BIYERNES
NG HAPON, PAGKATAPOS NG PHILOSOPHY SUBJECT ay di na talaga maiwasan ni Grey ang
mag-alala para kay Hal. Matapos niya itong itext noong nakaraang araw para
imbitahan sa gimik na magaganap sa Sabado ay hindi ito nagreply. Inisip niya na
baka nagkamali ito ng pagbibigay ng cellphone number sa kaniya. Nahihiya naman
siyang tawagan ito dahil baka makulitan ito, at ang isiping wala naman itong
pakialam at siya lamang ang nagbibigay ng kulay sa pakitungo nito sa kaniya ang
mas lalong nagpigil kay Grey na kontakin ito ulit. Subalit kanina sa klase ay
hindi rin pumasok ang lalake.
“Balisa
ka na naman,” ang puna ng kaibigan niyang si Matt. Kasama niya ito na nakaupo
sa isa sa mga benches na nakapalibot sa buong campus. Free period nila ng mga
panahong iyon at wala na silang pasok pagkatapos nito subalit tinatamad pa
silang umuwi, idagdag pa na kailangan din nilang tapusin ang article review na
pangdalawahang assignment nila sa isang subject, at siyempre, sila ang
magpartner.
Nakaupo
si Matt sa may damuhan habang nakabukas naman ang laptop nito sa ibabaw ng bench.
Kanina pa ito tipa ng tipa sa keyboard upang sagutan ang mga katanungan sa
kanilang aralin habang si Grey naman ay nakatanaw sa kawalan. Tinatanong na
pala siya nito kung ano pa ang idadagdag niya sa review nila subalit wala
siyang napansin.
“Sorry
tol, lumilipad isip ko,” hinging paumanhin ni Grey sa kaibigan.
“Pansin
ko nga. Ano ba kasi talaga ang gumugulo sa isip mo? Ilang araw na kitang
nakikitang ganyan.”
“Wala
to tol,” sagot niya, subalit binawi din naman agad. “Actually, Matt may tanong
ako sayo.”
“Shoot,
pare. You asked the right guy. I’m Matt, and I know them all,” ang pabirong
tugon nito.
“Loko
ka. Huwag na nga lang.”
“Tampo
ka naman agad. Sige na. Ano yun?”
Humugot
muna ng malalim na hininga si Grey bago nagsalita. “Langhiya, nahihirapan ako kung pano to
sasabihin- ”
“TIME-OUT!
Huwag mong sabihing nababading ka na sakin,” biglang singit ng kaniyang
kaibigan.
Siya
nama’y biglang namutla sa sinambit nito. Para pagtakpan ang biglang pagpapanic
niya ay sinuntok niya si Matt sa braso.
“Adik
ka ba? Malabo mangyari yun. At kung sakali mang maging bading ako,
hinding-hindi ako magkakagusto sayo, adik,” bulyaw niya dito.
“Aray
ko naman. Sobrang seryoso mo. Alala kong nakakadalawa ka na sakin ha,” angal
nito na ang tinutukoy ay ang pambabatok niya dito noong nakaraang araw sa
canteen kung saan hindi pa ito nakakaganti.
“Sorry
tol.”
“Oo
na. Basta may utang ka sa aking suntok at batok. Ano na ulit yung itatanong mo
sakin?,” pagbabalik ni Matt sa pinag-uusapan nila kanina.
“Huwag
na. Nawala na ako sa moment,” sagot niya, sabay balik sa binabasang article.
“Masyado
ka ng matampuhin ha. Kung di pa kita kilala, aakalain kong pusong mamon ka.”
Walang
maisip na sabihin si Grey sa tinuran ng kaibigan kaya minabuti na lamang niyang
huwag kumibo. Humaba ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa muli siyang
magsalita.
“Tol,
mahal mo ba talaga si Carla?”
Kagyat
na nagdilim ang mukha ni Matt sa narinig subalit hindi ito napansin ni Grey
dahil nakatutok ang paningin niya sa binabasa kahit pa nga ba wala naman siyang
maintindihan dito.
“Mahal
ko siya tol. Mahal na mahal,” ang mahina ngunit klarong turan nito.
“Talaga
tol? Pano mo naman nasisiguro na pagmamahal na talaga ang nararamdaman mo?”
parang wala siyang napansin sa pagbabago ng mood ng kaibigan at patuloy pa rin
niyang inusisa ito.
“I
don’t know, man. Ang alam ko lang ay parati ko siyang naiisip. Kapag nakikita
ko siya, nagliliwanag ang paligid ko, but I can’t seem to find the courage to
talk to her,” malumanay na paliwanag ni Matt habang nakatingala sa kawalan.
“Tol,
parang ganyan na rin ang nararamdaman ko ngayon,” ang wala sa isip na sabi
niya.
Bigla
na namang tumalim ang tingin ng kaniyang kaibigan subalit pinalitan agad nito
ng isang mapagbirong ngiti. “Talaga? Sino namang malas na babae ang napupusuan
mo?”
Bigla
na namang natahimik si Grey, subalit agad din naman siyang nakabawi. “Huwag mo
na munang alamin tol. Naguguluhan pa ako. At saka, ayoko munang isipin.
Komplikado.”
“Naks
naman. May pakomplika-komplikado ka pa. Para namang di tayo magbespren nito.”
Hindi
na nakasagot si Grey sa sinabi ng kaibigan dahil may lumapit na guard sa
kanilang dalawa, kasama ang isang lalake na sa tantiya niya ay delivery boy.
“Grey,
may naghahanap sayo,” ang sabi ng guwardiya ng eskwelahan nila.
“Salamat
po,” tugon naman niya dito bago ito tuluyang tumalikod at bumalik sa pwesto.
“Kayo
po ba si Grey?” ang tanong ng delivery boy.
“Oo,
ako nga,” ang sagot niya, sabay pakita ng kaniyang school ID.
“Pakipirmahan
na lang po dito,” ang sabi ng lalake habang inaabot sa kaniya ng isang pirasong
papel.
Saka
lamang napansin ni Grey ang bitbit nitong kahon na ipinasa sa kaniya.
“Salamat
po,” ang tangi niyang naisambit. Naguguluhan siya kung ano ang laman ng package
at kung galing kanino ito.
“Wow,
utol. Ano kaya ang laman niyan?” ang biglang singit ni Matt.
Nakaalis
na ang delivery boy kaya nagawa nitong agawin mula kay Grey ang box. Pahaba ito
na parang sa isang wine subalit mas malapad at malaki. Dali-dali
namang nabuksan ito ng kaniyang kaibigan kaya wala na siyang nagawa kundi ang
tingnan na lamang ito. Sa loob ay isa pang bilugang latang container ang nakita
niya na kulay blue. At nang buksan ito ni Matt ay tumambad ang ulo ng isang
teddy bear na kulay asul din. Kay amo ng mukha nito at talaga namang ang cute
tingnan. Ipinasa naman agad ni Matt ang package sa kaniya ng mapagtanto nito na
isang regalo ang stuffed toy at nakalaan yun kay Grey.
“Ang
sweet naman ng nagpadala niyan, utol. Check mo sa loob, baka may card.”
Hindi
nga nagkamali ang kaniyang kaibigan. Sa loob ay may puting sobre na nasusulatan
ng ‘Greyson’. Kilala niya ang ang sulat-kamay na ito.
Excited
na binuksan ito ni Grey at binasa ang nilalaman:
I’m sorry, I was not able to respond to your
message. Nagkasakit ako kaya hindi rin ako nakapasok ng dalawang araw. Anyways,
I just want to say na aasahan kita sa Sabado. I’ll be there.
By the way, sana magustuhan mo ito. Sa
tingin ko, paboritong kulay mo ang blue kaya yan ang napili kong ibigay sa’yo.
I hope that I’m not making you uncomfortable. I just wanna do these things for
you.
Masaya na ako kung tatanggapin mo yung mga binibigay ko.
I can’t wait for Saturday.
I’m trying, Greyson, but I can’t seem to get
you out of my system.
See you soon,
-Halex
Hindi
mapigilan ni Grey ang mapangiti ng malapad habang binabasa ang mensahe ni Hal.
Parang kinukuryente ang buo niyang katawan sa tuwing nakikita niya ang teddy
bear na pinadala nito, hangang sa hindi niya na matiis at niyakap ang stuffed
toy ng pagkahigpit higpit.
“Tol, namumula ka. Ngayon lang kita nakitang
namumula,” ang sinabi ni Matt ang nagpabalik sa kaniya sa katinuan. Nakita niya
itong nakatingin sa kaniya na nakasalubong ang kilay subalit dagli din
nitong pinalitan ang mukha ng ngiti na may halong panunudyo.
“Sino
ang nagpadala? Siya ba yung napupusuan mo, utol?” dagdag pang tanong nito.
Hindi
alam ni Grey kung ano ang isasagot. Buti na lamang at nang mga
panahong iyon ay lumapit sa kanila si Sheila kasama ang iba nilang kaklase.
“Grey,
text-text na lang bukas ha,” ang sambit ng babae sabay kindat pa.
Mag-uusisa
pa sana si Matt ng biglang may tumili sa isa sa kanilang kaklase.
“Wow!
Ang cute. Kaninong teddy bear yan? Pwede bang pahawak?” at iyon na ang
pinagtuonan ng atensyon ng mga bagong dating kaya naman nagkaroon si Grey ng
pagkakataong itago sa kaniyang bag ang sulat ni Hal.
“Siya
nga pala, Matt, labas tayo bukas ha, kasama sina Sheila. Nakalimutan kong
sabihin sayo,” ang pag iiba niya ng usapan para mawala sa isip ng kaibigan ang
identity ng nagpadala ng regalo.
“Ah,
ok. Sige, text mo na lang ako,” ayun na lang ang naging tugon ni Matt. Sa
di kalayuan ay nakita nito si Carla na nakatanaw sa kanila, kasama ang mga
kaibigan nito. Subalit ng mapansin ng babae na nakita siya ni Matt ay
pinamulahan ito ng mukha at nag-aya na sa mga kaibigan na umalis na.
“Tol,
ayos na siguro tong assignment natin. Mauuna na akong umuwi sayo,” ang biglang
sabi ni Matt kay Grey, ang boses ay kababakasan ng kaunting pagkairita.
“Tol,
sandali. Sabay na tayo. Huy mga loko kayo, akin na yan. Kay bago-bago pa pero
dinumihan niyo na,” ang biro niya sa mga kaklase sabay tawa habang hinahablot
ang teddy bear.
“Mauuna
na kami,” baling naman ni Matt sa mga kaibigan at sabay na silang naglakad ni
Grey palabas ng campus.
“MAUNA
NA KAYONG PUMASOK. HIHINTAYIN KO LANG SI MATT,” ang sabi ni Grey sa kaniyang
mga kasama. Nasa labas sila ng isang restobar kung saan maririnig na ang
masayang tugtugin ng live band sa loob. Madalas silang maghang-out dito dahil
bukod sa masarap ang mga pagkaing paninda ay pwede pa silang mag-inuman at
magsayawan habang may tumutugtog na banda.
Asan na kaya ang mokong na yun, ang
naisip ni Grey habang palakad lakad siya sa labas ng naturang establishment.
Ugali na ni Matt ang maging late sa mga lakad nila kaya naman di na siya
nagtataka na late din ang kaibigan sa gabing yun. Subalit ang totoong
pinag-aalala niya ay kung nasaan na si Hal. Tinext niya ito kaninang umaga para
magpasalamat sa regalo na natanggap niya at para sabihan na rin ito kung saan
sila magkikita. This time, nagreply na ang lalake at sinabing huwag siyang mag
alala dahil pupunta talaga ito. Kaya naman todo ang excitement niya para sa
gabing iyon.
Hindi
siya mapakali kanina sa pagpili kung ano ang isusuot. Sa bandang huli,
napagdesisyunan niyang mag puting t-shirt na lang na bakat sa kaniyang slim na
pangangatawan at maong na pantalon na may pilas sa bandang tuhod. Simple ngunit
nakakaakit siyang tingnan sa kaniyang get-up. Patunay dito ang pagtitig sa
kaniya ng mga kababaihan at kabaklaan na pumapasok sa resto. Ngunit wala sa
kanila ang pansin ni Grey. Hindi siya mapakali na parang ninenerbyos na lalabas
sa kauna unahang date ng buhay niya.
“Tol,
sorry natraffic ako. Asan na sila?” ang biglang pagsulpot ni Matt sa tagiliran
niya. Hindi man lamang niya napansin ang paglapit nito.
“Huwag
ka ng magdahilan. Para namang di pa ako sanay sayo,” ang sagot naman niya dito.
“Nasa loob na sila. Pinauna ko na. Baka tubuan pa ng ugat kakahintay sayo.”
“Sobra
naman ito. Sorry na nga. Tara, pasok na tayo,” ang paghingi ulit ng paumanhin
ni Matt.
Subalit nagdalawang
isip siya na ihakbang ang kaniyang mga paa papasok sa gusali.
“May
hinihintay pa ba tayo?” ang biglang tanong ng kaibigan na napansin pala ang pag
aatubili niya sa pagpasok.
“Ah,
wala. Wala na. Sige, pasok na tayo,” yun lang at nagtuluy-tuloy na sila sa mesa
na inihanda nina Sheila para sa grupo nila.
“Ayan
na pala ang mag-asawa,” ang pambungad ng isa nilang kaklase. “Simulan na natin
ang kasiyahan.”
“Matt,
ang pogi mo talaga. Tabihan mo naman ako,” ang hirit naman ng isa pa nilang kasamang
babae.
Talaga
naman kasing nakakaakit ang porma ni Matt sa suot nitong polo shirt na bakat
din sa katawan at maong pants. Umaapaw ang sex appeal ng kaibigan niya lalo
pa’t dinagdagan nito ang look ng salamin na bagamat walang grado ay
nakapagbigay naman dito ng imahe na maginoo, pero dahil skin head ay mas lalong
naging kaakit akit sa mata ng mga kababaihan at kabadingan. Nagmukha itong disente
na may itinatagong kalokohan.
Pagkaupo
pa lang ay inabutan na silang dalawa ng tig iisang bote ng alak at kaniya
kaniyang menu para maka order ng makakain.
“Dalawang
order ng sisig, apat na chicken gizzard barbecue at tatlong order ng kanin,”
ang tugon ni Matt sa dumating na waiter.
“Para
sayo lahat yun?” ang nabiglang tanong ni Sheila dahil sa dami ng inorder nito.
“Hindi
ah. Grey, ayos na ba yun?” ang baling nito sa kaniya.
“Oo
tol, salamat,” tumitingin si Grey sa menu pero nahalata ni Matt na parang wala
naman sa binabasa ang kaniyang atensyon. Kaya naman nakapagpasya na lang ito na
umorder para sa kanilang dalawa. Ang totoo nito ay nasa lalaking hindi pa
dumadating ang isip niya at gumagapang na ang disappointment sa damdamin niya
ng mga sandaling iyon dahil parang hindi sisipot si Hal.
“Alam
na alam ni Matt ang gusto ng asawa niya ah,” ang pabirong sambit ni Martin, isa
sa kanilang mga kasama.
“Oo
naman. Pareho kaya kami ng paborito ng loves ko. Diba mahal?” sinakyan naman ni
Matt ang sinabi nito sabay abot sa kamay ni Grey.
“Oo
love. Kaya naman love kita eh,” ang pabiro niya na ring tugon at inabot ang
nakalahad na palad ng kaibigan. Marahan niya itong pinisil at binigyan ng nang
aakit na ngiti. Subalit pansin ni Matt na hindi umabot sa kaniyang mga mata ang
ngiting iyon.
“What’s
wrong?” ang pag aalala nito sa kaniya. Subalit hindi na nakuhang sumagot ni
Grey dahil umeksena na si Sheila.
“Matt,
huwag ka na nga. Alam kong biruan niyo lang yan pero sa gabing ito, kahit biro,
bawal! Akin si Grey ngayon,” ang malanding tugon nito sabay hilig sa kaniyang
braso.
Tawanan
ang lahat ng nasa mesa nila. Nagkatinginan na lang sina Matt at Grey at sabay
pa na napailing.
Nang
dumating na ang kanilang inorder na pagkain ay nilantakan agad ito nina Grey at
Matt. Tig iisa at kalahati sila ng rice, tig isang order ng sisig, at tig
dadalawang chicken gizzard. Sanay na sila sa isa’t isa kaya naman kung kumilos
kahit sa pagkain ay animo’y synchronized sila. Nariyang hindi pa sasabihin ni
Matt ay iaabot na ni Grey ang toyo dito habang ito naman ay naglalagay ng
kalamansi at pumipiga ng sili sa sawsawan nila. Ito na rin ang naglagay ng kalamansi
sa kanilang sisig at siya naman ang nagbudbod ng toyo. Alam na nila kung ano ang gusto ng
isa’t isa kaya kung titingnan ay para talaga silang may relasyon.
“Ang
sweet niyong dalawa. Magtigil nga kayo. Nakakairita!” bulyaw na naman ni Sheila
sa kanila, sabay tawanan ng grupo.
MAGHAHATING
GABI NA AT NAPAPARAMI NA RIN ANG NAIINOM NI GREY AT NG KANIYANG MGA KASAMA.
Tuloy pa rin ang tawanan, kulitan at kwentuhan nila. Sa pagdaan ng mga oras,
napagtanto na niya na di na talaga dadating ang lalake kaya naman minabuti na
lamang niyang ienjoy ang gabing iyon. Sumasabay siya sa mga biruan ng grupo at
kung tumutugtog ang banda ng pangsayaw na awitin ay tumatayo din sila ng mga
kaibigan papunta sa dance floor. Nararamdaman na nilang lahat ang tama ng alak,
kaya naman ang mga babaeng kasama nila ay dikit na ng dikit sa kanilang dalawa
ni Matt. Kapag nagsasayaw ay gumigiling ang mga ito sabay hawak sa kanilang mga
batok, inaakit sila gamit ang malalambot na mga katawan at mga titig na parang
nag aapoy.
Nang
magpatugtog ang banda ng isang mabagal at malamyos na tugtugin ay hinablot siya
ni Sheila para maging partner nito. Subalit hindi na niya makayanan at ihing
ihi na siya ng mga panahong iyon kaya nagpaumanhin siya dito na pupunta muna sa
CR. Dinig pa rin niya ang awitin ng banda sa loob ng cubicle dahil sa likod
lang ng mini-stage matatagpuan ang palikuran. Nang papunta na siya sa lababo
para maghugas ng kamay ay sabay na natapos din ang awitin. Maya maya ay narinig
niyang nagsalita ang singer ng banda.
“Thank
you sa lahat ng nakikisaya sa amin dito ngayong gabi. This time, may isa na
naman po tayong panauhin from one of our customers.”
Pang
lima na itong taong ito sa mga nagrequest na maki-jam sa bandang nakasalang
ngayong gabi. Mas lalong nag eenjoy ang mga parokyanong pumupunta sa lugar na
iyon dahil pwede silang magrequest ng mga awitin na ipapatugtog sa banda, at
kung malakas ang loob nila ay maaari din silang kumanta sa harap.
Biglang
kinabahan si Grey ng marinig niya ang tinig na iyon. Wala sa sarili na naglakad
siya palabas ng CR. Kumakanta na ang lalake. Ramdam niya ang bawat salita na
inaawit nito. Tagos sa kaniyang puso ang mensahe na pinaparating ng kanta. Ang tinig
nito ay parang maiiyak, isang tao na matagal nang nangungulila. Hindi niya
maintindihan subalit naaapektuhan siya ng pagkanta nito. Pakiwari niya ay para
sa kaniya ang awit na iyon.
Nakarating
na siya sa gilid ng stage. Nakita niya si Hal sa gitna, hawak hawak ang stand
ng mikropono. Nakapikit ito, ninanamnam ang bawat salita ng kanta. Subalit
sadya yatang may koneksyon silang dalawa. Nang maramdaman nito ang presensya
niya ay dahan dahang dumilat ang mga mata ni Hal sabay lingon sa kaniyang
direksyon. Titig na titig ito sa kaniyang mga mata habang umaawit.
Pakiramdam
niya ay silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon at para sa tenga lamang
niya ang kanta nito. Wari niya ay nagdilim ang kaniyang paligid at ang nag
iisang spotlight ay nakatutok lamang sa lalakeng nakatayo sa kaniyang harapan,
hinaharana siya.
Sa di maintidihang kadahilanan ay namasa ang kaniyang mga mata
habang nakikinig dito at pansin din niyang ganun din ang nangyayari kay Hal.
Ibinalik
siya sa tamang huwisyo ng malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid. Bago pa
man tumulo ang kaniyang luha ay pasimple niya itong pinahid gamit ang likod ng
kaniyang palad. Pag angat niya ng mukha ay nakita niya si Hal na naglalakad
pababa ng entablado, palapit sa kaniya.
Journal
Entry
@my
bedroom
Note: Ang sakit ng katawan ko at nilalamig
ako. Dyaheng trangkaso naman ito.
He invited me! Wow. Ang sarap sa pakiramdam.
I didn’t know what to expect after I left a
message and a picture on his desk.
Scratch that...
Actually, inakala ko na
magagalit siya sa akin at iisipin niyang inappropriate yung ginawa ko.
Pero hindi…
At
ininvite pa niya akong gumimik. Wow.
Sa sobrang excitement ko ay hindi ako
nakatulog. Buong magdamag kong inisip kung ano ang mangyayari sa Sabado. I want
to spend time with him alone. Kahit paminsan minsan lang ay makasama ko siya,
sobrang saya ko na. Hindi ko alam kung anong gagawin namin pero basta anjan
siya, wala akong pakialam kahit umupo lang kami sa isang tabi at mag-usap buong
gabi.
Haiz!
Sana mawala na tong sama ng pakiramdam ko.
Kakausapin ko na lang siya bukas para malaman ko kung saan at anong oras kami
magkikita.
-Halex
Journal
Entry
@my
bedroom
Note: ASAR!!!
Friday ngayon. Makikita ko sana siya sa
Philo class namin pero ang sama pa rin ng pakiramdam ko. Di ko pa kayang
pumasok. Dang it!
Ano na kaya ginagawa niya ngayon? Hindi na
siya nagtext ulit. Galit kaya talaga siya sakin?
Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung tuloy
pa kami sa Sabado. Sana naman di siya nagcancel. I really want to be with him.
Mamayang tanghali kung mejo ok na ang
pakiramdam ko, pupunta na lang ako sa mall sa labas. I want him to know that I
am looking forward sa sabado. And at the same time, gusto ko siyang bigyan ng
regalo.
Naaalala ko pa na gusto niya ang bear hugs
kaso lang hindi siya makabili dahil sa takot na baka magtanong ang parents niya
kung bakit may mga stuffed toys siya sa kwarto niya. Siguro naman ngayon na
malaki na siya, hindi na makikialam masyado ang mama at papa niya. I hope that
he’ll like it.
Breakfast na muna ako. Hindi pwede ito.
Kailangan kong magpagaling para bukas.
-Halex
Journal
Entry
@restobar
Note: I wanna get wasted!
I saw him… with his friends… and boyfriend.
Kanina pa ako andito. Akala ko kami lang
dalawa ang lalabas. I was wrong. Nakita ko ang grupo nilang pumasok.
Ang sweet nilang dalawa ng nobyo niya. Kulang
na lang magsubuan sila.
I hate this feeling. I hate being jealous.
But I can’t help it. Sobrang sakit.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pang magstay
dito. Ayokong nakikita siya sa piling ng iba, pero di ko rin naman kayang
umalis. I haven’t seen him in almost three days, and I missed him so much. I wanna
drink the sight of him, kahit na sa malayo lang ako. At saka parang may
problema siya. I can see it in his eyes.
Dito na lang muna ako. Pero ayoko muna na
magpakita sa kaniya o malaman niya na andito ako. At the very least, not now na
wala pa akong lakas ng loob. Siguro mamaya pag natamaan na ako ng alak. And who
knows? Baka kumapal ang mukha ko at kantahan ko pa siya sa harap ng stage.
What am I thinking! Baliw na yata talaga
ako.
Yes! Baliw talaga ako. I’m crazy for you,
Greyson. I’m still deeply and madly inlove with you.
Please be with me one more time. Hindi ko na
alam kung ano ang gagawin ko. I hope I have the courage to say this to your
face and just be done with it. Pero takot ako. Sobrang takot ako na baka
ipagtabuyan mo lang ako at magalit ka sakin ng tuluyan lalo na kapag bumalik na
ang alaala mo. That’s what I fear the most. I don’t know what to do kapag
nangyari yun.
- Halex
ITUTULOY
Actually maganda at nakakaengganyo basahin ang kwento,matagal nga lang ang update. Sana lang tuloy-tuloy na ang update mo. Hope to read more chapters of your story...
ReplyDeleteGood luck and welcome back Mr. Author :)
salamat sa update author, matagal ko na itong inaabangan, next chapter po agad. kudos
ReplyDeleteedward
:) thanks po at binabasa niyo pa rin ito. thanks mark13 and edward sa pagbibigay ng comment. i'm working on it, i promise. pati ako nalilito kung ano ang mangyayari sa susunod na chapter kasi kung ano maisip ko right in the moment na nagsulat ako, un and lumalabas. i'm working on the next chapter kaya maraming thank you sa pagbasa ulit:)
ReplyDeletePlease po next chapter
Deletekahit ako ang tagal tagal ko na din itong inaantay ang update kaso natagalan nga heheh. anyways sana update na ulit mr author. kasi i was a bit confused pa rin dun sa unang chapter nya hehe...update na po hehe.tc
ReplyDelete-marlon lopez
hay wala pa itong update ng next chapter
ReplyDeletemag wa-one year na rin, wa pa ring update..tapusin mo na author. ano ba talaga ang nangyayari b4 ngka amnesia si grey?
ReplyDeleteAuthor please ang next chapter.
ReplyDeleteKarugtong please....
ReplyDelete