Followers

Monday, August 12, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 5]







Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 5]





By: Crayon






****Kyle****






8:00 am, Monday
April 19






"Lui, natatae ata ako.", bigla kong sabe kay Lui habang nagmamaneho siya at nagkukwento ng kung anu na hindi ko naman maintindihan. 



Papunta kami sa aking job interview sa Makati. Nakakita ako ng ad para sa isang job opening bilang isang executive assistant. Naghahanap ng fresh grad ng math related courses ang isang malaking kumpanya sa Makati. Nang makita ko ang ad na iyon ay halos lumuwa ang mata ko sa laki ng offer. Kahit diskumpyado ay nagsend pa din ako ng resume sa email. Baka sakaling mapansin ako, di naman ako nabigo at nakatanggap ako ng tawag mula sa kumpanya at na-schedule ako ng interview ngayong araw na ito.



"Ha? Seryoso ka? Nagpapabida ako sayo tapos sasabihan mo lang ako na natatae ka.", nagdadamdam na sabi ni Lui.



"Sorry, kinakabahan kasi ako eh.",tinawanan niya ako sa narinig.



"Haha, hindi naman ito ang first job interview mo di ba? Nagtrabaho ka na before sa call center di ba?", tanong ni Lui.



"Oo.", maiksi kong sabi.



"Eh, bakit kinakabahan ka pa?"



"Eh kasi iba naman iyon. Tiyak na madameng magagaling na mag-aapply din sa laki ng offer nung kumpanya. Pano kung di ako ang mapili?", malungkot kong sabi.



"Hindi yan, ikaw pa! Kindatan mo lang yung nag-iinterview sayo tiyak na pasok ka na!", pagpapalakas ni Lui ng loob ko.



"Siraulo! Wag na lang kaya tayo tumuloy?", pinanghihinaan na ako ng loob para kasing hindi naman ako papasa sa standards ng kumpanya.



"Sige! Wag ka na tumuloy, magcheck-in na lang tayo!", nakangising sagot ni Lui.



"Sipain kaya kita palabas ng kotse mo?!", naiinis ko ng sabi kay Lui.



"Haha, kalma lang! Alam mo Kyle wag mo masyado isipin yan, wag mo masyado i-entertain ang kaba kasi hindi naman yan makakatulong sa paghahanap mo ng trabaho. Try mo i-relax ang sarili mo, para kapag kinakausap ka na ng interviewee ay makasagot ka ng maayos."



Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi niya.



"Sige ganito, kapag nakapasa ka. Ililibre kita ng dinner, ok ba yun?"



"Magpapalibre naman talaga ako sayo kahit di ako makapasa eh.",biro kong sagot para mabawasan ang kaba ko.



"Grabe, abusado!",angal ni Lui na ikinatawa ko naman.



"Magbigay ka nga ng tanong na sa tingin mo itatanong sakin mamaya."



"Uhmmm, what is the real essence of a woman?", natatawang sagot ni Lui.



"Napaka-abnoy mo talaga!", lalo lamang tumawa si Lui sa mga sinabi ko.






-----------------------------------------------




Dumating kami sa building ng kumpanya na inaapplyan ko bandang 8:30 na, maaga pa naman ako dahil 9:00 ang schedule ng interview ko.



"Gala-gala lang ako ha, text mo ko kapag tapos ka na o kaya kapag gusto mo maglunch.", paalam sa akin ni Lui.



"Ok, text mo ko kapag di ka nagdri-drive ha?", tila batang pakiusap ko kay Lui. Tiyak kasi na matagal din ako maghihintay kaya gusto kong may ka-text para hindi ako mabore o mamatay sa kaba.



"Sige, God bless, galingan mo ha!", pagpapalakas niya ng loob ko, sinuklian ko lang iyon ng ngiti at bumaba na ako ng kotse.



Pagpasok ko ng building ay pinatuloy na ako ng guard sa 3rd floor para sa interview. Dumiretso ako sa waiting area kung nasaan ang iba pang mga aplikante. Pormal na pormal ang suot ng karamihan, para kaming aattend ng JS prom dahil may mga nakakurbata pa. Isang asul na long sleeves lamang ang suot ko na hapit sa aking katawan, iniwan ko pang bukas ang ilang butones. Naka-slacks ako na itim at itim na sapatos. Sa kabila noon ay pakiramdam ko na medyo hindi pormal ang suot ko kumpara sa mga katabi ko.



Saktong alas-9 ay may lumabas na magandang babae mula sa isang kwarto. Hawak niya ang kumpol ng mga papel sa kanyang kamay na sa tingin ko ay ang mga resume ng mga aplikante na inabot namin kanina sa guard na nasa bungad ng waiting area. 



Isa-isang nagbanggit ng mga pangalan ang sopistikadang babae. Nakinig akong mabuti at hinintay na matawag ang aking pangalan. 



"...Kylen Allen Quijano, those people i called please follow me.", agad akong tumayo at binitbit ang aking mga gamit. Sumunod kami sa babae sa kwarto na pinanggalingan niya. Isa pala iyong conference room. Nakaupo ang babae sa pinakahead ng table at pinaupo niya kami sa palibot ng mesa.



"Good morning guys! I'm Samantha or Sam, executive secretary of the CEO of this company. As you may know we are looking for another executive assistant that will work directly with the Ceo.", hindi ko mapigilang mapansin ang magandang aura ng babae. Hindi maipagkakailang maganda at seksi ito.



"We have a very competitive offer for the said position which means that we will only choose the person that is highly qualified for the job. Just do your best guys and i wish you all good luck. Just to give you an idea of what will happen, i will be conducting the initial interview, those people that will pass the interview will be taking a written examination, and whoever pass that point will be interviewed by the ceo of the company. It will be a long day for us so let's go ahead and start, Mr Marcelino Roque please follow me.", dire-diresong wika ng babae at nagpatuloy itong pumasok sa isa pang kwarto.



Labing-lima kaming nasa kwarto at sa tantya ko ay ako ang huling matatawag para sa interview. Tiningnan ko ang aking cellphone at wala pa akong natatanggap na text mula kay Lui. 



Makalipas ang humigit kumulang labinglimang minuto ay lumabas na yung unang ininterview, nakayuko lamang ito at diretsong lumabas ng kwarto. Maya-maya ay lumabas muli sa kwarto kung saan ginaganap ang interview yung magandang babae, tumawag siyang muli ng isa pang pangalan. Tumayo ang isang lalaking nakasalamin at sumunod kay Sam. Ang interview sa pangalawang lalaki ay mas matagal kaysa sa nauna, halos trenta minuto ata itong nasa loob ng kabilang silid. Nagulat na lamang ako nang muling lumitaw si Sam at tumawag ng isa pang pangalan. Hindi ko sigurado kung saan napunta yung pangalawang ininterview kasi hindi ko naman ito nakitang lumabas mula sa kabilang silid tulad ng nauna. Yung pangatlong ininterview ay nakita kong lumabas ng silid at umexit sa conference room pero yung pang-apat at yung pang-limang aplikante ay sigurado kong hindi lumabas mula sa kabilang silid. Nun ko lang napagtanto na marahil yung mga hindi lumabas ng silid ay nakapasa sa initial interview at maaaring nag-eexam na.



May dalawang oras na din akong naghihintay pero parang hindi nababawasan ang kaba ko. Nag-iisip ako ng mga sagot sa mga bagay na maaaring itanong sa akin. Pati yung birong tanong ni Lui kanina na 'what is the real essence of a woman?' ay inisipan ko na rin ng sagot. Para na kong tanga sa mga iniisip ko ng biglang nag-vibrate yung phone ko. Nang i-check ko ito ay si Lui pala iyon kinakamusta ako. Nireplyan ko naman siya upang mabaling sa iba ang atensyon ko. 



Dalawang oras pa ang lumipas bago tinawag ang pangalan ko, pangatlo ako sa huling tinawag. Marahil dahil sa sobrang anticipation ko at inip sa kakahintay ay wala na ako halos nerbyos na nadarama ng kinausap ako ni Sam. Hindi rin naman pala kasi mahihirap yung mga tanong niya. Mga usual na tanong lang sa isang interview, habang tumatagal ay nagiging mas casual yung mga question niya sa tingin ay tinitingnan niya lang kung anung klaseng personality ang meron ako at ang attitude ko towards working. 



"Thank you for your time Kyle, i appreciate talking to you.", nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Sam ay parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Alam ko na bagsak na ako sa interview kapag ganun ang mga linya. I try to gain my composure so i won't look like a sore loser.



"You may now, proceed to the next room and wait for me there. Join the rest of the applicants who passed the initial interview, after a few we'll start the written examination.", nakangiting sabi ni Sam. Para naman akong nakahinga ng maluwag sa narinig. Itinuro sa akin ni Sam ang pintong papasukan ko, nagpasalamat lamang ako sa kanya at dumiretso na sa kabilang silid. Naghihintay roon ang ibang aplikante nakapasa. Mula labinglima ay pito na lamang kami, may dalawa pang natitirang interviewhin kaya maaring madagdagan pa kami.



Nang makaupo kami ay agad kong kinuha ang aking phone at itinext si Lui para ipaaalam na nakapasa ako sa initial interview. Kinong-gratulate naman niya ako at minotivate na galingan pa sa mga natitirang steps sa application.



Wala pang isang oras ay binalikan na kami ni Sam. Sinabi niyang maglunch muna daw kami at bumalik na lang ng saktong 2:30 ng hapon para sa exam. Isang oras daw ang itatagal ng exam. Agad ko namang tinawagan si Lui para samahan akong kumain dahil nakaramdam din talaga ako ng gutom. Sinundo naman ako ni Lui ng kotse niya at dumiretso kami sa Greenbelt, hindi pa rin pala siya kumakain dahil hinihintay niya ako. 



Nagkwento lang ako kay Lui ng naging takbo ng interview ko at mataman lang siyang nakinig. Matapos kumain ay inaya ko na din siyang bumalik sa building na pinag-aapplyan ko dahil ayaw kong malate para sa exam.



Saktong 2:30 ng hapon ay nagsimula kaming mag-exam. Medyo nahirapan din ako sa mga tanong dahil karamihan ay tricky at kailangan mo talagang i-analyze para makuha ang tamang sagot. Sabay-sabay naming hinantay ang resulta ng exam sa loob ng conference room. After 30 minutes ay bumalik si Sam may tinawag siyang apat na aplikanye at pinasunod sa kanya sa kabilang silid ng conference room. Kinabahan na naman ako, dalawa lang kasi ang ibig sabihin ng mga nangyayari. Pwedeng yung mga tinawag ni Sam ay ang mga nakapasa at kaming mga naiwan ay ang mga bumagsak.



Maya-maya ay isa-isang naglabasan yung unang apat na aplikanteng tinawag ni Sam at lumabas sila ng conference room. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil nakapasa ako sa exam, pero itinago ko iyon dahil baka kung anu pa ang isipin ng mga kasama ko sa akin. Pare-pareho naman kaming naghirap na makarating sa puntong ito at ayaw kong isiping nilang nasisiyahan akong makitang di sila pumasa.



"Kyle, James, and Leah, congratulations you passed the exam. Please follow me we will go to the executive offices so we can be done with the final interview with the ceo.", nakangiting pahayag ni Sam. Agad naman kaming tumayo at sumunod kay Sam na lumabas ng conference room. 



Sumakay kami ng elevator at umangat ng ilan pang palapag papunta sa opisina ng CEO ng kumpanya. 



Habang naglalakad kami patungo sa opisina ng ceo ng kumpanya ay lalo naman akong kinakabahan. Pakiramdam ko ay magkakalat ako sa aking final interview. 



Pumasok kami sa isang kwarto sa palapag na iyon. Mukhang isa lang itong receiving area dahil mayroon pang isang pinto sa loob ng silid iyon. Nakasulat sa pinto ang titulong Chief Executive Officer. Pinaupo kami ni Sam at sinabing hintayin na tawagin niya ang aming pangalan. Pagkatapos noon ay binuksan niya ang pinto sa silid na iyon at pumasok sa loob. Wala naman kaming imikan ng mga kapwa ko aplikante. Marahil ay kabado rin sila sa gagawing final interview kaya hindi na sila nag-abala pa na kausapin ako.



Muling lumabas si Sam at pinasunod sa kanya ang babaeng nagngangalang Leah. May mahigit dalawampung minuto sa loob si Leah bago siya lumabas kasama si Sam.



"Kyle, you're next.", wika sa akin ni Sam. Agad na akong tumayo at sumunod sa kanya sa kabilang kwarto.



May glass wall na humahati sa silid na iyon. Pinatuloy ako ni Sam sa kinaroroonan ng CEO ng kumpanya saka siya umalis.



Maaliwalas ang loob ng opisina na pinasukan ko. May isang couch sa gilid katabi ng isang paso ng halaman. Sa gitna ng opisina ay isang malapad na mahogany table. Sa likod nito ay ang taong mag-iinterview sa akin. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod siyang nakaupo sa akin.



Nanatili lamang akong nakatayo. Nahihiya akong magsalita. Sa tingin ko naman ay alam ng taong ito ang aking presensya dahil pinaalam ni Sam na andito na ang susunod nitong i-interviewhin.  Ilang segundo pa ang lumipas bago nagsalita ang taong nasa likod ng malaking lamesa.



"Have a seat.", ma-awtoridad nitong sabi sa baritonong boses. Tila natauhan naman ako at umupo sa dalawang upuan sa harap ng lamesa.



"Kyle Allen Quijano.", dahan-dahang bigkas ng lalaki habang iniikot ang kanyang upuan paharap sa akin. Nang magtapat ang aming mukha ay para namang gusto kong mapatalon sa aking kinauupuan. 



Matikas ang pangangatawan ng lalaki. Nakasuot ito ng salamin habang tinitingnan ang mga nakasulat sa aking resume. Maamo pa rin ang kanyang mukha pero bakas ang pagkablangko ng kanyang mga mata. Tila isang napakagandang painting na masarap tingnan pero alam mong may kulang pa din. Walang emosyon.



"Fancy seeing you here.", noon lamang nagtaas ng tingin ang lalaki. Saglit ako nakakita ng pagkagulat sa kanyang mukha pero agad din iyong nawala. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa lalaki at bahagyang nakaawang ang aking bibig. 



"I hope you can still remember me, Achilles Ross del Valle.", seryosong sabi ng lalaki. Maging sa pagsasalita niya ay wala akong marinig na emosyon, masyadong pormal. Sa madaling sabi ay malayo sa dating Aki na kilala ko. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o gusto niya lang na maging pormal ang gagawin namin na interview.



Huminga ako ng malalim bago sumagot. 



"Of course.", yun lamang ang nasabi ko dahil medyo nanginginig pa ang aking boses. Kaya minabuti ko na lamang na tumahimik ng muli.



"Good. Well let's get down to business, shall we?", napatango na lamang ako.



"Why should we hire you?", panimula niyang tanong. Agad naman akong sumagot. Napaghandaan ko naman kasi ang ganitong klaseng mga tanong. Isinantabi ko muna ang pagkabigla sa muling pagkikita namin ni Aki. 



Marami pa siyang itinanong matapos yon at so far ay nasasagot ko naman ang bawat  tanong niya.



"You got the highest score in the exam we prepared for the applicants, you did well in your initial interview, you have a very good academic background, and so far you've been exceeding my expectations in this interview.", na-motivate naman ako sa mga naririnig ko, magpapasalamat na sana ako ng muli siyang magsalita.



"But i have one more concern,", bigla niyang bwelta sa akin. Mataman naman akong nakinig sa kanya sasabihin, para makapagsabi ako ng magandang rebuttal.



"I'm not sure if your worthy of my trust.", pagtatapos ni Aki sa kanyang sasabihin.



Boom! Natameme ako sa kanyang sinabi. Hindi ko mapigilang isipin na may halong personalan ang sinabi niya na iyon. Double meaning. Hindi ako agad nakasagot. Feeling ko ay ipinapamukha niya sa akin na kahit gaano ako kagaling ay hindi naman ako mapagkakatiwalaan. 



Gusto kong maglaho na lang na parang bula, sobra akong napahiya sa kanyang sinabi. Para ring nawala sa katinuan ang utak ko, dahil hindi ako makaisip ng magandang sagot sa kanyang sinabi.



Sinubukan kong tumingin sa kanyang mga mata. All i see was satisfaction. Tila natutuwa si Aki sa kinasasadlakan ko. Gumaganti ba siya? Maya-maya ay nakita kong tumaas ang isa niyang kilay, tila naiinip na siya sa aking sagot.



"If you will give me a chance, i can prove to you that i am trustworthy.", iyon lamang ang nasabi ko. Bigla namang dumilim ang ekspresyon ng kanyang mukha.



"Alright, you may go now ang just wait for my secretary to call you.", malamig niyang sabi at itinuon ang pansin sa papel ng susunod niyang kakausapin.



Tumayo ako sa aking kinauupuan at mabigat ang pakiramdam na lumabas ng opisina na iyon. Bumalik ako sa aking kinauupuan at tahimik na tumitig sa sahig.



Dalawang bagay lamang ang sigurado ng mga sandaling iyon. Una, tiyak na hindi ako makapapasa sa interview ko kay Aki. Pangalawa, galit si Aki si akin. 



Biglang bumigat ang aking pakiramdam dahil sa mga isiping iyon. Parang bumabalik sa akin ang bigat ng aking nagawang kasalanan kay Aki. Hindi ko naman din talaga inaasahan na magiging masaya siya sa muli naming pagkikita kaya hinanda ko na ang sarili ko na baka may mga bagay siyang masabi na hindi ko magugustuhan. Pero hindi ko ineexpect na ganito pala kasakit na maipamukha sayo na hindi ka mapagakakatiwalaan. Hindi rin ako sanay na yung taong dating nagtatanggol sa akin at nag-aalaga sa akin nung mga panahong nasasaktan ako ay may matinding galit sa akin ngayon.



Naalala ko bigla ang aming pag-uusap noon ni Alvin. Hindi raw ako marunong magtiwala kaya nawala sa akin noon si Renz, kaya naging magulo ang aking buhay. Hindi ako marunong magtiwala kaya hindi din ako dapat na pagkatiwalaan.



Lutang na ang aking isip mula ng matapos ang interview ko kay Aki. Hinihintay ko na lamang na matapos ang huling aplikante at ang magiging resulta ng aking application. Kung hindi nga lang kabastusan ay gusto ko na lang na mag-walk out dahil batid ko naman na hindi ako ang makatatanggap ng trabaho. Tiyak na ayaw naman akong makita ni Aki kaya hindi niya gagawing kunin akong assistant.



Matapos ang mahigit tatlumpung minuto ay lumabas na ang pangatlong aplikante. Sinabihan kami ni Sam na maghintay saglit, di naman siya natagalan at tinawag niyang muli yung dalawang kasama ko. Marahil ay sila ang napili para sa trabaho dahil dalawa din ang kailangan nilang aplikante ayon na rin sa ad na ipinost nila sa net. Maya-maya ay lumabas na yung dalawang kasama ko at dumiretso na palabas ng receiving area ng opisinang iyon. 



"Hi Kyle!", bati sa akin ni Sam habang nakatitig ako sa mga kasama ko na umalis na. Hindi na ako nakasagot kay Sam. Sinuklian ko na lamang siya ng isang tipid na ngiti.



"Tired already?", nakangiting tanong ng babae.



"Yeah, it's been a long day for me.", sagot ko.



"Don't worry it all pays off. You will be one of the new executive assistant of Mr del Valle. Congratulations!", masayang turan ni Sam. Nanlaki naman ang aking mata at medyo naiwang nakabukas ang aking bibig dahil sa narinig. 



"You're not expecting this, are you?", natatawang sabi ni Sam dahil sa reaksyon ko.



Napailing na lamang ako at tuluyan ng tumawa ng mahina si Sam.



"Why don't you go home now while you're trying to absorb what's happening, then i'll see you on Wednesday for your contract signing.", nakangiting sabi ni Sam. Tumango na lamang ako at nagpasalamat.



"Just keep your phone with you so i can let you know what time you need to be here, okay?"



"Sure."



"Great! You may go now and take care.", pagdi-dismiss sa akin ni Sam. Ngumiti lamang ako at muling nagpasalamat bago lumabas ng opisina.



Wala ako sa sariling lumabas ng opisina nila Aki. Lutang pa rin ang aking isip dahil hindi ako makapaniwala na natanggap ako sa trabaho. Hindi ko rin mapigilang isipin kung anu ang mangayayari sa araw-araw naming pagkikita ni Aki. Alam kong magiging awkward ang relation namin ni Aki dahil sa gusot na namamagitan sa amin. Dahil doon ay hindi ko rin magawang maging masaya. Parang gusto kong umatras na lang at wag ng tanggapin ang offer sa akin.



Naputol ang aking pag-iisip dahil sa pagvi-vibrate ng aking phone. Tumatawag si Lui.



"Hello?", walang gana kong sagot.



"Malapit ka na bang matapos diyan? Andito na ako sa baba ng building niyo, hintayin na lang kita dito."



"Ah sige, pasensya na kung natagalan. Tapos na kami, pababa na din ako diyan saglit lang.", sagot ko.



"Talaga? Anung nangyare? Natanggap ka ba?", sunod-sunod na tanong ni Lui.



"Mamaya ko na ikwekwento kapag baba ko."



"Oh sige, intayin na lang kita.  Bilisan mo nagugutom na din ako eh. Haha", natatawang sabi ni Lui. Nagpaalam na ako sa kanya at ibinalik na ang aking cellphone sa bulsa.



Noon ko lamang napansin na hindi pamilyar sa akin ang pasilyong nilalakaran ko. Parang hindi ko yata nadaanan ang lugar na ito kaninang umakyat kami. Dahil sa kalutangan ko ay maaring sa maling direksyon ako naglakad at hindi patungo sa elevator. Bumalik ako sa aking pinanggalingan, narating ko ang dulo ng pasilyo at pwede akong kumaliwa o kumanan. Hindi ko matandaan kung saan ako nanggaling dahil nakayuko ako kanina habang naglalakad at wala sa sarili. Wala din namang nagdadaan na pwede kong pagtanungan. 



Napagdesisyunan ko lumiko sa kaliwa, hindi naman siguro ganoon kalaki ang palapag na ito at tiyak naman na mahahanap ko rin yung daan palabas. Muli akong kumanan pero hindi ko nakita ang taong palapit sa akin dahil nakayuko ako.



Naramdaman ko ang pag-untog ng ulo ko sa matigas na dibdib ng aking nasa harapan.



"Oh, im sorry.", paumanhin ko sa nabangga ko. Nagtaas ako ng tingin at nagulat ako na si Aki pala ang aking kaharap. Lalo akong nataranta.



"Where are you going?", seryosong tanong niya, tila nanguusig. Hindi naman siya mukhang nasaktan o nainis sa aking pagkakabunggo. Katunayan ay blangko lang muli ang kanyang mukha.



"I'm a bit lost, i'm trying to find the elevator.", nahihiya kong sabi.



"This way.", matipid niyang sagot at saka nagpatiuna sa akin. Sumunod lamang ako sa kanya. 



Sakto naman na pagdating namin sa tapat ng pinto ng elevator ay bumukas ito. Sumakay din si Aki at sumunod ako. Kaming dalawa lamang ang laman ng elevator ng mga sandaling iyon. Mukhang pauwi na din siya dahil may bitbit na siyang bag sa balikat. 



Pagtaas ng aking kamay para pumindot ng button para makarating sa ground floor ay saktong pagpindot din ni Aki sa kaparehong button kaya nagpatong ang aming mga daliri. Agad ko namang binawi ang aking kamay na tila napaso.



"Sorry.", mahina kong sabi. Wala naman siyang imik at nakatuon lamang sa kanyang harap ang tingin.



Gusto ko sana siyang kausapin pero hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi rin siya nagsasalita at parang wala siyang kasama ng mga oras na iyon. Dahil doon ay tahimik lamang kami sa halos dalawang minuto naming inilagi sa elevator. Nang bumukas ang pinto ay nauna na akong lumabas ng elevator dahil busy siya sa kung anung ginagawa niya sa kanyang cellphone. Hindi na ako nagpaalam dahil mukhang hindi naman niya ako gustong makausap. Naramdaman kong nakasunod siya sa akin sa paglalakad pero ayaw ko naman siyang lingunin.



Nang makarating sa entrance ng building ay nakita ko naman agad si Aki. Mukhang kanina niya pa ako hinahantay dahil nakatingin siya sa entrance at nagliwanag ang mukha niya ng mapansin ako. Lumakad siya papalapit sa akin.



"Bakit natagalan ka? Saang floor ka ba galing? Tara na nagugutom na ako.", dire-diretsong sabi ni Lui at hindi na ako binigyan ng pagkakataong makasagot. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila na ako papunta sa parking. Nang lumingon ako sa bandang kanan ko ay nakita ko si Aki na nakatingin sa amin partikular sa magkahawak na kamay namin ni Lui. Nang makita ako ay agad niyang binawi ang tingin at tumalikod pabalik sa loob ng building.









....to be cont'd....

4 comments:

  1. Hhaayyyyyyy... ramdam na ramdam Korea ung bigat na nararamdaman nina kyle at aki.. sana sila parin sa huli...



    -arejay kerisawa

    ReplyDelete
  2. AYIEEEEEE. MALA FIFTY SHADES NABA TO KUYA CRAYON! AKI-KYLE ALL THE WAAAAY!!!

    still more than what i was hoping for! hahaha medyo late pero sulit parin!

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  3. ramdam ko ang mga emotions sa chapter na to.
    it's as if i am the character in the story. hehehe
    seems like it won't be easy for kyle to work with aki. pero sana wag siya sumuko agad.
    Team AKI-KYLE!! ♥♥

    -Ms.C

    ReplyDelete
  4. nice... galing..



    marc

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails