Followers

Monday, November 26, 2012

A Dilemma of Love: Chapter 9



Haaaayyyyyyy! Tatapusin ko na ang kwentong ito! Joke! Katulad ng comment ko dati, pinili ko talagang ikwento ito sa point of view ni Fonse dahil alam kong mas magiging katawa-tawa, mas majujutify ‘yung title kapag ganoon ang ginawa ko. Pero, heck! Ang hirap gawin ng kwentong ito! Kung sigurong ginawa ko ito sa third person, ‘yung may parang narrator, baka ang dali ng update ko at hindi umaabot ng 16 pages kada chapter. Ayoko namang ibahin ‘yung style dahil mabababoy, parang teleseryeng binago ‘yung bida dahil lumipat sa kabilang istasyon (Wahahaha!!)Para namang pagkaganda-ganda ng kwentong ito, kapal ko ano. Kaya I’m asking for prayers, wahahaha! Sana matapos ko na ito!!!


PSSSTTTT!!!! Comments naman diyan....
------------------------------------------------------------------------------------------
 “ANONG ‘KA’?”
“Ka...Ka...”
Patuloy na nakatuon sa akin ang kanyang mga matang tila nanlilisik. Nakatingin siya ng ganoon sa akin habang ang kanyang mga braso ay nakapa-krus sa kanyang katawan na tila hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.
Taydana, ano ba ang kailangang kong gawin sa ganitong sitwasyon? Sabihin ko na sa kanya ‘yung totoo, ‘yung lang naman ang 'yung paraan na may epektong tatagal eh. Tsaka ‘yun naman talaga ang ginagawa ko dati kapag may babae na naghahabol sa akin, sasabihin ko lang na may iba na akong gusto. Tapos! Ayaw kung ayaw! Kahit na maghabol pa ‘yung babae, wala na siyang magagawa dahil masaya na ako sa piling ng ibang babae…
…wala nga pala ako sa piling ng babae ngayon, nasa piling ako ng isang bakl…bak…lalaking isabit ako sa spaceship ng NASA para ‘di na kami magkita…
FUCK!!!
“Ano!!!!”
“Ka...”
“ANO NGANG ‘KA’?”
“Ka...KA…KAIBIGAN!!!...”
Saka siya tumingin sa akin na ang kanyang mga mata ay tila inaantok na para akong sinusuri, habang ang kaliwa niyang kilay ay nakataas at ang kanyang ngiti habang nakasara ang kanyang mga labi ay tagilid na parang nang-iinsulto.
Mukhang hindi siya naniniwala sa akin…
“Ano ka ba Grace! Matapos ng lahat ng ginawa natin? Matapos mong humalinghing ng humalinghing na parang pusa, humalinghing ng sobrang lakas sa SOGO, tapos hindi ka maniniwala sa akin? Matapos kong…kong…kain…kainin ‘yan, matapos kitang…kitang…paligayahin, tapos pagdududahan mo akong BAKLA?” ang sabi ko sa kanya ng pa-angas. Kailangan kong yabangan ang paraan ng pagsalita ko, kailangan magmukha akong nalalaman ko kung ano ang mga sinasabi ko para hindi na siya magduda.
Pero kahit na ganoon, hindi ko maiwasang mautal habang inililitanya ko sa kanya kung anong mga pinaggagawa namin. Hindi ko akalaing nagawa ko ang lahat ng iyon sa katulad niyang babae…
TAE, ANONG NANGYAYARI SA AKIN! HINDI NAMAN AKO GANITO DATI AH!
Inilingkis niyang muli  sa akin ang kanyang katawan habang ang kanyang kanang kamay ay nasa aking leeg. Talagang sinasadya niyang idikit ang ibabang bahagi ng aming mga katawan, ramdam na ramdam ko na itinutuon talaga niya sa pwerta niya ang ari ko, katulad ng ginagawa ko sa kanya dati. “Sabi mo eh,” saka niya ituon sa akin ang kanyang tingin mula sa ibaba at dahan-dahang ibinaba ang kanyang hintuturo mula sa aking labi, papunta sa aking dibdib, at sa aking tiyan.
“I know naman that you’re not gay, eh. I just got enraged dahil you have resisted me for one month. Noon, one week lang, dumiretso ka sa bahay namin, and we immediately had sex kahit na andon ang parents ko…” saka siya tumawa ng pigil na parang bata na may nasabing sikreto. “Well, if that’s the case, I think going to SOGO later might make ‘wala-wala’ my madness…”
Sabi ko na nga ba, eh. Haaaaayyyy!!!
“Grace, hindi ba sinabi ko na sa iyo, ayaw ko na…” ang sabi ko sa kanyang naiirita at naghihina. Siguro dahil nakukulitan na ako sa kanya o pagod na akong gawin ‘yung mga bagay na dati naming ginagawa lalo pa sa katulad niyang narealize kong walang alam kundi landiin ako, sa katulad niyang walang alam gawin kundi magpaganda, sa katulad niyang walang laman. Buti pa si Chong, napakatalino, pero hindi lang puro aral, hindi lang iisang bagay ang alam gawin. Minsan misteryosa, misteryoso pala, minsan tahimik, minsan maingay, minsan malandi. Ang layo niya kay Chong, napakalayo…
TARANTADO, ANO NA NAMANG PINAGSASABI KO? BAKIT NASALI SI CHONG DITO? BAKIT KO SILA PINAGKUKUMPARA?
ANO NA NAMANG NANGYAYARI SA AKIN?
“May sinasabi ka ba…Honey Bunch?” saka niya na naman  niya unti unti ipinasok ang kanyang kamay sa aking brief. “Ahhhh, wow…” ang ungol niyang tila nasasarapan. “Look, Honey oh, medyo matigas pa ‘no. Medyo nagwawala pa. And wait, are you feeling wet? Is this a precum I’m feeling…” Unti-unti niyang hinawakan ng buo ang aking ari at saka ito ijinakol ng parang nambibitin, pataas ng dahan-dahan, pababa ng dahan-dahan.
“Ang sarap diba…” ang sabi niya habang kagat ang kanyang labi.
Pero, wala akong ibang maramdaman kundi panghihina. Oo, unti-unting tumigas ang ari ko, unti-unti itong lumalaki habang patuloy niya itong ijinajakol. Pero pwera doon, wala na akong ibang maramdaman kundi panghihina at kasawaan, kasawaan dahil nakakasawa na talaga at nalaman kong all this time, nakikipagkantutan ako sa taong hindi ko naman mahal. Panghihina dahil alam kong wala akong magagawa kundi magpailalim sa kanya at gawing muli ang hinihingi niya.
Teka, eh pwede namang sumagot ako ng oo, pero hindi ko gawin. Basta ang mahalaga, manahimik muna siya ngayon. Saka na ako mag-iisip ng paraan kung papaano siya iiwasan at paano siya tatakasan. Tutal, ilang beses na rin niya akong tinakot pero wala namang nangyari. Pero maliliit na bagay lang namang ‘yung ipinapanakot niya dati eh. Dati, kesyo sasabihin niyang girlfriend ko siya sa parents ko kahit hindi. Pero iba ‘yung ngayon. Konting parinig lang na BAKA bakla ako, sigurado ako kinabukasan maririnig ko ng BAKLA talaga ako.
Taydana! Ang hirap!
“So, harap ng SOGO, 7:30?” ang tanong niya habang gumigiling ng marahan at ikinikiskis ang kanyang dibdib sa aking katawan. “Promise, mabilis lang, kahit limang putok lang pwede na…” saka niya ako kinindatan habang kagat ang labi niya.
“Si…sige…pupunta ako…” ang sabi ko sa kanyang parang nanghihina. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanya. Hndi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot para sa kanya dahil sa gagawin ko.
Saka ko naramdaman na may mga yabag ng paa na papalapit ng papalapit sa pwesto namin.
“Grace, tanggalin mo na ‘yung kamay mo! May papadating na tao…” ang sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko ang kamay niya sa brief ko. Dali dali rin siyang sumunod sa sinabi ko at saka inayos ang kanyang damit na nagulo dahil sa pinaggagawa niya.
“Boss, ano pong ginagawa natin?” ang sabi ng guard na nag-iikot sa lugar. Bihira lang kasing daanan ang parteng iyon ng gym, kaya pinapabantayan siya dahil siguradong may potential na maging pugad ng milagro. Buti na nga lang saka siya dumating noong papatapos na si Grace sa mga pinaggagawa niya, kung hindi baka na-expel na kami.
“May pinag-uusapan lang boss, sandali na lang…”
Ngumiti siya na parang nanunukso.
“Dalian lang po natin ah, baka may makahuli po sa inyong prof…” Kinindatan niya kaming dalawa ni Grace, kinindatan niya kaming parang alam na niyang may ginagawa kaming milagro sa lugar na iyon.
Saka umalis ng dahan-dahan ang gago.
“Honey ah, I’ll expect you later. O di kaya dumiretso ka na sa room 202. I’ll just text you kung occupied na siya. ‘Wag mo akong iindiyanin. You know naman what the consequence were be…” ang sabi niyang parang nagtatampo habang inaayos ang kuwelyo ng polo ko. “I can always spread rumors, you know naman diba. Sabihin ko lang na bakla si Carl Alfonse Santiago, dedbol ka na…”
“OO, alam ko na…alam ko na ‘yun…” ang sabi ko sa kanya kahit na alam ko namang mababa ang tsansang gawin niya iyon. Eh hanggang salita lang naman siya.
“…Well, anyways alam ko namang hindi ka bakla talaga. And if you was really gay, I’ll make sure you’ll be a man once again…” saka siya tumingin ng nang-aakit. “…in my arms…”
Wala akong nagawa kundi ngumiti na lang ng pilit.
“…Alam ko namang hindi mo sasayangin ang matangos mong ilong…ang singkit mong mga matang parang nag-aangkin…ang mga ngiti mong nakakagigil…ang kilay mong napakakapal na talagang nakaka-akit…at ang mga maninipis mong labi na napakasarap halikan…” saka niya dinilaan ang kanyang labi na parang natatakam.
“Oh, sige na…baka bumalik pa ‘yung guard…” ang sabi ko habang puwersahang inaalis ang kanyang kamay sa aking leeg.
“Teka, Honey Bunch, wala ka bang gagawin…” ang sabi niyang dahan-dahan habang lumalayo dahil sa halos malakas kong pagkaka-alis ng kamay niya.
“Anong gagawin ko?”
“’Yung katulad ng ginagawa mo dati, ‘yung ginawa ko sa iyo kanina…” ang sabi niyang parang namamalimos.
Haaayyy, ano pa bang magagawa ko.
Muli ko siyang hinila at muling idinikit ang ibabang parte ng katawan namin. Idiniin ko ang kanyang harapan sa aking ari na halos matigas pa. Saka ko pinisil ang kanyang puwetan katulad ng dati kong ginagawa.
“Ahhh, shet, ang sarap…Honey, ang sarap” ang kanyang pag-ungol habang parang sarap na sarap na itinaas ang kanyang ulo habang nakapikit. “Kaso parang ang sakit ng pagkakapisil mo, parang napasobra yata…”
Mukhang napasobra nga ang pagpisil ko…kulit kasi.
“Oh, wala bang…” Tapos sy ininguso niya ang kanyang mga labing pulang-pula at napakakapal.
Nanghihingi siya ng halik.
“Mamaya na Grace, sa motel na…” ang magkahalong pag-awat at pagkairitang sagot ko sa kanya.
“Hmmmpp, ang lakas mambitin, kaya talagang nababaliw ako sa iyo eh…” saka niya parang pinalo ang aking dibdib. “Oh sige ah, mamaya na lang tayo magkainan sa SOGO…” At naglakad siya ng napakalandi.
Tiningnan ko na lang siya habang naglalakad, habang nararamdaman kong unti-unti lumalambot ang ari ko. Habang papalayo siya, saka ko lang naiisip lahat ng mga bagay na pinaggagawa ko, lahat ng mga walang kuwentang bagay na nagawa ko kasama ang babaeng iyon. Dati halos mabaliw ako kapag subo-subo niya sa mainit niyang bunganga ang ari ko, kapag inuunti-unti niya ang pagtaas at pagbaba kapag alam na niyang lalabasan na ako. Halos mabaliw ako sa kakahanap noon, pero dati iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang narealize kong puro kababawan pala ang nagawa sa halos tatlong taon ko sa college. At sa lahat ng iyon, walang nagtagal na kaligayahan, wala akong naramdaman kundi kakulangan.
Natauhan na lamang ako ng mamalayan kong wala na si Grace. Aalis na sana ako ng makita kong nagtatago sa isang eskinita ang pamilyar na tao…
…’yung guard na nakakita sa amin kanina habang nilalandi ako ni Grace…
Saka siya ngumiti na parang gusto niyang ipamukha sa akin na nakajackpot ako sa lotto dahil sa ganda at laki ng dibdib ni Grace.
Kung suntukin ko kaya ‘tong taong ito.
Ningitian ko na lang siya ng pilit habang dahan-dahan akong naglalakad papalayo sa gym. Nanghihina ako, nanghihina. Hindi ko alam kung gagawin ko. Pero buo na rin naman sa akin na hindi ako pupunta sa motel mamaya, na hindi ako sisipot sa usapan naming ni Grace. Kahit naman sabihin niyang ipagkakalat niya na may karelasyon akong lalaki, alam ko namang hindi niya iyon gagawin dahil ilang beses n arin niyang tinatakot kapag hindi ako sumusunod sa kagustuhan niyang magsex kami. Pero iba kasi ’to, usapin ’to ng pagkalalaki ko. Buti sana kung ipagkakalat lang niyang may karelasyon akong ibang babae, kaso hindi, ipagkakalat niyang may karelasyon ako, at malamang kakantutan na ring kapwa ko lalaki. Ang hirap, ang hirap. Bahala na, basta hindi ko sisiputin si Grace, at least naputol ko na kahit mukhang late na, kesa naman pagbigyan ko na naman siya tapos umasa pa rin siya at patuloy na maghabol sa akin. Tsaka hindi ako pwedeng makipag-sex kay Grace, paano si Chong? Lalayuan ako ni Chong kapag ginawa ko ‘yun. Imposibleng hindi niya malaman, imposibleng hindi niya mahalata, konting iwas ko lang ng tingin sa kanya, malalaman na niyang nagsisinungaling ako. Kung hindi naman ‘yun ang gawin niya, malamang direkta niyang tanungin si Grace. Kaya hindi pwede, mawawala sa akin si Chong, kapag ginawa ko ‘yun, mawawala siya sa akin…
…eh ano naman kung mawala siya sa akin? Dati na rin naman siyang wala sa akin eh. Maski nga ngayon parang wala pa rin siya sa akin, matapos lahat ng mga kondisyon na ibinigay niya sa akin. Kung isuko ko na kaya si Chong? Wala naman yata akong mahihita sa kanya eh. Kung nagpapakipot lang siya, edi sana sa Pangasinan pa lang bumigay na siya. Pero hindi, hanggang ngayon tinitikis niya ako. Siguro wala naman talaga siyang intensiyon sa seryosohin ako. Kaya bakit ko siya seseryosohin? Pinaglalaruan lang niya yata ako? Isuko ko na kaya siya? Puntahan ko na lang kaya si Grace mamaya at hayaan ko na lang malaman ni Chong ang lahat…
…pero hindi ba napakadami na ng efforts ko para isuko na lang si Chong. Malay mo, kapag nalaman niyang inayawan ko si Grace sa gusto niya, saka siya maawa sa akin, saka magbago ang pagtrato niya sa akin. Tsaka parang hindi ko kaya…parang hindi ko kayang…kayang mawala sa akin si…
…Teka, si Chong! Nakita niya lahat ng kalandian sa akin ni Grace! Baka nagtatampo na sa akin ’yun! Baka galit na siya sa akin at saka niya ako hiwalayan…
Dali-dali akong bumalik sa court kung saan siya kumakain kanina. Halos takbuhin ko na ’yung daan dahil alam kong hindi papalagpasin ni Chong ’yung mga nakita niya ng ganoon na lang. Shet! Baka hiwalayan na niya ako! Paano kung makita ko siyang nakakrus ang mga braso sa kanyang katawan at nakatingin sa akin ng masama? Paano kung makita ko siyang nakasalumbaba habang ipinapalo isa-isa ’yung mga daliri niya sa mabilis na paraan at nakatingin ng paibaba sa akin? Paano kung nakangiti siya ng magiliw, nakangiti ng magiliw pero umaabot sa langit ’yung kilay, at kapag ngumingiti siya halos ipakita niya ’yung mga ngipin niya na parang kakainin niya ako ng buo? Isa lang ang makita ko sa mga ’yun, malamang hiwalay na talaga kami! Taydana! Hindi pwede! Kahit kaninong tao pwede, pero hindi kay Chong! Hindi kay Chong! HINDI PWEDENG MAKIPAGHIWALAY SA AKIN SI CHONG!!!
Pero kung titingnan mo, baka maging advantage ko pa ito eh. Malay mo magselos si Chong kay Grace! Wahahaha! Hanep ’yun! Eh di hindi na ako natiis ni Chong. Halos ibigay ko lahat sa kanya tapos siya hanggang ngayon ginaganun parin ako. Mukhang may mabuti naman palang idudulot si Grace, may pakinabang ‘din pala. Parang ang sarap tingnan ni Chong na nagseselos, na nagtatanong kung anong ginawa naming ni Grace, kung pumayag ba ako sa gusto niya, at kung ano-ano pa. Sasabihin ko kaya ‘yung totoo, sasabihin ko ba sa kanyang nilandi ako ni Grace? Syempre, parang kailangan, doon masusubok ‘yung tiwala niya sa akin eh. Eh papano ‘yung kasunduan?  Maiisasantabi na nga ‘yun, ayaw nga niya akong mawala eh! Wohoohoo! Exciting!!!
Hinihingal akong tumigil sa upuan kung nasaan si Chong kanina. Halos mapayuko ako dahil sa hingal. At ng unti-unti kong inangat ang aking ulo para makita kung nandoon pa si Chong, nakita ko nga siyang nandoon…
…pero hindi sa paraang gusto ko. nakita ko siyang kalamante, panatag, may buong pag-iingat. Nakita ko siyang seryosong nagsasagot ng mga problems na parang walang paki-alam sa mundo niya, na parang walang nangyari kanina, na parang walang Grace na halos ipinahiya siya kanina kung hindi lang niya sinopla. Wala akong nakitang nakataas na kilay, nakakatakot na tingin at nakakakilabot na ngiti…
Mukhang hindi nagselos ang taong ito. Akala ko pa naman nagselos na siya…
Paano ko kaya mapagseselos ’tong taong ito?
”Ang sama mo talaga…” ang sabi ko sa kanya habang nakangiti na tila natutuwa sa ginawa niya. Pero alam kong hindi talaga ’yun ang gusto kong sabihin, alam kong peke ’yung ngiti ko, okay lang naman kahit anong gawin niya kay Grace eh. Pero ang gusto ko talagang itanong eh kung hindi ba siya nagselos kay Grace? Kung hindi ba siya magtatanog kung anong ginawa namin? Kung hindi ba niya ako pagbabawalang makipagkita kay Grace?
Pero hindi ko na tinuloy. Ni wala ngang katiting na selos sa mukha niya eh, ang kalma-kalmante niya. Sigurado akong napapahiya lang ako…
“Peke ‘yung ngiti mo…”
“Ha?” ang sabi kong nabigla. Paano niya nalaman? Ni hindi nga niya ako nilingon eh, ni hindi niya ako tiningnan, tapos nalaman niya kaagad na peke ‘yung ngiti ko?
“Hindi ko nga lang alam kung peke ‘yan dahil gusto mo na akong sapakin ngayon dahil sa ginawa ko kay Grace o dahil natutuwa ka sa ginawa ko...”
Tae, ano bang iniisip ng taong ito? Bakit iisipin niyang gusto ko siyang sapakin? Kung gusto ko siyang sapakin, kanina ko pa ‘yun ginawa. Bakit naman niya iisipin ’yun, eh alam naman niyang hindi ko magagawa ’yun?
Teka, bakit parang nagseselos siya?
”Hindi! Natutuwa pa nga ako sa ginawa mo eh! Alam bo bang wala pang kumasa sa babaeng ‘yun. Maski yung mga ipinalit kong babae sa kanya...” saka ako natigilan. Tarantado! Hindi ko talaga iniisip na babanggitin ko sa harap ng bago kong karelasyon na ang dami kong BABAE dati, at sa harap pa ng karelasyong kong LALAKI din!
Ang tanga ko!
Biglang napangisi si Chong habang nakaharap sa libro. “Oh, bakit ka natigil. Bakit hindi mo ituloy kung anong sinasabi mo?” ang sabi niya habang nakataas ang kilay.
Mukhang nagalit ko siya. Pero dapat natutuwa ako diba, kasi ako ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Chong. At last, parang nakita ko ring concerned siya sa akin.
Pero nanahimik na lang ako.
”It is far better to be feared than loved if you cannot be both…” ang sabi niya habang nakaharap pa rin as libro.
Ano ‘yun? Dati sa scientific terminologies niya ako nilulunod, nagyon sa kung ano-anong proverbs naman. It is far better to be feared than loved if you cannot be both, anong ibig niyang sabihin doon?
“Ano ulit iyon?” ang sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.”
”Katulad ng narinig mo...” saka niya ibinaba ang kanyang ballpen at dahan-dahang idiretso ang tingin pero hindi nakatuon sa akin. ”Baka ang ibig mong sabihin eh ’ipaliwanag ko aking sinabi,’  hindi ulitin ito. Walang ibang paraan upang mabuhay sa mundong ito kundi mahalin at katakutan. Sa mga katulad kong hindi kaaya-aya sa mga mata, wala ng iba pang paraan para respetuhin ako kundi pangilagan. Nakakalungkot man para sa iyo, ngunit sa aking mga mata ay nakagagalak ang mga iyon. Ang pakiramdam na unang umiwas ng tingin sa iyo ang isang tao kapag tiningnan mo siya ng hindi niya inaasahan, ang pakiramdam na iwasan ka ng mga tao dahil nakakatakot ka, dahil ipinaparamdam mo sa kanilang mas nakatataas ako sa kanila, iyon ang mga damdaming handang bayaran nino man upang makamit, mga damdaming handang buwisan ng buhay ng mga taong inaakala nilang nakalalamang sila sa lahat...” saka siya tumingin sa aking mga mata. ”...hindi katulad mo na tila ituring ngang diyos dahil sa iyong kariktan, ngunit tila isang laruan na kahit anong naising gawin sa iyo, kahit na iyon pa ang maging dahilan ng pagkautas mo, ay wala kang magagawa sapagkat minamahal ka lamang...” Itinaas niya ang kanyang kaliwang kilay na tila nangiinsulto habang kinukuha ang kanyang ballpen at nagsagot uli ng mga problema sa libro.
Pa-deep! Nakakanosebleed!
Teka, hindi kaya ang gusto niyang sabihin, eh, ’yung pinaggagawa sa akin ni Grace? Andoon ba siya nung landiin ako ni Grace? Alam kaya niya lahat ng ginawa ng babaeng iyon?
Shet!
”Ang ibig mo bang sabihin eh si Grace? Na kahit ano kayang gawin sa akin ni Grace?” ang tanong ko sa kanyang nanlalaki ang mga maliit kong mata. ”Hindi ’no, ’yun nga ang parang baliw na humahabol sa kin eh. Kahit ano, gagawin noon para sa akin. Isang pitik ko lang, didilaan na noon ang paa ko, makikita mo. Maski nga kanina...kanina...nilandi-landi niya ako. Halos isuper-glue niya ’yung katawan niya sa katawan ko, pero dahil...dahil iniisip kita, halos ibalibag ko siya dahil ayaw ko ’yung ginagawa niya...” ang sabi ko sa kanyang nagyayabang, na ipinapamukha ko sa kanyang iniwasan ko si Grace dahil sa kanya.
Iniwasan ko naman talaga si Grace eh, bago nga lang niya ako halayin...
”Oh, ang sweet naman,” ang sabi niya habang nakangiti na parang kinikilig at patuloy na nagsusulat.
Wahahaha! Sabi ko na nga ba eh, maging tapat lang ako sa kanya, makikita rin niyang ginawa ko lahat para sa kanya! Malamang ngayon, kinikilig na ito at baka alisin na niya lahat ng kondisyon niya. Yesss!!! Akin na talaga si Chong!!! Akin na siya!!!
Saka unti-unting nawawala ang ngiti sa labi niya. ”Yung zipper mo bukas...”
Patay!
Dali-dali kong kinapa at tiningnan kung bukas nga talaga ang zipper ko, at, anak ng tipaklong, BUKAS NGA TALAGA!
Tanginang Grace ’yun! Tangina!
Ano nga bang bagay ang lulusot kay Chong? Anong bagay ba?
“Ah...ah...nag-CR kasi ako bago kita pinuntahan uli, alam mo na, kailangan gwapo ako ulit bago kita puntahan. Ahahahaha, sa sobrang pag-iisip ko sa’yo nakalimutan ko ng isara ang zipper ko, Ahahahaha!!!”  Oo, nagsinungaling ako. Pero talaga namang iniisip ko siya eh. Kaya nga ako parang tanga tumakbo pabalik dahil inisip ko siya.
“Ah, gusto mo lagi kang gwapo sa paningin ko kaya pumunta ka sa banyo...” ang sabi niyang nakangiti ng magiliw pero nakatingin pa rin  sa libro.Wahhh, tama, tama talaga ‘yan Chong! Mukhang eto na ‘yun! Sikap lang naman kasi ‘yan eh, tingnan mo napalambot ko na ang puso ni Chong. ”...tapos para kang kabayo na parang nangangarerang bumalik dito, para ano, magpapawis? Tingin mo talaga mas gwapo ka kapag nagpapawis ka?” ang tanong niya sa sarkastikong paraan.
Tae naman oo!
“Ah...ah, oo! Oo naman! Hindi ba mas gwapo ako kapag medyo basa, katulad noong mga modelo ng briefs tsaka boxer? Inayos ko pa nga uli ’yung buhok ko para sa iyo. Tingnan mo...” Inayos ko muli ang buhok ko, saka ko siya tiningnan ng mababa ang talukap ng aking mga matang parang nang-aakit, at saka ngumiti habang nakataas papuntang gitna ang dalawa kong kilay na astang hearthrob.
Pero hindi siya tumingin sa akin. ”Oh, I see. Pero hindi ka lang nakabriefs o boxers ngayon eh, naka-uniform ka...”
Tae, ano bang ipanlulusot ko sa taong ito ng wala siyang maikokontra! Nakakainis naman eh. Oh meron nga bang ganoon?
”...and in the first place hindi basa ang buhok at ang mga kamay mo. Oo, maaaring matuyo kaagad ‘yun lalo na sa mga ganitong panahon, pero hindi ganoon kadaling matutuyo ‘yung tilamsik ng tubig sa polo mo. And another thing, magulo ‘yung pagkakabutones ng polo mo, at hindi ‘yan ganyang kanina...” ang sabi niya habang nakatingin pa rin sa libro at sumasagot ng problems.
Nanahimik na lang ako. Teka, nagseselos kaya siya? Tingnan mo...tama na, hihirit ka naman, tapos mapapahiya ka lang.
”...Ibig sabihin, nagulo ’yang damit mo sa pagitan ng mga oras kung saan hinatak ka ni Grace papunta sa gym at ng bumalik ka dito. I bet she chose ’yung lugar sa likod na halos walang dumadaan kundi ’yung rumorondang gwardiya. At dahil imposibleng hindi kayo nakita ng kahit isang guard at wala ka rin naman ngayon sa guidance office, malamang kinunsinte lang kayo ng guard. Bakit nga naman hindi, eh nakapanood din siya ng libreng porn...”
Ano kayang gagawin niya? Hihiwalayan na ba niya ako? Ito na ba ’yung katapusan ng lahat? Dito na ba matatapos ’yung lahat ng paghihirap kong mapasuko ko si Chong? Dito na ba matatapos ’yung kagustuhan kong mapatunayan ko sa sarili kong walang makatiis sa akin kahit na si Chong?
Pero ’yun nga ba ang gusto ko, mapasuko siya? Parang kung ganoon lang, di sana hindi akong nagpapatanga ng ganito. Gusto ko na nga bang ibigay niya sa akin ang lahat ng atensiyon niya? Gusto ko na nga ba talaga si Chong? Gusto ko na nga ba siyang maangkin?
Natameme at napayuko na lang ako.
”...Mukhang nanalo ka ngayon...”
Biglang akong napatingin sa kanya. Nagsasagot pa rin siya ng mga problems sa Statics.
”Ano yun?”
”...may butas ’yung kasunduan, saka ko lang naisip ngayon. Mukhang naisahan mo ako ngayon...”
Teka, paano ko siya naisahan?
”...kung natatandaan mong mabuti, sa tingin ko eh hindi, ang eksaktong salitang ginamit ko doon sa kondisyon ko, eh, ”romantic relationship.” Thinking about it, masasabi kong iba ’yan sa pagkakaroon ng sex. Hindi lahat ng sexual relationship, eh, romantic, katulad ng hindi lahat ng romantic relationships, eh, sexual...” ang sabi niya habang patuloy na nagsusulat. “But of course, kung aaminin mong something romantic ‘yung namamagitan sa inyo ni Grace, to the point na mahal mo na siya, then ibang usapan na ‘yun. If that’s the case, I belive that will be the end of our relationship...”
“Chong, hindi. Mali ka, walang namamagitan sa amin ni Grace. Kung meron man, dati pa ’yun. ’Yung sinasabi kong sex na dalawang beses, sa kanya ’yun. Pwera doon, wala ng iba. Sex lang ang meron sa amin. Siya pa ’yung nagpupumilit na maging kami, pero ayaw ko. Baka sabihin mo sinasabi ko lang ’to dahil nahuli kita, pero hindi. Bago pa man maging tayo, ayaw ko na talaga sa kanya.” ang sabi kong nakayuko at nagmamaka-awa, na parang batang napaka-amo dahil may nagawang kasalanan sa magulang niya.
”...so papaano mo siya maiiwasan, kung pupunta ka sa usapan niyo mamaya?”
Oo nga pala, may usapan pala kami mamaya. Tsaka, papano ba nalalaman ni Chong ’yung mga bagay na ’yan.
”...Oo, nag-aaya nga siya sa Sogo, oo, umoo na rin ako. Pero hanggang doon na lang iyon, wala akong balak na siputin siya. Ginawa ko lang naman ’yun tumigil muna siya, para mawala muna ’yung galit niya dahil...”
”...dahil kapag hindi pumayag sa gusto niya, ipagkakalat niyang may karelasyon kang bakla? Ipagkakalat niyang baklas ka?”
Bigla akong napatingin sa kanya. Kung dati ay nakatingin lang siya sa notebook niya habang nagsasagot ng mga problems, ngayon ay nakatingin na siya sa akin, at nagkasalubong ang aming mga tingin.
”Weel, I bet tinanong ka ng babaeng iyon kung anong namamagitan sa ating dalawa, kung ano ako sa iyo. And I’m 100 percent sure na Ka...” saka niya ibinaba ang kanyang tingin at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat. ”...Ka-i-bi-gan ang isinagot mo sa kanya. So papaano ka hindi makakasipot sa usapan niyo, gayong pagharap nga lang sa katotohanan eh hindi mo magawa. Unless, sa tingin mo nananaginip ka lang...”
”Hindi, puro lang naman ’yung babaeng ’yon. Dati na rin naman niyang sinasabing ipagkakalat daw niya lalo na sa parents ko na girlfriend ko siya kapag inaayawan ko siya, pero hanggang salita lang naman siya, kaya alam ko hindi niya iyon itutuloy kahit na hindi ko siya siputin...”
”Don’t ever underestimate what any people can do...Kung nagawa ka nga niyang gumawa ng kalaswaan kahit na may nanonood ng guwardiya, sa tingin mo hindi niya magagawang ipagkalat na bakla ka?”
Tama siya. Maski naman ako hindi sigurado kung hanggang salita lang naman siya. Buti sana kung babae ang bago ko, kaso hindi.
Ibinaba ko na lang ang aking tingin.
”Pero alam mo, we can solve your problem both in short-term and long term ways...” saka niya inangat ang tingin niya sa akin. “’Yung ginawa mong pag-oo sa kanya is a short term solution, pero pwera doon pwede mo rin siyang ipakulong, kailangan nga lang ng pekeng krimen at pekeng ebidensiya. Well, I think that would be easy for you since mayaman ka naman, kaso masisira mo ang buhay niya. At sa tingin ko naman eh may kakaunti ka pang concern kay Grace para gawin ‘yun. Pwede mo rin siya ipa-expel sa campus, sabihin mong she is harassing you. Kaso hindi naman ganoong katanga ang administration para i-expel siya kaagad. Of course, there would be questioning and counseling, at imposibleng hindi niya masabi ang tungkol sa atin. In the end, baka siya, ako, at ikaw ang ma-expel. And worse, itakwil ka pa ng mga magulang mo dahil bakla ka. Pero pwede mo rin naman hanapan ng ibang makakakantutan, hanapan mo siya ng lalaking magiging boyfriend niya. Though pwede rin itong long-term solution, wala ring kasiguraduhan kung magiging effective siya. Sa tingin mo matapos ng lahat ng ginawa niyo sa kama, makakalimutan na lang niya basta-basta ang lahat ng iyon. Kung makakalimutan na lang niya lahat ng iyon sa isang iglap, malamang hindi siya babae. Pero dahil mayaman ka naman, pwede ka ring maghire ng private security na pwede kang bantayan para ilayo siya sa iyo. Magmumukha ka nga lang tanga, dahil parang napaka-importante mong tao para umasta ng ganoon...”
Wala akong magawa kundi itaas at kaagad na ibaba ang tingin ko sa kanya.
“...Well, ang daming short-term solutions, pero ang dami ding complications. At malamang wala sa mga iyon ang magtagumpay. Lahat ng problema natin kailangan ng panandaliang lunas, pero hindi sasapat kaagad iyon, kailangang lapatan ito kaagad ng pangmatagalang lunas bago mawala ang epekto ng unang lunas na inilagay mo...” saka siya tumingin sa akin. “At alam mo maswerte ka, dahil may isang solusyon na talagang epektibo, na walang masasaktan, walang komplikasyon, at talagang epektibo. At alam mo kung ano iyon?” saka niya itinuwid ang kanyang likod sa pagkaka-upo.
Buong pagtataka ko naman siyang tiningnan, dahil sa paghihintay sa sinasabi niyang solusyon. Halatang-halata sa mukha ko ang pagtatanong.
”...hiwalayan mo ako...” ang sabi niya habang nakangiti.
Tarantado!
”Hindi ko gagawin ’yun gagawin Chong!!” ang halos pasigaw kong sagot sa kanya. ”Kahit na ’yung lang ang solusyon, kung problema nga ba talaga ’tong kailangan solusyunan, hindi ko pa rin gagawin ’yan. Kahit na uliutin ni Grace ‘yung pinaggagagawa niya, iiwasan at iiwasan ko siya. Kahit ilang beses niya akong takutin, iiwasan ko pa rin siya...” ang sabi kong seryoso, na parang nagagalit kung bakita lumalabas sa bibig niya ang ganoong mga salita.
“Talaga...” ang sagot niyang nakangiti habang nakataas ang dalawang kilay at nakatilit ang kanyang ulo sa kanan. “Pero ang tanong, HANGGANG KAILAN?” ang pagdidiin niya sa dalawang salita.
Nawala ang pagiging seryoso ng mukha ko. Napalitan ito ng kawalang pag-asa, kawalang pag-asa at panghihina dahil ganoong mga bagay ang iniisip niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nararamdaman kong nagseselos siya. At hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako natutuwa. Dapat nagsasaya ako dahil napapaamo ko na si Chong, dahil napapasuko ko na siya.
Pero hindi ’yun ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako, nalulungkot.
”Kung gusto mo, Chong, idagdag mo na rin sa kasunduan na hindi ako pwedeng makipagsex kahit kanino. Okay lang naman sa akin.” ang sabi ko sa kanyang tila humihingi ng patawad.
”Hindi...Hindi ko gagawin ’yun. Diba sabi ko sa iyo wala tayong kontrata dahil sisiguraduhin kong magiging fair sa ating pareho ang kung ano mang bagay na napagusapan natin. Kapag binago ko ang kasunduan dahil gusto ko lang, pinapatunayan ko sa iyong sinungaling ako, pinapatunayan ko sa iyong wala akong kaibahan sa inyo...” ang sabi niyang kalmante, na parang nangangaral.
”Chong, sorry...” ang bigla na lang lumabas sa bibig ko.
Nakita kong bigla siyang nahinto sa pagsusulat. Biglang nahinto sa pag-iwan ng marka sa papel ang kanyang ballpen na kanina ay parang walang paki-alam na sumusulat.
”...Wala kang dapat ihingi ng paumanhin. May kasalanan din naman ako. At kung may kasalanan ka talaga, don’t worry, I forgive...” saka siya tumingin sa akin ng nakangiti ng hindi nakikita ang mga ngipin.
Napangiti na rin ako sa kanya, pero ngiting ngiting totoo, na kita ang mapuputing kong ngipin.
”...but I don’t forget, and the best part is...I get even...”
Biglang nawala ang ngiti sa labi niya.
“CHONG!!!” ang sigaw ng isang babae mula sa canteen.
Si Jenilyn.
Dahang-dahang inilingon ni Chong ang kanyang ulo. “Tae ka, bakit kailangan mong isigaw ang pangalan ko sa harap ng maraming tao...”
”Hay naku, ikaw nga, tinatawag mo akong Jebs mula pang high school, wala akong pake. Tapos ikaw, kung makareact ka parang nakakahiya ’yun...” saka siya lumingon at nakita ako. ”Oh andiyan ka, bakit nakatayo ka lang, hindi ka umupo?”ang sabi niya sa aking nagulat. ”Tsaka bakit hindi mo kasama sila Fred?”
”Ah...kase...” Hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa kanya, dahilan na talagang walang butas. Baka kasi mamaya katulad rin siya ni Chong na kahit ano, eh, makikita.
”Nag-eskandalo kasi ’yung girlfriend niya, eh, inawat ko, napagdiskitahan ako. Humihingi lang ng tawad...” saka siya tumingin sa akin mula ibaba diretso sa mata ko.
Iniwasan ko na lang ang tingin niya.
”Oh, pinapa-upo mo siya, tapos ikaw itong katayo lang diyan...” ang sabi niya kay Jenilyn.
”Sabi ko nga...” saka umupo si Jenilyn sa tabi niya habang inilalapag ang dala niyang platong may lamang chicken barbeque. ”Oh, upo ka na rin, kain tayo no...” ang pagaaya niya sa akin.
”Ah...okay lang ba...?” ang tanong ko sa kanya. Pero hindi ako sa kanya nakatingin, kay Chong ako nakatingin dahil alam ko naman sa kanya talaga may issue dahil sa kasunduan namin.
Nakita ko na rin si Jenilyn na mula sa pagkakatingin sa akin, eh tumingin na rin kay Chong.
”Uy, Chong, okay lang naman diba...” ang tanong niya dito. Siguro alam na rin ni Jenilyn na may posibilidad na umayaw si Chong sa alok niya sa akin. Eh, napakamapag-isa naman kasi talaga ni Chong. Minsan kahit na may mga kasama si Jenilyn at aayain niya si Chong para sumama sa kanila, aayaw na ito kahit na si Jenilyn ang nag-alok. Kahit na nasa pulutong na siya ng maraming tao, hihiwalay at hihiwalay pa rin siya at maglalakad na parang laging nag-iisip.
”Oo, okay lang naman. Wala naman siyang kasalanan para umayaw ako...” ang sabi niyang magiliw kay Jenilyn.
Oo nga pala, hindi siya pwedeng ummayaw kay Jenilyn, dahil kapag umayaw siya at nahalata ni Jenilyn na sobra siyang maka-iwas sa akin, mahahalata na may nangyayari sa aming dalawa!
Edi, makakasama ko na si Chong! YAHOO!!!!
Dali-dali akong pumunta sa upuan ni Chong para tabihan siya. Talagang excited ako na halos ibalibag ko ang bag at wala akong pakialam kahit na mahulog ito.
Pero biglang hinangin ang papel na nasa harap ni Chong. Fuck.
Bigla siyang tumayo at saka kinuha ang scratch paper niyang hinangin papunta sa court at ng pagbalik niya, saka siya umupo sa katapat kong upuan. ”Dito na ako, para medyo maluwag...” saka siya ngumiti ng buo.
Sinimangutan ko na lang siya at ng tingnan ko si Jenilyn, nakita ko siyang inililipat-lipat ang tingin sa aming dalawa na parang nagtataka.
”Oh, Jenilyn, bakit parang ang lungkot mo naman.” ang tanong ni Chong na nakangiti.
”Oo nga Jen...”
”Dahil kay Vince ano?” ang sabi niya kahit na hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko.
“Oo, eh. Malay ko dun, dati wala namang problema kahit na magkahiwalay kami, ngayon nag-aalburoto siya. Edi hindi ko siya sinagot, ginaganun niya ako eh. Bayaan mo...”
“OO, pabayaan mo si...”
“...papabayaan mo siya, pero ang lungkot mo. Sagutin mo na kasi, malay mo humingi na ng tawad.” ang putol niya sa sinasabi ko. ”Maaayos din ’yan, noong mga unang araw nga ng pasok, nagawa niyo, ngayon pa kaya?”
Mukhang i-eetsapuwera lang ako ng Chong na ito ah...
”Intindihin mo na lang.” saka siya tumingin kay Jenilyn. ”Wala nang bagay na mas nakababaliw pa sa mundong ito kundi ang mga bagay na kahit nasa kamay mo na, eh, hindi mo maangkin ng lubos. Kapag hinigpitan mo ang pagkakahawak, maaaring mabasag. Ngunit kapag niluwagan mo naman, maaaring mahulog...”
Ngumiti lang si Jenilyn ng pigil at saka yumuko. Wala naman akong nagawa kundi tingnan na lang si Chong ng nagtataka.
Ngunit nabigla ako ng tumingin siya sa akin at titigan ako.
”...parang napakahahalinang rosas na kapag pinitas mo sa kanyang tangkay, ay hindi maaaring hindi ka matinik. Ngunit kapag hinila mo naman sa puno ng kanyang mga talulot ay maaari mo itong masira at mawala ang ganda nitong humalina sa iyo . Wala kang ibang magagawa kundi tingnan ito mula sa malayo habang patuloy itong lumalago ng napakaganda ngunit hindi mo ito tuluyang maangkin, o maaari mo rin namang hugutin ng tuluyan mula sa mga ugat nito ang halaman at angkinin ito ng buo, ngunit ang paggawa nito ang magiging sanhi ng kamatayan nito sampu ng iba pang bulaklak na kasama nito...”
”...Hay naku, Chong. Inaatake ka naman ng pagiging schizophrenia  mo...” ang pagputol ni Jenilyn sa sinasabi ni Chong.
Bigla na lang napahalakhal si Chong na parang baliw.
”Teka, Jenilyn,may schizophrenia si Chong?” ang tanong ko ng seryoso sa kanya.
Bigla silang nahinto pareho.
Saka ako hinarap ni Chong habang tumatawa, mali humahalakhak pala. ”Wahahahaha!!! Oo, schizophrenic ako...” saka unti-unti nawala ang halakhak ni Chong habang unti-unti ring iniyuyuko patagilid ang kanyang ulo na parang baliw.
Hindi na lang si Chong ang tumatawa ngayon, maski si Jenilyn tumatawa na. At hindi na lang basta halakhak ngayon, humahagalpak na sila sa tawa habang pinapalo ’yung mesa.
At nanatili akong tahimik na parang tangang nagtatanong kung anong nagaganap.
”FONSE!!!” Bigla akong napalingon sa kung saan man nagmula ang boses na iyon. At nakita ko sila Lem at Brix...
Habang si Fred naman ay nakatingin sa akin, na may nakakapasong titig...
”Oh, dito na lang kayo, kumain,” ang pag-aaya sa kanila ni Jenilyn.
Fuck! Bakit ngayon pa!­­­­­­­
”Oh, Bro! Musta, pre! Nag-DOTA kami kanina hindi ka sumama...” saka inabot sa akin ni Lemuel ang kanyang kamay na parang makikipagkamay na katulad na ginagawa ng mga magkakabarkadang lalaki.
”Eh, kasi....kasi...sumugod si Grace kanina dito. Pinahupa ko muna ’yung galit...” ang sabi ko sa kanyang nag-aalangan dahil hindi naman ’yun ang talagang dahilan.
”Ah, oh paano mo pina-amo? Sinabi mong magkikita kayo sa SOGO? Aksyunan na naman ’yan Fonse...” saka humalakhak si Brix at si Lemuel.
”Haha..” Alam kong inaasahan din ni Brix at ni Lenuel na makikhalhak ako sa kanila, pero wala akong naisagot kundi ang pigil kong ’haha’. Eh sino ba naman ang makakatawa sa ganitong sitwasyon? Nasa tabi mo ang karelasyon mong lalaki, at ang malala pa, katabi mo rin ang  mga kaibigan at kambal mong lalaki na hindi nila alam na may karelasyon kang lalaki...
...Oh, HINDE!!!...
”Oh saglit  lang ah, bibili lang ako ng inumin,” ang pagtputol ni Jenilyn sa usapan nila. ”...Chong pakibantay n alang ang gamit ko ah...’
Saka ko tingnan si Chong. Bigla lang itong nagbaba ng tingin at ipinagpatuloy ang pagsagot sa mga problems sa matapos ngitian si Chong. Bigla akong lumingon at pakaliwa at biglang sumalubong sa akin ang tingin na halos patayin ako...
...Nakatingin sa akin si Fred...
”Bro, parang sobrang close niyo na ni Chong ah? Ano bang meron?” ang tanong sa akin ni Brix.
”Oo, nga pre. Madalang ka na lang ring sumama sa aming maglaro? Anong meron, lagi mong kasama si Chong?” ang sunod na tanong ni Lem.
”Baka naman may nakitang bagong babae...” Bigla kong nilingon kung sinong nagsalita. Si Fred, habang nakatingin pa rin sa akin ng matulis...
Wala akong nagawa kundi iwasan ang tingin niya.
”Oh, pakilala mo naman kami!!!” ang reaksiyon ni Brix na tila nakakita ng hubad na babae.
”Ah...kase...wala naman...Parang hindi ka naman nasanay kay Fred, mapagbiro talaga ’yan. ’Di ba, bro...”
Pero walang nangbago sa reaksiyon ng mukha ni Fred! Mukhang patay talaga tayo nito!
”Sige ka, si Chong ang tatanungin namin...” saka tumingin si Lem kay Chong  na kasalukuyan pa ring nagsusulat. ”Chong, sino ’yung bagong babae ng mokong na ’to? Kilala ba namin? Si Jenilyn ba?”
Pero nanatiling pa ring nagsusulat si Chong na tila walang narinig na tao.
Inayos na lang ni Lemuel ang tindig niya na parang napahiya.
Hindi naman talaga magsasalita si Chong. Syempre kapag kumalat na bakla ako, kahit na hindi...tae, bahala na nga, eh syempre kakalat din sa maski siya ay bakla dahil magkarelasyon kami. Takot lang niya, kung titingnan mo, kaya siya tahimik na ganyan, kasi ayaw niyang mahalata kung ano talaga siya. Kaya wala siyang gagawin na ikakapahamak naming dalawa. Subukan lang niya, katakot-takot na pangungutya mararanasan niya.
Pero biglang huminto sa pagsusulat si Chong at saka itinaas ang kanyang tingin kay Lem. ”Hindi mo pa ba alam...” ang sabi niyang nakangiti kay Lemuel.
Wala ’yan. Syempre kailangan lang niyang magdahilan para maloko sila Lemuel. Eh ang galing kaya niyang mag=isip ng dahilan. Halos isang iglap nga lang naisip niyang idahilan kay jenilyn na nagwala si Grace kaya andoon ako. Ang galing diba, kaya wala akong dapat ipag-alala. Ililgtas pa nga ako ng taong ito eh.
”...Kami na ni Fonse...” ang sabi niya habang nakangiti pa rin.
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni Brix. Napalitan ito ng pagkagulat na hindi mawari.
...don’t worry, I forgive
Biglang napalingon sa akin si Fred. At ngayon, lalong tumulis ang tingin niyang kanina pa nag-aapoy. Parang gusto na niya ankong patayin sa mga tingin niya.
”...but I don’t forget…and the best part is...”
Dahan-dahangitinuon sa akin ni Chon gang kanyang tingin, talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero bigla niyang inituon sa akin ang kanyang ulo kasabay ng kanyang tingin. Nakakatakot. Parang mas dapat pa akong matakot kay Chong kesa kay Grace…
“...I get even...”
PA….TAY!!!!

­­

6 comments:

  1. Patay kang Fonse ka!hahaha!hindi talaga makapalag pa si Chong na bumanat..ibang klase talaga pag iisip nitong si Chong..whew!

    Sana mas mabilis pa update :))

    ReplyDelete
  2. Wah..monster ka chong! Grabe ang pagkahitler nito! Pero...pwede ring maging solusyon ang ginawa niya..kaso..magkakabagyo muna..storm before the calm..haha..at ang tinggin ni Fred..me gusto xa kay Chong? Wawa naman si Fonse..kelan kaya nia magagrasp ang kasayahan..malapit na ata..good job!
    -caranchou

    ReplyDelete
  3. hahahahaha...galing ni chong.........parang c author......

    ReplyDelete
  4. ASTIG SI "chong"..

    Boss Author, pagamit ng mga lines mo ha...

    hahahaa.. basag ka Fonse... ano nang mangyayari saiyo nan... be a man dude!!

    hahahahahah

    -iansky-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lines like what? XD Pero okay lang, it would my pleasure. Kahit walang quotatio, okay lang...XD

      Delete
  5. Galing ni Author.

    AstiG!

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails