Hello, everyone!
Ito na po ang chapters 7-8. Fair warning, though. Ito (chapter 8) na siguro ang pinaka-cheesy na chapter sa buong series, so I'll understand if medyo maiirita kayo, kasi to be quite honest medyo hindi ako makapaniwala na ako ang nagsulat noon. :)) But don't you worry, ito na ang pinakarurok ng ka-cheesyhan, at medyo seryoso na ang mga susunod na chapters. Pasensya na kung medyo maikli ang update na ito, kaya nga 2 chapters each update na ang ginagawa ko.
Fingers crossed na matapos ko ito before my classes start of Thursday.
Gusto ko magpasalamat sa mga nagco-comment, at sa mga silent readers na rin. You inspire me. :)
Constructive criticisms are highly encouraged.
Lastly, a big thank you to Kuya Mike for giving me the opportunity to publish my work here.
Happy reading! :)
--
Chapter
7
Josh.
I came home relatively happy, dahil napagtanto
kong may maganda rin namang nangyari ngayong araw. Una ay ang pagkakaayos namin
ni Gab. Ikalawa ay dahil sa bago kong kaibigan na si Matt. Sa ‘di malamang
dahilan ay magaan ang loob ko sa kanya. Okay rin naman pala ang unang araw ng
third year ko.
Ngunit hindi ko maikakailang may ilang bagay din
ang bumabagabag sa akin. Una ay ang pagsisinungaling ni Gab, at ang tila
pag-arte niya na parang wala siyang ginawa. Malamang. Alangan namang
ipahalata niya sa’yo, giit ng utak ko. Medyo nasaktan ako dahil sa naaatim
pa rin niyang pakitunguhan ako ng normal kahit na may ginawa siya sa aking
hindi maganda. Ikalawa ay tungkol naman kay Matt. Masyado naman ata akong
nawili sa kanya. Kanina sa canteen ay sandali kaming nagkatitigan. Hindi ko
maitangging nabihag ako sa mga tingin niyang iyon. Ang ganda talaga ng mga mata
ni Matt.
Hayyy.
Hindi ko napansing nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito
agad. “Hello?” tanong ko. “Bes, nasa sala niyo ako.” si Gab. Oo nga pala,
pupunta nga pala siya. Agad akong nag-ayos ng sarili at binaba siya. Nakita
kong masaya silang nagkwekwentuhan ni mama.
“Oh, anak hindi mo naman sinabing pupunta pala si
Gab dito.” Bungad ni mama sa akin. “Ah, biglaan lang kasi.” Matamlay kong sagot
na dala siguro ng antok. “Oh, maiwan ko na muna kayo dito. Ipaghahanda ko muna
kayo ng merienda.” Paalam ni mama sa akin. Nagkatitigan lang kami. Binabasa ko
ang mukha niya.
“Oh, naiinlove ka na naman sa akin!” biro niya.
Nabigla naman ako. Tinamaan ako, eh. “Ulul!” tanging balik ko sa kanya. “Hehe,
joke lang. ‘Di ba sabi ko naman sa’yo babawi ako sa’yo?” sabi niya. Napatango
na lang ako. Tila may sariling utak ang bunganga ko at bigla na lang akong
nagsalita. “Bakit umuwi ka agad kahapon? Ang aga pa ah?” tanong ko sa kanya,
sinusubukang hulihin siya.
Tila natigilan siya. Gusto kong malaman kung
aamin siya sa akin o ipagpapatuloy ang pagsisinungaling niya. “Huy, ano na?
Natigilan ka ata?” medyo masungit kong tanong. Tila natauhan naman si Gab.
“Ahh.. eh, masama pakiramdam ko, eh kaya hindi na kita nasabihan.” tugon niya.
Boom! Strike one.
Hindi ko maintindihan, pero tila nilamon na ako
ng galit. Pinaghalong selos, galit, at lungkot ang nararamdaman ko. Napakatindi
nito, dahil nga siya ang taong mahal ko. Ngayon ay alam ko na kung gaano
kasakit ang pagsinungalingan ka ng taong mahal mo. Kasi kung aamin siya sa akin
ngayon ay papatawarin ko na sana siya at tatanggapin ang paliwanag niya.
Sobrang sakit pala.
Sinungaling. Ganyan ka ba babawi?, sa loob-loob ko. Tumango na lamang ako. “Ah, bes musta naman ang
first day?” tila ilang niyang sabi, pilit iniiba ang usapan. Sumakay na lang
ako, total siya ang unang nagpaikot sa akin, eh. “Ah, okay naman! Masaya nga
eh. Namiss ko na rin kasi si Janine, tapos ang bait pa nung bago kong kaibigang
si Matt, parang napaka-HONEST niyang tao.” Patutsada ko sa kanya na ikinagulat
ko naman.
Tila naguluhan naman siya sa tinuran ko, pero mas
pinili niyang manahimik. Tumahimik na lang kami. Sobrang awkward ng
katahimikang namamagitan sa amin. Buti na lamang ay dumating na si mama dala
ang meryenda namin. “Oh, kumain na muna kayo. Masyado naman kayong tahimik.”
Pagpansin sa amin ni mama. Nagkatitigan naman kami ng nanay ko. Tila binabasa
niya ang nasa isip ko. Normally kasi kapag nasa bahay si Gab ay nabuburyo si
mama sa kaingayan namin.
“Oh, kain na daw oh. Para tayong timang. Baka
pagkain lang ang kailangan para MATAUHAN tayo, hehe.” Pagpapatuloy ko, ngunit
tumawa para magmukha itong biro. Inobserbahan ko ang reaksyon ni Gab. Tila
nagpanic siya at mukhang nakakatunog na siya na alam ko talaga kung ano ang
ginawa niya kahapon. Nagtitigan kami, binigyan ko siya ng isang plastik na
ngiti, habang sinuklian naman niya ako ng isang tingin na puno ng pagtataka.
Hindi na kami nag-imikan ni Gab. At matapos ang
ilang minuto ay nagpaalam na siya sa akin. “Bes, masama ata pakiramdam mo. Kita
na lang tayo sa school bukas. Ingat ka, ha.” Paalam niya sa akin. Hindi nga
nakaligtas sa kanya ang cold kong pakikitungo sa kanya. “Ingat ka. Sige,
kita-kits.” ang tanging naisagot ko na lang. Niligpit ko na lang ang mga
pinagkainan namin.
Nagulat ako ng may maramdaman akong kumalabit sa
akin. Si mama lang pala. “Anak, mamaya mo na gawin iyan. Doon muna tayo sa
dining.” aya ni mama sa akin. Hindi na ako nagtanong pa at naupo na lamang kami
ni mama sa upuan ng dining table. “Oh, shoot. Makikinig ako.” Diretsahang sabi
ni mama. Tama nga ang hinala kong hindi nakaligtas kay mama ang pagkabalisa ko.
“Bakit? Ano bang meron, ma?” pagkukunwari ko.
“Hay nako, hijo. Pati ba naman nanay mo pagtataguan mo? Eh halata naman, eh.
Anong ginawa ni Gab?” Humanga naman ako kay mama dahil natumbok niya agad ang
saloobin ko. Tiningnan ko na lang siya ng matagal hanggang sa bumigay na ako.
Tila ang mga kinimkim ko simula kahapon hanggang kanina ay isa-isang
naglabasan. Umiiyak na pala ako.
“Ma, kasi... si Gab eh. Nagsinungaling siya sa
akin. Sila na ata nung nililigawan niya, pero hindi niya sinasabi sa akin.
Tapos, nagsinungaling din siya kahapon. Sabi niya, nasa bahay lang siya, pero
nakita namin siya kahapon ni Janine sa mall kasama ‘yung babaeng nililigawan
niya. Tapos kanina sinubukan kong... sinubukan kong paaminin siya, pero
nagsinungaling pa rin siya. Ma... ang sakit.” Hagulgol ko kay mama. Niyakap
lang niya ako. “Sabi niya huwag daw kaming magsinungaling sa isa’t-isa, pero
ano ‘to? Ma, hindi ko talaga maintindihan.” Tila nanghina akong bigla sa
pagconfide kay mama.
“Shhh... anak, lagi mong isiping hindi ka
nag-iisa. Anak, masaya ako na nagtiwala ka sa akin na ishare ang mga dinadala
mo. Anak, kailangan mong tanggapin na may mga bagay talagang imposible.
Magkaka-girlfriend din ‘yang si Gab, eventually. Dapat tanggapin mo iyon, dahil
in the first place, kaibigan ka niya, kahit masakit dapat maging masaya ka para
sa kanya. Tungkol naman sa pagsisinungaling niya sa’yo ay mali iyon at ‘di kita
pipigilang maghinanakit sa kanya. It’s the least you can do. Friendship na kasi
ang issue diyan, anak. Bigyan ka dapat niya siguro ng space.”
Napabuntong-hininga si mama. Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nakikinig sa
mga pangaral ni mama.
“Anak, nang magtapat ka sa akin ay inihanda ko na
ang sarili ko sa mga ganitong pangyayari. Mahirap ang pinili mong landas, anak.
Maraming beses kang ‘di maiiwasang masaktan. Dapat magpakatatag ka. Nandito
lang ako, huwag mong kalimutan ‘yan.” Pagtatapos niya. Laking pagpapasalamat ko
na siya ang ina ko, dahil sobrang mapag-alaga at maunawain niyang tao.
“Thank you, ma.” Ang huli kong nasabi.
Ngayon ay narealize kong hindi man ako swerte sa
pag-ibig ay sobrang swerte ko naman kay mama dahil naiintindihan niya ako. Tila
nahimasmasan naman ako sa realisasyong iyon.
At gaya kagabi, ang pag-iyak ang huli kong
naalala bago ako tuluyang makatulog.
--
Chapter 8
Hindi ko pa rin pinapansin si Gab. Kahit pa
ulanin niya ng text ang cellphone ko ay hindi ko pa rin siya nirereplyan. Akala
niya kasi may sakit ako, pero alam kong may hinala na iyon kung bakit ganoon ko
na lang siya pinakitunguhan kahapon. Masakit pa rin kasi. Ayoko na lang na
bigla akong bumigay at malaman niya ang totoo kong pagtingin sa kanya. Mas
malaking problema iyon. Pumasok ako ng school na nagtataka kung bakit walang
megaphone... este, na Janine na sumalubong sa akin. Napabarangay siguro,
natatawa kong tudyo sa sarili. Dumating ako ng mas maaga sa nakasanayan dahil
sa naging mabilis ang biyahe ko at napaaga ako ng gising.
“Hi, Josh!” masiglang bati sa akin ni Matt. Tila
nadala naman ako sa langit nang makita siya. Ang gwapo talaga. ‘Di gaya
ng kahapon na nakataas ang buhok niya, nakababa ito ngayon. Mas lalo itong
bumagay sa kanya. Natulala na lang ako. Matutulala siguro kahit sinong
makakakita sa ayos niya ngayon. Habang papalapit siya ay naamoy ko na naman ang
pabango niyang lubos kong kinakaadikan. Ano? Kinakaadikan?! Malaki na nga
ang problema ko.
“Oh, kamusta?” normal kong pagbati sa kanya.
Ngumiti lang siya. “Heto, maganda gising ko. Inspired kasi, eh. Nakita ko agad
‘yung inspirasyon ko.” tugon niya na ikinataka ko. Sino naman? “Weh, ikaw ha.
Landi mo, ‘tol. Sino namang chicks ‘yan?” ‘di ko napigilang tanungin. Nagtaka
naman ako dahil tinitigan niya ako ng matagal na parang sinusuri ng mabuti ang
mukha ko. Una akong kumalas sa titigan namin at naramdaman ko na lang na parang
umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi. Tangina, namumula siguro ako. Tiningnan
ko na lang siya, at nakatingin pa rin siya sa akin. Ngumiti ito ng bahagya at
sinabing sa susunod na lang daw niya ikkwento kapag handa na siya. Ano naman
kailangang paghandaan doon?, taka kong pag-iisip.
Hindi ko ikakailang bahagya akong kinilig sa
maikli naming eksena kanina. Ang suyo kasi ng tingin niya sa akin. Parang yung
tinging binibigay ko kay Gab... Hindi kaya? Napailing naman ako dahil
alam kong imposibleng maging totoo kung anuman ang iniisip ko.
“Wow naman, ang sweet!” biglang entrada ni Janine
at binigyan ako ng isang kindat. “Mukhang close na kayo ni Matt, ah.” Asar niya
sa akin. “Ahh, ehh...” medyo gulo kong pagsisimula dahil nga bangag pa rin ako
dahil naalala ko pa rin ‘yung mga tingin ni Matt kanina. Naalimpungatan na lang
ako nang bigla akong akbayan ni Matt. “Oo naman. Friends na kami. ‘Di ba Josh?”
maligalig na sabi sa akin ni Matt. Umakbay na rin ako sa kanya at sabing “Oo
naman, hehe. Ikaw lang naman ‘di namin kaclose, eh.” Biro ko kay Janine.
Aaminin ko tila may naramdaman akong kakaiba nang umakbay ako sa kanya, pero
hindi ko na lang binigyan iyon ng masyadong pansin.
“Hay nako, kaloka naman! Isang araw pa lang
magkakilala, nagkamabutihan na. Selos me. Baka magakatuluyan kayo niyan.”
Maarteng biro ni Janine. Namula naman ako sa biro niya dahil medyo tinamaan
ako. Nakakahiya kay Matt. Aaminin kong may paghanga na akong nararamdaman para
kay Matt, pero hindi pa rin naman ito kasing lalim ng nararamdaman ko para kay
Gab. “Okay lang.” Diretsong tugon ni Matt. Bigla namang napaangat ang ulo ko sa
sinabi Matt. Napasinghap naman si Janine. Ngiti-ngiti lamang si Matt.
ANO DAW? OKAY LANG?! “OMG! KALOKA ITO! Grabehan
na!” hysterical na tugon ni Janine. “Ano namang trip ‘yan?” tanong ko kay Matt,
pilit na winawaksi ang mga nabubuong ideya sa isip ko. “Wala naman akong sinabi
ah.. eh... Halika, libre ko kayo ng breakfast. Maaga pa naman.” Yaya niya.
“Naks naman, papa Matt! Nagpapalakas agad kay friend! Tama ‘yan! Isama ang
kaibigan sa panliligaw!” buryo ni Janine kay Matt. “Magtigil ka nga.” Medyo naiinis
kong pigil kay Janine. Binigyan naman niya ako ng isang matagumpay na ngiti,
tila ipinoproklama niyang tama ang mga hula niya kahapon.
Hindi naman siguro.
“Janine, order ka na ng kahit ano. Josh, ikaw
anong gusto mo?” masuyong tanong ni Matt. Ang sweet naman niya. Hindi naman
siguro, baka friendly lang talaga, tila nakikipagtalo ang dalawang side ng
utak ko. “Ay, kaloka! Ako pina-order na lang bigla, pero si Josh tinanong muna
ang gusto. Kilig akez. Emergherd.” Si Janine. Napayuko na lang ako dahil sa mga
nangyayari. Hindi naman pinansin ni Matt ang banat ni Janine. Nagtataka nga ako
eh, na ni isa sa mga banat ni Janine ay ‘di siya nagreact maliban na lang dun
sa isang epic na “Okay lang.” kanina. Haaay. “Uy, Josh, ano na?” tanong
niya sa akin. Tila nagising naman ako mula sa isang panaginip. “Ahh, eh... kung
ano na lang sa’yo. Thanks.” Hiya kong tugon. “Okay.” Ngiti niyang paalam bago
tumayo.
“Wow naman, couple meal! Grabeeeeee!” kilig na
singit ni Janine. Pinandilatan ko na lang siya na tila sinasabing magtigil na
siya sa mga banat niya. Inismiran na lang niya ako. “Oh, papa Matt, order na
tayo. Bebe Josh, pabantay nalang ng gamit.” Sabi ni Janine at tumayo na nga ang
dalawa. Napaisip naman ako ng matindi sa mga nangyari kanina. Posible nga
kaya? Pero isang araw pa lang naman kasi! Tila isang bahagi ng puso ko ang
tumibok dahil sa pag-iisip kong iyon. Sana, hindi ko naiwasang umasa. Pero
mali ito, pagkontra ko. Si Gab ang mahal ko, eh. At saka, lalaki si Matt.
Ewan.
“Josh, pabantay muna ng gamit. Paload lang ako sa
labas. Sensya na. Thanks.” Nakangiting sabi ni Matt sa akin at habang tumakbo
palabas ng canteen. Naiwan kami ni Janine sa table. “Ikaw talaga. Iyang
bunganga mo, kung anu-ano na lang lumalabas diyan.” Diretso kong sabi kay
Janine. “Kilig ka naman. Aminin mo, ang sweet niya, noh? Shit, kung ‘di lang
kita kaibigan, sinulot ko na siya sa’yo!” sabi niya. Nagtaka naman ako. “Ha? Eh
wala namang something ah. Bakit mo susulutin?” tanong ko. Tila natigilan si
Janine. Ang gulo talaga nitong babaeng ito. “Ahh, ehh.. wala. At saka anong walang
something? Baka naman wala PANG something?!” Ang nasabi na lang niyang biro.
Natahimik ako.
“Hoy, friend ha. Feel ko talaga tama ang
predictions ko. Tingnan mo ang sweet niya sa’yo. Okay lang naman kung pati sa
akin sweet, which is kiligz, pero sa’yo lang! Kaloka! Snob niya beauty ko!
Walang panama sa haba ng hair mo! Ganda mo talaga. Kanina ikaw lang tinanong
niya kung ano gusto mo, tapos siya nag-order para sa’yo, tapos ikaw pinagbantay
niya ng gamit niya! Tell me that’s nothing!” Si Janine.
“Uto! Mabait lang ‘yung tao. At saka katabi ko
siya kaya siguro ako pinagbantay niya.” Giit ko.
“Isa pa ‘yan! Tumabi siya sa’yo! Hay nako, huwag
ka na kasi magbulag-bulagan. Pero aminin mo! Aminin mo! OMG, di mo rin kinaya
‘yung “Okay lang” niya kanina! I swear, may sparks siya sa’yo! May ningning
‘yung mga mata niya kanina!!” tila nagtititili na litanya ni Janine. Buti na
lamang at wala pang mga estudyante sa canteen dahil nga maaga kaming pumasok.
Namula ako.
“Oh, di ba! Aminin mo! Basta, ito, friend ha.
Advice lang. Masamang isentro ang buhay sa isang tao lamang, lalo na kung alam
mong wala rin namang patutunguhan ang pagtingin mo sa isang tao. Malay mo...
may iba pa pala diyan na hindi mo napapansin na handang paikutin ang mundo niya
sa’yo at ‘di ka sasaktan at ipagpapalit.” Makahulugang sabi ni Janine.
“Sira.” Ang tangi ko na lang nasabi.
“Hay, nako. Sana matauhan na ‘yung isa diyan.”
Sabi niya. Sasagot pa sana ako nang biglang dumating si Matt. “Oh, dapat kumain
na kayo. Baka nagugutom na si Josh.” Bungad niya sa amin. Tiningnan naman ako
ni Janine, tila sinasabing “See?”. Sinimangutan ko lang siya. “Nako, huwag kang
mag-alala dito kay Josh. Bantay sarado ko ‘yan. Oh, bebe Josh, narinig mo naman
si Papa Matt. Kain na. Nag-aalala ‘yan sa’yo.” Sabi sa akin ni Janine.
“Kain ka na.” Dugtong pa ni Matt. At kumain na
nga kaming tatlo. Si Janine ay nagkukukwento na naman ng kung anu-anong
katatawanan na nakapagpapatawa sa amin ni Matt. Si Matt naman ay nakilala
naming bilang isang joker pero corny magjoke. Ang cute niya habang naghihintay
siya sa mga reaksyon namin ni Janine. Bigla naman kaming pilit na tatawa ni
Janine na tila pinaparating sa kanya na corny ang mga joke niya at aasarin
siya. “Josh, I think kailangan na nating tumawa.” ang madalas na pambara ni
Janine. Pansamantala kong nakalimutan ang kalungkutan ko dahil sa kanilang
dalawa.
Habang nagkakasiyahan ay binaling ko ang atensyon
ko sa mga mata ni Matt. Tila nga nakita ko ang kinang at kasiyahan nito. Lalo
naman akong nabigla sa mga naiisip ko na maaaring tama nga si Janine. Napansin
ko rin na bigla na lang siya magnanakaw ng tingin sa akin. Posible nga kaya?
Posible kayang may pagtingin si Matt sa akin? Ang bilis naman ata, kung ganoon?
Noon, kapag nalaman kong may pagtingin sa akin ang isang lalaki ay maiilang at
mandidiri ako, pero bakit kay Matt ay tila natutuwa pa ako? Napabuntong-hininga
na lang ako.
Siguro nga panahon na para isantabi ang mga
nararamdaman ko kay Gab. Napaisip talaga ako sa mga katagang binitawan ni
Janine kanina. Kung tama man si Janine ay wala naman sigurong mawawala sa akin.
Pero hindi dapat ako umasa. Assuming ko talaga! Nang-aasar lang si Janine at
friendly lang talaga si Matt, and that’s the end of it!
Siguro nga dahil sa bigat ng mga nangyari sa amin
ni Gab ay tuluyang nawalan na ako ng pag-asa. Dagdagan pa na malaki ang
posibilidad na sila na nga ni Therese at inilihim niya sa akin ito. Masaya na
siguro siya. Nakita ko ang mga ngiti niya kahapon eh. Masakit, pero sabi nga ni
Janine na unhealthy daw kung papaikutin ko ang mundo ko kay Gab. Kahit hindi
naman niya sabihin ay alam kong si Gab ang tinutukoy niya.
"Josh," tawag sa akin ng isang babae.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nagtaka naman ako kung ano ang
kailangan ng taong ito.
Ano kayang kailangan ni Therese?
--
Itutuloy...
ay pahamak si Teresa!
ReplyDeletekilig much talaga ang JOMAT love team haha...
thanks author sa mabilis na update. pa take off na climax gooooo!
sana bukas may update agad hahaha...
-omar kamil-
matagal pa haha. marami pang mangyayari in between bago may magkaaminan (kung sinuman sa kanila iyon) ;)
DeleteNice story...
ReplyDeletenice chapter auth0r,,
ReplyDeleteButi nalang breaktime namin ngay0n kaya nakabasa uli ako sa bago m0ng update..
Keep up a go0d w0rk..
*james*
nice chapter auth0r,,
ReplyDeleteButi nalang breaktime namin ngay0n kaya nakabasa uli ako sa bago m0ng update..
Keep up a go0d w0rk..
*james*
Kilig na kilig ako sa chpter na to. Hahaha suuuuuper si matt....:))
ReplyDelete- gavi
GAB - JOSH PA RIN MAGKATULOYAN KASI SILA ANG MGA BIDA. PANGKABOG LANG YAN SI MATT!
ReplyDeleteWANNA BET?
Next chapter na author! Galing ng storya na to! Hahaha, naprepredict ko na aaminin ni Matt ang nararamdaman nya kay Josh at Marerealize ni Gab na may pagtingin din sya para kay Josh. LOL
ReplyDelete-K
Kakaloka si Gab at wagas na ang pagsisiniungaling. Sarap kurotin ang singit! Hmft!
ReplyDeletewhew! affected talaga ako sa chapters na to. Ang galing mo author 2 thumbs up!
ReplyDeletedun na matauhan si Gab kung sila na ni Josh at Matt. hihiwalyan nya si Therese para mapasakanya si Josh. tsk tsk tsk huli na yata.
ReplyDeleteMr. DJ
Ang harot naman ni matt at ladlad agad ang peg. may pinagdaanan?
ReplyDeleteAng haba ng bangs ni Josh at pinag aagawan lols
ReplyDeleteWala pang update?
ReplyDeleteMr. Author, sana kay Janine nalang si Matt at si Gab pa rin kay Josh. Di pa kasi siya nainform hehe...SAM
ReplyDeleteMALIBOG SI JOSH! TSE! x10
ReplyDeletetouchef naman ako sa nanay ni josh. shodi siyang nagpabaya. love na love nya si josh. mother knows best.
ReplyDeleteJosh wag kaagad bumigay. Konting pakipot naman para bibo haha
ReplyDeleteang galing naman
ReplyDeleteOkey rin nmn pla ang unang araw ng third year ko. parang may mali. diba toda selos sya at umatungal pa sya s kwarto hanggang s nakatulugan? hehe. dipo ba pangalawang araw sya sumaya. angkabati pa nga sila ni gab.
ReplyDeletebharu
ganda poh
ReplyDelete