Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 4]
By: Crayon
****Renz****
10:30 am, Wednesday
April 14
Kahit na medyo inaantok at tinatamad ay pinilit ko na pumasok sa shop, wala kasi si Mama at walang maaasahang ibang maaring magbantay ngayong araw sa shop.
Mula nang itayo namin ang pastry and coffee shop ay naging tutok ako sa pagpapatakbo nito. Nagbunga naman ang aking pagtyatyaga at pagsisikap dahil maganda ang nagiging progreso ng shop at masasabing mainit ang naging pagtanggap ng publiko sa business ko.
Nasa loob lamang ako ng aking maliit na office sa shop at nirereview ang inventory last month, hindi ko magawang mag-focus sa aking gingagawa dahil laging pumapasok sa isip ko ang naging pagkikita namin ni Kyle. Tumatak sa isip ko ang itsura niya habang nakangiti at nakatingin sa akin ng dalhin siya sa aming lamesa ni Gelo.
Napakalaki ng ipinagbago ng kanyang itsura, nandoon pa din yung charm niya at cuteness, nadagdagan lang ng hotness dahil sa hubog ng katawan niya. Hindi ko masyadong nabibigyang pansin ang kanyang itsura noon dahil may katabaan siya at hindi ganoon ang gusto ko sa isang lalake. Pero kahit na sabihing hindi gumanda ang kanyang katawan ngayon ay batid kong hindi mababawasan ang aking pagmamahal sa kanya. Kumbaga ay bonus na lang sa akin na lalong gumanda ang dating niya ngayon.
Nakakalungkot lang dahil hindi ko siya nagawang kausapin kagabi. Base sa kinikilos niya ay mukhang wala naman na siyang sama ng loob sa akin, kaswal na kaswal ang kanyang galaw na parang walang masamang nangyare sa amin noon. Ipinagpapasalamat ko na hindi siya naiilang sa akin o hindi niya ginawang umalis agad ng makita ako. Kung hindi lamang siya inaya ng Lui na iyon ay malamang sa nakipag-inuman pa sa amin si Kyle ng mas matagal.
Hindi ko naman mapigilan mapaisip kung sino si Lui kay Kyle. Hindi naman siya ipinakilala ni Kyle bilang boyfriend niya pero sa ikinilos ni Lui at sa paghawak nito sa kamay ni Kyle ay mukhang may namamagitan sa kanila. Bigla kong naalala ang huli naming pag-uusap ni Aki, sinabihan ako nito na layuan na si Kyle dahil mayroon na itong karelasyon. Maaring ito yung lalaking tinutukoy ni Aki. Kung sila man ay wala akong pakialam, sigurado akong hindi ko naman mapipigilan ang sarili ko na maipadama na mahal ko si Kyle. Gagawa at gagawa ako ng paraan para magkalapit kaming muli. Matagal na panahon din ang nawala sa amin dahil sa katangahan ko kaya hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa.
Ang problema lang ay hindi ko nagawang kunin ang number ni Kyle o anumang impormasyon tungkol sa kanya. Sa madaling sabi ay wala pa rin akong paraan para magkaroon kami ng komunikasyon. Nainis ako sa isiping iyon. Aasa na naman ako sa tadhana kung kailan kami muling magkikita. Hindi ko napigilang kumawala ang isang buntong hininga.
Hindi ko lubos maisip kung paano naging kumplikado ang sitwasyon namin ni Kyle sa nakalipas na mga taon, gayunpaman ay masaya ako dahil nalinawan din ako sa tunay kong nararamdaman para sa kanya.
****Aki****
11:45 am, Wednesday
April 14
"Sir didiretso na po ba tayo sa opisina?", tanong sa akin si Sam. Siya ang naging sekretarya ko noon ng malipat ako sa site sa Davao. Nang ma-assign ako sa ibang bansa ay ni request ko na siya ang aking maging sekretarya dahil efficient at mahusay din naman talaga siya kung tutuusin. Nang malaman ni Samantha o Sam na nais ko siyang kuhanin bilang sekretarya sa Singapore ay labis niya itong kinatuwa.
"Sige, i want to meet the people that i will work with.", seryoso kong sagot ng walang ngiti.
"Aki, nasa Pinas na tayo. Paninindigan mo ba talaga yang pagiging terror boss mo hanggang dito?", maliban sa pagiging sekretarya ay isa ring kaibigan ang turing ko kay Sam. Mula ng muli kaming magkita ay hindi niya mapigilan ang pagpansin sa pagiging cold ko. Madalas niyang sinasabi na mas lumala daw ang kasungitan ko buhat ng umalis ako sa Davao.
"It works for me, i don't see why i should change. Besides this isn't sesame street i dont have to look so warm and friendly.", matabang kong sagot. Nakita ko lamang na umiling si Sam at hindi na nagsalita pa.
Walang ideya si Sam o kahit na sino sa nangyari sa akin buhat ng umalis ako mula sa Davao. Hindi ko ginawang magkwento ng anuman kay Sam. Pinili kong ibaon sa limot ang mga pangyayaring ayaw ko ng balikan pa kailanman.
------------------------------------------
"I am Achilles Ross del Valle. I will be the OIC of this site while Chairman is away. I will be staying for awhile so i wanted to be acquainted with the people i'll be dealing with. Please give a short introduction and background of your role in this company.", malamig kong sabi sa mga taong nakapalibot sa conference table na iyon. Nasa site na ako sa Makati at agad kong pinulong ang mga head ng iba't ibang department.
Isa-isang nagpakilala ang mga kausap ko. Karamihan sa kanila ay mga matatanda na. Pinaka-bata na siguro ang isang babaeng sa tantiya ko ay nasa 35 years old na. Matapos ang kanilang pagpapakilala ay nagsalitang muli ako.
"I won't be keeping you guys any longer. I just want to set your expectations that i plan to make some changes on this site that may affect the departments that you handle. I want a report presented on our next meeting regarding the status of the department each of you handle. That's it for now. I'll see you guys Monday.", dire-diretso kong sabi sa aking mga kausap.
Nang makalabas na ang lahat ay binalingan ko si Sam. "I want you to post ad on news papers and websites for a job vacancy. There's so much work to do here, i doubt if you and i can handle all those. Were looking for two executive assistants, i want fresh grads, accounting or any math major graduate. I need them by next week.", matulin namang tumitipa si Sam sa kanyang laptop habang nagbibigay ako ng utos.
"Okay, anything else?", tanong ni Sam.
"If you're going to post this on jobstreet or something like that, put there that we are offering 48k basic pay para mabilis na tayo makahanap.", tumango na lamang si Sam. "Ipahanda mo na din yung kotse uuwi na muna ako sa bahay."
****Kyle****
7:30 pm, Friday
April 16
"Kamusta pogi?", bati sa akin ni Lui habang papalapit siya sa lamesang pinaghihintayan ko sa kanya. Naisipan kasi namin na kumain sa labas bago ako umuwi sa bahay sa Bulacan bukas.
"Okay naman, ready na umuwi bukas.", nakangiti kong sagot sa kanya.
Tinawag naman ni Lui ang waiter at saka umorder para sa aming dalawa.
"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita sa inyo.", pangungulit ni Lui.
"Makulit ka din talaga no? Sinabi na ngang susunduin ako nila Mama bukas sa apartment ko.", natatawa kong sabi sa kanya.
"Mamimiss kasi kita eh. Hindi na tayo araw-araw magkikita.", lungkot-lungkutang sabi ni Lui.
"May cellphone naman eh, pwede mo kong tawagan o itext.", sagot ko.
"Gusto ko yung nakikita kita."
"I-aactivate ko na yung skype tsaka fb ko para sayo, happy?"
"Weh? Talaga? Gagawin mo yon?", hindi makapaniwalang tanong ni Lui.
"Oo nga, ayaw mo ba?", bigla namang lumungkot muli ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Gusto kaso hindi kita mayayakap kahit nakikita kita."
"Sinu naman nagsabing magpapayakap ako sayo?",agad kong pambabara sa kanya.
"Waaah!!! Ang sunget mo talaga! Pero mamimiss ko din yang kasungitan mo Kyle.", seryoso niyang sabi. "Yung kapogian ko tsaka yung sex appeal ko di mo ba mamimiss?", nakangisi niyang dagdag.
"Walang kupas talaga yang kayabangan mo.", natawa kami pareho sa kalokohan niya.
"Lui, thank you ha.", sinsero kong sabi.
"Bakit? Hindi ko naman sinabing lilibre kita ng dinner ah?", naguguluhan niyang tanong na ikinatawa kong muli.
"Hahaha, hindi iyon, mamaya na yung thank you ko dun. Ang sinasabi ko salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan. Salamat sa pagtyatyaga mo sa mga katopakan ko. Salamat kasi nandyan ka, pinatatawa ako nung mga panahong malungkot ako. Salamat kasi hindi mo ko iniwan kahit ilang beses kitang pinagtutulakan palayo. Salamat kasi hindi ka nawala bilang kaibigan kahit na di ko masuklian yung mga nararamdaman mo para sa akin.", nakita ko naman ang isang malapad na ngiti sa mukha ni Lui.
"Wala yun, masaya din naman ako na nakilala kita at naging kaibigan. Wag mo ko kakalimutan kahit may boyfriend ka na ah!", nakangiting sabi ni Lui.
"Oo naman. Pangako yan. Mamimiss kitang abnoy ka.", medyo naiiyak ako ng mga sandaling yon. Nasanay kasi ako na laging nandyan si Lui. Imagine halos 2 years akong nasa Laguna lang, walang ibang kaibigan, walang masyadong kinakausap maliban sa kanya.
May nakatakas nang luha sa aking mata dahil don. Tumayo naman si Lui at niyakap ako sa kinauupuan ko. Wala siyang pakialam sa mga taong makakakita sa amin.
"Wag ka nang umiyak. Di ba nga sabi mo magkikita pa tayo. Andito pa din ako para sayo. Mamimiss din kita sobra! Tsaka kapag pinaiyak ka uli nung mga nang-away sayo sabihan mo lang ako, sila naman ang sasagasaan ko.", hindi ko mapigilang matawa sa kanyang sinabi.
Sakto namang dumating na yung order namin at masaya kaming kumain na dalawa.
"Huy may gagawin ka ba sa Monday?", tanong ko kay Lui.
"Wala bakit?"
"Samahan mo naman ako. May interview ako sa Makati eh."
"Sige. Text mo na lang ako kung anung oras tayo magkita."
"Sige."
Matapos kami kumain ay uminom pa kami ni Lui ng kaunti para makapagkwentuhan pa kami bago kami maghiwalay bukas. Masaya ako ng gabing iyon. Hindi ko na siya pinatulog sa bahay dahil baka madatnan pa siya doon nila Mama kapag sinundo ako.
****Aki****
9:39 pm, Sunday
April 18
Tahimik kong iniinom ang aking kape sa terrace ng kwarto ko sa aming bahay sa Mandaluyong. Rinig ko ang ingay ng kasiyahan sa baba.
Nang makauwi ako ay labis ang tuwa ng aking pamilya. Matagal din kasi ang panahon na hindi nila ako nakasama. Kaya para makabawi ay pinili kong dito na lamang lumagi sa bahay namin kesa sa aking condo para matagal ko silang makasama. Wednesday ako dumating ng bansa at bukas ko pa balak na simulan ang aking trabaho.
Sa panahong nilagi ko sa bahay ay puro kwentuhan lang ang naganap sa pagitan namin ng aking mga magulang. Balak ni Mama na magkaroon ng isang malaking welcome party sa bahay, inawat ko siya at iminungkahi na isang maliit na lamang na reunion ang gawin. Kaya ayun hanggang ngayon ay walang tigil ang tawanan sa unang palapag ng aming bahay. Buong araw ay bumuhos ang dating ng aking mga kamag-anak. Nakipaginuman din ako kanina sa aking mga pinsan at mga tito. Masaya naman ang kinalabasn ng salu-salo pero maaga na akong nagpaalam na matulog dahil sa may pasok pa ako bukas.
Inuubos ko na lamang ang kape sa aking tasa bago ako magpahinga sa kama. Nagsindi ako ng yosi habang nakatingin sa kawalan. Matagal din akong di nakapagyosi dahil sa strikto sa no smoking policy ang Singapore.
Sa nakalipas na dalawang taon ay trabaho ang inasikaso
ko upang makalimot sa sakit. Hindi ko alam kung bitter akong matatawag pero tila may kinikimkim akong galit. Hindi ko alam kung para kanino basta masama ang loob ko. Hindi ko mapigilang isiping pinaglaruan lamang ang damdamin ko.
Agad ko pinaalis sa isipan ko ang mga bagay na iyon tulad ng lagi kong ginagawa. Hindi ko hinahayaan ang sarili ko na isipin pa ang ganung mga bagay. Pinili kong maging bato at manhid. Nagawa ko namang mabuhay sa dalawang taon kahit na ganoon.
Kahit anong pilit ko ay hindi ko mapigilang isipin kung anung gagawin ko kung sakaling makita ko si Kyle. Pilit kong sinisiksik sa isip ko na hindi ko na siya dapat pang pansinin, kausapin o bigyan ng importansya. Mainam pa na ituring ko lang siya bilang isang taong hindi ko kilala. Dapat noon ko pa ito ginawa pero nagpadaig ako sa bulong ng aking damdamin. At anung napala ko? Panibagong sakit.
Pero paano kung mangyari uli ang ganon? Sigurado ba akong wala na akong nararamdaman para sa kanya? Sigurado ba akong kapag kaharap ko na siya ay magagawa ko siyang hindi pansinin? Kaya ko bang turuan ang puso ko na maging manhid kapag kaharap ko siya?
Hinithit kong muli ang aking yosi at saka itinapon. Nag-toothbrush na din ako saka humiga sa aking kama.
Hindi mawala sa isip ko ang kung anung mangyayari kapag nagkita kami ni Kyle. Hinihiling ko na lang na wag muna kami magkita. Tutal malawak naman ang Maynila. Siguro ay sapat na ang lawak na iyon para hindi magtagpo muli ang aming landas. Ipinikit ko na ang aking mata at ipinahinga ang aking isip.
....to be cont'd...
Matagal ko inantay to ah, , , Isa lang po ba? sana talohin mo author napakaganda kasi eh
ReplyDeleteThanks sa story mo
tatlo po yan, hehehe andyan na po yung chapters 5 and 6... salamat po sa pagsubaybay.. :)
DeleteI love the way you write, Crayon! Ang tagal ko inantay itong new chapters.
ReplyDeleteKeep up the good work!
I'm genuinely a fan.
- IskoDiliman08
kawawa nman c aki..
ReplyDeletesna makamove on na sya..
tnx po sa update inaabangan ko tlga to.. more twist pa po sna sa story
<07>
Haayyyyyy salamat... the best talaga to...
ReplyDelete-arejay kerisawa