Followers

Tuesday, November 29, 2011

Bulag Na Pag-ibig [7]

By: Mikejuha
Email: getmyox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com

Author’s Note:

Malapit na pong matapos ang kuwento na ito. Mahirap palang 3 kuwento ang sabay-sabay na gawin. Kung kaya heto, tatapusin ko na rin ito sa part 8 or part 9 upang ang KMB naman ang aking mapagtuunan ng pansin. Tapos, ihanda ko na ang entry ko sa MSOB anthology project.

Maraming salamat sa mga bumoto at patuloy na sumuporta sa Poll ng PEBA. Ngunit magpaka-prangka at magpakatotoo ako sa inyo: May hihilingin na naman po ako sa aking mga followers. Ito ang pag (1) “like” at (2) pag-“comment” ninyo dito:  http://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10150327552732974&set=a.10150283934452974.356615.134794097973&type=3&theater

As of this writing ay may 317 likes po tayo at 202 comments. Ang target ko po ay madagdagan pa ng 100 likes and 100 comments.

Sa blog entry naman, sana ay magcomment din kayo dito:  http://michaelsshadesofblue.blogspot.com/2010/05/pantalan.html

As of this time, may 144 comments po tayo. Sana ay madagdagan din po ng 100 comments pa ito.

Mataas ang ambisyon ko. Ngunit alam ko na mas marami d’yan ang mga silent readers na kung maglalabasan po lamang, ay maaabot itong magic number na ito.

Kapag naabot po natin ang mga targets na iyan, o kahit hindi basta happy ako sa outcome, promise ko po na i-post ng buo ang ending ng kuwentong ito at hindi na siya magiging “read-by-request” only.

Gusto ko ring bigyan ng acknowledgment ang maraming tagasubaybay na pinagbigyan ako sa aking munting kahilingan at talaga namang bumoto sa PEBA poll, nag-email at walang reklamong nagcomply at nagpakumbabang magrequest. Naapreciate ko po ang mga ginawa ninyo. Sana kagaya ninyo ang lahat ng mga mambabasa na naintindihan ang hirap ko sa paggawa ng kuwento; sumusuporta sa mga desisyon ko gaano man ka-radical ito. Kayo ang aking tunay inspirasyon.

Tungkol sa huling kabanata ng “Puno Ng Pag-ibig” ipagpaumanhin po na “read-by-request” only ang ginawa ko. May ilan mang nagalit sa aking estilo ngunit sorry na lang sa kanila, hindi ako apektado dahil wala naman akong masasabing utang na loob sa kanila. Sana lang ay maintindihan nila na ang binabasa nilang kuwento ay LIBRE at sa likod nito ay may isang taong naghirap sa paggawa nito. Kung hindi nila kayang pagbigyan ang munting hiling ng author, huwag po silang magalit dahil kung tutuusin, ay walang nawala sa kanila. Pride na lang siguro ang pinapairal na naputol ang excitement; dahil nasanay sila sa libre, walang ka-effort effort, at isusubo na lang sa kanila ang akda na pinaghirapan ng iba.

Gusto ko ring ipaalam na ang ipinaglaban ng MSOB sa pagsali ng PEBA ay para sa mga gay group na katulad ng sa atin. Ang ganitong klaseng patimpalak ay mahalaga upang tayong nasa ganitong sector ay makilala, ma-represented, at ma-acknowledge sa buong mundo na bahagi din tayo ng lipunan. Hindi pansarili ang ipinaglaban ko. Hindi ako kumikita sa pagsali ng PEBA at lalong hindi ako kumikita sa pagbahagi ko ng kuwento sa inyo. Ngunit higit sa lahat, walang masama kung gagawin kung “read-by-request” only ang isang bagay na solong pinaghirapan ko.

Ipaalala ko lamang po sa mga mareklamo, na personal blogspot ko po ito. Itago ko man ito sa publiko, burahin ko man ito, ibahin ko man ang pangalan nito, o i-restrict ang pwede lamang na magbasa dito, pwede kong gawin ang mga ito. Solong karapatan ko ang lahat ng mga iyan dahil pag-aari ko ang blogspot na ito at walang nagbabayad sa akin upang gawin ko, o ibahagi ang mga pinaghirapan kong akda sa publiko.

I welcome followers and I appreciate very much your little “thank you” for patronizing my works. Ngunit kung ganyang hindi ka na nga marunong mag-thank you, mareklamo ka pa, you are free to leave. There’s nothing to lose...

Maraming salamat po.

-Mikejuha-

=====================================

“Base sa aming imbestigasyon, si Tristan ang tunay na pumatay kay Dencio…” ang tuluyan nang pagbanggit ng pulis sa pangalan ko.

Napahagulgol na lang ako. Inasahan ko na kasi na ako talaga ang madidiin gawa nang ako ang nakita ng mga tao na siyang may hawak sa patalim. At syempre, fingerprints ko rin ang nandoon.

“Hindi po! Hindi po si Tristan ang sumaksak! HINDIIIIII!!!!!” ang pagwawala ni Dante. “Ako po ang salarin, mamang pulisssss! Ako po ang sumaksak kay Dencio. Nagalit po ako sa kanya!” habang nagmamakaawa siya sa mga pulis na baguhin nila ang kanilang report.

“Iyan ang resulta ng aming imbestigasyon, kaya huwag mo nang protektahan pa ang kapatid mo. Alam namin ang lahat. Alam namin ang aming ginagawa. Hindi kami puwedeng magkamali.” ang sagot ng pulis.

“Bakit hindi ninyo tanungin si Dencio?!!! Bakit hindi natin hintaying makapagsalita siya?”

“Patay na siya. Napatay ng kapatid mo!”

“Arrrgggggghhhhhh!” ang sigaw ni Dante.

Mistula naman akong nasabugan ng malakas na bomba sa narinig at lalong napahagulgol. Alam ko, kasalanan ko ang lahat. At matinding awa din ang naramdaman ko para kay Dencio at sa mga magulang niya. Wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang kusang pumunta sa bahay nila upang maghanap ng aliw.

“O-ok lang kuya. Tanggap ko naman eh. Naawa lang ako kay Dencio kasi, wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat.”

“Huwag mo na nga siyang kampihan. Underage ka. Minolestya ka niya!”

“Kagustuhan ko iyon kuya… ako ang nagpunta sa bahay nila!”

“Nagpunta ka nga sa tanginang bahay nila, kung mabuting tao pa siya, hindi ka niya pagsamantalahan!”

“Hindi niya ako pinagsamantalahan kuya! Ako ang tumukso sa kanya!!!”

“O tama na! Tama na!” ang pagsingit ng pulis. “Ikaw totoy” turo niya kay Dante “Makauwi ka na sa bahay mo. Absuwelto ka na.”

“Puwede bang ako na lang ang maiwan dito chief? Itong kapatid ko na lang ang umuwi?” ang pakiusap pa rin ni Dante.

Ngunit binulyawan siya ng pulis. “Hindi puwede! At huwag matigas ang ulo.”

Napayuko na lang si Dante. Niyakap niya ako. “Ayokong iwanan ka dito tol… Ma miss kita, naawa ako sa kalagayan mo. Walang mag-aalaga sa iyo dito.”

“Ok lang kuya. Basta, lagi mo lang akong dalawin dito…” ang sabi ko naman. “K-kakayanin ko...”

Tumango na lang siya. At humagulgol na. Nagyakapan kami. “Kasalanan ko ang lahat ng ito! P-patawad. Patawad tol… Nagsisisi na ako. Nasaktan kasi ako sa ginawa ninyo ni Dencio tol!”

Hindi na ako sumagot. Gustuhin ko mang magalit at ibuntong sa kanya ang lahat ng sisi, wala na ring silbi pa ang mga ito. Kaya isinurrender ko na lang ang maaaring hantungan ng buhay ko sa swerte, o malas.

Pati ang mga magulang ko ay nag-iyakan din.

Galit na galit naman sa akin ang mga magulang ni Dencio. Ngunit tinanggap ko ang lahat ng kanilang mga masasakit na salita, isiniksik sa isip na kahit saang anggulo tingnan, ako pa rin ang puno’t-dulo ng lahat ng mga nangyari. Kung hindi dahil sa kalandian ko, hindi magagawa ni Dante ang patayin si Dencio. Kaya lahat ng sisi at galit ay tinanggap ko.

Dahil sa underage pa ako, hindi ako kinasuhan bagamat manatili ako sa pangangalaga ng bahay-kalinga, sa Center na iyon. Si Dante naman ay pinauwi. Iyon ang isa sa pinakamasakit na naramdaman ko; ang malayo sa kanya.

“Kuya… dalawin mo ako palagi dito. Ma-miss kita”

“Oo tol… palagi akong dadalaw sa iyo. Ma-miss din kita tol.”

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama noong pinagmasdan si Dante na naglakad patungo sa bukana ng center. Para akong mawalang ng malay-tao; parang huminto ang aking mundo. Parang napatid ang aking paghinga.

Noong malapit na siya sa gate, hinabol ko pa siya. “Kuyaaaaaaaa!”

Bigla siyang humarap sa akin habang nagtatakbo pa ako patungo sa kanya. At nakita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Muli kaming nagyakapan. Mahigpit. Hinalikan ko ang kanyang pisngi at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Halos hindi ko siya mabitiw-bitiwan sa sobrang lungkot na mag-isa na lang ako, walang kuya na mag-aalaga kapag umalis na siya.

“N-natatakot ako kuya.”

“Lakasan mo ang loob mo tol… Pilitin mong maging matatag. Hayaan mo, pagai kitang dadalawin. Makalabas ka rin dito upang magkasama uli tayo sa bahay. Atsaka… magpakabait ka dito tol ha? Makakalabas ka daw kaagad kapag nakitang mabait ka.”

“O-opo kuya.”

Napako ang paningin ko habang binaybay niya ang pathwalk palabas ng gate. Hindi siya binitiwan ng aking mga mata hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa aking paningin. Walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha.

Ang huling eksenang iyon ang tumatak sa aking isip sa ilang araw na wala na si Dante sa aking piling. Hindi kasi ako sanay na natutulog na wala siya sa tabi. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita sa oras oras na lumilipas sa bawat araw.

Nalala ko pa ang mga pagkakataon sa bahay-kalinga kung saan may mga umaapi sa akin, nand’yan siya palaging nagba-bodyguard sa akin. Kahit sa mga assignments namin sa bahay-kalinga, palagi niya akong tinutulungan kahit mayroon din siyang sariling assignment na trabaho.

Alam ko, magbabago na ang lahat ng iyon. Mahirap din ang kalagayan namin sa center. Sobrang higpit, may mga sariling assignments at trabaho, at may mga bully na mga bata.

Pinilit kong magpakatatag. Pinilit kong tumayo sa sariling mga paa. Tiniis ko ang lahat.

Hanggang sa lumipas ang may dalawang linggo, nagkaroon din ako ng kaibigan sa loob ng bahay-kalinga, si Tom.

Actually, nagsimula ang pagiging magkaibigan namin ni Tom noong isang beses na tinangka kong magbigti.

Sobrang depressed kasi ako noon. Kaya noong may nakita akong lubid sa recreational area ng center, parang may nag-udyok sa isip ko na gamitin ang lubid na iyon upang wakasan ang buhay. Palagi kasing naglalaro sa isip ko ang mga katanungan kung bakit ganito ang pagkatao ko, nagmamahal sa kapwa lalaki at sa isang tao pang kapatid lang ang turing sa akin. At hayun, nadagdagan pang napagbintangan akong isang mamamatay-tao. Tapos nad’yan din ang awa ko sa aking mga magulang na sadlak sa sobrang kahirapan. Ang hirap-hirap na nga namin, ganito pa ang problema ko. Pakiramdam ko ay wala nang magandang maidudulot pa ang buhay. Kaya masama din ang loob ko sa maykapal. Mahirap mang tanggapin ngunit hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinahirapn ng ganito. Feeling ko, masyado siyang unfair. Ang bata-bata ko pa ngunit ganito na kalaki ang aking problema; sa mura kong edad ay parang pasan ko na ang buong mundo. “Bakit ang iba ay masaya, marangya sa buhay samantalang ako ay nagdurusa?” “Bakit ako nakaramdam ng pagmamahal sa kapwa lalaki at sa mismong kuya ko pa man din?” “Bakit ako pa ang magdusa sa nagawang krimen ng iba?” “Bakit sa lahat ng tao ay ako pa ang magdusa ng ganito?”

Napakarami kong tanong na hindi ko na alam kung may mga kasagutan pa.

Bagamat may takot din akong wakasan ang sariling buhay, nanaig pa rin sa aking pag-iisip na ituloy ang balak. Pumasok ako sa CR dala-dala ang lubid. Noong nasa loob na ako, dali-dali akong tumungtong sa isang silya na dala ko at itinali sa isang nakausling kahoy sa bubong ang dulo ng lubid atsaka ipinasok ko ang aking ulo sa buhol na ginawa ko sa kabilang dulo nito. Tumulo na ang luha ko sa inaasahang katapusan ko. Gamit ang dala-dalang ballpen, isinulat ko sa dignding ng CR ang aking huling paalam sa aking mga mahal sa buhay. “Paalam inay, itay… pasensya na po, hindi ko na po talaga kaya ang lahat. Ayaw ko na pong mabuhay. Mahal ko po kayo. Kuya Dante, sana palagi kang nad’yan para ating mga magulang. Mahal na mahal kita kuya. Alagaan mo palagi ang sarili mo…”

Itutulak ko na lang ang silyang tinungtungan ko noong sa di inaasahang pagkakataon, biglang pumasok si Tom sa CR. Nakaligtaan ko palang ilock ang pinto. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang matinding pagkagulat. “Hoyyyy! Ano iyang ginagawa mo!!!” sigaw niya.

Dali-dali niya akong niyapos at kinarga, paniguradong hindi mabitin ang katawan ko sa lubid at mahila nito ang aking leeg. Nagsisigaw siya ng saklolo. “Saklolo! Tulungan ninyo si ako! Saklolo!!! Nagtangkang magpatiwakal si Tristan!!!”

Nagkagulo silang lahat. At sa mabilis na aksyon ni Tom, naagapan ang tangka kong pagpatiwakal.

Simula noon, binigyan ako ng special counselling ng bahay-kalinga. At naging malapit na kaibigan ko rin si Tom.

“Álam mo, Tris, noong oras na aksidente kong nabuksan ang CR kung saan mo naisipang magpappatiwakal, galing ako sa garden noon, nagdidilig ng mga halaman. Tapos, bigla akong naiihi. Ngunit ang ipinagtaka ko, at ngayon ko lang din napg-isip-isip, ay kung bakit hindi ako gumamit ng CR sa labas na malapit lang sa garden? Bakit ang bigla kong naisip ay ang CR sa loob ng center na mas malayo kung tutuusin? Hindi ba nakapagtataka? Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung bakit eh. Parang may malakas puwersang kung ano ang gumiya sa akin papunta sa CR.” Ang sabi ni Tom noong nag-usap kami pagkatapos ng insidente.

“T-talaga?” ang malabnaw kong sagot. Hindi ko kasi alam kung matuwa ba o magalit sa naudlot kong balak na magpatiwakal.

“Isa lang ang ibig sabihin kung bakit hindi natuloy ang balak mo; kung bakit kita naisalba sa tangka mo. Hindi mo pa oras na mamatay. At kung ano man iyang mabigat na problemang dinadala mo ngayon, ang ibig sabihin din niyan, malalampasan mo rin ang lahat. Baka... may magandang bagay pa na mangyayari sa buhay mo...”

“Ewan ko lang. Sobrang di makatarungan naman kasi ng tadhana.”

“Nasasabi mo lang iyan dahil nasa mahirap ka pa na kalagayan ngayon. Kapag dumating na marahil ang tamang panahon, maranasan mo rin ang lumigaya. Trust me. Malaki ang paniniwala kong malampasan mo ang lahat at maranasan mo ang saya na inaasam-asam mo sa buhay.”

“Sana… At sana ay masagot na rin ang mga katanungan ko kung bakit ako nagdusa ng ganito.”

“Hmmm. Minsan, hindi natin kailangangn maintindihan ang sagot sa mga katanungan natin sa buhay eh. Ngunit kapag nalampasan mo ang problema at naging masaya ka na, doon mo masasabing ‘ganito pala ang buhay’, o ‘kaya ko palang lampasan ang lahat’, o kaya ay ‘ang sarap pala ng pakiramdam kapag nalampasan mo ang mga pagsubok’…”

“Ganoon?” ang sagot kong may pag-alinlangan pa rin sa aking isip.

“Maniwala ka. Dahil ganyan ang naramdaman ko dati. At ngayon, naunawaan ko na ang lahat. Noong una kong mga araw dito, sobrang galit ko sa mga magulang ko. di ko maintindihan ang lahat kung bakit nila ako pinapabayaan at inilagay pa dito sa bahay-kalinga. Parang gusto kong magpakamatay na lang din. Iniisip ko na walang halaga ang buhay ko, walang nagmamahal, walang umiintindi… Ngunit noong nalaman ko ang iba’t-ibang kuwento ng buhay ng mga kasamahan natin, doon ko nasabi sa sarili na maswerte pa rin pala ako. At unti-unti kong naintindihan ang aking mga magulang. At nabago rin ang aking pananaw sa buhay. Noong dinalaw muli ako ng aking mga magulang, nanghingi ako ng tawad sa kanila. Masayang-masaya sila. At doon ko nasabing ang sarap pala ng pakiramdam kapag nabigyan mo ng kaligayahan ang mga magulang mo, lalo na ang mga taong nagmamahal sa iyo. Pagkatapos, tinanong nila ako kung gusto ko nang umuwi. Ngunit sinabi kong manatili muna ako dito upang mas maintindihan ko pa ang paghihirap ng mga kapwa kong kabataan na nakipaglabang sa iba’t-ibang hamon at pagsubok ng kanilang buhay. Parang gusto kong gayahin na rin ang aking mga magulang na maraming tinulungang mga kawang-gawa. Gusto kong tulungan din ang mga kasamahan natin dito…”

Hindi ako nakaimik. Pakiramdam ko ay may sundot ang mga sinabi niya sa aking puso.

“Ikaw, hindi mo ba naisip na kapag natuloy ang pagpatiwakal mo, masasaktan ang iyong mga magulang? Sabi mo naghirap sila. Di ba lalo mo lamang silang pinahirapan kung nagkataong natuloy ang pagpakamatay mo?”

At sa tanong na iyon ni Tom, doon na tumulo ang aking mga luha. Naalala ko kasi ang mga paghihirap ng aking mga magulang upang makapag-aral lamang ako; kami ni Dante. Naalala ko kung ang tindi ng sakripisyo nila; kung gaaano sila kapagod sa trabaho ngunit patuloy pa rin silang nagtatrabaho dahil nais nilang mabigyan kami ng kuya ko ng magandang bukas. At alam kong mahal na mahal nila ako.

Napahagulgol na lang ako.

Niyakap ako ni Tom. “Sige… umiyak ka lang. Ipalabas mo ang lahat ng mga hinanakit mo at ang mga hinaing mo upang maibsan ang iyong dinadala. Nandito lang ako. At palagi mong tandaan na kapag may ginawa kang hindi maganda para sa iyong sarili, malulungkot ang iyong mga mahal sa buhay. Kung mahal mo sila, pahalagahan mo rin ang kanilang mararamdaman.”

At sa mga sinabi ni Tom, napaisip ako. “Tama siya. Mahal ko ang aking mga magulang. Mahal ko si Dante. Sila ang dapat kong gawing inspirasyon upang lumaban sa mga pagsubok sa buhay. Marahil nga ay darating din ang pagkakataon na maranasan ko ang naranasan ni Tom; na lubusang matanggap ang lahat ng mga hamon at pagsubok sa buhay at maintindihan ang lahat. “S-salamat… Sana darating ang araw na maintindihan ko ang lahat kuya Tom.” Kuya kasi ang gusto niyang itawag ko sa kanya dahil sa agwat ng aming edad.

“Oo. Sigurado. At dahil ako ang savior at guardian angel mo, gawin ko na ring misyon ang tulungan ka. Naniwala akong ako ang appointed angel galing sa taas na tagapagligtas mo. Kaya ika-career ko na ang pagtulong sa iyo” sabay tawa. Marahil ay iyon ang paraan niya upang mapangiti ako.

“Ganoon? Nasaan ang official letter ng appointment mo?” ang masaya at pabiro ko na ring sagot.

“Heto o…” ang pagmuestra niya sa kanyang kamay na tila may hinawakan.

“Saan? HIndi ko makita?”

“Galing sa taas eh. Di ba hindi mo naman nakikita ang nasa taas? Hindi mo rin makikita ang letter of appointment niya sa akin. Makikita mo lamang ito kapag naintindihan mo na at nalampasan ang ibinigay niyang pagsubok sa iyo.”

“Waaahhh! Daya! May ganyan pa talaga!”

“Naman!”

Mabait si Tom. Nasa 17 ang edad. Anak-mayaman at ang pamilya ay may pinakamalaking donasyon sa bahay kalinga na iyon. At nandoon siya dahil ang mga magulang niya mismo ang nagdala sa kanya doon; upang magbago. Inaamin naman ni Tom na isa siyang spoiled brat. Kung anu-ano na lang ang bisyong kinasasadlakan hanggang sa umabot sa puntong naging addict na sya sa droga at nakagawa ng kung-anu-anong krimen. At ang pinakamatindi ay ang pangri-rape nilang magbarkada sa isang babaeng estudyante, at sa urang edad pa lang na 15. Ngunit nagbago na siya, at narealize kahalagahan ng pagmamahal sa magulang, at sa buhay. Sa pagkapasok kasi niya sa center naikumpara niya ang buhay na naranasana sa buhay ng mga kasamahn sa center na ang karamihan ay walang mga magulang, walang tirahan, walang pagkain, hindi makapag-aral dahil walang pera… ngunit siya, nasa kanya na ang lahat ngunit hindi niya naapreciate ang kahalagahan ng mga ito. Palagi niyang sinisisi ang mga magulang. Ngunit sa bandang huli narealize din niya kung bakit sila nagsisikap; upang mabigyan siya ng marangyang buhay.

Nabuksan ang isip niya lalo na noong may isang kasama namin na nakapagkuwentuhan niya. Ang sabi nito sa kanya, “Ako? Na-miss ko ang magkaroon ng magulang. Hindi rin kasi ako naging mabuting anak. Namatay ang tatay ko noong maliit pa lang ako at simula noon, ang inay ko na ang naghanapbuhay para sa amin. Ngunit dagdag-pasakit lang ako. Sa kabila nang ginawa niya ang lahat upang mabuhay kami, kung anu-anong trabaho ang pinasukan – naging katulong, labandera, nagbebenta ng kung anu-ano sa kalye, ngunit wala akong pakialam sa paghihirap niya. Noong namatay siya sa sakit na TB at sobrang pagod sa trabaho at walang maibiling gamot, doon ko narealize ang hirap niya, ang pagsasakripisyon niya. Doon ako na naawa sa kanya, narealize na kailangan ko pala siya. Ngunit huli na ang lahat dahil nasa loob na ng kabaong siya. Na-miss ko ang lagi niyang pagpaala-ala sa akin na magiging mabuting anak… Na-miss ko ang palagi niyang pagdadala ng siopao sa akin sa bawat uwi niya sa bahay, ang pag-aalaga niya kapag nagkasakit ako, kahit pagod na pagod siya sa trabaho hindi iyan magpapahinga hanggang hindi nakitang naka-inum na ako ng gamot, o nakakain na, magluluto pa iyan sa kusina… Kaya ikaw, mahalin mo ang mga magulang mo habang buhay pa sila. Sigurado ako, ang mga ginawa nila ay para sa kabutihan mo...”

Dahil sa kuwento na iyon kung kaya nagbago si Tom. At dahil sa pagiging magkaibigan namin, sa kanya ko naipapalabas ang lahat ng sama ng loob at mga hinanakit ko sa mundo. Alam niya ang lahat ng aking mga problema at saloobin; alam niya ang lahat tungkol sa aking pagkatao at ang tunay na dahilan kung bakit ako nasa center na iyon. Alam din niya na mahal ko ang itinuturing kong kuya na siyang tunay na nakapatay kay Dencio. Iyan lang din ang malaking ipinagpasalamat ko; kasi kung hindi dahil kay Tom, baka patay na ako sa loob mismo ng center. At kung naagapan man ako sa una kong pagtatangka, baka sa kung wala siya, ay nanaisin ko muling tangkaing magpakamatay.

Palagi naman akong dinadalw ni Dante at mga magulang ko sa center. Ipinakilala ko rin sa kanila si Tom. Natuwa naman si Dante na may kaibigan ako sa loob ng Center bagamat pinaalalahanan niya ako na baka mangyari na naman ang nangyari sa amin ni Dencio.

Inirapan ko lang siya. Gusto ko sanang sabihing, “Bakit, papatayin mo uli siya?” Ngunit sinarili ko na lang iyon. Ayaw ko kasing buksan ang issue kasi alam ko, naghirap din ang kalooban niya.

Lumipas ang 6 na buwan, tuluyan nang lumabas si Tom sa bahay-kalinga. “Huwag kang mag-alala tol… dadalawin kita dito palagi” pangako niya sa akin. “At kahit makalabas ka na dito, bibisitahin din kita sa bahay ninyo.”

At tinupad naman niya ito. Minsan dalawa o tatlong beses sa isang buwan akong dinadalaw ni Tom. At dahil sa mga advice niya sa akin ay natutunan kong magpakatatag. Kahit wala na akong masyadong matalik na kaibigan sa center na iyon, unti-unti kong natanggap ang aking kalagayan.

Napag-isip-isip ko rin na turuan ang sariling limutin si Dante; na huwag nang umasa na mahalin pa niya ako o ni magkatuluyan kami dahil imposibleng mangyari iyon. “Marahil ay ito ang paraan upang maintindihan ko kung bakit binigyan ako ng ganitong pagsubok; ang ako mismo ang mag-withdraw at pipigil sa aking sarili. At kung malampasan ko na ang lahat, baka doon ko na maapreciate at magbunyi sa tagumpay at tapang na naipamalas.” Sa sarili ko lang.

Subalit kahit gaano katindi ang pagnanais kong iwaglit sa isip ko si Dante, tila mas lalo pa akong nasasabik sa kanya. Paano, sa bawat dalaw niya sa akin, sobrang sweet niya.

Dahil pinapayagan kaming dalhin ang mga bisita namin sa aming botanical garden, kapag libre kaming nandoon, para kaming magsing-irog. Nand’yan iyong hihiga siya sa aking gilid at ipapatong ang kanyang ulo sa aking kandungan. Nandyan din iyong nanatili kaming magyaykapan habang nagkukuwentuhan lang. Nand’yan iyong magdadala siya ng aklat at babasahan niya ako ng kuwento. Nand’yan din iyong tuturuan niya ako ng kung anu-ano. At nand’yan din iyong kapag nanggigigil siya, ay pipisilin ang ilong ko o ang pisngi ko. “Hmmmmmm! Cute mo!!” sasabihin niyan sa akin. Kung hindi nga lang magkapatid ang alam ng mga tao sa amin, sigurado iisipin nilang magkasintahan kami.

Nngunit noong sinubukan kong dumestansya na sa kanya dahil gusto ko na ngang pigilan ang sarili, siya naman itong nagagalit, nagtatanong kung bakit kapag hindi na ako nagpapayakap o nagpapahawak ng kamay. “May problema ba?” “Galit ka ba sa akin?” “Bakit???” “May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan?” “Tumingin ka nga sa mga mata ko at sabihin mong galit ka sa akin?” Mga ganoong tanong.

Ang hirap kalabanin ang puso. Mahirap magkunyari kapag umibig...

Kaya, hindi ko nakayanan. Marahil ay sadyang marupok lang ang aking damdamin. O baka din sobrang mahal ko lang talaga si Dante.

Kaya patuloy pa rin ang pagiging sweet namin sa isa’t-isa bagamat nagdusa ako sa pagmamahal na hindi ko masabi-sabi o ni maipalabas.

Hanggang sa lumipas ang limang taon at ang sabi sa akin ng tagapamahala ng center ay malapit na raw akong makauwi. 18 na kasi ako noon. Sobrang saya ko sa pagkarinig ng balitang iyon.

At nabuo rin sa aking isip na sabihin na kay Dante ang aking naramdaman para sa kanya upang matuldukan na ang katanungan kung ano ang reaksyon niya kapag nalaman niya ang naramdaman ko.

Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ko ay handa na akong isugal ang lahat kung tatanggapin niya ang sasabihin ko o hindi. At kung tatanggapin man, magiging masaya ako kahit wala pa siyang naramdaman kasi, ang ibig sabihin ay hindi siya magbabago. At kung hindi naman niya ako matatanggap, pilitin ko pa ring intindihin siya o ang ano mang magiging kahantungan ng lahat; kung magalit siya, kung iiwasan niya ako, o kung magbabago ang pagtingin niya sa akin. At least din, kung masaktan man ako, isang beses lang. At ang sunod na gagawin ko sa buhay ay ang mag-move on. Para kasing panibagong buhay ko na ang paglabas sa bahay-kalinga. At kapag panibagong buhay, syempre ay magsimula muli sa mga bagay. Kumbaga bagong buhay, bagong simula, bagong pag-asa.

Sana ay tatanggapin niya ako, upang magiging masaya ang pagsisimula ko. Ngunit kung hindi naman, hayaan ko na lang; sisimulan ko pa rin ang buhay na hindi siya kasama sa aking mga pangarap...

Iyon ang aking nabuong plano. Kumbaga bahala na si batman. Make or break. Sabi nga nila, “no pain, no gain”, “no guts, no glory”…

Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang linggo na lang sana bago ang takda kong paglabas sa bahay-kalinga, binisita ako ni Dante.

Nasa botanical garden kami noon, inaakbayan niya ako samantalang nakalingkis naman ang aking isang braso sa kanyang beywang. Tahimik kaming dalawa na tila parehong may iniisip. Hindi ko lang alam ang sa kanya ngunit ang sa isip ko ay kung paano bubuksan ang topic kung saan ko sasabihin sa kanya ang aking naramdaman.

“Kuya… may sasabihin ako sa iyo.” ang pagbasag ko na sa katahimikan.

“T-talaga? Good news ba? Or bad news?” sagot niya.

“Good news ang isa at ang isa ay baka b-bad news po… At sana ay huwag kang magalit sa bad news.”

“Bakit naman ako magalit? Basta ikaw tol… hindi ako magalit. Malakas ka sa akin eh.”

Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti.

“Sige nga unahin natin ang good news mo. Ano iyan? Excited na ako.”

“M-makakalabas na po ako sa sunod na linggo kuya.”

“Waaaahhhhh! Good news nga! Yeheeeeeeyyyyyyy!” ang sigaw niya. Bigla siyang tumayo at hindi magkandaugaga sa pagtatalon-talon. Hinila niya ang aking braso upang ako ay makatayo at pati ako ay napatalon na rin habang niyayakap niya. “Sa wakas tol… magsama uli tayo! Balik na naman tayo sa datiiii!!! Yeeeeeeppeeeeeeeeee!!!” Mistulang walang mapagsidlan ang kanyang kaligayahan.

Napangiti ako. Syempre. Tuwang-tuwa siya at tuwang-tuwa din ako. Ngunit ewan ko din lang kung matutuwa pa kaming pareho kapag narinig na niya ang sunod kong sasabihin. Nanatili akong hindi kumibo bagalamat naki-lundag lundag pa rin sabay sa kanya.

Noong nahinto na siya. “Ok… ano naman ang bad news mo?” ang seryoso na niyang sabi, tinitingnan ang aking mga mata.

“Eh…” ang pag-aalangan kong sabi.

“Ay sandali pala… naalala ko. Bago iyang bad news mo, may good news muna ako para sa iyo!!!”

“T-talaga kuya? Ano???” ang excited ko namang sagot. Baka kasi may regalo siya para sa akin na may kinalaman sa aking nalalapit na paglabas, o baka may something siyang ginawa na ipapakita sa akin kapag nakauwi na ako at magugulat na lang ako kaya sasabihin muna niya na ito sa akin. Ganyan naman kasi siya minsan, masorpresa. “Ano kuya??? Excited na ako!!!” tanong ko uli.

“Buntis si Shiela tol! Magkaroon ka na ng pamangkin!!!” at naglulundag muli siya.

(Itutuloy)

=====================================================
"Libre po ang mag-repost; huwag lang ang mang-angkin ng akda na pinaghirapan ng iba"
=====================================================

12 comments:

  1. Ouch!!! ang sakit nun!! kung kailan sya aamin eh dun din nya malalaman na magkaka-anak na ung minamahal nya :( ano na kaya ang mangyayari kay Tristan?? sino na kaya ang makakatuluyan nya??

    sana naman wag na syang magalit at maging masaya na lng para sa kanyang kuya :) ganun na lng dapat. hayaan na nyang maging masaya ang kuya nya :]

    ReplyDelete
  2. ouch ang sakit nman nun, kung ako d n lng ako lalabas s boys town

    ReplyDelete
  3. OMG..!!!!


    nkakaloka..!!!! sana mkapag move-on na si tristan kay dante..!!!
    palagi na lang xa nasasaktan..!!! :(

    ReplyDelete
  4. dapat c tom na lng makatuluyan ni tristan, pra masaya cla pareho.. haha

    ReplyDelete
  5. ang sakit kc ang tagal ng panahon ang hinintay ni tristan tpos un lng pla ang maririnig nya kay dante :(

    ReplyDelete
  6. ummmm so habang nasa center si tristan ay si dante naman at si shiela ang tot tot toooooooooottttt... ummmm iba ka dante..

    ReplyDelete
  7. Ano kaya ang mangyayari kung Si Dante ang nakulong..
    Tutal siya naman talaga ang nakapatay...

    Siguro hindi silamagiging magkasintahan ni Shiela at di niya ito mabubuntis?

    ReplyDelete
  8. awts! patalon talon pa ang kuya,ngbubunyi sa pgkabigo nya x.x saklap naman nun

    ReplyDelete
  9. gnun b un pagminor d edad pagsapit ng 18 pwede n mkalaya, ang alam ko in real life pagsapit ng 18 ska k plang hahatulan ng kaso n ginawa mo.
    kc my gnun saminn nun 18 xa plus 15 years ulit s monti n, as of now nkalaya nrin xa at age of 33.
    well ewan un kc narinig ko cnxa n po makulit me.
    thanks po wish ko lng before xmas kuya matapos n po ito.
    GOODLUCK & GODBLESS PO...........

    ReplyDelete
  10. Ang sakit nman! Iyon na eh, aamin na sana si Tristan eh pero bigla nanamang napasok ung Shiela na un. Waaaa! Paano na lang si Tristan nian? Nasaktan nanaman =(

    ReplyDelete
  11. omg... sakit sakit nun... at sa kanya pa mismo nanggaling... naku wala k ng pag asa after na ikaw ang nag hirap sa loob...at tapos si sheila ang nabuntis.... wahhhh lalake talaga si dante... ano naman ang laban m kay sheila... lahat maibigay nya isang anak para kay dante... d naman nag lahad ng pag ibig sa u si dante... pero masakit talaga...wahhhh tristan naawa ako s yo....ikaw na ang nag dusa yan pa ang marinig m sa kanya...

    ramy from qatar

    ReplyDelete
  12. Ouch,.. TUgtUGtUG araY aray AraY naK0Oo.. Oh N0h.. Di g0odnews ung nalaman m0. Pag ung minamahal m0 eh naka juNTIZz NG ibA,, zuPEr awWwW,, GANDA NG XTORY

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails