----------------------------------------------
Day 1, Month 0, Year 0:
”… noong
ilang beses mo akong tiningnan, aaminin kong gusto na kita…”
”… sa
tingin mo sa dami ng buwan na iyon, pagkagusto pa rin ‘tong nararamdaman ko?”
”… dahil
may espesyal kang parte sa puso ko…”
Haaaayyyy, ang sarap-sarap ulitin ng mga salitang ’yan, parang mga straight
na uno sa grades ko, parang mga sunod-sunod na kill sa DOTA, parang mga babaeng
nakahubad sa hara…teka…paano kung kaming dalawa ni Chong ang nakahubad. Teka,
parang ang sagwa, parang ang hirap namang tanggapin noon. Balik na nga lang sa
hubad na mga babae, pero parang mas masarap kung kaming dalawa ni Chong ’yung
nakahubad eh. Puta, hindi pwede, ang sagwa! TANGINA! HINDI KO NA
ALAM…ARRRGGGHHH!!!
”…DAHIL MAY ESPESYAL KANG
PARTE SA PUSO KO…”
”Excuse me, iho…excuse me. Iho, excuse me!” ang halos nanggagalaiting pigil
na pagsigaw ng isang medyo maliit at matandaang babae habang sukbit sa kanyang
braso ang kanyang bag. Katabi niya noon si Sir Villacruel na hawak namang leche
flan. Nangingiti-ngiti pa si Sir ng makita niya akong matauhan.
Tae. Nananaginip ako ng gising.
”Ah, bakit po?” ang nasabi ko na lang matapos kong mamalayan ang sariling
kong nakangiting mag-isa at parang tangang nakatingin sa kisame ng canteen.
”Ay,uulitin ko uli ah, nakakahiya naman kasi sa'yo, sabi ko baka pwedeng
makishare ng upuan…” ang sarkastikong tugon niya sa akin.
”Ah, pwede po. Pwedeng-pwede po. Sino ba naman po ako para humindi sa…”
”Good.” Hindi ko tapos ’yung sinasabi ko, umupo na siya kaagad sa katapat
kong upuan. Hanep. Kung alam lang niya kung anong saya ang nararamdaman ko
ngayon, kung anong ngiti ang dala ng mga naaalala ko, malamang siya pa ’tong magsomersault sa
canteen sa sobrang kilig.
Kaso kiligin pa rin kaya siya kapag nalaman niyang kapwa lalaki ang dahilan
ng halos pagkabaliw ko.
”Ah, aalis na rin po kasi ako. May pupuntahan pa po…”
”Aalis kang halos hindi mo pa nabawasan ’yung kinakain mo. Naku iho,
nagsasayang ka ng pagkain...” ang parang nangangaral niyang pagputol sa sinabi
ko. Putik, oo nga pala, halos 45 minutes na nga pala ako sa canteen, at hindi
ko pa halos nagagalaw ’yung inorder kong pagkain. Nakakapitong subo pa lang
yata ako eh, hindi ko naman kasi balak talagang kumain, gusto ko lang tingnan
si Chong mula sa mga bakal na benches mga 15 na hakbang mula sa canteen. Hindi
ko naman kasi alam ma mapapadaydream ako ng wala sa oras.
”…Napakadaming batang nagugutom ngayon, i…”
”Ah, opo, alam ko nga po. Kaya nga dadalhin ko na ’tong pagkain ko…” saka
ko hinawakan sa magkabilang dulo ang plato na halos hindi ko naman nagalaw.
”Sige, enjoy eating po…” pagkatapos ay ngumiti at yumuko ako ng kaunti na
parang nagpapa-alam.
Haaayyy, bwisit. Bakit ba ako nawawala sa sarili ko? Oo nga pala, si Chong,
si Chong talaga ang dahilan. Eto na ba ’yung tinatawag na love? Ni hindi ko pa
naranasan ’to sa kahit kaninong babae,
’yung tipong ako ’yung naghahanap at naghahabol sa babae, kasi sila ’yung halos
pakaladkad na sumusunod sa footprints ko. Haha, ang gwapo ko talaga. Pero,
sandali, tapos bigla na lang akong makakaranas ng ”LOVE” sa kapwa ko lalaki?
Puta, bakit sa kapwa ko lalaki pa? Teka, hindi ’to pwedeng ”LOVE,” hindi pwede.
Eh teka, ano na naman ’tong gagawin ko? Bakit lalapit ako kay Chong? Akala ko
ba hindi ’to ”LOVE”? Tsaka bawal nga hindi ba? Eh gusto ko siyang kasama eh!
Gagawin ko rin naman ’to dahil sa ”LOVE”. Eh hindi nga ’to ”LOVE” diba? Bahala
na nga! Baka hindi naman siya seryoso sa kondisyon niya, malay mo pakipot lang
’yun, pero bibigay din kapag nandoon na ako. Tsaka dapat ako ’yung masusunod
dahil ako gir...gir...Putsa, di ko na masabi! Taydana! Basta gagawin ko lang
’to dahil gusto ko siyang makasama, hindi dahil sa ”LOVE”-”LOVE” na ’yan...
”Ang kabataan nga naman ngayon Mr. Villacruel, hindi mo na maintindihan.”
”Intindihin na lang natin Ma’am. Malay mo may pinagdadaanan, malay mo in
LOVE...”
Nagpanting ang tenga ko. Muli
akong lumingon sa kanila, pero pagkalingon ko, kinindatan lamang ako ni Sir.
Wala akong nagawa kundi liitan pa lalo ang ang maliit kong mga mata habang
tinitingnan siya ng matulis.
HINDI NGA ’TO ’LOVE’ EH!
Unti-unti akong pumunta sa inuupuan ni Chong. May nag-aagawan pa rin sa
loob ko kung talagang tabihan ko si Chong. Seryoso ba talaga siya doon? Hindi
naman siguro niya papakadetalye lahat ng bagay ng iyon kung hindi siya seryoso.
Hmmmmm, bahala na nga. Pero teka, wala lang namang dikitan ng balat tsaka bawal
ko lang naman siyang lapitan, eh hindi naman kami maglalapit kasi sa katapat
niyang upuan ako uupo...Niyahahaha, edi ayos, may butas ’yung sinabi niya,
galing. Tingnan nating kung makakalusot...
”HI CHONG!!!” ang buong sigla kong pagbati sa kanya.
Pero wala siyang reaksiyon. Nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa
problem na sinosolve niya. Wala lang, parang wala na naman ako. Kahit na anong
lakas ng pagkakasabi ko sa mga salitang ’yun, parang ihip lang ng hangin na
dumaan ’yun sa mukha niya, na parang isa lang akong taong hinsi niya
pag-aaksayahan ng oras niya.
”CHONG!!!” Halos mapatingin na lahat ng tao sa hallway dahil lalo ko pang
nilakasan ang boses ko. Eh, hindi siya madaan sa louder eh, eh di sa loudest
na.
Kaso wala pa rin.
”Chong, di ba sabi mo walang dikitan ng balat tsaka bawal kitang lapitan.
Oh, hindi naman tayo ganoon magkalapit tsaka hindi naman nagdidikit ang mga
balat natin...” ang pa-angas kong sabi sa kanya.
Pero hindi na naman siyang sumagot, nasa Statics book pa rin ang mga mata
niya habang nasa solution naman ang isip niya. Ako, walang katiting na parte sa
utak niya.
”Chong, hindi mo man lang ba ako kakausapin?” ang halos nagmamaka-awa kong
tanong sa kanya.
Pero nanatili siyang tahimik.
”Hindi ako aalis dito...” ang pagbabanta ko.
Wala pa rin.
Kaya wala akong nagawa kundi kainin na lang ang pagkain ko habang
tinitingnan siyang parang tanga. Para siyang dulce de leche na hindi ko pwedeng
kainin dahil mawawala siya kapag hinawakan ko, para siyang Statics test na
mapeperfect ko basta ’wag ko lang siyang hawakan, para siyang porn na
all-day-all-night magpaplay basta hindi magdidikit ang balat namin.
Haaaayyyyy!!!
Wala, ganon talaga eh.
Pero bigla niyang binitawan ang ballpen na hawak niya at saka nagbasa na
lang. Titigil na rin yata siyang magbasa at haharapin na niya ako. Mukhang eto
na ’yun, hindi na naman niya ako natiis... Wahahaha!!!
Pero mali ako.
Saka niya itinaas ang kanyang braso sa lebel ng kanyang balikat. Nakaharap
papunta sa aking ’yung palad niya
Teka, hindi kaya nangangarate ’tong taong ito. Iiiwas na ba ako?
Saka niya unti-unting iniikot ito papunta sa harap ko.
Baka naman sampalin niya ako, pero ang bagal naman. Eh baka nasa dulo ’yung
surpresa? Alam mo naman ’tong taong iyo.
Pero hindi dumapo sa leeg, sa balikat, sa mukha, at mas lalong hindi sa
pisngi dumapo ’yung kamay niya. Natigil ito sa paggalaw ng maharang ito ng
kaliwa kong balikat.
Ano na namang pakulo ng taong ito?
”Intimate Zone is between 6 and 18 inches. The Social Zone is 4 to
12 feet. Public Zone is over 12 feet...”
Nagsalita nga siya. Kinausap
nga niya ako. Pero kinausap niya ako habang nakatutok pa rin sa libro ang mga
mata niya, na parang wala lang ‘yung ginagawa niyang magmumultitasking, na may
ginagawa siya at istorbo ako doon. Halos ingudngod niya sa mukha ko napakaliit
kong bagay para pagtuunan ng buo niyang atensiyon.
“...and the Personal Zone is 18
to 48 inches, OR AN ARM’S LENGTH...”
Oo nga naman, oo nga no, tama
nga naman siya. Pero ano nga ba ‘yung mga pinagsasabi niya?
“’Walang encounters na lalagpas
ng public zone’ ang eksaktong mga salitang ginamit ko sa kasunduan. Ibig
sabihin kasalukuyan ka ngayong nasa Personal Zone ko, kasalukuyan kang nasa
zone para sa mga taong me...dyo kaibigan ko. At kung susundin natin ‘yung
kasunduan natin na hindi ka pwedeng lumagpas sa public zone, dapat ay
kasalukuyan kang nasa gitna ng basketball court na ‘yan sa gilid mo, sa
katirikan ng araw...” ang sabi niya sa mabagal na paraan, sa paraan na
nangangaral na may tono ng sarkasmong nagtatago. At sinasabi niya iyon nang
hindi nakaharap sa akin, sinasabi niya ang mga iyon habang nakaharap sa libro.
Para siyang ewan.
Teka, ako yata ang magmumukhang
ewan kung gagawin ko talaga ‘tong katangahang iniisip ko eh.
“CHONG,
KAU...SAPIN...MO...NA...’KO!” ang pakikiusap ko sa kanya sa halos pasigaw na
paraan.
“Sige, kakausapin kita ng
matino...”
‘Yan naman pala eh. Be good
now! Masyado niya akong pinapahirapan, kakausapin rin pala niya ako. Minsan
talaga kailangan binibilog-bilog ng mga baba...ba...ba...BWISIT! BAKIT HINDI KO
NA MASABI! Sa isip mo lang naman eh,
bakit hindi ko siya tatawaging baba...baba...
“...kakausapin kita kung
maipapaliwanag mo sa paraang maiintindihan ko kung sa papaanong hakbang
makakapag-usap at magkakaintindihan ang dalawang tao na magkalayo ng tatlong
kilometro ng hindi gumagamit ng mental telepathy...”
Problema ba ‘yun, eh pwede
naman ko naman siyang i-text. Akalain mo ‘yun. Naisahan ko na yata ‘tong taong
‘to. Woohoo, no sweat...
“...ng hindi gumagamit ng
cellphone, text o calls. Asa ka namang ibibigay ko sa’yo ‘yung number ko.
Mamaya magtext ka ng magtext ng linyang puro tarayan na kinuha mo sa Mara
Clara...”ang sabi niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro.
Gago. Tingin niya sa akin
ganoon kacorny? Hindi ko man nga ‘yun pinapanood ‘yun! Pero medyo maganda daw
‘yun. Pero sandali nga! Wahahahaha, hindi niya naisip na gumamit ng placards!
Eh pwede naman kayo ‘yun! Edi naisahan ko na rin siya sa wak...
“...ng hindi gumagamit ng
signages at placards. Ano ‘yun? Magsasayang ka ng kartolina at tinta para sa
walang kapararakang bagay...” ang sabi pa rin niya ng mahinahon habang nakatingin
pa rin sa libro.
Anong ibig sabihin ng ‘walang
kapararakang’? Eh pwede pa rin namang kaming mag-usap kapag nagsasign-language
kami ah. Oo, nga, tama naman. Kaso, hindi ako marunong nun eh. Pero pwede ko
namang matutu...
“...at hindi sa pamamagitan ng
sign language. Malabo na ang mata ko makita ‘yung isinesenyas mo. Magsisinungaling
ako kung sasabihin kong marunong ako nun
AT nangangarap ka naman ng gising kung iniisip mong matututo ka nun...” ang walang
pagbabagong sabi niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro, hanep.
Tiningnan ko na lang siya ng
masama at ng may kagat-kagat na labi, parang batang naisahan ng isa pang batang
mas bata kesa sa kanya.
Edi ano pa bang maisasagot ko edi,
MAHABANG KATAHIMIKAN!
“...See, wala kang maisip na
paraan diba. Don’t worry, don’t pity
yourself too much, kasi maski rin naman ako walang maisip na paraan
pwera doon sa mga exceptions na binigay ko. Baka masyado ko namang napapababa
ang self-confidence mong alam naman nating parehong abot yata hanggang sa
undiscovered galaxies...” ang sabi niyang parang nag-aaalala para sa akin, pero
parang may sarkasmo, at nanatili siyang nakaharap sa sinosolve niyang problem.
“Oh, wait, may naisip akong paraan...”
Tingnan mo. Ang gulo talaga ng
taong ito, oo! Halos ipagtabuyan niya ako, halos paligiran niya ‘yung sarili
niya ng live wire para hindi lang ako makalapit, tapos, bigla-bigla, siya pa
‘tong iisip ng paraan para makapag-usap kami. Eh, pwede naman niyang ilift na
lang lahat ng restrictions eh. Pahirap talaga, oo. Hanggang ngayon pakipot pa
rin. Iiintindihin ko na lang siya. Ayaw lang naman niya akong mahirapan eh.
Gusto niya akong i-baby, kaya ganoon. Gusto niya akong laging kasama, kahit na
halos patayin niya ako. Mahirap ipaliwanag, dahil hindi ko alam ipaliwanag,
basta ‘yun na ‘yun.
“...Bakit hindi ka lumayo sa
akin ng tatlong kilometro at saka mo ako kausapin? Bakit hindi ka tumayo sa
gitna ng court sa katirikan ng araw at saka sumigaw-sigaw...”
OO NA! MALI NA NAMAN AKO!
“...Malay mo magbago ang isip
ko at kausapin kita. Alam mo naman masyadong malambot ang puso ko. Oh, what can
you say, brilliant ‘no?” ang sabi niya habang nakangiti, kalmante, nag-uuyam,
masaya, excited, nababahing, natatae, lahat-lahat na!
OH TEKA! Ano naman ‘yang
iniisip mo! ‘Wag mong sabihing...’wag mong sabihing...Namumuro na ‘yan ‘no!
Binagbigyan ko na ngang maging kami tapos gaganyan-ganyanin ako! No way! Sandali,
eh malay mo dito na bumigay kapag ipinakita mong ibibigay mo talaga ang lahat
sa kanya. Eh hindi pa ba sapat yung mga naibigay kong oras na ipinapahiya niya
ako? Halos minu-minuto nga eh. Eh kung suntukin ko na kaya? Tama lang naman sa
kanya ‘yun! Eh sumosobra na kaya! Oh, ano, sasampolan ko na ‘to? Eh papano
‘yung guidance, papano kung may magreport? Ang malaking tanong eh kung matamaan
ko nga siya. Eh papano kung makaiwas siya, eh may sa hayop sa liksi kung
makailag ‘tong taong ito eh. Eh bahala na, basta ang mahalaga, maipakita ko sa
taong ito kung sinong minamaliit-maliit niya, makita kung sinong
iniinsulto-insulto niya. Kailangan niyang maturuan ng leksiyon...
...Pero namalayan ko na lang
ang sarili kong nasa gitna ng court, namalayan ko na lang ang sarili kong
tatlong kilometrong malayo sa kanya...
FUCK!
“CHONG...CHONG! ETO NO GINAWA
KO NA! OH KAUSAPIN MO NA AKO! KAUSAPIN MO NA AKOOOO!” Buti na lang at konti na
lang ‘yung mga taong kumakain sa canteen, kundi baka vinideohan na ako, at baka
sumikat na ako sa Youtube dahil sa katangahang pinaggagawa ko. Kung nalalaman
lang nila kung para kanino ‘tong ginagawa ko. Maski doon sa lugar kung nasaan
kami, konti lang ang nagstay, pero ‘yung kakaunti na ‘yun ang halos pandilatan
ako ng mga mata sa pagtatanong kung anong ginagawa ko.
Bullshit! Bakit ba kasi ako
nagsisisigaw? Bakit? BAKIT!
Habang para akong tangang
nagsusumigaw sa gitna noong court at halos palibutan na ako ng mga taong
nakikiusyoso sa kung anong ka-ewanan ang pinaggagawa ko, nanatili pa ring
kalmante, panatag, at nagsasagot ng problems ang walang kakupas-kupas na troll
na si Chong. Hanep.
“WEEEE! KUYA, AKO NA LANG, AKO NA LANG ANG KAUSAPIN MO!!”
“TEH, ANG GWAPO! ANG SWERTE
NAMAN NG GIRLAlu...”
“BRO, SUKO NA. KUNG AYAW SA’YO,
EDI AYAW SA’YO...”
Shit. Pakshit.
Pero biglang tumayo si Chong,
tumayo siya at dumaan patungong canteen.
Sabi ko na nga ba eh! Woah!
Jackpot ka Fonse! Eto na ‘yung matagal mong hinihintay! Sabi ko sa’yo eh, eto
na ‘yung bagay na makakapagpalambot sa puso ng taong ‘yun. Eto lang pala ‘yun.
Edi sana matagal ko na ‘tong ginawa. Edi sana sinabi man lang niya na eto ‘yung
kailangan kong gawin para makuha ko ‘yung loob niya. Kunsabagay, ‘yun na nga
‘yung challenge eh. Pero, AT LAST! FINALLY! Eh papaano na niyan, wala ng
thrill! Basta, ang importante, BUMIGAY NA SI CHONG! AT SA AKIN PA! Ang gwapo mo
talaga Fonse, ang gwapo mo talaga...
...Eh ano naman ngayon kung
gwapo ako. Talaga bang ‘yun lang ang dahilan ng lahat ng ito? Hindi ba parang
ang liit na dahilan para gawin ko ang lahat ng ito? Eh parang hindi ko naman
ginagawa ang lahat ng ito para lang patunayan na gwapo ako eh...
Saka naman bumalik si Chong na
may dalang plato ng pagkain at plastic na baso para sa inumin. At hindi siya
dumiretso sa dati niyang upuan, papunta siya sa court! Mukhang babawi na ‘tong
taong ito sa akin. Tingnan mo, nagpabilad ka lang, ang laki ng balik. Mukhang
susubuan pa niya ako! Eh malalaman ng mga taong kapwa ko lalaki ‘yung sinusuyo
ko! Basta, bahala na! Ang mahalaga, ang sweet na sa akin ni Chong. Woohoohoo!
WOOHOOHOO!
Pero bigla niyang inilapag ang
plato sa mesang eksaktong nasa harap ko pero halos tatlong kilometro pa rin ang
layo, at saka dahan-dahang isinubo at
buong pag-iingat ng ninguya ang chicken roll sa itinusok niya sa tinidor, na
para ninanamnam ang bawat parte nito, na parang pagpapamukhang masaya siyang
nakakakain habang nasa katirikan ako ng araw...
Sweet! Sobrang sweet!
Tutal naman ang sweet niya,
itali ko kaya siya sa puno ng mga antik...
Unti-unti ng nagsi-alisan ‘yung
mga taong nakapaligid sa akin. Napa-upo na lang ako sa gitna ng court habang
tinitiis ang araw. Wala rin naman kasing nangyari sa pinaggagawa ko. Wala rin
namang Chong na hinawakan ang kamay ko at kinumbinsi akong sumilong. Ni wala
man nga lang kahit sinong babae o sino mang taong lumapit sa akin, at
binulungan akong tumigil na. Wala, wala, talaga. Ipinahiya ko lang ang sarili
ko...
“I’ve been looking for you,
BA-BY...” ang bulong sa akin ng isang babae kilalang-kilala ko matapos niyang
hawakan ang dalawa kong balikat. Talagang sa tenga niya sinabi ‘yung mga
salitang ‘yun sa paraang nang-aakit. Halos kagatin na nga niya ‘yung tenga ko
sa sobrang lapit ng labi niya.
Si Grace!
“Teka, Grace, anong ginagawa mo
dito?” Bigla na lamang akong napatayo dahil sa gulat. Hindi dahil sa ginawa
niyang pagbulong dahil lagi naman niyang ginagawa iyon, kundi sa bigla niyang
pagsulpot sa ganoong sitwasyon.
“Obvious ba, Honey Bunch?
You’re looking for Grace, right! So, here she is, the ever seductive,
attractive, and capturing Grace Talavera you has ever known...” ang sabi niya
habang papungay-pungay ang kanyang mga mata at parang kiti-kiting dahan-dahang inikot-ikot
ang kanyang balikat at baywang. Matapos noon eh inilingkis niya ang kanyang mga
braso sa aking katawan, habang ang kanyang mga kamay ay hinaplos-haplos ang
tiyan ko at akmang bubuksan ang zipper ko.
“Grace, nasa gitna tayo ng
court. Mahuli tayo ng guard!” ang sabi ko sa kanyang nakataas papuntang gitna
ang dalawang kong kilay at habang inaalis ang kamay niyang halos dakmalin na
ang ari ko.
“Bakit ka ganyan, it’s almost
one month na tayong hindi nagkita. Ni wala ka nga man lang text o call sa akin,
kahit isa, tapos ganyan ka pa...” pagkatapos ay niyakap niya ako at inilagay sa
aking dibdib ang kanyang ulo. “...Tsaka why are you calling me Grace. Tinawag
kitang Honey Bunch diba, dapat tawagin mo akong Sugar Cake. Maski ‘yung
flirtations ko, parang tinatanggihan mo na. Dati, when I’m grabbing that
BIG...SUPER BIG pet of yours, saka mo naman lalamutakin ang BIG...SUPER BIG
kong boo...”
Bigla kong itinakip ang kamay
ko sa bibig niya, “Puta, ‘wag kang maingay. Marinig ka ni Chong!”
“Wait Babe, sinong CHONG?” ang
pagdidiin niya sa pangalan ni Chong.
Ay, tanga.
Paano maririnig ‘yun ni Chong
eh halos tatlong kilometro ang layo namin?
“You’re so mean. Tinawag mo lang akong puta
noong dalawang beses tayong nasa kama. And sinabi mo ‘yun as if you’re
flirting, habang subo-subo ko ‘yan. Eh, bakit ngayon, parang minumura mo na
ako? Wait, sino ba ‘yung Chong na ‘yun? So siya ‘yung dahilan kung bakit hindi
mo ako tinetext. Babe, payag naman akong makipagkantutan ka kahit kanino eh,
basta you won’t abandon me! Bakit, mas malaki ba ang dibdib niya kesa sa akin?”
ang sabi niyang parang batang hindi pinagbigyan ang hiling niyang bilhan siya
ng lobo, pero parang naghahanap na rin ng away. Delikado, kilala ko ‘tong
babaeng ‘to. Minsan ko na rin ‘tong iniwasan, eh puro katawan lang naman eh,
puro dibdib. Kaso binulabog naman niya sa text ‘yung bago kong babae. Nagulat
na lang ako nang bigla akong sampalin ni Jemma, sinabi pala sa kanya ni Grace
na naikama ko na siya.
Patay tayo nito.
“Sino...Sino bang Chong ang
sinasabi mo Gra...Su...Su...Sugar Cake...”
“Babe, hello, hindi nakaharang
ang malulusog kong dibdib sa tenga ko! Don’t pool me babe, I’m not a pool. So,
hindi pala ako nagkamali ng dinig at talagang Chong ang isinisigaw mo kanina.
Sino ba ‘yang Chong na ‘yan, at ng makita niya kung gaanong kalaking dibdib ang
binabangga niya...” saka niya hinila ang braso ko at umabanteng parang naghahanap ng away...
...papunta sa upuan ni Chong!!!
Puta! Alam na ba niya? Alam na
ba niya sa si Chong ‘yung bago kong pinag-iinteresan? Alam na ba niyang isang
lalaki ang bago kong girl...gir...karelasyon?
“...Puta, Grace! Hindi si Chong
‘yang nasa harap mo...” saka siya niglang natigil dahil bigla kong hinablot ang
braso niya.
“Wait, babe, eh nag-iisang
lalaki lang kaya ‘yang nasa harap natin, so why on Earth, and on Mars was I
make sugod-sugod him? She can’t be Chong because HE is a boy...” ang sabi
niyang naguguluhan.
Ang tanga! ANG TANGA!
“Ah, oo nga...sabi ko
nga...sino ba naman kasing nagsabing siya si Chong? Eh hindi naman talaga siya
si Chong eh, kaya bakit mo siya susugurin...” ang sabi kong parang bata na
hindi makatingin sa mata niya ng diretso. Sinulyapan ko na lang kung ano ang
ginagawa ni Chong, kung nakahalata ba siya at kung nakikita ba niyang may
kausap ako. Pero ganon pa rin siya, payapa at panatag na kinakain ‘yung chicken
roll niya habang tumitingin pababa sa palto niya.
Nanatili nakatingin sa akin si
Grace habang nakataas ang kanyang dalawang kilay.
“Oh my God,
hone...Alfonse...Don’t tell me, that boy eating like a retarded is actually
Chong...”
DIYOS KO! DIYOS KO! ANO PA BA!
ANO PA BA!
“...Don’t tell me, bakla ka
na?” ang sabi niya habang parang nandidiri ang kanyang mukha.
“ANONG BAKLA, GRACE!!!” ang bigla kong pagsigaw. “Hindi nga siya
‘yun, hindi siya si Chong, at wala dito si Chong...”
“Kaya pala nagsisigaw ka ng
puro sweet words habang parang tangang nakatayo sa gitna ng court kasi wala
dito si Chong...” ang sabi niya sa sarkastikong paraan.
Natigilan ako. Tama naman siya,
tama naman. Fuck.
“Yuck, Alfonse. All this time,
kaya pala hindi ka nagtetext sa akin, it’s because bising-busy kang
makipagkantutan sa taong with your same gender!!!”
“Grace, hindi nga. Mali ka ng
akala...” Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla siyang tumalikod sa
akin at pumunta sa mesa ni Chong. Dali-dali kong siyang pinigilan at hinawakan
ang kanyang braso.
“Let go of me, Honey Bunch. Bakit
hindi mo na lang sinabi sa aking gusto mo palang sa puwet ipinapasok ‘yang titi
mo. I’m sure I can do best than him. I’ll reclaim you from that asshole bitch. Hindi
pwede isang bakla lang ang makakatalo sa akin. You’re just mine, Honey Bunch,
you’re just mine...” ang sabi niya habang nagpupumiglas.
“Grace, ano ba ‘yang
pinagsasabi mo. Wala ngang ganyan eh. ‘Wag kang paranoid, wala dito si Chong,
kaya tumigil ka na! TIGIL NA!”
“CHONG! FACE ME! GUSTO MONG
AGAWIN SI HONEY BUNCH FROM ME, TALUNIN MO MUNA AKO SA PALAKIHAN NG SUSO. DALAWA
LANG ANG BUTAS MO, SA AKIN TATLO!” talagang sinabi niya iyon ng pasigaw. May
mga iilan na naman taong titigil sa kinatatayuan namin ngunit bigla ring aalis.
Natakot sigurong bakla pumtay ng tao si Grace. May mga guwardiya ring
tumitingin sa amin, pero hindi rin lumalapit sa amin. Wala naman kasing
nagsusuntukan at nauwaan na rin siguro nilang galit lang ng babae ang dahilan
ng kung ano mang nagyayari, galit ng babae na walang patutunguhan at lambingin
ko lang eh mawawala na.
“Grace, sige na magkita tayo sa
harap ng Sogo, tumigil ka lang, please ‘no pinagtitinginan na tayo ng mga
tao...”
“Shut up, Alfonse. Tapos ano,
pagkatapos nating magkantutan mamaya, pupunta ka naman sa baklang ‘yan para
makipagkantutan. Gusto mo talaga akong magka-AIDS? Hindi pwede, kailangan
turuan ng leksiyon ‘yang bakla na ‘yan!”
Fuck! Paano ko pipigilan ‘tong
taong ito. Paano kung may prof na biglang lumapit sa amin, diretso guidance na
talaga kami nito! Paano kung may pakialamero ng guwardiya na lumapit sa amin?
Paano ko ba matitigilan ‘tong babaeng ito! Kailangang may tumulong sa akin.
Tumawag na kaya ako ng guard? Kahit na maguidance, basta matigilan lang ‘to.
Siya na lang ang ituro kong may kasalanan. Eh papaano kung sabihin niyang dahil
may karelasyon akong lalaki kaya siya naghuramentado? Paano kung ipatawag ang
magulang ko? Fuck, kailangan na talagang may tumulong sa akin. Tulong! TULONG!
“May problema ba?” ang kalamanteng
tanong ng isang tao habang nakangiti ng buo at nakatayo ng matuwid sa harap
namin.
Si Chong!
“Oo, at ikaw ang problema
namin. So, ikaw talaga ang baklang nagtatangkang agawin si Honey Bunch Fonse mula
sa akin. So ikaw talaga iyon?”
Ngumiti lang uli ng buong giliw
si Chong at unti-unti ibinaba ang kanyang ulo habang tumitingin ng pailalim.
Sasabihin kaya niya, sasabihin kaya niya na siya si Chong? Aaminin kaya niya na
may relasyon kami? Fuck! Anong gagawin ko, pipigilan ko rin ba si Chong? Eh
paano ko siya pipigilan eh pinipigilan ko rin si Grace? bubusalan ko na ba ng
sabay ‘yung mga bibig nila? Anong gagawin ko?
“Hindi...nagkakamail ka. Hindi
ako ang hinahanap mo...” ang sabi niya habang nakangiti.
“WEH?” Saka tumingin paibaba si
Grace kay Chong. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatingin siya sa
ID holder ni Chong...
...Pero wala doon ang ID ni
Chong...
“Pasensya ka na, nakalimutan ko
kasi ang ID ko sa bahay. All I have here is a gate pass, at nasa mesa ko pa. So
forgive me, but trust me, I’m not the one YOU are FINDING...” ang sabi niyang
mahinahon habang idinidiin ang ‘you’ at ‘finding’.
“At sa tingin mo maniniwala ako
basta-basta sa iyo? Duh, as if? I has met many peoples like you, mga kabit na
kahit na alam nilang iisang butas lang ang pwedeng pasukan ng titi ng isang
lalaki, eh go lang ng go sa panlalandi. At kung hindi mo naaalala, just let me
remind you that YOU ARE GAY, and you cannot take my Honey Bunch away from me!”
Pero nanatiling mahinahon si
Chong habang panatag na nakatayo. Saka siya ngumiti ng hindi nakikita ang mga
ngipin at kumurap ng dahan-dahan.
“Dear...” saka niya itinaas ang
kanyang kilay na parang nakikisimpatya kay Grace. “I understand you, I HONESTLY
understand you. You’re just a woman being so deeply in love with a but WRETCHED
man. Ganyan talaga ang karamihan ng mga lalaki, and all I can say is don’t let
them WIN, by playing their games, let them LOSE...by playing your games. And
you cannot do that by being like this...”
“Huh...” ang nasabi na lang ni
Grace.
Bigla na namang napangiti ng
buo si Chong. “Oo nga pala, paano nga naman maiitindihan ng isang taong hindi
alam na ‘have’ dapat ang ginagamit sa subject na ‘I’ at na laging singular ang
‘people’ ang ganoong salita. Kung ang sinabi ko nga lang na hindi ako ang
hinahanap mo ay hindi mo kaagad ma-idigest, bakit ko nga naman aasahang
maiintindihan mo na kung ayaw mong tumigil sa pandadamay ng mga taong walang
kinalaman sa problema mo, eh, tumigil ka para magkaroon ka ng kakarampot na
respeto para sa sarili mo...”
Natigilan na lang si Grace.
Napatingin siya sa akin na parang napahiya at matulis na nguso.Parang ang gusto
niya eh ipagtanggol ko siya mula kay Chong.
Wala akong nagawa kundi itaas
ang dalawang kilay ko at ang dalawa kong balikat.
“Lumapit ka, Grace... tama ba
ako?”
Tiningnan na lang ako ulit ni
Grace na parang nanghihingi ng tulong. Kitang-kita mo sa mukha niya na hindi
niya alam kung lalapit siya o hindi kay Chong.
“Psychology ang course mo hindi
ba Grace...” Nagulat ako, papano niya nalamang ‘yun ang course ni Chong.
Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa ID ni Grace. Napahawak na
lamang si Grace sa ID holder niya. “’Wag kang mangamba Grace, hindi naman kita
sasaktan at hindi rin kita tatarayan. I’m sure alam mong 10% lang ng utak ng
tao ang nagagamit niya sa bawat gawain, so papaano ako makakaisip ng mga
katarayan sa ganoong kaliit na porsyento at sa ganoong kaliit sa oras. Kung
balak ko namang saktan ka, dapat ay kanina ko pa ginawa iyon...” saka siya
ngumiti ng buong giliw.
Unti-unti lumapit si Grace kay
Chong habang tumitingin sa kanya at sa akin na parang nag-aalinlangan. Tumigil
siya matapos niyang makitang halos kasinghaba na lang ng isang ruler ang layo
nila ni Chong sa isa’t isa.
Saka ngumiti si Chong...
...at hinila si Grace papunta
sa kanya...
“Hindi naman kita tatarayan, TATAKUTIN
LANG KITA...” saka niya hinigpitan ang yakap kay Grace ng umakma itong
kakalas.”Well, that holds true. Ten percent lang ang nagagamit ng tao sa utak
niya. At kung hindi kaya ng sampung porsyentong ‘yun na tarayan ka, kaya ng
sampung porsyento na ‘yun na suriin ng buo ang napakababaw mong pagkatao.
Parang dalawang porsyento nga lang ng utak ko ang nagamit ko ng gawin ko ‘yun
eh. At alam mo, nakita ng dalawang porsyento na iyon na ang utak mong walang
alam kundi ipaligo ang make-up at lipstick sa katawan mo, at umiinog sa pesteng
lalaking nasa likod mo. And you know what, I don’t give a damn. And that’s a
‘damn’ not a ‘dam’. Kung ikaliligaya mo, bakit hindi mo itago sa freezer niyo
ng buhay ‘yang Honey Bunch mo. Gawin mo lahat, wala akong paki. Basta
siguraduhin mo lang na hindi madadamay ang pangalan ko sa mga katarantaduhan
mo. At bago ka pumutak ng pumutak, siguraduhin mo munang gusto ka pa ng
lalaking kinakabaliwan mo, dahil baka mamaya, mamalayan mo na lang sarili mong
nakakulong sa mental hospital...” saka niya inalis ang pagkakayakap kay Grace
at tiningnan itong nandidilat habang nakangiting nakatago ang mga ngipin.
Tiningnan na lang siya ni Grace
na may malaking ilong, na parang nainsulto.
“Let’s go Alfonse...” saka niya
hinablot ang braso ko. Pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.
“LET’S GO!” ang pagmumumilit
niya habang pinadidilatan ako.
“Hindi...Hindi ako aalis...”
saka ko tiningnan si Chong. Nakangisi pa rin ito habang nakatingin papalayo sa
aming nakataas ang kaliwang kilay na parang naiirita.
Pero nilakasan ni Grace ang
paghila sa akin kaya nadala niya ako.
Fuck! Patay tayo, anong gagawin
ko? Parang hindi ‘yun ang problema, ang problema ko eh, anong gagawin nila?
Saka naman tumigil si Grace sa
paglalakad at lumingon kay Chong. “FUCK YOU!!!” ang sabi niya habang
isinesenyas ito sa kamay niya.
Tumingin lang paibaba si Chong
nang nakataas ang kanyang dalawang kilay at nakangiti ng buo. Saka niya inikot-ikot
ang kanyang ulo ng marahang parang pinagtatawanan ang kababawan ni Grace.
“Thanks...”
Wala nang nagawa si Grace kung
hindi tumalikod at ituloy ang panghahablot sa akin.
“OH, watch out ah, baka sumabog
‘yang kotse sa harap niyo at magka-amnesia ‘yang lalaki mo, baka magpaplastic
surgery ka at hindi ka niya makilala! Oh, baka bumagsak ‘yang puno sa harap niyo!”
Napalingon ako kay Chong, pero lalo lang siyang ngumisi at iniyuko ang kanyang
ulo ng kaunti paharap sa amin.
Hinila ako ni Grace hanggang sa
makarating kami sa tagong parte sa likod ng gym ng campus.
“Teka, Grace, ano na naman ang
gagawin mo?” ang tanong ko sa kanya matapos niyang ilagay ang kanyang dalawang
kamay sa aking leeg para babaan ito at saka ininguso ang kanyang mga labing
naghihintay ng halik.
“Let's do it na Honey Bunch,
let’s kiss na. I know naman na this is what you want eh. Sige na, I know you’ll
come back to me and you’ll just forget that bakla pagkatapos nating
magkantutan...” pagkatapos ay dinilaan niya ang labi kong muntik na niyang
maabot.
“Shit, Grace, shit! Ilang beses
ko bang sasabihin na hindi si Chong ‘yun at mas lalong hindi bakla ‘yung
kinausap mo...” ang naiirita kong sagot sa kanya.
“Weh? Really? After she acted
that way, matapos niyang ngumiti ng napakahinhin, as if she is some sort of a
lady, tapos sasabihin mo na hindi ‘yun bakla? Come on now Honey? Don’t tell me
you’re the gay one? That really is impossible right? Alam ko magsasawa ka rin
sa bakla ‘yun once you have tasted my vagina once again. So don’t resist me Honey,
I know you also want this. I’m yours Fonse, you can do anything you desired to
your girlfriend... ” saka niya uli tinangkang babaan ang ulo ko at lalong
nilandian ang kilos niya.
“Teka, teka, Grace...” ang sabi
ko habang inaalis ang pagkakalingkis niya sa akin. “Anong GIRLFRIEND, diba sabi
ko sa’yo wala tayong relasyon? Pumayag kitang ikama kita with no strings
attached, hindi ba?”
“That’s right baby, and pumayag
ka rin na ligawan kita hindi ba. I’ve been doing this for 5 months, Honey, and
you’re not still answering me. Well, hindi naman kailangan ng ‘oo’ sa
panliligaw ko sa iyo, ang kailangan lang eh ipasok mo ang titi mo sa pekpek ko,
and you will experience heaven Honey, don’t you want that?” ang sabi niya
habang nakalingkis sa akin at parang nang-aakit na kinakagat-kagat ang mga
labi.
“Pakshit, Grace, sinabi ko lang
iyon para matahimik ka. Wala akong intensiyon na maging girlfriend ka...i
Biglang siyang tumigil sa
paggiling sa harap ko habang nakalagay ang kanyang dalwang kamay sa likod ng
aking leeg. Napalitan ang mga mata niyang nang-aakit ng mga matang galit, na
parang nasaktan sa mga nasabi ko.
“Ah ganon...” saka niya ako
nuyakap at idiniin sa aking katawan ang dalawa niyang malulusog na suso.
Damang-dama ko ang malalaki niyang suso at ang kanyang mga tayong-tayo na mga
nipples sa katawan ko. Saka niya hinaplos-haplos ang dibdib ko ng kanyang mga
palad habang sinsadyang sanggain ang utong kong unti-unti na ring tumatayo.
Shet! Nag-iinit ako! NAG-IINIT
AKO!
Shet! Parang unti-unti
dumadaloy ang dugo sa ari ko! Shet!
Pakshit, anong gagaiwn ko?
ANONG GAGAWIN KO? Tirahin ko na kaya ‘to ng matahimik ‘to? Laman-tiyan din ito,
ang tagal ko na ring hindi nakakatikim, maski jakol last month ko pa yata
ginawa? Sige gawin ko na, sandali lang naman, wala namang mawawala sa akin
kundi tamod, sigurado namang si Grace ang magbabayad ng kwarto sa Sogo dahil
hayok na hayok sa akin ang babaeng ito. Papatulan ko na yata, alisin mo na
‘yung ‘yata’, patulan ko na. Kantutin ko na ‘to...
...Teka, papairalin ko na naman
‘yung kahayukan ko sa laman? Di pa ba ako nagsawa, nagsawa sa katawan ni gamit
na gamit na katawan ni Grace at sa kakantot? Oo, masarap, pero hindi ba
nakakasawa rin? Tsaka parang wala rin kasi hindi ko naman gusto si Grace,
siguro noong unang beses ko siya, pero ‘yung pangalawa, hindi na katulad ng
dati eh. At ‘yung ngayon wala na talaga. Eh baka mauna pa siyang labasan kesa
sa akin? Ano, gagawin ko ba talaga? Parang hindi na yata dapat...
...tsaka papano si Chong?
Papano ang usapan namin? Bigla ko na lang ba iyong itatapon, itatapon ng
ganun-ganon? Oo, ang igsing panahon pa lang, pero parang halos isang taon na
base sa mga naranasan ko sa kanya. Titigil na lang ba akong bigla? Susuko na
lang ba akong mapa-amo siya? Susuko na lang ba akong patunayan na sobrang gwapo
ko at walang makatitiis sa akin?
...hindi, hindi ko ‘to ginagawa
dahil gusto ko siyang amuin, hindi dahil may gusto akong patunayan. Ginagawa ko
ito gusto ko siyang makas...
“Shit, Honey, ang laki
talaga...” namalayan ko na lang si Grace na ipinasok na ang kamay niya sa
pantalon ko at hawak-hawak ang ari ko. “Tingnan mo babe, you can’t really
resist me. Just enter this into my hole, and you will be mine, and I am
yours...”
“Puta ka Grace, itigil mo nga
iyan,” ang sabi ko matapos tanggalin ang kamay niya sa pantalon ko. “Kung
mahuli tayo ng guard, anong gagawin mo? Kung uan tayong nahuli muntik na tayong
maexpel, tapos uulitin mo na naman...”
“I don’t care babe, expel na
kung expel. All I want is that giant DICK of yours...” ang sabi niya habang
tinatangka uling hawakan ang ari ko.
“TUMIGIL KA NA!” saka ko
hinawakan ang kanyang balikat at iniyugyog siya upang matauhan.
Saka siya tumigil at yumuko na
napahiya.
“So, talagang pinipili mo ‘yung
bakla na ‘yun over me.” ang sabi niyang habang nakatingin sa akin ng pailalaim
at nakataas ang kilay. “Alam mo ba kung ano ang maaarin kong gawin? I could
spread the word na may karelasyon kang bading, and worser, na you, yourself, ay
isang bakla. Gusto mo ba ‘yun?”
Fuck, eto na naman tayo...
“Grace, wala siyang kinalaman
dito. Hindi siya ‘yung dahilan kung bakit hindi tayo. Ayoko lang talaga, sinabi
ko na rin naman sa’yo noong una pa lang, ikaw lang naman ‘tong nagpipilit na
maging tayo, eh. So please itigil mo na iyan, magkakalat ka lang ng maling
balita, kung itutuloy mo ‘yang binabalak mo...” ang sabi ko sa kanyang puno ng
pasensiya at nagmamaka-awa.
Pero talagang bang mali ‘yung
balitang ikakalat niya?
Galing ko talagang
magsinungaling.
“Hindi Alfonse, hindi. Kung
walang ibang taong involve, ‘di sana kanina pa tayo nagkakantutan. You could
always do that naman kahit na sinasabi kong tayo na at tinatanggihan mo, dahil
ginawa mo na ‘yun noongsecond time we hace sex. Nagtatampo na talaga ako sa’yo.
Sino bang mas mahalaga sa iyo, ako ba or that gay slut...” ang sabi niyang
parang nagbabanta pero palandi pa rin niyang sinabi ang mga iyon.
“Grace, wala akong pipiliin sa
inyong dalawa, dahil hindi kita gusto at wala siyang kinalaman sa problema
natin. Kaya ‘wag ka ng mandamay. Ayoko lang talaga.”
“Talaga...So, kung wala siyang
kinalaman sa problema natin, bakit hindi mo magawang ibigay na lang sa akin ang
gusto ko? Bakit? Dahil ba sa Chong na ‘yun? Hindi mo siya pipiliin, dahil on
the first place, hindi mo naman siya kailangang piliin dahil girlfriend mo na
siya? Ganoon ba?”
“Grace, hindi nga ganoon, hindi
ko siya girlfriend...” Hindi ko naman talaga siya girlfriend eh. Hindi ko siya
pwedeng tratuhin na girlfriend at parehas naman kaming lalaki sa relasyon
namin. Rule number, ah, ewan, basta kasama sa rules.
Eh di this time, hindi ako
nagsisisnungaling.
“Eh ano, Alfonse, sex partner,
ganoon ba?”
“Hindi nga ganoon...”
“Eh ano?”
Puta, sasabihin ko na ba sa
taong ito. Sasabihin ko na ba para matigil ‘to? Tutal wala naman talaga ibang
magagawa para manhimik siya at ibang tao kundi sabihin ang totoo. Eh paano sila
papa, si mama, si kuya, si kambal? Hindi pa ako handang malaman nila, hindi
pa...
“Ano?” ang tanong niyang galit.
“Ah...”
Sabihin ko na kayang karelasyon
ko si Chong. Mas mild naman sa girlfriend ‘yung term na ‘yun eh. Eh parang
ganoon din ‘yun eh. Fuck, tulong! Tulong!
“’Wag mong hintaying chupain
kita sa harap ng guwardiya at maguidance tayo bago mo sabihin!!!”
“Ah, Ka...”
Sabihin ko na kayang kaibigan
ko si Chong. Basta makalusot lang ako sa kanya. Taydana naman kasi ‘tong
babaeng ito! Eh paano ‘yun, kapag sinabi kong kaibigan ko lang si Chong, aayain
na naman ako nitong makipagsex, walang sawang kulitan na naman? Tsaka paano
‘yung kasunduan namin ni Chong? Paano?
“ANONG ‘KA’?”
“Ka...Ka...”
Suko na ako! Sasabihin ko nang
karelasyon ko si Chong! Bahala na, basta alam na niya ang totoo. Baka maawa
naman siya sa akin. Basta bahala na, bahala na talaga...
“Ano!!!!”
“Ka...”
“ANO NGANG ‘KA’?”
“Ka...KA..."
"...Kaibigan...”
nice chapter author!! Patayin na ang Grace na yan sa kwento, kung pwede malunod sa sariling mga suso hahahaha! Hoong landi ah! Nahiya ang higad sa kakatihan lols.. .
ReplyDeleteAlfonse-Chong all the way!!
Dami kong aliw sa chapter na to hahaha!kaloka sa pagka vulgar yang bruhang Grace!
ReplyDeleteKay Chong pa rin ako no? :D
Wahh...nakakatakot naman yang Grace na yan..ang galing manghula..haha...kay hirap naman ng sitwasyong ng poging yan! Parang naiimagine ko si Chong..ung smile na may pagtitimpi at pagbabanta..ahaha
ReplyDelete-caranchou