Gagawin ko pong libro ito ngunit hinid ko matiis ang hindi magpasilip kahit hanggang part 2 lang muna. Ngunit bukas niyo rin malalaman kung ano ang munting lihim na ito...
Heto ang part 1 na naipost ko na -
http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/search/label/Munting%20Lihim%20%28Synopsis%29
Heto naman ang synopsis:
Si Alvin
ay 7 taong gulang pa lamang noong maging close niya ang kinakapatid na si
Andrei. Close din ang mga magulang nila kung kaya lalo pa nilang kilala ang
isa't-isa.
Noong
nasunugan ng bahay sina Andrei, sa bahay nina Alvin sila tumira. Sa panandaliang pagiging
isa ng pamilya nina Andrei at Alvin
naging mas tumibay pa ang kanilang samahan at emotional bond. Dagdagan pang pareho
silang solong anak ng kanilang mga pamilya kung kaya match ang kanilang emotional
dependency sa isa’t-isa, bilang mag-“kuya”.
Normal
lang naman ang kanilang pagiging close, maliban sa sobrang pag-iidolo ng batang
si Alvin sa kanyang kuya Andrei. Para sa kanya, ang kuya Andrei niya ay isang
hero, best friend, kuya, tatay, tagapagtanggol, barkada, nag-iisang taong
nand'yan para sa kanya... all in one. At wala rin namang duda na mahal ni
Andrei ang kanyang kinakapatid na "bunso".
At kagaya
ng lahat na mag-close friends, may mga bagay silang nakasanayan; mga harutan,
kantyawan, asaran, at... munting lihim.
Ngunit
dumating ang isang malaking desisyon sa pamilya ni Andrei; ang umalis sa lugar
nila at hanapin ang kanilang kapalaran sa Maynila. Dahil bata pa lang si Alvin, hindi niya ito
lubusang maintindihan kung bakit kailangang lumayo ang kuya niya sa kanya. Sa
araw ng paglisan ni Andrei, gumuho ang mundo ni Alvin. Pinangakuhan si Alvin ng kanyang kuya
Andrei na babalikan, na magsulatan sila habang nasa malayo sa isa't isa, at na higit
sa lahat, ay iingatan niya ang kanilang munting lihim. Binigyan din siya ng singsing,
at litrato na may nakasulat na dedication; iniwanan din sa kanya ang isang
kanta upang, ayon sa kanyang kuya, ay kakantahin niya habang tinitingnan-tingnan
ang kanilang litrato at mga ala-ala -
(Salamat kay Alvin sa video na ginawa niya para dito)
Yesterday I felt the
wind blowing 'round my shoulder
Feel like I'm getting
older
Still I can't forget
your face
Separated by a million miles of ocean
My heart still feels
emotion
Even in this lonely
place
Old photographs and
places I remember
Just like a dying
ember
That's burned into my
soul
Even though we walk
the diamond-studded highways
It's the country
lanes and byways
That makes us long
for home
Lately I just find my mind has turned to dreamin'
Making plans and
scheming
How I'm gonna get
back home
But deep down inside I know it's really hopeless
This road I'm on is
endless
We climb our
mountains all alone
Old photographs and
places I remember
Just like a dying
ember
That's burned into my
soul
Even though we walk
the diamond-studded highways
It's the country
lanes and byways
That makes us long
for home
Sumulat
ang kuya niya ng isang beses. Ngunit iyon lang ang natatanging sulat na
natanggap niya sa kabila nang maraming sulat na ipinadala niya. Taliwas sa
ipinangako ng kanyang kuya, nawalan sila ng contact sa isa't-isa.
Nagdamdam
ang batang si Alvin.
Ngunit dahil bata pa ito, madali rin niyang nalimutan ang lahat at natanggap na
tuluyan nang kinalimutan siya ng kanyang kuya.
Noong
umabot na siya sa edad 15, akala niya ay wala na siyang maramdamang lungkot sa
paglisan ng kanyangkuya; na tuluyan nang mabura ang ang lahat ng kanilang
alaala. Ngunit may may isang malalim na marka ang naukit sa isip niya sa mga
alaalang iniwan si Andrei na hindi niya kayang burahin; isang marka na parang
multong nagdulot ng takot at pangamba sa kanyang buhay.
At ang “multong”
ito ay ang kanilang "munting lihim" na ipinangako niyang iingatan. Ito
ang dahilan kung bakit nagulo ang isip ni Alvin at tuluyang bumaligtad ang kanyang
mundo.
At ito
rin ang dahilan kung bakit unti-unting napalitan ng galit ang pagmamahal niya
sa kanya Anrei niya...
Ano ang
munting lihim na ito?
Sa kwentong it ay kaawaan ninyo si Alvin, maari ring
kainisan. Ngunit marami sa atin ay may buhay na kagaya ng kay Alvin. Habang
binabasa ninyo ang kuwento, parang sasanib sa inyo ang katauhan ni Alvin at
maramdaman sa puso ang tatahakin niyang lungkot, galit sa mundo, kilig, gawaing
kabulastugan, pagkadapa... Ang pakiramdam na sumuko sa mga hamon ng buhay at
pag-ibig, ang pilit na pagtayo, ang pakikipaglababan sa kanyang karapatan at
naramdaman...
Munting
lihim.
Abangan.
Can't wait to read this...
ReplyDeletedon heckie zedlav
Aloha
Wow Ang ganda... matagal ko na itong sinubaybayan last march 2012 jejeje... sobrang ganda po kuya mike.. isa naman po itong obra maestrang kwento.. Alam ko daming makakrelate nito... Ingat po kuya mike.... SAna po ma post nyo na po ito...
ReplyDeleteVInz_Uan
sounds interesting mike ah. he he he
ReplyDeletebago ko pa basahin magcomment muna ako... FINALLY... DUMATING DIN ANG INAANTAY KO :)
ReplyDeleteSalamat sir mike sa mga obra mo....
ReplyDeletesir wala pa po ba ung ending??
ReplyDeletesalamat ppo!!
gudpm sir....just wanted to ask....available pa po ba sa bookstore ung libro? if not... san po pdeng maka avail ng kopya? this is the first time na tlgang nagusuhan ko ang flow ng story.... hope to receive a response from u... salamat po :-)
ReplyDelete