Followers

Monday, June 3, 2013

'Unexpected Chapters 7-8

Hello, everyone!

Ito na po ang chapters 7-8. Fair warning, though. Ito (chapter 8) na siguro ang pinaka-cheesy na chapter sa buong series, so I'll understand if medyo maiirita kayo, kasi to be quite honest medyo hindi ako makapaniwala na ako ang nagsulat noon. :)) But don't you worry, ito na ang pinakarurok ng ka-cheesyhan, at medyo seryoso na ang mga susunod na chapters. Pasensya na kung medyo maikli ang update na ito, kaya nga 2 chapters each update na ang ginagawa ko.

Fingers crossed na matapos ko ito before my classes start of Thursday.

Gusto ko magpasalamat sa mga nagco-comment, at sa mga silent readers na rin. You inspire me. :)

Constructive criticisms are highly encouraged.

Lastly, a big thank you to Kuya Mike for giving me the opportunity to publish my work here.


Happy reading! :)

--
Chapter 7

Josh.

I came home relatively happy, dahil napagtanto kong may maganda rin namang nangyari ngayong araw. Una ay ang pagkakaayos namin ni Gab. Ikalawa ay dahil sa bago kong kaibigan na si Matt. Sa ‘di malamang dahilan ay magaan ang loob ko sa kanya. Okay rin naman pala ang unang araw ng third year ko.

Ngunit hindi ko maikakailang may ilang bagay din ang bumabagabag sa akin. Una ay ang pagsisinungaling ni Gab, at ang tila pag-arte niya na parang wala siyang ginawa. Malamang. Alangan namang ipahalata niya sa’yo, giit ng utak ko. Medyo nasaktan ako dahil sa naaatim pa rin niyang pakitunguhan ako ng normal kahit na may ginawa siya sa aking hindi maganda. Ikalawa ay tungkol naman kay Matt. Masyado naman ata akong nawili sa kanya. Kanina sa canteen ay sandali kaming nagkatitigan. Hindi ko maitangging nabihag ako sa mga tingin niyang iyon. Ang ganda talaga ng mga mata ni Matt.

Hayyy.

Hindi ko napansing nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Sinagot ko ito agad. “Hello?” tanong ko. “Bes, nasa sala niyo ako.” si Gab. Oo nga pala, pupunta nga pala siya. Agad akong nag-ayos ng sarili at binaba siya. Nakita kong masaya silang nagkwekwentuhan ni mama.

“Oh, anak hindi mo naman sinabing pupunta pala si Gab dito.” Bungad ni mama sa akin. “Ah, biglaan lang kasi.” Matamlay kong sagot na dala siguro ng antok. “Oh, maiwan ko na muna kayo dito. Ipaghahanda ko muna kayo ng merienda.” Paalam ni mama sa akin. Nagkatitigan lang kami. Binabasa ko ang mukha niya.

“Oh, naiinlove ka na naman sa akin!” biro niya. Nabigla naman ako. Tinamaan ako, eh. “Ulul!” tanging balik ko sa kanya. “Hehe, joke lang. ‘Di ba sabi ko naman sa’yo babawi ako sa’yo?” sabi niya. Napatango na lang ako. Tila may sariling utak ang bunganga ko at bigla na lang akong nagsalita. “Bakit umuwi ka agad kahapon? Ang aga pa ah?” tanong ko sa kanya, sinusubukang hulihin siya.

Tila natigilan siya. Gusto kong malaman kung aamin siya sa akin o ipagpapatuloy ang pagsisinungaling niya. “Huy, ano na? Natigilan ka ata?” medyo masungit kong tanong. Tila natauhan naman si Gab. “Ahh.. eh, masama pakiramdam ko, eh kaya hindi na kita nasabihan.” tugon niya.

Boom! Strike one.

Hindi ko maintindihan, pero tila nilamon na ako ng galit. Pinaghalong selos, galit, at lungkot ang nararamdaman ko. Napakatindi nito, dahil nga siya ang taong mahal ko. Ngayon ay alam ko na kung gaano kasakit ang pagsinungalingan ka ng taong mahal mo. Kasi kung aamin siya sa akin ngayon ay papatawarin ko na sana siya at tatanggapin ang paliwanag niya.

Sobrang sakit pala.

Sinungaling. Ganyan ka ba babawi?, sa loob-loob ko. Tumango na lamang ako. “Ah, bes musta naman ang first day?” tila ilang niyang sabi, pilit iniiba ang usapan. Sumakay na lang ako, total siya ang unang nagpaikot sa akin, eh. “Ah, okay naman! Masaya nga eh. Namiss ko na rin kasi si Janine, tapos ang bait pa nung bago kong kaibigang si Matt, parang napaka-HONEST niyang tao.” Patutsada ko sa kanya na ikinagulat ko naman.

Tila naguluhan naman siya sa tinuran ko, pero mas pinili niyang manahimik. Tumahimik na lang kami. Sobrang awkward ng katahimikang namamagitan sa amin. Buti na lamang ay dumating na si mama dala ang meryenda namin. “Oh, kumain na muna kayo. Masyado naman kayong tahimik.” Pagpansin sa amin ni mama. Nagkatitigan naman kami ng nanay ko. Tila binabasa niya ang nasa isip ko. Normally kasi kapag nasa bahay si Gab ay nabuburyo si mama sa kaingayan namin.

“Oh, kain na daw oh. Para tayong timang. Baka pagkain lang ang kailangan para MATAUHAN tayo, hehe.” Pagpapatuloy ko, ngunit tumawa para magmukha itong biro. Inobserbahan ko ang reaksyon ni Gab. Tila nagpanic siya at mukhang nakakatunog na siya na alam ko talaga kung ano ang ginawa niya kahapon. Nagtitigan kami, binigyan ko siya ng isang plastik na ngiti, habang sinuklian naman niya ako ng isang tingin na puno ng pagtataka.

Hindi na kami nag-imikan ni Gab. At matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na siya sa akin. “Bes, masama ata pakiramdam mo. Kita na lang tayo sa school bukas. Ingat ka, ha.” Paalam niya sa akin. Hindi nga nakaligtas sa kanya ang cold kong pakikitungo sa kanya. “Ingat ka. Sige, kita-kits.” ang tanging naisagot ko na lang. Niligpit ko na lang ang mga pinagkainan namin.

Nagulat ako ng may maramdaman akong kumalabit sa akin. Si mama lang pala. “Anak, mamaya mo na gawin iyan. Doon muna tayo sa dining.” aya ni mama sa akin. Hindi na ako nagtanong pa at naupo na lamang kami ni mama sa upuan ng dining table. “Oh, shoot. Makikinig ako.” Diretsahang sabi ni mama. Tama nga ang hinala kong hindi nakaligtas kay mama ang pagkabalisa ko.

“Bakit? Ano bang meron, ma?” pagkukunwari ko. “Hay nako, hijo. Pati ba naman nanay mo pagtataguan mo? Eh halata naman, eh. Anong ginawa ni Gab?” Humanga naman ako kay mama dahil natumbok niya agad ang saloobin ko. Tiningnan ko na lang siya ng matagal hanggang sa bumigay na ako. Tila ang mga kinimkim ko simula kahapon hanggang kanina ay isa-isang naglabasan. Umiiyak na pala ako.

“Ma, kasi... si Gab eh. Nagsinungaling siya sa akin. Sila na ata nung nililigawan niya, pero hindi niya sinasabi sa akin. Tapos, nagsinungaling din siya kahapon. Sabi niya, nasa bahay lang siya, pero nakita namin siya kahapon ni Janine sa mall kasama ‘yung babaeng nililigawan niya. Tapos kanina sinubukan kong... sinubukan kong paaminin siya, pero nagsinungaling pa rin siya. Ma... ang sakit.” Hagulgol ko kay mama. Niyakap lang niya ako. “Sabi niya huwag daw kaming magsinungaling sa isa’t-isa, pero ano ‘to? Ma, hindi ko talaga maintindihan.” Tila nanghina akong bigla sa pagconfide kay mama.

“Shhh... anak, lagi mong isiping hindi ka nag-iisa. Anak, masaya ako na nagtiwala ka sa akin na ishare ang mga dinadala mo. Anak, kailangan mong tanggapin na may mga bagay talagang imposible. Magkaka-girlfriend din ‘yang si Gab, eventually. Dapat tanggapin mo iyon, dahil in the first place, kaibigan ka niya, kahit masakit dapat maging masaya ka para sa kanya. Tungkol naman sa pagsisinungaling niya sa’yo ay mali iyon at ‘di kita pipigilang maghinanakit sa kanya. It’s the least you can do. Friendship na kasi ang issue diyan, anak. Bigyan ka dapat niya siguro ng space.” Napabuntong-hininga si mama. Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nakikinig sa mga pangaral ni mama.

“Anak, nang magtapat ka sa akin ay inihanda ko na ang sarili ko sa mga ganitong pangyayari. Mahirap ang pinili mong landas, anak. Maraming beses kang ‘di maiiwasang masaktan. Dapat magpakatatag ka. Nandito lang ako, huwag mong kalimutan ‘yan.” Pagtatapos niya. Laking pagpapasalamat ko na siya ang ina ko, dahil sobrang mapag-alaga at maunawain niyang tao.

“Thank you, ma.” Ang huli kong nasabi.

Ngayon ay narealize kong hindi man ako swerte sa pag-ibig ay sobrang swerte ko naman kay mama dahil naiintindihan niya ako. Tila nahimasmasan naman ako sa realisasyong iyon.
At gaya kagabi, ang pag-iyak ang huli kong naalala bago ako tuluyang makatulog.
--

Chapter 8

Hindi ko pa rin pinapansin si Gab. Kahit pa ulanin niya ng text ang cellphone ko ay hindi ko pa rin siya nirereplyan. Akala niya kasi may sakit ako, pero alam kong may hinala na iyon kung bakit ganoon ko na lang siya pinakitunguhan kahapon. Masakit pa rin kasi. Ayoko na lang na bigla akong bumigay at malaman niya ang totoo kong pagtingin sa kanya. Mas malaking problema iyon. Pumasok ako ng school na nagtataka kung bakit walang megaphone... este, na Janine na sumalubong sa akin. Napabarangay siguro, natatawa kong tudyo sa sarili. Dumating ako ng mas maaga sa nakasanayan dahil sa naging mabilis ang biyahe ko at napaaga ako ng gising.

“Hi, Josh!” masiglang bati sa akin ni Matt. Tila nadala naman ako sa langit nang makita siya. Ang gwapo talaga. ‘Di gaya ng kahapon na nakataas ang buhok niya, nakababa ito ngayon. Mas lalo itong bumagay sa kanya. Natulala na lang ako. Matutulala siguro kahit sinong makakakita sa ayos niya ngayon. Habang papalapit siya ay naamoy ko na naman ang pabango niyang lubos kong kinakaadikan. Ano? Kinakaadikan?! Malaki na nga ang problema ko.

“Oh, kamusta?” normal kong pagbati sa kanya. Ngumiti lang siya. “Heto, maganda gising ko. Inspired kasi, eh. Nakita ko agad ‘yung inspirasyon ko.” tugon niya na ikinataka ko. Sino naman? “Weh, ikaw ha. Landi mo, ‘tol. Sino namang chicks ‘yan?” ‘di ko napigilang tanungin. Nagtaka naman ako dahil tinitigan niya ako ng matagal na parang sinusuri ng mabuti ang mukha ko. Una akong kumalas sa titigan namin at naramdaman ko na lang na parang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi. Tangina, namumula siguro ako. Tiningnan ko na lang siya, at nakatingin pa rin siya sa akin. Ngumiti ito ng bahagya at sinabing sa susunod na lang daw niya ikkwento kapag handa na siya. Ano naman kailangang paghandaan doon?, taka kong pag-iisip.

Hindi ko ikakailang bahagya akong kinilig sa maikli naming eksena kanina. Ang suyo kasi ng tingin niya sa akin. Parang yung tinging binibigay ko kay Gab... Hindi kaya? Napailing naman ako dahil alam kong imposibleng maging totoo kung anuman ang iniisip ko.

“Wow naman, ang sweet!” biglang entrada ni Janine at binigyan ako ng isang kindat. “Mukhang close na kayo ni Matt, ah.” Asar niya sa akin. “Ahh, ehh...” medyo gulo kong pagsisimula dahil nga bangag pa rin ako dahil naalala ko pa rin ‘yung mga tingin ni Matt kanina. Naalimpungatan na lang ako nang bigla akong akbayan ni Matt. “Oo naman. Friends na kami. ‘Di ba Josh?” maligalig na sabi sa akin ni Matt. Umakbay na rin ako sa kanya at sabing “Oo naman, hehe. Ikaw lang naman ‘di namin kaclose, eh.” Biro ko kay Janine. Aaminin ko tila may naramdaman akong kakaiba nang umakbay ako sa kanya, pero hindi ko na lang binigyan iyon ng masyadong pansin.

“Hay nako, kaloka naman! Isang araw pa lang magkakilala, nagkamabutihan na. Selos me. Baka magakatuluyan kayo niyan.” Maarteng biro ni Janine. Namula naman ako sa biro niya dahil medyo tinamaan ako. Nakakahiya kay Matt. Aaminin kong may paghanga na akong nararamdaman para kay Matt, pero hindi pa rin naman ito kasing lalim ng nararamdaman ko para kay Gab. “Okay lang.” Diretsong tugon ni Matt. Bigla namang napaangat ang ulo ko sa sinabi Matt. Napasinghap naman si Janine. Ngiti-ngiti lamang si Matt.

ANO DAW? OKAY LANG?! “OMG! KALOKA ITO! Grabehan na!” hysterical na tugon ni Janine. “Ano namang trip ‘yan?” tanong ko kay Matt, pilit na winawaksi ang mga nabubuong ideya sa isip ko. “Wala naman akong sinabi ah.. eh... Halika, libre ko kayo ng breakfast. Maaga pa naman.” Yaya niya. “Naks naman, papa Matt! Nagpapalakas agad kay friend! Tama ‘yan! Isama ang kaibigan sa panliligaw!” buryo ni Janine kay Matt. “Magtigil ka nga.” Medyo naiinis kong pigil kay Janine. Binigyan naman niya ako ng isang matagumpay na ngiti, tila ipinoproklama niyang tama ang mga hula niya kahapon.

Hindi naman siguro.

“Janine, order ka na ng kahit ano. Josh, ikaw anong gusto mo?” masuyong tanong ni Matt. Ang sweet naman niya. Hindi naman siguro, baka friendly lang talaga, tila nakikipagtalo ang dalawang side ng utak ko. “Ay, kaloka! Ako pina-order na lang bigla, pero si Josh tinanong muna ang gusto. Kilig akez. Emergherd.” Si Janine. Napayuko na lang ako dahil sa mga nangyayari. Hindi naman pinansin ni Matt ang banat ni Janine. Nagtataka nga ako eh, na ni isa sa mga banat ni Janine ay ‘di siya nagreact maliban na lang dun sa isang epic na “Okay lang.” kanina. Haaay. “Uy, Josh, ano na?” tanong niya sa akin. Tila nagising naman ako mula sa isang panaginip. “Ahh, eh... kung ano na lang sa’yo. Thanks.” Hiya kong tugon. “Okay.” Ngiti niyang paalam bago tumayo.

“Wow naman, couple meal! Grabeeeeee!” kilig na singit ni Janine. Pinandilatan ko na lang siya na tila sinasabing magtigil na siya sa mga banat niya. Inismiran na lang niya ako. “Oh, papa Matt, order na tayo. Bebe Josh, pabantay nalang ng gamit.” Sabi ni Janine at tumayo na nga ang dalawa. Napaisip naman ako ng matindi sa mga nangyari kanina. Posible nga kaya? Pero isang araw pa lang naman kasi! Tila isang bahagi ng puso ko ang tumibok dahil sa pag-iisip kong iyon. Sana, hindi ko naiwasang umasa. Pero mali ito, pagkontra ko. Si Gab ang mahal ko, eh. At saka, lalaki si Matt. Ewan.

“Josh, pabantay muna ng gamit. Paload lang ako sa labas. Sensya na. Thanks.” Nakangiting sabi ni Matt sa akin at habang tumakbo palabas ng canteen. Naiwan kami ni Janine sa table. “Ikaw talaga. Iyang bunganga mo, kung anu-ano na lang lumalabas diyan.” Diretso kong sabi kay Janine. “Kilig ka naman. Aminin mo, ang sweet niya, noh? Shit, kung ‘di lang kita kaibigan, sinulot ko na siya sa’yo!” sabi niya. Nagtaka naman ako. “Ha? Eh wala namang something ah. Bakit mo susulutin?” tanong ko. Tila natigilan si Janine. Ang gulo talaga nitong babaeng ito. “Ahh, ehh.. wala. At saka anong walang something? Baka naman wala PANG something?!” Ang nasabi na lang niyang biro. Natahimik ako.

“Hoy, friend ha. Feel ko talaga tama ang predictions ko. Tingnan mo ang sweet niya sa’yo. Okay lang naman kung pati sa akin sweet, which is kiligz, pero sa’yo lang! Kaloka! Snob niya beauty ko! Walang panama sa haba ng hair mo! Ganda mo talaga. Kanina ikaw lang tinanong niya kung ano gusto mo, tapos siya nag-order para sa’yo, tapos ikaw pinagbantay niya ng gamit niya! Tell me that’s nothing!” Si Janine.

“Uto! Mabait lang ‘yung tao. At saka katabi ko siya kaya siguro ako pinagbantay niya.” Giit ko.
“Isa pa ‘yan! Tumabi siya sa’yo! Hay nako, huwag ka na kasi magbulag-bulagan. Pero aminin mo! Aminin mo! OMG, di mo rin kinaya ‘yung “Okay lang” niya kanina! I swear, may sparks siya sa’yo! May ningning ‘yung mga mata niya kanina!!” tila nagtititili na litanya ni Janine. Buti na lamang at wala pang mga estudyante sa canteen dahil nga maaga kaming pumasok.

Namula ako.

“Oh, di ba! Aminin mo! Basta, ito, friend ha. Advice lang. Masamang isentro ang buhay sa isang tao lamang, lalo na kung alam mong wala rin namang patutunguhan ang pagtingin mo sa isang tao. Malay mo... may iba pa pala diyan na hindi mo napapansin na handang paikutin ang mundo niya sa’yo at ‘di ka sasaktan at ipagpapalit.” Makahulugang sabi ni Janine.

“Sira.” Ang tangi ko na lang nasabi.

“Hay, nako. Sana matauhan na ‘yung isa diyan.” Sabi niya. Sasagot pa sana ako nang biglang dumating si Matt. “Oh, dapat kumain na kayo. Baka nagugutom na si Josh.” Bungad niya sa amin. Tiningnan naman ako ni Janine, tila sinasabing “See?”. Sinimangutan ko lang siya. “Nako, huwag kang mag-alala dito kay Josh. Bantay sarado ko ‘yan. Oh, bebe Josh, narinig mo naman si Papa Matt. Kain na. Nag-aalala ‘yan sa’yo.” Sabi sa akin ni Janine.

“Kain ka na.” Dugtong pa ni Matt. At kumain na nga kaming tatlo. Si Janine ay nagkukukwento na naman ng kung anu-anong katatawanan na nakapagpapatawa sa amin ni Matt. Si Matt naman ay nakilala naming bilang isang joker pero corny magjoke. Ang cute niya habang naghihintay siya sa mga reaksyon namin ni Janine. Bigla naman kaming pilit na tatawa ni Janine na tila pinaparating sa kanya na corny ang mga joke niya at aasarin siya. “Josh, I think kailangan na nating tumawa.” ang madalas na pambara ni Janine. Pansamantala kong nakalimutan ang kalungkutan ko dahil sa kanilang dalawa.

Habang nagkakasiyahan ay binaling ko ang atensyon ko sa mga mata ni Matt. Tila nga nakita ko ang kinang at kasiyahan nito. Lalo naman akong nabigla sa mga naiisip ko na maaaring tama nga si Janine. Napansin ko rin na bigla na lang siya magnanakaw ng tingin sa akin. Posible nga kaya? Posible kayang may pagtingin si Matt sa akin? Ang bilis naman ata, kung ganoon? Noon, kapag nalaman kong may pagtingin sa akin ang isang lalaki ay maiilang at mandidiri ako, pero bakit kay Matt ay tila natutuwa pa ako? Napabuntong-hininga na lang ako.

Siguro nga panahon na para isantabi ang mga nararamdaman ko kay Gab. Napaisip talaga ako sa mga katagang binitawan ni Janine kanina. Kung tama man si Janine ay wala naman sigurong mawawala sa akin. Pero hindi dapat ako umasa. Assuming ko talaga! Nang-aasar lang si Janine at friendly lang talaga si Matt, and that’s the end of it!

Siguro nga dahil sa bigat ng mga nangyari sa amin ni Gab ay tuluyang nawalan na ako ng pag-asa. Dagdagan pa na malaki ang posibilidad na sila na nga ni Therese at inilihim niya sa akin ito. Masaya na siguro siya. Nakita ko ang mga ngiti niya kahapon eh. Masakit, pero sabi nga ni Janine na unhealthy daw kung papaikutin ko ang mundo ko kay Gab. Kahit hindi naman niya sabihin ay alam kong si Gab ang tinutukoy niya.

"Josh," tawag sa akin ng isang babae. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nagtaka naman ako kung ano ang kailangan ng taong ito.

Ano kayang kailangan ni Therese?
--

Itutuloy...

21 comments:

  1. ay pahamak si Teresa!
    kilig much talaga ang JOMAT love team haha...
    thanks author sa mabilis na update. pa take off na climax gooooo!

    sana bukas may update agad hahaha...

    -omar kamil-

    ReplyDelete
    Replies
    1. matagal pa haha. marami pang mangyayari in between bago may magkaaminan (kung sinuman sa kanila iyon) ;)

      Delete
  2. nice chapter auth0r,,
    Buti nalang breaktime namin ngay0n kaya nakabasa uli ako sa bago m0ng update..
    Keep up a go0d w0rk..

    *james*

    ReplyDelete
  3. nice chapter auth0r,,
    Buti nalang breaktime namin ngay0n kaya nakabasa uli ako sa bago m0ng update..
    Keep up a go0d w0rk..

    *james*

    ReplyDelete
  4. Kilig na kilig ako sa chpter na to. Hahaha suuuuuper si matt....:))

    - gavi

    ReplyDelete
  5. GAB - JOSH PA RIN MAGKATULOYAN KASI SILA ANG MGA BIDA. PANGKABOG LANG YAN SI MATT!

    WANNA BET?

    ReplyDelete
  6. Next chapter na author! Galing ng storya na to! Hahaha, naprepredict ko na aaminin ni Matt ang nararamdaman nya kay Josh at Marerealize ni Gab na may pagtingin din sya para kay Josh. LOL

    -K

    ReplyDelete
  7. Kakaloka si Gab at wagas na ang pagsisiniungaling. Sarap kurotin ang singit! Hmft!

    ReplyDelete
  8. whew! affected talaga ako sa chapters na to. Ang galing mo author 2 thumbs up!

    ReplyDelete
  9. dun na matauhan si Gab kung sila na ni Josh at Matt. hihiwalyan nya si Therese para mapasakanya si Josh. tsk tsk tsk huli na yata.

    Mr. DJ

    ReplyDelete
  10. Ang harot naman ni matt at ladlad agad ang peg. may pinagdaanan?

    ReplyDelete
  11. Ang haba ng bangs ni Josh at pinag aagawan lols

    ReplyDelete
  12. Wala pang update?

    ReplyDelete
  13. Mr. Author, sana kay Janine nalang si Matt at si Gab pa rin kay Josh. Di pa kasi siya nainform hehe...SAM

    ReplyDelete
  14. MALIBOG SI JOSH! TSE! x10

    ReplyDelete
  15. touchef naman ako sa nanay ni josh. shodi siyang nagpabaya. love na love nya si josh. mother knows best.

    ReplyDelete
  16. Josh wag kaagad bumigay. Konting pakipot naman para bibo haha

    ReplyDelete
  17. ang galing naman

    ReplyDelete
  18. Okey rin nmn pla ang unang araw ng third year ko. parang may mali. diba toda selos sya at umatungal pa sya s kwarto hanggang s nakatulugan? hehe. dipo ba pangalawang araw sya sumaya. angkabati pa nga sila ni gab.

    bharu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails