka nga diyan Dina." ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Totoo naman friend. Nariyan siya to the rescue kapag kailangan mo. Tulad na lang sa nangyari kay Tita. Tapos handa pa siyang sumuporta sa iyo gaya na lang sa pag-aaral mo."
"Tama! Ang galing mo talaga Dina." ang masaya sambit ni Bryan.

"Tsk...Talagang magkasundo na kayo ngayon ha. Unbelievable." ang sabi kong may pagtataka. Naalala ko kasi yung mga panahon na magkaklase kami ni Dina.
"Siyempre naman. Dahil sa kanya ay nagkita na tayo ulit. Malaki ang utang na loob ko sa kaibigan mong ito." ang sagot ni Bryan.
"Alam mo ba friend, matagal na niya akong kinukulit tungkol sayo. Hindi ko naman talaga sinasabi.. Pero nung tumawag ka at humingi ng tulong ay doon ko na naisip na sabihin sa kanya ang lahat. Gaya nga ng sabi ko kanina, siya lang ang taong may kakahayan na tumulong sa inyo."
"Tama ka na naman diyan!" ang pagsingit ulit ni Bryan. "In face naging maganda naman ang resulta ng aming ginawa. Parehas kaming nakinabang. Sa panig ni Andrew, napagaling ni Dad si Tita. At sa panig ko naman ay masaya ako dahil nakita ko na siya ulit.

"Napakabait mo talaga sa aking anak Bryan." ang sabi ni nanay sa kanya.
"Andrew anak, tama si Dante. Mapalad ka na magkaroon ng isang mabuting kaibigan tulad ni Bryan."
"Tama po kayo nay." ang aking tugon.
"Bryan, nagpapasalamat ulit ako sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit magkasama pa rin kami ng aking
anak hanggang ngayon. Tatanawin naming isang malaking utang na loob ito sa inyo ng iyong ama."

 Hinawakan ni Bryan ang mga kamay ni nanay.
"Mahalaga po sa akin ang inyong anak Tita kaya ko po ginawa ang lahat ng ito nang walang pagdadalawang-isip. Basta po para sa kanya ay gagawin ko ang lahat."

Sa aking narinig ay naisip ko na hindi na lang bigyan pa ng kahulugan ang kanyang sinabi. Ayaw kong masira ang aking mood sa mga oras na iyon.

"Hayaan mo Bryan, paglabas ko dito ay babawi kami sayo ng aking anak di ba Andrew."
"Ah... opo nay." ang aking tugon.
"Sige po Tita." ang nakangiting sagot naman ni Bryan.

Matapos niyang sabihin iyon ay nagkatinginan kami. Ayaw ko namang mag-assume sana pero parang napansin kong may iniisip siyang iba. Kung anuman iyon ay wala na akong pakialam.
"Siyanga po pala Tita, hihingi po sana ako ng permiso sa inyo na isama si Andrew saglit na lumabas." ang kanyang pagpaalam na nagpagulat sa akin.
"Sige lang. Para makapag-usap pa kayo at magkamustahan. Matagal din kayong hindi nagkita. ang agarang pagpayag ni nanay."
"Ayieeeee.... Nagyaya na si Papa Bryan ng date sayo. Ako na muna ang bahala dito kay Tita. Kaya go ka na friend."
"Kaw talaga Dina." ang nasabi ko na lang na napapailing.

Pumayag na rin ako sa gustong mangyari nitong si Bryan tutal ay wala namang magbabago. Pakunswelo ko na lang ito sa ginawa niya sa amin.
_____________
"Ano ba ang binabalak mo ngayon Bryan at sinama mo pa ako?" ang tanong ko sa kanya na kasalukuyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.
"Gusto ko lang kumain kasama ka... at para narin makapag-usap pa tayo."

Hindi na muna ako kumibo, hinayaan na lang sya kung saan niya ako dadalhin.

At makalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa gusto niyang puntahan. Narito kami ngayon sa isang first class at mamahaling restaurant .

Pagkaupo namin ay nilapitan kami ng isang waiter at inabot ang listahan ng kanilang mga pagkain.
"Just choose what you want, Ako ang bahala." ang sabi niya sa akin.

Bagamat hindi ako gaanong nagugutom sa mga oras na iyon ay tinuro ko pa rin sa waiter ang pagkain na aking gusto.

Habang naghihintay sa aming order ay tahimik lang ako. Wala naman kasi akong maisip na pwedeng itanong sa kanya. Marahil ay napansin niya ito kaya siya na rin ang bumasag ng aming katahimikan.
"Kamusta naman ang naging buhay niyo sa province Andrew?" ang kanyang panimulang tanong sa akin.
"Maayos naman."
"Balita ko na nagkaroon daw kayo ng sariling business doon and mayroon na kayong sariling bahay, right?
"Ah oo. Mas naging abala kami sa paghahanap-buhay doon kung ikukumpara nung nakatira pa kami dito sa Manila. Alam mo naman na kailangang magbanat ng buto roon para mabuhay."
"Yeah, tama ka. Siyanga pala Andrew, nung pumunta pala ako sa unibersidad na pinasukan mo roon para asikasuhin ang mga dokumento mo sa pagtransfer ay nakausap ko ang mga naging kaibigan mo doon."
"Nasabi nga nila sa akin yan nang tinawagan ko sila nung nakaraan.
"Sa tingin ko ay naman mababait sila at naging mabuting impluwensiya sayo. May pagkakwela rin pala sila lalo na yung dalawang babae."

Alam ko naman kung sino yung mga babaeng kanyang tinutukoy.
"Ganoon lang talaga sila."
"Actually marami kaming napag-usapan eh pero.... hindi ko na siguro ikukuwento pa sayo."
"Bakit?
"Basta. Kung gusto mong malaman, sila na lang ang tanungin mo."
"Sige. Ikaw naman Bryan, kamusta na ang buhay engineer?" ang tanong ko naman sa kanya. "Sa totoo lang naninibago rin Iako sa ayos mo ngayon, professional ka na talaga tignan ah."
"Ano naman ang palagay mo sa akin, katulad pa rin noon?" ang nakangisi niyang pagtugon.
"Medyo..."

Napangiti lang siya sa narinig sa akin.
"Ok lang naman ako, medyo nakakaadjust na rin kahit papaano sa dami ng trabaho." ang sagot naman niya sa aking itinanong kanina. "Pero alam mo Andrew, nitong mga nakalipas na buwan ko lang narealize na masarap pala sa pakiramdam na humawak ng pera galing sa pinaghirapan mo."

Nagulat naman ako sa mga pahayag niyang iyon. Parang ibang Bryan ang kaharap ko ngayon.
"Hindi ako makapaniwala na nakakapagsalita ka ng ganyan."

Natawa lang siya sa aking sinabi.
"I already have stable job at sariling income. Lahat ng gusto kong gawin ay magagawa ko na. Ang ilang mga ginastos ko sa inyo tulad ng pagbayad sa ospital na pinagdalhan mo kay Tita sa probinsya hanggang sa pagluwas niyo dito ay galing sa sarili kong pera."

"Im happy for you, at natuto ka nang maging independent." ang pagpuri ko sa kanya.
"Thanks. Pero hindi naman mangyayari ang lahat ng ito sa aking buhay kundi dahil sayo."
"Talaga?"
"Oo naman."

Naputol saglit ang aming pag-uusap sa pagbalik ng waiter dala ang aming mga inorder. At nagsimula na kaming kumain.

"How's the food?" ang tanong niya habang abala sa pagkain.
"Masarap."
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Alam mo bang ito ang paborito kong restaurant. Madalas ako dito lalo na kapag gabi."
"Sa bagay hindi na ako magtataka pa sa ganda ba naman ng ambiance dito kaya marami rin taong kumakain dito. Pero paano mo naman nalaman ang lugar na ito?"
"Nung mga araw na nagsisimula pa lang ako sa trabaho ay naghahanap ako ng lugar na pwede kong kainan. Ayon, nakita ko ito."
"Ibig mong sabihin na malapit na dito ang pinapasukan mo?"
"Medyo, mga kalahating kilometro mula dito."

Abala pa rin kami sa pag-uusap nang biglang mapatayo si Bryan sa kanyang kinauupuan na nakakuha rin ng atensyon ng iba pang taong kumakain doon.
"Sorry po boss." ang agad na paghingi ng paumanhin sa kanya ng waiter. Natapon pala ang tubig na kanyang dala at sakto namang bumuhos ito sa suot na polo ni Bryan.
"Ah ok lang next time mag-iingat ka." ang kanyang sagot. Hindi ko naman nahimigan ng pagkainis ang kanyang boses.

Gayunpaman ay nakikita ko pa rin sa waiter na iyon ang pagkataranta. Ilan saglit lang ay may dumating pang isang lalaki na sa tingin ko ay manager ng restaurant.
"Im very sorry Sir sa ginawa ng trainee namin." ang paghingi rin niya ng paumanhin.

Napansin ko naman ang matalim na titig ng manager sa sinasabi niyang trainee na napayuko na lang marahil sa kahihiyan. Parang nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya.

"Its ok Sir dont worry. Tubig lang naman ito. I understand na trainee pa lang siya kaya nakakagawa pa ng pagkakamali tulad nito. Ako na ang makikiusap sana kung maaari ay huwag niyo na lang muna siya paalisin at bigyan pa ng chance."

Lubusan naman akong nabilib sa sinabing niyang iyon sa manager. Napansin din pala niya ang kalagayan ng waiter.
"Sige po Sir." ang simpleng tugon ng manager. Umalis na silang dalawa.

"This is unbelievable! ang di ko napigilang sabihin kay Bryan matapos makita ang kanyang ginawa.
"Bakit naman?"
"Yung sinabi mo kanina."
"Parang iyon lang. Hindi naman sinasadya yun ng waiter. At sinabi naman nung manager na trainee pa lang siya kaya nag-aadjust pa yun. Nakakaawa naman kung tatanggalin siya agad dahil lang sa simpleng pagkakamali."

Sa puntong iyon ay masasabi ko sa aking sarili na sa paglipas ng mahigit dalawang taon ay malaki na talaga ang ipinagbago sa pag-uugali nitong si Bryan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapangiti.
"Pangiti-ngiti ka diyan ha. Tama yan para mas lalong lumabas ang pagka cute mo!" ang sabi niya.

 Dahil sa basa ang kanyang suot na polo ay hinubad niya muna ito.

At sa ginawa niyang iyon ay  agad na nabura ang ngiti sa aking mukha at napalitan ng hindi maipaliwanag na emosyon nang makita ko ang suot niya sa leeg na isang bagay.


Itutuloy....

46 comments:

  1. Miss ko na sina Michael, Billy, Sarah at Florentina Sebastian...

    Kilala niyo pa ba sila?

    Teka, may bago pala si Lui hahaha :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. i will do my comment here para magmukhang pangalawa. paraparaan lang yan ahaha...

      well, nabitin naman ako sa moment nila in the first part of this chapter. there would have been an intimate and dramatic entrance that never been before. abrupt cur naman ng emote mode ko grrrr!!!

      on being cluelessness ni andrew sa name ng doktor, haha nakalusot ka daredevil but ang babaw haha...ok na rin peace!

      overall, so great, kilig much and nice flow of the story! this is it na. kahit kailan, magaling ka talaga daredevil lalo na sa pambibitin haha...tnx nd next chapter na pls. i demand! choz!

      Delete
    2. Nakakaloka ka talaga Edwin!!! Talagang hindi mo mahintay ang paglabas ng Mudra ni Bryan!!!

      Delete
    3. About sa sinabi mo Daredevil na masipag ang mga authors at natambunan ang story mo... hindi lang naging patas ang laban dahil reposting lang yung isa because it's already finished and deliberately ang pagpopost (1-5) chapters kaya naging tambakan ang msob.

      iniiwasan na natin ang ganoong mga gawain ng authors.

      Delete
    4. i agree. thanks MSOB for finding ways (sounds like bdo ang peg haha). meron pa pong isang mahilig magtambak - LSI ;-)

      Delete
    5. i could still remember the aforementioned chracters lalo na ang bruhang mudra. juice ko sana cameo role nalang sya dito para less chaos. yon lang.

      kay Lui? hmmmm i smeel fishy. ingat ka bryan baka maunahan ka pa haha. abangan ang susunod na chapters.

      MARIAN, hala magsama kayo ni mudra baka mawalan ka pa ng scholarship nyahahaha

      Delete
    6. meron ka pang hindi namention si SUSAN haha... sana makapunta na naman sila doon ni andrew.

      Delete
  2. Bitin po sir. Kakakilig. waaaaaaaaaaaaa. Tagal ko na inabangan tong kwento na to... More power po Mr daredevil.

    ReplyDelete
  3. Salamat nasundan na namiss ko na kc tong story ni bryan at andrew. Tnx daredevil sa.update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. hmmm
    sana magkabalikan na ang dalawa

    ReplyDelete
  5. So nice to see Bryan reunited with Andrew. The last part really has me puzzled though. What was the object hanging on Bryan's neck that shocked Andrew?!

    --------------------------

    Michael - friend ni Bryan
    Billy - kapatid ni Bryan
    Sarah - fiancee dati ni Bryan (na sana hanggang dun na lang at later on hindi na sa kadahilanang hindi sila kinasal at hindi ikakasal bwahahaha!!!)
    Florentina Sebastian - ang ina ni Bryan
    -----------------
    Tama ba mga descriptions ko tungkol sa kanila? hahaha

    Anyway, nice work Kuya daredevil.
    Nice to see you back!

    Go lang ng go!
    - Jay!:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lui - kababatang friend ni Andrew at Ninong ni Andrew ang ama ni Lui. I think, ito ang magiging ka-love triangle ni Bryan.

      Delete
  6. Nice, kakakilig pero bitin. Galing mo magpakilig author. Feel ko.. sila michael at sarah ang nagkatuluyan. Tsk. Or baka si michael ang maging karibal ni bryan kay andrew. Whew. Andun pa din ang kontrabidang ina. Kakaasar. Cant wait. Salamat author. Yung nasa neck pala ni bryan, nakita ni andrew yung pendant nila, lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah i know that also. pero mas kilig much if nakita nyang walang wedding ring ang mga kamay ni bryan haha yan ang dapat nating aabangan.

      Delete
    2. koreksyon: si sarah ay namatay the day she gave birth sa anak nila ni bryan haha ang sama ko naman lols... joke! hula ko lang yan ahaha...

      Delete
    3. Haha. Kainis naman nagkaanak pa sila. Pinikot lang sya ng babaeng yun. Ayoko sa kanya. Ibang babae na lang

      Delete
  7. hayz.. kakabitin.. huhuhuhuhu

    ReplyDelete
  8. Oha! meron na. wait, maya na ang koment ko. basa mode muna. excited much hahaha...

    Edwin Paloma

    ReplyDelete
  9. bitin na bitin ako mr. author. dapat update agad to compensate your kupadness sa pagsusulat. peace! bawal ang sad, dapat hapi!

    ReplyDelete
  10. Cant wait for the next chapter..nkakakilig..


    Krisluv

    ReplyDelete
  11. Bitin!!hehe.thanks kuya daredevil...

    Just

    ReplyDelete
  12. Ang lakas naman mang bitin nun....binasa ko to from the start natutuwa ako ang ganda ng flow ng story. .keep it up daredevil :)

    ReplyDelete
  13. talaga lang ha mas masipag sila mag update pero di ko naman binabasa haha kaya haban mo naman. ur so stingy! (-_-)

    ReplyDelete
  14. Sa pagkakaalala ko, meron silang necklace ni Bryan. And I think hanggang nagyon suot suot pa rin yon ni Bryan. Waaah kilig! :))) update na please! :)))

    ReplyDelete
  15. TOTAL MAKEOVER na angpagkatao ni Bryan? Ang bait na kasi kaya maiinlab na uli si Andrew sa kanya. Thanks po sa update Daredevil. Worth it ang paghihintay.

    <07>

    ReplyDelete
  16. ,,ay nambitin si mr evangelista, heheheh, two thumbs up boss next please

    jeddah, ksa

    ReplyDelete
  17. The way Bryan courting Andtew is what makes me KILIG! That's why i love this story. Good job. Thanks for the update... Ehek!

    ReplyDelete
  18. By the way, when will be the next update Mr. Daredevil?

    ReplyDelete
  19. wow mas lalong bumait si Bryan na naging professional na. Tiyak na madali nyang makuha uli ang tiwala at puso ni Andrew. Thank you for this great chapter.

    mr. dj

    ReplyDelete
  20. ANG GANDA GANDA NA NG TAKBO NG STORY! GRABEEEE ANG MGA KAGANAPAN NAKAKAWENDANG LOL

    Andrew

    ReplyDelete
  21. Andrew-Bryan na naman. Sana di na kukontra ang mama ni Bryan. Well, independent na si Bryan at magagawa na niya ang gusto nya without the help of his parents. True love prevails evermore!

    ReplyDelete
  22. another point ni bryan. pero baka kakontsaba ni bryan ang waiter at manager para magpa impress kay andtew? tsk tsk tsk.

    diegs, davao

    ReplyDelete
  23. gosh tagal ko tong inabangan thanks nag update si author pero sana fast update po para di nakakaligtaan ang pangyayari but then I like talaga *X.treme 26

    ReplyDelete
  24. oh cmon this must have been true love na. yon oh nag date na agad agad? wow ha ang bilis mo lang bryan haha. *LOLONG JR.*

    ReplyDelete
  25. haaay.. Andrew and Bryan....


    Update na po sana ulit kasi ganda nitong story...

    ReplyDelete
  26. Great! I'm waiting for this. Just to let you know na inaabangan ito ng marami.

    ReplyDelete
  27. ayos ang chapter na ito at kinilig ang bida *himatay* blag!

    ReplyDelete
  28. Sa wakas ngkita na rin ulit c Andrew at Bryan...

    ReplyDelete
  29. i really love this story, isa ako sa mga sumubaybay nito simula book 1, keep on writing mr author, we will wait for the next updates,,,

    ReplyDelete
  30. instant balimbing naman si Nanay. di ba galit na galt yon kay Bryan? so funny lol

    ReplyDelete
  31. omg! can't wait for the next chapter. pati ako kinilig na rin hahaha. bow ako sa galing. next ns pls. thanks.

    Larry, Sg

    ReplyDelete
  32. Nice chapter. Can't wait for the next.bakit bumait yata yong nanay ni andrew kay bryan. Last yatang nagmeet sila ay may hinanakit siya kay bryan dahil sa nangyari kay andrew.

    ReplyDelete
  33. http://allaboutboyslove.blogspot.sg/2013/08/true-love-6_14.html?m=1

    ReplyDelete
  34. please follow this link for author's more stories and m2m movies:

    http://allaboutboyslove.blogspot.sg/2013/08/true-love-6_14.html?m=1

    ReplyDelete
  35. Aiy tagal ng wlng update .. HAnggang chapter 12 lng nabasa ko .
    :(((

    ReplyDelete
  36. Hello, I enjoy reading through your article post.
    I like to write a little comment to support you.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails