--
Point Of View
- C h a n -
"Oyy.. dito kayo nagtatambay ah? Kamusta yung klase kanina?"
Agad na sabi ko pagkadating ko sa may court.
"Chan, tagal mo naman. San kaba nanggaling?" si Jap.
"Umalis kasi kami, kauuwi nga lang eh. Asan si Jaydon? Siya katext ko kanina ah?"
Agad naman silang tumuro sa may court, paglingon ko..ayun nagbabasketball.. May mga kalaro.
Napangiti naman ako nang saktong makashoot siya, namiss ko ata talaga 'tong posteng 'to.
"Jaydon!!" sigaw ko.
Naglalaro siya ng walang damit. Lakas talaga makatrip. Papansin lang, kaya may mga nanunuod kahit laro-laro lang sila.
Napalingon naman siya sa gawi namin, at nang makita niya ako ay agad naman siyang tumakbo papalapit.
"Chan? Tagal mo naman." ngiti niya, namiss ko talaga 'to.
"Ang pawis mo oh.." pagpansin ko sa katawan niya. Agad ko namang hinagis sakanya yung makapal kong pamunas.
"Sakto noh?" ngiti ko nang punasan na niya yung katawan niya.
"Osya, aalis nako. Inutusan lang ako ng magaling kong kaibigan eh." paglingon ko pa sa dalawa.
Kita ko na agad namang nag-iba yung ekspresyon nila, lalo na si Jaydon.
Yung bang parang.. nadismaya na nalungkot bigla.
"Jaydon naman eh, hindi nyan ako makakaalis." patukoy ko sa ekspresyon niya.
"Pumunta kapa noh? Chan ah, bahala ka.. hindi na kita bibili ng fries." si Clark.
"Babawi ako sa inyo, sige sige.. bukas uwian bonding tayong apat. Kaya Jaydon? Yung mukha mo." pabirong pagsampal ko pa sakanya.
"Oo na, sige na alis kana." simangot naman niya.
"Arte ah?" natatawang sabi ko. "Basta babawi ulit ako, byee na guys.." at nagmadali na nga akong umalis.
Kailangan ko na talagang umuwi. Naghihintay si Kobe, nako baka awayin ako nun.
Ayaw ko mang iwanan si Jaydon, pero kailangan ko talaga na kaagad makauwi dahil naghihintay si Kobe.
Tumakas lang ako, ang alam niya sa kaharap na tindahan lang sa bahay niya ako bumili, pero tumakas talaga ako para makita sila Jaydon. Syempre, namiss ko siya eh :) tsaka naghihintay sila.
Mas lalo ko namang binilisan ang pagtakbo nang maramdaman ko yung sunud-sunod na pagvibrate ng phone ko.
Tumatawag na ang manok!
.....
"Ang tagal ah? Traffic ba sa labas?"
Bungad ni Kobe kapasok ko.
"Sa totoo lang oo eh." pagsakay ko sa pilosopong tanong niya.
"Chan, san ka galing?"
Seryosong tanong na niya. Dinaan ko nalang sa ngiti, kita ko naman na napaisip at kalaunan ay napailing nalang siya.
"Pasalamat ka talaga Chan, osya kain nalang tayo. Tapos pahinga kana Chan ah? Kailangan mong matulog."
Agad naman akong napasimangot sa sinabi niya.
"Pati ikaw matutulog Kobe."
"Chan kailangan kasi talaga naming ma..."
"Bahala ka nga. Sige alis kana." inis ko.
"Chan naman eh, praktis kasi namin yun. Next week na laban eh, laglagan na kasi yung laban namin."
"Kaya nga alis kana, pumunta kana dun."
"Oo na sige na, hindi na ako aalis, wala ng aalis. Magpapahinga sige."
Palihim naman akong natawa, napapaamo ko na siya. Hahaha
"Pero tabi tayong matutulog ah?" ngiti niya bigla.
"A-ayoko nga!" angal ko kagad.
Nako, kung alam niyo lang kung bakit. Sira ulo si Kobe eh!
"Ang daming gustong magpayakap sa akin, ikaw palang ata ang maarte na ayaw magpayakap sa akin."
Sinimangutan ko naman siya.
"Ikaw kayang yakapin ng sobrang higpit.. na ginawa kanang unan, na kulang nalang maging isa na yung katawan niyo sa sobrang higpit ng yakap." inis ko.
Kanina kasi bago kami nagbyahe pauwi dito sa Manila, natulog pa kami sa bahay eh.
Nako, pinakayakap-yakap niya ako.
"Oh edi ako nalang yakapin mo. Edi walang problema." pagtaas-baba pa ng kilay niya.
"Kobe magpraktis kana lang, katapos ng praktis sige.. dun kana lang magpahinga't matulog." pakikiusap ko kagad. Ayokong matulog na siya, change mind na ako.
"Chan."
"Kobe tumigil ka nga."
"Chan isa.."
"Kobe ang kulit mo!" naiinis na natatawa ko nang sabi.
"Osige na nga, bahala ka. Sabi nila Az sa akin na may mga nakatambay daw sa court niyan for sure, kaya baka may magpayakap sa amin mula sa mga nanunuod.. edi okay lang. Mas masaya."
Napapikit nalang ako.
Ako pa iinggitin niya?
Tsk tsk, si Jaydon ang gusto kong kayakap!
T-teka.. hindi papala kami nagyayakap noh?
Ahhh!!! Alam ko na! Yun ang pambawi ko! Yakap :) nung hinatid niya kasi ako kagabi sa may kanto tinanong niya ako kung pwede daw payakap.
Sayang nga eh -.-
Sabi ko hindi pwede, pero gusto ko naman eh. Nahihiya lang ako, baka kala niya niyan tuloy iniitsapwera ko siya.
Tsk! Dapat talaga makabawi ako sakanya. Tama bukas!! Bukas babawi ako :)
"Oy anong pangiti-ngiti mo dyan?"
Napa-"Hah?" nalang ako nang magsalita si Kobe. D-day dreaming? O.O
"Wala, namiss ko lang yung mga kaibigan ko." nasabi ko.
"Yung sila Jap at Clark? Or yung best friend mong mukhang paa?"
Agad naman akong napakunot sa sinabi niya.
"Mukhang paa? Alam mo sa totoo lang, mas mukhang paa ka pa nga kay Jaydon eh. Saglit nga lang.. tetext ko lang siya, baka nagtatampo na yung 'Bestfriend' ko." pagbigay diin ko pa sa salitang 'bestfriend.
Kanina niya pa inuulit-ulit yung bestfriend na yun.
Simula kagising namin kanina hanggang biyahe pauwi!
Buti nalang hindi na ako pumayag na magpahatid pa sa driver namin, nakakahiya kay manong yung kaingayan ni Kobe. Katsismisan.
"Jaydon.. pasensya na kung.."
Pagbasa ko pa sa tinetext ko.
Pasimple ko namang sinilip si Kobe, haha.. padabog na siyang kumakain xD
"Nakakawalang gana." at kalaunan ay sabi niya.
Natawa naman ako at lalo siyang nainis.
"Tara nga matulog na tayo." ngiti ko nalang, sira ulo talaga 'to.
Loko-loko talaga. Hindi ko alam kung ano yung pinapakita niyang ugali sa akin.
Selos-selosan? Nyahahah
-----
Point Of View
- J a y d o n -
Message: Jaydon, goodnight :) Pasensya na ah? Babawi talaga ako bukas, babawi talaga ako pramis :) matulog kana, pahinga ha? May klase pa, goodnight ulit :))
Kahit na nagtatampo ako kay Chan, konting ganito lang mula sakanya.. napapangiti na talaga ako.
Message: Good night din Chan :) Aasahan ko yung pagbawi mo! See you tomoro :)
Agad lang akong pumikit nang masend na yung text.
Si Chan talaga :)
......
"Good day maam.."
Sabay-sabay na pagpapaalam namin kay Mam.
Tapos narin ang klase.
"So san tayo Chan?"
Agad na sabi ko paglingon ko kay Chan.
Naalala ko tuloy yung kagabi, may isa pa siyang text. Wala sa sarili tuloy akong napanguso. Hahahaha
"Nakauwi naba sila Jap at Clark niyan? May klase sila diba?" biglang tanong ni Chan pagtingin niya sa akin.
Agad ko tuloy binawi yung nakanguso kong labi.
"A-ah ah ehh.. Kakatext lang, naghihintay na sila sa may harap. Hiniram niya ulit kotse nung amo ng tatay niya." pilit na pagngiti ko.
Nakakahiya. Nakanguso kasi ako nung hinarap niya ako. Hahaha
"Ang bait naman nung amo? Lagi nalang siyang nagpapahiram, hindi ba nasesermon tatay niya dahil sakanya?" kunot pa ni Chan.
Nako, ang hirap magsinungaling. Haha
Ayaw kasi namin na makilala kami dito sa Manila bilang mayaman eh, gusto namin simple lang.
"Ahh basta.. tara na?" pagtayo ko na at pagkuha sa bag ko.
Baka mabuking pa kami kapag nagtanong-tanong pa siya.
Napangiti naman ako nang tumayo narin si Chan.
"Jaydon saglit lang ah? Magpapaalam lang ako." sabi niya at agad na nga siyang naglakad.
Papunta siya sa pwesto nila Kobe.
Nakaka-badtrip talaga 'tong Kobe na 'to. Bestfriend sila? Eh sa pangit ba naman ng ugali niya.. sila magbestfriend? Aysus.
Sabagay, kahit rin naman ako eh.. hindi rin maganda ugali ko. Sa mga pinsan ko at kay Chan lang ako mabait.
Hindi ko lang talaga pinapakita yung tunay na ugali ko.
....
"Ang swerte naman niya, nagpapaalam kapa sakanya." pabirong sabi ko nang naglalakad na kami ni Chan palabas ng school.
"Kapag hindi kasi ako nagpaalam, lagot ako. Lam mo na.. bestfriend." ngiti niya.
At sa nakita ko nalang na pumunta siya sa may likuran ko saka ako tinulak.
"Bawal magselos. Bilis na.."
Agad naman akong natawa sa sinabi niya.
Pero sa kaloob-looban ko.. napalunok ako. Tsk
"Ba't naman ako magseselos?" tanong ko habang napapasabay ako sa tulak niya.
"Syempre diba bestfriends din tayo sabi mo?"
Hindi nalang ako sumagot at hinayaan nalang siyang tulak-tulakan ako.
Tsaka.. Hindi naman tayo mag-bestfriend Chan eh, couple tayo.. Couple.
Nyahaha
-----
Point Of View
- C h a n -
"I-isa pa.."
Pareho naman kaming napailing ni Jaydon sa sinabi ni Clark.
Mga lasing na!
Alas-sais palang ng gabi, ayun.. lasing silang dalawa ni Jap. Ang hihina pala sa alak.
Eto namang si Jaydon, ayun.. tipsy. Medyo nakainom narin.
Ako nalang ang matino, hindi kasi ako uminom. Hindi ko naman hilig eh.
"Guys, bili lang ako ng pagkain dun sa may ministop." paalam ko katayo ko.
"G-gutom ka nanaman Chan?"
Agad na reaksyon ni Jap.
"Sipain ko kayo eh, ginawa niyo akong taga-tagay tapos taga ayos pa ng mga pagkain niyo, ayan nagutom ako." pabirong sabi ko, tumawa naman sila.
Ginawa nila akong alalay! Pasalamat sila at mababait sila sa akin, hindi katulad sa ibang tao.. hayop ugali nila sa mga taong ayaw nila eh. Haha
"Samahan na kita Chan, ang dilim na masyado sa labas oh.. parang uulan pa." pagtayo rin ni Jaydon.
Nakuha ko pa siyang mahawakan sa kanyang baywang at balikat.
"Jaydon lasing kana ata eh." agad na sabi ko nang halos payakap ko na siyang sinalo.
"'Di Chan, nahihilo lang ako." ngiti niya at paghawak sa magkabilang balikat ko.
Alam niyo yung pakiramdam na.. ang sarap sa pakiramdam kasi, yung bang isang matangkad na tao, tapos hinahangaan pa siya.. tapos lasing siya na mahihilo siya tapos sa'yo siya babagsak. Yung bang, maiisip mo na ang swerte no dahil malapit na malapit kayo sa isa't-isa.
"Jaydon.. dyan kana lang. Nahihilo kana eh, sabi ko naman kasi hwag kanang uminom. Ang bata-bata naglalasing." mahinahon na sabi ko, para sumunod siya.
P-pero mukhang walang epekto eh. Umiling-iling kasi siya.
"Kaya ko pa. Oh.. oh diba? Oh.." ngiti niya habang nag stretch stretch pa siya na ikinatawa ko naman, with action pa kasi, haha
Nakakatuwa. Nakangiti siya tapos dahil siguro sa kalasingan kaya ang pupungay ng mga mata niya.
Napapailing nalang akong naglakad, pastretch-stretch parin kasi siya eh.
Hanggang sa inakbayan niya ako.
"Chan hindi mo ba naaalala yung pramis ko?"
Biglang tanong niya nang makalabas kami sa gate ng apartment na tinitirhan nila.
"Ano yun? Pramis?" kunot ko.
"Ehh.. diba sabi ko matulog ka sa hapon tapos tatangkad ka. Tignan mo kaya oh, walang improvement yung height mo." natatawang sabi niya na ikinasimangot ko naman.
"Oh Chan, biro lang. tumangkad ka naman eh.. mga half an inch." at pagmuwestra pa niya sa dalawang daliri niya kung gaano yung tinaas ko.
Nakuha ko namang magulat nang biglang kumulog ng napakalakas, yung may kasamang kidlat. Yung bang may impact talaga.
"Chan. Takot ka pala sa kulog at kidlat?"
Rinig kong agad na sabi naman ni Jaydon.
"Hindi. Nagulat lang." nahihiyang sabi ko.
Hindi naman ako takot, nagulat lang talaga. Haha
Mukhang uulan talaga, madilim masyado.. malaki yung kaibahan ng nagdidilim dahil sa maggagabi na at nagdidilim dahil sa pag-ulan.
"Osya saan na nga tayo kanina?" segway ko, haha
"Yun nga, yung tungkol sa pramis ko. Half an inch, pero sabagay.. art of balance?" nagtatanong na tono niya, pero nakangisi.. halatang nang-iinsulto.
Ganito pala 'to kapag medyo lasing.. pinagtitripan niya ako. Pasalamat siya matangkad siya, haha
"Eh ikaw ba? Naaalala mo yung pramis ko?"
Sabi ko habang patuloy lang kami sa paglalakad.
"Pramis?" rinig kong tonong naguguluhan niya.
Kagabi kasi may tinext pa ako sakanya eh.
"Lasing kana nga ata talaga. Tara na nga. Buti nalang hindi mo na naaalala."
At sa pumunta na nga ako sa likod niya saka siya marahang tinulak. Paborito ko 'tong ginagawa sakanya eh. Haha
Kailangan narin naming magmadali, mukhang malakas na pagbagsak ng ulan ang mangyayari.
Napasunod lang siya sa tulak ko.
Buti nalang at mala-subdivision talaga dito, hindi masyadong matao.. sa may bandang pa-court pa ang mga tao.
Dahil kung madaming tao, nakakahiya dahil parang bata lang kami ni Jaydon na nagtutulakan, haha
Hanggang sa naramdaman ko nalang ang biglang pagpigil niya mula sa pagtutulak ko sakanya.
"C-Chan.. naaalala ko na." masayang sabi niya pagkaharap niya sa akin.
Parang nawala naman yung lasing niya.
"Nako, kaya pala nanahimik ka.. yun lang pala iniisip mo." natatawang sabi ko.
Ewan pero bigla akong ninerbyos. Hindi kona pala dapat binanggit pa. Patay.
"Yung dare?" excited na sabi pa niya na ikinapikit ko.
Hindi naman sa ayaw ko pero.. nakaka-nerbyos talaga. Ewan, basta.
Pero.. nung tinext ko naman kagabi yun, galing talaga sa akin. Para naman makabawi ako.
"Oo yun nga." ngiti ko.
"Pero diba sa cheeks nalang, kasi bawal sa lips?" tanong niya.
Tumango lang ako.
Nakuha ko namang magulat muli nang biglang kumulog nanaman ng napakalakas.
Napatingin pa ako sa may kalangitan katapos nun.
Ang dilim dilim, yung bang nakakatakot tignan pero sa pakiramdam mo.. wala, walang nakakatakot.
Weird, weird.
"Chan pwede ngayon na?"
Rinig kong sabi ni Jaydon kaya naman napatingin ako sakanya.
"H-hah? D-dito? Jaydon naman.." hindi makapaniwalang sabi ko.
Parang tanga si Jaydon, sabagay.. nakainom kasi eh.
"Yan eh, babawi tapos wala naman. Tsaka wala namang tao dito eh oh.. sakto padilim pa. Pero sabagay, ayaw mo naman."
"Ang drama naman, ang dami mo ring sinasabi.?" kunot ko.
"Edi wag na, tara na nga." simangot niya at naglakad na nga siya.
L-lasing ba talaga 'to?
"Sige na sige na.." napipilitang sabi ko.
Ayos naman sa akin eh, kaso naman kasi nasa daan kami.
Kita ko na agad naman siyang humarap sa akin, nakangiti pa.
"Jaydon naman eh, lasing ka kasi eh.. para kang baliw." naiinis na natatawang sabi ko.
"Hindi nga.. oh.. oh.."
Ngiti niya at pa-stretch stretch nanaman siya.
Natawa pa ako.
"Osige na sige na, sa cheeks ah? Pipikit nako." nakangiting sabi ko na at pagpikit ko na nga.
Alam niyo yung pakiramdam na nakangiti ka habang nakapikit, napapangiti ka kasi ninenerbyos na nae-excite.. basta ang gulo ng nararamdaman ko ngayon.
Baliw naba ako?
"Oy ang tagal? Sisipain kita naninikal na mata ko." nasabi ko nalang nang maramdaman na parang walang nangyayari.
Nakapikit parin ako, basta heto na.. nandito na.
Muli, isang napakalakas na kulog nanaman ang namayani, nanatili lang akong nakapikit.
Katahimikan
Isang katahimikan ang namamayani sa pagitan namin ni Jaydon, nararamdaman ko na nakatingin lang siya sa akin.
Tanging mahihinang pagkulog ang naririnig ko, naging mahangin narin.
At sa naramdaman ko nalang na may dumampi na saktong-sakto sa labi ko na talaga namang ikinagulat ko.
Hanggang sa kasunod nang pagdampi ng labi niya sa labi ko ay siya namang naramdaman kong sunud-sunod na pagpatak.
Ulan.
Ewan pero nang maalala ko yung kwento nung dalawang langgam sa kalagitnaan ng ulan ay parang may nagtulak sa akin na gumanti sa ginawang paghalik sa akin ni.. Jaydon.
A-ano 'to? B-ba't ang sarap sa pakiramdam?
Anong nangyayari sa akin?
Ano 'tong nararamdaman ko?
Ano 'tong ginagawa ko?
P-pero.. ba't parang may parte sa akin na gusto ko ito? Na kung saan ayaw ko nang matapos pa itong tagpong ito.
-----
Point Of View
- J a y d o n -
Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong...
Mahal ko na ata si Chan?
B-bakit ganito? Alam kong walang pag-asa pero bakit iba yung nararamdaman ko mula sa mga halik niya?
Halos ilang minuto nang magkadikit ang aming labi nang agad na akong kumawala at tumalikod mula sakanya.
Nanginginig ako, parang nakaramdam ako bigla ng takot.
Isabay pa yung unti-unting paglakas ng ulan na siya talagang nagpapanginig sa akin, pati na ang nangyayari.
At sa mabilisan ulit akong humarap sakanya.
"Chan s-sorry.. sorry Chan. H-hindi ko sinasadya, nadala lang ako." mabilis na sabi ko.
Nakikiusap rin ako, agad ko ring hinawakan yung mga kamay niya.
"Magkaibigan parin tayo diba? H-hindi ka naman galit sa akin diba? Pramis Chan hindi na mauulit, hindi narin kita kukulitin.." pakikiusap ko pa.
Sobra akong natakot at nakonsensya sa ginawa ko.
Dahil sa nakahawak ako sa kamay niya, alam kong ramdam niya yung panginginig ko.
At sa muli, isang napakalakas na pagkulog ang nangibabaw.
Kita ko na muli siyang nagulat at napatingin pa sa kalangitan.
"Istorbo yung ulan noh?"
Bahagya akong naguluhan sa sinabi niya, tsaka.. ba't parang wala siyang reaksyon?
"Chan?" bulong ko sapat na para marinig niya.
"Jaydon, hwag kanang mag-alala ha? Pasalamat ka lasing ka.. tara na nga, naligo na tayo sa ulan oh.. uwi na tayo." nakangiting sabi niya at agad na nga siyang pumunta sa likod ko tsaka ako muling tinulak.. napasunod nalang ako.
Pauwi na ulit kami.
Napasunod nalang ako sa pagtulak niya, parang nablangko din ata ako.
Ang gulo, naguguluhan ako kay Chan.
Ewan pero nawala yung takot na baka magalit at lumayo siya sa akin dahil sa ginawa ko.
At sa nakita ko nalang yung sarili ko na nakangiti.
Hanggang sa pwersahan ko siyang inakbayan at saka hinila pabalik.
"Bibili kita ng pagkain, baka magwala ka kapag napatagal yang gutom mo." ngiti ko.
"Basa kaya tayo.."
"Hayaan mo.. basta Chan salamat.."
-----
Point Of View
- K o b e -
"Oy bata!.... bakit hindi ka sumilong? Kanina kapa nakatayo dyan! Basang-basa kana oh.. baka magkasakit ka."
Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa may likuran. Kilala ko ang sumigaw, yung may-ari ng tindahan sa lipat daan.
Nakatanaw lang ako sa bahay ko.
Blangko
Akala ko katulad sa mga napapanuod ko sa TV ay mag-iiyak iyak ako, magmumukmok, maglalasing.. h-hindi pala.
Basta nakatingin lang ako sa bahay, habang bumabagsak ang napakalakas na ulan.
Hindi rin ako umiiyak. Hindi ko alam kung bakit.
Alam niyo yung pakiramdam na gusto mong umiyak, gusto mo na may sumalo ng sakit at inis na nararamdaman mo, na gusto mong makausap yung taong dahilan ng pinuproblema mo ngayon.
Pero wala. Plain.
Hindi ko alam kung bakit ganito na parang wala akong nararamdaman, pero sa kaloob-looban ko'y nasasaktan ako't gusto kong umiyak.
Alam niyo ba yung pakiramdam na ang sakit sakit, na para bang napag-iwanan ka at sobrang na-agrabyado ka.. yung ganung pakiramdam.. Ang hirap.
Ang sakit
-----
Point Of View
- Third Person's -
"A-apo.. diba kabasketball mo yung nakatira sa harap ng tindahan?"
Agad na pagpansin ng isang lola sakanyang apo.
"Opo. Si Kobe po yun." simpleng sagot nito.
"Kilala mo ba mga kasama niya? Yung laging umaawat sakanyang manigarilyo kapag nandito sila aa tindahan.."
Tumango lang ang bata sa tanong nito.
"Itext mo nga apo, papuntahin mo sila. Nakakatakot yung ulan sa labas, ang dilim dilim pa.. kanina pa nakatayo yung kabasketball mo.. dali apo.."
Naguguluhan man ay agad nitong sinunod ang utos ng lola niya.
------
"K-Kobe!!.."
Agad na sigaw ng dalawa kababa nila ng trike, si Az at Dennis.
"Tol anong nangyari? Anong ginagawa mo?"
Ang agad na pag-aalala ni Az nang mapayungan niya ito.
"Anong problema? Kobe?" tanong pa ni Dennis nang mahawak niya sa magkabilang balikat si Kobe.
Kahit umuulan, halatang-halata ang pamumula ni Kobe.
Unang tingin palang, alam na nila kapag may mali kay Kobe.
.....
"May sakit?"
Mahinang pagtatanong ni Dennis nang makalabas si Az mula sa kwarto ni Kobe.
"Wala man, napano kaya siya? Nakatulog kagad oh, buti naayusan pa natin."
Pag-aalala ni Az habang pareho silang nakatingin kay Kobe na natutulog sa higaan nito.
"Ba't kaya ayaw niyang pumasok ng bahay kanina?" naguguluhang tanong pa ng isa.
"Ganito nalang, tawagin natin si Chan. Para may kasama tayong magbabantay sakanya. Wala naman siyang sakit pero ang bigat ng dating niya eh."
"Diba may lakad yun?"
Saglit namang napaisip si Az..
"Ay basta, kailangan siya ni Kobe. Kahit gaano pa kalakas yang ulan na yan, pauuwiin natin si Chan." determinadong sabi nito at saka na nga niya inilabas ang phone niya.
-----
Point Of View
- C h a n -
"Guys uwi na ako ah? Oras nadin."
Agad na paalam ko pagkalapit ko sa pwesto nila Jap.
"Ang aga naman Chan? Dito ka muna, si Jaydon ba nasan?" agad na sagot ni Clark.
"Naliligo pa eh, pakisabi nalang nauna na ako. Kailangan talaga eh.. p-pasensya na."
"Chan naman, ang aga pa kaya. Mag-aalas otso palang oh."
"Kailangan na talaga eh. Tsaka tumigil narin kayo sa kakainom, may klase pa bukas." pilit na ngiti ko.
Kita ko na nakukumbinsi na sila kaya naman agad ko nang kinuha yung bag ko.
"Pakisabi kay Jaydon balik ko nalang bukas 'tong damit niya ah?" patukoy ko sa suot ko. "Salamat.."
Kauwi kasi namin dito sa inuupahan nila ay sinabihan niya ako na maligo, dahil nga sa galing kami sa ulan.
At ngayon, bago umuwi ay binilinan ko pa ang dalawa.
.....
"Dyan dyan po.." agad na pagturo ko sa tricycle driver kung saan ako bababa.
Pagkabayad ko ay agad na akong tumakbo papasok ng gate.
Bahala na kung mabasa pa sa ulan.
Tumawag kasi sila Az kanina eh, nasa bahay daw sila at may problema daw.
"Oh.." ang wala sa sarili kong nasabi nang maabutan ko sila sa sala na nakaupo.
Napalingon naman ako sa tinuro nila.
"Napano?" pabulong na sabi ko na nang makita ko si Kobe na nasa may kwarto niya at kumakain.
Nagkibit balikat naman yung dalawa.
"Kagigising lang niya." mahinang sabi pa ni Dennis pagkalapit ko sakanila.
"Ano bang nangyari?" pagbulong ko rin.
Wala akong kaide-ideya eh. Tapos hindi ko pa maintindihan kung bakit napakatahimik ng bahay.
Eh maiingay 'tong mga 'to kapag magkakasama eh.
"Ewan?" sabay na sabi pa ng dalawa.
Ay ang gulo.
Agad lang akong naglakad papunta sa kwarto ni Kobe.
"Kobe?"
Pagngiti ko.
Agad ring nawala yung ngiti ko nang mapansin yung dating ng mukha niya.
"Uy Kobe? A-anong nangyari sa'yo, may sakit kaba?"
Agad na pag-aalala ko nang makalapit ako sakanya at matignan ang noo't leeg niya.
Tumingin naman ito sa akin.
"Chan pwede? Dun ka muna sa labas? Wala ako sa mood."
Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya, nag-iwas rin siya ng tingin.
"Kobe? N-napano ka?" kalaunan ay pag-upo at pagtabi ko na sakanya.
Ba't parang namumula siya? Napano siya?
"Kobe anong nangyari sa.."
"Diba sabi ko tumigil ka muna? Labas."
*Katahimikan
Na-speechless ako.
W-wala ako masabi.
Wala sa sarili nalang akong napatango saka dahan-dahang tumayo.
A-ang sakit. Alam niyo yun?
Yung bang hindi ko alam kung bakit ganyan siya bigla?
Agad lang akong tumalikod mula sakanya.
Pasimple ko namang pinunasan yung namumuong luha ko nang mapansin ko na nakatingin pala sa akin yung dalawa, halatang nagulat rin sila.
Ang babaw talaga ng luha ko.
Napano naman kasi Kobe? Ba't pinapaiyak niya ako?
Itutuloy
Bitin nanaman pde next chapter n ung d bitin
ReplyDeleteAng ganda ganda talaga ng story mo 😍😍😍😍 Thumbs up sayo author 👍
ReplyDeleteUpdate ASAP pleaseeeeee....
#Anatiara
pinakamasakit na part na ito..., pero kay tenten parin ako.... pag subok lang to kaya dasal lang dasal lang talaga....., neeeeeext...,
ReplyDeleteauthor tagal ko hinintay ng update mo, update kana ulit haha salamat!! :D
ReplyDelete-francis
wla pang update naloloka na ako kakabasa :)
ReplyDeletenakakaloka update po pls
ReplyDeleteNakakaloka Update nmn po gstu na na mabasa karugtong aheheh thanks po
ReplyDeleteuntil now wala pang update..,ano toh bibitinin na naman gaya ng dati tas ibabalik uli s chaprer 1..? PAASA
ReplyDeleteBago lang ako dito at sileent reader lang sana ako kaso antagal po talaga ng update >_<
ReplyDelete//ghost