By: Mikejuha
Email: getmybox@hotmail.com
Author’s
Note:
Sige nga, try
na nga nating mag greet ng mga commenters: Hi to Riley, emandeegee, Andy,
Jm_virgin2009, iRead, santuaantolin (Arvin), Mike, Almondz, Marlon Lopez, Ramm,
Makki, Vinz_uan, Mars, rob dela cruz, milesDYOSA, at sa mga anonymous na
commenters.
At salamat din
sa mga followers at silent readers. At syempre, maraming salamat din sa mga
kapwa ko writers at mga contributors ng MSOB na siyang nagpasigla pa rin sa MSOB.
At oo nga
pala, mayroon po akong ginawang group sa fb, “Mikejuha’s friends”. Kung gusto
po ninyong sumali, pm me lamang po para ma add kayo. Secret group kasi ito.
Also, paki like naman din sana ang fb page ng “Idol Ko Si Sir by mikejuha” at
ang fb Fanpage ng Michael’s Shades Of Blue.
At oo nga
pala, wala pa tayong model face nina Jassim at James. Naghahanap pa...
-Mikejuha-
---------------------------------------------
Napahinto ako
sa bukana ng pintuan ng opisina at nilingon si Marlon, sinigurong tama nga ang
aking narinig na sasama siya sa akin.
Ngunit nabigla
rin ako noong, “James, wait...” ang pagsingit ni Sophia.
Lumingon si Marlon
sa kanya na kasalukuyang nakatayo na at naglakad patungo sa pinto kung saan ako
nakatayo. “Yes???” sagot niya.
“Ok... papayag
na akong tangagpin natin iyang si Jassim. Huwag ka lang umalis please...”
Nilingon ako
ni Marlon. “I’ll just call you, Jassim. Please wait outside...” sambit niya.
At hindi pa
ako tuluyang nakalabas ng kuwarto, agad na siyang niyakap ni Sophia at
hinalikan, nilalambing pa. “Totoo pala ang sabi ni Ricky na demonya ang amo
nilang babae... Takot naman palang iwanan eh.” bulong ko na lang sa sarili.
Tinungo ko ang
upuan sa labas ng office ni Marlon at doon naghintay. Pailing-iling na lang
ako. Syempre, sobrang sakit na nakita ng aking dalawang mga mata na niyakap ng
babaeng iyon si Marlon, na sa isip ko ay si James talaga. At lalo pa noong
sumagi rin sa utak ko kung ano ang kanilang ginagawa sa loob. “Sigurado hindi
lang sila nagyakap; naghahalikan pa sila o may mas matindi pa kaysa halik silang
ginagawa sa loob...” sa isip ko lang. Napabuntong-hininga na lang ako.
May 15 minutos
din akong naghintay. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto sa opinsin ni Marlon at
nakita kong lumabas si Sophia. Noong nakita niya ako, biglang sumimangot ang
mukha niya at tinitigan ako nang napakatulis na para bang may pananakot o pagbabanta.
“Jassim, come
in!” ang sambit naman ni Marlon na sumilip lang sa pintuan at tinawag ako.
Tumayo ako.
Hindi ko na pinatulan pa ang matulis na titig sa akin ni Sophia. Tinumbok ko
ang pinto sa opisina ni Marlon atsaka dali-daling pumasok, umupo sa dating inupuan.
“Pasensya ka
na kanina ha? Ganyan lang talaga iyang si Sophia... Kailangan pang takutin.”
Sabay bitiw ng tawa. Ewan kung totoong tawa iyon o gusto lamang niyang i-play
down ang nangyari. Nag-takutan kaya sila sa harap ko.
Binitiwan ko
na lang ang isang hilaw na ngiti. Hindi na ako sumagot.
“Pagpasensyahan
mo na rin siya ha? Magiging amo mo rin iyan kung kaya intindihin mo na lang.”
dugtong pa niya.
“O-ok lang po iyon,
Sir... Masasanay rin siguro ako.”
“Alam mo...
marami pa sana
akong itatanong sa iyo eh. Naintriga kasi ako sa mga sinabi mo sa akin tungkol
sa kuya mong hindi na sumipot na sabi mo ay kamukha ko. Pogi pala ng kuya
mo...” biro niya sabay tawa. “Sabagay pogi ka rin naman kaya hindi malayong
pogi rin ang kuya mo.” Dugtong pa niya.
Ngumiti na
lang ako.
“Marami pa
sana akong gustong itanong sa iyo. Mukhang interesante kasi eh. Kaso...”
tiningnan ang relo niya “...may meeting pa ako with branch managers ng MCJ
Chain. Pero sa ibang pagkakataon na lang. Marami pa naman di ba? I’ll find time
na magkausap tayo.”
“S-sige po
Sir. Aasahan ko po iyan.”
“Good. At
bukas na bukas din, magreport ka na rito. Kilala mo si Ricky, di ba? Siya ang
mag-orient sa iyo regarding your time schedule, assignment, etc.” Sambit niya
sabay tayo at inabot sa akin ang kanyang kanang kamay.
Tinanggap ko
ang kanyang pakikipagkamay. “Salamat po uli Sir.”
“See you
tomorrow, Jassim!”
Noong
nakalabas na ako sa office niya, nagkataon namang nakita ko si Ricky na
naka-unipormeng pag eskwela na. May night class daw kasi siya kung kaya deretso
na siya patungo sa school. Sinabayan ko na siya. Iisa lang kasi ang aming rota
at halos nasa bungad lang ng unibersidad namin ang aking boarding house.
“Yeeeyyy!
Natanggap ka talaga, igan?” sambit ni Ricky noong nakasakay na kami ng
tricycle.
“Oo...
nag-argumento pa nga sila eh. Ayaw ni Ma’am Sophia sa akin.”
“Hmmpt!
Kontrabida talaga ang demonyang iyan! Kahit kailan. Epal...”
Napangiti na
lang ako nang hilaw.
“Ngunit nakuha
talga sa luksong-dugo, igan!”
“Luksong-dugo?
A-ano iyon?”
“Iyon iyong
kahit di niya alam na magkapatid kayo, may instinct na nag-udyok sa kanya na
tanggapin ka. Iyon iyong pakiramdam ng pagkagaanan ng loob sa taong nakita niya
kahit hindi pa niya kilala ito. Mayroong ganyan eh. Sa unang tingin pa lang ay
makikita mo na kaagad na parang excited ka sa tao.”
“G-ganoon ba
iyon?” ang tila may halong guilt ko namang sabi. Paano naman kasi, hindi naman
totoong kuya ko iyong tao. Para tuloy gusto ko nang bumigay at isiwalat kay
Ricky ang lahat. Ngunit nanaig pa rin ang takot sa isip ko na baka hindi niya
ako maintindihan o di kaya ay magalit siya sa akin na nagsinungaling ako.
“Oo. May
ganyan... at totoo iyan.”
“A-ano pala
ang magignig trabaho ko?” ang paglihis ko sa usapan.
“Bukas ituturo
ko sa iyo lahat. Maaga kang magreport ha?”
Tumango ako.
“At iyang
Sophia, kahit anong gawin niyang pang-iinis, tiisin mo. Ganyan talaga iyan. Ang
trabaho niyan ay ang pang-aasar at pagdagdag ng pasakit sa mga tao ni Sir
Marlon. Insecure kasi iyan eh. Kahit lalaki pinaghihinalaan, pinagseselosan.
Kaya kung gusto mong mapalapit sa kuya mo, tiisin mo ang lahat, ok?”
“Oo Ricky.
Tiisin ko ang lahat.” Sambit ko. At sa isip ko lang, “Dahil sa pagmamahal ko
kay James... kakayanin ko.”
At kinabukasan
nga, maaga akong nagpunta ng restaurant. Dahil sarado pa ito noong dumating
ako, naupo muna ako sa isang gilid sa labas, sa sementadong box na tinaniman ng
mga bulaklak. Syempre, may kaba akong naramdaman bagamat may kaunting
excitement din. First time ko kayang magtrabaho. At ini-expect kong pag-initan
talaga ako ng among babae namin. Alam kong may hinala siyang may alam ako sa
pagkatao ni Sir Marlon, kung siya nga talaga si James. At iyon ang
kinatatakutan ko. Sino ba ako upang banggain ang isa sa pinakamayamang angkan
sa lugar na iyon. Isang hamak lang akong estudyante na kung hindi nagkaroon ng
scholarship ay baka hindi pa nga makapag-aral. Ngunit kailangan ko ring malaman
ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Sir Marlon. Kung siya man si James, nais
kong matulungan siya upang makauwi at masilayan niya ang kanyang ina. “Kahit
hindi na lang para sa naramdaman ko. Kahit hindi na niya ako maalala, ok lang.
Ang mahalaga ay ang maibalik siya sa tunay niyang pamilya...” bulong ko sa
aking sarili sabay bitiw ng malalim na buntong-hininga. Parang nakikinita ko
kung gaano kahirap ang landas na tatahakin ko. Ngunit dahil sa pagmamahal ko
kay James, gagawin ko ang lahat, haharapin ko ang ano mang sakripisyo para sa
kanya.
Nahinto ako sa
aking pagmumuni-muni noong may biglang humintong sasakyan sa aking harapan. Kalsada
pala patungong parking area ang harap ng aking inuupuan. “Good morning! Ang aga
natin ah!” sigaw noong nasa loob ng kotse.
Si Marlon.
Bigla namang
gumaan ang aking pakiramdam sa pagkakita sa mukha niyang nakangiti sa akin.
Pakiwari ko ay tumalon-talon ang puso ko sa sobrang galak, nawala ang aking mga
pagaagam-agam. Nasilayan ko na naman ang pamatay niyang ngiti, ang hayop niyang
porma. “Good morning po!” ang sagot ko.
“I’ll just
park my car and wait for me there.” Utos niya.
Noong
nakabalik na siya, minuwestrahan niya akong sumunod. Binuksan ng guwardiya ang naka-lock
na entrance. Sumunod ako sa kanya hanggang sa loob ng kanyang office. Noong
nakaupo na siya, umupo rin ako sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.
“Are you free
tonight at 7?”
Hindi ako
nakasagot agad, ni-recall sa isip kung may klase ako sa nasabing oras. “Free po
ako sir.” Sagot ko.
“Well then, good!
Magkita tayo sa restobar na malapit sa plaza. Alam mo ba ang lugar na iyon?”
“Yes Sir. Alam
ko po ang lugar.”
“So tonight at
7? Doon na tayo magkita.”
“Ok po...”
“Sige,
puntahan mo na si Ricky. I’m sure nand’yan na siya.”
Lumabas ako sa
opisina niya na tila nakalutang sa ere. Sobrang saya ko sa kanyang sinabi. “Ano
iyon? Date??? Sa isip ko lang.
Binigyan ako
ni Ricky ng orientation tungkol sa aking assignments, mga dapat at hindi dapat
gawin sa oras ng trabaho, kung paano i-deal ang mga customers. Binigyan din
niya ako ng tip kung paano i-deal si Ma’am Sophia.
“Iyang amo
nating babae, kulang sa pansin iyan. Kapag naunahan mo ng papuri kagaya nang,
‘Good morning miss Sophia! Ang ganda-ganda po ninyo ngayon ma’am! Bagay na bagay
po sa inyo ang suot ninyo, o ang make-up ninyo o ang lipstick ninyo... Ang
bango-bango niyo po...’ Ganyan, at bibigay na agad iyang haliparot, ngiti at
magta-thank you na sa iyo. Sa buong araw na iyan, hindi ka niya aasarin, hindi
ka niya pagtripan. Ganyan ka kulang sa pansin ang amo natin. Palibhasa, guwapo
ang amo natin at iniidolo pa ng mga kasama natin sa work, kung kaya gusto rin
niyang maglevel up. Ganyan siya ka-desperada ” Sabay tawa.
Napangiti naman
ako.
Pagkatapos namin
sa orientation, binigyan ako ni Ricky ng uniporme atsaka tinumbok na namin ang
area kung saan sasabak na ako sa trabaho. Nagpunta muna si Ricky sa CR habang
ako ay dumeretso na.
Hindi pa man
nakarating sa dining ay nakasalubong ko na si Sophia. At tinitigan niya ako, iyong
titig pa rin na matulis, parang nagbabanta, at nakasimangot pa. Bigla kong
naalala ang sinabi ni Ricky na bolahin ko na lang siya. Subalit hindi ko
nakayanan ang magsalita. Pakiwari ko ay nagi-guilty ako sa aking sarili na
purihin siya samantalang hindi naman totoong nagandahan talaga ako sa kanya.
Ang mukha niya ay may sobrang makapal na make-up, hindi naman sexy ang katawan
dahil may katabaan. Parang niloloko ko rin lang ang sarili ko kung pupurihin ko
siya. Kaya, “Good morning ma’am!” na lang ang nasabi ko.
Aba... at hindi
niya ako sinagot. Bagkus, binulyawan pa niya ako ng, “Dito ka magtatrabaho!
Sumunod ka sa akin!”
Wala akong nagawa
kundi ang sumunod sa kanya. Doon niya ako dinala sa likod ng restaurant kung
saan nakatambak at nagkalat ang lahat ng mga basura. Mainit, nangangamoy,
naghalo ang mga plastik, styro-foam, karton, papel, mga tira-tirang pagkaing
hindi naubos, sauce, gravy, tagas ng tubig, lahat nang dumi ay naroon. At may
mga tabla at nabubulok na mga kahoy din, ang iba ay sing lapad ng pintuan. Basa
rin ang lugar at amoy panghi. Sobrang dami ng kalat at sobrang dumi na halos
smokey mountain nang naturingan.
“Ang gawin mo d’yan
ay ihiwalay ang mga plastik, ang mga nabubulok na basura, ang mga papel, ang
mga bote, ang mga kahoy, at pagkatapos, gusto kong makitang malinis na malinis
ang lugar na ito ha? Pati iyang mga damo at talahib, gusto kong tanggalin mo
rin. Ito ang magiging assignment mo!” sabay talikod. Ngunit bumalik din at
noong humarap uli sa akin. “Kapag hinanap ka ng Sir Marlon mo, sabihin mong may
itinapon ka lang na basura dito ha? At huwag kang magsumbong sa kanya na dito
kita inassign. Nagkaintindihan ba tayo???” ang sambit niyang nanlilisik ang mga
malalaking mata.
“Y-yes ma’am!”
“At
magkaliwanagan tayo... hindi ako masaya na narito ka! Kung ayaw mong isang araw
ay may mangyaring masama sa iyo, lumayas ka na lang dito, ok? Kasi... kapag
tumagal ka pa dito at nauubos na ang pasensya ko sa iyo, baka isang araw ay sa
kangkungan ka na lang pupulutin. Alam mo ba ang ibig kong sabihin? Ipapasalvage
kita! Alam kong hindi ka taga-rito. Nagresearch na ako tungkol sa buhay mo.
Mag-ingat ka... At isa pa, ayokong makikipag-usap ka kay Marlon ha? Yes or No
lang ang isasagot mo sa kanya kapag kinausap ka niya! Kasi, kapag na brainwash
mo siya at lalayo siya sa akin dahil sa mga inimbento mong kuwento, siguradong
may paglalagyan ka! Hindi kita tatantanan hanggang sa mawala ang lahi mo dito
sa mundo! Maliwanag???!”
Wala na akong
nagawa kundi ang mangiyak-ngiyak na sumagot. “O-opo, maliwanag po, Ma’am...”
“Miss Sophia
ang itawag mo sa akin!!!”
“O-opo Miss
Sophia... Miss Sophia po.”
At tuluyan na
siyang tumalikod, pansin ko ang feeling panalo niyang pakiramdam sa sarili.
Noong tuluyan
nang nawala si Sophia, doon na ako tinablan ng takot. Binitiwan ko ang isang
malalim na buntong hininga. Sa totoo lang, dahil sa sinabi niya, may
pagdadalawang-isip na akong ituloy pa ang pagtatrabaho. Matiwasay naman ang kalagayan
ko bilang isang ordinaryong scholar lang. May sapat na oras para sa pag-aaral,
nag-eenjoy sa klase at extra-curricular activities, walang taong natatapakan. Simple
lang ang buhay at masaya sa ganoong set-up. Parang gusto ko nang sumuko.
Ngunit sa
kabilang banda, may naramdaman din akong awa para kay Marlon. Malakas ang kutob
ko kasing siya talaga si James. At sa isip ko ay walang duda iyon. “Paano naman
siya? Paano ang pamilya niyang naghintay sa kanya? Paano ang inay niya?
Siguradong sa loob-loob niya ay naghahanap din siya sa kanyang tunay na pamilya.”
Ang udyok naman ng isang parte ng aking utak. “Ngunit paano rin naman ako?
Paano ang mga magulang ko kapag nagkatotoong ipapasalvage talaga ako ni Sophia?
Paano ang mga plano
ko sa buhay?”
Mistulang
naghilahan ang dalawang magkasalungat na paninindigan sa aking isip. At dahil
may usapan kami na magkita ni Marlon sa gabing darating, may nabuong desisyon ang
aking isip: sasabihin ko sa kanya na hindi ko na itutuloy pa ang pagtatrabaho
sa restaurant nila. I-focus ko na lang ang sarili sa aking pag-aaral at
kalimutang may nakita ako, may nalaman, may nadiskubre. Sasabihin ko rin sa
kanya na gawa-gawa ko lang ang mga sinabi kong nawala kong kuya na
kamukhang-kamukha niya...
“Tama... iyan
ang gagawin ko. Sa araw na ito lang ako magtatrabaho at bukas, resigned na ako.
Gagawin ko pa rin ang ibinigay na trabaho ni Sophia sa araw na ito para wala
siyang masabi, at malinis ang pag-alis ko.” Sa isip ko lang.
“OMG igannnnnn!!!”
ang sigaw ni Ricky noong nakita niya ako sa lugar na iyon, punong-puno ng pawis
ang katawan at mukha habang pasan-pasan ang mga kahoy upang ilagay sa isang
tabi. “Bakit iyan ang ginagawa mo? Trabaho ng basurero iyan? At ang init-init
dito, ambaho-baho pa!”
Napahinto ako
sa aking ginagawa. “Ito ang ibinigay sa akin na assignment ni Ma’am Sophia eh!”
“Grrrr!” Sagot
ni Ricky. “Sabi ko na nga ba. Pinag-initan ka ng babaeng iyon. Paano, may
itinatago siguro sa kanyang baul at nalaman niyang nasa iyo ang susi ng baul
niya...”
“Hayaan mo na,
Ricky... Kaya ko naman ito eh. At unti-unti, malilinis ko rin ang lugar na
ito.”
“Malilinis???
Mamaya lang, makikita mong tatambakan na naman ito ng mga basura. Atsaka, may private
na kumpanya na inaatasan nating kumuha ng mga basura linggo-linggo. At isa pa, hindi
ka tinanggap ni Sir Marlon upang maging basurero lamang! Por diyos por santo
por syento naman o!”
“Hayaan mo na
nga lang, Ricky. Kasi, ang private company na sinabi mo, kumukuha lamang sila
ng basura. Hindi nila nililinis ang lugar.”
“At bakit?
Nasa job description mo ba na linisin mo ang tambakan na to?”
“Ok lang iyan.
Kasi, kaya ko naman eh.”
“Anong kaya? Ang
dumi-dumi ng lugar na to, may malalaking tambak na kahoy, may mga yero pa, at
mahahabang talahib? Kung gusto ng demonyang iyan na linisin ang lugar na ito,
mag-hire siya ng demolition team, isang brigada ng army kamo, iyong galing Mindanao . Hindi ikaw!”
“Sobra ka
naman. Hindi naman ganyan kalala ang sitwasyon dito.“
“Ah basta.
Hindi ako papayag. Sasabihin ko ito kay Sir Marlon.
Na siya ko
namang biglang pagtutol. “Huwaggggg!” Hindi maaaring malaman ito ni Sir Marlon.
Kapag nalaman niya ito, masesante ako, Ricky. Gusto mo bang mangyari ito?” ang
palusot ko na lang. Bagamat nabuo na sa isip ko ang umalis, ayaw kong malaman
ni Marlon ang lahat dahil sigurado, malaking gulo ang mangyari at baka tuluyang
gawin na ni Sophia ang kanyang bantang ipasalvage ako.
“Igan naman...
paano ba kita matutulungan?”
“Basta hayaan
mo lang ako dito dahil kaya ko ito...” ang sagot ko na lang.
“Nakakainis ka
naman eh. Bahala ka na nga! Basta ok ka lang ha?”
“Oo... ok lang
ako”
“Kapag hindi
ka ok, sabihin mo sa akin ha?” sambit ni Ricky na bakas sa mukha ang pagkaawa
sa aking kalagayan.
Tumango ako.
“Sandali
kukuha ako ng gloves, botas, at overall na damit.” Sabay tungo sa stockroom ng
restaurant. At noong nakabalik, dala-dala na niya ang kanyang mga sinabi. At
may dagdag pang malapad na sombrero, payong, at itak, depensa ko raw sa sarili
laban sa ahas. “Dalawang klaseng ahas kasi ang narito. Ang isang ahas ay
gumagapang, galing d’yan o.” Turo niya sa damuhan. “...nangangagat iyan. At ang
isa naman ay galing dito” turo naman niya sa opisina ni Sophia “nambubuwesit!
Tagain mo pareho ha?! Leeg ang tagain mo para matanggal ang mga ulo nila!”
Natawa naman
ako sa sinabing iyon ni Ricky. “Ikaw talaga...” ang sagot ko na lang. Kahit
papaano ay natuwa ako. At least, may isang taong nag-alala at nagmalasakit pa
talaga sa akin.
“Mamaya kapag
hindi na ako busy sa area ko, tutulungan kita d’yan. Don’t worry. Kaya natin
yan.”
“Huwag na.
Baka ikaw ay madamay pa sa galit ni Sophia...”
“Huwag kang
mag-inarte!” ang mataray namang sagot ni Ricky sabay talikod at tuloy-tuloy na umalis
pabalik sa puwesto niya.
Agad akong nagpalit
ako ng damit, isinuot ang botas at sombrero atsaka sinimulan ang paglinis sa
lugar. Habang ang mga kasama kong crew ay abala sa pagkuha, paglista,
pagdeliver, at pagasikaso sa mga customers, ako naman ay nagkakalkal sa mga
basura, nagbubuhat ng mga kahoy at yerong itinambak sa mainit, marumi, at
mapanghing tambakan na iyon. At dahil wala namang containers, ginawa kong
parang malalaking harang o dividers ang mga kahoy din na naroon at mga yero.
Kinarga ko, hinila, inayos, gamit lamang ang mga indigenous na materyal na
naroon. At malaking tulong din ang itak na binigay ni Ricky. At kahit papaano
rin, lumabas ang aking creativity sa aking ginawa. Inisip ko na lang na parang
isa iyon sa mga assignments ko sa Arts na elective subject ko. Flat 1.0 kaya
ang grado ko sa subject na iyon.
Noong natapos
ko na ang mga nagsilbeng dividers o improvised na containers, saka ko
inisa-isang pinaghiwalay ang mga basura. Sa isang lagayan ang mga plastik, sa
isang lagayan ang mga nabubulok na basura, sa isang lagayan ang mga bote, iba
naman ang sa mga papel, iba rin ang sa mga styrofoam, base talaga sa utos ni
Sophia. Tiyaga lang, pasensya, tiis, ngunit positive na magawa ko ang
assignment na iyon.
Halos alas dos
ng hapon noong dinalaw na ako ni Ricky. Kadalasan daw kasi, mga ganyang oras na
sila nakakakain dahil sa dami ng mga customers.
“Igan... sabay
na tayong kuma—“ hindi na naituloy pa ni Ricky ang sasabihin. Napanganga ito,
itinakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bibig, at ang kanyang palaging
expression na “OMG! OMG! OMG! Anong ginawa moooooooo???” noong nakita niya ang
aking ginawa?
“B-bakit?
Hindi mo nagustuhan?” ang taranta kong sagot.
“Dinaig mo ang
nag-land scape ng harap ng ating restaurant! Ang ganda na nitong lugar!!!”
“H-hindi ko pa
nga natapos eh.”
“God ang ganda
na Igan!!!” at walang pasabing tumalikod pabalik sa loob nagtatakbo. Maya-maya,
narinig ko na lang, “Sir Marlon! Sir Marlon!!!”
Na bigla ko
namang ikinagulat at ikinatakot.
At heto,
nakabalik na si Ricky, hila-hila pa si Marlon sa kamay. “Ano ba ang mayroon
Ricky?” tanong ni Marlon.
“Hayan Sir...
ginawa ni Jassim.” Muestra sa ng dalawang kamay niya turo sa tambakan.
“Wow! Ang
ganda Jassim! Hindi ko ma-imagine na magiging ganito ka-organized ito!”
“Inayos pa
niya ang mga basag-basag na semento at ginawa itong tapakan sa pathwalk. Pati
mga talahib at damo ay nilinis niya rin Sir! Malinis na malinis na po!”
“Oo nga...
Amazing!” sagot ni Marlon na napahinto sandali na parang natauhan. “Sandali, b-bakit
pala dito si Jassim nagtatrabaho???” baling niya kay Ricky.
Kitang-kita ko
naman ang pagkagulat ni Ricky na napangiwi ang mukha at lumingon sa akin.
“Eh... D-dito po siya...” ang sagot niyang hindi maituloy-tuloy ang sasabihin
at tila naghingi ng tulong sa akin na dugtungan ang kanyang sinabi.
Na siya namang
pagsulpot ni Sophia sa likod nila. At noong nakita ang ginawa ni ko ay, “Ano
bang nangyari dito?” ang sambit niya kaagad.
Kitang-kita ko
naman ang biglang pagsimangot sa mukha ni Ricky.
“Hon... bakit
ba dito nagtrabaho si Jassim?” ang pagsingit ni Marlon sa tanong kay Sophia.
“Eh... ano
eh...” ang naisagot ni Sophia. Alam kasi niyang magagalit na naman si Marlon
kapag nalamang doon niya ako inassign.
Kaya ako na
ang sumagot. “Dito po ako nag-volunteer na mag-work Sir! Nakita ko kasi ang
lugar na marumi kung kaya ako na ang nagvolunteer kay Ma’am Sophia na linisin
ko ito.”
“Tama! Kusa
siyang tumulong hon... Initiative niya ang paglinis d’yan.” Dagdag pa ni
Sophia.
“G-ganoon ba?
But this is not what we hired Jassim for! Don’t get me wrong here; gustong-gusto
ko ang ginawa ni Jassim sa area na ito. But he should be working with the other
crews sa dining.”
“Hayaan mo na
hon, kagustuhan naman niya iyan eh.” At baling sa akin. “Gusto mo bang lumipat
na doon sa dining, Jassim?” tanong ni Sophia sa akin na alma ko namang
ka-palstikan lang.
“T-tapusin ko
muna dito, M-miss Sophia.”
At baling kay
Marlon, “O di ba honey... kagustuhan niya ang lahat...”
“Ok... Pero pagkatapos
niyan, doon ka na sa dining ha?” utos naman sa akin ni Marlon.
Tiningnan ko
si Sophia na mistulang minuestrahan ako na sasagutin ko ang tanong. “O-opo
sir...”
“Good.” Sagot
niya. At baling kay Sophia “Pero really, ang galing ng ginawa ni Jassim. Puwede
naman palang pagandahin ang area na ito hon dib a? Puwede ngang maglagay pa
tayo ng mga cottages for certain groups of customers...” at lingon niya kay
Ricky, “Di ba Ricky?”
“Tama po sir.
At ma-utilize pa natin ang lugar for productive purpose.” Ang sagot naman ni Ricky.
“Hay naku. May
iba akong plano sa lugar na ito na mas productive pa kaysa dyan. Hindi sa
ganyan-ganyan lang...” sagot naman ni Sophia, pahiwatig na hindi siya bilib sa
ginawa ko.
Tiningnan na
lang ni Marlon si Ricky. Marahil ay ayaw niyang makipag-argumento kay Sophia sa
harap naming dalawa ni Ricky kung kaya hininto niya ang topic. “Kumain na ba
kayo? Kumain muna kayo, Ricky. Samahan mo si Jassim.”
“Yes Sir...
hintayin ko lang po si Jassim.” sagot naman ni Ricky at tumalikod na silang
dalawa ni Marlon at Sophia.
Nakahinga
naman ako ng maluwag. At least nakalusot ako at nagustuhan pa ni Marlon ang
aking ginawa.
“Nasaan na ba
ang itak? Ba’t hindi mo tinaga iyon?” tukoy ni Ricky na gawin ko kay Sophia noong
nakaalis na sina Marlon.
Napangiti na
lang ako. “Ikaw talaga, puro ka biro.”
“Ay hindi ako
nagbibiro igan. Iitakin ko talaga ang babaeng iyon!”
Ngunit hindi
ko na pinatulan pa si Ricky. “Sige na... antayin mo ako, sabay na tayong
kumain. Magbihis lang ako.”
“O siya...”
Habang
nagbihis ako, hindi pa rin maawat si Ricky sa pagpuri sa ginawa ko. “Grabe ka
igan... hindi ko kaya ang ginawa mong makeover sa lugar huh! Talo mo pa ang
professional na land scaper.”
“Hindi naman
ah! OA ka...”
“Totoo kaya!
Pagkatapos, i-landscpe mo na rin ang mukha ni Sophia ha? Kasing kalat at dumi
kasi ng lugar na ito ang mukha niya eh.”
Tawa lang ako
nang tawa.
“Kailan mo ba
agawin kay Sofia
ang kuya mo?” ang tanong ni Ricky noong kumain na kami.
Mistula naman
akong natauhan sa tanong na iyon ni Ricky, nalungkot. Bigla kasing nanumbalik
sa isip ko ang nabuong desisyon na hayaan na lang ang lahat sa mga kamay ni Sophia.
“Ewan ko ba...” ang sagot ko.
“Ha? Anong
ewan ko ba...? Kuya mo iyon di ba? Hayaan mo na lang bang lapain siya ng T-rex
na dinosaur na ang pangalan ay Sophia?”
“Hindi naman
siguro... Atsaka, una, hindi naman din ako sigurado kung siya nga ang kuya ko eh.
Pangalawa, nakita mo naman ang galit sa akin ni Sophia, di ba. Worth bang
ipaglaban ko ang taong hindi ako sigurado? Kaya ko bang itaya ang aking
pag-aaral at buhay kapag guguluhin ako ni Sophia dahil lamang sa isang bagay na
hindi naman ako sigurado? Mahirap lang kami... ang pag-aaral ko lamang ang
huling pag-asa ng aking pamilya upang makaahon sa kahirapan. At pangatlo, kung
siya nga ang kuya ko, nakita ko naman kung gaano siya kamahal ni Sophia eh. At
maganda naman ang kanyang buhay dito. Di kagaya ng dati na isang hamak na sekyu
lang siya...” napayuko ako noong naramdaman kong may namuong mga luha sa aking
mga mata.
“Mali igan... mali . Ok, sabihin na nating maganda
nga ang kalagayan niya dito. Pero hindi tamang hayaan mo na lang na lamunin ni
Sophia at angkinin ang pagkatao at kaluluwa niya. May karapatan ang kuya mong
malaman ang katotohanan. Kung hindi gusto ni Sophia na manumbalik ang alaala ni
Sir Marlon, iyan ay dahil may pansariling interes si Sophia. Ngunit mali iyon.
She’s taking advantage of your kuya. Ikaw ba kapag nasa kalagayan ka ng kuya
mo, hahayaan mong tapakan ang pagkatao mo? Kapag siya nga ang kuya mo, at
nanumbalik ang kanyang alaala, hindi kaya siya magtatampo sa iyo kapag nalaman
niya na hindi mo siya ipinaglaban? Tandaan mo; minsan masakit, masaklap, at
mapait ang katotohanan. Ngunit sabi rin nila, the truth will set you free...
Panindigan mo ang katotohanan, igan. Iyan ang magpalaya sa iyo...”
Napaisip ako
sa sinabing iyon ni Ricky. Ngunit hindi rin naman kasi totoong kuya ko si
James, kung siya nga si Marlon. Ang ipinaglaban ko ay hindi katotohanan kundi
isang pag-ibig na hindi rin ako sigurado kung kayang tumbasan ng taong aking
ipaglaban. Sa kabilang banda, ang katotohanang umibig ako sa kanya, at ang
katotohanang may nangyari sa aming nakaraa ay maaari ring iyan ang aking
ipaglaban. “Ewan ko Ricky... naguguluhan ako.”
“Basta,
igan... ituloy mo. Tutulungan kita. Kahit saang lupalop ka man mapadpad,
sasamahan kita. Gaano man kahirap ang danasin mo, paparte ako sa hirap na iyan.”
“At pati ikaw
na ngayon ay madadamay na rin kung ituloy ko pa ito? Hindi mo pa nga ako ganyan
kakilala, kaya mong itaya ang maaaring hirap na danasin mo nang dahil lang sa
akin?”
“Why noy? Kasi,
naniwala akong mabait kang tao. Dahil alam kong kailangan mo ng kakampi at
tulong; dahil nakita kong karapat-dapat kang tulungan. At higit sa lahat
igan... cute ka at ang mga cute na katulad mo ay nararapat na tulungan ng mga
cute din na katulad ko.” Ang patawa pa niya.
“Uyyyy! May
hidden agenda ka ha?” biro ko rin sa kanya.
“Malay mo,
mahuhulog ang loob mo sa akin igan...” dagdag pa niya.
Ngunit bigla
na namang lumungkot ang aking mukha sa sinabi niya. Binitiwan ko ang isang
malalim na buntong hininga. “Sana
nga...” sa isip ko lang. Na-analyze ko kasi na napakatirik pala ng daan patungo
sa tuktok kung nasaan ang pag-ibig ko – si James...
“Woi... biro
lang iyon ha?” ang pagbawi rin ni Ricky. Marahil ay napansin niyang bigla akong
nalungkot sa sinabi niya.”
“Ok lang
iyon... Nalungkot lang ako kasi may... m-may mahal na ako. N-ngunit malayo siya
sa akin at hindi ko na siya maaabot pa.”
“Ay! Magandang
topic iyan!” sambit ni Ricky. “Sige, makinig ako...”
“Pero hindi pa
ako handa na sabihin sa iyo... Med’yo madugo ang kuwento namin eh.”
“Ok... fine.”
Sambit naman ni Ricky. Hindi naman niya ako kinulit pa. Ngunit iginiit niya sa
akin na huwag akong sumuko kay “Sir Marlon” namin at kahit anong mangyari,
tutulungan daw niya ako.
Tumango lang
ako bagamat sa isip ko, final na ang aking desisyon na magresign.
Base sa aming
napagkasunduan, alas 7 ng gabi nandoon na ako sa resto-bar na napagkasunduan naming
ni Marlon. Kahit pagod na pagod ang aking katawan dahil sa aking trabaho sa
restaurant, pumunta pa rin ako. Videoke bar pala ang nasa taas noon. Iyong
i-assign ka ng private room, kasama ang iyong mga barkada o ka-tropa. Puwede
ring magsama ng mga babae nila, o lalaki, depende sa gusto ng customer.
Noong nakapasok
na ako, sinalubong ako ng isang crew, “May kasama po ba kayo Sir?”
“M-mayroon,
hihintayin ko lang muna.”
“Kayo po ba si
Mr. Jassim Castro?”
Nagulat naman
ako noong binanggit niya ang pangalan ko. First time ko lang kaya doon. “Oo.
Ako nga. Bakit?”
“Nandito na po
ang kasama ninyo Sir. Si Sir Marlon Ibanez po ba?”
Tumango ako.
“Oo... siya nga.”
“Sumunod lang
po kayo sa akin, Sir. Nandito na siya.” at tinumbok ng crew ang hagdanan
patungo sa pangalawang palapag ng building.
Ramdam ko ang
biglang pagkalampag ng aking dibdib. Iyon bang pag anticipate mo sa hindi
inaasahan, at sa wakas ay makasama mo rin ang taong iyong mahal na napakatagal
nang nawala sa iyo.
Ngunit may
lungkot din akong nadarama. Sa tagpong iyon ko na kasi ilalahad sa kanya sa
aking desisyong umalis na sa trabaho at tuluyang layuan siya. Ramdam ko na ang sakit
na dulot nito sa aking puso. “Bahala na...” bulong ko sa sarili.
Noong
nakarating na kami sa mismong kuwarto at binuksan ng crew ang pinto, laking pagkamangha
ko naman sa nasaksihan. Hindi lang napakaganda ng kuwarto, nakahilera na rin ang
mga masasarap na pagkain na hindi ko na alam ang mga pangalan. At may isang
bote ng wine pa na nakalagay sa bucket na puno ng ice. Sa tingin ko mamahalin
ang wine na iyon.
Tumayo si
Marlon, “Surprise!!!”
Hindi agad ako
nakasagot. Iyon bang feeling na sobrang kilig. “S-sensya na po kayo Sir...
na-late na pala ako” at pumasok na ako sa kuwarto at isinara ang pinto.
“Bakit?
Eksaktong 7pm ka naman dumating di ba? Sinadya ko lang talagang mauna” sabay
bitiw ng nakakalokong ngiti.
Binitiwan ko
na lang ang isang hilaw na ngiti. “Andaming pagkain.” Sambit ko.
“Gutom na
gutom ako eh...”
“D-dito mo pa
talaga ako dinala... pwede naman pog sa ibaba na lang sir eh. Nakakahiya po.”
“Eto naman
o... Gusto ko lang ng privacy. Ayokong may makakita, may istorbo sa ating
pag-uusap. Bakit? Ayaw mo ba?”
“O-ok lang po
sa akin...”
“Ah, iyon
naman pala eh! At least dito, kahit sisigaw pa tayo, kakanta nang wala sa tono,
walang magrereklamo...”
Hindi na ako
kumibo. Sa isip ko lang, “Heto na naman ang puso ko. Nagsimula na naman...”
Nakakabighani kasi ang porma niya. Naka-t-shirt na itim na may stripe na dilaw,
bakat na bakat ang kanyang matipunong dibdib at biceps, naka-faded na
straight-cut na maong na bakat din ang mga malalaking hita. At nandoon pa rin
ang makinis at nakakaakit na mukha; ang pamatay na ngiti... ang mga matang
mistulang nangungusap, nagmamakaawa; ang mapupulag mga labi, ang mapuputi at
pantay na mga ngipin... Mistula akong lumulutang sa mga ulap sa langit.
Ngunit pilit
kong iwinaglit ang mga iyon sa aking utak. Iginiit ko sa aking isip ang aking
nabuong desisyon. At dapat ay masabi ko na kaagad iyon upang malaman na niya
habang maaga pa. “S-sir... may sasabihin ako sa iyo.”
Ngunit sinagot
niya ako ng, “Ah... mamaya na iyan. Ako muna. May surprise ako sa iyo... Natuwa
kasi ako sa ginawa mo sa pagpaganda sa lugar na tambakan ng mga basura. Hindi
ko akalain na sa isang iglap lang ay mapaganda mo ang lugar na iyon! Iyon ngang
mga tagalinis namin doon, tagaputol ng mga talahib, hanggang sa pagputol lang sila
at pagkatapos, iyon na lang. Hindi katulad ng ginawa mo, inayos mo ang lugar,
pinaganda... basta. Isang taong may pagmamahal sa kanyang trabaho lamang ang
makakagawa sa ginawa mo. Hangang-hanga ako sa iyo. Kaya heto...” at iniabot sa
akin ang isang maliit na box na may pulang ribbon pa.
“R-regalo
po???” ang nasambit ko.
Binitiwan niya
ang isang nakabibighaning ngiti at tumango. “Buksan mo...”
Excited sa
kung ano man ang laman noon, dali-dali kong sinimulang buksan ito. Nasa kalagitnaan
na ako ng pagtatanggal ng wrapper noong tumugtog naman ang isang kanta galing
sa videoke. Napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ang mikropono at lalo pa
akong nabigla noong tumugtog na ang kanta at nakatingin siya sa akin –
You're
my peace of mind in this crazy world.
You're
everything I've tried to find, your love is a pearl.
You're
my Mona Lisa, you're my rainbow skies,
And
my only prayer is that you realize
You'll
always be beautiful in my eyes.
The
world will turn, and the seasons will change,
And
all the lesson we will learn will be beautiful and strange.
We'll
have our fill of tears, our share of sighs.
My
only prayer is that you realize
you'll
always be beautiful in my eyes.
You
will always be beautiful in my eyes.
And
the passing years will show
That
you will always grow ever more beautiful in my eyes.
When
there are lines upon my face from a lifetime of smiles,
When
the time comes to embrace for one long last while,
We
can laugh about how time really flies.
We
won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll
always be beautiful in my eyes.
You
will always be beautiful in my eyes.
And
the passing years will show
That
you will always grow ever more beautiful in my eyes.
The
passing years will show that
You will always grow ever more
beautiful in my eyes
Imbes na
ituloy ko pa ang pagbukas ng regalo niya, napatunganga na lang akong nakatingin
sa kanya. Nanumbalik sa aking isip ang huling sandaling inihatid ko si James sa
bus station at ito rin ang kinanta niya sa akin. Sariwa pa sa isip ko ang
maligaya ngunit masaklap na sandaling iniwan niya ako. At hindi ko namalayang
dumaloy na pala ang aking mga luha sa aking pisngi. Yumuko ako. Ayaw kong
mapansin niya ang aking pag-iyal. Lihim ko ring pinahid ang aking mga luha.
Muling pinilit
kong iginiit sa aking isip na iba siya; na hindi siya si James, na masisira
lamang ang buhay niya at buhay ko kapag pinilit ko ang sariling isingit sa
kanya. Dahil masaya na ang buhay niya kay Sophia at ako... gagaraduate na ng
college, makapagtrabaho, at magsimula ng panibagong yugto sa aking buhay at
pag-ibig.
“O... buksan
mo na ang regalo! Ang masayang sambit niya. Hindi ko namalayan na tapos na pala
ang kanta at nanatili akong nakatunganga.
Tuluyan kong
binuksan ang regalo. Noong nabuksan ko na, tumambad sa aking paningin ang isang
gold bracelet na may pangalan pang nakaukit, “Jassim”.
“Waaahhhh! Ang
ganda!” Ngayon lang ako magkaroon ng gold na alahas at may pangalan ko pa!!!”
sigaw ko.
“Gusto mo ba?”
“O-opo...
gustong-gusto ko po!”
Tinitigan niya
ako. “Wala man lang hug?”
At niyakap ko
na talaga siya. Mahigpit, dikit na dikit ang aming mga ulo. Naamoy ko pa ang
pabango niya. Halos lumapat na ang aking mga labi sa kanyang pisngi.
Sinuklian din
niya ang mahigpit kong yakap. At doon hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapahagulgol.
Naalala ko kasi ang pagyakap ko kay James sa huling tagpo namin, bago siya
pumasok sa loob ng bus.
Bigla siyang
kumalas sa pagkayakap. Nabigla ba. “Bakit ka umiyak?” sambit niya. Kumuha siya
ng tissue at pinahid ang aking pisngi.
“W-wala po
sir. M-may naalala lang ako...”
“Ang kuya mo?”
Tumango ako.
“Oo nga pala,
ano nga pala iyong sasabihin mo sana sa akin?”
Bigla rin
akong napahinto sa kanyang tanong. Parang hindi ko na kasi alam ang aking
gagawin. May naramdaman akong takot kay Sophia, ngunit may awang naramdaman din
ako sa kanya. At syempre, may naramdaman din akong awa sa sarili, iniisip na
kung ipursige ko ang pagpaalala sa kanya tungkol sa nalalaman ko kay James, na
maaaring hindi rin naman siya, magugulo ang magandang set-up na sana namin; ako
bilang graduating student at sya, sa masaganang buhay sa piling ni Sophia.
“O ano??? Ba’t
hindi ka makasagot? Ano iyong sasabihin mo sa akin?”
At muli, nabuo
ang isang desisyon. “S-sir... effective tomorrow, hindi na po ako magrereport
sa restaurant ninyo. Magreresign na po ako...”
kainis, bwiset yan Sophia na yan... hmmm ako atang unang nakapag basa at ala pang post dito ^_^
ReplyDeletegaling kuya mike! Next na po.
ReplyDeleteP.S.
Ang hirap po magcomment dito sa blog mo, pa seven na try ko na to. Nawala na tuloy yung sasabihin ko. Hehe!
Andy, mahirap ba? panong mahirap po? baka sa connection mo lang or what??
DeleteDami kong tawa kay ricky!haha!!
ReplyDeleteAt si sophia gusto kong itali sa puno na napapaligiran ng malalaking langgam na pula!!
Nice chapter kuya mike..namiss ko talaga stories mo:)
Take care kuya!
Riley
Waaaaag Jassim!!! wag mong ituloy ang pagreresign...whaaaa tulad nga ng sabi ni Ricky, hindi din iyon ang gusto niya...na matago ang kanyang tunay na katauhan. iligtas mo sya sa ahas...hehehe
ReplyDeleteKuya Mike, akin na ang itak!!!! Ako na ang tataga kay Sophia!!!!
ReplyDeletenice one idol! :D
ReplyDeleteNice...
ReplyDeletePwde bang gumingi ng number ni jassim? Ang dami kcng basura sa lugar namin hehehe...
Sana may paglalagyan din yang si sophia... nakakainis.
-mars
Sir mike..patayin na si sophia, yung morbid ha! agad-agad! LOL
ReplyDeletebwisit na itutuloy este! sophia na yan!>.< siguro nga alam ni sophia na may koneksyon si jassim at marlon(james) kasi nga may dalang litrato si james nun bago sila magpaalam sa isat isa kaya tinago ni bruha ang ebidensya hahaha xD... excited na ako sa nxt! more power idol sir mike! =)
ReplyDeleteby: P.Y.S.H.
napa iyak nman ako sa last paragraph habang kumakanta c james, sana maging sila rin... hirap tlga pag mayaman ang kalaban mo?
ReplyDeletekaya nilang bilhin ang buhay mo?
hiast... tumutulo pa rin ang luha ko. gud luck mr. author?
next update na po... <3
this story is complete in all aspect. may bida. kontrabida (sophia) at me sidekick ng bida (Ricky)..Galing nyo po Mr. Author!!
ReplyDeleteyeehaaa!
ReplyDeleteang cute... bracelet na gold, so classic! mukhang mahaba pa ang itatakbo ng story. aabangan ko lagi!
thank you, mike!
Ramm
pwede ko ba hiramin yung mga bote, yero, kahoy at yung itak na rin at ihampas ko kay sophia. too bad. sana mawala na lang sya. grabe kung ako kay marlon - james maghahanap na lang ako ng sexy babae.
ReplyDeletesa tingin ko ah nung kinanta na ni jassim yung kanta ni marlon sakanya eh bumalik na yung ala ala ni marlon. siguro ayaw nya lang sabihin dahil hinihintay nya siguro si jassim na umamin sa kanya. =)
-Mike
.,yun oh may part 6 and 7 na, tahahahahaha, worth it lahat ng paghihintay ku., :)
ReplyDelete.,nakakainis yang sophia na yan, ang sarap itapon sa basurahan, grrrrr.,!!! >_<
.,jassim ilagtas mu c yak, kelangan ka nya ngaun., :(
.,ang ganda nung part kung saan kinanta ni jassim ung kanta ni yak para sa kanya.,ツ
.,galing mu talaga kua mike., ;)
.,dawn.,
naku jassim tagain mo na yang sophia na yan
ReplyDeletetutulungan ka ni ricky wahaha
nakakapanggigil si sophia sarap tlaga tagain
super like kuya mike
-arvin-
pangalawang magkasunod tong chapter na nabasa ko, pero ang ganda.kailangan balikan ko sa simula. thanks mr. author. maraming salamat uli.
ReplyDelete