Haaaayyyyyyy! Tatapusin ko na ang kwentong ito! Joke! Katulad ng comment ko
dati, pinili ko talagang ikwento ito sa point of view ni Fonse dahil alam kong mas
magiging katawa-tawa, mas majujutify ‘yung title kapag ganoon ang ginawa ko. Pero,
heck! Ang hirap gawin ng kwentong ito! Kung sigurong ginawa ko ito sa third
person, ‘yung may parang narrator, baka ang dali ng update ko at hindi umaabot
ng 16 pages kada chapter. Ayoko namang ibahin ‘yung style dahil mabababoy,
parang teleseryeng binago ‘yung bida dahil lumipat sa kabilang istasyon
(Wahahaha!!)Para namang pagkaganda-ganda ng
kwentong ito, kapal ko ano. Kaya I’m asking for prayers, wahahaha! Sana matapos ko na ito!!!
PSSSTTTT!!!! Comments naman diyan....
PSSSTTTT!!!! Comments naman diyan....
------------------------------------------------------------------------------------------
“ANONG ‘KA’?”
“Ka...Ka...”
Patuloy na nakatuon sa akin ang
kanyang mga matang tila nanlilisik. Nakatingin siya ng ganoon sa akin habang
ang kanyang mga braso ay nakapa-krus sa kanyang katawan na tila hindi
naniniwala sa mga sinasabi ko.
Taydana, ano ba ang kailangang
kong gawin sa ganitong sitwasyon? Sabihin ko na sa kanya ‘yung totoo, ‘yung
lang naman ang 'yung paraan na may epektong tatagal eh. Tsaka ‘yun naman talaga
ang ginagawa ko dati kapag may babae na naghahabol sa akin, sasabihin ko lang
na may iba na akong gusto. Tapos! Ayaw kung ayaw! Kahit na maghabol pa ‘yung
babae, wala na siyang magagawa dahil masaya na ako sa piling ng ibang babae…
…wala nga pala ako sa piling ng
babae ngayon, nasa piling ako ng isang bakl…bak…lalaking isabit ako sa
spaceship ng NASA para ‘di na kami magkita…
FUCK!!!
“Ano!!!!”
“Ka...”
“ANO NGANG ‘KA’?”
“Ka...KA…KAIBIGAN!!!...”
Saka siya tumingin sa akin na ang kanyang mga mata ay tila inaantok na para
akong sinusuri, habang ang kaliwa niyang kilay ay nakataas at ang kanyang ngiti
habang nakasara ang kanyang mga labi ay tagilid na parang nang-iinsulto.
Mukhang hindi siya naniniwala sa akin…
“Ano ka ba Grace! Matapos ng
lahat ng ginawa natin? Matapos mong humalinghing ng humalinghing na parang
pusa, humalinghing ng sobrang lakas sa SOGO, tapos hindi ka maniniwala sa akin?
Matapos kong…kong…kain…kainin ‘yan, matapos kitang…kitang…paligayahin, tapos
pagdududahan mo akong BAKLA?” ang sabi ko sa kanya ng pa-angas. Kailangan kong
yabangan ang paraan ng pagsalita ko, kailangan magmukha akong nalalaman ko kung
ano ang mga sinasabi ko para hindi na siya magduda.
Pero kahit na ganoon, hindi ko
maiwasang mautal habang inililitanya ko sa kanya kung anong mga pinaggagawa
namin. Hindi ko akalaing nagawa ko ang lahat ng iyon sa katulad niyang babae…
TAE, ANONG NANGYAYARI SA AKIN!
HINDI NAMAN AKO GANITO DATI AH!
Inilingkis niyang muli sa akin ang kanyang katawan habang ang
kanyang kanang kamay ay nasa aking leeg. Talagang sinasadya niyang idikit ang
ibabang bahagi ng aming mga katawan, ramdam na ramdam ko na itinutuon talaga
niya sa pwerta niya ang ari ko, katulad ng ginagawa ko sa kanya dati. “Sabi mo
eh,” saka niya ituon sa akin ang kanyang tingin mula sa ibaba at dahan-dahang
ibinaba ang kanyang hintuturo mula sa aking labi, papunta sa aking dibdib, at
sa aking tiyan.
“I know naman that you’re not
gay, eh. I just got enraged dahil you have resisted me for one month. Noon, one
week lang, dumiretso ka sa bahay namin, and we immediately had sex kahit na
andon ang parents ko…” saka siya tumawa ng pigil na parang bata na may nasabing
sikreto. “Well, if that’s the case, I think going to SOGO later might make
‘wala-wala’ my madness…”
Sabi ko na nga ba, eh. Haaaaayyyy!!!
“Grace, hindi ba sinabi ko na sa iyo, ayaw ko na…” ang sabi ko sa kanyang
naiirita at naghihina. Siguro dahil nakukulitan na ako sa kanya o pagod na
akong gawin ‘yung mga bagay na dati naming ginagawa lalo pa sa katulad niyang
narealize kong walang alam kundi landiin ako, sa katulad niyang walang alam
gawin kundi magpaganda, sa katulad niyang walang laman. Buti pa si Chong,
napakatalino, pero hindi lang puro aral, hindi lang iisang bagay ang alam
gawin. Minsan misteryosa,
misteryoso pala, minsan tahimik, minsan maingay, minsan malandi. Ang layo niya
kay Chong, napakalayo…
TARANTADO, ANO NA NAMANG PINAGSASABI KO? BAKIT NASALI SI CHONG DITO? BAKIT
KO SILA PINAGKUKUMPARA?
ANO NA NAMANG NANGYAYARI SA AKIN?
“May sinasabi ka ba…Honey Bunch?” saka niya na naman niya unti unti ipinasok ang kanyang kamay sa
aking brief. “Ahhhh, wow…” ang ungol niyang tila nasasarapan. “Look,
Honey oh, medyo matigas pa ‘no. Medyo nagwawala pa. And wait, are you feeling
wet? Is this a precum I’m feeling…” Unti-unti niyang hinawakan ng buo ang aking
ari at saka ito ijinakol ng parang nambibitin, pataas ng dahan-dahan, pababa ng
dahan-dahan.
“Ang sarap diba…” ang sabi niya habang kagat ang kanyang labi.
Pero, wala akong ibang maramdaman kundi panghihina. Oo, unti-unting tumigas
ang ari ko, unti-unti itong lumalaki habang patuloy niya itong ijinajakol. Pero
pwera doon, wala na akong ibang maramdaman kundi panghihina at kasawaan,
kasawaan dahil nakakasawa na talaga at nalaman kong all this time,
nakikipagkantutan ako sa taong hindi ko naman mahal. Panghihina dahil alam kong
wala akong magagawa kundi magpailalim sa kanya at gawing muli ang hinihingi
niya.
Teka, eh pwede namang sumagot ako ng oo, pero hindi ko gawin. Basta ang
mahalaga, manahimik muna siya ngayon. Saka na ako mag-iisip ng paraan kung papaano siya iiwasan at paano siya
tatakasan. Tutal, ilang beses
na rin niya akong tinakot pero wala namang nangyari. Pero maliliit na bagay
lang namang ‘yung ipinapanakot niya dati eh. Dati, kesyo sasabihin niyang
girlfriend ko siya sa parents ko kahit hindi. Pero iba ‘yung ngayon. Konting
parinig lang na BAKA bakla ako, sigurado ako kinabukasan maririnig ko ng BAKLA
talaga ako.
Taydana! Ang hirap!
“So, harap ng SOGO, 7:30?” ang tanong niya habang gumigiling ng marahan at
ikinikiskis ang kanyang dibdib sa aking katawan. “Promise, mabilis lang, kahit
limang putok lang pwede na…” saka niya ako kinindatan habang kagat ang labi
niya.
“Si…sige…pupunta ako…” ang sabi ko sa kanyang parang nanghihina. Hindi rin
ako makatingin ng diretso sa kanya. Hndi ko alam kung dapat ba akong matuwa o
malungkot para sa kanya dahil sa gagawin ko.
Saka ko naramdaman na may mga yabag ng paa na papalapit ng papalapit sa
pwesto namin.
“Grace, tanggalin mo na ‘yung
kamay mo! May papadating na tao…” ang sabi ko sa kanya habang tinatanggal ko
ang kamay niya sa brief ko. Dali dali rin siyang sumunod sa sinabi ko at saka
inayos ang kanyang damit na nagulo dahil sa pinaggagawa niya.
“Boss, ano pong ginagawa natin?” ang sabi ng guard na nag-iikot sa lugar.
Bihira lang kasing daanan ang parteng iyon ng gym, kaya pinapabantayan siya
dahil siguradong may potential na maging pugad ng milagro. Buti na nga lang
saka siya dumating noong papatapos na si Grace sa mga pinaggagawa niya, kung
hindi baka na-expel na kami.
“May pinag-uusapan lang boss, sandali na lang…”
Ngumiti siya na parang nanunukso.
“Dalian lang po natin ah, baka may makahuli po sa inyong prof…” Kinindatan
niya kaming dalawa ni Grace, kinindatan niya kaming parang alam na niyang may
ginagawa kaming milagro sa lugar na iyon.
Saka umalis ng dahan-dahan ang gago.
“Honey ah, I’ll expect you
later. O di kaya dumiretso ka na sa
room 202. I’ll just text you kung occupied na siya. ‘Wag mo akong
iindiyanin. You know naman what the consequence were be…” ang sabi niyang
parang nagtatampo habang inaayos ang kuwelyo ng polo ko. “I can always spread
rumors, you know naman diba. Sabihin ko lang na bakla si Carl Alfonse Santiago,
dedbol ka na…”
“OO, alam ko na…alam ko na
‘yun…” ang sabi ko sa kanya kahit na alam ko namang mababa ang tsansang gawin
niya iyon. Eh hanggang salita lang naman siya.
“…Well, anyways alam ko namang
hindi ka bakla talaga. And if you was really gay, I’ll make sure you’ll be a
man once again…” saka siya tumingin ng nang-aakit. “…in my arms…”
Wala akong nagawa kundi ngumiti
na lang ng pilit.
“…Alam ko namang hindi mo sasayangin
ang matangos mong ilong…ang singkit mong mga matang parang nag-aangkin…ang mga
ngiti mong nakakagigil…ang kilay mong napakakapal na talagang nakaka-akit…at
ang mga maninipis mong labi na napakasarap halikan…” saka niya dinilaan ang
kanyang labi na parang natatakam.
“Oh, sige na…baka bumalik pa
‘yung guard…” ang sabi ko habang puwersahang inaalis ang kanyang kamay sa aking
leeg.
“Teka, Honey Bunch, wala ka
bang gagawin…” ang sabi niyang dahan-dahan habang lumalayo dahil sa halos
malakas kong pagkaka-alis ng kamay niya.
“Anong gagawin ko?”
“’Yung katulad ng ginagawa mo
dati, ‘yung ginawa ko sa iyo kanina…” ang sabi niyang parang namamalimos.
Haaayyy, ano pa bang magagawa
ko.
Muli ko siyang hinila at muling
idinikit ang ibabang parte ng katawan namin. Idiniin ko ang kanyang harapan sa
aking ari na halos matigas pa. Saka ko pinisil ang kanyang puwetan katulad ng
dati kong ginagawa.
“Ahhh, shet, ang sarap…Honey,
ang sarap” ang kanyang pag-ungol habang parang sarap na sarap na itinaas ang
kanyang ulo habang nakapikit. “Kaso parang ang sakit ng pagkakapisil mo, parang
napasobra yata…”
Mukhang napasobra nga ang pagpisil ko…kulit kasi.
“Oh, wala bang…” Tapos sy ininguso niya ang kanyang mga labing pulang-pula
at napakakapal.
Nanghihingi siya ng halik.
“Mamaya na Grace, sa motel na…” ang magkahalong pag-awat at pagkairitang
sagot ko sa kanya.
“Hmmmpp, ang lakas mambitin, kaya talagang nababaliw ako sa iyo eh…” saka
niya parang pinalo ang aking dibdib. “Oh sige ah, mamaya na lang tayo magkainan
sa SOGO…” At naglakad siya ng napakalandi.
Tiningnan ko na lang siya
habang naglalakad, habang nararamdaman kong unti-unti lumalambot ang ari ko.
Habang papalayo siya, saka ko lang naiisip lahat ng mga bagay na pinaggagawa
ko, lahat ng mga walang kuwentang bagay na nagawa ko kasama ang babaeng iyon.
Dati halos mabaliw ako kapag subo-subo niya sa mainit niyang bunganga ang ari
ko, kapag inuunti-unti niya ang pagtaas at pagbaba kapag alam na niyang
lalabasan na ako. Halos mabaliw ako sa kakahanap noon, pero dati iyon. Hindi ko
alam kung bakit, pero parang narealize kong puro kababawan pala ang nagawa sa
halos tatlong taon ko sa college. At sa lahat ng iyon, walang nagtagal na
kaligayahan, wala akong naramdaman kundi kakulangan.
Natauhan na lamang ako ng
mamalayan kong wala na si Grace. Aalis na sana
ako ng makita kong nagtatago sa isang eskinita ang pamilyar na tao…
…’yung guard na nakakita sa
amin kanina habang nilalandi ako ni Grace…
Saka siya ngumiti na parang
gusto niyang ipamukha sa akin na nakajackpot ako sa lotto dahil sa ganda at
laki ng dibdib ni Grace.
Kung suntukin ko kaya ‘tong taong ito.
Ningitian ko na lang siya ng pilit habang dahan-dahan akong naglalakad
papalayo sa gym. Nanghihina ako, nanghihina. Hindi ko alam kung gagawin ko. Pero
buo na rin naman sa akin na hindi ako pupunta sa motel mamaya, na hindi ako
sisipot sa usapan naming ni Grace. Kahit naman sabihin niyang ipagkakalat niya
na may karelasyon akong lalaki, alam ko namang hindi niya iyon gagawin dahil ilang
beses n arin niyang tinatakot kapag hindi ako sumusunod sa kagustuhan niyang
magsex kami. Pero iba kasi ’to, usapin ’to ng pagkalalaki ko. Buti sana kung
ipagkakalat lang niyang may karelasyon akong ibang babae, kaso hindi,
ipagkakalat niyang may karelasyon ako, at malamang kakantutan na ring kapwa ko
lalaki. Ang hirap, ang hirap. Bahala na, basta hindi ko sisiputin si Grace, at
least naputol ko na kahit mukhang late na, kesa naman pagbigyan ko na naman
siya tapos umasa pa rin siya at patuloy na maghabol sa akin. Tsaka hindi ako
pwedeng makipag-sex kay Grace, paano si Chong? Lalayuan ako ni Chong kapag
ginawa ko ‘yun. Imposibleng hindi niya malaman, imposibleng hindi niya
mahalata, konting iwas ko lang ng tingin sa kanya, malalaman na niyang
nagsisinungaling ako. Kung hindi naman ‘yun ang gawin niya, malamang direkta
niyang tanungin si Grace. Kaya hindi pwede, mawawala sa akin si Chong, kapag
ginawa ko ‘yun, mawawala siya sa akin…
…eh ano naman kung mawala siya sa akin? Dati na rin naman siyang wala sa
akin eh. Maski nga ngayon parang wala pa rin siya sa akin, matapos lahat ng mga
kondisyon na ibinigay niya sa akin. Kung isuko ko na kaya si Chong? Wala naman
yata akong mahihita sa kanya eh. Kung nagpapakipot lang siya, edi sana sa
Pangasinan pa lang bumigay na siya. Pero hindi, hanggang ngayon tinitikis niya ako.
Siguro wala naman talaga siyang intensiyon sa seryosohin ako. Kaya bakit ko
siya seseryosohin? Pinaglalaruan lang niya yata ako? Isuko ko na kaya siya?
Puntahan ko na lang kaya si Grace mamaya at hayaan ko na lang malaman ni Chong
ang lahat…
…pero hindi ba napakadami na ng efforts ko para isuko na lang si Chong. Malay
mo, kapag nalaman niyang inayawan ko si Grace sa gusto niya, saka siya maawa sa
akin, saka magbago ang pagtrato niya sa akin. Tsaka parang hindi ko kaya…parang hindi ko
kayang…kayang mawala sa akin si…
…Teka, si Chong! Nakita niya lahat ng kalandian sa akin ni Grace! Baka
nagtatampo na sa akin ’yun! Baka galit na siya sa akin at saka niya ako
hiwalayan…
Dali-dali akong bumalik sa court kung saan siya kumakain kanina. Halos
takbuhin ko na ’yung daan dahil alam kong hindi papalagpasin ni Chong ’yung mga
nakita niya ng ganoon na lang. Shet! Baka hiwalayan na niya ako! Paano kung
makita ko siyang nakakrus ang mga braso sa kanyang katawan at nakatingin sa
akin ng masama? Paano kung makita ko siyang nakasalumbaba habang ipinapalo
isa-isa ’yung mga daliri niya sa mabilis na paraan at nakatingin ng paibaba sa
akin? Paano kung nakangiti siya ng magiliw, nakangiti ng magiliw pero umaabot
sa langit ’yung kilay, at kapag ngumingiti siya halos ipakita niya ’yung mga
ngipin niya na parang kakainin niya ako ng buo? Isa lang ang makita ko sa mga
’yun, malamang hiwalay na talaga kami! Taydana! Hindi pwede! Kahit kaninong tao
pwede, pero hindi kay Chong! Hindi kay Chong! HINDI PWEDENG MAKIPAGHIWALAY SA
AKIN SI CHONG!!!
Pero kung titingnan mo, baka maging advantage ko pa ito eh. Malay mo
magselos si Chong kay Grace! Wahahaha! Hanep ’yun! Eh di hindi na ako natiis ni
Chong. Halos ibigay ko lahat sa kanya tapos siya hanggang ngayon ginaganun
parin ako. Mukhang may mabuti naman palang idudulot si Grace, may
pakinabang ‘din pala. Parang ang sarap tingnan ni Chong na nagseselos, na
nagtatanong kung anong ginawa naming ni Grace, kung pumayag ba ako sa gusto
niya, at kung ano-ano pa. Sasabihin ko kaya ‘yung totoo, sasabihin ko ba sa
kanyang nilandi ako ni Grace? Syempre, parang kailangan, doon masusubok ‘yung
tiwala niya sa akin eh. Eh papano ‘yung kasunduan? Maiisasantabi na nga ‘yun, ayaw nga niya akong
mawala eh! Wohoohoo! Exciting!!!
Hinihingal akong tumigil sa upuan kung nasaan si Chong kanina. Halos
mapayuko ako dahil sa hingal. At ng unti-unti kong inangat ang aking ulo para
makita kung nandoon pa si Chong, nakita ko nga siyang nandoon…
…pero hindi sa paraang gusto ko. nakita ko siyang kalamante, panatag, may
buong pag-iingat. Nakita ko siyang seryosong nagsasagot ng mga problems na
parang walang paki-alam sa mundo niya, na parang walang nangyari kanina, na
parang walang Grace na halos ipinahiya siya kanina kung hindi lang niya
sinopla. Wala akong nakitang
nakataas na kilay, nakakatakot na tingin at nakakakilabot na ngiti…
Mukhang hindi nagselos ang taong ito. Akala ko pa naman nagselos na siya…
Paano ko kaya mapagseselos ’tong taong ito?
”Ang sama mo talaga…” ang sabi ko sa kanya habang nakangiti na tila
natutuwa sa ginawa niya. Pero alam kong hindi talaga ’yun ang gusto kong
sabihin, alam kong peke ’yung ngiti ko, okay lang naman kahit anong gawin niya
kay Grace eh. Pero ang gusto ko talagang itanong eh kung hindi ba siya nagselos
kay Grace? Kung hindi ba siya magtatanog kung anong ginawa namin? Kung hindi ba
niya ako pagbabawalang makipagkita kay Grace?
Pero hindi ko na tinuloy. Ni wala ngang katiting na selos sa mukha niya eh, ang kalma-kalmante niya. Sigurado
akong napapahiya lang ako…
“Peke ‘yung ngiti mo…”
“Ha?” ang sabi kong nabigla. Paano niya nalaman? Ni hindi nga niya ako
nilingon eh, ni hindi niya ako tiningnan, tapos nalaman niya kaagad na peke
‘yung ngiti ko?
“Hindi ko nga lang alam kung peke ‘yan dahil gusto mo na akong sapakin
ngayon dahil sa ginawa ko kay Grace o dahil natutuwa ka sa ginawa ko...”
Tae, ano bang iniisip ng taong ito? Bakit iisipin niyang gusto ko siyang
sapakin? Kung gusto ko siyang
sapakin, kanina ko pa ‘yun ginawa. Bakit naman niya iisipin ’yun, eh alam naman
niyang hindi ko magagawa ’yun?
Teka, bakit parang nagseselos siya?
”Hindi! Natutuwa pa nga ako sa ginawa mo eh! Alam bo bang wala pang kumasa
sa babaeng ‘yun. Maski yung mga ipinalit kong babae sa kanya...” saka ako
natigilan. Tarantado! Hindi ko talaga iniisip na babanggitin ko sa harap ng
bago kong karelasyon na ang dami kong BABAE dati, at sa harap pa ng karelasyong
kong LALAKI din!
Ang tanga ko!
Biglang napangisi si Chong habang nakaharap sa libro. “Oh, bakit ka
natigil. Bakit hindi mo ituloy kung anong sinasabi mo?” ang sabi niya habang
nakataas ang kilay.
Mukhang nagalit ko siya. Pero dapat natutuwa ako diba, kasi ako ang dahilan
kung bakit nagkaganoon si Chong. At last, parang nakita ko ring
concerned siya sa akin.
Pero nanahimik na lang ako.
”It is far better to be feared
than loved if you cannot be both…” ang sabi niya habang nakaharap pa rin as
libro.
Ano ‘yun? Dati sa scientific
terminologies niya ako nilulunod, nagyon sa kung ano-anong proverbs naman. It
is far better to be feared than loved if you cannot be both, anong ibig niyang
sabihin doon?
“Ano ulit iyon?” ang sabi ko sa kanya habang nakataas ang kilay.”
”Katulad ng narinig mo...” saka niya ibinaba ang kanyang ballpen at dahan-dahang
idiretso ang tingin pero hindi nakatuon sa akin. ”Baka ang ibig mong sabihin eh
’ipaliwanag ko aking sinabi,’ hindi
ulitin ito. Walang ibang paraan upang mabuhay sa mundong ito kundi mahalin at
katakutan. Sa mga katulad kong hindi kaaya-aya sa mga mata, wala ng iba pang
paraan para respetuhin ako kundi pangilagan. Nakakalungkot man para sa iyo, ngunit
sa aking mga mata ay nakagagalak ang mga iyon. Ang pakiramdam na unang umiwas
ng tingin sa iyo ang isang tao kapag tiningnan mo siya ng hindi niya inaasahan,
ang pakiramdam na iwasan ka ng mga tao dahil nakakatakot ka, dahil
ipinaparamdam mo sa kanilang mas nakatataas ako sa kanila, iyon ang mga
damdaming handang bayaran nino man upang makamit, mga damdaming handang buwisan
ng buhay ng mga taong inaakala nilang nakalalamang sila sa lahat...” saka siya
tumingin sa aking mga mata. ”...hindi katulad mo na tila ituring ngang diyos
dahil sa iyong kariktan, ngunit tila isang laruan na kahit anong naising gawin
sa iyo, kahit na iyon pa ang maging dahilan ng pagkautas mo, ay wala kang
magagawa sapagkat minamahal ka lamang...” Itinaas niya ang kanyang kaliwang
kilay na tila nangiinsulto habang kinukuha ang kanyang ballpen at nagsagot uli
ng mga problema sa libro.
Pa-deep! Nakakanosebleed!
Teka, hindi kaya ang gusto niyang sabihin, eh, ’yung pinaggagawa sa akin ni
Grace? Andoon ba siya nung landiin ako ni Grace? Alam kaya niya lahat ng ginawa
ng babaeng iyon?
Shet!
”Ang ibig mo bang sabihin eh si Grace? Na
kahit ano kayang gawin sa akin ni Grace?” ang tanong ko sa kanyang nanlalaki
ang mga maliit kong mata. ”Hindi ’no, ’yun nga ang parang baliw na humahabol sa
kin eh. Kahit ano, gagawin
noon para sa akin. Isang pitik ko lang, didilaan na noon ang paa ko, makikita
mo. Maski nga kanina...kanina...nilandi-landi niya ako. Halos isuper-glue niya
’yung katawan niya sa katawan ko, pero dahil...dahil iniisip kita, halos
ibalibag ko siya dahil ayaw ko ’yung ginagawa niya...” ang sabi ko sa kanyang
nagyayabang, na ipinapamukha ko sa kanyang iniwasan ko si Grace dahil sa kanya.
Iniwasan ko naman talaga si Grace eh, bago nga lang niya ako halayin...
”Oh, ang sweet naman,” ang sabi niya habang nakangiti na parang kinikilig
at patuloy na nagsusulat.
Wahahaha! Sabi ko na nga ba eh, maging tapat lang ako sa kanya, makikita
rin niyang ginawa ko lahat para sa kanya! Malamang ngayon, kinikilig na ito at
baka alisin na niya lahat ng kondisyon niya. Yesss!!! Akin na talaga si
Chong!!! Akin na siya!!!
Saka unti-unting nawawala ang ngiti sa labi niya. ”Yung zipper mo bukas...”
Patay!
Dali-dali kong kinapa at tiningnan kung bukas nga talaga ang zipper ko, at,
anak ng tipaklong, BUKAS NGA TALAGA!
Tanginang Grace ’yun! Tangina!
Ano nga bang bagay ang lulusot
kay Chong? Anong bagay ba?
“Ah...ah...nag-CR kasi ako bago
kita pinuntahan uli, alam mo na, kailangan gwapo ako ulit bago kita puntahan. Ahahahaha,
sa sobrang pag-iisip ko sa’yo nakalimutan ko ng isara ang zipper ko,
Ahahahaha!!!” Oo, nagsinungaling ako.
Pero talaga namang iniisip ko siya eh. Kaya nga ako parang tanga tumakbo
pabalik dahil inisip ko siya.
“Ah, gusto mo lagi kang gwapo
sa paningin ko kaya pumunta ka sa banyo...” ang sabi niyang nakangiti ng
magiliw pero nakatingin pa rin sa
libro.Wahhh, tama, tama talaga ‘yan Chong! Mukhang eto na ‘yun! Sikap lang
naman kasi ‘yan eh, tingnan mo napalambot ko na ang puso ni Chong. ”...tapos
para kang kabayo na parang nangangarerang bumalik dito, para ano, magpapawis?
Tingin mo talaga mas gwapo ka kapag nagpapawis ka?” ang tanong niya sa
sarkastikong paraan.
Tae naman oo!
“Ah...ah, oo! Oo naman! Hindi ba mas gwapo ako kapag medyo basa, katulad
noong mga modelo ng briefs tsaka boxer? Inayos ko pa nga uli ’yung buhok ko
para sa iyo. Tingnan mo...” Inayos ko muli ang buhok ko, saka ko siya tiningnan
ng mababa ang talukap ng aking mga matang parang nang-aakit, at saka ngumiti
habang nakataas papuntang gitna ang dalawa kong kilay na astang hearthrob.
Pero hindi siya tumingin sa akin. ”Oh, I see. Pero hindi ka lang nakabriefs
o boxers ngayon eh, naka-uniform ka...”
Tae, ano bang ipanlulusot ko sa taong ito ng wala siyang maikokontra! Nakakainis
naman eh. Oh meron nga bang ganoon?
”...and in the first place
hindi basa ang buhok at ang mga kamay mo. Oo, maaaring matuyo kaagad ‘yun lalo
na sa mga ganitong panahon, pero hindi ganoon kadaling matutuyo ‘yung tilamsik
ng tubig sa polo mo. And another thing, magulo ‘yung pagkakabutones ng polo mo,
at hindi ‘yan ganyang kanina...” ang sabi niya habang nakatingin pa rin sa
libro at sumasagot ng problems.
Nanahimik na lang ako. Teka, nagseselos kaya siya? Tingnan mo...tama na,
hihirit ka naman, tapos mapapahiya ka lang.
”...Ibig sabihin, nagulo ’yang damit mo sa pagitan ng mga oras kung saan
hinatak ka ni Grace papunta sa gym at ng bumalik ka dito. I bet she chose ’yung
lugar sa likod na halos walang dumadaan kundi ’yung rumorondang gwardiya. At
dahil imposibleng hindi kayo nakita ng kahit isang guard at wala ka rin naman
ngayon sa guidance office, malamang kinunsinte lang kayo ng guard. Bakit nga
naman hindi, eh nakapanood din siya ng libreng porn...”
Ano kayang gagawin niya? Hihiwalayan na ba niya ako? Ito na ba ’yung
katapusan ng lahat? Dito na ba matatapos ’yung lahat ng paghihirap kong mapasuko
ko si Chong? Dito na ba matatapos ’yung kagustuhan kong mapatunayan ko sa
sarili kong walang makatiis sa akin kahit na si Chong?
Pero ’yun nga ba ang gusto ko, mapasuko siya? Parang kung ganoon lang, di
sana hindi akong nagpapatanga ng ganito. Gusto ko na nga bang ibigay niya sa
akin ang lahat ng atensiyon niya? Gusto ko na nga ba talaga si Chong? Gusto ko
na nga ba siyang maangkin?
Natameme at napayuko na lang ako.
”...Mukhang nanalo ka ngayon...”
Biglang akong napatingin sa kanya. Nagsasagot pa rin siya ng mga problems
sa Statics.
”Ano yun?”
”...may butas ’yung kasunduan,
saka ko lang naisip ngayon. Mukhang
naisahan mo ako ngayon...”
Teka, paano ko siya naisahan?
”...kung natatandaan mong mabuti, sa tingin ko eh hindi, ang eksaktong
salitang ginamit ko doon sa kondisyon ko, eh, ”romantic relationship.” Thinking
about it, masasabi kong iba ’yan sa pagkakaroon ng sex. Hindi lahat ng sexual
relationship, eh, romantic, katulad ng hindi lahat ng romantic relationships,
eh, sexual...” ang sabi niya habang patuloy na nagsusulat. “But of course, kung
aaminin mong something romantic ‘yung namamagitan sa inyo ni Grace, to the
point na mahal mo na siya, then ibang usapan na ‘yun. If that’s the case, I
belive that will be the end of our relationship...”
“Chong, hindi. Mali ka, walang namamagitan sa amin ni Grace. Kung meron
man, dati pa ’yun. ’Yung sinasabi kong sex na dalawang beses, sa kanya ’yun.
Pwera doon, wala ng iba. Sex lang ang meron sa amin. Siya pa ’yung nagpupumilit
na maging kami, pero ayaw ko. Baka sabihin mo sinasabi ko lang ’to dahil nahuli kita, pero hindi. Bago pa
man maging tayo, ayaw ko na talaga sa kanya.” ang sabi kong nakayuko at nagmamaka-awa,
na parang batang napaka-amo dahil may nagawang kasalanan sa magulang niya.
”...so papaano mo siya maiiwasan, kung pupunta ka sa usapan niyo mamaya?”
Oo nga pala, may usapan pala kami mamaya. Tsaka, papano ba nalalaman ni
Chong ’yung mga bagay na ’yan.
”...Oo, nag-aaya nga siya sa Sogo, oo, umoo na rin ako. Pero hanggang doon
na lang iyon, wala akong balak na siputin siya. Ginawa ko lang naman ’yun
tumigil muna siya, para mawala muna ’yung galit niya dahil...”
”...dahil kapag hindi pumayag sa gusto niya, ipagkakalat niyang may
karelasyon kang bakla? Ipagkakalat niyang baklas ka?”
Bigla akong napatingin sa kanya. Kung dati ay nakatingin lang siya sa
notebook niya habang nagsasagot ng mga problems, ngayon ay nakatingin na siya
sa akin, at nagkasalubong ang aming mga tingin.
”Weel, I bet tinanong ka ng babaeng iyon kung anong namamagitan sa ating
dalawa, kung ano ako sa iyo. And I’m 100 percent sure na Ka...” saka niya
ibinaba ang kanyang tingin at ipinagpatuloy ang kanyang pagsusulat.
”...Ka-i-bi-gan ang isinagot mo sa kanya. So papaano ka hindi makakasipot sa
usapan niyo, gayong pagharap nga lang sa katotohanan eh hindi mo magawa.
Unless, sa tingin mo nananaginip ka lang...”
”Hindi, puro lang naman ’yung babaeng ’yon. Dati
na rin naman niyang sinasabing ipagkakalat daw niya lalo na sa parents ko na
girlfriend ko siya kapag inaayawan ko siya, pero hanggang salita lang naman
siya, kaya alam ko hindi niya iyon itutuloy kahit na hindi ko siya siputin...”
”Don’t ever underestimate what any people can
do...Kung nagawa ka nga niyang gumawa ng kalaswaan kahit na may nanonood ng
guwardiya, sa tingin mo hindi niya magagawang ipagkalat na bakla ka?”
Tama siya. Maski naman ako hindi sigurado kung
hanggang salita lang naman siya. Buti sana kung babae ang bago ko, kaso hindi.
Ibinaba ko na lang ang aking tingin.
”Pero alam mo, we can solve
your problem both in short-term and long term ways...” saka niya inangat ang
tingin niya sa akin. “’Yung ginawa mong pag-oo sa kanya is a short term
solution, pero pwera doon pwede mo rin siyang ipakulong, kailangan nga lang ng
pekeng krimen at pekeng ebidensiya. Well, I think that would be easy for you
since mayaman ka naman, kaso masisira mo ang buhay niya. At sa tingin ko naman
eh may kakaunti ka pang concern kay Grace para gawin ‘yun. Pwede mo rin siya
ipa-expel sa campus, sabihin mong she is harassing you. Kaso hindi naman ganoong katanga ang
administration para i-expel siya kaagad. Of course, there would be
questioning and counseling, at imposibleng hindi niya masabi ang tungkol sa
atin. In the end, baka siya, ako, at ikaw ang ma-expel. And worse, itakwil ka
pa ng mga magulang mo dahil bakla ka. Pero pwede mo rin naman hanapan ng ibang
makakakantutan, hanapan mo siya ng lalaking magiging boyfriend niya. Though
pwede rin itong long-term solution, wala ring kasiguraduhan kung magiging
effective siya. Sa tingin mo matapos ng lahat ng ginawa niyo sa kama , makakalimutan na lang niya basta-basta ang lahat ng
iyon. Kung makakalimutan na lang niya lahat ng iyon sa isang iglap, malamang
hindi siya babae. Pero dahil mayaman ka naman, pwede ka ring maghire ng private
security na pwede kang bantayan para ilayo siya sa iyo. Magmumukha ka nga lang
tanga, dahil parang napaka-importante mong tao para umasta ng ganoon...”
Wala akong magawa kundi itaas at kaagad na ibaba ang tingin ko sa kanya.
“...Well, ang daming short-term
solutions, pero ang dami ding complications. At malamang wala sa mga iyon ang
magtagumpay. Lahat ng problema natin kailangan ng panandaliang lunas, pero
hindi sasapat kaagad iyon, kailangang lapatan ito kaagad ng pangmatagalang
lunas bago mawala ang epekto ng unang lunas na inilagay mo...” saka siya
tumingin sa akin. “At alam mo maswerte ka, dahil may isang solusyon na talagang
epektibo, na walang masasaktan, walang komplikasyon, at talagang epektibo. At alam mo kung ano iyon?” saka niya
itinuwid ang kanyang likod sa pagkaka-upo.
Buong pagtataka ko naman siyang tiningnan, dahil sa paghihintay sa sinasabi
niyang solusyon. Halatang-halata sa mukha ko ang pagtatanong.
”...hiwalayan mo ako...” ang sabi niya habang nakangiti.
Tarantado!
”Hindi ko gagawin ’yun gagawin
Chong!!” ang halos pasigaw kong sagot sa kanya. ”Kahit na ’yung lang ang
solusyon, kung problema nga ba talaga ’tong kailangan solusyunan, hindi ko pa
rin gagawin ’yan. Kahit na uliutin ni Grace ‘yung pinaggagagawa niya, iiwasan
at iiwasan ko siya. Kahit ilang beses niya akong takutin, iiwasan ko pa rin
siya...” ang sabi kong seryoso, na parang nagagalit kung bakita lumalabas sa
bibig niya ang ganoong mga salita.
“Talaga...” ang sagot niyang
nakangiti habang nakataas ang dalawang kilay at nakatilit ang kanyang ulo sa
kanan. “Pero ang tanong, HANGGANG
KAILAN?” ang pagdidiin niya sa dalawang salita.
Nawala ang pagiging seryoso ng mukha ko. Napalitan ito ng kawalang pag-asa,
kawalang pag-asa at panghihina dahil ganoong mga bagay ang iniisip niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang nararamdaman kong nagseselos siya. At hindi ko alam kung bakit, pero
hindi ako natutuwa. Dapat nagsasaya ako dahil napapaamo ko na si Chong, dahil
napapasuko ko na siya.
Pero hindi ’yun ang nararamdaman ko. Nalulungkot
ako, nalulungkot.
”Kung gusto mo, Chong, idagdag mo na rin sa
kasunduan na hindi ako pwedeng makipagsex kahit kanino. Okay lang naman sa
akin.” ang sabi ko sa kanyang tila humihingi ng patawad.
”Hindi...Hindi ko gagawin ’yun. Diba sabi ko
sa iyo wala tayong kontrata dahil sisiguraduhin kong magiging fair sa ating
pareho ang kung ano mang bagay na napagusapan natin. Kapag binago ko ang
kasunduan dahil gusto ko lang, pinapatunayan ko sa iyong sinungaling ako,
pinapatunayan ko sa iyong wala akong kaibahan sa inyo...” ang sabi niyang
kalmante, na parang nangangaral.
”Chong, sorry...” ang bigla na lang lumabas sa
bibig ko.
Nakita kong bigla siyang nahinto sa
pagsusulat. Biglang nahinto sa pag-iwan ng marka sa papel ang kanyang ballpen
na kanina ay parang walang paki-alam na sumusulat.
”...Wala kang dapat ihingi ng paumanhin. May kasalanan din naman ako. At
kung may kasalanan ka talaga, don’t worry, I forgive...” saka siya tumingin sa
akin ng nakangiti ng hindi nakikita ang mga ngipin.
Napangiti na rin ako sa kanya, pero ngiting ngiting totoo, na kita ang
mapuputing kong ngipin.
”...but I don’t forget, and the
best part is...I get even...”
Biglang nawala ang ngiti sa
labi niya.
“CHONG!!!” ang sigaw ng isang
babae mula sa canteen.
Si Jenilyn.
Dahang-dahang inilingon ni
Chong ang kanyang ulo. “Tae ka,
bakit kailangan mong isigaw ang pangalan ko sa harap ng maraming tao...”
”Hay naku, ikaw nga, tinatawag mo akong Jebs mula pang high school, wala
akong pake. Tapos ikaw, kung makareact ka parang nakakahiya ’yun...” saka siya
lumingon at nakita ako. ”Oh andiyan ka, bakit nakatayo ka lang, hindi ka
umupo?”ang sabi niya sa aking nagulat. ”Tsaka bakit hindi mo kasama sila Fred?”
”Ah...kase...” Hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa kanya, dahilan na
talagang walang butas. Baka kasi mamaya katulad rin siya ni Chong na kahit ano,
eh, makikita.
”Nag-eskandalo kasi ’yung girlfriend niya, eh, inawat ko, napagdiskitahan
ako. Humihingi lang ng
tawad...” saka siya tumingin sa akin mula ibaba diretso sa mata ko.
Iniwasan ko na lang ang tingin niya.
”Oh, pinapa-upo mo siya, tapos ikaw itong katayo lang diyan...” ang sabi
niya kay Jenilyn.
”Sabi ko nga...” saka umupo si Jenilyn sa tabi niya habang inilalapag ang
dala niyang platong may lamang chicken barbeque. ”Oh, upo ka na rin, kain tayo
no...” ang pagaaya niya sa akin.
”Ah...okay lang ba...?” ang tanong ko sa kanya. Pero hindi ako sa kanya
nakatingin, kay Chong ako nakatingin dahil alam ko naman sa kanya talaga may
issue dahil sa kasunduan namin.
Nakita ko na rin si Jenilyn na mula sa pagkakatingin sa akin, eh tumingin
na rin kay Chong.
”Uy, Chong, okay lang naman diba...” ang tanong niya dito. Siguro alam na
rin ni Jenilyn na may posibilidad na umayaw si Chong sa alok niya sa akin. Eh,
napakamapag-isa naman kasi talaga ni Chong. Minsan kahit na may mga kasama si
Jenilyn at aayain niya si Chong para sumama sa kanila, aayaw na ito kahit na si
Jenilyn ang nag-alok. Kahit na nasa pulutong na siya ng maraming tao, hihiwalay
at hihiwalay pa rin siya at maglalakad na parang laging nag-iisip.
”Oo, okay lang naman. Wala naman siyang kasalanan para umayaw ako...” ang
sabi niyang magiliw kay Jenilyn.
Oo nga pala, hindi siya pwedeng ummayaw kay Jenilyn, dahil kapag umayaw
siya at nahalata ni Jenilyn na sobra siyang maka-iwas sa akin, mahahalata na
may nangyayari sa aming dalawa!
Edi, makakasama ko na si Chong! YAHOO!!!!
Dali-dali akong pumunta sa upuan ni Chong para tabihan siya. Talagang
excited ako na halos ibalibag ko ang bag at wala akong pakialam kahit na
mahulog ito.
Pero biglang hinangin ang papel na nasa harap ni Chong. Fuck.
Bigla siyang tumayo at saka kinuha ang scratch paper niyang hinangin
papunta sa court at ng pagbalik niya, saka siya umupo sa katapat kong upuan.
”Dito na ako, para medyo maluwag...” saka siya ngumiti ng buo.
Sinimangutan ko na lang siya at ng tingnan ko si Jenilyn, nakita ko siyang
inililipat-lipat ang tingin sa aming dalawa na parang nagtataka.
”Oh, Jenilyn, bakit parang ang lungkot mo naman.” ang tanong ni Chong na
nakangiti.
”Oo nga Jen...”
”Dahil kay Vince ano?” ang sabi
niya kahit na hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko.
“Oo, eh. Malay ko dun, dati
wala namang problema kahit na magkahiwalay kami, ngayon nag-aalburoto siya. Edi
hindi ko siya sinagot, ginaganun niya ako eh. Bayaan mo...”
“OO, pabayaan mo si...”
“...papabayaan mo siya, pero ang lungkot mo. Sagutin mo na kasi, malay mo
humingi na ng tawad.” ang putol niya sa sinasabi ko. ”Maaayos din ’yan, noong
mga unang araw nga ng pasok, nagawa niyo, ngayon pa kaya?”
Mukhang i-eetsapuwera lang ako ng Chong na ito ah...
”Intindihin mo na lang.” saka siya tumingin kay Jenilyn. ”Wala nang
bagay na mas nakababaliw pa sa mundong ito kundi ang mga bagay na kahit nasa
kamay mo na, eh, hindi mo maangkin ng lubos. Kapag hinigpitan mo ang
pagkakahawak, maaaring mabasag. Ngunit kapag niluwagan mo naman, maaaring
mahulog...”
Ngumiti lang si Jenilyn ng pigil at saka
yumuko. Wala naman akong nagawa kundi tingnan na lang si Chong ng nagtataka.
Ngunit nabigla ako ng tumingin siya sa akin at
titigan ako.
”...parang napakahahalinang rosas na kapag
pinitas mo sa kanyang tangkay, ay hindi maaaring hindi ka matinik. Ngunit kapag
hinila mo naman sa puno ng kanyang mga talulot ay maaari mo itong masira at
mawala ang ganda nitong humalina sa iyo . Wala kang ibang magagawa kundi tingnan
ito mula sa malayo habang patuloy itong lumalago ng napakaganda ngunit hindi mo
ito tuluyang maangkin, o maaari mo rin namang hugutin ng tuluyan mula sa mga
ugat nito ang halaman at angkinin ito ng buo, ngunit ang paggawa nito ang
magiging sanhi ng kamatayan nito sampu ng iba pang bulaklak na kasama nito...”
”...Hay naku, Chong. Inaatake ka naman ng
pagiging schizophrenia mo...” ang
pagputol ni Jenilyn sa sinasabi ni Chong.
Bigla na lang napahalakhal si Chong na parang
baliw.
”Teka, Jenilyn,may schizophrenia si Chong?”
ang tanong ko ng seryoso sa kanya.
Bigla silang nahinto pareho.
Saka ako hinarap ni Chong habang tumatawa,
mali humahalakhak pala. ”Wahahahaha!!! Oo, schizophrenic ako...” saka unti-unti
nawala ang halakhak ni Chong habang unti-unti ring iniyuyuko patagilid ang
kanyang ulo na parang baliw.
Hindi na lang si Chong ang tumatawa ngayon,
maski si Jenilyn tumatawa na. At hindi na lang basta halakhak ngayon,
humahagalpak na sila sa tawa habang pinapalo ’yung mesa.
At nanatili akong tahimik na parang tangang
nagtatanong kung anong nagaganap.
”FONSE!!!” Bigla akong napalingon sa kung saan man nagmula ang boses na
iyon. At nakita ko sila Lem at Brix...
Habang si Fred naman ay nakatingin sa akin, na may nakakapasong titig...
”Oh, dito na lang kayo, kumain,” ang pag-aaya sa kanila ni Jenilyn.
Fuck! Bakit ngayon pa!
”Oh, Bro! Musta, pre! Nag-DOTA kami kanina hindi ka sumama...” saka inabot
sa akin ni Lemuel ang kanyang kamay na parang makikipagkamay na katulad na
ginagawa ng mga magkakabarkadang lalaki.
”Eh, kasi....kasi...sumugod si Grace kanina dito. Pinahupa ko muna ’yung
galit...” ang sabi ko sa kanyang nag-aalangan dahil hindi naman ’yun ang
talagang dahilan.
”Ah, oh paano mo pina-amo? Sinabi mong magkikita kayo sa SOGO? Aksyunan na
naman ’yan Fonse...” saka humalakhak si Brix at si Lemuel.
”Haha..” Alam kong inaasahan din ni Brix at ni Lenuel na makikhalhak ako sa
kanila, pero wala akong naisagot kundi ang pigil kong ’haha’. Eh sino ba naman
ang makakatawa sa ganitong sitwasyon? Nasa tabi mo ang karelasyon mong lalaki,
at ang malala pa, katabi mo rin ang mga
kaibigan at kambal mong lalaki na hindi nila alam na may karelasyon kang
lalaki...
...Oh, HINDE!!!...
”Oh saglit lang ah, bibili lang ako
ng inumin,” ang pagtputol ni Jenilyn sa usapan nila. ”...Chong pakibantay n
alang ang gamit ko ah...’
Saka ko tingnan si Chong. Bigla lang itong nagbaba ng tingin at
ipinagpatuloy ang pagsagot sa mga problems sa matapos ngitian si Chong. Bigla
akong lumingon at pakaliwa at biglang sumalubong sa akin ang tingin na halos
patayin ako...
...Nakatingin sa akin si Fred...
”Bro, parang sobrang close niyo na ni Chong ah? Ano bang meron?” ang tanong
sa akin ni Brix.
”Oo, nga pre. Madalang ka na lang ring sumama sa aming maglaro? Anong
meron, lagi mong kasama si Chong?” ang sunod na tanong ni Lem.
”Baka naman may nakitang bagong babae...” Bigla kong nilingon kung sinong
nagsalita. Si Fred, habang nakatingin pa rin sa akin ng matulis...
Wala akong nagawa kundi iwasan ang tingin niya.
”Oh, pakilala mo naman kami!!!” ang reaksiyon ni Brix na tila nakakita ng
hubad na babae.
”Ah...kase...wala naman...Parang hindi ka naman nasanay kay Fred, mapagbiro
talaga ’yan. ’Di ba, bro...”
Pero walang nangbago sa reaksiyon ng mukha ni Fred! Mukhang patay talaga
tayo nito!
”Sige ka, si Chong ang tatanungin namin...” saka tumingin si Lem kay
Chong na kasalukuyan pa ring nagsusulat.
”Chong, sino ’yung bagong babae ng mokong na ’to? Kilala ba namin? Si Jenilyn
ba?”
Pero nanatiling pa ring nagsusulat si Chong na tila walang narinig na tao.
Inayos na lang ni Lemuel ang tindig niya na parang napahiya.
Hindi naman talaga magsasalita si Chong. Syempre kapag kumalat na bakla
ako, kahit na hindi...tae, bahala na nga, eh syempre kakalat din sa maski siya
ay bakla dahil magkarelasyon kami. Takot lang niya, kung titingnan mo, kaya
siya tahimik na ganyan, kasi ayaw niyang mahalata kung ano talaga siya. Kaya
wala siyang gagawin na ikakapahamak naming dalawa. Subukan lang niya,
katakot-takot na pangungutya mararanasan niya.
Pero biglang huminto sa pagsusulat si Chong at saka itinaas ang kanyang
tingin kay Lem. ”Hindi mo pa ba alam...” ang sabi niyang nakangiti kay Lemuel.
Wala ’yan. Syempre kailangan lang niyang magdahilan para maloko sila
Lemuel. Eh ang galing kaya niyang mag=isip ng dahilan. Halos isang iglap nga
lang naisip niyang idahilan kay jenilyn na nagwala si Grace kaya andoon ako.
Ang galing diba, kaya wala akong dapat ipag-alala. Ililgtas pa nga ako ng taong
ito eh.
”...Kami na ni Fonse...” ang sabi niya habang nakangiti pa rin.
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni Brix. Napalitan ito ng pagkagulat na
hindi mawari.
”...don’t worry, I
forgive
Biglang napalingon sa akin si Fred. At ngayon, lalong tumulis ang tingin
niyang kanina pa nag-aapoy. Parang gusto na niya ankong patayin sa mga tingin
niya.
”...but I don’t forget…and the best part is...”
Dahan-dahangitinuon sa akin ni
Chon gang kan yang
tingin, talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero bigla niyang
inituon sa akin ang kan yang ulo kasabay ng kan yang tingin.
Nakakatakot. Para ng mas dapat pa akong matakot
kay Chong kesa kay Grace…
“...I get
even...”
PA….TAY!!!!
Patay kang Fonse ka!hahaha!hindi talaga makapalag pa si Chong na bumanat..ibang klase talaga pag iisip nitong si Chong..whew!
ReplyDeleteSana mas mabilis pa update :))
Wah..monster ka chong! Grabe ang pagkahitler nito! Pero...pwede ring maging solusyon ang ginawa niya..kaso..magkakabagyo muna..storm before the calm..haha..at ang tinggin ni Fred..me gusto xa kay Chong? Wawa naman si Fonse..kelan kaya nia magagrasp ang kasayahan..malapit na ata..good job!
ReplyDelete-caranchou
hahahahaha...galing ni chong.........parang c author......
ReplyDeleteASTIG SI "chong"..
ReplyDeleteBoss Author, pagamit ng mga lines mo ha...
hahahaa.. basag ka Fonse... ano nang mangyayari saiyo nan... be a man dude!!
hahahahahah
-iansky-
Lines like what? XD Pero okay lang, it would my pleasure. Kahit walang quotatio, okay lang...XD
DeleteGaling ni Author.
ReplyDeleteAstiG!