Followers

Monday, August 26, 2013

MUMU Sa Library 3 & 4

Author:
FB Account: 
Twitter Account:
WattPad: 
http://www.wattpad.com/user/YorTzekai

Chapter 3
Kaii's point of view
Iniwanan ko na sina Mikoy at Gero sa baba,dumeretso na ako dito sa classroom,ngayon ko na sisimulang basahin tong History book na to,sana lang naman huwag ako pagtripan ni Maam Policarpio ngayon no? Talagang papatulan ko na sya! Haha! Joke lang.
Mabuti naman at maganda ang araw na ito,hindi ako pinag initan ni Maam Policarpio,palibhasa kasi alam nyang mabigat ang pinapagawa nya sa akin.
At sa wakas recess na! Gutom na talaga ako eh,nagtataka siguro kayo kung bakit wala ako kasama sa papunta ng canteen? Well,sabihin na natin na pag ganitong pagkakataon umiiwas talaga ako. Ayoko makisabay sa mga classmates ko,nakakahiya na makita nila ang baon ko,kahit naman nasa middle section ako eh mayayaman mga classmates ko,kahit ang mga lower section mayayaman,ano pa kaya ang mga pilot? Kaya nga swerteng nakapasok ako sa school na to eh.

Pag punta ko sa canteen madami ng tao,inilibot ko na ang mga mata ko at naghanap ng pwesto,yung hindi agad ako mapapansin,ilang beses na din kasi ako napagtawanan at nakutya dahil sa pagkain ko.
May nakita akong bakante sa pinaka dulo,pang apatan,eh mukhang wala na naman uupo kaya pumwesto na ako at inilabas ang baon ko, kanin at itlog na maalat.
Magsisimula pa lang akong kumain ng may tumawag sakin,pagtingin ko sina Gero at Mikoy,palapit sa akin may dalang tray. Agad ko tinakpan ang baon kong pagkain.
"Pa share sa table ah?" ani Mikoy at inilapag ang tray nya,tumabi sa akin.
"Bakit nag iisa ka?" pagkuway tanong naman ni Gero at sa harap ko naupo.
"Sanay lang ako sa ganito" nahihiya kong sagot,napaka uneasy ng pakiramdam ko baka makutya din ako ni Gero.
"Ganun ba? Tara kain na!" masiglang sabi ni Gero,samantalang si Mikoy ay tinitingnan ang baunan ko.
"Ano bang pagkain mo? Pashare" ani Mikoy at inalis ang takip sa baunan ko. Biglang may mga nagtawanan sa likod ko.
"Eeww! Asusual,pang daga na naman ulam nya" sabi ng isang babae alam ko classmate sila nina Mikoy at Gero,napayuko ako sa hiya.
"At napaka unbelievable na sya ang sinamahan nina Michael at Gero,like
duh? Eeww!" segunda ng isa,pakiramdam ko ay gusto ko ng umiyak.
"Wow! Bakit hindi mo sinabi na ganyan baon mo? Sana nagbaon din ako!
Palit tayo ah? Paborito ko yan!" biglang sabi ni Gero,kinuha yung itlog na maalat at binigay sa akin yung fried chicken,talagang nagulat ako at nanlaki ang mga mata.
"Hati tayo tol! Paborito ko din yan eh!" ani Mikoy kaya lalo ako nagtaka
"Oh ayan,sayo na din ulam ko,amin na yung ulam mo" baling nya sa akinsabay kindat.
Anong nangyare?
"Gusto nyo girls?" nakangising alok ni Gero habang ngumunguya. Kinain nya talaga yung itlog na maalat!
"Eeww!" sabay sabay na sabi ng mga babae at nagsialisan.
"Wala na sila,akin na yang ulam ko gutom na ako" sabi ko ng makaalis na yung babae.
"Ayoko nga! Masarap pala to,maalat nga lang" nakangiting sabi ni Gero.
What the?!
"Kumain ka na din,nakakamatay ang sobrang gutom" ani Mikoy,hindi na lang ako kumibo. Niligtas nila ako sa kahihiyan.
"Salamat Mikoy at Gero,pero hindi nyo naman kailangan gawin yon" sabi ko at saka kumain. Masarap ang manok at tapa,minsan lang ako nakakatikim ng ganito.
"Bakit pumapayag kang ganunin nila?" inis na tanong ni Gero.
"Ayos lang yun,apat na taon ko ng nararanasan yon" simpleng sagot ko. Nakatitig lang sakin si Gero,nag iwas na ako ng tingin at itinulox ang pagkain.
"Hindi ayos yon no? Tagal na natin magkakilala bakit hindi mo to sinasabi?" reklamo ni Mikoy.

"Hindi naman kasi tayo madalas magsama dito sa school at hindi din tayo nagsasabay pag recess" sagot ko ulit. Ayoko na pahabain ang usapan kaya nagmadali na akong kumain saka nagpasalamat sa kanilang dalawa at umalis,dumiretso na ako sa room.
Chapter 4
Nag magdissimissal na dumeretso ako sa library,nabanggit ko ba na paborito ko tong tambayan? Ngayon medyo na lang mula ng mangyari ang insedenteng yon,takot ko lang na makatulog ulit dito.

Ng makahanap ako ng pwesto ay naupo na ako,kinuha sa bag yung libro ng History pati ang notebook ko,para habang nagbabasa ako eh makapag take down ako ng notes sa binabasa ko.

Siguro mag a-alas singko na ng sabihan ako na magsasara na ang library,sa takot na mangyari ulit yung dati eh dali dali kong inilagay sa bag ang libro at notebook saka umalis.

Pauwi na din pala yung ibang estudyante na gaya ko eh nagtagal din sa school. Naglakad na ako palabas ng school,saka ko lang naalala na pag ganitong oras eh pahirapan ng makasakay,kaya napag desisyunan ko na lang na na maglakad pauwi.

Haay! Buhay bakla nga naman! Kung hindi ka aapihin at pagtatawanan eh mamalasin ka,pero hindi ko pinagsisisihan na ganito ako,proud pa nga ako.

Naglalakad akong ganyan,medyo malayo na din ako sa school ng biglang bumuhos ang ulan. Takte! Walang warning? Hindi man lang kumulog at kumidlat? Napaka mo ulan!!

Nagtatakbo ako syempre,habang tumatakbo ay naghanap ang aking mga mata sa paligid ng pwede masilungan! Kung bakit ba naman kasi ang tag ulan ay tumapat pa ng school days? Pwede namang bakasyon?!

At sa malas eh wala akong makita! Nyemesss! Pag talagang minamalas ka nga naman! Basa na ako! Baka magsilabasan ang mga kaliskis ko! At ang mga gamit ko pati yung libro mababasa! Huhu T^T

Napaigtad ako ng biglang may bumusina sa gilid ko,pagtingin ko isang napaka gandang kotse! Sa bandang likod ay bumaba ang salamin at sumilip si Gero!

"Hoy Kaiicen! Anong ginagawa mo? Bakit ka nagpapaulan? Sakay na bilis!" direderetso nyang sabi,hindi ako agad nakakibo at napakurap kurap pa ako.

"Hoy! Gusto mo bang magkasakit?" at sa isang iglap bumukas ang pinto ng kotse at hinila ako ni Gero papasok.

At doon lang ako parang natauhan. Bakit ba lagi akong inililigtas ng isang ito.

"Pasensya na basa ako,baka mabasa din ang upuan" nahihiya kong sabi.

"Ayos lang yan,mababasa lang yan,pero ikaw baka magkasakit pa" naka ngiting sabi ni Gero,kaya nginitian ko na lang din sya.

"Classmate mo ba sya anak?" sabi nung nagdadrive kaya napatingin ako. Shit! Ang gwapo ng tatay ni Gero!

"Hindi po Pa,pero bago ko syang kaibigan sya si Kaiicen, Kaiicen sila ang mga magulang ko, Kreyd and Prue Montenegro" ani Gero.

"Magandang hapon po" nahihiya kong sabi. Gosh bakit gumagawa ang panginoon ng mga ganitong nilalang?

"I suggest that sa bahay ka na magpatila ng ulan,para makapag banlaw ka na din" sabi ng Mama ni Gero at lumingon samin dito sa likod. Maganda sya,hindi nakapagtatakang gwapo si Gero.

"Kaiicen right? Bakit parang natahimik ka? I can sense na napapaisip ka? Im a gay" naka ngiti nitong sabi.

"P-po?"

"Haha! Nakakatuwa ka pala" anito,napatingin ako kay Gero,nakangiti lang sya.

"G-gay po kayo? Parehas po tayo!" wala sa sariling sabi ko at nagtawanan sila. Wow ah? Napaka kwela pala ng pamilyang to. Pera teka? Pano sila nagka anak? Ugh! Bobo ko! Anong ginagawa ng pag a-ampon at surrogacy?

"Napaka feminine ng mukha nya mahal ano? Parang ikaw,gandang natural" sabi ng Papa ni Gero habang nagdadrive,at nagtawanan na naman sila samantalang ako pakiramdam ko namumula na ako sa hiya,ano ba tong pamilyang to? Always happy be Jollibee ang peg?

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Hindi ko maiwasang mapanganga,ang laki,ang lawak! Jusme! Parang palasyo na!

Pagkapasok sa garahe ng kotse ay bumaba na kami,sinabihan si Gero ng Mama nya na dalhin na ako sa kwarto nya para makapag banlaw at papahiramin daw nya ako ng damit.

Ng makapasok sa bahay ay lalo ako namangha,nagkikita kita pa ba sila dito? Kung ako nakatira dito baka maligaw pa ako,ang hagdanan grand staircase ang peg pang titanic, ang mga dekorasyon,vase,paintings mga muebles halatang mamahalin,ang sahig napaka linis na marmol. Grabe! Sila na!

Niyaya na ako ni Gero sa kwarto nya,umakyat na kami tas dumiretso sya sa isang maliit na pinto, puro damit,kumuha sya ng damit at walking short tapos nagpunta naman sya sa cabinet at may kinuha,brief na nakabalot pa!

"Oh ayan,handa na lahat,dito lang ako sa computer room ko katukin mo ako after mong maligo" aniya at itinuro ang banyo sa loob ng kwarto nya,nagpasalamat na ako at pumasok sa banyo bitbit yung mga pinahiram nyang damit.

Pagpasok ko namangha na naman ako,ang laki ng banyo! Parang mahihiya kang basain ang tiles! May nakita din akong maliit na cubicle na salamin ang harang,pagtingin ko doon ang bowl,tas sa bandang dulo naman glass door,pagbukas ko andun ang shower. Wow! Pwede ng gawing bahay ang banyo na to eh!

Pumasok na ako sa Shower,inilapag sa may maliit na lababo yung mga damit,tiningnan ko yung mga gamit,body lotion,body soap,skin moisturizer,shampoo at conditioner. Wow ulit! Napaka vain naman pala nitong si Gero,no wonder makinis sya,daig pa ako ah?

Naligo na ako,ang tagal ko din,dahil feel na feel ko ang pagsashower,samantalang sa bahay eh tabo mode lang kami ni Naynay haha!

Matapos maligo ay sinigurado kong natuyo na ng towel ang buong katawan ay isinuot ko na ang pinahiram sa akin ni Gero,ng matapos ay nanalamin ako. Wow! Fresh na ako ulit!

Syemay! Gusto ko magsipilyo! At dahil alam kong ang mga ganito ay binuksan ko yung maliit na cabinet,may unused toothbrush pa nga,naka sealed pa,may toothpaste din,ayon,walang pakundanga na akong nagsipilyo hihi ^o^

Ng matapos na ay lumabas na ako at kinatok ko nga sya dun sa isa pang kwarto na sabi nya.

"G-gero? Uhm tapos na ako,may plastik bag o paper bag ka ba? Paglalagyan ko lang ng mga damit ko" sabi ko at bumukas ang pinto,para syang nagulat ng nakita ako at natulala.

"Huy! Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Ah eh.. Paper bag ba? Saglit lang" aniya at nilampasan ako,maya maya ay bumalik na sya bitbit ang paper bag.

"Salamat Gero" pasalamat ko at nilagay ko na ng maayos dun ang damit ko. Infairness ang sarap isuot nitong pinahiram nyang damit at short.

"Wala yon,tara baba na tayo" naka ngiti nyang sabi at bumaba na nga kami.

Naabutan namin dun ang buong pamilya nya,ipinakilala nya ako then inalok akong magdinner pero tumanggi na ako at sinabi kong baka nag aalala na sa akin si Naynay. Nagpasya silang ipahatid ako sa driver,sumama si Gero.

"Uhm Gero,maraming salamat sa mga pagtulong ah? Laki na ng utang na loob ko sayo,pakisabi na din sa pamilya mo na salamat lalo na sa Mama at Papa mo" sabi ko ng nasa tapat na kami ng bahay,medyo baha pa nga at umuulan pa din.

"Wala yon! Ikaw pa! Malakas ka sakin eh!" nakangiti nyang tugon,and then nagpasalamat na ulit ako at lumabas ng kotse,nagtatatakbong pumunta sa bahay bitbit ang bag at paper bag.




To Be Continued

17 comments:

  1. Thank you kuya Ponse! Mwatsalap! XD

    DONT forget to leave a comment po :)

    ReplyDelete
  2. Tzekai habaan mo pa ang story mganda na kc keep it up.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe thanks po sa comment,maikli talaga nagagawa ko kaya 2 chapters per post gnagawa ni kuya Ponse xD

      Delete
  3. Ang cute cute talaga ng story.. Nakakaalis ng stress.. Galing nh flow Tzekai.. Keep it up.. :-)

    ReplyDelete
  4. hay naku ganun ka pa rin mr. author. try to read ur story. if huminto ka na, dapat period hindi comma. hayyyyssss pero bahala ka na nga! basta susubaybayan ko pa rin ito dahil ang ganda talaga ng kwento mo. fyi, im choosy when it comes to m2m stories but, nakuha mo kiliti ko. im hooked now with this haha... by the way, straight po ba si gero? para kasing ewan!

    Andrew

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya Andrew ensya na,kulang talaga laman ng cerebrum ko,Im not literature fanatic kaya most of the time,madaming errors,Im just writing to share whats on my mind :p Hndi ko na ma edit yan,sa wattpad nasa chapter 23 na ako,saka c kuya ponse ang nagpopost dto hehe xD uhm thank you po pala,yup straight c Gero,pero pag nainlab na sya kay Kaiicen,ewan na lang xD

      Delete
  5. Well, well, well...sila na nga ang mayaman. Talo pa kami nu Mommy Silvs...Ehek! Kahit baby pa ako ay peg ko ang story na ito. Cant wait for the next chapter. Bonga!

    ReplyDelete
  6. Ayos to tzek...itlog n maalat din ang lgi ko baon nung grade school ako with matching kamatis..

    ReplyDelete
  7. hindi kaya si carl at ejay yung parents ni gero? hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha hndi po, c Prue at Kreyd po parents nya,dun sa una kong story na "Ang Mamaw Sa Laboratory" hehe xD

      Delete
  8. congrats tzek, natutuwa ako makita at mabasa na dumadami na ang mga readers mo... just continue you passion in writing and always remember, HUMILITY.... he..go lng ng go

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you sir,youre one of my biggest inspiration,kayo ni sir Mike ang nag pursue sakin na magpatuloy sumulat kahit na libangan ko lang talaga ito nung high school,ikaw,si Sir Mike,kuya Zeke at kuya Ponse ang mga walang sawang nagrereply sa mga pm ko,kayo din nagbibigay ng idea sakin,maraming salamat po! :) GO FOR HUMILITY! Hakhak xD

      Delete
  9. hi mr. author, i did a marathon reading up to chap 23. ayos! ang ganda talaga kahit kalog ka minsan. sana nag ending ka nalang sa chapter 23 kasi hapi na ako doon. nainis ako sa bida kasi lumandi pa sa iba. di pa nakuntento kay gero? grrrrrr!!! turned off na ako. sumakit dibdib ko. ayoko nang tapusin basahin kasi maharot at talipandas si Kaii....EHEK!

    ReplyDelete
    Replies
    1. i mean, nag ending ka nalang sa chapter 22. langhiya ka! kahit baby pa ako ay tinigasan ako sa torrid scene nila haha...Ehek!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails