Followers

Friday, July 27, 2012

Munting Lihim Teaser Part 2 (Maipost na bukas)


Gagawin ko pong libro ito ngunit hinid ko matiis ang hindi magpasilip kahit hanggang part 2 lang muna. Ngunit bukas niyo rin malalaman kung ano ang munting lihim na ito...

Heto ang part 1 na naipost ko na  -

http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search/label/Munting%20Lihim%20%28Synopsis%29

Heto naman ang synopsis: 
 
Si Alvin ay 7 taong gulang pa lamang noong maging close niya ang kinakapatid na si Andrei. Close din ang mga magulang nila kung kaya lalo pa nilang kilala ang isa't-isa.

Noong nasunugan ng bahay sina Andrei, sa bahay nina Alvin sila tumira. Sa panandaliang pagiging isa ng pamilya nina Andrei at Alvin naging mas tumibay pa ang kanilang samahan at emotional bond. Dagdagan pang pareho silang solong anak ng kanilang mga pamilya kung kaya match ang kanilang emotional dependency sa isa’t-isa, bilang mag-“kuya”.

Normal lang naman ang kanilang pagiging close, maliban sa sobrang pag-iidolo ng batang si Alvin sa kanyang kuya Andrei. Para sa kanya, ang kuya Andrei niya ay isang hero, best friend, kuya, tatay, tagapagtanggol, barkada, nag-iisang taong nand'yan para sa kanya... all in one. At wala rin namang duda na mahal ni Andrei ang kanyang kinakapatid na "bunso".

At kagaya ng lahat na mag-close friends, may mga bagay silang nakasanayan; mga harutan, kantyawan, asaran, at... munting lihim.

Ngunit dumating ang isang malaking desisyon sa pamilya ni Andrei; ang umalis sa lugar nila at hanapin ang kanilang kapalaran sa Maynila. Dahil bata pa lang si Alvin, hindi niya ito lubusang maintindihan kung bakit kailangang lumayo ang kuya niya sa kanya. Sa araw ng paglisan ni Andrei, gumuho ang mundo ni Alvin. Pinangakuhan si Alvin ng kanyang kuya Andrei na babalikan, na magsulatan sila habang nasa malayo sa isa't isa, at na higit sa lahat, ay iingatan niya ang kanilang munting lihim. Binigyan din siya ng singsing, at litrato na may nakasulat na dedication; iniwanan din sa kanya ang isang kanta upang, ayon sa kanyang kuya, ay kakantahin niya habang tinitingnan-tingnan ang kanilang litrato at mga ala-ala -

 (Salamat kay Alvin sa video na ginawa niya para dito)

Yesterday I felt the wind blowing 'round my shoulder
Feel like I'm getting older
Still I can't forget your face

Separated by a million miles of ocean
My heart still feels emotion
Even in this lonely place

Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home

Lately I just find my mind has turned to dreamin'
Making plans and scheming
How I'm gonna get back home

But deep down inside I know it's really hopeless
This road I'm on is endless
We climb our mountains all alone

Old photographs and places I remember
Just like a dying ember
That's burned into my soul
Even though we walk the diamond-studded highways
It's the country lanes and byways
That makes us long for home

Sumulat ang kuya niya ng isang beses. Ngunit iyon lang ang natatanging sulat na natanggap niya sa kabila nang maraming sulat na ipinadala niya. Taliwas sa ipinangako ng kanyang kuya, nawalan sila ng contact sa isa't-isa.

Nagdamdam ang batang si Alvin. Ngunit dahil bata pa ito, madali rin niyang nalimutan ang lahat at natanggap na tuluyan nang kinalimutan siya ng kanyang kuya.

Noong umabot na siya sa edad 15, akala niya ay wala na siyang maramdamang lungkot sa paglisan ng kanyangkuya; na tuluyan nang mabura ang ang lahat ng kanilang alaala. Ngunit may may isang malalim na marka ang naukit sa isip niya sa mga alaalang iniwan si Andrei na hindi niya kayang burahin; isang marka na parang multong nagdulot ng takot at pangamba sa kanyang buhay.

At ang “multong” ito ay ang kanilang "munting lihim" na ipinangako niyang iingatan. Ito ang dahilan kung bakit nagulo ang isip ni Alvin at tuluyang bumaligtad ang kanyang mundo.

At ito rin ang dahilan kung bakit unti-unting napalitan ng galit ang pagmamahal niya sa kanya Anrei niya...

Ano ang munting lihim na ito?

Sa kwentong it ay kaawaan ninyo si Alvin, maari ring kainisan. Ngunit marami sa atin ay may buhay na kagaya ng kay Alvin. Habang binabasa ninyo ang kuwento, parang sasanib sa inyo ang katauhan ni Alvin at maramdaman sa puso ang tatahakin niyang lungkot, galit sa mundo, kilig, gawaing kabulastugan, pagkadapa... Ang pakiramdam na sumuko sa mga hamon ng buhay at pag-ibig, ang pilit na pagtayo, ang pakikipaglababan sa kanyang karapatan at naramdaman...

Munting lihim.

Abangan.

7 comments:

  1. Can't wait to read this...

    don heckie zedlav
    Aloha

    ReplyDelete
  2. Wow Ang ganda... matagal ko na itong sinubaybayan last march 2012 jejeje... sobrang ganda po kuya mike.. isa naman po itong obra maestrang kwento.. Alam ko daming makakrelate nito... Ingat po kuya mike.... SAna po ma post nyo na po ito...



    VInz_Uan

    ReplyDelete
  3. bago ko pa basahin magcomment muna ako... FINALLY... DUMATING DIN ANG INAANTAY KO :)

    ReplyDelete
  4. Salamat sir mike sa mga obra mo....

    ReplyDelete
  5. sir wala pa po ba ung ending??
    salamat ppo!!

    ReplyDelete
  6. gudpm sir....just wanted to ask....available pa po ba sa bookstore ung libro? if not... san po pdeng maka avail ng kopya? this is the first time na tlgang nagusuhan ko ang flow ng story.... hope to receive a response from u... salamat po :-)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails