Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 20: Magulong Buhay
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION
Walang
araw na hindi ko tiningnan ang singsing na binigay sa akin ni Louie. Iniisip ko
ang singsing na ito ay ang engagement ring namin, tanda ng aming tunay na
pagmamahalan. Heheh.. Dumaan ng mabilis ang mga buwan, busy ako sa pagpapatakbo
ng business namin. Tinuturo ni Papa lahat ng kailangan kong malaman sa
pagpapalakad ng business at madali ko naman natutunan ang mga itinuturo nya.
Pero sabi nga ni Papa marami pa akong pagdadaanan at bagito pa ako sa
pagpapatakbo kaya nandyan lang sya palagi para alalayan ako. Hindi rin naman
daw magtatagal at ako na ang papamahalain nya sa business namin dahil
magreretiro na s'ya.
Si
Paul naman ay busy rin sa company na pinapasukan nya, madalang na nga kaming
magkita pero nagt-text at nagtatawagan naman kami para magkamustahan. Nakahanap
na rin ako ng girl na irereto ko sa kanya, si Clare, bestfriend ni Diane na
nagtatrabaho sa resto na pinapasukan ni Diane dati. Doon pa rin pala ito nagtatrabaho,
nagkita kami ulit minsan ng dumalaw ako sa bahay nila Louie, nandoon din sila
Diane at Clare.
Dahil mabait naman si Clare, madali ko s'yang nakausap at
nakapalagayang loob. At kahit doon ko lang sya nakausap masasabi ko nang isa
syang mabait at mabuting tao. Tamang tama tiyak matitipuhan sya ni Paul, at
hindi lang yon kahit na simple at morena hindi mapagkakaila na maganda si
Clare. Kaya kinuha ko ang number nya at ibinigay ang number ko at number ni
Paul.
Ako na rin ang nag-ayos ng pagkikita nila, bumalik kami ni Paul sa resto
na pinagtatrabahuhan ni Clare at doon ko sila pinakilala sa isa't isa.
Nagkakahiyaan man, alam ko may pag-asa na magkatuluyan silang dalawa dahil
single rin si Clare at hindi pa rin nagkakaboyfriend. Ayos di ba? Hahah..
Si Diane
naman nakahanap na rin ng bagong trabaho, Sales Clerk sa isang department store
siguro magdadalawang buwan na sya doon ngayon. Si Louie naman nagtatrabaho pa
rin sa amin bilang driver, inihahatid nya kami ni Papa sa trabaho tuwing umaga
at sinusundo naman sa hapon kapag pauwi. Siya rin ang inspirasyon ko araw-araw
kaya mas pinagbubutihan ko sa trabaho.
Paminsan minsan sinasamahan rin ni Louie
sila Mama at Manang kapag mag-g-grocery, pinagd-drive niya sila at
ipinagbubuhat ng mga pinamili. Gum-raduate kami ni Paul, first week ng April.
As expected Magna Cum Laude ang bestfriend kong si Paul, masayang masaya kami
pero ang pinaka proud sa lahat ay ang parents nya na maluha luha talaga sa mga
awards na natanggap nya.
At halos bumuhos ng luhat at inspiration sa speech ni
Paul matapos tumanggap ng mga parangal, sinabi ni Paul ang mga paghihirap nya,
kung papaano sya nagsikap at matagpuan ang mga itinuturing nyang tunay na mga
magulang. Kinuwento rin nya ang mga hindi nya malilimutang karanasan kasama ang
mga kaibigan at classmates namin, at sinabing ang buhay nya sa College ay hindi
puro pag-aaral kundi punong puno ng mga masasayang ala-ala. Pagkatapos ng
graduation ceremony, kasama ako, si Louie, Diane at Clare sama sama kaming
nagcelebrate ng graduation sa bahay ni Paul.
Pares pares sila ako lang ang
wala. Busog na busog kami sa mga pagkaing inihanda ng parents ni Paul para sa
kanya. Special lahat ng pagkain dahil si Paul lang naman ang humakot ng lahat
medals sa awarding.
Ang sabi ng parents nya reregaluhan nila si Paul ng kahit
anong magustuhan nya, pero ang sabi ni Paul wala na syang mahihiling pa. Gamit
ang digicam ni Paul, humingi kami ng favor kay Clare na kuhanan kami ng
litratong apat nila Louie. Pumwesto ako sa gitna nasa kanan ko si Diane sa
kaliwa ko naman nandoon si Louie at sa kanan ni Diane nandoon si Paul. Ang saya
saya namin tingnan sa litratong yon, at nasundan pa yon ng marami pang mga
litrato. Nang gabing yon una kong naramdaman ang selos kay Louie at Diane mula
ng umamin ako kay Louie na mahal ko sya.
Alam ko naman sa sarili ko na mahal
ako ni Louie pero hindi ko maiwasang magselos kapag nakikita ko silang
naghahawak ng kamay, nagsusubuan ng pagkain at sobrang sweet sa isa't isa. Kaya
kahit sa mga simpleng gawa, pinaparamdam ko kay Louie na mahal ko sya tulad ng
pag-aalok ng pagkain, pagpiprisintang ako na ang magpapaypay ng mga iniihaw nya
at pag-aabot sa kanya ng towel ng tumapon ang juice nya ng matawa s'ya sa isang
joke ni Paul habang umiinom.
At sa mga tingin at ngiti sa akin ni Louie ramdam
kong gusto nya ring sabihin sa aking mahal kita, hindi lang namin magawa. Ok na
sana ang lahat, pero may isang pangyayari na hindi kinaya ng puso ko. Isang
hapon walang pasok si Louie sa amin naisipan kong dumalaw sa bahay nila,
excited pa akong kakatok sa pinto ng bahay nila Louie ng mapansin kong bukas at
may awang na maliit sa pinto. At ng masilip ko ang loob ng bahay nakita ko si
Louie at Diane na naghahalikan!
Sobrang sakit ang naramdaman ko ng sandaling
yon, kaya ng hindi ko na makayanan dumirecho na ako ng uwi ng bahay. Hindi
kailanman pumasok sa isip ko na ganon ang nangyayari kina Louie at Diane kapag
wala ng ibang nakakakita sa kanila. Kaya ang dating namumuong selos sa dibdib
ko tuluyan ng sumabog sa nakita ko.
Ni-lock ko ang kwarto ko at doon binuhos
ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi naman talaga ako iyakin
pero heto ako mangilid-ngilid ang luha kapag naiisip ko ang nakitang
paghahalikan ni Louie at Diane kanina. Lalo lang akong nalulungkot ng maisipan
kong makinig na lang sa kantang nasa cellphone ko para libangin ang sarili,
halos lahat kasi ng nandoon ay kantang paborito ni Louie o mga kinanta nya
dati. Naisipan ko na lang tawagan si Paul at ayain s'yang uminom.
Pumayag
naman s'yang makipagkita sa akin at napagpasyahan naming magkita sa pinaka
malapit na bar. Hindi pa kami nagtatagal sa loob ng bar halos maubos ko na agad
ang isang bucket ng beer na inorder ko.
"so sabihin mo sa'kin Ian, ano
problema?"
"problema? Wala, gusto ko lang uminom. Tagal na kasi nating
di gumigimmik, kaya inaya kita." ang pagpapalusot ko kay Paul.
"hahah, sino niloloko mo, ako? Kaibigan mo ako kaya alam ko, may problema
ka." hindi ko naman maamin kay Paul ang totoong nangyari. Kaya ipinilit ko
na lang na gusto ko lang uminom.
"gusto ko lang talaga uminom Paul, kulit
mo!"
"hehe, oo halata ngang gusto mong uminom, halos maubos mo na
yung inorder mong beer. Heto, pati yung akin gusto mo sayo na lang?"
natawa lang ako sa sinabi ni Paul. Pero natigilan ako sa sumunod nyang mga
sinabi.
"Si Louie ba ang dahilan?"
"huh? Bakit nasama si Louie
sa usapan?"
"Wag mo kong lokohin Ian. Alam ko na."
"ha? Di
kita niloloko. At anong alam mo na?" hindi ko mapaliwanag pero, hindi ako
mahuhulog sa pagpapaamin ni Paul sa akin kaya ibinabalik ko sa kanya ang
tanong.
"mahal mo si Louie, hindi ba? At nag-away kayo?" parang
nabilaukan ako sa sinabi ni Paul.
Gusto ko sanang itanong kung paano nya
nalaman pero parang umamin na rin ako non sa kanya. At natagalan pa bago ko
naisip ang tamang salitang dapat kong isagot kay Paul.
"Hahahahah.. Nice
JOKE Paul! Apir! Kakaiba rin ang mga naiisip mo ha! Hahaha.." akala ko
doon na nagtatapos ang pag-iisip ni Paul tungkol sa 'min ni Louie pero hindi pa
pala.
"Akala mo ba Ian hindi ko napapansin, noon pang night ng college
natin napansin ko na. Ang excitement sa mukha mo ng makita si Louie, ang mga
tingin mo ng magkasama sila ni Diane habang sumasayaw at pag-uwi mo nung gabing
yon! Hindi mo maitatago yon sa akin Christian! Lalo ko pang napatunayan yon
nung nagcelebrate tayo sa bahay noong Graduation. Siguro hindi mo napapansin
pero kitang kita ko ang mga kilos mo kapag kasama si Louie. Ano tama ba?"
Sa pagkakataong yon parang wala na akong lusot, makakapagsinungaling pa ba ako
kay Paul eh siya ang pinakamatalino sa batch namin at isa pa matalik ko s'ya
kaibigan.
Dala ng matinding sakit na nararamdaman, inamin ko na kay Paul ang
tunay na nangyari.
"sorry Paul, nagsinungaling ako. Tama ka, gusto ko si
Louie." nasabi ko yon kay Paul hindi alintana na may nararamdaman rin sya
para sa akin.
Pero imbes na kutyain ako, sabihan na may pasuntok-suntok ka pa
sa'kin noon, sa lalake ka rin pala babagsak! Naging maunawain pa si Paul at
matyagang nakinig sa mga problema ko.
"eh anong problema? Si Diane?"
"eheh.. Suko na ako, alam mo na ata lahat Paul eh."
"madali lang
namang malaman dahil alam kong sila ni Louie at Diane."
"Hindi ka ba
nagagalit sa 'kin Paul?" hindi naman sumagot si Paul tumingin lang sa baso
nya ng beer at hinahawakan ng middle finger ang labi ng baso, halata sa mukha
nyang nasasaktan sya sa nangyari.
Si Louie ang mahal ko pero heto ako kasama ko
sya sinasabi ang nararamdaman ko kay Louie kahit alam kong may gusto siya sa
akin. Pakiramdam ko ang sama ko. Pero kanino ko pa nga ba pwedeng ilabas ang
nararamdaman ko? Wala namang iba. Ang hirap!
Dahil
hindi na sumagot si Paul, dala na rin ng ispirito ng alak sinimulan ko ng
sabihin kay Paul ang nangyari.
"ang totoo Paul, alam na ni Louie na mahal
ko sya. Ang sabi nya mahal rin nya ako, pero sila na ni Diane. Alam ko selfish
ako to tell Louie na makipagbreak kay Diane kaya hindi ko ginawa. Isa pa, ayaw
kong masaktan ulit si Diane dahil sa akin. Hindi naman talaga ako ang naiipit
dito eh, si Louie, pero ang hindi ko lang na take yung..-" parang hindi ko
na kayang ikwento pero pinagpatuloy ko na rin..
"-makita silang sobrang
sweet at naghahalikan." tapos non direcho inom na ulit ako at umorder pa
ng beer.
Si Paul naman nakitagay na rin at dinamayan ako sa lungkot. Nilunod ko
na lang ang sarili ko sa beer tutal nasabi ko na kay Paul ang nararamdaman ko.
Yun lang hindi naman nagpayo si Paul, siguro ayaw nyang makialam dahil ayaw
nyang magkaconflict kung ano man ang magiging resulta ng ipapayo nya kaya
inintindi ko na lang.
"Salamat Paul ha? Nandyan ka para makinig.. Ang dami
ko ng kasalanan at utang sa'yo. Sige umuwi na tayo, ok na ko!" ang sabi ko
kay Paul, kahit hilong hilo na ako parang hindi na makakatayo. Nang makalabas
na kami ni Paul sa bar, umupo muna ako sa isang gilid hinihintay maalis ang
hilo ko.
Si Paul naman nakatayo sa likod ko tinatanong kung ok lang ako at kung
kaya ko pang i-drive yung kotse ko. Pero di na ako sumagot at sumuka na sa
daan, tapos narinig ko si Paul na may kausap sa cellphone.
"hello Louie,
pwede mo bang sunduin dito si Ian? Medyo nakainom na kasi at mukhang hindi na
kayang magdri-" di ko na hinayaang matapos ang sinasabi nya kay Louie at
hinablot agad ang phone ni Paul.
"Louie, ok lang kami ni Paul. Wag mo
kaming intindihin dito, bumalik ka na kay Diane baka hinahintay nya na ang
halik mo!" ang sabi ko kay Louie na halata sa boses ang sobrang kalasingan
at pang-aasar.
"Ian, lasing ka lang.. Hintayin mo ako dyan, ipagd-drive
kita pauwi ha?" Si Paul naman hindi maagaw sa akin ang cp nya habang
nag-uusap kami ni Louie.
Alam ko iniiwasan lang nya na mag-away kami ni Louie pero
wala naman syang nagawa. hindi na ako sumagot at ibinaba na ang tawag. Tapos
inabot ko kay Paul ang cp nya at susuraysuray na lumakad papunta ng kotse.
"Paul uwi na tayo, tara na!"
"kaya mo ba? Lasing ka na Ian
hintayin na natin si Louie dito parating na yon." hindi naman ako
nagpapigil kay Paul at umupo na sa driver's seat.
Si Paul nasa pinto lang ng
kotse at pinipigilan pa rin ako.
"kung ayaw mong papigil Ian, ako na lang
ang magd-drive. Mas kaya ko pa ang sarili ko kesa sa'yo."
"umupo ka
na dito sa tabi ko Paul, kung ayaw mo uuwi na lang ako mag-isa!" pilitin
man ni Paul na pababain ako sa kotse hindi naman ako natinag.
Kaya wala ng
nagawa si Paul kundi sumakay sa tabi ko, alam ko namang hindi nya ako iiwan at
papabayaang umuwi mag-isa. Pagsakay na pagsakay ni Paul ng kotse pinaharurot ko
na agad ang kotse palayo ng bar na yon, ayaw kong abutan pa kami ni Louie doon.
Panay panay naman ang paalala ni Paul na wag kong tulinan ang pagpapatakbo,
kaya binagalan ko ng kaunti ang pagpapaandar ng kotse. At sa kalagitnaan ng
pagbaybay namin ng daan pauwi, ang huli kong naaalala ay ang pag-agaw ni Paul
sa manibela at matinis na tunog ng sasakyang pume-preno. .
To Be Continued
ayan ang napala mo, sobra ksi tanga mo eh. alam mo ng marami kang nainom, pinagpilitan mo parin magdrive. dinamay mopa si paul my love hehe.
ReplyDeletenainis ako kay Ian. duwag.
ReplyDeleteanyare?? uhm di nia kinaya yung nakita halikan pa nga lang yun aa ee kung makita nia kayang nagtatalik yung dalawa? and for louie kung mahal nia talaga si ian bakit di nia pa hiwalayan si diane ano toh namamangka sa dalawang ilog. uhmft! bad! sana ok lang naman yung dalawa. salamat sa update. :))
ReplyDelete-marc