Followers

Friday, December 28, 2012

Aking artista. [Short story] Part 2/2

"I don't care how we met, I'm just happy we did."


--------------

Isang linggo nga ang nakalipas at nakarating dito si Parr sa Amerika. Sa San Francisco Airport ko siya sinundo, dahil na nga din sa kahilingan niya na ako't ako ang gusto niyang makita pagtungtong na pagkatungtong niya dito sa Amerika. Kasama niya ang mama niya, at isang babae na sa tingin ko ay manager niya.

"Tol!" ang sigaw ko nang makita si Parr na naka-Parka Jacket at maong na pantalong. Napakagwapo niya sa personal, at lalo pa siyang gumwapo sa hairstyle niyang pang-model talaga at sa suot niya.

"Kuya!" ang sigaw naman niya sabay takbo sa kinaroroonan ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay niya akin.

"Woahhh," ang tawa ko dahil sa pagkabigla. "Hindi ka naman masyadong in love sakin niyan?"

"Shh, wag ka nga maingay. Nandyan si mama oh! Marinig ka niyan," ang kurot niya sa tainga ko habang nakayakap pa sakin.

"Good evening po, ako po si Dylan, boy-- I mean, bestfriend po ni Parr," ang pag-papakilala ko sa nanay niya.

"Good evening din, nice to meet you, hijo. Walang duda bestfriends kayo nito, pareho kayong gwapo," ang sabi ng mama niya sabay yakap sa akin. Napakabait ng mama niya, makulit, at nakakatawa. Ngayon alam ko na kung saan namana ni Parr ang ugali niyang 'yun. Hindi din nagtagal ay umalis na kami, magche-check in daw sila sa Hotel habang nandito sila sa Amerika.

"Teka lang wait, kailangan ko ding umuwi ngayon tol," ang pag-aalala ko dahil gumagabi na din.

"Ayy ganun ba kuya? Sige, i-drop off ko lang 'tong mga gamit namin sa hotel tapos sasama na akong ihatid ka. Ayos ba?" ang sagot naman niya.

"Ma," ang pagtawag ni Parr sa nanay niya.

"Oh?" ang sagot niya.

"Samahan ko lang umuwi si Kuya Dylan ah?" ang pagpapaalam ni Parr.

"Sige, basta mag-iingat kayo ah," ang pagsang-ayon naman ng mama niya.

Nakarating na nga kami sa hotel at tulad nga ng ipinangako ni Parr, sinamahan niya akong umuwi sa bahay at nagpa-drive kami sa manager niya dahil nag-prisinta naman ito.

"Kuya," ang pagtawag sakin ni Parr habang nasa sasakyan.

"Hmm?" ang pagsagot ko naman habang nakahiga ang ulo sa headrest at nakadungaw sa bintana.

Hinawakan ni Parr ang kamay ko sabay sabing, "Ang gwapo mo," at tumawa.

Ikinilas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya sabay gulo sa buhok niya. Madalian ko din namang hinawakan muli ang kamay niya. "Ikaw talaga, makapang-bola ka. Kaya mahal kita eh." Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay tumingin ako sa salamin sa may driver's seat, at nakita kong nakangisi-ngisi lang ang manager niya. Ewan ko.

Hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa bahay namin. Nagpapaalam na ako nang biglang, "Kuya wait!" Hinawakan ni Parr ang kamay ko tanda nang pagtutol sa pag-alis ko.

"Oh tol, bakit? Magkikita pa naman tayo eh," sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"I'm coming with you," sabi niya nang nakangisi.

"B-bakit?"

"Syempre, gusto ko namang ma-meet ang parents mo. Daya kaya, na-meet mo na si mama ta's di ko pa nakikilala magulang mo. Di ba?"

"Ah.. Eh sige. Isama mo na si Ate Jack, baka mainip eh. Pasok na kayo sa loob."

At ayun nga. Ewan ko na kung anong pinag-uusapan nina Parr at ng mga magulang ko gawa nang pagod ako at gusto ko nang maligo. Mga 20 minutes din siguro ang nakalipas pero nandun pa din sina Parr sa bahay.

"Kuya!" ang sigaw niya paglabas ko ng banyo. "Nakausap ko na sina Mama!"

"Mama?" ang naguguluhan kong tanong.

"Oo, mama mo," ang nakangisi niyang sagot.

"Wow ha, ba't Mama tawag mo sa lanya? Loko ka," ang tawa ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Eh dun din naman pupunta yun balang araw eh. So yeah, mag-impake ka na. Pinaalam na kita. Sasamahan mo ko san lahat ng gagawin ko habang nandito ako sa Amerika," ang nakangiting sabi niya.

Nakakagulat. Dahil hindi agad mapapapayag ang mga magulang ko nang kung sino man. Pero hindi "kung sino man" si Parr, gawa nang artista ito at syempre, dahil Pinoy kami, may Filipino Channel kami dito sa bahay, sikat siya at kilala siya. Napangiti nalang ako.

At yun na nga. Kasama ko si Parr ng dalawang linggo. That was the beat two weeks of my life. Nasaksihan ko kung paano siya magphotoshoot at magmodel. Nakakafrustrate pala ang gawain na yun, kahit magpopose ka lang, it's more than that. Nagpunta din kami ng Disneyland sa Anaheim. Napakasaya. Naging close na din ako sa Mama niya at sa Manager niya. Napakadami naming ala-alang nabuo, mga litratong nakuha, at syempre, kung kaming dalawa lang, mga pag-iinit ng katawang ipinalabas. Dun ako lalong na-in love kay Parr. Parr's more than a model, he's more than being an artist, he's more than being my boyfriend. He's my life, my world, my axis, where my life revolves.

Balik nanaman kami sa LDR pagtapos ng dalawang linggo.

Nagpatuloy ang relasyon namin ng dalawa pang taon. Naging matatag kami. Ngayon 19 na ako, 18 na si Parr. Graduate na ko ng 12th grade dito sa Amerika.

Me: Tol, dyan na ko mag-aaral ng college sa Pinas! :D
Parr: Talaga kuya? Yessss! Same school tayo ah?
Me: Syempre naman! Papayag ba naman akong malayo sa utol ko.

Yun na nga. Architecture ang course ko, at siya naman Nursing. Same school kami, different Administration Buildings nga lang. Ok na din, at least magkalapit kami.

Kaya lang, napansin ko, simula nang umuwi ako ng Pilipinas, parang nag-iiba ang trato sa akin ni Parr. Yung parang itinataboy niya ako, parang naiilang tuwing magkatabi kami sa harap ng mga kaibigan niya. Ewan ko kung anong nangyayari. Pinipilit ko nalang ipasok sa sarili ko na pagod lang yung tao at exhausted lang. Hanggang isang araw, habang nagsurprise visit ako sa isa niyang photoshoot para sa isang clothing brand sa Laguna..

Nakita kong napakalapit ng mukha nila ng kapwa niyang model. Mahirap pala. Lalo na babae yun, at maganda. Samantalang ako, eto lalaki, at.. At. Haist. Break time na nila at napaksaya ko dahil papalapit sa akin si Parr, kita mo sa mukha niya ang pagod.

"Hi tol! I brought you fo---"

"Ba't andito ka?" ang tanong niya na parang hindi masaya ang tunog.

"Wait wait wha---"

"Hindi mo ba alam na bawal ang mga bisita dito sa shoot?" ang parang galit niyang tono.

"S-sorry wala namang nagsabi kasi sa akin," ang pag-aalala ko at tonong mababa.

"Umuwi ka na." ang matigas niyang pagkakasabi.

"Oh. S-sige. E-eto nalang pala yung pagkain mo at e-xtrang s-shirt. B-bye," ang sabi ko sa nasasaktang tono. Napakahina kong nagsalita nun. Parang nawalan ako ng lakas.

"Oh please kuya, don't act like that!" ang pagsigaw niya.

"Excuse me?!" ang sagot ko. Natahimik siya. Nakayuko lang siya. "Act what? Wag akong aarte na nag-aalala ako sa'yo? Wag akong aarte na inaalala ka? Wag akong aarte na mahal kita? Wag akong aarte na kahit future ko, isinacrifice ko para makasama ka? Yes, tol, madaming universities ang nag-alok sakin dun, pero tinanggihan ko para makasama ka dito. Wag akong aarte na parang hindi nasasaktan? Fine. I won't. Hindi na. It's December 20th today," at nakita kong tumingala siya at tumitig sa mukha ko, sabay biglang may tumulong luha, "Happy Anniversary nalang." Tumalikod na ko at tumungo sa kotse ko. Nagmadali akong marating ang aking sasakyan dahil parang isang talon kung dumaloy ang mga luha ko sa mata. Nag-drive ako kaagad palayi sa venue. Naaninag ko si Parr na tumatakbo at hinahabol ang sasakyan ko. Pero mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko.

Isang buwan ang nakalipas. Pinilit kong wag pansinin ang mga dalaw, tawag, texts, peace offerings ni Parr. Oo, sa una mahirap, pero nasanay ako.

May kumakatok sa pinto ko. Ignore. Nagpatuloy ako sa panonood. Katok.

"Dylan?" kilala ko ang boses na yun. Si Ate Jack. Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

"A-ate Jack, ano pong ginagawa niyo dito?" ang sorpresa kong tanong.

"Hi Dylan. Sorry for not informing you about my visit. Can I come in?" ang nakangiti niyang tugon.

Pinapasok ko siya at naupo kami sa sala.

"Dylan, anong nangyayari sa inyo ni Parr?" ang tanong niya.

"P-po?" ang naguguluhan kong tugon.

"Oh come on, alam ko ang tungkol sa inyo. Lahat sinabi sakin ni Parr yan. Simula pa nung nanalo siya sa modelling contest. Hindi yan nahiyang ipakita ang tunay niyang pagmamahal sa'yo. Lahat ng nangyayari sa inyo ikinukwento niya sa akin. Palagi yang nakangiti habang nagkukwento. Makikita mo talaga sa mukha niya na sobra siyang in love. Except this one, ayaw niyang magkwento kung ano talagang nangyayari sa inyo. Ang last niya lang na naikwento ay tungkol kay Jake." Napatigil ako. Si Jake. "Nagseselos siya masyado kay Jake. Lagi kayong magkasama at nagkukulitan. Naikwento niya din sa akin ang sinabi sa kanya ni Jake. Gusto ka ni Jake, Dylan. Plano ka niyang agawin kay Parr.

"Kahit yun na ang last na nakwento niya, alam kong he's been acting so weird around you. Yun ay dahil takot siyang mawala ka."

"P-pero kung takot po siya, bakit parang itinataboy niya pa ako?" ang mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Kilala mo si Parr, Dylan. Alam mong isa yang mahinang tao. Hindi niyan alam kung paano ihandle ang isang sitwasyon, lalo na't napansin ko noon na mas madalas kang makasama si Jake kesa kay Parr. Kaya siguro inassume nung tao na may gusto ko kay Jake. At dahil nga mahinang tao si Parr, hindi ka niya makompronto nang maayos, kaya ganun siya umarte," ang mahabang paliwanag ni Ate Jack.

Luha. Iyak. Yun na lang ang naisagot ko. Hindi ko mapigilan ang nararandaman ko. I was sobbing. That wasn't me. That wasn't the tough Dylan. That was the Dylan who, at the end of the day, is still in love with Parr.

"San ka pupunta?" ang pag-aalalang tanong ni Ate Jack.

"My dreams. My love. Bubuuin ko po ulit ang nabasag," sagot ko nang nakangiti bangamat may luha pa.

Nagmamadali akong lumabas ng bahay at pinaharurot ang sasakyan patungo sa condo ni Parr. Hindi din nagtagal ay nakarating na ako sa tapat mismo ng condo niya. Kumatok ako. Kinakabahan ako. Bagama't masaya, nangangatog ang mga binti ko. Kumatok ulit ako.

Naghintay pa ako na may sumagot ng pinto.

Bumukas ang pinto.

Balde-baldeng luha ay dumaloy mula sa nasaktang mga mata.





Wakas.

Thursday, December 27, 2012

Anino Ng Kahapon 20




Photo by: Justyn Shawn



Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Maligayang Pasko!


Gusto ko  pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon.  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.  Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat.  Sana po ay naintindihan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____


Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!

CHAKKA (INIBIG MO'Y PANGIT) Chapter 23



Chapter 23
               Nagkatinginan kami ni Dok Mario. Alam kong may kakaiba sa kaniyang mga tingin. Nabasa ko doon ang kakaibang pagkabahala.
                “May masama bang nangyari kay Lando, Dok?”
 “Alam kong kayang-kaya ni Bryan pero kung hinihingi niya ang tulong ko, hindi iyon normal. Tatagan mo ang loob mo. Babalikan kita dito. Gagawin namin ang lahat. Naiintindihan namin ni Dr. Bryan ang kalagayan ninyo kaya lahat ng kaya naming gawin ay gagawin namin para sa inyo. Gusto ko taimtim kang magdasal sa kaniya. Malaki ang maitutulong ng iyong pananalig sa Diyos. Sige maiwan muna kita dito. Alam kong parating na din ang pamilya mo para dalawin ka.” Paalis na si Dok Mario pero nahawakan ko ang kaniyang kamay.
                “Parang awa niyo na Dok. Kailangan ko siyang masilip. Utang na loob Dok, kailangan kong makita siya.” Higit pa iyon sa pakiusap, higit pa iyon sa pagmamakaawa. Isang masidhing hinaing na alam kong siya lamang ang nakakaramdam sa aking nararamdaman.
                “Hindi puwede. Baka hindi mo pa kayanin at mahigpit na ipinagbabawal ang papasukin ang sinuman maliban sa amin sa ICU.” Nakikiusap ang kaniyang tingin.
                “Alam kong dama ninyo ngayon ang paghihirap ng kalooban ko. Hindi ko alam kung paano ako makatulong sa inyo ngunit kagustuhan ko lamang po siyang makita. Alam kong kahit walang malay si Lando ay gusto din niyang malaman ang kalagayan ko. Parang awa niyo na po Dok. Tatanawin kong malaking utang na loob sa inyo kung mapagbibigyan ninyo ang hiling ko.”
                Tumitig sa akin. Naroon ang awa sa kaniyang mukha ngunit tinuloy parin niya ang paglabas sa pintuan at naiwan ako doong umiiyak. Humihingi ng tulong sa Diyos. Himihingal ako at humahagulgol habang kinakausap ang Diyos na pagbigyan ang hiling kong ibalato ang buhay ng lalaking pinakamamahal ko.
Nasa ganoon akong kalagayan ng nagbukas ang pintuan. May dalang kasama si Dr. Mario at wheel chair. Mabilis ang pagbuhat sa akin at paglipat sa wheel chair. Kasimbilis din iyon ang lakad takbong ginawa nila para makarating kami agad sa ICU. Mabilis din ang ginawa nilang pagpasok sa akin sa loob. Pagkalabas ng dalawang nagbuhat at nagtulak sa wheel chair ko ay lumabas mula sa kurtinang puti ang si Dok Bryan. Hindi ko nagawang pagmasdan ang kalagayan ni Lando dahil mabilis ang ginawang pagsara pagsara din sa kurtina
                “Anong nangyari baby?” tanong ni Dr. Mario kay Dr. Bryan.
                Tumingin sa akin si Dok Bryan. Tumingin din siya kay Dok Mario.

“Alam ko bhie, pinagbabawal papasukin siya ditto at alam ko ding hindi ko dapat nilagay siya sa risk na dalhin ditto dahil under-recovery palang siya ngunit sana maintindihan mo ako. Nararamdaman ko ang pinagdadaanan niya.”
Muli akong tinapunan ni Dok Bryan ng tingin. Napabuntong-hininga. Naghintay ako sa kaniyang sasabihin. Ayaw kong pangunahan siya. Lagi kong hinihiling sa Diyos ang kaligtasan ni Lando. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking likod at tagiliran at nahihilo pa ako ngunit hindi ko iyon alintana.
                “Mahina na ang kaniyang katawan. Tinamaan siya sa sa ginamit ni Jc na .22 caliber sa chest at tinamaan ang kaniyang kanang bahagi ng kaniyang baga. The bullets penetrated the chest wall and damaged the lung.” Paliwanag niya kay Dok Mario. Nakikinig ako sa kanilang usapan.

                “ His lungs collapsed at alam kong nararamdaman niya yung sakit kaya siya minsan nahihirapang huminga.  He wheezes out blood in a fine mist at natakot ako nang nagiging clots na ang lumalabas. Napakabilis ang paghina ng kaniyang katawan and his blood pressure is dropping. With the injury to his lung, the oxygen content in his blood  dip to very low levels kaya siya hindi pa binabalikan ng malay hanggang ngayon. But then again, anything is possible.” Tumingin si Dok Bryan sa akin. Gusto niyang maintindihan ni Dok Mario ang history ng nangyari kay Lando para alam nilang dalawa ang dapat gawin.
                “Mabuti at nabigyan ko kaagad siya ng endotracheal tube sa kaniyang baga dahil nakatulong iyon sa kaniyang paghinga. Pagkatapos kong matanggal yung bala sa kaniyang baga ay maayos ko naman natanggal din ang nadaleng lower lobe na tinamaan. Nang iniwan mo ako kahapon pagakatapos ng successful na operasyon nilagay ko siya sa ventilator nang magdamag. Tinanggal ko na ang endotracheal tube dahil natatakot ako na magkaroon siya ng kumplikasyon na  pneumonia.” Pagpapatuloy ni Dok Bryan.
“Nilagyan mo na ba siya ng chest tube? Tanong ni Dok Mario. “Alam mo malaki ang maitulong nito to evacuate air and any residual blood or body fluids from the chest cavity, which helps keep the lung inflated.” Nagiging masiyadong marami na silang sinasabing medical terms na hindi ko maintindihan at ang gusto ko lang malaman ay kung ligtas ba ang mahal kong si Lando. Hindi ako makasingit. Kailangan nilang mag-usap para mapag-aralan nila ang dapat gawin.
“Opo nalagyan ko na kaya lang ay hindi pa natin puwedeng tanggalin iyon hanggang sariwa pa ang sugat sa baga niya, baby. This takes a couple of days or up to a week pa siguro kung malakas ang kaniyang katawan pero mahina siya. Hindi ko na alam kung ano ang maari nating gawin. Naghihintay ako ng himala na sana kaya niyang labanan ito.”
“Nasalinan mo na ba siya ng dugo?” muling tanong ni Dok Mario. Kalmado silang dalawa sa kabilang ng mga nangyayari samantalang ako ay kanina pa nanginginig sa takot.
Nasalinan na ng dugo ngunit malalim ang kaniyang mga sugat kaya nagiging critical parin ang kaniyang kondisyon. Hindi kasi nagiging stable ang kalagayan niya na parang may pumipigil sa kaniya. Hindi ko maintindihan. Pilit siyang lumalaban ngunit kahit anong laban niya ay parang bumibigay din ang katawan niya sa tindi ng mga sugat na tinamo. Baby, nahihiwagaan ako sa kalagayan niya. Kaya baka kako ikaw ang makatulong sa akin para alamin iyon.”
                “Parang awa niyo na Dr Bryan. Tulungan ninyo si Lando. Kailangan siyang mailigtas.” Humahagulgol na ako.
                “Terence, patatagin mo ang loob mo. Alam kong kahit wala siyang malay ay maari niyang marinig ang lahat. Magtiwala tayo sa himala ng Diyos. Bhie, mauna ka na, susunod ako. Alam kong kaya nating pagtulungan ang kalagayan ni Lando.” Sagot sa akin ni Dok Bryan. Marahan niyang hinawakan ang aking palad.
                Nakita ko ang pagdaloy ng luha ni Dr. Mario habang nakatingin sa akin. Mabilis niya iyong itinago sa pamamagitan ng pagpasok sa kurtinang siyang nagtatago sa tunay na kalagayan ng lalaking buhay ng buhay ko. Umupo si Dr. Bryan sa harap ko. Tulad ni Dr. Mario, naroon ang mapang-unawang mga titig. Hindi ko na alintana ang pagkahilo. Mas importante sa aking isipin ang kalagayan ni Lando.
                “Terence, nakikiusap ako sa iyo. Buksan mo ang loob mo sa maaring mangyari. Magpakatatag ka. Gagawin naming lahat ni Dr. Mario ang makakaya namin. Dito ka muna at hingin ang tulong ng Diyos. Iyon lang ang alam kong kaya mong maitulong sa ngayon. Iwanan kita dito dahil mas kailangan ni Lando ang atensiyon naming dalawa ni Dr. Mario.” Pagkasabi niya iyon ay mabilis nang tinungo ni Dr. Bryan ang kinaroroonan ni Lando.
                “Gawin po ninyo ang lahat ng inyong makakaya Dok. Nagmamakaawa ako. Hindi ko kasi alam kung paano tatanggapin ang lahat kung tuluyan niya akong iwan. Hindi pa ako handa.” Pagsusumamo ko.
                “We will, Terence.” Pinilit niyang ngumiti bago pumasok doon.
                Pakiramdam ko ay napakatagal nilang dalawa sa loob ng kurtinang iyon. Tanging mga nurses na siyang nag-aassist sa kanila ang nakikita kong lumalabas. Mabilis ang bawat kilos nila. Taimtim akong nanalangin muli sa Diyos sa kaligtasan ang lalaking mahal ko. Magulo ang utak ko sa sandaling iyon at alam kong kahit paulit-ulit ang dasal ko ay alam ng Diyos kung paano ako nakikiusap sa kaniyang tulong.
                Mahigit kalahating oras ang dumaan ng muling lumabas mula sa puting kurtina ang dalawang may mabubuting pusong doctor. Nakaakbay si Dok Bryan kay Dok Mario. Kapwa silang nakatingin sa akin. Walang gustong magsalita. Banaag ko ang luha sa gilid ng mata ni Dr. Bryan. Ramdam ko ang kakaibang kalungkutan at pagkabigo sa mukha ni Dr. Mario. Natakot ako. Nanginig ang buo kong katawan. Parang hinihigop ako ng kawalan. Ayaw kong marinig kung anuman ang kanilang sasabihin. Sa mukha pa lang nila ay nababanaag na ang pagkabigo. Kahit gusto kong marinig ang kanilang sasabihin ay ayaw kong magtanong. Ayaw kong sumuko. Ayaw kong ganoon na lamang kadaling mawala si lando sa akin. Hindi pa huli ang lahat.
                “Gusto ko siyang makausap. Kung tuluyan na niya akong iniwan, gusto kong marinig niya ang lahat ng aking sasabihin. Alam ko, narito pa siya at gusto kong lumaban siya. Kailangan niyang marinig na narito ako’t hinihitay ang kaniyang paglaban. Parang awa niyo na po. Gusto ko siyang mayakap kahit sa huling sandali.” Puno ng hikbi ang pakiusap na iyon. Kung sana kayang ipaliwanag ng luha ang bigat ng aking dibdib. Nahihilo na ako dahil sa taas ng aking emosyon. Parang sasabog na ang aking dibdib. Hindi ko na alam kung paano maging matatag. Hindi ko na alam kung nakikinig ba ang Diyos sa aking mga dasal. Sana kung bawiin niya sa akin si Lando ay mas mabuting isabay na din niya ako. Hindi ko na gustong mabuhay ng ako lang. Alam ko, hindi kayang bumitiw ni Lando hangga’t hindi niya naririnig ang aking huling paalam kung sakali mang nahihirapan na siya at gusto na niyang bumitaw. Hidni ko alam kung paano ko siya papayagang iwan ako. Sana makinig ang Diyos at bigyan niya ako ng pagkakataon sa buong buhay ko na maniwala sa kaniyang himala at pagpapala.
                Nang tinutulak ni Dr. Mario ang aking wheel chair patungo sa kinahihigaan ni Lando ay pakiramdam ko napakadilim ng paligid ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko dahil hindi ko napaghandaan kung paano ko isa-isahing sabihin sa kaniya ang katotohanang hindi ko kayang mabuhay ng wala siya. Hindi ko alam kung paano siya tatanungin kung anong kahalagahan ng pagbabalik niya ng panandalian sa buhay ko at ang kapalit naman nito ay ang napipintong habambuhay naming pagkakalayo. Aanhin ko ang pinahalagahan niyang buhay ko kung ang hinaharap ko naman ay tuluyan niyang babaunin sa kaniyang hukay.
                Nakita ko siyang nakapikit na para bang hindi na humihinga. Takip ng napakaraming benda ang buong katawan. Hindi ko alam kung paano ko simulang magsalita dahil sa dami ng gusto kong sabihin. Naninigas ang aking buong katawan ngunit gusto ng isip kong magpakatatag para sa kaniya. Nakapahirap para sa akin ang huminga ngunit kailangan kong punuin ng hangin ang naninikip kong dibdib para kahit sa kahuli-hulihang sandali ay malaman niyang pilit akong nagpapakatatag para sa kaniya. Gusto kong maramdaman niyang tatanggapin ko ang anumang gusto niyang mangyari. Ngunit sa pagkakataong iyon ay gusto kong humiling sa kaniya. Buong buhay ko ay hindi ko nagawang humingi ng kahit ano. Nakuntento ako sa pagbigay ng pagmamahal, nasiyahan ako sa pag-aalaga’t pagtulong ngunit ni minsan ay hindi ako humingi ng kahit anumang kapalit.
                Mainit pa ang kamay niya nang mahawakan ko. Maingat kong hinalikan ang iyon at alam kong hindi siya bumibitaw hangga’t hindi niya ako nararamdaman. Para bang gusto niyang makatiyak na ligtas ako’t buhay bago siya tuluyang mamaalam kaya kahit halos hindi na humihinga ay naroon parin ang init sa kaniyang katawan. Alam kong kinakaya niyang mabuhay dahil hinihintay lang niya akong tuluyang magpaalam. Ngunit paano ko gagawin iyon. Paano ko siya hahayaang mawala at iwan ako ngayong alam kong hindi ko kakayanin? Gusto kong magsalita ngunit sa tuwing binubuka ko ang aking bunganga para ihayag ang lahat ng naiipong pighati sa aking dibdib ay wala akong boses. Dinala ko ang kaniyang palad sa aking pisngi. Hinalikhalikan ko muli iyon hanggang tuluyang mabasa ito ng aking luha. Wala akong naramdamang kahit katiting na galaw sa kaniyang kamay.
                Hanggang narinig ko na lamang ang sarili kong humahagulgol. Isang malakas na sigaw sa kaniyang pangalan ang namutawi ng aking labi at alam kong iyon na ang simula para ihayag ko lahat ang gusto kong sabihin sa kaniya.
                “Lando, mahal ko, alam mong buong buhay ko’y binigay ko sa iyo. Minahal kita ng di naghintay ng kahit anong kapalit. Kung gusto mong ituloy ko ang buhay ko nang hindi na kita kasama pa, bigyan mo ako ng dahilang mahalin ito dahil alam mong ikaw lang ang tuluyang nagbibigay sa akin ng dahilang mahalin ang buhay. Bigyan mo ng kasagutan ang mga tanong ko kung bakit kailangan kong mabuhay ng wala ka. Hindi ko kakayanin mahal ko. Ngayon lang ako hihiling sa iyo, sa buong buhay ko, ngayon lang ako makikiusap sa iyo kaya sana, huwag mo akong biguin. Huwag mo akong iwan. Pilitin mong lumaban para sa amin ng anak mo. Alam kong nahihirapan ka ngunit hindi ba’t mas mahirap kung tuluyan tayong maghihiwalay? Hindi ba’t mas masakit na hindi natin maipagpapatuloy ang kasisimula palang nating buhay na kasama ang isa’t isa. Para saan pang mabuhay ako kung mawawala ka naman? Ano pang silbi ng pakikipaglaban mo kung susuko ka na ngayon? Parang awa mo na. Lumaban ka! Huwag mo akong iwan! Nangako ka sa akin, sumumpa kang walang iwanan. Di’ba mahal ko? Paulit-ulit mong pinangako iyon kaya sana mapanindigan mo dahil ikaw ang higit kong kailangan. Landoooooooooo!!!! Huwag mo akong iwan. Huwag mo kaming iwan ng anak mo!!!!!” nagsisigaw na ako. Gusto kong marinig niya ang lahat ng mga sasabihin ko.
                Naramdaman ko ang pagkakagulo ng paligid ko ng makita ko sa heart rate monitor ang diretso ng takbo ng linya. Naging abala ang lahat ng naroon. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin no’n kaya halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Isinisigaw ko ang pangalan ng lalaking mahal ko. Paulit-ulit akong nakiusap sa Diyos. Hindi magkamayaw ang paghingi ko sa kaniyang tulong. Nagbabakasakali sa isang himala. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Lando sa mga kamay ko. Sandali lang iyon ngunit mahigpit. Nabitiwan ko ang hawak sa kamay ni Lando dahil may humila na sa aking wheel chair. Hanggang sa pinaligiran na siya ng mga nurses at doctors. Isang nurse ang nakaisip na ilayo ako roon ngunit pilit akong lumaban. Ayaw kong ilayo ako doon dahil gusto kong samahan sana siya hanggang sa huling sandali. Gusto kong samahan siya kahit sa kabilang buhay. Hanggang parang hindi ko na makayanan ang bigat ng aking dinadala. Parang napakahirap kong huminga at ramdam kong parang biglang naging sobrang liwanag ang paligid ko ngunit sandali lang yun dahil nang hinigop ang buong lakas ko ay parang wala na akong naalala pa kundi kadiliman.
                Pakiramdam ko ang isang mahabang pagkakahimbing ang sumunod. Nagising ako at pilit kong binubuka ang aking mga mata ngunit parang hinihila ako ng antok. Napakabigat ng talukap ng aking mga mata kaya naigugupo parin ako ng isang mahabang pagpapahinga. Mahabang pagkatulog.
                “Hindi kita iiwan, kahit anong hirap kakayanin ko. Lalaban ako ngunit hindi kita iiwan. Pangako ko ‘yan sa iyo.” Tinig iyon ni Lando. Sinusuklay ang buhok ko. Nakangiting nakamasid sa akin habang nakahiga ako sa kama. Hinawakan ko ang kaniyang mukha. Sinalubong ng kamay niya ang kamay kong naghahaplos sa kaniyang pisngi. Dinala niya iyon sa kaniyang labi at nang kaniyang halikan ay napapikit siya at tumulo ang nangingilid niyang luha.
                “Mahal na mahal kita, mahal ko. Nangako ka sa aking walang iwanan? Tutuparin mo iyon di ba?” tanong ko habang tinititigan ko ang maamo niyang mukha. Naroon ang matagal ko ng hinahangaang ngiti.
                “Mahal na mahal din kita. Hindi kita iiwan. Hinding-hindi!”
                Ngunit nang hawakan ko siyang muli ay lumagpas ang mga kamay ko sa kaniyang repleksiyon. Hanggang tuluyan na siyang naglaho. Sumigaw ako. Tinawag ko siya. Masakit sa loob kong hindi siya tumupad sa sinabi niya kaya nagsisigaw ako. Paulit-ulit kong sinasabi ang kaniyang pangakong walang iwanan. At muling lumiwanag ang paligid…

READ FINAL CHAPTER IN MY BLOG
http://joemarancheta.blogspot.com/

ALSO READ MY NEW CONTROVERSIAL NOVEL...

Paano nga ba maipaglalaban ang tunay na pag-ibig sa isang alagad ng simbahan at Diyos? Paano ito mapagtatagumpayan lalo pa't sa lalaki sa lalaking pag-iibigan. Alin ang pipiliin, ang paninilbi at pagmamahal sa Diyos o ang pagsuko at ituon ang panahon at buhay sa lalaking tunay na laman ng puso't isipan.

Basahin ang kuwento ng pag-iibigan nina Ron at Aris sa blog na ito...
http://joemarancheta.blogspot.com/

Aking artista. [Short story] Part 1/2

"I don't care how we met, I'm just happy we did."


----------


Ako si Dylan. Labin-limang taong gulang. Sa edad kong 'to maraming nagsasabing masyadong mature ang mukha ko. Ganun na talaga siguro ang generation ngayon. Gwapo naman ako, katamtaman ang katawan. May mga makakapal na kilay ang mapupungas na mata. Sa itsura kong 'to walang mag-aakalang lalaki din ang nais kong ibigin, although naka-tatlong girlfriend na ako, at sa katunayan, minahal ko sila nang parang isang tunay na lalaki.

Akala ko magiging isang normal na araw lang para sakin dito sa America ang November 30, Friday. Akala ko gigising lang ako, kakain, papasok, uuwi, magcocomputer, at patuloy na iiyak dahil sa pagiging "forever alone." Akala ko. Akala ko. Pero mga bandang alas-4 ng hapon, dahil nga bored ako, nagpunta ako dito sa isang chatroom. Parang chatroulette lang siya, once-on-one cam kayo ng isang estranghero, at kung maboryong ka, pwede kang mag-next para maka-chat naman ang iba. Worldwide chatroom siya, kaya lahat ng taong nasa parehong chatroom mo, makaka-chat mo kahit nasa kabilang dako pa yun ng mundo. Dahil sa sexual preference ko, dun ako sa "gay chatroom."

Next.

Next.

Boring.

Next.

Too old.

Next.

Napatigil ako.

You are now chatting with a stranger.
Location: Philippines

Me: Musta?
Stranger: Sabi ko na nga ba pinoy ka eh.
Me: Haha, oo :)
Stranger: May skype ka?
Me: Meron.

At ibinigay ko nga ang Skype ID ko. Siya si Par, sa skype na kami tuluyang nag-usap. Umalis na kami pareho sa chatroom. At doon sa skype, ipinakita niya na ang mukha niya. Gwapo si Par, 14 years old, mas bata sa akin ng isang taon. Katamtaman lang din naman ang pangangatawan. Parang pwede nga siyang mag-artista eh. Mabait siya at makulit kahit saglit pa lang kaming nagkakausap.

Simula nung araw na yun, araw-araw na kaming nag-uusap. Kahit mga 16-hours difference ang time zone namin, naghahanap pa din kami ng daan para magkausap. Bago siya pumasok sa school, magoonline muna yan para lang magkita kami kahit sa videochat, at magpapaalam.

Lumipas ang isang linggo at iba na ang nararamdaman ko para kay Parr. Yung parang tuwing naiisip ko siya sa school, lagi akong kinakabahan at nawawalan ng focus. Yung parang tuwing makikita ko ang pangalan niya sa mga messages ko sa facebook, nae-excite ako. Yung parang isang araw ko lang siyang hindi makausap, eh wala ako sa mood buong araw, o kaya naman makausap ko lang siya kahit saglit, masayang-masaya na 'ko. At alam kong ganun din ang nararamdaman niya. Alam ko. Alam ko. Ewan, pero kahit di kami magkakilala sa personal, o di nagkikita sa personal, in love ako. Pwede siguro 'tong tawaging "Love at first chat."

Meron pa nga kaming convo nun na talagang nagpasaya sa akin.

Parr: brb :)
Me: ahh sige tol :)
-Makalipas ang tatlong oras-
Parr: Siguro kuya [kuya tawag niya sakin dahil nga isang taon ang tanda ko] tulog ka na, good night po! :)
Me: Ui tol, di pa ko tulog, hinintay kita.
Parr: Ayy bakit?
Me: Sabi mo kasi brb eh.
Parr: Ayy sorry kuya akala ko nag-bye ako hehe. Sorry!
Me: Ok lang yun, ang mahalaga bumalik ka.
Parr: Aww kuya naman para tuloy tayong LDR neto. Haha. Parang ganito: Sorry babe pinaghintay kita pero alam mo namang ikaw lang mahal ko eh. :)
Me: Ok lang babe, mahal naman kita eh. :D
Parr: Haha kuya ang landi natin xD
Me: Oo nga eh. Oh sige na, matutulog na ko. Good night tol! I love you. :)
Parr: I love you too kuya, good night!

Yun. Nakatulog ako ng mahimbing. Kahit walang aminan sa pagitan namin, alam naming in love kami sa isa't isa. Kahit walang linawan ng tunay na kami, umaarte kami na parang tunay na mag-boyfriends.

Lumipas pa ang ilang araw at tuluyan na 'kong nahulog kay Parr. At noong December 20, chi-nat ko siya.
Me: Tol, may tatanong ako.
Parr: Ano yun kuya?
Me: Pwede ka bang ligawan?

At noong na-send ko ang tanong na yun, kumakalampag ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako kung ano ang maisasagot niya.
Parr: Aww syempre naman kuya. :)
Me: Talaga?! Yay! O pano ba yan, simula ngayon nililigawan na kita ah.
Parr: Opo kuya. :)
Me: Ikaw nalang bahala kung sasagutin mo na si kuya. Maghihintay ako.
Parr: Pano ako sasagot eh wala pa namang tanong?

"Pano ako sasagot eh wala pa namang tanong?"
"Pano ako sasagot eh wala pa namang tanong?" ang pag-uulit ko sa binasa ko. At dahil dun, agad-agad akong nag-online sa skype at vinideocall si Parr.

"Tol," ang sabi ko agad nang sinagot ni Parr.

"Po?" ang sagot naman niya nang nakangiti.

Kinakabahan ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Nangangatog ang mga tuhod ko. Ang mga kamay kong nakahawak sa keyboard at mouse ay parehong nanginginig. Nakakabaliw.

"Uhm.. uh.. w-will y-y-ou b-be m-my b-boyfriend?" Sa wakas. Naitanong ko din!
Nakatitig lang ako sa screen, pinagmamasdan ang mukha niya habang hinihintay ang sagot niya.

"YES KUYA! YES!!!" ang pagsigaw niya habang nakangiti.

Yun na ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang maging official boyfriend ni Parr. Mahirap siyang pakawalan, kaya agad-agad akong kumilos, dahil malay natin, may dumating na iba, at kung mangyari man yun, at least hindi siya makukuha sakin, dahil akin na siya, mahal ko siya.

Dahil nga December 'yun, madalang na lang kaming nakakapag-usap ni Parr. Busy siya sa pamilya niya at sa mga handaan. Mga invitations sa kanya sa mga ganito-ganyan ay kaliwa't kanan. Sa makatwid, wala na siyang time para makapag-online. Ako naman, sa kabilang banda, ay lagi lang nasa computer at naghihintay lang ng araw na makakapag-online si Parr, dahil ang pasko dito sa ibang bansa ay ibang-iba kumpara sa Pilipinas. Boring at walang kagana-gana. Lalo kong hindi na-enjoy ang christmas break ko dahil nga hindi ko nakakausap si Parr. Medyo nagtampo lang ako sa kanya dahil hindi man lang niya ako mahanapan ng oras para makausap.

January na nang magsimula ulit kaming mag-usap ng maayos ni Parr.
Parr: Hi kuya did you miss me?
Me: ya
Parr: Awww kuya sorry na, alam mo namang family yun eh diba? Sorry na, smile ka na! Love ka ni utol mo. :)
BLAH BLAH BLAH. At ayun, at the end of the day, masyado ko pa din siyang mahal para magtampo sa kanya.

Lumipas ang anim na buwan, going strong pa din kami, at masaya kahit LDR, nang may sinabi siyang balita sa akin.
Parr: Kuya! Guess what!
Me: Ano yun?
Parr: Natanggap ako sa isang teen modelling contest dito sa isang sikat na network! Makikita mo na ako sa TV!
Nakakagulat, masaya ako para sa kanya, pero at the same time, may tampo ako dahil hindi niya sinabi sa akin ang plano niyang yun.
Me: Bat di mo sinabi sakin na nag-audition ka?
Parr: Syempre kuya I don't want to get yours and I's hopes up. Kung hindi ako matanggap, no biggie, at kung matanggap ako, edi surprise ko yun sa boyfriend ko!
May point naman siya.
Me: Masaya ako para sayo tol. Congrats! :)

Dun na nga nagsimula ang career niya. Magaling magdala ng damit si Parr, lalo siyang gumagwapo sa TV screen at sa mga sinusuot niyang damit. Sa edad niyang 15 noon, mukha na siyang isang propesyonal na model. At dahil nga madaming suporta sa madla, si Parr ang tinanghal na panalo. May malaki siyang cash prize, modelling contract, modelling school, at TV show contract. Akalain mo yun, ang lalaking minahal ko ng lubos 7 buwang nakakalipas, artista na. Buhay nga naman, parang life.

Kahit busy at hectic ang schedule ni Parr, naghahanap pa din siya ng oras para sakin. Minsan kahit madaling araw na dun, at tanghaling-tapat dito, magoonline pa yan, at kakauwi lang niya galing photoshoot. Kahit alam kong pagod na pagod na siya. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Ang laki na ng eyebags niya, tinatakpan nalang ng make up kapag photoshoot na niya, laging kulang siya ng tulog.

December 21, first year anniversary namin. Ang saya-saya ko. Isang taon na din pala kaming nagmamahalan. Kahit may ups and downs kami, nakayanan namin. Kahit napaka-tight ng schedule naming dalawa, nalampasan namin.
Parr: Kuya!
Me: Po?
Parr: Happy first year anniversary! I love you sooooooooo much po! :)
Me: Awww yung utol ko naman. Happy Anniversary din! Mahal na mahal kita, aking artista. :)
Parr: May surprise ako sa'yo!
Me: Ano yun?
At sa videochat, pinakita niya sakin ang isang papel.
Me: Papel lang yan eh!
Parr: Papel nga. Papel na magdadala sakin kung nasan ka.
At dun. Dun na sumabog ang nararamdamn ko. Napakasaya ko. Tumulo pa nga ang luha ko eh. Dahil sa wakas, magkikita na kami ng aking arista. 





Itutuloy.

Munting Lihim [19]


By: Mikejuha

Thanks to Jojimar Lachica for the image

------------------------------------------

Ako si ALVIN

Ito ang boyfriend kong si BRIX

At heto si KUYA ANDREI ko


At heto ang kuwento ko -
_______________________

Hindi agad ako nakasagot sa tanong na iyon ni kuya Andrei. Mistula akong nabilaukan. Pakiwari ko ay iyon na ang pinakamahirap sagutin na tanong sa tanang buhay ko.

Tiningnan ko siya, nagkasalubong ang aming mga tingin. Ngunit ako na rin ang umiwas. Yumuko ako sabay sagot ng “O-ok…” bagamat sa kaloob-looban ko ay mistulang piniga sa sakit ang aking puso.

Iyon lang ang isinagot ko. Ni hindi man lang ako nagtanong kung kailan ang kasal, saan gaganapin ito, anong oras magsimula, sa simbahan ba, ano ang motiff…

“Seryoso na talaga iyan, Andrei ha?” ang tanong ni itay.

“Opo tay… seryosohan na po ito.” At baling sa akin, “Di ba tol?”

Ngunit hindi pa rin ako kumibo.

“Saan ba gaganapin ang kasal ninyo?” ang tanong uli ng itay.

“Sa chapel po, sa loob ng military base namin sa Mindanao. Simpleng kasal lang po itay.”

“Darating ba ang mga magulang mo?”

“Opo… at ang plano nila ay dadaan dito sa inyo ng isang linggo pagkatapos ng kasal. Namiss na raw nila kayo. Miss na miss na rin daw nila si bunso…” sabay tingin sa akin.

Parang wala lang akong narinig sa mga pag-uusap nilang iyon. Bagamat na-miss ko na rin ang mga magulang ni kuya Andrei, ang lungkot na bumalot sa aking katauhan sa sandaling iyon ay napaka-overwhelming. parang wala akong maramdamang excitement na makita ko muli sila. Masyadong malapit din kasi sa akin ang mga magulang ni kuya Andrei. Lalo na sa kanyang inay, paboritong-paborito kasi ako noon. At simula noong nagkaroon na muli kami ng kontak ni kuya Andrei at nalaman na rin nila ang contact number ng inay ko, palagi na siyang nagtitext, at minsan tatawag pa ang inay niya sa akin. Naalala ko nga, noong bata pa kami, kung si kuya Andrei ay close na close sa itay ko, ako naman ang close na close sa inay niya. Kapag inaasar ako ni kuya Andrei, palaging pinaggalitan niya si kuya. At kung kaya raw parang tunay na anak ang turing ng inay niya sa akin ay dahil noong sanggol pa lamang ako, ang inay ni kuya Andrei na ang nagpapadede sa akin. Kasi, wala na raw gatas ang inay. Kaya ganoon na lang ako ka close sa inay niya.

“Kailan ba manganganak si Ella, Andrei?” ang tanong naman ng inay.

“S-siguro mga apat na buwan mula ngayon, nay.” ang sagot naman ni Ella.

Biglang napatingin si kuya Andrei kay Ella. “Di ba dapat mga limang buwan pa?” ang pagsingit ni kuya Andrei.

“Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko” sagot ni Ella sabay tawa.

“Malapit na malapit na tayong magkaroon ng apo Sita…” ang sambit naman ng itay kay inay.

“Oo nga eh…”

“At dahil napakaganda ni Ella at napakaguwapo ni Andrei, sigurado, napakaguwapo rin ng apo natin.” sambit ng itay. At baling niya kay Ella, “Alam niyo na ba ang kasarian ng bata?”

“Opo… lalaki po.”

“May lalaking apo na tayo Sita…” sambit uli ng itay kay inay.

Ngumiti lang ang inay at agad inilihis ang usapan, marahil ay naramdaman niya ang aking saloobin. “Uy… kain pa kayo, huwag mahiya ha? Mayroon pa tayong ulam sa kaldero. Andrei, Ella, Brix…”

At doon na ako naimbyerna. Kahit inilihis ng inay ang topic, pakiwari ko ay ako ang tinoturture ng itay. Para bang sa akin niya deretsong ipinapatama ang salitang “apo”. Pakiramdam ko tuloy ay may mali sa pagkatao ko na hindi niya matanggap-tanggap. Parang hindi ako karapat-dapat na maging anak nila kasi, hindi naman ako puwedeng magkaanak, hindi ako puwedeng mag-asawa ng babae, hindi ko sila mabibigyan ng apo. Dagdagan pa sa narinig ng itay na pinag-usapan namin ng inay ang tungkol sa relasoyn namin ni Brix na maaaring siyang dahilan ng malabnaw na pakikitungo ng itay kay Brix.

At hindi ko na nakayanan ang patutsada nilang iyon. Tumayo ako at tinungo ang lababo upang maghugas ng kamay.

“Saan ka na anak?” ang tanong sa akin ng inay noong tumayo na ako.

“Tapos na po ako nay…”

“Ambilis mo namang kumain tol…” ang pagsingit ni kuya Andrei.

Hindi ako kumibo. Ipinagpatuloy ko lang ang paghugas ng aking kamay. Wala ako sa mood na sumagot.

“E-excuse me po…” ang narinig kong sabi ni Brix. Tumayo na rin pala ito.

“Saan ka na Brix?” ang narinig kong tanong ng inay.

“Tapos na rin po ako.” Ang sagot ni Brix na nakita kong sumunod sa akin sa lababo at pumila sa likuran ko.

Agad kong tinapos ang paghugas ng aking kamay. Ni hindi ko kinausap si Brix. Dumeretso ako sa kuwarto at noong nasa loob na, agad akong humiga sa kama.

Sumunod din sa akin si Brix sa kuwarto, naupo sa gilid ng aking kama. “M-may problema ka ba love?” ang tanong agad sa akin ni Brix.

Syempre, mag-deny ako. “Wala ah… bakit?”

“Wala lang. Parang napansin ko lang.”

“Lika na lang, higa ka sa tabi ko.” ang sabi ko na lang upang malihis ang topic.

Humiga si Brix na nakadapa, ang parte ng dibdib niya ay nakapatong sa aking nakatihayang katawan, ang isa niyang kamay ay nakalingkis sa aking dibdib. Hinalik-halikan niya ang buhok ko, ang pisngi. “Sana ganito na lang tayo palagi no? Nagtatabi sa kama, nagyayakapan.” Sambit niya.

“Sana…” ang malabnaw kong sagot. Wala kasi sa isip ko ang sinabi niya. Sa pagkakataong iyon, walang masyadong impact ang tungkol sa kalagayan namin. Ang nasa isip ko sa sandaling iyon ay si kuya Andrei, si Ella, ang kalagayan nila, ang nakatakdang pag-iisang-dibdib nila na kinaiinggitan ko. At naroon din ang pagdaramdam ko sa aking itay na halatang dry ang pagtanggap sa akin at sa aming dalawa ni Brix. “Basta uuwi ka sa inyo pagkatapos natin dito ha? Manghingi ka ng tawad sa mga magulang mo.” ang nasambit ko na lang.

Bigla siyang natahimik. Hindi na kumibo. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya sa sinabi ko. Nanatili siyang nakadapa, ang mukha ay nakasubsob sa unan. Hindi na rin gumalaw kanyang braso na nakalingkis sa aking dibdib.

“Love…” ang sambit ko noong napansing wala siyang imik.

Ngunit hindi pa rin siya kumilos. Hindi sumagot. Hindi pinansin ang aking tawag.

Tumagilid ako, hinawakan ko ang kanyang ulo at pilit siyang na pinaharap sa akin. “Love…???”

Ngunit hindi pa rin siya gumalaw, hindi pinansin ang paghawak ko sa kanyang ulo.

Doon ko na puwersahang hinila ang kanyang braso upang mapatihaya ko siya. At noong nakatihaya na, doon ko na rin nakita ang mga luhang dumaloy sa kanyang nakapikit na mga mata. Umiiyak pala siya.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sabay yakap ko sa kanya.

“Wala…”

“Anong wala? Hindi ka puwedeng umiyak kung walang dahilan. Bakit???” ang paggiit ko.

“Ayaw kong malayo sa iyo love, eh… Syempre, kapag bumalik ako sa bahay, igigiit ng daddy na magpunta ako ng Amerika upang doon mag-aral... upang mailayo niya ako sa iyo.”

Bahagya akong natahimik. Nag-isip. Ibang bagay ang bumabagabag sa aking isip ngunit ibang bagay rin pala ang kinatatakutan niya. “Di ba nag-usap na tayo tungkol d’yan?” ang sambit ko na lang.

“Kaya nga… Hindi ko naman mapigilan ang sariling hindi umiyak. Mahal kasi kita. Masasaktan ako kapag magkalayo tayo”

Mistulang may sibat na tumusok sa aking puso sa narinig. Niyakap ko na lang siya. Hinalik-halikan ang buhok, ang pisngi, naawa sa kanyang kalagayan.

Nasa ganoon kaming pagyayakapan at paglalambingan noong may narinig kaming, “Uhummm!”

Bigla kaming napabalikwas ng kama si Brix.

Si kuya Andrei, nasa may pintuan. Hindi pala namin na-lock ang pinto. “S-sorry. Nakaistorbo pala ako.” Sambit niya.

“O-ok lang po.” ang sagot naman ni Brix.

“Tara… punta na lang tayo sa ilog. Maganda roon, sariwa ang hangin, maganda ang mga tanawin. Hindi katulad dito na ang hangin na nalalanghap mo ay may bahid polusyon na, may mga nakikita ka pang tanawin na nakakaimbyerna, nakakasira ng mood.” ang sagot kong patutsada kay kuya Andrei habang hinila ko ang kamay ni Brix upang tumayo ito.

Noong nakatayo na si Brix, hawak-kamay naming tinumbok ang pintuan ng kuwarto kung saan nakatayo si kuya Andrei. Noong dumaan na kami sa gilid niya, parang wala lang akong nakitang taong nakatayo roon. Hila-hila sa kamay si Brix, dire-deretso lang ang tingin ko, kahit halos nakaharang pa sa daanan si kuya Andrei.

Dali-dali ring nagbigay-daan si kuya Andrei. Mabilis na inilag ang sarili niya at pumuwesto sa gilid ng pintuan na parang may humaharurot lang na jeep at takot siyang masagasaan nito. At bagamat dire-deretso lang ang aking tingin, kitang-kita ko siya sa gilid ng aking mata. Habang nakabalandra siya sa gilid ng pintuan, nakatutok ang kanyang paningin sa mukha ko at sinundan niya ng tingin.

Dedma lang ako. Kunyari wala akong nakita.

“Alis muna kami kuya…” ang narinig kong pagpapaalam ni Brix kay kuya Andrei.

“Sige lang… Huwag kayong maligo sa ilog ha? Nagkakasakit iyang si Alvin kapag nabasa.”

At doon ko na binitiwan ang kamay ni Brix at mabilis na binalikan si kuya Andrei at pagkatapos, pinaulanan ko ng suntok ang kanyang mukha. “Anong sabi mo? Nagkakasakit ako kapag nabasa? Takot ako sa tubig? Hindi ako naliligo? Um! Um! Um!”

Ngunit syampre, magaling naman talaga siyang umilag, takip-takip ng kanyang palad ang mukha, umiiwas sa aking suntok ngunit nagtatawa na sumisigaw ng, “Aray kopo! Aray kopo! Hindi ko sinabi iyan ah! Biro lang iyong sa akin! Biro lang!” Hindi ako pinatulan.

Ngunit hindi ko siya nilubayan hanggang sa naabot ng aking kamao ang kanyang ulo at nabatukan ko ito... At hindi ko lang sya nabatukan; sinambunutan ko pa siya at inuntog ang ulo sa dingding na kawayan.

“Arekopppp! Ansakit noon ah!” sambit niyang nakatingin sa akin, haplos-haplos ang natamaang ulo ngunit nakangiti ng hilaw.

“Buti nga sa iyo!” at dali-dali na akong umalis, hila-hila ko pa rin si Brix hanggang sa nakalabas na kami ng bahay.

“Alam mo… simula noong maliit pa ako, dito kami palaging naliligo ni kuya Andrei” ang wika ko kay Brix noong naupo na kami sa may pampang ng ilog sa lilim ng isang malaking puno ng talisay.

“Ay ganoon ba?”

“Oo… dito kami naghaharutan, dito kami naghahabulan, dito ko rin palaging tinatago ang kanyang damit kapag naliligo siya.”

Nilingon ako ni Brix. “Mahal mo talaga ang kuya Andrei mo ano?”

Binitiwan ko ang isang hilaw na ngiti. Ngunit inamin ko ko it okay Brix. “Oo. Sa kanya ko naranasan ang sarap na mayroong isang kuya na nagmamahal; nangungulit, nagpoprotekta. At kahit na inaaway ko iyan, hindi iyan papayag na lulubog ang araw na may galit pa rin ako sa kanya. Pipilitin niyang tumawa uli ako at yumakap sa kanya. Kakargahin niya ako, manghinig ng sorry... Kahit kasalanan ko. Ayaw niyang magtanim ako ng galit sa kanya. At wala rin kaming sikreto. Lahat ng bagay sa kanya ay sinasabi niya sa akin. Kahit saan siya pupunta, nagpapaalam siya sa akin. Kadalasan, isinasama niya ako…”

Tahimik. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga.

“At noong lumayo na siya dahil nagpunta ng Maynila ang kanyang pamilya, dito sa pampang na ito ako nagpupunta kapag na-miss ko siya. Dito ko sinasariwa ang mga masasayang alaala namin ni kuya Andrei. At kahit kasagsagan pa iyon ng aking kamusmusan, tandang-tanda ko pa ang lahat. P-parang gaya rin ng ilog na ito. Halos walang ipinagbago. Parang walang kaubusan ang tubig. Walang pagbabago ang direksyon na kanyang patutunguhan. Ang buong akala ko nga, ganoon din si kuya Andrei na kagaya ng ilog ay hindi magbabago…”

Nanatiling tahimik lang si Brix.

“K-kaso… hindi pala. Simula noong nagkalayo kami, nag-iba na siya… Na-miss ko iyong dating kuya Andrei ko na mahal na mahal ako, na ako palagi ang unang taong naiisip niya kapag malungkot o masaya siya.” at napayuko na lang ako pilit na pinigilan ang sariling huwag umiyak.

“B-bakit siya nagbago?”

“Ewan. Siguro dahil may babae na siya. Noong nasa Maynila siya, nagkaanak siya. At noong nasa military naman siya, hayan… bigla ko na lang nalaman na may babae na siya at magpakasal na.”

“Kaya ka ba galit sa kanya?”

“Oo…”

“Hayaan mo, love. Ngayon lang siguro iyan. Sa katagalan, matatanggap mo rin iyan. Kasi, talaga namang sa buhay ay hindi maiwasang may mga pagbabagong magaganap, di ba? At kung mahal mo ang kuya Andrei mo, hindi mo papayagang habambuhay na magkimkim ka ng sama ng loob sa kanya. Baka… kapag nagkaanak na ang kuya Andrei mo, matutuwa ka na rin kasi, magkakaroon ka na ng pamangkin sa kanya.”

“Ewan ko lang. Parang hindi ko talaga matanggap. Minsan nga naiisip kong mas mabuti pang mamatay na lang kaming pareho upang ang tanging nasa alaala ko ay ang aming pagiging close sa isa’t-isa. At wala nang ibang sisingit pa sa pagmamahal niya sa akin.”

Tahimik.

“Nakakainggit naman ang kuya Andrei mo.”

“Bakit mo naman naitanong iyan?”

“Ako kaya kapag lumayo sa iyo ay hahanap-hanapin mo, hihintayin mo?”

Natahimik ako nang sandali. Napaisip. Parang binatukan. Kasintahan ko nga pala si Brix ngunit hindi ko man lang naisip nab aka nasaktan ko siya sa aking mga sinasabi. Pero totoo naman din talaga; mas matimbang pa rin sa akin si kuya Andrei. “O-oo naman.” ang isinagot ko. Ayaw ko ring masaktan ang damdamin niya.

Napangiti siya, inakbayan ako.

“Marami na rin kaya tayong pinagsamahan. Maraming bagay ang natutunan ko sa iyo. Mabait ka, tinutulungan mo ako. Ipinaglaban. At higit sa lahat… mahal mo ako. Paano pa kita malilimutan niyan?”

Na dahilan naman upang ilingkis na ni Brix ang braso niya sa aking beywang at hinalikan ako sa pisngi. “Hindi lang mahal. Mahal na mahal na mahal…”

“Mahal din kita.” ang sagot ko. “Pero huwag tayong maglantad dito kasi… baka may makakakita sa atin.” ang dugtong ko rin.

Nasa ganoon kami ka seryosong pag-uusap noong mula sa aming likuran ay may nagsalita ng, “Ay! Nandito sina Alvin!”

Halos magkasabay kaming napalingon ni Brix sa aming likuran.

Si Ella. Kasama si kuya Andrei.

Feeling ko ay bigla na naman akong nawalan ng gana sa pagkakita ko sa kanilang dalawa. Bigla akong napasimangot at ibinaling muli ang aking paningin sa ilog.

“Wow! Sarap maligo! Ligo tayo tol!” ang sigaw naman ni kuya Andrei. Hindi ko alam kung ako iyong sinabihan niya ng ‘tol o si Brix.

Noong nilingon ko uli siya, nakita ko ang dali-dali niyang paghubad sa kanyang t-shirt at pantalon. Tanging ang puting brief na lamang ang natirang saplot sa kanyang katawan.

Napangiti ako ng lihim. Naalala ko na naman kasi ang dati niyang ginagawa kapag ganoong napapadayo kami sa lugar na iyon. Hindi puwedeng hindi siya maligo kapag nakita niya ang ilog. At ganoon na ganoon lagi ang reaksyon niya, magmadaling maghubad at magsisigaw habang tatakbuhin ang pampang atsaka tatalon o da-dive. At hindi pa rin nagbago iyon. At dati kapag ganoong wala ako sa mood na maligo, ang gagawin ko ay hahayaan siyang mag-isang maligo habang itatago ko naman ang kanyang mga damit. At hahantong ang lahat sa paghahanap niya nito at ang pagsambuno namin, paghahabulan hanggang sa tatakutin ko na siyang isusumbong ko sa mga magulang namin kapag ganoong napipikon na ako at ginigipit niya. Ang kaibahan lang noon sa sa sandaling iyon ay may itinira pa siyang brief sa katawan. Dati kasi ay talagang hubo’t-hubad siyang magtampisaw sa tubig. Siguro ay nahiya lamang siya kina Brix at Ella.

Nahinto ang aking pagbabaliktanaw noong nagsalita si Brix. “Maligo na rin ako love?” ang tanong niya sa akin.

“Eh… S-sige, sige.” ang sagot ko. Nabigla man sa desisyon niya, pinayagan ko na rin.

Naghubad si Brix. At kagaya ni kuya Andrei, brief lang din ang naiwang saplot sa kanyang katawan. Kung hindi lang dahil sa hunk nilang mga katawan, masasabi mo talagang mga paslit sila dahil sa kanilang pagtatawanan, pagsisigawan, paghahabulan, paghaharutan. At mag high-five pa bago mag-uunahan sa pag-dive.

Nakakaaliw silang pagmasdan habang nagtatawanan, naghahabulan sa paglangoy, tila nagpasiklaban silang dalawa kung sino sa kanila ang mas malakas, mas fit, mas karapat-dapat sa isang pa-premyo.

Nasa ganoon akong pagmamasid sa kanila noong, “Hi Alvin…”

Si Ella. At umupo siya sa damuhan, sa tabi ko, pareho kaming nakaharap kina kuya Andrei at Brix na enjoy na enjoy sa paliligo.

“Hi…” ang maiksi kong tugon, hindi ko na siya tiningnan pa. Parang wala akong ganang kausapin siya. Parang gusto ko na nga ring mag walk out sa paglapit pa lang niya sa akin. Di ko lang alam kung ang naramdaman ko ay dahil sa selos o galit sa nangyari sa kanila ni kuya Andrei.

“Ang guwapo talaga ng kuya Andrei mo, no?” ang sambit niya.

Mistulang nakita ko ang isang malaking question mark na nakalambitin sa taas lamang ng aking ulo sa pagkarinig ko sa sinabi niyang iyon. Parang may kakaiba. “Oo…” ang maiksi ko pa ring sagot.

“Walang taong hindi maiinlove sa kuya Andrei mo. Ma-babae, ma-tomboy… kahit nga lalaki ay naiinlove sa kanya eh, di ba?”

Hindi ko talaga alam kung ano ang ibig niyang tumbukin sa kanyang sinabi. Halos gusto ko nang mag walk out talaga at iwanan siya sa pampang. Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Hindi na lang ako kumibo.

At doon na nagsimulang tumaas ang aking blood pressure noong nagsalita pa ito ng, “Alam ko, Alvin, patay na patay ka sa kuya Andrei mo. At alam ko rin kung paano mo siya bini-brainwash upang ang kuya Andrei mo ay hindi mag-aasawa, at ma-solo mo siya, tama ba ako?”

Pakiramdam ko talaga ay pulang-pula ang aking mukha sa sobrang galit sa narinig na pananalita niya. Hindi ko akalaing ang sinabi ni kuya Andrei na mabait na babae ay makapagsalita sa akin ng ganoon. “Bakit mo nasabi iyan? Sinabi niya sa iyo?”

“Well, not exactly. Paano kasi kapag nag-uusap kami, puro Alvin, Alvin, Alvin ang aming topic. Nakakasawa na. Kapag may tinatanong ako, ang isasagot sa akin ay, pareho kayo ni Alvin, makulit. Kapag hindi ako nagtanong, magkukuwento tungkol kay Alvin. Kapag tinatanong ko kung ano ang iniisip niya, sasabihin sa akin na namiss niya ang bunso niyang si Alvin. Nakakasawa na. Alam mo bang ayaw na ayaw ko sanang pumunta rito. Kaso… ang sabi ng kuya mo, manghingi raw siya ng consent at ipakilala niya raw ako kay Alvin. Hay naku naku… kakainis. Pati ba sa mga bagay na iyan Alvin pa rin ang nasa isip niya? Kulang nag lang magpaalam siya sa iyo kapag nasi-sex kami. Siguro, sobrang bagsik ang ginamit monggayuma sa kanya no?”

“Pinagselosan mo ba ako?” ang naisagot ko na.

“Sasabihiin na nating oo… At halata sa kilos mo na may pagmamahal ka sa kuya Andrei mo. Siguro ginamit mo lang si Brix para takpan ang naramdaman mo sa kanya, ano? Alam mo... hinid ko talaga akalain na bakla ka eh. Nice din naman pala na sumama ako rito. At least, may nadiskubre ako. At ngayong alam ko na, hinding-hindi ako papaya na isang bakla lamang ang aagaw kay Andrei sa akin.”

“Ang dumi-dumi pala ng isip mo. Akala ko mabait ka. Sayang, iyan pa naman ang sinabi ni kuya Andrei sa amin, na mabait ka. Iyon pala… may sa demonyo ka!”

At narinig ko na lang ang pagbitiw niya ng isang tawang nakakaloka. Iyong pigil ngunit nang-aasar. Parang sa isang demonyo talaga. “Alam mo Alvin, maraming tanga ang nabiktima dahil sa maling akala. Ang iba pa nga ay nagpakamatay eh. Gusto mo, magpakamatay ka na rin? Ok lang sa akin… Matutuwa ako!” at tumawa uli.

“Ang sama mo pala talaga, hindi ko akalain. Na-deceive mo si kuya Andrei! Naloko mo siya! Demonyo ka!”

“Woi… ikaw naman. OA ka ah. Slight lang naman. New recruit pa lang ako. Hindi pa full-pledged na demonyo. Maghintay ka kapag may ginawa kang hindi maganda. Makikita mo ang bagsik ko. Marunong ka bang humawak ng baril? Ako, marunong!” sabay tawa.

“Siguro itinago mo ang tunay mong ugali sa kanya upang mahulog ang loob niya sa iyo ano? Siguro matagal mo nang pinagplanuhang maangkin ang kuya Andrei ano?”

“Hindi naman matagal, ikaw talaga oh” ang sagot pa niyang sarkastikong nakangiti. “Sandali ko lang naplano iyan. Hindi ko kasi akalaing mabilis bumagsak sa bitag ang kuya mo eh. Paniwalang-paniwala sa mga drama ko! Sabagay, tunay na babae ako, maganda pa, sexy, mahaba ang buhok. Paano ba naman kasi, kung hindi ako gagawa ng paraan, malamang hindi ko maaangkin ang kuya Andrei mo. Marami kayang nagpapantasya sa kanya. Guwapo siya, di ba? Ikaw nga in love eh, kami pang mga babae… At syempre, magbait-baitan ako, iyon ang mga type ng mga katulad ni ‘kuya’ Andrei, di ba?” pag-empahsize pa niya sa salitang “kuya”.

“Oh my God! Ang sama-sama mo!” ang nasambit ko na lang.

“Mas masama pa ako d’yan.” ang pabulong niyang sabi. “Atin atin lang ha… alam mo ba, itong batang ipinagbuntis ko, hindi sa kuya Andrei mo ito eh. Ginawa ko lang siyang salvador del mundo. Two-birds in one stone kumbaga. Di ba swerte? Daig ko pa ang nanalo sa mega lotto!”

At doon na ako tumayo. Sa tindi ng galit ko, hindi ko napigilan ang sarili kong hablutin ang buhok niya upang makatayo siya at noong nakatayo na, pinagsasampal ko rin siya. “Hindi mo puwedeng lokohin ang kuya ko! Hindi ka puwedeng magpakasal sa kanya! Demonyo ka! Manlolokoooooo!”

“Alvinnnnnnnn!!!” ang sigaw na narinig ko sa gitna ng pagsasampal ko kay Ella.

Si kuya Andrei. Nakita pala niya ang nangyari at nagmadali itong lumapit sa amin, sa kanyang likuran ay nakasunod si Brix.

“Ano bang ginawa niya sa iyo tol! Bakit mo siya pinagsasampal?”

“Sinungaling siya ku--“

Hindi ko na nagawang tapusin pa ang aking sinabi gawa nang niyakap na ni kuya Andrei si Ella at nagsalita na ito habang nag-iiyak ng, “Sinabihan ko lang naman siya honey, na malapit na nga ang kasal natin at malapit na rin siyang magkaroon ng pamangkin. Ngunit pinabintangan niya akong pokpok at ginawa lang daw kitang salvador del mundo dahil ibang lalaki raw ang nakabuntis sa akin. At iyon na… sinambunutan na niya ako at tinadyakan at pinagsasampal.” at humagulgol na siya, sumandal sa dibdib ni kuya Andrei.

Hindi ko talaga maipaliwanang ang tindi ng pagka-shock ko sa mga kasinungalingang sinabi ni Ella. Parang hindi ako makapaniwala na mayroon pala talagang taong akala mo ay sa pelikula mo lang makikita ang tindi ng kasinungalingan at pagka-kontrabida.

Hinarap ako ni kuya Andrei at galit na galit na, “Totoo ba ang sinabi ni Ella? Pinagbintangan mo siyang pokpok at ibang lalaki ang nakabuntis?”

“Naniwala ka ba talaga sa kanya kuya?”

“Bakit hindi ako maniniwala? Ikakasal na kami at anak ko ang ipinagbuntis niya!”

“Kuya, sinungaling ang babaeng iyan! Di mo ba alam???” ang sagot ko.

Kumalas si kuya sa pagkakayakap ni Ella at hinawakan ang aking kamay, “Halika nga rito at mag-usap tayo” at baling kina Brix at Ella, “Sandali lang kami”.

Hila-hila niya ang kamay ko, nagmamadali niya kong dinala sa malayo-layong bahagi ng pampang, sapat na hindi marinig ang kung ano man ang sasabihin niya. “Tol… ikaw ang nanghikayat sa akin na pakasalan ko si Ella, di ba? Noong una, ang sabi ko sa iyo na ayaw kong pakaslan siya. Dahil... dahil, ikaw ang mahal ko, tangina! Bakit ngayon bigla mo na lang siyang sinaktan at siniraan?!!” ang galit nag alit niyang panunumbat.

“Dahil noon... hindi ko alam na demonyo pala ang babaeng iyon. Kung alam ko lang na ganyan pala siya ka sama, hindi ako papayag na makasal ka sa kanya! Hindi mo alam na ginawa ka lang niyang panakip-butas? Sabi mo sa akin, malakas ang pakiramdam, ang pang-amoy mo dahil sundalo ka! Hindi mo ba napapansin? O hindi na gumagana iyang sinasabi mong pang-amoy? At heto pa, hindi ko siya siniraan! Talagang sinungaling siya! Niloloko ka lang niya! Buksan mo ang mga mata mo!”

“Ano ba nag pruweb mo na niloloko lang niya ako?”

“Sinabi niya?”

“Siya mismo ang nagsabi? Kasiraan niya, sinabi niya sa iyo???”

Natameme naman ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko kasi alam kung paano ipaliwanag. At kung bakit niya mismo sinabi sa akin, hindi ko rin alam. Baka balak lang talaga niyang pag-initin ang ulo ko. Psy-war ba ang tawag doon?

“Tol… naintindihan kita. Maaaring hindi mo lang talaga matanggap si Ella. Pero huwag ka na lang magsalita ng ano mang nakasisira sa kanya, at lalo nang huwag mo siyang saktan. Naintindihan mo ba ako? Ngayon, mag-sorry ka sa kanya!”

At doon na parang gumuho ang lahat ng intensyon ko pa sanang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Para kasing sarado na ang isip niya na pakinggan pa ako. Kaya dali-dali akong bumalik sa pampang kung saan sina Brix at Ella naroon. Sumunod naman siya.

Noong naroon na kami saka na ako nagsalita. “O sige… maniwala ka sa kanya. Hindi naman problema sa akin iyan dahil kapag nakasal na kayo, kayong dalawa lang naman ang maglolokohan, at ikaw ang kawawa dahil tanga ka. Atsaka… tama naman siya. Nagalit nga ako sa kanya dahil una, hindi ko naman pamangkin talaga iyang nasa sinapupunan ng babaeng iyan, eh. Dahil granting na anak mo nga iyan, bakit… magkapatid ba talaga tayo? Hindi naman, di ba? At oo… pinagbintangan ko nga siyang ibang lalaki ang nakabuntis sa kanya. Sa mukha pa lang ng babaeng iyan kasi ay hindi mo na mapagkatiwalaan. Di ba noong bata pa ako, sinabi mo sa akin na marami akong hula na naging totoo? At ngayon, huhulaan kong totoo ang aking mga sinabi sa kanya. Kaya kung ako ikaw, ipa-DNA test ko kaagad ang bata paglabas na paglabas pa lang sa sinapupunan niyan. Ngayon, doon naman sa pagsambunot at pagsasampal ko sa kanya, huwag mo nang igiit na mag-sorry ako sa kanya. Ibalato mo na lang iyon sa akin. Parang talent fee ko na lang. Ako ang best man mo sa kasal ninyo, di ba? Malaking trabaho kaya ang magkunyari at umarte sa kasal. Kaya, ang pagsambunot at pagsasampal ko sa kanya, iyon na ang talent fee ko. Kulang pa nga iyon eh! Pero dahil sa iyo, discounted na lang iyon. Kasya na sa akin ang sampal at pagsambunot sa kanya!” sabay talikod at hawak sa kamay ni Brix, “Tayo na love…”

Pinulot ni Brix ang mga damit niya na nakalatag lang sa damsuhan at binitbit lang ang mga ito sa kanyang bisig habang hawak-hawak ang kamay kong nakabuntot sa akin patungo sa bahay.

Hindi ko na sila nilingon. Siguro natulala silang dalawa sa mataray kong sagot. Sa sarili ko lang, “Ba’t nga pala ako nakialam sa kanila? May sarili na silang buhay at kahit maglokohan sila, mag-iputan sa ulo, magpatayan, wala na akong pakialam.”

“H-hindi mo pala totoong kapatid si kuya Andrei love?” ang tanong ni Brix sa akin.

Mistula rin akong binatukan sa tanong ni Brix na iyon. Naalala kong never kong inamin sa kanya na hindi kami tunay na magkapatid ni kuya Andrei at ang alam lang niya ay talagang tunay kong kuya si kuya Andrei. “S-sorry love, hindi ko sinabi sa iyo. Magbest friends kasi ang aming mga magulang at sa hangarin nilang magkaisa ang aming mga pamilya sa pamamagitan namin, kung kaya pinalaki nila kami na isiniksik sa aming mga isip na magkapatid talaga kami. Ang plano nga nila ay kung naging babae lang ako ay magiging arranged ang pag-aasawa naming dalawa.

“G-ganoon ba?”

“Oo love. Ganyan ang kuwento namin. At simula noong namulat ang aking isip, kuya ko na talaga ang turing, at pagtrato ko sa kanya. Wala akong ibang alam na trato sa kanya kundi kuya.”

“Kaya pala ganyan mo siya kamahal. Walang pinagkaiba sa tunay na kapatid…”

“Totoo iyan love.”

“Maiba tayo… bakit mo pala sinaktan si Ella?”

“Matanong kita, maniniwala ka bang ang babaeng iyon ay makakagawa ng kalokohan?”

Nahinto si Brix, nag-isip. “P-parang mahirap isipin love…”

“See? Talagang napakagaling niyang manloko. Sanay na siguro ang babaeng iyon” ang sagot ko.

At ikinuwento ko kay Brix ang lahat. At si Brix man ay hindi makapaniwalang sa ganda at inosenteng mukha ni Ella ay magawa nito ang mga sinabi niya sa akin at manloko pa kay kuya Andrei.

“Sabihin natin sa kuya Andrei mo love...”

“Too late. Pinanindigan na niya ang babaeng iyon at buo na ang paniwala niyang sa kanya nga ang batang dinadala nito. Ayokong magmakaawa sa kanya. Matanda na siya at alam na niya ang kanyang ginagawa.”

Ewan… sa sobrang bilis ng mga pangyayari at sa tindi ng galit ko pati na kay kuya Andrei, parang gusto ko na lang na makasal na sila agad upang magkaalaman na, na niloloko lang siya ng babaeng iyon. Parang napagtanto kong talagang compatible silang dalawa; custom-made for each other kumbaga. Iyong isa, manloloko at iyong isa naman ay loko-loko.

Nasa loob ng kuwarto na kami ni Brix noong narinig ko ang pagdating nina kuya Andrei at Ella. Nagpupuyos pa rin ako sa galit, iniisip kung anu-ano na naman kaya ang isiunulsol ng babaeng iyon sa kanya.

At maya-maya lang ay narinig ko nang nagsalita si kuya Andrei, “Nay, tay… aalis na kami. Iyon lang naman ang pakay naming dito; na pormal kong ipakilala sa inyo si Ella at ang pagpapaalam naming sa takda ng aming kasal. Pupunta po kayo ng itay nay ha?”

“Oo naman. Dadalo kami ng itay mo at si Alvin.”

“O siya nay, magpaalam na rin ako kay Alvin…” At narinig ko ang mga yapak patungo sa kuwarto ko. “Tol… aalis na kami. Sa kasal ha? Best man ka namin!”

Hindi na ako sumagot. Sa isip ko lang, “Nasampal ko na kaya iyong babae mo kaya wala nang atrasan. Oo, dadalo ako.”

Hanggang sa narinig ko na lang muli ang mga yapak palayo sa kuwarto ko.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman. Parang nagkalabo-labo na ang mga emosyon. Kung dati ay gusto kong manghinayang na mawala siya sa akin, sa oras na iyon ay sobrang nainis ako sa kanya. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na mas ok pala talaga si Brix kaysa kanya. Bobo pala siya at tanga. Dapat lang na magsama sila ni Ella. Sa pagkatanga niya, he deserves a demon.

Huling gabi na namin iyon ni Brix sa amin. Maghahating-gabi na ngunit hindi ako dalawin ng antok. Ang naglalaro sa aking isip ay ang kasal ni kuya Andrei sa babaeng iyon. Nilingon ko si Brix sa tabi ko. Himbing na himbing siya.

Dahan-dahan akong tumayo at tahimik na tinumbok ang pinto. Maingat ko itong binuksan at lumabas ng bahay. May bangkong kawayan sa harap ng bahay namin at doon ako naupo. Maaliwalas ang kalangitan at nasa tuktok ng kabilugan ang buwan.

Sa harap ko naman ay ang manggang itinanim para sa akin ni kuya Andrei. Habang hinahampas ito paminsan-minsan ng marahang bugso ng hangin, mistulang kumakaway ang kanilang mga sanga sa akin. Biglang nanumbalik ang mga ala-ala ko kay kuya Andrei. Noong kabataan pa lamang namin kung saan, ramdam na ramdam ko pa ang labis niyang pagmamahal. Naalala ko rin ang eksenang pagtanim niya sa unang mangga, at pagkatapos, sa pangalawa. Ang sabi niya na kapag nangungulila ako sa kanya, sa puno ng manggang iyon daw ako lalapit, uupo sa lilim noon at kausapin ang puno. Sobrang ironic. Kasi… hindi na ako nangungulila sa pagkatao niya kundi sa panahong nagdaan kung saan tila pag-aari ko ang buong mundo dahil sa sobrang pagmamahal niya sa akin.

Walang ni isa mang tao sa paligid. Ni ang mga aso ay tahimik nang natutulog. ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mga ingay ng kuliglig at insektong panggabi. Feeling ko ay parang nag-iisa lang ako sa mundo, sa isang planetang tanging ako lamang ang nakatira. Sa tindi ng aking kalungkutan, hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Pinahid ko ang mga ito.

Nasa ganoon ako kalalim na pag-iisip noong mula sa aking likuran ay mag nagsalita. “Anak… bakit hindi ka pa natutulog?”

Nilingon ko ang pinagmulan ng boses sa aking likuran. Si itay. “Eh… h-hindi po ako makatulog eh.” ang malabnaw kong sagot. Pakiramdam ko ay lalong bumigat pa ang aking pakiramdam sa pagsulpot niya sa aking pagmumuni-muni.

Umupo ang itay sa dulo ng bangkong kawayang inupuan ko. Tila may iniisip din siya, malalim.

“B-babalik na po ako sa kuwarto ko tay… Matutulog na po ako” ang pagpapaalam ko. Hindi kasi ako ganoon ka close sa itay ko. Hindi ako sanay na magtanong kung ano ang kanyang iniisip. Sa ganoon ka-awkward na sitwasyon kung saan mabigat ang aking dinadala at nasa gilid lang ang itay na tila nag-isip din ng malalim, hindi ko kayang makipagtagisan ng patagalan sa pag-upo sa bangkong kawayan ng walang imik.

Nakatayo na ako at nakatalikod at akmang aakyat na sa hagdanang kawayan patungo sa aking kuwarto noong, “Alvin… maupo ka muna, may sasabihin ako sa iyo.”

Nagulat ako sa narinig. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin niya. Bumalik ako at muling umupo sa bangkong kawayan, sa tabi niya.

“P-pasensya ka na sa akin.”

“P-pasensya po saan?”

“Sa pagtrato ko sa inyo ni Brix.”

“O-ok lang po iyon, itay…” ang malabnaw kong sagot. Hindi ko na itinuloy pa ang sasabihin. Hindi ko kasi alam kung hanggang saan ang alam niya tungkol sa amin ni Brix.

“Alam mo anak… Noong isinilang ang kuya Andrei mo, sobrang saya ang aming nadarama. Kami ng inay mo ay sobrang masaya rin dahil ang usapan namin ng mga magulang ni Andrei ay ang magkaroon din kami ng anak – na babae na siyang gagawin naming magiging kabiyak ni Andrei kapag lumaki na. Pangarap namin ng mga magulang ni Andrei ang pagdugtungin at pag-isahin ang mga pamilya natin. Best friend ko ang ama ni Andrei at best friend din ng inay mo ang ina ni Andrei at ang numero uno naming pangarap ay ang tuluyang magkaisa ang ating mga pamilya… sa pamamagitan ninyo. Ngunit noong ikaw ay dumating sa amin, tila gumuho rin ang aming mga pangarap. Kasi, hindi ka naman maaaring ikasal kay kuya Andrei mo. Pinilit naming magkaroon ng anak muli, pati na ang mga magulang ni kuya Andrei mo ngunit siguro, sadyang hanggang doon na lamang ang kayang ibigay ng nasa itaas sa amin. Medyo nalungkot ako. Isiniksik ko na lang sa aking isip na hindi na talaga matupad ang pangarap namin ng inay mo at ng mga magulang ni kuya Andrei mo na magbigkis, magkaisa, madugtong ang ating mga pamilya sa pamamagitan ninyong dalawa. Ang konsuwelo ko na lang ay na isang araw, magtagumpay ka sa iyong pag-aaral, makapag-asawa, at magkaroon ng mga anak na siyang magpatuloy sa aming mga pangarap. Ang kunsuwelo ko ay kung hindi man sa inyo ni Andrei matupad ang gusto naming, sa inyong mga anak na. Iyan ang palaging sinasabi namin kay Andrei.”

Napahinto ang itay ng sandali. Nagbalik din sa aking isip ang palaging sinasabi ni kuya Andrei na mag-asawa ako, magkaroon ng pamilya, ng anak. Mistulang nagkaroon ng kaugnayan ang mga sinasabi niyang iyon sa sinabi ng itay.

“Noong nalaman kong iba pala ang katauhan mo, at k-kasintahan mo si Brix… doon na naman ako nagdamdam. Nalungkot. Para kasing pinaglaruan lang ng tadhana ang aming mga plano sa buhay. Kasi… siguradong hindi na talaga matuloy ang aming mga mithiin. Kaya medyo nasaktan ako.”

Tahimik pa rin ako. Hinyaan ko lang siyang magsalita. Sa isip ko, “Kaya pala ganoon na lang ang pagtrato niya sa amin ni Brix”

“Nitong araw na ito lang, napag-usapan namin ng inay mo ang kalagayan mo, ninyo ni Brix. At alam mo ba kung ano ang nasabi naming dalawa ng inay mo?”

“A-ano po?”

“Kung talagang ganyan ka na rin lang, e di sana, si kuya Andrei mo na lang ang naging kasintahan mo…”

“P-po?” Ang lumabas na kataga sa aking bibig. Parang sobrang nagandahan ako sa kanyang binitiwang salita na siyang naging dahilan upang masamid ako at napatingin na lang sa kanya. Parang gusto kong yakapin ang aking itay at sabihin sa kanya ang lahat ng aking paghihirap dahil sa pagmamahal ko kay kuya Andrei.

Ngunit pinigilan ko na lang ang aking sarili dahil alam ko, wala na ring saysay ang lahat. Walang patutunguhan ang pagmamahalan namin ni kuya Andrei dahil una, may Brix na ako at pangalawa, ikakasal na nga siya.

Ngunit doon na rin tuluyang bumuhos ang aking mga luha noong tinanong uli ako ng itay ng, “Ikaw ba ay kaya mong mahalin bilang kasintahan ang kuya Andrei mo?”

Yumuko na lang ako, lihim na pinahid ang aking mga luha. “Hindi naman po mahirap mahalin si kuya Andrei tay. Mahal na mahal ko po ang kuya Andrei ko, higit pa sa kapatid… Ewan ko lang po kung kaya rin niya akong mahalin na katulad sa pagmamahal ko sa kanya.”

Natahimik sandali ang itay. “May Ella na siya, magkakaroon na ng anak, at ikakasal na rin...”

Hindi na umimik pa ang itay. At dahil doon, tuluyan na akong nagpaalam upang matulog. Naiwan ko siyang nakaupo sa bangkong kawayan sa harap ng aming bahay.


“Hayaan mo, anak... para sa iyo, pag-aralan ko ang sariling matanggap si Brix.” Ang narinig kong sambit ni itay.

Huminto ako sandali. Tingininan ko ang itay sabay bitiw ng isang pilit na ngiti sa kanya. “S-salamat po.” at dumeretso na ako sa aking kuwarto.

Nakahiga na ako sa aking kama na dala-dala sa aking isip ang mga sinabi ng itay. Natuwa na sana ako dahil wala na pala siyang tutol na mahalin ko si kuya Andrei ngunit imposible namang matupad pa ito dahil ikakasal naman si kuya Andrei. Pakiwari ko tuloy ay napaka-walang-awa talaga ng tadhana. Puwede naman pala sanang magiging kami ni kuya Andrei pero bakit niya pa kami pinahirapan…

At ang isang bagay rin na bumabagabag sa aking isip bago ako nakatulog sa gabing iyon ay ang nalalapit na kasal ni kuya Andrei at Ella. Hindi ko maitago sa sarili na hindi ko pa talaga ganap na natatanggap ito. May isang bahagi ng aking isip na mistulang nag-udyok na harangin ko ang kanilang kasal, tutal may dahilan naman ako; inamin sa ni Ella na hindi si kuya Andrei ang ama ng bata na nasa kanyang sinapupunan.

Ngunit may isang bahagi rin ng aking utak ang nag-udyok na mag move on na ako dahil may Brix na ako na sigurado namang mahal na mahal ako.

Hindi ko talaga alam kung ano ang aking gagawin. Litong-lito ang aking isip. Iyon ang huling natandaan ko sa gabing iyon.

Sumapit ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ni kuya Andrei at Ella. Bagamat hindi ako naging handa okasyong iyon, pinanindigan ko pa rin ang pagdalo. Naroon ang mga magulang ko sampo ng mga magulang nina kuya Andrei.

Pakiwari ko’y napakabilis lang ng mga pangyayari. Ni kung paano ako napunta sa lugar ng kanilang kasal ay halos hindi ko na maalala pa. Parang bigla na lang akong sumulpot doon at noong nandoon na ako, maayos na ang lahat na parang ako na lang ang hinintay upang matuloy na ang seremonya. Marahil ay dahil iyon sa sobrang pag-iisip ko na sana ay matapos na lang ang kasal at wala na akong pakialam sa iba pang mga pangyayari.

Sa labas ng simbahan nakita ko si kuya Andrei habang hinihintay ang pagdating ni Ella. Napaka-guwapo niya sa suot niyang itim na coat at dotted lightbrown na tie. Noon ko lang siya nakita sa ganoong kasuotan at hindi ko maiwasan sa aking sarili ang hindi manghinayang at mainggit kay Ella.

“Tol… ang guwapo-guapo ng bunso ko!” ang sambit niya sa akin noong nakita niya akong palapit na sa bungad ng pintuan ng simbahan. Halos pareho kasi kami ng suot. Naka coat and tie rin ako, itim na slacks, may puting rosas sa kaliwang bahagi ng dibdib. Ang kaibahan lang sa aming suot ay ang kulay ng aming mga tie.

Hindi ko siya pinansin. Sobrang bigat ng aking kalooban. Mistulang hindi ako makahinga sa tindi ng sakit na aking naramdaman at ni pagsasalita ay hindi ko kayang magawa. Alam ko, kahit na pilit akong ngumiti, bakas pa rin sa aking mukha ang ibayong lungkot na aking itinatago.

Nilapitan niya ako, niyakap. Ngunit hindi ako gumanti sa kanyang yakap. Sa loob-loob ko lang, nilabanan ko ang aking sariling huwag bumigay. Gusto kong maging manhid, gusto kong maalis sa aking puso ang mga bagay-bagay na aking naramdaman.

“Tol… alalahanin mo palagi na kahit ilang beses man akong ikasal, ikaw pa rin ang tunay na nagmamay-ari ng aking puso.” ang bulong niya habang niyayakap niya ako.

Hindi ko alam kung sampalin ko siya o pagtawanan sa kanyang sinabi. Ngunit pinili ko pa ring manahimik. Ang pagpunta ko roon ay bilang respeto na lamang. Kung may ibang bagay man maliban dito, ayoko nang sakyan pa ang mga ito.

Marahil ay dahil mga sundalo ang ikinasal, marami ring naglipanang militar na nakauniporme pa. ang iba ay nakasuot sibilyan ngunit lantaran ang pagdadala nila sa kanilang mga armas.

Maya-maya, dumating na si Ella, nakadamit pangkasal, kumpleto sa kanyang suot na halatang ipina-customized ang cut na lalo pang nagpatingkad sa kanyang angking ganda. Sa paglabas pa lamang niya sa sinakyang kotse, agad siyang nilapitan ni kuya Andrei. Muli, hindi ko na naman napigilan ang aking sariling hindi mainggit. Dali-dali akong tumalikod, pilit na binura sa aking isip ang eksenang aking nakita.

Maya-maya, nag-ingay na ang trumpeta ng bugle corps, pahiwatig na magsimula na ang kasal.

Naunang nagmartsa ang mga bridesmaid at groom’s men, at ako, kasama ang bride’s maid ang huli. Pakiwari ko ay hinid lumapat ang aking mga paa sa sahig ng pasilyo habang ako ay nagmamartsa. Kahit ang mga taong nakatingin sa amin, ang mga magulang kong siguradong tiningnan ako, ay hindi ko napansin. Abala ang aking isip sa paghanap ng paraan upang hindi ko maramdaman ang sakit.

Noong narating ko na ang aking upuan. Naupo akong mistulang wala sa sarili. Hanggang sa narinig ko muli ang mga trumpeta at ang ingay na nanggaling sa mga swords na itinaas ng mga myembro ng isang platoon na ginawa nilang arko upang dumaan si Ella sa gitna ng pasilyo ng simbahan.

Nanatiling nakaharap lang ako sa altar. Ayaw ko siyang tingnan. Ayaw kong may makita akong eksenang lalong magpatindi lang sa pagdurugo ng aking puso.

Noong silang dalawa na ang nasa altar, nagsimula ang ang misa. Nagsitayuan ang mga tao, nagsimula rin ang paunang kanta. Pakiwari ko ay napakasaya ng lahat ng mga taong naroon, maliban sa akin. Para akong isa sa mga kandilang itinirik sa simbahang iyon, unti-unting nauupos habang palapit na palapit na ang takdang oras ng kanilang pag-iisang dibdib. At habang nasa ganoon akong kalagayan, kusa namang nanumbalik sa aking alaala ang mga nakaraan namin ni kuya Andrei. Nakita ko ang sarili ko sa aking isip; isang paslit na nasa bukid, walang kamuwangmuwang sa mundo, ngunit natutong magmahal sa isang lalaking itinuturing niyang kuya. Tila isang talon ng mga alaala ang kusang nagsilabasan, naroon ang kung paano nagsimula ang aming munting lihim, ang kantang “Old Photographs: na inalay niya sa akin, ang aming litrato kung saan yakap-yakap niya ako, ang singsing na ibinigay niya, ang ilog, ang puno ng mangga, ang San Pedro City, ang aming munting away, munting tampuhan, ang mga harutan, tawanan… ang aking kuwarto kung saan nagaganap ang lahat. Halos hindi ko kayang kontrolin ang mga alaalang nagpa-flashback sa aking isip. Hindi ko lang alam kung bakit. Ngunit ang nais na lang sana ng isip ko ay na hindi ko na muling maalala pa ang mga iyon. Kumbaga, iyon na ang huling pagbalik-tanaw ko sa aming nakaraan.

Ngunit ano ba ang magagawa ko? Bagamat alam kong paminsan-minsan akong nililingon ni kuya Andrei na nasa altar, ngunit wala nang halaga ang mga tingin niyang iyon para sa akin. Nanatili akong nakayuko, paminsan-minsang pinapahid nang lihim ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. At ang nag-iisang panalangin ko sa sandaling iyon ay ang matapos na sana ang torture na iyon ng aking buhay sa loob ng simbahan.

Hanggang sa “I, Andrei Gomez, take you, Ella Florez to be my wife. I promise ot be true to you, in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life…” doon na tila gumuho ang aking mundo sa narinig na pag-exchange nila ng kanilang mga vows.

Hindi ko lubos maintindihan ang aking sa sarili. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Ella na hindi anak ni kuya Andrei ang kanyang ipinagbuntis. Parang biglang may bumulong sa aking isip na gumawa ng paraan upang hindi lubusang matuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Nilingon ko ang aking paligid. Sa isang sulok ay may isang naka-unipormeng army na ang dalang armalite ay nakasukbit sa kanyang balikat.

Hindi ko na nagawang mag-ipsip pa. Tila napakamakapangyarihan ng boses na nag-udyok sa aking utak. Dali-dali kong tinumbok ang nasabing militar at walang pasabing hinawakan ang kanyang armalite, itinutok iyon kay Ella.

May mga nakakita pa sa akin na itinutok ang baril sa bride at nagsimula nang sumigaw. Nakita ko rin si kuya Andrei na nakatutok sa akin dahil sinundan pala niya ako ng tingin. Parang naka-slow motion lang ang lahat sa aking isip. Sa pagkakita ko sa kuya kong nakatingin sa akin, kitang-kita ko ang kanyang pagkagulat sa porma kong nakahawak ng armalite at itinutok it okay Ella.

Ngunit buo na ang isip ko. Pinindot ko ang unlock pin ng armas atsaka ipinutok ko. Tila narinig ko pang sumigaw si kuya Andrei ng, “Tol, huwaaggggggg!!!” Ngunit naalipin na ako ng galit at malakas ang boses na nag-udyok sa aking utak.

“Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat! Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat!” ang narinig kong ingay na nanggaling sa armalite na aking kinalabit. Naka-automatic pala ito.

Subalit kung gaano kabilis ang aking pagpapaputok ng armalite, mas mabilis ang pagharang ni kuya Andrei sa katawan niya kay Ella. At ang lahat ng bala ng armalite ay sa katawan ni kuya Andrei tumama.

Bagsak si kuya Andrei sa semento. At dinig na dinig ko ang sigawan ng mga tao kasabay sa kanilang pagtatakbuhan.

“Kuyaaaaaaaaaaaaaa!!! Kuyaaaaaaaaaaaa!!!” ang sigaw kong halos sasabog ang aking baga sa tindi ng aking pagsisigaw dahil sa hindi inaasahang ang kuya ko ang aking matamaan.

At lalo pang nagliyab ang galit ko. Itinutok ko muli ang armalite kay Ella, “Mamamatay ka demonya kaaaaaaaaaaaaaaaa! Arrrrrrrrgggggggggg!!!”

Ngunit bago ko pa man nakalabit ang trigger, isang armalite din ang narinig kong pumutok. “Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat! Ra-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-ta-tat!”

Isang sundalong nakakita sa aking ginawa at sa akin niya ipinutok ang kanyang baril.

Tumama sa katawan ko ang lahat ng mga bala sa armalite niya. Narinig ko pa ang pagpapanic at pagsisigaw ng mga tao.

Ngunit bumagsak na rin ako sa semento. At ang huling katagang pilit kong isinagaw ay, “Kuyaaaaaaaaa!!!”

(Itutuloy)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails