Chapter 17
By Rogue Mercado
Contact me at: roguemercado@gmail.com
Author's Note: Sorry for the delay of this Chapter, nag unwind lang ako ng konti to freshen up inspirations. I also read some output muna ng ibang writers to get me more inspired. Sa mga nagko-komento at patuloy pa rin sumusubaybay sa WBIL ay lubos akong nagpapasalamat sa inyo. Pinili ko pong huwag munang magkomento o mageply sa mga komento dahil sa pagtatapos ng kuwentong ito ay sasagutin ko lahat ng katanungan ninyo.
Suportahan rin po natin si Sir Mike sa kanyang entry sa PEBA sa pamamagitan ng pagkomento sa nasabing istorya na pinamagatang Si Angelo, Ang Kanyang Itay at Ang Facebook.
____________________________________________________________________________
Napapangiti siya sa kanyang nababasa sa LAMPARA DAILY.
Investigation on assassination of 2 students still on-going
Ang balita ay patungkol sa dalawang estudyanteng parehong natagpuan sa isang hotel na duguan at walang buhay. Una ay ang sikat na atletang nagngagalanag Michael Tarvina at pangalawa naman ay isang nursing student na nagngagalang Rio De Mesa. Pinaghihinalaang isa itong kaso ng mga frat war dahil sa sobrang brutal ng pagkamatay ng dalawang nasabing biktima.
"Mga Tanga.." bulong niya sa sarili at saka napangiti ng malademonyo
Binuklat naman niya ang ilang pahina ng nasabing dyaryo at dumako sa Entertainment section. Bigla namang napalitan ang masaya niyang nararamdaman sa nabasang headline:
NASUDI's Prince of Rock turns into a runaway bride
Sinasabi ng balita na hindi naging masaya ang mga estudyante sa ginawa niyang pagtakbo sa naganap na kasalan kahapon. Marami na ngayon ang kumekwestiyon sa kanyang sekswalidad kung bakit siya napili ng BABAYLAN na maisali sa isang mock wedding. Maganda na sana ang araw niya kung hindi nga lang nabasa ang nakakahiyang balitang iyon. Every negative publication about him is a setback on his plan. Nang matapos basahin ang dyaryo ay nilukot niya ito at itinapon sa basura.
He stared on the mirror in front of him. Kasalukuyan siyang nasa CR ng NASUDI Bldg.. Inayos niya ang kanyang pulang buhok at tinitigan ng mabuti ang kanyang mga mata. Still, his eyes were murdered with eyeliners. He is wearing again, a black shirt containing the tagline "I will sold my soul for rock and roll". He also have a tight black pants on and a black boots.
"Perfect" he exclaimed
Biglang pumasok sa CR ang isang lalaki. Nakita niya sa salamin ang repleksyon nito.
"Hindi mo naman ako siguro sinusundan?"
"Ahm hindi.. kasi" may pag-aalinlangan na tanong nito sa kanya
"Kasi?.. Bakit parang nauutal ka na lagi pag kausap mo ko Jake?"
"Kasi pinapatawag tayo ni Director Lee sa opisina niya"
"Bakit daw?" tanong niya dito
"Hindi ko alam"
"Sige susunod na ko"
"Sabay na tayo"
Lumingon siya para harapin ito.
"Hindi natin kailangang araw-araw na magkasama OK?"
"Tayong dalawa lang ang pinapatawag.. so Im thinking na baka pwedeng magka..." hindi nito naituloy ang sasabihin
"And that excuses you?"
"Hindi naman sa ganun.. Huwag mo naman sanang masamain na gusto kitang samahan papunta dun"
Hindi na lang siya umimik para walang sagutan na maganap. Its too early for a catfight. Humarap uli siya sa salamin to paint a bit of eyeliners on his eyes.
"Hindi ba masakit sa mata yang nilalagay mo?" tanong nito sa kanya
"Kapag natutunan mo ang kahulugan ng tunay na sakit... kaya mo ng harapin ang mga taong handa ka ulit saktan" sagot niya dito.
Hindi niya alam kung tama nga ba ang sagot niya sa tanong nito. Nakita niya sa repleksyon ng salamin na napatungo na naman ito.
Nauna na siyang lumabas ng CR ng hindi man lang ito nililingon. Naramdaman niyang sumunod ang mga yabag nito sa kanya. Maya-maya pa ay katabi na niya ito.
"Nabasa ko yung balita sa entertainment section" panimula muli nito
"So? Hindi ko kailangan malaman ang ginagawa mo minu-minuto."
"I just want to let you know how happy I am na umalis ka sa mock wedding" sagot ni Jake sa kanya
Napangiti siya ng mapakla at tumigil sa paglalakad.
"Kung sa tingin mo dahil sa iyo kaya hindi ko itinuloy ang seremonyang iyon... Nagkakamali ka." matapos sabihin ito ay nagpatuloy siyang muli sa paglalakad.
"Hindi na importante sa akin ang dahilan. Basta masaya ako"
Nilingon niya ulit ito at nakita niyang todo ngiti ang mokong sa kanya.
"Then go die with your happiness" tugon niya dito sabay irap kay Jake.
Ilang sandali pa ay nasa harapan na naman sila ng opisina ni Director Lee. Kumatok si Jake at pinapasok naman sila ng nasabing Director.
"Im sorry for an abrupt meeting ngunit importante lang ito because the neos are waiting at the Auditorium"
"Tungkol ba saan 'to Direk? I have a class to catch up" wika niya sa Director
"Im sorry for inconvenience Jude but Im afraid I will be needing your presence during the Auditions"
"Bakit naman ho? As far as im concerned eh ikaw at ang lead singer lang ang may karapatan sa mga makakapasok ng NASUDI? Gusto ko man manood but as I have said, may klase pa ako"
"Well this is also to inform both of you that you and Jake are now sharing the status of being the lead singer of NASUDI"
Para sumabog lahat ng fireworks sa utak niya ng marinig ang sinabi ng Director. Bonus na lang ang presensiya ni Jake ng sinabi ni Director Lee iyon. Nilingon niya ito at hindi man nito ipakita na nabigla sa sinabi ni Director Lee ay kayang kayan niyang basahin ang pagkadismaya nito. He is always expert on reading people's body language. Dito mo mahuhuli ang katotohanang itinatago ng tao sa kanyang salita. He is one hundred percent sure that he succeeded on the plan.
"So Jake.. Would that be OK to you? I know that everything seems to be swift on Jude's end but the increase of his popularity continues... Tinatawag na siya ngayong Prince of Rock hindi pa man siya nagsisimulang maexpose masyado sa school activities. Alam naman natin na malaki ang ibinabayad na talent fee sa atin ng mga organizations kapag lead singer ang gusto nilang kumanta. That's additional profit to the organization. And if Jude's status will be elevated, I know that it would also boost our funds"
"Wala naman pong problema yun Direk" maikling tugon ni Jake sa direktor.
"Ok so we're settled then.. So Jake and Jude... I need your two with me now on the Auditions. Dont worry Jude I will just phone your department and inform them that you have an appointment OK?"
"Sure" maikli niya ring sagot
Tumayo na mula sa kinauupuan ang Direktor at nauna ng lumabas sa opisina nito. Nang sabay rin silang tumayo ay nagkatinginan sila ni Jake. Nginitian naman niya ito ng nakaka-asar. Nagulat naman siya ng bahagya nang suklian siya nito ng isang ngiti at nang maglahad ito ng kamay tanda na gusto siya nitong i-congratulate.
Plastic!! sigaw ng isip niya at pinili niyang sumunod ng lumakad kay Director Lee kaysa ang tanggapin ang mga kamay nito.
Nang makarating sila sa Auditorium ay mistulang bahay na walang tao ang bulwagan. Naalala na naman niya ang panahon na naging saksi ang Auditorium na yun sa sigawan ng mga tao sa kanyang pagkanta. And now he got the fruits of his labor. Isa na siya ngayong lead singer ng NASUDI. Pantay na sila ni Jake Marcos.
Nasa ganito siyang pagiisip ng biglang sumakit ang kanyang ulo. Kinuha niya mula sa kanyang bag ang gamot at agad itong ininom.
"Napapadals ata ang inom mo ng gamot." pukaw ni Jake sa kanyang atensyon
"May nakapagsabi ba sa iyo na ang pangingialam ay parang pagtawid sa bawal na kalsada?..... Nakamamatay." singhal niya dito
"I just cant stop worrying.. Lalo nung nakita kitang namimilipit sa sakit ng ulo"
"Mas kabahan ka sa posisyon mo... na posisyon ko na rin ngayon" ngumiti siya nang nakakaloko
They sat infront of a long table. Para silang panel of judges sa lagay nilang yun. Napansin niyang ni katiting na boses ay wala siyang naririnig na boses sa back stage.
"Excuse me direk pero bakit parang wala namang bakas ng neos dito.. I mean.. Para tayong nasa bukid... Sobrang tahimik" pansin niya sa tabi ng nakakabinging katahimikan
"I agree direk. Sigurado po ba kayong may balak kumanta ngayong umaga" pagsang ayon ni Jake sa kanya
"Well sad to say, isa lang yung gustong maging NASUDI singer ngayong taon" tugon ni Director Lee sa dalawa.
"What? Isa lang? If that's the case, I dont see the point na pinatawag mo kami dito to judge this neo. Direk naman, you can do it all by your self." naiiritang sagot niya dito. Kung sana naman ay hindi nito ginulo ang oras niya ay baka nakapag klase pa siya o hindi kaya uminom ng konti.
"And may I add lang sir... Isa? Ganun na ba kababaw ang impluwensiya natin? O sadyang takot lang sila na maging parte ng NASUDI?" tanong naman ni Jake sa Director.
"The thing is... Natapos na ang preliminary auditions. Ginanap ito ng matapos ang performance nung acquaintance party. Ako ang nagsagawa ng first screening"
"So why the hell that you need us to do this work which is suppose to be done. May napili ka ng isa Direk? Bakit kailangan pang may second wave ng audition?" tanong uli niya sa Direktor na hindi na naitago ang kanyang pagkairita
"Im sorry if this thing consumed your time Jude but starting from now, I need to have second opinions from my lead singers.... So basically.. sa puntong ito.. kayo ang judges ng magiging performance ng neo... kayo ni Jake"
Natigilan siya sa narinig. Siguro naman ay mas tamang sumunod na lamang siya sa Director. Looking at the brighter side, ay isang magandang senyales na hinihingi nito ang opinyon niya para sa mga pagbabago sa NASUDI. That only means that he is indeed, NASUDI's lead singer.
Napatango na lamang siya bilang pagsang ayon sa gagawin nila.
"So Jake? Still have questions"
"Wala naman po. I think its crystal clear. But I know Im confident enough na itong kakanta ngayon ay salang-sala na. Im hoping that he wont disappoint us"
"Ok so everything is good now... lets have him on stage... Mr. Antonio pwede ka ng lumabas sa back stage"
Hindi siya huminga ng matapos na banggitin ni Director Lee ang apelyidong Antonio. Waring isa iyon sa pinaka matagal na segundo ng kanyang buhay. Bawat pagtakbo ng oras ay siyang katumbas ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.
Halos kumawala ang puso niya ng makumpirma ang hinala.
Ang neo ay walang iba kundi si Red Antonio.
Mula sa pagkakabigla ay napunta siya sa pagiging tulala. Sa sandaling pagkakataon ay tila siya nawalann ng kontrol sa sarili at pinagmasdan ito ng mabuti. Ang matikas na pangangatawan. Ang mga matang ayaw niyang titigan noon. Ang maninipis na labi. Walang duda si Red Antonio nga ang kaharap niya. Bigla naman may mga pumasok na eksena sa kanyang utak. Sa eksenang iyon ay nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng eye glasses, nagbabasa ito ng song book. Habang yakap-yakap daw ito ng lalaking nasa entablado ngayon.
Walang anu-ano ay biglang may nagsalitang boses sa kanyang ulo.
"Masaya ka bang makita siya ulit?" tanong ng misteryosong boses.
"Hindi" matipid niyang sagot.
"Masaya akong maki..."
"Can you just shut up? Ipaubaya mo na sa akin ang lahat"
"Ok."
"So... our sole performer today.. I would like to congratulate you for making it here .. on that stage. But I would like to remind you that this performance will be judged by two of the most sought after singers of my club. Jake Marcos and Jude Dela Riva. So I hope that what you prepared for us today would make an unforgettable impact on their ears. Alalahanin mong ang bawat remarkable audition piece ay pinapalabas namin sa mga plasma TV na nasa campus"
Mula naman sa pagkatulala ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Red ng diretso. Wala naman siyang emosyon na makita sa mukha nito. Ngunit ng makita nito na nakatitig rin siya rito ay ngumiti ito at saka nagsalita.
"Yes sir"
"What will be your audition piece?" tanong naman ni Director Lee kay Red.
"I opted to sing an OPM for today Sir"
"OPM? I hope Im not being mistaken on what Im hearing."
"Im afraid you're right Sir." maikling tugon ni Red sa Direktor
"First of all.. Im really doubtful sa napili mong genre. I mean.. Its not that Im degrading our own music stream but the thing is, you've got an excellent English. Medyo nagaalinlangan ako kung kaya mong i-justify ang tagalog song. People fail to notice sometimes but OPM also demands a specific style and vocal quality. But then.. if you wanted to defy your first performance then Im up for the surprise. I just hope na sana hindi ito isang bad surprise... So anong balak mong ihandog sa amin?"
"Ah.. That would be.. Bugoy Drilon's Paano na Kaya?"
"Ok.. hit it!"
At maya-maya pa ay nabalot ang buong auditorium ng musika at nagsimula na itong kumanta.
"Paano nga ba napasukan ang gusot na ito' Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa 'yo ohh wooh...Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko...Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito wooh..."
Tumagos agad sa kanyang dibdib ang mga liriko ng awitin nito. Napagmasdan niyang habang kumakanta ito ay tutok na tutok lang sa kanya ang mga mata ni Red. Naramdaman naman niyang may isa pang mga pares ng mata ang nakatingin sa kanya. Pumihit ang kanyang ulo patagilid at nahuli niyang seryoso ring nakatingin si Jake sa kanya. May pagbabanta sa mga mata nito ngunit mas pinili niyang huwag magpakita ng emosyon sa kahit sinumang tumititig sa kanya. Pilit niyang kinukumbinsi na hindi siya apektado sa kahit sino sa dalawa.
"Paano na kaya, 'di sinasadya..'Di kayang magtapat ang puso ko Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa. Paano na kaya 'di sinasadya. Ba't nahihiya ang puso ko..Hirap nang umibig sa isang kaibigan'..Di masabi ang nararamdaman..Paano na kaya"
"Kung malaman ang damdamin at 'di mo tanggapin..'Di ko yata matitiis mawala ka ..Kahit 'sang saglit man lang...wooohhhh...."
"Paano na kaya 'di sinasadya..'Di kayang magtapat ang puso ko..Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa..Paano na kaya, 'di sinasadya..Ba't nahihiya ang puso ko...Hirap nang umibig sa isang kaibigang 'di masabi ang nararamdaman..Paano na kaya"
"At kung magkataong ito'y malaman mo...Sana naman tanggapin mo ohh woohh"
"Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa..Paano na kaya' di sinasadya..Ba't nahihiya ang puso ko.Hirap nang umibig sa isang kaibigang..At baka hindi maintindihan...Paano na kaya"
"Paano na kaya 'di sinasadya..'Di kayang magtapat ang puso ko..Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa..Paano na kaya, 'di sinasadya..Ba't nahihiya ang puso ko...Hirap nang umibig sa isang kaibigang 'di masabi ang nararamdaman..Paano na kaya"
"At kung magkataong ito'y malaman mo...Sana naman tanggapin mo ohh woohh"
"Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa..Paano na kaya' di sinasadya..Ba't nahihiya ang puso ko.Hirap nang umibig sa isang kaibigang..At baka hindi maintindihan...Paano na kaya"
Natapos ding kumanta ito at nakita niyang tumalikod ito ng panandalian na waring may pinunas sa mukha gamit ang kanyang kamay. Pagkaharap nito ay nakita niyang namumula ang mga mata nito. Ilang sandali pa ay nakita niyang tumayo si Director Lee sa kinauupuan at pumalakpak ng malakas. He gave Red a standing ovation. A rare thing that he does for someone trying his luck to NASUDI.
"Wow.... I.. I never thought that you would perfectly.. I mean it.. perfect.. That was a soulful song.. You see.. Hindi ko pa mahanap ang tamang salita para ilarawan ang pagkanta mo. You seem so sincere... You seem like someone who is madly inlove with a friend.. Just like what your song suggests. Siguro naman hindi naman talaga ganun ang kaso mo ngayon, Mr Antonio kaya pinili mong kantahin yan?" wika ni Director Lee dito
Nakita niyang ngumiti lang ito at pagkatapos ay tiningnan na naman siya nito sa mata. Sa eksenang iyon ay siya na mismo ang nagbawi ng tingin dito. Gusto niyang pagalitan ang sarili kung bakit hindi niya masalubong ang mga titig nito sa pagkakataong iyon.
"I know that my next question might be a cliché but I would like to know why you decided to join NASUDI?"
"M...may gusto lang po kasi akong sundan sa impyerno." wala sa loob na sagot nito
"Excuse me?" naguguluhang tanong nito kay Red
Biglang bigla ay napatawa ito marahan nang siguro ay ma-realize nito ang naisagot. Kapag nakikita naman niya ang mga ngiti at tawa nito ay parang umaakyat ang dugo niya papunta sa kanyang mukha. Gusto niyang mairita dahil pinamumulahan siya ng pisngi.
"Ang ibig ko pong sabihin. Magiging isang karangalan po na mapasama sa prestehiyosong organisasyon tulad ng NASUDI. At tulad ng karamihan, gusto ko lang po magsilbing daan ang aking musika na iparating sa mga tao na umasa, nasaktan at kalaunan ay hindi na naniwala sa pagibig na merong taong naghihintay para gawing happy ending ang fairytale nila." masayang tugon nito.
Nakita niyang tumatango-tango lang si Director Lee samantalang patuloy pa rin sa pagkabog ang kanyang dibdib. Nang muli niyang tingnan si Red ay naabutan niyang nakangiting nakatitig pa rin ito sa kanya. Matapos magtama ulit ang mata nila ay kinindatan siya nito.
"I think we need now to divide the house. I vote for Mr. Antonio to be part of the NASUDI. Lead singers? Your votes please." si Director Lee na kasalukuyang nakatayo pa rin.
"No" malamig na sagot ni Jake sa tanong ni Director Lee. Kita man sa reaksyon ng Director ang pagkabigla ay binawi naman nito ang reaksyon at sa tingin niya ay nirespeto naman nito ang desisyon ni Jake.
"Jude? Your vote please.."
Tinitigan niya ito ng mariin at pagkatapos ay huminga ng malalim.
Hindi niya alam ang isasagot.
Itutuloy...
Hindi kaya si Adrian ang may dahilan sa pagkamatay nung 2? choz.. hehehe
ReplyDeleteAng ganda ng story.. gogogo
Speechlesssss ako..
ReplyDeleteGo, Red!
ReplyDeleteMahaba pa ang kwentong ito. Kulang pa ang parusa kay Jake.
Sabrina deserves ten fold recrimination.
Next chapter, please. Please.
"may gusto lang akong sundan sa impyerno"
ReplyDeleteI like that line... :)) Go Red... win Adrian back.. help him find his way back into love >_<
about dun sa killer sa may first part ng chapter na ito... bet ko si Sabrina iyon... though I have to admit it is so ambiguous. It could either be Sabrina or Jude, kasi we don't have any idea what happened to Jude for the 6mons na nawala siya, which is what we have to find out. And sobrang excited na ako for the next chapters :)) good job Rogue >_<
Yes dapat sagot ni Adrian...update na please Mr. Author..hehehe..I really like tis story..
ReplyDeleteAng cute ng cartoon pic..I think sa Card Captor Sakura galing ung pic..hehehe...
ReplyDeletebaka mag no nrin c adrian......kawawa nmn c red....kya cguro nabaliw xia....baka mamaty c adrian......ang tagal pa cguro ng casting ni nurse rico........hheheheeheheheehehehethnkx 4 sharing this kind hearted story....contenue posting.....i like red attitude....hehehehwag ka ng manhid adrian.....d ko mapigilan mapaluha sa kwento na 2.....we know sa epelouge na nabaliw c red.....huhuhuhhuhuhuhuhuh
ReplyDelete