318 (My Second Attempt to Love)
By: ImYours18/Niel
Email and FB Account:
nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel
Authors Note:
Guuuuyyysss! Chapter 6 na oh? XD
Sorry nga po pala kung natagalan ang update dahil po malapit na ang midterm
week at medyo tight po talaga ang sched kaya minsan nawawalan ako ng time
magsulat. Expect slow update din po pala sa chapter 7 dahil midterm week pa po
namin this second week of august. Babawi na lang po ako after this calamity XD
Thank you nga po pala sa mga
nagaabang at sumusuporta sa mga akda ko, sa mga nagcocomment and nagbibigay ng
feedbacks and sa mga silent readers din. Maraming salamat guys!
I know some of you will dislike
this chapter dahil sinusumpa nyo (maging ako before XD) ang character na to,
but we must also know his point of view ^_^
Salamat po! ^_~
-nieL
PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats!
XD
Warning: Some words
used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive
and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only
and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely
unintentional.
Any reaction,
praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please
contact me:
Email and
facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About the cover photo:
I do not own
this image. Any complaint arising out of its use, please contact
(nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 6:
Tristan’s Point of
View:
Sa takdang panahon, dumadadating din pala ang pagkakataon na
pagsisisihan mo ang lahat ng pagkakamali mo. Yung tipong hindi ka patutulugin
ng damdamin mo dahil sa sobrang pagsisisi mo. Yung pakiramdam na iiyakan mo na
lang yung problema kasi sobrang bigat sa dibdib at parang hindi mo na kakayanin
pang magtago. Ganyan, ganyang ang nararamdaman ko sa ngayon.
Oo, dahil ang katotohanan ay pinagsisihan ko ang lahat ng
nagawa ko kay Colby. Lahat lahat dahil minahal ko siya, ngunit nagpadaig ako sa
temptasyon na umakit sa akin. Minahal ko muli si Rafael at kinalimutan ang
nararamdaman ko para kay Colby. Ngunit ang inaakala kong magiging masaya ako sa
piling ni Rafael ay isa pa lang napakalaking pagkakamali. Tulad ng dati ay
madalas na naman kaming mag-away. Parati na siyang nagseselos, at kung minsan
ay wala na sa lugar ang pagseselos niya.
May pagkakataon ngang may kasama akong classmate kong babae
dahil may kailangan kaming puntahan sa faculty. E nagkataong nagkakabiruan kami
ng kaklase kong babae at nakita kami ni Rafael na nagtatawanan at sinalubong
ako nito ng masamang tingin. Hindi ko alam kung bakit siya nagalit kahit
nakapagpaliwanag na ako na classmate at kaibigan ko lang naman si Kristel.
Basta hindi na lang siya kumikibo at hindi namamansin.
Nauulit ng naulit ang pagseselos na iyon ni Rafael. Dumating
pa nga sa puntong napakaliit na bagay ay ikinagagalit niya. Yung tipong
natagalan lang ako mag-reply sa text sa kanya dahil marami nga akong
inaasikasong mga school papers ay magagalit na lang siya kahit na alam niya
naman ang ginagawa ko.
Ang akala ko noong una kung bakit ganun na lang siya kung
magalit at kung magselos ay dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin. Ngunit,
mali ang inaakala ko.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong iniisip ko..
Ang pagkakataong kinakatakutan ko noon pa man..
Noon pa man noong napagdesisyunan kong piliin siya over
Colby.
Isang umaga, monthsary namin ni Rafael. Pumunta ako sa bahay
nila dala dala ang mothsary gift ko sa kanya. Ang singsing na pinagipunan ko pa
kung saan nakaukit doon ang mga initials namin.
Sobrang excited ako noong umagang iyon. Nakangiti pa akog
naghanda at nagpapogi ng aking sarili upang magustuhan naman ni Rafael ang
preparation ko para sa isa sa pinakamahalagang araw namin sa isang buwan.
I was about to surprise him at naghanda pa ako ng almusal
nya na niluto ko sa kitchen nila. Maaga kasi akong pumunta sa bahay nila upang
i-surprise talaga siya dahil ang gusto ko, ako ang bumungad sa kanyang paningin
once na gumising na siya.
Ngunit ang akala kong masusupresa ko siya ay isa palang
malaking kalokohan..
Aktong bubuksan ko pa lamang ang pinto ng kanyang kwarto ng
makaramdam ako ng matinding kaba. Yun
bang parang lahat ng dugo ko ay nagakyatan sa ulo at nagsimula akong maglabas
ng mga malalamig na butil pawis.
Binuksan ko ang pintuan..
Inangat ko ang aking mukha.
“Babe-” Natigilan ako.
Halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko pagkabukas na pagkabukas
ko ng pintuan ng kwarto ni Rafael. Si..si Rafael.. Ma-may kasamang lalaki sa
kanyang kama. A-at, hubot hubad silang natutulog at magkayakap.
Wala akong nagawa. Napatulo lang ang luha ko. Wala na akong ibang
maramdaman maliban sa sakit. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagkagulat.
Sobrang sakit ng ginawa niya. Taena! Gusto ko siyang sapakin! Gusto ko siyang
sigawan. Ngunit wala akong nagawa, dahil mahal ko siya. Kinalma ko ang sarili
ko kahit na sobrang sakit ng nakita ko. Bumaba ako mula sa kwarto niya ng
umiiyak. Tila wala sa sarili at ang
tanging laman ng isip ko ay eksenang nakita ko. Ang pagtataksil niya. Ang pagkalamog
ng puso ko sa loob lamang ng iilang segundo.
Bakit niya ako ginago ng ganito? Alam niya ba kung ano ang mga
sinakripisyo ko para sa kanya? Alam niya ba kung gaano ko siya kamahal?! Bakit
niya ako ginaganito?! Ano bang nagawa kong masama?!
Tinatahak ko ang daan palabas ng bahay nila Rafael. Wala ako
sa sarili. Lahat ng nararamdaman ko ang blanko. Ngunit nararamdaman ko ang pagdaloy
ng luha ko sa aking pisngi. Sa kahit anong pagkakataon ay maari akong
magbreak-down o bumigay dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam
ko ay parang walang kahit ano sa aking paligid, parang tumigil ang buong mundo
dahil sa sakit at kirot na nararamdaman ko.
Hanggang sa may nakita akong isang pamilyar na lugar. Isang
pamilyar na upuan kung saan minsan ding naging bahagi ng aking buhay, ang upuan
– ang park kung saan nanghingi ako ng permiso kay Colby na maging boyfriend
niya noon.
Napaupo ako sa mga upuan. Doon ko binuhos lahat. Doon ko
nilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Dumaloy ng dumaloy ang luha ko hanggang
sa dumating ang puntong wala na akong mailuha. Sinuntok-suntok ko ang
sementadong upuan na kinaroroonan ko hanggang sa mamula ang aking kamao.
Ngunit, sa loob-loob ko ang masakit pa rin. Sobra! Napakasakit!
Heto na ba yung karma ko?! Yung bumalik sa akin ang mga
ginawa ko kay Colby? Napakasakit pala! Tanga ka Tristan! Tanga ka! Kung alam ko
lang sana na ganito pala ang kahahantungan ko kay Rafael hindi na sana ako
nagpadaig sa nararamdaman ko. Sana, tinuruan ko na lang ang puso ko na mahalin
si Colby.
Ngunit, hindi ko na masisisi ang sarili ko. Nagmahal lang din ako.
Nagmahal sa maling tao.
Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan ay hindi ko pa rin
magawang tumayo, Gusto kong magpakabasa. Gusto kong magkasakit. Gusto kong
mamatay na lang. Kasi, kung mamatay ako, hindi ko na mararamdaman ang sakit,
hindi tulad ngayon na buhay nga ako ngunit patay naman ang puso ko dahil sa
sugat na ginawa ni Rafael. Bakit Rafael? Ano ba ang pagkukulang ko?! Binigay ko
naman ang lahat ah?!
Umuwi ako sa bahay ng basa at wala sa sarili. Pagpasok na
pagkapasok ko ng kwarto ko ay wala ako sa sariling humiga at lumuha. Sobrang
sakit kasi e. Lalo na kapag naalala ko ang nakita ko kanina sa kwarto ni
Rafael. Parang paulit-ulit na tinataga ang puso ko.
Dinukot ko sa aking bulsa ang isang bagay na higit na
nagpapaalala sa akin sa kanya. Ang singsing na dapat ibibigay ko sa kanya
bilang monthsary gift sana. Dali-dali akong pumunta sa bintana ng aking kwarto
ang tinapon sa malayo ang singsing. Muli na naman akong lumuha dahil sa sakit
na nararamdaman ko.
Naramdaman ko naman ang vibration ng cellphone ko sa bulsa
ko. Alam kong si Rafael yun dahil walang tigil ang pag-vibrate nito kanina pa
ngunit wala ako sa sarili upang sagutin ko pa iyon. At alam kong alam nya na
galing ako doon kanina dahil naiwan ko ang bag ko sa bahay nila.
Sobrang sakit ng
ginawa mo Rafael?! Hindi ko alam kung bakit mo ako sinaktan ng ganito?! Paano
mo gagamutin ang sugatang puso ko?! Taksil ka! Naging tapat ako sayo! Hinarap
ko ang takot na hiwalayan si Colby! Sinakripisyo ko sayo lahat Rafael! Pero
ano?! Anong ginanti mo?!
Sa mga nagdaang gabi, wala akong ibang inisip kung hindi si
Rafael. Ang mga masasaya naming alaala. At ang pinakamapait na karanasan ko sa
piling niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan kung bakit selos na selos
siya kapag may kasama akong iba ngunit siya naman hetong nangangaliwa, ngunit
sa aking palagay ay ginawa niya yun upang ma-detached ako sa kanya, upang
pakawalan ko na siya.
Dumaan pa ang mga
araw at hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Hindi na rin siya madalas
tumawag ngunit lagi itong nagpupunta sa bahay. Pinapasabi ko na lang kila mama
kapag pumunta ito na tulog ako o di kaya wala ako sa bahay.
Sa school ay hindi ko na rin ito pinapansin. Sa tuwing
lumalapit ito ay hindi ko ito pinapansin at iniiwasan ko lang ito.
May isang pagkakataon nga kung saan papunta sana ako noon ng
library ng school ngunit bigla akong hinarang ni Rafael.
“Tristan! Magusap tayo!”
Hindi ko ito pinansin.
“Tristan! Pagusapan na’tin to!” May pagtataas ng boses
niyang sabi.
“Ano ba Rafael?! Hindi pa ba sapat ang umiwas ako?! Ano bang
kailangan nating pagusapan?” Pabulong
ngunit naiirita kong sabi.
“Tristan! Gusto kita makausap! Please, hayaan mo kong
magpaliwanag..” Pagmamakaawa ni Rafael.
“Sapat na ang nakita ko Rafael. At mas lalong hindi ko na kailangan
ng paliwanag mo. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ka nangaliwa!” Sabi
ko sa kanya.
Napatingin ako sa gilid ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon
ay nakita ko siya sa hindi kalayuan. Oo
siya, ang ex-boyfriend ko – si Colby. Nagkatitigan kami. Hindi ko alam kung narinig
niya ang pagtatalo namin ni Rafael ngunit siguro ay alam nyang nagtatalo kami.
Napatitig ako sa kanya. Parang may kakaiba sa kanyang mga mata. At ang
pinagtataka ko ay parang may kung anong umusbong sa pagkatao ko sa pagtitigan
naming yun.
Bakit Colby? Bakit ang
weird ng nararamdaman ko? Bakit ako na-mesmerize sa titig mo? Bakit bigla kang
hinanap ng sugatan kong puso gayong alam ko sa sarili ko na mahal ko pa si
Rafael?
Sana ikaw na lang ang
minahal ko Colby. Sana hindi na lang kita binitawan. Sana hindi ako nagdudusa
ng ganito. At sana, masaya ako – sa piling mo..
Naputol na lang ang pagtitinginan namin noong tinawag muli
ako ni Rafael upang pilitin ako na makipagusap sa kanya. Ngunit, nagmatigas pa
rin ako dahil masakit pa sa loob-loob ko.
Dapat ko bang bigyang pagkakataon si Rafael na magpaliwanag?
Kung bibigyan ko bakit? Hindi pa ba sapat ang nakita ng dalawang mata ko? Dapat
ba akong maniwala kung nakita kong mistulang pabor na pabor sa kanyang yakapin
siya ng lalaki ng pareho silang nakahubot hubad? At bakit ganun ang naramdaman
ko noong tumingin sa akin si Colby? Bakit nakaramdam ako ng excitement na
makita siya? Bakit parang lumundag ang puso ko noong nakita ko siya at noong
nagkatitigan kami?
Lumipas ang ilang araw, masakit pa man ang damdamin ko dahil
sa nasaksihan ko sa kwarto ni Rafael noong araw ng monthsary namin ay pinilit
kong magpakatatag at mag-focus na lang sa pagaaral ko.
Napagdesisyunan ko rin isang araw na bigyang pagkakataon
sana na magpaliwanag si Rafael. Ngunit, noon sanang pupuntahan ko siya sa
kanilang bahay ay nakita ko na papasok sa loob ng bahay nila ang lalaking
kasama niya noon sa kanyang kwarto na naka-hubot hubad at magkayakap.
Pakiramdam ko naman ay parang ginugupit-gupit ang puso ko sa
nakita. Bumagsak na lang luha ko ng hindi ko namamalayan. Ngunit, tinangap ko
na lang ito. Pinangako sa sarili na siguro nga’y tapos na ang lahat sa amin ni
Rafael. Siguro oras na para sumailalim ako sa proseso kung saan ako ang
nagparanas dati sa isang tao na minahal ako ng lubusan. Ang pagkalimot at
pagmomove-on.
Rafael, kung saan ka
masaya? Hahayaan na lang kita. Ganyan kita kamahal.
Hindi naging madali para sa akin ang kalimutan si Rafael.
Lalong lalo na kapag nasa school ako at sa tuwing nagkakasalubong kami ay hindi
ko maiwasang hindi masaktan lalong lalo na kapag naiisip ko na hindi niya ako
pinaglaban at kapag nakikita ko ang saya sa kanyang mukha na para bang sinasabi
niya na kaya niyang maging masaya na wala ako.
Siniksik ko na lang sa isipan ko na oras na siguro para ako
naman ang kumalimot at hanapin ang sarili ko.
Akala ko ay magiging okay na ang lahat pagkatapos ng
hiwalayan at tuluyang paglimot ko kay Rafael ngunit hindi pa pala tapos ang
paghihirap ng damdamin ko..
Isang umaga. 7:30 am ang unang klase namin. Computer subject
ito at hindi ko pa ito credited since lumipat ako ng Business Course from I.T.
Actually, wala kasi akong natutunan sa professor namin sa subject na to noong
nasa I.T. pa ako kaya naman kahit pasado ay hindi ko ito pina-credit.
Alas-6 pa lang ng umaga ay nasa computer laboratory na ako.
Pumunta na ako sa workplace ko upang tapusin sana ang activity na pinapagawa sa
amin sa subject na to.
Bago ako magbukas ng adobe photoshop upang gawin ang
activity ay sinubukan ko munang magexplore sa isang folder sa my documents ng
computer na iyon. Nakita ko doon ang folder kung saan nakalagay ang folder ng naging
section ko noong first sem ako this academic year. Laking gulat ko noong makita
ko ang isang powerpoint presentation file na JCCOLBY_RIVERA(AUTOBIOGRAPHY)BSA.ppt
ang filename. Sinubukan kong buksan ito at sinimulang panuorin ang slideshow.
Nasaksihan ko doon ang ilang childhood pictures ni Colby at
ang mga litrato niya noong elementary and high school pa siya. Ang ilan doon ay
nakita ko na samantalang ang karamihan naman ay hindi ko pa nakikita. Hindi
naman ako magkandamayaw sa kakatawa at mga pictures na nakita. Lalong lalo na
ang mga stolen shots niya at ang mga stolen shots ng mga high school classmates
niya. Buang talaga tong si Love, pati ba naman mga stolen niya talagang nilagay
niya pa sa saril niyang project?! Haha!
Teka?!
Love?!
Hindi ko alam, ngunit bakit ko naman bigla naalala at
na-recall sa isipan ko ang tawagan namin noon ni Colby?! Ang weird.
Nagpatuloy ang slideshow na ginawa ni Colby. Natuwa naman
ako dahil napaka-presentable niya gumawa. Parang hindi gawa ng isang lalaki.
Hanggang sa dumating sa may dulong parte ang slideshow kung
saan biglang lumitaw ang salitang “MY BESTFRIEND” sa slide.
Nakita ko ang sweetness nila ni Xander sa mga litrato. Hindi
maipagkakailang matagal na talaga silang magbestfriend. Napakarami nilang mga
litrato kung saan parehas silang naka-wacky face at mayroon pa ngang magkayakap
sila na para bang magsyota.
Hindi ko alam, ngunit nakaramdam ako ng kaunting selos sa
mga pictures na nakita ko. Pakiramdam ko kasi ay masaya na sa Colby. I’m not
saying na ayokong maging masaya siya, what I mean is tuluyan nya na yata akong
nakalimutan. Tsk. Oo nga pala, nasaktan ko nga pala ang damdamin niya kaya wala
akong karapatang magreklamo.
Pagkatapos ng slideshow na iyon ay unti-unti nang
nagdatingan ang mga classmates ko.
“Goodmorning classmates!” Bati ko sa kanila sa tuwing may
dumadating sa kanila.
“Goodmorning Ellaine!” Pagbati ko sa isang kaklase ko na
naging kaibigan ko na rin.
“Oh? Ang blooming mo ngayon Trist? Parang nung nakaraang
linggo ang lungkot lungkot mo ah? Tapos
ngayon ang saya mo? Yung totoo? Hindi
ka naturukan nuh?!” Pagbibiro ni Ellaine.
“Loko! Wala lang, masama bang maging masaya?”
“Ahm? Hindi naman. Nakakapanibago lang..”
Bakit nga ba ang blooming ko ngayon? Dahil ba to kay Colby?!
Shit! Bakit naman parang bumalik yung nararamdaman ko sa kanya? Alam ko namang
maari yun e, pero hindi na pwede dahil alam kong masama pa ang loob niya sa
akin dahil sa nagawa ko sa kanya dati.
At sa mga nagdaang araw ay dumating nga hindi ko inaasahang
pangyayari. Siguro nga ay kahit iwasan mo ang isang nararamdaman ay hindi ka pa
rin makakatakas. Dahil once na tumibok ang puso mo, yun na yun! Walang
exemption, wala kang takas, and you have to face it.
But, how can I face it if alam ko sarili kong imposible?
Lalong lalo na sa ginawa kong pananakit sa damdamin ni Colby noon. Alam kong
napakasakit ng nagawa ko dahil nangyari na ito sa akin mismo. Kaya naman imbis
na sundin ko ang bumabalik na nararamdaman ko para sa boyfriend ko ay wala
akong ibang magawa kundi ikubli na lamang to dahil alam kong wala nang
patutunguhan to. Sa saya na nakikita ko sa mukha ni Colby ngayon, malamang ay
nakalimutan niya na ako kasama ang mga memories namin.
Kaya kung aamin man ako kay Colby at kung sasapakin niya man
ako ay tatangapin ko ang lahat. Alam ko na ngayon kung gaano kasakit ang nagawa
ko. Di tulad noon na alam kong masakit ngunit hindi ganung kabigat ang nararamdaman
ko dahil noon ay hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya kundi puro
awa na lang. Ngunit ngayon, ay tila pinaglalaruan ako ng tadhana upang bumalik
ang nararamdaman ko..
Ngunit, imbis na maging masaya ako dahil unti unti ko nang
nakakalimutan si Rafael at muling tumitibok ngayon ang puso ko ay hindi ko pa
rin magawang maging masaya. Sa tuwing nakikita ko kasi si Xander at si Colby na
magkasama at kung magbonding ay sweet na sweet at para silang mag-jowa ay
nagseselos ako. At higit sa lahat ay nakakaramdam ako ng ingit kay Xander.
Minsan nga ay nasabi ko sa sarili ko na “Sana ako yun e.” o di kaya “Dapat ako
yung kasama niyang masaya.” Aaminin ko, hindi ordinaryong selos ang
nararamdaman ko dahil minsan ay napapaluha na lang ako tuwing naiisip ko na
imposible nang bumalik ang nararamdaman sa akin ni Colby at kapag naalala ko
ang mga kagaguhan na nagawa ko kay Colby.
Kaya naman dumapo sa isipan ko ang isang desisyon kung saan
alam kong makakabuti sa akin at sa nararamdaman ko. Siguro nga ay hindi ko na
dapat ipaglaban si Colby dahil wala nang paraan upang maibalik pa ang sweetness
at ang affair naming dalawa. Masaya na
siya at panigurado akong natuto na siya sa naging ugnayan namin noon. Kaya
naman naisipan kong lumipat na lang ng school, sa probinsiya namin kung saan
may isang real state university na malapit sa tahanan namin sa probinsiya.
Hindi naman ito malayo dito sa maynila kaya naman kung may nais man kong
bisitahin halimbawa ang pamilya ko ay hindi na ako mahihirapan pa.
Pinayagan na ako nila Mama at Papa na lumipat ng school sa
probinsiya. Ang sabi nila ay doon daw muna ako sa lola ko mag-stay upang mas
malapit ang distansya ko sa eskwelahan. Nagtanong din sila kung bakit daw
biglaan ang desisyon ko at kung bakit daw kailangan ko lumipat pa ng school
gayong maganda naman daw ang turo sa school na pinapasukan ko ngayon dito sa
maynila. Ang nasabi ko na lang ay.
“Ahh. Ehh.. Mahal kasi yung tuition sa school dito ma.. Mas
mabuti nang doon sa probinsiya, mababa lang ang tuition saka mas maganda pa ang
turo. Mas mabuting doon na lang din muna ako ma para may makasama din naman si
Lola..” Pagdadahilan ko sa kanila ngunit ang tunay na dahilan naman talaga ay
gusto kong kumalimot na sa nararamdaman ko kay Colby dahil imposible nang
magkabalikan kami dahil sa nagawa kong kagaguhan dati sa kanya. Gusto ko na
ring kalimutan ng tuluyan ang lahat ng sa amin ni Rafael.
Isang hapon, pagkatapos ko asikasuhin ang mga requirements
ko sa paglipat ng school ay dumaan muna ako sa park dahil may nakita akong
isang mahalagang tao sa buhay ni Colby na gusto ko sanang kausapin. Ang
bestfriend niya – si Xander. Nais ko sanang ibilin sa kanya si Colby, na sana
ay alagaan niya itong mabuti sa oras ng pagalis ko. Na sana ay lagi siyang nasa
mabuting kalagayan habang lumilimot ako.
“Pare.” Pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.
Isang matulis na tingin na mistulang nagtataka kung bakit nasa harap niya ako.
“Anong kailangan mo sa akin?” Malamig niyang pagtatanong.
“Ahmmm. Pwede ba kita makausap ng masinsinan Xander?” Pakiusap ko sa kanya.
“Para saan naman?”
“Tungkol kay Colby..” Nahihiya kong sagot. Alam kong alam at
ramdam ni Xander kung paano ko nasaktan si Colby noon. Kaya naman napatungo na
lang ako.
“Tungkol kay Colby? Ano pa bang kailangan mo sa kanya? Hindi
pa ba sapat ang saktan mo sya? Ha?!”
“Huminahon ka Xander. Wala na akong intensyon na saktan pa
syang muli. At nandito lang ako upang ibilin si Colby sayo. Ka-kasi.. Aalis na
ako sa school na to..” Malungkot kong sabi kay Xander.
“Huh! Talagang hindi mo na siya masasaktan muli dahil
sinasabi ko sayo, once na saktan mo pang muli ang bestfriend ko? Hindi ko na
alam kung anong magagawa ko sayo Tristan..” Galit niyang sabi. “Ano bang gusto
mong sabihin?”
“Xander..” Paninimula ko sabay hugot ng isang malalim na
pagbubuntong hininga.“Una sa lahat, gustong gusto kong humingi ng tawad sa
kanya, pero hindi ko magawa dahil kahit ako alam ko kung paano ko nasaktan at
nasugatan ang puso nya.”
“Alam ko napatawad ka na nya. Kahit anong sakit at kahit
gaanong kalaking sugat ang binuo mo sa puso nya, alam kong napatawad ka na nya.
Ganyang kabuti ang bestfriend ko, ganyan ka nyang kamahal dati. Na sinayang
mo..”
“I know..” Malungkot kong tugon sa kanya.
“Alam mo naman pala e. Ikaw ang hirap kasi sayo pare, hindi
mo iniisip ang mga risk ng ginagawa mong desisyon. Hindi mo alam kung may
masasaktan basta ikaw masunod lang kung ano ang gusto mo. Hindi mo muna iniisip
ng mabuti kung tama ba ang desisyon mo at makikinabang ka ba sa ginawa mong
desisyon in future. Masyado kang nagpa-resist sa temptation. Sagutin mo ako?
Diretsuhin mo nga ako? Pumunta ka ba dito para..” Napatigil siya at tila
nalungkot ang mukha. “Para bawiin muli sya dahil hindi ka na maligaya sa taong
pinaglaban mo noon?” Pagtatanong ni Xander at bumagsak ang mukha nito sa
kalungkutan.
“Aaminin ko Xander. Oo, gustong-gusto ko syang balikan. Ang
tanga tanga ko na binitawan ko siya. Ang tanga-tanga ko na hindi ko narealize
at nadama ang pagmamahal nya sa akin noon. Ang tanga-tanga ko na tinangap ko si
Rafael at binalikan kahit na alam ko naman ang maaring kahantungan namin.” Sabi
ko ng may buong puso. Hindi ko inaasahan
na tutulo ang luha ko ng ganun. Shit! I wasn’t expecting na masasabi ko to para
kay Colby ng buong puso. Ganun ko na siya kamahal ngayon at ganun ko
pinagsisihan ang lahat. “At ngayon, pinagsisihan ko ang lahat. Ngayon ko
nararamdaman ang sakit sa tuwing nakikita ko siyang masaya sayo. Nasasaktan ako
sa tuwing nakikita ko siyang masaya at nalimutan na ako na tuluyan. Nasasaktan
ako Xander.. Oo na, ako na ang pinakatangang tao sa buong mundong to Xander
pero mahal ko pa rin siya. Gustuhin ko man siyang balikan ngunit wala na akong
mukhang ihaharap at… masaya na siya..”
“Mahal.. mahal..” Iiling-iling niyang sabi sa akin. “Pasensya
ka na Tristan, pero mahal ko si Colby.. Mahal ko siya ng higit sa kaibigan.
Minamahal ko siya ng parang isang kasintahan.. Pasensya na pero, yan ang
katotohanan. Binitawan mo siya dahil sa taong alam mo naman palang sasaktan ka.
Ngayon, ito na ang oras ko para aminin ang nararamdaman ko. Hindi ko na
papalagpasin Tristan. Sinuko mo na siya, pinaasa mo siyang mahal mo siya.. And
I don’t think na enough na yung reason mo para mahalin ka ulit nya, mapatawad
maari pa..” Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko to inaasahan. Hindi ko
inaasahan na may nararamdaman pala siya kay Colby, ang tanging alam ko lang ay
matalik silang magkaibigan. Aaminin ko na nasaktan ako sa rebelasyong yun ni
Xander. “Tristan, natututo ang tao. At
sa kaso ni Colby dati? I’m sure nadala na siya..” Dagdag niya pa.
“Xander saglit..” Pagtawag ko sa kanya. Hindi ko pa nagagawa
ang pakay ko kay Xander. Ang ibilin sa kanya si Colby. Huminga ako ng malalim.
Napatulo ang luha ko. Masakit man ngunit kailangan kong gawin to. “Alagaan mo
siyang mabuti. Kung mahal mo siya, aminin mo sa kanya. Maging masaya kayo..
pasayahin mo siya sa piling mo. Sa paraang yun mapapanatag na ako. Siguro,
kailangan ko ng kalimutan siya at kalimutan ang lahat sa amin. Maging ang sa
amin ni Rafael. Basta ang hiling ko lang Xander ay.. alagaan mo siyang
mabuti..” Buong puso kong sabi. Masakit man ngunit wala na akong magagawa.
Sinuko ko na siya sa labang alam kong talo man ako sa nararamdaman ko ngunit
alam ko namang madadama ko din na mananalo ako at tama ang desisyon ko in the
future.
“I will, salamat..” Simpleng sagot sa akin ni Xander.
Lumakad na ito palayo. Tumayo na rin ako ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang
pagtulo ng aking luha. Alam kong tama ang desisyon ko, alam kong tama ang
maging duwag ako sa labang alam ko namang wala akong panalo.
Masakit man ngunit kailangan ko nang lumisan. Masyado nang
maraming masasakit at mga hindi magagandang alaala ang nangyari sa akin sa
school na to. Una kay Colby at sumunod naman ay kay Rafael. Alam kong nasaktan
ko si Colby kaya hindi ko siya sinisisi sa kung ano man sakit na nararamdaman
ko dahil alam kong kasalanan ko naman ito lahat.
Sabado ng hapon, papasok na sana ako ng terminal ng bus
papunta sa probinsya namin ng bigla kong makita si Tristan at si Colby na
magkasama at masaya. Sana ay maamin na ni Tristan ang nararamdaman niya kay
Colby upang maging masaya na si Colby. Sana ay maging masaya si Colby. Yun lang
ang tanging hiling ko. Sana ay may kapatawaran pa ang mga nagawa ko noon.
Maging si Rafael. Sana ay maging masaya na din siya sa
piling ng bago niyang sinisinta.
Siguro nga ay hanggang dito na lang ang chapter ko sa buhay
nila, siguro nga ay oras na para magpaalam at kalimutan na ang mga masasayang
alaala upang makapagsimula muli ako ng bagong buhay. Alam kong isang araw
magkikita-kita muli kami, bilang mga matatalik na magkaibigan.
“Paalam Colby, patawad sa lahat. Minamahal pa rin kita.”
-
I T U T U L O Y
Paalam tristan kc ikw ehh nag padala ka kai rafael yan 2loy masakit diba.,,pero nkakaawa c tristan.,
ReplyDeleteJulmax
Tristan, spell KARMA, perfect score ka ah! hehe
ReplyDeleteKulang p nga yan khit even n kau ne Colby dapat mas masakit ang balik sau. Kahit gumapang kpa sa putik pra lng magkabalikan kau ne Colby, i would never agree that to happen! hehe Pero sana hnd sasaktan ne Xander c Colby kung magkatuloyan sla
AtSea
Naawa ako kay tristan :'( nakita na ni tristan kung anung value i colby sakanya! Goodluck tristan.
ReplyDelete-kyo
Karma strikes ! Kay Fafa Xander parin ako :))))
ReplyDeleteNakakaawa si Tristan. SUNUGIN SI RAFAEL! XD
ReplyDeleteBasta team Xander na ko. :D
Karma karma lng yan tristan.. ang laki mong gagong pakawalan si colby, npakabuti ng puso nya, wala xang gnwa pra ikasira ng relasyon nyo, alam nyang ilugar ang damdamin nya between sa inyong dalawa ni xander, ngtataka lng ako knf anong lesson ang napulot ni colby sa pagmamahal sau, ang pagpapakatanga? O pagpapatawad? Pero sa buti ng puso nya di n nya dapat pag-aralan p yun, ikaw, ikaw tristan ang dapat may mapulot n lesson sa mga nangyari.. sana di mo mgwa ulit ito sa magging panibagong pag-ibig mo.. hayaan mong gumaling ang sugat at ang lahat ay magiging maayos, mgpakatatag ka tristan.. tandaan mo may ngmamahal p sau at may mgmamahal pa sau..
ReplyDelete-EjLim of Davao-
Ako lang ba? Kasi gustong gusto ko talaga si Tristan for Colby. Hindi ko alam kung bakit boto ako for him. ><
ReplyDelete