Followers

Tuesday, July 2, 2013

Tough Love Chapter 9





Tough Love Chapter 9

by: Yoseph D.

Warning: Some words used in the story are foul words. This story is a work of fiction only.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bumaba na sila at nagpaalam lang na ihahatid lang nito sa labas sila Shawna at Kyle at pumayag naman ang nanay niya. Inihatid na nga ni Anthon sila Shawna at Kyle sa labas at nagpaalam na sila sa isa’t-isa.

Shawna: Be! Bibisita kami sa Olsen ah.

Kyle: Oo nga.

Anthon: SIge lang! Text me ah.

Shawna: Sure. Group hug nga guys.

Kyle, Anthon and Shawna: GROUP HUG!

At nag-group hug na nga sila. Pagkatapos ng masayang group hug na iyon ay umalis na sila Shawna at Kyle. Biglang nagvibrate ang kayang phone at tinignan niya ito. May nakita siyang isang message na galing sa unknown number at agad niya itong binasa.

1 text message from 09*********:

Hey Anthon! Mic Ogawa here. Meet me at the main gate sa school! Wag ka nang magtanong pa basta pumunta ka na lang. Don’t ditch me or else your life will be endanger.


Nagulat si Anthon sa kanyang nabasa kaya bumalik na siya sa kanilang bahay at dumeretso na siya sa kwarto niya at nakinig na lang siya ng music at kinabit na lang niya ang kanyang earphones sa tenga niya at bigla na lang niya pinili ang Catching feelings ni Justin Bieber dahil isa sa mga favorite songs niya yun at narerelax siya sa tuwing pinapakinggan yung kantang iyon at pumikit na lang siya dahil sa pagod sa school.

Catching feelings lyrics:

The sun comes up on another morning
My mind never wakes up without you on it
And it's crazy to me, I even see you in my dreams
Is this meant to be?
Could this be happening to me?

We were best of friends since we were this high
So why do I get nervous every time you walk by
We would be on the phone all day
Now I can't find the words to say to you
Now what am I supposed to do

Could it be a possibility, I'm trying to say what's up
Cause we’re me for you, and you for me, baby now it’s time for us
Trying to keep it all together but enough is enough
They say we're too young for love
But I'm catching feelings, catching feelings

In my head we're already together
I'm cool alone, but with you I'm better
I just want to see you smile
You say the word and I'll be right there
I ain't never going nowhere

I'm just trying to see where this can take us
Cause everything about you girl is so contagious
I think I finally got it done
Now what’s left to do now, let’s get out the mirror
And say it to her

Could it be a possibility, I'm trying to say what's up
Cause we’re me for you, and you for me, baby now it’s time for us
Trying to keep it all together but enough is enough
They say we're too young for love
But I'm catching feelings, catching feelings

Should I tell her how I really feel or should I moving closer just be still?
How would I know?
Cause if I take a chance, and I touch her hand will everything change?
How do I know, if she feels the same?

Could it be a possibility, I'm trying to say what's up
Cause we’re me for you, and you for me, baby now it’s time for us
Trying to keep it all together but enough is enough
They say we're too young for love
But I'm catching feelings, catching feelings girl
Catching feelings, catching feelings.






Kinaumagahan ng Sabado, nagising bigla si Anthon dahil sa tawag ni Mic at nagising na ito kaagad para sagutin ito.


Anthon:Hello?

Mic: Oh! 9AM na ah! Saan ka na?

Anthon: Kakagising ko lang noh.

Mic: Halata naman sa boses mo eh hahaa.

Anthon: Okay.

Mic: Bilisan mo na nandito na ako sa Main Gate.

Biglang nagulat si Anthon.

Anthon: ANO?! NASA MAIN GATE KA NA?!

Mic: Yep. I’m waiting for you! Don’t you ever plan to ditch me or else alam mo na mangyayari Anthon.

Anthon: Okay okay.I hate you Mic.

Mic: Hahaha alam ko naman yun eh. Baka nga sa susunod, masabi mo sa akin ay I love you Mic.

Anthon: Urur! Feelingero ka talaga.

Mic: Just joking. Bilisan mo na okay? Kahit di ka na kumain okay lang because I will treat you na lang ng breakfast, lunch and dinner mo.

Anthon: Ang bait mo naman ngayon.

Mic: Kailangan eh. Bring your Filipino book ah! Need ko lang kasi ng tulong doon.

Anthon: Okay fine Mic. Sige maliligo na ako.

Mic: Faster ah! Or else..

Anthon: OO NA OO NA MIC! KULIT MO TALAGA EH NOH?! ARRRGGHHH.

Biglang narinig ng nanay niya yung sigaw ni Anthon dahil ang sigaw niya ay abot hanggang kusina

Mrs. Safrence: ANAK MAY NANGYAYARI BA?

Anthon: WALA PO NAY. NALAGLAG LANG SA KAMA.

Mrs. Safrence: Ahh okay. Akala ko kung ano na.

Biglang balik siya sa paguusap nila ni Mic.

Mic: Natumba pa sa kama ah? Hahahaha halatang palusot.

Anthon: Manahimik ka na lang diyan.

Mic: Maligo ka na kaya! Naiinip na ako sa iyo eh.

Anthon: Okay.

Mic: Sige, I love you baby.

Anthon: I hate you and I’m not your baby.

Binaba na niya si Mic at biglang nagmadali na itong maligo at pagkatapos nito maligo at nagbihis na rin kaagad ito dahil nga kailangan na niyang samahan si Mic. Pagkatapos nitong magbihis ay nilagay na niya yung Filipino book niya sa bag at bumaba na ito. Sa pagbaba niya ay humingi na siya ng pera sa nanay niya at binigyan naman ito sabay alis na kaagad. Sumakay na siya ng jeep kaagad para makapunta kaagad sa school. Habang nakasakay na ito ay tumawag nanaman si Mic.

Mic: Anthon! Where the heck are you?

Anthon: Nakasakay na ako sa jeep.

Mic: You’re so slow as a slug. I’m really bored here right now!

Anthon: Saglit ah!

Mic: I’m bored now baby.

Anthon: Don’t call me baby.

Mic: Bilisan mo na Anthon. Kupad mo masyado!

Anthon: OO NA MIC BIBILISAN NA!

Biglang nagtinginan ang mga pasahero kay Anthon dahil sa pasigaw na iskandalo na nagawa niya sa jeep.

Anthon: Sorry po.

Biglang tinuloy niya yung phone conversation nila ni Mic.

Anthon: Walangya ka! Napasigaw tuloy ako sayo ng tuluyan eh. Napahiya ako sa jeep tuloy.

Mic: Hahahaa. That’s epic! Bilisan mo na kasi baby. Inip na inip na ako oh.

Anthon: Don’t call me baby.

Mic: I love you baby,  bilisan mo na at naiinip na ako sa yakap at halik mo.

Sa sobrang inis na ni Anthon ay tuluyan nang nagburst sa galit.

Anthon: TUMIGIL KA SA KAKABABY MO AT FYI, DI KITA SYOTA OKAY?! SHUT UP AT ETO MAGMAMADALI NA AKO PARA TUMIGIL KA NA DIYAN SA KAKADADA MO!

Sabay binabaan niya si Mic. Nagtinginan na nga sa kanya nanaman ang lahat ng mga tao at pumara na lang siya para di na lang mapahiya. Nilakad na lang niya ang Olsen kahit 30 mins away pa sa binabaan niya. Makalipas ng 30 minutes ay nakarating na siya doon sa main gate ng Olsen na pagod na pagod dahil nilakad niya lang ito at nakita niya si Mic dun sa harapan ng main gate at inasar siya nito.

Mic: After 100 years, nakarating ka na din. Kupad mo Anthon haha.

Anthon: Nang-asar ka pa?

Mic: Hehehe.

Anthon: Napahiya na nga ako sa jeep at nilakad ko na lang ito kesa naman pagtinginan pa ako doon. Happy?

Mic: I guess it’s funny na pagtinginan ka sa jeep dahil sinigawan mo ko. You’re too scandalous Anthon.

Anthon: Sorry ah?!  Nakakainis ka kasi eh.

Mic: So,naiinis ka dahil you like me?

Anthon: Yuck! I will never like you dahil sa kayabangan at masama ka pa noh.

Mic: Di naman ako masama ah! Pinamamadali lang kita eh.

Anthon: Oo pinapamadali mo nga ako! Pwede naman yung maayos diba?

Mic: Maayos naman eh.

Anthon: Okay.

Mic: O tara? Pasok na tayo sa kotse natin baby?

Anthon: Kotse niyo lang yan at hindi mo ko baby. Sige papasok na ako at tigilan mo lang ako diyan!

Mic: Okay fine.

Pumasok na silang dalawa sa kotse ni Mic. Nagtaka si Anthon na walang driver na dala ngayon si Mic.

Anthon: Bakit wala yung driver niyo?

Mic: Eh gusto ko ako ang mag-drive eh.

Anthon: May lisensya ka na ba?

Mic: I have student license naman eh. Bakit?

Anthon: Kala ko kasi wala.

Mic: Takot ka noh?

Anthon: Hindi noh.

Biglang nagstart na siya ng kotse. Biglang kinabahan si Anthon dahil di niya alam kung kakayanin niya.

Anthon: Mic! Teka lang.

Mic: Wala nang teka-teka lang.

Sinimula na ni Mic ang kanyang pagdrive. Sa kanyang pagdrive ay nagsisisgaw na si Anthon dahil sa bilis ng pagdrive.

Anthon: OOOYYYY! ANG BILIS. ANO TO NASA DRAG RACING LANG TAYO?

Mic: Can you please shut up.

Anthon: Paano ako di makakashut up dito ang bilis mo naman masyado.

Biglang tinigil ni Mic ang kanyang sasakyan.

Mic: Aangal ka pa?  Kung umaangal ka na sobrang bilis ko magdrive eh di bumaba ka na ngayon pero sa oras na bumaba ka diyan, you don’t know the consequences na pwedeng mangyari sayo.

Anthon: Okay fine. Di na po ako aangal Mic. Saan ba tayo pupunta?

Mic: Secret. Just quiet and enjoy the show.

Anthon: Okay fine!

Habang nagdadrive si Mic, nagsoundtrip na lang si Anthon para matulog para hindi na lang niya maramdaman ang bilis ng kotse. Nakatulog na nga si Anthon sa ginawa niyang iyon. 2hrs later ay dumating na nga sila sa kinararatingan nila at ginising na niya si Anthon at  nagising naman ito kaagad. Natanong ni Anthon kung nasaan na sila.

Anthon: Nasaan tayo?

Mic: Here in Batangas. Dito sa may villa namin.

Anthon: WALANGYA KA! Kala ko mag-aaral tayo tapos dadalhin mo lang pala ako sa Batangas. Susumbong kita kay Tito Yoshi ah.

Mic: Hep hep hep! Try mo ko isumbong or you’re dead.

Anthon: Oo na oo na! I hate you.
Pumasok na nga sila sa loob ng villa nila Mic at biglang nagwelcome ang kanilang tagabantay doon na si Aling Paula.

Aling Paula: Oh Sir Mic! Napabisita ka?

Mic: Eto po Aling Paula, dito lang naman po kami sana mag-aaral ng classmate kong si Anthon. Okay lang po ba?

Aling Paula: Oo naman noh.

Mic: Sige, akyat lang kami.

Aling Paula: Sige sige.

Umakyat na nga sila sa taas para mag-aral. Nag-aral sila muna doon sa Filipino dahil kahinaan ni Mic iyon.

Anthon: Ano prob mo sa Filipino?

Mic: Nahihirapan kasi ako sa mga malalalim na salita eh.

Anthon: Ganun ba? Sige help na kita.

Naglabas si Anthon ng highlighter.

Anthon: Oh eto highlighter.


Mic: Thank you.

Hinighlight na nga ni Mic ng mga word na hindi niya alam at binigay na niya ito kay Anthon. Inanalyze muna ni Anthon ang mga words na hinighlight niya at pagkatapos naman nito ay tinuro na niya. Nahirapan ng konti na turuan si Mic ni Anthon dahil ma-segway ito minsan pero nakukuha naman niya ito. After ng ilang oras na nagkaturuan sila sa Filipino ay umalis na din sila kaagad dahil may pupuntahan sila nito. Sumakay na sila sa kotse at nagsoundtrip na lang din si Anthon para hindi na niya maramdaman ang bilis ng pagdrive ni Mic.  Makalipas ng 2 hours ay nakarating na sila. Ginising nanaman ni Mic si Anthon at nagising naman kaagad nito.

Anthon: Nasaan na tayo?

Mic: Sa bar.

Anthon: ANO?! SA BAR?

To be continued…..   

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:

Hi Guys!

Ayun, nakapag UD na ko ule. Ayun, I hope na sana magustuhan niyo po ito. Salamat po ulit sa mga sumusuporta po sa TL and yung next chapter update will be this week din baka sa Saturday kaya stay tuned lang po :).

-Sephyyyyyy :3

Ang Valedictorian ng Puso Ko (Teaser)




Ang Valedictorian ng Puso Ko (Pilot vs. Lower)

By: Niel/ Imyours18
Email and Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel



Authors Note:

This is it! This is really is it.


Ahahaha! Oha! Dramatic ang entrance ko noh? XD Haha!


Hello guys! Niel is here again to show and share to all of you another inspiring work of mine. Uhm? Paano ko ba i-eexplain to? Sige ganito hahaha.



Actually, as an author pangarap ko talagang makapagsulat ng isang story na comedy/teen fiction at yaoi/m2m, pero ginawa ko lang medyo comedy ang “318 (ATK) at ang 318 (MSATL)” dahil nga sa flow ng story, medyo serious kasi ang theme ko dun, sa simula.. yeah may comedy pero kapag nasa rising action to denouement na serious na, so yun ang first reason. Second reason, sobra kasi akong na-inspire sa mga binabasa kong comedy/m2m/lovestory such as “Ang Multo sa Manhole of Onomatopoeia”, “Si Utol at ang Chatmate ko of Sir Mike Juha” and many more, kaya na-inspire akong gumawa at heto na nga.



Uhm, this story is a work of fiction only. Makikita nyo naman po sa teaser na ibibigay ko na may some issues of discrimination, may mga character din po na may madediscriminate dito and hindi ko lang po sure baka po kasi may mga maka-misinterpret kaya habang maaga sinasabi ko na po.

Another thing po, ang “318 (MSATL)” ay ongoing pa din po. Ang nais ko po munang gawin ay kalahatiin ang 318 (MSATL) before I start releasing the chapters of Ang Valedictorian ng Puso Ko. Pinapalawak ko pa po kasi yung concept na naisip ko.


For now po, I will give the teaser of this story. I hope na mag-enjoy po kayo at samahan nyo ang paglalakbay ng mga characters ko as the story goes on.




About the cover photo:


I do not own this image. Any complaint arising out of its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be immediately removed.




Teaser:






“Trouble Maker. Balahura. Nakakasulasakok. Shunga. Baboy sa classroom. Ganyan ba ang tingin niyo sa aming mga lower section??!”


“Ano pa bang sa tingin niyo?!”


“Aba.. aba.. aba.. Yayabang niyo ah? Ano bang pinagmamalaki nyo?! Ha?!”


“Matatalino. Malilinis. Mababait. Tahimik. Impressive. Well, talaga naman. Kaya nga pilot section e. Matik na kami na yan. May iba pa ba?!”


“Kaya nga sinabing lower kasi hindi kami matatalino. Pero, hindi ibig sabihin nun mga masasama kaming tao. Hmmm? Medyo lang! Haha! Aba. Ang yabang niyo ah?! Dota na lang?! 5 vs. 5 dre? Ano?!!”


“Sorry guys, the word ‘dota’ during our busy hours doesn’t exist in our terminology. Kung gusto niyo after ng exam? But, duh? Kung kayo lang ang kalaro? Wag na lang din! Mga weak! Pathetic.”


“Duh. Duh. Dambahin namin kayo dyan e! Hahangin nyo!”


“Whatever. Weak will always be a weak.”


Yan. Yan ang madalas kong marinig sa school na to. Walang world peace between the pilot section and the lower section! Pero, still enjoy ko naman. Bakit kamo? Dahil sa kanya! The man of dreams. Si Erickson.


Paano ba naman kasi, perfect package na siya. Varsity player, gwapo, matangkad, vocalist ng official school band, officer ng iba’t ibang organization sa school namin at running pa for valedictorian. Oh di ba? Description pa lang ulam na? Say nyo mga ateng?!


Oooooppppppppsssss! Dreams. So, ilusyon ko lang siya. Ang dami kasing hadlang ng pagmamahal ko sa kanya e. Ika nga, langit siya lupa ako! Ay mali, langit siya at lamang lupa ako. Oo, dahil pilot section siya at lower section ako ng school na to. Ay mali, lowest section rather. Churi naman! Inborn ang pagiging shunga e. Haha!


By the way, ako nga pala si Chad. At samahan niyo ako sa nakakakilig, nakakatawa at nakakaiyak na love story ko sa piling ng mga classmates ko, classmates ni Erickson, at si Erickson – Ang Valedictorian ng Puso Ko.



:))

THE GAME OF REVENGE- - - - - - - -- - -- -Chapter 5:)

By: Kulyitpangit:)



 - - - -- - - - - - - - - -- - - - - - - -  -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - -




Paul John Herrera


Kanina pa natapos ang orientation program ng ballt at taekwondo club. Kanina pa kami ni Cherry dito sa loob ng room. Kanina pa ako nag aalala. Sabi ni bunso mauuna na siya dito sa room, pero wala. Wala kaming nadatnan na John Mickey Fortaleza dito sa room. Saan naman kaya nagsuot yun? Hindi ao mapakali. lagot talaga sa akin yun pagdating niya. Tsk.




"Relax PJ. Baka naglibot lang si bunso sa campus. Don't be too paranoid." sabi ni Cherry sa akin.


"Without us? Alone? Ni hindi nga niya kabisado ang buong campus ta's maglilibot siya? Why don't we go and find him?" sabi ko. Hndi ko talaga mapigilang mag-alala. Sabi niya kasi dito lang siya ta's wala siya dito pagdating namin. Naaalala ko pa nung naglibot siya sa mall na mag- isa nun. Nawala siya. Buti na lang nakita namin siya agad nuon, but now? Where the hell could he be?




"Find him? Tas habang naghahanap tayo nandito na pala siya naghihintay sa atin? That's nonsense. Besides, hindi na bata si bunso." sabi ni Cherry sa akin. May point naman siya ehh, pero, anung magagawa ko? Nasanay na ako na nasa paningin ko si bunso lagi. Nasanay na ako na lagi ko siyang prinoprotektahan. Tsk. Nasaan kana ba kasi bunso?



"I'm just worried. That's it." sabi ko.




"I'm worried too. But all we can do now is wait. Wala naman sigurong masamang mangyayari dun. This is a school you know? This is a safe zone." sabi ni Cherry na medyo nagtataray na. Eto na naman ang monstrous side niya. XDDDD


Medyo nahimasmasan ako sa sinabi ni Cherry. Safe zone dito. pero hind pa rin nawawala pag aalala ko. Hayyyy. Talagang lagot sa kin si bunso pag nakita ko siya.




Naghihintay pa rin kami ni Cherry nang may sumulpot na dalawang tao sa pinto ng room.



Isang lalaki kasama ang kanina pa naming hinihintay.



Si bunso.




"Where the hell have you been? Kanina pa kami dito. Sabi mo mauuna ka na ta's hindi ka namin dadatnan dito? We're worried" biglang sabi ni Cherry na nakatayo at nakapameywang na. Ganyan talaga yan. Kalmado lang sa umpisa pero grabe kung manermon lalong lalo na sa bunso niya.




"I went to the cafeteria kasi hindi ako nakakain ng breakfast kaninang umalis tayo.Then Austin and I went for a walk sa campus." sagot ni bunso na halatang gulat pa sa biglang panenermon ng ate niya sa kanya.




"And you didn't even text us?" singit ko. Hindi ako nakapagsalita agad kanina kasi nakatuon ang paningin ko sa lalaking kasama ni bunso. Sino siya at ba't kasama niya si bunso? TSssssss.





"I forgot." sabi ni bunso na nakangiti. May gana pa siyang ngumiti pagkatapos niya kaming pag alalahanin. Tsssssk.




"Don't smile at us bunso. What you did was not nice. You should have at least texted us para hindi kami nag aalala." sabi ni Cherry sa kalmadong boses. Hinding hindi namin pag tata-asan ng boses si bunso syempre. Sermon lang ito.




"Your ate's right. Texting us wouldn't have required much of your time and effort." sabi ko naman. Ehhh. Totoo naman kasi ehh. Kahit isang text lang wala kaming natanggap. Tsssss.



Oo na. Hindi naman talaga ako dun nagagalit ehhh. Nagseselos ako dun sa kasama niyang lalaki. Tatawa tawa pa nga sila pagkapasok ng room kanina ehhh. Wala akong karapatang magselos pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan ehh.



"Uhhmmm. Idea ko naman kasi yung maglibot kami sa campus ehhh." biglang singit nung lalaki na kasama ni bunso. May bunganga naman pala. XDDDD




"And who's this?" sabi ni Cherry na nakataas ang kilay.




Hahahahaa. Sa wakas nagustuhan ko ang pagiging mataray niya! XDDDD




"ahhhhh. This is Austin Alejandro. Classmate naten. Austin this is my ate and kuya. yung sinasabi ko kanina. Cherry de Leon and Paul John Herrera." pagpapakilala ni bunso sa amin. Austin pala hah? Tsk.




"OK." sabay naming sabi ni Cherry. That means pareho kaming walang pakialam jan sa Austin na yan.



Nakita kong nagkamot ng ulo yung Austin. Napahiya ata. Sarap umbagin pota.



"Still that doesn't change the fact na mali yung ginawa mo bunso." sabi ulit ni cherry.



"Sorry na kasi. I promise not to do it again." sabi ni bunso na nagpapaawa na yung itsura.



Ohw. For goodness sake! Huwag mong gamitin yung itsura mo sa akin. Nacucute'an ako!!!! XDDD



Hind namn talaga siya nagpapacute ehh. Cute lang talaga siya. XD



Lumapit si Cherry kay bunso tas niyakap siya gamit ang isang kamay niya. Yung free hand naman niya pinanggulo niya sa buhok ni bunso. Tssss.



"ok. you're forgiven. Basta huwag mo na lang uulitin." sabi niya kay bunso.




"I promise." sabi naman ni bunso.



"Kuya." sabi ni bunso sabay tingin sa akin. Nakapout na naman siya. Sarap halikan. Jowk!!! XDDD Pero tatag lang PJ. Huwag ka munang bumigay sa kanya. XDDD





"Tara na. Hindi daw tayo magkalase the whole day. May faculty meeting ang mga teachers." sabi ko sabay bitbit ng bag tsaka alis ng room.




"See you tomorrow." narinig ko pang sabi ni bunso kay Austin.



TSSSSKK. Sarap sapakin.!!!




John Mickey Fortaleza





Nasa loob kami ng kotse. Walang imikan. Ang tahimik grabe. Kanina pa nag uumpisa si ate ng conversation pero walang sumasagot sa kanya. Actually, siya lang nagsasalita. XDDD



Ehhhh. Galit pa si kuya sa akin ehh. Ayaw niya akong kausapin. Panno na yan? Paano ko kaya paaamuhin ito?



Parang ang simple lang naman ng kasalanan ko sa kanya ehh. Hindi ko naman kasi siya masisisi. Ni isang text kasi hindi ko sila tinexan.


Ehhh. Sa nakalimutan ko nga!!!!! Kuya naman ehhhh!!!! :|




Paano ko kaya siya aamuhin? ehhhhh. Naman!!!!!




"Kuya." tawag ko ulit sa kanya. Pero wala!!! No response at all. Mas gusto niyang kausap yung bintana ng kotse. XDD



 Hayst. Mukhang kailan ko ng major major pagpapa amo dito.




Isip isip mickey! hindi ka rin matitiis niyan.



HMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM.





Alam ko na!!!!! XDDDDD (OA no?)





Mabilis kaming nakarating sa bahay. Ihahatid pa ni mang Narding sina ate at kuya. Pero bago pa man sila umalis kailangan maisagawa ang plano ko. hahaha




"Kuya. Tulog ka dito mamaya. Miss na kitang katabi ehh." sabi ko kay kuya.



Yun ang plano ko (oops. Huwag kayong green minded hah!! Kuya ko yan alangan namang rape'n ko? XDD) Tsaka namiss ko naman talaga yan ehhhh. Miss ko siyang katabi. Lagi kasi siyang natutulog sa bahay nun or vice versa.



Kung tatawagin ko naman si ate hihindi lang siya. Medyo maarte kasi yan ehh. hehehe. Pero love ko siya. :D




"Ok. I'll be here by 7." sabi ni kuya.



YeSSSSSSSSSSSSSSSSSSS!!!!!! Pumayag siya. Phew!!! Akala ko hndi na siya papayag ehhh. Love niya talaga ako!! :D



"Sige kuya. I'll wait for you hah? Bye." sabi ko sabay paharurot ni mang Narding ng koste.





Paumasok ako sa bahay. Oo nga pala. Wala sina mama at papa. Hmmmm.




Mag- isa na naman ako dito sa malapalasyong bahay namin.




Paano kaya naging ganito kayaman mga magulang ko? Ang rami naming pera. Kung tutuusin kahit simpleng buhay lang sana satisfied na ako ehhh, pero ito sobra.



Haist. makakain na nga lang.


Pumunta ako sa kusina.  Kumuha ng foods at pumunta sa kwarto ko. Kain tulog na naman ako buong araw. sige lang!!!XDDD. Buti nga hindi ako tumataba ehhh.




Hihintayin ko na lang hanggang dumating si kuya.




Mabilis na tumakbo ang oras. 7 na pala. May narinig akong kotse na pumasok sa bahay.



Si kuya!!!!!!!!!!! Bangon Mickey!!!! Dali!!!!!!!!!




Patakbo kong tinahak ang hagdan pababang bahay, pero sa kasamaang palad sa huling step ng hagdan natisod ako!!!!!!!!!






"ARAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko.





Ang sakit naman kasi ng paa ko shutek!!!! Bobo Mickey!!!! Hindi kasi nagiingat!!! Uhrghhhhhh!!!



Hinihimas himas ko pa rin yung paa ko nang may marinig akong mga paa na nagtatakbo papunta sa akin. Inihaghis niya mga dala niyang bag sa sahig tsaka nagtatakbong pumunta sa akin.




"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" si kuya na natataranta at hindi alam kung anong hahawakan sa akin XDDD. Nakakatawa yung itsura niya hahahahaha




"Kuya natisod ako. Ang sakit." sabi ko. ui. Hindi yun inarte ahh Masakit talaga. Sobra.




Binuhat ako ni kuya bridal style. Natitigan ko si kuya nang matagalan that time. Ang gwapo talaga ni kuya. Walang makakatalo. XDDDD






Sinalampak niya ako sa sofa tsaka nagtatakbong tinungo ang kusina. Nang bumalik siya dala na niya ag first aid kit namin.




Nilagyan niya ng benda yung paa ako. Haist. Ang swerte ko may kuya ako na maalalahanin. hehehe. The best talaga siya. :D




Tinititigan ko si kuya habang nilalagayn niya bg benda yung paa ko. Gwapo talaga ang mokong. No wonder pinagkakaguluhan siya ng lahat.



Paano kaya kung mainlove ako kay kuya? Hahahaha. Imposible naman siguro yun. hhahahahahaha




Nang maalala ko yung salitang love biglang pumasok si Austin sa isip ko.



Wait?




Bakit ko siya naiisip?



Tengene? yung Abnormal na yun? TAe!!




Erase!!! Erase!!!!





"Tinitignan mo?" basag sa akin ni kuya. Nakatitig pala ako sa kanya.




"Yung paa ko. hehe" sabi ko namang pabiro sa kanya.





"Hindi kasi nag iingat. Tumakbo ba naman sa hagdan. Tskkk." sabi niya sabay balik sa pagbebenda sa paa ko.




"Lagi ka namang nanjan ehh para iligtas ako." sabi ko ulit na nakangiti sa kanya. Totoo yun. Laging nanjan si kuya kapag kailngan ko siya. pag kailangan ko ng tagapagtanggol. Siya ang superman ko.





"Ehhh. Paano kung hindi ako dumating kanina?" sabi niya sabay tingin sa akin ng masama. hehehe. Ganyan talaga yan!!!




"Ehhh. Dumating ka naman!!!" sabi ko ulit. makulit ako ehh. hehe



"Ehhh paano nga kung hindi?" sabi ult niya. Kulit talaga netong mokong na ito!!!




"Ehhh Dumating ka nga ehhh!!!" sabi ko ulit. Laban tayo sa kakulitan? XDD





"Tskkk. Kulit talaga!!!" sabi niya sabay tayo at bitbit ng first aid kit sabay tungo sa kusina. Bumalik siya with bare hands. tumayo siya sa harapan ko.




"Kumain kana?" sabi niya. i can feel na galit pa rin siya sa kin. HMMmm




"Hindi pa. hinintay kita ehhh." sabi ko.



Pagka sabi na pagkasabi ko nun binuhat niya ako ulit bridal style tsaka dinala sa kusina. Nakahanda na yung kakainan namin pagdating namin sa kusina. Haha. Hindi talaga ako matitiis niyan kahit galit siya naypaparamdam niya pa rin na espesyal ako sa kanya at thankful ako dun.




Kumain kami ng dinner. pero ayun. Wala pa ring pansinan. Haist.




"Kuya. Bati na tayo" sabi ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Ehhh. Ampangit ng ambiance pag ganun ehh. (anu ba meaning ng ambiance? XDDDDD)





"Kumain kana." sabi niya ulit sa malamig na boses. Anu be yehn?




Ayun. kumain na lang ako. Pagkatapos niligpit niya kinainan namin tas binuhat ulit ako papunta sa kwarto.



After kong maligo, sumunod naman siya. Anu be yehn? Ang hirap maglakad hah!!!!



After niyang magpalit humiga na kami sa kama. Nkatalikod ako sa kanya. Tas siya nakatihaya sa kama. Wala pa ring pansinan. Hinihintay kong yakapain niya sa likod ko. yun naman kasi lagi niyang ginahawa pag magkatabi kami ehh. :)




"Kuya bati na tayo. Ang tagal nating hindi nagkita tas hindi mo lang ako papansinin ngayon?" sabi ko na mejo naiiyak na. Siya naman kasi ehhh. Ang tagal kaya naming hindi nagkita tas ganito lang? Anu be yen!!!




Bigla na lang akong may naramdamang mga kamay na yumakap sa akin. Kasunod nun ang isang halik na ginawd niya sa ulo ko.






Paul John Herrera







Hindi ko rin naman matitiis ito ehhh. Niyakap ko siya sa likod niya tsaka ko siya hinalikan sa ulo niya. Hayst. Mtagal nga din namang hindi kami nagkatabi.



"Bati na tayo." sabi niya na medyo sumisinghot na. haha. Kahit kailan talaga iyalkin.



"Oo na. Basta huwag mo lang uulitin." tsaka ko hinigpitan ang yakap ko sa kanya.


Gusto kong sulitin ang mga pagkakataong ganito. Yung kaming dalawa lang. Yung yakap yakap ko siya. Yung taong mahal ko. Yung walang panira.


Yakap yakap ko ngayon ang taong mahal ko. Ang buhay ko. Sa akin siya ngayong gabi. Ang sarap sa pakiramdam. Ayko nang matapos ito. Ayoko na syang bitawan. Gusto ko lagi ko lang siyang kayakap. Ayaw ko na siyang pakawalan.



"Kuya Huwag kang matutulog hanggang hindi ako nakakatulog hah? Tsaka huwag mong tatanggalin yakap mo hah?" sabi niya sa kin.


"Sigeh bah. Hinding hindi kita bibitawan bunso." sabi k naman.



"Goodnight kuya." sabi niya sa akin.



"Goodnight bunso." sabi ko naman.



Tinotoo ko ang sinabi niya. Hindi ako pumikit hanggang nakatulog siya. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa nakatulog siya. Ang cute cute niya. Ang sarap titigan, lalo na kung tulog. Mahal na mahal ko ang mokong na ito.


Mahal na mahal ko ang bunso ko. :|



Sana lang alam mo. Sana lang hindi mo ako layuan kung malaman mo. Hindi ko naman ito maitatago habang buhay ehhh. Kanina nga lang nagselos na ako kay Austin. Siguradong malalaman at malalaman niya. Hayyyyy. Sana hindi mo ako iwan pag nagkataon.



Tiningnan ko siya. Himbing na himbing na siya. Ayoko siyang bitawan. Yayakapin ko siya hanggang mag umaga.




"Mahal na mahal ka ni kuya bunso. Mahal na mahal."






  -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Ayan na po. Sana po magustuhan nyo ang Chapter na ito.



Magcomment naman po kayo oh. May nagbabasa pa ba?:(



Sino ilokano dituy? :)



Pls. I need Comments. Yun ang nagpapagana sa king magsulat. :(



Thanks kay Kuya Mike :)

'Unexpected' Chapter 23

Hi, readers! Ito na ang Chapter 23. Like what I said in my previous update, medyo mabibigat na ang mga succeeding chapters.

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta!


Comment niyo lang ang mga thoughts niyo. :)

--

Chapter 23

“Chill. Kasi nga, dahil sa hindi mo ako kinakausap nasasaktan ako, at wala na ako sa sarili. Ang hirap pala, Josh. Ikaw na lang kasi lagi kong nakakasama. Alam mo naman na may pagka-aloof akong tao, and ikaw lang umiintindi sa akin, kaya ang hirap na ‘yung mga nakagawian natin ay hindi natin nagagawa kasi nga galit ka sa akin. Kaya, ayun napapansin daw niya na napapabayaan ko na ‘yung relationship namin, kaya she called it quits.”

“I’m so sorry, Gab... I...”

“No, don’t be sorry. She was not worth it. Hindi niya ako inintindi. I have no regrets. I realized after all what happened that I wouldn’t trade you for anything or for anyone else. Happy ako ngayon, and that’s what’s important.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Kilig na kilig ako sa loob-loob ko. Ang sweet kasi ng thought ng pagkakasabi niya. Hindi ko tuloy maiwasang lalong umasa.

“Oh, ako naman. Kamusta ‘yung presentation niyo sa World History?”

“Gago! Paano mo nalaman ‘yon?”

“Ahh, si ma’am kasi nakwento sa class namin. Ang daldal nga niya eh. Grabe daw ‘yung ginawa niyo. Ikaw, ha. Natural ka pala! Best actor! Clap, clap!”

“Ulol! Masamang ideya lang ‘yun ni Janine.” Pagdepensa ko.

“Pero kung ganoon nga mangyari, may chance ba nagmamahal ka rin ng guy?”

Natigilan ako sa tanong niya. Words are not enough to describe how I feel about that question.

“Paano kung oo?”

Wala naman siyang naging reaksyon.

“Wala namang masamang magmahal, ‘di ba, bes?” makahulugan kong sagot.

Napatango naman siya at napangiti. “Oo nga naman. Wala talaga.”

Medyo nahimasmasan naman ako sa naging tugon niya. Wala kasing bahid ng pagkailang o pandidiri iyon. So may chance pala na matanggap ako ni Gab, na mauunawaan niya ako. Napangiti ako. Narealize kong ako na pala ang magtatanong. May isang tanong kasing patuloy akong binabagabag, at marahil ito na ang pagkakataon para mabigyang tugon iyon.

“Oh, ako naman! ‘Yung sa hospital... anong ibig sabihin ng “Mahal na ata kita, eh.” Maingat kong tanong. Nagulat naman siya at namula, at tila hindi mapakali. “Ang tagal ko na kasing ginugulo niyan eh.” Dagdag ko.

“Ahhh... eh!” taranta niyang sabi, at pagkatapos ay bigla siyang nahikab. “Inaantok na ako! May pasok pa bukas. Good night.” Tila hindi niya mapakaling sagot at biglang humiga at nagtakip ng kumot. Natawa naman ako sa naging sagot niya, ngunit nalungkot ako dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Napaisip naman ako. Kung wala lang iyon sa kanya ay he can simply deny it and provide some reasons, ngunit his reactions say otherwise. Could it be? Ito lang kasi ang logical explanation kung bakit siya off-guarded doon sa tanong ko.

Ilang sandali lamang ay nasagot na ang tanong ko.

Bigla siyang bumangon at ikinagulat ko na lamang ang sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi at mabilis na sinabing “Hope that answers your question. Good night, bes.” At walang sabi-sabing bumalik sa paghiga na parang walang nangyari.

Tulala.

Hindi ko na lang namalayang tumutulo na pala ang luha ko, ngunit hindi iyon dahil sa kalungkutan... ito ay dahil sa lubos na kaligayahan. Hindi man niya sinabi ay alam ko na ang naging sagot niya sa tanong ko. At matapos noon ay isang kataga lamang ang tumatak sa isip ko.

“Mahal din niya ako.”

Ngunit tila may gumugulo sa akin... parang may pumipigil sa akin. Hindi ba’t ito na ang katuparan ng mga pangarap ko? Hindi ba dapat masaya ako dahil kahit hindi niya sinabi ay alam ko pa rin na mahal na rin pala ako ni Gab? Bakit parang hindi lubos ang saya ko? Oo, na-overwhelm ako, natuwa...

Pero... bakit parang may mali?

--

Gab.

Stupid, Gab! Wrong move!

Nagulat na lang ako sa ginawa ko, ngunit alam ko na dahil doon ay alam na ni Josh ang damdamin ko para sa kanya. Hindi ko na rin kasi napigilan kahit ano pang pagtanggi ko. Masaya dahil tila nabunutan ako ng tinik dahil sa wakas nasabi—or rather naiparamdam—ko na sa kanya ang tunay kong saloobin. Nagkaroon lamang ako ng lakas ng loob nang sabihin niyang hindi malayo na magmahal din siya ng kapwa niya lalaki at walang mali sa pagmamahalan regardless of gender na lubos kong ikinatuwa. Wala mang pag-amin mula sa akin gamit ang mga salita, ay alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Natuwa ako dahil tila wala siyang naging violent reaction sa paghalik ko sa kanya sa cheeks. To be honest, my heart skipped a beat the moment my lips felt his cheeks. Ang weird, pero weird na kung weird, pero alam kong mahal ko naman siya kaya ko iyon nagawa. Never in my life that I imagined myself kissing another guy. Sa hindi niya pagrereact ay alam kong tila tanggap niya kung anuman ang gusto kong ipahiwatig. Dahil kung ayaw niya ay malamang nagalit na ito sa akin. Ang tanong na lamang ay kung mahal din ba niya ako? Pero hindi ko muna inisip iyon. Ang importante ay nasabi ko na sa kanya.
Nakatulog akong may ngiti sa aking mga labi.

--

Kinabukasan paggising ko ay tila ibang mundo na ang kaharap ko. Mas maluwag ang pakiramdam ko sa ‘di malamang dahilan. Napatingin na lang ako sa taong katabi ko at hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute—no, ang gwapo—talaga niya. Mukha siyang isang anghel habang natutulog. Hinawakan ko ang pisngi niya at dinama ko ito. Pinalakad ko ang aking hintuturo sa bridge ng ilong niya hanggang sa makarating ito sa kanyang mga labi. Dinama ko iyon at weirdly, pinangarap kong mahahagkan ko rin iyon isang araw.
Hindi ko na rin ikinataka kung bakit nagawa ko na ngang aminin sa sarili ko na mahal ko na nga siya. Ngayon lang ako nakakita ng taong pilit na umiintindi sa akin. Napakamaunawain ni Josh, na bihira isang lalaki—at least sa circle of guy friends ko. Kahit na alam kong maraming pagkakataong inis na inis na siya sa akin ay mapagpasensya pa rin ito. Pinaramdam niyang hindi ako nag-iisa sa mundong ito. Kaya nga siguro natutunan ko na siyang mahalin unconsciously. Ngayon ko lang talaga nabigyang-linaw itong nararamdaman ko. Alam kong marami akong kakaharaping sakit sa pinili kong daan na ito, ngunit alam kong matutunan ko ring lumaban, kahit bago ito sa akin. Alam ko kasi na mahal ko talaga siya. Napangiti ako sa thought na iyon.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong may halos 45 minutes pa kami bago tumunog ang alarm. Naglakas-loob akong yakapin siya at pumikit muli, pilit na sinusulit ang natitirang oras bago siya magising.

--

Matt.

“This is all my fault.” Rinig kong wala sa sariling sabi ni Janine nang matapatan ko siyang mag-isa sa isa sa mga covered areas ng school pagdating ko. “Janine.” Tawag ko sa kanya. Nagbigay naman siya ng isang matamlay na ngiti. “Matt.” Ang tangi niyang tugon. “So, this is what it’s like, huh?” Matamlay ko ring tugon. “This is all my fault... Masyado lang akong natuwa, Matt. I’m so... sorry.” Hinagpis na sabi ni Janine. Tila nabigla naman ako sa bigla niyang pag-iyak. This is a rare occasion. “Pareho lang tayong may kasalanan.” Pag-aalo ko sa kanya. Totoo naman kasi. Ang tanga-tanga ko rin naman kasi, dahil walang sabi-sabi ko siyang hinalikan.

“No, no. Ako pa rin. Hindi mo naman gagawin ‘yun if hindi ko inutos. Masyadong maraming alcohol kasi kaya siguro nawala na ako sa katinuan.” Tumatangis pa rin siya. Inakbayan ko siya at sinabing instead na umiyak siya ay dapat makaisip kami ng paraan para mapatawad kami ni Josh. “Ikaw ba, how are you feeling?” medyo alala niyang tanong sa akin.

Napailing na lang ako, dahil hindi ko rin gustong magpaliwanag ukol sa sakit na nararamdaman ko.

“Halika na, mauna na tayo sa classroom. Huwag na tayong umattend ng Flag Ceremony.” Pagyaya ko sa kanya.

--

Gab.

Lumilindol.

Nararamdaman kong tila gumagalaw ang lupang kinatatayuan ko. Binabangungot lang ba ako? Bakit parang totoo? Bigla namang nakaramdam ako ng sakit sa pisngi, tila isang bato ang tumama doon. “Gab! Gab!” rinig kong may sumigaw ng pangalan ko. Lalong lumakas ang pagyanig ng paligid. Nagtatakbo ako.

“AH!” bulalas ko.

Panaginip lang pala. 

“Hoy! Anong nangyari? Mukha kang timang diyan. Kanina pa kita niyuyugyog diyan. Sigaw na nga ako ng sigaw hindi ka pa rin nagigising.” Sabi ni Josh. Napatingin naman ako sa kanya at nangiti. So it was a dream after all. Siya pala ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng mga pagyanig. “Hehe, wala. Sige, ligo na ako.” Ngiti-ngiti kong sabi at masiglang bumangon. “Oh? Anong nakain mo bakit ang saya-saya mo ata?” natatawang tanong niya. “Wala. Ang sarap palang mabuhay haha!” nakangiti ko pa ring tugon kay Josh. “Uto. Naka-drugs ka na naman! Sige, ligo na nang mahimasmasan ka naman!” tudyo niya sa akin.

Sino nga naman ang hindi sasaya kung sa paggising mo pa lang eh mukha na ng taong mahal mo ang bubungad sa iyo? Hindi ko lang masabi ang totoong dahilan sa kanya dahil baka mailang siya o kung ano. Alam ko dahil sa ginawa ko kagabi ay medyo may ideya na siya—or pwedeng, alam na talaga niya—kung ano man itong nararamdaman ko. Masaya ako na parang wala namang nagbago. Ngunit ayoko munang magpadalos-dalos. Mahirap na. One wrong move might cost me the love of my life so I decided not to bring up the subject of my feelings again. Naisip kong darating din ako diyan.

Habang naliligo ako ay kumanta-kanta pa ako. Hindi na ako nahiya kahit marinig niya, ano pa ma’t bestfriend ko siya. Bakit ako mahihiya, ‘di ba? Or sadyang makapal lang talaga ang mukha ko? Haha.

Oooh, I’m feeling like my life had just begun,
And I’m feeling fine, Oh I feel so alive singing,
Oooh, I’m feeling like my life had just begun,
And I’m feeling fine, so fine, fine, fine...

Iyan ang paulit-ulit kong kinakanta. Iba talaga ang pakiramdam ko. I feel a thousand times lighter ngayong nabigyang-linaw ko na kung anuman ang nararamdaman ko para sa bestfriend ko. Mas lalo pa akong masaya dahil maayos na kami, at kasama ko siya ngayon. This is definitely a brand new start. Matapos maligo ay naabutan kong wala ng tao sa kwarto. Nakababa na siguro si Josh at tinulungan si tita sa paghahanda ng agahan. Dali-dali akong nag-ayos ng uniporme at nagbihis. Tumingin ako sa salamin at nagpapogi hehe. Syempre, inspired ako, eh. Medyo iniba ko ang ayos ng buhok ko. Nang matapos ako ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

“Hijo, okay ba ang tulog niyo?” tanong ni tita. “Nako, tita. Ayos na ayos po!” masigla kong tugon, naaalala ko kasi ang pagyakap ko kay Josh. “Mukha nga ma, eh! Parang nakadrugs ‘yan ang aga-aga pa!” pang-aasar ni Josh sa akin. “Nako, nako! Kumain na nga tayo at baka ma-late pa kayong dalawa.” Pag-anyaya ni tita.

Habang kumakain ay mataman kong tinitingnan si Josh. Lahat ng mga kilos, galaw ng mata, at ayos niya ay pilit kong inoobserbahan. Lalong bumilis naman ang tibok ng puso ko habang ginagawa ko iyon. Totoo ngang mahal ko na ang bestfriend ko. Natingin naman siyang bigla sa akin at binigyan ko na lamang siya ng isang ngiti. Nangiti rin naman siya na lubos kong ikinatuwa.

--

Nang makarating kami sa school ay palinga-linga si Josh, tila may hinahanap. “Bes, parang ‘di ka ata mapakali?” nag-aalala kong tanong. “Ahh... ehh, wala. Hehe sige pila na tayo oh. Tingnan mo, baka ma-late tayo.” Aligaga niyang sabi. Lalo ko namang ikinataka ang mga kinikilos niya. Kanina kasi ay tila kalmado naman siya. Naisip kong kailangan kong malaman ang dahilan. Clearly ay mayroong bumabagabag sa kanya.

--

“Tol, parang masaya ka ata ah!” bati ni Jerome na seatmate ko sa klase. “Syempre, inspired eh!” masaya kong gatong sa kanya. “Nako, nako. May bago ka ng chicks, pre. Kakatapos mo pa lang kay Therese, may kapalit na agad. Iba ka talaga.” Biro niya. Natawa naman ako. “Kailangan mag move on, eh.” Sagot ko. “Sino naman ‘yang pinopormahan mo? Pakilala mo naman ako!” sabi niya. “Sige, kapag sinagot na niya ako.” Natatawa kong tugon.

Napaisip naman ako sa sinabi ni Jerome. Paano ko nga kaya kung hindi ako ibigin ni Josh? Paano kung dahil sa nararamdaman kong ito ay masira ang pagkakaibigan namin? Nakakatakot. Ayoko. Kaya madalas akong nagdadalawang-isip kung tama bang sabihin ko ang nararamdaman ko sa kanya. I am now faced with two sides of the coin, and both sides have their negative implications which bothers the hell out of me. Oo, masaya dahil ngayon ay sigurado na ako sa sarili ko ukol sa nararamdaman ko para sa kanya, ngunit may iba pa palang bagay na dapat alalahanin.

Firstly, if in case hindi niya mareciprocate ito, then talo ako. Alam kong magkakaroon na ng lamat ang samahan namin kahit anong mangyari. Alam kong maiilang siya, at hindi na magiging tulad ng dati ang lahat. Higit sa lahat, masasaktan ako. Secondly, if by chance, mahal rin pala ako ni Josh—or at least, bigyan niya ako ng pagkakataon—kaya ko ba siyang panindigan? Paano kapag nalaman ito ni mama? Matatanggap ba niya ako? Kaya ko bang ipagsigawan sa buong mundo na iba pala ako? Alam ko, dahil sa mga nararamdaman kong ito ay nag-iba na rin ang pagkatao ko. But I guess wala namang pinipiling kasarian ang pagmamahal, eh. Nagmahal lang ako, ‘di ba? Ngunit iyon nga, kakayanin ko ba lahat ng sasabihin ng mga tao?

Napabuntong-hininga ako. Mahirap din pala itong pinasok ko.

“Oh, ba’t natahimik ka ata, ‘tol?” takang tanong ni Jerome. “Wala. May naalala lang.” Matamlay kong pagdadahilan. “Nakadrugs ka na naman!” tukso niya. “Oo, wala ngang supply eh.” Pagsakay ko sa biro niya. Natawa lang siya. “Tol bakit nga ba kayo nagbreak?” tanong ni Jerome. “Dahilan niya, eh tila may gumugulo daw sa akin. Basta, kumplikado.” Honest kong sagot. Napatango naman siya. “Pero sayang din si Therese. Bihira ang matinong babae dito sa school.” Komento niya. Napatango naman ako sa sinabi niya. “Oo, pero naisip ko rin na ‘di rin siya sayang. Kung hindi ko naman pala siya mahal. At saka, ‘tol, hindi naman niya ako inintindi kaya ‘di siya kawalan.” Pahayag ko. “Naks! Bitter, ah.” Natatawa niyang puna. Hindi ko na lang pinansin ang pahayag niya dahil pumasok na si ma’am sa classroom.

--

Josh.

Tahimik pa rin. Nakakailang na katahimikan.

Biyernes na at halos buong linggo ko pa ring hindi pinapansin si Matt at Janine. Nasanay na rin ako na katabi sila. Sinasabi ko sa sarili kong kailangan ko lang habaan ang pasensya ko at hindi magpatinag sa pagmamakaawa ng dalawa. I know ang sama ko, pero hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil may pinanggagalingan din naman ako.

Dumaan ang buong araw na hindi ko pa rin sila pinapansin. Naiinis pa rin kasi talaga ako. Lalo na ngayo’t tila may nakain si Matt dahil sa kanyang sobrang kakulitan. Nakakairita na. Kaya nang idismiss kami ng huli naming subject teacher ay agad-agad kong dinampot ang bag ko at dali-daling lumabas ng classroom.

Narinig ko naman na may mga yabag na paang sumusunod sa akin. “Josh! Sandali lang!” sigaw ni Matt. Nang marealize ko kung sino iyon ay mas lalo ko pang binilisan ang paglakad. Ayoko na muna siyang kausapin dahil alam kong ngayong may galit pa ako ay marami akong hindi magagandang bagay na masasabi sa kanya. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Kailangan ko munang magpalamig ng ulo.

Ngunit huli na ang lahat dahil naharangan na niya ang dinadaanan ko, pero siyempre sinubukan ko pa ring makadaan. “Tabi.” Mahina, ngunit may awtoridad kong sabi. Ngunit parang hindi siya natinag, at mataman lamang akong tinitingnan. “Tabi.” Pag-uulit ko. This time, medyo nilakasan ko na ang boses ko. “Bingi ka ba?” nabuburyo kong sabi. Konti na lang talaga at masasapak ko na ‘tong si Matt. Ngunit nakatitig pa rin siya sa akin na tila wala akong sinabi. Kaya naman nagtangka na akong dumaan, ngunit gaya ng inaasahan ay hinarangan niya ulit ako.

“Ano ba?!” at hindi na nga ako nakapagpigil at nasigawan ko na siya. Nagulat naman siya. Ngunit mas nagulat ako nang biglang may mga luhang tumulo galing sa mga mata niya. Kung hindi pa sapat iyon, ay bigla pa siyang lumuhod sa harapan ko! Nakakahiya, ang daming mga tao! Baka kung ano ang isipin nila. “Josh, I’m so sorry.” Humahagulgol at nagmamakaawang sabi ni Matt. Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong may mga ilang estudyanteng nagbubulungan. Nagtataka siguro kung bakit ganoon ang ayos namin. Imbes na maawa ay lalo pa akong nainis sa ginawa niya. “Hoy, ano ba! Nasisiraan ka na ba?!” pagalit kong bulong sa kanya. Ngunit lalo lang umiyak ang gago. Kaya naman hinaltak ko siya patayo at hila papunta sa isang tahimik na lugar.

--

“Ano na naman ba nahithit mo, Matt ha? Tangina naman, eh! Nakakahiya ‘yung ginawa mo!” galit kong sabi sa kanya nang makarating kami sa isa sa mga kubo sa labas ng school. “Ayaw mo kasi akong kausapin, eh.” Parang bata niyang sagot na lalo kong kinainis. “So ako pa ang may kasalanan ngayon?” balik ko sa kanya. Natahimik naman siya.

“Kung wala ka ng sasabihin, uuwi na ako. Marami pa akong gagawin.” Pagpapaalam ko. “Kausapin mo na kasi ako Josh, please.” Sabi niya nang akmang lalabas na ako ng kubo. Napatingin naman ako sa direksyon niya at nakita siyang nakayuko. “Nahihirapan na kasi ako, eh. Kung alam mo lang.” Pahayag niya. At doon ay nagpantig na nga ang tenga ko at sumabog na lahat ng galit na kinikimkim ko. “Tangina, ‘tol. Sa tingin mo ba ako hindi ako nahihirapan?! HA?! Ngayon sabihin mo sa akin! Parang kasing pinagmumukha mong ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkakaganiyan! FYI, Mr. Lopez! Ikaw ang may kagagawan ng kagaguhang ito!” pakiramdam ko ay pulang-pula na ako. Nagpupuyos na ako sa galit. Tahimik lamang siya, ngunit nagpatuloy ako.

“You want to talk?! Fine, I will talk to you! Ito lang naman ang gusto mo ‘di ba?! Bakit ako galit?! Kasi dahil sa ginawa mo! DAHIL PAKIRAMDAM KO PINAGTRIPAN MO LANG AKO, MATT! Di porke’t umamin akong may gusto ako sa kapwa ko lalaki ay iisipin mong okay lang sa akin na halikan mo ako, na gugustuhin ko iyon, kasi nga quote, unquote “bakla” ako! Hindi mo lang alam kung gaano kasakit, Matt! Sabi mo aalagaan mo ako! Pero bakit binastos mo ako noong gabing iyon?! Hindi mo man lang pinakinggan ang pagtutol ko, at basta-bastang hahalikan mo na lang ako?! Ano ba ‘yon, ha?! Matt, ang sakit, kasi bestfriend ko pa naman kitang maituturing, and yet ikaw ang dahilan ng pain ko ngayon! Ngayon, Matt sabihin mo nga! Sino ang mas nahihirapan?!” at hindi ko na nga kinaya at napahagulgol na ako. Masyado ng mabigat ang mga dinadala ko.

“Tutunganga ka na lang ba diyan?! Magpaliwanag ka! Heto ako oh! Ito lang naman ang gusto mo, eh! Nang matapos na rin tayo!” bulyaw ko sa kanya. Ngunit nakayuko pa rin siya at tuluyang nanahimik. Napailing na lang ako. “Bahala ka sa buhay mo! Akala ko pa naman... iba ka. Nagkamali lang pala ako.” Naiiyak kong sabi at lumabas na ng kubo.

--

“Ma, anong ulam?” tanong ko kay mama nang makauwi. Medyo ginabi na rin kasi ako dala ng mahaba naming eksena ni Matt kanina. “Adobong manok.” Nakangiting tugon ni mama. “Sige po, bihis lang ako.” Pamamaalam ko at umakyat na ako ng kwarto ko para magbihis. Narinig ko naman na nagring ang cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan ni Janine ay pinili kong icancel ang tawag niya. Malamang ay alam na niya ang nangyari kanina kaya gusto niya sigurong iback-up si Matt. Masyado ng maraming nangyari ngayong araw. Ayaw ko na ulit mag-init ang ulo ko.

Habang kumakain ay tila hindi ako mapakali. Nararamdaman kong may mali, parang may hindi magandang mangyayari. Sa di malamang kadahilanan ay ninerbyos ako na siyang dahilan ng pagkabitaw ko sa baso ko. Nabasag ito na lalo kong ikinatakot. “Anak, dahan-dahan lang naman.” Nailing na sinabi ni mama. Kumuha naman ako agad ng walis at dust pan at nilinis ang kalat na ginawa ko.

Makalipas ang ilang oras ay nag-isip ako ng magandang gagawin. Ngunit tinamad na rin ako at pinili ko na lamang na manood ng TV sa sala. Nagring na naman ang cellphone ko. Medyo naiinis na ako, dahil iniisip kong si Janine na naman iyon. Nang tingnan ko ang screen ko ay unknown number ang nakalagay na siyang ikinataka ko. Sinagot ko ang tawag.

“Hello, sino ‘to?” tanong ko. “Josh, it’s Tito Richard.” Sagot niya. Nagtaka naman ako kung bakit ako tinawagan ng tatay ni Matt. “Ay, tito. Ano pong meron?” taka kong tanong. “Pwede bang pumunta ka dito sa St. Luke’s?” medyo uneasy niyang pahayag. Lalo akong kinabahan. I tried to analyze the situation. Una, hindi tatawag si Tito unless important. Pangalawa, St. Luke’s? Bakit sa ospital? “Bakit po?” kinakabahan kong tanong. Nakarinig naman ako ng buntong-hininga sa kabilang linya.

“Si Matthew kasi... naaksidente.”

--

Itutuloy...

Monday, July 1, 2013

Ang BABY Boy 1


Hindi na mapakali itong si Carlo ng mga sandaling iyon kaya nama'y hindi na muna siya dumirecho papauwi ng bahay at nagDecide na lamang siya na puntahan ang kaniyang nakakatandang kapatid na babae sa Mini Grocery Business nito.
Almost two months ng nababakante at walang trabaho itong 22 yrs old na binata dahil puro na lamang 'tatawagan' and 'We will notify you once may opening na' ang ibinibigay sa kaniya ng mga Local Hospitals and Clinics na kaniyang pinag-a-Apply-an.
Isang registered nurse itong si Carlo at medyo naLate siyang makapagTapos sa kaniyang Kursong BSN dahil hindi talaga nila maiwas-iwasan ng kaniyang Nanay at Ate na mapahinto ang binata ng ilang sem dahil sa kakapusan nila noon.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails