Ponse's
Foreword:
I
dedicate this final piece of Fantasy Inc. to my Co-MSOB-Author Mr. Love Doctor.
Matagal
kong pinag-isipan kung iiwan ko na lang bang hindi tapos ang Story nina Lance
and Xander at kapag iniisip ko ang Fantasy Inc. ay naiisip ko din si Mr. Love
Doctor.
We
got acquainted sa kasagsagan ng 'Ang iPhone' and 'Gungjung Hanjeongsik' and sa
posting din ng 'Will You Wait For Me' ng isa din naming Co-MSOB-Author na si
Lawfer.
Nag-uusap
kami sa Comment ni Mr. Love Doctor and siya lang ang nagtatanong kung kailan ko
ba i-a-Update ang Fantasy In. Series.
Sa
totoo'y nasty series ang Fantasy Inc at nilalagyan ko lang ng less than 5 na
sentences ang side story ng mga bida at nagulat talaga ako na interesado si Mr.
Love Doctor sa story ng mga bida (Sina Lance and Xander)
Then
I got curious kaya tinignan ko ang Blogger Profile niya at napag-alamanan kong
tagaMSOB pala si Mr. Love Doctor (Before Tito Mike adopted Ponse sa MSOB) and
nabasa ko ang ginawa niyang Poem.
Talagang
kinabahan na ako sa pag-a-update ko ng story dahil bigatin pala itong si Mr.
Love Doctor lalo na nung sumagot siya sa Poll namin in English.
Natutuwa
talaga ako at palaging nag-iiwan ng Comment si Mr. Love Doctor sa mga Post ko
at laging nagtatnong tungkol sa Fantasy Inc.
Thank
You Mr. Love Doctor at palagi mong sinasamahan ang Kuya Ponse mo sa kaniyang
mga Stories kaya naman...
Please
Accept my humble gift as a token of my Gratitude and as my way to say Thank you
sa'yo.
The
Finale of Fantasy Inc. is for you para may Closure tayo kina Lance and
Xander...
---Kuya
Ponse
Kahit dumating na ang araw na siyang pinakahihintay
ni Xander ay hindi talaga niya lubusang maunawaan kung bakit nararamdaman niya
ang isang matinding kurot ng kalungkutan sa kaniyang puso...
Kung tutuusi'y dapat siyang magdiwang
at magsaya sa mga sandaling iyon dahil mga ilang oras na lamang ay aakyat na siya
sa entablado ng PICC at makakamit na niya ang kaniyang matagal ng minimithing Diploma
na kaniyang pinaghirapan...
"Poging-pogi na tayo ah!"
Ang masayang sambit ni Lance sa kaniyang kasamahang si Xander habang inaayos
niya ang suot-suot nitong Polo.
Wala namang maisagot si Xander kay
Lance bagkus ay binigyan na lamang niya ito ng isang pekeng ngiti't saka tinalikuran
upang humarap sa salamin upang tiyaking maayos ang kaniyang suot at hitsura...
Habang abala si Xander sa pag-susuklay
ay lumapit itong si Lance sa kaniyang likuran at inilapat nito ang mga
maskuladong mga kamay nito sa balikat ng kasamahan...
"Congratz..." Ang matipid na
sambit ni Lance habang tinitignan niya ang mga mata ng kasamahan sa repleksyon
nito sa salaming nasa kanilang harapan.
Napabugtong hininga na lamang si
Xander at hindi na nito naiwasang ipakita sa kaniyang ekspresyon ang isang matinding
pagkakadismaya niya para kay Lance...
"Hindi ka ba talaga pupuwede Kuya
Lance?" Ang pagtatampo ni Xander sa kasamahan.
"Ano ka ba? Parang hindi mo alam
ang patakaran..." Ang sagot na lamang ni Lance.
Napabugtong hininga na lamang ulit si
Xander habang inaalala niya na pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng kaniyang
Final Examination ay sinabihan at inimbitahan na niya ang kaniyang Kuya Lance na
kung pupuwede'y samahan siya nito sa kaniyang Graduation dahil wala siyang ibang
makakasama at ang kaniyang mga magulang at kapatid ay nasa sa Probinsiya.
Hindi naman nagdalawang isip itong si
Lance at kaagad namang pinaunlakan niya ang imbitasyon sa kaniya ni Xander ng
walang pag-aalinlangan...
Gustong-gusto talagang makita ni Lance
na makaakyat sa entablado itong si Xander...
"Sorry talaga..." Ang
paghingi ng paumanhin ni Lance sa kasamahan at alam niyang labis na umasa itong
si Xander na makakasama siya.
Batid ni Lance na iyon ang magiging pinakamasayang
araw sa buhay ni Xander simula nang makilala niya ito sa kanilang kumpanya...
Alam niyang siya lamang ang itinuring
na pamilya ni Xander sa Maynila...
Gustuhin man niyang samahan si Xander
na ipagdiwang ang Graduation nito'y wala siyang magawa kungdi tumanggi dahil
nagkaroon siya ng Kliyenteng Parokyano't Suki na ng Fantasy Inc. sa araw na
ito...
"Bagay na bagay sayo ang Polo...
Akala ko eh hindi magkakasya sa'yo..." Ang dagdag na sinabi ni Lance kay
Xander upang maiba ang usapan.
"Salamat Kuya sa regalo
mo..."
Pansin pa din ni Lance ang kalungkutan
na nasa mga malalamlam na mata ni Xander...
Walang pasabing niyakap niya ng
kaniyang mga maskuladong bisig mula sa likuran si Xander...
"Bawi na lang ako next time...
Promise..."
"Ano pa nga ba..." Ang
nasambit na lamang ni Xander na may kaunting ngiti sa kaniyang mga labi.
Alam ni Xander na wala din naman
siyang magagawa kahit magpumilit pa siya dahil siya mismo'y sumusunod din sa
patakaran ng Fantasy Inc.
Ang mga binitawang salita ng mga
sanadaling yaon sa kaniya ng kaniyang Kuya Lance ay kaniyang aasahang muli
dahil pinagkakatiwalaan niya ito ng lubusan sa simula pa lamang...
"O pano Kuya Lance... Mauna na
ako... Ingat ka ha..."
"Ikaw din... May pupuntahan ka pa
ba pagkatapos n'yo sa PICC?"
"Wala na... Gustong mag-inuman ng
mga Classmate ko kaya lang hindi na ako sasama..."
"Bakit naman... Parang farewell party
n'yo na nga yun sa isa't-isa..." Ang sinabi naman ni Lance na siya namang
ikinasimangot ni Xander dahil sa salitang 'Farewell'.
"Kuya naman... Alam mo namang
hindi ako umiinom kaya..."
"At mas gusto kong matulog na
lang pagkatapos..." Ang sagot naman ni Xander na ikinaNgiti ni Lance.
"Kung ganoon naman pala eh dapat
palang maghanda ako... Anong gusto mong bilhin ko pagkatapos ko sa aking
Kliyente?" Ang masayang sinabi ni Lance sabay akbay niya kay Xander.
"Kuya naman... Huwag ka nang
mag-abala pa... Ako nga ang dapat na magBlow Out..."
"Basta..." Ang nangingiti na
lamang na sinabi ni Lance kay Xander at pagkatapos ay umupo na siya sa kanilang
kama at humiga.
"Mamaya na lang Kuya
Lance..." Ang paalam ni Xander sa kasamahan habang tinitignan niya ito
mula ulo hanggang paa.
NakaBoxer brief lamang si Lance na
kinasanayan na nitong suutin sa tuwing matutulog na ito...
"Sige mamaya na lang
Xander..." Ang sambit ni Lance sabay hikab at pikit ng mga mata nito.
Nangiti na lamang si Xander at walang
pasabing lumabas na sa pintuan ng maliit na Kuwartong inuupahan ng Fantasy Inc
para sa kanilang dalawa...
Nais mang yakapin ni Xander ang
kaniyang Kuya Lance ng mga sandaling iyo'y hindi na nito nagawa dahil baka
hindi niya mapigilang mapaluha...
Habang naglalakad papuntang sakayan
itong si Xander bitbit ang kaniyang Toga'y gising na gising pa din ang diwa ni
Lance at iniisip niya ang kasamahan...
Masaya si Lance sa pagtatapos ni
Xander ngunit batid ni Lance na kapag nakaakyat na sa entabado't natanggap na
ni Xander ang Diploma nito'y matatapos na din ang Kontrata niya sa Fantasy
Inc...
Napabugtong hininga na lamang si Lance
ng mga sandaling iyon...
Matagal na niyang kakilala't
kasa-kasama itong si Xander sa Fantasy Ing. at kung minsa'y magkasama pa sila
sa pagseserbisyo sa kanilang mga nagiging Kliyente...
Napalapit na sa kaniya si Xander...
Minahal niya ito bilang nakakabatang
kapatid...
Yun ang pagkakaalam ni Xander...
Mas higit pa sa kapatid ang
nararamdaman nitong si Lance para sa kasamahan ngunit ikinubli niya ito kay
Xander dahil batid ni Xander na isa siyang pamilyadong tao at nagtratrabaho
siya sa Fantasy Inc. para guminhawa ang kaniyang asawa't dalawang anak na
iniwan niya sa Probinsya...
"Hay... Alexander..." Ang
mahinang sambit ni Lance sa kaniyang isipan bago siya kumuha ng tulog upang
makapag-ipon ng lakas para sa kaniyang pagseserbisyo sa kaniyang magiging
Kliyente mamayang gabi...
...
...
...
...
...
Hindi na napigilan pa ni Xander ang
pagbagsak ng kaniyang mga luha kasabay ng pag-iiyakan din ng kaniyang mga
kaBatchMate dahil sa mensahe sa kanila ng kanilang Dean...
Ibinuhos lahat ni Xander sa kaniyang pagluha
ang kanyang nararamdamang kasiyahan at kalungkutan ng mga sandaling iyon...
Parang nangungutyang nagsasayaw sa
kaniyang isipan ang kaniyang mga ala-ala ng mga sandaling iyon...
Nais
mang magpatuloy niya sa kaniyang pag-aaral sa Kolehiyo sa kanilang Probinsiya'y
napakaImposible na nito dahil sa estado ng katayuang pinansyal ng kaniyang
pamilya...
Tumigil
siya nang makaGraduate na siya sa HighSchool...
Kahit
na ayaw man niyang lumuwas ng Maynila'y napilitan na din siya dahil na din sa
pag-uudyok sa kaniya ng kaniyang mga magulang at talaga namang kapos na kapos
sila sa pera noon at sumabay pa ang pagkakasakit ng kaniyang Tatay...
Ginawa
ito ni Xander para na din matulungan niya ang kaniyang pamilya at maging
maginhawa man lang ang buhay ng kaniyang mga nakababatang kapatid...
Kahit
na mahirap ang naging kauna-unahang trabaho ni Xander bilang isang kargador sa
Palengke ng Balintawak at labis ang pagmamaltrato sa kaniya ng kaniyang naging
amo'y nakayanan lahat iyon ni Xander para sa kaniyang Pamilya...
Naging
kuntento na lamang ang binata na pakainin siya sa trabaho ng tatlong beses
isang araw at ipadala ang kaniyang buong sasahurin sa probinsya...
Nag-eextra-extra
na lamang siya sa iba kapag natapos na siya sa kaniyang tungkulin sa kaniyang
amo upang magkaroon siya ng perang panggasta niya para sa kaniyang sarili
habang nasa Maynila siya...
Hindi
man sapat ang nakukuha niya sa mga extrang trabaho'y kaniya itong tinitipid
dahil mas kailangan sa probinsya ang kaniyang sahod...
Dumating
ang pagkakataong napag-alamanan ni Xander na hindi pala ipinadadala ng kaniyang
amo sa kaniyang pamilya ang kaniyang sahod at nang kinausap niya ito'y siya pa
ang binaligtad at ipinalabas nito na ibinibigay sa kaniya ng personal ang
kaniyang sahod...
Nais
mang ireklamo ni Xander ang kaniyang amo'y wala na siyang nagawa pa dahil
pinalayas siya nito't pinagbantaang ipapaPulis...
Labis
ang pagkatakot ng binata sa banta ng kaniyang amo kaya nama'y tahimik na lamang
siyang nag-alsa balutan at lumayas sa poder nito't nagtanong-tanong sa kaniyang
mga kakilala sa Palengke kung tatanggapin ba siya ng mga ito bilang helper ngunit
dahil maimpluwensya ang kaniyang amo'y nahirapang makahanap ng mapapasukan ang
binata...
Hindi
naman siya tinalikuran ng magandang kapalaran dahil may isang taong nakapansin
sa kaniyang habang naglalakad-lakad siya sa lansangan...
Napansin
nito ang taglay na kakisigan at ang pagkakaroon ng maamong mukha ng binata at
kaagad na nilapitan siya nito't nagpakilala at walang atubiling inalok siya ng pananghalian...
Dahil
na din sa gutom ay sumama siya sa estranghero't habang kumakai'y naikuwento
niya rito ang kaniyang kasalukuyang situwasyon at walang atubiling nagpakilala sa
kaniya ang Estranghero...
Bilang
isang scout ng Fantasy Inc. ay direchong inalok nito si Xander upang makapagtrabaho
sa kanilang Kompaniya at ipinaliwanag muna nito sa binata ang magiging trabaho
nito sa kanilang kumpanya at kung ano ang pupuwedeng maibigay nito sa kaniya...
Sa
umpisa'y nagdesisyon kaagad ang binatang tanggihan ang alok ng Scout ngunit
dahil na din sa magagandang sinabi nito sa kaniya'y napaOo na din siya...
Labis
ang pagmamahal ni Xander sa kaniyang pamilya't lalong-lalo na sa kaniyang mga
kapatid kaya sila na lamang ang kaniyang naiisip ng mga sandaling yaon...
Tanggap
ng Binatang wala namang mawawala sa kaniya sakali mang ipagamit niya sa mga
Parokyano ng Fantasy Inc. ang kaniyang musmos na katawan kapalit ng salapi...
Napag-alaman
ng may-ari ang buhay ni Xander at naging patas naman ito sa binata kaya nama'y
binigyan siya nito ng pagkakataong makapag-aral at sasagutin ng kanilang
kumpanya ang kaniyang tuition at tangging allowance lamang ang ibibigay nito sa
kaniya...
Hindi
na nagdalawang isip pa si Xander at sinunggaban na niya ang pagkakataong
makapasok siya sa Kolehiyo at sa tinggin naman niya'y naging patas ang may-ari
ng Fantasy Inc. sa kaniya lalong-lalo na't nakasaad sa kontrata na magtratrabaho
siya sa kanila hanggang sa makapagtapos siya sa pag-aaral at bibigyan na lamang
siyang muli ng bagong kontrata kung maiisipan niyang magpatuloy na magtrabaho
sa Fantasy Inc...
...
...
...
...
...
"TOL!!! TINATAWAG NA ANG PANGALAN
MO!!!" Ang sigaw ng isang kaklase ni Xander sa kaniya na siya namang
nagpabalik sa lumilipad na diwa ng binata.
"Alexander Perez..." Ang
pagtawag mula sa entablado na siya namang ikinaalisto ng binata.
Pinunasan muna ni Xander ang kaniyang
mga luha bago siya umakyat ng entablado...
Labis ang kasiyahang nadama ng
binatang si Xander sa sandaling mibigay sa kaniya't kaniyang mahawakan na ang
kaniyang Diploma...
Nagbunga din sa wakas ang kaniyang
pagtitiyaga't pagsusumikap...
Alam niyang tapos na din ang kaniyang
pagtratrabaho para sa Fantsay Inc.
Makakapagpahinga na din ang kaniyang
pagal na katawan...
"Salamat po Lord..." Ang
naiusal na lamang ni Xander at sa wakas ay nakatapos na din siya at pagkatapos
niyang makapagBoard exam at makapasa'y magiging ganap na ang kaniyang pagiging
Guro.
Nais niyang maging lubusang masaya
ngunit nagsimula na ang matinding pagkalat ng kalungkutan sa kaniyang
damdamin...
Kahit na masasaya na ang lahat ng mga magulang,
kapatid, kaklase't kaeskuwelang nakapaligid kay Xander ay hindi pa din mawala
ang kaniyang nararamdaman niyang kurot sa kaniyang puso...
Nagmamadaling lumabas ng PICC si
Xander dahil nakakaramdam siya ng inggit sa kaniyang mga nakikita...
Hindi man niya nakasama ang kaniyang
pamilya sa kaniyang Graduation ay alam niyang mayroong isang taong malapit sa
kaniyang puso na kaniyang ninanais na makita't makasama sa mga sandaling
iyon...
Pagkahubad niya ng kaniyang Toga'y
kaagad na naglakad siya upang kumuha ng taxi't magpahatid na sa kanilang
apartment...
Tahimik lamang na nakaupo si Xander sa
loob ng tumatakbong taxi habang mahigpit niyang hawak ang kaniyang Diploma...
Para siyang batang sabik na maipakita
ito sa kaniyang Kuya Lance...
...
...
...
...
...
Hindi na nagulat itong si Xander nang
hindi niya nakita sa kanilang kuwarto ang kaniyang Kuya Lance dahil alam niyang
kasalukuyang sineserbisyuhan nito ang isang kliyente ng Fantasy Inc.
Mainggat na inalapag na lamng ni
Xander sa ibabaw ng maliit na mesang nasa sa tabi ng kanilang kama ang binili
niyang dalawang Jumbo Siopao mula sa 7-11 bago siya tuluyang umuwi kanina...
Ito kasi ang paborito ng kaniyang Kuya
Lance...
Kaagad na hinubad na ni Xander ang
kaniyang damit at saka pumasok na sa banyo upang maligo na't pagkatapos ay matulog...
Hindi niya alam kung anong oras uuwi
ang kaniyang Kuya Lance pero kalimita'y umaga na sila nakakauwi kapag may
sineserbisyuhan silang kliyente...
...
...
...
...
...
Matapos na makapagpunas ng katawan at
maisampay ni Xander ang kaniyang ginamit na tuwalya'y kaagad siyang kumuha mula
sa kaniyang bag ng isang malinis na puting bikini brief na siya namang nakasanayan niyang isuot bilang
pantulog...
Nakaimpake na din si Xander dahil
kinabukasa'y lilipat na siya sa isang boarding house...
Hindi na siya pupuwedeng tumuloy sa
paupahan nila ng kaniyang Kuya Lance dahil hindi na siya Empleyado ng Fantasy
Inc...
Nakapag-ipon naman ng pera si Xander
mula sa Allowance na ibinibigay sa kaniya ng Fantasy Inc at talaga namang
napakalaki nito at napapadalhan pa niya ang kaniyang pamilya sa Probinsiya...
Inilapat ng binata ang kaniyang
maputi't makinis na katawan sa kanilang kama at ilang saglit lamang ay
naramdaman niyang may kung anong bagay siyang nahigaan sa kama...
Nagtataka itong si Xander nang makita
niyang isa itong nakatuping papel...
Labis ang pagkagulat ng binata nang
binuklat niya ito't napag-alamanang isa itong sulat mula kaniyang Kuya Xander na
para sa kaniya...
Habang nakahiga'y malumanay na binasa
ni Xander ang sulat ng kaniyang Kuya Lance...
Xander,
Pasensya
ka na talaga at hindi ako nakasama sa Graduation mo. Alam kong naiintindihan mo
naman ang Kuya mo di ba.
Basta
masayang-masaya ako para sayo at alam kong ito na ang araw na pinakahihintay
mo. Saludo ako sa iyong pagsusumikap na makapagtapos at ngayon nga'y
naisakatuparan mo na ang iyong pangarap.
Xander,
Matagal na tayong magkakilala at nagkasama at labis ko itong ikinatutuwa.
Malayo
man ako sa aking pamilya ngunit hindi ko naramdamang mag-isa lang ako dito sa
Manila dahil dumating ka sa buhay ko.
Hindi
ka na naging iba sa akin.
Maraming-maraming
salamat at pinagkatiwalaan mo ako at itinuring mo ako bilang Kuya mo.
Napakalaking
bagay ito para sa akin.
Nagpapasalamat
din ako sa iyo dahil binigyan mo ako ng inspirasyon. Kinausap ko ang may-ari ng
Fantasy Inc. at sa awa naman ng Diyos ay pag-aaralin nila ako katulad sa naging
kasunduan ninyo. Ngayon ko lang napagtantong hindi pa pala huli ang lahat para
sa akin. Maraming-maraming salamat talaga Xander.
Hindi
ko masabi ito sa iyo ng personal kaya naglakas loob na lamang akong isulat ito.
Masaya
ako dahil nakaGraduate ka na pero nalulungkot din naman ako dahil tapos na ang
kontrata mo sa Fantasy Inc. at lilipat ka na. Alam ko namang pupuwede naman
tayong magkita pero iba pa din kapag magkasama tayo sa bahay at magkatabi sa
pagtulog.
Nalulungkot
ako dahil napamahal ka na sa akin Xander.
Matagal
ko nang nararamdaman ito para sa iyo.
Sana'y
hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin kapag nabasa mo na ito.
Congratulations
ulit.
Lance
Lalong sumibol ang lungkot na siyang nararamdaman
ni Xander nang mga sandaling iyon habang paulit-ulit niyang binabasa ang
'Napamahal ka na sa akin...'
Hindi na napigilang tumulo ang luha ni
Xander dahil sa tinagal-tagal na nakasama niya ang kaniyang Kuya Lance ay
ngayon lang siya nakatanggap ng ganitong kataga mula sa dito...
Nais makatiyak ni Xander sa sinabing
iyon ni Lance sa sulat...
"Bakit ngayon lang..." Ang
nanghihinayang na nasambit ni Xander sa kaniyang sarili kasabay ng kaniyang
pagbangon mula sa kama.
Pinupunasan ni Xander ang kaniyang mga
luha habang hinahalungkat niya ang mga nakaimpakeng gamit na nasa sa loob ng
kaniyang bag...
Nang makita't makuha na niya ang
hinahanap niyang bagay mula sa loob ng kaniyang bag ay agad niya itong inilagay
sa mesang pinapatungan ng laptop na ipinahiram sa kanilang dalawa ng Fantasy
Inc na kanilang ginagamit upang makausap nila ang kanilang mga mahal sa
buhay...
Nagdadalawang isip itong si Xander
ngunit hinayaan na lamang niya ang bagay na iyon sa mesa upang makita ito ng
kaniyang Kuya Lance kapag dumating na ito...
Napabugtong hininga na lamang itong si
Xander at nahiga siyang muli sa kanilang kama...
Habang hawak-hawak pa din niya ang
sulat ng kaniyang Kuya Lance ay hindi niya mapigilang mapaluha muli...
Labis siyang nagsisisi kung bakit
hindi pa niya sinabi sa kaniyang kasamahan ang kaniyang tunay na nararamdaman para
dito...
Alam ni Xander na may pamilya si Lance
sa Probinsya kaya nagdadalawang isip siyang magtapat dito at nakuntento na
lamang siyang mahalin na lamang ang kaniyang Kuya Lance ng palihim...
Masaya na siya't kuntento sa tuwing inaalagaan
siya ni Lance sa tuwing uuwi siyang bugbog sarado't pasa-pasa ang katawan
galing sa pagseserbisyo sa mga mararahas at sadista niyang mga Kliyente...
Kuntento na siya sa ganoon ngunit
ngayo'y gustong makatiyak itong si Xander kung pareho nga lang ba ang
nararamdam nila ng kaniyang Kuya Lance sa bawat isa...
Hindi malinaw kay Xander ang sulat ni
Lance...
Mahal ba siya nito bilang kapatid...
O mahal siya nito na mas higit pa...
Nakaidlipan na ng binata ang
pagdarasal na sana'y pareho lamang ang kanilang nararamdaman ng kaniyang Kuya
Lance...
Nagdarasal din siya na sana'y huwag
masamain ng kaniyang Kuya Lance ang sulat niya na kaniyang iniwan sa tabi ng kanilang
Laptop...
...
...
...
...
...
Tahimik na binuksan ni Lance ang
pintuan ng kanilang maliit na kuwarto ni Xander...
Napangiti na lamang si Lance nang
makita niya ang maputi't mestizong nakaBrief na katawan ni Xander na malalim
ang pagkakahimbing sa kanilang kama...
Katulad ng dati'y inumaga na naman
siyang nakauwi...
Agad-agad na inilapag ni Lance ang
kaniyang biniling Burger mula sa 24 hours na bukas na Burger King na lagi
niyang dinadaan muna sa tuwing uuwi siya galing sa pagseserbisyo sa kanilang mga
Kliyente...
Iyon kasi ang paboritong pagkain ni
Xander...
Napangiti itong si Lance nang makita niya
ang supot ng 7/11 sa mesa...
Alam niyang ang paborito niyang Jumbo
Siopao ang laman ng supot...
Ganoon palagi ang kanilang ginagawang
dalawa ni Xander...
Hindi nila nakakaligtaang bilhan ng
pasalubong ang isa't-isa...
Hindi mapigilang pagmasdan ni Lance
ang nahihimbing na si Xander...
Nang mapansin ni Lance na hawak-hawak
ng natutulog na si Xander ang iniwan niyang sulat para dito'y parang bulang
nawala ang ngiting nasa sa kaniyang mga labi...
Agad-agad na naghubad ng kaniyang
damit itong si Lance at tahimik na pumasok sa banyo upang maligo na...
Habang naliligo'y hindi maiwasang
mahiya ni Lance sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang ginawang sulat para kay
Xander...
Batid niyang nabasa na ito ni Xander...
"Whew..." Ang sambit na lamang
ni Lance at wala nang atrasan pa ang kaniyang ginawa.
Nanghihinayang din si Lance kung bakit
ngayon lamang niya ito naipaalam kay Xander kung kailan tapos na ang kontrata
nito sa Fantasy Inc.
Pagkatapos na maligo'y nagsuot na lamang ng malinis na boxer
Brief itong si Lance at umupo sa harapan ng kanilang laptop...
Habang hinihintay niyang magising si
Xander ay naisipan niyang tignan na lamang ang kaniyang Status sa website ng
Fantasy Inc. dahil sa tuwing matatapos silang magserbisyo sa kanilang mga
kliyente'y tinatawagan ng kanilang kompanya ang mga ito upang tanungin at
tiyakin kung nasiyahan ba sila sa ginawang pagseserbisyo ng kanilang mga escort
at pagkatapos ay ilalagay ng Fantasy Inc sa profile ng mga Escort sa kanilang
website ang naging komento sa kanila ng kanilang mga sinerbisyuhang mga
kliyente...
"Ano to..." Ang nasambit ni
Lance sa sarili nang makita niya ang isang envelope na may nakasulat na 'Kuya
Lance'...
Kaagad niyang dinampot ang envelope at
binuksan...
Hindi na nag-aksaya ng mga sandali
itong si Lance at kaagad niyang binasa ang sulat para sa kaniya na nagmula kay
Xander...
Kuya
Lance,
Matagal
ko nang nagawa itong sulat na ito kaya lang wala akong lakas ng loob na ibigay ito
sa iyo.
Masaya
ako dahil nakapagtapos na ako at tapos na din ang kontrata ko sa Fantasy Inc.
Maraming
maraming salamat talaga Kuya Lance dahil palaging nandidiyaan ka para sa akin.
Maraming-maraming
salamat din at pumayag kang maging Kuya ko.
Ikaw
lang ang tanging pamilya ko dito.
Hindi
ako nakakaramdam na mag-isa lang ako dito sa Manila at hindi ako nakakramdam ng
takot dahil nandiyaan ka at nasasandalan kita.
Salamat
din Kuya Lance sa pag-aalala mo sa akin at sa pag-aalaga mo sa akin sa tuwing
uuwi akong bugbog sarado.
Hindi
ko makakayanan ang lahat kung wala ka sa tabi ko Kuya.
Maraming-maraming
salamat talaga Kuya Lance sa pagsupporta mo sa akin.
Isa
ka sa mga taong nakapagpursige sa akin na mag-aral at magsumikap ng mabuti kaya
para sa inyo ng aking pamilya ang diplomang makukuha ko.
Hindi
ko alam kung makakayanan ko ba ang lahat-lahat kung wala ka Kuya.
Ikaw
ang nagpapalakas sa akin sa tuwing pahihirapan ako ng mga sadistang kliyente
ko.
Ikaw
palagi ang iniisip ko kapag sinasaktan ako't pinahihirapan nila at talaga
namang nakakyanan ko dahil talagang iniisip kong makakauwi din ako at makikita
ka.
Nakakayanan
ko ang lahat dahil sa iyo Kuya Lance.
Mahal
na mahal kita Kuya.
Alam
kong pamilyadong tao ka na at mali ang mahalin ka kaya matagal kong itinago ang
nararamdaman kong ito para sa iyo.
Ginawa
ko ang sulat na ito bago magGraduation at ngayong binabasa mo ito ay nais kong
ipaalam na nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ibigay ito sa iyo.
Mahal
na mahal kita Kuya Lance at sana'y hindi magbago ang samahan natin sakaling
hindi mo kayang suklian ang nararamdaman kong ito para sa iyo.
Mabuti
nang nasabi ko ito sa iyo bago ako lumipat ng apartment.
Maiintindihan
ko kung hindi ka na makikipag-ugnayan sa akin pagkatapos mong mabasa ang sulat
ko.
Mahal
na mahal kita Kuya Lance at yan ang totoo.
Xander
Napakagat ng labi itong si Lance at
nagulat talaga siya sa kung ano ang laman ng sulat ni Xander na para sa
kaniya...
"Kuya Lance..." Ang pagpukaw
ng pansin ni Xander sa kaniyang Kuya-kuyahan.
Tahimik na nakaupo lamang ito sa
kanilang kama't seryoso siyang tinitignan nito na may agam-agam sa kaniyang mga
mata...
Hindi na namalayan ni Lance na nagising
na pala itong si Xander at matagal na siyang pinagmamasdan nito habang binabasa
niya ang sulat nito.
"Xander..." Ang mahinang
sagot lamang ni Lance sa kasamahan.
Tumigil ang pagtakbo ng oras at ang
pag-ikot ng mundo sa pagitan ng dalawang pinakamabentang Escort ng Fantasy Inc.
Pareho silang walang maisip na
sasabihin sa kaharap...
Pinakikiramdaman nila ang bawat isa
kung sino ang unang magsasalita...
Batid nila na nabasa na ng kanilang
kaharap ang kanilang mga sulat para sa isa't-isa't alam na din nila kung ano
ang tunay na nararamdaman nila sa bawat isa...
"Kuya..." Ang naudlot na
naiusal na lamang ni Xander nang walang pasabing tumayo't nilapitan siya ng
kaniyang Kuya Lance at hinagkan siya sa kaniyang mga labi ng
pagkatamis-tamis...
Dahil sa sobrang bigat ng katawan ni
Lance ay napahiga muli si Xander sa kama at kaniyang sinalo ang buong bigat ng
maskulado't morenong pangangatawan ng kaniyang Kuya Lance na pumaibabaw sa
kaniya...
Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si
Lance at masuyo niyang hinalikan ang mga labi ni Xander habang uhaw na inilapat
niya ang kaniyang maiinit at matikas na palad sa makinis at maputing balat ng
katwan nito...
Labis-labis ang magulong nararamdaman
ni Xander ng mga sandaling iyon ngunit batid niyang nasagot na at naliwanagan
na ang kaniyang katanungan kanina...
Alam ni Xander ng mga sandaling iyon
at nakakasiguro siyang pareho lamang sila ng nararamdaman ng kaniyang Kuya
Lance...
Habang bumababa ang paghalik ni Lance
papunta sa kaniyang makikinis na leeg ay napapikit itong si Xander ngunit huli
na ang lahat...
Tumulo na ang kaniyang mga luha na
nais niyang ikubli sa kaniyang Kuya Lance...
"Bakit..."
"Wala lang..."
"Anong wala lang... Bakit ka umiiyak..."
"Masaya lang ako Kuya
Lance..."
Napangiti na lamang si Lance sa
kaniyang narinig mula kay Xander...
Tumihaya si Lance mula sa kaniyang
pagkakadagan sa katawan ni Xander at pagkatapos ay inakbayan niya ang kaniyang
kasamahan upang idikit ang katawan nito sa kaniyang katawan...
Umunan si Xander sa maskuladong dibdib
ng kaniyang Kuya Lance habang ninanamnam niya ang masarap na pakiramdam ng
paghimas-himas ng isang kamay nito sa kaniyang makinis na likuran...
"Kuya..."
"Shhh..."
"Pakinggan mo muna ako
Xander..."
"Mahal na mahal kita... Alam kong
mali dahil may asawa't mga anak na ako..."
"Pero mahal talaga kita..."
Ang pagtapos ni Lance sa kaniyang sinabi kay Xander na siyang ikinatahimik na
naman muli ng dalawa.
Lalong humigpit ang pagkakayakap ni
Xander sa matikas at Morenong semikalbo niyang Kuya-kuyahan...
"Mahal na mahal din kita Kuya
Lance..."
"Anong gagawin natin
Xander..."
"Ewan ko..." Ang sambit ni
Xander kay Lance dahil wala siyang maisip na magandang paraan dahil ang
pumapasok lamang sa isipan niya'y ang asawa't mga anak ng kaniyang Kuya Lance
na nasa probinsya.
Napapikit si Xander nang hinalikan
siya sa kaniyang noo ng kaniyang Kuya Lance...
Walang pasabing muli siyang hinagkan nito
sa kaniyang mamula-mula't malalambot na mga labi...
"Saka na lang natin isipin yun...
Congratulations pala..."Ang pagbati ni Lance kay Xander kasabay ng
paglalapat muli niya ng kaniyang mga labi sa labi ni Xander...
Muling dinama ng mga palad ni Lance
ang kakinisan ng buong katawan ni Xander at gayundin din naman ang isa...
May galak na pinaubaya ni Xander ang
kaniyang katawan sa kaniyang Kuya Lance na siya namang maingat na ninamnam ng
isa...
Sabik na sabik na pinagsaluhan nina
Lance at Xander ang bawat saglit...
Ibinuhos at ipinadama nilang lahat ang
kanilang nararamdam sa bawat isa...
Buong-buong tinaggap ni Xander ang
kaniyang Kuya Lance kasabay ng pagtanggap niya sa kaniyang sarili na siya ang
magsasakripisyo para sa pagmamahalan nilang dalawa...
Lubusang tinanggap ni Xander ng mga
sandaling yaon ang katotohanang hindi niya makukuhang buong-buo ang pagmamahal
ng kaniyang Kuya Lance...
Kuntento't masaya na siya na alam niya
sa kaniyang sariling mahal siya nito...
Mas pipiliin na lamang niya ang ganito
dahil tanggap niyang kakabit ng kanilang pagmamahalan ay ang isang sakripisyong
marapatdapat lamang niyang pagtiisan at kayanin sa kaniyang buhay...
Hangga't minamahal siya ng kaniyang
Kuya Lance ay mamahalin din niya ito sa abot ng kaniyang makakayanan...
Fin
Napadaan lang ako tapos nakita ko ang Fantasy Inc..
ReplyDeleteBuhay nga naman parang life hehehe.... Nice story nakarelate ako sa nararamdaman ni Lance at Xander na Palagi kayong mgkasama pero d nyo masasabi na mahal nyo pala ang isat isa na higit pa sa mgkaibigan...
May pinag-huhugutan ka ba Kuya Richie??? :)))
DeleteWow nakakarelate ako sa huling bahagi ng kwento. Nice ending kuya ponse. Thanks for finishing the story.
ReplyDeleteMwahhh
Di ba wholesome na wholesome Mr.Stan :)))
DeletePonse...
ReplyDeleteEmail mo ako sa kuyanitro.gmail.com, may mga itatanong lang ako sau...
Don't keep me waiting ng matagal ha?
Madami tayo pag uusapan hehehe
Kuya Nitro
Kuya Nitro!!! Nag Email na po ako!!! AMISHUUU!!!
DeleteWala pa ako nareceive hehehe sa kuyanitro@gmail.com ha?
DeleteUsap tayo....
Kuya nag email din ako dun sa Mazar mo...
DeleteHahaha dami ko tawa ponse tagal ko na di open yun kaya di na maalala hahaha... Send mo nga ung email add at baka maalala ko ung password.... Pati fb ko dun di na mabuksan hahaha post mo dito tapos delete na lang after...
DeleteThis comment has been removed by the author.
Deletemazarcon@yahoo.com
DeleteWhoa! Kuya Ponse, this is your story ah. Hahaha. I remember nung nagkwento ka minsan. This is really your life story, sort of.
ReplyDeleteAhrael
Hindi yan Jec! Fiction yan... Baka yung sinasabi mo eh yung kay Daddy Koy???
DeleteKuya Ponse. Bat ngayon lang ulet? T.T
ReplyDeleteAlam mo ba kuya. RAMDAM na ramdam ko po ung emosyon dito.Though eto lang na last part ang nabasa ko, package na rin kuya. =)
Miss ko na mga gawa mong kwento, kuya. Naalala ko tuloy umg nakaka-good vibes na "Ang Tutor". ^_^
- Godbless kuya. =)
Kuya Ponse. Bat ngayon lang ulet? T.T
ReplyDeleteAlam mo ba kuya. RAMDAM na ramdam ko po ung emosyon dito.Though eto lang na last part ang nabasa ko, package na rin kuya. =)
Miss ko na mga gawa mong kwento, kuya. Naalala ko tuloy umg nakaka-good vibes na "Ang Tutor". ^_^
- Godbless kuya. =)
Kakatapos ko lang ng 'Ang RnB' and on Going yung 'The Yuppie Is My Puppy' as of now I'm in the middle of writing a story for Dylan Kyle's Blog and i'm preparing my new series for MSOB :)))
DeleteGOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY Mr.Coffee Prince :)))
HELLO!!!!!! CALLING THE PEOPLE OF THE EARTH.........where can i find the previous chapters of this story. PRETTY PLEASE!!!!!!!! many thanks!
ReplyDeleteNasty series yan Kuya Salamisim...
DeletePlease Click the Title Below:
Fantasy Inc Series