Blissful Ending
Si carlos...
After 5 years.
"babe happy aniversary.. " salubong sakin ni alvin.. Nasa sementeryo kami nun.. Sa dating lugar kung san ako dating nakatambay,.. Kakagraduate lang namin ni alvin sya bilang architech ako bilang teacher.
" tagal mo naman kanina pa ko dito.?" simangot ko sa kanya.
" ito naman bakit kasi dito mo gusto magcelebrate eh.. Sa sementeryo? Dami namang restaurant eh?"
" sa gusto ko dito eh yung cake?" tanong ko sa kanya.
" here oh.?" abot niya sa cake. " simple naman nito cake lang bakit kasi ayaw mo ng party eh.?"
" wag na ganito na lang.. Saka last na to di ba wedding anniversary na yung susunod nating isecelebrate." saad ko ng nakangiti.
" yeah i know ready na yung ticket natin papuntang state.. Ikakasal na tayo.!"
" excited na nga ako eh?" saad ko pa.
" mas excited ako noh.. Kakasal na tayo grabe hindi parin ako makapaniwala.. Carlos pangako magiging faithful akong asawa.?"
" hashu faithful daw.?"
" faithful naman ako ah?" ngiti pa ni alvin.. Actually sa limang taon naming pagsasama kahit kailan hindi ko naramdaman na nagtaksil sya sakin.. Napakaswerte ko sa kanya.. " sa dami ng nagkakagusto sakin wala akong pinansin kasi yung mata ko na sayo lang." ngiti pa niya
" oo na ikaw na ang faithful." ngiti ko.. Niyakap naman niya ko.
" ito lang naman yung dream ko eh yung makasal na tayo.? After natin makasal aasikasuhin natin yung pagaadopt ng bata ah?"
" yeah gusto ko yun para buong family na tayo.. Im so happy alvin?".
" ako din naman..?" hinawakan naman niya yung mukha ko saka ako hinalikan sa labi sinagot ko naman yung halik na yun.
" i love you alvin ko?"
" i love you more carlos ko?" saad niyang nakangiti.
" I'm so lucky alvin kasi binigay ka sakin ni god.. Ikaw yung blessing na kahit kailan hindi ko hiningi pero dumating.. Alvin im so grateful dahil nakilala kita.. At ikaw yung kasama ko.?"
" mas maswerte kaya ako sayo.. Kasi mahal na mahal mo ko?"
" oo naman.. Pakiss uli alvin..?" ngumiti naman sya saka muli akong hinalikan hinawakan ko naman yung kamay niya humiwalay naman sya saka hinalikan yung kamay ko.
" thank you?" saad ni alvin.
" thank you.?"
" for loving me.. Minahal mo ko higit sa inaakala ko.. At first kasi kala ko ginagamit mo lang ako para makalimutan si raymond.?"
" hindi ah grabe ka huh.. Mahal na mahal na kaya kita.. Si raymond.. Wala na yun ?"
" kaya nga thank you.. Kasi yung love na binigay mo hindi ko expected na kaya mo palang ibigay sakin yun.?"
" basta i really love you.. Alvin ikaw na yung nasa puso ko.. Nabubuhay ako kasi anjan ka sa tabi ko.. Ikaw yung dahilan kung bakit humihinga pa ko ngayon."
" pero sana carlos.. If mawala ako.. Hayaan mong magmahal uli yung puso mo huh?"
" hindi ka naman mawawala.. Bakit mo naman nasabi yun?" kunot ang noong tanong ko sa kanya.
" wala lang.. If lang naman.. Magkasama tayong tatanda di ba.. Ikaw at ako kasama yung magiging mga anak natin.. " nakita ko naman na pumatak yung luha niya.
" bakit ka umiiyak.?" tanong ko.
" masaya lang ako.. Carlos mahal na mahal kita.?"
" mahal na mahal kita alvin.. Wag mo kong iiwan huh.. Hindi ko kayang mawawala ka.. Please?"
" yes i promise.?"
" ayoko ng promise.. Promises are made to be broken.. Kaya wag kang magpromise.. I want you to be with me.. Forever alvin.."
" yeah forever..?" ngiti niya na may tumulong luha.
Ganito na kami ni alvin ngayon.. Mahal na mahal ko na sya.. Pero yung totoo.. May puwang parin si raymond sa puso ko.. Di ko alam kung bakit.. Pero ramdam na ramdam ko pinipilit na punan ni alvin yung puwang na yun..
hindi ko na siguro makakalimutan si raymond.. Manantili na sya sa puso ko.. Balita ko nakatapos na rin sya sabi ni ate may at yung anak na niya nagaaral na din.. Ironic kasi pinangalan niya sakin yung bata ...nalungkot ako nun ng malaman kong namatay pala si bea sa panganganak. Hindi na kami nagkita niraymond after graduation.. Si ate may nalang nagbabalita sakin kung anong nangyayare sa kanya at sa anak niya.
Ayoko ng gawing kumplikado ang sitwasyon.. Masayang masaya na ko kay alvin.. Super saya.. Mahal na mahal ko na sya..
Pagkalipas ng ilang buwan ay kinasal kami ni alvin kasama namin si joana si jerome at ilang mga kaibigan at syempre yung parents ni alvin at mga kapatid ko yun na siguro yung pinakamasayang araw sa buhay ko.. Ang makasal sa taong minamahal ko. Pero yung saya pala na yun hindi rin magtatagal..
"Hello babe..jan ako magdidinner huh? " saad ni alvin sa phone. Nasa site ito ng mga oras na yun..
" anong gusto mong food babe?" sagot ko naman.
" kahit ano basta luto mo.?" napangiti naman ako dahil dun.
" sure babe ingatz ka jan huh.?"
" yes naman para sayo.. Carlos.. Mahal na mahal kita huh?"
" i know naman. I love you so much alvin."
" promise ko sayo after netong building na ginagawa namin magsisimula na tayong maghanap ng batang aampunin... Para happy family na tayo.?"
" sabi ko nga sayo ayoko ng promise di ba.. Basta mag-aampon tayo ng bata kung kailan pwede na?"
" anong oras ka ba uuwi sa house?"
" 5pm pa out ko eh.. Basta ipagluluto kita ng napakasarap..?"
" namimiss kita babe.?" saad niya natawa naman ako dahil dun..
" sipain kita magkasama lang tayo kaninang umaga miss mo ko agad?"
" carlos namimiss naman kita lage.. Kahit nakikita kita namimiss parin kita.. Kahit nasa tabi lang kita namimiss parin kita. Asawa ko gusto kita halikan sa mga oras na to. I want to kiss you."
" nakakainis ka dahil sa sinabi mo yan parang gustong gusto kita biglang yakapin.. Gusto din kitang ikiss.. Nakakainis ka talaga?" narinig ko naman yung mahina niyan tawa.
" kitams miss mo din ako.. Carlos you will always be in my heart..i will be yours forever..tandaan mo yan huh pero sana.. Kung sakaling mawala ako.. Sana yung puso hayaang mong magmahal uli.." ilang sandali akong natahimik sa sinabi niya.
" wag ka nga magsalita ng ganyan.. Talaga to oh.. Wala kang kiss mamaya sige ka."
" wag naman.. Alam mo naman yang kiss mo. Adik na adik ako jan."
" ang corni mo talaga?" ilang sandali naman syang natahimik.
" i love you..." saad niya pa sa mahinang boses..
" i love you too alvin.. Mahal na mahal kita.. Mahal na mahal forever and ALWAYS.." ngunit pagkatapos kong sabihin yung huling salitang yun bigla tanging mga kalabog ng kung anong bagay yung narinig ko mula sa kabilang linya.. Halos matulala naman ako at ilang sandaling hindi nakapagsalita.. "alvin what happen? Alvin!" histerical na saad ko.. Ngunit bigla ng naputol yun tawag.. "Alvin!!!!!!" sigaw ko pa.. Ilang sandali pa kong natahimik ng muling magring yung cellphone ko dinala daw sa ospital si alvin nagmadali naman akong magayos ng gamit saka nagpaalam sa klase.
Halos tinawag ko na lahat ng santo para lang iligtas si alvin.. Tanging pagluha ang nagawa ko ng mga oras na yun "alvin please wag mo kong iiwan.. Please" dasal ko pa hanggang makarating ako ng ospital at maabutan ang wala ng buhay na katawan ni alvin.. Halos manghina ang katawan ko ang nagawa ko nalang ay maupo sa sahig at umiyak... Alvin.. Bakit.."sabi mo hindi mo ko iiwan..alvin please bumalik ka.. Alvin please" hagulgul ko pa.. Tumayo naman ako saka lumapit sa wala ng buhay na katawan ni alvin saka hinawakan yung palad niya.
" gumising ka alvin please.. Please alvin!!" sigaw ko pa. " alvin parang awa mo na!!"
" carlos what happed?" bungad sakin ng mommy ni alvin na halata ang pagiyak.
" tita si alvin po... Wala na?" iyak ko pa.. " tita please gisingin niyo po sya.. Please?" saad ko pa saka lumuhod. Nakita ko naman na patakbong yumakap sa katawan ni alvin yung mommy niya dinig na dinig ko pa yung hagulgol nito.
" alvin!!" saad ko saka niyakap yung mommy niya. "tita.. Gigising pa sya di ba.. Tita si alvin.. Gigising pa sya.. Please." tanging yakap lang ang sagot nito.
" tama na carlos..tama na."
" tita gigising pa sya.. Tita si alvin po... Mahal na mahal ko pa sya.. Parang awa niyo na sabihin niyo sakin gigising pa sya.. Tita please.. Please?"
" carlos wala na.. Tama na."
" tita ayoko.. Ayoko parang awa mo na tita.. Ayoko.." humarap naman ako sa mukha ni alvin saka to hinalikan sa labi. "alvin please gumising ka sabi mo hindi mo ko iiwan.. Sabi mo sabay tayong tatanda.. Sabi mo kahit kailan hindi mo ko bibitawan.. Walang iwanan di ba.. Alvin nangako ka sakin.. Tuparin mo naman yun oh.. Tuparin mo naman please." tanging paghagod lang sa likod ang nagawa ng mommy niya. " alvin magcecelebrate pa tayo ng anniversary di ba.. Sabi mo magaampon pa tayo ng bata.. Alvin please.. Alvin.. Tuparin mo naman lahat yun.. Tuparin mo please."
Happiness is a choice.. Tama naman pero minsan kahit anong pilit nating maging masaya may oras parin na darating yung lungkot.. May mawawala may maiiwanan.. Pero isa lang dapat tandaan.. Acceptance. Tanggapin yung mga bagay na dapat tanggapin.. Wala naman talagang permanente sa mundo.. Lahat magbabago lahat mawawala. Pero yung mga alaala. Mga pinagsamahan.. Mga pinagdaanan.. Lahat yun.. Lahat lahat yun.. Mananatili dito sa utak at higit sa lahat sa puso natin..
Ramdam na ramdam ko yung dampi ng hangin sa mukha ko.. Isang taon na rin pagkatapos ng trahedyang nangyare kay alvin pero parang kahapon lang nangyare. Parang hindi naman talaga totoo yung nangyare.nasa sementeryo ako ng mga oras na yun as usual sa dating pwesto.. Dun sa dating kanahihigaan ko.. Napakadaming memories ng lugar na to.. May malulungkot.. At higit sa lahat masasayang alaala.. Tumulo naman yung luha ko sabay ng mga ngiti..
" uhm kuya pwesto ko po yan eh?" napaupo naman ako ng maramdaman na may himuhila ng damit ko saka nakita ang isang bata..
" pwesto mo to?" takang tanong ko.
" opo? Sino po kayo?"
" naku baby may kasama ka ba delikado dito ah baka mahulog ka sa pagakyat sa hagdan.?" tiningnan ko naman yung ayos ng bata mukha maykaya naman to base sa suot na damit.
" opo. Lipat nalang po kayo ng pwesto?"
" asan yung kasama mo baby?" ngiti ko dito.
" hindi na po ako baby? Big boy na po ako. Sabi ni daddy?' natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Ang cute naman ng batang to.
" Tara dito tabi tayo?" saad ko sa kanya " i have candies?" saad ko saka kumuha ng candy sa bulsa..
" sabi ni lola dont talk to strangers daw?"
" mukha ba kong masama?" natahimik naman sya sa sinabi ko. "tara upo ka dito?" umiling naman sya pero kinuha yung candy sa kamay ko. Napangiti lang ako dahil sa ginawa niya..
" kasama ko po si daddy ko?" saad pa nito. " daddyyyyyy" sigaw ng bata napangiti naman ako dahil sa cute nito.. Maya maya nakarinig ako ng hakbang paakyat sa hagdan napadako naman yung mata ko dito hanggang makita ang isang pamilyar na mukha.
" baby sabi sayo antayin mo ko baka mahulog k-" natigilan naman to ng makita ako.. Halos natulala naman ako ng mapatitig sa mukha nito.
" raymond?" maang ko.
" ah eh.. Pasensya na andito ka pala alis nalang kami.?" saad nito.. " baby tara na uwi na tayo.?"
" daddy naman sabi mo eh magpipiknik tayo dito?" simangot ng bata.
" uhm baby next time nalang.?"
" ayoko daddy saka mabait naman po sya look oh binigyan niya ko ng candy?" sagot nito saka pinakita yung candy sa kamay.
" pero baby..?"
" daddy please ?"
" mond ok lang paalis na rin naman ako.?" ngiti ko kay raymond.
" ok lang carlos.. Alis na din kami. Baby sa iba nalang tayo magpiknik remember sa park di ba maganda din dun..? Napansin ko naman na nakatitig sakin yung bata na ikinakunot ng noo ko.
" carlos po ang name mo?" napangiti naman ako saka tumango. " carlos din po yung name ko.?"
" talaga? Alam mo gwapo ang mga may name na carlos?" ngiti ko dito napalingon lang ako kay raymond ng marinig yung mahina niyang tawa.
" kaya po pala gwapo ako kasi carlos yung name ko.. Gwapo din po kayo..?"
" sabi sayo gwapo tayo.. ?" ngiti ko pa dito.. Haixt kung andito lang si alvin nakapag-ampon na sana kami ng bata.. Umiwas naman ako ng tingin.
" sabi ng daddy ko.. Kapag malungkot daw umiyak lang para gumaan yung loob.?" nangunot naman ako sa sinabi ng bata saka tumingin kay raymond na hindi makatingin sakin.
" mond kung ano ano tinuturo mo dito sa anak mo? Ngiti ko lang kay raymond. " saka piknik sa sementeryo? Ang labo mo talaga?"
" hindi ah.?"
" totoo po yun ang daddy ko nga laging umiiyak dati.. Kasi malungkot daw sya.?"
" baby carlos secret yun.?" saad ni raymond saka hinawakan yung kamay ng bata. " joke lang yung wag kang maniwala.. Tara na baby uwi na tayo malamang hinahanap na tayo ni lola mo?"
" magkakilala po ba kayo ng daddy ko?" ngunmiti naman ako saka tumango.
" sali nalang po kayo sa piknik namin.?"
" uhm no baby bonding niyo yan ng daddy mo aalis na rin naman ako eh.?" saad ko saka tumayo at inayos yung damit.
" pero pwede naman po kayong jumoin samin ni daddy madami po kaming dalang foods?"
" ah baby may gagawin pa kasi ako eh?" nakita ko naman na sumimangot yung bata.
" Uhm kasi baby may gagawin pa ata sya.." saad naman ni raymond.
" please po kahit sandali lang.?" pagpupumilit pa nung bata napatingin naman ako kay raymond na may alangan na ngiti.. Hindi parin nagbabago yung itsura niya..
" baby tayo nalang may gagawin pa talaga sya?" saad pa ni raymond. " sige una ka na ako ng bahala sa kanya." baling sakin ni raymond ngumiti naman ako sa bata saka nagsimulang humakbang, pababa na sana ako ng hagdan ng may humawak sa kamay ko. Si raymond.
" why?" takang tanong ko.
"uhm pwede bang samahan mo muna kami.?"
" sige na po please?" saad naman ng bata kita sa mata nito na may luha umiyak siguro to pagtalikod ko.
" uhm kasi?" saad kong napapakamot ng ulo. "sige na nga masarap ba yung dala niyong foods?" ngiti ko nalang.
" OPO masarap na masarap luto po yan ni lola?"
" talaga?" napalingon naman ako kay raymond na iwas ang tingin..
Halos isang oras din kaming andun tanging yung bata lang ang kwento ng kwento.. Kami ni raymond halos magiwasan ng tingin. Hanggang mapagod yung bata kakalaro at nakatulog kaya nagpasya na kaming umuwi.
" wow my car ka na huh?" saad sakin ni raymond napatingin naman ako sa kanya.
" uhm regalo lang samin nung daddy ni alvin.?" sagot ko naman. "di mo dala yung sasakyan mo?"
" uhm hindi eh nasa talyer.?"
" uhm ganun ba hatid ko na kayo.?"
" uhm wag na tetext ko nalang si ate May para sunduin kami."
" hatid ko na kayo .. Tagal ko ng hindi nakikita si ate May eh?" magsasalita pa sana si raymond ng kinuha ko yung mga gamit nila saka nilagay sa loob ng kotse. " sakay mo na sya kawawa naman nakatulog na.?"
" uhm kasi.?"
" para kang tange sakay na di ka na naawa sa bata.?"
" ok.?" saad nalang niya saka sumakay sa kotse. Sinimulan ko lang paadarin yung sasakyan Hindi ko naman mapigilan tingnan yung mukha ng bata habang natutulog. Saka mapapangiti.
" Condolence nga pala sa nangyare kay alvin.?" saad ni raymond napabuntong hininga naman ako ng maalala yung nangyare.
" thanks.. "
" kamusta ka na?"
"eto moving on.." ngiti ko.
" di mo man lang ako nainvite sa kasal niyo.?" ngiti din niya.
" magastos eh?"
" kuripot mo talaga.?" saad niya ilang sandali pa kaming natahimik. " balita ko magtuturo ka na sa school natin?"
" Yeah..?" maikling saad ko hanggang makarating kami sa bahay nila raymond ngayon nalang uli ako nakapunta dito simula nung maghiwalay kami ni raymond.. Haixt pinarada ko lang yung sasakyan sa labas ng bahay.. Halos manlaki yung mata ni ate may ng makita akong bumaba ng sasakyan.
" carlos??!!" sigaw pa nito ngumiti naman ako.
" ate May kamusta??" niyakap lang niya ko.
" ok lang ikaw ang kamusta sorry sa nangyare kay alvin huh? Ok ka na ba?"
" yes. Mejo.. Isang taon na rin kailangan ko ring magpatuloy. ?"
" tama yun.. Pasok ka?" natigilan lang to ng makitang lumabas ng sasakyan si raymond habang buhat si baby carlos saka tumuloy sa pagpasok sa bahay.
" ate yung gamit ni baby pakuha huh?" ngiti pa ni raymond. " thank you pala huh" baling sakin ni raymond tumango naman ako saka ngumiti.
" magkasama kayo?" kunot ang noong tanong pa ni ate may.
" uhm nakita ko lang sila kaya hinatid ko na kawawa naman kasi yung bata.?"
" uhm talaga? Pasok ka muna.matutuwa si mommy makita ka."
" wag na ate may.. Uwi na din ako.?"
" sus naman to oh?" wala naman akong nagawa ng hilahin ako ni ate may sa kamay papasok sa bahay nila.
" carlos ikaw na ba yan?" salubong sakin ng mommy ni raymond saka ako niyakap. " ikaw nga. Ang gwapo mo na lalo."
" hindi naman po masyado?"
" magpeprepare ako ng special na lunch dito ka na kumain huh.?"
" uhm uuwi na din po kasi ako.?"
" hindi ka uuwi?" singit naman ni ate may.
" yeah kukuwentuhan mo kami.?" saad ng mommy nila wala naman akong nagawa kundi magkamot ng ulo.
Walang katapusang kwentuhan ang ginawa namin ni ate may at mommy nito si raymond naman ay nasa kwarto lang kasama si baby carlos nagkaharap lang kami uli ng kakain na ng lunch tanging pillit na ngiti lang ang binigay niyasakin hanggang magpasya akong magpaalam na.
" uwi na po ako?" ngiti ko.
" balik ka huh?" saad naman ng mommy nila.
" oo naman poh?"
" pasensya ka na kay raymond huh nahihiya lang yun..?" ngiti pa nito.
" balik ka carlos huh?" saad naman ni ate may ngumiti lang ako saka tumango. Lumabas naman ako ngbahay saka tumuloy sa kotse.. Bubukasan ko na sana yung pinto ng isang kamay ang pumigil sakin. Si Raymond.
" pwede ba tayong mag-usap?" pilit na ngiti niya kumunot lang ang noo ko saka tumingin sa bahay nila dun ko naman nakita si ate may at mommy nitong habang nakangiting nakatanaw saming dalawa.
" Ano namang paguusapan natin?" ngiti ko lang sa kanya.
" uhm kahit ano lang basta magkausap lang tayo?"
" para kang baliw.?"
"please.?"
" tara sa loob na tayo ng sasakyan magusap" saad ko pumasok naman sya sa loob halos hindi parin sya makatingin ng deretso hanggang makaupo na ko. " so anong paguusapan natin?"
" uhm?"
" ano nga?"
" kasi.?"
" kasi ano?" saad ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
" sa dami ng taong lumipas ikaw parin yung mahal ko?" napalingon naman ako sa sinabi niya.
" baliw ka na nga?"
" carlos totoo mahal parin kita.?"
" galing mo na magjoke ah.? Uuwi na ko may sasabihin ka pa ba."
" sana mapatawad mo ko sa ginawa ko sayo nuon.. Ginawa kolang naman yun para layuan ka ni bea eh?" paliwanag niya pa. Tumanaw lang ako sa labas saka may dumaloy na luha sa mga mata. " pero lumipas man yung mga taon na yun hindi kita ginulo kasi alam ko masaya ka na kay alvin.. Pero ngayon.. Wala na sya pwede bang ako naman yung bigyan mo ng chance..?"
" hindi pwede?"
" bakit hindi pwede?"
" kasi mahal ko si alvin..?"
" wala na sya.. Please?"
" mond alam mo kung gaano kasakit yung ginawa mo sakin nuon.. Tama na yung sakit na yun para mabura ka sa puso ko.. Wala na mond.."
" please? I know kahit paano may puwang parin ako jan sa puso mo kahit maliit lang.. Please.. Sana naman sa pagkakataon na to mpagbigyan naman akong sumaya.. Tayo?"
" mond I'm really sorry?" saad ko nakita ko naman na tumahimik sya saka tumanaw sa labas ng sasakyan kita ko lang yung pagdaloy ng luha niya. " mond uwi na ko?" saad ko sa kanya pero hinawakan niya lang yung kamay ko pilit ko naman tong kinukuha.
" kahit sandali lang gusto ko hawakan yung kamay mo?"
" ano ba mond?"
" please kahit sandali lang.?" hinayaan ko naman sya hanggang dalhin niya sa labiniya yung kamay ko at dampian ng isang halik. " hindi mo na ba ko mahal.. Kahit konting puwang dyan sa puso mo?"
" mond please..?"
" please carlos.. Ang tagal kong nagdusa dahil sa kasalanang nagawa ko sayo.. Please?"
" mond tama na...ayoko na please?"
" bigyan mo naman ako ng chance.. Pinilit kong wag mangulo sa relasyon niyo ni alvin pero ngayong wala na sya oras na para mabawi na kita.. Akin ka na?" saad niya saka siniil ng halik yung labi ko pinilit ko naman syangitulak.
" ano ba mond!!" saad ko saka binigyan sya ng isang sampal. Tinitigan niya lang ako sa mata saka kinuha yung kamay ko at sinampal sa mukha niya.
" sige sampalin mo pa ko.. Kulang pa yan sa mga ginawa ko sayo nuon?" tumulo naman yung luha ko saka pilit hinatak yung kamay ko. " carlos please.. Bigyan mo ko ng chance?"
" mond mahal na mahal ko si alvin.. Kaya tigilan mo na to..."
" wala na sya naiintindihan mo ba.. Wala na si alvin.."
" mali ka mond.. Andito sya sa puso ko kahit kailan hindi sya mawawala.... Alam mo ba sya yung taong hindi nagsawa sakin nung panahon halos masira ang pagkatao ko dahil sayo.. Mond binura na kita dito sa puso ko.. Matagal na kitang binura"
" pero hindi yan ang sinasabi ng mga mata mo... Mahal mo pa ko carlos.. Nakikita at nararamdaman ko. Wala na si alvin.. Ako.. Nandito pa ko."
" baliw ka na mond.. "
" baliw ako sayo. Kahit kailan hindi ka nawala sa puso.. Kahit kailan hindi ka nabura sa isipan ko.. Walang araw na lumipas na hindi kita inisip.."
" mond tigilan mo na to pwede.. Mapapagod ka lang.. " saad ko ngunit muli niya lang siniil ng halik yung labi ko tinulak ko naman sya saka isang malakas ng samnpal pa ang binigay ko sa kanya.. " mond hindi moko madadaan sa ganyan.. Bumaba ka na!! Aalis na ko."
" carlos please..?"
" mond ano ba!!!"
" hindi ako baba dito.. "
" shit!!! Mond please.." pero umiba lang sya ng tingin.. " mond susumbong kita sa mommy mo?"
" bata ka? Magsusumbong?"
" damn!!"
" murahin moko sampalin mo ko hanggang gusto mo.. Bumalik ka lang sakin.. Chance ko na to.. Hindi ko na palalampasin pa.?"
" mond ang tanda mo na childish ka parin!! Hindi na tayo bata.?"
" chance lang yung hinihingi ko sayo.. Hindi konmana sinabing maging tayo agad agad.. Chance lang to prove na worth it pa ko jan sa pagmamahal mo.."
"YOu're wasting your time mond.. Sabing hindi na pwede dahil wala ka na sa puso ko.. Si alvin na yung andito."
" wala na sya."
" haixt ang hirap mo paliwanagan."
"sige sabihin mo sa mukha ko na hindi mo na ko mahal?" hinarap ko naman yung mukha niya.
" HINDI NA KITA MAHAL.?" ngiti ko sa kanya. " satisfied?"
" liar?"
" ewan sayo bumaba ka na"
" sabing hindi ako baba?"
" ok fine edi ako ang baba?" saad ko saka binuksan yung pinto ng kotse pero bago ako nakababa ay hinawakanniya yung kamay ko saka hinila papasok. "fuck mond ano ba!"
" carlos please naman oh?"
" mond makulit ka pa sa anak mo hindi na nga kita mahal.?"
" sinungaling ka eh.?"
" totoo nga?"
" fine sige kung hindi mo na ko mahal talaga.. Tulad ng sabi mo.. Halikan mo ko sa labi.?"
" fuck? Baliw ka na nga."
" just kiss me? Baba na ko?"
" mond ano ba!?"
" see hindi mo magawa kasi nga mahal mo pa ko?" umiwas naman ako ng tingin. " carlos i know kahitkonti.. Kahit one percent lang alam ko meron pa.. Alam ko mahal mo pa ko.?"
" mond kakawala lang ni alvin.?"
" naghintay na nga ako ng mahigit isang taon para pag galang kay alvin.. Sinakto ko talaga na andun ka sa sementeryo para bawiin ka na?"
" alam mo talagang andun ako?"
" oo.. Tuwing weekend andun ka ng 8 am tapos uuwi ka ng mga 10 am.. Den pag weekdays dun ka dumeretso after ng class mo?
" stalker ka ba?"
" mahigit isang taon mo na ring ginagawa yun.. Carlos.. Hayaan monaman na sumaya na tayo?"
" mond oo na aaminin ko mahal pa kita. Siguro mga .0.1 percent" nakita ko naman na ngumiti sya.
" yes.!!"
"0.1 percent at kapag hindika pa bumaba mawawala na yun baka mapatay na kita? Yung o.1 percent na yun pagammahal ko sayo bilang tao kaya baba na!"
" to naman eh so bibigyan mo na ko ng chance?"
" hindi?"
" talaga bibigyan mo na ko ng chance?"
" damn mond? Hindi nga sabi?"
" thank you.. Kasi binibigyan mo na ko ng chance.. This is it.. Finally.. After ng halos 7 taon.. Ito na yung chance natin?"
" bullshit mond!! Sabing hindi eh?"
" thank you sa pagbibigay ng chance i love you carlos.?"
" mond gusto mo ata akong sumunod na kay alvin.. Maaga akong mamatay dahil sa kunsumisyon sayo.?"
" wag naman.. Kaya mo bang iwan ako?"
" mond ano ba?" bulong ko habang nakatungo.
" carlos mahal na mahal kita.. ?"
" Mond.. ?"
" alam ko mahal mo pa ko.. Carlos wala ng hadlang.. Wala na.. Kaya please pumayag ka na.. Gusto ko lang naman yung sumaya na.. Tapos na yung panahon ng paghihirap"
" Mond mahal ko si alvin.."
" Pero wala na sya. Matutuwa naman siguro si alvin kapag nakita kang masaya di ba.. Hindi naman niya sigurong gugustuhing matali ka nalang sa alaala niya habang buhay.. Tapos na yung yugto ng buhay mo sa kanya.. Panahon na nanaman siguro para buksan mo naman yung bagong pahina para sakin?"
" Ayoko mond... Ayokong kalimutan si alvin."
" hindi mo naman sya kakalimutan.. Kasi nga sabi mo anjan sya sa puso mo.. Hindi na sya mawawala sayo."
" Mond.. Bakit ba ganun.. Kala ko habang buhay na kami ni alvin..?"
" kasi nga tayo ang destiny.." ngiti niya sakin.. "Kitams tadhana na yung gumawa ng paraan para magkaroon tayo ng pagkakataon... Yung pagkakataon na wala tayong tatapakan o sasaktan magkasama lang.. Walang mangyayare kung patuloy tayong mabubuhay sa nakaraan.. Nagaantay satin yung future.. At sa future na yun.. Carlos ikaw yung gusto kong makasama?"
"Sa tuwing sumasaya ako. Biglang may masamang nangyayare... Pangarap ko lang naman is to have a blissful life..yung masayang masaya. Bakit parang lungkot nalang lagi ang kasama ko."
" its your choice if you want to be happy.. Maikli lang ang buhay carlos.. Kung ikaw sasayangin mo yun sa pagmumukmuk sa sementeryo pwes ako hindi.. Hindi ko hahayaan na ganito tayo forever.. Carlos mahal kita.. Mahal na mahal..?"
"Mond kung mawawala ka lang din.. Wag mo ng ituloy to.. Pagod na pagod na kong umasa.. Umasa na magiging masaya pa ko..?"
" Ako.. Ako yung taong sasama sayo sa pagtanda.. Sabay tayo.. Sabay tayong haharap sa buhay.. Hindi ko mapapangako na magiging perfect ang lahat.. Ang gusto ko lang ay yung makita yung ngiti mo every step of the way.. " ilang sandaling natahimik kami pareho hangang nagsimula ng tumulo yung luha ko.
" mond namiss kita?" saad ko habang nakatungo..
" huh?" maang niya.
" Namiss kita.. Mond bakit ganun.. Bakit ang hirap mo burahin sa puso ko.. Minahal ko si alvin.. Sobra sobra..pero hindi ko maipagkakailang hindi parin naalis yung puwang mo dito sa puso ko.."
" wushu..sabi na eh.. " saad niya nagulat naman ako ng bigla niyakong halikan sa labi agad ko naman syang tinulak saka aktong sasampalin pero nahawakan niya yung kamay ko. "tama na nanaman.. Ang sakit na ng pisngi ko eh?"
" kasi wag kang biglang nanghahalik?"
" binibigyan mo na ba ko ng chance?"
" hindi parin?"
" inamin mo na nga na mahal mo pa ko tapos hindi mo pa rin ako bibigyan ng chance?"
" kais naman mond eh..?"
" ano?"
"kasi nakakainis ka.. I hate you.."
" kanina mahal ngayon hate na?"
" haixt bahala ka na nga.. Baba ka na uuwi na ko anong oras na oh?"
" hindi mo pa nga ako sinasagot eh..?"
" oo na fine sige na baba ka na please.?"
" oo means tayo na uli?"
" kala ko ba chance lang hinihingi mo? Abuso ko naman ata?"
" dun din naman punta nun eh?" ngiti niya. Dahan dahan naman niyang nilapit yung mukha niya inantay ko lang dumampi yung labi niya sa labi ko. " walang nagbago sa lips mo.. Ang sarap parin?"
" ang baliw mond.. Baba ka na kasi uuwi na ko.?"
" linawin mo muna..? Tayo na ba?"
" ligawan mo muna ako.?"
" ligawan pa? Di na uso yun eh?"
" edi wag bumaba ka na kasi?"
" joke lang kahit habang buhay kitang ligawan gagawin ko.." ngiti pa niya.. " salamat MK.."
" MK?"
" mukhang kulisap of corse?" sinimangutan ko naman sya. " hindi na mabiro syempre MAHAL KO" niyakap niya lang ako saka muling nagdampi yung labi namin.. New life with my only love I love you mond.. Forever and always.
Blissful Ending
Thank you sa lahat ng bumasa ng story ko..goodbye na tlaga..:)
have a good life sa lahat..
nice.....really nice.... enjoyed reading the story start to finish....
ReplyDeleteWell ito yung ending na last option ng utak ko pero I haveny given much thought pero tama nga sila expect the unexpected for years sila magkasama at minahal nila ang bawat isa. Ni alvin and yet may nangyari pa din mdyo bitin ng konti sa ending sana dinagdagan pa hehe yung kahiy ligaw o suyo portion pero it remind me. Ung ugali ni alvin at mond na kukulitin nila si car. Again thank you at sana bigyan ng book two yung light lang yung story yung masaya lang yung dlawa..love it. Godblessed :-) :-) :-) :-)
ReplyDeletehahaha i don't appreciate the way the way the story ends.
ReplyDeletei expect na c mond ang mwala at ang baby sa kay alvin
nya ibibigay...
Mukhang personally motivated ang naging takbo ng story...
sayang hindi ako naging msaya sa ewnding hahaha..
Thanks din sa pagbahagi ng kwento...at sa happy ending nito. Love it.
ReplyDeleteRandzmesia
Hmm .. di ko gusto ung ending gusto ko kc si alvin yung mkkatuluyan nya ee hehe pro well done nmn yung story kaya happy nlng din ako ;)
ReplyDeleteSna marami pang story ang malikha mo ...
Done reading...kung gustong mung lumigaya it's a choice past is past ika nga :))
ReplyDeleteHappy ending pa rin...thanks author !
Nice ending.
ReplyDeleteisang matrahedyang pagtatapos.. haha
ReplyDeletebut its nice
<07>
sayang akala ko si alvin na though ganda pa r.in ng ending
ReplyDeleteauthor what fb m?
ReplyDeleteBinabasa ko ito sa bus on my way to school this morning and I was crying while reading it....
ReplyDeleteHahaha. Nakakahiya na ewan..
-Ilongranger
heres my fb po bluerose.claveria@gmail.com add me.. salamat po sa lahat ng bumasa.. natuwa ako sa negative comments atleast alam ko yung mga mali.. para ayusin konext time.. heheh thanks po talaga..:)
ReplyDeleteThe fact that someone has to die to make someone happy is not a good idea. But if thatis what the author wants to happen, I respect it. :))) A great story, but I know and We know that this could have been done better without a question mark in every dialouge. Thanks for brining Carlos, Raymond, and Alvin to our lives :)
ReplyDeletenice story... galing mo author ^^
ReplyDeleteAng ganda., sorry ngaun ko lang nabasa eh., :) kaya pla so mond ung nakauna kay carlos sya rin pla ung huli :)
ReplyDeleteFirst I would like to thank the author for completing the story and as mentioned above for bringing Carlos, Alvin and Raymond in our lives.
ReplyDeleteI would say that I didn't like the ending as I compared things Alvin and Raymond did, Alvin was the most hurt as he was only a second option,rebound etc.
The last two chapter was so predictable because of how Alvin says pagpapaalam.,
All in all from 1 to 10 given that 10 is the highest. I would rank it 8. Looking forward tl see whats with the bliss book 2 as I will just start reading it today.
Jp163
I love alvin bakit kasi kinuha pa sya ni lord....pero nice story keep it up Mr. Author and more stories to come ....zenki of kuwait
ReplyDelete