"Learning to love again."
Blue
"1:00 am na pala" saad ko sa sarili ko habang nakaupo sa gilid ng kalsada sa harap ng bahay namin.. Madalas kong ginagawa yun ang tumambay mag-isa ng ganung oras habang nakaheadset at nakikinig ng music.. Nag-iisip nagmumuni muni.. Hindi naman sinasadyang gumulong yung softdrink in can sa tabi ko pinagmasdan ko lang to hangang makarating sa gitna ng kalsada.. Bakit ako nag-eemo? Uhm bakit nga ba nageemote ang isang tao.. Broken hearted..? Iniwan ako ng girlfriend ko para mag-aral sa states.. Hanggang nabalitaan ko nalang isang araw na may iba na syang karelasyon duon..haixt tumingala naman ako saka pinagmasdan yung mga stars..
Sya yung Babaeng Minahal ko ng sobra... Yung tipong kaya kong ibigay lahat sumaya lang sya.. Pero nasayang lang lahat yun sa pagtalikod niya sakin.. Nagsimula naman tumulo yung luha ko.. Bakit ba iniiyakan ko parin sya hanggang ngayon.. 3 buwan na simula nung umalis sya pero yung sakit parang kahapon lang nangyare...Sana Isa nalang syang panaginip.. Para pag gising ko makakalimutan ko din sya. Muli lang akong tumingin sa mga star umaasang makikita yung mukha ni Angela duon.
Sabi nila lahat daw ng gusto mong makita.. Pwedeng mabuo sa mga stars.. Kailangan mo lang ikonek sila sa isat isa..isang falling star naman ang nahagip ng mata ko agad naman akong pumikit para magwish.." to love and be loved." bulong ko...
Maya maya lang ay nagpasya na kong tumayo para pumasok pero nilingon ko pa yung in can at nagpasyang kunin.. Kawawa naman yung mga naglilinis ng subdivision namin kapag iniwan ko to dito. Nagsimula naman akong maglakad para damputin to habang pinupunsan yung mga luhang tumulo sa pisnge ko..Ng mahagip ng mata ko isang motor na pagewang gewang.. Agad ko naman tinagal yung headset sa tenga ko.
"TABI!" sigaw nito.. Nataranta naman ako kaya hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. " tabi!!" sigaw pa uli ng nagmamaneho ng motor na patuloy lang sa pag gewang.. Pero dahil sa hindi ako gumalaw kinabig niya yung motor sa gilid dahilan para mabangga sya sa basurahan. Shit...agad naman akong lumapit sa kanya.
" Oh my god ok ka lang ba?"
" mukha ba kong ok?" sungit nito napatingin naman ako sa mukha niya. Ang gwapo.. Yung mapupula niyang labi at magandang mata teka bakit yun agad napansin ko... Umiling naman ako saka sya inalalayan tumayo. " sabi na kasing tumabi ka eh.?"
" di ka naman kasi ata marunong magmotor lakas ng loob mo magdrive.?" simangot ko. Nakita ko naman yung braso niya na may gasgas habang tinatayo niya yung motor niya. " may sugat ka ata oh?" nilapitan ko naman sya.
" gasgas lang yan.." saad niyang hindi man lang tumingin sakin.
" gamutin ko tumutulo yung dugo oh.. Kuha lang ako ng gamot sa loob.?"
" wag na.. Aalis na ko.?" Napagmasdan ko lang lalo yung mukha niya.. Saka umiling.
" magmomotor ka uli.. Antayin mo ko sandali lang." saad ko saka pmasok sa gate.. Nakita ko naman na sumandal sya sa motor niya kita ko lang yung pagsimangot niya.. Maya maya lumabas na ko dala yung box ng medicine kit.
" gasgas lang naman to.." simangot niya.
" Baka mainfection pa yan.. Akin na.."
" wait alcohol.?"
" yeah why..?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.
" wag nalang uwi nalang ako.. Malayo to sa bituka.. Sige na.." aktong tatalikod sya ng hawakan ko sya sa braso.." ouch" reklamo niya.
" masakit di ba..?"
" bakit mo hinawakan.? Baliw ka ba"
" gagamutin ko nga diba.. Steady ka lang." hinawakan ko naman yung braso niya saka nilagyan ng alcohol kita ko lang yung pawis niya sa noo habang kagat yung labi. Ang mestiso niya parang mas maputi pa sya sakin mukhang alaga yung balat niya..
" dahan dahan naman masakit..?"
" sabi mo nga malayo to sa bituka diba kalma lang.?" di naman sinasadyang mapatingin ako sa kanya habang pinupunasan ng bulak yung sugat niya kita ko lang na nakatingin sya sa mukha ko na ikinakunot ng noo ko. " marunong ka ba talagang magmotor?" tanong ko. Umiling naman sya.
" Ikaw marunong ka ba talaga mang gamot baka lalong lumala yang sugat ko?"binuhusan ko naman ng alcohol yung sugat niya.."ouch naman."
" Marunong ako don't worry?" ngiti ko sa kanya kita ko naman na titig na titig sya sa mukha ko. " bakit kasi nagdadrive ka hindi ka naman marunong?"
" nagpapractice nga ako kaya ganitong oras magmomotor para walang tao.?"
" ilang taon ka na saka taga saan ka?"
" 16.. Bago lang kami dito actually kahapon lang..? Ouch dahan dahanin mo naman?"
" tapos na lalagyan ko na ng gasa..next time konting ingat."
" nag-iingat naman ako kaso pahara hara ka sa daan.?"
" kasalanan ko pa talaga eh muntik mo na kong masagasaan?"
" Oo na nga sige na kasalanan ko na din.. Pero mas kasalanan mo kung bakit ako nagkasugat."
" oo na nga din parehas na tayong may kasalanan matahimik ka lang."
" bahay niyo?" turo niya sa bahay namin.
" yeah bakit?"
" wala lang ang laki huh.?"
" Im blue?" abot ko sa kamay ko. Kita ko naman na ngumiti sya.. That smiles..parang tumigil bigla yung mundo ko ng makita yung ngiti niya.. Parang kakaiba ang dating sakin..parang nakita ko na yun..
" blue? As in color blue.?"
" no blue as in sad and depressed?" saad ko habag naliligpit yung gamit sa medicine kit. Napatingin naman ako sa kanya kita ko lang yung pagtataka sa mukha niya. "why?"
" sabagay? Mukha ngang malungkot ka.. Pasensya na kung nasungitan kita kanina huh badtrip kasi papagalitan ako nito pag nalaman na naaksidente ako.?"
" Lagot ka talaga.?" saad ko papasok na sana ako sa loob ng makita syang umupo pa sa gilid ng kalsada. " kala ko uuwi ka na.?"
" maya maya.." maikling saad niya. Umupo naman ako malapit sa kanya.
" may problema ba.?"
" wala naman... Im Red.." abot niya sa kamay niya habang nakangiti.
" Red.?" hindi ko naman mapigilang matawa. " seriously?"
"Joke lang.. Aldred ." ngiti niya.. " ilang taon ka na.?"
" 15.?" saad ko na ikinatawa naman niya.
" mas matanda pala ako sayo.? Anong year mo na?"
" 4th year na ko.. Next month 16 na din ako.. Saan ba kayo banda nakatira.?"
" tanaw mo yung poste sa dulo na yun..?" napatingin naman ako sa tinuturo niya saka tumango.. "hindi kami dun..dun kami sa kabilang kalsada" natawa lang ako.
" ah baliw.."
" saan ka nagaaral.. ?"
" aphs.?"
" wow sa private ka..? Sabagay ang laki nga ng house niyo?"
" eh ikaw.?"
" sa public lang ako eh sayang hindi tayo magkaschoolmate noh.." natitigan ko naman yung mukha niya.. Gwapo sya.. Napakaamo ng mukha at yung smile niya.. Parang katulad ng smile ni Angela.. My ex girlfriend.. Tama Ngiti nga ni Angela..Tumungo naman ako para hindi niya mapansin yung lungkot sa mata ko.
" Bakit parang super lungkot mo?" maya maya tanong niya napalingon naman ako sa kanya kita ko lang yung ngiti sa labi niya.. That smile.. "napansin ko kanina nagpupunas ka ng luha mo nung nasa gitna ka ng kalsada?"
" Uhm wala lang hindi ka pa uuwi madaling araw na oh.?"
" Sunday naman bukas walang pasok hindi mo sinagot yung tanong ko.?"
" wala lang.. Gusto ko lang malungkot.?"
" ang labo nun bro,?"
" wala nga lang.. Hatid na kita sa inyo baka kung mapano ka pa kapag nagmotor ka pa uli.?" saad ko saka tumayo at pinagpagan yung short.
" marunong kang magmotor.?"
" yeah.." saad ko saka tinuro yung motor sa garahe..
" sayo yun? Bakit kulay black?"
" bakit ano ba dapat kulay.?"
" blue.?" ngiti niya sakin.. Ilang sandali akong natigilan saka natawa..
" porket blue ang name ko dapat blue na din lahat.. Tara na nga hatid na kita.?"
" wag na kaya ko naman.?" napapakamot sa ulong saad niya
" wag ka ng mahiya.. Tara na.." inagaw ko naman yung susi sa kamay niya saka sumakay sa motor nito.. Nginitian ko lang sya saka tinanguan. "tara.?" sumakay naman sya sa likod ko saka ko pinaandar ko yung motor.
" ang galing mo magdrive.?" saad niya mula sa likod ko.
" hindi naman saan ba kayo banda.?"
"dun sa bahay na red.?" napangiti naman ako sa sinabi niya.
" red?"
" yeah duon oh?" turo niya pa.
" dapat pala blue din yung bahay namin?" rinig ko lang yung mahina niyang tawa mula sa likod.
" loko jan na sa tabi.. ako na magpapasok sa garahe.?" hininto ko naman yung motor saka bumaba. " eh ikaw pano ka?" tanong niya pa.
" maglalakad nalang ako pabalik.. Malapit lang naman.?"
" sure ka hatid na kita.?"
" no thanks kaya ko na, pasok mo na yung motor mo. If you want turuan kita bukas.?" alok ko sa kanya. Kumunot naman yung noo niya.
" tuturuan mo ko?"
" narinig mo naman di ba.?"
" talaga.? Sure sige bukas huh? What time?"
" gabi nalang din mga 12 midnight?"
" sige sige.."
" sige una na ko.." ngiti ko sa kanya.
" thanks blue."
" wala yun red." lingon ko na ikinatawa niya..
" ang sagwa tol aldred nalang.?" habol niya pa lumingon lang ako saka ngumiti. Habang naglalakad hindi ko mapigilan humugot ng malalim na buntong hininga bakit parehas sila ng ngiti.. That smile.. Haixt.. Paano ako makakamove on kung lagi kong makikita yung mga ngiti na yun.. Pero wala naman kasalanan sakin si aldred para idamay ko sya sa pageemo ko.. Bahala na nga mukha naman syang mabait at tingin ko magkakasundo kami.
Hummm...maganda ang simula
ReplyDeleteinteresting ha! kala ko kung ano lang. ito ang mga gusto kong kwento. mga kwento ng mga kabataan. napakahirap talaga pag nainlove. lalo n pag nabigo, napakahirap makarekober. bibilang k talaga ng buwan. at panahon narin ang tutulong sayo para makamove on. sa mga hindi pa nakakaranan na mabigo, paghandaan nyo na, siguradong luluha ka at dimo kayang pigilan. pero kung ayaw nyong mabigo. iwasang umibig, pero kahit anong iwas ang gawin mo, darting tlga yan sa buhay.
ReplyDeleteKua carlos asn bgong stories mo?
ReplyDelete