Followers

Saturday, December 23, 2017

STARFISH [Chapter 20]

STARFISH
[Chapter 20]


***Lui***

10:51 PM, Tuesday
March 19


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at inimbita ko pa si Renz na matulog na lang sa bahay. Wrong move. Pero hindi ko kasi masikmura na pauwiin siya ng dis oras ng gabi matapos niya akong tulungan na hanapin si Andrei nang mawala ito sa mall kanina.

Hinayaan ko siya na matulog na lamang sa couch sa sala. Hindi ko naman gagawin na patulugin siya sa kwarto ni Kyle matapos ang mga nangyari sa amin nang huli kaming magkasama na matulog.

Galit pa ba ako sa kanya?

Hindi ko mapigilang tanungin muli ang aking sarili. Bago kami magkita muli noong isang araw ay nasabi ko sa sarili ko na nawala na ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung nagiging totoo ako sa sarili ko noon o sadyang masaya lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko na hindi ko na nagagawang bigyang pansin pa ang anumang sama ng loob na meron ako sa kanya.

Sa nakalipas na dalawang araw ay kita ko naman ang mga naging pagbabago sa kanya. Malayo na sya sa taong nalulong sa napakaraming bisyo. Alam kong malaki ang naitulong sa kanya ng pagpasok sa rehab. Siguro nga ay isinasaayos nya nang muli ang kanyang buhay.

Hindi ko mapigilan ang saglit na paghanga sa kanyang ipinapakitang pagbabago. Hindi biro ang bumalik sa tuwid na daan matapos ang pagkakasadlak na pinanggalingan niya.

Galit pa nga ba ako sa kanya?

Base sa reaksyon ko ng nakalipas na mga araw at sa inis na nararamdaman ko kapag nakikita ko siya, siguro nga ay may galit pa din ako sa kanya. Alam kong masama ang magtanim ng sama ng loob, pero hindi naman kasi simpleng bagay ang nagawa niya sa akin. Hindi madaling isangtabi ang mga nangyari, lalong hindi madaling kalimutan.

Sa tuwing titingnan ko siya ay hindi ko maiwasang maalala ang gabi na natagpuan ko siyang lasing at binubugbog sa isang madilim na kalsada. Awang-awa ako sa kanya at gusto ko syang tulungan. Kapalit ng ginawa kong pagtulong ay ang pangga-gago niya sa akin. Ito yung mga bangungot na ilan buwang paulit ulit na gumising sa akin sa gitna ng gabi.

Sabi nila, “what doesn’t kill you makes you stronger”, but there are things that could cripple you.

Matapos ang gabing iyon, alam kong hindi na ako yung dating Lui. Somehow, something in me has changed. At wala na akong magagawa para maibalik pa iyon.

Hindi ko namalayan ang pagdaloy ng luha sa aking kaliwang mata. Ganito daw talaga kapag marami ka nang napagdaanan sa buhay. Isang mata mo na lang ang lumuluha. Napabuntong hininga na lamang ako sa aking naisip.

Oo. Galit pa nga siguro ako kay Renz. Akala ko ay okay na ako pero hindi pa pala. Masaya ako sa relasyon ko kay Jane, sobrang saya na hindi ko napansin yung parte ng puso ko na nasaktan. I have been able to ignore that hurting part until I saw him again.

Dapat ko na ba syang patawarin?

Katulad nga ng sinabi ko kanina, nagbago na sya. Alam ko na hindi na sya yung lalaking nagsabing mahal niya ako para lang magamit ang katawan ko. Ibang tao na ang kaharap ko ngayon. Sinisikap na ng taong to ang magbago at itama ang mga pagkakamaling nagawa niya.

Sapat na bang dahilan yon para magpatawad ako?

Kahit na anong klaseng pagbabago naman ang gawin niya sa sarili niya ay hindi naman niya maibabalik ang nakaraan. Hindi naman niya kayang ibigay sa akin muli yung kinuha niya.

Gusto ko na bang magpatawad?

Oo. Nakakapagod na din e. Kahit anong galit naman ang itanim ko sa puso ko ay hindi din naman mababago non ang mga nangyari na. Gusto ko na lang naman na sumaya.

Ganun nga siguro ang buhay. Minsan nagpapatawad ka hindi para sa taong nakaatraso sa yo kundi para mismo sa sarili mo. Gusto mo na lang kumawala sa kinikimkim mong galit na kaya mo ng palagapasin lahat ng masamang nangyari sayo para lang sumaya ka. Yung tunay na masaya. Hanggang sa dumating yung araw na kapag naalala mo yung mga bagay na nangyari sayo, hindi mo na kailangan pang malungkot. Alam mo at tanggap mo sa sarili mo na isa na lang yong parte ng nakaraan at hindi na noon kaya pang apektuhan ang ngayon o ang bukas.



***Renz***

11:26 PM, Tuesday
March 19


Nakakalungkot na dalawang araw na kami halos na magkasama ni Lui pero hindi ko pa din nasasabi sa kanya ang salitang “sorry”.

Hindi naman kasi ako makahanap ng magandang tyempo. Alam kong hindi naman ako karapat dapat sa pagpapatawad niya pero he deserves to hear me say the word. I owe him that much.

Nauubusan na ako ng pakulo. Hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin para mabago ang pagtingin niya sa akin. Kungsabagay, anu nga naman ang ineexpect ko mula sa kanya. Ni-rape ko siya, kahit ibigay ko sa kanya lahat ng bulaklak sa Flower festival sa US ay hindi non mababago ang mga nagawa ko sa kanya.

Dapat nya ba akong patawarin?

Hindi. Kahit ilagay ko ang sarili ko sa posisyon niya ay hindi ako makaisip ng magandang dahilan para patawarin niya ako.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa couch at tinungo ang kwarto nila Kyle kung saan natutulog si Lui. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nabungaran kong mahimbing na natutulog si Lui sa isang side ng kama.

Maingat akong lumapit at pinagmasadan ang kanyang nakapikit na mga mata. Hindi ko alam kung anong meron sa mata pero isa iyon sa mga paborito kong parte ng mukha maliban sa labi.

Dahan-dahan akong umupo sa sahig ng kwarto at halos magkatapat lang ang mukha namin ni Lui. Nakapikit si Lui kaya malaya ko siyang natititigan ng walang inaalala na magsusungit sa akin.

Naalala ko ang mga mata ni Kyle na parang nagiging guhit lang sa kanyang mukha kapag siya ay nakatawa. Mabigat ang tingin ni Kyle. Yung tipong kapag tinignan ka nya ay hindi mo maiwasan na mapatingin din sa kanya, pero kapag sinubukan mo makipagtitigan ay hindi ka din tatagal. Para bang tumatagos sa kaluluwa mo ang mga tingin niya sayo.

Iba ang tingin o ang sinasabi ng mga mata ni Lui. Kapag tiningnan mo sya sa mata ay makikita mo ang pilyong mata ng isang batang may masamang binabalak. Parang puno ng kalokohan at tiwala sa sarili ang laman ng mga matang iyon. Iyon ang madalas na sinasabi ng kanyang mata.

Sa sandali naming pagkakasama noon ay nakita ko na ng di lang minsan ang isa nya pang mata. Yung matang mapag-alaga, yung nagsasabing “okay lang yan, ako bahala sayo”. Dati ay naiinis ako sa tuwing nakikita ko iyon. Pakiramdam ko kasi ay masyado akong kaawa-awa para tingnan nya ng ganoon. Kapag ganoon na ang tingin niya sa akin ay di ko na maiwasan na sungitan o awayin siya.

Napangiti na lang ako sa aking naiisip.

Mukhang maganda ang panaginip ni Lui dahil dahan-dahang umaangat ang sulok ng kanyang mga labi. Ilang beses niya ding ginawa sa akin to noon. Ang panuorin ako habang natutulog. Ang hindi niya alam ay gising ako sa tuwing pinagmamasdan nya ako.

Nuon pa lang ay alam kong may gusto na sya sa akin. Kahit na gaano kami kadalas na magbangayan noon ay alam kong may kaiba siyang nararamdaman para sa akin.

Kung anu-ano ang pinagsasabi niya sa akin nuon kapag pinapanood niya akong matulog. Minsan ay yayakapin niya pa ako. Hinayaan ko lamang siya sa gusto niya. Di ko naman itinatanggi na nasisiyahan din ako sa ginagawa niya. Habang nagsasalita siya o habang yakap niya ako ay iniisip ko na siya si Kyle. Katulad ng pag-iisip ko na siya si Kyle nung pilitin ko syang angkinin.

Muli akong nabalot ng lungkot at pagsisisi sa isiping iyon. Tumayo ako sa aking kinauupuan at dahan-dahang inilapit ang aking labi sa noo ni Lui.

“Good night Lui.”, bulong ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Pinasya kong mag-drive na lamang pauwi sa bahay sa Mandaluyong dahil hindi ako makatulog sa unit ni Kyle.



***Lui***

8:07 AM, Wednesday
March 20

Nang magising ako kaninang alas-sais ay wala na si Renz sa condo ni Kyle. Maayos na nakasalansan ang unan at kumot na ginamit niya kagabi. Hindi ko alam kung saan siya nagsuot. Inisip ko na lamang na marahil ay napagod na siyang mag-effort na humingi ng tawad sa akin at umuwi na lamang sa kanilang bahay.

“I’m yyyeeeeaaadddyyyyy!!!”, matining na announcement ni Andrei. Mag-isa siyang nagbihis at nagsuot ng sapatos dahil big boy na daw sya. Iyon ang drama niya ngayong umaga: independent, responsible, and self-sufficient kid of the century.

“I know. You don’t have to shout”, inis kong sagot. Pakiramdam ko kasi ay mababasag na ang ear drums ko sa ingay at kakulitan ni Andrei.

“Bakit ka ang susunget Kuya Lui?”, usiserong tanong sa akin ni Andrei.

“Wala!”, malakas kong sagot sa kanya habang nilalagay ko sa lunch box ang ginawa kong sandwich para sa kanila ni Sandy. Hindi ko alam kung paano nagagawang tagalan ni Kyle at Aki ang ganitong routine araw-araw.

“Alam ko na! Siguro nag-away sila ng ligaw nya. Uuuuyyyy!”, pang-aasar ni Sandy. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ng bata. Anu namang alam nito sa LQ?

“At saan mo naman napulot yang ideya na yan?”, tanong ko kay Sandy.

“Ganyan si Daddy Kyle kapag ang aaway sila ni Daddy Aki. Ang sungit-sungit. Di nga ako makapagkulit kapag ang aaway sila e.”, paliwanag ni Andrei sa akin.

“Sino ang ligaw mo Kuya Lui?”, tanong ni Sandy na parang kinikilig sa aming usapan. Hindi ko naman mapigilan na matawa sa inaasal niya.

“Wala.”, pagdi-dismiss ko sa usapan namin.

“Meron e. Di ba ikakasal ka na nga? Bakit di pa namin nakikita crush mo?”, pangungulit ni Sandy.

“Male-late na kayo. Tara na baka traffic pa sa daan.”, pag-iwas ko na sagutin ang mga tanong nila.

“Eee, bakit muna kayo ang aaway ng ligaw mo?”, ayaw patalo ni Andrei. Naupo pa talaga to sa sofa para patunayang wala siyang balak na umalis hanggang hindi ko sinasagot ang tanong nila.

“Wala na nga. Iniwan na ako ng ligaw ko.”, pagsisinungaling ko matapos lang ang diskusyon ko sa dalawang matandang bata na kausap ko.

“Ayyy, bad pala yun e.”, inis na sabi ni Andrei. “Okay yang yan Kuya Lui. Andito naman kami e. Di ka naming ang iiwan, okay?”

Natawa na lang ako sa sinabi ni Andrei at binitbit ko na ang bag nila papuntang pinto. Agad namang sumunod ang mga bata sa akin.

Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Renz. Marahil sa pagkabigla ay bigla ko din agad sinara ang pinto.

“Di na tayo aayis?”, takang tanong ni Andrei.

“Hoy! Buksan mo tong pinto! Male-late na yang mga bata traffic na sa baba.”, sigaw ni Renz habang kumakatok sa labas.

“Andyan na paya si Kuyang Mabait e”, wika ni Andrei. Napabuntong-hininga na lamang ako at muling binuksan ang pinto.

“Good morning!”, bati ni Renz ng makita muli ang mukha ko.

Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot. Napagdesisyunan ko na kagabi na patawarin siya kaya hindi ko na siguro sya dapat pang sungitan o awayin. Nabigla lamang ako kanina ng makita ko sya sa may pintuan.

Naglakad na kami patungo sa elevator, hanggang sa parking ay wala kaming kibuan ni Renz. Masaya lang itong nakikipagkulitan sa mga bata. Tinatahak ko ang daan patungo sa aking sasakyan nang tawagin ako ni Renz.

“Hoy, di ka ba sasama?”, taka nitong tanong. Napailing na lang ako ng lumingon ako at makitang sumasakay na sa backseat ng sasakyan ni Renz sila Andrei at Sandy. Naglakad ako pabalik at sumakay sa harap ng sasakyan ni Renz.

Habang nasa daan ay walang tigil ang pagkekwento ni Andrei tungkol sa episode ng Avatar na hindi ko naman naiintindihan. Pero tila aliw na aliw si Renz sa mga pinagsasabi ni Andrei, may patango-tango pa si mokong habang nagmamaneho.

“Kuyang Mabait, ang kawawa si Kuya Lui.”, sabi ni Andrei. Alam kong simula na naman ng kahihiyan ko sa araw na iyon.

“Bakit?”, nag-aalalang sagot ni Renz sabay tingin sa akin.

“Ang iwan siya ng ligaw niya.”, walang kagatul-gatol na pagtsitismis ng bata sa aking katabi.

“Ha? Ligaw?”,naguguluhang tanong ni Renz. Gusto ko sana sumingit na sa usapan pero wala akong laban sa kadaldalan ni Andrei.

“Oo! Ang ligaw siya kaso ang iwan naman sya.”

“Iniwan? Umuwi lang naman ako sa bahay e. Hindi naman kita iiwan.”, seryoso at malambing na sabi ni Renz habang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng matinding kilabot ng mga sandaling iyon pero agad ding nagsalubong ang kilay ko na ikinatawa ni Renz.

“Ha?”, naguguluhang tanong ni Andrei.

“Wala.”, agad kong pagputol sa usapan. Hindi naman na nangulit pa si Andrei at nagkwento na lamang ito ng ibang bagay.

Nang makarating kami sa school ng mga bata ay muli naming silang inihatid ni Renz hanggang sa kanilang classroom. Sakto namang inabutan namin ang isa sa mga facilitators nila Andrei na nasa labas ng room – si Teacher Lucy. Bigla namang nagtatakbo si Andrei palapit dito.

“Good morning Teacher Lucy! Ang ligaw ka na ba?”, walang prenong tanong ng aking alaga sa walang kamalay-malay na guro. Nagsimula naman na akong mamutla dahil alam ko na ang susunod na mga mangyayari

“Ha?”, naguguluhang sagot ni Teacher Lucy sa kausap.

“Si Kuya kong may balbas kasi ang iwan ng ligaw nya e. Gusto mo kayo na lang ang ligaw?”, agad namang napatingin sa amin ang guro.

“Ah… Eh…”, hindi ko alam kung anong sasabihin sa aking kaharap na naghihintay ng paliwanag.

“Andrei, sige pasok ka na sa loob.”, utos ni Renz sa bata na agad namang sumunod. “Pasensya na Teacher Lucy, medyo broken hearted tong kasama ko e.”, nakangiting sabi ni Renz.

“Wala iyon, medyo ingat na lang siguro tayo na huwag naririnig ng alaga nyo yung mga problems of the heart. Mabilis kasi maka-pick up si Andrei eh.”, magalang na payo ng guro. Napatango na lamang ako at nagpaalam na si Renz.

Hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko na naman ang boses ni Andrei.  “Teacher Mary, ang ligaw ka na?”

Bumunghalit nang tawa si Renz na alam ko namang kanina nya pa din pinipigilan. Asar talo akong naglakad pabalik sa sasakyan sa takot na baka marining ko pa si Andrei na tinatatong ang prinicipal ng school.

Awa naman ng Diyos ay hindi na ako kinulit pa ni Renz habang nasa sasakyan. Tahimik lamang ako sa sasakyan habang lumulutang ang aking isip. Hindi ko namalayan na nakarating kami sa isang kapehan malapit sa school ng mga bata.

“Anong gagawin natin dito?”, tanong ko sa aking kasama.

“Mag-swimming.”, pilosopong sagot ni Renz habang nakangisi. Hindi nya na ako hinintay na makasagot at agad nang lumabas ng sasakyan. Napilitan na akong sumunod sa kanya.

Wala masyadong tao sa coffee shop na iyon ng mga oras na iyon. Inutusan ako ni Renz na humanap na lang ng mauupuan habang umo-order siya ng kape.

Nang makabalik siya ay may bitbit na siyang dalawang tasa ng mainit na kape at dalawang cinnamon roll. Nakaramdam naman ako ng pagkasabik sa kape dahil may kalamigan ng araw na iyon at makulimlim ang kalangitan.

“How much?”, tanong ko kay Renz patungkol sa kape at cinnamon roll na inorder nya para sa akin.

“Huwag na. Di naman kita sinisingil e.”, sagot nya. Hindi na ako nakipagtalo pa at sinampolan ko na lang ang kape na binili ni Renz. Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil masarap ang pagkakagawa nito.

“You like it?”

“Yes. Bakit ka nanlilibre?”, curious kong tanong sa kanya.

“Broken hearted ka daw e.”, nakangisi niyang sagot. Tiningnan ko lamang sya ng masama at hindi na sya muling nagtanong pa.

Tahimik lang kaming uminom ng kape. Wala naman ako maisip na topic at hindi ko din naman alam kung dapat ba kaming magkwentuhan. Nangangalahati na ang kape ko ng muli siyang magsalita.

“Kamusta ka?”, seryosong tanong ni Renz. Gusto ko sana syang barahin dahil parang walang kwenta naman ng tanong niya. Sasagot na sana ako ng muli siyang magsalita. “I mean after nung ginawa ko sayo, wala na akong balita sayo. Gusto kong magtanong kay Kyle pero nahihiya ako at naisip ko na baka kung ano pa ang isipin niya kapag sa kanya ako nagtanong.”

Natameme ako sa sinabi niya. I can’t believe that we are actually having this conversation about what he did to me. Parang gusto ko bigla na magkaron ng outburst.

“Gusto mo na magpatawad di ba? Eto na yung chance mo.”, bulong ng isip ko sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako.

“So ayaw mong malaman ni Kyle yung kagaguhan na ginawa mo sa akin? Is that why I’m here enjoying a free coffee and a cinnamon roll?”, medyo sarcastic kong sagot.

“No, its not that.”, mabilis na sabi ni Renz. “Hindi ko lang alam kung gusto mo na malaman pa ni Kyle yung mga nangyari sayo.” Tiningnan ko si Renz sa mata at mukhang sinsero sya sa mga sinasabi niya.

“Right. Ayaw kong malaman pa ni Kyle yung mga nangyari. In fact, I don’t want anyone to know about what happened. I feel shitty when people look at me with pity. And to answer your question, okay naman na ako. Thanks to my girlfriend, Jane. She helped me a lot to get through stuff. I can actually say that I’m happy with my life.”, seryoso kong sabi.

“But you can be happier.”, halos bulong lang ang mga kataga na iyon ni Renz pero narinig ko ito ng malinaw.

“What do you mean?”, kunot noo kong tanong.

“Nothing.”, gulat na sabi ni Renz.



***Renz***

9:57 AM, Wednesday
March 20


“I want to say something”, pag-iwas ko sa tanong ni Lui. “I’m not sure if you want to hear it but I know I need to say it anyway.”, nakita kong biglang nag-tense ang katawan ni Lui. Kahit na hindi siya magsalita ay alam kong hindi siya komportable sa takbo ng aming usapan. Laking pasalamat ko na lamang na hindi pa niya ako binabara o nilalayasan, which gives me the chance para masabi lahat ng kailangan at gusto kong sabihin sa kanya.

“What I did to you I know is unforgiveable. And I don’t have any acceptable excuse for my actions. Those days were my darkest. Hindi ko na kilala ang sarili ko, wala na ako halos konsepto ng tama at mali, ang tanging bagay na meron ako noon ay lungkot at galit.”, habang nagsasalita ay nararamdaman ko ang pamilyar na karayom na paulit-ulit na tumutusok sa aking puso. “I wanted Kyle so badly, that I don’t  mind fucking somebody else while thinking of him.”

“Bakit ako?”, bulong na sabi ni Lui. Hindi siya lumuluha pero kita ko ang lungkot sa mata niya. Malalim na kalungkutan. Katulad ng lungkot na nakita ko noon sa mga mata ko.

“You were the closest thing I have to Kyle.”, pag-amin ko. Tiningnan ko ang mukha ni Lui at mataman lang siya na nakatitig sa akin. “Alam kong mali na gamitin kita para mapawi ang pagkasabik at kalungkutan ko ng mga panahon na yon. And for what it’s worth, I want you to know that I’m sorry. You don’t deserve to be treated the way I did.” Para na akong sinasakal sa bawat titig ni Lui.

Kita ko sa lungkot ng mata ng aking kausap na isa-isang bumabalik sa kanyang alaala ang mga ginawa ko. Ramdam ko na hanggang sa ngayon na masaya na siya ay nasasaktan pa din siya. Di man siya lumuha. Di man niya ako sapakin ngayon. Di man nya ako murahin. Hindi noon maitatago ang labis na pagkamuhi niya sa akin.

Hindi ko na kaya pang tagalan ang mga titig na iyon. Mga tingin na tumatagos sa aking kaluluwa. Mga tingin na humihingi ng mas katanggap-tanggap na paliwanag para sa mga kamaliang nagawa ko. Mga tingin na nagsasabing halos pinatay ko sya sa sakit.

Napayuko na lamang ako. Wala na akong masabi para pagaanin o bawasan ang sakit na nararamdaman ni Lui. Sabay ng pagyuko ko ay ang pagtulo din ng aking luha. Bumalik sa aking alaala ang mga gabing nakatulog akong umiiyak habang iniisip si Lui. Yung mabigat na pakiramdam sa dibdib dahil alam mong may nagawa kang mali at wala ka nang magagawa para maitama pa yon. Na kahit wakasan mo pa ang sariling buhay ay wala iyong maibabawas sa sakit na nararamdaman ng taong naatraso mo.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakayukong lumuluha at humihikbi. Napatigil lamang ako ng may maramdaman akong kamay sa aking likod na dahan-dahang humahagod para kumalma ako. Agad akong nagtaas ng mukha para tingnan kung kanino ang mga kamay na iyon.

And for the first time in a very long time, I saw a genuinely happy smile of an angel. I saw Lui’s eyes again. The eyes that tells me that everything will be okay and that he will take care of me.

Hindi ko alam kung paano niya ako nagagawang tingnan at ngitian ng ganito, pero sandali akong nawala sa aking sarili.

His eyes are taking all the worries and guilt away and his smile gives me the warmth and assurance that everything will be okay. The hand that's caressing my back gives me comfort… comfort and love.

The last time I felt something like this was with Kyle. Hindi ko alam na buhay pa pala yung parting ito ng puso ko.

Sa bawat titig at ngiti ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

It’s just me and Lui this very moment. Nothing else matters to me. All I see is his smiling face. All I feel is his hands on my back. All emotions I feel now is because of him.

“Gusto sana kita yakapin kaso ang dami ng nakatingin sa atin e. Masyado ka kasing papansin. Baka mamaya mapagkamalan pa akong member ng grupo niyo nila Kyle.”, natatawa niyang sabi sa akin na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad akong nagpunas ng luha na halos natuyo na din naman sa aking mukha.

Nang maka-recover sa mga nagyari ay hindi ko mapigilan na tanungin si Lui. “Why are you smiling?”

“Would you rather that I curse you or hit you?”, sarkastikong sabi ni Lui pero hindi pa din nawawala ang kanyang ngiti.

“Yes?”, alanganin kong sagot.

“You said you’re sorry and I felt that you mean it. I’ve moved on and am happy now with my life. I don’t see anymore reasons to hold grudges against you especially I can see that you’re trying to change your life.”, paliwanag ni Lui. “Isa pa, nagdrama ka na e. Pinagtinginan ka pa nga ng mga tao. Nakakahiya naman kung magmamataas pa ako ng pride, ako pa lalabas na kontrabida sa mata nila.”, patawa pa niyang dagdag.

Ngumiti na din ako sa puntong iyon. Parang naubusan ako bigla ng sasabihin. Namayani tuloy muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“So, nasan na yung yakap ko?”, pagbasag ko sa katahimikan.

“Huwag na. Nagbago na isip ko. Baka kasi main-love ka na sa akin. Grabe kasi yung tingin mo kanina e.”, maangas na sabi ni Lui habang humihigop ng kape.

“Sus! Kunware ka pa. Alam ko naman na pinagpapantasyahan mo din naman na makayakap ako.”, depensa ko.

“Let me just make it clear to you Mr. Renz Angelo Razon, sa ating dalawa po ako ang di hamak na mas gwapo.”, puno ng confidence na anunsyo ni Lui.

“Haha! I beg to differ Mr. Lucas Willard Salviejo. Kahit tanungin pa natin lahat ng babae, bakla, o lalaki sa mall sa tapat nitong coffee shop, paniguradong mas madaming magsasabi na mas pogi ako sayo.”

“Ha! I accept your challenge.”, mayabang na sabi ni Lui sabay tayo sa upuan. Napatingin lamang ako sa kanya at naghihintay ng kanyang gagawin.

“Oh ano pang ginagawa mo dyan? Tara na sa mall. Afraid to face the truth that you would actually lose?”, taas kilay na sabi sa akin ni Lui. Natawa na lang ako sabay tayo na din sa aking upuan para sundan sya.

Nagpunta kami ng mall. Hindi ko inaasahan na seseryosohin ni Lui yung biro ko sa kanya. Habang naglalakad kami ay nagulat na lang ako nang may harangin si Lui na dalawang babae na nakasalubong namin.

“Hi Miss.”, bati ni Lui sabay pakawala ng kanyang pamatay na ngiti. “Pwede ba kayong ma-istorbo saglit?”. Nagkatinginan ang magkasamang babae saka sabay na tumango.

“Ito kasing kasama ko parang tanga. Itanong ko daw sa inyo kung sino sa amin ang mas gwapo.”, pa-cute na pagsasabi ni Lui ng kanyang pakay sa dalawang babae.

“Ha?”, natatawang sabi nung isa sa mga babae na chinita ang features.

“Para sa akin, mas gwapo ka. Mukha kasing suplado yung kasama mo e.”, agad namang sagot ng kasama nung chinita.

“I agree with her. Mas cute ka nga.”, pagsangayon naman nung chinita.

“Salamat. Pasensya na din sa istorbo.”, halatang halata na lalong nagpa-cute si Lui sa dalawa.

“Hindi ka din GGSS no?”, paninita ko kay Lui nang makaalis na yung dalawang babae.

“Hindi pa nga ako nage-effort nun e.”, mayabang niyang sabi sa akin.

“Hindi daw. E halos mapunit na nga yung bibig mo sa lapad nung pagkakangiti mo.”, pambabara ko.

“Alam mo kasi tanggapin mo na lang na ako ang mas gwapo sa ating dalawa.”

“Asa ka.”, sagot ko sabay harang sa isang grupo ng mga babae na nakasalubong namin. Ginaya ko lamang ang linya ni Lui sa mga babae kanina. Mabuti na lamang at hindi nila ako sinungitan. Tatlo sa kanilang lima ay ako ang pinili habang yung dalawa ay kay Lui. Palibhasa ay walang tigil ang pagpapa-pungay ng mata ng mokong sa aking likuran.

Mukha kaming tanga na nanghaharang ng mga tao sa daan ng mall. Bata, matanda, may kasamang bata, mukhang teacher, yaya, estudyante, pati empleyado ng mall ay di namin pinalagpas.

Makalipas ang halos isang oras na paglalakad at pagtatanong ay may 16 points na ako at 15 naman si Lui. Kahit na mukha kaming sira ulo sa aming pinaggagawa ay panay ang tawa naming dalawa.

“Sumuko ka na kasi.”, panunuya ko kay Lui.

“Not going to happen”, sabi niya sabay harang sa tatlong beki na nakasalubong namin. Awtomatikong lumitaw ang kanyang pambatong ngiti at saka nagtanong sa tatlong beki na nakasalubong namin. Halata namang aliw na aliw ang mga kapatid ko sa pananampalataya sa atensyong nakukuha nila.

“Ano ba yan beh! Ang hirap naman ng tanong mo.”, sagot ng pinakamaingay sa grupo.

“Oo nga! Pareho naman kayong gwapo e.”

“Naku, hindi pwede yan. Kailangan isa lang piliin nyo sa amin.”, sagot ni Lui sabay kindat at angat bahagya ng kanyang t-shirt sapat para makita ng mga kaharap niya ang kanyang abs.

“Shutangina beessss! Hindi ko kinakaya si Koya!”, tili nung isang beki na nakafloral.

“Sherep mo po.”, sabi nung lider na bibe.

“So ako na ba ang sagot nyo?”, pangpre-pressure ni Lui sa mga kausap sabay kamot sa kanyang batok para maiflex nya ang muscles niya sa braso habang nililihis muli ng isa nyang kamay ang kanyang t-shirt para magpakita pa ng konting laman. Mabuti na lamang at nasa may hindi kami mataong lugar ng mga sandaling iyon kaya wala masyadong nakakakita sa mga pinaggagawa namin.

“Sure na ba kayo na sya?”, bigla kong singit sabay taas din ng aking t-shirt at sinadya kong makita ng aming kausap hanggang sa aking nipples.

“Emeged bes! Basa na me!”, sabi ng isa sa mga beki at nagkatawanan kaming lima sa kalokohan namin.

“True that bes! Hindi ko na kaya. Kanin please.”

“Pili na.”, mahina kong sabi na parang nang-aakit. Sabay pisil ko sa aking utong.

“Ay shet! Yes Koya! I vote for you!”, agad na sabi nung isa sa tatlo. Nagpasalamat naman ako at hinalikan siya sa pisngi. Waring naa-alarma naman si Lui at lalong itinaas ang kanyang suot na t-shirt.

Kita  naming apat nung mga beki ang ganda ng katawan ni Lui. Kahit ako ay pansamantalang natulala sa aking namalas. Batak na batak ang katawan ni Lui. Mula sa kanyang maumbok na dibdib na may bahagyang buhok sa gitna. Ang kanyang mala-rosas na utong na bumabagay sa kinis at puti ng kanyang katawan. Hindi rin papahuli ang mga guhit na naghihiwalay sa hilera ng abs sa kanyang katawan. Idagdag pa ang pinong buhok na tumutubo doon pababa sa loob ng kanyang pantalon. Nagulat pa ako ng bahagya niyang ibaba ang kanyang pantalon para magpakita ng karagdagang buhok sa mga manonood.

“Nakapili na ba kayo?”, dahan-dahan at halos pabulong na sabi ni Lui sa dalawang beki. Kahit ako ay kinilabutan sa kaseksihan ng boses niya ng mga sandaling iyon. Para bang kami lang ang tao sa loob ng mall at nagiimbita siya na may gawin kaming mga makamundong bagay.

“Pak! Mahal na kita! Yes!”, sigaw ng lider ng mga bibe.

“Ako din bes! Sayo na ako koya!”, segunda ng kasama nito.

“Salamat”, masayang sabi ni Lui sabay halik sa pisngi nung dalawang beki.

Matapos iyon ay nagpaalam na kami at muling naglakad na dalawa.

“Ang daya mo!”, sita ko kay Lui.

“At bakit naman?”, reklamo niya.

“Halos maghubad ka na dun sa harapan nung dalawa e.”

“Aba! Nagsalita ang porn star na may papisil-pisil pa ng utong kanina.”, natatawang ganti ni Lui. Natawa na din ako sa sinabi niya. Hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa arcade part ng mall.

“Since tie naman tayo. Daanin na lang natin to sa basketball. Ang tunay na gwapo, maangas sa court.”, hamon sa akin ni Lui. Marahil iniisip niya na lampayatot ako sa basketball dahil isa akong bakla. Pwes! Itataas ko ang makulay na bandila ng LGBT at papalamunin ko ng alikabok tong kumag na to.

“Iyan ang magiging katapusan mo boy! Hindi ka pa nadala nung huli kitang lampasuhin sa arcade ha.”, maangas kong sabi. Agad na kaming bumili ng token para makapaglaro. Mayroon kaming tig-limang token na uubusin namin sa shooting game.

“Sigurado ka bang gusto mo mapahiya? Pwede ka naman umatras e.”, pang-iinis sa akin ni Lui.

“Nasabihan ka na bang mayabang?”, natatawa kong tanong sa kanya.

“Hindi pa. Madalas pogi ang tawag sa akin e.”, sagot niya sabay kindat.

“Go bebe! Kaya mo yan!”, nagulat kami ni Lui nang marinig namin ang lider ng mga bibe na sumisigaw sa likod namin. Kasama niya ang dalawa pang bibe na nagche-cheer sa amin.

“Thanks babe.”, pakikisakay ni Lui sa biro ng mga nanunuod sabay flying kiss. Para namang nagka-rambol ng mag-agawan ang tatlong bibe sa flying kiss ni Lui.

“Ay nako Mars! Dun ako sa naka-asul.”, sabi ng isa pang beki na nasa may tabi ko. May kasama din syang dalawang side kick.

Naka-asul ako na shirt ng araw na yun habang nadilaw na polo shirt naman si Lui.

“Galingan mo baby! Kakain tayo sa Jollibee kapag nanalo ka dyan.”, cheer ng isa sa mga bibe sa team ko.

“Game na? May kanya-kanya na tayong cheerers.”, si Lui.

“Game.”, sagot ko sabay insert ng token para makapaglaro na kami. Dahil sa gusto kong Manalo ay naka-focus ako sa paglalaro at pag-shoot ng bola. Bawal ang magkamali. Kailangan sigurado ang bawat tira. Bawal magmintis.

Ang hindi alam ni Lui ay muntik na akong makick-out nung high school dahil sa pagcu-cutting classes ko para makatambay sa arcade at makapaglaro ng laro na to.

Parang hindi din napapagod ang mga beki namin na cheerers sa pagsigaw at pagchecheer sa amin. Pati ang mga taong nakapaligid sa amin ay natutuwa sa mga beki dahil sa kanya kanya nilang mga pakulo. Lihim ko namang pinapanood sa sulok ng aking mga mata si Lui. Kita ko na bagamat nakangiti ay nakafocus din siya sa pagsho-shoot ng bola sa ring. Nasa ika-limang token na kami ni Lui at ayon sa mga supporters naming ay lamang lang ako ng isang puntos.

“You won’t win Renz!”, nakatawang sabi ni Lui. Masaya ako na nage-enjoy sya sa aming ginagawa.

“Watch me!”, sagot ko saka nagpatuloy sa pagtira ng bola.

10 seconds left. Lamang ako ng isang puntos.

7 seconds left. Nagmintis ako ng tira. Nag-tie ang score.

5 seconds left. Nagmintis din si Lui. Tie pa din and score.

3 seconds left. Last shot. Tumingin ako kay Lui. Nakatitig din siya sa akin. Walang paalam na humakbang ako palapit sa kanya sabay ng isang mabilis na halik sa kanyang labi saka biglang shoot ng bolang hawak ko sa ring.

EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!! Game Over!

Lamang ako ng isang puntos kay Lui, dahil naiwan siyang nakatunganga sa akin at hawak pa din ang huling bola na dapat ay isho-shoot niya. Halatang nagulat siya sa aking ginawa dahil bahagya pang nakabuka ang kanyang bibig.

Natahimik bigla ang buong paligid namin pero wala akong pakialam. Masaya lang ako na nakangiti at nakatingin kay Lui.

“Shet bes! Lason!”, anunsyo ng isang beki saka sila nagkatawanan.

“Na-modus tayo mga bes. Mga manlilinlang! Hahaha”

“You cheated!”, natatawang sabi sa akin ni Lui.

“I did not. I just needed motivation for that last shot.”, sagot ko sabay kindat. Nang mga sandaling yon ay ramdam na namin ni Lui ang napakaraming matang nakamasid sa amin. At kita ko sa biglang pagtensyon ng kanyang katawan na hindi na sya komportable sa atensyong nakukuha namin.

Agad kong kinuha ang kanyang kamay at hinila na sya palabas ng arcade.

“Bye baby!”, sigaw ng isa sa mga beki na nagche-cheer sa amin kanina. Nginitian ko lamang sila.

“Mamaya na kayo umuwi. Dadalhin pa kita sa Jollibee, premyo mo di ba?”, pagpigil nila sa amin.

“Next time na lang. Kakain din kami sa labas nitong boyfriend ko tsaka susunduin pa naming yung mga anak namin sa school.”, paliwanag ko habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Lui. Hindi ko naman siya naringgan ng pagtutol pero mataman siyang nakatitig sa akin. Bago pa man makasagot ang mga beki ay hinila ko nang muli si Lui paalis.

Matagal din ang nilagi namin sa mall. Kaya saktong pagbalik namin sa school ay tapos na din ang klase ng mga bata. Pagkasundo sa mga bata ay dumiretso na kami ng uwi sa bahay.

Agad ako naghanda ng hapunan nila Lui at ng mga bata. Nang matapos ako ay nagpaalam ako kay Lui na uuwi na muna ako sa bahay. Hindi ko maikakaila na labis ang nararamdaman kong saya dahil hindi pa ako sinusungitan ni Lui mula ng umuwi kami galing sa mall.



***Lui***

9:58 PM, Wednesday
March 20

Awa ng Diyos ay nakatulog na sa wakas si Andrei. Akala ko kanina ay hindi na sya malo-lowbat pa at kailangan kong makipaglaro sa kanya ng magdamag. Kasalukuyang akong nagliligpit ng kalat ng mga bata sa sala. Parang naging isang war zone ang living room ni Kyle sa amin ni Andrei kanina. Gumawa pa kami ng sari-sariling kampo habang nagbabatuhan kami ng kung anu-ano sa isa’t-isa. Dahil sa para akong isip bata na nakipaglaro kay Andrei ay napakarami ko tuloy ngayong kalat na dapat ligpitin.

Nang matapos magligpit ay naisipan ko muna na magmunimuni bago matulog. Ininspeksyon ko ang kusina ni Kyle at may nakita akong isang bote ng wine. Binuksan ko ito at nangako sa sarili na papalitan ko na lamang bago bumalik si Kyle. Naisipan kong pumwesto sa may balcony nila Kyle. May maliit na lamesa roon at upuan na pwede kong pagtambayan. Naghiwa ako ng cheese na ipapares ko sa red wine na iinumin ko.

Pasado alas diyes na at tahimik na halos ang buong paligid. Tanging ang mahihinang busina ng mga sasakyan sa baba ng condo ang maririnig sa kalaliman ng gabi. Ang balcony na ito ang isa sa mga paborito kong parte ng unit ni Kyle. I somehow find peace in here. Tanaw mula sa kinauupuan ko ang mga kumukutitap na ilaw ng mga bahay at establisyemento sa kalakhang Maynila. Mga ilaw na waring nagsasayaw sa kadiliman ng gabi para mahipnotismo ang sinumang titingin sa kanila. Tumingala ako para silipin ang kalangitan. Wala na ang kaninang mga ulap na tumatakip sa init ng araw. Pinapamalas na ng langit ang angking ganda nito. Kasama ang mga makisap na bituin at maliwanag na buwan, ay di ko napigilan ang aking sarili na pagnilayan ang  mga bagay na matagal ko ding pilit na iniwasasn.

I feel different. I feel weird. I feel like I found something that I have lost. Somehow, this night is one of the best nights I had for a very long time.

Hindi ako masaya na gumugulong sa katatawa. Magaan lang ang pakiramdam ko. Maluwag akong nakakahinga. Wala na yung mabigat na bagay na parang laging nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko na kailangan pang bumuntong hininga.

Pinikit ko ang aking mata at hinayaan ko ang aking sarili na damahin ang kapayapaan ng gabi. Kasabay ng pagsara ng talukap ng aking mata ay ang kusang paglitaw ng nakatawang mukha ni Renz. Isang malinaw na larawan sa aking isipan. Kita ko ang bawat detalye ng kanyang mukha. Ang makapal na kilay. Maamong mata kung seryoso. Matangos na ilong. Mapupulang labi at mapuputing ngipin.

Dati sa tuwing naaalala ko ang mukha niya o kahit marinig ko ang pangalan niya ay may mumunting kurot na nararamdaman ako sa aking puso. Kapag naramdaman ko na iyon ay pilit kong ibinabaling ang aking atensyon sa ibang bagay. Dahil ang mga  munting kirot na iyon ay nagiging dahilan para muling bumukas ang sugat na kay tagal kong pilit na pinaghilom.

Iba ngayon. Wala na ang kirot. Nanatiling nakasara ang sugat.

Unti-unting umangat ang sulok ng aking mga labi para sa isang ngiti. Muli kong sinariwa ang mga nangyari sa amin kaninang umaga.

Inaamin kong hindi ko inaasahan ang aming naging pag-uusap kanina sa coffee shop. I’m not sure where he got the guts to start a conversation like that in a very public place. Maybe he was banking on the fact that I would not make a scene since we were surrounded by people. But still, it was a brave thing to do. At kita ko naman sa kanya kanina na hirap na hirap siyang sabihin sa akin ang mga bagay na gusto niyang sabihin. Kung tutuusin ay nakakaawa ang sitwasyon nya.

Ramdam ko sa bawat salitang binigkas niya sa akin na sa napakahabang panahon ay pinahirapan siya ng kanyang konsensya. Dama ko sa bawat luhang pumatak sa kanyang mata na gusto niyang may magawa siya para mawala na sa akin ang mga sugat na iniwan niya. Ang bawat hikbi niya ay tila isang musika ng pagmamakaawa para sa kapatawaran.

It was not the fanciest of apologies. No flowers, chocolates, gifts, surprises. Just words, utter sincerity, and a soul breaking sorry. And that’s exactly what I needed. A heart felt apology.

Nang mga sandaling iyon ay halos matunaw na ang puso ko pero isang parte ko ang gusto muling magalit. Pilit na binabalik ang mga masasakit na alaala para magningas muli ang aking pagkamuhi. Dahan-dahang pinagdurugo ang aking sugat para maramdaman ko uli ang sakit. Sa puntong iyon ay naalala ko ang sinasabi ng mga tao na ‘dapat ay matuto kang pakawalan ang galit’.

Ang galit ay parang isang nakamamatay na lason. Hindi maaaring hintayin mo na kusa na lang itong lumipas o mawala dahil hindi ito aalis sa iyong sistema hanggang ikaw mismo ay hindi pa ito pinapakawalan. Minsan akala mo ay okay ka na dahil hindi mo ito nararamdaman, ang hindi mo alam ay naghihintay lang ito ng tamang pagkakataon. Mananatili ito sa iyong puso, hinihintay ang sandali na maari ito muling magningas. Umaasa sa susunod na pagkakataon na maari nitong buksan muli ang mga sugat ng nakaraan. Hanggang sa lamunin ka na nya. Maging alipin ka sa kanya. At ang tanging emosyon na nagpapatakbo o nagkokontrol sayo ay galit.

Ayaw ko na humantong sa ganoon. Kaya nang kausapin ako ni Renz kanina ay pinili ko na lang na pakawalan ito. At hindi ako nagsisisi na gawin iyon gaano man kabigat ang nagawang kasalanan sa akin ni Renz. Maaaring isipin ng iba na kamartiran o isang malaking katangahan ang ginawa ko. Pero hindi ko iyon ginawa para lamang kay Renz, ginawa ko iyon para sa aking sarili dahil gusto ko nang sumaya. Yung tunay na masaya.

At hindi ako nagsisisi sa aking ginawa. Hindi ko mararamdaman ang kapayapaan na meron ako ngayon kung hinayaan ko ang aking sarili na maalipin ng galit.

Ngayon na napakawalan ko na ang galit sa dibdib ko ay parang mas excited na ako na gumising sa umaga. Pakiramdam ko ay mas naging mas makulay ang aking hinaharap. Mas nanabik ako sa magiging kasal namin ni Jane. Parang kinikiliti ako kapag naiisip ko ang isipin na bubuo na ako ng sarili kong pamilya kasama si Jane.

Nasa kalagitnaan ako ng aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng unit ni Kyle. Agad ako napatayo para tingnan kung sino ang dumating. Pagpasok ko sa loob ay sabay bukas naman ng ilaw sa sala. Nagkabiglaan pa kami ni Renz ng makita ang isa't isa.

"Sorry, gising ka pa pala. Hindi na ako kumatok kasi akala ko tulog na kayong lahat. May susi naman ako kaya diretso na akong pumasok.", paliwanag ni Renz.

"Wala yun. Nagpapaantok lang ako dito sa labas.", sagot ko habang napapatingin sa dalang bag ni Renz. "Dito ka ba matutulog?", tanong ko.

"Ah oo. Kumuha lamang ako ng gamit ko sa bahay.", paliwanag nya. "Dito na lang ako sa sofa matulog." Tumango na lamang ako sa kanya bilang tugon. Hindi na sumagot pa si Renz at naglakad patungo sa kwarto ng mga bata marahil para ilagay ang kanyang mga gamit sa cabinet.

"Ah Renz...", pagtawag ko sa aking kausap bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ng kwarto. "Feel free to join me if you want to drink." Imbita ko sa aking kausap. Dahan-dahang umangat ang sulok ng kanyang mga labi para sa isang ngiti.

"Sige. Ilagay ko lang tong mga gamit ko sa kwarto. Sunod na lang ako sayo dyan.", tumango ako saka tumungo sa kusina para kumuha ng baso para kay Renz.

Ilang saglit lang ay kasama ko nang nakamasid sa kawalan si Renz. Nang umupo siya sa kabilang silya ay tahimik lang siyang nagsalin ng alak sa baso at nagsimulang uminom.

"So when is the big day?", basag ni Renz sa katahimikan.

"Ha?", nagulat ako sa kanyang biglang tanong at hindi ko agad naproseso ang kanyang ibig sabihin. Ininguso naman ni Renz ang singsing sa aking kamay.

"Ah... A month and a half from now.", sagot ko.

"Lapit na ah. Shouldn't you be busy with wedding preparations and stuff? Why are you babysitting these two?", panimula ni Renz sa aming paguusap.

"Almost everything has been taken care of. So i thought i should practice being a daddy.", nakangiti kong sagot. "My parents are more than happy to take care of the details of the wedding. My partner and I though are not too keen on the details of the wedding as long as kaming dalawa ang tatayo sa altar ng simbahan, okay na kami don.", masaya kong sabi.

"What the fuck?! You sounded exactly like Aki and Kyle. Anong nangyari sayo?", natawa kaming pareho sa sinabi niya.

"I guess i'm really in love then. Kasama ata talaga yung ganito sa side effects."

"Seriously, what happened? Last I know, you ran away from home because you don't want to get married. Now, you're all mushy and cheesy.", tanong ni Renz.

"Well, let's just say i've met someone who doesn't make me cringe about the whole idea of settling down.", tipid kong sagot.

Hindi naman na nangulit pa si Renz. Ibinaling na lamang nya sa ibang bagay ang aming usapan. Madami kaming napagkwentuhan. Mga kalokohan nila dati ni Kyle, mga istorya ng kabataan ng isa't isa, mga nakakadiring moments ng pag-iibigang Aki at Kyle, usapang business, pamilya, at kung anu-ano pa. Sa tagal na naming magkakilala ay parang ngayon pa lang talaga namin binigyan ng pagkakataon ang isa't isa na lubos na alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa aming buhay. Dahil sa haba ng kwentuhan ay napahaba din ang aming inuman. Parang ni-raid namin ang bar ni Kyle dahil maubos namin ang nakatabing alak ng aking kaibigan. Nang maramdaman naming pareho na di na namin kaya pang uminom ay nagpasya na kaming matulog.

Habang hinuhugasan ko ang aming mga nagamit na baso ay inaayos ni Renz ang kanyang hihigaan sa sala. Nang matapos ako magligpit sa kusina ay dinatnan ko si Renz sa sofa na nakaupo. Malamang ay hinihintay ako nito matapos bago mahiga at matulog. Napansin kong tanging maliliit na unan lamang ang gamit nya pangtulog sa sofa.

"Mukhang di ka naman magiging komportable dyan sa sofa. Dun ka na matulog sa kwarto. Maluwag naman yung kama ng love birds.", imbita ko kay Renz. Siguro dahil sa komportable na muli ako sa kanya ay di na ako nagdalawang isip pa na yayain siya. Bakas ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mukha.

"Sigurado ka ba?", alanganin nitong tanong sa akin.

"You're not gonna do anything stupid right?", nakangiti kong sabi. Parang bata naman itong tumango ng mabilis. Naglakad na ako patungo sa kwarto at nakasunod naman sa akin si Renz.

Pagpasok ay nagpalit lamang ako ng t-sirt na pantulog. Hinubad ko din ang aking pantalon at nagsuot ng manipis na short para presko ang aking maging tulog. Wala akong pakeng nagbihis sa harap ni Renz. Palibhasa ay lasing na din naman ako.

Si Renz naman ay naghubad lamang ng t-hirt at pantalon saka naka-boxers na humiga sa kama.

"Hindi ka ba lalamigin sa suot mo?", tanong ko.

"Hindi. Ganito naman talaga ako matulog di ba?", paalala niya sa akin. Kahit kasi noong magkasama kami sa kwarto ay sanay siyang naka-boxers lang. Nagkibit balikat na lamang ako at nahiga na sa kama.

Mayroon kaming dalawang dangkal na pagitan sa isa't isa. Nakatalikod ako sa kanya habang siya ay nakatihayang nakahiga, nakadagan ang isang braso sa kanyang mata. Pinatay ko na ang ilaw sa bed side table at hinayaan ang aking sarili na lamunin ng antok.

Mahigit kinse minutos na kaming nakahiga at nasa simula na ako ng isang magandang panaginip ng marinig ko muling magsalita si Renz.

"Do you love her?"


…to be cont’d…


Author’s Note:

Its been more than 2 years since yung huling update ng story na to sa blog kung saan una ko siyang na-post. More than 2 years since nung huli akong mag-sulat. More than 2 years nang naghihintay yung ibang readers sa ending ng story na to. More than 2 years ago, I’ve made a promise to finish this story.

Whenever I visited that blog or when I check this story on Wattpad, I’m surprised to see that there are still readers waiting to hear from me. And I would ask myself, if this story’s one of those things that I started and would never be able to finish. Will the promise I made more than 2 years ago be another promise left unfulfilled? Will the readers of this story be another set of people I would disappoint in this lifetime?

I had to wrestle with my conscience, my rational mind, and my heart on what I should do next? Will I just ignore the people and bury the writer in me? Or will I just have to make do with little time I have and push myself hard till I finish the story? Fortunately, I have decided to at least finish the story and decide on wether I continue to write stories after Starfish.

With all honesty, I love Kyle, Aki, Renz, and Lui more than the readers of the stories. (Sorry guys, but its true 😊) No amount of nagging, emails, compliments, and threats from readers made me want to finish the story. These characters shaped me and help me understand and embrace myself in all those years I felt confusion, prejudice, and fear. And I realized that I owe it to these characters that helped me so much to give them a proper closure. That’s the reason you have Chapter 20 now.

Of course, I love the readers too. They have motivated me to continue writing after all. That’s why I have this section to answer some of the questions you have in mind.

Q1: Are you done writing the whole story?
A: No. LOL. I have completed 3 chapters as of Nov 24. I started posting/sharing updates kasi once it’s posted online I feel more obligated to continuously post updates til I’m done with the story. Kumbaga magkakaroon ako bigla ng deadline since nagsimula na uli ng update and I would do less procrastination.

Q2: What can we expect on the updates?
A: I try my best para pahabain at pagandahin ang bawat chapters okay. Also, sa mga grammar nazis, and other writers out there na medyo mataas ang expectation sa story na ito, parang awa nyo na po babaan nyo lang po. LOL. Medyo rusty na ang aking writing skills. At least 5 times ko atang inulit ang Chapter 20 at mahigit 3 beses ko uli pabalik-balik na binasa ang Starfish kasi nakalimutan ko na din ang sarili kong istorya. I am trying to get myself back on track, and kahit na natatakot ako you are always welcome to provide feedback.

Q3: How many chapters are left?
A: Plano ko po ay hanggang Chapter 25 lang pero depende sa magiging takbo pwedeng mas mahaba ng konti.

Lastly, sorry sa lahat ng naghintay ng taon para sa kwentong ito. Maraming Salamat din sa lahat ng naghintay at sumubaybay. I’m a reader before I became an amateur writer, I know how it feels. I hope na sana these coming updates will be worth the wait. Unfortunately, I cannot guarantee that this will turn out as magical or as awesome as what everyone is expecting. Again, I haven’t written anything for the last 2 years apart from boring office emails. Anyway, ang haba na nito. Next time na lang uli.

Enjoy reading!!!



-crayon

10 comments:

  1. Nakakatuwang isipin na sa tinagal tagal kong nag abang sa susunod na kabanata ng istoryang ito, ay unti unti kong naaalala ang mga kaganapan noong mga nakaraang kabanata habang patuloy ko syang binabasa. Marahil ay isa ito sa mga kwentong talagang tumatak sa puso't isip ko na nagpaiyak, nagpatawa, nagpagalit, at ng kung ano ano pang emosyon na ipinadama ng istoryang ito sa akin.

    Ngayon ang tanong, kailan ang susunod na kabanata? Hahaha

    ReplyDelete
  2. Ha!! I feel the universe conspired with me when I suddenly thought of visiting MSOB after more than a year?? Lol Wattpadd is such a vast terrain of stories that it's really hard to find true gems worth reading. The good thing is if you do, it would definitely be worth the wait and effort!

    I was busy looking for stories in watty and like the usual couldn't find any. I've been doing this from time to time hoping I'll eventually succeed. And today, a day before Christmas, is a very lucky one. Who would have thought that one of the authors who have opened the gates of this genre to me and I guess to a handful of people as well, would post a chapter that everyone has been longing and waiting for! Patience is indeed a virtue!

    Starfish! Yay! I'm beyond excited to read how this story will finally close. Will it be a good ending for Lui and Renz? Honestly, I'm so much more excited and thrilled with their tandem than Kyle's and Aki's. That's not saying that I super love Kyle. He's everything! It makes sense for me though because had it been a Kyle and Renz ending, we wouldn't have a Lui and Renz. So yeah, I've moved on on that. Lol

    2 years was definitely worth the wait. I remember asking you questions about the story on twitter and you were kind enough to provide answers.

    I didn't find any errors - I guess your skills run in your blood, you still write on point and you never lost your touch. :D

    I have a reason now to go back to this site. I just wish that your stories were uploaded by you in wattpad. Although you were given credits, it'd still be amazing if you were the one who added it. I'm not sure if you agree with me, but watty is so much more accessible to readers. I know that MSOB is where it all started and that's true to my experience too. Everything started here! Lol. I suggest that you update here and add your story their too, this time under your name because you deserve all the praise and recognition for your work. If not, I pray that MSOB would have its own app soon. Lol

    Anyway, I'll stay on alert mode for the succeeding chapters and will be at Lui and Renz's view until the finale.

    The memories of your stories are still fresh in my mind and that means it remained top shelf all through the years.

    Wahh can't help blabbering! I miss you, your stories and this site! Memories. Lol

    Marvs

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po. Ask ko lang ano mga stories binabasa mo sa wattpad? Naghahanap kasi ako ng magaganda and wala ako makita hahah. Happy New Year

      -Kev

      Delete
    2. Hi kev. Madami din naman. Check my must read sa aking profile Marvz1618

      Delete
  3. 'what the fucking fuck...'

    My exact words when i saw this update. Not the most intelligent words to say pwro yan talaga unang nasabi ko haha. It's 3am and cant sleep naghahanap ng stories pampaantok and visited this site. And voila nakita ko tong update na to. U have no idea how happy and how big my smile was. Isa ako sa mga silent readers mo sa story na to and at last matutupad na rin ung hinihintay namin. We miss you and welcome back. Happy New Year. (Jan2 ko kasi nabasa, tagal na pala naka post) haha

    ReplyDelete
  4. Tagal ko tong hinintay, grabe hahah

    ReplyDelete
  5. OMG sir Crayon! I am so glad na tinuloy nyo ang napakagandang story na ito. best gift ever.. magsisilbing motivation ito for me to start the new year. again thank you so much sir crayon! mabuhay kayo 😆

    ReplyDelete
  6. OMG sir Crayon! I am so glad na tinuloy nyo ang napakagandang story na ito. best gift ever.. magsisilbing motivation ito for me to start the new year. again thank you so much sir crayon! mabuhay kayo 😆

    ReplyDelete
  7. Kaytagal kitang hinintay 🤗

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails