Followers

Sunday, January 3, 2016

Enchanted: Broken (Chapter 30-31)

Happy New Year!

What can I say? Maraming salamat sa pagsubaybay. In two months, naka 29 chapters na tayo. I told you, mabilis lang ito. Malapit na tayong matapos sa first book. Ilang updates na lang malamang. Maraming salamat sa inyo.

Again, I’d like to remind you that it’s more of a plot-driven than a character-focused story.
Gaya ng nasabi ko noon, dito sa unang libro ay gusto kong ipakita ang relationships at connections ng mga karakter sa isa’t isa. Gusto ko rin ipakita ang kanilang mga personalities.

Ikinalulungkot ko pero nalalabi na lang ang mga masasayang tagpo. The story will pick a darker and sadder tone as we near the end of Book 1, which is more like the start of the real deal. But right now, gusto ko muna kayo patawanin, at sana ay mapatawa ko nga kayo.

Maraming salamat!

If you have questions, don’t hesitate to ask. You can message me on facebook. Or you can drop your questions in the comments below.

https://www.facebook.com/bombi84

You're probably wondering why I don't have photos of the main characters. That's because I'm scared to post just any photo because of copyright issues and stuff like that. But all right, just for the heck of it, I'm posting photos of the guys I think best fit the characters.

Errol 















Sa character ni Ivan I'm torn between Darylle Salvador and Allen Molina.






















For Erik, Evan Vergogna (Yung sumali ng Mr. Pastillas)





















I am open to suggestions. Haha. Like I said before, imaginin niyo na lang kung sino ang Ivan at Erik sa buhay ninyo para masaya.


NiƱa Dolino as Cindy Gatchalian






















Chapter 30
Ingay


“Marie, dumating na ba si Miss Sandy?” tanong ni Cindy na nagmamadaling sinalubong si Marie na kakalabas lang din ng kanyang opisina.

“Naku, teh, hindi pa nga, eh. ‘Yung mga tao sa labas ng building nagkakagulo. ‘Yung iba nasa labas na ng opisina natin.” Nakasimangot na saad ni Marie na halata ang pag-aalala.

“Oo nga eh. How do we deal with this?”

Biglang lumapit ang isang empleyado at nagtanong kina Cindy at Marie. “Napakiusapan na po namin ang mga nasa labas ng opisina na huminahon.”

“Thank you, Nigel,” saad ni Cindy. “I think we need to meet them. Marie, kakausapin ko ang lider nila. Iimbitahan siguro natin ang ilan sa kanila sa conference room para sa mas mahinahon na dialogo.”

“Hindi na ba natin hihintayin si Ma’am Sandy?” tanong ni Marie.

“Tinawagan niya ako kahapon at ako ang pinapaayos niya ng problemang ito,” sagot ni Cindy.

“Mukhang no-show na naman ‘yang lola mo. Alas diyes na kaya!”

“Oo nga, eh. Nakakahiya ito para sa image ng company.” Sinapo na lang ni Cindy ang noo. “O, sya lalabas na muna ako para makausap ang ilan sa kanila.”

“Sige,” saad ni Marie.

“Nigel, halika. Samahan mo ako.”

“Okay, ma’am.”

Nang makalabas ng opisina ay sinalubong sina Cindy at Nigel ng mga galit na rallyista.

“Kumalma lang po muna tayo,” saad ni Cindy.

“Papano kami kakalma? Ilang taon na kaming nagtitiis sa di makataong pagtrato ng kompanyang ito sa mga maralitang katulad namin!”

“Ano ho’ng pangalan ninyo?” tanong ni Cindy.

“Berto!”

“Mang Berto, kayo po ba ang lider ng unyon?” tanong ni Cindy.

“Hindi ako.”

“Sino po?” tanong ulit ng dalaga.

“Ako,” sagot ng isang babaeng mas matanda kay Cindy.

“Ano pong pangalan nila?”

“Rita.”

“Okay. Sige. Aling Rita, pwede po ba namin maimbitihan kayo at ang ilan sa inyo sa loob para makausap?” Ngumiti si Cindy sa mga ito.


Sa loob ng conference room ay naroon sina Cindy, Marie, at ilan sa mga empleyado at ang ilan sa mga nagprotesta.

“Wala po ngayon ang CEO ng company kasi naaksidente po siya noong isang araw. Pero andito po kami bilang mga opisyales ng kompanya para pakinggan po ang inyong mga hinaing.” Nakaharap sina Cindy sa kanina’y mga nag-aklas.

“Dapat noon niyo pa ito ginawa. Matagal na kaming humiling ng dagdag sahod at mas maayos na lugar na pagtatrabahuan,” sigaw ng isang babae.

“Alam ko po ang hirap ng pagtatrabo sa ating planta. Nakadalaw po ako sa factory natin ilang beses na,” sagot ni Cindy nang mahinahon.

“Paano kami makakapagtrabaho nang maayos kung hindi maganda ang pamamalakad? Minsan delayed pa ang kakarampot naming sweldo,” saad din ng isa pang rallyista.

“Sa tingin ko po ay hindi tayo magkakaintindihan kung nagsisigawan tayo. Ang mas mabuti po ay ilagay po natin sa papel ang mga nais nating mangyari nang mapag-usapan natin ng mas maayos sa lalong madaling panahon.” Binaling ni Cindy ang tingin sa lider. “Aling Rita, pwede po ba nating gawin yon?”

Tumango naman ang lider ng unyon.

“Mainam po na idetalye natin ang ating mga hiling at hinaing, at pag-aaralan po namin kung ano ang gagawin.”

“Bakit pag-aaralan pa? Dapat tugunan niyo na! Matagal na ang mga hinaing namin!” sigaw ng isang mama.

“Huminahon po tayo. Kailangan din po kasi na mapag-usapan ng maayos. Gaya ninyo ay empleyado lang din ako, kami dito, tayo. Hindi po namin pag-aari ang kompanya. Kailangan pa rin isangguni sa itaas ang mga desisyon. Gaya ninyo ay gusto rin namin maging maayos ang lahat kasi apektado po kaming lahat kapag may nangyayaring ganito. Hindi ko po ikakaila na medyo dumadaan ang kompanya sa mga mabigat na problema nitong nakaraang taon. Sana po ay mapagpasensiyahan ninyo.”

“Aasahan namin yan, madam,” saad ni Rita.

“Wala po akong maipapangako sa inyo, pero gagawin ko po ang aking magagawa. Ang hiling ko lang po sa ngayon ay kung maari bumalik na muna tayo sa trabaho. Maaari po ba yon? Alam ko po ang trabaho ninyo ay para rin sa inyong mga pamilya.”

Unti-unting nagsialisan ang mga nagprotesta sa conference room at lumabas. Ngunit sandaling kinausap ni Cindy ang lider ng unyon.

“Aling Rita, ‘yun lang po ang request ko ha. ‘Yung detalyadong listahan ng mga gusto ninyong mangyari.”

“Opo, ma’am.”

“Basta ha. Sa Lunes, aasahan ko, nang mapag-usapan namin dito at maimbitahan namin kayo ulit. Ang number niyo nga pala?”

Binigay ni Rita ang numero nito.

“Salamat po. Sana ay magawan natin ng paraan ang mga hinaing ninyo sa lalong madaling panahon.”

“Salamat din,” sagot ni Rita pagkatapos ay lumabas na ng opisina.

Nagpalakpakan ang mga kasamahan ni Cindy sa trabaho.

“Iba ka talaga, teh! Ikaw na!” bulalas ni Marie.

“Sira!” Umirap si Cindy. “Hindi pa tapos ang problema. Umpisa pa lang.”

“Guys,” sigaw ni Marie sa mga kasamahan, “libre natin si Cindy for lunch ha!”

Tiningnan nila ang mga tao sa baba na unti-unting nagpulasan. Maya-maya pa ay may dumating na pamilyar na mukha.

“Good job, Miss Gatchalian!”

Lumingon si Cindy dito. “Miss, where have you been?” Napansin niyang wala na itong benda at mga galos.

“I had more important things to attend to,” sagot nito. “But looks like we can salvage the company after all.”

“You look ... great, Miss Sandy,” saad ni Cindy na nagtataka.

“Money can do wonders, my dear.” Ngumiti ito. “Marie, I need you in my office.”

“Right away, Ma’am.” Humarap ito sandali kay Cindy at nanlalaki ang matang umismid at tinuro ang malditang boss na nakatalikod na sa kanya.




Chapter 31
Rosas 


“Hay nako, Sir Errol,” saad ni Manny na mangiyak-ngiyak. “Tingnan mo ang mga sagot ng mga students ko sa long quiz ko.” Nilagay niya ang mga daliri sa kanyang sentido at umiling-iling. “Nakakaloka!”

Tiningnan ni Errol ang mga papel na inabot ni Manny. Natawa ito sa mga nabasang sagot.

“Nakakatawa, di ba? Nako kung ganyan ba nang ganyan, ano na lang ang future ng bansang Pilipinas?”

“Buti nga sa’yo may nasasagot. Sa Chem, swerte na kung may isang makapasa sa section na ‘yan.”

“Bakit nga pala andito ka sa library?”

“Nagreresearch?” Tinaas ni Errol ang isa sa mga librong binabasa. Pinandilatan lang siya ni Manny.

“Twenty years na may internet! Ano ka ba?”

“Okay din ‘yung galing sa libro mismo.” Bumalik si Errol sa pagbabasa at pagsusulat ng notes.

“Ang sabihin mo may iniiwasan ka.”

“Ha? Sino naman?”

“Hay nako. As if naman hindi kayo pinag-uusapan dito sa campus.”

Lumingon si Errol sa kausap. “Sir Manny, pa’nong?”

“Hindi ko rin alam pa’no naging tsismis. Pero kasi di ba noon close na close kayo. Tapos nagkajowa ‘yang Erik. Tapos minsan ka na lang tumambay dun sa faculty room ninyo, natin pala.”

“Masikip kasi dun. Kapag break katulad ngayon maraming tao. Hindi ako makapag-focus.”

“Juice ko!” Napataas ang boses ni Manny. “Tigilan mo ako. Bakla din ako. Kaya alam ko yang mga kemeng ganyan. So ano ba talaga?”

“Sir Manny naman, eh.” Bumalik si Errol sa binabasang libro.

“Ay! Nagpapabebe! Pero wag mo na sabihin. Halata naman. Bet mo si Sir Erik?”

“Noon ‘yun.”

“Ay! Kasi may Ivan na ngayon? I love it!”

“Sira! As if naman... Friends lang kami.”

“Lasingin mo na kasi. Tapos gapangin mo.”

“Loko-loko. Eh, di binugbog ako nun. Nakita mo ba yung katawan non? Isang sapak lang, ICU ang bagsak ko.”

“Hmmm, tingin ko beauty talk lang ang katapat ng yummy na ‘yun. Ang yummy niya! Ang kinis ng balat. Ang sarap dilaan. Ang nipples niya, teh, ang sarap kagatin!”

“Huy, ang bunganga mo.” Ginala ni Errol ang tingin upang tingnan kung may nakikinig sa usapan nila.

“Bakit, ano’ng meron sa bunganga ko?” Umirap ang beking guro. “Basta, inggit na inggit ako sa iyo ngayon. Nakakainis ka! Alam mo bang inaccept niya na ako sa Facebook?”

“Talaga?”

“Oo,” nanlalaking matang saad ni Manny. “At chineck ko lahat ng photos niya! Shet! Ang sarap sarap niya talaga.”

Natawa si Errol sa narinig.

“Ateng,” saad ni Manny na nilakihan ang mga mata, “kung ayaw mo sa kanya, akin na lang.”

“Sira. Sir Manny, ha.”

“Ayan! Ayan! Madamot ka talaga.”

“Hindi ko naman pag-aari ‘yung tao para ipamigay.” Natatawa si Errol.

“Pero teka. Sino mas gusto mo sa kanila ni Erik?” nakangising tanong ni Manny.

“Kelangan may comparison talaga?”

“Naman. Ang dalawang lalaking ‘yun ay parang mga works of art, mga iskulturang likha ng isang mahusay na bathala,” saad ni Manny na kunyari ay may nilililok sa ere.

“Dinadaan mo ako sa Humanities, sir, ha.”

“Sino nga?”

“Ang?”

“Hay, ito talaga! Nagmamaang-maangan. Sino ang mas hot, sino ang mas pogi, sino ang mas masarap?”

“Huy, ‘yung boses mo baka may makarinig. Ano na lang iisipin sa atin? Mga guro pa naman tayo.”

“Hayaan mo nga ‘yang mga ‘yan. So, sino na?”

Sandaling nag-isip si Errol. “Okay, pareho naman silang macho. Pero sige na nga. Mas hot at gwapo si Ivan.”

“Wawa naman si papa Erik.”

“May Shanice na siya, eh.”

“Ay, may lungkot?”

“Nagsasabi lang ako.”

“’Yung pagkakasabi mo may pait!” Natatawa si Manny.

Natawa na rin si Errol sa panunukso ng kaibigang guro. “Okay na ako. Naintindihan ko naman.”

“Okay ka na? Ibig sabihin noon hindi ka okay?”

“Grabe ka talaga.”

“Siguro iniyakan mo si bestie mo, ‘no?”

“Sir Manny...” daing ni Errol.

“Ano?”

“Siyempre masakit din sa akin na may iba ng laging kasama ang best friend ko. Pero ganun talaga. Lalaki siya, eh. Babae ang hanap.”

“Punyeta talaga ‘yang pekpek na ‘yan, eh. ‘Yan talaga ang matindi nating kalabang mga sangkabaklaan, ‘yang lintek na pekpek na ‘yan. Nako, kapag nakakita ako ng pekpek, tatadtarin ko talaga.”

Tumawa nang pino ang dalawa sa silid-aklatan. Hirap na hirap si Errol sa pagpigil sa kanyang tawa. “Bwisit ka talaga, Sir Manny! Teka, ba’t ka ba andito?”

“Wow! Iyo itong library?”

“Baliw! Nagtatanong lang.”

“Eh, gusto kita samahan. Lagi ka kasing nag-iisa! Napaka loner mo.”

“Ang sweet mo naman!”

“Hoy, ateng. Hindi tayo talo ha. I’m here as a sista!”

“Sira! Oo naman.”

“Sino date mo bukas?”

“Date? Uso ba sa atin ‘yun?”

“Sabagay. Ako wala ng date date. Tuwad na agad.”

“Gago ka talaga, Sir.”

“Ikaw kasi manang ka. Kulang na lang magpatayo ka ng kapilya.”

“Hindi ko kasi trip yang mga ganyan.”

“Virgin Mary kasi ang peg mo. Ba’t di mo ako gayahin?”

“Bloody Mary ka, eh.”

“Walang hiyang ‘to! So, wala kang date bukas?”

“Wala nga. Ang kulit.”

“Irereto kita sa mga kakilala ko.”

“Ayoko nung mga kakilala mo.”

“Bakit?”

“Mukhang mga goons.”

“Ang arte! Kausapin mo kaya yung Ivan.”

“Nako! Malamang may date ‘yun bukas. ‘Yung mukang ‘yun walang date sa Valentine’s Day?”

“Oo nga. Pinag-aagawan ‘yun malamang ng maraming babae.”

“Ikaw, may date ka ba bukas?”

“Hay nako. Magsa-skype kami bukas ng jowa kong kano.”

“Ikaw na talaga.”

“Nako, alangan naman asahan ko ang mga nanggagancho sa aking Pinoy na manghihingi lang ng load.”

“Ikaw naman kasi nagpapaloko ka.”

“Kaya nga naghahanap na lang ako ng foreigner. Dun sa mga ‘yun may love talaga, may pera padala pa. Asan ka pa? Sakay na.”

“Loko-loko!”

“Kaya ikaw kung gusto mo lumigaya, makipagdate ka na rin online. Nako yang beauty mo, tiyak panalo yan.”

“Wala akong hilig sa ganyan.”

“Ah, sige. Hintayin mo na lang na maging manang ka. Magmadre ka na lang kaya. Ay! Magpari ka na lang!”

“Ha?”

“Oo,” nanlalaking matang saad ni Manny, “magpari ka! Maraming sakristan.”

“Sira! Puro ka biro.”

“Ano ka ba? Marami kayang mga bading na pari.”

“Seryoso pagpapariin mo ako?”

“Hindi, hindi! Gusto ko magkargador ka.”

Tumawa na naman ang dalawa nang tahimik. Nag-anyaya si Errol na kumain na.

“Pwede sa labas naman tayo kumain?” tanong ni Manny.

“Bakit?”

“Sawa na ako sa mga luto sa cafeteria.”

“Oo nga, ‘no. Paulit-ulit na lang.”

“Tumikim tayo ng mga bagong putahe. Ng mga bagong PUTAhe.”

Natawa si Errol. “Sira ka talaga.”

“Tara na.”

“Dun tayo dumaan sa kabila.”

“Bakit?”

“Ayoko dumaan sa faculty room.”

“Mas malapit kaya kung dun tayo dadaan.”

“Sige na, Sir Manny.”

“Ang arte arte mo talagang manang ka. Sige na nga.”

Pagkatapos nilang mananghalian ay bumalik sa kani-kanilang mga klase sina Manny at Errol. Isang ordinaryong Biyernes ang dumaan. Pagkatapos ng pasok ni Errol ay hinintay niyang matapos si Manny sa last schedule nitong inabot ng ala sais y media ng gabi.

Hindi nito nakita si Erik noong araw na iyon, ngunit ayaw niya itong abalahin. Sabi nga ni Manny ay pinag-uusapan sila sa eskwelahan kaya minabuti ni Errol na dumistansiya na nga talaga sa kaibigan. Ayaw niya ng mga tsismis. Ayaw niyang malagay sa alanganin ang kaibigan at ang relasyon nila ni Shanice. Sanay na rin naman siya pagkatapos ng maraming buwang iwasan.

Kahit nagkausap sila ni Erik nang masinsinan kahapon ay buo na ang desisyon niyang bigyan ng limitasyon ang pakikitungo niya sa dating matalik na kaibigan. Tanggap niyang hanggang doon na lang. Hanggang doon na lang.

Wala rin siyang natanggap na mensahe galing kay Ivan. Namimiss niya ang bagong kaibigan pero okay lang. Alam naman niyang may sariling buhay ‘yung tao. Hindi niya na rin ito pinadalhan ng anumang mensahe maliban sa pagbati sa kanya kaninang umaga na hindi nito sinagot. Sa isip ni Errol ay baka abala lang ito. Bakit naman siya masyadong pag-aaksayahan ng panahon ng lalaking ‘yon?

Nang matapos si Manny sa huli niyang klase ay lumabas ito ng silid-aralan at nakapamewang na hinarap ang kasamang guro. “Diyos ko! Haggard na yata ako.”

“Pretty ka pa rin.” Ngumisi si Errol dito.

“Nahahaggard ako sa mga students na ito,” saad ni Manny habang nakapamewang sa mga naglalabasang estudyante. “Mag-aral naman kayo! Puro kayo selfie. Puro kayo awra.”

“Hala si sir nagagalit,” saad ng isang babaeng estudyante.

“Sir, kalma lang. Hindi pa end of the world,” saad din ng isa pang mag-aaral.

“Kapag binagsak ko kayo, end of the world niyo na!”

“Sir, kalma lang,” mahinang saad ng isang lalaking estudyante na biglang inakbayan si Manny at nilapit pa ang mukha nito sa kanya at pinisil ang kanyang baba. “Hayaan mo. Mag-aaral kami next time.”

Natawa si Errol sa nakitang tila ay paglalambing na estudyante sa gurong nagtataray.

Si Manny naman ay nabalisa at nag-iba ng tono. Naging malambot ang boses nito. “Sige na. Sige na, Eugene.”

Mas lalong natawa si Errol sa nakita.

“Sir, mamaya text text tayo ha,” bulong ng lalaking nakaakbay kay Manny.

“Oo, sige na. Sige na.” Tinulak na ni Manny ang lalaking estudyante na pagkatapos ay naglakad papalayo.

“Sir Manny, bawal kaya ang teacher-student relationship.”

“Eh, ano bang magagawa ko kung sadyang irresistible ang alindog ko?” tanong ni Manny sabay hawi kunyari sa buhok.

“Dami mo talagang boylets.”

“Ganun talaga. Collect and then select.”

“Ganda mo ha.”

“Uuwi na ba tayo?” tanong ni Manny na kinuha ang bag sa loob ng silid.

“Bakit, may pupuntahan pa ba tayo?”

“Alam ko na!” nanlalaki ang mga matang saad ni Manny. “Magmall tayo!”

“Okay,” simpleng tugon ni Errol. Nagsimula nang maglakad ang dalawa sa koridor.

“Para naman malibang ka.”

“Nagmamall naman ako, ‘no.”

“Yeah, once in a blue moon.”

“Nagmall kaya kami ni Ivan nung isang araw.”

“Ay, hindi mo nakwento na nagdate kayo, ha. Pero hindi counted ‘yon. Kasi bago ‘yon, mukhang ilang dekada ka ng hindi nakakaapak ng mall.”

“Hindi ah.”

“Aarte ka na naman. Tatampalin kita.” Aktong hahampasin ni Manny si Errol. Nilayo naman ng huli ang mukha.

“Sasama na nga, di ba?”

“CR muna tayo.”

“Naiihi ka?”

“Magpapaganda!”

Naglakad patungong restrooms ang magkaibigang guro. Biglang pumasok si Manny sa girls restroom.

“Sir Manny, pambabaeng restroom yan!”

“Ano ka ba? Mga babae kaya tayo.”

“Baka magulat ang nasa loob.”

“Ikaw talagang manang ka.”

Sa loob ng restroom ay nagbihis ng damit si Manny. “Ayoko ngang rumampa na naka-uniform. Yuck! Pangit ng uniform natin, lakas maka senior citizen.”

“Wala akong baong damit, eh.”

“Okay na yang suot mo. Manang ka naman, eh.” Inayos-ayos ni Manny ang manggas ng uniporme ni Errol. “Ayan, parang aattend ka lang ng lamay.”

Natawa si Errol. “Leche ka talaga. Kanina ka pa, ha.”

“Okay, okay. Ito naman hindi na mabiro. Sige, hindi ka na manang.”

“Alam ko na yang mga biro mong ganyan.” Natatawa si Errol habang pinapahiran ng tisyu ang mukha.

“Ikaw na ang papalit sa Birhen ng Manawag.”

Humagalpak sa kakatawa si Errol at tinulak si Manny. “Bwisit ka talaga.”

“Matagal ko ng alam ‘yan. Matagal na akong sinasabihan ng tatay ko ng ganyan.”

“Buti nakakalandi ka kahit ayaw ng tatay mo na beki ka.”

“Hanggang sermon lang naman ‘yon. Pag napuno ako dun lalayasan ko sila. Akala nila ha.”

“Matatanggap ka rin nun. Ako nga, eh.”

“Hay nako, sana magdilang anghel ka, Manang Errol.”

“Leche ka talaga! Kanina mo pa ako inaasar ha.” Binatukan ni Errol ang guro.

“Aray! Itong manang na ito talaga. O, heto magpowder ka nang gumanda ang disposisyon mo sa buhay.”


Nang makarating sa mall at nang makapkapan siya ng gwardiya ay umandar na naman ang kapilyuhan ni Manny. “Guard, kapkapan mo pa ako. Sige na. Dito pa.” Kinuha ni Manny ang kamay ng guard at dinala ito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan niya. “Shet, Guard, oh, dito pa. Oh, shet!”

“Baliw!” Binatukan ni Errol ang kasama. “Guard, pasensiya na kayo diyan.”

Tumawa lang ang gwardiya.

“Itong manang na ito talaga. Guard, wala ba akong kiss?” Hinalikan naman ng gwardiya sa pisngi si Manny na pagkatapos ay dumila kay Errol.

“Landi! Kung naging babae ka lang, matagal ka ng nabuntis! Baka dalawang dosena na anak mo,” saad ni Errol.

“Dalawang dosena agad? Hindi ba pwedeng isa lang muna? Kung naging babae ako, magpapalagay ako ng IUD, para kahit anong oras, pwede!” Tumawa ang dalawa.

“Valentine’s Day talaga ang atmosphere dito sa loob,” saad ni Errol.

“Ang daming mga puso. Pero ‘yung puso mo luhaan.”

“Hindi naman.”

“Ah, oo nga pala. Nagbibitak-bitak lang sa dryness. Itigil mo na kasi ‘yang pagkamanang mo. Minsan ay lumandi ka rin.”

“Hindi naman kasi ako ganun.”

“Tumigil ka nga. O, nakita mo ‘yung mga boys dun sa upuang ‘yun?”

“Bakit?” tanong ni Errol na sumulyap sa tinuturong kumpol ng mga kalalakihan ni Manny.

“Dadaan tayo dun. Ngingiti tayo ha.”

“Hay, baka kutyain tayo ng mga ‘yan.”

“Hindi ah! Watch me.” Nang makalapit sa kumpol ng mga kalalakihan ay kumindat si Manny sa mga ito. “Ngumiti ka. Ngumiti ka.”

Bahagyang ngumiti si Errol. Nakita niya namang kumindat ang isa sa mga lalaki. Umiwas ng tingin si Errol. “Sir Manny, halika na!”

“Teka lang.” Lumapit si Manny sa isang lalaki. “Pwede bang mahingi ang number mo?”

“Bakit?” tanong ng lalaking mas matangkad nang kaunti sa kanila.

“Kasi itong friend ko malungkot. Naghahanap ng kaibigan,” saad ni Manny.

“Ah, ‘wag kang maniwala diyan. Nagbibiro lang ‘yan,” sabat ni Errol.

“Sorry kasi hindi ako pumapatol sa bakla, eh,” sagot ng lalaki na nakatingin kay Manny.

“Sinong bakla, dude? Ha! Sino?” Pinatigas pa ni Manny ang boses nito.

“Huy!” Natatawang hinila ni Errol ang kaibigan.

“Kasi” -- umaktong bruskong tigasin si Manny -- “ito, eh! Bakla ka daw, tol!”

“Sir Manny, halika na nga!” bulyaw ni Errol.

“Okay” -- sumimangot si Manny sa lalaki -- “arte nito, pangit naman.”

“Ano sabi mo?” Tumaas ang boses ng lalaki.

“Ah, wala. Wala nagbibiro lang siya.” Hinila na ni Errol si Manny. “O, ano ka?” Tumawa si Errol. “Waley! Laos ang alindog mo.”

“Jinx ka kasi!” Umirap si Manny at patuloy na naglakad kasama si Errol. “Dun tayo, te!” Tinutukoy ni Manny ang isang stall ng mga Valentine gifts and flowers.

“Ano naman ang gagawin natin diyan?”

“Bibili.”

“Bibili?”

“Hindi, hindi! Idedemolish natin ‘yung pwesto ng tindera. Syempre bibili tayo!”

“Bakit?”

“Para kunyari meron tayong inuwing somethings galing sa mga monito natin.”

“Ikaw talaga kung anu-ano na lang.”

“Hay! Itong manang na ito talaga!” Lumingon si Manny sa tindera sa stall. “Ate, magkano ‘tong isang rose na may heart-shaped chocolate lollipop?”

“249 po,” sagot ng babae.

“Ang mahal,” bulong ni Errol kay Manny.

“Kuripot ka talaga. Ako na magbabayad. Libre na kita.”

“Para sa girlfriend niyo po, sir?” tanong ng tindera.

“Ate, iniinsulto mo ba ako? ‘Tong ganda kong ‘to, magi-girlfriend ako.”

Natawa si Errol. Natawa na rin ang tindera.

“Sorry po sir. Para kanino po?”

“Para sa amin?”

“Seryoso po kayo, sir?”

“Ate, gusto mo i-skinhead ko ‘yang buhok mo?”

“Ay, sorry po, sir. Ano pong pangalan ilalagay ko sa cards, sir?”

“’Yung isa, Manny. Dun sa isa, Errol,” sagot ni Manny. Pagkatapos iabot ni Manny ang bayad ay kinuha na nito ang mga rosas na may tsokolate at binigay ang isa kay Errol.

“Ang korni nito.”

“Tumigil ka nga. Hawakan mo lang para kunyari may nagbigay sa atin.”

“Para tayong mga sira. Wala namang maniniwalang may nagbigay sa atin ng mga ito.”

“Ikaw talaga napakanega mo. Kalbuhin kita, eh.”

“’Wag naman.” Napahawak si Errol sa kanyang ulo.

“Hindi diyan. Dun!” Nakanguso si Manny sa ibabang bahagi ng katawan ni Errol.

“Loko-loko ka talaga!”

“Te, te, te!” Kinalabit ni Manny si Errol.

“Ano, ano, ano?” sagot ni Errol.

“Tingnan mo.” Ngumuso siya sa isang lalaki sa di kalayuang kainan sa loob ng mall. May ka-dinner itong babaeng maganda. Tila masaya silang nag-uusap. “Di ba si yummy ‘yun?”

Nang makita ni Errol si Ivan sa isang sosyal na kainan sa mall ay bumagsak ang mga balikat nito. Naisip niyang kaya pala hindi siya tinitext ng binata ay dahil abala nga ito, abala sa babaeng malamang ay kasintahan nito. “Bagay sila.” Napangiti si Errol.

“Okay ka lang?” Napangiwi si Manny. “Lapitan kaya natin. Sabunutan natin ‘yung babae.”

“Seryoso?”

“Di, joke lang. Pero ‘wag kang umiyak dito ha.”

“Sira! Ba’t naman ako iiyak? Syempre happy ako para sa kanya.”

“Plastik! Nako tigilan mo ako sa keme mong ganyan, Errol, ha. Kilala kita. Alam ko ang pagkatao mo.”

“Alis na tayo dito. Baka makita niya tayo. Baka isipin pa niyan sinusundan natin siya.”

“Ang sabihin mo nagseselos ka.”

“Ba’t naman ako magseselos?”

“Bet mo kaya ‘yang Ivan na ‘yan. Pero sino naman ang hindi magkakagusto diyan. Tingnan mo naman ang mukha, ang mga mata, ang ilong, ang lips, ang pananamit, ang katawan. Isang perpektong likha ni Lord.”

Kahit na may kirot na naramdaman si Errol sa nakita ay napapawi na rin ito ng pagpapatawa ni Manny. “Ikaw, kung anu-ano na lang ‘yang mga naiisip mo, ha. Magpa-drug test ka kaya.”

“Hello! Sa kape lang ako adik.”

“Sa kape lang?” tanong ni Errol na nakangisi.

“Sa lalaki na rin. Eh, ikaw adik sa pagkamanang!” Nang malapit na sila sa food court ay -- “Li ka kumain tayo ng something.”

“Kumain ng?”

“Titi! Syempre pagkain! Hello, food court. Ito matalino nga sa science, pero may pagka tanga rin. Ay nako ha. Nakita lang si Mr. Yummy nawala na sa ulirat.”

“Hello! Marami kayang pagkain dito.”

“Pili tayo dun. Medyo konti lang tao ngayon. Takot pa yata sa terror threats. Eh, wala naman.”

“Ano kaya talaga ‘yung nangyari nung isang gabi?”

“Nagtatanong ka pa! Ang nangyari nung isang gabi ay niyakap ka ni yummy guy na shirtless.”

“Sira! Hindi ‘yon. ‘Yung blackout!”

“Hay! Fine Arts ang kinuha ko sa kolehiyo! Malay ko ba sa blackout na ‘yun. Hayaan na natin ang mga kinauukulan. Pero anong feeling na mayakap ng isang masarap na lalaki?”

“Ano ba ‘yang tanong na ‘yan?”

“Hala, hala! Namumula...”

“Sir Manny ha!”

“Umaarte! Hay nako. Nako, nako ayan ka na naman sa mga keme mong ganyan. Siguro hindi ka nakatulog nung gabing ‘yon, ‘no?”

“Nakatulog naman.”

“Nangamoy clorox ba sa kwarto mo.”

“Hindi, ‘no. Ang bastos ha!”

“Pag clorox bastos agad? Di ba pwedeng naglinis ka lang? Nag disinfect, mga ganong bagay?”

“Baliw!”

“Baliw ako kay Mr. Yummy.”

“Akin na ‘yun!”

“Ay, possessive si ateng! Gusto ko yan! Ganyan nga. Magka attitude ka naman. Lumalaban! Ganern!”

“Actually, sa bahay siya natulog nung Miyerkules ng gabi.”

“Ano! Mga walang hiya kayo! Mga taksil!” sigaw ni Manny sabay tapon sa dala niyang rosas sa sahig.

“Huy baliw! Pinagtitinginan tuloy tayo.”

“Okay, halika na. Kain na tayo. Nagugutom na lola mo.”

“Sige. Dun tayo kasi mukhang masasarap ang mga ulam nila.”

“Wala nang mas sasarap pa kay Ivan! So ibig sabihin hindi ka na virgin?”

“Wala namang nangyari.”

“Ano? Nagpakamanang ka na naman! Grabe ka talaga.”

“Eh, kasi, di ba? Parang ang pangit naman kung aanuhin ko siya. Baka isipin niya pinagsasamantalahan ko ang friendship namin.”

“Sus, ‘tong baklang ‘to talaga. Andun na eh. Andun na!”

“Basta ayoko isipin niya na ganun akong klaseng tao.”

“Ah, so mababa ang tingin mo sa akin.”

“Hindi naman sa ganun.”

“Nako, kung ako ‘yun, wala na! Pati mga daliri sa paa nun nilaplap ko na. Lahat ng parte ng katawan niya lalawayan ko.”

“Ang manyak mo!”

“Hay manang! Tatanda ka talagang walang muwang. Teka, ano’ng suot ni Ivan nung gabing ‘yun?”

“Shorts ko. Hindi kasi planado ‘yun. Nagkataon lang na inabot siya ng biglaang curfew sa bahay.”

“Shorts mo lang ang suot niya?”

Tumango si Errol.

“Wala na naman siyang pang-itaas?” Nanlaki ang mga mata ni Manny.

Tumango ulit si Errol.

“Oh my God! Buti kinaya mo.”

“Oo nga eh.” Napangiti si Errol habang naaalala ang pang-aakit na ginawa ni Ivan, ang paggiling nito sa ibabaw ng higaan, ang pagyakap nito sa kanya.

“Bakat ba?”

Tumango ulit si Errol habang naaalala ang natunghayan kahapon ng umaga nang makita ang pagbakat ng matigas na bagay na tila gustong kumawala sa shorts na suot ng binata.

“Malaki ba ang bakat?”

“Ano ba ‘yang mga tanong mo!”

“Eto naman ang damot sa info!”

“Actually, nakita ko siyang hubo’t hubad nung gabing ‘yun.” Napangiti si Errol sa naalala.

“Tapos walang nangyari? Nako ha!”

“Wala talaga, promise! Pinagtitripan lang kasi ako nun.”

“Sana pinagtripan mo rin. Sus, kung ako ‘yun...”

“Ayoko. Baka mag-iba ang tingin niya sa akin.”

“Sabagay. Pero at least kahit natikman mo man lang.”

“Ayoko. Gusto ko ng true love.”

“Sige, kumain na lang tayo. Nabubwisit ako sa mga keme mong manang ka! Oy, KKB na tayo ha.”

“Sige, sige.”

14 comments:

  1. Thanks sa update. Pero seriously nabibitin ako sa kwentong pag ibig ni errol. Enjoy kc ung part na un.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wait for this story's Valentine's Day, our last kilig moment. Hihihi

      Delete
    2. ayy.. wag mong putulin Sir! kahit may hard times sana may kilig factor pa rin šŸ˜¢

      Delete
  2. Shet. Nakakakilig and I'm looking forward to read the next chapters šŸ˜€

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, Miko, for being an avid reader. Abangan niyo ang isa pang kilig chapter, Chapter 34. Medyo mangingilabot muna kayo sa next update.

      Delete
  3. Guys, 4 updates na lang pala tayo for Book 1.

    Chapter 32-33
    Chapter 34-36
    Chapter 37-39
    Chapter 40-43

    I'll make sure to post an update each week. Kinda busy because I'm also working on The Mind Bender. Matatapos siguro natin ang Book 1 before this month ends. After that, I'll ask a 2-week break from you kasi kailangan kong tingnan ang kabuuan ng Book 1 and 2. I hope that's okay with you. Don't worry. Hindi ko kayo iiwanan sa ere. Maraming salamat!

    ReplyDelete
  4. Ang bait naman ng author namin. May explanation pa. Hood luck sa iyo. Malayo ang marating mo. Keep upthe good work.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat, Alfred. I feel kasi na kailangan kong iremind ang readers that this isn't just Errol's story. There's another plot line going on. I hope the readers are as interested in the other aspects of the story as much as they are interested in romantic aspects of it. Hehehe. Thank you for being an avid reader.

      Delete
  5. author with a heart and mind for his readers, that"s great, keep up the good work my frend!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, Robert. I really want to reach out to you as much as possible and respond to every feedback or comment because it's the only way for me to express my gratitude dahil kahit papaano ay pinaglaanan ninyo ng panahon ang istorya natin. I realized na at this point it's no longer just my story. It is our story. It is every reader's story as well as mine. Maraming salamat sa inyong lahat sa pagbabasa. :)

      Delete
  6. Di pala napost comment ko dito haha.

    -RavePriss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails