------
Salamat po sa positive reviews. Kung gusto ninyo, wala namang pilitan, you
can add me up in facebook: https://www.facebook.com/ignis.dominguez
or follow in twitter: https://twitter.com/ignisdominguez
fair warning though, medyo suplado talaga ako. haha.
------
Rey pala ang pangalan
niya ah. Loko ito ah. Ang yabang talaga. Hmf. Sabi ng mapang-husga kong utak.
-----
Nagpatuloy ang mga
araw na nasa eskwela ako. Nagsimulang magkaroon ng mga bagong kaibigan at mga
katropa. Nagsisimula na akong matuwa sa takbo ng bago kong buhay.
Tuwing papasok ako sa
philosophy class ko, iyan ang subject na excited akong pumasok na hindi.
Syempre nakakasabik ang bakbakan naming dalawa ni Lyn sa mga umaatikabong
balita (o tsismis) tungkol sa mga dati naming kaklase na nasasagap namin mula
sa iba’t ibang tao, at nababasa sa friendster (kasagsagan pa ang kasikatan ng
fs noon). Idagdag mo pa ang nakakatuwang lecture ng parang may sayad naming
instructor.
Kasama ng kasabikan
ay ang pagkainis dahil sa tatlong beses isang linggo makikita ko itong mokong
na Rey na ito at nasa harapan ko pa nakaupo. Konting-konti na lang talaga at
ramdam ko na ang pinaghalong tornado at hurricane sa kayabangan ng mokong na
ito.
Si “mokong”? Siya si
Reynald Tan. Mula sa apelyido niya isa siyang half-chinese. Siguro nga ay may
karapatan siyang magyabang at isa siyang habulin sa buong college namin
palibhasa “gwapo” daw at palangiti sabi ng mga dalaginding at bading na parang
sinilyahan ang puwet sa tuwing dumadaan siya sa corridor. Kapag ako ang dumaan,
parang nakita na nila ang instructor nila at kanya-kanyang pasok na ang mga
‘yan sa classrooms nila.
Ignis. Yan ang
binansag ko sa sarili ko. Ignacio Dominguez for long. Hindi ko alam kung
maniniwala ako sa sinasabi ng mga kaibigan ko na pogi daw ako. Hehe. Sila ang
mapilit eh. Sa taas kong 5’ 8” di ko pa rin makuhang makuntento. Kumukulot ang
buhok ko kapag humahaba kaya madalas na crew cut ang gupit (kung anong required
sa CAT at ROTC ‘pag officer, yun na yun), singkit na mata at may katangusan ng
ilong. Kung may kahawig daw ako, si Harry Santos ng GMA7 na yun. Kaso may
problema eh. SUPLADO ako. Mula pa noong nagkamuwang ako sa daigdig, hindi ako
palangiti at laging seryoso ang dating. Mabait ako sa mga kaibigan ko at kalog
sa tropa pero kung hindi ko close, manigas ka man, hindi kita papansinin.
Usually, tahimik ako kapag naglalakad kahit na may kasama akong mga kaibigan.
Yung mga kaibigan ko, akala ng lahat eh dragon talaga akong bumubuga ng apoy na
tipong di nila makakasundo. Pero kapag nakainom na ako ng Royal coffee, sumigaw
ka na ng ‘ilabas na ang kulit’.
Isang buwan na ang
nakakalipas mula ng magsimula ang semestre pero dahil puro kulitan ang
inaatupag namin sa Philo, parang di kami nag-aaral. Kaya lang malapit na ang
prelims at di daw pwede na exams lang ang source ng grade namin.
"Next meeting,
may suprise quiz kayo! O diba, nasurprise kayo?" bungad ni Sir Rodriguez
na naging dahilan ng hagalpakan ng buong klase. "Ang coverage ng quiz niyo
ay ang appendix ng Chapter 1. Pag-aralan nyo ng maigi yan ha." sabay pa
ang taas ng kilay.
Tiningnan ko ang page
na sinasabi ni Sir. Ay anak ng tinupak, pages pala. Kung memory work ito wala
na akong nakuha. Hindi naman ako grade conscious pero ayaw ko naman na sa
non-professional subject ay mababa ako. Pag-angat ng mukha kong ang noo'y
nakakunot, aba pareho kami ng mokong. Nakatitig din siya sa libro habang
nakatagilid ng upo. Bigla siyang tumingin sa akin.
At parang nagkatotoo
ang matrix. Parang bumabagal na naman ang kilos ng orasan dahil sa ang
paglingon niya ng mukha sa direksyon ko ay parang slow motion. Inch by inch his
face is clearly turning around. Kulang na lang ang spotlight sa likod ng ulo
niya at parang pintuan na ng langit (hindi iyong iniisip nyo..hehe) ang
nakikita ko. Nagtama ang pareho naming singkit na mata at nagkatitigan ng ilang
saglit. Parang may gusto siyang sabihin. parang may gusto akong sabihin.
"Oh,
bakit?" ang naisatinig ko. Umiral na naman po ang pagiging suplado ko.
"Wala
lang,"and saad niya na nagpangiti sa kanya samantalang wala naman nagbago
sa expression ng mukha ko maliban sa slight, slight lang talaga na pagtaas ng
isang kilay ko. "Ngumiti ka nga, nakakapangit iyan lagi ka na lang
nakakunot, Ignis." sabay ang mahinang tawa.
"Magreview ka na
lang, tol" wala pa rin. Tuod ba ako? Basta ang alam ko kapag siya ang
kausap ko wala akong emosyon.
Tumalikod na siya
pagkatapos nun at hindi ko na siya pinansin. Tumunog na din ang bell na
pinakaasam-asam ng lahat ng estudyante. Tumayo na ako dahil nakaligpit naman na
ang mga gamit ko (excited?hehe). Beso muna kay Lyn at nagpaalam na mauuna na
ako umuwi at hindi na ako sasabay. Malalaking hakbang ginawa ko para madaling
makatalilis sa classroom namin.
Pagkagaling sa school
malayo-layo pa ang nilakad ko papuntang dorm. Pagtawid ko sa kalye sa tapat ng
school, dorm na namin. O diba walang effort pero wag ka nalalate pa din ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko, nahiga lang ako at nakaidlip.
<><><><><><><><><><><><>
"Ignis, mahal mo
ba ako?" tanong ng isang taong kinakainisan ko.
Tinignan ko ang mukha
niya na napakaamo at nagsusumamo ng pagmamahal?(weh)
"Ano?
Ignis?" tanong niyang muli at umakbay pa sa akin.
"Ah..eh..kwan",
hindi ko pa man naiisip ang sagot sa tanong niya dahil ayaw ko lang talagang
sagutin, ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. "Saglit sagutin ko muna
ito ah."
Bumitaw siya sa
pagkakaakbay,"Sige lang, take your time".
Pinindot ko ang
answer button at tinapat sa tenga ko ang cp."Hello!" Walang sumasagot
sa kabilang linya. At nagriring pa din ang cp ko. Inulit ko uli pero wala
talaga ganun pa din.
<><><><><><><><><><><><><><><><><><>
KABLAGG!
Nagkandahiwa-hiwalay
ang bawat piraso ng cellphone ko dahil hawak ko ito habang nalaglag ako sa
kama. Tanggal ang front casing, back casing at pati na rin battery. Pinulot ko
ang nagkalat na telepono at pinagkabit-kabit iyon. Ini-on ko para makita ko
kung sino yung tumatawag. Bumukas naman ang cp ko at hindi naman ako takot na
baka nasira na yun. Matibay kasi ang Nokia 3310 at pamato pa nga ito sa
tatsing.
3 missed calls at 5
text messages lahat galing sa kaibigan at utol kong si Lhea Roxas. Medyo maliit
lang siyang babae na may konting katabaan ng katawan at puso. 'Pag umasta yan
well she's one of the boys daw pero wag ka malakas manlalaki yan pero hanggang
flirt lang no touch. para lang daw sa long time crush niya ang alindog niya.
Dahil halos pareho kami ng trip na music, sa mga activities, at pagkain kaya
nagkasundo kami ng lokaret na ito.
"Tol, eat tau
aldas, now na" ang text niya.
Actually lahat ng limang text ni Lhea ay ganyan lang ang laman.
Iyan ang trip naming
magkatropa ang kumain sa Aldas na isang turo-turo, mura na marumi pa pero mas
madumi nga daw mas masarap. Nagpunas lang ako saglit ng mukha at dire-diretso
na dun gutom na din naman ako.
Habang naglalakad,
pilit kong pinag-iisipan kung ano ang mensahe ng panaginip ko na iyon. Hindi ko
pa rin maintindihan. Hindi ko na lang din inintindi pa.
Ikwento ko kaya kay
Lhea? sabi ko sa isip ko. Pero sa huli, hindi ko na lang kinuwento sa kanya
baka lang joke lang ang nasa isip ko. Kumain na lang kaming dalawa habang siya
ay abala sa pagtingin sa mga kapwa naming estudyante kung may gwapo.
Kinurot ko siya sa
tagiliran.
"Ayskininenertz!"
pag-sigaw niya na naghatid sa akin ng halakhak. "Ouch ha, Ignis. Youch!
Loko ka! Hmp! Sira na tuloy ang poise ko" pagtatampo effect niya.
"Sira kanina pa
sira ang poise mo Lhey. Konti na lang magkakaron ka na ng brokeneck sa kaiikot
ng tingin mo eh." pang-aasar ko.
"Ikaw talaga
napaka-KJ mo din kung minsan noh," nagsisimula na siyang mapikon.
"Hehe. Mamaya ka
na kasi mag "bird" watching tol." turan ko.
"Tse."
Ganyan lang kaming
dalawa kapag magkasama. Minsan sinasampal na lang ako niyan kapag napapatulala
ako sa mga naglalakad para magising daw ako.
Hindi ko na talaga
inungkat yon kay Lhey at naging masaya ang gabi hanggang magpasya na kaming
umuwi pareho.
-----
Sakto sa oras ang
pagpasok ko sa Philo class ko kinabukasan. Naabutan ko ang mga kaklase ko na
abala ang lahat sa pagbabasa.
Ay teka! Oh shet na
malagkit! May quiz nga pala kami. Dumaan na ako sa harap ng classroom para mas
malapit kong marating ang upuan ko at sa peripheral vision ko nakangiti si
mokong sa akin. "Ano kaya ang trip ng mokong na ito?" bulong ko.
Pagkaupo ko sa silya ko bukas ako ng libro. Madali kong nahanap yung pages ng
appendix dahil inipitan ko ng bookmark pero pagkabuklat ko pa lang ng libro
narinig ko na ang boses ni Sir.
"Keep everything
away. I don't want to see anything on top of your desks except for your pen and
a 1/4 sheet of pad paper," utos niya.
Oh no. Sus bahala na
nga si batman. Kusang nagkaroon ng 1/4 ang desk ko. At paglingon ko, kay Lyn
pala galing.
"Question number
1," sabi ni Sir.
"This is it!
First quiz ko lagapak na ako. What a smooth change" pinapagalitan ko na
ang sarili ko.
"Spell
sacrament," turan ni Sir.
"Ano daw?
spelling?" sabi ng utak ko at bigla akong napatingin sa instructor namin.
'Pag angat ng ulo ko, hindi lang pala ako ang nasurprise sa surprise quiz
namin.
"Isulat nyo na
diyan sa papel nyo at baka magbago pa ang isip ko." medyo natatawang sabi
ng kolokoy naming instructor.
Lihim akong natawa
dahil nakalimutan ko na iba nga pala ang takbo ng utak ng instructor namin.
Twenty items lang
naman yung quiz/spelling namin. Times two na lang daw para mataas na hindi na
kami mag-quiz uli for the prelims.
"Ayaw kong
magcheck kaya exchange papers na lang kayo. Exchange papers with the one in
your front. I-check nyo maigi ang mga sagot ng classmates nyo at baka nag-open
notes yan. College na kayo kaya dapat marunong na kayo ng spelling. Lagyan nyo
din ng corrected by tapos pirmahan nyo" pakwela na naman ni Sir.
Syempre no choice ako
kundi makipag-exchange papers kay Rey. Todo check naman ako para wala siyang
masabi na mali ako mag-check. In fairness na perfect ni mokong yung quiz namin.
So pagkatapos namin pareho eh ibinalik na namin ang papel ng isa't isa. Lapad
ng ngiti ni mokong at perfect siya.
Tiningnan ko ang
paper ko kahit alam ko na perfect din ako. Ay teka! Bakit 38/40 ako? Hinanap ko
kung saan yung mali ko. Dun pa sa last item. Ngeks? bakit mali ako?
"Ah, Rey. Bakit
minali mo itong last answer ko tama naman ito ah" reklamo ko.
"Sobra kasi ng U
at E." paliwanag naman niya tapos pinakita ang papel nya na tsinek ko
kanina.
Ang sagot niya na
itinama ko: D - I - A - L - O - G. Dialog
Ang sagot ko na
minali niya: D - I - A - L - O - G - U - E. Dialogue
"Rey, tama din
naman ito eh. Yung sagot mo kasi american yung spelling kaya mas maikli. Yung
sa akin eh british kaya may U at E pa sa dulo. Interchangeably namang ginagamit
kaya yan," paliwanag ko.
"Alam ko naman
yun, Ignis", sagot niya.
"Eh bakit pala
minali mo?", nagsisimula na akong mainis.
"Para naman
kausapin mo ako ng matagal-tagal at hindi na lang puro OO, HINDI, at one-liner
ang sagot mo. Ang suplado mo kasi." sabay ngiting nakakaloko at check sa
paper ko.
------- Itutuloy
..hahaha. ang cute ng last part.
ReplyDelete..ahrael
PS: add kita sa fb ignis ha. hehe
sure ahrael no problem. wag nga lang magtatampo pag di ako nagre-reply ah.
DeleteHahaha nag hanap talaga ng paraan si rey para kausapin lang sya ni ignis.... Ang cute lang nila hahaha
ReplyDeletehaha.. thanks po sir pjberdz
DeleteHmmmmmmm.... gustoko yan .. HAHAHA
ReplyDeletediskarte2 rinpag may time. XD
haha. thanks po.
DeletePUT A CHECK..kinilig ako...promise SUSUbaybayan ko ito hanggang ending..ang ganda ganda
ReplyDeletethanks jonas
DeletePUT A CHECK..kinilig ako promise...SUSUbaybayan till ending..ang ganda ganda ng story..relate si ako
ReplyDeleteCute :)
ReplyDeletesalamat Pink 5ive
Deletehahaha
ReplyDeleteHAHAHA
HA HA HA HA HA HA HA
HANGKULET!!! XD
haha. thanks po
Deleteang ganda ng flow neto swear...more powers po...add po ita s fb ha..thanks...xD
ReplyDeleteganda ng flow ng story..more powers po...xD
ReplyDeletethanks neil. sana wag kilikili powers noh? haha
Deletesipsgin sana ako. ang tamad ko kasi magbasa ng series but this one looks promising. parang sharon and any partner ang dating.
ReplyDeletetalaga? thanks po gaston
Deleteoo nga nabasa ko na ito dati, waiting sa mga bagong chapter=Dereck=
ReplyDeletehi dereck. don't worry may bagong chapters na po.
Delete