Trombonista ng buhay ko
By: Bluerose
CHAPTER 17
DISCLAIMER
The public is advised of some scenarios of strong and/or sexual language, and sexual behavior of the characters involved. Events, places and situations are fully fictional. Furthermore, this is advised R-18 due to contents not suitable for ages below 18 years old. The author does not promote neither exploit readers to do such acts instead to raise awareness, understanding and optimism toward the characters involved.
SI ETHAN
Experience? Sabi nila na ang the best teacher daw sa buhay ay karanasan, totoo naman yun eh pero minsan o kadalasan may mga karanasan tayong sana hindi nalang naranasan, mga bagay na sana di nalang dumaan, mga pangyayareng sana di lang naganap. Nakaraan na sana hindi nalang nangyare.
Siguro nga kung ano man yung pinagdaanan mo, it makes you stronger, it makes who you are now pero di ba kahit gaano ka pa kalakas ngayon, Hindi na mawawala yung sugat, di na mabubura yung pilat, na di na muling mababalik yung bawat luha.
Oo malakas ka na ngayon pero kahit kailan di na mabubura na naging mahina ka noon.
--
Nakahiga ako nun sa mahabang upuan habang nanunuod ng t.v ng marinig ko yung katok sa pinto, Naupo lang ako saka nagtatakang lumingon sa pinto. “ Pasok?” saad ko pero tuloy parin to sa pagkatok, humugot lang ako ng malalim na hininga saka tumayo at lumapit sa pinto. “ Sino yan?”
“ Kuya it’s me.” Rinig kong saad sa labas, Isang ngiti lang yung kumawala sa labi ko ng marinig yung boses na yun. Pagbukas ng pinto ay yung ngiti ni Kenneth yung sumalubong sakin.
“ Kenneth?”
“ Kuya merry christmas.” Bati nito sakin.
“ Happy holiday, pasok ka.” ngiti ko saka niluwagan yung pagkakabukas ng pinto. Kinuha ko lang yung mga paper bags na dala niya saka nilagay sa mesa. “ Ang dami naman ata nito?”
“ Eh syempre alam ni Mommy na hindi ka magluluto ngayon pasko.” ngiti niya habang nakatitig sakin. “ I miss you kuya.”
“ I miss you bunso.” saad ko saka nagbukas ng paperbag. “ Wow.” kagat labing saad ko ng makita yung morcon sa isa sa mga tupper ware. “ Salamat bunso dito sa food huh, pero next time wag masyadong marami baka mapagalitan pa kayo ni Daddy, okay lang naman ako dito. Marami ring niluluto yung Mama ni Kent kaya hindi naman ako zero kapag pasko.” lingon ko sa kanya pero natigilan ako ng makitang nakatitig parin sya sakin. “ Bakit bunso may problema?”
“ Kasi kuya.”
“ What?”
“ I miss you so much, Mom and I miss you so much.” seryosong saad niya.
“ Bunso.” pilit na ngiti ko.
“ Kuya kailan kaya uli kita makakasama kapag christmas eve?” nguso niya, humugot lang ako ng malalim na hininga saka nagbigay ng ngiti, dati excited kaming magkapatid tuwing darating yung christmas, nag-aayos ng christmas tree, nagbabalot ng mga regalo, masayang pinagmamasdan yung bawat parol na nakalagay sa harap ng bahay namin, binibilang yung bawat ilaw ng christmas lights, nag-uunahanan sa pagbukas ng regalo tuwing sasapit ang hating gabi, I miss those memories.
Hindi lang naman puro sakit yung naranasan ko sa bahay namin, may mga oras na naging masaya rin ako..lalo na kung wala si Daddy.
“ Kenneth.”
“ Ilang christmas na kong nagbubukas mag-isa ng regalo sa harap ng christmas tree.”
“ Corny mo bunso huh.” asar ko sa kanya.
“ Kuya naman nagmomoment ako eh.”
“ Ewan ko sayo, kamusta sa bahay? Si Mommy?” pag-iiba ko ng usapan, damn ayoko umiyak sa harap niya, ayoko na tapos na ko sa pag-iyak iyak na yan.
“ Okay naman sya, madami syang niluto. Sana kuya nakita mo yung malaking parol sa bahay, Super ganda. Tapos yung napakaraming Christmas lights sa gate natin super nakaka-amaze.” masayang kwento niya.
“ Talaga?” umupo naman sya sa upuan saka pabagsak na sumandal. “ May problema ka ba?”
“ Kuya, malaki nanaman ako di ba? Siguro naman maiintindihan ko na kung bakit ka sinasaktan ni Daddy.” seryosong saad niya pero umiwas lang ako ng tingin. “ Kuya gusto ko maintindihan, Nalulungkot kasi ako na hindi ka namin nakakasama tuwing pasko, Kuya ampon ka ba?”
“ Bunso magkapatid tayo, Hawig naman tayo ah?” ngiti ko.
“ Eh bakit ka sinasaktan ni Daddy?”
“ Uhm kasi.” saad ko saka bumuntong hininga. “ Bunso hindi mo na kailangan malaman.”
“ Kuya naman eh, gusto ko lang malaman, gusto ko maintindihan kung bakit galit sayo si Daddy? Tingin ko nga kuya mas kamukha ka ni Daddy kesa sakin eh kaya imposibleng ampon ka. Si mommy naman ayaw sabihin kasi bawal daw pag-usapan sa bahay yun.”
“ Di naman kami hawig ni Daddy ah?”
“ Hawig kaya kayo kuya?” Nguso niya, Nagbigay naman ako ng pilit na ngiti. “ Kuya sabihin mo na sakin oh, magkapatid naman talaga tayo di ba?”
“ Magkapatid tayo, kung anong dahilan ni Daddy kung bakit niya ko sinasaktan? Bunso samin nalang yun wag mo nalang alamin.”
“ Pero kuya?”
“ Wag ka ng makulit?”
“ Kasi naman eh.”
“ Anong gift sayo ni Daddy?” ngiti ko nalang saka umupo sa tabi niya. Tuwing pasko sobrang inggit na inggit ako kay Kenneth dahil sya lang ang binibigyan ng regalo ni Daddy, Sakin si Mommy lang ang nagbibigay ng regalo, kadalasan ang natatanggap ko kay daddy ay kundi sigaw, batok o suntok tuwing pasko, napakagandang regalo.
“ Binigyan niya ko ng phone kuya.” ngiti niya saka nilabas yung bagong cellphone niya.
“ Wow astig.”
“ Hulaan mo kuya kung anong regalo ni Mommy sayo?” ngiti niya.
“ Ano?”
“ Hulaan mo nga eh?”
“ Damit, kwintas or shoes?” ngiti ko, yun naman lagi regalo sakin ni Mommy haha, si Daddy kasi may hawak ng pera sa bahay kaya hindi ako mabigyan ni Mommy ng mamahaling regalo, di katulad ni Kenneth.
“ Mali kuya.”
“ Eh wala naman akong nakitang gift sa paperbags ah?”
“ Uhm kasi.” ngiti niya saka tumayo at tumuloy sa pinto saka to binuksan. “ Handa ka na kuya?”
“ Ano ba kasi yan?”
“ Wow ano to?” rinig kong saad ni Kent sa labas.
“ Kuya Kent wag kang maingay?”
“ Ano nga kasi yan?”
“ Sakin yung isa Kenneth?”
“ Oo, kuya syempre sabi ko kay Mommy na parang magkapatid na kayo ni Kuya kaya dapat meron ka ding gift.”
“ Astig to tol.” silip ni Kent sa pinto.
“ Ano nga kasi yan?” natatawang saad ko, ngumiti lang si Kenneth saka kinuha sa labas yung.....shit! “ Damn are you serious?” manghang saad ko habang hawak ni Kenneth yung lagayan ng instrument na yun.
“ Para sayo kuya.” ngiti niya.
“ Kenneth wag mo ko lakohin, hindi trombone laman niyan noh?”
“ Tangina tol, trombone nga!” ngiti ni Kent saka pumasok habang hawak yung bagong bagong trombone na yun.
“ Shit.”
“ Nagustuhan mo kuya? Buksan mo bilis?”
“ Are you serious?”
“ Tangina tol ang ganda!” saad ni Kent habang hinihimas yung instrumentong yun. Lumapit naman ako kay Kenneth saka kinuha yung lagayan saka nilapag sa sahig at binuksan, nangilid lang yung luha ko ng makita yung trombone na yun, kulay gold to pero halos makita mo na yung repleksyon mo dahil sa kintab. Shit sobrang ganda.
“ Pano niyo to nabili?”
“ Yung binibigay ni Daddy na panggastos niya, inipon niya saka kuya nagcontribute na rin ako jan, di kasi kaya ni Mommy yung dalawa kaya ginawan ko ng paraan kay Daddy.”
“ Salamat Kenneth.” ngiti ni Kent dito.
“ Wala yun kuya, ikaw pa ba? Kuya narin kita eh saka salamat sa pag-aalaga sa napakagwapo kong kuya huh, salamat kasi ikaw na yung naging pamilya niya habang wala kami.”
“ Oo naman.” Kindat dito ni Kent.
“ Bunso salamat talaga, alam ba to ni Daddy?”
“ Hindi, hindi naman niya kailangan malaman, basta gift namin sayo yan ni Mommy, Di naman kasi sayo yung instrument mo di ba? Sa banda niyo yun kaya yan ang naisip namin ni Mommy para may sarili ka ng trombone.” hindi ko naman napigilan yung pagpatak ng luha ko. “ Kuya naman, iiyak ka pa ba? Ang corny mo.”
“ Sobrang nagustuhan ko lang tong gift niyo.”
“ Tangina tol, laspag na laspag na yung ginagamit natin. Ilang henerasyon na ata yung gumamit nun eh.”
“ Kuya, sana this Christmas masaya ka huh kahit di tayo magkakasama sana wag kang malulungkot, kasi kapag malungkot ka? Malungkot din kami ni Mommy. Miss na miss ka na namin, we really really miss you pero tama kasi si Mommy na mas mabuting mamiss ka nalang namin kesa mamatay ka sa pananakit sayo ni Daddy.”
“ Kenneth.”
“ Basta mahal ka namin huh, sobra. Wag mo iisipin na kinakalimutan ka namin kasi malabo yun kuya, araw araw naalala ka ni Mommy. Araw araw namimiss ka niya, hindi lang sya makapunta ngayon kasi aawayin lang sya ni Daddy. Mahal na mahal ka namin kuya.”
“ Alam ko naman bunso.”
“ I love you kuya, for me ikaw ang pinaka the best kuya sa buong mundo.” ngiti niya saka yumakap sakin, sinagot ko naman yung yakap niya na mas mahigpit. “ Wag ka ng umiyak kuya, ayoko nakikita kang umiyak eh, sawang sawa na ko.”
“ Hindi na.” punas ko sa mukha ko.
“ Merry christmas.”
“ Ikaw talaga.” ngiti ko saka ginulo yung buhok niya.
“ Kuya naman eh.” nguso niya.
“ Ako kenneth di mo ko yayakapin? Sabi mo kuya mo na din ako di ba?” saad ni Kent.
“ Gago ka Kent ah, kapatid ko yan.”
“ Yakap lang naman kuya.” ngiti ni Kenneth saka lumapit kay Kent at yumakap dito, natawa lang ako ng makita na pumikit pa to saka sinandal yung ulo sa dibdib ni Kent.
“ Oh wag ka na magsalita Ethan, hayaan mo na yung bata.” ngiti ni Kent sakin.
“ Gago ka, Kenneth tama na yan.”
“ Ang bango mo kuya Kent saka tong dibdib mo, ang tigas tigas.” hawak ni Kenneth sa dibdib ni Kent.
“ Bunso ano ba?”
“ Kuya naman eh?”
“ Pagbigyan mo na tol.”
“ Gago, porket binigyan ka lang ng bagong trombone.” natawa naman sya. “ Oh gago ka tigilan mo yang kabastusan na lalabas jan sa bibig mo huh.” asik ko sa kanya ng aktong magsasalita sya.
“ Oo, hindi na.”
“ Uhm kuya aalis na din ako, baka umuwi na si Daddy eh.”
“ Nasaan ba sya?”
“ Nasa simbahan lang yun.”
“ Sige.” Saad ko saka lumapit sa kanya at yumakap.
“ Merry Christmas kuya.”
“ Sayo din.”
“ Merry christmas sating tatlo.” yakap din ni Kent samin. Alam ko naman na di ako kinakalimutan ni Kenneth at ni Mommy, mahal na mahal ko silang dalawa, kung may tao man akong pinagpapapasalamat na meron ako ay silang dalawa.
“ Tangina tol ang ganda nito.” ngiting saad ni Kent pagkaalis ni Kenneth. “ Kapag nakita mo yung Mommy mo, sabihin mo thank you huh.” Di naman ako nagsalita, nanatili lang akong nakaupo habang hinihimas yung instrumentong yun.
Kitang kita ko yung repleksyon ko dito. Haixt.
Ilang sandali pa ng tumabi sakin si Kent.
“ Naalala mo Kent nung drums pa yung hawak natin?” lingon ko sa kanya, Bago palang kami nun sa banda at tanging drums lang yung pinapahawak samin, minsan triangle pero simula nung binigay samin yung pagiging trombonista mas lalo naming minahal yung banda, hindi nalang sya basta naging takbuhan namin kapag kailangan namin ng mapupuntahan, ang banda ang naging kasama namin sa pagsisimula at pagbuo ng mga bagong alaala, musika yung tumulong samin para muling bumangon at pagkakaibigan ang humubog samin para muling lumaban.
“ Naalala ko yun, kahit sobrang sakit sa balikat magkaroon lang tayo ng lugar para matakasan lahat ng katanginahan sa mundo, okay lang.” Mapait na saad niya. “ Lagi ka ngang pinapagalitan dati kasi sobrang lakas ng palo mo sa drums.”
“ Dun ko kasi nilalabas yung galit ko.”
“ Alam ko, Pero nung nakita nila na mahal mo na yung banda. Naging trombonista na tayo parehas.”
“ Ang saya natin nun noh?” ngiti ko kay Kent, isang malalim na hininga naman yung hinugot niya saka lumingon sakin.
“ Tol, gusto mo bang maging trombonista habang buhay?” tanong niya.
“ Oo, Lalo na ngayon na akin na talaga tong instrumentong to.” ngiti ko.
“ Ako rin, pero sana dumating yung panahon na may taong magsasabi sakin na ako yung trombonista ng buhay niya.” seryosong saad niya, natawa naman ako. “Gago ka Ethan seryoso ako, minsan nalang magseryoso babasagin mo pa tangina ka talaga.”
“ Trombonista ng buhay ko? Okay fine sana may magsabi din sakin niyan.” ngiti ko.
“ Sakin may pag-asa, sayo wala gago. Bitter mo sa love eh.” natatawang saad ni kent saka tumayo.
“ Gago.”
“ Hoy tangina ka, totoo!”
“ Tangina mo Kent tandaan mo kapag may nagsabi sakin na ako ang trombonista ng buhay niya at maging kami, Sa lalake ka magpapakasal.”
“ Hayop ka!”
“ Joke! Well sa ngayon ikaw ang trombonista ng buhay ko.” ngiti ko sa kanya, natigilan lang sya saka mariin akong tinitigan.
“ Ako?”
“ Oo, at ako trombonista ng buhay mo.” akbay ko sa kanya saka sya hinalikan sa pisngi.
“Sarap nun ah, tangina isa pa nga dito naman sa lips.” nguso niya, natawa lang ako saka sya tinulak.
“ Gago! Teka di ba sabi mo nagluluto kayo ng Mama mo? Tapos na? Ang aga pa ah?”
“ Ay Tangina! Pinabibili pala ako ni Mama.” nanlalaki ang matang saad niya. Natawa lang ako saka sya tinulak. Binalik naman niya sa lagayan yung instrument niya saka nilagay sa gilid. “ Teka babalikan ko to, dito mo lang bawal magasgasan yan.”
“ Yan gago, landi kasi inuuna.”
“ Tangina, teka pakiss muna.” aktong ilalapit niya yung mukha niya ng itulak ko sya. “ Tangina mo hinalikan mo ko, paganti!”
“ Lumayo ka sakin gago!” asik ko sa kanya pero ngumiti lang sya, inambahan ko naman sya ng suntok.
“ Tangina mo talaga iboboto talaga kita.”
“ Iboboto?”
“ Pinakamadamot ng taon!!” asik niya saka nakasimangot na lumabas ng pinto, natawa lang ako saka umupo sa upuan at muling kinuha yung instrument ko. Trombonista? sana makita ko ang hinaharap para malaman ko kung sino ang magsasabi, Na ako ang magiging trombonista ng buhay niya.
Ang buhay minsan parang trombone, kailangan mong hipan para magkaroon ng tunog.
Isang matamis na ngiti lang yung pinakawalan ko.
SI KENT
Maghahapon na nun ng pero katatapos ko lang maghiwa ng mga rekado para sa lulutuin ni Mama para sa noche buena. Haixt tangina naman kasi nalibang ako kanina sa bahay nila Ethan. Bagong trombone tangina ang sarap ng pamasko ko..
“ Ma, bilisan mo magluto baka di umabot yan sa noche buena?” saad ko.
“ Ang tagal mo kasi, pinabili lang kita kung saan saan ka pa nagstop over.”
“ Sus, tapos na ko dito. Alis po muna ako.”
“ Teka saan ka pupunta?” Tanong ni Papa habang nanunuod ng Tv.
“ Magtitirik lang ako ng kandila sa puntod ni Russel.”
“ Ganun ba, Bumalik ka bago mag-alos dose huh?”
“ Ang corny niyo, gumawa nalang uli kayo ng bagong baby para matuwa naman ako sa inyo.” ngiti ko. “ Ang hirap kaya ng walang kapatid, buti pa si Ethan meron kapatid na sweet eh.”
“ Mommy gawa daw tayo ng bagong baby.” natatawang sigaw ni Papa.
“ Edi ikaw magbuntis.”
“ Ewan ko sa inyong dalawa, alis na muna ako pa, ma.” paalam ko saka lumabas ng bahay.
“ Hoy, Kent.” tawag sakin ni Ethan paglabas ko ng gate.
“ Ano?”
“ San ka pupunta?”
“ Sa semennteryo.”
“ Sa sementeryo ka nanaman magcecelebrate ng Christmas?”
“ Tangina alam ko naman na gusto mo lang sumama eh, tara na.” simangot ko natawa naman sya saka sumabay sa paglalakad ko. “ Naniniwala ka na sa Christmas?”
“ Ulol!”
“ Ah kala ko lang naman.”
“ Ano plano mo sa magkapatid na Fuentez, lalo na kay Dale?” Maya maya tanong niya habang naglalakad.
“ Maghintay ka lang kasi may plano ako.” ngiti ko.
“ Anong plano? Gaganti ka?”
“ Oo.”
“ Tol.”
“ Shut up Ethan, ipaparanas ko kay dale kung anong naranasan ni Russel.” mapait na saad ko.
“ Seryoso ka ba?”
“ Itatali ko sya sa plaza saka ipapakantot sa taong bayan, kahit aso papipilahin ko tangina hanggang magkapaltos paltos yung butas niyang gago sya, kantot sa taong bayan lang pwedeng ganti sa hayop na yun. Ipapasak ko din sa butas niya yung mga tubo sa tulay na di matapos tapos” ngisi ko, natawa naman si Ethan.
“ Gago ka talaga, tol kung may plano ka gumanti siguraduhin mong sa hulli hindi ikaw ang kawawa huh.”
“ Okay lang sayo na gumanti ako?”
“ Well, kaibigan ko si Russel at kung ako lang, lintik lang ang walang ganti.” Sarkastikong saad niya. “ Hanggang ngayon, nangigigil parin ako dahil sa kwento mo, di ko nga alam tol baka kapag nakita ko si Dale bigla ko syang sapakin.”
“ Tol wag.”
“ Bakit?”
“ Hayaan mong maniwala sya na tapos na lahat at kapag nahulog sya sa bitag ko? Tangina tubo ipapasok ko sa pwet niya.”
“ Tol, kakantutin ko din sya kung kailangan, maramdaman ko man lang na naiganti ko si Russel.”
“ So papayag ka na Ka-threesome namin?”
“ Para kay Russel.” lingon niya, napatango naman ako. Wow! “ Naalala mo nung pasko na kasama natin si Russel?” saad niya.
“ Hindi ko na makakalimutan yun tol, kaya pwede wag na paulit ulit?”
“ Okay.”
“ Ikaw may utang ka pang kwento.”
“ Utang na kwento?”
“ Oo, yung tungkol sa totoo mong Daddy.” saad ko, bigla naman napawi yung ngiti niya sa labi. “ Tol, alam mo lahat ng tungkol sakin siguro naman pwede ko ng malaman yung lahat ng tungkol sayo.”
“ Kailangan ba talaga?”
“Tangina mo, OO!” asik ko sa kanya. “ So totoo nga na si Harold Zarate yung Daddy mo?”
“ May iba pa bang kapatid si Daddy, well sya nga. Sya ang totoong Daddy ko.”
“ Tangina, seryoso?”
“ Unfortunately yes.”
“ Eh di ba?”
“ Basta Kent, ang alam ko lang sya ang tatay ko.”
“ Nakausap mo na ba sya? Alam ko sa kabilang bayan sya ngayon di ba? Alam ba niya na anak ka niya O alam man lang ba niya na nabuntis niya yung Mommy mo?”
“ Alam niya yun, Nagkausap na nga kami tapos pinakain pa niya ko.”
“Talaga, Ano sabi niya sayo?”
“ Sinabi niya sakin?” nagbigay lang sya ng sarkastikong ngiti.
“ Oo, ano sabi niya?”
“ Katawan ni Kristo, syempre sinagot ko sya ng Amen.” mapait na saad niya, ngumisi naman ako.
“ Tangina ka talaga, yung seryoso?”
“ Yun palang tol.”
“ Pinakain ka ng otsa? Tangina niya, para saan pa at nagpari sya kung gusto naman pala niya kumantot? Binustis pa niya yung Mommy mo, hindi ba tinuro sa seminaryo na dapat gumamit ng condom?”
“ Gago.”
“ Kaya di talaga ako naniniwala sa simbahan kasi mismong sila yung gumagawa ng mga kasalanan na pinagbabawal nila.”
“ Exactly.”
“ Pano niya nasisikmura na humarap sa tao at magmisa gayong nabubuhay ka na anak niya?”
“ Sabi nga Daddy di ba, isa daw akong malaking kasalanan. Demonyo daw ako.”
“ Hayop sya, di mo na kasalanan kung mas masarap ang pari kesa sa pastor.” tawa ko, tinulak naman niya ko. “ Biruin mo yun, may kaibigan akong anak ng isang alagad ng diyos? Wow di ba? Feeling ko tuloy pinagpala ako.”
“ Gago ka Kent huh.” Asik niya sakin..
“ Biro lang gago.”
“ Hindi nakakatawa.”
“ Sus, isipin mo Tol, para kang si Jesus eh. Ginawa kang sakripisyo ng totoong mong Daddy para sa kasalanan ng Mommy mo, pinugulpi ka sa kapatid niya.”
“ Shut up Kent?”
“ To naman, gago kapag nilabas mo yan sa simbahan? Sigurado tanggal yang si pader.”
“ Wala akong plano.” Simangot niya
SI ETHAN
“ Wala akong plano.” Simangot ko, natawa lang sya saka dumertso sa isang tindahan, Haixt Oo anak ako ng isang pari at sinusumpa ko na sa kanya ako nanggaling, Isang beses ko palang sya nakaharap, Nagsimba pa ko sa kabilang bayan para makita lang kung anong itsura niya. Nung mga oras na yun para akong demonyo na galit na nakatingin sa isang nagpapanggap na anghel. Alam ko nakilala niya ko, kitang kita yun sa tingin niya ng subuan niya ko ng otsa.
Isang buntong hininga yung ginawa ko, sana di ko na sya makita pa. Gusto ko na syang kalimutan, gustong gusto na.
Hinintay ko lang si Kent hanggang makabalik habang hawak yung ilang kandila at posporo. “ kamusta nga pala kayo ni Mark?” Tanong ko sa kaniya para maiba yung usapan, haixt ayoko pag-usapan yung tanginang pinagmulan ko.
“ Okay naman.”
“ Di mo raw sinasagot tawag niya?”
“ Tinawagan ka rin niya?” saad niya agad naman akong umiwas ng tingin.
“ Uhm nagtext lang.”
“ Ganun, hayaan mo sya. Tangina niyaya ako magsimba mamaya? Ano gagawin ko dun?”
“ Talaga?”
“ Oo, gago ba sya. Simula bata hindi man lang ako nakinig sa misa tapos yayain niya ko.”
“ Sumama ka na?”
“ Gago.” simangot niya, ilang minuto pa ng makarating kami sa sementeryoo, agad lang kaming dumeretso kung saan nakalibing si Lolo Celso at si Russel. “ Hoy bakla, merry christmas.” Saad ni kent habang nagtitirik ng kandila. Natawa lang ako saka umupo sa katapat na puntod.
“ Kapag sumagot yan baka tumakbo ka gago!” asar ko sa kanya.
“ Wag ka ngang maingay.”
“ Ewan ko sayo, Kahit ano naman kausap mo jan di na rin maririnig.”
“ Lolo celso baka pati jan sa langit hinahayaan mong lumandi yang apo niyo huh? Nako tangina niya babatukan ko talaga sya, at kayo malamang jan na kayo naghahoneymoon ng asawa niyo.” saad pa ni Kent, Maghahapon na nun kaya malamig na yung simoy ng hangin, humiga lang ako sa damuhan saka pinagmasdan yung kalangitan, maririnig mo na yung panaka nakang pagpapalipad ng kwitis kung saan saan.
Ilang oras nalang, isang pasko nanaman ang lilipas.
Ilang minuto na kong nakahiga nun ng ipikit ko yung mata ko saka dinama yung simoy ng hangin sa lugar na yun, hinayaan ko lang tong dumampi sa balat ko habang dinadama ko yung katahimikan.
Ito na ko ngayon, malayong malayo na sa batang laging may pasa sa mukha, laging duguan ang labi, laging nakakatulog sa cabinet kung saan ako kinukulong ni Daddy.
Ito na ko ngayon, malakas na at hindi na muling pagpapaapi pa.
Ilang sandali pa ang lumipas hanggang maramdaman ko yung pagpatong sakin ng kung sino saka ako mapusok na hinalikan sa labi, nanlaki naman yung mata ko saka tinulak kung sino man yun.
“ Kent tangina mo!” asik ko sa kanya.
“ Tangina ang sarap mo kasi tingnan habang nakahiga, nakaganti na ko haha.” tawa niya saka nahiga sa damuhan. “ Sarap talaga ng lips mo gago.”
“ Kadiri ka gago.” punas ko sa labi ko. “ gago ka talaga Kent, Sapakin kita eh!” simangot ko.
“ Ang damot mo, kiss lang naman ah?”
“ Ewan ko sayo.” saad ko saka nahiga malapit sa kanya.
“ Sex tayo dito?”
“ Gago ka Kent huh, sarap sarap ng higa ko tapos bigla kang manghahalik,. Gago!” Haixt, tangina nitong si Kent alam ko may gusto sya sakin pero..AYT! Kung di ko lang to kaibigan matagal ko na tong binugbog eh.
“ Masarap naman ako humalik kaya okay lang yan.”
“ Ewan, tapos ka na ba makipag-usap sa lapida?”
“ Tapos na.”
“ Tumatawag nanaman si Mark oh.” abot ko sa kanya ngcellphone ko.
“ Hayaan mo na wag mo sagutin, ayoko nga magsimba gago.”
“ Gusto ka nga daw makasama manuod ng paglakad ng mga parol mamaya.”
“ Yung panunuluyan?”
“ Oo, gago.”
“ Ayoko nga, kahit isang beses di pa ko nakanuod ng ganun.”
“ Di ka pala nakakapanuod nun eh, edi sumama ka kay Mark?”
“ Tangina parol na naglalakad? Kalokohan? Nakapanuod ka na ba nun?”
“ Oo, isang beses.”
“ Ilang taon na tayong magkasamang nagpapasko, di ka naman umaalis kapag christmas eve ah?”
“ Nung nasa amin pa ko?”
“ Huh?”
“ Bata pa ko nun.” pilit na ngiti ko.
“ Eh di ba-”
“ Hello Mark.” sagot ko sa tawag.
“ Tangina ka talaga Ethan.” bulong ni Kent.
“ kasama ko sya, Oo daw sige sasama sya mamaya.” saad ko inagaw naman ni Kent yung cellphone.
“ Sasama din daw si Ethan.” saad niya, inis ko naman syang sinuntok sa braso.
“ Ayoko gago!”
“ Sige bye, Sunduin mo kami ni Ethan, hindi ako pupunta kapag di mo kami sinundo.” saad niya saka pinatay at binalik sakin yung cellphone.
“ Tangina mo bahala ka jan, ayoko sumama.”
“ Gago, kahit hilahin kita basta madala lang kita sa simbahan gagawin ko.”
“ Ayoko nga?”
“ Okay sige ayaw mo? Chupain mo ko, di na kita pipiliting sumama?”
“ Kent tangina mo?”
“ Gago kayang kaya kita gahasain, wag mo ko subukan Ethan.” Sarkastikong saad niya.
“ Tang-” naramdaman ko naman yung mahigpit na paghawak niya sa braso ko, kita ko naman sa mata niya yung naghahamon na tingin.“ Gago ka Kent huh!”
“ Sasama ka o hindi?”
“ Kent naman eh.”
“ Di ako nagbibiro, Gago matagal na kong libog na libog sayo kaya kung ayaw mo maranasan ang kayang gawin ng libog, sumama ka mamaya.”
“ bakit ba kasi?”
“ Wala lang, hindi lang ako kumportable kapag kami lang ni Mark, tangina para kaming magsyota kapag kaming dalawa lang magkasama.”
“ Tangina, oo na. Sasama na ko.”
“ Talaga?”
“ Bitawan mo na ko?” simangot ko, binitawan naman niya ko saka inunan yung mga braso niya sa damuhan. “ Tangina mo naman.”
“ Sasama ka na, hahalikan kita kapag binawi mo pa.”
“ Gago ka Kent alam ko naman na type mo ko kaso tangina sumosobra ka na kakatsansing eh.” ngiwi ko natawa naman sya. “ Tangina nito, kung di lang talaga kita kaibigan gago matagal na kitang iniwasan.”
“ Edi pasensya kasi kaibigan mo ko.” ngiti niya.
“ Ewan ko sayo Kent.”
“ Wag ka ng madaming sinasabi, shut up ayaw ni Lolo celso ng maingay.”
“ Kahit sumigaw ako gago di ako maririnig niyan.” saad ko, napako naman yung tingin ko sa kalangitan, haixt. “ Kent pakiusap lang huh, hanggang kaibigan lang tol. Wala namang talo talo gago.” inis na saad ko natawa naman sya.
“ Tangina mo Ethan huh hindi ako ganun.”
“ Eh-”
“ Hawak lang, halik lang? Tangina mo ang damot mo. Wag kang mag-alala nirerespeto parin kita bilang kaibigan. Kasi kung hindi gago matagal ng wasak yang pwet mo.”
“ Eh kasi-”
“ Matagal nanaman kitang binibiro ng ganun ah, gago nalaman mo lang na may gusto ako sayo nilagyan mo ng malisya yung mga biro ko, tangina mo.” simangot niya, natigilan naman ako. Oo nga noh, high school palang naman kami niyaya na niya ko makipagsex haha, buhay pa si Russel niniakawan na niya ko ng halik. Haixt.
“ Sabagay.” saad ko.
“ Oh di ba. Gago ka pala eh! Malisyoso.” asik pa niya, natawa lang ako saka sya tinulak, natawa lang sya. “ May respeto ako sayo Gago, magalit ka kapag kinantot na kita.”
“ Oo na.” saad ko habang pinagmamasdan yung kalangitan. “ Basta walang talo talo para wala tayong problema.”
“ Ewan ko sayo.” lingon niya sakin. “ Di ko nga maimagine na tayo eh, puta parehas tayong lalakeng lalake tapos magiging tayo, hayop na yun kalokohan!” iling niya. “ Kaya pwede kalimutan mo nalang na may gusto ako sayo, tangina tol hindi ko na yun iniisip.”
“ Right.” ngiti ko. Ilang sandali naman kaming nabalot ng katahimikan, parehas lang kaming nakatingin sa langit habang nakahiga sa damuhan, nang mga sandaling yun parang parehas namin ayaw ng ingay. Parehas gusto damhin yung paligid, hayaan hipan kami ng hangin.
Hanggang maramdaman ko na nagba-vibrate nanaman yung cellphone ko, nang tingnan ko kung sino yung tumatawag nakita ko lang yung pangalan ni Mark.
“ Si Mark?” lingon ko sa kanya. “ Di mo ba dala yung phone mo?”
“ Hindi, wag mo na sagutin.” saad niya.
“ Okay.” nilagay ko lang sa pagitan namin yung cellphone saka muling tumingin sa kalangitan.
“ Kent.”
“ Oh?”
“ Yung seryoso wala ka ba talagang nararamdaman kay Mark?”
“ Bakit mo natanong?”
“ Eh kasi sumasama ka parin sa kanya kapag niyaya ka niya, eh kilala kita eh di ka naman mahilig magmall? Di ka rin naman nanunuod ng sine pero pumayag ka nung niyaya ka ni Mark.” Payak na tawa naman yung narinig ko sa kanya. “ So, meron ka na ngang nararamdaman?”
“ Sabi mo bigyan ko ng chance di ba? Sabi mo malay ko sya pala yung new beginning ko, kaya yun sinusubukan ko.”
“ So?”
“ So far tol, nageenjoy ako asarin sya. Tangina sabihan ko lang sya na kakantutin ko sya namumula na eh.” ngisi niya. “ Sigurado ka ba talagang nakantot mo na yun, tangina parang virgin eh.”
“ May nararamdaman ka na nga?”
“ Wala pa tol.” saad niya, nang lingunin ko sya nakita ko lang yung pilit na ngiti niya. “ Sinusubukan kong may maramdaman sa kanya pero tangina wala eh, libog meron pero hanggang maari pinipigilan ko yun, sabi mo nga di ba makipagsex ako sa kanya kapag mahal ko na sya. Wag kang mag-alala gagawin ko yun, hanggang biro lang naman yung mga sinasabi ko sa kanya.”
“ Mahuhulog ka rin sa kanya, mabait naman si Mark eh.”
“ Yun nga eh sobrang bait? Ni titi hindi kayang bigkasin.”
“ Si Russel din naman ah?”
“ Hoy manyakis din yun, palihim kung manghipo yun eh.” natatawang saad niya. “ At tol ayoko ng panibaging Russel okay.”
“ Eh ano gusto mong gawin ni Mark para mahalin mo sya?”
“ Ewan, Ikaw di mo sya gusto?”
“ Huh bakit ako?”
“ Wala lang, natanong ko lang?”
“ Straight ako gago, Babae ang gusto ko.”
“ Tangina tol di na ko naniniwala jan sa straight straight mo. Nakipagsex ka na kay Mark kaya kahit anong gawin mo may bahid ka na. Imposibleng di mo naiisip na mangyare uli yung nangyare sa inyo, eh sabi mo sakin di ba masarap.”
“ Hindi ah.” tanggi ko.
“ Gago, di ako naniniwala. Bahagi na sya ng pagkatao mo kaya wag mo ko lokohin, kaso wag kang mainlove kay Mark gago.”
“ Bakit?”
“ Kasi ako ang gusto niya, Mahirap ako kalaban tol.”
“ Tangina mo! Anong mahirap kalaban?”
“ Look, tingnan mo nahihirapan ako mahalin si mark kasi ikaw ang gusto ko, kaya malamang mahihirapan syang mahalin ka kasi ako ang gusto niya, ganun lang yun gago.”
“ Nakakatawa.” sarkastikong saad ko.
“ Di ako nagbibiro gago, tara na uwi na tayo.” saad niya saka tumayo. Bwiset sasama nga pala ako sa simbahan mamaya.
“ Tol ayoko na kasi sumama mamaya?”
“ Wag mo ko inisin Ethan.”
“ Haixt, badtrip ka Kent grabe.”
“ Teka pano naglalakad yung parol sa simbahan, ano yun nilalagyan sila ng paa?”
“ Gago hindi, tradition dito yun tapos di mo alam?”
“ Aba malay ko dun, wala naman ako paki sa simbahan?”
“ Bakit naman ako?
“ Eh pano nga naglalakad?”
“ Para lang syang naglalakad sa hangin, ganun. Di ba tatlo yung malaking parol sa simbahan?”
“ Oh?”
“ Yung paglakad ng parol, sabay yun sa panunuluyan, yung pagdadala nung sanggol na jesus sa sabsaban.”
“ Di ba nakwento mo sakin na hindi kayo pinapayagan magsimbang gabi ng Daddy mo, eh pano mo napanuod yun?”
“ Basta.” saad ko saka nauna ng naglakad. “ Uwi na tayo.”
SI MARK
“ Kuya, sunduin natin sila Kent sa kanila.” saad ko pagpasok ng kwarto ni Kuya, naabutan ko lang syang nakaharap sa computer niya habang naglalaro ng online games. Wala syang suot na pang itaas kaya pilit kong iniiwas yung tingin ko dito.
“ Bakit kailangan sunduin pa?” saad niya saka humarap sakin.
“ Sige na kuya saka manuod ka narin ng paglakad ng parol?”
“ What?” Kunot ang noong saad niya. “ What’s that?”
“ Basta tradition dito yun tuwing christmas eve mass.”
“ Magseserve ka ba? Pasko ah?”
“ Manunuod lang ako kuya, kasama sila Kent.”
“ Sila?”
“ Pati kasi si Ethan kasama.”
“ Himala ata kasama niyo si Ethan? Baka nagsasawa na si Kent kasama ka.”
“ Kuya naman eh.” saad ko saka umupo sa kama niya muli naman syang humarap sa computer niya. “ Kuya please?”
“ Anong oras ba kasi yan?”
“ 10 pm yung start ng mass.” ngiti ko.
“ Eh mag-aalasyete na ah? Saka 10pm baka abutan tayo ng christmas sa labas?”
“ Di yan kuya?”
“ Ano ba kasi meron sa paglakad ng mga parol na yan?”
“ For me kasi, Magical yun kuya kaya every year ko syang pinapanuod. Kapag nagsisimula na lumakad yung parol para ka ng nasa ibang mundo kasabay ng pagkanta ng choir, haixt kuya dapat makita mo yun.” ngiti ko saka pabagsak na nahiga sa kama. Wala atang paskong hindi ko napanuod yung tradition na yun at tingin ko ngayon taon ang magiging pinaka-espesyal.
“ Oo na sige.”
“ Talaga sasama ka?”
“ Yeah, lumabas ka na ng kwarto baka kailangan ni Yaya Glenda ng tulong. Ang dami mong pinaluto eh ilan lang naman tayo dito?”
“ Si Kuya Jetro di ba sya pupunta?”
“ I Dont know.”
“ Papuntahin mo para may kasama tayo.”
“ Baka kung saan saan lumalandi yun, hayaan mo nalang.” saad niya saka tumayo, agad ko naman iniwas yung tingin ko. Fine he’s really hot per yun lang. “ Labas ka na maliligo na ko.” nakagat ko lang yung labi ko saka tumango.
“ Okay, thanks kuya.”
“ Kung hindi lang kita mahal aixt.” rinig kong saad niya ng aktong bubuksan ko yung pinto. Dahan dahan lang akong lumingon. “ Out?”
“ Love you Kuya.” ngiti ko saka lumabas ng kwarto, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka sumandal sa pinto ng kwarto niya. Alam ko pilit sinusubukan ni Kuya na kalimutan yung nararamdaman niya sakin, Gusto ko sya iwasan pero gusto ko rin yung pakiramdam na may kapatid.
Pagpasok sa kwarto ko ay muli ko lang dinial yung number ni Ethan., kainis naman kasi di sinasagot ni Kent yung cellphone niya. Ilang sandali pa tong nagring pero hindi rin sinagot ni Ethan. Kainis! Basta susunduin namin sila mamaya.
SI HARVEY
Pagkabihis ay agad na kong bumaba sa kusina para tulungan si Yaya sa mga niluto niya. Bakit kasi kailangan pang kasama ako sa pagsundo kay Kent eh, hanggang maari ayoko sya makita. Di maalis sa isip ko na kung sino sino na yung gumamit sa kanya pero si Mark hindi niya mapagbigyan. Haixt!
Ilang beses na syang nakapunta dito sa bahay at nakapasok sa kwarto ni Mark pero wala parin nangyayare sa kanila. Pano ko nalaman? Kilala ko si Mark at hindi sya marunong magsinungaling sakin pero bukod dun, palihim kong nilagyan ng Video cam yung kwarto niya.
“ Sasama ka kay Mark sa mass?” Tanong ni Yaya Glenda
“ Kailangan niya po ng car eh.”
“ Bakit?”
“ Susunduin si Kent.” simangot ko.
“ Ganun ba iho.”
“ Ano po ba nakita niya sa Kent na yun?”
“ Di ba sya si Andrei?” ngiti nito.
“ Kilala niyo po sya?”
“ Oo naman, bukam bibig yan ng kaibigan ni Mark dati.”
“ Sino pong kaibigan.”
“ Si Russel.”
“ Uhm I see kilala niyo rin po pala si Russel, pero bakit po bukam bibig sya ni Russel?”
“ Crush na crush ni Russel yun, Naalala ko na pumupunta dito si Russel ng hating gabi para lang magkwento kay Mark, Di ko nga alam kung bakit nagpakamatay yung batang yun eh.”
“ Dahil kay Kent?”
“ Di ko alam iho, Nung huling kita ko kay Russel, masaya sya kasi sabi niya mahal na sya ni Kent, pero pagkatapos ng gabing yun. Nagpakamatay sya.” Seryosong saad nito, mahal tapos nagpakamatay? Bakit ang gulo?
“ Kuya let’s go?” untag samin ni Mark, nakagat ko lang yung labi ko ng makita yung ayos niya, Haixt bakit ba hindi nalang ako yung mahalin niya. Kaya ko naman ibigay kung ano man yung kaya ni Kent eh. Damn it alam ko din na mas malaki yung alaga ko sa cheap na yun.“ Kuya tara na, baka naghihintay na si Kent eh.”
“ Fine, yaya alis na po kami.” buntong hininga ko.
“ Bye, Yaya.” saad din ni mark saka nagmamadaling lumabas ng bahay, paglabas ko naabutan ko lang syang binibuksan yung gate. Napakagwapo ni Mark sa suot niyang pulang polo shirt.
“ Kuya, let’s go?” excited na saad niya. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sumakay sa kotse at pinaandar to para ilabas sa garahe. “ Alam mo ba kuya na dito lang Angono nangyayare yang paglakad ng parol na yan?” saad niya pagsakay sa driver side.
“ Really?”
“ Every year hindi pwedeng di ako manuod nun, at super special sakin ngayong taon kasi kasama ko si Kent.” saad niya ng lumingon ako, nakita ko lang yung ngiti niya sa labi. “ Kuya I think, he likes me.” kita ko lang sa mata niya yung kislap.
“ You think so?”
“ Yeah.” lingon niya sakin.
“ I see.” tanging saad ko. Tinuro naman niya sakin kung saan nakatira sila Kent at Ethan, Mejo masikip yung daan at ibang iba yun sa lugar kung saan nakatira si Mark. “ Ang dilim naman dito.”
“ Uhm di naman masyado kuya.”
“ Kala ko mayaman si Ethan, bakit sa ganitong lugar sya nakatira? Di ba sabi mo sa subdivision natin sya nakatira?”
“ Uhm, Mahabang kwento pero next time kuya ikwekwento ko sayo.” ngiti niya, napabuntong hininga lang ako, hanggang tumigil kami sa tapat ng isang apat na pintong apartment. “ Sa unang pinto si Ethan, si Kent naman sa pangalawa. Baba lang ako kuya.” saad niya saka nagmamadaling bumaba ng kotse at agad pumasok sa gate.
Napasandal lang ako sa sandalan saka nagbuga ng hangin.
Ganito na ba ko kamarytir at ganun ba sya kamanhid?
Oo, mahal ko si Mark pero pano ko nakakayang titiisin na makita sya na iba yung minamahal niya. Pano ko nagagawang wag pansinin yung nararamdaman kong sakit tuwing magkasama sila ni Kent. Ganito ba talaga kapag nagmahal? Masakit pero tinitiis parin?
“ Kuya, Let’s go.” bukas ni Mark ng pinto ng kotse. Pumasok naman si Ethan at Kent sa back seat.
“ Harvey.” tango sakin ni Ethan pero si Kent kahit isang tingin ay di man lang ako binigyan, cheap, dirty, scumbag jerk!
“ Sa simbahan na tayo kuya.” saad ni Mark, inis ko naman minaniobra yung kotse saka mabilis na pinaandar.
“ Dude, tangina ayoko pa mamatay.” sarkastikong saad ni Kent, Can I kill him? Haixt binagalan ko lang yung pagpapatakbo habang inis na nakatutok sa kalsada.
Malayo palang kami sa simbahan, makikita mo na yung maraming taong naglalakad papunta duon, kitang kita na marami parin ang naniniwala sa simbahan sa lugar na to.
“ Kuya di ka makakapagpark ng kotse sa simbahan, hanap ka nalang iba huh.”
“ Can I stay here? Ayoko na sumama sa simbahan?”
“ Kuya, You need to see this, I promise you will like it?” ngiti ni mark.
“ Mark.”
“ Kuya sige na?” saad niya habang nakatingin ng deretso sa mata ko, haixt isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumango.
“ Fine.” iwas ko ng tingin.
“ Dami pang arte sasama din naman pala.” rinig kong saad ni kent.
“ Tangina mo ikaw din naman dami mo ring arte kanina.” natatawang saad ni Ethan.
“ Hoy Ethan ikaw yun! takot ka kasi masunog sa simbahan.”
“ Gago!”
“ I’m happy kasi sumama kayo” lingon ni Mark sa kanila.
“ Wala yun.” saad ni Kent saka umiba ng tingin, damn! Yun ba yung sinasabi ni Mark an gusto na sya eh parang ayaw nga sya tingnan? Katangahan!
“ Kuya mag park ka dun oh.” turo ni Mark sa tapat ng isang bakanteng lote.
“ Are you sure?”
“ Oo, dude okay lang jan.” saad ni Ethan. Pagkapark ay nauna ng bumaba si Kent, sumunod naman si Mark dito. “ Harvey, please give him a chance.” saad ni Ethan.
“ Do I have a choice?” sarkastikong saad ko saka bumaba ng kotse, sumunod naman sya sakin. Nagsimula lang akong maglakad patungo sa simbahan habang pinagmamasdan si Mark at Kent na magkatabing naglalakad, nang lumingon sakin si Mark ay tinanguhan ko lang sya saka sinenyasan na okay lang.
Naglakad naman pabalik si Mark.
“ Kuya una na kami ni kent huh.” excited na saad ni mark saka patakbong bumalik at hinila sa kamay si Kent. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka naglakad.
“ Harvey I know alam mo na yung nakaraan ni Kent, pero sana wag mo sya husgahan dahil sa nakaraan niya, Wala na sya dun?” rinig kong saad ni Ethan, nagkibit naman ako ng balikat.
“ Oh really?” iling ko. “ Hindi na sya nakikipag one night stand kung kani kanino?”
“ Uhm.”
“ Wala na sya sa nakaraan O hanggang ngayon naroon parin sya?”
“ Look, sinusubukan niyang buksan yung puso niya kay Mark.”
“ That’s not enough, and you know that.”
“ Harvey.”
“ Well I can’t do anything about that, Mark loves him. Hindi ko maintindihan si kent sa paggamit niya kay Mark pero naiintindihan ko si Mark sa pagmamahal niya kay kent.”
“ I know Kent.”
“ Talaga? Kung kilala mo sya, then you know na hindi niya mamahalin si Mark, na pinapaasa niya lang yung kapatid ko.”
“ Mahal mo si Mark noh?” sarkastikong saad niya, automatiko naman akong napalingon sa kanya.
“ Of course I love him, kapatid ko yun eh.”
“ Kapatid, Pero nakipagsex ka sa kanya?” seryosong saad niya habang nakatitig sakin, napalunok lang ako saka umiwas ng tingin. How did he know! Damn!
“ Did Mark-?”
“ Yeah.”
“ Oh Damn!”
“ But don’t worry dude, It’s okay.”
“ Look hindi kami magkapatid ni Mark, damn.” inis na saad ko.
“ You don’t owe me any explanation, It’s not a big deal.”
“ Why did he? Oh damn Mark. Kailan ka ba matutong magsinungaling. Haixt.” di makapaniwalang saad ko.
“ Marunong syang magsinungaling, kay Kent nga lang.”
“ What?”
“ Inamin niya na nakakapagsinungaling sya kay Kent, at yun ang nakikita kong chance na may pag-asa sila. Parehas ng may nangyare satin kay Mark right, Pero kay Kent hindi pa.”
“ Bakit wala pang nangyayare sa kanila?”
“ Kent is a good guy, Yeah maybe ginagamit niya yung katawan niya just to earn money pero it doesn’t mean na masama sya, na hindi sya marunong rumespeto. Marunong sya magmahal Harvey, I have known him for a long time and I guarateed you that he’s a good guy. Kapag nagmahal yan? Sobra.”
“ Mahal ko si mark.”
“ Pero yung nangyare sa inyo? It’s just a sex, nothing more , nothing less.”
“ Shit.” bulong ko, hanggang makarating kami sa simbahan , napakaraming tao dun, halos mapuno yung loob pati labas nito.
“ Pagusapan nalang natin next time yan.” lingon niya sakin, Pumuwesto lang kami malapit sa gate kung saan kitang kita mo yung buong simbahan, malayo kami sa pinakapinto pero kitang kita namin na yung dami ng tao sa loob nito.
“ Di ba tayo papasok?”
“ Ikaw kung gusto mo, I’ll stay here.”
“ Ayoko kasama yung dalawa, Dito nalang ako.” saad ko kay Ethan.
“ Magsisimula na yung misa.”
“ Baka hanapin tayo ni Mark.”
“ Edi hanapin niya, basta ayoko pumasok.” pilit na ngiti niya, sa di kalayuan may nakita lang ako dalawang babaeng naka-gown. Makintab yung suot nila kaya pansin na pansin sila sa kumpulan ng mga tao.
“ Bakit sila nakagown?”
“ Sino?”
“ Yung dalawang babae wearing blue and yellow gown?”
“ Ah, sila yung kapitana and tenyenta this year. Kasama sila sa tradition na panunuluyan kaya nakagown sila.”
“ Panunuluyan?”
“ Yeah, well hindi lang maganda tong bayan namin, punong puno rin ng tradition na dito mo lang makikita.”
“Is there a competition para sa pagpili ng, what’s that again?”
“ kapitana and tenyenta, walang kompitisyon. Bunutan, nangyayare tuwing easter Sunday, where in may mga kadalagahan na sasali sa bunutan para maging tenyenta and kapitana.”
“ So dalaga lang pwede simali?”
“ Yeah, mas okay kung virgin pero di naman pwede malaman yun pwera nalang kung kakantutin mo isa isa.” natatawang saad niya. “ They are beautiful right?”
“ Yeah.” napatingala lang kami parehas ng marinig yung kalembang ng kampana na hudyat na simula na ang misa. Isang butong hininga lang yung pinakawalan ko saka pinikit yung mata ko saka nagsimulang umasal ng dasal, Hindi ako nagdadasal pero gagawin ko para kay mark, ayoko sya mapahamak, ayoko sya masaktan.
SI ETHAN
Isang sarkastikong ngiti lang yung pinakawalan ko habang nakikinig sa misa sa loob ng simbahan, may speaker sa labas kaya maririnig mo parin yung bawat sinasabi sa loob.
“ Why?” untag sakin ni Harvey, tangina ang hirap kasama nitong kapatid ni Mark, bwiset ang daming tanong, sana pinagbasa ko nalang to ng libro ng bayan na to. Haha.
“ Ah wala.”
“ Bakit ganyan ngiti mo?”
“ Wala lang, kalokohan lang yung naririnig kong sinasabi ng pari.”
“ I See, hindi ka nga pala naniniwala sa diyos noh? Nakwento ni Mark.” saad niya, nagkibit naman ako ng balikat. Patapos na yung misa nun ng makita ko si mark na papalapit samin kasama si Kent.
“ Kuya, let’s go inside. Magsisimula na yung panunuluyan.” saad niya.
“ Let’s go?” lingon sakin ni harvey.
“ No, I’m okay here. Kayo nalang.” ngiti ko.
“ Tangina mo sumama ka.” hila sakin niKent.
“ Kent ayoko.”
“ Excited na ko dali!” saad ni Mark habang hila hila yung kuya niya. Sa gilid na kami dumaan para di makipagsiksikan sa mga tao, pagpasok namin sa gilid ay hinila lang kami ni Mark sa tabi kung saan kitang kita namin yung magiging seremonya.
Inis lang akong umiwas ng tingin, Damn!
“ Tol tangina, hayop ka bakit di ka sumama sa misa?” bulong sakin ni Kent.
“ Ayoko.”
“ Tapos ako hinayaan mo, gago antok na antok ako.”
“ Tol, uwi na ko ayoko na mapanuod yan eh.”
“ Bakit? Tangina nandito na tayo panuorin na rin natin. Sabi nung pari hindi ka taga rito kung hindi mo pa napapanuod yung paglakad ng pesteng parol na yan.”
“ Tangina ikaw nalang.” aktong tatalikod ako ng hawakan ni Kent yung braso ko. “ Kent please?”
“ Bakit ba?”
“ San ka pupunta Ethan? Magsisimula na eh.” tanong ni Mark.
“ Ah di sya aalis.” ngiti ni Kent, nagbuga naman ako ng hangin. “ Bakit ba Ethan?”
“ Si Daddy.” nakatungong saad ko.
“ Saan?”
“ Nasa unahan.” saad ko, nang mag-angat ako ng tingin nakita ko lang yung sama ng tingin sakin ni Daddy, katabi niya sa upuan si Mommy at si Kenneth.
“ Tangina hayaan mo lang.” saad ni Kent saka pinisil yung balikat ko, hanggang mamatay yung ilaw sa loob ng simbahan hudyat na magsisimula na ang panunuluyan, pinilit ko naman pakalmahin yung sarili ko.
Sampung taong gulang ako nung una kong mapanuod tong tradition na to sa simbahan, yun yung taon na kahit kailan hindi ko na makakalimutan.
Nakita ko lang yung mga kandilang hawak ng mga sakristan, sa likod nila ay nakapwesto ang kapitana at tenyenta habang nasa bisig ang sanggol na hesukristo. Ilang sandali pa ng nabalot ng malamyos na musika ang buong simbahan, hanggang magsimulang umawit ang choir kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko.
Duon sa bayan ng betlehem
Isang gabing kay dilim
Sa langit sumilay ang isang butuin
Liwanag nito’y kay ningning.
Pinunasan ko lang yung luhang pumatak sa mata ko saka tumalikod.
“ Tol, sandali? Nakita mo nagsisimula na yung paglakad nung parol oh?” pigil sakin ni Kent. Nang lumingon ako sa dulo nakita ko lang yung dahang dahang pag-usad ng dalawang malaking parol kasunod yung maliliit na mga buituin. Napakadilim ng paligid tanging ito lang ang makikita mong tanglaw.
Damn kala ko di na maapektuhan, bakit parang sariwa parin yung sugat?
Nagbigay ng tanglaw sa bawat nilalang
Ang anak ng Diyos ay sinilang.
Duon sa bayan ng betlehem, may isang talang nag ningning
Higit sa liwanag ng mga butuin
Sa langit ay mapapansin
Oh bituing natatangi sa’yong liwanag
Pagsilang ni Kristo Iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos.
Sa pagdating ng manunubos.
“ Okay ka lang ba Ethan?” untag sakin ni Mark, umiwas lang ako ng tingin at pilit pinipigilan yung mga luhang gustong tumulo sa mga mata ko. Nang mga oras na yun, parang bumalik lahat ng ala-ala, parang muling nanariwa yung mga sugat sa puso ko, nang mga oras na yun bumalik yung takot, yung galit at poot na nasa puso ko.
Ilang sandali pa ng makarating ang kapitana at tenyenta sa harapan sa damabana, kasabay nun ay yung pagtigil ng dalawang parol sa gilid at yung unti unting pag-ilaw ng pinakamalaking parol sa gitna, The star of betlehem ang tawag nila sa malaking parol na iyon.
“ Wow that was amazing!” rinig kong bulong ni Harvey.
Binigay ng dalawang dalaga ang sanggol sa Pari.
“ Sa atin sumilang ngayon, manunubos Kristong Poon.” pahayag ng Pari, dinala nito ang sanggol sa sabsaban.
“ Tangina tol, nakakakilabot pala to.” bulong ni Kent.
“ Ang ganda Kent noh?” saad ni Mark, muli naman lumiwanag ang loob ng simbahan, muli ko rin nakita si Daddy.
“ Tol, tangina naiyak ka pa sa ganda.” siko sakin ni Kent, pinunasan ko lang yung pisngi ko saka tumalikod at nagmamadali lumabas ng simbahan. Tangina! Bakit ba ko pumunta ngayon. “Tol sandali?” habol sakin ni Kent.
“ Mauuna na ko Kent umuwi.” Saad ko na tuloy parin sa mabilis na paglalakad, hindi naman sya nagsalita bagkus sinabayan niya yung bilis ng paglalakad ko, pilit ko naman pinupunasan yung mga luhang ayaw tumigil sa pagbagksak. “ Tangina, tangina talaga, bakit ba ko umiiyak ng ganito.” inis na bulong ko, malayo na kami nun sa simbahan.
“ Bakit ba? Alam ko nakakaiyak yung kinanta ng choir pero tangina tol ang alam ko ang Daddy mo lang ang nakakapagpaiyak sayo eh?” Saad niya huminto naman ako sa paglalakad saka lumingon sa kanya. “ Bakit ba tol? Kasi nandun yung Daddy mo huh, ano ba tol tapos ka na dun di ba? Wala ka na sa kanila.”
“ Oo tapos na, Kent tapos na pero tangina hanggang ngayon, gabi gabi, tuwing pipikit ako.” madiin na saad ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. “ Tol, gabi gabi, paulit ulit kong napapanaginipan yung pananakit sakin ng demonyong yun, tol hanggang ngayon nararamdaman ko parin yung sakit!”
“ Ethan.”
“ Alam mo ba na una kong napanuod tong tanginang tradition na to, yun yung unang beses na hindi ko kasamang nagpasko sila Mommy at Kenneth, kasi yun yung pasko na sa labas ako pinatulog ni Daddy. Tangina niya, tol tangina niya!” gigil na saad ko.
“ Ethan tapos na yun di ba? Ano ba tol? Okay di ba? Tara na.”
“ Kent di mo kasi naiintindihan eh.”
“ Naiintindihan kita, tara na.” lahad niya ng kamay sakin. “ Uwi na tayo.”
“ Alam mo Kent tama ka eh, tama ka nung sinabi mong hindi kita maiintindihan kasi hindi ako ikaw! Tangina tol tama ka dun eh! kasi kahit ilang beses ko ikwento, kahit ilang beses mo malaman na sinasaktan ako ni Daddy nuon. Tol kahit ilang beses hinding hinding hindi mo mararamdaman yung sakit, di mo mararamdaman kung pano magmakawa, tol hinding hindi mo mararamdaman yung bawat sakit ng palo, yung bawat lagapak ng sampal sa mukha ko, tol hindi kasi hinding hindi ka magiging ako!!” umiiyak na saad ko.
FLASHBACK
Nanginginig yung buong katawan ko nun habang nasa loob ng isang madilim na lugar, walang makita, wala akong maaninag na kahit ano, nararamdaman ko yung katawan ko pero tila ako nasa isang kawalan.
Pinunasan ko lang yung luhang naguunahan tumulo sa mata ko saka tumungo at tahimik na umiyak.
“ Ted, buksan mo na yung cabinet!?” Rinig kong saad ni Mommy habang umiiyak.
“Hayaan mo syang mabulok sa loob niyan para mamatay na sya!” sigaw ni Daddy. Di ko naman mapigilan yung paghikbi ko habang nasa loob ako ng madilim na cabinet na yun. “ Ano buhay ka pa? Bakit di ka pa mamatay hayop na bata ka!” sipa pa ni Daddy sa labas.
“ Ted parang awa mo na palabasin mo na yung anak ko oh, please.?”
“ Palabasin huh! Gusto mo patayin din kita huh!” sigaw pa nito.
“ Daddy wag.” katok ko mula sa loob pero malakas na suntok at kalabog lang yung ginawa ni Daddy.
“ Parang awa mo na Ted.” rinig na rinig ko lang yung pagiyak ni Mommy.
“ Gusto mo ilabas ko sya huh?”
“ Please.”
“ Edi ilabas!” sarkastikong saad ni Daddy saka binuksan yung kabinet, nayakap ko naman yung sarili ko ng makita yung nanlilisik na mga mata ni Daddy habang nakatingin sakin.
“Dad?” hagulgol ko pero hinatak niya lang yung damit ko saka ako binigyan ng malakas na sampal.
“ Tama na Ted please?” awat sa kanya ni Mommy.
“ Daddy ayoko na po.” Saad ko pero sinipa lang ako nito, pumikit lang ako saka tiniis yung bawat palo na ginagawa niya. Tanging nagawa ko lang ng mga oras na yun ay umiyak kasabay ng bawat hagulgol na naririnig ko kay Mommy. “ Dada, tama na po, masakit po.” pero isang suntok yung naramdaman ko sa taghiliran ko. “ Daddy.”
“ Ted please, Wag mo saktan yung anak ko.” saad ni Mommy na humarang kay Daddy saka lumuhod.
“ Demonyo yang bata na yan, kaya bagay lang sa kanya yan!” sigaw ni Daddy.
“ Kuya.” umiiyak na saad ni Kenneth saka yumakap sakin. “ Daddy tama na po?”
“ Umalis kayong dalawa dito kung ayaw niyong pati kayo madamay?”
“ Daddy ako naman po talaga yung nakabasag nung salamin ng kotse niyo, hindi po si kuya.”
“ Ikaw? Kenneth wag mo pagtakpan yang demonyong yan!”
“ Daddy ako po talaga.”
“ Hindi!” sigaw nito saka sinalya si Mommy at hinablot ako, para akong laruan nung mga oras na yun na hila hila niya.
“ Daddy tama na, sorry na po.” umiiyak na saad ko, halos madapa ako nun sa pagbaba ng hagdan. Pero wala akong magawa dahil hila hila niya yung damit ko.
“ Demonyo ka naiitindihan mo! Demonyo ka!” sigaw ni Daddy hanggang makalabas kami ng bahay, sinalya niya lang ako sa labas ng gate.
“ Dad?” umiiyak na saad ko..
“ Dyan ka magpasko!” sigaw nito saka sinara yung gate. Inayos ko lang yung damit ko saka lumapit sa gate at tumanaw sa loob, nakita ko lang yung sigawan ni Mommy at Daddy, si Kenneth naman nasa pinto lang habang nakatanghod sakin at umiiyak.
Ano ba nagawa ko kay Daddy? Bakit ba lagi nalang niya kong sinasaktan?
Nahawakan ko lang yung rosaryong nasa leeg ko.
“ Papa Jesus, bad po ba ko?” tingala ko kasabay ng mga patak ng luha sa mata ko. “ Goodboy naman po ako di ba pero bakit po hindi ako mahal ni Daddy?” Umupo lang ako saka niyakap yung sarili ko, halos sira na yung damit na suot ko nun dahil sa paghablot ni Daddy. “ Papa Jesus, sagutin niyo naman po ako?” hagulgol ko, nang mga oras na yun tanging pagiyak lang yung nagawa ko.
“ Kuya.” Rinig kong saad ni Kenneth, nang lumingon ako nakita ko lang yung hawak niyang jacket.
“ Kenneth bilisan mo!” sigaw ni Daddy sa loob.
“ Pumasok ka na Kenneth.” kuha ko ng jacket sa kamay niya.
“ Kuya.” umiiyak na saad niya.
“ Okay lang si kuya dito, wala to.”
“ Pero kuya pasko na mamaya.”
“ Okay lang yun, kasama ko naman si papa Jesus eh.” ngiti ko saka pinakita sa kanya yung rosary na suot ko.
“ Kuya.”
“ Kenneth ano ba!”
“ Pasok ka na.” pinilit ko lang maglagay ng ngiti sa labi ko. Tumango lang sya saka pumasok sa gate. Sinuot ko lang yung jacket ko saka muling naupo sa harapan ng gate, tahimik na umiiyak, mag-isang niyayakap ang sarili.
Ramdam na ramdam ko ng mga oras na yun yung mga bagong pasa sa katawan ko pero tila naging manhid na ko dahil di ko na maramdaman yung sakit, kaya ng tiisin ng katawan ko yung hapdi.
Nang muli akong lumingon, kitang kita ko lang yung iba’t ibang ilaw na nasa harap ng bahay namin, May malaking parol din ang nakasabit sa bahay.
Pinunasan ko lang yung luha ko saka tumayo at wala sa sariling naglakad, nilagay ko lang yung hood ng jacket sa ulo ko para di ako mapansin ng mga taong naglalakad, sa bawat hakbang ko nun ay kasabay ng bawat hikbing lumalabas sa bibig ko.
“ Demonyo po ba talaga ko?” bulong ko habang hawak yung krus na pendant ng rosary na suot ko, Tinahak lang na dereksyon ng mga paa ko yung papuntang simbahan. Kasabay ng mga taong naglalakad nakita ko kung gaano kasaya yung ibang pamilya na magkakasama na patungo sa simbahan, bakas na bakas yung ngiti sa mga labi nila. Bakas na bakas yung saya sa bawat pamilyang nakikita kong magkasama.
“ Iho talaga bang nakayapak ka lang?” untag sakin ng isang ale. Nag angat naman ako ng tingin, kita ko lang yung gulat sa mukha nito. “ Ano nangyare sa mukha mo?” tanong nito pero marahan lang akong umiling saka nagpatuloy sa paglalakad. “ Iho sandali?”
“ Okay lang po ako.” saad ko saka mabilis na tumakbo, papaluin nanaman ako ni Daddy kapag nakita niya kong nakipagusap sa ibang tao, sigurado tadyak nanaman ang sasalubong sakin kapag nalaman niyang nagsumbong ako sa iba.
Pagdating ko sa simbahan ay naulinagan ko yung pagkanta ng mga choir sa loob, pinilit ko naman simiksik sa kumpulan ng mga tao para makita yung nangyayare sa loob.
Isang ngiti lang yung kumawala sa mga labi ko ng makita yung dalawang malaking parol na tila naglalakad sa hangin kasabay ng napakagandang musika, “butuing natatangi” yun yung pamagat ng katang yun, narinig ko ng nagpapraktis yung choir habang kinakanta yun.
Napakaganda nito, ilang sandali pa ng bigla akong itulak ng kung sino at hilahin palabas ng simbahan.
“ Teka lang po, gusto ko mapanuod yun.” saad ko pero sinalya lang ako nito.
“ Bawal ang pulubi dito!” madiin na bulong nito.
“ Hindi po ako pulubi.” nagsimula naman tumulo yung luha ko pero agad niyang hinawakan yung kamay ko saka ako hinila palabas ng gate ng simabahan.
“ Kilala kita, di ba ikaw yung demonyong anak ni Ted?” saad nito.
“ Hindi po ako demonyo?!”
“Demonyo ka naiintindihan mo, isa kang malaking kasalanan!” gigil lang nitong hinablot yung rosaryo sa leeg ko dahilan para mapatid to at magkalat sa kalsada yung beeds nito. “ Umalis ka dito!” tulak nito sakin, napaupo lang ako sa kalsada, tumulo lang yung luha ko habang pinagmamasdan yung rosaryong suot ko na nagkalat na sa kalsada.
“ Papa Jesus, demonyo nga po siguro ako kaya hindi niyo po ako mahal.” bulong ko saka tumayo at muling naglakad, hanggang mapatid ako sa isang bato at madapa.
Kitang kita ko lang yung pagdugo ng tuhod ko pero muli akong tumayo at naglakad pabalik sa bahay, Nang panahong yun tila hinihipan nalang ako ng hangin para maglakad, di ko na maramdaman yung sarili ko, para akong walang buhay na pinipilit makauwi.
Sa bawat bahay na madadaanan ko, kitang kita ko yung iba’t ibat pailaw nila, mga parol na sobrang gaganda, yung tawanan na naririnig ko sa loob ng tahanan. Bakit sila masaya, bakit ako hindi.
Nang makarating ako sa tapat ng gate ay umupo lang ako at muling niyakap yung sarili. Tumingala sa langit at muling nagtanoang kung ano nga bang kasalanan ang nagawa ko.
“ Bakit po?” umiiyak na saad ko.
Agad lang akong napalingon ng marinig yung pagbukas ng gate, nakita ko lang si Mommy habang may hawak na bible.
“ Mommy.” hagulgol ko saka yumakap sa kanya.
“ Adrian I’m sorry, I’m really really sorry anak.” umiiyak na saad niya.
“ Mom, bakit ganun po si Daddy? Bad po ba ko?”
“ Anak hindi, mabait kang bata.”
“ Eh bakit niya po ako sinasaktan, lagi nalang po niya kong sinasampal? Mom bakit po?”
“ Anak.” saad niya saka nilahad sakin yung bible na hawak niya.
“ Mom.”
“ Basahin mo yan anak, yan ang magpapabago sa buhay ko.”
“ Mom ilang beses na po pinabasa sakin ni Daddy yan, paulit ulit ulit na po..”
“ Anak sige na.” saad nito saka nilagay sa kamay ko yung librong yun.
“ Mom totoo po ba si God?”
“ Totoo sya anak.”
“ Mahal niya po ba ko?”
“ Mahal na mahal.”
“Eh bakit hinahayaan niya pong saktan ako ni Daddy, bakit hinahayaan niya pong ikulong ako sa cabinet, bakit po pinababayaan niya ko? Di ba po kapag mahal dapat pinoprotektahan? Eh bakit po sya walang ginagawa para iligtas ako kay Daddy?”
“ Anak mahal ka niya, naiintidihan mo?”
“ Sabi sa bible, kaya niya po magpagaling ng mga may sakit di ba?”
“ Oo anak.”
“ Kaya niya rin po ba pagalingin tong sugat ko.” saad ko saka pinakita yung malaking sugat ko sa tuhod, nasapo naman ni Mommy yung bibig niya. “ Mom, sobrang sakit na po? Sabihin niyo naman po sa kaniya pagilingin niya po to.”
“ At sinong nagsabi na lumabas ka huh!” hila ni Daddy kay Mommy.
“ Ted sandali may sugat yung anak ko.” umiiyak na saad ni Mommy.
“ Hayaan mo syang mamatay dyan!” sigaw nito, tuloy tuloy lang yung luha ko habang pinagmamasdan si Daddy ng mga oras yun habang nilalagyan ng padlock yung gate.
“ Dad.” bulong ko.
“ Hindi kita anak naiintidihan mo? demonyo ka kaya wala kang karapatan na tawagin akong Daddy naiintindihan mo! Mamatay ka na sanang hayop ka!” gigil na saad nito, tumungo lang ako saka hinayaan yung luhang tumulo sa mga mata ko.
Ilang minuto na kong nakatayo sa harap ng gate nun ng magliwanag yung kalangitan, napatingala lang ako, dun ko lang napagmasdan yung ganda nito. Ibat ibat kulay sa kalangitan.
Pinilit ko lang ngumiti.
Sa araw na araw na ginawa ng diyos, walang araw na hindi ako sinaktan ni Daddy, sa bawat suntok, bawat sipa, bawat sampal na natanggap ko mula sa kanya ay dinaan ko sa dasal, pinilit ko tumawag sa itaas para patawarin ako kung ano mang nagawa kong kasalanan kung bakit ako sinasaktan ni Daddy.
Pagkagaling sa school, agad na kong nagtatago sa cabinet para iwasan si Daddy, pilit kung kinukubli yung sarili ko tuwing darating sya, dahil kapag naabutan niya ko. Sigurado pasa pasa ang buo kong katawan kinabukasan, sigurado din na hindi ako papasukin sa school.
Nabuhay ako na parang robot, nabuhay ako sa takot, sa sakit at sa tanong na bakit? Sa paglipas ng panahon, unti unti namulat ako sa totoong nangyayare. Sinasaktan ako ni Daddy hindi dahil may kasalanan ako, sinasaktan niya ko dahil galit sya sakin.
“ Ano pinasok mo sya sa musiko!?” sigaw ni Daddy, nang marinig ko yun ay agad na kong pumasok sa cabinet para magtago.
“ Ted, gusto ni Adrian tumugtog? Hayaan mo na sya please?”
“ Hindi!”
“ Parang awa mo na oh?” nagsimula lang tumulo yung luha ko.
“ Sabing hindi di ba! Pasalamat nga sya nag-aaral sya, tapos gusto niya pa magmusiko? Ano sya sinuswerte?! Demonyo yang anak mo kaya wala syang karapatan pumasok sa simbahan!”
“ Ted please?”
“ Bakit mo ba pinipilit huh! Ano para makita niya si Kuya Harold dun huh!” sigaw ni Daddy, wala naman akong narinig na sagot kay Mommy.
“ Sa kabilang bayan sya nagmimisa ngayon di ba?”
“ Alam na alam mo!?”
“ Hindi Ted.”
“ Uhm, mga hayop talaga kayo!” sigaw nito, hanggang marinig ko yung pagkalapag ng pinto ng kwarto ko.
“ Adrian!” sigaw nito, nanginig lang ako sa takot, nang bumukas yung cabinet tumungo lang ako, ayoko yung magtama yung mata namin ni Daddy dahil alam ko lalo lang akong masasaktan kapag tumingin sa kanya. “ halika dito!” hawak nito sa braso ko saka ako sinalya sa kama.
“ ted buksan mo to!” kalabog ni Mommy sa pinto.
“ Dad ayoko po, tama na po please?” pagmamakaawa ko.
“ Demonyo, isa kang demonyo!” sigaw nito saka ako binigyan ng malakas na sampal sa mukha, napasubsob naman ako sa sahig pero isang sipa sa sikmura yung ginawa niya.
“ Dad, parang awa niyo na po ayoko na po?”
“ Hayop ka, hayop ka!” hila nito sa buhok ko saka ako hinarap sa kanya. “ Hayop ka at yang tatay mo!” sigaw nito sa mukha ko.
“ tatay ko po?”
“Oo, hindi kita anak naiintindihan mo! Hindi!” sigaw nito, wala naman akong nagawa kundi ang humikbi pero muli isnag sampal lang yung ginawa niya. “ Papatayin kita!” saad nito saka ako hinila patayo at hiniga sa kama.
“ Dad.” palo ko sa kamay niya ng sakalin niya ko. “ Dad hindi ako makahinga.”
“ Ted buksan mo to!” sigaw ni Mommy sa loob.
“ Papatayin kita!” saad nito habang nanlilisik ang mga mata.
“ Daddy.” umiiyak na saad ko, ramdam ko ng mga oras na yun yung sikip ng paghawak niya sa leeg ko at yung kawalan ng hangin na pumapasok sakin, hanggang marinig ko yung pagbukas ng pinto, agad lang sinugod ni Mommy si Daddy saka pinagsasampal.
“ Anak ko yan, bitawan mo yung anak ko!” sigaw ni Mommy. Hinang hina naman akong nahulog sa kama saka nagsimulang gumapang, nang mga oras na yun ay gusto ko lang tumakas, gusto ko umalis.
“ Tigilan mo ko papatayin ko yang demonyong yan.”
“ Kung papatayin niyo sya Dad, ako muna.” umiiyak na saad ni Kenneth habang nakaharang sakin. “ Daddy patayin niyo na rin po ako.”
“ Umalis ka kenneth!”
“ Ayoko po Dad.” nang makabawi ng lakas ay pinilit ko tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko, nagmamadalli lang akong bumaba sa hagdan habang iniinda yung ginawang pagsakal niya sakin.
“ Anak!” habol sakin ni Mommy pero di na ko lumingon, tuloy tuloy lang ako sa lumabas ng bahay at tumakbo pagkalabas ko ng gate, kasabay ng pagpatak ng luha ko ay yung paghablot ko sa rosaryong suot ko, napatid lang to. Nang tinginan ko yung krus sa palad ko, umiling lang ako saka to binagsak sa lupa at tinapakan.
“ Ilang beses ako humingi ng tulong, hindi ka totoo, ilang taon akong nagmakawa pero ni isang dasal ko hindi mo sinagot. Hindi ka totoo, hindi!!” Umiiyak na saad ko saka mabilis na tumakbo, ayoko na.
PRESENT
SI MARK
“ Kuya hindi ko na makita sila Kent.” lingon ko sa paligid habang pilit hinahanap ng mata ko sila Ethan. Tapos na nun yung seremonyas na paglakad ng parol, unti unti naring humuhupa yung dami ng tao sa loob.
“ Let’s go?”
“ Pero sila Kent?”
“ Mark, baka nauna na sila.” saad ni Kuya saka hinawakan yung kamay ko.
“ Kuya teka.” Muli ko lang nilibot yung tingin ko sa paligid, haixt.
“ Mark.” Rinig kong saad nung kung sino, nang lumingon ako nakita ko lang si Pastor Ted, Nakita ko naman sa di kalayuan yung asawa nito at anak habang kausap yung pari.
“ Bakit po?” saad ko na pilit naglagay ng ngiti sa labi.
“ Kasama mo si Ethan?”
“ Opo, pero hindi ko na po sila makita eh.”
“ Di ba ilang beses ko na sinabi sayo na adik yung magkaibigan na yun, bakit sinasamahan mo parin sila, Iho concern lang ako sayo kasi baka mapahamak ka.” saad nito, kita ko naman yung pagkunot ng noo ni kuya Harvey.
“ Kaibigan ko po sila at hindi po sila adik.”
“ Pusher din sila, kahit kanino ka magtanong yun ang ginagawa nila.”
“ I’m sorry what did you say?” saad ni kuya. “ Hi, I’m Harvey kapatid po ni Mark.” lahad ni Kuya ng kamay niya pero tiningnan lang to ni Pastor Ted.
“ So kapatid ka ni Mark, kung ako sayo wag mo hayaan lumapit yung kapatid mo sa magkaibigan na yun.”
“ Kuya tara na.” hila ko kay Kuya pero di to nagpahila, nakatingin lang to sa Daddy ni Ethan. “ Kuya let’s go, wag kang maniwala sa kanya, hindi adik si Ethan at Kent.”
“ I know.”
“ Adik yung dalawang yun, kahit tingnan niyo pa yung record nila sa presinto. Ilang beses na silang nakulong dahil sa drugs.”
“ Kung ayaw niyo po bastusin ko kayo dito sa simbahan, Tigilan niyo po yung sinasabi niyo. Kilala ko po sila.” inis na saad ko.
“ You know what sir, so what kung drug user sila? hindi ibig sabihin nun masamang tao na sila at huwag niyo sila huhusgahan dahil nagkamali sila, sa nakikita ko mabuting tao yung magkaibigan na yun. Nasa simbahan po kayo at katatapos lang po ng misa, mahiya naman kayo.” inis na saad dito ni kuya saka ako hinila.
“ Kuya teka.”
“ Who is he?”
“ Daddy ni Ethan.” pillit na ngiti ko, tumigil naman sya sa paglalakad saka humarap sakin.
“ Seriously?”
“ Yes kuya.”
“ Damn.” di makapaniwalang saad nito, palabas na kami nun sa pinto ng simbahan ng isang pamilyar na mukha yung makita kong naglalakad papasok.
“ Calix?” Maang ko.
“ Harvey, pumunta kami sa bahay ng kapatid mo pero sabi nagsimba daw kayo kaya we’re here.” ngiti nung kasama nito, lumingon naman ako kay kuya.
“ Sya si Jetro Mark.”
“ Harvey it’s Jillian.”
“ Whatever, Mark this is my cousin Jetro and his Friend. What’s your name again?”
“ No need, Kilala ako ni Mark.” ngiti ni Calix sakin saka nagbigay ng makahulugang tingin. “ Kamusta, Finally nagkasalubong uli tayo, how’s Sofhie?”
“She’s fine. Uhm, yeah nice to see you..again.” pilit na ngiti ko, shit! “ Kuya let’s go.” saad ko saka naunang naglakad, agad ko lang pinunasan yung pawis sa noo ko. Damn damn damn! Hindi pwede to.
ITUTULOY
Don't forget to comment hehe mwuah
Walang kupas
ReplyDeleteTulo yung luha ko
Gawa ni Ethan at ni Author tsk
Anong meron kay Mark at Calix?
Urgh..you never fail to make us excited..
ReplyDelete-Zdlig
Gosh and daming luha binuhos ko sa flashback story ni ethan, about mark nmn kunting tiis lng mahahalin karin ni kent sa tamang panahon.. kudos kuya blue sa update👉😘😘😘👍👍👍👏👏👏
ReplyDeleteOMG....paganda ng paganda ang story...can't wait sa susunod na chapter...Thumbs up...👏👏👏👍👍👍😀😀😀
ReplyDeleteWow author. Sobrang galing mo talga! Ang sakit sa puso habang binabasa ung past ni ethan. Kudos for because we know that these things really happen in real life. Religion is a very powerful belief that can really change the course of our lives and history already proved it. I just want to know if u have an inspiration to ethan's past kuya blue? Did it really happen as an experience or other's account? Just curious. Because the writing was so beautifully written it screams so much soul.
ReplyDeleteNakakaawa naman si Ethan. Kapag nakita ko si Ted at yung kapatid nya, naku. Haha.
ReplyDeleteAno kayng connection ni Mark sa mga Fuentez?
Anyway. Nice update Kuya Author!! Galing galing. :) :) Nice update! Sana kuya, makarami ka pang updates bago mag2016. Kudos Kuya Blue!!!
Random question.
Si Ethan is yung bassist ng The Antagonist diba? So tapos na yung kwento nung tatlo. Kanya naman to ano? Ang galing. Kala ko kasi nakalimutan na si Ethan.
Ang ganda ng atake ng kwento nya. Something na nangyayare talaga sa lipunan. Keep up the great work Mr. Author.
Sungit
Pwede ba ipasagasa si ted o kaya sunugin nalang sia ng buhay.. Kawawa naman si ethan.. At what about calix and mark? Hhmm cant wait sa next chapter. Thx sa update.. Kudos! 👏👏👏👏
ReplyDeleteAng daming nakakarelate dun sa aspetong unrequited love, yung loving someone who could not love you back. Harvey loves Mark, but Mark loves Kent, and Kent loves Ethan. But who does Ethan love? Ethan cares about Kent and Mark. Where the hell is Sofhie? Guuuurl, ang boyfriend mo o, mesyedeng mehebe eng hair. Kay Ted pala nababagay ang salitang balbal na “tang ina.” Dapat sa mga katulad niya pinapabottom kay King Kong.
ReplyDeleteParang pinatay si Russell?
ReplyDeleteMasaya siya dahil siya ni Mark tapos nagpakamatay siya?
Omg!!
Grabe naman pala talaga yung Pinagdaanan ni Ethan. .Kakalungkot.
ReplyDeleteTeam Ethan talaga ako. Sino kaya magsasabi sa kanya ng Trombonista ng Buhay ko.?
Maaring si Mark ang pumatay kay Russel sa sobrang selos.....
ReplyDelete-Ignorante
Tingin ko yung magkaibigan (kent and ethan) pa magkakatuluyan eh. Hahaha. About Mark, I hope wala syang dark secrets na may kinalaman kay Russel. I'm still rooting for him and Ethan pa naman. Ayoko yung Ethan at Kent sa huli. Parang mas gusto kong mag best friend lang tlga sila. Thanks Author. Kahit nababawasan yunng excitement ko pag medyo matagal yung update. Salamat sa magandang story.
ReplyDeleteI'm thinking the same na baka nga Kent at Ethan pa magkatuluyan sa huli kasi diba Kent's really into Ethan. Gusto ko sana Ethan at Mark eh. Haha. Pero bahala na si Author.
DeleteI smell something fishy between mark and calix, haha
ReplyDeletenow i truly understand where this two boys came from...
ReplyDeleteboth of them came from a tragic childhood and i felt bad regarding ethan's woe...
TROMBONISTA NG BUHAY KO showcase new flavor, its has an amazing story, unbelievable technique and evrytime i read this... it really moves me... its brings me to another dimension... world in between dreams and reality...
this story captures my inner strength, it open my mind and let mark ethan and kent be part of my system...
TROMBONISTA NG BUHAY KO is an epitome of the modern pinoy m2m stories...
kudos to the author and thank you for this amazing story...
#LSDee_fall4ethan
Ngayon ko lang naisip.hindi kaya may kinalaman si mark sa pagkamatay ni russel.? May chapter akong nabasa na humingi sya ng sorry kay russel .tas may tinatagong gamit pa syang gamit ni russel.? Tas matagal na sya may gusto kay kent.at ngayon sabi nung katulong nila mark bago mamatay si russel pumunta pa ito at masayang sinabi na mahal na sya ni kent? Omg sana mali yung naiisip ko. .gusto ko pa naman sana sila nalang ni ethan.hayyysss sana wala talaga sya kinalaman.
ReplyDeleteNgayon ko lang naisip.hindi kaya may kinalaman si mark sa pagkamatay ni russel.? May chapter akong nabasa na humingi sya ng sorry kay russel .tas may tinatago
ReplyDeletepa syang gamit ni russel.? Tas matagal na sya may gusto kay kent.at ngayon sabi nung katulong nila mark bago mamatay si russel pumunta pa ito at masayang sinabi na mahal na sya ni kent? Omg sana mali yung naiisip ko. .gusto ko pa naman sana sila nalang ni ethan.hayyysss sana wala talaga sya kinalaman.
Sana talaga Author walang kinalaman si mark. Gusto ko talaga sila ni ethan magkatuluyan. Mas kinikilig ako sakanilang dalawa. .ayaw ko magkatuluyan si ethan at kent. Solid mag bestfriend sila e.
ReplyDeleteSana talaga Author walang kinalaman si mark. Gusto ko talaga sila ni ethan magkatuluyan. Mas kinikilig ako sakanilang dalawa. .ayaw ko magkatuluyan si ethan at kent. Solid mag bestfriend sila e.
ReplyDeleteAng masasabi ko lang... subrang tanga to the highest level si mark. Sana gawaran sya ng isa sa mga tangang tao this year. Alam na nyang di sya mahal ni kent. Pinipilit parin... c'mon. Move on na mark..,, tsk!!!!!
ReplyDeleteSana mabugbog din yan tatay ni Ethan.ipamukha sa kanya ang kasalanan nya.gosh pastor pa nman..
ReplyDeleteEdsu of pampanga
sobrang hirap pla ang pinagdaananni. ethan,huh! mukhang magkakarun ng another twist sa story mo ah. he he he. nice author!
ReplyDeleteSobrang ganda po ng flow ng stories at ang daming twists. The other day ko lang napansin itong new story na to from you author kaya I've decided na basahin agad mula Teaser hanggang 17th chapter. Super ganda talaga at medyo tear-jerker din. Sana mahaba pa 'tong kwento na to. Hehe.
ReplyDeleteBtw, sana Ethan x Mark sa bandang huli pero mukhang Kent x Ethan eh,sobrang gusto kasi ni Kent si Ethan. Haha. Pero ok lang kahit sino. Keep it up author.
- Twelfth
Where's the next chapter?
ReplyDeleteGrabe ang luha ko dahil kay ethan! 😭😭😭
ReplyDelete