Followers

Saturday, October 17, 2020

Checkmate: My billion dollar baby Chapter 3


 

CHECKMATE

My Billion dollar Baby

DISCLAIMER

The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.

facebook: Mark Salazar

FB group: Bluerose

CHAPTER 3

"HEAVEN AND EARTH"

SI ALLEN

Mula pagkabata ay pinangarap ko na magkaroon ng ordinaryong buhay, ordinaryong buhay kung saan pwede ako maging normal, maging masaya, Kumilos at ngumiti tulad ng ginagawa na mga batang nakikita ko sa palaruan, ordinaryo at isang tahimik na buhay.

Pero kahit anong gawin ko ata ay hindi mangyayare yung bagay na yun, hindi ko matatakasan kung anong nakatadhana para sakin, kung anong buhay ang nakaguhit sa mga palad na meron ako.

What I learned is that no life is ordinary, Our life are always meant to be an extra ordinary one.

And we have to embrace it.

Unti unti ko lang dinilat yung mata ko ng marinig yung tunog ng alarm clock sa side table ng kama ko. inabot ko lang to saka pinatigil yung tunog at ilang sandaling tumitig sa ceiling.

This is the day.

Humugot lang akong malalim na hininga saka umupo at pinagmasdan yung kabuan ng kwarto ko, kwartong naging saksi kung paano ako hinubog para maging karapatdapat na bagong hari na ipakikilala ngayong araw na ito.

Tumayo lang ako saka tinungo yung glass wall at hinawi yung makapal na kurtina, sinalubong lang ako ng liwanag sa labas na agad na kumalat sa buong kwarto. Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko ng mapagmasdan yung malawak na solar napapaligirin ng ibat ibang halaman sa harap ng mansion.

"It is a beautiful day." ngiti ko.

Tinungo ko lang yung banyo saka isa isang hinubad yung damit ko, pagtapat ko sa shower ay tumingala lang ako at dinama yung tubig na nagsimulang dumaloy sa katawan ko.

Tapos na ang paghahari ng magkapatid na Chua at sisiguraduhin ko na babawiin ko lahat ng kinuha nila sa FGC, deals, clients. Babagsak sila.

Pagkatapos magshower ay tumuloy ako sa walk in closet ng kwarto ko kung saan nakalagay lahat ng coat, damit at lahat ng kailangan ko. Namili lang ako ng susuotin at tumapat sa malaking salamin na andun.

Hindi sila magiging madali kalaban, pero hinding hindi ako magpapatalo.

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan yung kabuuan ko pagkabihis.

I am ready.

Sa isang malaking hotel ang venue nang pagpapakilala sakin bilang bagong CEO ng Fernandez Group of companies. Dumalo dito lahat ng board members, executives kasama ng mga namamahala ng lahat ng aquired company ng FGC, may mga pulitiko at iba't ibang mataas na tao ang naroon. Marami ding media ang interesado sa kung sino nga ba ko at ano ang plano ko para sa kumpanya.

Hindi ko papayagan ang kahit na sino ang magpabagsak sa kastilyong binuo ng bawat empyedo sa kumpanyang ito.

Nasa room na ko ng hotel nun nang nakita kong pumasok si Mommy, isang ngiti lang yung sinalubong ko sa kanya.

" Are you ready son?"

" Yes, Mom." tango ko, lumapit lang to sakin saka sinimulang ayusin yung tie na suot ko saka pinagmasdan yung kabuuan ko.

" You look great, ang laki laki mo na."

" Thank you, Mom."

" Kahit isang beses, hindi ako nakapagsorry na hindi kita naprotektahan mula sa Daddy mo, na nanunuod lang ako tuwing sasaktan ka niya."

" Mom."

" Anak, I am really really sorry." saad niya hanggang makita ko yung luha sa mata niya. " I am scared sa Daddy mo, sobra akong takot at dahil dun wala akong nagawa para protektahan ka sa lahat ng pananakit niya sayo." saad niya kasabay ng pagtulo ng luha.

Kahit konti hindi ako nagkaroon ng galit kay Mommy at kahit kailan hindi nabawasan yung pagmamahal na binigay niya sakin, nang isang beses na prinotektahan niya ko ay sa kanya nabunton ni Daddy yung galit nito dahilan para maospital sya.

Simula nun iniwasan ko si Mommy. Hindi ako humingi ng tulong sa kanya sa tuwing gugulpihin ako ni Daddy.

Mabuting ako nalang ang masaktan, wag lang sya.

Ilang beses ko syang nakitang umiiyak at pakiramdam ko mas masakit pa yun kesa sa mga palo at pasa katawan ko.

" Mom, tapos na yun at sobrang naiintindihan ko."

" Anak ginawa ko lahat para mapalago itong kumpanya pero, I'm sorry kung kinailangan mo bumalik para isalba ang FGC, I know how much you hate your dad and you don't want to come back here anymore but Please..Son please save this company." nakatungong saad ni Mommy. " Sa tatlong taon kong pagtatrabaho dito sa kumpanya,nalaman ko na hindi lang to tungkol sa pamilya natin, sa kumpanya, sa FGC. Anak yung mga emplyedo, yung mga pamilyang nakaasa sa kanila at di ko maisip kapag nawala ang FGC, libo libong empleyado ang maapektuhan."

" Mom, Kahit di niyo po sabihin. I will save and protect this company."

" Thank you." matamis na ngiti ni Mommy, niyakap ko naman sya.

Sabay lang kaming bumaba ni Mommy at tinungo yung event hall ng hotel na pinagdausan ng mahalagang araw na ito.

" Are you ready?" tanong ni Mommy ng makarating kami sa tapat ng malaking pinta na sa likod ay nanduon ang malaking bulwagan na pagdadausan ng mahalagang pangyayare nang araw na yun, tumango lang ako saka nagbigay ng isang ngiti.

Dahan dahan lang bumukas yung pinto hanggang makita ko yung dami ng tao sa loob at yung pulang carpet na nasa gitna.

" Ladies and Getlemen let's all welcome the New Chief Executive officer of Fernandez group of companies. Mr. Allen Fernandez. Let's give him a round of applause." rinig kong pakilala sakin ni Jessica, halos mabingi ako sa lakas ng palakpakan ng mga taong dumalo. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagsimulang humakbang sa gitna kasabay si Mommy.

Nagsimula lang magflash yung maraming camera ng mga media na andun.

Kasabay ng naririnig kong palakpakan yung malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba pero unti unti itong napawi ng makita ko yung mga ngiting sumalubong sakin, mga ngiting nagbigay ng lakas para patuloy akong humakbang na nakataas ang noo. Mga taong naniniwala at nagtitiwala na muli kong ibabangon ang FGC

At hindi ko sila bibiguin.

Nang makarating sa stage ay unti unti natahimik ang lahat, isang ngiti lang yung pinakawalan ko saka hinawakan yung mic sa harapan ko, nang lingunin ko si Jessica ay tinanguhan lang ako nito.

Nilibot ko lang yung tingin ko sa buong lugar, pinagmasdan yung maraming tao na andun habang nakatuon lahat ng atensyon sa akin.

" Ladies and Gentlemen, good morning and thank you for coming in this event today. I am Allen Fernandez and it's an honor for me to stand here today, to lead and serve this company of ours." nakangiting saad ko, nagpalakpakan naman yung mga nanduon.

" I know that the last two years has been tough for everyone in this company, Our company was facing an uncomfortable financial problem, we lost a lot of deals, Important clients, business uncertainty in many of our markets and geographies, and severe challenges threatening our future economic and financial performance. Everything went south and I know that no one wish it to happened." Saad ko, halos lahat ng anduon ay tahimik lang na nakikinig.

" Now as the new CEO of this company my main priority was to oppose and reverse the trend towards a worsening financial position of the company." seryosong saad ko, Sinimulan ko lang ilatag lahat ng plano at goal ng kumpanya sa aking pamamahala. Mga pagbabago na alam kong mas ikakabuti ng bawat isa. Mga bagong innovation at paglilinis ng mga departamentong kailangan ayusin.

Maraming parte ang FGC na alam kong hindi perpekto at gagawin ko ang lahat para maayos ito at sumabay sa pag angat ng kumpanya, madaming kailangan ayusin at haharapin ko lahat ito.

Kitang kita ko lang yung masusing pakikinig ng lahat.

" Many companies dream to change the world. But very few have all the elements required. Talent, resources and perseverance but FGC has proven to have those three elements." ngiti ko. " As the new CEO, I promise to make FGC rise again, we will rise again and that is a promise." pagtatapos ko sa speech na yun, masigabong palakpakan lang yung narinig ko sa buong lugar, isa isa ko lang nilapitan yung board of directors saka sila kinamayan.

SI ANTON

I just can't help but laugh while watching Allen Fernandez on screen giving speech as the new CEO of Fernandez group of companies, Nasa outdoor shooting range ako nun na isa sa napakaraming amenities ng The Lair.

Andrew and I are the only one allowed to enter this part of the island, Money talks here. The more money you have the more privelege you are.

" He just started the war." ngiti ko saka kinuha yung AK47 at humakbang hanggang makarating ako kung saan ako dapat pumwesto. Pinagmasdan ko lang yung standee na target na lugar na yun. " Aiming at your head is boring, sisimulan ko sa baba." ngiti ko saka nagsimula paputukin yung baril.

Nabalot lang yung lugar na yun ng sunod sunod na putok ng baril.

Mula sa paa pataas sa ulo, lahat ng bala ng baril na yun ay tumama sa standee.

" Condolences." natatawang saad ko makitang bumagsak yung target ko.

" You're still good with guns." rinig kong saad ng kung sino, paglingon ko nakita ko lang si Andrew.

" Why are you here? I am wearing my mask." turo ko sa maskara sa mukha ko. Nagkibit lang sya ng balikat.

" Are you ready for tonight ceremony?" ngiti niya, tumingala lang ako saka pinagmasdan yung isang eroplanong dumaan sa taas namin. " Halos lahat ng importanteng members ng Heaven and earth society ay nasa isla na." saad pa niya na ang tinutukoy ang isa pinakamalaking secret criminal society sa mundo.

" Andrew."

"I am Cottonmouth and you are the Panther." matalim na tingin niya sakin. " I want you to remember that on this island, Andrew Chua and Anton Chua does not exist." seryosong saad niya, isang sarkastikong ngiti lang yung kumawala sa labi ko saka dahan dahan hinubad yung maskara sa mukha ko.

" Stop!" gigil na saad niya saka may kinuhang baril sa bewang niya at gigil na tinutok sakin.

" You really getting on my nerve!" gigil na saad ko saka hinawi yung baril na hawak niya, kita ko lang yung tingin niya sakin. "Yung ginawa mo sakin sa Den at yung pagbibitaw mo bilang emperor. Ano ba talagang gusto mo? Do you really want to die?" seryosong saad ko habang nakatingin sa mga mata niya.

" Papatayin kita!" nanlalaki ang matang saad niya pero masuyo ko lang hinaplos yung buhok niya habang pinagmamasdan yung labi niya, kayang kaya ko agawin yung baril sa kamay niya at paputukin to sa bungo niya.

Humugot lang ako ng malalim na hininga saka umiwas ng tingin saka pilit kinalma yung sarili.

" Okay okay, I got it I am sorry. You are the king on this island and I don't have a power here." saad ko saka tumalikod at muling sinuot yung maskara sa mukha ko.

I really want to kill him, I want to smell his blood but everytime I had the urge to do it, pumapasok sa utak ko yung paghalik niya sakin nung gabing yun at yung estrangherong pakiramdam na nadama ng katawan ko.

Halik na naging dahilan kung bakit kami magkasama hanggang ngayon.

Kung di niya ko hinalikan bago lumabas ng kwarto ng gabing yun, baka matagal ng syang walang buhay sa ilalim ng lupa.

" They choose you to be the emperor, ikaw ang pinili nila sa una palang pero tinangihan mo."

" Because you told me that you want it. Aces and King is mine, the triad is yours. Yun ang gusto mo di ba?"

" Ayaw mo ng Aces and Kings pero bakit ka pumayag?"

" Alam ko na darating ang araw na to, alam ko na hindi mo kakayanin." ngiti ko, kita ko lang yung tingin niya sakin.

" Humina ang triad dahil marami sa members ang di naniniwala sakin." saad niya, isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko, alam ng marami na magkapatid kami pero dahil sa matanda ako sa kanya at di ko tinanggap ang pagiging bagong leader ng society ay binigyan sya ng order na patayin ako, pero hindi niya ginawa.

He was almost killed dahil sa pagsuway niya sa utos na yun but he survived.

" Killing me is easy, you want me dead right? Bakit di mo magawa? That is all the triad wants from you." muli lang akong lumapit sa kanya saka hinawakan yung kamay niya na hawak pa din yung baril saka tinutok sa ulo ko. " Kill me." ngiti ko sa kanya, kita ko lang na napalunok sya. " If Andrew can't kill me, how about Cottonmouth? Kaya ba niya ko patayin?"

" You asshole." gigil na saad niya, natawa lang ako ng makita yung panginginig ng kamay niya.

" Cottonmouth is a sadist, he enjoy seeing blood."

" But I hate guns."

" But why are you holding one?" ngiti ko sa kanya, kita ko lang yung tingin niya sakin ng sandaling yun.

" This is just for my protection, but not for killing." saad niya saka umiwas ng tingin at binalik sa bewang niya yung baril, Dalawang taon ang nakakaraan ng iluklok sya bilang bagong leader ng triad at dahil dun pinili niyang manatili sa China ng mahigit isang taon para makita at maexperience and mundong ginagalawan ng isa sa pinakamalaking chinese criminal society sa mundo.

" Mas bagay ka sa Triad kesa sakin." lingon niya. " I am not that evil to be the emperor."

" What really happened in china? What did they do to you?"

" I just hate the Triad, I am done with that organization." saad niya saka tumalikod.

" What if they want me to kill you?" tanong ko, lumingon lang sya saka humarap sakin na may matamis na ngiti sa labi.

" Then kill me."

" Are you sure?"

" Yeah." tango niya.

" I will."

" No, you won't. Hindi mo kaya." sarkastikong saad niya saka nagsimula humakbang paalis ng lugar, nakuyom ko lang yung kumao ko saka muling kinuha yung baril na AK47 at tinutok kay Andrew habang natatanaw ko syang naglalakad.

" Sariling kong ama, nagawa kong patayin. Ikaw pa kaya?" mapait ngiti ko, aktong kakalabitin ko na yung gatilyo ng makita kong lumingon sya saka muling humarap.

Kita ko lang na natatawa syang dumipa habang nakatingin sakin.

" Arg! Damn it!" bato ko ng baril na hawak ko.

SI ALLEN

Nasa office na ko nun at nakaupo habang pinagmamasdan yung mga folders sa mesa ko, mahigit isang oras akong nagstay sa event na yun para kausapin lahat dapat kausapin pagkatapos ay tumuloy na ko sa FGC building.

Sinandal ko lang yung likod sa upuan na yun.

Dad used to sat here at lagi niya kong pinapaupo sa gilid at hinahayaan ako manuod habang nakikipag usap sya sa iba't ibang tao na pumupunta sa office niya.

Dahil dun, madami akong natutunan.

Bumukas lang yung pinto at pumasok si Jessica.

" Sabi na nandito ka eh." natatawang saad niya.

" Hindi ko pinangarap maupo sa upuan na to, but I am here now. Kumportable din palang umupo dito." natatawang saad ko.

" This is your destiny Allen."

" Siguro nga. tingin mo kung itinuloy natin yung kasal natin, buhay pa kaya si Daddy?" tanong ko, inatake sa Daddy sa puso ng gabing yun nang magkasabay namin sabihin sa kanya na hindi na namin itutuloy yung kasal namin dalawa.

" Maybe." ngiti niya. " Pero siguro nakatadhana na yung mangyare." saad niya. Jessica is my ex girlfriend, days before yung kasal namin ay nagdesisyon kaming wag na ito ituloy. Why? Yung kasal na yun ay pure bussines lang at ayaw matali ni Jessica sa ganung uri ng kasal.

I am willing to do it, but she insisted na hindi niya kaya.

Natigilan lang ako ng may nilagay syang note sa ibabaw ng mesa.

" What is th-"

" Shh." ngiti niya saka tumalikod at lumabas ng office.

SI ANDREW

Pinagmasdan ko lang yung bilog na bilog na buwan ng gabi na yun, napakaganda nito at napakaliwanag na nagsilbing ilaw sa buong paligid.

Humugot lang ako ng malalim na hininga saka tinuon yung atensyon sa loob ng malaking Shrine na yun kung saan makikita yung chinese altar sa unahan na pinagawa ng Triad.

Kasalukuyan ng nagsisimula yung seremonya para iupo si Anton bilang bagong Leader or yung tinatawag na the emperor of heaven and earth society. Madami sa member nito ay lumipad pa mula sa china para masaksihan ang panibagong yugto ng samahan.

Alam ko kung gaano ako kasama, pero hindi ko kaya yung demonyo na gusto nilang maging ako. I only killed people na may kasalanan sakin, mga taong ginawan ako ng masama,hindi ko kayang pumatay ng inosente tao at lalo na ng mga bata.

Sa mahigit isang taon na kasama ko ang members ng triad, nakita ko kung anong impyerno yung pinasok ko, kung gaano kasama ang mundo, mga demonyong kayang kumitil ng buhay para sa sariling kasiyahan.

Kaya nagpasya akong magbitiw at alam ko na tinakda na kong patayin ng member ng Triad pero nagdesisyon si Anton na tangapin yung pagiging emperor para iligtas ako.

Niligtas nanaman niya ko tulad ng maraming beses na nagawa niyang ko sagipin.

I still hate him, yeah gusto ko pa din sya patayin pero hindi ko na kaya.

Isang sarkastikong ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng makita si Anton na iniinom yung dugo ng kambing na inalaw sa latar hanggag ilang sandali pa ay maamoy na sa buong lugar yung amoy insenso

I know how evil Anton is, hindi sya takot pumatay at lalo na ang mamatay at yun ang leader na hinahanap ng malaking orgasnisasyon na ito.

SI ALLEN

Pagsakay ko sa kotse ng gabing yun ay pinatay ko lang gps ng kotse ko then I turn off my phone saka pinaandar yung sasakyan.

Humugot lang ako ng malalim na hininga habang pinagmamasdan yung note na yun na binigay ni Jessica.

Mabilis na binaybay ng kotse ko yung hi way sa lugar na yun. Halos isang oras din ako nagdrive hanggang makita ko yung rough road sa gilid, agad ko lang niliko yung kotse saka mabilis na pinaandar na batuhang kalsada.

Ilang sandali pa ng matanaw ko yung lumang building na yun, pinatay ko lang yung ilaw ng kotse ko saka walang ingay na pinasok dito yung sasakyan.

Napakadilim sa lugar na yun at tanging liwanag ng buwan yung nagbibigay ng ilaw sa loob nito. Pagbaba ng kotse ay nagsimula lang akong humakbang hanggang tumapat ako sa isang elevator.

Napangiti lang ng makitang umilaw to ng ma-scan yung finger print ko saka to bumukas, pagpasok ay masasabi mo agad na ibang iba yung itsura ng loob nito kesa sa labas.

Naramdaman ko lang yung pagbaba nito patungo sa pinakabasement ng gusali.

Pagbukas ng elevator ay sumalubong lang sakin si Jessica at Nigel na may ngiti sa labi, sa likod nila makikita yung malalaking screen at mga iba't iba pang gamit naroon na ginagamit ni Nigel, sa gitna ay may malaking mesa at mga upuan na nakapalibot dito.

"Welcome to our hideout." ngiti ni Jessica sakin.

" Congratulations to our new CEO." saad din ni Nigel.

" Thanks."

" You deserve it." saad ni Jessica.

" What's with this place?" tanong ko saka humakbang at nilibot yung tingin sa buong lugar. " Kailangan ba talaga to?"

" Of course." tango ni Jessica sakin.

" But I think FGC building is way safer than here?"

" Pero kapag nagkagulo, hindi mo naman gusto madamay yung mga empleyedo ng kumpanya niyo di ba?" ngiti ni Nigel saka umupo at humarap sa laptop niya. " 2 years ago, Jessica and I set up a place na katulad nito and when I tried to hack Aces and kings, they blew that place up. Boom pinasabog nila."

" Bakit di niyo sinabi sakin?"

" Well we are safe naman." ngiti ni Jessica.

" But I almost died." simangot ni Nigel. " Luckily meron akong scape plan, thier security software system is unimaginable, I have never seen something like that before." saad pa ni Nigel, napalingon lang ako ng makita yung dalawang taong na nasa malaking screen sa harapan pero isa dito ay anino lang.

" Let's start." ngiti ni Nigel.

" Start what?" tanong ko.

" Just listen to Ms jessica."

" Andrew and Anton Chua, Anton is the Chief executive officer of Aces and King while Andrew is the Chief operating officer." paliwanag ni Jessica saka inurong yung upuan at nginuso na umupo ako.

" Bakit walang mukha si Anton?" tanong ko saka umupo.

" Have you ever seen him?" tanong ni Nigel, marahan naman akong umiling. " kami rin, di parin namin sya nakikita."

" Wala pang nakakakita sa kanya, kung ano itsura niya." iling ni Jessica.

" How is that possible?"

" Yeah, they made it possible." natatawang saad niy Nigel.

Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka umupo.

" Anton Chua is the big mystery here, Kahit anong digging ang gawin ko wala akong makita kahit isang picture niya na kita yung mukha niya. Tanging si Andrew Chua lang ang humaharap sa tao."

" But they say, Anton Chua is really handsome at kung pagbabasahin yung mukha ni Andrew na kapatid niya, I think gwapo sya, he is also tall." saad ni Jessica.

" Pano mo nalaman na matangkad sya, nakita mo na ba sya?" tanong ko, hanggang may magflash sa screen na kuha ng lalake na pababa ng kotse. Nakafacemask to at may suot na sunglasses."

" See he is tall, at yung built ng katawan niya. He is sexy."

" May boyfriend ka na di ba?" saad ni Nigel, natawa naman ako.

" Shut up Kiddo!" simangot ni Jessica.

" Ilang beses ka pinagtangkaan ng magkapatid na yan tapos pagpapantasyahan mo."

" Shut up." irap pa dito ni Jessica.

" Bakit di nalang natin to sa office pag usapan?" ngiwi ko.

" Nope, Even the FGC building is not safe anymore." ngiti ni Nigel. " Remember nung madali ko naaccess ang security software ng kumpanya, there is a loop there kaya madali itong mapapasok na walang kahirap hirap."

" What do you mean?"

" They have people in FGC." saad ni Jessica, napalingon naman ako sa kanya.

" Are you serious?"

" They know all our new deals,new clients and we have no idea na nangyayare na pala sya until Nigel detect something. FGC building is not safe so be careful when you open your mouth there kasi posibleng nakikinig sila."

" Thier security system is way better than XIIT, they tried pasukin kahit ang Blue Angel that luckily XIIT finds a way to stay it hidden. Kapag napasok nila yun, FGC will go down in hell." seryosong saad ni Nigel.

Blue angel is a database ng FGC kung saan makikita lahat ng information ng FGC mula sa dating clients hanggang sa mga bago.

" So they going to kill who tried to hack thier system?"

" Yeah, And they are fast. Ilang minuto lang yun nung sinubukan ko I-hack yung system nila, nadetect nila agad ako."

" Chua brothers is Dangerous, they are part of the heaven and earth society, chinese organization or a mafia sa madaling salita. Napakalaki ng sakop ng organization na yun at dito sa bansa, Ang magkapatid ang napiling successor, from government official, senator at may ari ng malalaking chinese company are member of it. Heaven and earth society have thier own military." paliwanag ni Jessica. " They are big Allen."

" Di nga ako makapaniwalang buhay pa si Jessica until now." natatawang saad ni Nigel.

" Kasi they are waiting for Allen." sarkastikong saad ni Jessica.

" Nigel, stay out of it. Ako ng bahala sa magkapatid na chua, just focus on your study." saad ko.

" And that's a no."

" Why?"

" Kuya Trey, I think nasa lair sya."

" Lair?"

" Yeah what's that Nigel, hindi mo pa nasasabi sakin yan." saad ni Jessica.

" I am really not sure about this place pero sa itsura ni Mr Ching, naconfirm ko na totoo yung lugar na yun. What I have right now is this." saad niya, hanggang makita ko sa screen si Mr Ching, unti unti ay nazoom to hanggang makita yung hawak nitong maliit na itim na enveloped na may gold na letter L sa harapan.

" Pano mo nasabing Lair ang ibig sabihin ng letter L?" tanong ni Jessica.

" There is a bussinesman na namatay last month, Mr Velasco? Remember him? Client dapat sya ng FGC pero nasulot sya ng Aces and Kings. Napanuod ko yung investigation sa bahay niya and may nakuha silang black book dito, hindi sya pinakita sa camera ng buo, mabilis na mabilis lang." saad ni Nigel, may lumabas lang uli sa screen. " Mr Velasco was killed, because of that book and nakita sa camera yung isang page sa librong yun."

" The Lair?" basa ko sa malabong page na yun na nakazoom sa screen.

" I ask Rico kung makukuha niya yung book na yan, pero unfortunately wala na sya sa eveidence list ng tingnan niya."

" Enough na ba yun? And what is the Lair anyway?" tanong uli ni Jessica.

" I don't know yet but what I know, Only the elite, bilionaire bussinesman knows that place." saad niya, isa isa naman nagflash sa screen yung malalaking bussineman, mga anak ng mayayamang tao, meron din na mga bussinessman na galing sa ibang bansa.

" Anong kinalaman nila jan."

" Meron silang pagkakapareho."

" What?"

" They all go here." saad niya, hanggang lumabas sa screen yung private airport ng mga Chua.

" Airport?" kunot ang noong saad ko.

" At pagpasok nila sa lugar na yan, para silang bula na nawawala, I can't even track thier phone like parang hindi sila nag eexist, its an private na paliparan so obviously na sumasakay sila ng helicopter or private plane to go somewhere."

" At sa Lair nga yon?" tanong ko.

" I think it's a secret island and only the elite are invited to actually go there, mayayamang tao lang."

" Then why they didn't invite me?"

" Bussinesman, lalake lang. May pinakita ba kong picture ng babae?" ngiti ni Nigel.

" What the heck." irap ni Jessica.

" Pero pano mo nasabi na andun nga si Trey?"

May kinalikot lang sya sa bag niya saka may nilabas na enveloped na may gold plated na letter L sa unahan, nanlaki lang yung mata ko ng makita yun.

" Bakit meron ka niyan?"

" Nung huling araw na nakita ko si Kuya Trey, binigay niya sakin to. He is asking me about the numbers inside." abot niya sakin, may nakita lang akong ilang numbers sa loob nito.

" Kung mayayaman lang ang na-iinvite sa lugar na yun, bakit meron si Trey niyan?" tanong ko.

" I don't know."

" I think the letter L is pure gold." saad ni Jessica na ang tinutukoy yung nasa harap ng itim na maliit na enveloped na yun.

" Malapit na yung finals namin nun kaya nawala na sa utak ko na may pinahahanap pala sakin si Kuya Trey hanggang pag uwi ko sa bahay wala na kong naabutan. Ilang araw ako naghintay sa kanya pero hindi sya umuwi, sinubukan ko hanapin sya sa mga kaibigan, kamag anak pero wala. It's been a year so yung mga cctv malapit sa paliparan ng mga Chua ay burado na."

" Ano yung mga number na yan?" tanong ni Jessica sa nakasulat sa loob ng enveloped

" Naalala ko lang yung enveloped na yan nung makita ko yung hawak ni Mr ching, so there is a big possibility na nandyan sa mga number na yan si Kuya Trey."

" Ano nga yan?" tanong uli ni Jessica habang nakatitig sa nakalagay sa loob ng envelope na yun.

" It is the location of the island." ngiti niya, inagaw naman ni Jessica sa kamay ko yung itim na enveloped na yun.

" Paano? Equation ba to? May decimal point?" nagtatakang tanong ni Jessica. " Kailangan I-solve?"

" Its the latitude and longitude of the island." saad ko habang nakatingin kay Nigel, napangiti naman sya.

" That is correct at nandito sya." napalingon lang kami sa screen ng magsimula sya magzoom sa mapa ng pilipinas. " Malapit sa Pollilio island." saad niya pero puro tubig nalang yung nakita ko.

" Asan dyan?" Tanong ni Jessica.

" There."

" Where?"

" It's not on the map, pero sinasabi ng enveloped na yan, nandyan yung isla na yan."

" That is crazy." iling ni Jessica. " Ano meron sa islang yan?"

" Yun ang aalamin natin." saad ko.

" I know how dangerous it is pero hindi ako tutunganga nalang at hahayaan si Kuya."

" Sino namamahala sa islang yun." tanong ko kay Nigel, lumabas naman sa screen yung mukha ni Andrew Chua.

" But he is the Chief operating officer ng Aces and kings right."

" Pagdating sa company, Anton Chua manage to do all things while staying hidden."

" How?"

" Heaven and earth, the Triad and Andrew Chua." saad ni Jessica.

" Pero bakit di sya nagpapakita? Why is he hiding or What is he hiding?"

" I don't know." iling ni Nigel. " I will try everything para makakuha pa ng information about that island."

" I am really interested in that island." saad ko.

" Ikaw lang ang pwede makapasok sa lugar na yun Allen."

" But how?"

" I will figure it out.. now." saad niya saka may pinindot sa laptop niya, kita ko lang na nagblue yung screen at may naglabasan na kung ano ano.

" What are you doing Nigel?" tarantang saad ni Jessica.

" Hacking Aces and Kings."

" No! That's dangerous!"

" I will find Kuya Trey, no matter what." saad niya habang nakatingin sa screen, tumayo lang ako saka sinara yung laptop niya. " What are you doing?!"

" Not now Nigel, kailangan natin pag aralan to ng mabuti." saad ko pero kita ko lang yung panlalaki ng mata niya ng makita yung nasa screen.

" That falcon eye!" sigaw niya saka tumakbo at sinulan I-unplug lahat ng computer na andun , natataranta naman kaming tumulong dito ni Jessica kahit ilaw ay namatay hanggang matanaw ko yung main switch, agad lang akong pumunta dito saka to pinatay.

tanging emergcy light lang yung naging tanglaw sa lugar na yun.

Nakita ko lang si Nigel na napaupo habang nanlalaki ang mata at hinihingal.

" What is that?" tanong ni Jessica.

" What is falcon eye?"

" It is not what, it's who...Sya yung nagpasabog nung una naming hideout." wala sa sariling saad ni Nigel.

" Oh my God!" gulat na saad ni Jessica saka nilibot yung tingin sa lugar. " Are we in danger here?"

" No, this place is still safe. Naisahan niya ko ng isang beses pero hindi na ko papayag na makaulit pa sya." sarkastikong saad ni Nigel.

" How can you be so sure?"

" Ngayon sa sariling building ng Aces and Kings sila magpasabog." lingon samin ni Nigel. "Don't forget that I am genius, that falcon eye will never beat me."

" You're crazy!" simangot ni Jessica.

" Let's get out of here." saad ko.

" You can go, I'll stay here." seryosong saad ni Nigel.

" Nigel."

" Kailangan ko pag aralan kung paano ko mapapasok ang Aces and Kings at hindi ako titigil hanggang hindi ko nagagawa yun."

" Pero Nigel."

" Babagsak sila at makakabalik si Kuya Trey, Mark my word." puno ng kumpyansang saad niya.

SI NIGEL

" Who the hell are you Falcon eye??!" bulong ko habang mabilis na gumagalaw yung kamay ko sa keyboard, maghahating gabi na nun pero nanduon parin ako sa hideout namin. " Imposible pa ngayon na mapasok ng malware ko ang Security software ng Aces and Kings kaya uunahin muna kita."

Ilang sandali pa ng maramdaman ko na nagVibrate yung phone ko, nang tingnan ko nakita ko lang na may tumatawag, number lang ito kaya binalik ko lang uli sa bulsa ko pero muli lang tong nagvibrate.

Inis ko naman hinanap sa database ko kung kaninong number yung tumatawag.

" Sir Vincent?" ngiwi ko ng makita yung mukha ng professor ko sa math. Sinagot ko lang yung tawag.

" Finally sinagot mo din."

" Bakit po?"

" My sister is drunk and it's your fault." saad niya, napabuntong hininga naman ako.

" Pano po niyo nakuha number niyo?"

" You are my student so I got all your details, gusto mo ibigay ko sa kapatid ko yung number mo?"

" Please, NO!?"

" My sister is drunk at ilang araw niya na tong ginagawa. SO my question is ano gagawin natin ngayon?"

" Patulugin sya?"

" Listen." saad sa kabilang linya. " HAYOP KA NIGEL, mahal na mahal kita!! tayo nalang pleaseeee!! maawa ka." hagulgol ng kapatid niya, napapikit lang ako saka napailing. " Kuya vincent, dalhin mo dito si Nigel please, papakasalan ko na syaaaa!" rinig ko pa.

" Nasaan ka ngayon?" tanong ni Sir Vincent.

" Bakit po?"

" pupuntahan kita."

" bakit?"

" Dadalhin kita dito sa bahay para ipakasal sa kapatid ko."

" Sir Vincent wala talaga akong nararamdaman sa kapatid mo kaya pwede ba tigilan niyo na po ako? I don't have time for this. Hindi kami nagkaroon ng relasyon at hinding hindi magkakaroon."

" No, you are responsible kung bakit ganito sya ngayon."

" No, I am not."

" Yes, you are."

" I am gay!" inis na saad ko. " So imposible na magkagusto ako sa kanya, okay na po?"

" Hindi sya naniniwala."

" Eh anong gagawin ko?"

" Be my boyfriend." rinig kong saad niya, napangiwi naman ako saka napatingin sa phone ko. Ano daw?!

" Ano po sabi niyo?"

" Be my boyfriend Nigel."

" I am not gay." mahinang saad ko.

" See, you're a liar." saad ni Sir Vincent, napakamot naman ako. " Ano mali sa kapatid ko, maganda naman sya?"

" Walang mali, ayoko lang talaga at hindi ko naiisip ang ano man may kinalaman sa love. Wala akong panahon sa ganun kasi marami po akong ginagawa. Kayong magkapatid ang sisira sa ulo ko." hawak ko sa noo ko.

" I see, let's fix this."

" How."

" Be my boyfriend."

" I am not interested in you sir."

" Let's pretend, magpanggap tayo para kapag nakita ng kapatid ko na totoo na may karelasyon ka at bakla ka nga then makakamove on na sya." saad niya pero nanlaki lang yung mata ko ng may makita sa screen. Falcon eye!! got you! Damn this my chance! Humanda ka sakin kung sino ka man. " Naririnig mo ba ko Nigel?"

" Yes sir, sige na po."

" pumapayag ka na?"

" oo na sige na, may kailangan pa ko gawin."

" Okay tayo na huh."

" Oo, whatever." saad ko saka binaba yung phone ko at nagmamadaling nagtype, napangiti lang ako ng makapasok yung malware ko sa account na yun, nagsimula lang magcause ng damage sa system yung rabbit ko.

Katapusan mo na!

" I'm gonna end you Falco-" pero naputol lang yung sasabihin ko ng magblack bigla yung screen. " SHIT! Argggggggg!! " Sigaw ko hanggang may magflash sa screen.

" Better luck next time, white rabbit." gigil na basa ko dito.

SHIT!!!

SI ANDREW

Napangiti lang ako habang pinagmamasdan yung lalakeng yun na duguan na nakahiga sa kama habang walang malay, dumeretso lang ako sa shower at hinayaang agusin yung dugo mula sa katawan ko na galing sa lalakeng yun.

I really enjoy this kind of thing, Sadist tawag sakin ni Anton but actually I just do it for fun at dito ko nakukuha yung satisfaction na kailangan ng katawan ko.

Paglabas ko ay nakita ko lang yung mga tauhan sa mansion na nasa pinto, humakbang lang ako na walang saplot na kahit ano, hanggang may isang lumapit sakin at nilahad yung damit na susuotin ko.

Pinagmasdan ko lang to saka hinawakan yung baba niya para itaas yung nakatungo nitong ulo.

Nakamaskara sya kaya tanging babang bahagi lang ng mukha niya ang nakikita.

Napangiti lang ako ng mapagmasdan yung mga labing yun.

" That lips is so annoying." sarkastikong saad ko saka hinawakan yung labi niya. " Ihanda mo yung kotse, sasama ka sakin."

" Okay." ngiti niya, tumalikod lang ako saka nagsimula magbihis.

That smile. Ibang iba..

Nang matapos ay muli ko lang pinagmasdan yung lalakeng nasa kama.

" Gamutin sya, I really like that guy. He is a performer." natatawang saad ko saka nilampasan yung mga tauhan ko at tumuloy kung saan nakapark yung kotse, nang lumingon ako nakita ko lang yung lalakeng yun.

" Ano pa hinihintay mo? Tara, isasama kita di ba?"

" Yeah." saad niya saka nauna pang sumakay sa kotse ko. " Ito na ba yung pangako mo?" lingon niya sakin.

" Tingin mo?"

" Tingin ko, yes." ngiti niya. " Katawan ko kapalit nito kaya siguraduhin mo na mag eenjoy ako."

" Okay."

Humugot lang ako ng malalim na hininga saka napailing.

Sumakay lang ako dito saka to mabilis na pinatakbo pababa, nasa pinakagitna at bundok yung mansion na yun. Sa palibot nito sa baba ay makikita yung hotel, casino, resorst and golf course sa Lair.

Tanging mayayaman na personalidad lang ang pinipili para mainbitahan sa lugar na to pero depende sa yaman kung ano lang yung pwede nila mapuntahan sa isla. The more money you have, the more priveleges ang ibibigay ng islang to para sayo.

Money makes this island a beautiful place.

You can walk around the island naked if you want to, walang sasaway at walang magbabawal. Makipagsex kung saan mo gusto, makipaghalikan kahit sa harapan ng iba.

This place is a hidden sanctuary for sexual desire and fantasy.

But in this island lies a hidden treasure.

Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng lingunin ko yung lalakeng yun na nasa driver side ng kotse, nakangiti to habang masayang pinagmamasdan yung nadadaanan ng kotse ko.

" Trey." bigkas ko ng pangalan niya, lumingon naman sya sakin habang may ngiti sa labi.

ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails