Followers

Friday, February 26, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 11-17

Follow me on WattPad. Look for PeterJDC. I usually post updates on Watty first.










Chapter 11

Nadatnan ni Errol na nasa silid si Nathan kasama ang nobya nito. Dahil tila ay naglalampungan sila, napagpasyahan niyang iiwan muna sila. Hindi siya masyadong pamilyar sa Taguig kaya naman ay naglakad-lakad ito hanggang makarating sa isang parke na hindi naman kalayuan sa inuupahan. Doon ay umupo ito at tiningnan ang mga tao sa paligid. Maya-maya ay may tumabi kay Errol. Hindi niya naman ito nilingon hanggang sa magsalita ito.

“Nag-iisa ka yata.”

Napalingon si Errol. Nakita niya ang nakasombrerong lalaking matipuno na may suot na hapit na t-shirt. Sumagi sa isip niya si Ivan noong una niya itong nakita. “Nagpapahangin lang.”

“Ako rin nagpapahangin,” saad ng lalaki na ngumiti sa kanya.

Napangiti na rin si Errol dito.

“Mike.” Iniabot nito ang kanyang kamay.

“Errol,” sagot ni Errol at nakipagkamay sa estranghero kahit may agam-agam. Nagulat na lang siya nang biglang ipatong ng lalaki ang kamay sa kanyang hita at tiningnan siya nito nang malagkit. Ginalaw ni Errol ang hita at umiba nang tingin, ngunit hindi inalis ng lalaki ang kanyang kamay. Tumayo si Errol.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ng lalaki.

Natakot si Errol. “Ah, eh... Uuwi na. Gabi na kasi.”

“Wala pa ngang alas nwebe, o,” masuyong saad ng lalakig inakbayan si Errol.

Inalis ni Errol ang pagkakaakbay, ngunit inakbayan ulit siya nito.

“Ayaw mo ba?” tanong nito.

“Ha?” tanong din ni Errol na napangiwi.

“Pampalipas libog lang. Sige na,”

Dinig ni Errol ang tila nagsusumamong boses ng lalaki.

“Pangit ba ako?”

“Hindi naman sa ganon pero di kasi kita kilala.”

“Di rin naman kita kilala eh,” bulong ng lalaki. “Sige na.”

Nakikiliti si Errol ngunit ayaw niyang magpadala sa panunukso ng lalaki. “Wala kasi akong pera.”

“Hindi naman ako nagpapabayad, eh.”

“Wala rin akong pangmotel.” Pilit na inaalis ni Errol ang pagkakaakbay ng lalaki sa kanya.

“Kahit diyan lang sa tabi, tol. Sige na. Di ka magsisisi, malaki ‘tong akin.”

“Ah, eh... Sige, alis na ako.”

Hinila siya ng lalaki. “Hawakan mo pa, o.” Tinaas ng lalaki ang laylayan ng kanyang t-shirt.

Nakita ni Errol ang mapula nitong mga utong at ang flat nitong tiyan na may kaunting buhok na na kumapal papunta sa ibabang bahagi. Kahit na humihindi siya ay nakakadama siya ng init sa katawan. Agad na kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at dinala ito sa kanyang harapan. Ramdam ni Errol ang bukol.

“Sabi ko na nga ba, gusto mo rin, eh.” Malagkit pa rin ang tingin ng lalaki kay Errol.

Giniya pa ng lalaki ang kamay ni Errol sa kanyang harapan, ngunit nagpumiglas na si Errol. “Ah, sige, uuwi na talaga ako.” Nasa tabi na sila ng daan. Nahihiya si Errol dahil may mga dumadaan.

“Wag muna! Libog na libog na ako, eh.” Nagmatigas na ang lalaki. Hinigpitan nito ang akbay kay Errol at mas diniin ang kamay niya sa pundilyo nito.

Pilit na kumalas si Errol sa pagkakaakbay ng lalaki, ngunit hindi siya makakalas. Napangiwi na siya dahil sa pilit na pagkawala at sa hiyang nararamdaman sa ginagawa ng lalaki. Natatakot siya sa maaaring mangyari.

Walang anu-ano’y may biglang pumaradang sasakyan sa tapat nila. Biglang bumaba ang sakay nito at agad na inundayan ng suntok ang lalaking nakaakbay kay Errol. Nagulat si Errol sa bilis ng mga pangyayari.

“Putang ina!” sigaw ng lalaking kanina’y nagpakilalang si Mike at inundayan din ng suntok ang lalaking galing sa sasakyan, ngunit nakailag ito.

“Manyak kang puta ka!” Sinikmuraan niya ang lalaki. Pagkatapos ay sinipa ito sa tuhod na ikinatumba nito. Pagkatapos ay tinadyakan niya ito sa dibdib.

Doon lang napagtanto ni Errol kung sino ang bagong dating na lalaki. “I-Ivan?” Agad niya itong inawat. “Ivan, tama na ‘yan! Tama na! Huminahon ka!”

Ngunit tila hindi napansin ni Ivan si Errol. “Hoy, pucha kang hayop ka! Wag mong minamanyak ‘tong kaibigan ko!”

Nakita ni Errol na tatayo pa ang lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito kay Ivan habang nakahawak sa dibdib nito.

“Ano? Lalaban ka pa?” Pinandilatan ni Ivan ang lalaki na agad itinaas ang dalawang kamay habang pilit na tumayo.

Nakita ni Errol ang matalim na tingin nito sa kanila ni Ivan bago maglakad papalayo. Lumingon sa kanya si Ivan. Noon niya lamang nakita ang ganoong galit na ekspresyon sa mukha ng lalaki.

“Pumasok ka sa kotse!”

“I-Ivan?”

“Pasok sabi!”

Parang maamong bata si Errol na sinunod ang utos ng amo. Pumasok ito sa loob. Nanlalamig siya, at hindi dahil sa air conditioning ng sasakyan ni Ivan. Nakita niyang pumasok ito at padabog na kinabig ang pinto. Ngayon lang nakita ni Errol na ganoon kagalit si Ivan. “Ivan?”

Hindi nagsalita si Ivan. Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang kotse. Tumigil sila sa isang lugar na walang katao-tao.

Katahimikan.

Dinig ni Errol ang mabilis at malalim na mga paghinga ni Ivan.

“Ilang beses kitang hinanap-hanap dito tapos ganito lang pala madadatnan ko.”

Natigilan si Errol sa sinabi ni Ivan. “Hinahanap mo ako?” Ngunit hindi siya sinagot ng lalaki. Matagal itong tumahimik habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Kita ni Errol ang tila galit na ekspresyon nito sa mukha, ang tensiyon sa kanyang panga. Natatakot siya. Narinig niya itong nagsalita muli.

“Malaki ba?” tanong ni Ivan. Buo ang boses nito. Malumanay ngunit nagbababala. Nakatingin ito sa malayo.

“Ivan?” Kinakabahan si Errol.

“Malaki ba ang kanya?”

“Ano?”

“Nagmamaang-maangan ka pa. Kaya ka pala umalis sa inyo para malaya ka nang makalandi.”

Nagulat si Errol sa inasal ni Ivan. “Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?” kunot-noong tanong ni Errol na lumingon na kay Ivan.

Lumingon si Ivan sa kanya. Galit ang mga nakadilat nitong mata sa kausap. “Bakla ka, di ba? Bibigay ka rin pala.”

“Ivan, ano ba ‘yang pinagsasasabi mo? Hindi ko kilala ‘yon! Bigla na lang lumapit.”

“Ah, ganon. Biglang lumapit tapos pinahipo ang harapan sa’yo tapos ikaw naman humipo rin. Kunyari pakipot ka pero bibigay ka rin pala.”

“Ano!” bulalas ni Errol dahil sa pagkabigla sa mga nasambit ni Ivan. “Kung alam mo lang kanina pa ako nagpupumiglas. Gusto kong kumawala sa pagkakaakbay niya pero malakas siya.”

“Ang sabihin mo, gusto mo ‘yung ginagawa niya. Sorry, Errol, ha, basag-trip yata ako.”

“Ivan, bakit ganyan ka magsalita ngayon? Kilala mo naman ako, di ba?”

“Kilala nga ba kita? Marahil katulad ka lang din ng ibang kabaro mo.”

Nanliit ang tingin ni Errol sa sarili sa mga narinig mula kay Ivan. “Ang sakit mong magsalita.” Nangingilig ang luha sa mata ni Errol. “Bababa na ako.”

“Bakit, totoo naman, di ba?” Biglang tinanggal ni Ivan ang butones ng kanyang polo.

“Ano’ng ginagawa mo?”

“Di ba, gusto mo ito?” Niluwagan ni Ivan ang kanyang sinturon at binuksan ang kanyang pantalon at binaba ito kasama ang kanyang salawal.

Tumambad kay Errol ang ari ni Ivan. “Ivan...” Umiling ito.

“Di ba ito ang gusto mo? Ano, patitigasin ko ba para sa’yo?” Nilaro ni Ivan ang alaga hanggang sa tumigas ito. “Malaki, di ba? Oh, sige na sunggaban mo na!”

“Ivan, ano’ng ginagawa mo?”

“Di ba... Di ba sabi ko sa’yo noon willing ako, pag ready ka na willing ako? Di ba ito ang gusto mo?” bulalas ni Ivan.

Umiling si Errol. Tumulo na ang mga luha nito.

“Sige na! Wag ka ng pakipot. Kung hindi pa kita nakita malamang nilalapa mo na ‘yung hayop na ‘yun.” Hinila ni Ivan ang damit ni Errol upang lumapit ito sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at dinala ito sa kanyang dibdib. “Himasin mo ang katawan ko, Errol.” Giniya niya ang ulo ni Errol at pilit na inilapit ito sa kanyang ari. “Ano pa’ng hinihintay mo? Chupain mo na! Matagal mo nang gusto ‘yan, di ba?”

Nagpumiglas si Errol. Dahil sa pagkatuliro ay nasuntok niya si Ivan sa panga. “Gago ka! Gago ka! Gago ka!” Sinuntok niya pa ito sa braso. Nakita niyang aambahan siya ng suntok ni Ivan. “Sige, sige. Suntukin mo ako! Sige, ituloy mo! Sige, dito.” Nilapit ni Errol ang pisngi. “Sige, kung luluwag ang pakiramdam mo, sige!” Hindi na niya napigilan ang paghagulhol.

Binagsak ni Ivan ang mga bisig sa manibela ng kotse. Agad niyang sinara ang pantalon.

“Ito ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin! Ito ang pinakamasakit na ginawa ng kahit kanino sa akin. Ito! Ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin. Para sabihin ko sa iyo, hindi ako ganyang klaseng tao. At alam mo ‘yan, Ivan. Alam mo ‘yan!”

“Errol...”

Ngunit hindi na narinig ni Errol na tinawag siya ni Ivan. Binuksan na niya ang pinto at tumakbo papalayo. Nang makalayo ay hindi kinaya ni Errol ang namumuong emosyon sa sa loob niya. Napasigaw siya habang humahagulgol. Ang sikip ng kanyang dibdib. Ang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi niya aakalain na babastusin siya ng lalaking... Oo, ng lalaking mahal niya. Pinunit ng hindi inaasang tagpong iyon ang durog na puso ng binata. Ganoon lang pala kababa ang tingin niya sa kanya. Sa kalagitnaan ng kanyang paghagulgol ay biglang umihip nang malakas ang hangin.

“Apo, andito ang lolo.”

Napalingon si Errol sa pinanggalingan ng boses. “Lo!” Tumakbo si Errol sa kinaroroonan nito. Mas lalo pang lumakas ang hangin.

“Halika.”

Niyakap ni Errol ang taong sa gitna ng sakit na kanyang nadarama ay nandirito para damayan siya. Bigla silang naglaho sa mga umiikot na ilaw.


Chapter 12

Biglang nahimasmasan si Ivan. “Errol...” Ngunit nakita niyang mabilis nitong binuksan ang kotse at tumakbo papalayo. Sinapo nito ang mukha. Pagkatapos ay malakas na itinama ang kanang bisig sa manibela. Hindi niya alam ang gagawin, kung mananatili sa kinauupuan o hahabulin si Errol.

Ito ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin! Ito ang pinakamasakit na ginawa ng kahit kanino sa akin. Ito! Ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin. Para sabihin ko sa iyo, hindi ako ganyang klaseng tao. At alam mo ‘yan, Ivan. Alam mo ‘yan!

Nagpaulit-ulit ang mga huling sinabi ni Errol sa diwa ni Ivan. “Errol, di ko sinasadya...” ang namutawi sa tulirong binata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging reaksiyon niya nang makita si Errol na tila nakikipaglampungan sa ibang lalaki. Nang makita niya itong akbay ng lalaking iyon ay may tila masidhing inggit o selos at galit siyang naramdaman.

Ang gusto lang naman niya ay ipabatid kay Errol na nandito siya kung may pangangailangan siyang pisikal. Kaya naman niyang ibigay. Kaya niyang ialay ang kanyang pagkatao para sa binatang iyon na napamah... Na mahalaga sa kanya. Ngunit sa baliktanaw ay nagsisisi siya sa nagawa.

Mabilis ang tibok ng puso ni Ivan. Mabilis rin ang kanyang paghinga. Galit siya sa kanyang sarili. Bigla niyang napagtanto na kasalanan din naman niya lahat ng ito. Marahil hindi ito mangyayari kung hindi niya biglang inabandona ang kaibigan. Kung hindi siya naging duwag ay malamang masaya sila ngayon, siguro nagkukwentuhan, nagkukulitan, nagkikilitian gaya nang dati. Ngunit naging alipin lang siya ng takot niya sa sasabihin ng mga tao.

Batid ni Ivan na hindi pangkaraniwan ang pagkakaibigan nila ni Errol. At hindi niya maikakailang espesyal ito sa kanya, at noo’y espesyal ang turing niya dito. Kinain lang siya ng kanyang takot at agam-agam sa sariling pagkatao. Ngunit ngayon ay lubusan na nga niyang nasaktan ang binata. Ano ang gagawin niya? Ano ang sasabihin niya kay Erik? Natatakot siyang malaman ni Erik ang ginawa niya kay Errol ngayong gabi.

Sa gitna ng pagkatuliro ay sinabunutan ni Ivan ang sariling buhok. Lumabas ito ng kotse at pinagsisisipa ang gulong nito. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ngunit hindi ito napansin ni Ivan. Maya-maya pa ay pumasok siya sa kanyang kotse at binagtas ang daang tinahak ng kaibigan sa pagtakbo. Unti-unting humina ang hangin sa labas. Halos dalawampung minuto na niyang binagtas ang kalsada, ngunit hindi niya natagpuan si Errol. “Errol, asan ka ba?”


Chapter 13

“Lo, hindi niyo ho maiintindihan kapag sinabi ko. Hayaan niyo na lang akong umiyak,” saad ni Errol na nakaupo sa isang batong upuan sa labas ng kubo ni Melchor.

“Apo, subukan mo lang na ikwento sa akin. Baka makatulong ako,” saad ni Melchor. “Noong natagpuan kita sa parke ay noon ay umiiyak ka rin. Ano ang problema?”

Hindi umimik si Errol. Tahimik lang itong nakatutok sa apoy na labas ng kubo, sinisipat ang ningas nito.

“Baka makatulong ako,” dugtong ni Melchor.

“Wala po kayong maitutulong, lo.”

“Tungkol ba sa pag-ibig ‘yan?”

Tumahimik muli si Errol, nagdadalawang-isip kung magsasalita o mananatiling tahimik. Ngunit tumango din si Errol. “Mahal ko kasi siya, lo. Pero ganun pala kababa ang tingin niya sa akin.”

“Iyan ba iyong lalaking kasama mo sa restawran noong nahilo ka?”

“Pa’no... Pa’no ninyo alam, lo?” Lumingon si Errol sa matanda na nakatayo lang at nakayuko sa kanya.

Ngumiti si Melchor sa apo at nilagay ang mga kamay nitong magkahawak sa likuran niya. “Matagal na kitang sinusubaybayan. Noon ko pa kayo sinusubaybayan ni Celia sa malayo. Nitong huli ko nga lang nalaman ang pangalan mo. Subalit alam ko kung ano ka, Errol, apo.”

“Okay lang ba sa iyo na ... bakla ako?”

“Hindi importante ang kasarian. Ang importante ang naririto.” Tinuro ni Melchor ang dibdib ni Errol.

“Salamat, lo. Mabuti naman at hindi ka homophobic,” kaswal na saad ni Errol.

“Ano, apo? Anong homo... Ano iyon?” Nakakunot ang noo ni Melchor.

“Sabi ko mabuti naman at hindi ka galit o naasiwa sa mga bakla.”

“Bakit naman? Ganoon talaga,” saad ni Melchor sa namamaos nitong boses. “Kahit noong kapanahunan ko ay may mga binabae na. Ngunit hindi na iyan importante. Ano nga pala ang pangalan ng lalaking iyon?”

“Ivan, lo.”

“Matikas ang binatang iyon. Iniibig mo ba siya?”

Sandaling tumahimik si Errol. Bakit ba kahit masakit ang ginawa ni Ivan sa kanya kanina ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya dito?

“Hindi mo kailangang magkaila, apo.”

“Lo, naman. Alam niyo naman pala, nagtatanong pa kayo.” Pinahiran ni Errol ang pisngi.

“Makapangyarihan ang pag-ibig, apo.” Tumingala si Melchor. “Ito ang pinakamakapangyarihang pwersa sa kalawakan.”

“Ang korni niyo, lo.”

“Galit ka ba sa kanya?”

“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.” Kumuha si Errol ng piraso ng kahoy at sinundot-sundot ang nagniningas na kumpol ng mga kahoy sa harapan.

“Subalit mahal mo rin siya, tama?”

“Magsisinungaling din ako, lo, kung sasabihin kong hindi.”

“Bantayan mo ang puso mo, Errol. ‘Wag mong hayaang kainin ito ng galit at puot.”

“Bakit, lo?” Lumingon ang binata sa matanda.

“Masayahing bata si Cassandra noon.”

“Yan ba ‘yung evil witch?”

Tumango si Melchor at ngumisi. “Ngunit kinain siya ng puot kaya kinain na rin ng kadiliman ang kanyang budhi.”

“Kaya pala naging evil siya, lo.”

“Ang ating kapangyarihan ay nakatali sa ating emosyon, Errol. Kaya bantayan mo ang iyong emosyon.”

“Wala naman, lo, eh.” Umirap ang binata. “Kanina nga sumisigaw ako sa daan, humahagulgol, wala namang nangyari. Hindi ko nga magawa ‘yang tricks ninyo, eh.”

“Iyong hangin kanina. Hindi iyon pangkaraniwan.”

“Ano’ng ibig ninyong sabihin?”

“Kung sinuman ang may hawak sa hiyas ng hangin ay malapit siya kanina.”

“Nakakapagtaka naman kasi mukhang wala namang ibang tao doon sa lugar.”

“Nakakapagtaka.” Palakad-lakad ang matanda.

“Lo, ano’ng gagawin ko?”

“Gaya ng sabi ko noon, masasalin sa iyo ang kapangyarihang kontrolin ang liwanag kapag wala na ako.”

“Di yan, lo. Yung tinutukoy ko yung love life ko.”

Tumingala lang ang matanda at pagkatapos ay ginala ang tingin sa kagubatan.

“Pero sige na nga. Ano ba ang magiging papel ko diyan sa quest against the bad witch na yan?” Walang nakuhang sagot si Errol sa lolo niya. Sa iilang pagkakataong nagkakausap sila ay nakasanayan na nito ang tila lutang at wala sa sariling matanda. Kanya hindi na siya nagtaka na iba ang sagot nito sa tanong niya.

“Sa tingin ko ay matagal nang nasa sa iyo ang taglay mong kakayahang makita ang hinaharap. Isa itong pambihirang kakayahan sa ating angkan.”

“Yung mga weird na panaginip, lo? Ayoko nun. Gusto ko ng katulad ng sa inyo na nakakateleport. Walang kwenta naman ang mga panaginip.” Pinatong na ni Errol ang pinaglalaruang piraso ng kahoy sa apoy.

“Ang bawat kakayahan ay may kanya-kanyang kahalagahan. Maaaring hindi mo pa batid ang kahalagahan ng mga panaginip mo, pero lilinaw din ang lahat sa tamang panahon.”

“Lo, kamag-anak niyo ba si Lola Nidora?”

Umirap si Melchor. “Sino ‘yan?”

“Ah, ‘yung karakter ni Wally Bayola sa Eat Bulaga, lo.”

“Sinong Wally? Ano’ng Eat... Ano ba ang mga iyan, apo?”

“Wala nga pala kayong TV. Di bale na lang. Pero, lo, ang gusto kong malaman ay ano ang gagawin ko sa usaping pag-ibig ko?” Napangiti si Errol kahit basa ang mga bata.

“Simple lang. Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso.”

“Pero, lo. Lalaki po siya. Babae po ang gusto niya.”

“Kung ganon ay bakit nasa Taguig siya kanina?” Ngumiti si Melchor.

“Oo nga, ‘no? Hindi ko natanong.”

Ngumiti si Melchor kay Errol. “Gaya ng sinabi ko, ang pag-ibig ang pinakamakapangyarihang pwersa sa kalawakan.”

“Ang senti niyo, lo.”

“Pero sino ba sa atin ngayon ang umiiyak?”

Natigilan si Errol. Tumahimik ito. Nasupalpal siya ng matanda nang hindi niya inaasahan.

“Nararamdaman kong malapit nang sumanib ang mga bato sa mga nakatakda.”

“Teka, lo, kamag-anak ba ni Emily Rose yung mga sasaniban?”

“Ano?”

“Ah, wala.” Umiwas ng tingin si Errol, umismid, at bumulong. “Hay, nako si lolo may cognitive impairment na.”

“Ano’ng binubulong mo riyan?”

“Ah, eh... Hindi pa ba sumasanib sa kanila? Di ba wala na sa inyo ang mga bato?”

“Hindi pa. Pinakikiramdaman muna ng mga bato ang mga nakatakda.”

“May ganon, lo? May getting to know each other stage pala yan?”

“Parang ganoon na nga.”

“Paano niyo naman mararamdaman, lo, na sumanib na nga ang mga bato? May pagka psychic ba kayo?”

“Naririnig kong nagsasalita ang mga bato.”

“Baka kung ano na ‘yang sinisinghot ninyong bato, lo, ha.”

“Kapag sumanib na ang mga bato sa mga nakatakda ay mas lalakas ang kapangyarihang taglay ng mga ito. Mas makokontrol na rin ng mga nakatakda ang taglay na mahika ng mga bato.”

“Pa’no natin malalaman na sumanib na sa kanila ang mga bato?”

“Mararamdaman natin iyon.”

“Ganun lang? Paano?”

“Basta makakaramdam ka ng kakaiba.”

“Ano ba ‘yan? Wala bang instructions manual?”

“Nandito pa naman ako.”

“Hindi naman tukoy ang mga pinagsasasabi ninyo, lo. Minsan pakiramdam ko pinagtitripan niyo lang ako.”

“Magtiwala ka lang.”

“So ano’ng gagawin natin kapag dumating ang araw na iyon?”

“Kailangan nila ng gabay sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi pwedeng abusuhin ang kapangyarihan. Hindi pwedeng gamitin sa pansariling kapakanan.”

“Teka, lo. Bakit pa ba kailangang sumanib ng mga bato sa tao? Hindi ba pwedeng manatili na lang silang mga bato?”

“Ayon sa alamat, nangyayari ang pagsanib ng mga hiyas sa mga taong nakatakda kapag may paparating na lagim. Nararamdaman ng kalikasan ang nagbabadyang kapahamakan dito. At ang mga bato ay likha mula sa kalikasan.”

“Pa’no ninyo nalaman ang mga ‘yan, lo? Meron ba kayong parang kurso niyan?”

“Ang dami mong tanong!”

“Aba, dapat lang, lo.” Kumunot ang noo ni Errol. “Sinali-sali ninyo ako dito. Nanahimik ako eh.”

“Dahil nakatakda kang maging tagaingat ng mga hiyas.”

“Wala nga akong special powers maliban sa wild dreams na feeling ko hindi naman powers.”

Ngumiti si Melchor. “Sa tingin ko may kinalaman si Cassandra sa pagkabuhay ng mga hiyas. Malamang nararamdaman ng mga bato ang itim na enerhiya niyang nagbabadya ng panganib.”

“Sino nga ulit yang Cassandra, lo?”

“Siya ay iyong tiya.”

“Kapatid siya ni nanay?”

“Pinsan.”

“Bakit hindi ko pa siya nakikita?”

“Makikilala mo rin siya. Ngunit sa araw na iyon kailangang malakas ka na. Mapanganib siya, Errol.”

“Mukha nga, eh. Ano ba’ng nangyari sa kanya? Ano’ng ikinagagalit niya?”

Kinuwento ni Melchor ang nangyari sa pagitan nila ni Damian at ang pagtutunggali nila ni Cassandra apat na buwan na ang nakakalipas.

“Ibig sabihin si Cassandra ang dahilan noong blackout noong Pebrero?”

Tumango si Melchor.

“Wow, ganon pala katindi ang kaya niyang gawin. Bakit niya ginawa ‘yun?”

“Gusto niyang maangkin ang mga bato.”

“Bakit daw?”

“Malamang ay katulad na rin siya ng kanyang ama, sakim sa kapangyarihan. Kinain na ng kadiliman ang budhi ni Cassandra. Kaya, Errol,” saad ni Melchor na naglakad-lakad, “kailangan mo siyang paghandaan.”

“Nakakatakot naman ‘yan, lo. Pa’no pag di natin siya kaya?”

Hindi nakasagot si Melchor. Nakatingin lang ito sa kawalan.

“Lo, bakit bumalik pa kayo dito? Di ba kayo natatakot na baka bumalik ‘yung mga naghahanap sa inyo? Di ba gusto kang patayin ng mga ‘yun?”

“Apo, kapag panahon mo na, panahon mo na. Kahit saan ka magtago, matatagpuan ka ng kamatayan. Nararamdaman kong malapit na.”

“Lo, ‘wag kayong magsalita ng ganyan. Hindi pa nga kayo nagkikita ni nanay. Ayaw niyo ba siyang makita uli?”

“May mga bagay na mainam na hayaan na lamang sa ganoong estado. Mapanganib na rin sa pagkakataong ito. Marahil ito ang nakakabuti para sa iyong ina, para sa anak ko.”

“Natatakot ako, lo.” Seryoso ang mukha ni Errol habang nakatitig sa apoy.

“Maganda ‘yan. Ibig sabihin nag-iisip ka.”

“Lo, pwede ba dito ako matulog?”

Pumasok na si Melchor sa kubo. Naglatag ito ng tela sa lupa sa tabi ng higaan nito. Tinawag nito ang apo na nahahabag sa itsura ng tinuturing na bahay ng kanyang lolo. “Lo, ayaw niyo ba tumira kasama ko? Para naman komportable ka kahit paano.”

Umiling ang matanda. “Matanda na ako. Nasanay na rin ako dito.”

Dinig ni Errol ang lagitik ng papag habang humihiga dito ang kanyang lolo. Amoy din niya ang mabahong telang nilatag ng matanda sa lupa. Ngunit hindi na niya ito alintana. Naguguluhan ang binata sa maraming bagay na tumatakbo sa kanyang utak -- si Ivan at ang pagtrato nito sa kanya, ang mga bato, ang hinaharap, ang mga agam-agam. Nakatulog si Errol na malungkot ang mukha. Ginawa niyang unan ang kanyang mga kamay.


Chapter 14

“Namimiss ko na ang manang na ‘yun,” saad ni Manny na naghihimutok habang nakasandal ang braso at ulo sa mesa sa cafeteria.

“Namimiss ko na nga rin ‘yun eh,” saad din ni Erik.

“Sa’n ba siya ngayon?” tanong ni Shanice umiba ng tingin matapos sulyapan ni Erik.

“Ang sabi niya lang sa akin nasa Taguig na daw siya nagwowork,” saad ni Manny. “Ayaw naman niyang sabihin kung saan.”

“Hindi nga rin sinabi ni Tita Celia sa akin nung huli kong punta sa kanila. Basta sa isang pharma company daw,” saad ni Erik.

“May galit ba siya sa atin?” tanong ni Shanice habang tinitingnan ang mukha niya sa maliit na salamin.

“Wala naman siguro,” sagot ni Manny. “Madalas naman kaming magtext at magtawagan nun. ‘Yun nga lang. Ayaw pa niyang maging active sa FB. Ayaw rin niyang sabihin kung sa’n siya nakatira.”

“Okay na ‘yun si Errol. Masaya na ‘yun,” saad ni Erik.

“Talaga lang ha? Tumawag kaya ‘yun nung Sabado. Mukang malungkot na naman nga ‘yung manang na ‘yun.”

“Ha? Pa’no?”

“Ah, wala, wala. Feeling ko lang naman.” Biglang ngumiti ng hilaw si Manny.

“Malamang lagi nung kasama si Ivan,” saad ni Erik.

Umirap si Manny. Maya-maya ay kinamusta nito ang magkasintahan. “Kayo, Sir Erik at Ma’am Shan, kamusta na kayo?”

“Okay lang kami, getting stronger. Di ba, bhe, este Sir Erik?”

Ngumiti si Erik at tumango.

“Oy, sige. Una na ako. Klase ko na,” saad ni Manny na pagkatapos ay umalis na sa cafeteria.

“Bhe, bakit matamlay ka?” Hinawakan ni Shanice ang balikat ng kasintahan.

“Wala lang.” Sinulyapan ni Erik ang nobya at umiba kaagad ng tingin. “Stress lang siguro.”

“Nagsisisi ka ba na hindi ka tumuloy sa orientation mo for Dubai?”

“Hindi naman sa ganun.”

“May problema ka ba?”

“Wala, bhe. Baka pagod lang ako.”

“Kakaumpisa lang ng first sem pagod ka na?”

“Basta.”

“Iniisip mo na naman ba ang best friend mo?”

Bumuntong-hininga lang si Erik.

“Mahal mo talaga siya, ‘no?”

“Parang kapatid ko na kasi ‘yun.”

“Siya ba lagi iniisip mo kapag wala ka sa sarili?”

“Ha?”

“Kagaya niyan, parang wala ka na naman sa wisyo.”

“Hindi.”

“Bhe, pwede mong sabihin ang kahit na ano sa akin. Girlfriend mo ako. Pwede mo rin naman akong ituring na best friend, di ba?”

“Oo naman. Thank you, bhe.”

Hinawakan ni Shanice ang kamay ni Erik. “I’m always here. Kung kailangan mo ng makakausap. Ano ba ‘yang bumabagabag sa iyo?”

“Namimiss ko lang siguro si Errol.”

“Kahit ako, kahit kami ni Manny namimiss din namin siya. ‘Yung mga students niya nga namimiss siya.”

“Hindi na kasi kami nag-uusap.”

“Di ba choice mo naman ‘yun?”

“Oo pero parang nagsisisi ako.”

“Nagsisisi ka ba na hinayaan mo siya kay Ivan?”

“Hindi naman sa ganon. Pero parang may mali eh.”

“Kung may problema siya siguro naman magsasabi ‘yun sa iyo o kay Manny. At malalaman natin kahit papano.”

“Sana nga.”

“Hindi na ba siya bumalik sa bahay ninyo? Di ba sabi mo pumunta siya sa inyo?”

“Oo. Kinabukasan non pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala raw siya, umalis.”

“Miss mo talaga ang best friend mo, ‘no?”

“Syempre, matagal ko ng kaibigan yun. Parang kapatid ko na yun. Gusto ko lang naman siyang kamustahin.”

“Ako ba mamimiss mo kung di mo na ako makita?”

“Oo naman.”

“Talaga?”

“Oo nga.” Ngumiti si Erik sa nobya at pinisil ang kamay nito. “Salamat.”

“Bhe, andito lang ako lagi para sa iyo ha.” Banayad na hinaplos ni Shanice ang pisngi ng nobyo.

Lingid sa kaalaman ni Shanice ay malalim ang iniisip ni Erik. May duda siyang may hindi magandang nangyayari sa pagitan nila ni Ivan. Gusto niyang makausap si Ivan o si Errol, ngunit hindi niya mahagilap ang dalawa. Pinaubaya na niya si Errol kay Ivan noon. Ginawa niya ito dahil alam niyang matapos niyang hindi sinasadyang masaktan ang matalik na kaibigan ay nais niyang sumaya ito sa piling ng bagong kaibigan, sa piling ni Ivan na alam niyang gusto ni Errol.

Noong nag-usap silang dalawa ni Ivan ay ibinilin na niya si Errol dito. Nangako si Ivan na pasasayahin niya ito sa abot ng kanyang makakaya at hindi niya ito pababayaan. Ngunit nitong huli ay tila nagsisisi siya. Hindi niya alam kung bakit pumunta si Errol sa bahay nila dalawang buwan na ang nakakalipas. Isa pang pinagtatakhan niya ang ay pagkawala nito sa Facebook.

Sa kabilang banda ay naisip din ni Erik na labas na rin naman siya sa kung ano’ng problemang meron si Errol. Pero namimiss niya ito.


Chapter 15

“Ate, parang walang pinagkaiba ang studio mo sa bahay mo. Parehong magulo.” Tumawa si Ivan habang pinagpagan ang isang bilog na upuan at umupo dito.

“Pag ako inasar kita, siguradong iiyak ka,” sagot ni Liz na nakatuon sa ini-edit ng isang larawan sa kanyang laptop.

“Ate, nasaktan ko siya nang husto.”

“I feel sorry for that poor guy.” Umiling si Liz at ngumisi nang bahagya. “Malas niya. Bakit mo naman kasi siya pinagsalitaan nang ganon?”

“Galit na galit kasi ako, Ate Liz. Hindi ko napreno ang bibig ko.”

“Bakit ka nga ulit nagalit sa kanya?” Kumunot ang noo ng babaeng nakaharap lang sa laptop niya.

“Kasi nakita ko siyang nakikipaglandian sa isang lalaking mukhang call boy.”

“Saan?”

“Sa Taguig.” Tumayo si Ivan at lumapit sa mesa kung saan abala ang pinsan.

“Sa Taguig?” Sandaling sinulyapan ni Liz si Ivan at kumunot na naman ang kanyang noo. “Di ba taga Sampaloc siya?”

“Dalawang buwan na siya dun.”

“Ano’ng ginagawa niya dun?”

“Nagtatrabaho.” Kinuha ni Ivan ang camera sa tabi ng laptop ni Liz.

“Pa’no mo naman nalaman ‘yan?” Galaw dito, galaw doon ang kamay ni Liz na nakapatong sa mouse na nakakabit sa laptop. “Di ba di ka niya kinakausap?”

“Nadulas kasi si Tita Celia, ‘yung nanay niya.” Pinindot ni Ivan ang power button ng camera. “Pero di naman niya sinabi kung sa’n sa Taguig namamalagi si Errol,” saad niya habang tinitingnan ang mga larawan sa kanyang camera.

“Bakit nasa Taguig ka that time?”

Hindi kaagad nakasagot si Ivan. Nagpatuloy lang ito sa pagtingin sa mga larawang nakunan ng pinsan.

“Let me guess. Hinanap mo siya?” Ngumiti si Liz na pinaikot pa ang mga mata at pinatong ang baba sa kaliwang kamay.

Tumango si Ivan. Binaba na niya ang camera at bumalik sa inupuan kanina.

“Uuuuy.” Lumawak ang ngisi ni Liz. “Tinamaan ka na talaga yata kay Errol ha.”

“Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko.”

“Gaya ng sabi ko noong cliche, love knows no gender. Kung love na ‘yan wag mong pigilan. Pero, oo nga pala, inaway mo na nga pala. So pa’no na ‘yan?”

“Yan nga ang problema. Inaway ko siya na hindi ko man lang nalaman kung sa’n siya nakatira.”

“Ogag ka kasi.”

“Yan din sabi niya sa akin.”

“Mukhang matindi ang awayan ninyo ha.”

“Muntik ko siyang masuntok, ate.”

“Gago!” Ang kaninang ngisi ay napalitan ng simangot. “‘Wag mong gagawin ‘yon. Kapag nalaman kong may sinuntok kang bakla, ipapapresinto talaga kita.” Inalis ni Liz ang tingin sa kanyang laptop at nilipat ito sa pinsang nakaupo sa maliit na silya sa gitna ng studio. “Wala akong pakialam kahit magpinsan tayo.”

“Ate naman eh.” Nakayuko lang ito at nakakunot ang noo, tila malalim ang iniisip.

“Oy! Isa sa ‘yan sa mga pinaglalaban namin, ang anti-LGBT violence.”

“Galit na galit kasi ako nung makita siya na inaakbayan ng lalaki tapos mukhang naglalandian pa sila.”

“Teka, pa’no mo naman nalamang naglalandian sila?”

Sandaling nag-isip si Ivan. Ang totoo ay hindi siya sigurado sa nakita niya noon. Nadala lang siya ng bugso ng kanyang damdamin. “Kasi mahigpit ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki.” Umiba siya ng tingin.

“Baka hinoholdap lang.” Umismid si Liz.

“Ang sabi ni Errol pinipilit daw siya nung lalaki na magsex sila pero pumalag daw siya.”

“Yun naman pala eh. Dapat dun ka nagalit sa lalaki.”

“Binugbog ko nga eh.”

“Buti di ka pinapulis.”

“Gago siya! Binabastos niya si Errol. Si Errol naman hindi pumalag.”

“Hindi pumalag o hindi makapalag? Di ba sabi mo medyo maliit ‘yung Errol? Eh di kung mas malaki sa kanya ‘yung lalaki, pa’no siya makakapalag?”

“Yan din nga ang sabi niya. Di daw siya makapalag. Buti na rin nakita ko. Baka ano pa ginawa nung hayop na yun kay Errol kung di ako dumating. Pero ‘yun nga mainit na ang ulo ko, kung anu-ano na nasabi ko sa kanya.”

“Ano’ng ginawa niya?”

“Sinuntok ako sa panga.”

Natawa si Liz. Tumigil ito sa ginagawa. Binitiwan ang mouse at tiniklop ang mga bisig sa harap niya. “Talaga? Bravo. Alam mo, gusto ko ng mameet ‘yang Errol na ‘yan ha.”

“Hindi ko nga mahanap.”

“So babalik ka ulit ng Taguig?”

Tumango si Ivan.

“Kausapin mo na lang kaya ang nanay niya. Pilitin mo. Magsorry ka kasi!”

“Natatakot na akong bumalik sa bahay nila. Tiyak nakwento na ni Errol ‘yung nangyari last week. Baka kalbuhin ako ni Tita Celia o sapakin ni Tito Gary.”

“Aba, dapat lang. Kung ako nanay ni Errol, kakalbuhin talaga kita. Uuwi ka ng bahay ninyo na walang buhok sa katawan.”

Bahagyang natawa si Ivan na nakayuko pa rin. Ngunit unti-unti ring nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso. “Namimiss ko siya, ate.”

“Tinamaan ka na talaga.”

“Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Pero gusto ko siyang makita. Gusto ko magsorry. Gusto ko manumbalik ‘yung dati. ‘Yung masaya kami.”

“Pa’no na ‘yan? Inaway mo na. I’m sure masakit ‘yun para sa kanya lalo pa’t sa iyo nanggaling. Mahal ka nun, di ba?”

Bumuntong-hininga si Ivan. “Gago kasi ako eh.” Mahinang sinuntok ni Ivan ang sariling pisngi.

“Don’t do that! Not here!” bulalas ni Liz.

“Sorry, ate. Ang gago ko kasi.” Ginulo ni Ivan ang buhok at tumayo. Sinapo nito ang mukha. Di mapakali itong palakad-lakad sa loob ng studio.

“It’s good that you feel guilty. At least inaamin mong may mali ka. The next thing to do is ask for forgiveness. Kung mahal ka nga nun, mapapatawad ka niya.”

“Baka mas lalo siyang lumayo sa akin.”

“Well, if that’s the case, wala tayong magagawa.” Nagkibitbalikat si Liz, tinaas ang dalawang kilay na ang mga mata ay nakatuon sa laptop, at bumalik sa ginagawa. “Ganun talaga. Minsan we’ll just have to accept the consequences of our actions no matter how hard it is.”

“Ate, nagsisisi na talaga ako.” Naglakad si Ivan sa harap ni Liz at nilagay ang mga kamay sa baywang niya. “Nagsisisi ako na sinantabi ko ang pagkakaibigan namin noon. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya that night.”

“I know. How about you call Erik? Find out if he knows where Errol is.”

“Di pwede. Pag nalaman niyang hindi ko alam kung nasaan si Errol, magtataka ‘yun. Ang alam niya close na close na kami ni Errol.”

“Oo nga pala, ano? May agreement nga pala kayo.”

“Hahanapin ko na lang ulit si Errol.”


At iyon nga ang ginawa ni Ivan. Ilang beses siyang bumalik sa Taguig upang mahanap si Errol. Kung sana ay alam lang niya ang numero nito. Ngunit alam niyang hindi rin sasagot ang binata sa mga tawag niya kung sakali.

Isang gabi nagdadrive ito papuntang Taguig nang magring ang kanyang telepono na agad niyang sinagot.

“Hey, nasa’n ka?”

“Hi, Diana, nasa daan pa ako. Bakit?” Nakahawak ang isang kamay ni Ivan sa manibela habang ang isa ay nakadiin sa kanyang telepono sa kanyang tenga.

“I need your help.”

“Saan?”

“Nag-aayos kasi ako ng shop ko.”

“Malapit ka ba dito sa Alabang?”

“Siguro mga 30 minutes away?”

“Ay! Baka maabala ka pa.”

“No, it’s okay. Itext mo ang address ha. I’ll be there.”

Alas syete na ng gabi ng makarating si Ivan sa inaayos na shop ni Diana.

“I’m sorry, medyo natraffic,” saad ni Ivan. Nakita niyang nagkalat ang mga sculptures at paintings sa silid na iyon. Ang iba ay nakabalot pa.

“Hi! Salamat sa pagpunta.”

“Hindi ko alam mahilig ka pala sa mga ganito,” manghang saad ni Ivan.

“’Yung iba collections ko. ‘Yung iba gawa ng mga kilala kong artists. I’m planning to put up this shop for art lovers kasi.”

“Bakit mag-isa ka lang?”

“Maaga kasing umuwi ang isa kong kasama dito. Okay lang ba? Baka naabala kita.”

“No, no. It’s okay.”

“Sorry ha.”

“Okay nga lang.”

Inayos na nila ang mga pyesa at nilagay sa mga estante o mesa. Ang mga paintings ay maingat na sinabit sa dingding. Hindi mahilig si Ivan sa mga art pieces pero nagagandahan naman siya sa iilan sa likhang nakita. Halos dalawang oras din silang nag-ayos. Pawisan silang pareho nang matapos. Pagkatapos ay nilinis nila ang lugar. Malaki ang ikinaganda ng malawak na shop. Maayos na nakalayout ang mga pyesa.

“Nice!” nakapamewang na saad ni Diana habang ginala ang tingin sa buong lugar. “Thanks, Ivan.”

“No problem.” Ngumiti si Ivan. Kahit napagod ay sulit din naman nang makita niya ang itsura ng art shop ng kaibigan. Sandaling sinulyapan ni Ivan ang dalaga. Hindi niya maipagkakailang maganda ito kahit na pawisan. Nagkakagusto nga ba siya dito?

“Hungry?” tanong ni Diana sa kanya.

“Kinda?” Ngumiti si Ivan.

“Let’s eat! My treat.”

“You sure?”

“Yup!”

“My car or your car?”

“Di na ako babalik dito.”

“So we drive separately?”

“Parang ganun na nga.”

“Okay,” maikling tugon ni Ivan. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Diana kaya tinanong niya ito. “Bakit?”

“Are you okay?”

“Oo naman.”

“Parang hindi.”

“Baka napagod lang ako.”

“Parang hindi physical exhaustion eh.”

“Ha?” nagtatakang tanong ni Ivan. “Hindi kita maintindihan.”

Lumapit si Diana kay Ivan. Sumisingkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mukha ni Ivan. “Alam ko na.”

“May dumi ako sa mukha?”

“Hindi. Malungkot ka.”

“Ha?” Naintriga si Ivan, ngunit tama nga naman si Diana. “Hindi ah.” Ngumisi si Ivan.

“Your eyes are betraying you.”

“Talaga?”

“Bakit ka malungkot?”

“Kasi... Kelangan talaga sabihin?”

“You can trust me.”

“Kasi may importanteng tao akong nasaktan nang husto.” Yumuko si Ivan at umiba ng tingin.

“Why don’t you say sorry?”

“Hindi ko siya mahanap na eh.”

“Tawagan mo. O kaya iPM mo sa Facebook.”

“Di ko na alam number niya. Nagpalit kasi ako ng SIM. Mukhang nagpalit din siya. Tas nagdeactivate din siya sa Facebook,” seryosong saad ni Ivan.

“Wow! What a difficult situation. But hold my hands.” Inangat ni Diana ang kanyang mga kamay.

“Bakit?” inosenteng tanong ni Ivan.

“Basta!

Pinatong ni Ivan ang kanyang mga palad sa palad ni Diana. Tiningnan niya ang dalaga. Humahanga talaga siya sa ganda niya. Unti-unti ay nararamdaman ng binata ang init mula sa palad ng dalaga, init na dumaloy sa buong katawan niya. Unti-unting gumaan ang kanyang pakiramdam at nanumbalik ang kanyang sigla. Hindi alam ni Ivan kung papaano ngunit biglang sumaya ang kanyang pakiramdam. Habang nakatingin siya sa magandang mukha ng binibini ay nanunumbalik ang mga masasayang alaala nila ni Errol na nagpangiti sa kanya at tila ay nagpahiwatig sa kanya na magiging okay ang lahat.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan ito ni Diana ay napadako din ang tingin ni Ivan dito. Napansin niya ang picture ng isang babaeng maiksi ang buhok sa display ng kanyang telepono.


Chapter 16

Sa pagdaan ng mga araw ay naging matamlay si Errol. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa kanya, gaya ng mga sinabi ng kanyang lolo, ngunit ang higit na nagpabagabag sa kanya ay ang masakit na pagtrato sa kanya ni Ivan. Isang linggo na ang lumipas matapos ang insidenteng iyon sa pagitan nila. Hindi niya lubos maisip na ganoon lang pala kababa ang pagtingin ng binatang lihim niyang iniibig. Pilit nagpapakatatag si Errol.

Nang matapos ang isang ordinaryong linggo sa laboratoryo ay naisipan niyang umuwi sa kanila dahil nabuburyong siya sa pananatili sa kwarto kasama si Nathan na minsan ay hindi niya maintindihan ang timpla.

Natigilan siya nang madatnang bakante ang lote. Palingun-lingon siya habang nagkakamot ng ulo. “Ano na namang pangitain ba ‘to?” bulong niya sa sarili nang biglang may kumalabit sa kanya.

“Anak, ba’t di ka man lang nagtext na uuwi ka pala?”

Gulat si Errol nang makita bigla ang ina na bitbit ang mga pinamalengke.

“Ah, kasi...” Mas nagulat siya nang makita ulit ang bahay nang lingunin niya ito. “Ah, eh...”

“Ay, nako, pasok na at matutuwa ang tatay mo na umuwi ka.”

“Oo nga po eh.” Napakamot na lang si Errol.

Sa kanilang bahay sa Sampaloc ay naging abala siya sa pagbabasa, ngunit natapos niya ulit ang isang aklat at napansin niyang wala na naman siyang bagong librong mababasa. Kaya naman umalis siyang muli at pumunta sa mga bilihan ng libro.

Nang makabili ng mga libro ay umupo si Errol sa isang silya at doo’y naglaho ang kapaligiran nang buklatin niya ang unang librong babasahin. Iilang kabanata rin ang natapos niya matapos ang isang oras. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang marinig ang pagsalita ng nasa tabi niya.

“Favorite mo ba si Dean Koontz?”

Napalingon siya sa gulat. Hindi niya namalayang may tumabi pala sa kanya dahil sa nakatuon ang buong atensiyon niya sa binabasa. “Ah, eh, medyo,” saad niya na medyo nailang sa lalaking tila ay kaedad niya lang. Nakasalamin ito na may makapal na frames. Malinis ang kanyang buhok na mas mataas ng konti sa skinhead ang gupit. Nakajacket ito ng itim, puting t-shirt, maong na pantalon na semifit, at sneakers. Ngumiti ito sa kanya.

“Mahilig din kasi ako magbasa ng novels,” saad ng nakasalamin.

“Ah, eh, pastime ko lang.”

“Kaninong novels usually binabasa mo?”

“Wala kasi akong specific na authors. Pero genre ko ang horror, thriller, at supernatural. Mga ganoong kwento gusto ko.”

“Ah, pareho pala tayo. Romance ayaw mo?”

“Hindi ko trip,” saad ni Errol. “Maiinggit lang ako, eh.”

Natawa naman ang kausap. “Hindi ko rin trip ang romance. Ano pinakafavorite mong horror novel so far?”

“Hmmm. Teka, marami kasi. Hmmm. Siguro The Exorcist ni William Blatty.” Natawa si Errol. “Lumang luma.”

“I love that book.”

“Talaga?”

“Mas nakakatakot siya kesa sa movie.”

“Oo nga. Mas masarap siya basahin sa gabi kasi mas nararamdaman mo ang thrill at chill. Ikaw ano favorite book mo so far?”

“Maka Stephen King ako. Any Stephen King novel siguro. Pero siyempre hindi ko pa nabasa lahat ng novels niya.”

“I love Stephen King.”

“Nabasa mo ‘yung Desperation?”

“Ang weird nun.”

“Weird naman talaga halos lahat yata ng gawa niya, at ang weirdness na ‘yon ang nagpapaganda sa novels niya.”

“Sabagay,” saad ni Errol. “Hindi kasi ako makapili ng authors sa book sale kasi kung ano lang ‘yung mura.” Tumawa si Errol. “Kuripot kasi.”

“Marami namang good old books na mura. Bumibili rin ako ng lumang libro.” Ngumiti ang binatang kausap ni Errol. “Wait, if you like horror novels, ibig sabihin you like horror movies, too?”

Tumango si Errol. “Gusto ko kasi ‘yung nagugulat ako” -- natawa si Errol.

“Ayaw mo ng romance films?”

“Hindi ko trip ‘yung romance, mapaTagalog o English.”

“Ikaw ba?”

“Basta maganda ‘yong movie, okay na ako.”

“Ano’ng favorite movie mo?” tanong ni Errol.

“Titanic?” nagdadalawang-isip na saad ng kausap ni Errol. “Luma, ‘no? Di na natin generation. Tsaka hindi siya horror. Weird. Pero fave ko eh.”

“Oo nga. Pero di ba nirelease ‘yun 3 years ago in 3D?”

“Yup! Dalawang beses kong pinanood. Ang ganda kasi ng pagkakagawa ng pelikula.”

“Basta si James Cameron, masterpiece talaga.”

“Oo. Minsan lang siya gumawa ng pelikula pero pinag-isipan at pinag-ukulan talaga ng panahon. Karamihan kasi sa Hollywood films parang paulit-ulit na futuristic techno/sci-fi films na lang. Nakakaumay din.”

Walang maisip na isagot si Errol. Ang sarap kausap ng lalaking katabi niya. Upang may maidagdag sa kanilang usapan ay pilit niyang inalala ang iilang eksena sa pelikulang Titanic. Naalala niyang kasama niya nga pala si Erik nang panoorin ang pelikulang iyon. Iyon ang isa sa kaunting pelikulang napanood nila. Mahal kasi ang sinehan para sa mga ordinaryong mamayan sa Maynila. “Grabe ‘yong sinking scene sa Titanic. Nakakaiyak.”

“May DVD ako ng movie na ‘yan at ilang beses ko na napanood. Hindi pirated ha!” Tumawa ang kausap ni Errol.

“Favorite mo talaga siya, ‘no? Minsan ko lang kasi siya napanood.”

“Memorized ko na nga ang ibang linya.”

“Talaga?”

“It’s been eighty-four years, and I can still smell the fresh paint. The china had never been used. The sheets had never been slept in. Titanic was called the ship of dreams, and it was. It really was,” saad ng binatang nakasalamin na animo’y pinatanda ang boses.

Namangha si Errol. “Linya ‘yan ng...”

“Ng matandang Rose Calvert!”

“Wow!” saad ni Errol na nanlalaki ang mata.

“Pero ang pinakaastig sa akin sa movie ay si Molly Brown.”

“Molly Brown?” Pilit na inalala ni Errol ang karakter ngunit hindi niya ito maalala.

“Yung matabang babae na astig. The Unsinkable Molly!”

“Hindi ko maalala.”

“Come on, girls. Grab an oar!” Tiningnan ng nakasalamin si Errol upang ipahiwatig kung naaalala na ba niya. “Ito pa,” saad niya, “I don’t understand anyone of you! What’s the matter with you? It’s your men out there!”

“Ah,” nanlalaking matang saad ni Errol, “yung babae sa lifeboat na gustong mailigtas ang mga naiwang pasahero.”

Ngumiti ang binatang nakasalamin. “Minsan pag-bored ako, pinapanood ko ‘yang movie na ‘yan.”

“Sayang, no? Ang ganda pa naman ng ship na ‘yon.”

“Maiden voyage niya ‘yun pero ayon masaklap.” Inayos ng binata ang kanyang salamin.

“Dapat kasi hininaan lang ng kapitan yung barko noong gabing ‘yun.”

“Kasi sabi nung may-ari na si Bruce Ismay dapat they should make headlines by arriving at New York early.”

“Yun nga naheadline talaga sila kasi lumubog ang barko.”

“Aksidente talaga.”

“Yung mga nagbabantay kasi panay ang tingin kina Jack and Rose na naglalampungan kaya hindi nabantayan ang iceberg.”

“Fiction lang ‘yung part na ‘yun. Ang totoo, hindi talaga maaninag ang iceberg sa kalayuan noong gabing yon kasi walang buwan at clear yung sea surface.”

Namamangha si Errol sa kausap. Parang ang dami niyang alam. Parang ang talino niya. At napapangiti siya sa indayog at galaw ng mga kamay ng kausap habang nagsasalita ito. Ang sigla ng mga mata niya na nasa likod ng mga salaming iyon na makapal ang frames.

“May hinihintay ka ba?” tanong ng lalaking nakasalamin.

“Ah, wala. Naisip ko lang na tumambay dito at magbasa. Nakakaburyong kasi sa bahay.”

“Samahan mo naman ako.” Ngumiti ang nakasalamin.

“Saan?” Kahit hindi niya ito kilala ay parang may tiwala naman siya dito. Kung ngingiti ba naman siya nang ganoon ay paano siya tatanggi?

“Malapit lang naman dito ang Rizal Park...”

“Okay, sige,” masiglang sagot ni Errol. Gusto niya ring pumunta doon. Magpahangin. Maglakad-lakad.

“Great!”

Nang tumayo sila ay napansin ni Errol na hindi magkalayo ang kanilang tangkad. Mas matangkad lang ang lalaking nakasalamin ng isa o dalawang pulgada sa kanya. Medyo malaki ang pangangatawan nito, o marahil dahil sa jacket niyang suot.

“Lagi ka bang gumagala?” tanong ng nakasalamin habang nakapamulsa ito.

“Actually, nitong huli lang.”

“Bakit nitong huli lang?”

“Hindi kasi talaga ako palagala.”

“Bakit biglang gumagala ka na?”

Natigilan si Errol sa mga tanong ng lalaki. “Ah, eh... Para maaliw kahit papaano.”


Chapter 17

Nang makarating sila ng Rizal Park ay mababa na ang sikat ng araw at halos papalubog na ito. Ang ganda tingnan ng paligid na nabibilad sa naninilaw na liwanag na nanggagaling sa papalubog na araw. Biglang may napansing pamilyar na babae ang kasama ni Errol.

“Ate Elizabeth!” sigaw ng nakasalamin sa babaeng naka-gray na chaleco at maikling shorts.

Biglang napalingon kina Errol ang babaeng may hawak na camerang may mahabang lenteng nakatutok sa monumento ng pambansang bayani. “Hi!” masiglang sigaw nito na napalaki pa ang mga mata. “Pero please just call me Ate Liz.”

Lumapit ang dalawa sa babae, at nagsalita ang nakasalamin. “Photo excursion again, ate?”

“Boring kasi sa bahay. Introduce me to your friend naman,” saad ng babae na ngumiti kay Errol.

Ngumiti na rin si Errol dito.

“This is,” saad ng nakasalamin na nakaturo ang kamay kay Errol. Ngunit tumigil ito, kumunot ang noo, at ngumiti. “Wait, hindi ko pa nga pala nahihingi ang pangalan mo.”

“What?” nakairap na tanong ng babae sa nakasalamin habang nakapamewang ang isang kamay at nakahawak sa camera ang isang kamay.

Biglang tinanong ng lalaki si Errol. “Ano nga pala ang name mo?” Natatawa ito. “Grabe! Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa pala natin alam ang pangalan ng isa’t-isa.”

“Errol,” natatawang saad ni Errol. “Ikaw, pangalan mo?”

“Errol?” singit na tanong ni Liz, ngunit hindi yata siya napansin ng dalawa.

“Jansen,” masiglang sagot ng nakasalamin.

“So you got yourself a new friend,” saad ng babae kay Jansen.

“Ganon talaga. We meet interesting people unexpectedly,” sagot ni Jansen sa babae at pagkatapos ay lumingon kay Errol. “Errol, ito si Ate Liz, a blogger, a photographer, an entrepreneur, and an LGBT advocate.”

“Nice to meet you po,” saad ni Errol na nakipagkamay dito.

“Po? Please! I’m only 28.”

“Ah, sorry, sorry,” saad ni Errol.

“Wait,” saad ni Liz na lumapit kay Errol. “You look familiar.”

Nagtaka naman si Errol.

“Wait a minute.” Naniningkit ang mata ni Liz na nakatingin kay Errol.

“Bakit, Ate Liz?” tanong ni Jansen na nagpalit-palit ang sulyap kina Errol at Liz.

“Never mind,” kaswal na saad ng babae.

“So ano’ng kinukunan mo ng larawan, ate?” tanong ni Jansen.

“Obvious ba?” sagot ng babae.

“Panira talaga ng view ‘yang building sa likod niya,” saad ni Jansen.

“Well, it’s a challenge for us photographers. Kapag halimbawa ganitong kukunan mo siya ng larawan gamit ang telephoto lens, nahahagip ‘yung building sa likod sa field of view mo. So nakakabwisit siya. Kung kukunan mo siya in wide angle” -- pinalitan ni Liz ang lente ng hawak na camera -- “mahahagip pa rin ang building pero mas maliit. Pero kahit na panira pa rin siya sa view.”

“Oo nga eh. Dapat hindi na pinayagang ipatayo ‘yan, eh!” saad ni Jansen.

“Kailangang kunan siya sa ibang angulo para di masali ‘yung building sa larawan,” saad ni Liz habang kinukunan ng larawan ang lugar.

“This is what she does,” saad ni Jansen kay Errol. “Minsan gumagala ‘yan to take pictures. Forte niya ang street at portrait photography.”

“Ganun ba?” inosenteng tanong ni Errol. “Ang galing!”

“Magaling talaga! You should see her portfolio,” saad ni Jansen na nakapamulsa habang nakatingin sa abalang babae.

“Bakit hapon na siya pumunta dito? Pagabi na.” Nakatingin si Errol kay Liz.

“Ate Liz!” sigaw ni Jansen.

“What?” tanong ni Liz habang nakatuon sa kanyang camera.

“Bakit daw hapon ka na pumarito?” inulit ni Jansen ang tanong ni Errol.

Humarap si Liz kina Errol. “Sinadya ko talaga ‘to. This is one of the best times to take cityscape pictures.”

“Bakit, ate?” inosenteng tanong ni Errol.

“Kasi mababa na ang araw kaya hindi na masyadong matindi ang sikat nito. Sa photography, we call it the Golden Hour.”

Namangha si Errol sa narinig.

“Sabi ko sa’yo magaling ‘yan. Matalino rin ‘yan,” saad ni Jansen na nakangiti.

“I have an idea!” Biglang lumingon si Liz sa kanila.

Ngumiti si Jansen. Si Errol naman ay nagtataka.

“Hurry! Let’s get in my car!” saad ni Liz.

“Sa’n tayo pupunta?” tanong ni Errol.

“Malapit lang. Quickly before the sun sets!” masiglang saad ni Liz.

“Trust her,” nakangiting singit ni Jansen.

“Okay.”

Mabilis nilang nilakad ang parking area at pumasok sa sasakyan ni Liz.

“Luma na itong kotse. Don’t worry. Di naman ito nakakatetano.” Tumawa si Liz. Natawa na rin ang dalawang binata.

Maya-maya pa ay nasa Roxas Boulevard na sila. Nakita ni Errol ang pamilyar na lugar.

“When was the last time you went here?”

“Last year,” sagot ni Jansen.

Naalala ni Errol si Ivan.

“How about you, Errol?” tanong ni Liz.

“4 months ago.” Ngumiti si Errol.

Nagmamadaling pinalitan ni Liz ang lente ng camera at bumaba sa kotse. “Hurry, guys! We only have a few minutes left before the sun sets.”

“Ano’ng gagawin natin dito?” tanong ni Errol habang ginagala ang tingin sa Baywalk.

“You will be my models.”

“Interesting.” Ngumisi si Jansen.

“Ano po’ng gagawin namin?” tanong ni Errol.

“Stand there!” bulalas ni Liz.

Pumunta sina Errol at Jansen sa parteng tinuro ni Liz na malapit sa gilid ng kongreto. Tiningnan nila ang dalampasigan.

“Oily yata ang mukha ko,” saad ni Errol.

“Doesn’t matter. I’ll fix it in post-processing. Sisiguraduhin kong gwapo kayo pareho.” Kumindat si Liz kay Errol. “All right, Jansen, akbayan mo si Errol. Act like matagal na kayong magkaibigan.”

“Sure.” Biglang umakbay ang nakasalaming binata kay Errol.

“Errol,” saad ni Liz, “Move closer to Jansen.”

“Okay.” Nilapit ni Errol ang katawan sa kay Jansen na lumingon sa kanya at ngumiti. Hindi niya napansin na kinukunan na sila ng larawan ni Liz.

“Great! A few more snaps,” saad ni Liz habang nakatutok ang camera kina Errol. “I have an idea.”

Naramdaman ni Errol na tinanggal na ni Jansen ang pagkakaakbay sa kanya.

“Can you face the sunset and hold each other’s hands?” tanong ni Liz.

“Ah, eh...” Ngunit naramdaman ni Errol na tinapik siya ng nakasalamin.

“Don’t worry,” saad ni Jansen. “It’s just a picture.”

“Sige na please.” Nagsusumamo si Liz.

“Okay sige.” Humarap na nga si Errol sa lumulubog na araw. Naramdaman niyang hinawakan ni Jansen ang kanyang kamay. May kakaiba mang nararamdaman ang binata ay pinagsawalang bahala niya na lang ito.

“Can you move closer to each other?” tanong ni Liz.

Giniya naman ni Errol ang katawan papalapit sa kasama. Naramdaman niyang nilapit din nito ang katawan sa kanya.

“Great, great! Pwede niyo bang itama ang inyong mga ulo sa isa’t isa?”

Agad na sumunod sina Jansen at Errol. Dinig ni Errol ang tunog ng camera ni Liz.

“Oh my God!” saad ni Liz habang nakatingin sa screen ng kanyang camera. “May isa pa akong request.”

“Ate Liz, baka ginu-good time mo na kami,” reklamo ni Jansen.

“Sige na please. It’s so beautiful.” Nakangiti si Liz habang tinitingnan sina Errol at Jansen. “Can you face each other while holding each other’s hands?”

“Okay.” Agad na humarap si Jansen kay Errol.

Naramdaman ni Errol na pinisil ng kaharap ang kanyang kamay.

“Okay ka lang?” tanong ni Jansen.

“Oo naman.” Kahit kakakilala lang kay Jansen ay komportable si Errol dito. Naririnig niya ang tunog ng shutter ng camera ni Liz.

“Oh my God!” bulalas ni Liz na nasasabik.

“Maganda ba?” tanong ni Jansen. Lumapit si Jansen sa babaeng retratista.

Lumapit na rin si Errol sa dalawa.

“Cool!” saad ni Jansen.

“Ganda!” bulalas ni Errol habang nakatingin sa mga silweta nila ni Jansen.

“Mag-groufie tayo,” suhestiyon ni Liz. Nilabas niya ang kanyang smartphone mula sa kanyang bulsa. “Lapit kayo!” Pagkatapos kunin ang larawan nilang tatlo ay -- “Tag kita Jansen. Errol, ano’ng Facebook mo? Add kita.”

“Ah, ate, kasi dineactivate ko,” sagot ni Errol.

“Ha? Bakit?” tanong ni Liz.

Bago pa man siya makasagot ay nagsalitang muli ang retratistang may tinitingnan at pinipindot sa kanyang telepono.

“Guys, we’ll have company in a while,” saad ni Liz.

“Sino, ate?” tanong ni Jansen.

“Somebody who saw our picture. Ito chinachat ako sa Facebook. Antayin daw natin dito.”

Nagtataka si Errol kung bakit nakangiting nakatingin sa kanya si Liz.

Umupo sila sa gilid ng Baywalk at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay, trabaho, mga hobbies. Kalahating oras na ang nakakalipas at maliwanag na ang mga ilaw sa Roxas Boulevard. Maya-maya pa ay --

“Hey,” saad ni Liz na may kinakawayan sa di kalayuan.

Napalingon sina Errol at Jansen sa lalaking may dalang kumpol ng bulaklak.

“Boyfriend mo, ate?” tanong ni Jansen kay Liz.

“Pinsan ko,” saad ni Liz kay Jansen pagkatapos ay tumingin kay Errol at kumindat.

Sadyang maliit ang mundo. Kinabahan si Errol sa nakita. Lumapit sa kanila ang matangkad na binata at nakipagbeso kay Liz. Nakipagkamay din ito kay Jansen at lumapit sa kanya.

“Looks like you have some catching up to do,” saad ni Liz na nakatingin kina Errol at Ivan. Bumaling ito kay Jansen at nagsalita. “Alis na tayo.” Bumalik sina Liz at Jansen sa kotse, ngunit bumalik muli si Liz upang ibigay kay Errol ang supot na may mga lamang libro at nagmamadaling umalis.


----------------

Chapter 22 Snippet

Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga. 

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.

---------------

Nauuna akong magpost ng updates sa WattPad kaya ano pang hinihintay ninyo? Ifollow niyo na ako. Maghihintay kami ng mga Rogelio.


13 comments:

  1. Thanks sa pag-update sir author.
    Magkakaroon po ba ng prequel tong Enchanted kung sakaling matapos mo man to? Haha gusto ko kasing makilala yung dating mga wielders nung mga bato, kung pano sila ginabayan/tinrain ni Mang Melchor. Siguro that time panahon pa siguro ng hapon yun no? Ginamit kaya nila mga kapangyarihan nila para labanan ang mga Hapon? Hahaha ganda siguro nun?
    BTW naiimagine ko si Gandalf kay Mang Melchor pero si Eddie Garcia naman naiimagine ko pag nagsasalita sya hahahha

    -jcorpz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam kung gagawan ko ba siya ng prequel. Pero makikilala ninyo ang spirits ng mga elements sa Book 3. At galit sila. Kung paano ay abangan, kasi may gagawing wrong step si Errol sa huling bahagi nitong Book 2 that will... Spoiler Alert!

      Nadali mo ang Gandalf-Eddie Garcia combo. Si Eddie Garcia din ang iniimagine kong Melchor. Pero power-wise, para siyang kumbinasyon ni Gandalf at Dazzler (Marvel Comics).

      BTW, if may WattPad ka, add mo ako dun. Nasa Chapter 22 na ako dun. Dito kasi kailangan isang bagsakan ng maraming chapters kasi ayaw niyo naman ng sobrang iksing update.

      Delete
  2. Nakakakilig yung huling part. HAHAHA!!! ang saya nitong update dear author. Hahaha. Pramis!! Go Ivan! Kaya mo yan! Haha.

    Author, hula lang. Si Jansen kaya ang hahawak ng hiyas ng tubig? Well, sasabihin mo naman sakin, abangan ko na lang. Hahaha.

    Per salamt Dear author sa update!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung napansin niyo ang mga nareveal na wielders ay ilan sa mga unang characters na nafeature sa Book 1.

      Delete
    2. Dear Author, heto yung aking predictions...

      Erik - Fire
      Brian - Earth
      Ivan - Air
      Tapos si Jansen sa water, hindi pa ako sure. Pero syempre hindi mo irereveal dito kung sino nga ba. Aabangan ko na lang. :)

      Delete
  3. Lalong nakakaexcite ang episode na to. Saan ka humogot ng estoryang ito
    It's good.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Check mo sa WattPad ang next chapter. Goowwwwww... :'(

      Delete
  4. Ngayon lang po ako nagkachance ulit na magcomment dito. hehe. I've been following your stories after magpahinga for a while ni Mr. A, at nung naging busy si Mr. Apple Green. You and Gab, grabe di ko mapigilan ang sarili kong mathrill everyday waiting for your surprises. Sana ako din makapagpost na ng story. Btw, kilala naman po ako ni Mr. Apple Green so hindi po ako masamang tao LOL

    --LittleHsien :)

    ReplyDelete
  5. Yung "second sem" sa Chapter 14, mali yun. I meant first sem. Pasensiya na. Haha. Kung may makita kayong errors, don't hesitate to point them out.

    ReplyDelete
  6. Yes also a fan here of stephen king, dean koontz, peter straub. Although this is a paranormal/romance, im happy that ure also a fan of horror fiction. Job well done for this update! One thing to improve though are the twilight zonish parts that can be much more effective if u can slow the pace and really delve into them to create the creepy environment that theyre supposed to build.. I just felt that most of the time they are hastily made. Thus, failing to acheive purpose of the scene. But nevertheless, this is still great!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I respect your observation. I'm not sure what you meant by twilight zonish parts. I was not trying to build a creepy environment in the first third of this installment. I was trying to establish something else, which if you missed means that I have failed in delivering to you the purpose of these earlier chapters. At dahil sa realization na yan ay titigil na ako sa pagsusulat. Just kidding! Book 3 is in the works.

      Delete
    2. Wow I think you got me wrong there Mr Peter. And uve definitely not failed to deliver. Ex ung part na bglang nawala ung Bhay nila Errol, and mrami pang ibang scenes from previous chapters. Pra kcng namamadali ung scenes. What I'm saying is when you write those scenes most of the time they don't end satisfyingly! Prang kulang sa tension, mystery, horror, etc. But of course you're the writer and maybe your purpose is to really write them that way? Coz its really evident that you're a fan of horror urself and im really hoping to see that influence. That's my observation lang nman po. Tnx for replying

      Delete
    3. Okay, I've already spent an hour wondering how I should respond. I want to defend my work, but I don't want to sound smug. :'(

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails