Followers

Thursday, October 20, 2016

ANIL (5: Last Part)


ANIL 
By Michael Juha

Part 5: (Last Part)

Agad na sumaklolo si Felix at nagpagitna, hinarap si Marrie. “Marrie ako ang saktan mo dahil ako ang naghikayat kay Boss na pabalikin si Anil dito!” ang sigaw ni Felix.

“Ah isa ka pa! Hindi mo ba alam kung ang ano ang ginawa niyan kay Kevin? Kung anong ginawa niyan upang masira ang relasyon namin?! At bakit nangialam ka rito? Huwag mo akong harangan kung ayaw mong masaktan!” ang sagot ni Marrie.

“Hindi ako aalis dito, Marrie. Sorry. Walang kasalanan si Anil kaya huwag mo siyang idamay sa galit mo!”

Doon ay mas lalo pang nagwala si Marrie. “Anong walang kasalanan? Walang kasalanan? Hindi mo lang alam kung ano ang ginawa niyan! Hayop iyan! Demonyo!”

“Pwes Alam ko! alam ko ang lahat! At may alam din ako tungkol sa iyo!!!”

“Alam? Gaga ka bang bakla ka? Ano iyang pinagsasabi mo? Nang-iintriga ka ah!!!”

“Huwag mo akong pilitin Marrie! Masisira ang mga plano mo kung sasabihin ko. Ikakasal ka pa naman!”

Lalong nag-init si Marrie. “Putangina! Ba’t alam mo ang buhay ko? Stalker ka ba? May nag-utos ba sa iyo upang i-stalk ako?”

“Sinoooo?!!!!”

“Secret!” ang sagot ni Felix sabay bitiw ng isang ngiti nang-iinis.

“Pinagkaisahan ninyo akooo!!!” ang sigaw ni Marrie na akmang sasampalin na si Felix.

“Sige! Sige! Saktan mo ako! Tayong dalawa ang magkasakitan. Subukan mo! Subukan moooooooo!!!” ang mabilis ding paghawak ni Felix sa kanyang kamay.

Ngunit nag-init na si Marrie at doon na niya sinambunutan si Felix.

Nagsambunutan sila, nagsampalan, nagtadyakan. Hanggang sa natumba si Marrie at hindi pa rin siya nilubayan ni Felix. 

Doon ko na sila inawat. Hinila ko Si Felix palayo kay Marrie habang pinatayo ko naman si Marrie.

“Ano! Masakit ba! Masakit ba?!!! Tingnan mo boobs mo, oh, hindi na pantay! Atsaka ang panty mo! Eww kadiri! Ilang linggo mo na yang isinusuot! Yellowish na ang harapan!!!” ang sigaw ni Felix nang nagkahiwalay na sila.

“Bakla! Mamahalin tong panty ko! Gaga!”

“Kaya pala hindi mo pinapalitan! Ewww! Atsaka iyang kilay mo basag na. Sayang di ko nabasag ang mukha mo!”

“Tama na Felix, tama na!” ang sigaw ko.

“Sweetheart! Pati itong baklang ito ay tanggalin mo upang magsama sila! Tanggalin mo sila sa trabaho nila Sweetheart!!!” at baling kay Felix “Magsama kayong mga bakla!!!”

“Hahahaha! Tanggalin??? Alam mo ba kung gaano kahirap ang trabaho ko rito? Kung ako ang mawawala, mahihirapang umusad ang takbo ng departamentong ito! Pero kung ikaw ang mawawala, walang epekto ito sa amin. Kaya ikaw ang dapat na matanggal sa buhay ni Boss!”

“Tama na iyan, Felix! Tama na!” ang pagsingint kong muli.

Ngunti nagsasalita pa si Marrie. “Ipapatay kitang bakla ka! Tandaan mo iyan! Ipapabaril kitaaa!”

“Wow! Thank you naman! Takot ako!!! Aasahan ko iyan ha? Kapag hindi mo ako ipinapatay, ikaw ang ipapakulam ko!”

“Sweetheartttt! Paalisin mo na iyang mga bakla na iyan dito!!!”

“Hahahaha!” ang malakas na tawa ni Felix.

Hindi ako makasagot sa sinabi ni Marrie sa akin. Tiningnan ko si Anil na nakatingin din sa akin, ang mga mata ay tila nagtatanong, tila sinisingil ako sa paninindigang sinisisi niya sa akin dahil hindi ko siya napanindigan.

“Keviiiiiinnnnnn!!! Palayasin mo itong mga taong ito sweetheart! Kung hindi, ibubulgar ko talaga ang nalalaman ko tungkol sa inyo ng baklang iyan!” ang pagturo niya kay Anil. “Kaya pala kagabi ang tagal mong umuwi at nang umuwi ka na ay hindi ka na kumain dahil tapos ka nang kumain? Siya pala ang kasama mo sa dinner? Nag date kayo???” ang mas lalo pang pagsigaw ni Marrie nang hindi ako nakagsagot agad sa kanyang sinabi.

Doon ay medyo nag-init ang aking tainga. Ngunit bilang respeto sa kanya, pinilit kong maging mahinahon pa rin. “Anil, Felix… doon muna kayo sa mga trabaho ninyo.” At baling ko sa iba pang mga staff na nakiusyuso, “Doon muna kayo sa mga trabaho ninyo, okay?”

“Hindiiii! Basta paalisin mo sila rito nganyon na! Dahil kung hindi, hindi rin kita sisiputin sa ating kasal!”

“Okay, okay… cool ka lang. Ihahatid na kita sa sasakyan mo.” ang sagot ko naman habang ineskortan ko siya palabas ng opisina hanggang sa kanyang sasakyan na nasa parking area.

“Basta isesante mo sila. Ayaw kong makita pa sila rito!” ang sigaw niya nang nasa loob na siya ng kotse at nagda-drive na paalis. “Maaga kang umuwi mamaya!”

Hindi na ako sumagot. Nakasimangot akong tumalikod pabalik sa opisina.

“Paano na iyan?” ang may pag-alalang tanong ni Felix nang nasa opisina na ako.

“Wala. Ano bang gagawin natin?”

“Hindi mo kami isesante si Anil gaya nang sinabi ng fiancée mo?”

“Hindi. Akong bahala. At kapag iginiit niya iyan at aatras siya sa aming kasal, pagbigyan ko siya. Ayoko ring magkaroon ng asawang dino-dominate ang buhay ko. Hindi pu-puwede sa akin ang ganoon. Buong buhay ko ay magpaalipin sa kanya? Huwag na!” ang sambit ko.

“Iyan Boss, iyan ang lalaki... may paninindigan.” Ang sambit ni Felix. “Pero alam mo, Boss, I think in love ka. Medyo torpe ka lang at manhid.” Sabay tingin sa akin na mistulang tatawa. “Ay sorry po. Boss pala kita.”

Napatingin na lang ako sa kanya. Iyong tingin na in-denial, kunyari ay galit. “Anong in-love? Anong torpe at manhid? Ano iyang mga pinagsasabi mo?”

“Joke lang Boss… Ikaw naman hindi na mabiro.”

“Atsaka ano iyong sinabi mo na may alam ka kay Marrie?”

“Wala Boss… bina-bluff ko lang siya upang ang galit niya ay mapunta sa akin at hindi na kay Anil. Effective di ba?”

“Ikaw talaga, akala ko ay kung ano na eh.”

“Psy-war Boss, psy-war.” Ang sagot ni Felix sabay tawa.

“Oo na… magaling ka sa pang-aaway.”

“Uyyy… na-hurt siya na nasaktan ko ang finacee niyang mahal.”

“Kasalanan niya iyon.”

“Panindigan mo na kasi si Anil Boss. Tingnan mo may nag-comment tuloy na gago ka raw.”

“Hayaan mo sila… pero pinanindigan ko na kayo, di ba? Hindi ko naman kayo i-sesante eh.”

“Oo pero di mo iyon nasabi sa harap nina Anil at ng fiancée mo.”

“Hayaan mo na. At least peaceful ang nangyari. Walang nasaktang damdamin.”

“Boss… mas masarap ang namnamin ang isang paninindigan kapag ito ay harap-harapan ipinadama sa taong ipinaglalaban.”

“Eh… at least settled na tayo riyan…” ang sambi tko na lang.

Iyon ang naging desisyon ko. Pinanindigan ko talaga ang sinabi ko na hindi ko tatanggaliin si Anil at si Felix.

Nang nakauwi na ako ng bahay ito agad ang tanong ni Marrie. “Pinaalis mo na sila sa trabaho?”

Hindi ako kumibo, dumiretso na lang ako sa kuwarto.

“Oh my God! Hindi mo pinaalis? Isasakripisyo mo ang ating kasal nang dahil sa kanya?” ang pagsisigaw niya habang sinundan ako sa kuwarto.

Hindi pa rin ako sumagot.

“Kung ganito lang pala ang mangyayari, mabuti pang hindi na natin ituloy ang kasal na ito!”

Doon ko na siya sinagot. “Actually, maliit na problema lang ito, sweetheart. Ngunit pinalaki mo. Ganyan ka ba kung sakaling makasal tayo? Ang mga maliliit na issues ay pinapalaki mo? I have to be honest sa iyo sa ganitong sitwasyon, ayaw kong dino-dominate ako, ayaw kong nina-nag. Ayaw kong gumawa ng hakbang o desisyon na hindi pinag-uusapan, hindi pinag-aaralan ang mga consequence. Maingat ako. Ayaw k ong padalos-dalos. Ngayon kung tatakutin mo lang ako na hindi ituloy ang kasala, go on. Desisyon mo iyan. Huwag mo akong sisihin.”

“Oh my God! Oh my God! Bakla ka na rin! Mas pinapaboran mo ang mga baklang iyon! Ipinagpalit mo ako sa isang lalaki!” ang sigaw ni Marrie habang tumatakbo palabas ng kuwarto.

Hindi ko siya sinundan. Hinayaan ko siyang mag-iiyak sa sala. Tinumbok ko ang banyo, naligo at nagbihis. Hindi ako nagpaapekto. Maya-maya ay nahiga ako sa kama hanggang sa nakatulog.

Nagising ako kinabukasanna  niyayakap ni Marrie. “Sorry kagabi sweetheart.” Ang sabi niya. “Papayag na ako na hindi mo na paalisin si Anil at Felix sa opisona mo.” Dugtogn niya.

“Ok good. At gusto ko ring mag-attend sila sa kasal natin.”

“O-okay… ikaw ang bahala.” Ang sagot niyang may pag-aalangan.

“At papalitan ko na rin ang best man ko. Si Anil na ang gusto kong magiging best man.”

“Papalitan mo ang kuya ko?”

“Oo… ikaw lang naman ang nagdesisyon noon eh. Mas okay sa akin si Anil. Ang kuya mo kasi mejo may edad na, parang hindi bagay mag best man, parang tatay ko na.”

“Oh my! Magagalit ang kuya ko nito, sweetheart!”

“E di gawin na lang natin siyang isa sa mga groom’s men.”

“Eh… di s-sige. Ikaw ang bahala.”

“Ikaw na ang magsabi sa kanya. Ako ang magsabi kay Anil.”

Kinabukasan sa opisina, hindi nagreport si Anil. Nahiya raw. Naawa naman ako. Napansin kong ganyan talaga si Anil. Iyon bang mahina ang fighting spirit, madaling masaktan, madaling ma-discourage.

Kinulit ako ni Felix kung ano ang napag-usapan naming ni Marrie. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Nagkasundo kami ni Felix na pagkatapos ng trabaho ay pupuntahan ko si Anil sa bahay niya at kausapin sa nagign desisyon ko na hindi siya isesante at gagawin ko pa siyang best man sa kasal.

Sabay kami ni Felix na lumabas ng office. Sa kotse ko na rin siya sumakay pauwi ng bahay niya hanggang sa nakarating kami.

Noong una ay nag-inuman kaming tatlo ni Felix at Anil, nagkukuwentuhan. Sinabi ko kay Anil na hindi ko siya tatanggalin sa trabaho at na siya ang magigign best man ko. Natuwa naman siya. At pumayag na magiging best man bagamat kinumbinsi muna siya ni Felix na pumayag. Kaya masaya ang tagpo naming iyon. Parang iyon na iyong stag party ko, sina Felix at Anil ang aking mga kasama.

Nang medyo gabi na at ramdam kong malapit na akong malasing ay nagrequest ako kay Felix na kausapin ko na si Anil na kaming dalawa lang. Tumalima si Felix. Iniwanan niya kami.

“Kumusta ka na Kap?” ang tanong ko.

“Heto, okay naman, Kap.” Ang sagot niya.

“Ikakasal na ako bukas.”

“Oo nga eh.” Ang sagot niyang tila malungkot ang boses. “Sana ganoon pa rin, walang pagbabago.”

“Wala namang magbabago sa akin Kap. Baka ikaw, lalo na kung magka girlfriend ka na o mag-asawa.” Ang sagot ko.

“Hindi mangyayari iyan, Kap. Ikaw pa. Ang lakas mo sa akin…” ang sagot din niya.

Tahimik.

“Na-miss kita…” ang seryosong sambit, tiningnan siya sa mata sabay hawak ko sa kanyang kamay.

Hinayaan niya lang ang kamay ko habang hinawakan nito ang kamay niya. Tiningnan din niya ako. “Na-miss din kita, Kap.”

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. Hindi ko alam kung bakit gusto kong umiyqak sa sandaling iyon. “G-gusto kong humingi ng tawad sa iyo, Kap sa lahat ng mga nagawa ko sa iyo na nakapagdagdag sa iyong mga problema.”

“Ako rin, Kap. Pasensya na nakadag-dap problema ako sa iyo, sa kalagayan mo. Hayan tuloy, nag-away kayo ni Marrie.”

“Okay lang iyon, Kap. Kasalanan ko ang lahat. Damay ka lang dito. Iba kasi ang ugali ng babaeng iyon.”

Hindi na siya kumibo.

“Hindi ko malilimutan iyong mga nangyari sa atin, Kap.” Ang pagbasag ko sa katahimikan.

“A-ako rin Kap…”

“M-mahal mo ba ako?” ang tanong ko.

Doon na siya napangiti ng hilaw. Tinanggal niya ang kanyang kamay mula sa aking pagkakahawak. “Kap… ikakasal ka na. Kung sasabihin ko bang mahal kita ay hindi mo itutuloy ang pagpapakasal? At kung sakaling hindi mo man ituloy dahil, ipagpalagay nating mahal nga kita, ayoko naman ang ganyan. Ayaw kong magiging hadlang sa kung ano man ang mga pangarap mo. Mas gusto kong makita ka na masaya, kasama ang babaing siyang bubuo ng iyong pagkatao. Gusto kong makitang naabot mo ang ruruk ng tagumpay ng kaligayahan sa buhay, ma-enjoy ang pagkakataon na ka-bonding ang mga anak… at mararamdaman mo sa kanila kung paano ang maging isang ama.”

Natahimik ako nang sandali. “Pero di ba sabi mo na ang prinsipyo mo ay kapag ikaw ay nasa katotohanan, ikaw ay nasa tama, kung iyan ang iyong nararamdaman, dapat ito ay paninindigan? Maaatim mo ba sa konsyensya mo na ang iyong prinsipyo ay binali mo?”

“Kap… wala akong binaling prinsipyo. Katotohanan ang sinabi ko. Nasa tama ang paninidigan ko.”

“Huwag kang magsisinungaling Kap…”

“Hindi ako nagsisinungaling.”

“Kung hindi ka nagsisinungaling, tingnan mo ako sa mata. Sabihin mong hindi mo ako mahal.”

Tiningnan niya ako. “Hindi kita mahal.” Ang sambit niya.

Iyon lang. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan nang marinig sa kanyang bibig ang salitang iyon. Tumayo ako at nagpaalam. “Okay kung ganoon… see you na lang bukas sa kasal ko.” ang sambit ko na hindi man lang nagpaalam kay Felix.

Mula kina Felix ay dumaan ako sa isang restaurant at nagpabalot ng pagkain. Pagkagaling doon ay dumiretso ako sa lugar kung saan ko unang nakita sina Tay Mito at Nay Azon nang bisitahin sila ni Anil. Naroon pa rin sila. Binigay ko sa kanila ang dala kong pagkain. Nagkumustahan sandali at ipinaalam ko sa kanila na ikakasal na ako. Sinabi ko rin kay Tay Mito na pagkatapos ng kasal ay kukunin ko siyang janitor sa opisina, kasama ni Anil samantalang si Nay Azon naman ay ibabalik ko sa bahay. Tuwang-tuwa si Tay Mito at si Nay Azon. Hindi nila akalain ibabalik ko sila sa bahay at si Tay Mito, na magkakaroon pa ng trabaho sa edad niyang halos 70 na. Nakita ko naman kasing kaya pa niyang magtrabaho, at masipag siya.

Pagkagaling ko kina Tay Mito ay dumaan ako sa isang bar. Nag-order ako ng dalawang beer. Sa pagkakataong iyon ay gusto kong mapag-isa, magmumuni-muni, mag-isip. Iyon na ang huling gabi kung saan ay masasabi kong libre ako, single, walang responsibility. Binalikan ko sa aking isip ang mga bagay kung saan ay nai-enjoy ko pa ang pagiging single. Ngunit ang pinakalaman talaga ng aking isip ko ay si Anil. Bumabalik-balik sa aking isip ang mga masasayang araw namin, ang mga gala, ang saya na naramdaman ko kapag kasama siya. Pakiwari ko ay hindi lang siya isang ordinaryong kaibigan para sa akin. Tila mas mahigit pa ang aming connection sa isa’t-isa.

Umuwi ako ng bahay ng mga alas 12 na ng hating-gabi. Dahil nasa family niya natulog si Marrie, solong-solo ko ang kuwarto sa gabing iyon. Nang nakahiga na ako, hindi naman ako dalawin ng antok. Maraming bumabagabag sa aking isip. Tila may naghilahan sa loob ng aking utak. Naghalo ang excitement, ang saya at lungkot na hindi ko mawari. Pero ipinagkibit-balikat ko na lang ito. Sabi kasi nila, kapag ganoong ikakasal na ang isang lalaki ay ganyan daw talaga ang nararamdaman.

Nang tiningnan ko ang aking cp, maraming miscalls si Marrie. Tinawagan ko na lang siya. Nag-worry daw siya kung bakit hindi ko sinagot ang kanyang mga tawag. Naga-alibi na lang ako na nag-bar kami ng mga kaibigan, nag-stag party kumbaga. Tinanong din niya ako kung handa na ba ako. Syempre, sinagot ko siyang handa na at excited na rin.

Siguro ay may tatlong oras lang akong nahimbing. Nagising ako ng mga alas 4 ng madaling araw. Dahil alas 9 pa naman ang kasal, nag-work out muna ako sa aking mini-gym at pagkatapos ay naligo, nag-almusal.

Alas 8:45 nang dumating ako ng simbahan. Naroon na ang mga groom’s men, ang mga bride’s maid, mga sponsors, mga imbitadong bisita, pati na ang mga tauhan sa opisina. Tatlong tao na lang ang kulang – Si Marrie, si Felix, at si Anil.

8:55 nang dumating si Marrie. Sa suot niyang wedding gown, litaw na litaw ang kanyang ganda. Para sa akin, siya na ang pinakamagandang babaeng nakita ko. Bagay na bagay sa kanya ang pagkagawa ng kanyang suot. Dagdagan pa sa napakagaling na pagkaayos ng kanyang buhok at make up.

Sinalubong ko kaagad siya. Niyakap ko at hinalikan sa pisngi.

Wala pang tatlong minuto ay nakita ko namang dumating ang isang taxi. Nang lumabas ang mga sakay nito, nakita ko si Felix na pormang-porma sa kanyang suot na slax at polo barong. Napangiti ako, gusto ko sana siyang biruin na nagmukha siyang tunay na lalai sa kanyang suot. Ngunit hindi ko na naituloy pa ang biro. Bumulaga kasi sa aking paningin ang paglabas ni Anil sa taxi at mistulang na star-struck ako sa kanyang porma. Naka-tuxedo na kagaya ko, ang buhok na ang galing na pagkagawa, dagdagan pa sa isang lignt na make-up. Para siyang isang artista! Iyon ang pinaka-guwapong imahe na nakita ko sa kanya. Mistulang naalipin ako ng kapangyarihan at natulala na lang, napako ang tingin sa kanya. Lalo na nang nginitian pa niya ako. Ni hindi ko naalala kung sinuklian ko ang kanyang ngiti. Ang tumatak sa aking isip ay ang anyo ng kanyang mukha, iyong pamatay niyang ngiti at mga matang mistulang nakikipag-usap.

Naputol lang ang aking pagtitig kay Anil nang, “Sweetheart! Magsimula na ang kasal!”

“Ah, okay, okay…” ang gulat kong sagot na mistulang iyong biglang nagising mula sa malalim na pagkahimbing. Pumuwesto ako sa gitna ng entrance, ni hindi ko man lang nabati si Anil.

Naunang nagmartsa ang mga groom’s men na magkapartner sa bride’s maid. Hanggang sa si Anil na ang nagmartsa kapares sa bride’s maid. Naroon pa rin ang pagka star-struck ko sa kanya. Hindi pa rin mapigilin ang hindi matulala. Kahit nakatalikod siya sa akin habang nagmartsa patungo sa altar, hindi ko pa rin mawaglit sa aking isip ang kanyang mukha. Pati ang paglalakad niya ay nakakabighani. Lalaking-lalaki. Lalo na nang napadako ang aking paningin sa kanyang puwet, hindi ko maiwasang hindi maglaro sa isip ko ang mga pagkakataong nakita ko ang mga iyon, nilapirot ng aking mga kamay, nilalaro sa aking daliri ang butas sa gitna nito…

Muling nahinto ang aking pagkatulala ng, “Sweetheart, ikaw na ang sunod…” ang narinig kong sambit ni Marrie.

At doon ko na sinimulan ang aking pagmartsa patungo sa altar.

Maayos naman na nagsimula ang seremonya ng kasal hanggang sa dumating ang punto kung saan ay nagtatanong ang pari ng, “Kung sino man ang tutol sa kasal, maaaring magsalita na o habambuhay na bubulabugin ang inyong kapayapaan…”

Sa puntong iyon ay tila napakatahimik ng mga tao. Nilingon ko pa ang mga nakaupong mga bisita na nandoon. May mga nakatingin sa amin at ang iba ay nakitingin sa kapwa nilang nakaupo na mga bisita na tila nakiusyuso kung may tatayo ba at tututol.

Dahil wala namang tumutol, itutuloy na sana ng pari ang seremonya ng sa hindi inaasahan ay may narinig akong, “Ako po Padre, tutol po ako!” at boses lalaki ito!

Ramdam kong tila nagreact ang mga tao, iyong nagulat ngunit pilit na pinigilan ang mga boses. Napalingon akong bigla sa pinanggalingan nito. Lahat ng mga tao ay nakatutok sa taong tumayo… si Anil!

Mistulang sasabog ang aking dibdib sa aking nakitang nakatayo siya roon at halatang kinabahan, nininerbiyos ngunit buo ang loob. Nang magkasalubong ang aming mga tingin, nagpatuloy siya, “Kap… ayaokong maulit pa ang pagdurusa ko nang hindi ko pinanindigan ang aking karapatan, nang lapastanganin ang aking pagkatao. Ngayong tila mauulit na naman ito, gusto kong manindigan. Wala na akong pakialam kung kukutyain ako ng mga tao sa gagawin kong ito, Kap. Sanay akong pinagmamaliitan, sanay akong kinukutya, sanay akong nasasaktan. Handa akong harapin ang mga ito. Hahamakin ko ang lahat basta maiparating ko lang sa iyo ang tunay kong naramdaman. Mahal kita Kap… iyan ang totoo.” At baling sa mga tao, sumigaw siya, “Mahal ko po si Mr. Kevin Del Valle!”

Ramdam kong nangingilid ang aking mga luha sa ginawa ni Anil na iyon. Iyong awa sa kanya, iyong naramdaman ko sa kaloob-looban ko para sa kanya… Ngunit sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nakatitig na lang ako sa kanya. Biglang gumulo ang aking isip at hindi malaman kung ano ang gagawin. Pati ang pagbubulungan sa loob ng simbahan at nahinto, tila naghihintay silang lahat kung ano ang aking sasabihin.

Nasa ganoong katahimik ang lahat nang, “Hoy, bakla! Huwag mo ngang guluhin ang aming kasal! May paninidigan ka pang nalalaman! Wala kang karapatang guluhin kami! Gawain ng mga demonyo ang kabaklaan! Dapat ay malusaw ka sa simbahang ito! Mahiya ka sa balat mo!”

At dahil sa hindi ko pagsagot kay Anil, siya na ang gumawa ng paraan upang huwag akong mapahiya. Nakayukong tinumbok niya ang center aisle at dali-daling naglakad palabas ng simbahan.

“Hahahahahahahahaha! Baklaaaaaaaaaaaaaa!!!” ang umaalingawngaw na tawa ni Marrie.

Ngunit hindi ako natuwa sa pagtatawa at pagpapahiya ni Marrie kay Anil. Tiningnan ko si Marrie at ipinakita ko sa aking mukha ang aking pagkadismaya sa kanyang inasta.

“Sweetheart… sorry.”

“Hindi ganyan ang ini-expect kong pagtrato mo sa tao at sa loob pa man din ng simbahan, sa harap ng mga tao.” Ang bulong ko sa kanya.

“Sorry sweetheart! Sorry!”

“Itutuloy pa ba natin ang kasal?” ang tanong ng pari.

“Sige po Padre, ituloy niyo na po.” Ang sabi ni Marrie.

Tiningnan ko si Anil na kasalukuyang nasa pinto na ng simbahan at lumalabas na. May tila isang boses sa aing isip na nanghikayat na sundan ko siya.

Akmang hahabulin ko na sana si Anil nang hinawakan ako ni Marrie. “Sweetheart, ituloy na natin ang kasal. May surprise ako sa iyo, buntis ako!”

Doon ako nagulat at nasorpresa. At ang aking pagkalito ay napalitan ng ibayong tuwa. “Really???” ang sambit ko.

“Yes sweetheart. Magiging ama ka na!” Ang sagot ni Marrie na nakangiti pa.

Nilingon kong muli ang pintuan ng simbahan. Wala na si Anil. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. May kirot man sa aking puso, humarap muli ako sa altar.

Itinuloy ang seremonya ng kasal. Hanggang sa natapos na ito at sinabihan ako ng pari na”You may kiss the bride.” Hinalikan ko si Marrie sa gitna ng nakakabinging palakpakan ng mga tao.

Nakapirma na si Marrie sa mga papeles at ako na ang susunod. Nang hinawakan ko na ang ballpen upang pirmahan ko ang mga papeles, may biglang pumasok sa aking isip. Tinitigan ko ng matulis si Marrie.

“B-bakit sweetheart?” ang tanong niya.

“Ilang buwan na ba ang tiyan mo sweetheart?”

“Three months.”

“Six months ka sa Italy at nabuntis ka roon?” ang tanong ko.

Kitang-kita ko ang pagkagulat at pamumutla ni Marrie. Ngunit hindi ko na hinintay pang magsalita siya.

“You deceived me!” ang sigaw ko habang nagtatakbo akong lumabas ng simbahan at tinumbok ang isa sa mga nakaparadang taxi. “Sa Norte pare! Dalian mo lang please.” ang utos ko sa driver.

“Sweethearrrtttttt!!!” ang narinig kong sigaw ni Marrie na sumunod din pala sa akin sa labas ng simbahan.

Ngunit wala na akong pakialam sa kanya.

Wala pang sampung minutong umaandar ang taxi nang nakita ko sa gilid ng kalsada si Anil. Mabilis itong naglalakad na tila walang direksyon. Pinahinto ko ang taxi, binigyan ng 200 ang driver at dali-dali akong bumaba. “Anillll!” ang sigaw ko.

Nakita kong huminto si Anil sa kanyang paglalakad. Nang lumingon siya sa aking direksoyn, kitang-kita ko ang malungkot niyang mukha habang basang-basa ng luha ang kanyang mga pisngi dahil sa luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang mga mata.

Tuluyan na siyang huminto at humarap sa akin. Kitang-kita ko ang biglang pagngiti niya. Ramdam ko ang matinding kasiyahan sa kanyang mga mata habang nagpapahid siya ng luha.

Nagtatakbo ako patungo sa kanya. Tumakbo rin siya patungo sa aking kinaroroonan.

Ngunit nang abot-kamay na naming ang isa’t-isa, laking pagkagulat ko. Tila nag-slow motion ang lahat sa akin gisip. Imbes na yakapin ay itinulak niya ako, dahilan upang bumagsak ako sa semento. Nataranta ako sa kanyang inasal.

Tatanungin ko na sana siya kung bakit ginawa niya iyon ng, “Bang! Bang! Bang!” ang narinig ko. Tatlong putok ng baril ang aking narinig. At halos kasabay ng mga putok ay ang pagbulagta ni Anil sa semento, sa tabi ko. Kitang-kita ko ang pagtagas ng dugo mula sa kanyang dibdib, leeg, at bibig. Nakita kong tiningnan pa niya ako at pilit na inabot ng kanyang kamay ang aking mukha. Tila nagmamakaawa ang kanyang tingin. Tila nakikiusap. Tila may gusto siyang sabihin sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at ipinatong ko ito sa aking mukha. Naramdaman kong gumalaw pa ito, tila pilit na hinaplos ang aking pisngi. “Aniiiiiilllll!!! Aniiiiiilllll!!! Aniiiiiilllll!!! Aniiiiiilllll!!!” ang sigaw ko.

Nang tiningnan ko kung sino ang bumaril, si Marrie pala at kasalukuyang itinututok ang baril sa akin. Sinundan pala niya ako.

“Kung hindi lang pala tayo magkatuluyan… mabuti pang mamatay na lang tayong pareho!” ang sigaw niya.

Nakita kong kakalabitin n asana niya ang gatilyo ng kanyang baril ngunit mabilis na kinuyog siya nina Felix at mga kasama sa opisina na sumunod din pala sa akin. Dahil pinagtulungan, hindi na naituloy pa ni Marrie ang pagpapaputok sa akin. Nadakip siya habang si Anil ay agad naming dinala sa pinakamalapit na ospital.

***

ALAS 7:00 NG GABI, nagsiuwian na sina Felix at mga kasama naming sa trabaho sampo ng mga nakiramay at naghatid sa libing. Tahimik ang paligid at ramdam ko sa aking balat ang malamig at mahinang pabugso-bugsong ihip ng hangin. Makikita na rin ang buwan sa oras na iyon. Kung tutuusin, napakaganda ng panahon. Naalala ko pa noong ilang beses na nagkasama kami ni Anil at full moon din, gusto niyang mag tambay muna kami sa plaza. Naiisip niya raw kasi ang kanyang inay kapag ganoong kabilugan ng buwan. Naniniwala siya na kung saan man naroon ang kanyang inay, pinapanood din niya ang ganda ng gabi, ang ganda ng buwan. Kaya nagkakaroon sila ng connection. Simula noon ay palagi na kaming lumalabas kapag full moon. Iyon din ang dahilan kung bakit sa full moon namin inililibing si Anil. Naniniwala rin ako na kung san man siya naroroon, pinapanood niya ako; na hindi napatid ang tali ng aming mga puso. Masakit nga lang dahil sa ganoon kagandang paligid na iniilawan ng buwan, hindi ko na siya kasama.

Pinatugtog ko sa aking cp ang paborito niyang kanta –

You packed in the morning, I stared out the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way.

But I miss you more than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most
Left me just when I needed you most.

Now most every morning, I stare out the window
And I think about where you might be
I've written you letters that I'd like to send
If you would just send one to me.

'Cause I need you more than I needed before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most
Left me just when I needed you most…

Muling nanariwa sa aking isip ang sandali kung saan ay tinanong ko siya kung bakit niya paborito ang kantang iyan. Sinagot niya ako na may tao raw siyang mahal pero nararamdman niyang iiwan siya nito. At kapag mangyaring iiwan siya, hindi raw niya pipigilan ang taong iyon. Hindi raw niya hahadlangan.

Nang sinabi niya ito sa akin ay wala pa akong clue kung sino ang mahal niya. Kaya biniro ko siya ng, “Akala ko ba ay wala ka pang girlfriend! Ang daya mo ah! Tangina may itinatago ang best friend ko?”

Na sinagot naman niya ng, “Sa panaginip lang. Ito naman, hindi na mabiro…”

“Loko ka ah! Paniwala naman ako, pota!”

Tawa lang siya nang tawa.

Ngunit naging seryoso din ako. “Sana ay hindi mangyayari iyan sa atin.”

“Ang alin?”

“Iyong aalis ang isa sa atin na parang may hinanakit sa isa’t-isa, na hindi pipigilan ang pag-alis, at na magkataong kung kailan natin kailangan ang isa’t-isa ay saka naman mawala…”

“Hindi naman mangyayari iyan sa akin dahil ikaw ay pipigilan talaga kita. Ayaw kong basta masisira na lang ang pagiging magbest friends natin. Kung magkalabuan man, dapat may dahilan, may paliwanag kung bakit may problema.” Ang sabi niya.

“Mas lalo na ako!” ang sagot ko rin.

“At dapat ay pakinggan natin ang isa’t-isa.” Ang dugtong niya.

“Syempre!” ang sagot ko rin.

“Promise?”

“Promise!”

At nag-pinky swear kami. Ganyan naman palagi. Pinky swear.

Muli na namang bumagsak ang aking mga luha. “Ang sakit lang Kap. Nagtatampo ako sa iyo eh. Madaya ka. Sinira mo ang sinabi mo na pakinggan mo muna ako. Paano pa kita mapipigilan, ni hindi mo man lang ako kinakausap bago ka pumanaw… Hindi mo sinabing aalis ka na pala! Bakit mo ako iniwan?” ang paninisi ko.

“Pasensya na rin sa mga pagkukulang ko, sa hindi ko kaagad pag-admit na mahal kita. Marahil ay kung inamin ko ito sa sarili ko nang maaga at hindi ko na pinaabot pa ang araw ng kasal, hindi ito nangyari sa iyo. Pero ikaw din kasi Kap… hindi mo inamin kaagad na mahal mo pala ako. Hinintay mo pa ang araw ng aking kasal. Ang daya mo. Aaminin kong sa iyo ko lang naranasan ang umibig sa kapwa lalaki, at habang buhay ako Kap… ipangako ko sa iyo na panatilihin kong ikaw lang ang nag-iisang lalaki sa buhay ko.

Oo nga pala, gusto kong malaman mo na sina Tay Mito at Nay Azon ay tuluyan ko nang inampon. Balak ko ring magtayo ng charity para sa mga matatanda na katulad nila, kagaya ng sinabi mo sa akin isang beses na kung sana ay marami kang pera, gusto mong makatulog sa mga matatanda na walang matutuluyan. May mga lupa naman na iniwan ang aking mga magulang sa akin at ang iba rito ay hindi nagagamit. Magpatayo ako ng bahay-kalinga para sa kanila, Kap. At salamat sa pagmulat mo sa aking mga mata sa kagandahang asal ng kawanggawa, pagtulong sa kapwa, at kabutihang-loob. Saludo ako sa iyo riyan. Nagresign na rin pala ako sa kumpanya ko, Kap. Ang totoo, pag-aari ng mga magulang ko ang kumpanyang iyon. Gusto ko lang na magtrabaho kaya naisipan kong ako ang maghandle sa HRD. Si Felix ang nirecommend kong maging manager at ako, focus na sa aking charity work. Sana kung nandito ka pa, masaya sana tayong magsama sa kawanggawa na ito. Ang lungkot lang…”

Bago ako umalis ay pinagmasdan kong muli ang buwan. Maaliwalas ang langit, tahimik, payapa at lantad na lantad ang buwan. Tila nakiramay ito sa sakit na aking naramdaman, pinagmasdan ako na parang ipinadama sa akin na nariyan siya, at hindi ako nag-iisa.

Hinugot ko ang pinky swear na pinahulma ko galing sa aming mga maliliit na daliri. Sa araw ng kanyang pagkamatay ay nagpagawa agad ako ng dalawang molde na pinahulma ko sa aking maliit na daliri habang naka-lock ito sa kanya ring maliit na daliri. Ginawa kong pendant ang mga ito sa kwintas, ang isa ay suot-suot niya at ang isa naman ay suot-suot ko.

Hinugot ko rin ang maiksi niyang sulat na ginawa bago siya pumuntang simbahan sa araw ng aking kasal. Binasa kong muli ito –

“Dear Kap, masakit man na maging best man ng taong mahal, gagawin ko ito dahil gusto kong kahit papaano ay maipadama ko sa iyo ang suporta ko sa araw ng iyong kasal. Masakit na masakit para sa akin ngunit na masaya ako para sa iyo. Kung ito ang kailangang gawin upang ipadama ang suporta para sa taong mahal, kaya kong tiisin ang buong kahabaan ng misa. Kahit paulit-ulit na tadtarin ang puso ko, kahit ilang beses kong maramdamang pinapatay ang pagkatao ko, gagawin koi to para sa iyo. Ganyan kita kamahal, Kap… Kahit buhay ko ay handa kong iaalay kung kailangan... Oo nga pala Kap, tuluyan na akong magreresign sa kumpanya. Hindi ko alam kung saan patungo basta gusto kong lumayo… iyong malayong-malayong malayo na hindi ko na mararamdaman at maaalala pa ang matinding sakit ng kabiguan. Maraming salamat sa lahat, Kap. Mahal na mahal kita. Palagi mong alagaan ang iyong sarili, Kap. Sana ay magkita pa tayo sa bandang huli ngunit kung hindi man, tandaan mo palagi Kap na hangad ko ang iyong kaligayahan. Maligayang bati sa iyo, Kap. Nagmamahal, -Anil.”

“Saan ka man naroroon, Kap, gusto kong malaman mo na mahal na mahal din kita. Hihintayin ko ang araw na magsama tayong muli. Pangakong lagi kitang dadalawin dito, sa ganitong oras, sa ganitong kabilugan ng buwan.”

Isinukbit kong muli ang kwintas sa aking leeg. At habang naglalakad ako patungo sa aking sasakyan, patuloy kong pinakinggan ang paborito niyang kanta –


You packed in the morning, I stared out the window
And I struggled for something to say
You left in the rain without closing the door
I didn't stand in your way.

But I miss you more than I missed you before
And now where I'll find comfort, God knows
'Cause you left me just when I needed you most…


Wakas.

10 comments:

  1. Grabe naiyak ako sa sobrang lungkot. Ramdam ko ung sakit. Gago ka kasi boss . Tangina kung di dahil sayo sana masaya kayo ni Anil.

    ReplyDelete
  2. Ang sakit naman nung Ending :(

    ReplyDelete
  3. Sad ending pala,
    kahit sa kwento walang forever.

    ReplyDelete
  4. Sana may part 6 pa at panaginip lang nya na namatay si Anil.

    ReplyDelete
  5. Lahat na lang ng kwento ni Sir Michael Juha ay laging sad ending :( tae talaga
    Pede naman sila ang magkatuyan eh haissst

    ReplyDelete
  6. Sa dami ng paghihirap ni Anil
    namatay din siya

    ReplyDelete
  7. Ang galing niyo pong magsulat ng kwento sir Michael kaya idol ko po kayo
    Sana naman may happy ending din ang kwento mo yun bang nagkatuluyan ang mga bida hehe yung sa Idol kong si sir hindi naman sila nagkatuluyan eh :(

    ReplyDelete
  8. Isang taon yata akong di nakapagbasa sa mga kwento ni sir mike..bakit ganun unang basa palang heavy na...sakit sa dibdib..huhuhu sad ending..kaloka

    ReplyDelete
  9. Jushko....Sir Mike ,nawalan ako ng ganang maghapunan(9:45pm)sa kaiiyak. Bakit ganun....wala bang revised ending nito, katulad ng sa TOL, I LOVE U? Na kung saan buhay si Anil, kahit na hindi maging sila ni Kevin, basta buhay siya..huhuhu...salamat po sa kwento...John kim won

    ReplyDelete
  10. Maganda yong story, magaling yong writer, kaso bakit mo pinatay kakalungkot naman sad ending

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails