Followers

Wednesday, November 21, 2012

A Dilemma of Love: Chapter 8




Pasensya na sa super-duper late update nito. i'll try to finish part 9 sa weekends. Wish me luck!
----------------------------------------------
Day 1, Month 0, Year 0:
”… noong ilang beses mo akong tiningnan, aaminin kong gusto na kita…”
”… sa tingin mo sa dami ng buwan na iyon, pagkagusto pa rin ‘tong nararamdaman ko?”
”… dahil may espesyal kang parte sa puso ko…”
Haaaayyyy, ang sarap-sarap ulitin ng mga salitang ’yan, parang mga straight na uno sa grades ko, parang mga sunod-sunod na kill sa DOTA, parang mga babaeng nakahubad sa hara…teka…paano kung kaming dalawa ni Chong ang nakahubad. Teka, parang ang sagwa, parang ang hirap namang tanggapin noon. Balik na nga lang sa hubad na mga babae, pero parang mas masarap kung kaming dalawa ni Chong ’yung nakahubad eh. Puta, hindi pwede, ang sagwa! TANGINA! HINDI KO NA ALAM…ARRRGGGHHH!!!
”…DAHIL MAY ESPESYAL KANG PARTE SA PUSO KO…”
”Excuse me, iho…excuse me. Iho, excuse me!” ang halos nanggagalaiting pigil na pagsigaw ng isang medyo maliit at matandaang babae habang sukbit sa kanyang braso ang kanyang bag. Katabi niya noon si Sir Villacruel na hawak namang leche flan. Nangingiti-ngiti pa si Sir ng makita niya akong matauhan.
Tae. Nananaginip ako ng gising.
”Ah, bakit po?” ang nasabi ko na lang matapos kong mamalayan ang sariling kong nakangiting mag-isa at parang tangang nakatingin sa kisame ng canteen.
”Ay,uulitin ko uli ah, nakakahiya naman kasi sa'yo, sabi ko baka pwedeng makishare ng upuan…” ang sarkastikong tugon niya sa akin.
”Ah, pwede po. Pwedeng-pwede po. Sino ba naman po ako para humindi sa…”
”Good.” Hindi ko tapos ’yung sinasabi ko, umupo na siya kaagad sa katapat kong upuan. Hanep. Kung alam lang niya kung anong saya ang nararamdaman ko ngayon, kung anong ngiti ang dala ng mga naaalala ko,  malamang siya pa ’tong magsomersault sa canteen sa sobrang kilig.
Kaso kiligin pa rin kaya siya kapag nalaman niyang kapwa lalaki ang dahilan ng halos pagkabaliw ko.
”Ah, aalis na rin po kasi ako. May pupuntahan pa po…”
”Aalis kang halos hindi mo pa nabawasan ’yung kinakain mo. Naku iho, nagsasayang ka ng pagkain...” ang parang nangangaral niyang pagputol sa sinabi ko. Putik, oo nga pala, halos 45 minutes na nga pala ako sa canteen, at hindi ko pa halos nagagalaw ’yung inorder kong pagkain. Nakakapitong subo pa lang yata ako eh, hindi ko naman kasi balak talagang kumain, gusto ko lang tingnan si Chong mula sa mga bakal na benches mga 15 na hakbang mula sa canteen. Hindi ko naman kasi alam ma mapapadaydream ako ng wala sa oras.
”…Napakadaming batang nagugutom ngayon, i…”
”Ah, opo, alam ko nga po. Kaya nga dadalhin ko na ’tong pagkain ko…” saka ko hinawakan sa magkabilang dulo ang plato na halos hindi ko naman nagalaw. ”Sige, enjoy eating po…” pagkatapos ay ngumiti at yumuko ako ng kaunti na parang nagpapa-alam.
Haaayyy, bwisit. Bakit ba ako nawawala sa sarili ko? Oo nga pala, si Chong, si Chong talaga ang dahilan. Eto na ba ’yung tinatawag na love? Ni hindi ko pa naranasan ’to sa kahit kaninong  babae, ’yung tipong ako ’yung naghahanap at naghahabol sa babae, kasi sila ’yung halos pakaladkad na sumusunod sa footprints ko. Haha, ang gwapo ko talaga. Pero, sandali, tapos bigla na lang akong makakaranas ng ”LOVE” sa kapwa ko lalaki? Puta, bakit sa kapwa ko lalaki pa? Teka, hindi ’to pwedeng ”LOVE,” hindi pwede. Eh teka, ano na naman ’tong gagawin ko? Bakit lalapit ako kay Chong? Akala ko ba hindi ’to ”LOVE”? Tsaka bawal nga hindi ba? Eh gusto ko siyang kasama eh! Gagawin ko rin naman ’to dahil sa ”LOVE”. Eh hindi nga ’to ”LOVE” diba? Bahala na nga! Baka hindi naman siya seryoso sa kondisyon niya, malay mo pakipot lang ’yun, pero bibigay din kapag nandoon na ako. Tsaka dapat ako ’yung masusunod dahil ako gir...gir...Putsa, di ko na masabi! Taydana! Basta gagawin ko lang ’to dahil gusto ko siyang makasama, hindi dahil sa ”LOVE”-”LOVE” na ’yan...
”Ang kabataan nga naman ngayon Mr. Villacruel, hindi mo na maintindihan.”
”Intindihin na lang natin Ma’am. Malay mo may pinagdadaanan, malay mo in LOVE...”
Nagpanting ang tenga ko. Muli akong lumingon sa kanila, pero pagkalingon ko, kinindatan lamang ako ni Sir. Wala akong nagawa kundi liitan pa lalo ang ang maliit kong mga mata habang tinitingnan siya ng matulis.
HINDI NGA ’TO ’LOVE’ EH!
Unti-unti akong pumunta sa inuupuan ni Chong. May nag-aagawan pa rin sa loob ko kung talagang tabihan ko si Chong. Seryoso ba talaga siya doon? Hindi naman siguro niya papakadetalye lahat ng bagay ng iyon kung hindi siya seryoso. Hmmmmm, bahala na nga. Pero teka, wala lang namang dikitan ng balat tsaka bawal ko lang naman siyang lapitan, eh hindi naman kami maglalapit kasi sa katapat niyang upuan ako uupo...Niyahahaha, edi ayos, may butas ’yung sinabi niya, galing. Tingnan nating kung makakalusot...
”HI CHONG!!!” ang buong sigla kong pagbati sa kanya.
Pero wala siyang reaksiyon. Nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa problem na sinosolve niya. Wala lang, parang wala na naman ako. Kahit na anong lakas ng pagkakasabi ko sa mga salitang ’yun, parang ihip lang ng hangin na dumaan ’yun sa mukha niya, na parang isa lang akong taong hinsi niya pag-aaksayahan ng oras niya.
”CHONG!!!” Halos mapatingin na lahat ng tao sa hallway dahil lalo ko pang nilakasan ang boses ko. Eh, hindi siya madaan sa louder eh, eh di sa loudest na.
Kaso wala pa rin.
”Chong, di ba sabi mo walang dikitan ng balat tsaka bawal kitang lapitan. Oh, hindi naman tayo ganoon magkalapit tsaka hindi naman nagdidikit ang mga balat natin...” ang pa-angas kong sabi sa kanya.
Pero hindi na naman siyang sumagot, nasa Statics book pa rin ang mga mata niya habang nasa solution naman ang isip niya. Ako, walang katiting na parte sa utak niya.
”Chong, hindi mo man lang ba ako kakausapin?” ang halos nagmamaka-awa kong tanong sa kanya.
Pero nanatili siyang tahimik.
”Hindi ako aalis dito...” ang pagbabanta ko.
Wala pa rin.
Kaya wala akong nagawa kundi kainin na lang ang pagkain ko habang tinitingnan siyang parang tanga. Para siyang dulce de leche na hindi ko pwedeng kainin dahil mawawala siya kapag hinawakan ko, para siyang Statics test na mapeperfect ko basta ’wag ko lang siyang hawakan, para siyang porn na all-day-all-night magpaplay basta hindi magdidikit ang balat namin. Haaaayyyyy!!!
Wala, ganon talaga eh.
Pero bigla niyang binitawan ang ballpen na hawak niya at saka nagbasa na lang. Titigil na rin yata siyang magbasa at haharapin na niya ako. Mukhang eto na ’yun, hindi na naman niya ako natiis... Wahahaha!!!
Pero mali ako.
Saka niya itinaas ang kanyang braso sa lebel ng kanyang balikat. Nakaharap papunta sa aking ’yung palad niya
Teka, hindi kaya nangangarate ’tong taong ito. Iiiwas na ba ako?
Saka niya unti-unting iniikot ito papunta sa harap ko.
Baka naman sampalin niya ako, pero ang bagal naman. Eh baka nasa dulo ’yung surpresa? Alam mo naman ’tong taong iyo.
Pero hindi dumapo sa leeg, sa balikat, sa mukha, at mas lalong hindi sa pisngi dumapo ’yung kamay niya. Natigil ito sa paggalaw ng maharang ito ng kaliwa kong balikat.
Ano na namang pakulo ng taong ito?
Intimate Zone is between 6 and 18 inches. The Social Zone is 4 to 12 feet. Public Zone is over 12 feet...”
Nagsalita nga siya. Kinausap nga niya ako. Pero kinausap niya ako habang nakatutok pa rin sa libro ang mga mata niya, na parang wala lang ‘yung ginagawa niyang magmumultitasking, na may ginagawa siya at istorbo ako doon. Halos ingudngod niya sa mukha ko napakaliit kong bagay para pagtuunan ng buo niyang atensiyon.
“...and the Personal Zone is 18 to 48 inches, OR AN ARM’S LENGTH...”
Oo nga naman, oo nga no, tama nga naman siya. Pero ano nga ba ‘yung mga pinagsasabi niya?
“’Walang encounters na lalagpas ng public zone’ ang eksaktong mga salitang ginamit ko sa kasunduan. Ibig sabihin kasalukuyan ka ngayong nasa Personal Zone ko, kasalukuyan kang nasa zone para sa mga taong me...dyo kaibigan ko. At kung susundin natin ‘yung kasunduan natin na hindi ka pwedeng lumagpas sa public zone, dapat ay kasalukuyan kang nasa gitna ng basketball court na ‘yan sa gilid mo, sa katirikan ng araw...” ang sabi niya sa mabagal na paraan, sa paraan na nangangaral na may tono ng sarkasmong nagtatago. At sinasabi niya iyon nang hindi nakaharap sa akin, sinasabi niya ang mga iyon habang nakaharap sa libro.
Para siyang ewan.
Teka, ako yata ang magmumukhang ewan kung gagawin ko talaga ‘tong katangahang iniisip ko eh.
“CHONG, KAU...SAPIN...MO...NA...’KO!” ang pakikiusap ko sa kanya sa halos pasigaw na paraan.
“Sige, kakausapin kita ng matino...”
‘Yan naman pala eh. Be good now! Masyado niya akong pinapahirapan, kakausapin rin pala niya ako. Minsan talaga kailangan binibilog-bilog ng mga baba...ba...ba...BWISIT! BAKIT HINDI KO NA MASABI!  Sa isip mo lang naman eh, bakit hindi ko siya tatawaging baba...baba...
“...kakausapin kita kung maipapaliwanag mo sa paraang maiintindihan ko kung sa papaanong hakbang makakapag-usap at magkakaintindihan ang dalawang tao na magkalayo ng tatlong kilometro ng hindi gumagamit ng mental telepathy...”
Problema ba ‘yun, eh pwede naman ko naman siyang i-text. Akalain mo ‘yun. Naisahan ko na yata ‘tong taong ‘to. Woohoo, no sweat...
“...ng hindi gumagamit ng cellphone, text o calls. Asa ka namang ibibigay ko sa’yo ‘yung number ko. Mamaya magtext ka ng magtext ng linyang puro tarayan na kinuha mo sa Mara Clara...”ang sabi niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro.
Gago. Tingin niya sa akin ganoon kacorny? Hindi ko man nga ‘yun pinapanood ‘yun! Pero medyo maganda daw ‘yun. Pero sandali nga! Wahahahaha, hindi niya naisip na gumamit ng placards! Eh pwede naman kayo ‘yun! Edi naisahan ko na rin siya sa wak...
“...ng hindi gumagamit ng signages at placards. Ano ‘yun? Magsasayang ka ng kartolina at tinta para sa walang kapararakang bagay...” ang sabi pa rin niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro.
Anong ibig sabihin ng ‘walang kapararakang’? Eh pwede pa rin namang kaming mag-usap kapag nagsasign-language kami ah. Oo, nga, tama naman. Kaso, hindi ako marunong nun eh. Pero pwede ko namang matutu...
“...at hindi sa pamamagitan ng sign language. Malabo na ang mata ko makita ‘yung isinesenyas mo. Magsisinungaling  ako kung sasabihin kong marunong ako nun AT nangangarap ka naman ng gising kung iniisip mong matututo ka nun...” ang walang pagbabagong sabi niya ng mahinahon habang nakatingin pa rin sa libro, hanep.
Tiningnan ko na lang siya ng masama at ng may kagat-kagat na labi, parang batang naisahan ng isa pang batang mas bata kesa sa kanya.
Edi ano pa bang maisasagot ko edi, MAHABANG KATAHIMIKAN!
“...See, wala kang maisip na paraan diba. Don’t worry, don’t pity  yourself too much, kasi maski rin naman ako walang maisip na paraan pwera doon sa mga exceptions na binigay ko. Baka masyado ko namang napapababa ang self-confidence mong alam naman nating parehong abot yata hanggang sa undiscovered galaxies...” ang sabi niyang parang nag-aaalala para sa akin, pero parang may sarkasmo, at nanatili siyang nakaharap sa sinosolve niyang problem. “Oh, wait, may naisip akong paraan...”
Tingnan mo. Ang gulo talaga ng taong ito, oo! Halos ipagtabuyan niya ako, halos paligiran niya ‘yung sarili niya ng live wire para hindi lang ako makalapit, tapos, bigla-bigla, siya pa ‘tong iisip ng paraan para makapag-usap kami. Eh, pwede naman niyang ilift na lang lahat ng restrictions eh. Pahirap talaga, oo. Hanggang ngayon pakipot pa rin. Iiintindihin ko na lang siya. Ayaw lang naman niya akong mahirapan eh. Gusto niya akong i-baby, kaya ganoon. Gusto niya akong laging kasama, kahit na halos patayin niya ako. Mahirap ipaliwanag, dahil hindi ko alam ipaliwanag, basta ‘yun na ‘yun.
“...Bakit hindi ka lumayo sa akin ng tatlong kilometro at saka mo ako kausapin? Bakit hindi ka tumayo sa gitna ng court sa katirikan ng araw at saka sumigaw-sigaw...”
OO NA! MALI NA NAMAN AKO!
“...Malay mo magbago ang isip ko at kausapin kita. Alam mo naman masyadong malambot ang puso ko. Oh, what can you say, brilliant ‘no?” ang sabi niya habang nakangiti, kalmante, nag-uuyam, masaya, excited, nababahing, natatae, lahat-lahat na!
OH TEKA! Ano naman ‘yang iniisip mo! ‘Wag mong sabihing...’wag mong sabihing...Namumuro na ‘yan ‘no! Binagbigyan ko na ngang maging kami tapos gaganyan-ganyanin ako! No way! Sandali, eh malay mo dito na bumigay kapag ipinakita mong ibibigay mo talaga ang lahat sa kanya. Eh hindi pa ba sapat yung mga naibigay kong oras na ipinapahiya niya ako? Halos minu-minuto nga eh. Eh kung suntukin ko na kaya? Tama lang naman sa kanya ‘yun! Eh sumosobra na kaya! Oh, ano, sasampolan ko na ‘to? Eh papano ‘yung guidance, papano kung may magreport? Ang malaking tanong eh kung matamaan ko nga siya. Eh papano kung makaiwas siya, eh may sa hayop sa liksi kung makailag ‘tong taong ito eh. Eh bahala na, basta ang mahalaga, maipakita ko sa taong ito kung sinong minamaliit-maliit niya, makita kung sinong iniinsulto-insulto niya. Kailangan niyang maturuan ng leksiyon...
...Pero namalayan ko na lang ang sarili kong nasa gitna ng court, namalayan ko na lang ang sarili kong tatlong kilometrong malayo sa kanya...
FUCK!
“CHONG...CHONG! ETO NO GINAWA KO NA! OH KAUSAPIN MO NA AKO! KAUSAPIN MO NA AKOOOO!” Buti na lang at konti na lang ‘yung mga taong kumakain sa canteen, kundi baka vinideohan na ako, at baka sumikat na ako sa Youtube dahil sa katangahang pinaggagawa ko. Kung nalalaman lang nila kung para kanino ‘tong ginagawa ko. Maski doon sa lugar kung nasaan kami, konti lang ang nagstay, pero ‘yung kakaunti na ‘yun ang halos pandilatan ako ng mga mata sa pagtatanong kung anong ginagawa ko.
Bullshit! Bakit ba kasi ako nagsisisigaw? Bakit? BAKIT!
Habang para akong tangang nagsusumigaw sa gitna noong court at halos palibutan na ako ng mga taong nakikiusyoso sa kung anong ka-ewanan ang pinaggagawa ko, nanatili pa ring kalmante, panatag, at nagsasagot ng problems ang walang kakupas-kupas na troll na si Chong. Hanep.
“WEEEE! KUYA, AKO NA LANG,  AKO NA LANG ANG KAUSAPIN MO!!”
“TEH, ANG GWAPO! ANG SWERTE NAMAN NG GIRLAlu...”
“BRO, SUKO NA. KUNG AYAW SA’YO, EDI AYAW SA’YO...”
Shit. Pakshit.
Pero biglang tumayo si Chong, tumayo siya at dumaan patungong canteen.
Sabi ko na nga ba eh! Woah! Jackpot ka Fonse! Eto na ‘yung matagal mong hinihintay! Sabi ko sa’yo eh, eto na ‘yung bagay na makakapagpalambot sa puso ng taong ‘yun. Eto lang pala ‘yun. Edi sana matagal ko na ‘tong ginawa. Edi sana sinabi man lang niya na eto ‘yung kailangan kong gawin para makuha ko ‘yung loob niya. Kunsabagay, ‘yun na nga ‘yung challenge eh. Pero, AT LAST! FINALLY! Eh papaano na niyan, wala ng thrill! Basta, ang importante, BUMIGAY NA SI CHONG! AT SA AKIN PA! Ang gwapo mo talaga Fonse, ang gwapo mo talaga...
...Eh ano naman ngayon kung gwapo ako. Talaga bang ‘yun lang ang dahilan ng lahat ng ito? Hindi ba parang ang liit na dahilan para gawin ko ang lahat ng ito? Eh parang hindi ko naman ginagawa ang lahat ng ito para lang patunayan na gwapo ako eh...
Saka naman bumalik si Chong na may dalang plato ng pagkain at plastic na baso para sa inumin. At hindi siya dumiretso sa dati niyang upuan, papunta siya sa court! Mukhang babawi na ‘tong taong ito sa akin. Tingnan mo, nagpabilad ka lang, ang laki ng balik. Mukhang susubuan pa niya ako! Eh malalaman ng mga taong kapwa ko lalaki ‘yung sinusuyo ko! Basta, bahala na! Ang mahalaga, ang sweet na sa akin ni Chong. Woohoohoo! WOOHOOHOO!
Pero bigla niyang inilapag ang plato sa mesang eksaktong nasa harap ko pero halos tatlong kilometro pa rin ang layo, at saka dahan-dahang  isinubo at buong pag-iingat ng ninguya ang chicken roll sa itinusok niya sa tinidor, na para ninanamnam ang bawat parte nito, na parang pagpapamukhang masaya siyang nakakakain habang nasa katirikan ako ng araw...
Sweet! Sobrang sweet!
Tutal naman ang sweet niya, itali ko kaya siya sa puno ng mga antik...
Unti-unti ng nagsi-alisan ‘yung mga taong nakapaligid sa akin. Napa-upo na lang ako sa gitna ng court habang tinitiis ang araw. Wala rin naman kasing nangyari sa pinaggagawa ko. Wala rin namang Chong na hinawakan ang kamay ko at kinumbinsi akong sumilong. Ni wala man nga lang kahit sinong babae o sino mang taong lumapit sa akin, at binulungan akong tumigil na. Wala, wala, talaga. Ipinahiya ko lang ang sarili ko...
“I’ve been looking for you, BA-BY...” ang bulong sa akin ng isang babae kilalang-kilala ko matapos niyang hawakan ang dalawa kong balikat. Talagang sa tenga niya sinabi ‘yung mga salitang ‘yun sa paraang nang-aakit. Halos kagatin na nga niya ‘yung tenga ko sa sobrang lapit ng labi niya.
Si Grace!
“Teka, Grace, anong ginagawa mo dito?” Bigla na lamang akong napatayo dahil sa gulat. Hindi dahil sa ginawa niyang pagbulong dahil lagi naman niyang ginagawa iyon, kundi sa bigla niyang pagsulpot sa ganoong sitwasyon.
“Obvious ba, Honey Bunch? You’re looking for Grace, right! So, here she is, the ever seductive, attractive, and capturing Grace Talavera you has ever known...” ang sabi niya habang papungay-pungay ang kanyang mga mata at parang kiti-kiting dahan-dahang inikot-ikot ang kanyang balikat at baywang. Matapos noon eh inilingkis niya ang kanyang mga braso sa aking katawan, habang ang kanyang mga kamay ay hinaplos-haplos ang tiyan ko at akmang bubuksan ang zipper ko.
“Grace, nasa gitna tayo ng court. Mahuli tayo ng guard!” ang sabi ko sa kanyang nakataas papuntang gitna ang dalawang kong kilay at habang inaalis ang kamay niyang halos dakmalin na ang ari ko.
“Bakit ka ganyan, it’s almost one month na tayong hindi nagkita. Ni wala ka nga man lang text o call sa akin, kahit isa, tapos ganyan ka pa...” pagkatapos ay niyakap niya ako at inilagay sa aking dibdib ang kanyang ulo. “...Tsaka why are you calling me Grace. Tinawag kitang Honey Bunch diba, dapat tawagin mo akong Sugar Cake. Maski ‘yung flirtations ko, parang tinatanggihan mo na. Dati, when I’m grabbing that BIG...SUPER BIG pet of yours, saka mo naman lalamutakin ang BIG...SUPER BIG kong boo...”
Bigla kong itinakip ang kamay ko sa bibig niya, “Puta, ‘wag kang maingay. Marinig ka ni Chong!”
“Wait Babe, sinong CHONG?” ang pagdidiin niya sa pangalan ni Chong.
Ay, tanga.
Paano maririnig ‘yun ni Chong eh halos tatlong kilometro ang layo namin?
 “You’re so mean. Tinawag mo lang akong puta noong dalawang beses tayong nasa kama. And sinabi mo ‘yun as if you’re flirting, habang subo-subo ko ‘yan. Eh, bakit ngayon, parang minumura mo na ako? Wait, sino ba ‘yung Chong na ‘yun? So siya ‘yung dahilan kung bakit hindi mo ako tinetext. Babe, payag naman akong makipagkantutan ka kahit kanino eh, basta you won’t abandon me! Bakit, mas malaki ba ang dibdib niya kesa sa akin?” ang sabi niyang parang batang hindi pinagbigyan ang hiling niyang bilhan siya ng lobo, pero parang naghahanap na rin ng away. Delikado, kilala ko ‘tong babaeng ‘to. Minsan ko na rin ‘tong iniwasan, eh puro katawan lang naman eh, puro dibdib. Kaso binulabog naman niya sa text ‘yung bago kong babae. Nagulat na lang ako nang bigla akong sampalin ni Jemma, sinabi pala sa kanya ni Grace na naikama ko na siya.
Patay tayo nito.
“Sino...Sino bang Chong ang sinasabi mo Gra...Su...Su...Sugar Cake...”
“Babe, hello, hindi nakaharang ang malulusog kong dibdib sa tenga ko! Don’t pool me babe, I’m not a pool. So, hindi pala ako nagkamali ng dinig at talagang Chong ang isinisigaw mo kanina. Sino ba ‘yang Chong na ‘yan, at ng makita niya kung gaanong kalaking dibdib ang binabangga niya...” saka niya hinila ang braso ko at  umabanteng parang naghahanap ng away...
...papunta sa upuan ni Chong!!!
Puta! Alam na ba niya? Alam na ba niya sa si Chong ‘yung bago kong pinag-iinteresan? Alam na ba niyang isang lalaki ang bago kong girl...gir...karelasyon?
“...Puta, Grace! Hindi si Chong ‘yang nasa harap mo...” saka siya niglang natigil dahil bigla kong hinablot ang braso niya.
“Wait, babe, eh nag-iisang lalaki lang kaya ‘yang nasa harap natin, so why on Earth, and on Mars was I make sugod-sugod him? She can’t be Chong because HE is a boy...” ang sabi niyang naguguluhan.
Ang tanga! ANG TANGA!
“Ah, oo nga...sabi ko nga...sino ba naman kasing nagsabing siya si Chong? Eh hindi naman talaga siya si Chong eh, kaya bakit mo siya susugurin...” ang sabi kong parang bata na hindi makatingin sa mata niya ng diretso. Sinulyapan ko na lang kung ano ang ginagawa ni Chong, kung nakahalata ba siya at kung nakikita ba niyang may kausap ako. Pero ganon pa rin siya, payapa at panatag na kinakain ‘yung chicken roll niya habang tumitingin pababa sa palto niya.
Nanatili nakatingin sa akin si Grace habang nakataas ang kanyang dalawang kilay.
“Oh my God, hone...Alfonse...Don’t tell me, that boy eating like a retarded is actually Chong...”
DIYOS KO! DIYOS KO! ANO PA BA! ANO PA BA!
“...Don’t tell me, bakla ka na?” ang sabi niya habang parang nandidiri ang kanyang mukha.
“ANONG BAKLA, GRACE!!!”  ang bigla kong pagsigaw. “Hindi nga siya ‘yun, hindi siya si Chong, at wala dito si Chong...”
“Kaya pala nagsisigaw ka ng puro sweet words habang parang tangang nakatayo sa gitna ng court kasi wala dito si Chong...” ang sabi niya sa sarkastikong paraan.
Natigilan ako. Tama naman siya, tama naman. Fuck.
“Yuck, Alfonse. All this time, kaya pala hindi ka nagtetext sa akin, it’s because bising-busy kang makipagkantutan sa taong with your same gender!!!”
“Grace, hindi nga. Mali ka ng akala...” Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla siyang tumalikod sa akin at pumunta sa mesa ni Chong. Dali-dali kong siyang pinigilan at hinawakan ang kanyang braso.
“Let go of me, Honey Bunch. Bakit hindi mo na lang sinabi sa aking gusto mo palang sa puwet ipinapasok ‘yang titi mo. I’m sure I can do best than him. I’ll reclaim you from that asshole bitch. Hindi pwede isang bakla lang ang makakatalo sa akin. You’re just mine, Honey Bunch, you’re just mine...” ang sabi niya habang nagpupumiglas.
“Grace, ano ba ‘yang pinagsasabi mo. Wala ngang ganyan eh. ‘Wag kang paranoid, wala dito si Chong, kaya tumigil ka na! TIGIL NA!”
“CHONG! FACE ME! GUSTO MONG AGAWIN SI HONEY BUNCH FROM ME, TALUNIN MO MUNA AKO SA PALAKIHAN NG SUSO. DALAWA LANG ANG BUTAS MO, SA AKIN TATLO!” talagang sinabi niya iyon ng pasigaw. May mga iilan na naman taong titigil sa kinatatayuan namin ngunit bigla ring aalis. Natakot sigurong bakla pumtay ng tao si Grace. May mga guwardiya ring tumitingin sa amin, pero hindi rin lumalapit sa amin. Wala naman kasing nagsusuntukan at nauwaan na rin siguro nilang galit lang ng babae ang dahilan ng kung ano mang nagyayari, galit ng babae na walang patutunguhan at lambingin ko lang eh mawawala na.
“Grace, sige na magkita tayo sa harap ng Sogo, tumigil ka lang, please ‘no pinagtitinginan na tayo ng mga tao...”
“Shut up, Alfonse. Tapos ano, pagkatapos nating magkantutan mamaya, pupunta ka naman sa baklang ‘yan para makipagkantutan. Gusto mo talaga akong magka-AIDS? Hindi pwede, kailangan turuan ng leksiyon ‘yang bakla na ‘yan!”
Fuck! Paano ko pipigilan ‘tong taong ito. Paano kung may prof na biglang lumapit sa amin, diretso guidance na talaga kami nito! Paano kung may pakialamero ng guwardiya na lumapit sa amin? Paano ko ba matitigilan ‘tong babaeng ito! Kailangang may tumulong sa akin. Tumawag na kaya ako ng guard? Kahit na maguidance, basta matigilan lang ‘to. Siya na lang ang ituro kong may kasalanan. Eh papaano kung sabihin niyang dahil may karelasyon akong lalaki kaya siya naghuramentado? Paano kung ipatawag ang magulang ko? Fuck, kailangan na talagang may tumulong sa akin. Tulong! TULONG!
“May problema ba?” ang kalamanteng tanong ng isang tao habang nakangiti ng buo at nakatayo ng matuwid sa harap namin.
Si Chong!
“Oo, at ikaw ang problema namin. So, ikaw talaga ang baklang nagtatangkang agawin si Honey Bunch Fonse mula sa akin. So ikaw talaga iyon?”
Ngumiti lang uli ng buong giliw si Chong at unti-unti ibinaba ang kanyang ulo habang tumitingin ng pailalim. Sasabihin kaya niya, sasabihin kaya niya na siya si Chong? Aaminin kaya niya na may relasyon kami? Fuck! Anong gagawin ko, pipigilan ko rin ba si Chong? Eh paano ko siya pipigilan eh pinipigilan ko rin si Grace? bubusalan ko na ba ng sabay ‘yung mga bibig nila? Anong gagawin ko?
“Hindi...nagkakamail ka. Hindi ako ang hinahanap mo...” ang sabi niya habang nakangiti.
“WEH?” Saka tumingin paibaba si Grace kay Chong. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatingin siya sa ID holder ni Chong...
...Pero wala doon ang ID ni Chong...
“Pasensya ka na, nakalimutan ko kasi ang ID ko sa bahay. All I have here is a gate pass, at nasa mesa ko pa. So forgive me, but trust me, I’m not the one YOU are FINDING...” ang sabi niyang mahinahon habang idinidiin ang ‘you’ at ‘finding’.
“At sa tingin mo maniniwala ako basta-basta sa iyo? Duh, as if? I has met many peoples like you, mga kabit na kahit na alam nilang iisang butas lang ang pwedeng pasukan ng titi ng isang lalaki, eh go lang ng go sa panlalandi. At kung hindi mo naaalala, just let me remind you that YOU ARE GAY, and you cannot take my Honey Bunch away from me!”
Pero nanatiling mahinahon si Chong habang panatag na nakatayo. Saka siya ngumiti ng hindi nakikita ang mga ngipin at kumurap ng dahan-dahan.
“Dear...” saka niya itinaas ang kanyang kilay na parang nakikisimpatya kay Grace. “I understand you, I HONESTLY understand you. You’re just a woman being so deeply in love with a but WRETCHED man. Ganyan talaga ang karamihan ng mga lalaki, and all I can say is don’t let them WIN, by playing their games, let them LOSE...by playing your games. And you cannot do that by being like this...”
“Huh...” ang nasabi na lang ni Grace.
Bigla na namang napangiti ng buo si Chong. “Oo nga pala, paano nga naman maiitindihan ng isang taong hindi alam na ‘have’ dapat ang ginagamit sa subject na ‘I’ at na laging singular ang ‘people’ ang ganoong salita. Kung ang sinabi ko nga lang na hindi ako ang hinahanap mo ay hindi mo kaagad ma-idigest, bakit ko nga naman aasahang maiintindihan mo na kung ayaw mong tumigil sa pandadamay ng mga taong walang kinalaman sa problema mo, eh, tumigil ka para magkaroon ka ng kakarampot na respeto para sa sarili mo...”
Natigilan na lang si Grace. Napatingin siya sa akin na parang napahiya at matulis na nguso.Parang ang gusto niya eh ipagtanggol ko siya mula kay Chong.
Wala akong nagawa kundi itaas ang dalawang kilay ko at ang dalawa kong balikat.
“Lumapit ka, Grace... tama ba ako?”
Tiningnan na lang ako ulit ni Grace na parang nanghihingi ng tulong. Kitang-kita mo sa mukha niya na hindi niya alam kung lalapit siya o hindi kay Chong.
“Psychology ang course mo hindi ba Grace...” Nagulat ako, papano niya nalamang ‘yun ang course ni Chong. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa ID ni Grace. Napahawak na lamang si Grace sa ID holder niya. “’Wag kang mangamba Grace, hindi naman kita sasaktan at hindi rin kita tatarayan. I’m sure alam mong 10% lang ng utak ng tao ang nagagamit niya sa bawat gawain, so papaano ako makakaisip ng mga katarayan sa ganoong kaliit na porsyento at sa ganoong kaliit sa oras. Kung balak ko namang saktan ka, dapat ay kanina ko pa ginawa iyon...” saka siya ngumiti ng buong giliw.
Unti-unti lumapit si Grace kay Chong habang tumitingin sa kanya at sa akin na parang nag-aalinlangan. Tumigil siya matapos niyang makitang halos kasinghaba na lang ng isang ruler ang layo nila ni Chong sa isa’t isa.
Saka ngumiti si Chong...
...at hinila si Grace papunta sa kanya...
“Hindi naman kita tatarayan, TATAKUTIN LANG KITA...” saka niya hinigpitan ang yakap kay Grace ng umakma itong kakalas.”Well, that holds true. Ten percent lang ang nagagamit ng tao sa utak niya. At kung hindi kaya ng sampung porsyentong ‘yun na tarayan ka, kaya ng sampung porsyento na ‘yun na suriin ng buo ang napakababaw mong pagkatao. Parang dalawang porsyento nga lang ng utak ko ang nagamit ko ng gawin ko ‘yun eh. At alam mo, nakita ng dalawang porsyento na iyon na ang utak mong walang alam kundi ipaligo ang make-up at lipstick sa katawan mo, at umiinog sa pesteng lalaking nasa likod mo. And you know what, I don’t give a damn. And that’s a ‘damn’ not a ‘dam’. Kung ikaliligaya mo, bakit hindi mo itago sa freezer niyo ng buhay ‘yang Honey Bunch mo. Gawin mo lahat, wala akong paki. Basta siguraduhin mo lang na hindi madadamay ang pangalan ko sa mga katarantaduhan mo. At bago ka pumutak ng pumutak, siguraduhin mo munang gusto ka pa ng lalaking kinakabaliwan mo, dahil baka mamaya, mamalayan mo na lang sarili mong nakakulong sa mental hospital...” saka niya inalis ang pagkakayakap kay Grace at tiningnan itong nandidilat habang nakangiting nakatago ang mga ngipin.
Tiningnan na lang siya ni Grace na may malaking ilong, na parang nainsulto.
“Let’s go Alfonse...” saka niya hinablot ang braso ko. Pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.
“LET’S GO!” ang pagmumumilit niya habang pinadidilatan ako.
“Hindi...Hindi ako aalis...” saka ko tiningnan si Chong. Nakangisi pa rin ito habang nakatingin papalayo sa aming nakataas ang kaliwang kilay na parang naiirita.
Pero nilakasan ni Grace ang paghila sa akin kaya nadala niya ako.
Fuck! Patay tayo, anong gagawin ko? Parang hindi ‘yun ang problema, ang problema ko eh, anong gagawin nila?
Saka naman tumigil si Grace sa paglalakad at lumingon kay Chong. “FUCK YOU!!!” ang sabi niya habang isinesenyas ito sa kamay niya.
Tumingin lang paibaba si Chong nang nakataas ang kanyang dalawang kilay at nakangiti ng buo. Saka niya inikot-ikot ang kanyang ulo ng marahang parang pinagtatawanan ang kababawan ni Grace. “Thanks...”
Wala nang nagawa si Grace kung hindi tumalikod at ituloy ang panghahablot sa akin.
“OH, watch out ah, baka sumabog ‘yang kotse sa harap niyo at magka-amnesia ‘yang lalaki mo, baka magpaplastic surgery ka at hindi ka niya makilala! Oh, baka bumagsak ‘yang puno sa harap niyo!” Napalingon ako kay Chong, pero lalo lang siyang ngumisi at iniyuko ang kanyang ulo ng kaunti paharap sa amin.
Hinila ako ni Grace hanggang sa makarating kami sa tagong parte sa likod ng gym ng campus.
“Teka, Grace, ano na naman ang gagawin mo?” ang tanong ko sa kanya matapos niyang ilagay ang kanyang dalawang kamay sa aking leeg para babaan ito at saka ininguso ang kanyang mga labing naghihintay ng halik.
“Let's do it na Honey Bunch, let’s kiss na. I know naman na this is what you want eh. Sige na, I know you’ll come back to me and you’ll just forget that bakla pagkatapos nating magkantutan...” pagkatapos ay dinilaan niya ang labi kong muntik na niyang maabot.
“Shit, Grace, shit! Ilang beses ko bang sasabihin na hindi si Chong ‘yun at mas lalong hindi bakla ‘yung kinausap mo...” ang naiirita kong sagot sa kanya.
“Weh? Really? After she acted that way, matapos niyang ngumiti ng napakahinhin, as if she is some sort of a lady, tapos sasabihin mo na hindi ‘yun bakla? Come on now Honey? Don’t tell me you’re the gay one? That really is impossible right? Alam ko magsasawa ka rin sa bakla ‘yun once you have tasted my vagina once again. So don’t resist me Honey, I know you also want this. I’m yours Fonse, you can do anything you desired to your girlfriend... ” saka niya uli tinangkang babaan ang ulo ko at lalong nilandian ang kilos niya.
“Teka, teka, Grace...” ang sabi ko habang inaalis ang pagkakalingkis niya sa akin. “Anong GIRLFRIEND, diba sabi ko sa’yo wala tayong relasyon? Pumayag kitang ikama kita with no strings attached, hindi ba?”
“That’s right baby, and pumayag ka rin na ligawan kita hindi ba. I’ve been doing this for 5 months, Honey, and you’re not still answering me. Well, hindi naman kailangan ng ‘oo’ sa panliligaw ko sa iyo, ang kailangan lang eh ipasok mo ang titi mo sa pekpek ko, and you will experience heaven Honey, don’t you want that?” ang sabi niya habang nakalingkis sa akin at parang nang-aakit na kinakagat-kagat ang mga labi.
“Pakshit, Grace, sinabi ko lang iyon para matahimik ka. Wala akong intensiyon na maging girlfriend ka...i
Biglang siyang tumigil sa paggiling sa harap ko habang nakalagay ang kanyang dalwang kamay sa likod ng aking leeg. Napalitan ang mga mata niyang nang-aakit ng mga matang galit, na parang nasaktan sa mga nasabi ko.
“Ah ganon...” saka niya ako nuyakap at idiniin sa aking katawan ang dalawa niyang malulusog na suso. Damang-dama ko ang malalaki niyang suso at ang kanyang mga tayong-tayo na mga nipples sa katawan ko. Saka niya hinaplos-haplos ang dibdib ko ng kanyang mga palad habang sinsadyang sanggain ang utong kong unti-unti na ring tumatayo.
Shet! Nag-iinit ako! NAG-IINIT AKO!
Shet! Parang unti-unti dumadaloy ang dugo sa ari ko! Shet!
Pakshit, anong gagaiwn ko? ANONG GAGAWIN KO? Tirahin ko na kaya ‘to ng matahimik ‘to? Laman-tiyan din ito, ang tagal ko na ring hindi nakakatikim, maski jakol last month ko pa yata ginawa? Sige gawin ko na, sandali lang naman, wala namang mawawala sa akin kundi tamod, sigurado namang si Grace ang magbabayad ng kwarto sa Sogo dahil hayok na hayok sa akin ang babaeng ito. Papatulan ko na yata, alisin mo na ‘yung ‘yata’, patulan ko na. Kantutin ko na ‘to...
...Teka, papairalin ko na naman ‘yung kahayukan ko sa laman? Di pa ba ako nagsawa, nagsawa sa katawan ni gamit na gamit na katawan ni Grace at sa kakantot? Oo, masarap, pero hindi ba nakakasawa rin? Tsaka parang wala rin kasi hindi ko naman gusto si Grace, siguro noong unang beses ko siya, pero ‘yung pangalawa, hindi na katulad ng dati eh. At ‘yung ngayon wala na talaga. Eh baka mauna pa siyang labasan kesa sa akin? Ano, gagawin ko ba talaga? Parang hindi na yata dapat...
...tsaka papano si Chong? Papano ang usapan namin? Bigla ko na lang ba iyong itatapon, itatapon ng ganun-ganon? Oo, ang igsing panahon pa lang, pero parang halos isang taon na base sa mga naranasan ko sa kanya. Titigil na lang ba akong bigla? Susuko na lang ba akong mapa-amo siya? Susuko na lang ba akong patunayan na sobrang gwapo ko at walang makatitiis sa akin?
...hindi, hindi ko ‘to ginagawa dahil gusto ko siyang amuin, hindi dahil may gusto akong patunayan. Ginagawa ko ito gusto ko siyang makas...
“Shit, Honey, ang laki talaga...” namalayan ko na lang si Grace na ipinasok na ang kamay niya sa pantalon ko at hawak-hawak ang ari ko. “Tingnan mo babe, you can’t really resist me. Just enter this into my hole, and you will be mine, and I am yours...”
“Puta ka Grace, itigil mo nga iyan,” ang sabi ko matapos tanggalin ang kamay niya sa pantalon ko. “Kung mahuli tayo ng guard, anong gagawin mo? Kung uan tayong nahuli muntik na tayong maexpel, tapos uulitin mo na naman...”
“I don’t care babe, expel na kung expel. All I want is that giant DICK of yours...” ang sabi niya habang tinatangka uling hawakan ang ari ko.
“TUMIGIL KA NA!” saka ko hinawakan ang kanyang balikat at iniyugyog siya upang matauhan.
Saka siya tumigil at yumuko na napahiya.
“So, talagang pinipili mo ‘yung bakla na ‘yun over me.” ang sabi niyang habang nakatingin sa akin ng pailalaim at nakataas ang kilay. “Alam mo ba kung ano ang maaarin kong gawin? I could spread the word na may karelasyon kang bading, and worser, na you, yourself, ay isang bakla. Gusto mo ba ‘yun?”  
Fuck, eto na naman tayo...
“Grace, wala siyang kinalaman dito. Hindi siya ‘yung dahilan kung bakit hindi tayo. Ayoko lang talaga, sinabi ko na rin naman sa’yo noong una pa lang, ikaw lang naman ‘tong nagpipilit na maging tayo, eh. So please itigil mo na iyan, magkakalat ka lang ng maling balita, kung itutuloy mo ‘yang binabalak mo...” ang sabi ko sa kanyang puno ng pasensiya at nagmamaka-awa.
Pero talagang bang mali ‘yung balitang ikakalat niya?
Galing ko talagang magsinungaling.
“Hindi Alfonse, hindi. Kung walang ibang taong involve, ‘di sana kanina pa tayo nagkakantutan. You could always do that naman kahit na sinasabi kong tayo na at tinatanggihan mo, dahil ginawa mo na ‘yun noongsecond time we hace sex. Nagtatampo na talaga ako sa’yo. Sino bang mas mahalaga sa iyo, ako ba or that gay slut...” ang sabi niyang parang nagbabanta pero palandi pa rin niyang sinabi ang mga iyon.
“Grace, wala akong pipiliin sa inyong dalawa, dahil hindi kita gusto at wala siyang kinalaman sa problema natin. Kaya ‘wag ka ng mandamay. Ayoko lang talaga.”
“Talaga...So, kung wala siyang kinalaman sa problema natin, bakit hindi mo magawang ibigay na lang sa akin ang gusto ko? Bakit? Dahil ba sa Chong na ‘yun? Hindi mo siya pipiliin, dahil on the first place, hindi mo naman siya kailangang piliin dahil girlfriend mo na siya? Ganoon ba?”
“Grace, hindi nga ganoon, hindi ko siya girlfriend...” Hindi ko naman talaga siya girlfriend eh. Hindi ko siya pwedeng tratuhin na girlfriend at parehas naman kaming lalaki sa relasyon namin. Rule number, ah, ewan, basta kasama sa rules.
Eh di this time, hindi ako nagsisisnungaling.
“Eh ano, Alfonse, sex partner, ganoon ba?”
“Hindi nga ganoon...”
“Eh ano?”
Puta, sasabihin ko na ba sa taong ito. Sasabihin ko na ba para matigil ‘to? Tutal wala naman talaga ibang magagawa para manhimik siya at ibang tao kundi sabihin ang totoo. Eh paano sila papa, si mama, si kuya, si kambal? Hindi pa ako handang malaman nila, hindi pa...
“Ano?” ang tanong niyang galit.
“Ah...”
Sabihin ko na kayang karelasyon ko si Chong. Mas mild naman sa girlfriend ‘yung term na ‘yun eh. Eh parang ganoon din ‘yun eh. Fuck, tulong! Tulong!
“’Wag mong hintaying chupain kita sa harap ng guwardiya at maguidance tayo bago mo sabihin!!!”
“Ah, Ka...”
Sabihin ko na kayang kaibigan ko si Chong. Basta makalusot lang ako sa kanya. Taydana naman kasi ‘tong babaeng ito! Eh paano ‘yun, kapag sinabi kong kaibigan ko lang si Chong, aayain na naman ako nitong makipagsex, walang sawang kulitan na naman? Tsaka paano ‘yung kasunduan namin ni Chong? Paano?
“ANONG ‘KA’?”
“Ka...Ka...”
Suko na ako! Sasabihin ko nang karelasyon ko si Chong! Bahala na, basta alam na niya ang totoo. Baka maawa naman siya sa akin. Basta bahala na, bahala na talaga...
“Ano!!!!”
“Ka...”
“ANO NGANG ‘KA’?”
“Ka...KA..."


"...Kaibigan...”

3 comments:

  1. nice chapter author!! Patayin na ang Grace na yan sa kwento, kung pwede malunod sa sariling mga suso hahahaha! Hoong landi ah! Nahiya ang higad sa kakatihan lols.. .




    Alfonse-Chong all the way!!

    ReplyDelete
  2. Dami kong aliw sa chapter na to hahaha!kaloka sa pagka vulgar yang bruhang Grace!

    Kay Chong pa rin ako no? :D

    ReplyDelete
  3. Wahh...nakakatakot naman yang Grace na yan..ang galing manghula..haha...kay hirap naman ng sitwasyong ng poging yan! Parang naiimagine ko si Chong..ung smile na may pagtitimpi at pagbabanta..ahaha
    -caranchou

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails