Followers

Tuesday, June 4, 2013

Fantasy Inc FINALE


Ponse's Foreword:
I dedicate this final piece of Fantasy Inc. to my Co-MSOB-Author Mr. Love Doctor.
Matagal kong pinag-isipan kung iiwan ko na lang bang hindi tapos ang Story nina Lance and Xander at kapag iniisip ko ang Fantasy Inc. ay naiisip ko din si Mr. Love Doctor.
We got acquainted sa kasagsagan ng 'Ang iPhone' and 'Gungjung Hanjeongsik' and sa posting din ng 'Will You Wait For Me' ng isa din naming Co-MSOB-Author na si Lawfer.
Nag-uusap kami sa Comment ni Mr. Love Doctor and siya lang ang nagtatanong kung kailan ko ba i-a-Update ang Fantasy In. Series.
Sa totoo'y nasty series ang Fantasy Inc at nilalagyan ko lang ng less than 5 na sentences ang side story ng mga bida at nagulat talaga ako na interesado si Mr. Love Doctor sa story ng mga bida (Sina Lance and Xander)
Then I got curious kaya tinignan ko ang Blogger Profile niya at napag-alamanan kong tagaMSOB pala si Mr. Love Doctor (Before Tito Mike adopted Ponse sa MSOB) and nabasa ko ang ginawa niyang Poem.
Talagang kinabahan na ako sa pag-a-update ko ng story dahil bigatin pala itong si Mr. Love Doctor lalo na nung sumagot siya sa Poll namin in English.
Natutuwa talaga ako at palaging nag-iiwan ng Comment si Mr. Love Doctor sa mga Post ko at laging nagtatnong tungkol sa Fantasy Inc.
Thank You Mr. Love Doctor at palagi mong sinasamahan ang Kuya Ponse mo sa kaniyang mga Stories kaya naman...
Please Accept my humble gift as a token of my Gratitude and as my way to say Thank you sa'yo.
The Finale of Fantasy Inc. is for you para may Closure tayo kina Lance and Xander...

---Kuya Ponse



Kahit dumating na ang araw na siyang pinakahihintay ni Xander ay hindi talaga niya lubusang maunawaan kung bakit nararamdaman niya ang isang matinding kurot ng kalungkutan sa kaniyang puso...
Kung tutuusi'y dapat siyang magdiwang at magsaya sa mga sandaling iyon dahil mga ilang oras na lamang ay aakyat na siya sa entablado ng PICC at makakamit na niya ang kaniyang matagal ng minimithing Diploma na kaniyang pinaghirapan...
"Poging-pogi na tayo ah!" Ang masayang sambit ni Lance sa kaniyang kasamahang si Xander habang inaayos niya ang suot-suot nitong Polo.
Wala namang maisagot si Xander kay Lance bagkus ay binigyan na lamang niya ito ng isang pekeng ngiti't saka tinalikuran upang humarap sa salamin upang tiyaking maayos ang kaniyang suot at hitsura...
Habang abala si Xander sa pag-susuklay ay lumapit itong si Lance sa kaniyang likuran at inilapat nito ang mga maskuladong mga kamay nito sa balikat ng kasamahan...
"Congratz..." Ang matipid na sambit ni Lance habang tinitignan niya ang mga mata ng kasamahan sa repleksyon nito sa salaming nasa kanilang harapan.
Napabugtong hininga na lamang si Xander at hindi na nito naiwasang ipakita sa kaniyang ekspresyon ang isang matinding pagkakadismaya niya para kay Lance...
"Hindi ka ba talaga pupuwede Kuya Lance?" Ang pagtatampo ni Xander sa kasamahan.
"Ano ka ba? Parang hindi mo alam ang patakaran..." Ang sagot na lamang ni Lance.
Napabugtong hininga na lamang ulit si Xander habang inaalala niya na pagkatapos na pagkatapos pa lamang ng kaniyang Final Examination ay sinabihan at inimbitahan na niya ang kaniyang Kuya Lance na kung pupuwede'y samahan siya nito sa kaniyang Graduation dahil wala siyang ibang makakasama at ang kaniyang mga magulang at kapatid ay nasa sa Probinsiya.
Hindi naman nagdalawang isip itong si Lance at kaagad namang pinaunlakan niya ang imbitasyon sa kaniya ni Xander ng walang pag-aalinlangan...
Gustong-gusto talagang makita ni Lance na makaakyat sa entablado itong si Xander...
"Sorry talaga..." Ang paghingi ng paumanhin ni Lance sa kasamahan at alam niyang labis na umasa itong si Xander na makakasama siya.
Batid ni Lance na iyon ang magiging pinakamasayang araw sa buhay ni Xander simula nang makilala niya ito sa kanilang kumpanya...
Alam niyang siya lamang ang itinuring na pamilya ni Xander sa Maynila...
Gustuhin man niyang samahan si Xander na ipagdiwang ang Graduation nito'y wala siyang magawa kungdi tumanggi dahil nagkaroon siya ng Kliyenteng Parokyano't Suki na ng Fantasy Inc. sa araw na ito...
"Bagay na bagay sayo ang Polo... Akala ko eh hindi magkakasya sa'yo..." Ang dagdag na sinabi ni Lance kay Xander upang maiba ang usapan.
"Salamat Kuya sa regalo mo..."
Pansin pa din ni Lance ang kalungkutan na nasa mga malalamlam na mata ni Xander...
Walang pasabing niyakap niya ng kaniyang mga maskuladong bisig mula sa likuran si Xander...
"Bawi na lang ako next time... Promise..."
"Ano pa nga ba..." Ang nasambit na lamang ni Xander na may kaunting ngiti sa kaniyang mga labi.
Alam ni Xander na wala din naman siyang magagawa kahit magpumilit pa siya dahil siya mismo'y sumusunod din sa patakaran ng Fantasy Inc.
Ang mga binitawang salita ng mga sanadaling yaon sa kaniya ng kaniyang Kuya Lance ay kaniyang aasahang muli dahil pinagkakatiwalaan niya ito ng lubusan sa simula pa lamang...
"O pano Kuya Lance... Mauna na ako... Ingat ka ha..."
"Ikaw din... May pupuntahan ka pa ba pagkatapos n'yo sa PICC?"
"Wala na... Gustong mag-inuman ng mga Classmate ko kaya lang hindi na ako sasama..."
"Bakit naman... Parang farewell party n'yo na nga yun sa isa't-isa..." Ang sinabi naman ni Lance na siya namang ikinasimangot ni Xander dahil sa salitang 'Farewell'.
"Kuya naman... Alam mo namang hindi ako umiinom kaya..."
"At mas gusto kong matulog na lang pagkatapos..." Ang sagot naman ni Xander na ikinaNgiti ni Lance.
"Kung ganoon naman pala eh dapat palang maghanda ako... Anong gusto mong bilhin ko pagkatapos ko sa aking Kliyente?" Ang masayang sinabi ni Lance sabay akbay niya kay Xander.
"Kuya naman... Huwag ka nang mag-abala pa... Ako nga ang dapat na magBlow Out..."
"Basta..." Ang nangingiti na lamang na sinabi ni Lance kay Xander at pagkatapos ay umupo na siya sa kanilang kama at humiga.
"Mamaya na lang Kuya Lance..." Ang paalam ni Xander sa kasamahan habang tinitignan niya ito mula ulo hanggang paa.
NakaBoxer brief lamang si Lance na kinasanayan na nitong suutin sa tuwing matutulog na ito...
"Sige mamaya na lang Xander..." Ang sambit ni Lance sabay hikab at pikit ng mga mata nito.
Nangiti na lamang si Xander at walang pasabing lumabas na sa pintuan ng maliit na Kuwartong inuupahan ng Fantasy Inc para sa kanilang dalawa...
Nais mang yakapin ni Xander ang kaniyang Kuya Lance ng mga sandaling iyo'y hindi na nito nagawa dahil baka hindi niya mapigilang mapaluha...
Habang naglalakad papuntang sakayan itong si Xander bitbit ang kaniyang Toga'y gising na gising pa din ang diwa ni Lance at iniisip niya ang kasamahan...
Masaya si Lance sa pagtatapos ni Xander ngunit batid ni Lance na kapag nakaakyat na sa entabado't natanggap na ni Xander ang Diploma nito'y matatapos na din ang Kontrata niya sa Fantasy Inc...
Napabugtong hininga na lamang si Lance ng mga sandaling iyon...
Matagal na niyang kakilala't kasa-kasama itong si Xander sa Fantasy Ing. at kung minsa'y magkasama pa sila sa pagseserbisyo sa kanilang mga nagiging Kliyente...
Napalapit na sa kaniya si Xander...
Minahal niya ito bilang nakakabatang kapatid...
Yun ang pagkakaalam ni Xander...
Mas higit pa sa kapatid ang nararamdaman nitong si Lance para sa kasamahan ngunit ikinubli niya ito kay Xander dahil batid ni Xander na isa siyang pamilyadong tao at nagtratrabaho siya sa Fantasy Inc. para guminhawa ang kaniyang asawa't dalawang anak na iniwan niya sa Probinsya...
"Hay... Alexander..." Ang mahinang sambit ni Lance sa kaniyang isipan bago siya kumuha ng tulog upang makapag-ipon ng lakas para sa kaniyang pagseserbisyo sa kaniyang magiging Kliyente mamayang gabi...
...
...
...
...
...
Hindi na napigilan pa ni Xander ang pagbagsak ng kaniyang mga luha kasabay ng pag-iiyakan din ng kaniyang mga kaBatchMate dahil sa mensahe sa kanila ng kanilang Dean...
Ibinuhos lahat ni Xander sa kaniyang pagluha ang kanyang nararamdamang kasiyahan at kalungkutan ng mga sandaling iyon...
Parang nangungutyang nagsasayaw sa kaniyang isipan ang kaniyang mga ala-ala ng mga sandaling iyon...
Nais mang magpatuloy niya sa kaniyang pag-aaral sa Kolehiyo sa kanilang Probinsiya'y napakaImposible na nito dahil sa estado ng katayuang pinansyal ng kaniyang pamilya...
Tumigil siya nang makaGraduate na siya sa HighSchool...
Kahit na ayaw man niyang lumuwas ng Maynila'y napilitan na din siya dahil na din sa pag-uudyok sa kaniya ng kaniyang mga magulang at talaga namang kapos na kapos sila sa pera noon at sumabay pa ang pagkakasakit ng kaniyang Tatay...
Ginawa ito ni Xander para na din matulungan niya ang kaniyang pamilya at maging maginhawa man lang ang buhay ng kaniyang mga nakababatang kapatid...
Kahit na mahirap ang naging kauna-unahang trabaho ni Xander bilang isang kargador sa Palengke ng Balintawak at labis ang pagmamaltrato sa kaniya ng kaniyang naging amo'y nakayanan lahat iyon ni Xander para sa kaniyang Pamilya...
Naging kuntento na lamang ang binata na pakainin siya sa trabaho ng tatlong beses isang araw at ipadala ang kaniyang buong sasahurin sa probinsya...
Nag-eextra-extra na lamang siya sa iba kapag natapos na siya sa kaniyang tungkulin sa kaniyang amo upang magkaroon siya ng perang panggasta niya para sa kaniyang sarili habang nasa Maynila siya...
Hindi man sapat ang nakukuha niya sa mga extrang trabaho'y kaniya itong tinitipid dahil mas kailangan sa probinsya ang kaniyang sahod...
Dumating ang pagkakataong napag-alamanan ni Xander na hindi pala ipinadadala ng kaniyang amo sa kaniyang pamilya ang kaniyang sahod at nang kinausap niya ito'y siya pa ang binaligtad at ipinalabas nito na ibinibigay sa kaniya ng personal ang kaniyang sahod...
Nais mang ireklamo ni Xander ang kaniyang amo'y wala na siyang nagawa pa dahil pinalayas siya nito't pinagbantaang ipapaPulis...
Labis ang pagkatakot ng binata sa banta ng kaniyang amo kaya nama'y tahimik na lamang siyang nag-alsa balutan at lumayas sa poder nito't nagtanong-tanong sa kaniyang mga kakilala sa Palengke kung tatanggapin ba siya ng mga ito bilang helper ngunit dahil maimpluwensya ang kaniyang amo'y nahirapang makahanap ng mapapasukan ang binata...
Hindi naman siya tinalikuran ng magandang kapalaran dahil may isang taong nakapansin sa kaniyang habang naglalakad-lakad siya sa lansangan...
Napansin nito ang taglay na kakisigan at ang pagkakaroon ng maamong mukha ng binata at kaagad na nilapitan siya nito't nagpakilala at walang atubiling inalok siya ng pananghalian...
Dahil na din sa gutom ay sumama siya sa estranghero't habang kumakai'y naikuwento niya rito ang kaniyang kasalukuyang situwasyon at walang atubiling nagpakilala sa kaniya ang Estranghero...
Bilang isang scout ng Fantasy Inc. ay direchong inalok nito si Xander upang makapagtrabaho sa kanilang Kompaniya at ipinaliwanag muna nito sa binata ang magiging trabaho nito sa kanilang kumpanya at kung ano ang pupuwedeng maibigay nito sa kaniya...
Sa umpisa'y nagdesisyon kaagad ang binatang tanggihan ang alok ng Scout ngunit dahil na din sa magagandang sinabi nito sa kaniya'y napaOo na din siya...
Labis ang pagmamahal ni Xander sa kaniyang pamilya't lalong-lalo na sa kaniyang mga kapatid kaya sila na lamang ang kaniyang naiisip ng mga sandaling yaon...
Tanggap ng Binatang wala namang mawawala sa kaniya sakali mang ipagamit niya sa mga Parokyano ng Fantasy Inc. ang kaniyang musmos na katawan kapalit ng salapi...
Napag-alaman ng may-ari ang buhay ni Xander at naging patas naman ito sa binata kaya nama'y binigyan siya nito ng pagkakataong makapag-aral at sasagutin ng kanilang kumpanya ang kaniyang tuition at tangging allowance lamang ang ibibigay nito sa kaniya...
Hindi na nagdalawang isip pa si Xander at sinunggaban na niya ang pagkakataong makapasok siya sa Kolehiyo at sa tinggin naman niya'y naging patas ang may-ari ng Fantasy Inc. sa kaniya lalong-lalo na't nakasaad sa kontrata na magtratrabaho siya sa kanila hanggang sa makapagtapos siya sa pag-aaral at bibigyan na lamang siyang muli ng bagong kontrata kung maiisipan niyang magpatuloy na magtrabaho sa Fantasy Inc...
...
...
...
...
...
"TOL!!! TINATAWAG NA ANG PANGALAN MO!!!" Ang sigaw ng isang kaklase ni Xander sa kaniya na siya namang nagpabalik sa lumilipad na diwa ng binata.
"Alexander Perez..." Ang pagtawag mula sa entablado na siya namang ikinaalisto ng binata.
Pinunasan muna ni Xander ang kaniyang mga luha bago siya umakyat ng entablado...
Labis ang kasiyahang nadama ng binatang si Xander sa sandaling mibigay sa kaniya't kaniyang mahawakan na ang kaniyang Diploma...
Nagbunga din sa wakas ang kaniyang pagtitiyaga't pagsusumikap...
Alam niyang tapos na din ang kaniyang pagtratrabaho para sa Fantsay Inc.
Makakapagpahinga na din ang kaniyang pagal na katawan...
"Salamat po Lord..." Ang naiusal na lamang ni Xander at sa wakas ay nakatapos na din siya at pagkatapos niyang makapagBoard exam at makapasa'y magiging ganap na ang kaniyang pagiging Guro.
Nais niyang maging lubusang masaya ngunit nagsimula na ang matinding pagkalat ng kalungkutan sa kaniyang damdamin...
Kahit na masasaya na ang lahat ng mga magulang, kapatid, kaklase't kaeskuwelang nakapaligid kay Xander ay hindi pa din mawala ang kaniyang nararamdaman niyang kurot sa kaniyang puso...
Nagmamadaling lumabas ng PICC si Xander dahil nakakaramdam siya ng inggit sa kaniyang mga nakikita...
Hindi man niya nakasama ang kaniyang pamilya sa kaniyang Graduation ay alam niyang mayroong isang taong malapit sa kaniyang puso na kaniyang ninanais na makita't makasama sa mga sandaling iyon...
Pagkahubad niya ng kaniyang Toga'y kaagad na naglakad siya upang kumuha ng taxi't magpahatid na sa kanilang apartment...
Tahimik lamang na nakaupo si Xander sa loob ng tumatakbong taxi habang mahigpit niyang hawak ang kaniyang Diploma...
Para siyang batang sabik na maipakita ito sa kaniyang Kuya Lance...
...
...
...
...
...
Hindi na nagulat itong si Xander nang hindi niya nakita sa kanilang kuwarto ang kaniyang Kuya Lance dahil alam niyang kasalukuyang sineserbisyuhan nito ang isang kliyente ng Fantasy Inc.
Mainggat na inalapag na lamng ni Xander sa ibabaw ng maliit na mesang nasa sa tabi ng kanilang kama ang binili niyang dalawang Jumbo Siopao mula sa 7-11 bago siya tuluyang umuwi kanina...
Ito kasi ang paborito ng kaniyang Kuya Lance...
Kaagad na hinubad na ni Xander ang kaniyang damit at saka pumasok na sa banyo upang maligo na't pagkatapos ay matulog...
Hindi niya alam kung anong oras uuwi ang kaniyang Kuya Lance pero kalimita'y umaga na sila nakakauwi kapag may sineserbisyuhan silang kliyente...
...
...
...
...
...
Matapos na makapagpunas ng katawan at maisampay ni Xander ang kaniyang ginamit na tuwalya'y kaagad siyang kumuha mula sa kaniyang bag ng isang malinis na puting bikini brief  na siya namang nakasanayan niyang isuot bilang pantulog...
Nakaimpake na din si Xander dahil kinabukasa'y lilipat na siya sa isang boarding house...
Hindi na siya pupuwedeng tumuloy sa paupahan nila ng kaniyang Kuya Lance dahil hindi na siya Empleyado ng Fantasy Inc...
Nakapag-ipon naman ng pera si Xander mula sa Allowance na ibinibigay sa kaniya ng Fantasy Inc at talaga namang napakalaki nito at napapadalhan pa niya ang kaniyang pamilya sa Probinsiya...
Inilapat ng binata ang kaniyang maputi't makinis na katawan sa kanilang kama at ilang saglit lamang ay naramdaman niyang may kung anong bagay siyang nahigaan sa kama...
Nagtataka itong si Xander nang makita niyang isa itong nakatuping papel...
Labis ang pagkagulat ng binata nang binuklat niya ito't napag-alamanang isa itong sulat mula kaniyang Kuya Xander na para sa kaniya...
Habang nakahiga'y malumanay na binasa ni Xander ang sulat ng kaniyang Kuya Lance...
Xander,
Pasensya ka na talaga at hindi ako nakasama sa Graduation mo. Alam kong naiintindihan mo naman ang Kuya mo di ba.
Basta masayang-masaya ako para sayo at alam kong ito na ang araw na pinakahihintay mo. Saludo ako sa iyong pagsusumikap na makapagtapos at ngayon nga'y naisakatuparan mo na ang iyong pangarap.
Xander, Matagal na tayong magkakilala at nagkasama at labis ko itong ikinatutuwa.
Malayo man ako sa aking pamilya ngunit hindi ko naramdamang mag-isa lang ako dito sa Manila dahil dumating ka sa buhay ko.
Hindi ka na naging iba sa akin.
Maraming-maraming salamat at pinagkatiwalaan mo ako at itinuring mo ako bilang Kuya mo.
Napakalaking bagay ito para sa akin.
Nagpapasalamat din ako sa iyo dahil binigyan mo ako ng inspirasyon. Kinausap ko ang may-ari ng Fantasy Inc. at sa awa naman ng Diyos ay pag-aaralin nila ako katulad sa naging kasunduan ninyo. Ngayon ko lang napagtantong hindi pa pala huli ang lahat para sa akin. Maraming-maraming salamat talaga Xander.
Hindi ko masabi ito sa iyo ng personal kaya naglakas loob na lamang akong isulat ito.
Masaya ako dahil nakaGraduate ka na pero nalulungkot din naman ako dahil tapos na ang kontrata mo sa Fantasy Inc. at lilipat ka na. Alam ko namang pupuwede naman tayong magkita pero iba pa din kapag magkasama tayo sa bahay at magkatabi sa pagtulog.
Nalulungkot ako dahil napamahal ka na sa akin Xander.
Matagal ko nang nararamdaman ito para sa iyo.
Sana'y hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin kapag nabasa mo na ito.
Congratulations ulit.
Lance
Lalong sumibol ang lungkot na siyang nararamdaman ni Xander nang mga sandaling iyon habang paulit-ulit niyang binabasa ang 'Napamahal ka na sa akin...'
Hindi na napigilang tumulo ang luha ni Xander dahil sa tinagal-tagal na nakasama niya ang kaniyang Kuya Lance ay ngayon lang siya nakatanggap ng ganitong kataga mula sa dito...
Nais makatiyak ni Xander sa sinabing iyon ni Lance sa sulat...
"Bakit ngayon lang..." Ang nanghihinayang na nasambit ni Xander sa kaniyang sarili kasabay ng kaniyang pagbangon mula sa kama.
Pinupunasan ni Xander ang kaniyang mga luha habang hinahalungkat niya ang mga nakaimpakeng gamit na nasa sa loob ng kaniyang bag...
Nang makita't makuha na niya ang hinahanap niyang bagay mula sa loob ng kaniyang bag ay agad niya itong inilagay sa mesang pinapatungan ng laptop na ipinahiram sa kanilang dalawa ng Fantasy Inc na kanilang ginagamit upang makausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay...
Nagdadalawang isip itong si Xander ngunit hinayaan na lamang niya ang bagay na iyon sa mesa upang makita ito ng kaniyang Kuya Lance kapag dumating na ito...
Napabugtong hininga na lamang itong si Xander at nahiga siyang muli sa kanilang kama...
Habang hawak-hawak pa din niya ang sulat ng kaniyang Kuya Lance ay hindi niya mapigilang mapaluha muli...
Labis siyang nagsisisi kung bakit hindi pa niya sinabi sa kaniyang kasamahan ang kaniyang tunay na nararamdaman para dito...
Alam ni Xander na may pamilya si Lance sa Probinsya kaya nagdadalawang isip siyang magtapat dito at nakuntento na lamang siyang mahalin na lamang ang kaniyang Kuya Lance ng palihim...
Masaya na siya't kuntento sa tuwing inaalagaan siya ni Lance sa tuwing uuwi siyang bugbog sarado't pasa-pasa ang katawan galing sa pagseserbisyo sa mga mararahas at sadista niyang mga Kliyente...
Kuntento na siya sa ganoon ngunit ngayo'y gustong makatiyak itong si Xander kung pareho nga lang ba ang nararamdam nila ng kaniyang Kuya Lance sa bawat isa...
Hindi malinaw kay Xander ang sulat ni Lance...
Mahal ba siya nito bilang kapatid...
O mahal siya nito na mas higit pa...
Nakaidlipan na ng binata ang pagdarasal na sana'y pareho lamang ang kanilang nararamdaman ng kaniyang Kuya Lance...
Nagdarasal din siya na sana'y huwag masamain ng kaniyang Kuya Lance ang sulat niya na kaniyang iniwan sa tabi ng kanilang Laptop...
...
...
...
...
...
Tahimik na binuksan ni Lance ang pintuan ng kanilang maliit na kuwarto ni Xander...
Napangiti na lamang si Lance nang makita niya ang maputi't mestizong nakaBrief na katawan ni Xander na malalim ang pagkakahimbing sa kanilang kama...
Katulad ng dati'y inumaga na naman siyang nakauwi...
Agad-agad na inilapag ni Lance ang kaniyang biniling Burger mula sa 24 hours na bukas na Burger King na lagi niyang dinadaan muna sa tuwing uuwi siya galing sa pagseserbisyo sa kanilang mga Kliyente...
Iyon kasi ang paboritong pagkain ni Xander...
Napangiti itong si Lance nang makita niya ang supot ng 7/11 sa mesa...
Alam niyang ang paborito niyang Jumbo Siopao ang laman ng supot...
Ganoon palagi ang kanilang ginagawang dalawa ni Xander...
Hindi nila nakakaligtaang bilhan ng pasalubong ang isa't-isa...
Hindi mapigilang pagmasdan ni Lance ang nahihimbing na si Xander...
Nang mapansin ni Lance na hawak-hawak ng natutulog na si Xander ang iniwan niyang sulat para dito'y parang bulang nawala ang ngiting nasa sa kaniyang mga labi...
Agad-agad na naghubad ng kaniyang damit itong si Lance at tahimik na pumasok sa banyo upang maligo na...
Habang naliligo'y hindi maiwasang mahiya ni Lance sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang ginawang sulat para kay Xander...
Batid niyang nabasa na ito ni Xander...
"Whew..." Ang sambit na lamang ni Lance at wala nang atrasan pa ang kaniyang ginawa.
Nanghihinayang din si Lance kung bakit ngayon lamang niya ito naipaalam kay Xander kung kailan tapos na ang kontrata nito sa Fantasy Inc.
Pagkatapos na  maligo'y nagsuot na lamang ng malinis na boxer Brief itong si Lance at umupo sa harapan ng kanilang laptop...
Habang hinihintay niyang magising si Xander ay naisipan niyang tignan na lamang ang kaniyang Status sa website ng Fantasy Inc. dahil sa tuwing matatapos silang magserbisyo sa kanilang mga kliyente'y tinatawagan ng kanilang kompanya ang mga ito upang tanungin at tiyakin kung nasiyahan ba sila sa ginawang pagseserbisyo ng kanilang mga escort at pagkatapos ay ilalagay ng Fantasy Inc sa profile ng mga Escort sa kanilang website ang naging komento sa kanila ng kanilang mga sinerbisyuhang mga kliyente...
"Ano to..." Ang nasambit ni Lance sa sarili nang makita niya ang isang envelope na may nakasulat na 'Kuya Lance'...
Kaagad niyang dinampot ang envelope at binuksan...
Hindi na nag-aksaya ng mga sandali itong si Lance at kaagad niyang binasa ang sulat para sa kaniya na nagmula kay Xander...
Kuya Lance,
Matagal ko nang nagawa itong sulat na ito kaya lang wala akong lakas ng loob na ibigay ito sa iyo.
Masaya ako dahil nakapagtapos na ako at tapos na din ang kontrata ko sa Fantasy Inc.
Maraming maraming salamat talaga Kuya Lance dahil palaging nandidiyaan ka para sa akin.
Maraming-maraming salamat din at pumayag kang maging Kuya ko.
Ikaw lang ang tanging pamilya ko dito.
Hindi ako nakakaramdam na mag-isa lang ako dito sa Manila at hindi ako nakakramdam ng takot dahil nandiyaan ka at nasasandalan kita.
Salamat din Kuya Lance sa pag-aalala mo sa akin at sa pag-aalaga mo sa akin sa tuwing uuwi akong bugbog sarado.
Hindi ko makakayanan ang lahat kung wala ka sa tabi ko Kuya.
Maraming-maraming salamat talaga Kuya Lance sa pagsupporta mo sa akin.
Isa ka sa mga taong nakapagpursige sa akin na mag-aral at magsumikap ng mabuti kaya para sa inyo ng aking pamilya ang diplomang makukuha ko.
Hindi ko alam kung makakayanan ko ba ang lahat-lahat kung wala ka Kuya.
Ikaw ang nagpapalakas sa akin sa tuwing pahihirapan ako ng mga sadistang kliyente ko.
Ikaw palagi ang iniisip ko kapag sinasaktan ako't pinahihirapan nila at talaga namang nakakyanan ko dahil talagang iniisip kong makakauwi din ako at makikita ka.
Nakakayanan ko ang lahat dahil sa iyo Kuya Lance.
Mahal na mahal kita Kuya.
Alam kong pamilyadong tao ka na at mali ang mahalin ka kaya matagal kong itinago ang nararamdaman kong ito para sa iyo.
Ginawa ko ang sulat na ito bago magGraduation at ngayong binabasa mo ito ay nais kong ipaalam na nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ibigay ito sa iyo.
Mahal na mahal kita Kuya Lance at sana'y hindi magbago ang samahan natin sakaling hindi mo kayang suklian ang nararamdaman kong ito para sa iyo.
Mabuti nang nasabi ko ito sa iyo bago ako lumipat ng apartment.
Maiintindihan ko kung hindi ka na makikipag-ugnayan sa akin pagkatapos mong mabasa ang sulat ko.
Mahal na mahal kita Kuya Lance at yan ang totoo.
Xander
Napakagat ng labi itong si Lance at nagulat talaga siya sa kung ano ang laman ng sulat ni Xander na para sa kaniya...
"Kuya Lance..." Ang pagpukaw ng pansin ni Xander sa kaniyang Kuya-kuyahan.
Tahimik na nakaupo lamang ito sa kanilang kama't seryoso siyang tinitignan nito na may agam-agam sa kaniyang mga mata...
Hindi na namalayan ni Lance na nagising na pala itong si Xander at matagal na siyang pinagmamasdan nito habang binabasa niya ang sulat nito.
"Xander..." Ang mahinang sagot lamang ni Lance sa kasamahan.
Tumigil ang pagtakbo ng oras at ang pag-ikot ng mundo sa pagitan ng dalawang pinakamabentang Escort ng Fantasy Inc.
Pareho silang walang maisip na sasabihin sa kaharap...
Pinakikiramdaman nila ang bawat isa kung sino ang unang magsasalita...
Batid nila na nabasa na ng kanilang kaharap ang kanilang mga sulat para sa isa't-isa't alam na din nila kung ano ang tunay na nararamdaman nila sa bawat isa...
"Kuya..." Ang naudlot na naiusal na lamang ni Xander nang walang pasabing tumayo't nilapitan siya ng kaniyang Kuya Lance at hinagkan siya sa kaniyang mga labi ng pagkatamis-tamis...
Dahil sa sobrang bigat ng katawan ni Lance ay napahiga muli si Xander sa kama at kaniyang sinalo ang buong bigat ng maskulado't morenong pangangatawan ng kaniyang Kuya Lance na pumaibabaw sa kaniya...
Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Lance at masuyo niyang hinalikan ang mga labi ni Xander habang uhaw na inilapat niya ang kaniyang maiinit at matikas na palad sa makinis at maputing balat ng katwan nito...
Labis-labis ang magulong nararamdaman ni Xander ng mga sandaling iyon ngunit batid niyang nasagot na at naliwanagan na ang kaniyang katanungan kanina...
Alam ni Xander ng mga sandaling iyon at nakakasiguro siyang pareho lamang sila ng nararamdaman ng kaniyang Kuya Lance...
Habang bumababa ang paghalik ni Lance papunta sa kaniyang makikinis na leeg ay napapikit itong si Xander ngunit huli na ang lahat...
Tumulo na ang kaniyang mga luha na nais niyang ikubli sa kaniyang Kuya Lance...
"Bakit..."
"Wala lang..."
"Anong wala lang... Bakit ka umiiyak..."
"Masaya lang ako Kuya Lance..."
Napangiti na lamang si Lance sa kaniyang narinig mula kay Xander...
Tumihaya si Lance mula sa kaniyang pagkakadagan sa katawan ni Xander at pagkatapos ay inakbayan niya ang kaniyang kasamahan upang idikit ang katawan nito sa kaniyang katawan...
Umunan si Xander sa maskuladong dibdib ng kaniyang Kuya Lance habang ninanamnam niya ang masarap na pakiramdam ng paghimas-himas ng isang kamay nito sa kaniyang makinis na likuran...
"Kuya..."
"Shhh..."
"Pakinggan mo muna ako Xander..."
"Mahal na mahal kita... Alam kong mali dahil may asawa't mga anak na ako..."
"Pero mahal talaga kita..." Ang pagtapos ni Lance sa kaniyang sinabi kay Xander na siyang ikinatahimik na naman muli ng dalawa.
Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Xander sa matikas at Morenong semikalbo niyang Kuya-kuyahan...
"Mahal na mahal din kita Kuya Lance..."
"Anong gagawin natin Xander..."
"Ewan ko..." Ang sambit ni Xander kay Lance dahil wala siyang maisip na magandang paraan dahil ang pumapasok lamang sa isipan niya'y ang asawa't mga anak ng kaniyang Kuya Lance na nasa probinsya.
Napapikit si Xander nang hinalikan siya sa kaniyang noo ng kaniyang Kuya Lance...
Walang pasabing muli siyang hinagkan nito sa kaniyang mamula-mula't malalambot na mga labi...
"Saka na lang natin isipin yun... Congratulations pala..."Ang pagbati ni Lance kay Xander kasabay ng paglalapat muli niya ng kaniyang mga labi sa labi ni Xander...
Muling dinama ng mga palad ni Lance ang kakinisan ng buong katawan ni Xander at gayundin din naman ang isa...
May galak na pinaubaya ni Xander ang kaniyang katawan sa kaniyang Kuya Lance na siya namang maingat na ninamnam ng isa...
Sabik na sabik na pinagsaluhan nina Lance at Xander ang bawat saglit...
Ibinuhos at ipinadama nilang lahat ang kanilang nararamdam sa bawat isa...
Buong-buong tinaggap ni Xander ang kaniyang Kuya Lance kasabay ng pagtanggap niya sa kaniyang sarili na siya ang magsasakripisyo para sa pagmamahalan nilang dalawa...
Lubusang tinanggap ni Xander ng mga sandaling yaon ang katotohanang hindi niya makukuhang buong-buo ang pagmamahal ng kaniyang Kuya Lance...
Kuntento't masaya na siya na alam niya sa kaniyang sariling mahal siya nito...
Mas pipiliin na lamang niya ang ganito dahil tanggap niyang kakabit ng kanilang pagmamahalan ay ang isang sakripisyong marapatdapat lamang niyang pagtiisan at kayanin sa kaniyang buhay...
Hangga't minamahal siya ng kaniyang Kuya Lance ay mamahalin din niya ito sa abot ng kaniyang makakayanan...







Fin

18 comments:

  1. Napadaan lang ako tapos nakita ko ang Fantasy Inc..

    Buhay nga naman parang life hehehe.... Nice story nakarelate ako sa nararamdaman ni Lance at Xander na Palagi kayong mgkasama pero d nyo masasabi na mahal nyo pala ang isat isa na higit pa sa mgkaibigan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. May pinag-huhugutan ka ba Kuya Richie??? :)))

      Delete
  2. Wow nakakarelate ako sa huling bahagi ng kwento. Nice ending kuya ponse. Thanks for finishing the story.

    Mwahhh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ba wholesome na wholesome Mr.Stan :)))

      Delete
  3. Ponse...

    Email mo ako sa kuyanitro.gmail.com, may mga itatanong lang ako sau...
    Don't keep me waiting ng matagal ha?
    Madami tayo pag uusapan hehehe


    Kuya Nitro

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Nitro!!! Nag Email na po ako!!! AMISHUUU!!!

      Delete
    2. Wala pa ako nareceive hehehe sa kuyanitro@gmail.com ha?
      Usap tayo....

      Delete
    3. Kuya nag email din ako dun sa Mazar mo...

      Delete
    4. Hahaha dami ko tawa ponse tagal ko na di open yun kaya di na maalala hahaha... Send mo nga ung email add at baka maalala ko ung password.... Pati fb ko dun di na mabuksan hahaha post mo dito tapos delete na lang after...

      Delete
    5. This comment has been removed by the author.

      Delete
  4. Whoa! Kuya Ponse, this is your story ah. Hahaha. I remember nung nagkwento ka minsan. This is really your life story, sort of.

    Ahrael

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi yan Jec! Fiction yan... Baka yung sinasabi mo eh yung kay Daddy Koy???

      Delete
  5. Kuya Ponse. Bat ngayon lang ulet? T.T
    Alam mo ba kuya. RAMDAM na ramdam ko po ung emosyon dito.Though eto lang na last part ang nabasa ko, package na rin kuya. =)
    Miss ko na mga gawa mong kwento, kuya. Naalala ko tuloy umg nakaka-good vibes na "Ang Tutor". ^_^

    - Godbless kuya. =)

    ReplyDelete
  6. Kuya Ponse. Bat ngayon lang ulet? T.T
    Alam mo ba kuya. RAMDAM na ramdam ko po ung emosyon dito.Though eto lang na last part ang nabasa ko, package na rin kuya. =)
    Miss ko na mga gawa mong kwento, kuya. Naalala ko tuloy umg nakaka-good vibes na "Ang Tutor". ^_^

    - Godbless kuya. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kakatapos ko lang ng 'Ang RnB' and on Going yung 'The Yuppie Is My Puppy' as of now I'm in the middle of writing a story for Dylan Kyle's Blog and i'm preparing my new series for MSOB :)))

      GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY Mr.Coffee Prince :)))

      Delete
  7. HELLO!!!!!! CALLING THE PEOPLE OF THE EARTH.........where can i find the previous chapters of this story. PRETTY PLEASE!!!!!!!! many thanks!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasty series yan Kuya Salamisim...

      Please Click the Title Below:

      Fantasy Inc Series

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails