By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Author’s
Note:
Una ay gusto
ko pong manghingi ng suporta sa aking entry sa PEBA. At this time, kailangan ko
po ng comments sa post mismo, sa entry ko na pinamagatang “Si Angelo, Ang
Kanyang Itay, At Ang Facebook”. Heto po ang link: http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2012/09/si-angelo-ang-kanyang-itay-at-ang.html#comments
Pangalawa,
gusto kong magpasalamat muli sa mga sponsors ng aming Mook Anthology na
pinamagatang “Michael’s Shades Of Blue: 13 Stories of Love, Hunger, and
Paranoia.” Kung hindi po sa kanila, hindi po namin maipa-publish ang aming
libro na ito:
1. Mr. Mister
2. Mr. Gazeebo
3. Mr. Dadi J
4. Mr. Arvin S.
Antolin
5. Mr. Blue
6. Mr. Oliver
Allorent
7. Mr. Ric
8. Mr. Patryck
9. Mr. Neil Christian Oleriana
10. Mr. Ian
11. Mr. Anonymous
B.
12.
Mr. Christian Benitez
Syempre, sa
aming buong team ng writers at artists na sina:
1. Mikejuha
2. Dalisay
3. Rovi (and editor)
4.B enedict
5. Kenji
6. Patrice (and editor)
7. Dhenxo
8. Lui
9. Jon Dmur (guest writer and
editor),
10. Aris (guest writer).
At ang aming mga illustrators
ay sina
1. Mimi (Head)
2. Joji
3. Marlon
4. Mark
5. Patrice
Abangan po ninyo
ang release ng book namin, nasa middle of October, 2012 po ang target.
May Book signing
din po kami para sa Book Anthology at Idol Ko Si Sir on January 26, 2013. Ang tentative
venue ay sa Queszon Avenue, QC. Nandoon po ako sampo ng mga kasama kong writers
at artists ng book. Sana ay supurtahan po ninyo kami sa pamamagitan ng pagpunta
at pagbili ng books.
At para po sa
mga gusto pang bumili ng book na IDOL KO SI SIR, heto po ang mga outlets sa
ngayon:
NBS-Filinvest Alabang
|
Alabang,
Filinvest
|
Powerbook-Alabang
|
Alabang,
Town Cent
|
NBS-Greenbelt
|
Makati
|
NBS-Glorietta 5- Makati
|
Makati,
Ayala
|
Powerbook-Glorietta
|
Makati,
Ayala
|
Powerbook-SM Megamall
|
Mandaluyong
|
NBS-Shangrila Plaza
|
Mandaluyong
|
NBS-SM Megamall
|
Mandaluyong
|
NBS-Robinsons Place Pioneer
|
Mandaluyong
|
NBS-MOA
|
MOA
|
Best
seller Robinsons Galleria
|
Ortigas
|
Bestseller
(Podium)
|
Ortigas Center
|
NBS
Robinsons Galleria
|
Ortigas
|
NBS-Superbranch-Cubao
|
QC,
Cubao
|
Powerbook-Shangrila
|
QC,
Shaw Blvd
|
NBS-Greenhills Missouri
|
San
Juan
|
NBS-Greenhills Plaza-Greenhills
|
San
Juan
|
NBS-SM Sucat
|
Sucat
SM
|
NBS-Shopwise Sucat
|
Sucat,
Shopwise
|
NBS-Bacolod
|
Bacolod
|
NBS-Robinsons Bacolod
|
Bacolod,
Robinsons
|
NBS-SM Bacolod
|
Bacolod,
SM
|
NBS-SM City-Baguio
|
Baguio
|
NBS-Bohol
|
Bohol
|
NBS-Cagayan
|
Cagayan
de Oro
|
NBS-Limketkai Center
|
Cagayan
De Oro
|
NBS-SM City CDO
|
Cagayan
De Oro
|
NBS-Ayala, Cebu
|
Cebu
|
NBS-SM Cebu
|
Cebu
|
NBS-ABCC SM City
|
Cebu,
Consolacion
|
NBS-Abreeza Mall
|
Davao
|
NBS-Davao
|
Davao
|
NBS-SM Davao
|
Davao,
SM
|
NBS-Robinsons Place
|
Dumaguete
City
|
NBS-SM Iloilo
|
Iloilo
|
NBS-Robinsons-Iloilo
|
Iloilo,
Robinsons
|
NBS-SM Lipa City
|
Lipa
City, SM
|
NBS-SM City Naga
|
Naga,
SM
|
NBS-Marquee Mall
|
Pampanga,
Angeles
|
NBS-SM Clark
|
Pampanga,
Angeles
|
NBS-SM City
|
Pampanga,
SM
|
NBS-Subic
|
Pampanga,
Subic
|
Wala po akong
delivery person ngayon kung kaya ay maraming outlets pa ang hindi na deliveran.
Nahirapan man ako sa ganitong set-up na nagrerely lamang sa isang taong hindi
masyadong naramdaman ang aking excitement na makapagdelvier sa mga bookstores,
pagpasensyahan niyo na po muna. Next week, hopefully ay darating na sa Manila
ang aking delivery person na nanggaling ng Mindanao. Sana, mas efficient niyang
magawa ang pagdeliver at iba pang mga dapat gawin as assistant ko habang wala
ako sa Pinas.
Sana ay
magtagumpay ako sa pagbebenta ng book upang patuloy akong maengganyong magsulat
at makapagbigay ng kasiyahan sa inyong mga sumusubaybay at tumataguyod sa MSOB.
Muli, maraming
salamat po.
-Mikejuha-
------------------------------------
Nagtatakbo
ako, hindi alam kung saan patungo, hinayaang ang sariling mga paa ang gumiya sa
akin kung saan man niya ako gustong dalhin.
Hangang sa
naalimpungatan kong nasa isang sulok na pala ako ng central plaza. At noong
nilingon ko ang aking gilid, nakita ko ang bukana ng simbahan. Mistula itong
nang-imbita. Parang may tumulak sa akin upang pasukin ko ang simbahan.
At pumasok ako
sa loob. Walang ginanap na misa sa oras na iyon kung kaya ay halos bakante ang
mga upuan.
Tinumbok ko
ang pinakamalapit na upuan na nasa bukana lang ng simbahan, kung saan din ako
pumasok. Noong nakaupo na, doon ko na pinakawalan ang aking tinimping sama ng
loob. Humagulgol ako na parang isang paslit. Pakiramdam ko kasi ay nag-iisa
lang ako sa mundo at wala akong ibang masumbungan sa aking mga hinaing kundi
ang simbahan.
Lumuhod ako,
nanalangin na sana ay makayanan ko pa ang lahat. Isiniwalat ko sa ang sobrang
bigat ng aking kalooban. Para akong isang batang nagsumbong ng aking mga
hinaing, isiniwalat ang mga nangyari sa aking buhay; na ang taong akala ko ay
kakampi ko at nararapat kong ipaglaban ay siya mismo ang tumiwalag, bumasag sa
kanyang mga pangako at kinampihan pa ang babaeng siyang dahilan kung bakit
hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaala.
“Ang sakit
po.... Ang buong akala ko ay ok lang siya; na malapit na siyang tumiwalag kay
Sophia. Ngunit bigla siyang nagbago. At ang masklap pa ay pakakasalan pa niya
si Sophia.” bulong ko. “Alam ko Lord, marami rin akong kasalanan. Siguro, hindi
ako nababagay na heto, magmakaawa sa iyo kasi, alam ko, pasaway ako. Pero
kasi... wala na akong ibang matatakbuhan eh. Parang sasabog na ang puso ko sa
sobrang sakit ng aking naramdaman. Parang hindi ko na kaya. Kayo rin naman po
ang nagsabi na lahat ng tao ay puwedeng lumapit sa iyo eh; kahit makasalanan,
kahit iyong mga nang-aapi, mga inaapi, mga biktima... Kaya narito po ako. Sana
kahit kaunti lang, pakinggan ninyo ang aking hinaing, bahagihan ng kaunting
awa. Hirap na hirap na po kasi ako eh... Ganito pala ang umibig. Parang Di ko
nga alam kung kasalanan ang magmahal sa kapwa lalaki. Sabi kasi nila, bawal ito
at isang malaking kasalanan. Ngunit hindi ko rin naman alam kung bakit
naramdaman ko ito sa kanya. Hindi ko naman po ginusto ang maging ganito.
Naramdaman ko na lang na nagkagusto ako sa kapwa lalaki. Wala naman pong
nagturo sa akin, walang nag-impluwensya upang maging ganito ako. Basta
naramdamn ko na lang. At noong nakita ko si James, hayun... na in love na ako
sa kanya. Nalilito ako sa aking naramdaman sa kanya. Gusto kong burahin siya sa
aking isip ngunit hindi ko kaya. Hanggang sa may nangyari sa amin at tuluyan
nang nahulog ang loob ko sa kanya. Bakit ba kami nagtagpo? Bakit niyo po
pinayagang magtagpo ang aming landas at makita ko siya? Tapos noong nalaman
kong mahal rin niya pala ako, nawala naman siya sa akin. At ngayon, nakita ko
uli siya, gusto ko siyang ipaglaban ngunit siya naman itong lumalayo. Bakit po
parang tino-torture ninyo ako? Lahat na po ng hirap ay dinanas ko na upang
mabawi ko lang siya ngunit tila napakahirap po niyang abutin. Siya po ba ay talagang
para sa akin? O ito na iyong sinasabi nilang kasi bawal... at ayaw ninyong
mapariwara ang buhay ko. Pero ang sakit sakit po kasi. Kung bibitiw ako sa
kanya, sobrang masakit po kasi, mahal na mahal ko na po siya. Kung hindi rin
ako bibitiw, parang talo na rin ako kasi, siya na mismo itong lumayo.
Masasaktan pa rin ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko Lord. Sana... bigyan
mo na lang po ako ng sign kung bibitiw na lang ba ako o ipagpatuloy ko pa rin
ang paghahabol sa kanya. Pagod na po ako. Ngunit kung bibigyan po ninyo ako ng sign,
pipilitin kong labanan ang lahat ng sakit, aagawin ko pa rin siya kay Sophia...
Ngunit kung ayaw niyo pong ipagpatuloy ko pa ang paghahabol sa kanya, pipilitin
ko na lang din pong tiisin ang sakit. Ganyan naman talaga siguro kapag nasa
ganitong kalagayan. Kadalasan, nangangarap na lang na mahalin... Sana Lord bigyan
niyo na lang po ako ng tanda. Iyan na lang po ang gusto kong hilingin sa inyo.
At kapag nakita ko na ang tanda na iyon, kahit masakit, pilit kong tanggapin at
ilagay sa aking isip na kayo ang gumawa ng desisyon na iyon para sa akin; at
iyon ay para rin sa aking kabutihan.”
Noong natapos
akong manalangin, nanatiling nakaupo muna ako sandali sa loob, hinayaang humupa
ang matinding poot sa aking dibdib atsaka hinugot ang aking panyo, pinahid ang
aking luha at sipon, nilinis ang mukha.
“Igan! Igan!”
ang narinig kong pigil na sigaw sa aking likuran.
Si Ricky.
Nagmamadaling pumasok sa simbahan patungo sa aking kinaroroonan. “Hanap nang
hanap ako sa iyo, bruha ka... nandito ka lang pala!” sambit ni Ricky na pigil pa
rin ang pagsasalita.
“Dito lang ako
nagpunta...”
“Siguro,
pinagnasaan mo ang mahal na poon, ganoon?” ang biro ni Ricky. Alam ko gusto
lang niya akong patawahin.
Ngunit hindi
ako natawa. Napatingin ako sa kanya, iyong tingin na naninisi, pinigilan ang
sariling huwag masabi ang “Hindi ka nakakatuwa.”
“Ok... sorry!
Sorry!” sabay baling ng tingin sa poon at, “Sorry bro... sorry po.” at baling
uli sa akin, “Ang macho talaga ni bro no?” dagdag niyang biro.
“Sige ka...
kapag nainis sa iyo ang poon bibigyan ka niya ng maraming problema.”
“Ay... hindi
rin. Close ata kami niyang si bro. Gabi-gabi kaming nag-uusap niyan bago ako
matutulog. Alam niyang ganito ako, may pagka-kengkoy. Naintindihan niya ako.
Idol ko nga iyan eh!” at baling sa poon, “Di ba bro?” at baling sa akin. “O,
sabi ko sa iyo eh. Tumango siya” turo sa poon.
“Sa labas na
nga lang tayo!” ang sambit ko na lang sa ingay ni Ricky, nag-alala na baka
makita kami ng pari at pagagalitan na sa loob pa mismo ng simbahan kami nagtsikahan.
“Sensya na bro
sa kaibigan kong ito ha? Medyo malaki-laki kasi ang problema niya. Mamayang
gabi bago ako matulog, ikuwento ko sa iyo. Bye...” sambit din ni Ricky na
nakatingin sa poon. At ako pa talaga ang dahilan ng paghingi niya ng pasensya.
Noong nasa
labas na kami ng simbahan, naupo kami sa isang bangko. May malalaking kahoy
kasi roon at maraming sementadong bangko ang nakahilera sa lilim ng mga ito.
Tahimik.
Umakbay sa
akin si Ricky na para bang gusto niyang iparating sa akin na naintindihan niya
ang kalagayan ko. “Kung kaya ka ba nag-walk out sa announcement nila ni
Sophia?”
Tumango ako.
“Wala namang dahilan kung manatili ako sa pagtitipong iyon, di ba? Hindi ko
naman kailangang malaman kung kailan ang kasal, kung sino ang ninong at ninang,
kung saan ang venue, di ba? Hindi na importante sa akin iyon... Para ano pa?”
“Sabagay...”
“Aalis na ako
sa restaurant, Ricky. Bukas na bukas ay magpaalam na ako.” Ang paglihis ko sa
usapan.
“A-ano? Ang
ibig mong sabihin ay gi-give up ka na?” ang sagot ni Ricky na nabigla.
“Hindi ko
alam... wala naman kasing dahilan kung bakit hahabulin ko pa si Marlon, di ba?
Siya na itong kusang lumayo sa akin. Bakit pa ako maghahabol? Para ano ba? Para
namang ang kapal-kapal ko na talaga.”
Napabuntong-hininga
na lang si Ricky. “A-ano ang plano mo ngayon? Hahayaan mo na lang bang tuluyang
lapain na siya ni ng demonyang iyon?
“At ano pa ba
ang puwede kong gawin? Talon a ako Ricky.”
“No-no-no-no-no!
Hindi pa tayo talo, igan. At hinid pa panalo si Sophia.”
“Ano nga ang
gagawin ko? Pipigilan ko ang kanilang kasal? Sisigaw ako sa oras na itatanong
na ng pari kung may tututol ba sa kanilang pag-iisang dibdib?”
“Why not? Di
ba?”
“At ano ang
sasabihin ko sa pari na dahilan? Na nagmahalan kami?”
Napaisip si
Ricky. “Hay naku... ako man ay nalilito sa kalagayan mo. Paano naman kasi,
bakit ba nagbago na naman ang kukute niyang si Sir Marlon? Inumpog mo ba ang
ulo niyan? Kung may pagkakataon lang ako, iumpog ko uli ang ulo niyan sa
semento eh. Naiinis na talaga ako sa kanya!”
“Hayaan na
lang siguro natin siya, Ricky. Wala tayong karapatan sa kanya. Kung may isang
tao man na mas may karapatan sa kanya ngayon, iyan ay walang iba kundi si
Sophia.”
“Utro rin ang
babaeng iyon! Siguro ay may sa demonyong kapangyariahan iyon.”
“Ewan ko...”
Tahimik.
“Basta, hindi
ako makapapayag na magkatuluyan sila, igan! Ayoko!”
“Wala na tayong
magagawa, Ricky. Sa sionabi ko na, talo na tayo. Panalo si Sophia.”
“No-no-no-no-no!
Huwag na huwag mong babanggitin iyan. Hindi ako makakapayag niyan igan. Alam
ko, may paraan pa. Need ko lang ng boys upang gagana muli ang aking utak.”
sabay tawa.
Napangiti na
lang din ako. “Ikaw talaga. Kahit kailan...”
“Gusto ko lang
na tumawa ka, Igan. Pero totoo... hindi ako naniniwalang talo na tayo. May
paraan pa. My paraan pa...”
“Ano nga?”
“Hindi ko lang
alam eh. Basta feeling ko, mayroon pa. Sa klase ng pagkatao ni Sophia, alam
kong may baho pa iyang itinatago na kailangan nating makalkal upang matauhan
iyang prince charming mo na naalipin ata ng kapangyarihan ng bruha.”
“Bahala ka.
Basta bukas na bukas din, mag file na ako ng resignation. At pagkatapos,
hahayaan ko na silang mamuhay ng tahimik, hahayaan ko na rin ang aking sariling
mag move on, upang magsimula nang maghilom ang sugat ng aking puso na gawa ng
bigong pag-ibig ko kay James, pilitin ang sariling mamuhay ng tahimik. Parang gawin
ko na lang na charge to experience ang lahat. Siguro, ganyan lang talaga ang
buhay, kailangan mong dumanas ng lungkot, ng sakit, ng pagkabigo. Parang isang
pagsubok kung papasa ba ako at kayang ipagpatuloy ang buhay.”
“Hay naku...
Sige, kung iyan ang desisyon mo, irerespeto ko iyan. Ngunit sa side ko, hindi
ko hahayaang magtagumpay talaga ang Sophiya na iyan. Makikita mo...”
Kinabukasan,
maaga akong nagtungo sa restaurant dala-dala ang aking resignation letter.
Dire-deretso ako sa opisina na Sophia.
Noong binuksan
ko na ang kuwarto niya, wala akong nakitang tao sa loob. Pumasok pa rin ako
upang ipatong ko na lang ang aking resignation sa ibabaw ng kanyang mesa.
Akmang
tatalikod na sana ako noong napansin ko ang isang brown envelope na naka-usli
sa bahagyang nakabukas niyang drawer. Bigla akong kinutuban. Hindi ko lubos maipaliwanag
kung bakit. Tila may malakas na kapangyarihang nagudyok sa akin na hugutin ang
envelope na iyon, buksan ito, at tingnan kung ano ang nasa loob.
Nilingon ko
muna ang pintuan ng opisina upang makasiguro na walang taong papasok. Nilapitan
ko pa ang pinto at sinilip ang labas. Noong nakitang abala ang lahat sa
kanilang mga trabaho, dahan-dahan kong isinara ang pinto at binalikan ang brown
envelope atsaka dali-daling dinampot iyon atsaka binuksan.
Laking gulat
ko noong nakita ang laman nito: isang lumang tissue na halos brown na ang kulay
at may nakasulat na “Yak... naranasan ko na ang first love. At sa iyo iyon...
–Yak”. Halos ataekhin ako sa sobrang lakas ng kalampang ng aking dibdib. Iyon
ang ang tissue na sinulatan ko sa resto-bar bago kami naghiwalay ni James! At
klaro pa ang mga isinulat ko rito, may petsa pa, may oras, may pangalan ng
restobar at may table number. Klarong-klaro rin ang isinulat kong pamagat ng
kanta na kinanta niya sa akin sa oras na iyon “Beautiful In My Eyes!” Iyon
iyong sulat ko sa tissue isiniksik ko sa kanyang bulsa bago siya pumasok sa bus
at kung saan noong nabasa niya, ay pinahinto niya ang bus at bumalik sa akin at
hinalikan ako, sinabihan na mahal din niya ako at babalik siya para sa akin.
Mistulang
nag-flash back ang lahat ng alaalang iyon sa aking isip. Di ko namalayang
tumulo nap ala ang aking mga luha. Muli kasing nanariwa ang lahat sa pagkakita
ko sa tissue na iyon. Hinahalik-halikan ko ang tissue na parang nababaliw.
Halos maglulundag ako sa tuwa na nakumpirmang si Marlon nga at James ay iisa.
Hindi ko lubos
maisalarawan ang aking naramdaman sa aking nadiskubre. Bagamat may tuwa akong
naramdaman ngunit may galit din dahil sa pagtago ng mga iyon ni Sophia. At may naramdaman
din akong sama ng loob na hayun... siya pala si James ngunit itinakwil na niya
ako.
Tiningnan ko
muli ang loob ng envelope. At kagaya ng inisip ko, naroon din ang aming
litrato. Iyong tatlong kuha namin na inakbayan niya ako, ang isa ay nasa harap
niya ako, nakatayo habang nakaupo siya, at ang isa ay talagang nakakandong ako
sa kanya.
At ang isa
pang nakaka-gulat na nakita ko sa loob ng envelope ay ang bracelet; iyong
ibinigay ni Marlon sa akin nung unang nagkita kami siya ay bilang Marlon. Nawala
ang bracelet na iyon noong dinampot kaming dalawa ni Ricky ng mga taong hindi
namin kilala. Ibig sabihin, may kinalaman si Sophia sa pagdampot sa amin.
“Napakasalbahe talaga ng babaeng iyon!” sigaw ko.
Dali-dali kong
isiniksik muli sa loob ng envelope ang mga bagay na iyon. Tinupi ko ang
envelope upang lumiit atsaka isiniksik sa waistiline ng aking pantalon upang
hindi ito mapansin at matakpan ng aking t-shirt.
Matinding kaba
ang aking naramdaman sa ginawa kong iyon. Pagkatpos kong maitago ang envelope
sa ilalim ng aking waistline, nilapitan ko muli ang aking resignation letter na
nasa ibabaw ng mesa, dinampot ito, tiningnan-tingnan kunyari, binasa-basa,
atsaka ipinatong muli sa ibabaw ng mesa.
Aalis na sana
ako noong sa paglingon ko sa pintuan, naroon pala si Sophia. At nakamasid sa
aking ginawa!
Hindi ko alam
kung nakita niya ang aking pagtago sa brown envelope sa aking beywang ngunit
hindi ako nagpahalata. Inunahan ko na siya ng, “I’m submitting my resignation!”
ang matapang kong sabi.
Hindi siya
natinag sa kanyang kinatatayuan sa may bandang pintuan, tila ba hinarangan ako.
“Ow really???” Ang sarcastic niyang tugon. “How come? you have been fired! And
Marlon fired you! Just yesterday. No one told you?”
“He fired me?
How nice! Tahnk you for poisoning his mind!”
Humalakhak
siya. “Kawawa ka naman Jassim... nag-iilusyon ka pa rin. Alam mo, if I were
you, I’ll find a girl for me.”
“O good you
weren’t me. Because if I were you too, I’d never reach that age... I’d surely
poison myself to death while I was young. It will surely help the world with
one evil gone.”
“Ow really?
Kawawang Jassim. Huwag ka kasing sa lalaki pumatol. Tingnan mo tuloy, talo ka.
At kung anu-ano na lang ang pumapasok sa iyong kukute. Sayang ka. Ang
tali-talino mo, ang guwapo mo... tapos sa lalaki ka lang mai-in love. Tandan
mo, Jassim, ang lalaki ay para lamang sa babae. Ang babae naman ay para lamang sa
lalaki. Kung kaya ay si Marlon, para sa akin lamang. Tama ba ako?” at humalakhak
muli.
“Alam mong
James ang pangalan niya, di ba? Di ba?” ang sigaw ko.
“Oo! At matagal
na! At alam ko ring hindi ka niya kapatid kundi ikaw ay isang baklang
naghahabol lang sa kanya. Tama ba ako?” at humalakhak muli.
“Mali! Dahil
mahal ako ni James! At kung babalik lang ang katinuan niya, siguradong
itatakwil ka niya!”
Tumawa pa rin
siya. “Ilusyunadang bakla!”
“Hindi ka niya
mahal! Napilitan lang siyang magpakasal sa iyo!”
At bigla ko
nalang naramdaman ang malakas na sampal sa aking mukha. Bigla ring nanlilisik
ang kanyang mga mata. “Huwag na huwag kang hahadlang sa aming pagmamahalan ni
Marlon kung ayaw mong may tuluyan na kitang burahin sa mundo!”
“At ikaw rin
ang nagpadukot sa amin? Nagpagahasa sa amin?”
“Owww? Di mo
nagustuhan? ang guguwapo noong mga tauhan kong iyon ah? What a shame!”
“Hayup ka
talaga! Demonyo!!! Mamamatay ka na sana!” ang sigaw ko sabay tumbok sa pinto
kung saan naroon siyang nakaharang, at dire-deretso nang dumaan sa pinto upang
makalabas. Kung hindi lang siya umiwas ay itulak ko na sana siya.
“Bye Jassim!
good luck to your lovelife!” ang sarcastic na sigaw ni Sophia habang
nagmamadali akong makalabas sa main entrance ng restaurant.
“Ipapatay
kita!!!” sigaw ko. Iyon ang huli kong natandaang sinabi ko sa kanya. Alam ko,
narinig iyon ng mga kasama kong crew.
Sa sobrang
galit at sama ng loob ko, hindi ko alam kung saan ako patungo. Noong napadaan
ako sa children’s park, naupo muna ako sa sementong bangko sa gilid nito.
Sa
pagkakataong iyon ay gusto kong umiyak. Ngunit marahil ay dahil sa panggalaiti
ko sa galit na nagmukhang pinaglaruan lang ako ni Sophia, hindi ko magawang
umiyak. Pakiramdam ko ay ang sikip-sikip ng aking dibdib, hindi ko mailabas ang
sobrang bigat ng aking dinadala.
Nanatili akong
nakaupo roon. Pinagmasdan ko ang mga inosenteng paslit na masayang-masayang
naglalaro sa slide, sa swing at see-saw.
Binitiwan ko
ang isang malalim ng buntong-hininga. Nakaramdam kasi ako ng pagkainggit sa
kanila. Mga inosente, walang pakialam sa buhay, ang nasa isip lamang ay ang
maglaro, tumawa, tumakbo, sumigaw sa saya. Pakiramdam ko ay gusto kong bumalik uli
sa aking pagkabata; sa aking kamusmusan.
Nasa ganoon
akong pagmumuni-muni noong napansin ko ang dalawang batang kararating lang na
sa tingin ko ay magkapatid. Ang isang mas bata na nasa lima o anim na taong
gulang lang ay karga-karga sa likod ng kanyang kuya na nasa 12 na taong gulang
naman. At sa tingin ko ay lumpo ang mas batang kapatid dahil maliliit ang mga
paa niya at hindi nito magawang ikilos.
Tuwang-tuwa
ako habang pinagmasdan ang magkapatid. Nakakahawa kasi ang kanilang mga ngiti
at tawa. Bagamat ramdam kong nahirapan sa bigat ng kanyang kinarga ang
nakatatandang bata, bakas pa rin sa kanyang mukha ang ibayong saya.
Nagtatawanan sila habang takbo nang takbo ang kuya, karga-karga sa kanyang
likod ang kapatid. Parehong naghalakhakan, walang pakialam sa mga tao sa
paligid, sa kabila nang may mga kapawa batang nagtitinginan sa kanila. Sumakay
sila sa swing, nag see-saw, at pilit pang umakyat sa slide.
Naantig ang aking
damdamin sa pagkakita ko sa kanila. Iyon bang pakiramdam na hayan sila, hindi
alintana ang hirap na dinanas, masayang-masaya pa rin sa buhay; kasing saya ng
mga normal na bata na nakapaligid sa kanila.
At ang kuya,
hindi niya iniwanan ang kapatid. Kahit mabigat, kinakarga pa rin niya ito, hindi sa kabila ng bigat na
karga-karga. Nagsakripisyo siya upang damayan ang kapatid; upang kahit papaano
ay maipadama niya rito na may taong nagmamahal sa kanya, na may kuya siyang
maaasahan, masasandalan, at hindi bibitiw gaano man kahirap at kabigat ang papasanin
niya, lumigaya lamang ang kanyang bunso.
At ewan kung
ano ang pumasok sa aking kukute noong dumaan sila sa aking harapan at naitanong
ko pa ang, “Siguro ang bigat-bigat niya ano?” sabay turo ko sa batang
kinakarga.
Biglang
napahinto ang kuya at tiningnan ang karga-kargang kapatid.
Hindi
mabura-bura sa aking isip ang tingin niyang iyon sa kapatid niya. Iyon bang
parang isang eksenang nakakaantig ng damdamin. Sa tingin niyang iyon sa mukha
ng kanyang nakababatang kapatid ay tila may hinahanap at hinuhugot siyang
kasagutan.
Nagkatinginan
ang dalawa. Ang sukling tingin ng nakababatang kapatid ay parang may bahid na
lungkot, may di maipaliwanag na takot at insecurity. Parang ang titig niyang
iyon sa kanyang kuya ay nagtatanong ng, “Nabibigatan ka na ba sa akin kuya? O,
mabigat ba talaga ako kuya???”
Ako man ay
nabigla rin sa aking tanong, nagsisi kung bakit lumabas ang mga katagang iyon
sa aking bibig. May naramdaman akong awa sa bunso, nangambang baka magkamaling
sumagot ang kuya niya at masaktan ang bata. Parang lumabas tuloy na
napaka-insensitive ko sa kanilang kalagayan.
Nilingon ako
ng nakatatandang kapatid, may bahid na galit ang kanyang tingin sa akin sabay
bitiw ng padabog at pasigaw na sagot. “Hindi siya mabigat! Kapatid ko siya at
mahal na mahal ko!” atsaka tumakbo patungo sa swing at ipinagpatuloy ang
kanilang masayang paglalaro.
Mistula akong
binatukan sa aking narinig. Isang batang paslit ang nagpakita sa akin ng isang
mukha ng tunay na pagmamahal. Isang musmus ang nagmulat sa aking mga mata kung
ano ang kahulugan ng pagsasakripisyo sa ngalan ng pag-ibig.
At ewan ko rin
ba kung may kaugnayan, bigla kong naalala ang tanda na hiniling ko sa aking
panalangin. Napalingon ako sa simbahan na nasa gilid lang ng park. “Salamat
po... Kung ito po ang mensaheng ipinarating ninyo sa akin, nakuha ko na po. Kagaya ng
kuya ng bata, hindi ako bibitiw kay James, gaano man kabigat ang aking maaaring
pasanin, kahit masaktan ako, magsakripisyo, hindi ko siya bibitiwan. Salamat po.”
ang bulong ko.
Kinagabihan,
nag-usap kami ni Ricky. Sinabi ko sa kanya ang lahat na nadiskubre ko.
“Sabi ko na
nga ba eh! Alam ng bruhang iyon ang lahat. At siya rin ang nagpadukot sa atin!”
“Oo. Tama ka
Ricky. At dahil dito, napagdesisyonan kong huwag bumitiw. Hahabulin ko pa rin
si James. Lalabanan ko si Sophia. Aagawin ko si James sa kanya!” sambit ko
sabay hugot sa aking cp at dinayal ang numero na ibinigay sa akin ng
tingauriang mayor ng mga preso.
“Sino ba iyang
tinatawagan mo?” tanong ni Ricky.
“Isang
kaibigan.” sagot ko. At pinindot ko ang speakerphone para marinig din ni Ricky
ang aming pinag-usapan.
“Hello!” ang
sagot sa kabilang linya.
“Hi... kilala
mo pa ba ako? Ako iyong tinulungan mong makalaya sa kulungan...”
“Ah... ang
poging bata!” sagot niya. “Anong maipaglilingkod ko, bata?”
“M-magpatulong
lang sana ako sa iyo...”
“Bakit? May
ipapatay ka ba?” ang sambit ng preso. Napatingin ako kay Ricky. Hindi ko
akalain na ganoon ka deretsahan ang pananalita niya.
Si Ricky naman
ay napatakip sa kanyang bibig, halatang nabigla sa narinig at sa hindi niya
akalaing may contact na pala akong tao na handing pumatay. Siguro ay naisip
niyang ganoon na lang pala kadali para sa akin ang magpapatay ng tao.
At dahil
nag-aalangan akong sabihin sa preso ang pakay ko, natakot na baka iba ang
isipin ni Ricky sa akin, sinagot ko na lang siya ng, “M-mamaya na lang,
mag-usap tayo. Basta tulungan mo ako please...”
“Basta ikaw, bata.
Walang problema.”
Iyon lang.
Kahit papaano, may naramdaman akong sense of security. Para bang sa sisip ko
lang, “Napakadali lang pala.”
“Igan!
Ipapatay mo ba talaga siya? Totohanin mo ang banta mo sa kanya sa restaurant?”
“Bakit narinig
mo?”
“Narinig ng
lahat! At ang sabi nga nila ay, sana raw ay totohanin mo.”
“Bakit?
Naniniwala ka ba talagang kaya kong ipapatay siya?”
“Hindi nga ako
makapaniwalang tatawagan mo talaga ang preso na iyon eh. Kaya nga tinanong kita
kung ipapatay mo ba talaga siya?”
“Maghintay ka
lang. Basta may plano ako” ang sambit ko na lang.
“Paano iyan,
sa sunod na linggo na raw ang kasal nila?”
At doon na
naman ako nalungkot. “A-ang bilis naman...”
“Nagmamadali
siguro ang haliparot na baka magbago pa ang isip ni Sir Marlon.”
“At isa rin
ang taong iyaon. Iba na ang napansin ko kay Marlon eh. Parang nag-iba na siya
Ricky. Napansin mo ba?”
“Oo...
palaging late sa trabaho, parang palaging lasing o naka-droga, pulang-pula ang
mga mata, naka-shades palagi, at suplado siya huh! Parang nahawaan sa ugali ni
Sophia! At ang kanyang pananamit, naka-maong lang kapag pumasok, naka-t-shirt,
at minsan ay nakasandal lang. Ibang-iba talga siya Igan! Parang walang modo.
Parang ugaling kanto at adik lang.”
“Di kaya dahil
sa kanyang karamdaman iyan?”
“Na-amnesia
uli? Ano yang klaseng amnesia niya? Parang time machine na kapag naumpog, nasa
ibang panahon? At kailangan i-umpog nang paulit-ulit hanggang sa mahanap ang
tamang panahon niya?”
“Ewan ko
rin... Di ko masagot.”
“S-sa kasal
nila igan... dadalo ka ba?”
“Dadalo ako.
May plano akong gagawin doon.”
“S-sure ka?
Baka masaktan ka lang?”
“Aagawin ko
siya kay Sophia, di ba?”
“Oo... pero
paano mo siya agawin?”
“Basta...”
Dumating ang
takdang araw ng kasal. Malungkot ako, syempre, ikakasal na si James. Ngunit
pilit na nagpakatapang ako. At ang isang kunswelo sa isip ko lang ay kung Marlon Ibanez ang gamit niyang pangalan sa pagpapakasal, magiging walang
bisa iyon kapag nanumbalik na ang kanyang alaala. Kasi ang legal niyang
pangalan ay James Andres. Kaya may habol pa rin ako.
“Akala ni Sophia
ay magtagumpay na siya. Akala niya maisahan niya ako!” sa isip ko lang.
Kasama ko si
Ricky, pumuwesto kami sa bandang gitna ng simbahan, ako sa gilid mismo ng
pasilyo. Kahit wala kaming invitation, nagmukha naman kaming mayaman kung kaya
ay hindi kami nahalata na mga gate crashers lang.
“Ang ganda ng
mga dekorasyon igan! Sana kapag ikinasal ako, ganito rin.” Sambit ni Ricky.
“Huwag kang
mangarap. Hindi ikinakasal ang mga bakla sa Pinas!” ang pagsupalpal ko pa.
“Ito naman.
Nangarap nga lang eh…”
“O sige, mangarap
ka. Libre naman iyan eh.”
Maraming tao
ang dumalo. Mga mayayaman lahat. De-kotse, mga pulitiko, mga negosyante, mga de
kalibre. Syempre, maganda rin ang mga palamuti sa simbahan, punong-puno ng mga
bulaklak na mamahalin ang altar, ang pasilyo, ang dingding ng simbahan.
Nagsimula ang
kasal. Unang nagmartsa si Marlon na sinundan ng kanyang best man at mga groom’s
men. Noon ko lang din nakita ang best man na iyon. Ewan kung saan niya naging
kaibigan ang taong iyon. Nakakalungkot dahil ako ni hindi niya magawang kahit
pakunsuwelo man lang na imbitahing maging best man o isa sa mga groom’s men. Ni
invitation letter ay hindi ako binigyan.
Ramdam ko ang
pagsikip ng aking dibdib lalo na noong nakita ko si James na napaka-guwapo sa
kanyang suot na Amerikana. Pakiwari ko ay talagang kagustuhan niyang makasal
kay Sophia. Abot-tainga ang kanyang ngiti at parang walang mapagsidlan ang
kanyang kaligayahan, kabaligtaran sa aking naramdaman. Parang gusto kong
umiyak. Parang gusto kong maglupasay sa sakit ng aking kalooban.
Ngunit pinilit
kong maging matapang, magpakatatag, magpaka-civil. Pinigilan ko rin ang
sariling huwag dumaloy ang aking mga luha.
Ang sunod na
nagmartsa ay si Sophia, na inihatid ng kanyang ama. Kitang-kita ang ibayong
saya sa kanyang mukha. Maganda ang kanyang damit pangkasal. Maganda rin siya...
marahil ay dahil sa makapal na make up o dahil may inggit lang akong nadarama. Hindi
ko alam. Basta ang alam ko, ay tila umuusok sa galit ang aking dalawang tainga.
Sobrang tindi ng galit ko talaga sa kanya. Ngunit tinimpi ko lang ang lahat. “Mamaya
ka lang...” sa isip ko.
Dumating sa
puntong nagtanong ang pari ng, “Kung sino man ang may pagtutol sa kasal na ito,
magsalita na ngayon bago pa man maging huli ang lahat...”
Tahimik. Sa
sobrang tahimik ay mistulang maririnig mo kung may babagsak na karayom sa paligid
dahil tindi ng katahimikan.
“Tinatanong ko
muli, wala bang tututol?” sambit uli ng pari
At doon na ako
tumayo at nagsalita. “Ako Padre! tutol po ako!”
Nagkatinginan
ang lahat ng mga tao sa akin, ang iba ay nanlaki ang mga mata, ang iba ay
nagbubulungan.
At noong
tiningnan ko si Sophia, halos hindi ma-drawing ang kanyang mukha sa tindi
marahil ng kanyang galit na gumawa pa talaga ako ng eksena.
Lumingon din
si Marlon sa akin. Seryoso ang kanyang mukha na mistulang may bahid na galit
din.
“At ano naman
ang dahilan, hijo at tutol kang ipagpatuloy ang kasal ng dalawang ito?”
“May amnesia
po ang groom, Padre. Hindi po Marlon Ibanez ang kanyang pangalan...”
Na siyang lalo
pang pagtindi ng bulung-bulungan ng mga naroon.
Nagpatuloy pa
ako, “Ang tunay po niyang pangalan ay James Andres na taga-Mindanao at dati po
siyang nagtatrabao bilang security guard sa aming baranggay. Napilitan po
siyang umuwi, sumakay ng bus patungo ng Mindanao dahil na-stroke ang kanyang
inay ngunit nabangga ang kanyang sinasakyang bus at iyon ang dahilan ng kanyang
pagka-amnesia. Patay ang lahat na pasahero ng bus. Ngunit lingid sa kaalaman ng
marami, may isang taong buhay sa aksidenteng iyon; si Marlon. At si Sophia po ang
nakakita sa kanya sa bangin. Sa kanyang pagka-amnesia, itinago siya ni Miss
Sophia at binigyan ng panibagong identity, sa pagkatao ni Marlon Ibanez. Hindi siya
ipinagamot ni Sophia upang hindi na manumbalik pa ang kanyang alaala at tuluyan
niyang maangkin si Marlon na James ang tunay na pangalan. Para sa kaalaman ng
lahat... ninakaw po ni Sophia ang tunay na pagkatao ni James. At nais ko pong
maipagamot si James upang makauwi na sa kanila sa Minadanao at makita ang naghintay,
nag-iisa, at nakakaawa niyang ina na biktima ng stroke...”
mlakas ang kutob qng ndi c james/marlon yan
ReplyDeleteplagay q ang tunay ay nktago sa bahay nia, ung tunog na knatakutan ni jassim dti
nkakaexcite na mga pangyayari, anu kea ung plano ni jassim?
Salamat po sa update ... Kuya Mike..more and more... bitin na naman...para po sa inyong kaalaman... nag-comment na po kami sa pan-laban ninyong katha for PEBA 2012 -- hindi dahil sa takot na walang updates kundi bilang pasasalamat sa mga obrang ibinabahgi ninyo... Salamat po... paano po makakabili ng Anthology at Idol ko si Sir ang inyong mga 'silent' follower mula sa ibang bansa??? - California-closet
ReplyDeletecalifornia closet, pede ata dito sa online nila http://central.com.ph/bookstoreplus/genrenav/Fiction/
DeleteTC
Ang taray ng eksena...ang bigat teh pero like na like kos sya..
ReplyDeleteKuya Mike, si James ba talaga yun? Baka niplastic surgery lng ni sophia para kamukha ni james? Haha!
ReplyDeleteNext na.
Sino nga kaya yung preso?
Bong ga Wwhooow my good go go go....
ReplyDeleteI agree w lawfer idea. Nice tlaga ang flow ng story. Bitin nga lng. Tnx s update.
ReplyDeleteYung pag gumagawa si Sir Mike ng isang chapter akala mo na eto ang mangyayari, ganyan pero bago matapos ang chapter may twist na naman. Ang galing talaga. Whoooo.
ReplyDelete_John Allen Bantay
di si james yan... impostor pa rin yan kasi kung si james yan marerecognize nya si jassim... hihihi..
ReplyDelete,asan na po yung next chapter?
ReplyDeletewaaahhh! bitin naman! .. siguro mapapahiya lang si Jassim ! kasi hindi yan ang totoong James/marlon! >.<! xD
ReplyDeletenext na idol! bakit ang tagal ng next?? hehe.. xD
update na po please. salamat :DD
ReplyDelete