Followers

Thursday, August 1, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 3]








Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 3]







By: Crayon







****Renz****





2:05 am, Wednesday
April 14






Medyo napapabilis ang pag-inom ko ng alak dahil hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Para akong kinakabahan, na nae-excite, na natatakot, na naiihi sa isiping nasa paligid ko lamang si Kyle. Dalawang taon ko siyang hindi nakita at sa panahon na iyon ay wala akong ibang hinangad kundi ang makasama siyang muli.




Kanina pa ako palinga-linga sa paligid pero hindi ko talaga makita kung nasaan si Kyle. Naiinis na ako sa dami ng tao sa loob ng bar dahil lalo akong nahihirapan na mahanap ang taong gusto kong makita. Hindi ko sigurado kung niloloko lamang ako ng mga kaibigan ko pero malakas din kasi ang kutob ko na nandito nga si Kyle.



"Tol baka naman magka-stiff neck ka dahil sa kakaikot ng ulo mo. Relax ka lang. Magkikita din kayo ng bespren mo, hintayin lang natin makabalik si Gelo.", bati sa akin ni Mico. Nagpaalam si Gelo kanina na pupunta sa restroom at nangako siya na sasamahan akong lapitan si Kyle pagkagaling ng banyo. May kinse minutos na siyang nasa banyo pero hindi pa siya bumabalik.



"Asan na ba ang siraulong yon?! Napakatagal naman niya magbanyo, nakaupo ba umihi ang isang yon?", iritable kong tanong sa dalawang kasama ko.



"Hindi ako nakaupo umihi, nakadapa lang!", nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Gelo na nasa likod ko na pala. 



"Bakit ba kasi ang...", hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking sasabihin dahil sa pagbaling ko sa kanya ay hindi ko inaasahan na kasama niya ang kanina ko pang hinahanap.



Malayo sa dati niyang itsura. Tumangkad ito ng kaunti at di maipagkakailang napakalaki ng pinagbago ng anyo nito. Kung dati ay chubby at may tyan, ngayon ay kitang-kita mo ang maumbok nitong dibdib at braso na binagayan ng suot niyang long sleeves. Ibang-iba ang dating niya ngayon, nabawasan ang pagiging inosente ng itsura niya tulad ng una kong napuna sa kanya noong unang beses ko siyang makasama sa inuman ng barkada. Sa kabila ng pinagbago ng kanyang katawan ay nandoon pa rin ang kanyang singkit na mata, matangos na ilong at nakabibighaning ngiti. 



"Huy! Anyare sayo tol?! Ok ka lang?", halata ang pagpipigil ng tawa ni Gelo mukhang siyang-siya ang mokong sa nakikitang ekspresyon sa aking mukha.



"O-oo", nauutal kong sabi sabay iling. Iba ang sagot na lumabas sa aking bibig sa naging galaw ng aking ulo. Hindi na nakapagpigil si Gelo at tuluyan ng bumunghalit ng tawa sa aking pagkakamali. Nakita ko namang napangiti lalo ang kasama niya sa aking ginawa.



"Abnormal ka pa din talaga Renz, wala kang pinagbago.", natatawang komento ng gwapong lalaki sa aking harapan. "Kamusta kayo? Namiss ko kayo ha."



Hindi ko nagawang sumagot dahil sa gulat pa rin ang nanaig sa aking sistema. 



"Well, kita mo naman katulad pa din ng dati.", sagot ni Mico.



"Ikaw ang kamusta Kyle? Ang laki ng pinagbago mo.", magiliw na tanong ni Neil.



"Ha?! Hindi naman ganun pa din ako.", nakangiting sagot ni Kyle. 



"Hoy Renz! Umayos ka nga paupuin mo tong model natin. Ito ang susunod na nakalinyang rumampa sa mga cosmo bash dito sa Pinas.", sita sa akin ni Gelo. Agad naman akong umusog sa inuupuan kong couch para may maupuan si Kyle.



"Haha, isa ka pa abnoy na abnoy ka pa din.", natatawang sabi ni Kyle.



"Totoo naman yung sinabi ni Gelo Kyle, pang-model na ang datingan mo ngayon. Medyo na-insecure tuloy ang kakisigan ko. Bakit mo naisipan magpaganda ng katawan? Samantalang dati kahit anong yaya namin sayo ayaw mo sumama mag-gym.", tanong ni Mico.



"Hmmm, wala naman. Bigla ko lang talaga naisipan.", matipid na sagot ni Kyle.



"Ang totoo niyan, naisip ni pareng Kyle na mag-gym para next time na may susuntok sa kanya ay makaganti siya ng swabe! Alam mo na.", malakas na sabi ni Gelo sabay tingin sa akin.



Nagkatinginan ang lahat sa komentong iyon ni Gelo. Hindi naman lingid sa amin na hindi maganda ang naging resulta ng huling inuman ng barkada na kasama si Kyle. Iyon yung gabi na napagbuhatan ko siya ng kamay. Labis ko na iyong pinagsisihan kaya tiningnan ko ng masama si Gelo dahil nakuha niya pang i-brought up yung pangyayaring yon. Gustong-gusto ko na siya sakalin ng mga oras na iyon buti na lamang at nagawa kong magtimpi. 



"Bakit Renz may gusto ka bang sabihin?", nakangising wika ni Gelo. Hindi man lang ininda ang nakamamatay kong mga tingin sa kanya. Malilintikan talaga ang isang to sa akin mamaya. 



Bigla namang umurong ang aking dila ng tumingin sa akin si Kyle. Tila hinihintay niya ang aking sasabihin. Nataranta tuloy ako bigla. Para akong isang highschool student na tinititigan ng kanyang crush. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin.



"Bakit ang tahimik mo?", hindi na napigilang itanong ni Kyle



"H-ha? Wa-wala.", nabubulol kong sabi. Tumawa ng mahina si Kyle.



"San ka pala nagtago Kyle? Bakit ang tagal mo hindi nagpakita?", tanong ni Neil na ipinagpasalamat ko naman dahil nawala sa akin ang atensyon ni Kyle.



"Ah, tinapos ko kasi yung pag-aaral ko. Kinukulit na kasi ako nila Mama eh. Ayun awa naman ng Diyos, nakatapos din sa wakas. Kaka-grad ko lang last sem kaya heto party-party muna, matagal ko din tong hindi nagawa eh."



"Wow! Iba ka na talaga! Gwapo na, macho na, may bonus pa ngayong diploma ha?!", komento ni Gelo na kanina pa  bumabangka palibhasa ay hindi ko siya magawang barahin.



"Haha ikaw kamusta ang mga kaklase mo sa SPED?", ganting tanong ni Kyle.



"Walang balita, drop out ako eh.", malokong sagot ni Gelo na ikinatawa ng grupo.



"Nakakahiya ka tol!", wika ni Neil.



"Makapagsalita ka naman. Kala mo ang talino mo, nung Kinder ka lang naman naging honor nung nag-aaral ka pa.", sagot ni Gelo.



"Wala pa din kayong kupas na dalawa. Kayo na ba? Nagkaaminan na ba kayo ha?", nang-aasar na sabi ni Kyle.



"Hindi pa ako desperado Kyle.", mabilis na sagot ni Neil.



"Ako na naman napagti-tripan ninyo ha. Maiba tayo Kyle, kamusta naman yung huling sapak na natanggap mo?", banat ni Gelo na ikinatawa ni Kyle. Muli ko naman tiningnan ng masama si Gelo.



Halos puro alaskahan lang at kwentuhan ang ginawa namin.  Hindi ko magawang makihalubilo dahil naiilang pa din ako. Marahil ay dahil alam kong hindi pa talaga lubos na naaayos ang gusot namin ni Kyle. Balak ko siyang imbitahin na magkape pagkatapos na uminom para makapag-usap naman kami ng pribado.



Wala pa halos isang oras na nakakasama kong muli si Kyle ng may tumawag sa kanyang atensyon.



"Kyle! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.", lumingon naman halos ang lahat sa lalaking nagsalita. Gwapo ang lalaki at halos kasing tangkad ko rin. Mukhang mayaman ang porma at masasabi mo ring batak sa gym ang pangangatawan.



"Pasensya na, hindi ko kasi inaasahan na makita tong mga lokong to. Nga pala, Lui mga kaibigan ko si Gelo, Neil, Mico, and Renz. Guys meet Lui.", pagpapakilala ni Kyle sa bagong dating. Nakipagkamay naman kami kay Lui.



"Lui, dito na lang kayo umupo ni Kyle para makapagkwentuhan tayo. Matagal din kasing hindi nagpakita itong si Kyle sa amin.", magiliw na imbitasyon ni Gelo.



"Naku, pasensya na mga tol pero kelangan na kasi naming umalis nitong si Kyle. Emergency lang.", malumanay na sagot ni Lui.



"Ha?! Biglaan naman ata. May nangyari bang masama?", takang tanong ni Kyle.



"Oo, maya ko na lang sayo ikwekwento.", maiksing sagot ni Lui.



"O sige. Masaya akong makita kayong muli pero kailangan ko na umalis. I'll see you guys again.", paalam sa amin ni Kyle.



"Sige mukhang hindi na rin namin kayo mapipigilan. Ingat na lang kayo. Ikaw, Kyle marami ka pang utang na kwento sa amin ha. Hindi pa ito huli nating inuman session ha?", wika ni Mico.



"Oo mag-iinuman uli tayo pramis.", nakangiting sagot ni Kyle. Tila noon lang nag-sink in talaga sa akin na aalis na si Kyle at hindi man lang kami nagkausap na maayos. Hindi ako makapapayag na makaalis si Kyle na hindi kami nagkakausap ng sarilinan. Hindi kasi ako sigurado kung kailan kami muling magkikita. Wala akong contact number niya at hindi rin naman gumagana ang mga account niya sa mga social networking sites.



"Kyle, ihahatid ko na kayo.", bigla kong sabi. Napalingon naman si Kyle sa akin, marahil ay hindi inaasahan ang bigla kong pagpriprisenta.



"Salamat na lang bro may dala akong kotse at kaya ko namang mag-drive.", agad na sagot ni Lui sa akin. Hindi ko sigurado kung guni-guni ko lamang iyon pero parang may himig ng pambabara sa boses niya. 



"Kyle halika na.", dagdag ni Lui sabay hila sa kamay ni Kyle. Hindi ko na nagawang sumagot dahil napako ang aking tingin sa magkahawak na kamay ni Lui at Kyle. Bigla akong nakaramdam ng inis kay Lui.



Kumaway na lamang sa amin si Lui ng pamamaalam bago nagpahila kay Lui palabas ng bar. Sinundan ko lamang sila ng tingin.



"Kaya naman pala blooming si Kyle mukhang may bago na siyang boypren.", may pang-aasar na sabi ni Gelo. Tiningnan ko muli siya ng masama. This time mas seryoso na ako sa inis na nararamdaman sa kanya.



"Badtrip ka din talaga eh no?!", seryoso kong sabi kay Gelo na nakapagpatahimik sa kanya.



"Oh chill lang nagbibiro lang ako.", taas kamay na sabi ni Gelo pero hindi ako tumawa. Sa halip ay humugot ako ng pera mula sa aking wallet at inilapag sa lamesa.



"Uuwi na ako.", walang gana kong sabi sabay tayo at lakad palabas ng bar.









****Kyle****







3:30 am, Wednesday
April 14





"Huy anung nangyare?", alala kong tanong kay Lui ng makarating kami sa pinagpa-parkingan ng aming sasakyan. Kanina pa kasi blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Di ko mapigilang kabahan sa mga ikinikilos niya.



"Just get in the car please.", yun lang ang isinagot niya sa akin. Hindi ko mapigilang isipin na may ginawa akong masama. Mukha kasing wala naman talagang emergency mukhang mas may tampo siya sa akin. Sa dalawang taon na kami ay naging magkaibigan ay halos kabisado ko na ang ugali ni Lui.



Nang makapasok ako sa sasakyan ay walang imik niyang binuksan ang makina ng sasakyan at saka dahan-dahang umatras. Hindi ko naman matiis ang awkwardness sa loob ng sasakyan kaya itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana. Saktong pagtingin ko sa labas ng bintana ay ang paglabas naman ni Renz mula sa bar.



Gwapo pa din siya. Iyon ang pumasok sa isip ko habang pinagmamasdan siya mula sa aking kinauupuan. Bahagyang pumayat ang mukha niya mula nung huli ko siyang makita. Gumanda din ang kanyang katawan. Pero parang may mali. Hindi ko lang masigurado kung anu yung hinahanap ko pero parang may kulang.



Hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala ko ang nangyari kanina. Nakakatawa kasi ang itsura kanina ni Renz ng makita ako. Halata ang pagkamangha sa kanyang mukha, mukha siyang tanga habang nakabukas ang kanyang bibig ngunit di maitatangging gwapo pa rin ang kanyang itsura.



Nakakalungkot lang dahil hindi kami masyadong nakapag-usap. Sinubukan kong maging kaswal kanina para hindi kami magkailangan sa isa't-isa pero hindi pa rin niya ako nagawang kausapin. Hindi ako sigurado sa kung anu ang tumatakbo sa isip ni Renz. Hindi ko rin kasi mabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha dahil hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso, mahirap na. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na hindi siya masayang makita ako. Napa-buntong hininga na lamang ako sa isiping iyon.



Natigil ang aking pag-iisip ng bigla paandarin ni Lui ang sasakyan ng may kabilisan. Napakapit naman ako sa aking kinauupuan dahil don.



"Hoy! Anung ginagawa mo!", di ko mapigilang mapasigaw sa pagkabigla. Tila natauhan naman si Lui at biglang bumagal ang aming takbo. Nakatitig lamang ako sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. 



"I'm sorry.", mahinang sabi ni Lui.



"Anu ba kasing problema at parang gusto mo nang mamatay tayong dalawa?", medyo naiinis kong tanong sa kanya. 



"Bakit kasi kelangan mo pang maki-table kela Renz? Wala ka bang dala at nagawa mo pa uli na makipaglandian sa kanya?", halata ang inis sa boses ni Renz. Hindi ko naman nagustuhan ang mga salitang ginamit niya para i-describe ang pakikipagkwentuhan ko sa aking mga kaibigan



"Eh ano naman sayo? Nagseselos ka ba? Di ba malinaw naman na hindi kita boyfriend at may girlfriend kang tao. Who i flirt with is not your business. Wala ka sa posisyon para pakialaman ako.", hindi ko mapigilang magalit dahil sa babaw ng dahilan ng kanyang pag-iinarte. Una sa lahat, hindi naman ako pumunta sa table nila Gelo para landiin si Renz. Ni hindi ko nga alam na kasama pala siya nila Gelo.



Bigla naman niyang itinabi ang kanyang kotse sa may gilid ng kalsada at saka ako hinarap.



"Oo tama ka hindi kita boyfriend para pakialaman. Ang akala ko lang naman kasi kaibigan ang tingin mo sa akin. Tanga lang ako na isiping bestfriend din ang tingin mo sa akin. And since i assume i was your friend, i thought i should put a boundary between you and the people that once hurt you. Malinaw sa akin from the start na hindi mo ko magugustuhan. Gets ko na yon. Tanggap ko na hanggang kaibigan na lang tayo at pinagkasya ko na lamang ang sarili ko sa ganoon. Pero bilang isang kaibigan, bilang isang taong nagmamahal sayo ayaw ko na masaktan ka uli. Pasensya na masyado na ata akong naging epal sayo at sa magulong buhay mo. Sinubukan ko lang naman na protektahan ka, hindi ko naisip na mamasamain mo pala yung pagmamalasakit ko.", mahabang litanya sa akin ni Lui. Matapos magsalita ay bumuntong hininga lamang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi ko naman nagawang magsalita dahil sa aking mga narinig.




Alam kong medyo below the belt yung mga nabitiwan kong salita at tiyak na nasaktan ko ang damdamin ni Lui. Ang damdamin ng taong nagtyagang samahan ako sa nakalipas na dalawang taon. Ang taong tyinaga ang kasungitan at mga topak ko. I feel bad na nasabihan ko siya ng mga ganung bagay. Naiintindihan ko naman ang concern niya. At sobra ko iyong naappreciate.



Halos sa buong biyahe namin pabalik ng Laguna ay hindi na kami nag-imikan. Alam kong may tampo siya sa akin at hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahihiya ako sa mga pinaggagawa ko. Hindi ko alam kung hobby ko na pasamain ang loob ng mga taong nagmamahal sa akin pero ganun kasi ang lagi kong nagagawa. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang ginawa ko kay Aki. Bigla namang nangilid ang luha ko ng maisip ang mga pinaggagawa ko sa mga taong nakapaligid sa akin. 



Nang makarating kami sa tapat ng aking apartment ay wala pa ding kibo si Lui. Balak kong palipasin muna ang init ng kanyang ulo bago siya kausapin kaya binuksan ko na lang ang pinto ng kotse at tahimik na bumaba. Tumayo ako sa harap ng gate namin para sana hintayin na makalayo ang kotse niya bago pumasok pero bigla ring bumukas ang pintuan ni Lui at bumaba ito ng kotse. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin ng nakayuko. Hindi ko alam kung anung balak niyang gawin o sabihin.



"I'm sorry about what i said i guess i just ....", hindi ko na pinatapos si Lui sa kanyang sasabihin at agad ko siyang niyakap. Wala akong pakialam kung may makakita sa amin basta awtomatikong bumalot ang aking mga bisig sa kanyang katawan.



Hindi ko man siya mahal bilang isang boyfriend, mahal na mahal ko naman siya bilang isang kaibigan at hindi ko maatim na nasaktan ko ang kanyang damdamin kanina.



"Gago ka ba? Bakit ka nagsosorry?", sabi ko habang yakap siya at unti-unting pumapatak ang aking luha. Matagal ko ng tinigilan ang pagiging iyakin pero sa pagkakataong ito ay di ko napihilan ang pagtulo ng aking luha. Bibihira kasi kami mag-away ni Lui. Madalas na hindi kami magkasundo sa mga gusto namin pero hindi pa kami umabot sa sagutan tulad ng kanina.



"Kasi... ano... oa yung reaksyon ko.... kasi ano... nag-ano... hmmm... nagselos ako?", medyo nauutal niyang sagot. Hindi ko naman mapigilang matawa sa sinabi niya.



"Tado ka talaga.", yun na lang ang nasabi ko at lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Naramdaman ko din ang pagbalot ng kanya matipunong braso sa akin.



"Ayaw ko kasi talaga na makita ka uling masaktan. Kung gusto mo siya, i mean si Renz, ok lang naman sa akin. Sabi ko naman sayo tanggap ko na kung hanggang saan lang tayo pero hangga't kaya ko, hanggang may magagawa ako gusto ko na siguruhing di ka na masasaktan uli.", sinserong sabi ni Lui na lalo lamang nagpaiyak sa akin. Damang-dama ko kasi ang concern sa bawat salitang binitawan niya.



"Salamat. Malas man ako sa love ang swerte ko naman sa kaibigan. Sori sa mga nasabi ko, masama kasi talaga ugali ko kaya ganun. Pero sobra kong na-appreciate yung mga ginawa mo para sa akin. Salamat Lui, sobrang thank you!"



"Wala yon. Tama na nga to, nagdadrama ka na naman eh.", natatawang sabi ni Lui. Inalis niya ako sa pagkakayakap sa kanya at saka pinahid ang luha sa aking mata.



"Dito ka na lang matulog.", nakangiti kong imbitasyon kay Lui.



"Talaga?! Pwede?!", magiliw na tanong ni Lui sabay ngiting maloko.



"Hoy umayos ka, tatadyakan kita! Magpakabait ka kundi kakaladkarin kita palabas.", nagbabanta kong sagot kay Lui. 



"Hahaha opo, pramis."





...to be contd....










13 comments:

  1. eeeehhhhhhhh,., mas kinikilig ako ngyon,., hahah,., ikaw na kyle,. raming may gusto saio,. haha

    ReplyDelete
  2. Thank you sa pag-a-update Sir Crayon. Grabe, its really worth the wait. Kinakabahan pa nga ako habang binabasa ko 'to eh. Hahahaha! F na F ko masyado. ☺

    Hope to see the next chapters soon! ☺

    ReplyDelete
  3. Y0n ohh wlang kupas pring.,,worth it ang paghihintay ko ni2.,napakaganda talaga ni2 excited s nxt chapters.,

    Julmax

    ReplyDelete
  4. Finally! After 10 million years. LOL. JK!
    Ang ganda pa rin talaga ng story mo Mr. Author. Nakaka-excite!

    ReplyDelete
  5. nang nagsabog ng swerte nasalo na ata lahat ni kyle..

    i envy him


    pero kilig much..

    kawawa nman c lui

    ReplyDelete
  6. Sa LSI 1, Aki-Kyle ako. Pero this time, I think I'm gonna switch sides. Renz-Kyle na ko. Hihihi! Thank you dito author! ;)

    Bleep

    ReplyDelete
  7. Sulit na sulit ang paghihintay.. binasa Ko ulit ung 3 chapters..



    Arejay kerisawa

    ReplyDelete
  8. kuya crayon!! ASAN SI ACHILLES? I DEMAND NA IPALABAS MO SYA NEXT POST MO. hahahaha. galing, medyo naawa na ako kay lui, d sya crush ng crush nya, friendzoned pa :( haha nice post! galing ng development ng story line mo sana medyo lumitaw rin si alvin may hinala nako pero next time ko na sasabihin pag tama.

    anyways. galing hahah wala parin kupas, tapos na basa mode ko so kudos kuya! maligayang pagbabalik sa pagsulat. and gaya nga ng sabi ko team AKI-KYLE ako!!

    -ichigo XD

    ReplyDelete
  9. Huyyyy' bigyan nyo naman nang momment si Lui tsaka si kyle!.pero aki-kyle prin talaga ko :)

    -Kyo

    ReplyDelete
  10. Na-miss ko naman bigla yung endearment nilang "starfish" at "jellyfish". Next chapter na Kuya Crayon. :)

    ReplyDelete
  11. kainis book 1 hanggang book 2 ang ganda ng story kaloka k

    ReplyDelete
  12. asan na ang mga nxt chapters?

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails