By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
***
Ang Matabang Tamilok... Bow!
Akmang kakagatin muli ni Archie
ang aking leeg nang mula sa may pintuan ay may sumigaw. “Mga duwag! Ako ang
hrapin ninyo!”
Biglang nahinto si Archie sa
kanyang ginawa at nilingon niya ang pinanggalingan ng boses.
May tuwa naman akong nadarama sa
aking narinig. “Si Jerome!” ang sigaw ng utak ko, Ngunit nang nilingon ko kung
sino ang matapang na sumigaw na iyon, nakita ko si Marco, iyong unang
estudyanteng nakilala ko sa campus at tinulungan ako sa enrolment. Nabugbog din
siya ng grupo ni Archie. At sa pagkakataong iyon ay kinabahan ako sa tapang na
ipinakita niya. Natakot ako na baka mabugbog uli siya.
Binitiwan ako ni Archie at ng mga
kasama niya. Hinarap nila si Marco. “Anong sabi mo? Duwag? Hindi nga kami takot
s aboyfriend nito...” turo niya sa akin, “Sa iyo pa?”
Nagtawanan ang dalawa pang
kasamahan nila na humarap rin kay Marco. Si Marco naman ay lihim na
minuwestrahan akong tumakbo. Ngunit hindi ko magawa. Ayokong iwanan siya. Gusto
kong tulungan siya. Nanatili akong nakatayo at inikot ang aking mga mata sa
paligid upang maghanap ng kahoy o ano mang pamalo na maaari kong gamitin kapag ginipit
nila si Marco.
Dinuro ni Archie si Marko sa
mukha. Doon na biglang sinunggaban ni Marko ang daliri ni Archie at puwershang
binaluktot iyon.
Sa pagkabigla ni Archie ay hindi
siya nakapalag. Napaluhod siya sa sakit ng puwershang pagbalukton ng daliri
niya. Napahawak siya sa kanyang kamay na kasalukuyang binaluktot ni Archie,
kitang-kita sa kanyang mukha ang ibayong sakit. “Tangina! Bat kayo nakatunganga
riyan!” ang utos niya sa dalawang kasama na nabigla rin at hindi nakagalaw.
Doon na nila tangkang paulanan
ng suntok si Marco.
Ngunit bago pa man naabot ng mga
kamao nila si Marko. Tig-iisang sipa na ang lumapag sa kanilang mga mukha.
Sinipa sila ni Marco a hindi man lang binitiwan ang pagkakahawak sa daliri ni
Archie na sa pagkakataong iyon ay namilipit na sa sakit at pinawisan.
Ako naman ay nasa kinatatayuan
ko pa rin at nabigla s ahindi inaasahang galing na ipinakita ni Marco. Parang
nanuod lang ako pelikula ni Jacky Chan. At imbes na damputin ko pa sana ang nakita
kong isang dos por dos na umusli sa ilalim ng mga baging, hindi ko na magawa
dahil parang gusto ko na lang manuod at pumalakpak.
“Babaliin ko talaga ‘to kapag
hindi mo paalisin ang mga kasama mo!” ang matapang na bulyaw ni Marco kay
Archie.
“Alis! Alis kayo! Tangina wala
kayong silbi! Alisssss!!!” ang utos ni Archie sa dalawang kasama.
Dali-daling tumalima ang dalawa.
Mistulang mga aso na nakatago ang mga buntot sa ilalim ng kanilang bayag.
Hindi pa rin binitiwan ni Marco
ang daliri ni Archie. Nakita ko pang sinubukan ni Archie na pakawalan ang isang
suntok para kay Marco ngunit hindi pa man niya nainangat ang kanyang kamao ay mas
lalo pang pinuwersa ni Marco ang kamay ni Archie, dahilan upang mapasigaw siya
sa sakit. “TANGINA! ANG SAKIIIITTTTTTT!!!” Hanggang ang sunod niyang sigaw ay,
“AYOKO NA! AYOKO NA!!!”
Binitiwan siya ni Marco.
Dali-dali namang lumayo si Archie na hawak-hawak pa ang daliri na tila nabali.
Ngunit nag-iwan siya ng titig na may pagbabanta sa akin at kay Marco.
“Ang galing!” ang papuri ko kay
Marco. “Paano mo natutunan iyon?” ang sambit ko nang wala na si Archie.
“Nang binugbog ako nila dati,
naipangako ko sa aking sarili na hindi na iyon mauulit pa. Nagpaalam ako sa papa
ko na maghire ng instructor ng martial arts. At nagmarathon training ako sa isntructor
ko. Kaya kahit papaano, may natutunan na ako. Ngayon ko narealize na maraming advantages
kapag nagti-train ka ng martial arts. Hindi ka lang matuto sa self-defense,
physically fit ka pa. At tataas ang self-confidence mo. Hindi ka na magiging
magnet ng mga bully.”
“Ang galing!”
“Malaki ang utang na loob ko sa
iyo sa pagligtas mo sa akin dati. Kaya ng nakita kong halos kaladkarin ka na ni
Archie patungo rito, alam ko na...”
Pinasalamatan ko si Marco sa pagligtas
niya sa akin. Nagkuwentuhan kami sandali at nang uwian na, pinasakay niya ako sa
kanyang motorsiklo at ibinaba sa harap ng aming boarding house.
Alas 10 ng gabi nang dumating si
Jerome sa boarding house. Nakahiga na ako sa kama at nakahanda nang matulog.
Nang bumukas ang pinto, kitang-kita ko agad ang saya sa kanyang mukha. Imbes na
dalawin ako ng antok, pinagmasdan ko na lang ang kilos niya.
“Good evening!” ang bungad niya.
“Kumain ka na?”
Tumango lang ako.
Hinubad niya ang kanyang suot na
T-Shirt at inilagay iyon sa lagayan ng mga labahan. Ang pantalon naman ay
isinabit niya sa gilid ng cabinet. Naka-brief lang siya nang tumihaya sa sahig,
nag sit-ups. Hindi siya nagsasalita, naka-focus lang sa kanyang pag-exercise. Hindi
ko mabilang kung gaano karami ang ginawa niyang sit-ups ngunit pagkatapos noon ay
nag push up naman siya, at ang sunod na ginawa ay ang magbuhat sa kanyang
dumbbells.
Hinubad niya ang kanyang brief
at inilagay niya iyon sa labahan. Kagaya ng nakagawian, wala siyang pakialam sa
kanyang pormang walang kasaplot-saplot sa katawan. Hindi niya alintana na bakla
ako at pinagnasaan ko ang bagay na nakalawit sa gitna ng kanyang hita, ang
matambok niyang puwet, ang kabuuan ng kanyang mala-adonis na katawan. Lihim na
napabuntogn-hininga na lang ako, nangarap na isang araw ay matikman ko rin
siya.
Dumiretso siya sa banyo atsaka naligo.
Paglabas niya ay nakatapis na ng tuwalya, iyong signature na pagtapis niya na
halos kita na ang kanyang bulbol.
“Marunong nang magmotor si Jason
at pati si Jonas.” Ang sambit niya habang nakaharap sa salamin, nagsuklay ng
buhok at inilapit pa ang kanyang mukha sa salamin.
Hindi ako sumagot.
“Tinanong ka nila Jason at Jonas
kung nasaan ka. Hinanap ka rin ng mommy. Namiss ka na niya.”
“Agad-agad?”
“Ayaw mo ba?”
“Hmmm. Okay lang.”
Sumama ka raw sa akin bukas para
doon na tayo mag-dinner.
“Uhmmm.” Ang sagot ko.
Tinumbok niya ang switch at
pinatay ang ilaw. Ako naman ay tumagilid patalikod upang matulog. Ngunit maya-maya
lang ay nagulat ako nang sa kama ko siya humiga.
“Hmmmm.” Ang daing ko. Siniko ko
pa siya. “Doon ka sa kama mo, ah!”
“Dito na ako. Gusto ko lang na
may kayakap.”
“May unan ka naman doon ah. Iyon
ang yakapin mo!”
“Gusto ikaw ang kayakap ko.”
Hindi na ako tumutol. Gusto ko
rin naman kasi. Nagpapa-hard-to-get lang. “Huwag kang malikot ah!”
Nasa ganoon kaming posisyon nang
napadayo ang kamay niya sa aking leeg.
“Arekoppp!!!” ang nasambit ko.
Nagalaw kasi niya ang sugat sanhi ng pagkagat ni Archie at naramdaman ko ang
hapdi.
Siya naman ay nabigla rin sa
hindi inaashang reaksyon ko. “Ano iyon?” ang tanong niya.
At dahil ayaw kong mapansin niya
iyon, itinanggi ko. “Wala!”
Ngunit nagpumilit siya, iniangat
pa niya ang kanyang ulo at inaninag ang leeg ko. “Ano nga iyon???” Giit niya.
“Wala nga!” ang sagot kong itinalukbong
na ang kumot.
Ngunit hinablot niya ang kumot
at tumaas na nag boses. “Ano nga iyon? Ba’t mo itinatago???”
“Ba’t ba ang kulit mo? Ako nga
na may-ari ng leeg ko, hindi naman ako nag-alala rito dahil wala nga ito.
Wala!” ang bulyaw ko rin.
Dali-dali siyang tumayo at
tinumbok ang switch, pinailaw ang flourescent ng kuwarto.
“Arggghhh! Matutulog na ako.
Putangina!!!” ang sigaw ko.
“Hindi ka matutulog kung hindi
ko makita kung ano iyang nasa leeg mo na itinatago mo!”
Muli kong itinalukbong ang kumot
ngunit hinablot uli niya iyon. Nagpambuno kami. At dahil mas malakas naman
talaga si Jerome, natanggal niya ang kumot na itinalukbong ko. Wala na akong
nagawa kundi ang hayaan na nakalahad ang kagat sa leeg ko.
Kitang-kita ko ang galit sa
kanyang mukha nang makita niya ang kagat. “Bakla, sino ang gumawa niyan???”
Doon na ako nag-init. Muli na
naman kasi niya akong tinawag na bakla. “Anong sino ang gumawa niyan? Nalaglag
ako sa hagdanan kanina at natusok ang leeg ko sa nakausli na pako! Gago!” ang
pagsisinungaling ko.
Ngunit hindi umobra ang
pagsisinungaling ko. “SINO ANG GUMAWA NIYANG BAKLA KA???!!!” ang bulyaw niya.
“Bat ba kailangang may bakla? At
kung ayaw mong maniwala sa sinabi ko, di huwag!” ang padabog kong sagot. Ayoko
kasing lumaki pa ang issue at magbugbugan na naman sina Archie at siguradong madamay
ako dahil ako ang pag-iinitan ni Archie. Baka hindi na ako makapasok pa ng
eskuwelahan. Kaya kahit anong pilit ni Jerome na sabihin ko sa kanya kung sino
ang gumawa noon, hindi ako nagsalita.
Ang ginawa niya ay sinuntok nang
sinuntok ang kanyang cabinet. Gumawa ng eksena. Nagsisigaw. “Kapag nalaman ko
kung sino ang putanginang kumagat sa leeg mo, makakapatay ako ng tao!!!”
Ngunit minamaliit ko na lang ang
kanyang ginawang eksena. Bagkus, ininis ko pa siya. “Ang OA mo naman? Ba’t
naman ganyan ka kung maka-react? Kung ako nga na may-ari ng leeg na ito ay
bale-wala lang, ba’t para kang mamamatay d’yan?”
Nahinto siya sa pagsusuntok sa
cabinet at tiningnan ako nang matulis. “Ba’t kinagat iyang leeg mo? Niromansa
ka ba? Tinira sa puwet?”
“Aba! Ako ba noong kinagat mo sa
leeg ay niromansa mo ako? Tinira sa puwet? Ano ka nagseselos? Tanga!”
Nahinto siya at napatingin sa
akin. Marahil ay hindi niya inaasahan ang pagbanggit ko sa insidenteng kinagat
din niya ako. “Kapag hindi mo sasabihin kung sino ang gumawa niyan, magdala ako
ng babae rito.” Ang pananakot niya.
“Ow??? Di magdala ka! Sabihin mo
lang sa akin kung kailan para linisin ko ang mga gamit ko at dito mo na siya
ibahay. Kayo na ang magroommate! Kahit bukas pa ay puede ka nang magdala ng
babae rito. Gusto mo?” Ang sagot kong pannaakot din sabay balik sa higaan,
tumagilid patalikod sa kanya, at itinalukbong kong muli ang kumot sa aking
katawan.
“Argggggghhhhh!” ang sigaw niya.
Maya-maya ay narinig ko na lang
ang pagbukas at padabog na pagsara ng pinto. Hinayaan ko siya. Ni hindi ko
tiningnan kung lumabas nga siya o hindi. Itinuloy ko lang ang pagtulog.
Maya-maya ay narinig ko uli ang
pagbukas at pagsara ng pinto. Doon ko na tinanggal ant kumot na itinalukbong ko
sa aking ulo. Sinilip ko kung sino ang pumasok.
Si Jerome. Naka jeans lang,
walang saplot sa pang-itaas na katawan, nakasimangot at bitbit ang isang case
ng beer.
Muli kong itinalukbong ang kumot
sa aking ulo. Narinig ko pa ang pagbukas niya ng beer, at ang ingay na likha ng
pagtungga niya sa alak.
Hindi ko na alam kung nakailang
bote si Jerome. Nakatulog na ako.
Kinabukasan, dating gawi. Nauna
akong gumising kaysa kanya. Nakita ko pa ang mga kalat ng bote sa ibabaw ng
mesa. Nang tiningnan ko ang kama niya, nakatihaya siya roon, walang saplot
maliban sa puting boxers, kung saan ay kitang-kita ang malaking bukol sa gitna
nito.
Tinumbok ko sa banyo at nang
matapos ay nagbihis, at dumiretso sa mess hall.
Hindi ko pa rin nakita si Jerome
na pumasok sa mess hall. At dahil mali-late na ako, napagdesisyunan kong
magtricycle na lang. Naisip kong galit pa iyong tao sa akin kaya hindi na niya
ako pasakayin pa sa kanyang motorsiklo. Ngunt nang naroon na ako sa gilid ng
kalsada, naroon na pala siya. “Sakay na!” ang utos niya.
Nang tiningnan ko ang kanyang
mga kamay na nakahawak sa handlebars ng motor, nakita kong may sugat ang bahagi
na sanhi ng pagsusuntok niya sa dingding at cabinet nang nakaraang gabi. “Hindi
ka kumain?” ang tanong ko na lang habang umangkas sa likod ng kanyang motor.
“Hindi ako papasok!” ang
pagmamaktol na sagot niya. Pinaandar niya ang kanyang motor.
“Hindi ka papasok? Bakit?
Nag-declare ka ng holiday sa sarili mo kaya wala kang pasok?”
Ngunit inilihis niya ang topic.
“Sino ang kumagat sa leeg mo?”
“Paano mo malalaman ang sagot
niyan kung hindi ka papasok?”
“So nasa eskuwelahan ang kumagat
niyan?”
“Puwede.” Ang pabalang kong
sagot.
“Papasok ako. Alam ko na kung
sino.”
Doon na ako kinabahan. “Hindi
nga ako kinagat eh! Ang kulit!”
Huling klase ko sa araw na iyon
nang nagkagulo ang ang mga estudyante sa pasilyo. May nagsuntukan daw sa
central oval. Ang aming main building kasi ay pormang letrang “C” at ang gitna
noon ay lawn na natabunan ng mowered na mga damo. Iyon ang tinatawag naming
central oval. Dito ginagawa ang ibang student activities dahil sa nakapalibot
na building ay nakikita ng mga estudyante ang mga nagpi-perform mula sa mga
pasilyo ng bawat palapag.
Habang nasa loob kami ng silid
aralan sa ikatlong palapag, narinig namin ang pagsisigawan ng mga estudyante at
ang iba ay tila tuwang-tuwa pa nakatutok sa central oval sa baba.
Dali-dali kaming nagsilabasan at
sinilip kung sino iyon. Dalawang estudyante ang nagsuntukan. Ngunit bigla akong
kinabahan nang napansin ko ang isa sa kanila. Si Jerome!
Nagtatakbo akong bumaba ng
building patungong central oval kung saan sila nagsusuntukan. Nang nasa harap
ko na sila, nakita kong napin down ni Jerome ang lalaki na nakataob sa damuhan,
nakalock ang isa niyang braso sa braso rin ni Jerome na dumagan sa kanya.
“Magaling ka na palang manuntok ha? Pera mas mabilis pa rin ako kaysa iyo!
Hindi mo ako kaya! Tangina mo!” ang narinig kong sigaw ni Jerome.
Nang lumapit pa ako at humarap
sa estudyanteng dinaganan ni Jerome, nakita ko si... “Marco???” ang sigaw ko.
Itulak ko na sana si Jerome
upang makawala si Marco sa pag-ipit ni Jerome sa kanya at maipaliwanag ko ang
lahat. Ngunit sa di inaasahan ay may dalawang lalaking humataw ng arm chairs.
Ang isa ay sa likod at ang isa naman ay sa ulo ni Jerome. Malakas ang kanilang
paghataw dahilan upang mawasak ang dalawang arm chairs.
Bagsak si Jerome sa damuhan,
nakatihaya, hindi naka-mulat ang mga mata ngunit hindi magawang makakilos. At
kitang-kita ko ang dugo na dumaloy mula sa kanyang ulo.
“Jeromeeeee!!!” ang sigaw ko. “Tulungan
ninyo siya! Tulungan ninyo siya!!!” ang sigaw ko sa mga estudyante.
Ngunit dahil marami naman kasi
ang galit kay Jerome, nanatili lang silang nakatungana at nanuod lang sa kanya
at pinagtatawanan pa nila ako. Nakita ko rin doon si Archie at ang mga kasama
nila na nakangisi sa akin, iyong may bahid pagmamayabang, mapagmataas. Kaya ang
ginawa ko ay kinarga ko na lang si Jerome sa aking likod at dinala siya sa
clinic.
Nilapatan si Jerome ng first aid
ng naka-duty na nurse dahil wala ang doktor. Nilagyan ng bandage ang kanyang
ulo sa parte na nasugatan at dumudugo. Sinabi ng nurse na kailangang magpa
X-ray siya lalo na sa parte ng kanyang ulo na natamaan. Pinagpahinga ni la si
Jerome sa clinic nang halos isang oras.
“Bakit mo ba binugbog iyong tao?
Ano bang ginawa noon sa iyo?” ang galit kong tanong sa kanya habang dinadrive
ko ang motorsiklo at siya naman ang backride ko.
“Walang ginawa? Di ba siya ang
kumagat ng leeg mo?”
Sa pagkarinig ko sa sinabi niya
ay nag-init ang aking tainga. “Gusto mong ibangga ko itong motor mo? Tarantado
ka ah! Kung sinu-sino na lang pinagbibintangan mo! Sinong nagsabi sa iyo na
siya?”
“May mga nakakita na galing daw
kayong dalawa sa likod ng building! Anong ginawa ninyo roon?”
Doon ko na hininto ang motor. “Iyan na nga ba ang sinabi ko eh. Huwag kang
mag-isip nang sobra kung anong hayop ang kumagat sa akin!”
“Bakit?”
“Hindi kayang i-handle ng utak
mo ang sobrang pag-iisip! Nasaan na nga ang tama mo sa ulo?” ang tanong ko.
Nang itinuro niya sa kanyang ang parte ng bandage na nakita kong namula pa dahil
sa pagtagos ng dugo, iyon ang tinampal ko. “Ummmm!”
Napahipo naman siya sa kanyang
ulo na natampal, matulis ang mga mata na tiningnan ako ngunit hindi makapalag.
“Tama pala talaga na ihambalos
at wasakin ang arm chair d’yan sa ulo mo dahil sobrang katangahan mo! Kung may
arm chair lang akong mahawakan ngayon, siguradong mahataw ko rin iyon sa ulo mo,
d’yan sa kabila naman para balanse!” ang galit kong sabi sabay paandar muli sa
motor.
“Sino ba kasi ang kumagat sa
leeg mo?!!!” ang galit din niyang tanong.
“Pakialam mo! Kahit ipakagat ko
pa itong leeg ko sa aso o sa buwaya, wala kang paki! Leeg ko ito, okay? Iyong
leeg mo ang bantayan mo! Kung gusto mo, magpakagat ka na rin para couple tayo!”
ang pabalang kong sagot.
“Tangina! Tanginaaaaaa!” ang
bulong niyang pagmamaktol. Iyon bang feeling na masakit sa kalooban dahil hindi
nasunod ang iginigiit mong gusto at ayaw sumunod noong tao ngunit wala ka nang
magagawa kaya magmura ka na lang. Pakiramdam ko nga, dahil nasa likod ko siya,
umaksyon siya siya nang pambabatok sa akin o kaya ay ang dalawang kamay niya ay
akmang isakal sa leeg ko. Ngunit hindi rin niya magawa. Subukan niya lang.
“Tawagan mo ang mga kapatid mo,
sabihin mong hindi mo sila masundo! Diretso tayo sa ospital.”
Tumalima naman siya. Sinabi niya
sa kanyang mga kapatid na may gagawin siya kaya hindi niya sila masundo.
Sa ospital ay pina X-ray ang
kanyang bungo. Nang nasa X-ray room si Jerome, tinawagan ko si Marco at
tinanong kung bakit sila nagsuntukan. “Hindi ko rin alam eh. Bigla na lang akong
tinawag niya atsaka pinaulanan ng suntok. Kaya gumanti na rin ako.” Ang sagot
ni Marco. Nanghingi na lang ako ng paumanhin kay Marco. Hindi ko na rin
ikinuwento sa kanya kung bakit nagalit si Jerome. Pero sa isip ko, sina Archie
ang nagsulsol kay Jerome na si Marco ang kumagat sa leeg ko.
Walang nakitang malubhang pinsala
sa ulo ni Jerome maliban sa sugat, ani doktor. “Literal na matigas ang ulo mo.”
Ang sabi niya. “Siga ka siguro sa eskuwelahan, ano?”
“Naku doctor. Huwag niyo pong
i-enroll ang anak ninyo sa unibersidad namin. Ito yung pinakasigang bully roon.”
Ang biro ko.
Pinakitaan ako ni Jerome ng
kanyang dirty finger. Binigyan naman siya ng doktor ng antibiotic para sa
infection atsaka pinauwi na. Nakahinga ako nang maluwag sa resulta.
“Gusto kong mag-inom.” Ang
sambit ni Jerome nang nasa boarding house na kami.
“Bakit?”
“Anong bakit? Gusto kong uminom,
may bakit pa ba iyan?”
“May sugat ka, bugbog ang likod
at bungo mo, may gamot ka, mag-inom ka?”
“Bakit ikaw may kagat sa leeg,
wala naman akong paki di ba? Mag-inom ako. wala ka ring paki.”
Wala na akong nagawa sa logic
niya. Binuksan niya iyong sobra sa isang case ng beer na ininom niya nang
nakaraang gabi.
Nang naka-apat na bote na siya, niyaya
niya akong uminom. “Wala namang pasok bukas eh.” Ang sambit niya.
Ayaw ko sanang uminon ngunit may
isang bagay daw siya na gusto niyang ilantad sa akin. Medyo na-intriga ako sa
kanyang sinabi.
Nakaupo siyang nakasandal ang
likod sa dingding, ang dalawang paa ay nakaunat. Nakahubad ang pang-itaas
niyang katawan ngunit may suot siyang jeans. Minuwestrahan niya akong tumabi sa
kanya. Tumalima ako.
Naka-anim na bote na siya, ako
ay naka apat pa lang ngunit ramdam kong umiikot na ang aking paningin. Ayoko na
sanang uminom ngunit pinigilan niya ako. Samahan ko raw siya. Hindi na ako
uminom. Nakaupo pa rin akong katabi siya.
Hanggang sa naka sampung bote na
siya, labing dalawa... At hindi pa siya nakuntento, tumayo siya at binuksan ang
ref. May isang grande pala ng red horse siyang itinago. “Lasing na ako...” ang
sambit niya nang maubos na niya ang laman ng grande.
Inakbayan niya ako. Tinitigan.
Kitang-kita ko sa kanyang mukha na talagang lasing na siya. Mapupungay ang
kanyang mga mata at halos hindi na tuwid ang kanyang pananalita. Nanatili
siyang nakaakbay sa akin.
“Ano iyong gusto mong sabihin sa
akin?” ang tanong ko.
“G-gusto kong manigarilyo...”
Doon na ako nainis. “iyan lang
ang sasabihin mo? Alam mo namang ayoko ng usok ng sigarilyo lalo na sa kuwarto
eh!” ang pagdadabog ko pa.
“Halikan na lang kita.” Ang
sambit niya.
Hindi pa man ako nakasagot ay
lumapat na ang kanyang bibig sa aking mga labi. May tatlong segundong dumikit
ang kanyang bibig sa aking bibig. Itinulak ko siya.
“Para saan iyon?”
“Naglalaway ako...”
“Naglalaway ka tapos ipapasa mo
sa bibig ko ang laway mo!”
Hindi siya sumagot.
“B-bakit mo ako hinalikan?” ang
paggiit ko sa tanong. “Sinubukan mo lang ba ako? O tinukso? Pinaglaruan?”
“Umiling siya.”
“Di ba ikaw ang nagsabi na
walang silbi ang halik kung isa lang panig lang ang nasisiyahan?”
“Bakit hindi ka ba nasisiyahan?”
ang tanong niya.
Ako naman ang hindi nakakibo.
“Hindi ko gagawin iyon kung
hindi ako nasiyahan.” Ang dugtong niya.
Natahimik na lang ako. Mistulang
nawala ang aking pagkalasing at nalito sa kanyang inasta. Napatitig ako sa
kanya. May naramdamang pagkairita. At dahil dito ay tinangka kong tumayo. “Iyan
lang pala ang sasabihin mo, makatulog na nga!” ang pagmamaktol na sambit ko.
Ngunit hinawakan niya ang aking
braso kaya bigla rin akong napaupo sa tabi niya. At doon na ako nagulat nang
bigla niya akong niyakap at muling hinalikan. At sa pagkakataong iyon, mapusok
ang kanyang binitiwang halik. Matagal. Damang-dama ko ang nag-aalab niyang
damdamin. Ramdam ng aking mga labi ang kakaibang sarap ng kanyang pagsisipsip
dito. Nakikiliti ako sa sarap ng pagkiskis ng kanyang dila sa aking dila, sa
pagbundol-bundol nito sa kailaliman ng aking bibig. Nalalasahan ko ang
magkahalong alcohol at laway na nanggaling sa kanyang bunganga na lalo pang
nagpainit sa aking katawan. Nang iminulat ko ang aking mga mata, nakita kong nakapikit
siya, tila ninamnam ang bawat paghagod ng kanyang bibig sa aking mga labi.
Muli akong natulala nang binitiwan
na niya ang aking mga labi. Sa tanang buhay ko ay iyon ang pinakaunang halik na
nalasap ko. Malalim ang mga katanungang pumasok sa aking isip ngunit ni isang
salita ay walang lumabas mula sa aking bibig. Litong-lito ako sa kanyang
ginawa. Nasarapan ako sa kanyang halik ngunit nakaukit pa rin sa aking isip ang
sinabi niyang hindi niya ako puwedeng mahalin. May dulot itong sakit para sa
akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at bigla niya akong hinalikan.
Nagmukhang pinaglaruan lang niya ako. Baka tinukso, inalam kung hanggang saan
ako bibigay. May naramdaman din akong pagkainsulto.
“Alam mo... kung sino man ang
kumagat sa leeg mo, may pagnanasa siya sa iyo.” Ang pagbasag niya sa
katahimikan.
“So noong kinagat mo ako sa leeg
ay may pagnanasa ka rin sa akin?” ang tanong ko.
At sa hindi ko inaasahan, tumango
si Jerome, hindi nga lang makatingin-tingin sa akin. “N-nagseselos ako... kaya
gusto kong malaman kung sino siya upang sabihin ko sa kanya na hindi maaari.”
Sa totoo lang, may tuwa akong
nadarama sa narinig na iyon mula sa kanya. Ngunit may isang bahagi rin ng utak
ko na nababalot sa inis. “Nagseselos ka? Bakit ano ba tayo? Wala namang tayo
eh!” ang sambit kong tumaas ang boses. “At ang sabi mo pa, hindi mo ako
maaaring mahalin. Ano iyon? Gaguhan?”
Hindi na siya sumagot. Muli niya
akong hinalikan. Nagpaubaya ako. Kung gaano kapusok ang kanyang pangalawang
halik, mas mapusok ang pangatlo. Iginapang pa niya ang kanyang mga labi sa
aking leeg. Tinanggal niya ang aking T-shirt at ipnagpatuloy ang paghalik at
pagsipsip niya sa aking utong.
Napaungol ako sa ibayong sarap
ng kanyang ginawa. Sa tanang buhay ko, noon ko lang naranasan ang
makipaghalikan, ang romansahin, ang pababalik-balik na sipsipin ang leeg,
dibdib at mga utong.
Maya-maya lang ay kumalas siya.
Kinapa niya ang butones sa kanyang pantalon at tinanggal iyon. Pagkatapos ay
binuksan naman niya ang kanyang zipper. Bumulaga sa aking mga mata ang puti
niyang brief at ang malaking bukol sa ilalim nito. Hinila niya ang kanyang
pantalon pababa hanggang sa may hita at pagkatapos ay hinawwi niya ang garter
ng kanyang brief.
Halos mabingi ako sa malakas na
kalampag ng aking dibdib nang makita ang kanyang pagkalalaki at ang makapal na
bulbol na nakapalibot doon. Kahit hindi iyon tumigas, malaki pa rin. Napalunok
ako ng laway. Bagamat nahawakan ko na iyon nang pinunasan ko ang kanyang
katawan nang nabalian siya ng binti ngunit iba iyon. Walang pagnanasa. Walang
pananabik. Walang kakaibang kiliti at init sa aking katawan.
Nagkasalubong ang aming mga
titig at pareho kaming tahimik, tila nakikiramdaman. Inginuso niya sa akin ang
kanyang pagkalalaki.
Hinaplos ng aking kamay ang
kanyang bibig at iginapang ko iyong mula roon pababa sa kanyang pusod. Doon ako
huminto. Ang tagal kong pinagnasaan ang kanyang katawan na kahit mahaplos ko
man lang iyon ay abot langit na ang aking kasiyahan. Ninamdam kong maigi ang
paghaplos sa kanyang balat, mulikong iginapang ito pataas sa kanyang abs, sa
kanyang dibdib, sa kanyang kilikili, sa kanyang leeg, sa kanyang pisngi...
atsaka ipinasok ko ang aking mga daliri sa kanyang bibig na malugod naman
niyang isinubo. Inilabas-masok ko ang mga daliri kong iyon doon. Nang nagsawa
na ako sa kanyang bibig, muli ko itong ibinaba hanggang sa paanan ng kanyang
pagkalalaki. Damag-dama ko pa sa aking palad ang kapal ng bulbol na nakapaligid
dito. Hinaplos ko ang mga iyon sa aking palad.
Nang tiningnan ko si Jerome,
nakaangat ang kanyang mukha at lantad na lantad ang kanyang leeg, tila
nanunukso.
Idinampi ko ang aking bibig
doon. Pinaliguan ko iyon ng halik habang ang isa kong kamay ay iginapang ko
patungo sa kanyang dibdib. Habang dinila-dilaan ko ang kanyang leeg,
hinahaplos-haplos ko naman ang kanyang dibdib, pinsil-pisil ang kanyang
magkabilang utong.
“Ahhhhh!” ang mahina niyang
ungol.
Hanggang sa bumaba ang aking mga
labi at sinipsip ko nang sinipsip ang kanyang dibdib, ang dulo ng kanyang
magkabilang dibdib.
Napaigtad siya at napaungol.
“Ahhhhh! Ahhhhhhh!”
Nang hinawakan ko ang kanyang
pagkalalaki, hindi ito tumigas. Nilaro ko nang nilaro sa aking kamay. Hanggang
sa itinulak ng kanyang kamay ang aking ulo pababa. Alam ko na ang gusto niyang
mangyari.
“H-hindi ako marunong...” ang
bulong ko sa kanya.
“Isubo mo lang...” ang pabulong
na sagot niya.
Wala na akong nagawa kundi
sundin ang gusto niya. Naalipin na ako sa sobrang kalibugan.
Halos naka-sampung minuto na ako
sa kasusubo sa kanyang arin ngunit pansing kong hindi pa rin siya tinigasan. Ngunit
nagpumilit ako at patuloy ko pa rin itong nilalaro sa aking bibig. Kahit
pahinto-hinto ako, palipat-lipat ng puwesto, itinuloy ko pa rin.
Hanggang sa umabot na kami ng
kalahating oras at wala pa ring nangyari, tila lumiit pa ang kanyang
pagkalalaki. Parang sumubo lang ako ng isang pirasong tamilok na mataba.
Sa pagod ko ay huminto na lang
muna ako at tiningnan si Jerome. Nakapikit siya na tila may iniimagine.
Nakangiwi ang kanyang mukha. Inakbayan ko siya, hinaplos ang kanyang mukha.
Doon ko napansin na may mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
“B-bakit???” ang tanong ko
habang bahagyang inalog ko ang kayang ulo na may bendahe pa.
“G-gusto kong angkinin kita.
Gusto kong paligayahin kita. Gusto kong hindi mo lang ako mahalin kundi tatatak
din sa isip mo na ako ang unang nakapagpaligaya sa iyo... G-gusto kong sa akin
mo unang maranasan ang pakikipagtalik. Ngunit hindi ko talaga kaya.” At doon na
siya umiyak.
Sa pagkakita ko sa kanya,
matinding awa ang aking naramdaman. Ramdam kong nasi-self-pity siya. Tila may
mas malalim pang dahilan kung bakit siya umiyak.
Niyakap ko siya. Hinalikan sa
pisngi, hinaplos ang kanyang mukha at buhok.
Sinuklian din niya ang aking
yakap. “Sorry...”
“Bakit? Ganyan ka ba talaga?”
“H-hindi ko kaya sa l-lalaki o sa
bakla... palaging gumugulo sa isip ko eksenang pinagdaanan ko noong bata pa
ako.”
“Bakit? Ano ba ang pinagdaanan
mo?”
“Ito iyong sinabi ko sa iyo na
pinakaiingat-ingatan kong lihim...”
“A-anong lihim? Maaari mo bang ipagkatiwala
sa akin?”
“Noong sampu pa lang ang edad ko,
ni-rape ako ng mga lalaki. Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Marahil ay may
mahigit sa sampu sila.”
“Bakit? Paano nangyari?”
“Ang daddy ko...” at tuluyan na
siyang humagulgol.
Misunderstanding relationship sila....
ReplyDeleteUpdate please... 😑😮😉😉
#newmarco
#selos
#lovemakingscene
#lustfulresponse
Next please bitin ako hehe
DeletePki bilisan po part 15...sa km tagal po kce update
DeleteSana makasundo ang daddy at si Jerome next chapter...
ReplyDeleteUpdate please... hehehehe
Sabi na nga ba at may past si Jerome na kahindik hindik din. Kawawa naman sya. At sa kanyang ama pa. Kaya pala hanggang langit ang galit nya sa kanyang ama. Buti na lang anjan si July. At salamat na mahal din nya si July. Ang bruhong si Archie sana author pagtulong tulungang bugbugin nina Jerome at Marco.
ReplyDeleteBat antagal po ng update?...😩😩😩
ReplyDeletesana mag update na po yung kwento ng STARFISH tagal na po uling walang updat yung kwento na yun.,sobrang ganda pa naman ng story nya..,
ReplyDelete