Followers

Monday, August 12, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 6]





Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 6]





By: Crayon






****Aki****





10:09 pm, Monday
April 19






Kanina pa ako nakahiga sa aking kama ngunit hindi ako dinadalaw ng antok. I feel restless. Napakadaming mga tanong na pumapasok sa isip ko pero kahit isa sa mga ito ay hindi ko hinanapan ng sagot. Natatakot ako sa mga maaring sagot na makuha ko.



Makalipas ang tatlumpong minuto ay bumangon ako sa aking kama. Tinungo ko ang isang maliit na terrace sa aking kwarto at nagsindi ng yosi. 



He seemed very much in order now. I can tell from his resume that he just graduated from college months ago, something i've been wanting him to accomplish even before. Not just that he's in order now, he is physically at his best. Wearing those tight blue long sleeves, three buttons on top spread open showing his wide muscular chest which narrows down as it goes toward his waist. Tempting. I would have make love with him right then and there. 



I had to remind myself several times to just look on his resume while we were doing the interview earlier because i know that i won't be able to stop staring at his face, which isn't healthy for me.  Quick glances at his face could melt away the anger in me. His body built may have changed resulting to an aura of sexiness but he still have those charms in his eyes that i can never resist.



He might have changed physically but i know he's still the Kyle i met years back. Flirt. Liberated. Deceiving. Dangerous.  Not worthy of my trust. I'm glad that i manage to keep my resolve during the interview. I had to constantly remind myself that i have to keep things as formal and professional as possible. 



I remember asking him if he is worthy of my trust. His reaction was remarkable. I knew i hit a nerve, like someone just slapped him in the face. I can't help smiling. Maybe i was seeking vengeance. To make him feel even a little of the hurt i've had. A sharp fang of guilt went through me. 



Humithit akong muli ng yosi. Pilit kong inisip na tama lang yung ginawa ko at wala pa iyon sa kalingkingan ng pinagdaanan ko sa kanya.



Then i remember the guy holding his hand when he was out. I think his name is Lui, Kyle's boyfriend. Surprisingly, they lasted for two years. I don't know what's keeping them together. I doubt if it's love. Kyle can hardly stick to a partner for more than a month and definitely not the kind of guy who understands what love is.



The biggest question i have in my mind is why i hired him. Am i hoping that he would love me this time? I immediately dismiss the idea. Making the same mistake twice is enough, doing it for the third time is plain stupidity.



He was actually recommended by Sam. She thinks Kyle is the only applicant qualified for the job. At least the only applicant that can stand my tantrums. Is that why i accepted him as an assistant?



Or am i really seeking for revenge? I'm not sure if that was it but i'm certain that i will give him the cold shoulder. I will keep my distance, guard my feelings, and make him feel that i'm not the Aki that he used to play with. I'm no longer a piece in his silly games. It's time for me to have fun. Toy with his emotions. Play the same tricks he used on me. Make him feel he's worthless.



I went back to bed and tried to get some sleep.









****Kyle****







1:30 am, Tuesday
April 20






Napakagulo na ng bedsheet ko dahil sa paulit-ulit kong pagbiling. Limangdaang tupa na ang aking nabilang pero hindi pa rin ako makatulog. Ilang oras na akong pumikit at uminom na rin ako ng gatas pero hindi iyon nakatulong sa aking sitwasyon. Paulit-ulit kong naiisip ang mga nangyari kanina sa aking interview.



Gusto kong makita si Aki para humingi ng tawad sa mga nagawa ko pero parang kailangan ko muna iyong ipagpaliban. Kahit hindi niya sabihing galit siya ay ramdam ko sa bawat blangkong tingin niya na kinasusuklaman niya ako. Lalo na nung tinanong niya ako kung mapagkakatiwalaan ba ako. 



Isa-isang bumabalik sa akin ang mga nagawa niya para sa akin na binalewala ko lang. Ang pagdadala niya sa akin sa kanyang condo nung makita niya akong nababasa ng ulan habang umiiyak. Ang pag-aalaga niya sa akin habang may sakit ako at pagpaparamdam sa akin na karapat dapat akong mahalin. Ang magdamag niyang paghahanap sa akin nung nabangga ako ni Lui sa Antipolo. Ang simpleng surpresa niya sa akin nung birthday ko. Ang matiyaga niyang pagpapasaya sa akin habang magkausap kami o magkatext kami. Lahat iyon binalewala ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko noon. Iniisip ko na ako lang ang tanging taong may problema noon. Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko pinahalagahan ang anumang nagawa ng mga taong nagmamahal sa akin dahil sa pagkabulag ko sa pag-ibig. Dahil pa rin sa makasarili kong pagnanais na makalimot ay pinili kong ipagtabuyan si Aki sa pagsasabing may boyfriend na ako at hindi ko na siya kailangan pa para alagaan ako. 



Alam kong nasaktan ko siya ng mga panahon na iyon. Sa dami ng nagawa niya para sa akin ay hindi tama na ganun ko na lang siya ipinagtabuyan. Nilabanan ko ang pag-iyak. Huminga ako ng malalim hanggang sa makalma ko ang aking sarili.



Iniisip ko kung tama ba na tanggapin ko ang trabaho sa kumpanya nila Aki. Hindi ko kasi alam kung makakatulong iyon sa sitwasyon namin. Makalipas ang halos isang oras na pag-iisip ng mga pro at cons ng pagtatrabaho sa kumpanya nila ay napag desisyunan ko na ituloy ito. Kung tatanggi kasi ako ay lalo akong mahihirapan na maayos ang gusot sa pagitan namin ni Aki. Mas maganda na yung araw-araw kaming nagkikita at least may paraan para makausap ko siya, siguro naman sa pagdaan ng panahon ay magagawa niya akong patawarin. Tapos na ako sa pagtakbo sa mga problema, nagawa ko na iyon noon at wala naman masyadong magandang ibinunga iyon sa akin. Panahon na para ayusin ko ang mga pinsalang nagawa ko dahil sa pagiging makasarili noon.



Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Sisikapin ko na maibalik ang dati naming relasyon ni Aki bilang magkaibigan. Napaka-maintindihin naman ni Aki kaya umaasa ako na magkakaayos din kami. Alam kong hindi magiging madali ang gagawin ko lalo na't mukang naglagay si Aki ng pader sa pagitan naming dalawa pero handa akong magtiis.







-----------------------------------------





Matapos ang contract signing ko nung Wednesday sa kumpanya nila Aki ay nakatakda akong magsimula ng trabaho Huwebes ng susunod na linggo. Biyernes pa lang naman ngayon kaya may panahon pa ako na magpahinga bago ako magsimulang magtrabaho. Balak ko na ilaan ang mga natitirang araw sa aming bahay sa Bulacan. Since ipinangako ko kay Lui na ia-activate ko na ang aking mga account sa social media ay iyon ang pinagkaabalahan ko. Muntik naman akong lamunin ng facebook sa dami ng pinagbago nito. Madalas ay magkausap kami ni Lui sa Skype, kasalukuyan siyang busy sa pag-aasikaso ng kanilang business sa Rizal kaya wala din akong maaya na gumala.



Katatapos ko lang kumain ng muli akong mag-log in sa aking facebook account. May isa akong friend request. Renz Angelo Razon. Hindi ko muna in-accept sa halip ay tiningnan ko ang kanyang profile. Gwapo siya sa kanyang profile picture pero hindi siya nakangiti. Seryoso ang kanyang mukha, parang model. Sinubukan kong tingnan ang kanyang mga pictures pero naka-private ito. Gusto ko kasi makita ang itsura niya habang nakangiti. Namimiss ko na yung itsura niya habang nakatawa. In-accept ko ang kanyang friend request niya at binalikan ang kanyang album pero wala siya halos mga litrato na pwede kong tingnan. Halos puro cupcakes at kung anu-anong pagkain ang nakikita ko. Medyo nainis ako kaya bumalik na lang ako sa aking profile nang biglang may magchat sa akin.




Renz: Jellyfish?



Hindi ko mapigilang mapangiti. Namiss ko yung tawag niya sa akin na iyon.



Ako: hmmm? :)


Renz: kamusta ka? Namiss kita.


Ako: ok lang, ikaw starfish? :p


Renz: kala ko hindi mo na naaalala yung tawag mo sa akin.


Ako: hehe baka ikaw ang makalimot, walang utak ang starfish di ba?


Renz: kung magsalita ka parang andami namang brain cells ng jelly fish. Hehe  :) tsaka kahit walang utak ang starfish may puso naman kami. Yung puso ko di ka nakalimutan. :))



Natameme ako. Nag-init bigla ang aking mukha. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako nag-eexpect na ganito ang magiging takbo ng aming pag-uusap. Paulit-ulit kong binasa yung message niya.



Renz: uy?


Ako: sori, may ginagawa kasi ako.



Pagpapalusot ko sa kanya.



Renz: nakakaistorbo ba ako?


Ako: Hindi naman. Palitan mo yung profile picture mo.



Sabi ko para maiba ang usapan namin.



Renz: bakit?


Ako: hindi ka masyadong gwapo dun, hindi ka kasi nakangiti.


Renz: ok, saglit lang. :))


Hinintay ko na makabalik si Renz.


Renz: Ayan pinalitan ko na. Pwede na ba yan?:D



Ni-refresh ko yung profile niya. Malapad ang pagkakangiti niya sa picture habang nakaakbay sa akin. Mataba pa ako sa picture na iyon pero pareho kaming masaya. Kuha iyon mula sa isa sa mga gala namin na magkasama.



Ako: bakit kasama pa ako? Ang pangit ko. Hahaha


Renz: cute kaya. Totoy ka pa jan oh. Hahaha


Ako: hahaha yabang mo.


Renz: joke lang kahit naman nung mataba ka pa, pogi ka naman eh. 


Ako: lakas mo mang-uto! Ikaw bakit ang payat mo ngayon? Puro siguro kalaswaan ang ginagawa mo kaya ka namamayat.


Renz: hahaha wala nga eh... mabait na ako no!? Pramis ko kasi dun sa taong mahal ko na hihintayin ko siya bumalik kaya nagpakabait ako habang wala siya. :))


Ako kaya ang tinutukoy ni Aki. Ayaw ko mag-assume kaya sinubukan kong tapusin na ang topic na iyon.


Ako: magpataba ka na ng kaunti para pagbalik nung hinahantay mo gwapong-gwapo ka na. :))


Renz: tingin mo kapag nagpataba ako, mai-in love uli sa akin yung taong gusto ko?


Ako: siguro, anung malay natin. Hehe anu namang pinagkakaabalahan mo ngayon?


Renz: may business ako na minamanage.


Ako: mabuti naman at nagpapakatino ka na. :)


Renz: ikaw anong plano mo ngayong grad ka na?


Ako: may nakuha na akong trabaho, magstart na ako next week.



Pinili kong hindi na banggitin na kasama ko si Aki sa papasukan kong kumpanya.



Renz: may gagawin ka ba bukas?


Ako: wala naman ikaw ba ano balak mo gawin?


Renz: wala naman masyado, iisipin ka lang maghapon. ;P


Ako: hahaha tarantado ka talaga. Pagnanasahan mo pa ako ha!


Renz: bakit hindi?



Hindi na ako nag-reply kay renz dahil wala na akong maisip na sabihin sa kanya. Naglalaro na lang ako ng candy crush ng mag-message siyang muli.



Renz: hindi mo alam kung gaano kita namiss Kyle. Sobrang saya ko kasi hindi mo ko ini-snob. Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo at pangako kong babawi ako sayo. Salamat Kyle. Ingat ka palagi jellyfish, miss ka ng makabonding ni starfish. Goodnight Kyle ko.



Hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko, paulit-ulit kong binalikan ang mga sinabi niya. Hindi ko na binigyan pa ng anumang kulay ang bawat kataga niya. Basta masaya ako na medyo ok na kami ni Renz. Sa ngayon ay nawala na ang aking alalahanin na baka galit siya sa akin. Mas may pag-asa na na maibalik namin ang aming dating pagkakaibigan.




Mabilis na lumipas ang mga araw at nakuha ko naman ang pahingang gusto ko. Kadalasan ay nasa kwarto lamang ako at nagi-internet, kundi si Lui ay si Renz ang kausap ko sa Skype o Facebook. Masyadong naging busy na din si Lui kaya hindi na rin kami gaano makalabas na dalawa. Si Renz naman ay paminsan-minsan akong inaaya na lumabas pero tumatanggi ako dahil gusto kong maging mas kumportable muna kami sa isa't-isa bago kami uli magkita para di gaanong awkward.






------------------------------------------------------------





Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili pero nakalusot pa rin sa aking nagtatagis na ngipin ang isang impit na mura. Wednesday ngayon, unang araw ko sa trabaho. Dapat ay makarating ako sa opisina ng alas-otso, pero 8:15 na at nakaupo pa rin ako sa sinasakyan kong taxi.



Nakatigil kami sa crossing sa Edsa bandang Shaw blvd hinihintay namin na mag-go yung stoplight, nate-tempt ako na bumaba ng taxi at sumakay na lamang ng mrt pero naisip ko agad ang kapal ng taong sasalubungin ko kung nagkataon.



Tiningnan ko ang aking cellphone, wala pa naman text mula kay Sam. Sinubukan ko muling kumalma, wala naman kasing sense kung magpapatalo ako sa inis na nararamdaman ko. Maya-maya ay umandar na kaming muli. Lumiko kami papasok ng gasolinahan sa may Polymedic, mas madalang ang sasakyan sa dinaraanan namin mukhang may alam na alternate route si manong driver. Medyo nabuhayan naman ako ng pag -asa doon. Makalipas lang ang halos 30 minuto ay nasa Makati na kami.



Nagmamadali akong pumasok ng building, tinungo ang elevator na papasara na sana at nakipagsiksikan sa mga tao sa loob. Nang sumara ang pinto ay nakita ko ang aking sariling repleksyon. Ok pa naman ang aking itsura. Pale yellow na long sleeves, kurbata at slacks na pants. Mukha pa naman akong presentable. Nang makarating sa floor na pagtatrabahuhan ko ay lakad takbo kong tinungo ang opisina ng Ceo. 



Pagbukas ko ng pinto ay napatingin sa ako direksyon ko si Sam, mukhang nagulat siya dahil aminado naman ako na medyo naibalibag ko yung pinto sa pagmamadali. Nakita ko siyang umiling habang natatawa.



"Sorry. Traffic.", nakangisi kong turan. Buti na lamang at mabait talaga si Sam. Walang bakas ng galit sa kanyang mukha.



"Ilagay mo muna yang gamit mo diyan at sumunod ka sa akin.", wika ni Sam. Maayos kong ipinatong ang gamit ko sa lamesang tinuro ni Sam at saka ko inayos ng konti ang aking sarili saka sumunod sa kanya.



Tinungo namin ang opisina ng Ceo, marahang kumatok si Sam saka binuksan ang pinto. Nasa likuran lang ako ni Sam kaya kitang kita ng dalawang mata ko ang nagaganap sa loob ng kwarto. May seksing babaeng nakakandong kay Aki habang nagsasalo sila sa isang mainit na halikan.



Gusto kong ipikit ang aking mata tulad ng ginagawa ko noong bata pa ako kapag nakakakita ng naghahalikan sa tv pero huli na para gawin yon. 



Umubo ng konti si Sam para kunin ang atensyon ng dalawa. Hindi naman siya nabigo at nilingon kami ni Aki. Agad tumayo ang babae sa kanyang kandungan at tinungo ang upuan sa harap ng lamesa ni Aki. 



"Yes, Sam what can i do for you?", pormal na wika ni Aki, walang bakas na nai-ilang siya na nahuli siya ng kanyang sekretarya sa ginagawa nilang kamunduhan nung babae. 



"I just thought you should know that Mr Quijano has arrived.",sagot ni Sam. Binigyan naman niya ako ng daan para makapasok ako sa loob ng opisina.



"What time is it?", tanong muli ni Aki kay Sam habang humahakbang ako papasok sa opisinang iyon.



"8:43.", maiksing sagot ni Sam.



"I hope this will not be a habit Mr Qiujano, you're suppose to be at work by 8 o'clock. That's a very simple instruction. I hope you're not having a hard time following that.", mataray na sabi ni Aki sa akin. Napayuko na lamang ako saka sumagot. Nakakahiya naman kasi talaga na late akong dumating sa unang araw ng trabaho ko.



"Yes sir, this won't happen again.", mahina kong sabi.



"One more thing, meet Ms. Lyka Alejandrino.", turo ni Aki sa babaeng nakaupo sa tapat niya na kanina lamang ay kahalikan niya. Sinubukan kong ngitian ang babae at sinuklian lamang ako nito ng isang tipid na ngiti.



"She will be my assistant as well. Sam, why don't you talk to Mr Quijano about our company rules, especially with regards to attendance.", kung hindi ako nagkakamali ay may halong sarkasmo ang pagkakasabi ni Aki. Tila iniinis talaga ako o binubuyo ako dahil sa aking pagiging late. Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman ako sa posisyon na mangatwiran o kumontra sa kanya. 



"Let's go Kyle, we'll talk about the company's code of discipline, like when and where to kiss and not to kiss your associate.", malakas na sabi ni Sam ng may sarkasmo. 



Sigurado akong narinig iyon nila Aki kaya napalingon pa ako sa kanilang direksyon habang papalabas kami ng opisina niya. Nakita ko ang masamang tingin na ibinabato ng dalawa sa amin ni Sam. Nakakunot ang noo ni Aki habang nanlilisik ang mga mata ni Lyka. Binalewala ko na lamang ang mga titig na iyon dahil sa pakiramdam ko ay pinagtanggol ako ni Sam sa ginawang pamamahiya ni Aki kanina.



Nang maisara ko ang pinto sa opisina ni Aki ay muling nagsalita si Sam.



"Alam mo ayaw ko talaga sa babaeng yon! Nagsisisi ako na ipinasa ko pa siya noon sa initial interview sa akin. I should've sensed it! Makati siyang babae at hindi siya nababagay sa opisinang 'to!", nilingon ako ni Sam para tingnan ang aking reaksyon pero nanatili lamang akong nakatitig sa kanya.



Hindi ko magawang magsalita dahil sa hindi pa talaga ako maka-get over sa aking nakita at hindi ko rin inaaasahan ang reaksyong ganoon mula kay Sam. Sanay ako na kalmado lamang siya at laging nakangiti. Hindi ko pa siya nakitang galit.



"Okay ka lang? Kelangan ko ng suporta? Hello? ", wika ni Sam. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kanyang mga sinabi.



"Kalma lang.", nakangiti kong sabi.



"Ang gwapo mo naman talaga no? May girlfriend ka na?", usisa niya sa akin.




"Ha? Ano?", nabigla ako ng ibaling niya sa akin ang topic.



"Ay bingi, sayang naman. May jowa ka na ba kako?"



"Ah, wala. Bakit mo natanong?", hindi niya ako sinagot sa halip ay inamoy -amoy niya akong parang aso at saka ako inikutan.



"Hoy, anung ginagawa mo ?", tanong ko sa kanya dahil na-conscious ako na baka amoy pawis na ako ng mga oras na iyon.



"Wala naman, inaamoy ko lang kung bading ka. Sa gwapo mo kasing yan parang imposible naman na wala kang boyfriend.", dire-diretsong sabi ni Sam. Natawa naman akong muli doon. Magaan ang loob ko kay Sam at pakiramdam ko naman ay maaari ko siyan pagkatiwalaan.



"Hindi mo naman ako kelangan amuyin pa, pwede mo namang tanungin na lang ako."



"So, are you gay?", walang alinlangang tanong niya sa akin.



"Yes.", maiksi kong sagot.



Nanlaki naman ang mata ni Sam at tinakpan pa ng isa niyang kamay ang kanyang bibig habang dahan-dahang umaatras palayo sa akin. Lalo lamang akong natatawa sa knayang gingawa, natural siyang makulit at kengkoy.



"OA naman ng reaksyon mo.", komento ko.



"Bakit kayo ganyan!? Lahat na lang ng gwapo at masarap, gwapo din ang hanap?!", hysterical na sabi ni Sam.



"Haha, hindi ko na kasalanan yon no."



"Kahit na nakakalungkot pa ding isipin. Buti na lang pala at nakakuha na ko ng sarili kong papa kasi nagkakaubusan na pala."



"Kasal ka na?"



"Engaged." , nakangiti niyang sabi sakin habang pinapakita ang kanyang engagement ring. 



"Congrats, nga pala sino yung Lyka sa loob?"



"Ay, oo nga! Siya ang mala-higad mong makakasama sa trabaho. Dalawa kasi ang kailangan ni Aki na assistant. Ayun sa kasamaang palad ay nagdala pa ako ng bagong kaaway dito sa opisina.", mahabang sabi ni Sam.



"Kaaway? Bakit? May ginawa ba siya sayong di maganda?", tanong ko.



"Wala naman pero kita mo naman di ba kung gaano kakamandag ang isang yon? Unang araw pa lang sinunggaban na agad ang labi ng boss niya. Tsaka may pagkamdilta talaga ang isang yon. Malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi ko siya makakasundo. Kaya mag-ingat ka din mamaya pikutin ka ng isang iyon. Mahirap na."



"Grabe ka naman.", iyon na lamang ang nasabi ko. "Huwag mo na isipin yon. Di hamak naman na mas maganda ka tsaka mas seksi kesa sa kanya. Discuss mo na lang yung pinapadiscuss ni Aki."



"Thank you, pero teka bakit Aki ang tawag mo kay Mr. del Valle? Ako lang naman ang nakakaalam ng nickname niya ah.", naguguluhang tanong ni Sam.



"Ha? Iyon kasi ang narinig kong itinawag mo sa kanya kanina eh.", palusot ko kay Sam. Kahit na magaan ang loob ko sa kanya ay hindi ako handa na malaman niya ang nakaraan namin ni Aki.



"Ah ok. Sige magsimula na nga tayo", nagsimula nang mag-monologue si Sam tungkol sa company's COD. Hindi ko naman magawang makinig dahil sa paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang nadatnan naming eksena sa loob ng opisina ni Aki.






....to be cont'd.....

14 comments:

  1. pwede pa update pa ng isang chapter ngayon???????? hehehe pleaseeeee

    ReplyDelete
  2. The usual super galing mambitin ni Mr. Author... thanks again sa updates... uulitin ko nalang basahin ulit... worth waitng for...


    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
  3. i really enjoy reading this!

    ReplyDelete
  4. is it too much to ask for more chapters! LSI, nkaka-addict! please please please more chapters! more power crayonbox!

    ReplyDelete
  5. BAT BITIN!!!!!!!! AKIIIIIIIII-KYLE MOMENT ASAN NAAA! hahahaha

    nice one kuya crayon! angaling. sana ma fast forward na yung weekend. ^.^

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  6. Bagong kyle.bagong renz.bagong aki...magkakaroon pa kaya ng love triangle. Excited lang sa manyayari. Tnx crayon.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  7. Nauubusan lagi ako ng adjective kapag idi-describe ko yung gawa mo Mr. Crayonbox. Hahaha! Basta fan ako ng story mo! :)

    Nakaka-touch yung palitan ng message nila Kyle and Renz, Lalo na yung may jellyfish and starfish part. Naks!

    ReplyDelete
  8. Wow exciting to ganda talaga.,, an0 paba hai basta ang ganda.,,

    Julmax

    ReplyDelete
  9. ang ganda crayon box, sana dagdagan mo pa ng dalawang chapter from 3 chaps to five he he he he super galing mo author, pero in this chapter nabawasan na ang paghanga ko kang aki, sobra naman ang kanyang aura he he he kay renz na lang si kyle sobra na si akipara na syang nakalutang kay CEO na.Ako yong ng comment sa final chapter sa book 1 na si aki na lang kasi gentleman, pero ngayon bumaliktad na siya, sana hindi pa huli ang lahat para kay aki

    ReplyDelete
  10. kuya kaylan next chapter im super kilig... making selos to kyle haha it really makes me super excited haha pls update po tnx

    ReplyDelete
  11. crayon at his best...



    -kiko of sk

    ReplyDelete
  12. Mas bet kong si aki yung makatuluyan nya sa huli!

    -Kyo

    ReplyDelete
  13. author please paki sundan na po mga 10 chapters please...

    plluuueeeaaasssseee...

    mas maayos si kyle with Lui.. hehehehe

    at least virgin pa si lui sa maka mundong kasalanan ng mga bi. una pa nya si kyle..

    peace out..

    ReplyDelete
  14. author please paki sundan na po mga 10 chapters please...

    plluuueeeaaasssseee...

    mas maayos si kyle with Lui.. hehehehe

    at least virgin pa si lui sa maka mundong kasalanan ng mga bi. una pa nya si kyle..

    peace out..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails